You are on page 1of 3

INTRO: (Radio station and segment)

Alas onse na ng gabi, nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang bunsong anak na
makauwi.
Nanay: Anong oras na Mika, uwi bay an ng matinong babae? Mika! Kinakausap pa kita,
sumagot ka.
Walang imik si mika at Diretsyo lang sa pagpasok sa kanyang kwarto.
Nanay: Mika!
Mika: Bakit ba Ma?
Nanay: Saan ka galing? Anong oras na?
Mika: Alangan Ma, pumasok ako kanina.
Nanay: Huwag kang magsinungaling. Dumaan dito si Marco sinabi niya hindi ka raw pumasok.
Saan ka galing?
Bumulong si Mika. Kinuha niya ang bag niya at nag-empake ng kaunting damit.
Mika: Hay naku, kahit kailan talaga nakakainis naman si Marco. Napakapakielamero
Nanay: Oh! Saan ka na naman pupunta? Kauuwi mo lang.
Mika: Duon muna ako sa kaibigan ko.
Nanay: Hindi ka lalabas.
Mika: Duon nga lang ako sa kaibigan ko.
Nanay: Bakit! Anong gagawin mo dun? Bakit ba gustong-gusto mong umaalis ng bahay?
Mika: Mas gusto ko nga dun Ma.
Habang nagkikipag-agawan ng gamit ay nahulog ang isang maliit ng supot. Dali-daling
kinuha ito ng Nanay.
Nanay: Ano ito? Gumagamit ka na naman? Diba sinabihan ka na ng ate mo? Akala namin
tumigil ka na sa paggamit ng shabu. Bakit gumagamit ka pa din?
Mika: Akin na yan Ma. Akin na. Akin na!
Nanay: Sasabihin ko yan sa ate mo.
Mika: Edi sabihin niyo. Lagi ka namang puro ate. Nakakarindi na mga sermon niyo.
Nanay: Paanong hindi ka namin sesermonan palagi eh lagi ka naman sumusuway. Mika
matanda ka na…
Mika: Ayun nga Ma, matanda na ako. Third year college na ako Ma. Alam ko na ginagawa ko.
Nanay: Tigil tigilan mo yang ginagawa mo. Tularan mo ate mo.
Mika: Ate, ate, ate.
Nanay: Hindi ka na ba nahiya sa akin lalo na sa ate mo?
Mika: Ate, ate, ate. Palagi na lang si Ate. Di ka na nahiya sa ate mo, tularan mo si ate mo,
tingnan mo si ate mo. Lagi na lang.
Nanay: Bakit ka ba kasi nagkakaganyan. Hindi ka naman ganyan noon ah.
Mika: Alam mo na inay kung bakit.
Nanay: Hindi ako magtatanong kung alam ko.
Mika: Puro na lang kayo si Ate, gusto niyo tularan ko siya. Alam ko naman ang gusto ko. Gusto
kong pumasok sa banda Ma.
Nanay: Wala kang mapapala dyan. Magpulis ka na lang din katulad ng Ate mo.
Mika: Ayoko. Aalis na ako Ma.
Nanay: Maghintay ka, pauwi na rin ang Ate mo.
Mika: Aalis na ako Ma.
Nakuha Mika ang gamit at maliit supot na naglalaman ng shabu sa kanyang ina. Habang
papalabas sa kwarto ay nakita niya ang nakatatandang kapatid na nakatayo sa pintuan.
Nakasuot ng unipormeng pangpulis na may pangalang PO1 Sanchez at masama ang titig
sa kanya.
PO1 Sanchez: Saan ka pupunta?
Mika: Sa kaibigan ko po ate.
PO1 Sanchez: Anong oras na, aalis ka pa? Ano yang hawak mo?
Mika: Wala ito.
PO1 Sanchez: Ibigay mo sa akin.
Mika: Wala lang ito.
PO1 Sanchez: Ibibigay mo sa akin o ako ang kukuha?
Inabot ni Mika ang supot na naglalaman ng shabu
PO1 Sanchez: Aanhin mo ito? Kailan ka pa ulit gumamit neto?
Mika: Nito lang.
PO1 Sanchez: Umayos ka ng sagot. Baka gusto mong ako ang humuli sayo.
Mika: Edi huliin mo.
PO1 Sanchez: Hali ka rito at pumunta tayo sa presinto.
Nanay: Anak huwag! Pagsabihan mo na lang siya. Huwag mo ng isumbong.
PO1 Sanchez: Ma, hindi siya magtatanda kapag ganyan. Ilang beses na siyang sinabihan tapos
ano uulit na naman.
Nanay: Basta wag mo siyang ipakulong.
PO1 Sanchez: Mika, umayos-ayos ka. Ano bang problema mo at gumagamit ka na naman?
Mika: Kayo.
PO1 Sanchez: Anong problema mo?!
Mika: Kayo nga! Simula noong namatay si Papa parang hindi ko na nagawa ang mga gusto
kong gawin. Si Papa lang lagi kong kakampi. Ayokong magpulis, ayokong mamatay katulad ni
papa. Hindi niyo na ako makuha?
PO1 Sanchez: Alam mo kung sino pumatay kay papa? Yung mga gumagamit ng droga, hindi
ang pagiging pulis niya. Huwag mo silang tularan.
Mika: Mas gusto kong ang ginagawa ko.
PO1 Sanchez: Ang mag-adik? Yan ba?
Mika: Hindi, gusto ko yung hindi niyo ako dinidiktahan. Gusto kong gawin ang passion ko.
Habang nagtatalo ang magkapatid ay may pumunta na mga pulis. Nagsumbong pala ang
kapitbahay nila si Aling Cely na naririnig ang kanilang pagtatalo. Kumakatok ang pulis na
pinagbuksan ng Nanay nina Mika.
PO2 Valdez: Magandang gabi po Ma’am, may nagreport po rito na may nag-aaway.
Nanay: Ma’am away lang po ito ng pamilya.
PO2 Valdez: May nakapagsabi rin po na may gumagamit rito ng ipinagbabawal na gamot?
Nanay: Wala po Ma’am.
PO2 Valdez: Pwede ko po bang kausapin ang mga nagtatalo Ma’am?
Nanay: Sige po Ma’am. Mga anak kakausapin daw kayo ng Pulis.
Lumabas ang magkapatid sa kwarto. Lumabas si PO1 Sanchez at huling lumabas si Mika.
Nagulat si PO2 Valdez nang makita si Mika dahil siya ang hinahanap na nagbebenta
kanina ng pinagbabawal na gamot. Nakatakbo ito kanina at kasalukuyang pinaghahanap
ng mga pulis. Nang makita ni Mika si PO2 Valdez ay dali-dali nitong kinuha ang baril na
nakasabit sa bewang ni PO1 Sanchez at tumakbo palayo. Agad- agad nilang hinabol
Nanay: Anak, sumuko ka na lang!
PO1 Sanchez: Mika!
Isang putok ng baril ang nagpatigil sa pagtakbo ni Mika. ```````````

You might also like