You are on page 1of 11

"Hi Miss!" Hmp! Bastos talaga ang mga tambay na 'yun.

'Di na nga nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, wala pang mga ugali. Inis na naglakad pauwi sa bahay niya si Lyca at iniisip pa rin ang mga walang kwentang tambay sa kanto na sumisi pol sa kanya kanina. "Badtrip!" "Chill lang, Lee. Ano bang nangyari't umuusok 'yang ilong mo sa galit", pag-uusi sa ni Andy, pinsan n'ya at kasama sa bahay. "Nakakairita kasi 'yung mga tambay do'n sa kanto." "'Te, breath in, breath out. Pati ba naman 'yung mga tambay na 'yun sa kanto kai langan mo pa isipin? Hindi ka pa ba masaya na pinoproblema mo pa nga pang-tuitio n ng mga kapatid mo at gusto mo pa dagdagan?" "E kasi... Ay ewan! Bakit ko nga ba pag-aaksayahan ng panahon ang buhay nila? Pa kialam ko kung wala silang kinabukasan. Ay naku, Dee, hindi ko na nga alam kung pa'no ko mapapadalhan sina Inay ngayon. Hindi na ako makabale at kababale ko nga lang nung isang linggo dahil naospital naman si Itay." "May pera pa ako dito. P'wede naman kita pahiramin." "Naku, nakakahiya na sa'yo. Ikaw na nga nagbabayad nitong bahay, tapos hihiram p a ko sa'yo." "Dami mo naman ka-echosan pinsan. Para sa'n pa at magpinsan tayo kung hindi nama n tayo magtutulungan? P'wede mo naman ako bayaran 'pag nagkapera ka na. 'Wag ka mag-alala, may listahan ako ng lahat ng hiniram mo sa 'kin." "Pinsan naman e." "JOKE lang. Napaka-serious mo naman. Ito ng dalawang libo o, padala mo na kina T ita." "Salamat talaga pinsan. Dabest ka talaga." "Kuu, 'wag mo na ko bolahin. Sige na, magpalit ka na at sumabay ka na sa'kin kum ain." "Opo" sagot ni Lyca at tumungo na sa kwarto niya't nagpalit ng pambahay. Graduat e s'ya ng Accountancy at nagtatrabaho sa kumpanya ng isang kilalang business tyc oon sa bansa. Kalahating taon na s'yang nagtatrabaho dito at swerte na s'ya dahi l nakapasok agad s'ya dito kahit bagong graduate lang s'ya. S'ya ang breadwinner ng pamilya n'ya dahil ang tatay n'ya ay hindi na makakapagtrabaho dahil sa nalu mpo ito dahil sa isang aksidenteng nangyari sa construction site na pinagtatraba huhan nito dati. Ang nanay naman niya ay tindera ng gulay sa palengke. Apat sila ng magkakapatid at panganay s'ya. Bata pa ang mga kapatid n'ya kaya't kailangan n'ya talagang magtrabaho ng maayos dahil lahat ito'y nag-aaral pa. Lumabas na s'ya at pumunta ng kusina nila. "Akala ko 'di ka na lalabas e", bati ng pinsan n'ya. Nginitian lang s'ya ni Lyca at dumulog na s'ya sa hapag-kainan. "Pinsan, may itatanong ako sa'yo", wika ni Dee ( nickname po ni Andy )

"Hmm?" "Bakit ba hindi ka pa nagboboyfriend?" "Kailangan ko pa bang sagutin 'yan?" "Siguro. Tinatanong kasi kita e." "Loka. E kasi po kaya. Alam mo naman 'di ba na sa 'kin umaasa buong pamilya ko?" "O, e ano ngayon? Pasensya, I'm slow." "Sa'n pa ko kukuha ng oras para sa buhay pag-ibig na 'yan? Busy ako sa pagtatrab aho. At isa pa, hindi pa ko nakakikita ng lalaking pasok sa standards ko." "At ano naman 'yang mga standards na 'yan?" "Una, dapat well-off s'ya. May sariling business at independent. Tapos, responsa ble, dapat alam n'ya kung ano ang isang matinong relationship." "Pinsan alam ko na kung ano ang hinahanap mo. Matandang Mayaman na Madaling Mama tay." "Loka-loka ka talaga. Hindi no! Gusto ko, halos kaedad ko lang, may mabuting kal ooban, may patutunguhan sa buhay at gwapo." "Alam mo may kulang ka sa standards mo e." "Ano naman?" "Sana tao din 'yung gusto mo", sabi nito sabay tawa. "Ewan ko sa'yo", pagkasabi nito ay tumayo na s'ya at dinala ang pinagkainan sa l ababo. "Bakit naman parang nagmamadali ka", usisa ni Dee. "Ipapadala ko na kasi sana 'yung pera dahil maaga pa ko bukas tapos mag-oovertim e pa ko." 'Samahan na kita?" "Wag na kumain ka na lang diyan." "Ok. Ingat ka." Pagkatapos hugasan ang pinagkainan niya ay nagsepilyo lang s'ya at umalis na. Maaga pa naman, mag-iika-anim pa lang ng gabi.. Bukas pa ang MoneyTransfer sa ka nila. Malapit na s'ya sa kanto, at isang diretso nalang nang may isang lalaking sumaba y sa kanya maglakad. "Miss, wag kang sisigaw. Akin na ang pera mo para hindi ka masaktan", pagkasabi nito ay tinutukan s'ya ng lanseta sa tagiliran. "Manong, wala po akong pera." "Wag mo kong pinaglololoko at hindi ako nangingiming saksakin ka. Iabot mo na ng

di ka masaktan." Dahil sa takot ay iniabot ko na sa holdaper ang dala kong pera. Pagkuha nito do'n ay daglian itong tumakbo. "Holdaper", sigaw n'ya,"tulungan n'yo po ako!" May isang lalaking nakadanggil sa kanya at mabilis ding tumakbo sa direksyon na tinahak ng magnanakaw. Dahil sa curiosity ay sumunod din si Lyca sa kanila. Nang maabutan n'ya ang mga ito'y nakita n'yang binubugbog nung estranghero 'yung magnanakaw. Dahil sa mukhang naggi-gym ung estranghero at medyo 'chubby' yung h oldaper ay madali itong napabagsak. 'Ang bulok naman nung holdaper' nasaisip ni Lyca', dali n'ya mapatumba.' "Sa susunod, maghanap ka ng trabaho at 'wag kang magnakaw", sigaw ng estranghero dun sa bugbog-saradong holdaper. "Miss, ito na ang pera n'yo." 'Wait, parang pamilyar sa 'kin 'yung boses na 'yun', wika ni Lyca sa sarili niya . "Miss, okey ka lang?" 'Kilala nga n'ya!' "Ikaw 'yung tambay sa kanto na nag-hi miss sa'kin kanina!" "Miss, tinulungan na kita ha. Wala na kong atraso sa'yo." "Ang lakas ng loob mong magpayo dun sa holdaper na maghanap ng trabaho e tambay ka lang naman", mataray na sabi ni Lyca. "Miss, tinulungan na kita tapos ang taray-taray mo pa. P'wede namang magpasalama t 'di ba?" "Salamat", pasigaw na sabi nito at pagkatapos ay umalis na. 'Nakakaasar na tambay 'yun. Ang yabang-yabang! Kung makapayo, bakit, may trabaho ba s'ya? E dakilang tambay nga lang s'ya', nasasaloob ni Lyca. Nagmadali na s'yang pumunta sa MoneyTransfer para maipadala na ang pera sa mga m agulang niya. Pagkatapos na pagkatapos n'ya makapagpadala ay diretso na agad s'ya sa kanila. "Pagod na ko. Kailan ba giginhawa ang buhay ko? Lagi na lang akong may problema. Buhay nga naman o, para talagang life", wika ni Lyca sa sarili. "Masaya ba kausapin ang sarili?" Sino 'yu--?! Anak ng pusa naman o, ano bang problema ng tambay na 'to, tanong niya sa sarili.

Hindi s'ya pinansin nito at nagdirediretso lang sa paglalakad. "Invisible na ba ako?" Ngunit nagsawalang bahala pa din si Lyca. "Psst", muling sabi ng tambay with matching kalabit pa. Dahil nabadtrip na rin si Lyca ay hinarap n'ya ito. "Ano bang problema mo?!" "Ah... eh.." "Kung wala kang magawa sa buhay mong walang kwenta, 'wag kang manggulo ng iba! K ung gusto mo lang rin namang manggulo hanapin mo mga kapwa mo tambay!" Ang kaninang nakangiting lalaki ay naging masama na ang tingin sa kanya. "Alam mo, hindi porke't may trabaho ka, may kwenta na ang buhay mo. May pinag-ar alan ka nga pero wala ka namang ugali. Wala ka ring karapatang husgahan ako dahi l hindi mo ko kilala. Nakita ko kasi itong cellphone mo, nalaglag siguro kanina, ibabalik ko lang sana." Pagkaabot ng lalaki ng cellphone ay tumalikod na ito at umalis. "Hmp! Walang hiyang lalaki 'yun! Ang lakas ng loob n'yang sabihing wala akong kw enta! Tambay lang s'ya! Wala s'yang karapatang sabihin 'yun", bulong ni Lyca sa sarili habang inis na inis na naglalakad pauwi sa kanila. Pagkapasok ni Lyca sa bahay nila ay nanunuod pa ang pinsan n'ya ng TV. Naramdama n nito ang pagpasok niya kaya nilingon s'ya nito. "O, anong nangyari? Nakipagpatayan ka ba sa labas? Bakit ganyan itsura mo?"" Pabagsak na naupo si Lyca sa tabi ng pinsan niya. "Mga walang kwentang tambay. Mga ewan na nilalang. Mga walang silbi sa mundo. Mg a hindi na dapat pa nabubuhay!" "HOY! Lee! Ano 'yang mga pinagsasasabi mo? Ayos ka lang ba?" "Mukha ba akong ayos", pagalit na sabi ni Lyca,"ewan! Matutulog na ko. Goodnight ", pagkasabi nu'n ay iniwan na ni Lyca ang pinsan na tulala at nagdiretso na s'y a sa kanyang kwarto. Pagdating sa kanyang kwarto ay binagsak n'ya na ang kanyang pagod na katawan sa hindi niya kalambutang kama. "Badtrip!" *kriiiiiiiing.... * ( cellphone na tumutunog ) "Hello", sabi ni Lyca pagkasagot sa tawag. "Hello", sagot ng nasa kabilang linya. "Sino ito?" "Wala", sagot ng nasa kabilang linya at pagkatapos ay pinatayan na s'ya nito.

'Ay paking teyp!' Pinilit ni Lyca na matulog kahit pilit pa rin siyang binabagabag ng kanyang pagk aasar at pagkainis. Makalipas ang isang oras ay dinalaw na rin siya ng tulog na kanina niya pa inaasam. "Hindi naman masama maging tambay e", sabi ng isang boses. "Oo nga. Kung tumatambay lang sila tapos wala namang ginagawa", sabi pa ng isang boses. "Tomo. Kung nakaupo ka lang naman, e anong masama dun?" "Oo nga. Lahat naman ng tao e umuupo a." "Tama ka d'yan." "Parang itong babae lang ata na ito ang may problema sa mundo e." "Tomo, reklama ng reklamo ng tungkol sa mga tambay." "Oo nga. Feeling naman niya ang laki ng natutulong niya sa ekonomiya ng Pilipina s." "Ganyan kasi 'pag may pinag-aralan. Pakiramdam nila sila na ang pinakamagaling." "E 'di ba, karamihan nga sa mga scientist e hindi tapos mag-aral. Pero tingnan m o, sobrang sikat sila." "Oo nga. E bakit siya? Sikat ba s'ya?" "Hindi naman." "S'ya kasi ang walang kwenta." "Oo nga. Ang yabang lang naman talaga niya." "Sobra!" "Super!" "Bonggang-bongga!" "Much!" "Dapat s'ya ang 'di nag-eexist e." "Oo nga, siya at ang mga kasama niyang mapangmata." "Gusto niyo ngayon na?" "Wag na natin siya hayaang makatakas at makapangmata pa." "Sige, let's go!" "Gora!" "Bamos!" ==================================== What the -- ?!

Disembodied voices.

Na...

Gusto ako...

PATAYIN!

Anong ginawa ko?

Ang bait-bait kong tao.

Hindi na nga ako nagrereklamo kahit wala akong natatanggap, kahit lahat naibigay ko na at kahit wala nang natitira.

Bakit parang ang sama ko pa din?

Masama ba ako?

====================================== "Pinsan, kain ka muna bago ka pumasok", alok ni Andy. "Pinsan..." "O, ano 'yun? May problema ba?" "Masama ba akong tao?" "Hindi. Bakit mo naman natanong 'yan?" "Naisip ko lang." "Ay kuu~~ kung anu-ano naiisip mo. Kain na lang tayo." "Tara." Pero hindi pa rin magawa ni Lyca na ngumiti. "O, kain na tayo. Wag ka na mag-isip." Dumulog s'ya sa hapag kainan ng wala ang isip sa pagkain. Pagkakain ay iniligpit na lang n'ya an pinagkainan niya at pumasok na sa opisina . ------------------------------------------------------------'Ang bagal ng oras', nasaisip ni Lyca. Nasa isa s'yang miting. Isinama s'ya ng boss niya dito para mag-note taking pero , kalahating oras na ngunit blangko pa rin ang papel na dapat ay napuno na niya ng sulat. "Miss Ramos, aren't you supposed to be taking notes", sita sa kanya ng boss niya .

"Ah.. Yes, sir." "I am paying you to do your job, not to daydream on your office hours." "I'm sorry, sir." --------------------------------------------------------------Muntik na s'yang mawalan ng trabaho dahil du'n. 'Ang leshe naman kasi ng panaginip ko e. Isipin mo papatayin ka sa panaginip mo. Nakakatuwa ba 'yun?' Katatapos ang niya mag-overtime at siya ngayon ay pauwi na. Kasasakay niya lang ng jeep. One jeep ride away lang naman kasi siya sa pinapasukan niyang opisina. After 30 minutes, kasama n 'dun ang heavy traffic flow ay pababa na siya ng jeep . Maglalakad na lang siya mula sa kanto papunta sa bahay nila. Nagtitipid kasi s iya kaya imbes na sumakay sa tricycle at magbayad ng special fare ay nilalakad n iya lang ito. Tahimik ang daan. Ika-siyam na kasi ng gabi kaya wala na masyadong mga tao sa la bas. Hindi naman madalas na umuuwi ng ganito ka-late si Andy. Katunayan, mabibil ang lang sa daliri niya sa kamay ang beses ng pag-uwi niya ng late. Di naman kas i siya pala-overtime, nagkataon lang na madaming problema sa bahay nila ngayon k aya napilitan siyang mag-OT. "Hi Miss", bati ng mga nag-iinom sa isang tindahang bukas na nadaanan niya. 'Wag mo pansinin', 'yun lang ang sinasabi ng isip niya. "Ay mga 'tol, suplada si Miss o. Porke't maganda s'ya, suplada na." 'Hindi ako magrereact, go lang', muling sabi niya sa sarili niya. Naramdaman na lang niyang may sumusunod na sa kanya. 'Don't be paranoid', bulong niya ulit. "Miss, sandali lang. Masyado ka namang nagmamadali e. Hintayin mo naman kami", s abi ng mga mag-iinom na sumusunod na sa kanya. Binilisan lalo ni Andy ang lakad at tahimik na nagdadasal na sana 'di s'ya ang s inusundan ng mga ito kahit na pakiramdam niya ay s'ya lang naman ang naglalakad dun. "Mga 'tol, ang bilis talaga maglakad ni miss. Gusto ata niya habulan e." 'Tae. Anong habulan? Lubayan niyo ko' sigaw ng isip niya. Malapit na ang mga tambay sa kanya. Nararamdaman ito ni Andy dahil lumalakas na ang yabag ng paa sa likod niya. 'Anong gagawin ko?!' "Huli ka!" Naabutan na si Andy ng isa sa mga sumusunod sa kanya. "Mga tol! Una na ko dito! Yummy to!"

'Sira ulong tambay! Anong yummy?!' "Tulooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooong!" "Tumahimik ka!" "Saklolo! Rapist! " 'Sana may dumating.. Please...' Paiyak na si Andy dahil ngising-ngisi na ang tambay na nakaabot sa kanya. Hawak nito ng mahigpit ang braso niya kaya't hindi din s'ya makapalag. Ilalapit na nit o ang bibig nito sa kanya. "Yuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuck!" Wait for the inevitable. T.. To.. Too.. Toot.. 'Ang tagal naman. Sayang effort sa pagsigaw at pagpikit.' "Okay ka lang ba?" 'Wow. Pamilyar na boses sa tahimik na paligid. Heaven na agad?' "Miss, p'wede mo na buksan mata mo. The coast is clear." 'Seryoso ba s'ya?' Dahan-dahan niya nang minulat ang kanyang mata. O.O "I--kaw ang nagligtas sa 'kin?" Tiningnan lang s'ya nito. "Sa--lamat.." Nakita niya na nakatumba na sa daan ang mga tambay, tulog na ata. Pagkasabi nun ay nagsimula na ulit siyang maglakad pauwi sa kanila. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng bigla siya napatigil at lumingon sa likod. 'He's still there. Kalilimutan ko muna ang pride chicken na yan.' "Hey, mister." Lumingon ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Ah... eh... P'wede bang..." "Ano?" "P'wede bang magpahatid sa'yo sa bahay."

'Ayan! Nasabi ko na!', bulong ni Lyca sa sarili. "Ayoko." 'What?!' 'Di na malaman ni Lyca ang isasagot kaya't tumalikod na s'ya at naglakad na pauw i. Natatakot man s'ya at kinakabahan ay wala nama s'yang magagawa. "Ayoko. 'Di ba tambay lang ako. 'Di ba wala kang tiwala sa mga tambay. 'Di ba wa lang kwenta ang mga tambay?" Napatigil si Lyca sa paglalakad ng marinig ang mga tinuran ng lalaki. Totoo nama n nga kasing sinabi n'ya ang mga bagay na 'yun kaya't hindi niya ito maitatanggi . "'Di ba wala naman kaming naitutulong sa ekonomiya", pagpapatuloy pa nito. "Sorry", narinig na lang ni Lyca na binulong ng sarili. Pagkatapos ay nagpatuloy na ulit s'ya s paglalakad. Masyado na s'yang pagod at t akot kaya't wala na 'din s'yang sapat na lakas para makipagtalo pa. Pagod na siy a sa kapoproblema ng kung anu-anong bagay at pagod na rin s'yang mag-isip. Ang g usto niya lang gawin ngayon ay ang magpahinga. =========================================================== "Ano? Okay ka na ba", nag-aalalang tanong ni Dee. 'Ha? Bakit? Anong nangyari? Bakit may worried look s'ya sa mukha niya?' "Lee, magsalita ka kaya. Nakakainis ka naman e. Ano bang nangyari sa'yo?" 'Bakit? May nangyari sa'kin?' "Hoy Lee! Pag di ka pa nagsalita tatawagan ko na sila Tita." "'Wa--g..." 'Bakit ganun boses ko? Parang ang hoarse.' "Nagsalita ka na!" Pagkasabi nu'n ay bigla na lang siyang niyakap ni Dee. "A--no ba problema mo? A--no ba-ng nang--yari?" Nakita lang ni Lee na nangunot ang noo ng pinsan niya. "A--no?" "You honestly don't know?" Tumango na lamang si Lee. "May naghatid na lalaki sa'yo dito kagabi. Sabi niya, "she passed out while I wa s talking to her". Yun exactly sinabi niya. Nganga nga ako e, akala ko magno-nos ebleed na ko. Tapos sabi niya, "where's her room", dahil shock lang ako kaya ayu

n, tinuro ko sa kanya kwarto mo. Ibinaba ka niya diyan sa kama mo tapos sabi niy a,"maglagay ka ng malamig na tubig sa isang planggana tapos kumuha ka na din ng bimpo". Nakakatakot siya mag-utos, pakiramdam ko nga amo ko lang s'ya kung magutos siya e. Kaya ayun, kumuha ako. Tapos pinunasan ka niya. Don't worry cuz', k asi binantayan ko s'ya kasi baka mamaya pagsamantalahan ka niya e. Tapos pagkata pos ka niya punasan, lumingon ulit siya sa 'kin, sabi niya palitan na daw kita n g damit. Tapos nu'n umalis na s'ya." 'He carried me home? Lan'ya, lumalaki na lalo utang na loob ko sa kanya.' "Okay ka na ba? Hindi ka man lang nagsasabing nilalagnat ka na pala." "'Di ko din naman alam, basta masama na pakiramdam ko pag-uwi ko kagabi. Teka, a nong oras na ba?" "1:30 na. lampas 12 hours ka ngang tulog e." "Ano?!" Nagmadaling bumangon si Lee at tumayo. "Uy, sa'n ka naman pupunta?" "Ba't di mo ko ginising? Papasok ako! Kahit half-day na lang." "Baliw ka ba? Nilalagnat ka nga 'di ba?!" Hindi na ito pinansin ni Lee, kinuha na ang tuwalya niya at pupunta na sa banyo. "Pinsan, tumawag na ko sa opisina niyo. Sabi ko, absent ka kasi may lagnat ka. N akausap ko pa nga e boss mo ata mismo, sabi niya okay lang daw at 'i hope she'll be okay soon. tell her to take a rest and drink lots of water'. Grabe, puro mga englishero mga kakilala mo." "Sinabi n'ya talaga 'yun?" "Nung boss mo? Oo. Kaya bumalik ka na dito sa kama. Dadalhan na lang kita ng pag kain dito." "Wag na. Kain na lang tayo sa baba. Kaya ko na naman e. Sabayan mo ko ha." "Okay." Katahimikan lang ang namagitan sa kanilang dalawang magpinsan. Si Lyca ay naglal akad lang ng diretso at nasa malalim na pag-iisip samantalang ang pinsan niyang si Andy ay tinititigan lang siya. Pagdating nila sa baba ay naghain na si Andy ng pagkain at si Lyca ay tahimik la ng na naupo. "Pinsan", pambabasag ni Dee sa katahimikan,"ayos ka na ba talaga?" "Ha?" "Sabi ko ayos ka lang ba? Lee, para kasing ang lalim ng iniisip mo e." "Wa--la.." 'Bakit nga ba ako nagkakaganito', takang tanong ni Lee sa sarili.

Balik na naman sila sa katahimikan na nabasag lamang ng mahinang katok sa pinto. "Sandali lang, Lee." "Ako na magtutuloy nito." Itinuloy na nga ni Lee ang paghahain habang pilit na winawaksi sa isipan ang lal aking nagligtas sa kanya kagabi. "Pinsan, wala namang tao e. Itong kaserola lang ng sinigang na baboy ang nakita ko sa may pintuan natin." "Kanino naman kaya manggagaling yan?" "Di ko alam. Mukha bang alam ko? Tss.." "Sungit mo Dee." "Di ko nga alam e. Kaserola lang naman kasi talaga ang nandu'n", pagkasabi nito' y sinipat-sipat pa niya ang labas ng kaserola. "Wait lang cuz! May something sa ilalim, pakikuha." Kinuha nga ni Lee ang "something" sa ilalim. "Dapat naman minsan magpahinga rin ang tao. Tandaan, hindi machine ang tao at ku ng machine man ang tao, wala namang perpetual machine. Ingatan mo sarili mo." "Lee! May secret admirer ka! At may perpetual machine pang kasama! Naks naman, p arang ang intelektuwal naman ng taong yan!

You might also like