You are on page 1of 4

BEGINNING:

1ST SCENE
*The alarm's ringing
(Nag-alarm yung MC ng 6 am)
Yhuvy: Reynald, gising na!
Reynald: (Nagising sa alarm at tawag ng nanay niya.)
Reynald: Ito na po, Ma.
*Bumangon si Reynald sa higaan at inayos ang kaniyang kama, pagkatapos ay lumabas na
siya sa kwarto upang pumunta sa kusina.
*Naka-upo na si Trisha sa upuan ng lamesa.
Trisha: Good morning, kuya!
*Pumunta si Yhuvy sa lamesa na may dalang almusal galing kusina.
Yhuvy: Bilisan niyo nang kumain at baka malate kayo.
Reynald at Trisha: Opo mama, bibilisan po namin.
*Tapos na kumain ang magkapatid at handa nang umalis ng bahay.
Reynald: Dito na po kami, Ma.
Trisha: Bye po!
Yhuvy: Goodluck sa school mga anak.

2ND SCENE
*Nasa gate na ng school sila Reynald at Trisha. Maghihiwalay na sila kasi magkaiba sila ng
room.
Trisha: Bye po, Kuya! Magkita nalang po tayo mamaya sa bahay.
Reynald: Paalam din, galingan mo ha?
Trisha: Opo kuya.
*Tinapik ni Reynald ang ulo ni Trisha at nginitian.

3RD SCENE
*Naghihintay ang mga tropa ni Reynald sa tapat ng gate.
*Nag-uusap ang mga tropa ni Reynald bago siya pumunta sa kanila
Marinel: Uy, basta yung sinabi ko ha? Minsan lang naman.
*Hindi maririnig ni Reynald kasi papalapit palang siya.
G2: Nandyan na pala si Reynald, tara na.
*Pagkadating ni Reynald sa kinaroroonan nila, aakbayan ni Don si Reynald at sabay-sabay
silang pupunta sa room nila.

4TH SCENE
Allysa: Graduating na kayo, may chance na hindi kayo maka-graduate if magloloko kayo. Kaya
ayusin niyo. And as far as I've known, si Reynald ang valedictorian natin.
*Lahat ng student ay magpapalakpakan.

5TH SCENE
(Uwian na nila)
*Sabay umuwi si Reynald at Trisha.
*The rest na magtrotropa yung magkakasabay.
Reynald: Una na ako mga pre, kasabay ko kapatid ko.
Don: Ingat kayo, tol.
*Habang papalayo si Reynald, kumakaway yung mga tropa niya.
Patrisha: Tara na guys!
*Nag-ibang way yung magtrotropa at pumunta sa abandoned place.
G2: Sigurado ka bang dito yon? Parang abandonado na to, e.
Patrisha: Oo, nandito na nga tayo.
*Pagkapasok nila sa lugar na yon, may taong nandoon.
Atasha: Uy! Long time no see! Sino yang mga kasama mo?
Patrisha: Mga kaibigan ko, boss.
Atasha: G ba?
G2: Let's go guys!
Marinel: Bomba na!
*Nilabas ni Atasha yung drugs na galing sa bag niya.
*Nagtatawanan sila habang nagta-take ng drugs.
*Nag flashback ang usapan ng magkakaibigan bago dumating si Reynald.

6TH SCENE (Flashback)


Don: Malapit na pala tayong grumaduate, ‘no?
Patrisha: True! Ang bilis nga, e.
Marinel: May naisip ako.
G2: Ano na naman ‘yang naisip mo?
*Nag tawanan ang magkakaibigan.
Marinel: What if subukan natin mag drugs?
Don: Sira ulo ka ba?
Marinel: Curious lang ako kung anong feeling mag take ng drugs, ‘no!
Patrisha: Sa bagay, naisip ko rin ‘yan. Since ggraduate naman na tayo, bakit hindi?
G2: Seryoso ba? Baka naman mapahamak tayo riyan.
Don: Oo nga. Hindi ba masyadong delikado ‘yan?
Marinel: Hay nako. Kung ayaw niyo, edi kami na lang. G ka ba, Pat?
Patrisha: Naman. May kakilala akong source. Anytime ‘yon.
Don: Sige na nga, sasama kami.
G2: Oh, nandiyan na pala si valedictorian.
Marinel: Uy, basta yung sinabi ko, ha? Minsan lang naman.

7TH SCENE
*Natapos ang kanilang session at naghahanda na silang umuwi.
G2: Solid, pre.
Patrisha: Sabi sa inyo, eh!
*Nagtawanan sila at nagpaalam na sa isa‘t-isa.
Don: Una na ako, tol
Marinel: Tara na, ang lakas na ng amat ko.
Patrisha: Bossing, salamat!
8TH SCENE
*Nasa school na ang magkakaibigan nang may mapansin si Reynald dahil inaantok ang mga
kaibigan sa klase.
Reynald: Ano ‘yan? Bakit parang puyat na puyat naman kayo?
Don: Antok lang talaga, pre
Allysa: Okay, class. Since malapit na matapos ang taon, ibibigay ko na sa inyo ang inyong final
project. Kayo na ang bahalang bumuo ng inyong grupo na may limang miyembro. Malinaw?
G2: Uy, matic na ‘yan

9TH SCENE
*Napagdesisyonan ng magkakaibigan na sa bahay na lamang nila Reynald gumawa ng
kanilang final project.
Yhuvy: Oh, anak, may mga bisita ka pala. Maupo kayo.
Reynald: Mga kaibigan ko po, Ma. Malapit na po kasi graduation kaya kailan namin matapos
agad yung project namin.
Don: Hello po, tita.
Patrisha, Marinel, G2: Hello po
Yhuvy: Ganoon ba? Oh, siya. Simulan niyo na at paglulutuan ko kayo.
*Nagsimula ang magkakaibigan sa kanilang proyekto at inabot na sila ng gabi.
Reynald: Dito na kayo matulog, pre. Kasya naman tayo rito sa kwarto.
G2: Game! Walang matutulog, ah.

10TH SCENE
*Malalim na ang gabi nang silipin ni Yhuvy ang kwarto ng anak. Laking gulat niya sa kaniyang
nakita. Dahil sa adiksyon, hindi napigilan ng magkakaibigang gumamit sa loob ng kwarto ni
Reynald. Ngunit hindi nila napansing nakita sila ni Yhuvy.
*Umaga na at magpapaalam na ang mga kaibigan ni Reynald dahil sila ay may pasok pa.
Patrisha: Tita, una na po kami. Thank you po!
Yhuvy: Sige, ingat kayo. Reynald, ah? yung kapatid mo.
Reynald: Opo ma, una na po kami.
G2, Don, Marinel: Thank you po!

11TH SCENE
(Uwian)
*Dahil sa nakita ni Yhuvy, pinuntahan niya ang magkakaibigan sa kanilang paaralan at sinundan
kung saan sila papunta. Nakita ni Yhuvy na papunta ang mga ito sa isang abandonadong
building at doon ay nakita niya ang kanilang ginagawa. Walang atubiling vinideohan ni Yhuvy
ang kabataan at ang isang pulis.

12TH SCENE
*Bago pumasok si Reynald sa school ay may binanggit ang kaniyang ina sa kaniya.
Yhuvy: Anak, huwag mong mamasamain, pero hindi ko gusto ang mga kaibigan mo. Mag iingat
ka, ah?
Reynald: Ma naman… una na po ako.

13TH SCENE
*Sinundan muli ni Yhuvy ang magkakaibigan sa abandonadong building ngunit sa kasamaang
palad, nahuli siya ng mga ito. Agad na pinaputukan ni Atasha si Yhuvy. Nag tulungan ang
magkakaibigan na itago ang katawan ni Yhuvy.
Don: Pre…
Marinel: Alam ko, tumulong na lang kayo para matapos na.
Don: Nasisiraan ka na ba? Nanay ‘yan ng kaibigan natin, oh!
Patrisha: Wala na tayong magagawa, nangyari na.
G2: Walang makakalabas, ah. Yari tayo nito.
Atasha: Ayusin niyo na ‘yan. Prinotektahan ko lang kayo.

MIDDLE:
14TH SCENE
*Laking pagtataka ni Reynald nang hindi umuwi ang nanay buong gabi.
Reynald: Nagpaalam ba sa ‘yo si mama?
Trisha: Hindi po. Wala pa rin ba?
Reynald: Wala nga, eh. Nasaan kaya ‘yon?
Trisha: Baka may pinuntahan lang, kuya.
Reynald: Sige na, matulog ka na.
Trisha: Okay, kuya, good night!

15TH SCENE
*Dahil hindi umuwi ang ina, si Reynald ang naghain ng almusal para sa kanilang dalawang
kapatid.
Reynald: Wala pa rin si mama. Kumain ka na muna.
Trisha: Nasaan kaya ‘yon? Kahapon ng umaga pa siya umalis, eh.
Reynald: Hindi ko rin alam. Hintayin na lang natin.

16TH SCENE
*Naghahanda na umalis ang magkapatid
Reynald: Patayin mo pala muna yung TV, nawala sa isip ko.
Trisha: Okay!
*Sinunod ni Trisha ang utos ng kapatid ngunit laking gulat sa nakita niya.
Trisha: Kuya!
Reynald: Ano? Bilisan mo na
Trisha: Tara muna rito!
Reynald: Ano ba ‘yon?
*Natigilan si Reynald nang mapanood ang balitang nasa TV.
Gracia: Isang labi ng baba

You might also like