You are on page 1of 27

Pagsusuri ng Dula Bilang 1: MOSES, MOSES ni Rogelio R.

Sikat
Apartment sa lungsod sa Rizal, sa isang komunidad na masasabing middle class. Maraming bagong bahay dito, nakatayo
sa mga loteng nabili sa murang presyo noong unang bahagi ng 1950 at ngayoy nagkakahalaga na nang malaki sa pamilihan
ng lupa. Tahimik dito, malayo sa daanan na pampasaherong sasakyan, mapuno at mahalamang hindi katulad ng ibang
subdibisyon. Aspaltado ang malilinis na kalsada at may ilaw na mercury ang mga poste. Karaniwan nang ang naninirahan
dito ay mga empleado ng gobyerno Sa sala at sa komedor ng apartment na ari ni Mrs. Calderon mangyayari ang dula. Isa sa
apat na pinto, malaki-laki rin ang apartment na ito, putiang pinta, yari sa mahuhusay na materyales, at sa unang malas pa
lamang ay mahihinuha nang inilalaan sa mga makapagbabayad ng mataas. May pinto sa may sala, kanan, kaharap ng gate,
at sa kaliwa, sa may kusina. Luma na ngunit maayos pa ang mga kasangkapan parang inilipat mula sa isang lumang bahay.
Sa sala ay may isang set ng upuan na nakatuntong sa isang alpombrang bumabagay sa pulang sahig; sa likod nito, kabinet
ng mga libro na kinapapatungan ng isang flower vase, isang nakakwadrong retrato ng isang nakangiting dalaga na
napaliligiran ng maliit at animoy naglalarong mga piguring duwende at isang lampshade. May telebisyon sa sulok, malapit sa
nakukurtinahang bintanang salamin. Sa dingding na binarnidang plywood, nakasabit ang isang pares ng nairolyong pinturang
Hapones: mga lumilipad na tagak sa ibabaw ng maiitim at payat na tangkay at mga dahon ng kawayan. Sa gitna, likuran,
may hagdanang paakyat sa mga silid-tulugan, puti ang mga barandilya nito at sa itaas palapag, sa ding-ding, ay nakasabit
ang isang pandekorasyong seramiko na kinatitikan, na mga letrang Gotiko, ng mga salitang GOD BLESS OUR HOME.
Sa silid-tulugan, kaliwa ay may isang mesang paayon ang ayos at napapaligiran ng anim na silyang may matataas na
sandalan. May kabinet sa likod ng mesa-lalagyan ng mga plato, kubyertos, mga itinatanging kasangkapan na ang paggamit
ay karaniwan nang inilalaan ng mga may-bahay sa mga espesyal na okasyon Nandito rin ang ilang de-latang pagkain at
mga boteng gamot. Nakapatong sa kabinet ang isang bentilador. Di kalayuan sa mesa, malapit sa lababo, ay may isang
repriheradora. Sa kabuuan, maayos at masinop ang apartment. May mga alas-otso na ng gabi. Bukas ang ilaw sa sala.
Nakaupo si Ben sa sopa, taas ang pinagsaklit na paa at tila yogang nagbabasa ng isang magasin. Nakakorto siya at iskiper
na puti. Mahahaba ang kanyang biyas at sa katabaay may pagkabalingkinitan pa. Mahaba ang kanyang buhok, tulad ng uso
sa mga tin-edyer ngayon, at may kakisigan siya. Bukas din ang daylight sa silid-tulugan. Nakaupo si Regina sa kabisera
ngmesa at umiinom ng kape. Sa kabilang dulo, nagpupunas ng kutsara ang kapatid niyang si Ana. Magkahawig sila,
bagamat maraming salit na puting buhok si Regina. Nakaputi siyang damit-pambahay, tila isang roba na itinali sa harap,
hanggang siko ang maluwang na manggas at hanggang sakong ang laylayan. Nakapusod siya, laylay ang ilalim ng mga
mata, larawan ng isang babaing pinatigas ng mga hirap na pinagdaanan. Nakabulaklaking pambahay si Ana, may
pagkamasayahin ang mukha, ngunit ngayoy tila nag-aalala.
ANA : (habang nagpupunas) Kumusta ang hiningi mong bakasyon, Regina?
REGINA: (ibig magmalaki, ngunit walang sigla) Binigyan ako, puwede ba nila akong hindi bigyan.
ANA : Dapat naman. Sa buong pagtuturo moy ngayon ka pa lang magbabakasyon, ano?
REGINA: Ikalawa na ito. Noong mamatay ang ama nina Aida, saka ngayon. Pupuwede akong hindi pumasok kahit ilang
buwan pa suguro, kahit isang taon. Marami akong naiipong bakasyon.
ANA : Biro mo namang mahigit na dalawampung taon ka na yatang nagtuturo. Noong dalaga ka pa, hindi ba? Pwede ka nang
magretiro.
REGINA: (sasandal) Sayang naman kung hindi ko matatapos ang aking serbisyo. Pero hindi ako papasok hanggat hindi
gumagaling si Aida.
ANA : Kung sabagay, kaya ko naman siyang alagaan. (Aayusin ang salansan ng kutsara). Ano nga pala ang sabi-sabihan sa
eskwela? Siguroy alam nila ang nangyayari?
REGINA: (pauyam) Alam. Pero ano ba ang maaasahan mo sa mga walang prinsipyong tao?
ANA : Sinabi mong tuloy rin ang demanda?
REGINA: (tatayo, lalakad sa repriheradora upang kumuha ng inumin) Oo. Bakit hindi ko itutuloy? Kahit ano pa nga ang
kanilang sabihin. Dapat nga raw magdemanda, sobra naman daw talaga ang ginawa kay Aida, pero
ANA : Nakapag-aral si Aida doon. Kilala siguro nila.
REGINA: (habang pabalik sa kabisera, dala ang baso ng inumin) ang dipirensiya nga lang daw, mayor itong kalaban
ko. Ano sa akin kung mayor? ngayon bat mayor siyay libre na ang kanyang anak? Wala raw mangyayari. Iba raw ang
malakas ang nasa poder. Baka raw lalo pa tayong perwisyuhin.kababata pay wala nang prinsipyo! Mga bagong tapos pa ng
kolehiyo, mabuti pa iyong assistant principal namin, matapang. Ang sabiy Ituloy mo, Mrs. Calderon, you should really
teach those people a lesson.
ANA : (galit) Ituloy mo nga. Regina, nang madala. Sobra nang talaga ang anak ng mayor na iyan! Ang kailangan talaga
riyan ay bitay.(Tatayo, ililigpit sa isang lalagyan ang mga kutsara, pahablot na dadampot ng isang basahan.) Tutal, bitay din
siguro ang ibibigay sa lalaking iyan. (Tatayo si Regina, tila nag-iisip na maglalakad-lakad sa sala. Mapapansin niya si Ben na
ngayoy nakadapa at nagkukuyakoy ang paa sa hanging nagbabasa).
REGINA: Napakain mo nang aso, Ben?
BEN : (pagak ang boses, di iaalis ang tingin sa binabasa) Opo.
REGINA: (susulyap sa itaas ng hagdan, pagkuway babalik sa komedor.) Bakit ba naghahanap ng kordon si Tony, ha, Ana?
ANA : (nagpupunas-punas sa may lababo): Maikli ang kordon ng ilaw niyang inililipat sa kuwarto namin.
REGINA: Pabibilhin ko na lang siya ng isa pa bukas. Kailangan niya iyon sa pag-aaral, malabo ang kanyang mata.
ANA : Ibang-iba iyang si Tony kesa don sa isa. (Ngunguso sa sala.) Tingnan mo, prenteng-prenteng nagbabasa. Hindi man
lang tulungan iyong kapatid.
REGINA: Bata pa lang kasi si Ben.
ANA Spoiled. Si Tony, noong ganyang edad, kumikita na, nagtitinda na ng diyaryo.
REGINA: Hindi si Ben ang spoiled Ana. Baka ka mo si Aida. (Magbababa ng tingin na parang mali ang nasabi.)
ANA : Kung sabagay. (Ipapatong ang kanang kamay na may hawak na basahan sa sandalan ng isang silya.) Si Tony, pati
nanliligaw kay Aida, kinikilatis na mabuti. Hindi na nagbalik iyong preskong kaklase yata ni Aida, ano? Iyong de-kotse? Ano
ba sa akin kung de-kotse siya, sabi sa akin ni Tony. Sino nga ba iyon?
REGINA: (parang hindi siya pinapansin) Mababait silang lahat.
ANA : Si Tony, minumutyang talaga si Aida.
REGINA: Mapagbigay pa ka mo sa mga kapatid. Hindi na baleng siya ang wala mayroon lang si Aida at Ben. Ang maipipintas
mo nga kay Tony ay walang kibo.
ANA : Seryoso. Palaisip. Kaparehung-kapareho ng ama.
REGINA: May pagkaseryoso rin itong si Ben, pero hindi kamukha ng kuya niya. Si Aida- si Aida ang (parang mawawala sa
sinasabi, mababasag ang boses)-pinakamasaya.
ANA : (mapapansin ang pagbabago ng mukha ni Regina, ngunit itutuloy pa rin)Masasabi mong isip-bata si Aida. Inosente.
Pero maganda. Maganda. Akalain ko bang gaganda ng ganyan ang anak mo, Regina. Natatandaan mo pa, noong sumakay
siya sa karosa ng lantern parade sa UP, noong nakaraang Pasko? Noong dalhin tayo ni Tony? Hindi ako makapaniwalang
anak mo iyon at pamangkin ko iyon. Bakit ngay di- jeans-jeans at pony-tail pony-tail lang dito. Ang sarap ka mo,
namatay ang generator ng karosa! Di pinasinagan siya ng flashlight. Nakatingin kay Aida ang lahat, at siyay ngumingiti,
at nangyayabang, at nang-iinggit naman ang kanyang mga kaklase. Sa tingin ko ba nooy para siyang nakaangat sa karosa-
(Makikitang ibig maiyak si Regina) Sino nga ba naman ang makapag-aakalang-
REGINA: (tutuwid ng upo, sa dingding nakatingin) Nangyari na iyan Ana.
ANA : (Pagkaraan ng ilang saglit, malungkot) Disiotso na siya sa Setyembreng ito, Regina.
REGINA: Limang taon na tayo rito. Natatandaan mo? Dito nag-birthday si Aida nang lumipat tayo.
ANA : At napapanaginip ko pa noon ang kanyang debut. At naisip ko na ang gagawin kong tahi sa damit niya.
REGINA: Ang buhay nga naman.
ANA : (nagpapahid ng matang isasauli ang basahan sa lababo.) Mabuti pa sigurong hindi tayo umalis sa Gagalangin, Regina.
Siguro, kung hindi tayo lumipat dito-
REGINA: Sino ang makaaalam na dito siya magkakaganyan?
ANA : Bakante ngayon ang itaas ng bahay doon.
REGINA: (nagpapaliwanag): Hindi ba dahil sa mga bata kung kaya tayo umalis sa Gagalangin? Gusto mo rin namang tayoy
umalis doon nang lumalaki na ang mga bata,di ba? At nang malapit pati sila ka mo ng eskuwela. Naisip kong umutang nga
tayo at ipatayo natin ang apartment na ito- unang-unay dahil diyan ang malayo nga sila doon. Pinaupahan na lang natin
ang bahay doon. Hindi bat mas nagustuhan naman dito ng mga bata? Mas tahimik dito, hindi siksikan, mas-
ANA : Oo nga, Regina. Pero
REGINA: Dahil sa pagtanda natiy wala naman tayong makakasama- patay na rin lang ang ating mga magulang- naisip kong
maaari na tayo dito. May apat na pinto tayo dito, tamang-tama, ka ko. Magkaasawa man ang mga bata, magkaanak man
sila, hindi rin tayo magkakalayu-layo. Tig-I-tig-isa ka ko sila ng pinto- isa kay Aida, isa kay Ben, isa sa ating dalawa. Hindi
tayo magkakawalay-walay. Ganyan ang naisip ko noon, Ana.
ANA : Aywan ko, Regina, pero kung minsan ngay naiisip kong kahit yata saan tayo pumunta, sinusundan tayo ng trahedya.
REGINA: Hindi naman sa tayoy sinusundan, Ana. (kukunot ang noo). Mabuti pang sabihin mong dahil sa mga pagkakataon,
o dahil sa mga kondisyon ngayon. Ibang-iba na talaga ngayon. Aywan ko rin, Ana. Aywan ko.
ANA : (Pagkaraan ng ilang saglit, malumanay na) Naubos na nga pala ang gamot ni Aida, Regina. Iyong tranquilizer.
REGINA: Magpabili tayo. Sino bang ating pagbibilhin? Si Tony?
ANA : Pabilhin mo nat gabi na. Malapit na sigurong mag-alas- nuwebe.
REGINA: Gabi na pala.
ANA : Akala ko bay napapagod ka ?
REGINA: (tatawag) Tony!
TONY : (sa itaas): Sandali po! Ikinakabit ko lang itong daylight.
ANA : (nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, may binibilut-bilot na sinulid ng basahan ang daliri): Ano ba ang napapansin mo
kay Aida?
REGINA: Anong napapansin?
ANA : May pagbabago ka bang nakikita ? Hindi ba parang lumalala?
REGINA: (bubuntung-hininga) Ang sabi naman ng doktor ay may shock pa siya hanggang ngayon. Totoo raw nasindak si
Aida.
ANA : Kung sabagay. Medyo nawawala na ang mga marka ng dagok sa kanyang mga pigi. Talaga sigurong hindi ka
makakabangon kapag dinagukan ka roon. Iyon namang sugat at galus-galos, magaling na. Ang ikinatatakot koy ang
kanyang nerbiyos. Lalo siyang nagiging nerbiyusin yata. Lagi kaya niyang naaalala ang nangyari sa kanya? Ganoon ba iyon?
Hindi ba- may naloloka sa ganyan?
REGINA: Hindi naman siguro, Ana. Mahusay ang gamot na ibinibigay sa kanya ng doktor. At sabi sa ospital, magaling daw
ang psychiatrist na tumitingin sa kanya. Talaga raw isa sa pinakamahusay dito sa Pilipinas, sabi sabi rin Tony.
ANA : Naaalala ko kasi iyong kapitbahay natin sa Gagalangin. Iyon bang anak ng kapitan na dinadala sa V.Luna at ipina-e-
electric shock. Namumuti raw talaga at umiikot ang tau-tauhan ng mata. Bumubula ang bibig. Pero iba naman siguro iyon.
REGINA: Tiyaga, tiyaga ang kailangan natin, Ana. Kaya hahabaan ko ang aking bakasyon.
ANA : (Maliwa-liwanag ang mukha): Mahusay siguro iyong likidong tranquilizer na inihahalo ko sa pagkain niya. Biro mo,
iyong tira niyang pagkain, sinubok kong ipakain kay Sultan noong isang araw. Nakatulog ang pobreng aso.
REGINA: Iyon naman daw ang kailangan, sabi ng doctor- ang humupa ang kanyang nerbiyos.
ANA : Ibinigay ni Tony kay Aida nag maliit niyang ponograpo.
REGINA: Sa Linggo ang punta dito uli ng doktor. Malalaman natin sa kanya kung kailangan pang ipasok sa ospital si Aida o
hindi. (Maalala) Si Tony nga pala, iyong gamot. (tatawag) Tony! Di ibinigay ba ang kanyang turntable? (mananaog si Tony,
payat, di-nasusuklay ang buhok, lampas sa karaniwan ang taas, habaan ang mukha, nakasalamin at mukhang matanda
kaysa tunay gulang. Lumang pantalon at maluwang ang manggas na polo sert ang suot. May dalang plais at tape sa
kordon.)
REGINA: Bumili ka ng gamot, Tony. Nasa tokador iyong pera.
TONY : Opo. ( Ililigpit sa may ilalim ng hagdan ang plais at pandikit, pupunta sa repriheradora at kukuha ng inumin. Tiyak at
tila laging pinag-iisipang lagi ang kilos.) Nauuhaw si Aida.
ANA : (pagkapanhik ni Tony, naghihinala): Ilang beses ko nang napapansing lumalabas ng gabi ang Toning iyan. Di mo ba
napapansin?
REGINA: Hindi.
ANA : Iyong lagay na iyon siguroy palakad na.
REGINA: Ugali lang talaga niyan ang maglakad. Di nga ba sabi mo kanginay palaisip?
ANA : Oo nga. Pero gabing-gabi na kung umuwi kung minsan. Susi ang ginagamit.
REGINA: Baka naman nagpupunta lang sa kaklase niya riyan sa kabilang kanto?
ANA : (kukumpas): Aywan ko. Si Ben ang tanungin mo. Silang magkakuwarto. Kaya lang, nag-aalala ako. Alam mo na
ngayon, baka makatuwaan iyan. (Isang sasakyan ang hihinto sa tapat ng apartment. Maririnig ang pagkalapak na
pagsasara ng pinto nito, ang pagkahol ng aso).
REGINA: (kay Ana): Sa atin ba iyon? (May babatinting sa pintuang bakal).
ANA : Tingnan mo nga Benjamin.(Lalabas si Ben. Sa may gate maririnig ang boses-matandang tanong na Nariyan ba si
Mrs. Calderon? at ang mababa at pagak na Opo, sino po sila? ni Ben. Nakatayo sina Regina at Ana sa tabi ng mesa,
nakatingin sa labas).
ANA : (Makikilala ang dumating) Si mayor, Regina! May kasama.
REGINA: (magugulat) Ano kayang kailangan?
ANA : (kinakabahan) Baka-aayusin ka.
BEN : (papasok) Gusto raw kayong makausap, Inay.
ANA : Bakit daw?
BEN : Aywan ko po.
REGINA : (pagkaraan ng pagbabantulot) Papasukin mo. (Lalabas si Ben).
ANA : (Kay Ana) Anong ayos-ayos. (Papasok ang alkalde, maitim, katamtaman ang taas, may katabaan, hagod sa batok ang
tintina at walang partidang buhok,may mahigit nang 50 taon, naka-polosert na guhitang pula, bukas ang butones sa itaas.
Kasama niyang papasok ang isang naka-polo-barong na lalaki, may kaputian maliit, mataas ang gupit, naka salamin,
parang nakaismid, at ang matay nag-uusisa agad sa pinasok na apartment).
ALKALDE: (itataas ang kaliwang kamay, bahagyang yuyukod) Good Evening.
REGINA: Magandang gabi ho naman.
ALKALDE: Napasyal kami, Misis.
REGINA: (bantulot na ituturo ang upuan) Maupo kayo.
ALKALDE: (bago maupo) Misis, ang kasama ko nga ho palay si Konsehal Collas, Atty. Collas. (Bahagyang tatango ang
konsehal. Mauupo sila. Mananatiling nakatayo si Regina. Nasa silid-kainan si Ana, nakahilig sa barandilya ng hagdan si Ben).
ALKALDE: (nakatingin kay Ben): Anak ho ninyo?
REGINA: Oho.
ALKALDE: (humahangang nakatingin kay Ben) Guwapo. At listo. Listong bata. Hindi basta nagpapasol. (Mahihiyang pupunta
si Ben sa silid-kainan at doon mauupo, kasama si Ana. Mapapansin ng Alkalde na nakatayo si Regina). Maupo naman kayo,
Misis. Kami ho naman ni Konsehal ay ngayon lamang napadalaw dito sa inyo.
KONSEHAL: Siyanga naman, Misis. (Mauupo si Regina).
ALKALDE: (lilinga-linga) Magandang apartment ito, a. Tingnan mo ang Japanese Painting nila, konsehal. Di ba ganyan
ang nakuhamo sa Tokyo?
KONSEHAL: Masinop ang apartment nila, Mayor.
ALKALDE: Ito ang sasabihin ng comadre mo na Cozy. (Kay Regina) Malaki siguro ang upa ninyo, Misis sa apartment na
ito.
REGINA: Sa amin ho ito, inaakupa lang namin ang unang pinto.
ALKALDE: (tatawa) Dispensa, Misis! Dispensa. An honest mistake. Tingnan mo nga naman, konsehal, sa kanila pala ito.
KONSEHAL: Must have gotten a loan from the GSIS. (Mananaog si Tony, magugulat pagkakita sa Alkalde, pagkaraay
parang walang nakitang tutungo sa komedor upang kunin ang sapatos, mananatili siya sa komedor. Samantalang nakatingin
sina Ana at Ben sa nag-uusap, ipapatong niya ang mga kamay sa mesa, nakakunot-noong kakatuk-katukin ang daliri ang
salamin niyon. Manaka-naka lamang siyang lilingon sa sala).
ALKALDE: (nakatingin kay Tony) Anak din ninyo, Misis?
REGINA: Siya ho ang panganay.
ALKALDE: Marunong na tipo. Scholarly type, wika nga. Law siguro ang kinukuha, Misis?
REGINA: (kangina pa nagtitimpi) A.B. ho, sa UP.
ALKALDE: (magugulat) UP! Taga-UP rin pala konsehal. Pareho kayo. Ako ho, Misis- bakit ho ba nasasabi itoy hindi naman
naitatanong?- ay sa Francisco Law College lamang ang gradwado.(Tatapikin sa balikat ang konsehal) Walang kuwentang
eskwelahan. Kung sabagay, doon nagtapos si Carlos P.Garcia, ha, konsehal? (Magtatawanan sila). Buweno, buweno, ang ibig
kong sabihiy isa sa mga hindi natupad na ambisyon ko iyang makapag-aral sa UP. Marunong ang anak ni Misis, konsehal.
KONSEHAL: Maestra kayo, Misis,a Calderon?
REGINA: Oho.
ALKALDE: Saan naman kayo nagtuturo?
REGINA: Sa Torres High School, sa Maynila.
ALKALDE: (magugulat) Paano ho naman ang nangyarit dito kayo-
REGINA: Narito ang aming apartment. May bahay kami sa Gagalangin pero pinauupahan namin. Grocery ang silong.
KONSEHAL:Mukhang familiar sa akin ang Calderon. Saan kayong probinsiya, Misis?
REGINA: Lehitimo ho akong taga-Maynila. Ang Mister ko hoy taga- Nueva Ecija.
KONSEHAL: You are now a - - widow? (tatango si Regina).
ALKALDE: Buweno, kami hoy medyo ginabi, Misis, dahi sa nanggaling pa kami sa squatter area diyan sa may highway.
(Nakatawang iiling) Wise din naman ang mga lider niyon ngayot alam na eleksiyon sa Nobyembre ay saka
magrerepresentasyon sa akin, huwag ko raw silang ipatapon. May nakikiusap na riyan , may umiiyak na diyan, at ako naman
(kukumpas) mahabagin nga siguro ako ay wala nang magawa. Paano ka pa makakatanggi niyon?
REGINA: Marami ring botante roon, Mayor?
ALKALDE: Ha-ha-ha! Hindi naman, Misis, hindi naman! Ang lagay naparaan nga kami roon, kaya ginabi kami sa pagsasadya
sa inyo.
REGINA: (titingnan siya ng tuwid): Para ipaurong sa akin ang demanda, Mayor?
ALKALDE: (magkikibit-balikat): Para - - para tayoy magkausap.
KONSEHAL: (magsisindi ng sigarilyo): Ang totoo niyan, Misis, si Judge Joaquin ang nagmungkahing magkausap kayo, na
kung ako ang tatanungin, ay siyang pinakamabuti ninyong gawin. Iyan naman ang sinabi ng inyong compadre, di ba,
Mayor?
REGINA: Mahusay pala kayong magpalaman sa mga salita, konsehal.
ALKALDE: (maagap): Misis, kamiy naparito, unang-anay para magdiskargo. Alam kong mabigat itong aming inilalapit sa
inyo, kaya naman akoy makumbabang naparito sa inyo upang- upang wika ngay ihingi ng tawad ang ginawa ng aking anak.
REGINA: (susukatin siya ng tingin): Akala ba ninyoy makukuha sa paghingi-hingi ng tawad ang ginawa ng inyong anak?
ALKALDE: (iiling, nakangiti): Alam ko, alam ko, Misis.
REGINA: Ganoon palay bakit hindi natin ipaubaya sa husgado?
ALKALDE: Si Misis- -
REGINA: Kayo bay may anak na babae, Mayor?
ALKALDE: (nakangiti pa rin) Alam ko ang itatanong ninyo. Mayroon. Tatlo. Paano kung isa sa kanila ginawa iyon? (
Nakangiting, maiiling ang konsehal).
REGINA: Paano kung ang pinakamamahal ninyo sa tatlong anak na iyan ay ginahasa ng aking anak?
ALKALDE: Natural namang mararamdaman ko ang katulad ng nararamdaman ninyo ngayo, Misis.
REGINA: Hindi ko itinatanong kung ano ang mararamdaman ninyo. (Malakas) Ano ang gagawin ninyo? (Kukumpas sa
kawalang-maisagot ang alkalde. Sa itaas, tatawag si Aida, Inay, Inay!) Tatahimik ba kayo? Magdedemanda ba kayo? Ano
ang gagawin ninyo? Kung sabagay, sino nga ba naman ang matapang na mangangahas na mayor kayo. Pero
halimbawang kayo ang nasa katayuan ko?
KONSEHAL: (sasaluhin ang alkalde) Sa ganitong anggulo natin tingnan, Misis, umabot na rin lang sa ganito. Malinaw kong
nakikita ang inyong punto. Ngayo,y kauumpisa pa lamang nang kaso. Di ba ninyo inaalala ang inyong anak? Kung itutuloy
ninyong talaga ang demanda, ang kauna-unahang gagawin para mapatunayang ginahasa siya ay ang ipaeksamen siya. Hindi
mo maiaalis sa abugado ng kabila na hingin iyan, ipaeksamen siya.
ALKALDE: (sasang-ayon) Kawawa rin ang inyong anak. Ang ibig kong sabihiy
REGINA: (sa konsehal): Para patunayan kung siyay ginahasa o hindi?
KONSEHAL: (iduduldol sa ash tray ang sigarilyo) Para patunayan kung siyay ginahasa o hindi.
REGINA: Kung hindi kayo kumbinsidong ginahasa nga ang aking anak ay bakit narito kayo?
ALKALDE: Para - - para huwag na ngang umabot diyan,Misis.
REGINA: Legalismo ninyong mga abugado!
KONSEHAL: Wala tayong magagawa, Misis. (Bahagyang tatawa) Ganyang talaga.
REGINA: Tusuhan, patalinuhan, pasinungalingan, diyan, diyan, kayo magaling!
KONSEHAL: Sa ilalim ng batas, walang kasalanan ang isang tao hanggat hindi siya napapatunayang nagkasala.
REGINA: Magandang dahilan ninyong mga abugado!
KONSEHAL: Hindi ba kayo naaawa sa kanya? Hindi ba ninyo inaalala ang kanyang kinabukasan? Sa kasalukuyay hindi pa
masyadong bulgar ang nangyari per---
REGINA: Mababando rin na ang anak ng mayor ang gumahasa sa kanya!
KONSEHAL: (ngingiti-ngiti): Hindi kayo praktikal, Misis.
REGINA: Anong hindi praktikal?
KONSEHAL: Halimbawa nang napatunayang nagkasala ang anak ni Mayor-halimbawa lamang iyan- halimbawa nang
napatunayang nagkasala siya, na aywan ko kung kailan, siguroy tayo na rin mismo ang maiinip ano naman ang inyong
makukuha?
REGINA: Hustisya.
KONSEHAL: Hustisya. (Iiling) Ang tingnan ninyoy ang panig ng inyong anak. Iyan ang isipin ninyo.
REGINA: (nagpupuyos): Halos labingwalong taon mong pinalaki, inalagaan, kung maaariy ipakatagu-tago mo, pinakaingat-
ingatan mo, at pagkatapos, pagkatapos, nag-aabang lamang ng bus na pauwi galing sa eskwelahan ay bigla na lamang
aagawin ng anak ninyo, dadalhin sa motel, sasaktan doon, paglalaruan, pag-aaliwan! Isasakay sa taksi, pauuwiin, halos hindi
makagulapay. At pagkaraan niyan, pagkaraan niyan paparito kayo sa akit sasabihin ninyong akoy maging praktikal!
KONSEHAL: (namamayapa) Nariyan na tayo, Misis, nariyan na tayo.
REGINA: Hindi babaing damputin ang anak ko. Makakaalis na kayo. Hindi ko iuurong ang demanda. Kung sa inyo ang
sinasabi ninyong huwes, sasabihin ko sa aming abugadong hilinging malipat sa ibang huwes.
KONSEHAL: (banayad) Hindi rin ganyan lamang iyan, Misis. Saan at kanino ililipat? Dito rin. Ngayon, sino sa mga huwes dito
ang kaalyado ni Mayor? Kung nakapagme-mayor siya ng labingdalawang taon, malamang pang maging labing-anim ---
REGINA: (napapaiyak) Kayo nga ang hari dito.
KONSEHAL: Hindi siya ganoong napakahina para hindi maalis ang sinumang kalaban niyang huwes. Ayaw ko sanang sabihin
ito pero alam ninyong pulitiko rin ang nakapaglalagay sa huwes? Sino ngayon ang nakapaghuhuwes nang hindi lumalapit sa
pulitiko? Nasaan naman ang mga naging huwes dito na hindi naging kaalyado ni Mayor? Iyong isa, nasa Palawan, iyong
isa, nasa Mindoro. Dudulog kayo sa itaas? Sino ang nasa itaas? Pulitiko? Ilang boto ang maaring ibigay sa kanya ni
Mayor? Makikisama rin sila!
REGINA: Kayong masasamang pulitiko!
KONSEHAL: (nakatawa) Masasamang pulitiko. Ganyan ang buhay ngayon, Misis. May nakita na ba kayong anak ng
kongresista na kanilang nagalaw? Anak ng Senador? Anak ng Gobernador? Anak ng- mayor?
REGINA: (nagpupuyos) Tama, pumatay man kayoy hindi kayo nagagalaw!
KONSEHAL: Ay, Misis. Be practical.
ALKALDE: (dudukot sa bulsa ng polosert at may ilalabas na sobre) Alam kong malaking perwisyo ang nagawa ng aking anak
sa inyo ibig kong
( ilalagay sa mesita ang sobre) tanggapin ninyo ang kahit kaunting tulong na ito
KONSEHAL: That check is for ten thousand. Pay to cash. Be practical.
REGINA: (sasampalin ang alkalde) Akala ba ninyoy mabibili ninyoy mabibili ninyo ako? Layas! Layas! ( Nababaghang tatayo
ang alkalde at konsehal. Dadamputin ng konsehal ang sobre. Lalapit sina Tony).
ALKALDE: (hindi makapaniwala, nakangiti ngunit ngani-nganing sampalin si Regina) Sa buong buhay ko, Konsehal, ngayon
pa lang ako nasampal. Pero hindi bale. (kay Regina) Dinadaan ko kayo sa pakiusapan pero gusto ninyong
magkademonyuhan. Pasensiyahan tayo. Ituloy ninyo! (Lalabas ang dalawa, ang alkaldey nagmumura. Sa labas, maririnig
ang pagsibad ng kanilang sasakyan. Mapapaupo si Regina. Nakatayo sa harap niya si Tony, nakaupo at nakamasid si Ben).
REGINA: (humihingal) Akala ng mga taong iyay sila ang batas.
TONY: (galit ngunit matimpi) Sa kasalukuyay sila nga, Inay.
REGINA: (nanginginig) Lalabas din ang katotohanan at mananaig ang katarungan!
TONY: Iyan ang itinuturo ninyo sa Government.
REGINA: Mananaig din ang katarungan.
TONY: Kay gandang sabihin! Justicia o justicia poetica? Hustisyang talaga o hustisyang Diyos-ko-bahala ka na?
REGINA: Kailangang maputol ang ganito!
TONY: (malakas) Paano?
REGINA: (parang giniginaw) Nanginginig ako. (Sa itaas, maririnig ang mga pagtawag ni Aida at ang pag-aalo ni Ana.
Papanhik si Ben).
REGINA: Hindi ako titigil hanggat hindi siya nabibilanggo!
TONY: (kinukuyom ang palad) Tatlo lamang ang nagkakaroon ng hustisya dito sa atin. Iyong malalakas, iyong
makapangyarihan, iyong mayayaman. Kung simple kang tao, mahina ka. Kung mahirap ka, lolokohin ka, tatakutin ka,
pasensiya ka, magtiis ka. Kadalasang nagkakasama-sama pa iyan: lakas, kapangyarihan, yaman.
REGINA: (tutop ang mukha) Walang kuwenta sa akin magkaubus-ubos man ang ating kabuhayan!
TONY: (patuya) Sasayangin ninyo ang minana ninyot pinaghirap-hirapang ipundar. Sa paningin ng ating batas, hindi
magkakapantay ang lahat! Ang demanda ninyo, sapagkat ang idinemanda ninyoy malakas, ay mananatiling demanda
lamang.
REGINA: Susulat ako sa magasin, susulat ako sa lahat ng diyaryo. Isusulat ko ang lahat at natitiyak kong tulungan nila ako,
pakikinggan nila ako!
TONY: (parang hindi siya pinapakinggan) Ang demanda ninyoy kamukha lamang ng kung kayoy nasusukol sa binggit ng
bangin at malaki pa ang agwat ng kabilang pampang na kailangan ninyong talunin. Alam ninyong sa pagtalon ay hindi ninyo
maaabot ang kabilang pampang, pero pipilitit pipilitin din ninyong tumalon. Tatalon kahit alam na alam ninyong kayoy
mahuhulog. Bakit pa kayo magdedemanda?
REGINA: Sasabihin ko sa kanila ang lahat. Pakikinggan nila ako, Tony. Kapag nalaman nila ang lahat- Tony, ito na ang
pagkakataon natin sa hustisya!
TONY: Hustisya!
REGINA: (nabuhayan ng loob) Tingnan mo, Tony. Palagay ko ngay ako at si Aida ay sadyang pinili ng Diyos para rito.
Makinig ka: kung sa anak ng mahirap na iskwater niya ginawa iyon, tatahimik na lamang sila. Lulunukin na nila ang kanilang
dignidad at siguro'y kanila pang tatanggapin ang pera. Ngayon, kung sa anak-mayaman naman niya ginawa iyon,
magdadalawang-isip ang magulang, mahihiya silang mabulgar ang nangyari. Hindi nila iibiging masira ang kanilang
reputasyon! Tatahimik din sila.Nagkamali sila, Tony, nagkamali sila. Lalaban ako, lalaban ako!
TONY: Ang ipanlaban ninyo sa napakalaking batoy ang inyong mga kuko!
REGINA: Kay laki ng ipinagbago mo, Tony. Paano ang ibig mong mangyari? Huwag nang lumaban, iurong na ang demanda?
TONY: Mula nang mapatay ang si Itay-sinasabi nating nabaril, para siguro mabawas-bawasan ang lagim, pero ang totooy
pinatay siya-sinimulan ko nang isipin kung ano ang batas na nararapat dito sa atin,, kung sino ang dapat magpatupad niyon
kung ano ang hakbang na nararapat nating gawin. At sa lahat ng libroy sa Bibliya ko pa nakita ang sagot. Naglalakad ako
minsan pagkaraan ng nangyari kay Aida- nang maalala ko ang sinabi ng ama ni Itay, noong araw na iyon ng libing. Kapag
buhay ang inutang, buhay din ang magiging kabayaran, na para bangmay sisingil para sa kanya.- o para sa atin- ang
inutang na buhay ni Itay. Naisip ko, itoy hindi isang pamahiin, hindi isang kasabihan- itoy isang simpleng batas, isang
kautusan o kahatulang inihabilin ng Diyos kay Moses sa itaas ng bundok sa gitna ng kulog, ng kidlat, ng usok at ingay ng
pakakak. Sapagkat hindi ba sinabi sa Exodus na buhay sa buhay. Ito bang nangyari kay Aiday masahol pa ang
pagkamatay?Ngayon, ito ang mga kahatulang nararapat nating sundin: mata sa mata, ngipin sa ngipin apoy sa apoy ,
sugat sa sugat, latay sa latay. Ito ang aking gagawin: gaganti ako: ako ang gaganti sa kanya.
REGINA: Gaganting paano?
TONY: Papatayin ko siya.
REGINA: (manghihilakbot) Tony!
TONY: May isa pa kayong hindi nalalaman, Inay. Diyan sa abangan ng sasakyan minsan, nang akoy papuntang eskwela,
isinakay ako sa jeep ng dalawang bataan ni Mayor. Jeep iyon ng mga pulis, at ang nagsakay sa akin ay parehong pulis.
Nagpaikut-ikot kami, nasa gitna nila ako.Sabi nilay itigil daw ninyo ang kaso, o ---
REGINA: Mga banta! banta!
TONY: Isa iyan sa pinakakaraniwan nilang ginagawa- hindi lamang sila ang gumagawa niyan. Pero ang kinatatakutan koy
ang kalalabasan ng inyong demanda ng inyong paniniwala sa hustisya.
Regina: Kung hindi pa ako maniniwalay ano pa ang aking mahihintay?
TONY: May kuwento tungkol kay San Agustin tungkol sa paniniwala.Naglalakad daw si San Agustin sa tabing-dagat at
tinutuklas ang misteryo ng Divina Trinidad. Habang nag-iisip at naglalakad, mayroon daw narinig si San Agustin na parang
hanging nagbulong sa kanya: Agustin, ang ginagawa mong pagtuklas sa misteryong iyan ay kasing-hirap ng pagsalok mo
ng tubig sa buong dagat sa iyong palad. Pananalig, paniniwala, iyan ang kailangan mo. Ang hustisya ba rito sa atiy isang
misteryo? Alam nating lahat na itoy hindi hustisya, at alam natin kung bakit ito hindi ganito. Wala naman tayong misteryong
dapat tuklasiy kung bakit nananalig at naniniwala pa tayo!
REGINA: Lawakan mo ang iyong pagtingin, Tony. Ang ikinagagalit moy dahil lamang sa mga personal na karaingan.
TONY: Lawakan! Ang kay Itay ay isa lamang sa matagal at laganap nang kawalang- katarungan!
REGINA: Darating ang hustisya, Tony.
TONY: Kailan? Gaano katagal? Sa anong paraan? Ang paghihintay natiy makakatulad lamang ng ginawa nating paghihintay
sa kaso ni Itay. Ano ang nangyari sa kaso niya? (Mapapayuko si Regina).Natatandaan ko pa, disisais anyos ako, nasa
Gagalangin tayo.Naghahapunan tayo. May tumawag kay Itay. Alam natin na mula nang madiskubre niya ang di paglilista ng
trak-trak na tabakong inilalabas sa bodega ay pinagbantaan na siya, daang libong piso ang halaga ng mga ipinupuslit. Pero
matapang si Itay, hindi siya napatakot. At nang gabi, ngang iyoy lumabas siya kumpiyansa, matapang ni hindi isinukbit
ang saliri niyang baril. Nag-usap sila sa labas at nang nagkakainitan nay napalabas tayo. At narinig natin ang mga
putok, bagsak si Itay, takbo sa nakaparada nilang jeepang tatlo. Nakuha ko ang numero ng jeep at natunton ang mga
nagsigamit niyon. Nadiyaryo tayo, kung ilang araw tayong nasa peryodiko.Umasa tayong mahuhuli at makukulong ang mga
nagsibaril kay Itay - hanggang sa pumasok ang isang pulitiko. Ano paang nangyari pagkaraan niyon? Unti-unti na silang
nawalan ng interes sa kaso, hindi ba naging pursigido ang nagiimbestigang pulis. Third year high school ako noon, at sa
kauna-unahang pagkakataon, naisip kong ang hustisya palay ganito. Hanggang ngayo,y nasa akin pa ang clippings ng
mga diyaryo noon, itinatago ko. Duguan ang retratong kuha ni Itay.
REGINA: Nakaraan na iyon, Tony.
TONY: Hindi pa ba kayo nadadala? Hanggang ngayon bay naniniwala pa kayo?
REGINA: Ano ang silbi ng aking itinuturo kung hindi ako maniniwala? Kaya kong magretiro anumang araw ngayon pero
nagtuturo pa rin ako siguroy sa nais kong makatulong sa paglikha ng mabubuting mamamayan. Ituturo mo sa kanila ang
katarungan ngunit ikaw na mismo ang hindi naniniwala rito. Bubuo ka ng mahuhusay na mamamayan ngunit ikaw mismo ay
hindi modelong mamamayan. Naniniwala ako, Tony. At maghihintay ako.
TONY: Mahuhulog kayo sa pampang! (Mula sa itaas, bababa si Ana. Nasa mukha niya ang kawalang malamang gawin).
ANA: (sa hagdan pa lamang): Ninenerbiyos na naman si Aida, Regina.Nanlalamig mula pa kanina. Parang takot na
takot. Nakabili na ba ng gamot?
REGINA: (maaalala): Ang gamot nga pala. Sino ang bibili?
ANA: Akala ko bay si Tony?
(Iiling-iling na papanhik si Tony).
REGINA: Hindi ba puwedeng ipagpabukas na ang pagbili? Anong oras na ba?
ANA: Mag-aalas-onse na siguro. Mayroon namang botika riyang hindi nagsasara. Kailangan ni Aida, Regina. Hindi siya
mapapahinga kapag hindi nakainom. Maaring makasama pa sa kanya. Sa linggo kamoy pupunta rito ang doktor.
REGINA: Gabi na, Ana.
ANA: (nagpapaubaya): Nasa iyo iyan, Regina. Pero si Aida- (Mananaog si Tony). Eto na si Tony.
TONY: (patungo sa pinto) Lalakad na ako.
ANA: Alam mo ang pupuntahan mong botika?
REGINA: Magtaksi ka na.
ANA: Umuwi ka kaagad. Kailangan ni Aida iyan.
REGINA: (pagkalabas ni Tony, parang gaping-gapi) Kinakabahan ako, Ana.
ANA: Sa pagkakapunta rito ni Mayor? intindihin mo iyon?
REGINA: Kay Tony, Ana. Ibang-iba na siya ngayon. Ang mga pinagsasabi niya! (Mapapakumpas lamang si Ana. Mananaog si
Ben).
BEN: Umalis na ang kuya?
REGINA: Oo. Bakit?
BEN: (parang takot) May dala siyang baril.
REGINA: Baril?
BEN: Huwag ko raw sasabihin sa inyo. Sa malaking kahon sa ilalim ng kama niya kinuha.
REGINA: (hindi makapaniwala) Saan kukuha ng baril iyon?
BEN: Baril, Inay? Kitang-kita ko.
REGINA: (sasapuhin ang mukha) Diyos ko, ano kaya ang kanyang gagawin?
(Tatayo ngunit tutop ang ulong mapapaupo). Sundan mo kaya,Ben. Sundan mo kaya, Ana. (Lalabas si Ben).
ANA: Siguro naglalalabas ng gabi iyan.
REGINA: Anong ginagawa?
BEN: Hinahanap ang anak ngmayor. Hindi ko na siya nakikitang nag-aaral kung gabi. Baka hindi na siya maging scholar
sa susunod na semestre.
REGINA: (galit) Nalalaman mo palay hindi mo sinasabi?
BEN: Kung isasama ako ng kuyay sasama ako.
ReGINA: Ang aking mga anak! Ang aking mga anak! (Sandaling mananatili si Ben sa harap ng Ina, naaawang nakatingin
dito, tila nagsisisi sa sinabi. Pagkaraay malungkot siyang papanhik. Papatayin ni Ana ang ilaw sa komedor).
ANA: (papalapit kay Regina) Hindi mo sila masisisi, Regina, lalo pa ngat pagkaraang marinig ang pinagsanib ng alkalde at ng
konsehal. Ang hustisyay hustisya lamang, kung madali itong naibibigay at naibibigay nang pantay-pantay. Papanhik na ako.
(Sa hagdan) Pumanhik ka na rin. Iwan mo nang bukas iyang ilaw. (Aakyat ng ilang baitang) Halina, Regina. Matulog ka na,
ikaw nga ang pagod. (Tutuloy nang umakyat si Ana. Sa itaas, maririnig ang bilin niya, Ben, abangan mong pagdating ng
kuya mo).

(Mananatiling nakaupo sa sala si Regina, nababaghan, hindi makapaniwala. Pagkuway kikilos siya, tatayo, maglakad-lakad,
nakayuko at magkadaop ang palad. Mauupo siyang muli pagkaraan. Sa kanyang harap, pagkaraan ng ilang saglit makikita
niya si Tony).
TINIG NI TONY: Walang mangyayari sa demanda niyo, Inay.
(Mag-aangat ng mukha si Regina).
Alam ko na ang aking gagawin. Gaganti ako. Papatayin ko siya.
REGINA: (Nagugulumihan) Tony!
TABING
(Sa pagbubukas ng tabing, makikitang nakaupo si Regina, nakapikit, naiidlip, ang isang kamay ay nasa katangan ng upuan
at nakasapo sa noo, ang isay nasa kanyang kandungan. Sa labas, maririnig ang manaka-nakang pagdaraan ng taksi. Sa
labas din, maririnig ang pahagok na ingay ng trak na nangongolekta ng basura at ang pagkala-kalantog ng mga inihahagis
na lalagyan ng sukal).
(Mula sa itaas ay bababa si Aida, nakaputing damit-pantulog, nakalugay ang buhok at nakatapak. Nakikita niya ng naiidlip na
Ina ngunit hindi ito gigisingin. Tutuloy siya sa komedor, bubuksan ang ilaw at may hahanapin sa kabinet. Matatabing niya
ang isang bote ng gamot at itoy mababasag. Magigising si Regina).
REGINA: (parang naalimpungatan): Sino iyan? (Lalabas, makikita si Aida na nakadukdok sa mesa)
Aida!
AIDA: (mahina) Ang gamot, Inay?
REGINA: (maaalala) Si Tony? Wala pa?
AIDA: Bakit pa?
REGINA: Bumili ng gamot. Anong oras na ba?
AIDA: Pasado alas-dos na po siguro.
REGINA: (kinabahan) Umaga na. Saan kaya nagsuot ang Antoniong ito? (Mauupo, gulo ang mukha) Sinabi namang agahan
at kailangan
AIDA: May nabasag po akong bote.
(Walang kibong kukunin ni Regina ang walis na tambo at dustpan at dadakutin ang basag na bote. Patingkayad siyang
mauupo at pupulutin ang ilang bubog).
AIDA: Hindi ako makatulog, Inay.
REGINA: (inililigpit ang dinampot) Gusto mo ng --- gatas?
AIDA: (tatango, nanlalambot na nakatingin sa lumapit na ina) May dugo kayo, Inay.
REGINA: (pagulat) Saan?
AIDA: Hayan.
REGINA: (titingnan ang damit, ang mga kamay) Saan?
AIDA: O, akala koy may dugo sa inyong palad.
REGINA: (ikakaskas ang kanang palad sa damit) Wala.
AIDA: Akala koy mayroon.
REGINA: (naguguluhan) Ano ba ang gagawin ko? A, gatas. Gatas nga pala.
(Pupunta sa may kabinet, kukuha ng termos, sa reprihedora, kukuha ng gatas).
AIDA: (nakadukdok pa rin sa mesa, nakatingin sa dingding) Lagi kong naiisip ang luma nating bahay, Inay.
REGINA: (dala ang gatas) Ano ka mo?
AIDA: Ang ating lumang bahay, lagi kong naiisip ka ko.
REGINA: Bakit?
AIDA: (nakasandal na ngayon, bahagyang tatango) Aywan. Basta lagi ko lang naiisip. Parang gusto ko pang naroon tayo.
Parang natatakot ako dito.
REGINA: (nakatingin sa palad) Bakit ka naman matatakot dito?
AIDA: Sabi niyay huwag raw tayong magsusumbong. Hindi ako natatakot kung ako. Pero baka kayo o si Ben- o si Kuya. Buti
pa ako. Kung anu-ano ang naiisip ko, Inay. At kasa-kasama ng aking napapanaginip. Naparito raw siya at ang kanyang mga
kasama. Marami silang mga dalang baril. Nasa eskuwela kayo, may pinuntahan si Tiya Ana at pumasok si Ben. Kami lang
dalawa ni Kuya ang naiwan. Nakakatakot, Inay. Pinaupo nila sa mesa si Kuya, nakapaligid sila at siyay may inaabot na bote
ng lason kay Kuya. Inumin mo sabi sabi niya kay Kuya. Inumin mo! At binunot niya ang baril at itinutok kay Kuya. Sinabi ko
na sa iyong huwag magsusumbong, nagsumbong ka pa rin, sabi niya niya kay Kuya. Kaya inumin mo ito- iniaandot niya ang
bote ng lason- inumin mo! At-atnagmamakaawa ako sa kanya. Pasensiya na kayo, sabi ko, pasensiya na kayo sa kapaatid
ko. Anong pase-pasensiya, sabi niya, nagsumbong siya. Inumin mo! At ininom ni Kuya ang lason. Inay.
REGINA: (aaluin ang anak) Iyang gatas, Aida. Huwag mong isipin iyan.
AIDA: (ibaba ang baso) Kay bait pa naman ni Kuya kung sa kanya gagawin iyon.
REGINA: Hindi nila gagawin iyon. Hindi nila aanuhin ang kuya mo.
AIDA: Huwag naman sana nilang sasaktan, ano, Inay?
REGINA: Oo, hindi nila sasaktan.
AIDA: (nagpapahid ng labi) Ang bait-bait pa naman ni Kuya.
REGINA: Mahal na mahal ka nga niya.
AIDA: (malumanay na): Noon, noon naisip ko, kung - kung pipili ako ng mapapangasawa, ang pipiliin koy kamukha niya.
Mabait siya at mapag-alala. Aywan ko, pagkaraan si Itay siya na ang para kong naging ama. Hindi bat parang siya naman
talaga, ha Inay?
REGINA: (balisa) Oo. (Mapapatingin sa may pinto, mahina) Saan kaya nagputa itong Toning ito?
AIDA: Anong sinasabi ni Kuya tungkol sa nangyari?
REGINA: (parang mabibigla) Wala, wala namang sinasabi.
AIDA: (mangingiti) Kung pumapasok siya sa kuwarto at kinakausap ako, nahuhuli kong tinitingnan niya akong mabuti.
Medyo nalalaglag pa ang salamin sa kanyang ilong. Ang lalim niyang tumingin! Sabi lang ni Tiya Anay pangit ang nakakunot-
noo, pero sa tingin ko, bagay pa nga kay Kuya. (Uubusin ang laman ng baso).
REGINA: Siya, siya panhik ka na.
AIDA: (kikilos) Kayo?
REGINA: Hihintayin ko siya. Ano na kayang oras?
AIDA: Umaga na.
REGINA: Umaga na?
(Papanhik si Aida. Maiiwan sa komedor si Regina, may nakalaylay ngayong mga hibla ng buhok sa noo. Nakatayo siya, wala
na ang antok, parang namamalik-matang nakatingin sa pinto.
(Isang taksi ang pasagadsad na hihinto sa kanilang tapat. Mapapasugod si Regina sa pinto. Kakalapag ang pinto ng taksi.
Iingit ang pintong bakal. Lalabas si Regina.)
REGINA: (sa labas) Tony! Anong nangyari sa iyo?
(papasok sila, halos yakap ni Regina si Tony na sapo ang duguang kaliwang balikat. Mapapaupo si Tony sa sala, hawak ni
Regina).
AIDA: (Makakaramdam sa itaas): Kuya?
REGINA: Anong nangyari sa iyo?
(Sesenyasan siya ni Tony na huwag maging maingay).
TONY: Aalis tayo rito, Inay. Dali! Gigisingin ninyo sina Ben.
AIDA: (sa itaas, pakalabog na babangon at manggigising) Tiya Ana! Ben! Ben!
TONY: Sa Nuevay cija, sa mga kamag-anak na magsasaka ni Itay. Sa Tarlac, sa Pampanga, sa bundok.
REGINA: (matatag) Hindi, Tony. Hindi tayo aalis. Susuko ka.
TONY: Inay!
REGINA: (kakapkapin kay Tony ang baril) Bigay mo sa akin ang baril.
TONY: (pipigilin ang kamay ng ina) Kailangan ko ito, Inay. Tiyak nila akong papatayin. Madali silang makagagawa ng
dahilan.
REGINA: (aagawin ang baril at ipapaloob ang baywang ng damit niyang pambahay) Susuko ka, Tony.
TONY: (tumututol) Inay, Inay---
REGINA: Ibang krimen kaysa nangyari kay Aida.
TONY: (magugulat) At akoy kriminal?
REGINA: Pinatay mo siya.
TONY: Huwag ninyong sasaktan ang sinumang balo o ulila sa amang bata,habilin ng Diyos kay Moses. Kapag silay inyong
sinaktan sa anupamang paraan at silang lahat ay tumawag sa akin, ang panawagan nilay tiyak kong diringgin. At ang poot
koymaglalatang, at kayoy papatayin ko sa tabak. Naglalatang ang poot ng Diyos sa masasamang kamay na umagaw at
humahawak ngayon ng kanyang tabak! Sasabihin ninyong akoy kriminal? Saan paano kanino ako hihingi, hahanap at
makapagtatamo ng katarungan? Sino ang magbibigay? Inay, ang kidlat ng Diyos ay ihahagis ng kamay ng naaapi at ang
tabak ng hustisya ay itataga sa lipunan ng mga pinagkakaitan ng katarungan.
(Maliban sa panginginig at abut-abot na paghingal ni Aida ay matahimik silang lahat. Sa labas, maririnig na ang mga
sirenang papalapit).
TONY: Nariyan na sila!( Tatayo, magpapalinga-linga).
REGINA: (nakasunod) Susuko ka, Tony.
(May sisigaw sa labas ng Calderon, napapaligiran ka na namin. Sumuko ka.)
REGINA: (kay Ben) Buksan mo ang pinto, Ben.
(Bubuksan ni Ben ang pinto) Maayos siyang susuko. Halikayo, narito siya.
(Bunot ang mga baril, papasok ang mga pulis, karamihay nakauniporme, ang ilay nakasibilyan at may mga taling panyo sa
ulo).
Hayan siya. (ituturo si Tony na nakatayo sa may komedor).
(Papasok ang alkalde, bunot ang baril. Itututok nito ang baril kay Tony ngunit matatabig ni Regina. Sa dingding tatama ang
bala).
REGINA: Maayos siyang susuko,Mayor. Hayan, nariyan ang aking anak, arestuhin ninyo.
(Pagtutulung-tulongan ng mga pulis si Tony. Malakas na mapapatili si Aida.Pagkabaliti kay Tony, may kakadyot dito, may
sisipa, may papalo, may dadagok. Mapapaluhod si Tony, at makalawang makapagpapaputok si Regina bago maagaw ng
isang pulis ang kanyang baril. Babagsak si Tony).
ALKALDE: Bakit mo binaril?
REGINA: (hawak nang dalawang pulis): Kapag sinaktan ng ibang bata ang ating anak, at tayoy walang magawa sa nanakit
sa kanya, di ba ibinubuhos natin ang parusa sa ating anak? Ang sabi ninyoy aarestuhin ninyo ang aking anak ano ang
inyong ginagawa?
PULIS1: Inaaresto!
REGINA: Inaaresto!
PULIS II: Dadalhin namin sa presinto!
REGINA: Dito pa lamang ay pinapatay na ninyo!
PULIS III: Kalokohan!
PULIS I: Paanoy nanlalaban!
REGINA: Nanlalaban!
PULIS II: Resisting arrest! Ha-ha-ha!
PULIS: Nagtatangkang tumakas!
REGINA: O! O!
ALKALDE: Pinatay niya ang aking anak!
REGINA: Kayo ang batas kapag inyong anak!
PULIS I: Dadalhin namin sa husgado!
REGINA: Husgado, anong husgado?
PULIS II: Bakit ba marunong ka pa sa husgado?
PULIS III: Sa hustisya!
REGINA: Hustisya! Hustisya! Alam ba ninyo ang kahulugan ng hustisya? Kayo, Mayor alam ba ninyo ang kahulugan niyan?
(Ubus-lakas siyang sasampalin ng alkalde at siyay babagsak. Mapapayakap sa kanya si Ben).
PULIS I: Posasan iyan.
PULIS II: Masyadong makatuwiran!
REGINA: (umiiling) Hindi ninyo nalalaman, Mayor, ang kahulugan niyan. Hindi ninyo nalalaman. (Malakas) Kayo, lahat
kayo, hindi ninyo nalalaman ang kahulugan niyan!
PULIS III: Binaril mo ang sarili mong anak!
PULIS I: Parricide!
ALKALDE: Pananagutan mo ito.
REGINA: Pananagutan mo ito.
PULIS II: (hihiklatin si Ben kay Regina): Halina! Halina!
Sa presinto!
PULIS III: Sa presinto!
PULIS I: Doon ka makipagdebate.
ALKALDE: Dalhin ninyo!
REGINA: (napoposasang ilalabas): O, dalhin ninyo ako kahit saan. Sa presinto, sa korte, sa husgado, kahit saan! Dalhin
ninyo ako kahit saan. Pananagutan ko ang pagkamatay ng aking anak. Ako ang pumatay sa aking anak!
(Papalakas) Pinatay ko ang aking anak! Sasabihin ko sa lahat na pinatay ko ang sarili kong anak. Pinatay ko ang aking anak!
(Lalabas sila. Maiiwan sina Ana, Ben, at Aida. Kapuwa nakatingin sa bukas na pinto sina Ben at Ana, sinusundan ng tingin
ang mga nagsilabas. Nakalupasay sa isang tabi si Aida at umiiyak. Nasa kanyang kinabagsakan si Tony).














Pagsusuri ng Dula Bilang 2: JAGUAR ni Jose F. Lacaba at Ricky Lee
INT. GASTON PUBLISHING LOBBY. HAPON
Oras ng labasan. Nagba-bundy clock ang mga papalabas na MANGGAGAWA. Nasa tabi ng desk ng security guard ang bundy
clock.Nakauniporme si POLDO, nakaupo sa gilid ng desk. May kasama siyang GUWARDIYANG BABAE. Iniiksamin nilang
dalawa ang mga bag ng mgatrabahador. Ang mga lalakiy kinakapkapan ni Poldo.Dadaan si SONNY, may bitbit na attach
case. Sasalubungin siya ni Poldo. Itataas ni Poldo ang palad sa harap ng mga nakapilang manggagawa, parang pulis na
nagpapatigil ng trapik . Ang ekspresyon sa mukha ni Poldo ay parang nagsasabing: Relaks lang muna kayo riyan; boss ito at
dapat unahin.Uunahan ni Poldo si Sonny. Ipagbubukas ito ng salaming pinto.
EXT. GASTON PUBLISHING. HAPON.
Susunod si POLDO hanggang sa kotse ni SONNY. Bubuksan ni Sonny ang pinto ng kanyan kotse. Hahawakan ni Poldo ang
pinto habang pumapasok si Sonny, saka sasara ang pinto matapos makaayos ng upo ni Sonny.
POLDO : Sir, sa Linggo, ha ? Baka nyo makalimutan.
SONNY : Anong sa Linngo?
POLDO : Yong piyesta sa min.
SONNY : Piyesta a, oo. Hindi ko makakalimutan yan.
Sasaludo uli si Poldo. Tatakbo papunta sa labasan ng driveway. Pasenyas senyas at pasilba-silbato, pahihintuin niya ang
trapik sa kalsada para makalabas ang kotse ni Sonny.
EXT. SLUM AREA 1. TANGHALI
Piyesta sa komunidad. May kaunting banderitas na nakasabit. Sa harapan at loob ng mga bahay-bahay, MARAMING
nagkakainan, nag-iinuman, at nagkakaingayan.
EXT. BAHAY NINA POLDO. TANGHALI
Nakatayo si POLDO sa harap ng bahay, may inaabangan at mukhang inip na inip. Bihis na bihis siya. May hawak na bote ng
beer na kakaunti na ang laman.Sa background, MAY MATANDANG MAG-ASAWA at DALAWANG APONG nakaupo sa dalawang
mahabang bangko, kumakain. kinakausap ng TIYUHIN ni Poldo ang matandang lalaki. Ang TIYAHIN ni Poldo at si MARISSA
ay may dalang mga bandehado ng ulam at nag-aalok ng MGA BISITA na kumuha pa. Tinutukso-tukso ni Totoy ang dalawang
apo kinakalabit ang batok, pinipitik ang tenga.Nasa isang tabi ang mesitang ginagamit ng tiyuhin sa trabaho. Malinis ito
ngayon, walang nakapatong ng mga kagamitan ng sapaterya. Sa tabi nito, may mahabang dram na natatakpan ng sako.
Uubusin ni Poldo ang laman ng hawak niyang bote. Lalapitan ang mababang dram. Ititindig ang basyo sa tabi ng dram.
Hahawiin ang saka.Ang laman ng dram ay mga bote ng serbesa at malalaking tipak ng yelo. Kukuha si Poldo ng isang
malamig na bote. Bubuksan niya ang bote sa pamamagitan ng ngipin. Iluluwa ang tansan. Tutungga siya.Habang ginagawa
ito ni Poldo, Sa background ay makikitang lumalabas sa pinto ng bahay ang kapatid niyang si AIDA, kasama ang isang
pulutong ng mga KAKLASE. Maingay at masaya, nagpapaalam kay Aida ang mga kaklase.Papasok sa bahay si Poldo,
kasunod si Marissa.
INT. BAHAY NINA POLDO. TANGHALI
Sa mesa ng komedor-kusina, nakalataG ang marami pang ibang bandehado ng pagkain, puro may takip na wax paper. Nasa
banggerahan si ALING ELENA, naghuhugas ng pinggan.Lalapit si POLDO sa mesa at pipili ng mapupulutan. Ilalapag ni
MARISSA sa mesa ang dala niyang bandehado. Lalapit ito sa ina at tutulong sa paghuhugas ng pinggan.Lalapit si POLDO sa
mesa at pipili ng mapupulutan . Ilalapag ni Marissa sa mesa ang dala niyang bandehado. Lalapit ito sa ina at tutulong sa
paghuhugas.
ALING ELENA : Wala pa ba ang mga bisita mo, Poldo?
POLDO : (Ngumunguya) Wala pa nga ho, e.
MARISSA : Hindi ka na siguro sisiputin non, kuya. Class yata yong boss mo, e. Hindi yon ang tipong tumuntong sa
barungbarong.
POLDO : Oy, huwag kang sumali sa usapan ng matatanda, ha?
MARISSA : Sayang ang pinambili mo ng beer. Sana kuwatro kantos na langang binili mo, Tayu-tayo lang pala ang iinom.
POLDO : Ako ba talagang niloloko mo?
ALING ELENA : Poldo, kumain ka na. Pasado ala-una na, baka ka malipasan. Tapas na kaming lahat.
POLDO : Kumakain na nga ho. Ano pa ba tong ginagawa ko?
ALING ELENA : Bat hindi ka kumukuha ng pinggan at umupo nang maayos? Maiimpatso ka niyan sa ginagawa mo. Tamo, ni
hindi ka nagkakakain . Ang dami naming kanin diyan.
Nagsasalita pa si Aling Elena ay maririnig na ang boses ng TIYUHIN mula sa labas .
TIYUHIN : (Voice over) Poldo! Mga bisita mo! Eto na! Sa mas mahinang boses) Tuloy na ho kayo, nasa loob ho si Poldo. Aida
samahan mo ang mga bisita ng kuya mo.
Mabilis na isusubo ni Poldo ang kapirasong ulam na hawak niya. Ipahahatid ang daliri sa gilid ng mantel. Lakad takbong
pupuntahan ang pinto. Hustong pumapasok naman si AIDA, kasunod sina SONNY, DIREK, CRISTY, EDMON, JING, at BOSYO .
Si Sonny ay may hawak na bote ng stateside whisky.
POLDO : Tuloy kayo, tuloy. Akala ko, hihiyain nyo ko, e.
SONNY : (Inaabot ang bote ng whisky kay Poldo) Puwede ba yon? Eto ngat me pasalubong pa ko.
POLDO : Nay, mga . kaibigan ko Boss ko ho, si a si Sonny.
ALING ELENA : Magandang tanghali po.
SONNY : Magandang tanghali po naman.
ALING ELENA : O, Poldo , bigyan mo ng mga pinggan mga bisita mo. Aida, Marissa, tumulong muna kayo rito. Yong mga
napkin, ilabas nyo.
Habang kumukuha ng pagkain sina Sonny, abalang-abala si Poldo sa pag-iistima sa kanila. Excited siya, tuwang- tuwa. Si
Cristy ay walang ekspresyon sa mukha, parang napilitan lang sa pagkakapunta rito. Si Sonny naman ay parang pulitikong
nasa kanyang balwarte.
POLDO : Itong morkon, Sonny, Direk - ito ang ispesyalidad ni inay. Cristy, kuha lang, ha? Jing, Edmon, abot lang. Bosyo.
SONNY : O, Cristy , tikman mo raw tong morkon. Ikaw naman, Poldo huwag kang mahihiya, ha? Feel at home.
EXT. BAHAY NINA POLDO. HAPON
Malakas ang tawanan, parang karugtong ng tawanan sa nagdaang sequence (Eksena). Nagtatawanan ang mga LALAKING
BISITA ni Poldo. Lasing na ang lahat. Nakaupo sila sa magkaharap ng bangko. Nasa gitna nilaang mesita ng sapatero. Nasa
ibabaw nito ang bote ng beer; isang mangkok na may lamang halos tunaw nang yelo; isang bandehado ng pulutan.
Nakatayo si POLDO sa may likuran ni SONNY, parang angel de la guwardiya.Sa background, makikitang nakabukod si
CRISTY, kinukuwentuhan at iniistima ng husto ng INA at MGA KAPATID ni POLDO. Nakikinig lang si Cristy.
DIREK : (Iaabot kay Poldo ang mangkok) Wala na tayong yelo, Jaguar.
Sa mababang dram, magtitipak ng yelo. Ibinubuhos ni Direk ang natitirang laman ng whisky sa baso niya. Umiihi si Bosyo sa
isang sulok. Kumakanta si Sonny wala siyang tono.
SONNY : SI Bosyo kung umiihi, sumasagitsit pa nang konti
Hagalpakan na naman ng Tawa. Bigla, makakarinig sila ng mga hiyawan at pagkakaingay sa di kalayuan. Mapapatingin ang
lahat Sa pinagmumulan ng ingay.
POV (Point of View) NINA POLDO
DALAWANG MATON nagmumurahan, nagigirian pormang magkakatirahan. Nakapaligid ang IBA PANG TAMBAY at MATON,
nagmimiron , nanunulsol. Puro lasing ang mga ito.
BALIK KINA POLDO.
Nakatingin pa rin ang LAHAT. Nakatayo na si Sonny.
SONNY : Ano yon?
POLDO : Wala yan. Talagang ganito dito kung piyesta
hindi nawawalan ng gulo.
BALIK SA MGA MATON.
Biglang susugod ang isang MATON. Magkakasuntukan na ang dalawa. Titilapon si TAMBAY 1sa hanay ng mga KABARKADA ng
kalaban niya. Magsusuguran na rin ang mga BARKADA ni Tambay 1.
BALIK KINA POLDO.
Nakatayo na rin Si Direk sa tabi ni Sonny.
SONNY : Labulabo na brod.
DIREK : OO nga, brod.
Magkakatinginan ang dalawa. Magtatawanan. Takang mapapatingin si Poldo sa kanila. Itataas nina Sonny at Direk ang
kanilang mga baso, pagpipingkiin ang mga ito sa isang toast, at uubusin ang laman sa isang tungga. Pagkatapos, parang
iidiyan na hihiyaw ang dalawa Yahooo! at mabilis na tatakbo papunta sa gulo.Saglit na mapapanganga si Poldo. Saka
magmamadaling. Iiling-iling pa na para bang sinasabi sa sariling: Eto naman po kami.Patuloy lang sa pag-inom sina
Edmon at Jing, parang walang napapansing kakaiba.Takot at ninenerbiyos si Cristy.
CRISTY : Sira ulo talaga Ang mga yon.
JING : Magpapawis lang yon. Mag-aalis ng lasing.
EDMON : Yan ang katuwaan ng frat nila - rumble .
CRISTY : Walang frat-frat dito. Baka sila malagyan ng gripo sa tagiliran.
Sa labulabo, nakaawa pa sina Sonny at Direk habang nakikipagsuntukan at nakikipagbalibagan. Sinundan-sundan ni Poldo si
Sonny . Seryoso Si Poldo. Bahagi ito ng trabaho niyang ipagtanggol ang kanyang amo.Sa kasusunod ni Poldo,
masusuntok siya ng kalaban ni Sonny. Matatawa si Sonny sa nangyari. Bibirahin ni Poldo ang nakasuntok sa kanya. Titilapon
ito.Magpa-flying kick si Direk. Makakailag ang tinatarget niya. Sa halip, si Poldo ang tatamaan. Iilandang ito, babalandra sa
isang tabi.Grogi at nakasalampak sa putikan, may biglang maaalaala si Poldo . Ilalabas niya ang silbato sa bulsa. Sisilbato
siya ng malakas at sunod-sunod. May mga sisigaw ng Parak! Parak! Magpupulasan ang mga naglalabulabo.
Maiiwan sina Sonny, Direk , at Bosyo. Pagtatawanan nila si Poldo sa kinalalagyan niya. Mapapangii na rin si Poldo.
INT. BAHAY NINA POLDO. GABI
Nasa harap ng salamin si POLDO, Naglalagay ng merthiolate sa mga pasa-pasa sa mukha Titestingin niya kung matatag pa
rin ang panga niya.Sa banggerahan, naghuhugas ng pinggan sina AIDA at MARISSA. Nakahiga sa sahig si Totoy, tulog.
MARISA : Kuya, tulungan mo naman kami dito.
POLDO : Kayo ang babae, kayo ang maghugas.
AIDA : Bisita mo ang gumamit nito, a!
Habang naggaganap ang pag-uusap na ito, papasok si ALING ELENA. Buhatinniya si Totoy at panonoorin si Poldo.
ALING ELENA : Bakit naman ganon yung mga bisita mo, Poldo? Naturinganpa namang me pinag-aralan E nakikihalo sa gulo
ng me gulo?
POLDO : Nakainom lang ho yon.
ALING ELENA: At bakit pati naman ikaw e nagsasasali? Mga tagarito pa sa tinang inaway mo.
POLDO : Amo ko ho yong napalaban, Inay, kelangan e damayan koTrabaho ko ho yon.
ALENG ELENA: Abay trabaho na pala ang basag-ulo. Kung ganyan din lang, mabuti pa e maghanap ka na ng ibang trabaho.
Tatalikod sa salamin si Poldo at haharapin ang ina.
POLDO : Inay, hindi ko ho ipagpapalit itong trabaho ko ngayon. Palagay ko ho, narito ang asenso ko. Ngayon pa lang
suwerte na ko.
ALING ELENA: Suwerte?
POLDO : (Tuloy-tuloy lang, parang walang narinig) Biro nyo me amo akong ang turing sa akin e kaibigan. Me kaya yan, me
tinapos. Ako, hanggang hayskul lang, mahirap pa sa daga. Pero ang tingin niya sa kin, pantay lang parang kapatid.
MARISSA : Kapatid ba yong lagay na yon? Ang tingin ko inaatsoy-atsoy ka ke, e.
Saglit na matitigilan si Poldo. Pagkatapos ay babaling sa kapatid na nanlilisik ang mga mata.
POLDO : (NAGPIPIGIL NG GALIT) Ilang beses ko bang sasabihin sa yong huwag makikihalo sa usapan ng matatanda.



Pagsusuri sa Dula Bilang 3: KAHAPON, NGAYON AT BUKAS ni Aurelio Tolentino
BAHAGI I
(Isang bakurang may sagingan at iba pang halaman sa tabi.
Sa gitna ay isang balag.)
LABAS I
(Asalhayop at mga taong bayan. Nangakahanay ang babae sa kanan at ang mga lalaki naman sa kaliwa. Nanga-taas ang
kanang kamay nilang lahat, na tumatangan sa kopang ginto. Masasaya ang anyo nila.)
(Asalhayop, Masunurin, Walang tutol, mga taong bayan.)
Walangtutol : Mag-inuman, magsayawan.
Masunurin : Si Asalhayop ay ipagdiwang.
Koro : Ipagdiwang.
1.o : Mapala ang kanyang buhay.
1.a : At lumawig habang araw.
2.o : Habang araw.
Walangtutol : Dangal niyay huwag dadalawin ng siphayoy ng hilahil.
2.a : Huwag dadalawin.
3.a : Dangal niyay magluningning sa ligayang sasapitin.
Koro : Magluningning.
Masunurin : Madlang puri, madlang biyaya sa kaniyay sumagana.
Koro : Sumagana.
3.a : Madlang yaman, madlang tuwa sa kaniyay lumawig nawa.
Koro : Lumawig nawa.
Asalhayop : Katotot giliw, mga kaibigan, sa inyoy salamat nang habang buhay.
Ang inyong nais na tungkol sa akin ay aking biyaya sa sasapitin.
Kayo ang dangal ko, at kayong tunay ang tanging suhay sa aking buhay.
(Lalapitang isa-isa ni Asal. Ang mga Koro at ipipingki sa kani-kanilang kopa ang kanyang hawak.)
Mag-inuman, magsayawan, mag-awitan, limutin ang kalumbayan.
Koro : Mag-inuman.
(Anyong iinumin ng lahat ang laman ng kani-kanilang kopa.
Biglang lalabas si Ina, at si Tag. Magugulat ang mga dadatnan.Titigan sila ng kagulat-gulat ni Ina.)
LABAS 2
(Sila rin, Inangbayan, Tagalog)
Inangbayan : Mga walang loob,
mga walang damdam,
bagoy nagluluksa
ang kawawang bayan.
Mga walang puso,
mga walang dangal,
nahan ang pangakong
kayo ay dadamay
sa mga pumanaw?
(Tatawa nang malakas si Asal at ituturo si Ina.)
Inangbayan : Asalhayop!
Asalhayop : Masdan ninyo si Inangbayan,
Ang buwisit at manggagaway.
(Magtatawanan ang koro.)
Humayo ka, Inangbayan,
Huwag sabihin ang patay.
(Magtatawanan ang koro.)
Koro : Mag-inuman.
(Anyong iinumin ang laman ng mga kopa.)
Inangbayan : Huwag!
Huwag ninyong lagukin, huwag ninyong mainom ang
hinahawakang alak na may lason.
(Magtatawanan ang koro.)
Ang inyong kaluluwa ay malilinggatong, kayoy isusumpa ng
mga pahanon.
(Magtatawanan ang koro.)
Mainit pang tunay sa mga buruhan ang bangkay ng inyong nuno at magulang.
(Magtatawanan ang koro.)
Hayo at mag-isip ng tinutunguhan, hayo at bakahin ang mga
kaaway.
(Mahabang tawanan nila Asal at ng Koro.)
Koro : Magsayawan.
(Iinumin ni Asal, at ng Koro ang laman ng mga kopa. Tititigan sila nang kagulat-gulat ni Ina.)
Inangbayan : Mga walang kaluluwa! Ang inyong mga kasayahan ngayon ay pagdustang tunay sa libingan ng ating marangal
na lipi. Ano? Hindi baga ninyo nararamdaman sa ibutod ng inyong mga puso ang lamig ng kamatayan ng bayan? Hindi baga
kayo nangahihiya sa sarili, ngayong kayo nangagsasayahan sa ilalim ng talampakan ni Haringbata ang magiging anak ni
Hingiskang?
Asalhayop : Mahusay manalumpati ang ating ina, ang mangangaway.
Inangbayan : Asalhayop!
Asalhayop : Bigyan ako ng kaunting alak.
Koro : Kami man.
Inangbayan : Ako man.
Asalhayop : Kita ninyo? Kita ninyoy huminging kusa, pagkakitang hindi natinsiya alintanahin?
Magaling na talaga si aling inangbayan.
Asalhayop : (Kay ina) Heto ang alak na alay ko sa iyo. (Bibigyan siya ng isang kopa.) Mag-inuman!
(Itataas ni Asal at Koro ang kanilang mga kopa.)
Walangtutol : Mabuhay si Asalhayop!
Koro : Mabuhay!
Inangbayan : Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi sa paglapastangan sa araw na ito! Ito ngang tunay na araw ng
kamatayan ng mga tagapagtanggol ng bayan. Ito ang araw ng pagkalugso ng ating kahambal-hambal sa Balintawak.
Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi!Taos sa puso ko yaring sumpa, at sa katunayan ay ayan!
(Ipupukol sa lupa ang kopang hawak)
Asalhayop : Inangbayan!
Koro : (Biglang lalapitan ni Asal at tatampalin. Si Ina, ay mabubuwal, kasabay ng pagtawa ng Koro.)
Asalhayop : Manggagaway!
(Kasabay ng tampal at tawanan. Kasabay ng pagsakal sa kanya at pagtindig ni Ina.)
Walangtutol : Huwag! Bitiwan mo. Asalhayop.
(Bibitiwan.)
Inangbayan : Asalhayop, paglapastangan mo sa akin ay nahulog sa Apo, sa kamay ni Mandagaran, ang taksil mong
kaluluwa. At kayong mga nakianib sa kanya, kayong mga anakkong pinakamamahal, ay nangahawa na mandin sa kanyang
sawing palad. Dinudusta ninyo sa libingan ang dangal ng inyong mga nuno.
Ah! Hindi ko inakala kailan pa man, na kayoy hindi ko maihahalubilo sa mga angkang nagkalat dito sa Dulong-Silangan.
Mga anak ko, mga bunsong pinakaiibig, kayoy nangaliligaw. Panumbalikin ninyo ang inyong mga loob, pagsisihan ninyo ang
paglapastangan sa akin at sa dakilang araw ng pagkalugso ng bayan. Kapag nilimot ninyo ang araw na ito ay
lilimutin din ninyo ang libingang luksa ng inyong mga magulang.
Kayoy nangabulag na lubos. Buksan ninyo ang inyong mga mata.
(Biglang itataas ang tabing. Lilitaw ang mga libingang may mga pangalang sulat sa panahong una at may mga sabit na luksa
at sari-saring putong.)
Ayan at tanawin ninyo sila!
(Mangagluluhuran si Tag at Koro at mangangahulog sa kanilang kamay ang mga kopoang hawak, tanging hindi lamang si
Asal at tatalikdan ang mga nasabing libingan.)
Sa mga libingang iyan ay nalalagak ang mga buto nila Gat-Salian, Bituin at laksa-laksang iba pang bayaning kawal ng bayan.
Oh! Yayamang nilapastangan ninyo ang araw na ito at ang mga libingang iyan; yayamang dinudusta ninyo ang daklilang
pangalan ng inyong mga nuno; yayamang inilublob ninyo sa pusali ng kapalamarahan ang banal na kasulatan ng ating
maharlikang lipi, ay ipagpatuloy na ninyo ang inyong baliw na kasayahan, 3 colors ipagpatuloy na ninyo, mga bunsong
ginigiliw, ngunit pakiusap ko lamang, na doon sa ibabaw nila, sa ibabaw ng mga libingang iyan, ay doon kayo mag-inuman
ng alak, doon kayo magsayawan at mag-awitan, doon ninyo sambilatin at yurakan iyang mga laksang sabit, doon ninyo
huwag tugutang libakin ang inyong sariling dangal.
(Tatangis at marahang lalakad na tungo sa mga libingan.)
Mga bunsong pinakamamahal! Paalam ako sa inyo! Paalam ako sa inyo!
(Mahuhulog na muli ang dating tabing.)
LABAS 3
(Sila rin, wala lamang si Inangbayan)
Tagailog : Mga kapatid ko! Oh! Anot kayoy nangalulumbay? Dahil baga sa pag-aalala ninyo sa nalugsong buhay ng bayan
sa araw na ito? Ah, tunay nga! Sapul noon hangga ngayon ay dalawampung taon nang singkad,dalawampung taong
pagkakaalipin. Ngunit huwag. Ngayoy nahahanda nang lahat kapag kayoy umayos sa aking mga panukala
Koro : Magsabi ka!
Tagailog : Ibig baga ninyong bawiin sa kamay ng kaaway itong bayang sinamsam nila sa kamay ng ating mga magulang?
Koro : Ngayon din.
Tagailog : Tayo nat magsandatang lahat.
Koro : Tayo na.
(Aalis na lahat, matitira si Asal.)
LABAS 4
(Asalhayop)
(Tatanawin ang mga nagsisialis)
Asalhayop : Mga mangmang!
Ang mga taong ito ay may mga walang pinag-aralan. Mabuti pa ang aso, mabuti pa ang kalabaw, mabuti pa ang hayop
kaysa sa kanila, sapagkat ang mga hayop ay nabubuhay at marurunong magsipamuhay, ngunit ang mga taong ito ay hindi.
Nangatatahimik ang aming mga magulang. At ano? kung ipaghiganti ko baga sila ay mangabubuhay pa kayang muli?
Babawiin daw ang kalayaan ng bayan. At bakit pa? Mabuti ang may salaping alipin kaysa mahirap na laya. Mga hangal!
(Magkukuro) Mabuti nga.
Hahanapin ko ang mga Intsik, hahanapin ko si Haringbata at aking sasabihin sa kanya ang lahat ng nangyari. Salapi na
naman ito!
(Anyong aalis. Lalabas si Haringbata.)
LABAS 5
(Asalhayop, Haringbata, mamayay Inangbayan)
Haringbata : Asalhayop.
Asalhayop : Ako poy sumasayapak mo, dakilat marangal na Haringbata.
Haringbata : Salamat.
(Lalabas si Ina, at manunubok sa tabi ng tabing. Hindi siya makikita ng dalawa.)
Asalhayop : Ako po sana ay talagang paparoon sa inyong bahay at may nasang sabihing malaking bagay.
Haringbata : Ano yaon?
Asalhayop : Si Tagailog at lahat niyang kasama, na pawang kapatid niyat kapatid ko rin ay kaaalis din po dito ngayon.
Mangagsasakbat ng sandata at kayo po ay babakahin.
Inangbayan : (Mapaglilo!)
Haringbata : Tunay?
Asalhayop : Tunay po.
Haringbata : At bakit daw?
Asalhayop : Ibig daw po nilang mabawi ang kanilang kalayaan.
Haringbata : Mga masiging! At saan nangaroon?
Asalhayop : Ewan po, hahanapin ko sila at pakikialaman ko ang kanilang lihim, upang di maipagbigay alam ko sa inyo at
mangahulog sa inyong kamay.
Inangbayan : (Buhong!)
Haringbata : Salamat. Talasan mo ang iyong mga taingat mata. Heto ang salapi mong bayad.
(Bibigyan ng salapi)
At kung mangahulog na sila sa ilalim ng aking kapangyarihan ay dadagdagan ko pa iyan, at bibigyan kita ng katungkulang
mataas.
Asalhayop : Salamat po.
Haringbata : Hihintayin kita ngayong gabi sa aking bahay, at ipagbigay alam mo sa akin ang lahat nilang panukala. Heto ang
tandang ilalahad mo sa taliba upang di ikaw ay papasukin.
(Bibigyan siya ng isang tsapang tanso at aalis.)
Asalhayop : Asahan po ninyo.
(Titingnan ang salapi.)
Heto ang salapi ko, heto ang tunay na Ina kong bayan, ang tunay na Bathala. At madaragdagan pa; at matataas pa ang
aking katungkulan.
Sayang palad!
Inangbayan : ( Walang puri! )
LABAS 6
(Sila rin, Tagailog)
Asalhayop : Tagailog, hinahanap kita.
Tagailog : Akoy gayon din, kitay aking hinahanap.
Asalhayop : Sasalakayin baga natin si Haringbata?
Tagailog : Oo, bukas. Humanda kat ikaw ay kasama.
Asalhayop : Papaano ang paraang gagawin natin?
Tagailog : Akoy magdadala kunwari ng buwis.
Asalhayop : Mahusay. At saan tayo dadaan?
Tagailog : Sa tabing-dagat ang kalahati, at ang kalahati naman ay sa Diliman. Heto nat nagdadatingan ang ating mga
bayaning kawal, kasama ang mga babaeng tagapagsiyasat ng sugatan.
LABAS 7
(Sila rin, Walangtutol, Masunurin, Korong lalaki at babae. Ang mga lalaki ay pawang sandatahan.)
Walangtutol : Tagailog, narito na kami.
Tagailog : Hintayin natin ang mga ibang kasama.
Asalhayop : Akoy kasama ninyo, ngunit akoy uuwi pa muna sandali.
Tagailog : Hihintayin ka namin dito, at dito tayo magbubuhat sa pagsasalakay kay Haringbata.
Asalhayop : Asahan ninyong akoy darating. Asahan ninyong kung saan kayomamatay ay doon din ako magpapakamatay.
Paalam.
(Anyong aalis.)
Koro : Mabuhay si Asalhayop.
Inangbayan : (Kay Asal.) Hintay! Tagailog, huwag mong paalisin si Asalhayop.
Asalhayop : Ako?
Inangbayan : Ikaw.
Lahat : At bakit?
Inangbayan : Akoy may itatanong sa kanya dito sa harapan.
Masunurin : Ano kaya?
Koro : Ano kaya?
Inangbayan : Asalhayop, wala ka bagang taglay na salapi ngayon?
Asalhayop : Wala.
Inangbayan : Dinggin ninyo? Wala raw. At wala ka bagang taglay na kahit anong tanso sa katawan?
Asalhayop : Salupikang mangkukulam! Anot itinatanong mo?
Inangbayan : Wala ka bagang taglay na kahit anong tanso sa katawan?
Sumagot ka.
Lahat : Sumagot ka.
Asalhayop : Wala. Anhin ko ang tanso?
Inangbayan : Dinggin ninyo? Wala raw siyang taglay na salapi, at wala rin namang taglay na kahit anong tanso.
(Tatawa nang malakas si Ina.)
Asalhayop : Ngitngit ni Bathala! Anot nagtatawa ka?
Inangbayan : Dakpin ninyo at ipinagbili tayong lahat kay Haringbata.
Lahat : Oh!
Asalhayop : Ako?
Inangbayan : Ikaw.
Asalhayop : Sinungaling si Inangbayan. Sinasabi kong sinungaling si Inangbayan.
Inangbayan : Mga bunso, siyasatin ninyo ang katawan ni Asalhayop, at may taglay na salapi, at may taglay na tanso.
Tagailog : (Sa Koro) Siyasatin ninyo.
Asalhayop : Hindi ako pasisiyasat.
Tagailog : Dakpin ninyo.
(Tatanganan si Asal ng mga sandatahan ng mga babae ang kanyang katawan. Makukunan sa bulsa ng salapi at isang
tsapang tanso.)
Masunurin : Tunay nga!
Lahat : Tunay nga!
Tagailog : Anot ipinagkaila mo ang iyong taglay?
Asalhayop : Akoy sapagkat Datapwat
(Tatawa nang malakas si Ina.)
Inangbayan : Yayamang hindi niya matutuhang turan ay aakuin ko na siya at ako na ang magsasabi.
Asalhayop : Inangbayan! Mahabag ka!
Tagailog : Sabihin mo, Inangbayan.
Lahat : Sabihin mo.
Asalhayop : Inangbayan!
Inangbayan : Ang salaping iyan ay siyang pinagbilhan ng nilako niyang buhay ng bayan kay Haringbata.
Lahat : Oh!
Inangbayan : At ang tansong iyan ay siyang ilalahad sa mga taliba ng kaaway, upang siyay papasukin at maisiwalat ang
ating lahat ng lihim.
Asalhayop : Sumpa ng Apo! Ngitngit ni Mandagaran!
Inangbayan : Pagmasdan ninyo ang tanso at may tatak marahil ni Haringbata.
(Pagmamasdan ng lahat ang tanso)
Masunurin : Tunay nga.
Koro : Tunay nga.
Walangtutol : Kay Haringbatang tatak.
Tagailog : Asalhayop!
Asalhayop : Patawad!
Inangbayan : Ngayon at inyo nang nakilala kung sino nga si Asalhayop, ay paalam na ako sa inyo.
(Tuloy aalis. Anyong hahabulin ng lahat.)
Lahat : Inangbayan?
LABAS 8
(Sila rin, wala lamang si Inangbayan)
Tagailog : (Kay Asal) Oh! Walang pusong kapatid! Walang dangal! Sa mga ugat mo ay tumatakbo ang maruming dugo ni
Lakasalian, yaong taksil na nagpagapos ng leeg ng ating kawawang Inangbayan, kay Hangiskang na ama ng suwail na
Haringbata.
Pagmasdan ninyot kumikislap sa kaniyang mga mata ang alipato ng kanyang paglililo.
Bayang Tagalog, tandaan ninyo yaring hatol.
Dapat mahalin ang ating mga kapatid, ang ating mga magulang, ang ating sariling buhay, ngunit lalo pa nating dapat
mahalin ang dangal ng ating kahambal-hambal na Inangbayan.
(Sandaling palipas) Kaya nga, ang sino pa mang maglilo sa kanya, kapatid man natin o magulang kaya, ay huwag
pagpitaganan; takpan ang mata ng awa at idalhag siya sa bangin ng lalong dustang kamatayan, at idagan sa kanyang ulo
ang matinding sumpa ng ating pagkakapaalipin.
(Sandaling palipas) Bayang Tagalog, kung sakaling mawalan man tayo ng hiya sa mukha nating bantad, at pabayaan nating
makatkat sa ating noo ang limbag ng puri, manang katutubo ng ating mga kaluluwa, ay magkaroon man lamang tayong
kaunting tapang sa pagkitil ng sariling buhay. Ibuhos natin ang ating dugo,lamurayin natin ang ating laman, iwalat natin ang
ating mga buto, huwag na lamang kumalat-kalat sa lansangan ang mabusilak na dangal ng liping Tagalog, huwag na lamang
tayo ring ito ang maglublog sa putik ng lagim, ng kagalang-galang na mukhang tumatangis ng ating kahabag-habag na
Inangbayan.
(Sandaling palipas) Bayang Tagalog, si Asalhayop ay nagtaksil. Sunugin siyang buhay.
Koro : Patawad!
Tagailog : Bayang Tagalog, kung malaki ang pagmamahal mo kay Asalhayop, ako naman ay lalo pa, ngunit lalo pang malaki
ang pagmamahal ko sa ating Inangbayan. Inilako ni Asalhayop si Inangbayan kay Haringbata, kaya dapat siyang mamatay,
sapagkat dapat na lipulin ang lahat ng halamang lasong tumubo at umusbong sa lupang Tagalog.
(Sandaling palipas)
Sunugin sya ng Buhay.
Koro : Patawad!
Tagailog : Bayang Tagalog, bayang pinakamamahal kong lubha, wala sino pa mang makasasalag sa madaling hampas
niyaring hatol. Ibig ko pang akoy mamatay, huwag na lamang ipahutok ang katuwiran. Kaya nga, sinumang may nais na
humingi ng patawad na naitong suwail, ay patayin na muna ako, saksakin na muna yaring dibdib.Alin sa dalawa: mabuhay
ang kataksilan at ako ang mamatay ang kataksilan
(Sandaling palipas)
Sunugin siyang buhay.
Koro : Patawad!
Koro : Oh! Bayang Tagalog! Bayan ng marangal nan liping Tagalog, huwag mong ihingi ng patawad ang nagtaksil sa dakilang
dangal ng ating mga kasulatan.
(Bubunutin ang kanyang sundang.)
At yayamang ayaw ako ilugso ng mga nagtatanggol sa kanya, ako ang maglulugso sa mga sasagot sasanla sa aking matatag
na hatol. Iwawalat ko ang dibdib ng balang kumibo, hahalukayin ko ang puso ng balang magsigaw ng wikang Patawad.
(Itataas ang kanyang sundang. Mapapaurong ang lahat.)
Tagailog : Hukbong Tagalog, lahi ng katapangan, mga anak sa digma, tulinan ninyo.
Napaparam ang ulap ng sakim, sumisilay ang araw ng kalayaan: (Tuloy pasok)
LABAS 9
(Masunurin, Korong Babae)
Masunurin : Laban kayo, mga kawal, at bawiin itong bayan.
1.a : Sandali pay ating tunay na tagumpay.
Koro : Ang tagumpay.
Masunurin : Nagkaabot ang hukbo at nagkahalubilo.
2.a : Laban kayo, laban kayo, ang kalabay
Koro : Tumatakbo.
Masunurin : Hayot abuluyan ang mga sugatan.
Koro : Abuluyan.
LABAS 10
(Maglalabasan ang mga kawal na Intsik, karamihay sugatan at nagabubuwal.)
Masunurin : Huwag bayaan , itoy ating katungkulan.
LABAS 11
(Sila rin, Haringbata, Inangbayan, mamamayay si Tagailog. Kaladkad ni Haringbata si Inangbayan.)
Haringbata : Papatayin kita.
Koro : Si Inangbayan.
(Lalabas si Tagailog)
Tagailog : Haringbata!
(Sabay saksak. Mabubuwal si Haringbata.)
Haringbata : Mamamatay ako!
Koro : Patay si Haringbata!
LABAS 12
(Sila rin, kawal na Tagalog)
Tagailog : Ating-ating ang tagumpay. Atin ang ating katuwiran.
Inangbayan : Mabuhay si Tagailog.
Koro : Mabuhay!
Tagailog : Mabuhay si Inangbayan!
Koro : Mabuhay!
Inangbayan : Mabuhay ang ating kawal!
Koro : Mabuhay!
Tagailog : Mabuhay ang ating lipi sa lilim ng kalayaan!
Koro : Mabuhay!
Inangbayan : (Tatanaw sa kanan.) Sino ang mga dumarating?
Tagailog : Sino kaya?
Koro : Sino kaya?
(Tutugtugin ang Marcha Red Espaola at lalabas si Dilat-na-bulag at Matanglawin.)
LABAS 13
(Sila rin, Dilat-na- bulag,Matanglawin.)
Inangbayan : Sino kayo?
Dilat-na-bulag: Akoy si Dilat-na-bulag.
Matanglawin : Akoy si Matanglawin.
Tagailog : Kalaban ba kayo?
Dilat-na-bulag: Kami ay kaibigan.
Inangbayan : Ano ang inyong nais?
Matanglawin : Ang kayoy iligtas sa pagkapanganyaya
Tagailog : May sakuna baga?
Dilat-na-bulag: Mayroon.
Matanglawin : Tanawin ninyo sa dakong kanan ang tila wari nagdidilim na langgam na paparito, at yaoy mga kawal na
babaka sa inyong bayan.
Inangbayan : At sino nga sila?
Dilat-na-bulag: Mga kapatid din ninyo.
Tagailog : (Sumpa ng langit!)
Koro : Sumpa ng langit!
Matanglawin : Tanawin naman ninyo sa dakong kaliwa ang lalo pang
makapal. Babakahin kayo.
Inangbayan : At sino naman ang mga iyon?
Dilat-na-bulag: Inyo ring mga kapatid.
Tagailog : Sumpa ni Bathala!
Koro : Sumpa ni Bathala!
Matanglawin : Tanawin ninyo sa dakong yaon ang maraming kawal na mapuputi. Yaon ay aming hukbo. Tanawin ninyo sa
dagat ang mga sasakyang pambaka. Ang lahat na iyan ay amin. At kung kayo ay kakapatid sa amin, ang aming ari, ang
aming hukbo, ang aming mga sasakyan at ang aming mga puso at kaluluwa, ay inyo ring lahat. Ipagtatanggol namin kayo sa
lahat ng ligalig at pagkapaalipin.
Inangbayan : Tapat baga ang inyong pakikipagkapatid sa amin?
Dilat-na-bulag: Tapat.
Tagailog : Hindi ninyo bibigyang ligalig ang kalayaan ng aming mga anak?
Matanglawin : Hindi.
Inangbayan : Matatalaan ninyo ang gayon?
Dilat-na-bulag: Oo.
Inangbayan : Bayang Tagalog, narinig ninyong lahat. Sumagot kayo.
Koro : Kami ay pumapayag.
Matanglawin : (Kay Tagailog.) Talaan mo ito.
(Bibigyan ng pergamino, tatala si Tagailog.)
Tagailog : Ayan. At ikaw?
Matanglawin : Tatalaan ko ito. (Tatala rin sa isang pergamino.) Ayan.
Inangbayan : Ngayon, ang sumpaan.
Dilat-na-bulag: Ang sumpaan.
Lahat : Ang sumpaan.
(Isasaksak si Tagailog at Matanglawin ang kani-kanilang sundang sa bisig sa kaliwa, sasahurin sa isang sarong ginto ni Ina
ang dugo ni Tagailog at si Dilat-na-bulag naman ang kay Matanglawin.)
Dilat-na-bulag: (Kay Tagailog) Inumin mo ito.
Inangbayan : (Kay Matanglawin) Inumin mo ito.
(Tatanggapin nila Tagailog at Matanglawin ang mga sarong ginto.)
Tagailog : Sa sarong gintong iyong tangan
ay nalalamang totoo
ang dalisay na dugo ko
dugong tunay ng bayan ko.
Matanglawin : Sa sarong gintong iyong tangan
ay tunay na nalalaman
yaring duro kong dalisay
na dugo ng aking bayan.
Lahat : Inumin ninyo.
Dilat-na-bulag: (Hahawakan ang kamay ni Ina.)
Ang kamay kong iyong tangan
ay kamay ng aking bayan,
kung di mo pagsisiluhan,
ang ditoy pinagsumpaan,
kamay na itoy mag-aalay
sa iyo ng biyayang tunay.
Ngunit kung lalapastangan,
kamay na ito ay tatangan
ng sundang na kamandagan,
ang puso moy tatarakan.
Inangbayan : Sa dibdib koy masisilip
ang dalisay kong pag-ibig,
ang kaluluwa kong malinis,
ang mga banal kong nais
na sa atin ay bibigkis,
ang puso tay nang magkatalik.
Ngunit kung magbabalawis
sa ating pagkakapatid,
pag-ibig koy magngingitngit
at sa iyoy siyang tutugis.
Koro : Kami naman ay gayon din.
Tagailog : Ang magtapat ay mabuhay.
Koro : Mabuhay.
Matanglawin : Ang magtaksil ay mamatay.
Koro : Mamatay.
Inangbayan : Ang dugong iyay maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat. Datapwat kung magsusukab sa buhay
niyay maging lason at kamandag.
Lahat : Inumin!
(Iinumin ni Tagailog at Matanglawin ang dugo. Mahuhulog na bigla ang tabing.)




Pagsusuri ng Dula Bilang 4: SINAG SA KARIMLAN ni Dionisio S. Salazar
Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula Moog ng katarungan Sagisag ng Demokrasya Salaming
pambudhi Palihan ng pusot diwa Waterloo ng kasamaan Hamon sa pagbabagong buhay May mga maikling gayung
dapat hubdan ng mascara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayut talinghagang mamamayagpag at umiiring sa
batas. Sa isang dakoy may mga walang malay na dahil sa kasaliwaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito
humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan
Marami nang lubha ang mga pang pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap
ng kanyang tatakMay sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan
PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahagi ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May
anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa makabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay
magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming
(30). May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad
ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig . May black eye rin
siya. Si Bok ang bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na
araw nang naooperahan ng almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming
Paminsan minsay maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok .
Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming: Kelan pa kaya lalabas dito yan, a Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING . Ba, sino yan? . (Ingunguso si
Tony.)
Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok yan dito. Kawawa naman. Dugu-dugun siya.
Doming: OXO seguro yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata
pa.
Ernan: At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.)
Doming : Tipaning parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa.
Ernan: Si Bok naman. Konting lamig, bigan.
Doming: Hisi lang, Tsokaran.
Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking
sugat nya.(Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga atmapapahalinghing si Tony.)
Doming: Kilala mo siya, Bok?
Bok: (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigis-
Doming : Ba, wag!, Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang
nararamdamang sakit) M-magandang umaga senyo
Ernan: Gayundin sa yo. Este, ano ngang - ?
Tony: (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony hong pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba, di
ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa kong inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan: Salamat, Tony.
Bok: (May pagmamaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok
alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba! (Mangingiti ng makhulugan ang lahat.)
Tony: Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming: Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? Sigue Sigue? Bahala na? Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ming
Batsi Gang, ha?
Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkaday heto, magdadalawang taon na ko
dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibidamo sa min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdit,Tony boy! Bat nagalaslas angimong tiyan, ber? At teribol yang blakay mo.
Yawa.
Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba, Tony?
Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako sumamay sinuntok ako. Mabuti
kanyot nailagan kong saksak ditto (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundiy nasirang Tony na ko ngayon. Pero ang di
nailagay yung sakyod ni Pingas Nagpatay-patayan lang ako kaya Aruy!
Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay.Tila lima ang patawirin. Ang ibay nahuli. (Sa
sarili) A, kalayaan, sa ngalan moy kay dumaming humahamak sa kamatayan ! Kay Tony ) mabutit tumanggi ka, Tony,
kundiy tay kung masakit yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-
iba nang takbo ng Naisipkong walang ibubungang mabuti ang kasamaan Malaking utang na loob ko ke Padre Abena
sa aking pagbabago Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran . Me parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok: (Ngingiti ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himignagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki
naganakaw milyun milyun, ba. Sigi lang, adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa
kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.
Doming : Mabuti pay way na tayo maghusap tungkol sa relihiyun.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris ng ibat ibang ismo, kaya di
dapat pagtalunan.
Tony: Pero, Mang Erman, bat tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang
pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisay pirming nag-aaway.
Ernan : Tama yan. Ngunit ang pagtataloy dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan.
Pero pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok: Ber, ber, mga pare! Yung istorya ni Tony!
Tony: Iimbithin kita , Bok, isang araw, sa klase naming nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan.
Tiyak.
Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony: (Matapos makinang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) BuwenoAkoy buhay sa sang karaniwang pamilya sa
Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ngtuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko.
Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng
Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-aaway sila Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko
rin ang elementarya. Balediktoryan ako
Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya
Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat Nakakahiya pero dahil sa barkaday natuto akong
akong mandurukot , mang agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville Inilipat ako ditto pagkatapos
Santaon na lang ang natitira sa sentenya ko A, ang tatay ko ang may sala ng lahat! Mabuti namat idinistino ako ni
Direktor sa ting library. Nagpagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng
Ernan : Magaling. Ang pagbabasay nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay Nakalilikha ng tunay na lalaki Ang
pagbabasa
Tony: Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony: Mula ng umalis siyay di na namin nakita. O nabalitaan kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony : Mula nang umalis siyay di na namin nakita. O nabalitaan kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony: Ayoko na siyang makita pa!
Bok: Gaisip ko reliyuso ka. Bat ngani?
Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siyang dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng
pagkamatay ng akingkapatid Ng aking pagkakaganito!
Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing lumimot at magpatawad. Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmayy
walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga
naghangad ng aking pagbagsak.
Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw
ng iyong tingin. Pambihira kayo.
Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang di-pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagpahal. Mapagkatiwalaan. Pero ang mag-asawang
walang anak (Magbubuntunghininga) napaka hindi ganap ang kanilang kaligayahan.
Doming: Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan: Kwarentay singko na.
Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa (Maikling tawanan.)
Tony : Gano na kayo katagal ditto, tabi ?
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam nyoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang
yung multa. na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang ay ligtas na ko sa pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay Sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang
maraming aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na
nakaw lang sa iba ang nilalaman Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyoy inibig ko pang
pabilanggo. Malayo naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri Ituturing kitang
parang tunay na anak Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay Meron din kaming ilang ari-arian pag-aaralin
ka namin.
Tony: Ke buti nyo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag aaralin din daw ako. Pero nakakahiya na atang pumasok sa
klase. Baka tawanan.
Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang kinikilalang edad. Ang totooy walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong nag-nagkakaanak ng alipin.
Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril
Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayot dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng
ating kasaysayan Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino nay makabayan pa. Hindi gahaman
sa salapit karangalan. Hindi mapagsamantalan Yaong walang colonial mentality.
Bok: Kalunyal mantiliti? Anu yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan. Wal- (Kagyat na matitigil dahil
sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay! (Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa
magkakasama.)
Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani? Mi
trangkaso Lumpo (Titingnan si Doming) Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si
Tony. Tawanan na naman.)
Tony: Maiba ko, Mag Ernan. Bat kayo naospital?
Ernan: Hindi naman.
Doming: Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan: Isinisilang sila, Doming . Maalala ko nga pala! Di bat ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang
Presidente?
Tony: Ako nga ho.
Ernan Ang binigkas mong tulay
Tony Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayong gumawa niyon.
Ernan Ibig kong malaman mo na ang tulang iyoy kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula kabilang na roon ang
mga sinulat ko rito.
Doming Hanong pamagat?
Ernan Sinag Sa Karimlan.
Tony Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay ba bagay sa saaa atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang
sinag. Ang liwanag!
Ernan Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali naitataboy ang dilim!
Tony Sanay mabasa ko yon!
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali naitataboy ang dilim!
Tony Sanay mabasa ko yon!
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba, kung
Bok (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber,
Doming! Ginistorya mo naman pare. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pag-ayon sa pahiwatig ni BOK)
Doming Akoy ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang prubinsya hay muwi ako dail sa
bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa
kotmatalik na kebigan hay Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin Binaril kong traydor nang tumalon sa bintana
Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos).
Tony At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan Nakikiramay kami sa yo, Doming . Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Itoy
para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa padrino, sabi nga ni Bok.
Bok (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi?
Doming Para sa hakiy siyang pinakamaganda sa ming bayan. Kinuha syang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa
kanya!
Tony Tapat ang puso mot di nagunamgunam na ang paglililoy nasa kagandahan . Sino nga, Mang Erman, ang nagsabi
niyon?
Ernan Si Balagtas, iho, ang Sisme ng Panginay
Doming Hang sama, ng loob koy yung pinakamatalik ko pang ko pang kebiganhang (Haharapin si Tony.) Binata ka pa,
Tony, hano? Ikaw, Bok, binata rin? Wag kayong pakakasal sa masyadongnapakaganda.
Bok A, pwee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm
Ernan Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na A thing of beauty is a joy forever. Dahil sa kagandahay daming tahanan
ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! . Kung
totoong nagbibigayng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay!
Bok Asan ngayon ang imong misis Dom?
Tony Magsasama kayo uli? Paglabas mo?
Doming Indi na. Hisinusumpa ko!
Bok Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?
Doming Wala. Yung panganay namin ay namatay sa eltor.
Ernan Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng
pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang
marami sa kanyang naririnig, mahihiga na siyat magbabalot ng kumot.)
Tony Panu hu makikilala ang tapat na kebigan?
Ernan Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Nang pangangailangan.
Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay. Magpakasakit.
Tony Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? Bat nga kaya napakaramingmapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-
linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me inaasahang tubo o gatimpala. May
Ernan nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.
Tony Me kunwariy nagkakawanggawa, pero saan bay ibig lang maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan.
Ernan Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration o pagbabagong - buhay.
Doming Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang Ernan.
Tony Pwera bola, Doming! Malayong (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena !
Magandang umaga po Padre.
P. Abena Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag-
aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin Habang lumapit )
Tony, totoo bang? may sugat ka sa tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka!
Bok (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan yan, Padre tay-pa na .
Tony Totoo pong sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin.
P. Abena Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.
Tony Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- pano po ngayon , Padre maaabsen ako sa ting klase?
P. Abena Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat, a Natutuwa akot hindi ka
naganyak sumama kagabi.
Tony Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa kin! Gayundin ang ke Direktor.
P. Abena Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik.
Tony Padre, ke bui-buti nyo ! Siyanga pala, si Mang Ernany ibig ding Wala raw silang anak.
Ernan (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunmay kung may usapan na kayoy Padre, kami ng maybahay koy
labing limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang mag-kaanak, subalit . Aywan ko ba kung bakit agad akong
nagkaamor kay Tony.
P. Abena Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. Matulungin. Mapagkakatiwalaan. At matalino. Balak ko
sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa akot kayoy
Tony Padre, possible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?
P. Abena Bakit hindi ? Mabuti ngang gayon at maraming titingin sa yo. Pagdating naamn ng araw ay kagustuhan din ng
tatay mo ang mangyayari.
Tony (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na seyong wala na akong Tatay!
P. Abena Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng
karimlang A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo,Tony?
Tony Sabi ng doctor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging itoy
aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital . Matatahimik ang lahat at makikinig sa
na) Tubig! Tubigg! Mamamatay na ko sa uhaw! Tubiggg!
P. Abena Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na yon. (Susundan ito ng alis .)
Lahat Adyos, Padre.
Tony ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya Matutupad din ang pangarap kong
makapag-aral kung sakali
Ernan Sadyang mabait si Padre Abena. Sanay paris niya ang lahat ng alagad ng panananampalataya Pero, tingnan mo,
Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi ko siya makakapiling sa lahat ng oros, samantalang ako Tuturuan kita ng
pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa ang tagapagmana.
Tony Paumanhin ho, Mang Ernan Bukod sa makata, ano ho ban
Ernan A, akoy peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa ilang samahamng pangwika,
pangbayan, pangkultura May malaki akong aklatan magugusthan mo . Guro naman sa piyano ang aking maybahay.
Magkakasundo kayo. Teka, ayan nang ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars.
Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatikat batangbatang nars ang lalagyan ng mga gamut. Isa-isa niyang
titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may paghangat pagnanasang tinging iniuukol
sa kanya lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya
pagkabigay ng kaukulang gamut sa mga may karamdaman)
Bok (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kungmagaibig lang siya ngani sa akon, pero
ginsama ang akon record. Yawa.
Tony Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal munang magnanakaw Tandaan moto, Bok. Higit na
marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama.
Bok Galalim man ang imonmg Tagalog!
Ernan Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)
Bok (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala
ngbahagya at pipikit ) santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman)
Ernan Pwera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na
(Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng
makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok at
Doming.)
Bok Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo.
Doming Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ng dati ring tanod.)
Tanod (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!
Tony (Itataas ang kanang kamay) Sir!
Tanod Miron kang bisita, adding.
Tony Bisita? Asan Sir? Sino hu siya? Sino hu siya? Kilala bay nyo sir?
Tanod Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya.
Doming Kuwarentay singko.
Tony Papuna na ba rito, sir?
Tanod Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)
Tony (Kunut-noo) Sino kaya yon? Ba, siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang taon.
Ernan Baka Tatay mo na yun, Tony)
Doming Baka naman hisang kamaghanak.
Bok (Mapapabangon na naman) Gwapo bang imong derpa? Paris mo Tony?
Tony (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pano niya malalamang narito ako? . Anim na
taon! City Jail Welfareville Muntinlupa Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong
itulot, Diyos ko!
Ernan Sino manyon ay may kapit siya. Kung diy di siya makatutuloy dito Ayun! Siya na Siguro yung dumarating!
(Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng
may kulay. Mababasa sa kanyan g anyo na siyay dumanas o dumarana ng maraming suliranin. Isang manhid na barong
tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay halata rinang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu
pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin.
Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunway ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na
hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tinginang anaki nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa
at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.)
Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko!
(Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa
buong katawang mutya ng anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony.
Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siyat uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiin ang kanyang mga
bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin si Mang Luis ang mga sugat at black-eye niya.)
Luis : Anak ko, napano ka?
(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng
kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantalay walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang
nagmamasid at nakikiramdam)
Luis Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang akoy makita? pagakaraan ng may anim na taon? (Buhat sa
kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti-unti siyang lalapitan ng ama.)
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba Ako ang Tatay mo
Tony: (Palibak) Tatay? Hm, ang nakilala kong amay anim na taon nang p-p patay !
Tony: Sayang lang ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ko
Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! . (Lilingon sa gawi ng bintana) Mula nang iwan nyo kami dahil sa sang
Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa keriday sapin-saping hirap ang aming dinanas lalo
nang aking Nanay Pati pag-aaral koy natigil Anong gagawin ko? Me sakit si Nanay Me sakit si Baby Nagkasangla-
sangla kami At nang lumaoy wala nang ibig magpapautang sa min Sang araw e napilitan akong Nang agaw ako ng
bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit . nang dumating ako at - amin ay (mababasag ang tinig)
patay nang kapatid ko! Sa tulong
Luis: Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! U-utang na loob A-a alam ko nang lahat!
Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si Baby Naospital si Nanay
Walang ibig kumupkop sa kin Baka raw me T. B. rin ako Akoy naging kanto boy, nabarkada, hanggang Natuto ako
ng ibat ibang paraan ng pagnanakaw Natikman kong matulog nang walang unan magtago sa ilalim ng tulay
Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid yan, Tony!
Tony: (Wawalaing bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-
masok ako ron Nang magdisiotso akoy heto Magdadalawang taon na ko rito (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop
pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluhat mistulang korderong ama.
Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ming mag-iina
kung kayoy tumupad senyong tungkulin?
Luis: H-hindi ko na hindi ko na kayo iiwan K-k kelanman !
Tony: Pangako, hm Daling sabihin, daling sirain
Luis Nagbalik ako upang upang pagsilbihan kayo habambuhay
Tony: (Patuya) Bat di kayo bumalik senyong magandang kerida?
Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan nya ako ang taksil! nang hindi ko nang hindi ko na masunod ang kanyang
kapritso Salamat sa kanyang ginawa at naglianag ang nalabuan kong isip. Nagyoy
Tony: Huli na ang lahat!
Luis: Ang sakit mong magsalita, anakalam mo bang limang buwan kitangpinaghahanap? At nang malaman
kong narito kay nilakad kong Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka ngparole.
Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na.
(Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy!
Luis: Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.
Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na nya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin
kita. Anak, magsamasama tayong muli!
Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo Ibig ko pang mamatay kesa sumama sa senyo!
Luis: Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony).
Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging itoy nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis dangat makakambatan siya
ni Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling itoy nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod.
Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ko, anak!
Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig!
(Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamanggawin o sabihin si Mang Luis. Naroong
pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan Ang nagmamalaking anak; Naroong pisilin ang mga kamao;
naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; naroong tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at
nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuway walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan.
Pagkuway walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan upang lingunit pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony.
Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama.
Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito.
Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming.
Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang
kanyang labi.)
Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng batbat ng ibat ibang uri ng pag-subok. Ang
tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at
hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay.
Tony: Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar koy
Ernan Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Miino ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang
sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doctor (Kay Tony) Mabutiy mahiga ka. Siguroy maaampat yan.
Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm tsiken pid yan.
Doming: Sabagay, hakuman yang nasa lugar ni Toniy hewan ko nga ba
Bok: Bilib gid ako sa imo Gas-mati ka. Y-y-yeba! .
Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarli) A, kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San
Francsico ng Asisi, sanaY
Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)
Pagkaganda ganda nga ng Panalangin ni San Francisco Bathala, gawin Ninyo akong kasangkapan Kung saan may
galit
Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagiy yung Nasa pagbibigay ang
ating ikatatanggap nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran
Tony: (Mabilis) Mang Ernan Madali ngang sabihing Lumimot at magpatawad, ano ho? Pero, ar ruyyy (Mapipikit at
aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan ang binata
at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawang nyung dokdok! O nars! Madali kayo!
Bok: Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals wals yan!
Doming: (Patikudtikod na lalabas subalit doon pay sisigaw na) Nars! Nars! Narrsss! (Muling darating ang nars na
nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang
nangagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik silang
magmamasid.)
Nars: Sariwa pang sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas. At huwag kang magpapagalaw ha, Tony?
Tony: Paglabas ko ritoy pupunta ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala!
Nars: Sabi nat puwera muna ang salita. Pag sinuway mo koy Sige ka, hm
Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.)
Nars: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-alis.)
Tony: Maraming salamat, L-Ly Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iayan matagal na. ( Hindi pa rin
nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.)
P. Abena Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes . Mabait at masipag ang batang yan. Paris mo
Tony: Siya nga po ang babaing handa kong
Bok: (Makahulugan ang ngiti) tingin koy ayos na Silang dalwa, Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay moy nagkita kami.
nakiusap siyang -
Tony: Malilimutan ang lahat; mapapabagong biglat puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre! Na naman? (Hindi
mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony.
Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-hiningat mapapakagat labi Sa namamalas na
katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit.
Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako
ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.)
Nars: Tony, di bat sabi ko sayoy huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa yoyo?
Tony : Patawarin mo ko, Ly est, Miss Reyes.
Nars: (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uliy.. Sige, higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama
ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan.0
P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad.
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kaurap-kurap, at halos hindi humihingasina Mang
Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa
kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit a bunsong ngayoy nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.
Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siyay unti-unting uurong upang mabigyan ng
ganap na kalayaan ang mag-ama.
Ngayoy may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa
isang kisap-matay mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labit mapapatungo
ng marahn. Pagdaraupin naman naman ni Padre Abena ang mga, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.)






Pagsusuri ng Dula Bilang 5: ANGHEL ni Noel De Leon

BUMIBITAW ANG TAO sa Diyos, ngunit hindi kaylanman bumibitaw ang Diyos sa tao.

Si Salvador Catacutan (Badong Buldoser) ay isinilang at lumaki sa Bagong Baryo isang squatter area sa Kalookan. Maaga
siyang naulila nang ang kanyang ina ay namatay sa isangsakuna. Ang ama naman niyay nasangkot sa isang pagnanakaw at
nabilanggo. Nabuhay siBadong sa sariling abilidad pagnanakaw, pananakot, paniningil ng protection money.Kinilala
siyang Kilabot ng Bagong Baryo. Sindak sa kanya ang lahat ng taga-Bagong Baryo,maliban sa isang batang naging alalay
niya at tagahanga si Tikboy.

Ang karibal ni Badong sa katabing barangay ay si Goryong Gwapo, na binansagannamang Hari ng Potrero. Mulat-sapol ay
lihim nang binalak ni Goryo na iligpit si Badong,upang masakop rin niya ang Bagong Baryo at lumawak ang raket niya sa
sugal, droga at iba pangpinagkakakitaang bisyo.

Wala ring malay si Badong na siyay may sakit na kanser na laganap na sa kanyangkatawan. Hindi niya alintana ang pabigla-
biglang pananakit ng kanyang sikmura, na akala niyaypanandalian lamang at lilipas din. Hindi niya alam na siyay malapit
nang mamatay.

Sa puntong ito ay dumating sa buhay ni Badong si Chelo na nagpakilalang isanganghel na sugo ng Diyos mula sa langit.
Sinikap ni Chelo na iwasto ang buhay ni Badong at ilayosiya sa kanyang maling pamamaraan. Nais ng Diyos, wika ni Chelo,
na ipadama kay Badong angkanyang pagmamahal. Galit na sinabi ni Badong na, tutal, matagal na siyang pinabayaan ng
Diyos, huli na upang silay magkasundo pa. Pinalayas niya si Chelo at pinagsabihang huwag nangbabalik pa.

Bago tuluyang lumisan si Chelo, sinadya ng anghel ang isang cancer specialist si Dr.Amado Javier at ni-refer sa kanya
ang kaso ni Badong. Gumawa rin si Chelo ng paraanupang magkakilala sina Badong at ang doktor sa isang sa-wariy di-
sinasadyang aksidente.(Muntik nang nasagasaan ni Javier si Badong sa lansangan.) Kinumbinse ni Javier sa Badong na
sumailalim sa isang medical check-up. Batay sa lumabas na resulta, pinagtapat ni Javier kayBadong na nabibilang na ang
araw niya.

Inalok ng doktor si Badong na doon mamalagi at magtrabaho sa ospital, kung saan lagisiyang masusubaybayan. Gawa ng
kabutihang nakita niya sa mga doktor at narses doon, at bungang pagtulong niya sa iba pang mga maysakit, unti-unting
nagbago si Badong.

Makalipas ang ilang buwan, naisipan niyang dumalaw muli sa Bagong Baryo. IbangBadong na siya maayos sa hitsurang
panlabas at sa panloob na ugali. Di niya alam, nangnawala siya ay pinasok ni Goryong Gwapo ang Bagong Baryo. Maging si
Tikboy ay nagbenta nang droga para kay Goryo. Imbes na ibalik ang kita kay Goryo, ninakaw ni Tikboy ang pera upang
panggamot ni Badong. Natuklasan ito ni Goryo at hinanap ang bata upang patayin at gawingleksyon sa iba. Pinagtanggol ni
Badong si Tikboy. Sa paglalaban nila, nasaksak at napatay niGoryo si Badong. Dumating ang mga pulis at dinakip si Goryo.
Sa kamatayan, hindi batid ni Badong ang kanyang pagtutunguhan. Muling lumitaw siChelo upang sunduin si Badong at
ihatid pauwi sa Amang nagmamahal sa kanya.










































Pagsusuri ng Dula Bilang 6: ANG AMA salin ni Mauro R. Avena
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang
lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na
paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili
lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay
naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng
kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na
bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang
mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may
parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos
na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-
uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap
nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y
ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y
umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung
may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na
walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa
malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina;
madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay
mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi
paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at
malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui.
Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin,
pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang
mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba
at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng
pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at
babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,
napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na
ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung
hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at
papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui
ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang
papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng
kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang
gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay
inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na
nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay
doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya
itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa
malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na
noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay
nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki
mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay
ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-
panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal
sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito
sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno
niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y
lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal
niya ang bata" Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula
ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming
iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya
gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan
kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong
dalang muli ang mga bote ng beer. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas
maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y
kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang
mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon
tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y
ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa
pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata.
Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto. Di nagtagal ay lumabas
ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat
ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na
mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila
maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod
nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero
ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna. Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod.
Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang
inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi
ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga
halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy
sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na
inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas
nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.
Pagsusuri sa Dula Bilang 7: ANG PAGLILITIS NI MANG SERAPIO ni Paul Dumol
Unang Tagapagtanong: (Sa Ikalawang Tagapagtanong) O, sige na.
Ikalawang Tagapagtanong: Sige. (Lalakad sila sa harap ng kanilang mesa)
Dalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Narito ho kayo upang panoorin ang isang paglilitis, dahilay ang krimen
ng isang pulubing huling- huli namin. Si Mang Serapiong pisak at surutin. (Tatakbo sila sa kanilang mesa.) Dalhin dito ang
nasasakdal! Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito agad!
(Hahalakhak, hihiyaw, at papalakpak ang mga Pulubi. Hihilahin ng dalawang bantay si Mang Serapio sa gitna ng silid at iiwan
doon. Katahimikan.)
Unang Tagapagtanong: Magandang gabi, ginoo.
Serapio: Magandang gabi rin ho. (Sandaling titigil) Mga ginoo
Dalawang Tagapagtanong: Silencio!
Unang Tagapagtanong: Huwag kang magsalita habang kamiy nagsasalita.
Ikalawang Tagapagtanong: Bastos ang nagsasalita habang may nagsasalita pa.
Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Patawarin ho ninyo siya. Talagang ganyan ho ang waLang kapangyarihang
tulad niya: mangmang, at yan nga ang suliranin ng mga may kapangyarihang, tulad namin.
Ikalawang Tagapagtanong: Tumindig ka nang matuwid!
Unang Tagapagtanong: Bat ka ba galaw nang galaw?
Serapio: Gusto ko lang malaman kung ano ang krimen ko. (Sandaling tigil)
Unang Tagapagtanong: Hindi mo ba alam?
Serapio: Hindi ho.
Unang Tagapagtanong: A, problema mo na yon. (Sa mga manonood) Pag-aaruga ng bata ang krimen niya. (Biglang
titindig ang tatlong saksi)
Tatlong saksi: Pag-aaruga, pag-aaruga, pag-aaruga ng bata.
Unang tagapagtanong: (Sa mga manonood) Krimen sapagkat ang pag-aaruga ng bata ay panunuksong
gumasta.Samakatuwid nawawalan ng pera ang federacion. Nahuli siya ng tatlong kasapi nitong federacion. Narinig siyang
nagsasalita sa anak niya at alam pa nila ang pangalan ng anak niya- Sol. Pormalidad na lamang itong paglilitis.
Hukom: Pormalidad na rin ho ang hatol ko.
Unang tagapagtanong: Ang parusa niya ay nais panoorin nitong mga pulubi. Siyay bubulagin. (Bubungisngis at tatawa
ang mga pulubi) Ginoong Serapio, mabuti bang tulog mo?
Serapio: Oho.
Ikalawang Tagapagtanong: Nakakain ka na ba?
Serapio: Oho.
Unang tagapagtanong: Magaling! Handang-handa ka sa paglilitis mo. Ilang araw mo nan g suot yang kamisedentro mo?
Ikalawang Tagapagtanong: Ikaw bay naghilamos na?
Unang Tagapagtanong: Naligo?
Ikalawang Tagapagtanong: Nagpunas man lang?
Unang Tagapagtanong: (Sa bantay) Na-spray mo na ba siya?
Hukom: (Pupukpukin nang dalawang beses ang kanyang podium) Ituloy ang paglilitis! (Sa mga manonood) Sa siyam na
taon sa federaciong ito bilang hukom, wala pa akong nakikilalang tagapagtanong na kasindaldal nitong dalawa. (Pupukpukin
nang dalawang beses ang kanyang podium) Ituloy ang paglilitis?
Unang Tagapagtanong: Bueno! Ginoong Serapio, sabihin mo sa amin- (Babatuhin si Serapio ng ikalawang tagapagtanong
ng yeso o anumang maliit na bagay)
Ikalawang Tagapagtanong: Tumindig ka ng matuwid!
Unang Tagapagtanong: Sabihin mo sa amin ang pangalan mo.
Ikalawang tagapagtanong: Pangalan!
Serapio: Serapio, ho.
Unang Tagapagtanong: (Sa Ikalawang Tagapagtanong) Serapio.
Ikalawang tagapagtanong: Serapio?
Unang Tagapagtanong: Serapio?
Serapio: Ho?
Ikalawang tagapagtanong: Serapio?
Unang Tagapagtanong: Serapio?
Serapio: Ano ho?
Dalawang Tagapagtanong: Serapio ano?
Serapio: Serapio.
Unang Tagapagtanong: Serapio Serapio?
Serapio: A, hindi ho, Serapio lang.
Ikalawang tagapagtanong: (Habang sumusulat sa kwaderno) Serapio lang.
Unang Tagapagtanong: Ocupacion?
Ikalawang tagapagtanong: Ocupacion?
Serapio: Wala. Wala ho.
Unang Tagapagtanong: Ano, wala kang ocupacion?
Serapio: Wala ho.
Unang Tagapagtanong: Hindi ba isa kang pulubi?
Serapio: Oho.
Unang Tagapagtanong: Ocupacion mo yon. (Susulat ang Ikalawang Tagapagtanong sa kwaderno) Classificacion.
Ikalawang tagapagtanong: Classificacion.
Serapio: Classificacion?
Dalawang Tagapagtanong: CLASSIFICACION!
Ikalawang tagapagtanong: Ano ang classificacion mo bilang pulubi? Nagmamakaawa o aliwan?
Unang Tagapagtanong: Pakunwari o karaniwan?
Ikalawang tagapagtanong: Ikaw bay nagrerenta?
Unang Tagapagtanong: Ng sanggol o bata?
Ikalawang Tagapagtanong: Upang akitin nga
Unang Tagapagtanong: Ang luha ng madla?
Dalawang Tagapagtanong: Yan ang uring nagmamakaawa.
Ikalawang Tagapagtanong: O tumutugtog ka ban g silindro o gitara, dram, o kahit na banda, o rondalla?
Unang Tagapagtanong: Kasama ng sayaw o kundi namay kanta nang madlay maaliw at bigyan ka ng kwarta?
Dalawang Tagapagtanong: Yan ang uring aliwan.
Unang Tagapagtanong: Maaari naman ding nagkukunwari ka, ikay ipinaglihi sa isang palaka.
Ikalawang Tagapagtanong: O kung hindi naman ikay isang palso, ngunit isang palsong palsipikado.
Dalawang Tagapagtanong: Pakunwaring bingi, bulag, pilay, pipi, madlay madaya man ikaw namay yayaman. yan ang
uring pakunwari.
Ikalawang Tagapagtanong: Walang guni-guni ang nasa huling uri.
Unang Tagapagtanong: Mga tunay na pipi, bulag, pilay, bingi.
Dalawang Tagapagtanong: Walang guni-guni.
Unang Tagapagtanong: Wala ring salapi.
Dalawang Tagapagtanong: Talagang ganyan ang buhay ng nasa huling uri: ang uring karaniwan.
Unang Tagapagtanong: Alin ka sa apat? Nagmamakaawa o aliwan?
Ikalawang Tagapagtanong: Pakunwari o karaniwan? (Sandaling tigil)
Serapio: Ang huli ho. (Susulat ang ikalawang tagapagtanong sa kwaderno)
Unang Tagapagtanong: Ginoong Hukom, ano ang gagawin namin ngayon?
Hukom: Patibayan na ninyo ang krimen niya. (Biglang tindig ang tatlong saksi)
Tatlong Saksi: (Sa mga manonood) Patibayan na ang krimen niya. Patibayan na ang krimen niya.
Dalawang Tagapagtanong: Bueno. Ginoong Serapio, may asawa ka na ba?
Ikalawang Tagapagtanong: Isang kabiyak?
Dalawang Tagapagtanong: Isang babaing bumahagi sa puso mo? (Sandaling tigil) Babaing nakasal sa harap ng altar, sa
opisina ng gatpuno, o iba pang lugar. (Katahimikan)
Unang Tagapagtanong: O ano, Ginoong Serapio, sagutin mo ang tanong.
Ikalawang Tagapagtanong: Napakasimple.
Unang Tagapagtanong: May asawa ka ba? (Sandaling tigil)
Serapio: Wala ho.
Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, di ka dapat mahiya.
Ikalawang Tagapagtanong: Sabihin mo ang totoo.
Unang Tagapagtanong: May asawa ka ba?
Serapio: Wala ho. (Sandaling tigil)
Unang Tagapagtanong: Iibahin ko ang tanong. May asawa ka ba noon?
Dalawang Tagapagtanong: Asawa na ngayoy nagsasaya sa bahay ng Diyos o bahay ng iba? (Katahimikan)
Unang Tagapagtanong: O ano? Malinaw na malinaw ang tanong ngayon. May asawa ka ba noon? (Katahimikan) Ginoong
Serapio, nakapagtataka yang katahimikan mo.
Ikalawang Tagapagtanong: May asawa ka ba noon? (Sandaling tigil)
Serapio: Oo.
Dalawang Tagapagtanong: Ayan!
Serapio: Ngunit siyay patay na.
Unang Tagapagtanong: A, wala. Bastat inamin mong may asawa ka na nga.
Hukom: (Pupukpukin ng Hukom ang podium niya ng dalawang beses) Magaling! (Sa mga manonood) Napakabilis ng aming
mga paglilitis sapagkat lahat ng aming mga tagapagtanong ay matatalino at magagaling.
Mga Pulubi: (Biglang titindig ang mga pulubit papalakpak) Magagaling! Magagaling! Magagaling! (Yuyuko ang mga
tagapagtanong)
Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, nagkaroon ka ba ng anak?
Ikalawang Tagapagtanong: Buhat sa kasal na yaon?
Unang Tagapagtanong: Buhat sa inyong pagsasama?
Ikalawang Tagapagtanong: Buhat sa inyong pag-aasawa? (Katahimikan)
Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, tahimik ka na naman.
Ikalawang Tagapagtanong: Wala kang sinasabi.
Unang Tagapagtanong: Wala kang imik.
Dalawang Tagapagtanong: Pasidhi nang pasidhi ang aming pananabik.
Unang Tagapagtanong: Nagkaroon ka ba ng anak? (Katahimikan)
Dalawang Tagapagtanong: Payat na payat, tuyung-tuyo pa. Walang alinlangang wala na siyang katas.
Ikalawang Tagapagtanong: Nagkaroon ka ba ng anak? (Lalapitan si Serapio ng Ikalawang Tagapagtanong)
Serapio: Bat ninyo tinatanong yan?
Unang Tagapagtanong: Aba! Pilosopo!
Serapio: Ano ba ang krimen ko?
Dalawang Tagapagtanong: (Tatakbo ang dalawang tagapagtanong sa likod ng mesa) Ginoong Serapio!
Serapio: Patawarin ho ninyo ako ngunit -
Unang Tagapagtanong: Wala ka bang utak?
Ikalawang Tagapagtanong: Isip?
Unang Tagapagtanong: Katiting na katalinuhan? Tandaan mo kung sino ka!
Ikalawang Tagapagtanong: Isang pulubi.
Unang Tagapagtanong: Hamak.
Dalawang Tagapagtanong: Kulisap!
Unang Tagapagtanong: Sagutin mo ang tanong! Nagkaroon ka ba ng anak? (Sandaling tigil)
Serapio: Oho.
Dalawang Tagapagtanong: Ayos!
Unang Tagapagtanong: Bat di mo kaagad inamin na may anak ka nga?
Serapio: Ano ho ba ang krimen ko?
Ikalawang Tagapagtanong: Umupo ka. Malalaman mo rin. (Aakayin siya ng bantay sa kanyang upuan. Susulat ang
Ikalawang tagapagtanong sa kwaderno.) (Sandaling tigil)
Unang Tagapagtanong: Ang pangalan ng anak mo ay Sol, hindi ba?
Serapio: Oho. Paano ninyo nalaman?
Unang Tagapagtanong: Marami kaming alam tungkol sayo. (Sandaling tigil)
Serapio: (Sa mga manonood) Yaon din ang pangalan ng namatay niyang ina- Sol, Consuelo. Namatay ang kanyang ina
nang siyay ipanganak. Ang aming unang anak at namatay pa ang ina, isang dalagang tahimik na may ngiting
nagmumungkahi ng simoy at tubig ng batis. Ang pagpanaw niyay pagsapit ng kalungkutan. Dalawang hiyaw ang
tumaginting sa aming silid sa gabing yaon: ang aking hiyaw ng hapis ng pagkamatay ni Sol, at ang hiyaw ng takot na
naisilang na Sol, na naging larawan ng kanyang ina: maputi, maitim ang mga mata, madalas na nakangiti, lundag nang
lundag kapag inuwian mo ng kendi, matamis, at laruan. Sanay nakita ninyo siya. At ang kanyang halakhak, ang kanyang
halakhak.-,Sol, Sol.
Dalawang Tagapagtanong: Ano? Ano? Ano? Ano? Ano?
Unang Tagapagtanong: Ano yang sinasabi mo?
Serapio: Wala. Wala ho.
Unang Tagapagtanong: Huwag ka nang umarte-arte pa.
Ikalawang Tagapagtanong: Bastat inamin mong may anak ka.
Unang Tagapagtanong: Dadrama-drama ka pa riyan.
Ikalawang Tagapagtanong: Nais pang talunin ang radio. (May mga papel na ibinigay ang Unang Tagapagtanong sa
Hukom)
Hukom: Ano? Tapos na ba ang paglilitis? (pPapalakpak nang dalawang beses ang Ikalawang Tagapagtanong)
Unang Tagapagtanong: Oho. Inamin na niya na anak niya yung Sol na yun. (Ibibigay ng isang bantay sa Ikalawang
Tagapagtanongang isang kahon)
Ikalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Ito ho ang kahon ng mga instrumentong ginagamit namin sa
pagpaparusa sa mga kasapi. (Habang nagtatalumpati siya, maglalapg siya sa mesa ng martilyo, pait, malaking gunting,
tinidor, bambo, at balarawna kukunin niya mula sa kahon) Kahangahanga itong federacion: ubod ng karunungan at pag-
uunawa, sapagkat sa katotohanan ay pagkakawanggawa ang mga parusa. Halimbawa, ang pagpipi o ang pagpilay kaya.
(Maglalapag siya ng bareta sa mesa) ipalagay nating bulag ang kriminal at nakikinabang dahil sa pagkabulag niya, hindi ba
tataas pa ang kita niya kung pilay rin siya. Bulag na, pilay pa. At di lang siya ang makikinabang. Ang federacion din,
sapagkat tataas ang kanyang abuloy sa federacion. Yan ang tinatawag kong maunawaing parusa: ang pinarurusahan at
nagpaparusa ay kapwa nakikinabang. (maglalabas siya ngicepick) (Sa Unang Tagapagtanong): Ito ho ang icepick.
Unang Tagapagtanong: (Kay Serapio) Ano? Handa ka na ba?
Serapio: Para sa ano?
Ikalawang Tagapagtanong: Sa pagbulag.
Serapio: Ha?
Ikalawang Tagapagtanong: Sa pagbulag. Madali lang. Sanay na itong guwardiya.
Unang Tagapagtanong: Alam niya kung anong parte ng mata ang dapat unang turukin.
Serapio: Pagbulag?
Ikalawang Tagapagtanong: Huwag kang matakot.
Unang Tagapagtanong: Hindi ka matetetano.
Ikalawang Tagapagtanong: Sterilized itong icepick.
Unang Tagapagtanong: Dalhin nga ninyo siya rito. (Hihilahin ng mga bantay si Serpio)
Serapio: Bat ninyo ako bubulagin?
Unang Tagapagtanong: Yan ang pamantayang parusa. (Tatangayin ng Ikalawang Tagapagtanong ang mga instrumento ng
parusa, ang malaking aklat, at ang kwaderno. Malalaglag ang mga ito sa sahig.)
Serapio: Para sa ano?
Ikalawang Tagapagtanong: Para sa krimen mo.
Serapio: Krimen?
Unang Tagapagtanong: Huwag kang gumalaw masyado. (Bibigkasin nang sabay-sabay ang mga sumusunod na talumpati)
Serapio: Bitiwan nyo ako! Bitiwan nyo ako! Bitiwan nyo ako! Nagsisinungaling kayo.
Unang Tagapagtanong: Huwag mo kaming pagbibintangan. (Bubuhatin si Serapio ng mga Bantay at ihihiga sa mesa.
Hahawakan nila ang kanyang paat kamay. Sisigaw at papalakpak ang mga pulubi.) Hawakan mo ang kamay niya! Hawakan
mo ang kamay niya!
Ikalawang Tagapagtanong: Ang ulo niya! Hawakan nyo ang ulo niya!
Serapio: Ano ba ang krimen ko? (Sandaling tigil)
Unang Tagapagtanong: Ang ano?
Ikalawang Tagapagtanong: Ano?
Serapio: Ang krimen ko, ano ang krimen ko?
Unang Tagapagtanong: Relaks lang, relaks. (Mananahimik si Serapio) O, ano ang nais mong malaman?
Serapio: Ano ho ang krimen ko?
Unang Tagpagtanong: Ang krimen mo! Yun lang pala.
Ikalawang Tagapagtanong: Di mo sinabi agad. (Pupulutin niya ang malaking aklat mula sa sahig)
Unang Tagapagtanong: Sigaw ka lang nang sigaw diyan. (titindig ang dalawang tagapagtanong sa plataporma, bubuksan
ng Unang Tagapagtanong ang malaking aklat, at hahanap ng pahinang mababasa ang dalawang Tagapagtanong)
Ikalawang Tagapagtanong: Ang krimen ni Mang Serapio.
Dalawang Tagapagtanong:
Ang buhay ng taoy lansangan ng hirap;
ang mundoy daigdig ng kirot at dahas.
Pagsasalay sakit ng ating pagkatao,
Pag-aaruga ng bata ang krimen ni Mang Serapio.
Krimen mo mang Serapio!
Unang Tagapagtanong: At wika pa sa aming aklat:
Dalawang Tagapagtanong:
Bawal mag-aruga ng bata o asawa,
ang taunang kitay nawawalan ng pera.
Unang Tagapagtanong: Ginagasta mo ang pera ng federacion para sa isang bata.
Ikalawang Tagapagtanong: Magpabulag ka na nang makauwi na tayo nang maaga.
Serapio: Ngunit wala naman akong batang inaaruga, a. (Sandaling tigil)
Unang Tagapagtanong: Ano?
Serapio: Wala akong batang inaaruga. (Sandaling tigil)
Ikalawang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, huwag ka nang magsinungaling.
Serapio: Hindi ako nagsisinungaling.
Unang Tagapagtanong: Huwag mong lokohin itong Hukuman.
Serapio: Wala akong niloloko.
Hukom: Ang parusa sa pagbubulaan sa Hukuman ay pagpipi.
Serapio: Sinasabi ko ang katotohanan. (Sandaling tigil)
Unang Tagapagtanong: Kaaamin mo lang na may anak ka.
Ikalawang Tagapagtanong: Narinig kita. Narinig ka naming lahat.
Unang Tagapagtanong: At itong anak moy isang babae.
Ikalawang Tagapagtanong: Ikaw mismo ang nagsabi.
Unang Tagapagtanong: Ang pangalan pa nga ay Sol.
Ikalawang Tagapagtanong: Sinabi mo yan! Sinabi mo!
Unang Tagapagtanong: Hindi ba inaaruga mo siya?
Serapio: Si Sol ay patay na. (Sandaling tigil)
Unang Tagapagtanong: Ha?
Hukom: Patay na siya? Si Sol, patay na?
Serapio: Tatlong taon nang patay. Sinagasaan ng dyip. Patay na siya. Patay.
Unang Tagapagtanong: Tunay na malungkot ang iyong kuwento. Pinipiga mo ang aming puso.
Ikalawang Tagapagtanong: Walang alinlangang mahusay ka sa sining ng pangbobola.
Serapio: Patay na siya!
Unang Tagapagtanong: Magsalaysay ka sana ng kuwentong higit na kapani-paniwala kaysa riyan.
Serapio: Totoo ang sinasabi ko! (Sandaling tigil)
Ikalawang Tagapagtanong: Totoo ha? May tatlong saksi kami ginoo,tatlong saksi na nanubok sayo, araw, gabi.
Unang Tagapagtanong: Dalawang linggo silang nagbantay.
Ikalawang Tagapagtanong: Mga saksi sila sa krimen mo.
Serapio: Nagsisinungaling sila! Wala akong batang inaaruga.
Unang Tagapagtanong: Titignan natin.
Ikalawang Tagapagtanong: Lalabas din ang katotohanan.
Unang Tagapagtanong: Kung sila ang nagsisinungaling, sila ang paparusahan, ngunit kung ikaw ang sinungaling (Sa
mga Pulubi) Pumaritosa harap ang tatlong saksi. (Titindig ang tatlong saksi)
Hukom: (Sa tatlong saksi) Kayo na naman?
Unang Saksi: Oho.
Hukom: Kayo na lang palagi ang nagpapabulag sa iba.
Ikalawang Saksi: Talagang ganyan ho ang buhay.
Ikatlong Saksi: Manananggol lang ho kami ng kalinisan nitong federacion.
Unang Saksi: Mga taga-patnubay ng kabutihan nitong lipunan.
Hukom: Kayo ba ang unang nagsumbong ng kanyang krimen?
Unang Saksi: Oho.
Hukom: (Sa mga manonood) Pues, ayon ho sa batas ng aming federacion, kung mapapatunayan nila ang krimen ng
nasasakdal, kanila ang lahat ng kasangkapan ni Ginoong Serapio at diyes porsyento ng kanyang kinikita. (Lalakad ang
tatlong saksi sa plataporma. Dadaluhungin kaagad ni Serapio ang Ikalawang Tagapagtanong)
Serapio: Buwaya!
Unang Tagapagtanong: (Sa mga Bantay) hawakan ninyo siya! (Hahawakan ng mga Bantay si Serapio at hihilahin sa sulok
ng acting area sa gawing kaliwa ng lugar ng mga Pulubi. Titindig ang mga saksi sa plataporma.)Bawal ditto ang kumilos nang
ganyan. Igalang mo itong hukuman ginoo. (Sandling tigil) (Sa Saksi)Ngayon, mga ginoo nitong marangal na federacion,
sabihin ninyo sa amin ang inyong nakita kagabi.
Tatlong Saksi: Nakita namin siya, papauwing may dalang mamantikang supot sa kilikili niya, at susulyap-sulyap sa kanat
kaliwa, takot wari ko na makita siya.
Dalawang Tagapagtanong: Takot sa waring makita siya.
Tatlong Saksi: Sinundan naming siya hanggang sa bahay niya, nagsitago kamit narinig namin siya. Heto na, Sol, kumain
ka nat isuot mamaya ang damit mong pula.
Dalawang tagapagtanong: Heto na, Sol, kumain ka nat isuot mamaya ang damit mong pula.
Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, pinagbibintangan kita ng krimen ng pag-aaruga ng bata. Bubulagin ka ngayon
din!
Serapio: yan ba ang inyong katibayan?
Ikalawang Tagapagtanong: Oo, masaya na kami.
Serapio: Kulang pa yang katibayan nyo.
Unang Tagapagtanong: At ano ang kakulangan?
Serapio: Si Sol, ang aking buhay na anak. Mga tanga ang espiya ninyo!
Unang Tagapagtanong: Huwag kang magsalita nang ganyan sa harap namin.
Ikalawang Tagapagtanong: Kamiy mga opisyal nitong Hukuman.
Serapio: Akala ninyo ay nahuli na ninyo ako, ano? Akala ninyo! (Sa tatlong saksi) May isa ba sa inyong nakakita sa buhay
na anak ko? Wala!
Ikalawang Tagapagtanong: Wala ba sa inyong nakakita sa anak niya?
Unang saksi: Narinig naman naming siyang nagsalita sa anak niya, gabi-gabi, sa buong linggong nanubok kami. (Bibigkasin
nang sabayang sumusunod na talumpati. Lalapitan at kakausapin si Serapio isa-isa ang mga manonood.) At kaya namin
alam na alam ang mga sinabi niya ay sapagkat -
Serapio: Nagsisinungaling silang lahat! Nagsisinungaling silang lahat! Nagsisinungaling silang lahat!
Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio!
Unang Saksi: Sapagkat gabi-gabi sa isang takdang oras au naririnig namin siyang paulit-ulit na nagsasabing, Heto na, Sol,
kumain ka nat isuot mamaya ang damit mong pula, at inuulit niya ito gabi-gabi.
Serapio: Nagsisinungaling sila! Nagsisinungaling sila nang maging kanila lahat ang mga kasangkapan ko!
Ikalawang Tagapagtanong: Ngunit nakita ba ninyo ang anak niya?
Tatlong Saksi: Hindi.
Serapio: Ha!
Ikalawang Tagapagtanong: Kung nagsisinungaling kayo mapipipi kayo, mapipipi kayo!
Unang Saksi: (Kay Serapio) Narinig ka naming nagsalita sa anak mo!
Serapio: Kung talagang buhay ang anak ko, dalhin nyo siya rito! Dudustain pa ninyo ang alaala niya. Kailangan ba kayong
makialam sa buhay ng may buhay?
Unang Tagapagtanong: Husto na yan, ginoo!
Serapio: Dalhin nyo rito ang anak ko, kung buhay pa siya! At bulagin nyo ako.
Unang Tagapagtanong: Kamiy nagpadala na, ginoo, kanina pa, ng dalawang kasapi nitong federacion sa iyong barung-
barong upang agawin ang anak mo sa karaniwang oras ng pag-uwi mo. Nakabalik na sila. (Sa mga bantay) Nasaan sila?
(Titindig ang dalawang Pilay)
Ikalawang Tagapagtanong: O ano? Nasaan ang bata?
Unang Pilay: Wala.
Unang Tagapagtanong: Anong wala? Hindi ba kayo pumunta sa bahay niya?
Unang Pilay: Oho.
Ikalawang Tagapagtanong: Hindi ninyo nahuli ang anak?
Ikalawang Pilay: Wala hong bata roon.
Unang Tagapagtanong: Kung nagsisinungaling ka- (Hahampasin ang dalawang Pilay ng kanyang baston. Susukot ang mga
Pilay)
Unang Pilay: Hindi ho.
Ikalawang Pilay: Wala ho kaming nakita. Wala ho.
Unang Pilay: Kundi isang baul.
Ikalawang Pilay: Itong baul ho, o. (Kakaladkarin nila ang baul sa hilagang gilid ng acting area.) (Katahimikan)
Ikalawang Tagapagtanong: Saan ninyo ito nakita?
Unang Pilay: Sa barung-barong niya.
Unang Tagapagtanong: Sa barung-barong niya.
Ikalawang Pilay: Sa isang sulok, ho.
Unang Pilay: Nakatago sa ilalim ng mga lumang sako.
Unang Tagapagtanong: Lumang sako. At hindi nyo pa ito nabubuksan?
Unang Pilay: Hindi pa ho.
Ikalawang Pilay: Nakakandado ho.
Ikalawang Tagapagtanong: Nakakandado. (Sandaling tigil) Buksan ninyo ang baul. (Pupukpukin ng Pilay ng martilyo nang
dalawang beses ang kandado ng baul)
Serapio: Wala yang laman! Wala yang laman! Isang lumang baul na nakita ko lang sa basurahan.
Unang Tagapagtanong: Bat mo tinatago Ginoong Serapio?
Serapio: Wala. Ginagamit ko sa bahay bilang upuan.
Ikalawang Tagapagtanong: At bakit nakakandado?
Serapio: nakakandado na yan nang makita ko.
Unang Tagapagtanong: Nagsisinungaling ka, Ginoong Serapio. Bagung-bago ang kandado. Wala ni isang bakas ng
kalawang. Ikaw ang nagkandado nitong baul.
Serapio: Nakakandado na yan nang nakita ko!
Unang Tagapagtanong: Kung ganoon, Ginoong Serapio, hindi mo daramdamin ang pagbukas naming rito. (Sa Pilay)
Buksan ang baul. (Dalawang hampas ng martilyo)
Serapio: Hindi! Huwag.
Ikalawang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, pinagpapawisan ka.
Serapio: Wala yang laman.
Unang Tagapagtanong: Bakit mo alam, Ginoong Serapio? Nagsinungaling ka kanina. Nabuksan mo na itong baul.
Serapio: Hindi!
Unang Tagapagtanong: Hala! Buksan mo! (Talong hampas ng martilyo)
Serapio: Huwag!
Ikalawang Tagapagtanong: Bakit, Ginoong Serapio?
Serapio: Akin yang baul.
Unang Tagapagtanong: Inamin mo rin.
Serapio: Huwag ninyong buksan yan.
Ikalawang Tagapagtanong: Bakit? May itinatago ka ba sa amin?
Serapio: Balewala sa inyo ang laman niyan.
Unang Tagapagtanong: titignan natin. Ituloy ang pagbukas. (Apat na hampas ng martilyo)
Serapio: Hindi nyo dapat pakialaman yan! Kailangan ba kayong makialam sa buhay ng may buhay?
Unang Tagapagtanong: Sasabihin ko sayo kung ano ang malalahad pagbukas namin nito! Katibayan ng krimen mo!
Serapio: Wala kayong matutuklasan diyan. (Uulitin niya ang linyang ito habangnagsasalita ang unamg Tagapagtanong)
Ikalawang Tagapagtanong: Ano ang tinatago mo riyan? Ang mga damit ng anak mo? Ang mga laruan niya? Ituloy ang
pagbukas! (Patuloy ang mga hampas ng martilyo habang nagsasalita ang Unang Tagapatanong at si Serapio)
Serapio: Huwag!
Unang Tagapagtanong: Wala kang kapangyarihan sa Hukuman ito, ginoo!
Serapio: Ngunit, akin yang baul!
Ikalawang Tagapagtanong: E, ano? E, ano?
Serapio: Huwag ninyong buksan yan!
Unang Tagapagtanong: Pigilin mo kami! Pigilin mo kami!
Serapio: Papatayin ko kayo! Papatayin ko kayo!
Ikalawang Tagapagtanong: (Sa mga Bantay) Hawakan ninyo siya!
Serapio: Ibubunyag ko kayo sa pulis! (Hihinto ang pagmamartilyo) Ibubunyag ko kayo sa pulis! Ibubunyag ko kayo at ang
inyong kalupitan! Ibubunyag ko ang inyong pandaraya sa madla! Ibubunyag ko ang inyong pagmamalupit sa aming lahat;
ibubunyag ko ang inyong sadyang pagpapabaya sa mga matatandang kasapi! Ibubunyag ko itong federacion sa pulis!
(Katahimikan)
Hukom: (Hahampasin ng Hukom ang kanyang podium) Walang makakatulong sayo, Ginoong Serpio, wala! (Kakaladkarin si
Serapio ng mga Bantay sa patimog-silangang sulok ng acting area. Lumupagi si Serapio.) Ni ang pulis, ang pahayagan, kahit
sino man sa mundong ito. Ang mga hiyaw moy di maririnig; ang bawat kilos moy mabibigo, walang papansin sayo.
Dumaing ka pa, at bukas makalawa, matatagpuan ang iyong magang katawan sa mga itim na bulaklak ng Pasig. (sa mga
pulubi) Tandaan ninyo yan! May kuwarenta pesos kayong dapat ibigay sa federacion araw-araw. At ibibigay niyo ang perang
iyan sa amin. At kapag hindi, kung kayoy nakakakita, pipitasin namin ang inyong mga mata; kung kayoy nakakapagsalita,
puputulin namin ang inyong mga dila; at kung kayoy nakakalakad, babasagin naming ang inyong mga buto; at kung di pa
rin ninyo susundin ang batas na ito, ang bawat daliri ninyoy isa-isang tatanggalin. Malungkot nga ang buhay sa federaciong
ito, ngunit kasapi na kayo hanggang kamatayan. Kamatayan lamang ang makapaliligtas sayo kapag sumali ka sa federciong
ito. Buksan ang baul!
(Patuloy na naman ang pagmamartilyo habang nagsasalita si Serapio. Dapat lunurin ng mga hampas ng martilyo ang
karamihan ng mga salita ng talumpati ni Serapio).
Serapio: Bale wala sa inyo ang laman niyan. Bale wala. Huwag na ninyong buksan. Balewala sa inyo ang laman niyan.
(sandaling tigil) Hindi naman ninyo mauunawaan. Hindi naman ninyo mauunawaan. Kung tangkain kong magpaliwanag,
kung tangkain kong sabihin sa inyo kung bakit, hindi naman ninyo mauunawaan. Pagtatawanan lamang ninyo ako. Anong
masasabi ko sa inyo? (Sandaling tigil) Nabubulok na kamay, nabubulok na balat, nabubulok na laman, nabubulok na ugat,
nabubulok na buto. (Masisira ang kandado; Katahimikan.) (Sisilip ang dalawang Tagapagtanong sa baul. Titindig ang ilang
Pulubi. Itataas ng unang tagapagtanong ang isang manika.)
Unang Tagapagtanong: Manika? (tatakbo si Serapio at aagawin at hahagkan ang manika)
Serapio: Sol! Sol!
Ikalawang Tagapagtanong: Si Sol! (magtatawanan ang mga pulubi)
(Patuloy ang tawanan ng mga pulubi habang nagsasalita si Serapio. Dapat lunurin ng tanawin ang mga linya ni Serapio.)
Serapio: Sol! Sol! Anak. Anak. Sol. Anak. Ang buwan. Ang bituin. Ang langit. Sol. Sol. Anak. Ang bituin. Ang hangin. Sol.
Ang langit. Hangin. Sol ko. Anak. Diwa. Imahen. Kristal at buhay. Buhay. Buhay. Sol. Anak ko. (Hihina ang tawanan ng mga
Pulubi. Titigan ng buong korte si Serapio.) Larawan ni Consuelo. Sol na anak ni Sol. Sol. Kristal at diwa. (Tahimik ang buong
korte.) Diwa. Diwa. Ang buwan. Ang bituin. Ang langit. Ang hangin. Ang sinag. (Mapapansin ng Unang Tagapagtanong ang
mga mukha ng mga Pulubi.) Ang araw. Sol! Ang araw! Sol! Ang araw! Son na anak ni Sol! Consuelo. Anh janginang
arawsol(Aagawin ng unang tagapagtanong ang manika.)
Ikalawang Tagapagtanong: (Matinis) Tatay ka ng trapo? (Tatawa ng malakas ang mga Pulubi. Matinis ang tawanan nila.)
Serapio: Bitiwan mo siya. Bitiwan mo siya.
Unang Tagpagtanong: Ginagasta mo ang pera ng federacion para rito?
Serapio: Pabayaan mo ako! Huwag mo akong pakialaman!
Ikalawang Tagpagtanong: Isang pamahid sa tae ng kabayo! (Matinis na tawanan muli.)
Serapio: Ang anak ko ay maganda! At buhay. Buhay. Ang anak ko ay buhay at ang kagandahan ng araw.
Unang Tagpagtanong: Kapok! (Hahagutin niya ang manika; katahimikan; Biglang lulundag si Serapio sa Tagapagtanong.)
Serapio: Bitiwan mo siya! (Tatakbo ang TAGAPAGTANONG sa kanyang mesat ihahagis ang manika sa mga Pulubi.)
Unang Tagapagtanong: Kunin mo siya! (Sisigaw ang mga Pulubit sasaluhin ang manika sa ibat ibang sulok ng silid
habang nagsisigaw at nagsisitawiran. Hahabulin naman ni Serapio ang manika. Mahahagis ang manika sa sahig, ngunit bago
mapulot ni Serapio ang manika, sisigaw ang Unang Tagapagtanong.)
Bulagin natin siya! Bulagin! (Uulitin ng mga Pulubi ang sigawKakaladkarin nila si Serapio sa plataporma. Lahat silay
nagsisigaw at nagtatawanan. Biglang maririnig ng mga manonood ang hiyaw ng binulag na Serapio. Biglang tatahimik ang
mga Pulubit lalayo kay Serapio. Babangon si Serapio.Duguan ang kanyang mukha. Duguan din ang mga kamay ng ilang
mga Pulubi; gayundin ang kanilang mga damit. Walang-imik ang mga Pulubit si Serapio. Susuray-suray na lalakad si
Serapio. Mararapa siyat gagapang. Aapuhapin niya ang manika. Biglang lalabas ang mga Pulubi maliban sa tatlo.
Papalibutan nila si Serapio kasama ng mga tagapagtanong. Mahihipo ni Serapio ang manika, ngunit bago niya makuha ito,
sisipain ng isang pulubi ang manika sa Pulubing nasa likod ni Serapio. Uulitin itong laro ng Hipo-Sipa. Biglang titigil ang mga
Pulubit Tagapagtanong. Lalabas ang mga Pulubi. Aakapin ni Serapio ang manika. Wala siyang imik.)
Guwardiya! Ilabas mo nga siya. (Kakaladkarin ng mga guwardiya si Serapio sa labas ng silid. Aayusin ng mga
Tagapagtanong ang kanilang mga kasangkapan.)
Hukom: Paminsan-minsan na lang itong mga paglilitis.
Ikalawang Tagapagtanong: Oo nga eh. Di tulad ng dati.
Hukom: Kelan pa ang susunod?
Ikalawang Tagapagtanong: Marso pa.
Hukom: Isa pang buwan. (Lalabas ang Hukom at Ikalawang Tagapagtanong; Katahmikan.)
Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Umaasa kami na nauunawaan ninyo kung bakit kami napilitang parusahan si
G. Serapio. Tinuturuan niya ang mga kasaping magkaroon ng mga haraya, ng mga pangarap, na di naman matutupad at
dadagdag lamang sa kanilang lumbay. Ang ginawa niyay nakasisira sa mga kasapi nitong federacion. Tinutulungan lang
naming sila nang parusahan namin si G. Serapio. Sinusunod lamang naming ang mga batas nitong federacion. Ang ano
mang federacion ay nangangailangan ng kaayusan ng mga batas. Ang maninira nitong kaayusan ay mapanganib. Ang
ginawa ni Mang Serapioy salungat sa aming mga batas. Ang ginawa niyay pulos malisya. Ipinagtanggol lang naming ang
aming kapwa tao. Itoy dapat ninyong lubos na maunawaan, lubos na maunawaan. (Katahimikan.)
Nakita ninyo sila isa-isang nagsialisan. Babalik din sila. Babalik.
Alam niyo, nagkamali si G. Serapio nang sinabi niyang kamiy sadyang pabaya sa mga matatandang kasapi. Ang mga
matatandang kasapi, ang mga matatandang pulubi, ang siya mismong ayaw mabuhay. Pilitin mo man sila, ayaw nilang
kumain, umiinom lang ng kaunting tubig araw-araw, sapagkat wala silang makita kundi karimlan sa langit at hinihintay na
lang nila ang pagdapo ni Kamatayan sa kanilang durungawan. (Sandaling tigil.)
Bali-bali na an gaming pakpak. Wala sa amin ang lakas upang liparin ang napakataas na pader na kongkreto. Marahil ay
ibinitin na nga ni Mang Serapio sa harap naming ang susi sa aming piitan, ngunit napakahirap hiwain ang sarilit ilahad ang
pag-ibig. Ang balon ay malalim, at sa kailaliman ang nasang lumipad at hanapin ang sinag ng araw, ngunit ang gula-gulanit
na diway mahinang wumawagayway lamang. (Lalabas siya.)

You might also like