You are on page 1of 5

Filipino

Baitang 10 • Yunit 10: Kuwentong-bayan Mula sa Kanluran

Si Cinderella
(Salin mula sa Ingles ni Kristine Mae Cabales)

Mga tauhan: Tagapagsalaysay (Narrator), Cinderella, Kapatid 1, Kapatid 2, Diwata,


Bisita 1, Bisita 2, Prinsipe

Unang Tagpo: (Sa tahanan nina Cinderella)


Tagapagsalaysay: Noong unang panahon, mayroong isang magandang dilag na ang
pangalan ay Cinderella. Mayroon siyang dalawang kinakapatid na babae na hindi
kagandahan at pangit din ang turing sa kaniya.

Kapatid 1: Nilinis mo na ba ang kusina?


Cinderella: Opo, tapos na po.
Kapatid 2: Napakintab mo na ba ang sapatos ko?
Cinderella: Opo, tapos na po.
Kapatid 1: Naplantsa mo na ba ang damit ko?
Cinderella: Opo, tapos na po.
Kapatid 2: At nakapagluto ka na ba ng almusal?
Cinderella: Opo, handa na po ang almusal.

Tagapagsalaysay: Si Cinderella ang gumagawa ng lahat ng trabaho sa kanilang tahanan,


dahil na rin sa utos ng kaniyang mga salbaheng kapatid.

Cinderella: (Sumisigaw) Mga kapatid! Sulat mula sa palasyo ang dumating para sa inyo.
Kapatid 1: (Nakikipagtalo) Ibigay mo sa akin iyan! Gusto ko nang mabasa!
Kapatid 2: (Nakikipagtalo) Huwag! Ako ang magbubukas niyan!
Magkapatid: (Nakatingin sa imbitasyon) Tingnan mo! Iniimbitahan tayo sa isang piging sa
palasyo!
Cinderella: (Nalulungkot na bumulong) Sana maaari din akong dumalo.
Filipino

Baitang 10 • Unit 10: Kuwentong-bayan Mula sa Kanluran


Tagapagsalaysay: Dumating na ang gabi ng piging.

Kapatid 1: (Humahalakhak) Ha-ha! Siguradong magiging maganda ang gabing ito para
sa amin.
Kapatid 2: (Humahalakhak) Maging maganda rin sana ang trabaho mo ngayong gabi,
Cinderella.

Tagapagsalaysay: Nang makaalis na ang magkapatid, bigla namang lumitaw ang isang
diwata.

Cinderella: Diyos ko! Sino ‘ho kayo?


Diwata: Ako ang iyong tagapagbantay, magandang Cinderella. Naririto ako upang
tulungan kang makapunta sa piging ngayong gabi.

Tagapagsalaysay: Iwinasiwas ng diwata ang kaniyang mahiwagang baston. Ang gula-gulanit


na suot ni Cinderella ay biglang naging magarbong damit.

Cinderella: Napakaganda po nito!

Tagapagsalaysay: Sa kaniyang paa ay nakasuot ang isang pares ng kumikinang na


babasaging sapatos.

Cinderella: Gustong-gusto ko po ito! Napakaganda!

Tagapagsalaysay: Gamit ng diwata ang kaniyang mahika, ginawa niyang magarang kalesa
ang isang malaking kalabasa at ang ilang daga ay ginawa naman niyang kabayo.

Cinderella: Napakaganda ng kalesa at ng mga kabayo!


Diwata: Ngayon ay handang-handa ka na talaga, Cinderella. Sige na, magpakasaya
ka sa piging, ngunit kailangan mong makabalik bago maghatinggabi!
Cinderella: Opo, mahal na diwata! Maraming salamat po!

2
Filipino

Baitang 10 • Unit 10: Kuwentong-bayan Mula sa Kanluran

Ikalawang Tagpo: (Sa palasyo)


Tagapagsalaysay: Sa piging, halos lahat ay namangha at nagtanong kung sino ang
magandang prinsesa.

Panauhing Babae: Sino kaya ang magandang prinsesa na iyan?


Panauhing Lalaki: Hindi pa ako nakakita ng babaeng kasingganda niya sa tanang buhay
ko!
Kapatid 1: Hindi maaari! Isasayaw siya ng
Prinsipe.
Kapatid 2: Hindi ito patas! Dapat sa akin lang
siya makipagsayaw.
Prinsipe: (Lumapit kay Cinderella) Maaari ba
kitang maisayaw?
Cinderella: (Nagulat) Huh! Opo, kamahalan.

Tagapagsalaysay: Isinayaw siya ng Prinsipe sa saliw ng lahat ng musika nang gabing iyon.
Maya-maya pa ay sumapit na ang ika-12 ng hatinggabi.

Cinderella: (Nagmamadali) Kailangan ko nang umalis! Maraming salamat!


Prinsipe: Pakiusap, huwag ka munang umalis! (pasigaw) Anong pangalan mo?

Tagapagsalaysay: Hindi sumagot si Cinderella,


at dali-dali siyang sumakay sa kalesa. Sa
pagmamadali, hindi na niya nabalikan ang
sapatos nang mahubad sa isa niyang paa.
Biglang nawala ang kalesa at mga kabayo,
bumalik din sa dati ang kaniyang gula-gulanit
na damit.

Cinderella: Hindi! Nawala na ang lahat! Ang aking magandang damit at kumikinang na

3
Filipino

Baitang 10 • Unit 10: Kuwentong-bayan Mula sa Kanluran


sapatos, nasaan na? Panaginip lamang ba ito?

Ikatlong Tagpo: (Sa tahanan ni Cinderella)


Tagapagsalaysay: Nang sumunod na araw, iniutos ng Prinsipe ang pagpapahanap kay
Cinderella.

Prinsipe: Gusto kong ang lahat ng dalaga sa buong kaharian ay masubukang isuot
ang sapatos na ito. Kailangan kong mahanap ang kapares nito, pati ang aking
prinsesa.

Tagapagsalaysay: Ngunit wala ni isang babaeng nagkasya ang paa sa sukat ng sapatos.
Hanggang sa mapadako na ang Prinsipe sa tahanan ni Cinderella.

Kapatid 1: Magandang umaga, Prinsipe! Masaya akong natagpuan mo ang nawawala


kong sapatos.
Kapatid 2: Sa akin ang sapatos na ito. Ako ang hinahanap mong prinsesa.

Tagapagsalaysay: Tinangka ng magkapatid ang pagsuot ng sapatos.

Kapatid 1: Ako ang unang susubok!


Kapatid 2: Hindi! Masyadong malaki ang mga paa mo. Ibigay mo iyan sa akin!

Tagapagsalaysay: Masyadong malalaki ang mga paa ng dalawa, at habang patuloy sa


pagtatalo ay nakita ng Prinsipe si Cinderella.

Prinsipe: Hayaan nating subukan ng dalagang ito.


Kapatid 1: Pero siya lamang si Cinderella.
Kapatid 2: Hindi naman siya pumunta sa piging. Hindi magkakasya sa kaniya ang
sapatos!

Tagapagsalaysay: Umupo si Cinderella upang subukang isukat ang sapatos.

4
Filipino

Baitang 10 • Unit 10: Kuwentong-bayan Mula sa Kanluran

Prinsipe: (Namangha) Nagkasya!


Cinderella: (Tuwang-tuwa) Nagkasya!
Kapatid 1 at 2: (Takang-taka) Nagkasya?
Prinsipe: (Nakangiti) Ikaw ang matagal ko nang hinahanap. Anong pangalan mo?
Cinderella: (Nakangiti) Ang pangalan ko po ay Cinderella.

Tagapagsalaysay: Natagpuan na ng prinsipe ang kaniyang prinsesa at namuhay sila nang


masaya.

You might also like