You are on page 1of 1

MUNTING CINDERELLA AT MUNTING PRINSIPE

Mahirap lang sina Cinderella. Ipinasok siya ng madrasta bilang katulong ng kusinera sa
palasyo. Mabait at masipag si Cinderella. Natuwa sa kanya ang kusinera.

Isang araw ay ipinatawag ng reyna si Cinderella. Ang sabi ay hatiran niya ng pagkain ang
munting prinsipe. Nakaupo sa may bintana ang munting prinsipe. Malungkot ito. Naawa sa kanya
si Cinderella.

Nagulat ang munting prinsipe nang Makita si Cinderella. “Bakit ka malungkot?” tanong niya
sa munting prinsipe.

Nalaman ni Cinderella na solong anank ang prinsipe. Wala itong kalaro at laging nakakulong
sa loob ng silid.

“Gusto mo, maglaro tayo kapag tapos na ako sa trabaho sa kusina?” sabi ni Cinderella.
Natuwa ang munting prinsipe.

Naging masigla ang munting prinsipe. Lagi niyang hinihintay matapos si Cinderella sa
kanyang mga gawain.

Kapag tapos na sa gawain si Cinderella ay naglalaro sila minsan naman ay namamasyal sila
sa hardin.

Natuwa ang hari at reyna sa nakitang sigla ng munting prinsipe. Naisip nilang ipaghanda ito.

Inimbita ng munting prinsipe si Cinderella sa pagdiriwang. “Wala akong isusuot na damit,”


sabi ni Cinderella.

Kinausap ng munting prinsipe ang reyna. Ipinagpagawa ng reyna ng magandang damit si


Cinderella.

Magandang-maganda si Cinderella sa suot na damit. “Mukha kang munting prinsesa,” sabi


ng munting prinsipe.

Natuwa ang hari at reyna. Nakita kasi nilang Masaya ang munting prinsipe. “Salamat kay
Cinderella,” sabi nila.

Napamahal si Cinderella sa hari at reyna. Itinuring siya ng mga ito na parang tunay na anak.

Mula noon ay nagbuhay-prinsesa si Cinderella. Pero nanatili pa rin siyang mabait at


mababa ang loob.

You might also like