You are on page 1of 6

Sa isang malaking puno ng narra naroon

ang kaharian ni reyna Niña, ang nagiisang reyna


ng mga bubuyog. Si reyna Niña ay araw-araw na
inuutosan at pinagtatrabaho ang kanyang mga
kapwa bubuyog. Kaya naman ang iilan sa mga
ito ay napipilitan na lamang na sundin ang reyna.
Malupit, makasarili at mataas ang tingin ni reyna Niña
sa kanyang sarili. “Nasaan ang pagkain ko?! Bakit wala
kayong dala?!”napatayong sigaw ng reyna, “pero mahal
naming reyna umulan po kagabi, basa po lahat ng bulaklak
dahilan para mahirapan kaming kumuha ng pagkain ninyo”
sagot ng punong trabahador, “wala talaga kayong mga
kwenta! Dahil diyan hindi ko kayo bibigyan ng kakainin niyo
ng isang buwan, nagtatrabaho lang naman kayo para
sa’kin!”sigaw ng reyna at umupo sa kanyang trono. Batid
niyang nagagalit na ang iba pero nanatiling kampante ang
reyna sapagkat alam niyang wala silang magagawa.
Isang araw nagkasakit ang punong
trabahador ng mga bubuyog ngunit pinilit ng
reyna na pagtrabahoin pa rin ito sa
kadahilanang wala na siyang makakain.
Nagresulta ito sa lubos na panghihina ng
punong trabahador. Dahil dito napuno na ng
galit ang karamihan sa kanila.
Habang natutulog ang reyna nagtipon-
tipon ang mga bubuyog sa isang sulok upang
pagplanohan ang pwedeng gawin. Makalipas
ang ilang oras ay napagpasiyahan nila na
paalisin nalang ang reyna kaysa sa saktan ito at
sumangayon naman ang lahat dito.
Pagkagising ng reyna ay nagulat siya nang
malaman niyang hindi na niya suot ang kanyang
korona. Mabilis siyang tumungo sa iba pang mga
bubuyog at sa pagkakataon na ‘yon nadatnan niyang
galit silang lahat. “Naging reyna ka lang naman
dahil pumayag kami, ngayon dahil sa masama at
makasarili mong ugali ayaw kana naming makita.
Umalis kana!”. Hindi nakasagot at walang magawa
ang reyna.
Napagtanto niya kung ano ang mga
nagawang kasalanan niya at humingi ng tawad.
Naawa naman ang mga bubuyog kaya’t hindi
nila pinagpatuloy ang pagpapaalis sa reyna.
Tinanggap nila ito ulit at sa pagkakataong ito ay
lahat na sila nagtutulongan.

You might also like