You are on page 1of 2

PAGBUBUOD:

CINDERELLA
Noong unang panahon, may isang mayamang lalaki at ang kanyang asawang
maysakit at nang malapit na itong pumanaw pinatawag niya ang anak na si Cinderella para
makausap ito. At tuluyan nang pumanaw ang ina ni Cinderella. Palagi niyang dinadalaw ang
puntod ng kanyang ina at doon umiiyak.

Madalas umalis ang kanyang tatay upang magtrabaho. Nagpasiya itong mag asawa
muli upang may mag-alaga kay Cinderella. Nagpakasal siya sa isang byuda namay dalawang
anak na babae. Tumira si Cinderella kasama ang kanyang masungit na madrasta at mga
salbaheng kinakapatid, ginawa nilang katulong ang kakawang si Cinderella at siya ang
gumagawa ng lahat ng gawaing bahay.

Isang araw,nagwawalis si Cinderella sa sala habang ang kanyang mga kapatid ay


nakaupo sa sofa at kumakain ng mga prutas. Pagkatapos kumain, tinapo nila ang balat ng prutas
sa sahig. Pumasok ang kanyang madrasta at nakita ang maruming sahig at pinagalitan ito. Siya
ang nagluluto at naghuhugas ng pinagkainan sa bahay. Sa bodega natutulog si Cinderella, gabi
gabi siyang umiiyak at natutulog ng gutom. Nakikita ng mga ibon at daga ang paghihirap ni
Cinderella kaya naging kaibigan niya ang mga ito.

Dumating ang araw na nagpatawag ang hari ng isang pagtitipon at pinatawag ang
mga tao sa bayan. Gusto ng haring ipakasal ang kanyang anak sa pinakamagandang dalaga sa
kaharian kaya nagpadala ng imbitasyon ang hari para sa enggrandeng pagdiriwang sa kanilang
palasyo. Masaya ang lahat sa natanggap na balita, maging si Cinderella at tuwang-tuwa dahil
matagal na niyang gustong makita ang malaking palasyo. Dali-dali ring naghanda ng mga
maisusuot ang kanyang dalawang kapatid para sa pagdiriwang. Mabait si Cinderella kaya
pareho niyang tinulungan ang dalawa njyang kapatid at tuluyan nang umalis ang mag-iina
papunta sa palasyo. Napaiyak na lang si Cinderella ng maiwan siyang mag-isa.

Naalala niya ang trahe de boda ng kanyang ina ngunit sira-sira na ito kaya sinimulan
niyang ayusinang damit, tinulungan din siya ng kaibigan niyang ibon at daga. Bigla na lang
dumating si fairy god mother at tinulungan si Cinderella. Gumamit ito ng salamangka o magic at
napalitan ang sira-sirang damit ni Cinderella ng isang napakagandang gown at para sa kanyang
paa, isang pares ng sapatos na gawa sa kristal habang ang kanyang kaibigang daga at ibon ay
naglalaro sa isang higanteng kalabasa. Naging isang enggrandeng karwahe ang kalabasa, naging
kabayo ang mga daga at ang ibon naman ang naging kabalyero nito. Nagpasalamat si Cinderella
kay fairy god mother at nagpaalam para tumungo sa palasyo at sinabihan ito ni fairy god
mother na kailangan niyang makabalik bago sumapit ang hatinggabi. Pagdating sa palasyo,
nabighani ang lahat sa kanyang ganda. Hindi siya nakilala ng kanyang madrasta at mga kapatid.
Nakita siya ng mahal na prinsipe at agad itong napaibig sa kanya. Lumapit siya kay Cinderella at
inimbitahan itong sumayaw, at pumayag naman ang dalaga. Buong gabi silang nagsayaw ng
prinsipe, wala na siyang nilapitan pang iba maliban kay Cinderella. Sa sobrang tuwa, hindi
napansin ni Cinderella na malapit ng sumapit ang hatinggabi. Bigla niyang naalala ang sinabi ni
fairy god mother at napatingin sa orasan. Sinabi nito sa prinsipe na kailangan na niyang umalis.
Hinabol ito ng prinsipe. Sa pagtakbo ni Cinderella, natanggal ang isang pares ng kanyang
sapatos ngunit hindi na niya ito binalikan nang makita niya ang prinsipeng humahabol sa kanya.
Agad siyang sumakay sa karwahe at dali-daling umalis. Nakita ng prinsipe ang sapatos at pinulot
niya ito. Pagsapit ng hatinggabi gabi, bumalik sa pagiging kalabasa ang karwahe gayundin ang
mga ibon at daga. Tumakbo ng matulin si Cinderella hanggang makarating siya sa kanilang
bahay.

Kinabukasan, agad-agad na nagtungo sa bayan ang prinsipe kasamaang kanyang


mga kawal para maghanap. Kumatok sila sa bawat bahay at pinasukat ang dala nitong sapatos
na kristal sa lahat ng dalaga ngunit hindi ito nagkasya, at nakarating sila sa bahay ni Cinderella.
Pinasukat muna nila ito sa dalawang kapatid ni Cinderella na sina Anastasia at Drizella ngunit
hindi ito nagkasya. Nagtanong ang prinsipe kung may ibang dalaga pa nakatira sa bahay at
sinabi ng madrasta na wala nang ibang nakatira rito. Kinulong niya si Cinderella uoang hindi ito
makalabas. Nakita ng isang kawal ang pinto ng bodega na nakakandado. Sinundan siya ng
madrasta at sinabing huwag nang magaksaya ng oras sa pinto ng bodega. Sinira ng kawal ang
kandado at pumasok ito sa loob. Laking gulat niya ng makita ang isang dalagang nakaupo sa
isang sulok at sumigaw na may isa pang dalaga sa bodega at agad naman siyang pinuntahan ng
prinsipe at ng mga kawal upang isukat ang dala nilang sapatos. Saktong-sakto ang sapatos sa
paa ni Cinderella, habang galit na galit ang kanyang madrasta. “Sa wakas nakita rin kita”, sabi ng
Prinsipe at tinanong kung ano ang pangalan ng dalaga, at sumagot naman si Cinderella.
Lumuhod ang prinsipe upang hingin ang kamay ng dalaga para sa kasal at sinabing “Cinderella,
maaari mo ba akong pakasalan?” Sumagot naman si Cinderella ng “Oo.” Hinawakan ng prinsipe
ang kamay ni Cinderella at hinalikan ito.

Bumalik ang prinsipe sa palasyo kasama si Cinderella. Tuwang tuwa ang hari at reyna
nang makilala ang dalaga. Inimbitahan din nila ang Ama ni Cinderella para pag-usapan ang
kasal. Nagpakasal si Cinderella at ang prinsipe at namuhay sila ng mapayapa.

You might also like