Si Pedro ay sampung taong gulang. Siya ay punong pubo ng mga pangarap ngunit sila ay mahirap lamang. Ang kanyang ina ay mananahi at ang kanyang ama ay may kapansanan. May mga pagkakataon na siya ay di makapasok sa paaralan dahil walang pera at walang pamasahe. Madalas umiiyak si Pedro sa tabing ilog, at iniisip kung papaano ang kanyang gagawin upang makatapos ng pag-aaral. Naisip ni Pedro, Aha, pupunta ako ng bayan, maghahanap ako ng trabaho. Nang pumunta ng bayan si Pedro, siya ay nakahanap ng trabaho bilang isang tindera sa palengke. Arawaraw siyang gumigising ng maaga at bago mag-alas siyete ng umaga ay naghahanda upang pumasok sa paaralan at sa uwian naman ay balik trabaho siya. Pagdating niya sa bahay, inay may uwi po akong ulam at gamot para kay itay. Laking tuwa ng kanyang ina sa mga naitutulong ng kanyang anak. Ganito na ang naging buhay ni Pedro hanggang siya ay lumaki. Nakatapos ng pag-aaral si pedro. Siya ay isa ng manager ng isang malaking kumpanya. Naging inspirasyon si Pedro ng mga kabataan ngayon. Maraming tao na ang humahanga sa kanya. Nakapagpatayo ng bahay si Pedro, naipagamot niya ang kanyang Itay at nabigyan ng tulong pinansyal ang kanyang ina.
Tanong: 1. Sino ang pangunahing tauhann sa kwento?
2. Ano ang trabaho ng ina at ama ni Pedro?
3. Ano ang dahilan kung bakit minsan ay hindi nakakapasok sa