You are on page 1of 4

DIASS SCRIPT

Members: Mervi, Ciena, Chrizza, Rea (as a narrator), Cristella, Alieza, Catherine, Angeline, Jason, Abcdef,
Cyrille, Eduard
SCENE 1
Narrator: Isang umaga, nagkaroon ng pagtitipon ang journalist team ng [name of news agency] para sa
kanilang story meeting. Ito ang pagkakataon/sandali kung saan itinatalaga ng isang senior journalist sa bawat
miyembro ng team ang bawat istorya na kailangan nilang makuhanan ng impormasyon upang ma-i-ere sa
kanilang local news channel.
Mervi: Andito na ba lahat? (members agrees) Okay, so let’s start. Chrizza, ikaw ang bahala sa weather report
today, you know who to contact na, ‘di ba? Catherine, ikaw naman sa tumataas na presyo ng karne not only sa
public market but also sa malls and small-time stores. Alieza, I’ll leave the entertainment news up to you. And
Ciena, I’ll give you a possible hit-and-run case.
Cristella: Iyong about po ba ‘to sa natagpuang patay na biker?
Catherine: Ah, iyong si Kenneth Ponce?
Mervi: Yes, that one. This is a huge story because even the police had to request for an investigator to help
them out. So, I need you to gather all the verified information about this. Okay? Any questions?
Ciena: May naisagawa na po bang autopsy ang mga pulis? What about CCTV footage, may available po ba?
Mervi: That’ll be for you to find out. Alamin mo kung pwede ba natin ma-i-ere itong istoryang ‘to. Report to me if
you’ve collected all the information needed. Oh, and Rivas, samahan mo itong si Ciena.
Abcdef: Noted, ma’am.
Mervi: Alright, that’ll be all. Meeting adjourned.

SCENE 2
Narrator: Nagtungo agad si Ciena, kasama si Abcdef, sa pamilya ng biktima matapos ang meeting.
Ciena: Magandang araw po! Kayo po ba ang pamilya ni Kenneth Ponce?
Angeline & Eduard: Kami nga iha. Bakit?
Ciena: Journalists po kami galing sa [name of news agency]. Nagpapaunlak po ba kayo ng sandaling
interview?
Angeline: O sige, tuloy kayo.
Ciena: Ipi-play ko lang po ang recorder sa phone ko para sa interview na ito.
Angeline: Ay sige po.
Ciena: Ilang taon na po ba itong si Kenneth?
Angeline&Eduard: Kaka-twenty lang.
Ciena: College na po?
Angeline: (tears up a lil bit) Opo.
Ciena: Pwede po bang ikuwento ninyo sa’kin kung paano po ito nangyari? (rephrase the question if needed)
Angeline: Pauwi na ho sana siya sa bahay noong gabing yun, kaka-text niya lang sa’kin. Hindi naman ako nag-
isip ng kung ano kasi madalas naman talaga siyang ginagabi sa pagba-bike niya. Pero nag-alala na kami nung
mag-alas onse na ng gabi, e hindi pa rin nakakarating sa bahay. Tapos hindi nagtagal, may tumawag na
nagpakilalang pulis. Tinanong kung kami daw ba iyong magulang tapos nung mag-oo ako, ayon na, pinapunta
na kami sa ospital.
Ciena: Naabutan niyo ho ba ang anak ninyo pagdating sa ospital?
Angeline: Yun nga eh, hindi na namin naabutan. Dead-on-arrival siya.
Ciena: Ano naman daw po ang sanhi ng pagkamatay ayon sa mga pulis?
Eduard: Hit-and-run daw.
Angeline: Iyon po ang haka-haka nila. Hindi pa rin kumpirmado dahil wala pa silang nakukuhang cctv footage
at witness sa insidente. Pero nagsasagawa naman daw po sila ng imbestigasyon tungkol dito.
Narrator: Matapos ang iilan pang tanong, nagpasalamat sila Ciena at Abcdef sa pamilya at magtutungo na
sana sa headquarters para i-report ang kanilang nakalap na imporamasyon, ngunit...
Abcdef: Iyon na ‘yon?
Ciena: Kaya nga eh. Parang…
Abcdef: May kulang?
Ciena: (nods) Hmm. Tingin ko hindi pa kompleto itong nakuha nating information.
Abcdef: So, saan tayo?
Ciena: Alam ko na
.

SCENE 3
Narrator: Mabilis na nagtungo sa istasyon ng mga pulis sila Ciena at Abcdef matapos ang interview. Naisip ni
Ciena na kung gusto niyang makakalap ng mas malawak na impormasyon tungkol sa istorya, kailangan niyang
dumulog sa mga professional na maaaring mas nakakaalam tungkol dito.
Ciena: Good morning po! Journalist po kami mula sa [agency’s name]. Nandito po kami para sa case po ni
Kenneth Ponce.
Jason: Pwedeng patingin ng I.D.? (after a few moments) O sige sige, pasok kayo.
Ciena: Ipi-play ko lang ho itong recorder para sa interview.
Cyrille: Sure, sure.
Ciena: Totoo po bang hit-and-run ang sanhi ng pagkamatay ng biktima? (rephrase if needed)
Jason: Katatanggap pa lang namin ng autopsy report ng biktima, at lumalabas na may tama siya ng baril sa
katawan. Hindi pwedeng hit-and-run kasi based sa nakuha naming cctv footage kung saan huling nahagip
itong si victim, walang masyadong sasakyang dumadaan sa kalsadang dinaanan niya.
Cyrille: Ang anggulo na kino-consider namin dito is robbery. Nawawala kasi iyong bisiklita na pagmamay-ari ng
biktima. Although wala pa kaming suspect para sa kasong ito, mahirap kasi wala din namang witness. Wala ng
dumadaan sa bandang iyon lalo na kapag dis-oras na ng gabi.
Jason: Sa ngayon, we are still trying to look at it in another perspective.
Ciena: Okay po. Maraming salamat po sa pagpapaunlak nitong interview.
Narrator: Pagkatapos ng interview sa mga pulis ay muling kinausap ni Ciena ang mga magulang ng biktima
na sa wakas ay nalaman din ang buong katotohanan. Nakapanayam niya ng sandali ang ina ng biktima bago
bumalik sa kanilang headquarters dala-dala ang impormasyong nakuha niya tungkol sa istorya.

SCENE 4
Mervi: Okay! So kamusta naman ang data-gathering?
Chrizza: Medyo kapagod po, pero fulfilling.
Catherine: Ang dami po ng nakuha kong information.
Cristella: Hindi ko na rin alam kung paano ko ‘to pa-i-ikliin.
Mervi: Pero that’s our job: to make the news more comprehensible sa mga nakikinig. And one way of doing
that is to make the story short but still relevant and accurate. Kaya it’s very important to know what to include
and what to exclude sa mga information na nakuha niyo before you present it. Do you still remember iyong
mga questions na kailangan niyong itanong sa sarili when filtering your gathered information? Iyong mga
codes of ethics?
Chrizza: Tanungin kung makakatulong ba ito.
Cristella: Kung may karapatan ba akong ipahayag itong impormasyon.
Catherine: At kung tama ba ang impormasyong nalalaman mo.
Mervi: Okay, good. O, Ciena, Abcdef? Natahimik kayo? Did you get the information about the story?
Ciena: Yes po.
Abcdef: Goods na ma’am! Medyo shocked lang ho sa nalaman namin.
Mervi: Oh, okay. Story niyo ang unang ife-feature mamaya so be ready. Again, that’s all. See you tonight sa
studio.
SCENE 5

Anchor: At para naman po sa ating exclusive news: isang siklista


ang natagpuang patay. Noong una, inakalang biktima siya ng hit-
and-run pero lumalabas na tama pala ng bala ang kanyang
ikinamatay. Nakatutok si Ciena Olimberio.

Ciena: Pauwi na sana sa kanilang bahay si Kenneth Ponce, sakay


ng kanyang bisiklita noong lingo ng gabi. Pero ito na pala ang huli
niyang padyak. Di kalayuan mula sa lugar kung saan siya nahagip
ng isang CCTV camera, nakitang duguan ng mga pulis at rescuers
si Kenneth. Humihinga pa raw ang bente anyos na biktima nang
madatnang nakahandusay sa kalsada. Pero idineklarang dead-on-
arrival sa ospital. Ngunit nang lumabas ang autopsy sa biktima,
may tama pala ito ng bala sa katawan na naging sanhi ng kanyang
pagkamatay. Nawawala rin ang bisiklitang matagal daw pinag-
ipunan ni Kenneth. Mahirap isipin, sabi ng ina ng biktima, na dahil
sa bisiklita, nawala ang kanyang anak. Bagama’t pagnanakaw ng
bisiklita ang mas matimbang na motibong nakikita ng mga pulis,
may ibang anggulo pa raw itong tinitignan. Isa sa malaking hamon
na kinakaharap ngayon ng mga imbestigador ay wala pa silang
nakukuhang saksi sa insidente. Nangyari pa naman ang pamamaril
dito sa tinatawag na by-road, na ayon sa polisya, ay sobrang dilim
lalo na kapag dis oras na ng gabi. Nananawagan ang pamilya ng
biktima at pulisya sa taong bayan na tumulong at tumawag, sa mga
numerong inyong nakikita sa inyong screens, kung meron silang
nalalaman na impormasyon. Ako si Ciena Olimberio [tagline]. Balik
sayo, Mervi.

Mervi: Maraming salamat Ciena. Wag ho kayong bibitiw,


magbabalik po ang [agency’s name] maya-maya lamang.
Abcdef: And CUT!

You might also like