You are on page 1of 8

Endaya, Krysha Mae Q.

March 17, 2023


BSN-3B Prof. Evangeline Mecija

REMOTIVATION THERAPHY (SCRIPT)

TOPIC: SAMPAGUITA

SN- Student Nurse

C- Client

ALL- Lahat

SN: Magandang araw sainyong lahat.

ALL: Magandang araw din po . Ngayong araw na ito ay magsasagawa tayo ng Remotivation.
Pero bago natin simulan ang ating aktibidad tayo muna ay manalangin. Ngayon ay sinong
gustong manguna sa ating pagdadasal.

ALL: Ako po ako po.

SN: Sige ikaw na nasa unahan.

C2: Sa ngalan ng ama ng anak ng espiritu santo amen Salamat po Panginoon sa lahat ng
biyayang ipinagkakaloob niyo po saamin. Sa biyaya ng buhay, bawat isa, pag-asa, kalusugan at
biyaya ng panibagong araw. Patawarin niyo po kami sa aming pagkukulang at aming mga
pagkakasala. Gabayan niyo po ang bawat isa sa amin na maging ligtas, malusog at masaya.
Nawa po ay maging matagumpay ang gagawin naming aktibidad ngayong araw na ito. Itinataas
namin ang panalanging ito sa iyo Poong Maykapal. Amen.

ALL: Amen. Sa ngalan ng ama ng anak ng espiritu santo Amen.

SN: Maraming salamat po. So ngayon ay sisimulan nanatin ang ating Remotivation. Maari ko
bang malaman kung sino na sainyo ang nakaattend na ng Remotivation ?

ALL: Ako po ako po.


SN: Maraming salamat. Napansin ko na halos lahat sainyo ay nakadalo na ng Remotivation.
Pero bago ang lahat ay magpakilanlanan muna tayong lahat. Maari niyong ilahad ang inyong
pangalan o palayaw at edad. Sisimulan ko sa aking sarili. Pagkatapos ay sa una hanggang
makaabot tayo sa pinakdulo.

SN: Ako nga po pala si Krysha Mae Q. Endaya, 3rd year nursing student from SLSU, Lucban,
Quezon, 21 taong gulang.

C1: Ako po si Ivan, 20 years old.

SN: Salamat Ivan.

C2: Ako po si Kaith, 20 taong gulang

.SN: Salamat Kaith

C3: Ako naman po si Ahlen, 20 years old.

SN: Maraming Salamat Ahlen

C4: Ako po si Billy, 20 years old.

SN: Salamat Billy

C5: Ako po si Len, 20 years old.

SN: Maraming Salamat Len

C6: Ako po si CJ, 20 years old.

SN: Maraming Salamat CJ.

C7: Ako po si Via, 20 years old.

SN: Salamat Via

C8: Ako po si Jen, 20 years old.

SN: Maraming Salamat Jen.


C9: Ako po si Kath, 20 years old.

SN: Salamat Kath.

C10: Ako po si Arkhin, 20 years old.

SN: Maraming Salamat Arkhin. Aking napansin na maayos ang inyong kasuotan at suot niyo
ngayong araw ang inyong maagandang ngiti.

SN: Salamat sainyong lahat. At ngayong nagkakilala na ang bawat isa. Ay mayroong lang akong
ilang mga paalala. Sa loob ng ating pagtitipong ito kung nais niyong sumagot at magsalita ay
maaari niyong itaas ang inyong kanang kamay at hintaying tawagin ang inyong pangalan bago
kayo sumagot o magsalita. gayundin ay kung may nagsasalita ay makinig tayong lahat.

All: Opo

SN: Ngayon naman ay maari ko bang malaman kung anong date at araw na ngayon?

(C7 Taas ng kamay.)

SN: SIge ikaw Via.

C7: March 17, 2023. Biyernes po.

SN: Salamat Via. Ngayon naman maaari ba kayong magbigay ng mga bagay o kahit anong
nakikita niyo saating kapaligiran?

ALL: Ako ako po. ( Lahat ay tumaas ang kamay)

SN: Lahat ay nais sumagot. Magsisimula naman tayo sa likuran. SIge Arkhin magbigay ka ng mga
bagay o kahit anong nakikita niyo saating kapaligiran.

C10: Upuan po.

SN: Salamat Arkhin. Ikaw naman Kath.

C9: Electric Fan


SN: Salamat Kath. Ikaw naman Jen.

C8: Ilaw po.

SN: Salamat Jen. Ikaw naman Via.

C7: Notebook

SN: Salamat Via. Ikaw naman CJ.

C6: Puno po.

SN: Salamat CJ. Ikaw naman Len.

C5: Lamesa

SN: Salamat Len. Ikaw naman Billy.

C4: Jacket po

SN: Salamat Billy. Ikaw naman Ahlen.

C3: Papel po

SN: Salamat Ahlen. Ikaw naman Kaith.

C2: Tubigan

SN: Salamat Kaith. Ikaw naman Ivan.

C1: Kurtina po

SN: Salamat Ivan. Salamat sainyong partisipasyon. Sino sa inyo ang may alam o nakikita na ng
bulaklak na sampaguita?

ALL: Ako po ako po.

SN: Okay so halos lahat sainyo ay nakikita o olam na ang ang bulaklak ng sampaguita. Ngayon
ay may bababasahin akong tula na may pinamagatang Sampaguita.
(Binasa ang tula sa lahat)

SAMPAGUITA

Bulaklak na kay puti

Bulaklak ng ating lahi

Talulot na mumunti

May samyong katangi tangi

Kaysarap amuyin

Kaysarap haplusin

Balana' napapangiti

Napapawi ang pighati

Di kayang pantayan

Taglay na kagandahan

SN: Ngayon ay maari niyong bang basahin muli ang tula para sa lahat.

C1: Ako po gusto ko pong magbasa.

SN: Okay Ivan basahin mong muli ang tula para sa lahat

(Binasa muli ang tula)

SAMPAGUITA

Bulaklak na kay puti

Bulaklak ng ating lahi

Talulot na mumunti
May samyong katangi tangi

Kaysarap amuyin

Kaysarap haplusin

Balana' napapangiti

Napapawi ang pighati

Di kayang pantayan

Taglay na kagandahan

SN: Salamat Ivan. Ngayon ay may ipapakita naman akong larawan. Maari niyo bang sabihin
saakin kung ano ang nasa larawan.

C2: Ako po.

SN: Sige Kaith.

C2: Sampaguita po.

SN: Salamat Kaith. Maari ba kayong magbahagi kung saan niyo madalas makikita ang bulaklak
ng sampaguita.

C3: Sa altar po

C6: Sa jeep po.

C8: Sa palengke.

C9: Sa tindahan

C4: Sa bahay po.

SN: Marang salamat sainyo.

C10: Ang sampaguita din po ay pinagdudugsong dugsong para maging kwintas.


C7: Pwede din po ito pampabango sa kwarto.

C5: Inaalay din po ito sa mga santa/santo,

C4: Madalas po itong binebenta sa tapat ng simbahan ng mga bata.

SN: Salamat sa pagbabahagi. Ang sampaguita rin ay ang ating pambansang bulaklak.

C1: Kulay puti din ang sampaguita.

C3: At masarap at mabango itong amuyin.

C5: Malilit din ito.

C8: Mas gusto ko ang sampaguita pagbumukadkad na.

C10: Ako naman mas gusto ko ang sampaguita pag nakatiklop pa, Para hugis bilugan ito.

C9: Sa bakuran ng aking lola ay mga puno ng sampaguita, nung mga bata pa kami ay
tumutulong kaming mamitas at binabayaran kami ni Lola depende sa dami ng aming pinanguha.

SN: Mayroong sampaguitahan ang iyong Lola?

C9: Opo, gumigising kami ng maaga para mamitas. At dapat sabi ni Lola yung mga hindi pa
namumukadkad ang kunin kasi yon lang ang binibili.

SN: Maraming salamat sa pagbabahagi ng iyong kasaransan tungkol sa sampaguita.

SN: Maaari niyo bang ibuod ang ating napag-usapan ngayong araw.

C6: Tungkol po sa bulaklak ng sampaguita. Pinagbasa niyo po kami ng tula na pinamagatang


sampaguita. Maari din pong makita ang sampaguita sa jeep, bahay, palengke at altar ang
sampaguita. Ito po ay maliliit na bulaklak na mabango at kulay puti.

SN: Salamat CJ. At maraming salamat sainyong lahat sa pagpunta at pagbibigay ng oras para sa
ating remotivation program/theraphy. Sa ating susunod na remotivation theraphy maari o bang
malaman ang nais niyong maging topic?
C9: Gusto ko po ay rosas naman.

C4: Ako po gumamela.

C2: Ako po Sunflower.

SN: Maraming salamat sa pagbabahagi ng mga topics na nais niyong talakayin sa ating susunod
na remotivation theraphy. Maraming salamat ulit sainyong lahat dito na natatapos ang ating
munting talakayan at pagpupulong. Mag-iingat kayo palagi.

ALL: Salamat din po.

You might also like