You are on page 1of 3

MC: Mayap a abak!

CE: Marhay na aga!

MC: Maayong buntag!

CE: Naimbag nga bigat!

MC: Maupay nga aga!

CE: Magandang umaga!

MC: Isang mapagpalang umaga sa ‘ting lahat! Aming nasisilayan mula rito sa aming kinatatayuan ang
mga labi niyong nakangiti mabuting senyales ng maaliwalas na pagbati.

CE: May maingay na pamotortrade, masiglang parada at makukulay na banderitas ang aking nasaksihan.
Ano bang dahilan bakit parang napakaespesyal ng araw na ito partner?

MC: Hindi mo ba alam na ngayon ang simula ng Brigada Eskwela para sa Taong panuruan Dalawang
libo’t dalawampu’t tatlo hanggang dalawang libo’t dalawampu’t apat?

CE: Ah! Kaya pala nagging abala ang BE Core team na pinangunguhahan ni Gng,. Analyn Bautista nitong
mga nakaraang araw.

MC: Hindi lang ‘yan partner. Aniya sa wikang Ingles, “But wait there’s more!”

CE: Talaga ba?

MC: Mabibigyan din ng parangal ang mga Most Outstanding Nominees ng Barangay Based APEX.

CE: Kahangahanga naman pa la ng mga kaguro at mga katrabaho natin! Maiba ako, balita ko ay may
espesyal raw tayong mga bisita? Sino-sino ba sila? Kilala mo ba partner?

MC: Relax ka lang partner. Antabayanan natin sila mamaya sa ating S Forum. Kaya kayo mga magigiliw
kong mga panauhin at manonood, ihanda niyo ang inyong mga mobile phones mamaya para sa ating S
Forum! Maitanong ko lang, kamusta na ang ating mga mag-aaral sa NLC?

CE: May nalalabi pang dalawa o tatlong lingo para matapos ang Consolidation Classes sa NLC. Malungkot
mang sabihin ngunit natapos na ang Enhancement Classes sa masigla at interaktibong National Learning
Camp. Ngunit, subalit, datapwat ay mabibigyan pa rin ng parangal ang ating mag-aaral sa matagumpay
nilang pag-aaral. Hindi lang iyon may mga limpak limpak pang mga sorpresa ang maipamimigay sa
kanila!

MC: Ganoon ba! Kaya huwag na nating patagalin pa!

CE: Halina at samahan niyo kami sa Brigada Eskwela sa Taong Panuruan Dalawang libo’t dalawampu’t
tatlo, Dalawang Libo’t dalawampu’t apat na may temang:

CE and MC: “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan.”

CE: Bilang panimula, bigyan natin ng pagpupugay ang mahal nating Ynang bayan. Tayo’y magsitayo at
kantahin natin ang ating Pambansang Awit ng may dangal at paninindigan. Ito ay pangungunahan ng
Brigada Eskwela Coordinator na si Gng Anna Lyn Bautisa at manatiling nakatayo para sa isang mataimtim
na panalangin sa ating Maykapal na pangungunahan naman ni Gng Lea Alejandrino. Pagkatapos nito’y
tumindig pa rin ng may karangalan habang ipeneplay ang SPNHS Hymn sa isang audio-visual
presentation.

MC: Maaari na po tayong magsiupo. Hindi mabubuo ang ating paaralan kung wala ang ating mga
stakeholders. Aking malugod na tinatawag ang dakilang si G. Benedicto Sildo Jr. Assistant School
Principal II upang mabigyang pansin ang ating mga internal stakeholders. Isang masigabong palakpakan.

End of G. Sido’s part…

CE: Maraming Salamat po G. Sildo. Narito naman po ang tapat nating lingcod na kalihim ng ating
barangay na si Gng. Hedilita Galitan upang mabigyang pansin naman ang ating mga external
stakeholders. Bigyan natin siya ng malakas na palakpakan.

End of Gng Hedelita’s part…

MC: Marami pong Salamat Gng. Hedelita. Sino ang mamamalakad at sa iba’t ibang operasyong
pampaaralan ng SPNHS? Ano ang San Policarpo National High School kung wala ang ating natatanging
ama? Aking malugod na ipinakikilala ang aktibo, matalino at may pusong punongguro na si G. Milaner
Reyes Oyo-a para sa pambungad na mensahe. Ating igawad ang ating pinakamahusay na palakpakan.

End of G. Oya-a’s part…

CE: Maraming Salamat G. Milaner Oyo-A. Tunay ngang pinagpala ang ating paaralan sa inyong
pamamalakad G. Oyo-a. Ngunit, subalit, datapwat may kasing aktibo’t talino’t puso’t ang susunod kong
ipakikilala. Siya lang naman ang ama ng giliw nating barangay. Ibigay ang masigabong palakapakan kay
G. Raul Nacorda para isang mensaheng inspirasyon ang kapupulutan.

Pagkatapos nito’y ating tunghayan ang BE 2023 Advocacy Video.

MC: Bilang pagsuporta sa ating Brigada Eskwela, binibigyan natin ng parangal at importansiya ang ilan sa
mga stakeholders natin. Ating bigyan ng mainit na palakpakan ang China bank Savings para sa Turnover
of Support.

CE: Mas mapapagaan ang pagtatrabaho kung marami ang nagtutululungan. Magiliw naming
ipnepresenta ang mga mag-aaral ng lkalabindalawang baitang para sa kanilang Work Immersion. Mga
kaguro, sila’y magsisilbing ating katuwang sa mga Gawain natin sa Brigada Eskwela.

MC: Mas mapagtitibay natin ang ating pagsasama mapapalalim pa natin ang ating mga rason at
dedeikasyon sa Brigada Eskwela sa paglalagda sa ating AIP para sa taong panuruan Dalawang libo’t
dalawampu’t tatlo hanggang dalawang libo’t dalawampu’t apat.
CE: Upang mapagtibay ang ating mga pangako sa lubusang pakikiisa sa Brigada Eskwela, tinitawagan ko
ang respetadong Assistant Principal ng Senior High School walang iba kundi si G. Rey Nicholson Salurio.

MC: Tayo’y lumagda’t nangako. Sa pakikiisa sa Brigada Eskwela taong panuruan Dalawang libo’t
dalawampu’t tatlo hanggang dalawang libo’t dalawampu’t apaT ay ‘di sana mapako. Ibigay natin siyento
porsiyentong suporta para sa matagumpay na Brigada Eskwela.

CE: Nakakapang-apat na tayo na parte ng programa. Natukoy na natin ang mga stakeholders na ating
makakasama. Bilang pananda, sila na ay nangako’t lumagda. Ngayon naman ay ating saksihan, mga
babae’t kalalakihan, na nagbigay ng lubos pa sa kanilang kakayahan. Atin ng simulan ang Brangay Based
APEX na ating pinaghahandaan.

You might also like