You are on page 1of 3

SCRIPT FOR BALIK ESKWELA OF OPENA

LORA: Magandang umaga sa ating lahat! Para pormal na simulan ang ating
programa.Inaanyayahan namin si Andie Micko Mortera (Grade?) para sa isang panalangin.
 
RAINIER: Maraming salamat sa taimtim mong panalangin Andie. Isang mapagpalang araw sa
ating lahat. Bago tayo dumako sa susunod na bahagi ng programang ito. Hayaan niyo muna
kaming magpakilala. Ako po si Rainier Caindoy,18 yrs old, Grade 12. Narito naman ang aking
partner na si…

LORA: Ako naman po si Lora Jean Marinduque, 21, (Grade Level?). Kami ang inyong magiging
tagapagdaloy ng programa sa umagang ito. Magandang umaga sa’yo kuya Rainier!

RAINIER: Magandang umaga rin sa’yo, ate Lora!

LORA: Magandang umaga rin sa mga paaral at sa mga magulang na kasama natin ngayong
umaga…. Mukhang masayang-masaya ka ngayon, kuya Rainier. 

RAINIER:  S’yempre naman ate Lora, ito ang unang beses na muli tayong nagsama-sama ng
personal magmula ng umatake ang COVID-19 sa ating bansa. At hanggang ngayon pa rin
naman po ay may banta pa rin ang pandemya sa’tin kaya mag-ingat pa rin po tayong lahat at
sumunod pa rin po sa mga health protocols. At ngayon po, natutuwa akong naisasagawa na
muli natin nang aktuwal ang taunang programa natin para sa ating Balik-Eskwela.

LORA: Tama, kung hindi ako nagkakamali. Noong nakaraang taon, isinagawa natin ang Balik-
Eskwela sa pamamagitan ng online platform. Tama ba?

RAINIER: Tama ka dyan, ate. Ngayon ay sama-sama na tayong muling magdaraos ng


Balik-Eskwela 2022 na may temang: 

“HINDI MATITIBAG NG PANDEMYA ANG PAGBABALIK-ESKWELA”

RAINIER: Tunay nga na kapana-panabik ang ating programa sa araw na ito. Bago tayo
magpatuloy nais muna naming imbitahan si Bb. Megan, isa sa mga magaganda at
balingkinitang staff ng Kaibigan Foundation, para sa isang pambungad na pananalita. Bigyan po
natin siya ng masigabong palakpakan.

(Maraming salamat po sa mainit na mensahe nang pagtanggap sa amin, Bb. Megan)

LORA: Para naman po sa pagbibigay nang pampasiglang mensahe o inspirational message,


narito ang poging-pogi at batang-batang pang kapitan ng Brgy. 767, Zone 83, Chairman Jose
G. Abrito. Handugan po natin siya nang maatikabong palakpakan na may kasamang sigawan.

(Maraming salamat po sa makabuluhang mensahe ninyo, Chairman Abrito.)

LORA: Hindi rin namin nakakalimutang batiin ang mga kapwa naming scholars na talagang
tumutok, nag-isip, at naglaan ng oras upang pagplanuhan at maisagawa ang ating Balik-
Eskwela. Isang matunog na palakpakan na may kasamang hiyawan naman dyan oara sa
kanila.
(PAGBATI SA SCHOLARS)

RAINIER: Ayos pa ba kayo dyan mga bata? Naiinip na ba kayo? Huwag kayong mag-aalala
dahil nabalitaan kong may inihanda raw na pasabog ang mga masisipag at nag- gagandahan
nating mga scholars at hindi lang ‘yan may pa-twist ang mga ante dahil kasama pa raw nila ang
ilang piling paaral sa iba’t ibang baitang... Totoo ba yon, ate Lora?

LORA: ‘Di mo sure, sa tingin ninyo, totoo kaya iyon? Hindi na namin patatagalin pa isang
masigabong palakpakan para sa  

(KAIBIGAN PAARAL AT SCHOLARS.)

RANIER: Tunay na napakagaling talaga ng mga batang kaibigan diba?

LORA: Oo naman, kuya Rainier. Mga batang kaibigan ata ‘yan, mga kabogera talaga sila. ‘Di
nagpapatalo.

RANIER: Nagustuhan ninyo ba ang performance ng mga batang KEOFI?


Hindi dyan natatapos ang mga pasabog namin ngayong umaga dahil may inihanda pang ice
breaker ang mga Ate natin para naman magkaroon kayo ng participation. Handa na ba kayo?!
Binibigay naman ang mikropono kina Ate Ana Mae Eda at Ate Aliya Borcelis para sa inihanda
nilang Ice Breaker.

(Maraming salamat Ate Ana at Ate Aliya sa pampagising niyong gawain.)

LORA: ‘Yan… dumako naman tayo sa isa sa mga highlights ng programang ito. Ang pagbibigay
parangal sa mga paaral na nakabilang sa Academically Outstanding Students o AOS. Sila ang
mga paaral na nagpursigi at ibinigay ang lahat-lahat para sa kanilang pag-aaral. Dahil, dito
marapat lamang na mabigyan sila ng pagkilala sa kahusayang ipinamalas nila sa panuruang
taong 2021-2022. Pangungunahan ito ng ating mga kasamang staffs at ating mga community
leaders.

RANIER: Binabati muli namin ang mga paaral nating AOS. Kayo ang patunay na mahuhusay at
matatalino ang mga batang Kaibigan. Keep up the good work. Mag-aral pa nang mabuti
ngayong taon. Bigyan natin ulit sila ng masigabong palakpakan.

Upang gisingin muli ang inyong mga natutulog na diwa at gumalaw-galaw kayo sa inyong mga
puwesto. Naghanda ng mga palaro ang ating mga scholars para sa mga paaral sa elementary
at high school. Narito muli ang naggagandahan at nagseseksihang scholars ng OPENA na sina
Ate Ana Mae Eda at Ate Aliya Borcelis para sa pagfacilitate ng ating mga laro. Palakpakan po
natin sila.

(Nag-enjoy ba kayo?)

LORA: Maraming salamat po sa pagdalo at pakikiisa sa ating programa ngayong araw. Nawa’y
nag—enjoy po kayo at natuwa sa mga inihanda ng scholars. Para sa pormal na pagtatapos ng
ating programa. Narito po si Eunice Claire Tualla (Grade?) upang handugan tayo ng pangwakas
na panalangin. Susundan naman ito ng pinaka-highlight ng ating programa. Ang pinakahihintay
nating lahat at dahilan kung bakit tayo nandirito – ang pagbibigay ng mga school supplies.
Muli, ako po si Lora Jean Marinduque…

RANIER: Ako naman po si Rainier Caindoy.

AT KAMI ANG INYONG TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA. MARAMING SALAMAT PO!!!

You might also like