You are on page 1of 2

Magandang gabi, mga kabataan ng brgy. maligaya!

E: Ako po ay puno ng kasiyahan na tayo'y nagkakasama-sama ngayong gabi


para sa isang kaganapan na puno ng pag-asa, saya, at pagkakaisa! Handa
na ba kayong makiisa sa Grand Rally na ito? (Clap)

E: Ang ating rally na ito ay hindi lamang isang simpleng pagtitipon. Ito ay
isang pista ng kabataan, isang pagdiriwang ng ating pagkakakilanlan at
kakayahan bilang mga tagapamuno ng kinabukasan. Kaya't tayo'y
magkakasama ngayon upang magtalima at magbigay-pugay sa ating mga
adhikain.

E: Bago tayo magsimula ay manalangin muna tayo sa ating ama to be lead to


us by Vanessa G. Pande.

E: Para sa ating opening remarks atin pong bigyang pugay ang ating kapitan
dito saating brgy, Hon. Aris Godoy.

E: Ang tema ng ating pagtitipon ngayong gabi ay "Pag-asa ng Kabataan, Pag-


asa ng Kinabukasan." Ito ay isang paalala na tayo, bilang mga kabataan, ay
may malalim na papel sa pag-usbong at pag-unlad ng ating bayan.

E: Sa SK, tayo ay mayroong mga lideratong handang magsilbi at magsagawa


ng mga programa at proyekto na magdadala ng kabutihan sa ating
komunidad. Ngunit hindi lamang basta liderato ang ating pag-uusapan
ngayong gabi, kundi ang pagpili ng "Tamang Lider" para sa ating
Sangguniang Kabataan.

Ano nga ba ang mga katangian na hinahanap natin sa isang Tamang Lider?
Ito ay:

1. Malasakit sa Kabataan – Ang tamang lider ay may pagmamalasakit sa mga


pangangailangan ng kabataan. Ito ay may malasakit sa edukasyon,
kalusugan, at kinabukasan ng ating mga kababayan.

2. Tapang at Integridad – Ang tamang lider ay may tapang na ipaglaban ang


tama. Ito ay laging tapat sa kanyang mga pangako at prinsipyo.

3. Kaalaman at Kakayahan – Ang tamang lider ay may kaalaman ukol sa mga


isyung kinakaharap ng kabataan at may kakayahan na magbigay solusyon sa
mga ito.

4. Makikinig sa Boses ng Kabataan – Ang tamang lider ay handang makinig


sa inyong mga hinaing at ideya. Ito ay naghahanap ng feedback mula sa inyo
upang mas mapabuti ang serbisyo.

Ngayon, sa pagpili natin ng mga lider para sa ating Sangguniang Kabataan,


tayo ay dapat maging mapanuri. Huwag tayong magmadali. Alamin natin ang
plataporma at mga plano ng mga kandidato. Pumili ng lider na tunay na
sumasalamin sa mga katangian ng isang Tamang Lider. Kaya ay nandito kami
ngayon upang ipakilala ang mga TUNAY na may malasakit sa mga kabataan.
Sisimulan po natin sa ating mga sk kagawad:

1. Ulysses “Elay” Cespedes


2. Joseph Clarence “Biboy” Morales
3. Hannah May “MayMay” Viernes
4. Synrex “Syn” Lopez
5. Vanessa “Vane” Pande
6. Donna Mae “Donna” Pande

at ang ating SK CHAIRWOMAN: Abby Claire “Ac” Morales

E: Magbibigay po sila isa isa ng kanikanilang mga talumpati. Sisimulan po


natin sa ating mga Sk kagawad … (list above) then sk chairwoman

(Intermission number by ulysses)

E: Sa gabing ito mayroon ding magbibigay ng kanilang mga testimonies


halina’t ating iwelcome ang mga tumatakbong sk chairpersons ng brgy.
didtaras at brgy. tambak upang magbigay ng mensahe para sa mga
kabataang ng brgy. maligaya.

E: Syempre bibigyan din namin kayo ng pagkakataon upang mag salita at


magtanong. Kung sino po ang may mga klaripikasyon at suhesyon ay mag
taas lamang po ng kamay.

E: Sa pagkakaisa at pagtutulungan natin, tayo ay magtatagumpay! Magsilbing


inspirasyon tayo sa isa't isa para sa mas magandang kinabukasan. Hindi tayo
titigil sa paglilingkod, at sa pag-usbong ng ating bayan!

E: Maraming salamat sa inyong lahat, mga kabataan ng ating bayan.


Magpatuloy tayo sa pag-aalab ng ating mga puso para sa kapwa, para sa
kabataan, para sa kinabukasan! Mabuhay ang Team Morales! Mabuhay ang
Kabataan!

You might also like