You are on page 1of 25

¡ESPECTACULOS CATHARSIS BOMBONANZA!

Isang Operetta
Libretto ni Guelan Varela – Luarca

Para kay BJ – ang  ng aking buhay.


Salamat sa catharsis na hindi ko naman hiningi sa ‘yo.

MGA TAUHAN

KOROng binubuo ng mga apat o limang tao, maaaring ganapin din ng mga ibang tauhan
SARAH, isang dalaga, buntis, magandang-maganda, mahirap na mahirap
GABRIEL Delgado, isang binata, matangkad, makisig, mestiso
NANAY ni Sarah, matanda, mahirap na mahirap
PAPA ni Gabriel, si Mr. Delgado
MAMA ni Gabriel, si Mrs. Delgado
VINCENT, isang binata, matangkad, makisig, mestiso
BOY, si Mang Jose ang pangalan, utusan sa mansyon ni Gabriel, na siya ring gaganap bilang si
SOCRATES

TAGPO:

Una, sa squatter’s area. Sunod, sa mansyon ng Familia Delgado.

N.B. Ang titik ay maaaring baguhin upang bumagay sa ilalapat na musika.


N.B.B Bilang operetta, pakanta ang lahat ng linya. As in lahat, liban sa PROLOGO.

PROLOGO

[Habang nakasara ang tabing, overture.

Magtitipon ang lahat ng magsisiganap sa entablado, nakapila sa isang hanay, may dalang mga libro.
Bubukas sa kanila ang ilaw. Sabayang-pagbigkas ng KORO.]
2

KORO:
Noong unang panahon, sa lupain ng Gresya,
May isang pilosopong nagpakawala ng mga salita
[Bubuklatin nila ang mga librong kanilang dala-dala.]
Hinggil sa maayang sining ng dula at tula,
At ang sabi niya:

SOCRATES [lilitaw mula sa likuran, may sariling ilaw na nakatapat sa kanya, naka-costume ng
sinaunang Gresya]:
Ako si Socrates, pakinggan ang aking pilosopiya,
Mababasa ito sa librong sinulat ni Platon, ang pamagat ay Ang Republika:
Ang mga manunulat at artista’y pawang mga sinungaling!
Malayo sa katotohanan ang pinagsasabi nila!
Kaya’t aking mungkahi, sa ngalan ng ating bayan,
Na ipagbawal sa lungsod ang mga makata.

KORO at SOKRATES:
Sila’y lason sa ating kamalayaaaaaaaaan!

[Iiitsa ng mga KORO palabas ng entablado ang mga librong dala nila. Sisimula ang musika ng unang
awitin, habang magsisipagpalit ng puwesto ang KORO, kasama ang gaganap bilang si SOCRATES, para
sa pambungad ng operetta.]

PAMBUNGAD

[Sisimulan ang operetta, sayawan at kantahan.]

KORO:
Magandang araw sa inyong tanan!
Salamat at teatro nami’y siksikan na naman!
Ngayong gabi inyong masasaksihan
Ang isang dramang walang kapares,
At tiyak na itatanghal nang maraming beses
Sa buong Kamaynilaan
3

(At ‘wag magtataka kung bakit


Maynila lang ang aming nabanggit,
Dahil alam naman nating tanan
Walang kultura sa kanayunan)
Ang kuwentong ito’y bagung-bago
Wiwindang sa utak, kakalog sa bungo –
Ito’y walang iba kundi ‘storya ng kahirapan
Na pinagtiyagaan pa naming haluan
Ng kuwentong pangromansa
(Tiyak kaming papatok ‘to sa masa!)
Kaya’t magtipon, mga may pambayad ng tiket,
Humandang magpalakpaka’t gumawa ng raket,
Sapagkat sisikapin naming ipakita
Ang hirap ng buhay rito sa ‘ting bansa,
At kung paanong nasusulusyonan ang lahat
Ng pusong maski sugatan ay tapat –
Kaya’t magtipon, mga may pambayad ng tiket,
Humandang magpalakpaka’t gumawa ng raket,
At kung hindi kayo mangilabot sa kuwento,
Isasauli namin ang bayad n’yo –
Pero lumalabas nang klaro
Kung sino ang kulang sa talino –
Manuod, magsaksi, mangilabot!
Manuod, magsaksi, mangilabot!

[Sa isang squatter’s area. Gabi. Makikita si SARAH, naglalaba, buntis.]

SARAH:
Ay, hirap na hirap na ako,
Bukod sa puyat, ay nagdadalantao.
Hindi ko pa alam kung sino’ng ama
Nitong kargada kong bata.
4

Noong Lunes kasi’y ginahasa ako


Ng bagong boypren ng nanay ko,
Bigla siyang pumasok sa ‘king tulugan,
At pinagsusuksok sa ‘kin ang kanyang kuwan.
Ay, hirap na hirap na ako!

KORO:
Babae ka, ano nga bang pangalan mo?

SARAH:
Ako po si Sarah, ako po ay prinsesa,
Ngunit hindi ng isang kastilyo.
Ako’y nakatira dito sa squatter’s area,
Pero may dangal, mahinhin, makatao.

KORO:
Sarah! Sarah! Sobrang kawawa mo!

SARAH:
Yun nga ang punto ko.
Bago kayo sumabat, aking nina-narrate
Kung pa’nong akong dating payat, ngayon na’y heavyweight.
Noong Martes naman, habang naglalakad
Sa eskinitang madilim, biglang sumambulat
Sa aking harapan ang isang lasenggero
Hinila’ng aking braso, hinubad ang bestida ko
Saka ako’y ginahasa nang limampung minuto
At iniwang traumatized at nagdurugo!

KORO:
Sarah! Sarah! Sobrang kawawa mo!

SARAH:
Salamat! Salamat!
5

At kinabukasan, bale Miyerkules nang umaga,


Nang ako’y nagtitinda ng puto at kutsinta –
Bigla akong tinawag ng aming principal
Ba’t di raw ako pumapasok nang napakatagal.
Sa loob ng kanyang tanggapan, ako’y pinahubad,
Tsaka niya ‘ko inanu-ano nang napakasarap –

KORO:
Ano! Ano! Ikaw pala ay natuwa?!

SARAH:
E may itsura naman si Sir – di na rin masama.
Pero aaminin ko, ginawa niya sa ‘ki’y masagwa,
At ngayon, hindi ko alam kung sino ang ama
Ng kargada kong bastardong bata –
Teka, teka, ako’y nasusuka!

KORO:
Sarah! Sarah! Kaawa-awa kang dalaga!
Sige lang, sige lang, suka mo’y iluwa!

[Susuka si SARAH. Biglang papasok si NANAY, ang kanyang ina.]

SARAH:
Nanay!

NANAY:
Sinabi ko na nga ba, nagtatamad-tamaran ka na naman!
Balik sa trabaho, punyeta kang batugan!
Kung nalaman ko lamang na lalaki kang ganyan,
Nung ako’y buntis sa ‘yo, sana’y pinalaglag na lang kita!

SARAH:
O, Ina! Ikaw ang kaisa-isahan kong pag-asa,
6

Sa ‘yo ko lamang mailalapit ang aking pagdurusa –


Subalit hindi mo magawang limutin ang nakaraan,
At ako’ng sinisisi at ikaw ngayo’y naghihirap.

NANAY:
E pa’no ba naman, sinusulot mong lagi
Ang mga inuuwi ko ritong mga lalaki –
Tingin mo ba’y ikaw lamang ang may karapatan
Lumigaya sa buhay nating puno ng kahirapan?

KORO:
Oo nga naman, Sarah, oo nga naman!
Tingin mo ba’y ikaw lang ang dapat masiyahan!

NANAY:
Ang bagay sa iyo’y itali sa riles
At durug-durugin ng treng tumatalilis –
Ngunit di ko magawa, di ko masikmura
Dahil anuman ang mangyari, ako pa ri’y iyong ina.

[Yayakapin si SARAH, saka agad itong bibitawan nang padabog.]

KORO:
O nanay ni Sarah! Nanay ni Sarah!
Ikaw rin, ikaw rin, kaawa-awa ka!

NANAY:
Salamat sa inyong simpatya –
Sarah – mag-igib, ako’y maliligo na!

II

[Lilipat ang eksena sa isa pang bahagi ng squatter’s area. Papasok si GABRIEL mula sa kaliwa,
naliligaw, at may dalang bag. Siya’y makisig, matangkad, mestiso.
7

Samantalang mula sa kanan ay papasok ang buntis na si SARAH, may dalang timba, at tutungo sa isang
malapit na igiban, at mag-iigib.]

GABRIEL:
Ang dilim-dilim ng gabi, ako’y nanlalamig,
Mukhang mapipilitan akong matulog sa sahig,
Ako nga pala si Gabriel, ako’y lumayas mula sa amin
Dahil di matanggap ni Itay ang malalim kong nililihim –
Wala akong kakampi sa buhay –

SARAH:
Wala akong kakampi sa buhay –

DUET NINA SARAH AT GABRIEL:


Kung sino pa’ng dapat sa ‘king umalalay,
Sila pa’ng nagdarasal na ako na’y mamatay –
Kaawa-awa ako, hindi ba kayo naaawa sa ‘kin?
Ang luha ko’y lumiligid – di n’yo ba napapansin?

GABRIEL:
O Ama, ‘wag nang magalit –

SARAH
O Ina, ‘wag magmalupit –

DUET NI SARAH AT GABRIEL:


Kayo’y aking minamahal, ano man ang masapit.
Patawad at ako ay tao lang,
Nagkakamali, minsa’y nahihibang.
Wala akong kakampi sa buhay,
Kung sino pa’ng dapat sa ‘king umalalay,
Sila pa’ng nagdarasal na ako na’y mamatay –
Kaawa-awa ako, hindi ba kayo naaawa sa ‘kin?
8

Ang luha ko’y lumiligid – di n’yo ba napapansin?

GABRIEL:
Teka lamang – hindi maniwala ang aking mga mata,
Ito bang nag-iigib ay panaginip at hiwaga?
- Sino ka, binibini, sabihin ang ‘yong pangalan.

SARAH:
Ikaw ba’y pumarito upang ako’y pagsamantalahan?

GABRIEL:
Ano’ng sinasabi mo, hindi kita gagahasain?

SARAH:
Sigurado ka? Di bale - ako nama’y sanay na rin.

GABRIEL:
Hindi, hinding-hindi, nais lang kitang makilala.

SARAH:
‘Yan din ang sabi ng lasenggo nang ako’y hinalay niya.

GABRIEL:
Pangalan ko ay Gabriel, ako’y anak-mayaman –

SARAH:
Pues bakit nandirito sa bayan ng kaskuwatingan?

GABRIEL:
Nawawala ako – ngunit mukhang tinadhana
Upang tayong dalawa’y magkakilala.
Ano’ng pangalan mo, paralumang marikit,
At bakit ka kumakanta habang nag-iigib?
9

SARAH:
Ako po si Sarah, ako po ay prinsesa,
Ngunit hindi ng isang kastilyo.
Ako’y nakatira dito sa squatter’s area,
Pero may dangal, mahinhin, makatao.

GABRIEL:
O Sarah! O Sarah! Ang kinis-kinis mo,
Sigurado ka bang ika’y taga-rito?
Parang impusibleng may kasingganda mong
Naninirahan sa mundo ng mga informal settlers.

SARAH:
Ito na nga ba? Ito na nga ba? Ito na ba’ng pag-ibig?
Di ko akalaing masumpungan ang ligaya sa pag-iigib.
Ito na nga ba? Ito na nga ba? O puso, maghinay-hinay,
Hindi ka girlfriend-material, mas bagay kang maging tsimay.

GABRIEL:
Iniibig kita, O Sarah, ika'y gagawin kong prinsesa,
Sumama ka sa akin, sa magulang ko’y ipakilala.

SARAH:
Hindi pupuwede, Sir Gabriel, maralita ako,
Bukod pa ro’n, di ba pansin, buntis ako, buntis ako!?

GABRIEL:
Hindi dapat maging hadlang ang agwat sa ‘ting dal’wa,
Dahil ang puso, di mapipigilan, kapag napatibok na.
At tungkol sa ‘yong pagdadalantao, iyan ay aking susustentuhan,
Dahil sa ‘yong angking ganda, wala na ‘kong pakialam.

DUET NI SARAH AT GABRIEL:


Ay mukhang ito na nga! Mukhang ito ang pag-ibig
10

Na dati’y usap-usapan lang, na dati’y panaginip.


Ikaw ang tanging ligaya ng aking sugatang puso,
Kahit tayo’y magkakilala lang sa loob ng limang minuto.
Pag-ibig! Pagsinta! Pag-irog! Pagmamahal!

GABRIEL:
Ako na’y tinitigasan!

SARAH:
Sa ibabang bahagi ko’y para nang may ulan!

III

[Sa mariwasang mansyon ng PAPA at MAMA ni GABRIEL. Naroon silang mag-asawa.]

PAPA:
Nasaan si Gabriel! Lumayas na naman ba!
Buti ngang umalis ang pasaway na batang ‘yon!
Ayoko na, sawang-sawa na ‘kong maperwisyo,
At panay na lang kahihiyan ang dala ni Gabriel sa ‘ting pamilya!

MAMA:
O, asawa, ‘wag kang magsalita nang ganyan,
Balang-araw magsisisi ka sa iyong kalupitan.

PAPA:
Hindi, hindi, masaya akong wala na si Gabriel,
Gumawa na lang tayo ng isang anak, mabubuntis ka pa naman.

MAMA:
Hindi na, hindi na, asawa kong mahal!

PAPA:
Pues matuto kang masanay na wala nang anak.
11

[Papasok sa labas si GABRIEL, kasama si SARAH na buntis.]

GABRIEL:
Tao po! Tao po! Nariyan ka po ba, itay?

PAPA:
Parang naririnig ko ang tinig ni Gabriel.
At nagsisimula na naman ang aking atake korason!
Akin na ang Norvasc, ten milligrams ang kelangan ko!

GABRIEL:
Tao po! Tao po! Nakauwi na po ako!

PAPA:
Hoy hampaslupa! Ano’ng ginagawa mo rito?
Bakit ka bumalik – itapon sa labas ang saragate!

GABRIEL:
Ama, noong isang araw, sinabi mo sa akin,
Kung hindi ako makahanap ng aking aasawahin,
Tatanggalan mo ‘ko ng aking pamana,
At lilimuting ako ang anak mong iisa.
Ngayon ako’y nagbalik, desedido na ang puso,
Nakahanap na ako ng paralumang pinipintuho,
Hindi na ako magdadala ng kahihiyan sa ‘ting familia
Dahil ganap nang lalaki ang anak mong pariwara.

MAMA:
Aba’y lumigaya ka, O Raul, O asawa,
Heto’t nagbalik si Gabriel nang may kaladkad na dalaga –
Hindi ka na babangungutin ng budhing nadimlan
Sa ginawang pagmamalupit sa laman ng ‘yong laman –
Anak kong bunyi, anak kong guwapito,
Sino ‘yang nobya mo, sino ‘yang nobya mo?
12

GABRIEL:
Tatay kong galit, nanay kong mapagmahal,
Pinakikilala ko si Sarah, ang aking minamahal.

[Papasok nang ganap si GABRIEL at SARAH. Ngunit, pagkakita ni PAPA kay SARAH, agad itong
tatalilis palabas.]

MAMA:
Ay! Ay! Ano’ng bagong bangungot
Ang balak mong itampol sa ating pamilya?

GABRIEL:
Bakit po inay, ba’t nanghihilakbot?
Hindi ba’t babaeng marikit ang napili kong nobya?

MAMA:
Sino ang hampaslupang ‘yan, sino ‘yang putatsing?

GABRIEL:
‘Wag kayong mapanghusga, magaling po siyang maglaba, masipag, malambing.

[Aabante si SARAH, akay ni GABRIEL, upang mapakilala sa MAMA.]

SARAH:
Ako po si Sarah, ako po ay prinsesa,
Ngunit hindi ng isang kastilyo.
Ako’y nakatira noon sa squatter’s area,
Pero may dangal, mahinhin, makatao.
At balak pakasalan ng maginoong anak ninyo.

MAMA:
Pues kung mahal mo siya, kung mahal mo siya, Gabriel,
Hindi ako tututol, for fear that I might go to hell.
13

But honestly, my son, why her, why she,


Of all the available women in your university?

GABRIEL:
But mother, mother mine, besides that she’s a sweety pie,
The convenience of marrying her is something I can’t deny.

SARAH:
Ba’t kayo nag-i-Ingles, para ba kayo’y di maunawaan?
Ako ba’ng pinag-uusapan, inyong sinisiraan?

MAMA:
Kahit marunong ka pa mag-Ingles, o Inday,
Ikaw at si Gabriel ko’y hindi talaga bagay.

SARAH:
Alam ko po, ngunit, pag-ibig ang usapan,
At ang pusong tumibok, hindi matatanggihan.

MAMA:
That’s why sinabi ko, hindi ako tututol,
Bakit ka pa d’yan nag-iinarte at nagmamaktol.
Bukas na bukas din, hala’t ihanda ang kasalan,
Di bale nang sa huwes na muna, hindi naman s’ya kagandahan.

GABRIEL AT SARAH:
O ina, maraming salamat sa iyo,
Hindi na ‘ko kawawa, hindi na ‘ko nalulungkot.
Ito na ang pagbukang-liwayway ng bagong umaga,
At tayo’y tatanda’t mamamatay sa piling ng isa’t isa.

GABRIEL:
Ngunit, Mama, ligaya ko’y hindi pa rin sapat
Dahil magandang balita’y di ko pa naiuulat
14

Sa aking amang nananatiling galit sa akin,


Nasaan na siya, ibig kong siya na’y paligayahin.

SARAH:
Buong gabi, wala nang ibang kinuwento sa ‘kin si Gabriel,
Kundi ang hapdi ng pag-aaway nila ng kanyang ama.
Ito pong anak ninyo’y wagas at tunay na anghel,
Walang ibang inisip kundi ang ligaya ng magulang n’ya.

MAMA:
Siyang tunay, siyang tunay, tara na’t hanapin siya.

GABRIEL, SARAH, MAMA:


Papa! Papa! Nasa’n ka!? Nasa’n ka?!

[Lalabas silang tatlo upang hanapin si PAPA. Ngunit, papasok naman si PAPA. Solo.]

PAPA:
Tumataas ang aking balahibo, lumalapot ang aking dugo,
Sa pag-uwi ng aking anak, ako nga’y binabangungot.
Ano’ng klaseng ama ako upang pagalitan ang anak
Gayong maging ako’y may nililihim na kasalanan?
Hindi na ‘ko makakatakas, masasambulat na’ng sikreto
Ng aking libog at kababuyan, ng aking pagkalilo!

GABRIEL, SARAH, MAMA:


[Mula sa labas.]
Papa! Papa! Nasa’n ka!? Nasa’n ka!?

[Papasok ang sina GABRIEL, SARAH, at MAMA.]

GABRIEL:
Ama ko! Ama ko! Ipalis na ang galit sa ‘kin,
Hatid ko sa ‘yong kamay ang mutya kong aasawahin.
15

Bakit nakatalikod, hayo’t tingnan mo siya,


Hayaang malasin mo ang kanyang pambihirang ganda.

SARAH:
Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! [Pinakamataas na notang abot ng artista.]
Ay! ! Ay! Tumataas ang aking balahibo!
Gabriel, o salbahe, halimaw pala ‘tong tatay mo! [Agad na lalabas.]

MAMA:
Ano ang nangyayari -?

GABRIEL:
Hindi ko maintindihan!

PAPA:
Buti nang manatili kayong mga walang-muwang.

GABRIEL, MAMA:
Aba’y sabihin mo, o padre de pamilya,
Bakit nang makita ka’y biglang kumaripas si Sarah!?

[Biglang papasok si VINCENT, matangkad, makisig, mestiso.]

VINCENT:
Gabriel! Gabriel! Gabriel!
Kung hindi lang kita mahal, ikaw na’y papatayin!
Gabriel! Gabriel! Gabriel!
Harapin ang muhi ko, magpaliwanag ka sa akin!

GABRIEL:
O Vincent! Paano mo nalamang nakabalik na ako?

VINCENT:
Hindi na importante ‘yon – sino’ng babae’ng kasama mo!?
16

GABRIEL:
Siya’y si Sarah kong prinsesa, aking iniirog.

VINCENT:
At ako, bakla ka – tuluyan bang nilimot?!

GABRIEL:
Hinding-hindi, mahal kong Vincent,
Ikaw pa rin ang aking first time!

VINCENT:
Pues bakit mo pakakasalan itong putang iyong shinort-time!?

GABRIEL:
Unawain mo, unawain mo,
Ang mahirap kong situwasyon.
Kung hindi ako makasal sa babae,
Ako’y ipatatapon!
Nais mo ba ‘kong makitang naghihirap at dukha,
Kung mahal mo talaga ako, hayaan mo ‘kong lumigaya.

VINCENT:
Subalit bakit ka sumusuko sa utos ng ‘yong ama,
Magagawa mo bang limutin ang husay ko sa kama!?
Ikaw ang aking mahal, at ako ang iyong irog,
Ako ang longganisang Lucban, ikaw ang prinitong itlog!
At pagmamahalan natin ang sinangag na maraming bawang,
Binubuo natin ang isa’t isa, sa tamis man o anghang!

GABRIEL:
‘Wag mo na ‘kong pahirapan pa, O Vincent kong mahal,
Ang pagiging magdyowa nati’y sadyang ipinagbabawal.
Tinext naman kita kagabi, sabi kong tapos na tayo,
17

Yaong amoy tuyo, hindi longganisa, ang bagong hanap ko!

DUET NI GABRIEL AT VINCENT:


O kay-hirap linlangin ng sarili, o kay-hirap,
Ang pusong tumibok, hinding-hindi mapipigilan,
Paano ko matitiis na malayo ka sa akin,
O kay-lupit na lipunan itong kinamulatan natin!

PAPA:
Sukat na! Tama na! Husto na! Tigil na!
Nandidiri ako sa inyong dalawa, kayong mga syokla!

MAMA:
‘Wag mong ibahin ang usapan – Gabriel at Vincent, teka lang,
Makakahintay naman ang drama ng inyong kabaklaan.
- Sumagot ka, O Raul, bakit dali-daling tumakbo
Yung babaeng mukhang tsimay nang makita ‘yang mukha mo?

[Papasok bigla ang BOY, kaladkad ang naghuhuramentadong si SARAH.]

BOY:
Misis Delgado, Mister Delgado, nahuli ko itong babae,
Nagwawala, nagbabasag ng mga vace at plato sa kusina.

MAMA:
Salamat, Mang Jose, at nahuli mo ‘yang sira-ulo –
Hoy, neneng, magpaliwanag ka, bakit dali-dali kang tumakbo
Nang iyong makita ang mukha ng mayamang mister ko?

SARAH:
Kung hindi n’yo pa po napapansin, o aking future byenan,
May dinadalang sanggol ang aking tiyan.
Ako po kasi’y ginaha-gahasa nang tatlong ulit sa may amin,
Gusto n’yo po bang malaman ang kuwento, akin po bang sasabihin?
18

MAMA:
Sige, sige, nakikinig ako.

PAPA:
‘Wag na, o asawa, ‘wag na, samo ko.

SARAH:
Noong Lunes po kasi, habang ako’y nahihimbing,
Biglang may pumasok sa loob ng aking silid na madilim,
Kinapa-kapa po niya ang aking maselang katawan,
At saka pinatong ang kamay sa bibig ko nang di makahiyaw,
At ako po’y ginahasa ng lalaking pumasok sa silid,
At siya’y walang iba kundi boypren ng nanay kong mahilig.

MAMA:
Ano naman ang relevance ng mahalay mong kuwento?
Narinig ko na ‘yan, madalas daw ‘yan sa mga mahirap, tulad mo.

SARAH:
Nang ako’y dalhin dito ng anak ninyong si Gabriel,
Inakala kong matatakasan ko na ang anino ng nakaraan,
Ngunit nang humarap ang ama ng anak n’yong si Gabriel,
Hindi ko inakalang makita ko ang anino ng nakaraan –
Siya! Siya! Siya po! Siya ang aking manggagahasa!
Siya ang bumiyak nang sapilitan sa ‘king pagkadonselya!

MAMA:
Ito’y kasinungalingan!

SARAH:
Hindi maitatanggi!
19

MAMA:
Ito’y kabalbalan!

SARAH:
Mahalay siyang lalaki!

GABRIEL:
O Ama! O Ama! Pabulaanan ang kanyang kuwento.

SARAH:
Gabriel, maniwala ka, hindi ako manloloko.

SARAH: GABRIEL: MAMA:


Maniwala kayo sa akin! O Ama, inyong sabihin, Sabi ko na nga ba Raul, punyeta
Hindi ako sinungaling! Si Sarah ba ay sinungaling? kang matanda kang malibog ka,
Heto’t sumisipa O tunay nga sabi ko na bang may iba kang
Ang sanggol, Ang sanggol, kinakana, mag-ina pa’ng naisipan
Kilala ang kanyang ama! Ikaw ang ama?! mong patulan – Nakakahiya!

[Lalabas nang dali-dali ang nagulumihanang MAMA.]

GABRIEL:
Ay, ay! Hindi ko kinakaya!
Vincent, Vincent, samahan mo ‘kong umiyak sa veranda!

[Lalabas din si GABRIEL nang hawak ang kamay ni VINCENT.]

PAPA:
O Sarah, Sarah ko, Sarang paraluman,
Magagawa mo bang patawarin ang aking kasalanan?
Kaya lang naman ako pumatol sa ina mong hukluban
Ay upang mapalapit sa ‘yo, sa angkin mong kagandahan.
20

SARAH:
Paano na si Gabriel? Paano na’ng pagmamahalan namin?
Sisirain nang tuluyan ng nakaraan kong madilim.

PAPA:
‘Wag kang mag-alala, ‘wag kang mangangamba,
Ako ang mag-aalaga sa anak nating dalawa.

SARAH:
Sira na ang iyong familia, sira na’ng lahat sa ‘kin, noon pa man,
Kawawa tayo – o kawawa – jujujurum-janjajan. [Gibberish. Basta lang mag-rhyme.]

PAPA:
O Sarah, ikaw ay aking prinsesa,
Sa ‘yo at sa ‘yong anak itong aking kastilyo.
Ika’y nakatira noon sa squatter’s area,
Pero may dangal, mahinhin, makatao.

DUET NI PAPA AT NI SARAH:


Ay mukhang ito na nga! Mukhang ito ang pag-ibig
Na dati’y usap-usapan lang, na dati’y panaginip.
Ikaw ang tanging ligaya ng aking sugatang puso,
Kahit tayo’y magkakilala lang dahil nagkagahasaan tayo.
Pag-ibig! Pagsinta! Pag-irog! Pagmamahal!

[Papasok bigla ang NANAY ni SARAH, may hawak na kutsilyo.]

NANAY:
Sabi ko na nga ba! Matagal ko nang kinukutob!
Kayong dalawa ang madalas mag-ingay tuwing ako’y natutulog!
Punyeta kang putang babae ka, hindi kita anak!
Isa kang ahas na lumabas sa ‘king sinapupunan!
Hindi ba’t pinaigib kita ng tubig, iyong nakaligtaan!?
Mamatay ka na! Mamatay ka na!
21

[Hihiyaw si NANAY, at sasaksakin ang tiyan ni SARAH na mapapahiyaw rin sa sakit, hihiwain niya ito,
at lalagas mula sa kanyang sinapupunan ang batang duguan. Sasalampak ito sa sahig. Mapapahandusay
rin si SARAH. Hihiyaw rin ang PAPA.]

PAPA:
O, Sarah! Sarah! Prinsesa ng aking buhay!
‘Wag na ‘wag mong sasabihing ika’y mamamatay!

SARAH:
Hindi naman, Raul kong irog, OA ka na naman.
Patay na ang bata, sinaksak ni Mama, pero ako ay okay lang.
E di mabuti nang mamatay ang sanggol kong dala,
Ngayo’y babalik ang dating katawan kong maganda.

[Papasok sina GABRIEL at VINCENT, MAMA, at si Mang Jose, ang BOY.]

MAMA:
Ano! Ano! Ano’ng kaguluhan ang narito!
Bakit tigmak sa dugo ang sahig ng salas ko!?
Ikaw ba ang babaeng kerida ni Raul,
Na pumarito sa ‘king bahay na parang Sisang ulol!?
Mamatay ka na, bruha ka! Mang-aagaw ng asawa!
Nagdedeliryo ka sa gutom, mahirap na hampaslupa!

[Aagawin ni MAMA ang kutsilyo ni NANAY, at pagsasaksakin ito hanggang mamatay.]

LAHAT:
O kaligayahan! Salamat, Poong Maykapal!
Bawat buhol at sakuna, nilulutas mong tunay!
Bagaman madilim ang aming nakaraan,
Abot-tanaw na namin ang bukang-liwayway!
22

PAPA:
O Asawa kong irog, ako’y patawarin,
Ngunit puso kong matanda na’y kusang napaibig.

MAMA:
Naiintindihan ko, ‘wag kang mag-alala,
Ika’y pinalalaya ko na sa kasalan nating kadena.

PAPA:
Salamat sa Diyos at madali kang kausap.

MAMA:
‘Wag kang malinlang, ako rin kasi’y di-tapat.
Marahil tamang panahon na upang aking ibunyag,
Hindi ikaw ang mahal ko, Raul, kundi itong si Mang Jose.

PAPA, SARAH, GABRIEL, VINCENT:


Ano! Ano! Wari’y imposible!

MAMA:
Tunay ngang ‘pag ang puso’y kusang napatibok,
Hindi ito mapipigilan, hakbang nito’y di-paudlot.

SARAH:
Ikaw naman, mahal kong Gabriel, mukhang dito na
Nagtatapos ang short but sweet nating pagsasama.
Ang ama mong dati-rati’y aking kinatakutan,
Ngayo’y sadyang bumihag sa aking pagsinta.

GABRIEL:
‘Wag kang mag-alala, kinatutuwa ko ‘to,
Ngayo’y malaya akong ibigin si Vincent na irog ko.
Sa kapahintulutan ninyo, o Amang galit sa akin,
Dalangin ko’y ‘wag nang tanggihan ang tunay kong ibigin.
23

PAPA:
Tanggap ko na, anak, na ika’y baklang ganap.
Walang ibang masisisi, kundi ang aking pagkukulang bilang ama.
Si Freud nga mismo’ng nagpaliwanag na ang homoseksuwalidad
Ay dulot ng kapabayaan ng amang sa trabaho lagi nakababad.

MAMA:
At Gabriel, sinasabi ko, hindi kay Raul ka dapat magpaalam,
Kundi sa tunay mong ama kayo ni Vincent mamanhikan.
Si Mang Jose, na irog ko, ang siyang tunay mong ama,
Yakapin mo, Jose, ang anak kong naging syokla.

[Magyayakapan si MANG JOSE at GABRIEL.]

LAHAT:
O kaligayahan! Salamat, Poong Maykapal!
Bawat buhol at sakuna, nilulutas mong tunay!
Bagaman madilim ang aming nakaraan,
Abot-tanaw na namin ang bukang-liwayway!
24

PAGWAWAKAS

[Aawit ang LAHAT, pati si NANAY na babangon mula sa kamatayan.]

KORO:
Sadyang ganito talaga ang buhay ng tao,
Dadaan muna sa hirap saka sa pagbabago
Upang ang dating mga sugat ay mahilom
Ng kapatawaran at pagbabagong-buhay.
Kayong mga manonood namin, ‘wag nang ipagdamot
Alam naming kayo’y lubhang natutuwa,
Ang palakpak at papuri sa amin na’y ibuhos,
Dahil batid naming kayo’y mahilig sa ganitong klaseng drama.
Tuwang-tuwa kayong makita ang mga katarantaduhan
Nalilibugan kayo sa mga kuwentong may rape at kabastusan,
Ngunit sa huli, ayaw n’yong napapariwara
Ang mga tauhan, ga’no man kadilim ang kan’lang kaluluwa.
Sasabihin n’yo, pag-uwi, “Punyetang palabas ito!
Pinaikut-ikot ang aming utak, parang nanggagago.”
Pero ‘wag na kayong mag-isip, ‘wag magkunwang pantas,
‘Wag magreklamo sa nasaksihang sensational na palabas!
Bakit kami magkukunwang malalim at makasining
Kung wala pang tatlong daang piso ang aming kikitain?
Matuwa na kayo sa aming effort, dahil kung ayaw n’yo ito,
Okay lang sa ‘min, pero sa huli, sa inyo’ng oras na nasayang dito,
Samantalang kaming mga artista’y nakapaglibang, nagpasikat,
At wala nang mas sasaya pa kaysa sa ‘ming gagong manunulat.
Kaya’t magtipon, mga may pambayad ng tiket,
Kayo na’y magpalakpaka’t gumawa ng raket,
At kung hindi kayo nangilabot sa aming kuwento,
Isasauli namin ang bayad n’yo –
Pero lumalabas nang klarong-klaro
Kung sino sa ‘ting lahat ang kulang sa talino!
Kaya’t magtipon, mga may pambayad ng tiket,
25

Kayo na’y magpalakpaka’t gumawa ng raket,


At kung hindi kayo nangilabot sa aming kuwento,
Isasauli namin ang bayad n’yo –
Pero lumalabas nang klarong-klaro
Kung sino sa ‘ting lahat ang kulang sa talino!
Panatilihin ang mga makata sa ‘ting lipunan!
Dahil masarap palang malason ang ating kamalayan.
Kaya ang pamagat nitong aming operetta,
Ay ¡ESPECTACULOS CATHARSIS BOMBONANZA!

KATAPUSAN.

Pebrero 26, 2013


Vista Valley, Marikina.

You might also like