You are on page 1of 23

ANG HOTDOG NI CALOY

Ni John Ivan Gonzales

GENRE: DRAMA

THEME: INSPIRATIONAL

LENGTH: 5 MINUTES

STORY DESCRIPTION/CONCEPT:

Bakla, isang uri ng kasarian kung saan biktima lagi


ng diskriminasyon at mapait na nakaraan. Ngunit, paano
kung ang baklang iyon ay isang mahirap lang? halina’t
ating tunghayan ang istorya ni caloy kung saan siya’y
nakakaranas ng lahat ng ito, at sa kabila ng lahat ay
hindi sumuko at hindi lumihis ng landas bagkos mas
pinili parin gumawa ng mabuti at iyon ang tama sa mata
ng Nakatataas.

Ayon nga sa kanta ni Gloc-9 na sirena “'Di


sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha dahil kung
minsan, mas lalake pa sa lalake ang bakla". Ang istorya
ito ay may halintulad sa kanta kung saan mas tumayo
pang lalake ang isang bakla kesa sa totoong lalake
talaga.
SYNOPSIS:

Si Caloy, isang mabait, masipag, masarap magluto at


matulungin na naninirahan sa tondo. Siya ay namulat sa
mahirap na buhay at mas humirap pa dahil sa kabi-
kabilang diskriminasyong natatanggap nito sa mundo at
miski mismong sarili niyang ama, hindi tanggap ito.

Halos lahat ng trabahong maaareng pasukin ay


pinasok niya, upang may pang tustos lamang ang pamilya
nila sa pang araw-araw. Ngunit sa kabila ng kasipagan
niya, kinukuha lamang ito ng kanyang ama para gagamitin
sa bisyo niya. Dahil dito, pinili nalang ni caloy ibili
nalang ito ng pwede nilang makain at mag tabi ng kaunti
para naman sa kanyang pag aaral. Dahil dito, sinasaktan
palagi siya ng kanyang ama na nag resulta sa
pagtatangkang magpapakamatay nito sa pamamagitan ng
isang bangga ng isang sasakyan. Nalaman ito ng kanyang
ina, ngunit ng makita ito ng kanyang ina eh asa kalsada
na mabubunngo na. Agad naman itong pinuntahan niya at
sinagip si caloy sa muntik na kamatayan, ngunit, naging
kapalit nito ang buhay niya. Pag kauwi, agad siyang
pinalayas at sinisi ng kanyang ama.

Ilang araw ang lumipas, nakituluyan muna si caloy


kaya ling marites upang tumulong at mag aliw sa mga
nangyare hanggang dumating ang araw na may
naaksidenteng matandang lalake sa harap niya. Pero,
agad naman niyang tinulungan ito ng walang pag
dadalwang isip, sa simpleng ginawa niyang iyon di niya
akalain mababaliktad nito ang buhay niya.

CHARACTER/S:

1.CALOY - Bida
2.RAUL – Bestfriend ni Caloy
3.MARITES – May ari ng tindahan at gotohan
4.MALOU – Ina ni Caloy
5.BALMORYA – Ama ni Caloy
6.MATTHEW – Negosyanteng mayaman

SEQ. 1 GYMNASIUM – NIGHT.

Isang malamin na gabi sa tondo, mayroong ganap sa


gymnasium kung saan may pageant ng mga transgender.
Kasali si caloy rito na balisang-balisa at hindi pala
ito alam sa kanila, ngunit napadaan ang kanyang lasing
ama at agad na pinahiya ito.

Sinigawan ng ama ni caloy siya sa harap ng maraming


taong nag kakasiyahan.

BALMORYA: Hoy! Anak ng tokwa, caloy bumaba ka dyan! Ano


bang pinag gagagawa mo sa buhay mo? Di kana nahiya sa
amin ng ina mo! Nag-iisang anak ka at lalaki pa,
magiging salot kalang pala!

CALOY: Itay wag dito, ginagawa ko lang naman ito para


may makain tayo ng inay bukas at sa mga sumusunod na
araw itay

BALMORYA: Kalang mo naman may mapapala ka sa mga


ginagawa mo. Kung lalake kalang sana siguro matino ang
paraan mo para mag kapera!

CALOY: Wala naman masama rito itay ah

BALMORYA: Uwi sabi!

Pinuwersang hinigit ng ama ni caloy siya para umuwi. At


ng makadating sila duon eh pinag buhatan ng kamay si
caloy.

SEQ. 2 LABAS NG BAHAY NI CALOY – NIGHT.


Nakatulala si caloy sa labas ng bahay habang hinihimas
ang mga pasang natamo niya sa kanyang ama, biglang
nilapitan siya ng kanyang ina.

MALOU: Anak, pagpasensyahan mo na ang papa mo, kahit


ganyan yan sayo mahal ka nyan.

CALOY: Opo nay, ano pa nga po ba? Wala naman pong


magagawa eh ganito po sadya ako inay, Barbie beauty
queen na kahit nung bata pa. Tsaka, konting galos lang
to madadaan naman sa hilot, kembot at yelo galing sa
tindahan ni aling marites.

MALOU: Hay nako anak, kahit nasugatan kana nakuha mo pa


mag patawa.

Biglang napadaan ang ama ni caloy at pinaringgan si


caloy at inutusan itong bumili ng alak

BALMORYA: Hoy caloy! Bili mo nga akong alak, para naman


may magawa kang mabuti sa bahay na ito.
CALOY: Balang araw matatanggap din ako nito (sinabi sa
kanyang isip)

SEQ. 3 KALYE NG TONDO – DAY.

Nag uuli-uli si caloy para mag hanap mapagkakakitaan ng


biglang makasalubong niya si raul.

RAUL: Hoy bakla para kang si sisa dyan, anong chika bat
ka uli ng uli?

CALOY: eh kasi sa bahay eh, na boogie wonderland na


naman ako ni pudrabels ko. Kaloka, sumali lang naman
ako sa pageant nung isang gabi para may pang kain kami.
Hirap talaga maging purita mirasol. Sana kung palarin
naman ng lola mo, makaipon ako at makapagtapos sa pag-
aaral, gusto ko kasi degree holder ako bago magkaroon
ng sariling kainan dahil hilig ko rin mag luto eh.

RAUL: Grabe mga words the, sakit mo sa brain, hotdog


lang naman specialty mo charot! Pero, truelala ka dyan
sis! Edi chanel hanap tayong mapag kakakitaan bago pa
tayo chumaka. Di tayo nalalapitan ng mga dakotang afam
nyan kapag chaka na tayo teh

CALOY: ikaw talaga atleast masarap at creative ako


magluto kahit hotdog kaya ko yang pasarapin kung meron
lang akong pambiling mga rekado. Sya let’s go na bago
pa ako ma imbyerna sayo.

Nag hanap ng trabaho si caloy at sinamahan naman ito ni


raul. Madaming nakuhang trabaho ang dalawa pero di
naging madali ito, nahirapan padin silang makapasok
agad sa mga sideline nilang pinapasok dahil sa kasarian
nila pero sa sobrang kagustuhan ni caloy matulungan ang
pamilya niya halos lahat ng trabahong pwede ay pinasok
niya kahit pa punong puno ito ng diskriminasyon.

Lumipas ang mga araw, patuloy ang pag kayod ni caloy sa


pagtatrabaho na tila ginawa niyang araw ang dapat gabi.
Miski mahirap ang mga trabahong pinasok nito, hindi ito
umaangal at patuloy parin nitong ginagawa, ng dahil sa
kasipagan niya, binibigyan siya palagin ng tip at yun
naman ay tinatabi niya para naman sa kanyang pangarap,
ang makapag aral at makapag patayo ng isang malaking
kainan.
SEQ. 4 BAHAY – DAY.

Kahit na nag sisipag si caloy para lang may makain at


makabili ng gusto ang ama at ina nya, patuloy parin
sinasaktan at kinahihiya si caloy ng kanyang ama mapa
pisikal man o salita. Hanggang dumating yung araw na
hindi na napigilan ni caloy ang kanyang emosyon at tila
sumabog na parang bulkan sa oras pa ng pag aalmusal
nilang tatlo dahil sa mga sinasabi ng kanyang ama.

BALMORYA: Tingnan mo tong anak ni lito, buti pa siya


mataas na ang naabot at nakapangasawa na. Nabibili na
nya ang mga gusto nya at nai-ahon din niya si lito sa
kahirapan ditto sa tondo. Balita ko mansion na ang
bahay ng kumpare kong lito eh.

MALOU: Hayaan mo na, kayang kaya yan ng anak nating si


caloy, kita mo naman ang sipag oh. Halos makulubot na
ang kamay kakukuskos ng mga labada. Mukha na ngang
callcenter yan eh di na natutulog para lang matapos
yung mga nag assignment ng mga batang tinutuitoran nya
eh.
BALMORYA: Nako, yang anak mong yan, ipang lalalaki lang
yan mga nakukuha niyang pera. Siguro nga kung di yan
bakla iba nasiguro buhay natin, parang buhay ng kumpare
kong lito.

MALOU: Grabe naman, mag tiwala ka naman sa anak mo.


Nasasaktan ang bata oh.

CALOY: Di naman kami parehas ng nararanasan ngayon,


atleast tinutulungan ko an gating pamilya. Hindi mo
kagaya na puro paninigarilyo at pag inom lang ang
inaatupag.

BALMORYA: Aba bastos kang bata ka ha, kung umimik


kalang mo kung sino!

CALOY: Talaga naman ah, ni trabaho nga wala ka. Ako,


anak mo, ang nagtatrabaho pa para sa pamilyang ito.
Ikaw umaaasa kalang sa mga ayuda ng gobyerno natin na
kaunting kaunti naman.

BALMORYA: BASTOS KA HA!


Sinakal sa leeg si caloy ng kanyang ama at
pinagsususuntok ito. Pilit na nag mamakaawa ang nanay
ni caloy ngunit hindi ito pinapansin ng ama niya.
Dumating ang point na nakawala si caloy sa hagupit ng
kanyang ama at tumakbo dali dali palabas habang
umiiyak. Sinundan naman ito ng kanyang ina para narin
kausapin ito.

SEQ. 5 TABI NG KALSADA – DAY.

Habang naiyak sa isang tabi, kinakausap ni caloy ang


kanyang sarili. Di niya alam nakikinig pala ang kanyang
ina sa tabi.

CALOY: Bat ganun si papa sakin, ginagawa ko naman lahat


ah. Porket ba pusong babae ako ganun na si papa sakin.
May sumpa ba na ganito ako pinanganak? Na bakla ako?
Palagi nalang bang ganito? Pasensya na kayo ha, hayaan
nyo wala na magiging salot sa lipunan. Magpapakamatay
na ako. Sorry ma!
Agad na tumakbo si caloy sa gitna ng kalsada kung saan
may mabilis natruck ang malapit na dumaan. Ngunit,
nasundan pala ito ng kanyang ina at naitulak nya si
caloy kung saan naligtas niya ito sa kamatayan. Sa
pagligtas niyang iyon siya ang napag abutan ng truck at
agad binawian ng buhay dahil sa lakas at bilis ng pag
kakabunggong ito.

SEQ. 6 BAHAY – NIGHT.

Nabalitaan nito ng kanyang ama at galit na galit na


sinugod si caloy.

BALMORYA: YAN DAHIL SAYO NADAMAY AT NAWALA PA ANG NANAY


MO! WALA KA TALAGANG KWENTA! MABUTI PANG IKAW YUNG
NAMATAY! SALOT KA SA LIPUNAN! LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY
KO!

Lumayas si caloy na iyak na iyak dahil sa mga masasakit


na salitang narinig niya sa kanyang ama
SEQ. 7 GOTOHAN NI MARITES – NIGHT/DAY.

Naiyak sa labas ng gotohan si caloy at ito naman ay


narinig ni aling marites

MARITES: Caloy, halika, pasok ka rito

CALOY: Bat ganun aling marites, parang kasalanan ko ang


lahat ng kamalasang dumadating sa buhay namin. Parang
wala na akong nagawang tama

MARITES: Wag mong sabihin yan iho, minsan sa buhay


talagang dadating ang mga ganyan. Susubukin talaga
tayo, pero sana sa kabila ng lahat ng pagsubok, di ka
susuko at mas piliin mo parin gumawa ng mabuti.

CALOY: Ang hirap po kasi eh, lahat naman ginawa ko para


lang makatulong sa pamilya. Bat palaging kulang sa mga
mata ni itay tapos nadamay pa si inay sa kamalasan ko.

MARITES: Hayaan mo, dadating ang araw na marerealize


rin ng tatay mo mga pinag gagagawa mo sa inyo. Tsaka,
wag mong sisihin ang sarili mo sa pagkawala ng nanay
mo, everything happens for a reason ika nga. Talagang
oras na iyun nun. Alam kong di yun papaya na sumuko ka
lang sa buhay, kaya tatagan mo. Gawin mo nalang ito
para sa kanya.

Sinagot ito ni caloy habang humagulhol sa iyak

CALOY: Opo, maraming salamat po aling marites

MARITES: Oh sya sya, alam kong ayaw mo parin naman


umuwi, dito ka muna sa bahay ako muna mag aalaga sa
iyo. Wag kang mag alala pinadadalhan ko naman ng
pagkain ang iyong ama kasi alam kong walang wala rin
siya.

CALOY: Maraming salamat po, babawi po talaga ako sa


inyo basta umangat ako sa buhay

Niyapos nila ang isa’t isa at nagpahinga na


SEQ. 7 GOTOHAN NI MARITES – DAY.

Kinabukasan, laking gulat ni aling marites pagkagising


noya dahil gising na si caloy at nakapag linis na. Agad
naman tulungan ni caloy si aling marites sa mga
natitira pa nitong gawain para sa gotohan.

Kinahapunan, nasold out na ang goto ngunit ang dami


paring gustong kumain dito. Ayaw naman umalis ng ibang
costumer dahil nadin sa tagal nilang nag intay para
lang makakain.

CUSTUMER 1: Ano ba? Pa order kami, ang tagal naming


pumila tas wala rin kaming mapapala?

CALOY: pasenya na po sir, wala na po talaga balik


nalang po kayo bukas sir, ipag rereserve naming kayo.

CUSTUMER 1: Ayaw ko gusto ko ngayon na

CUSTUMER 2: Oo nga, mag hain ka nalang kung anong meron


at aming bibilhin, gutom na gutom na talaga kami!
Agad na lumapit si caloy kay aling marites para sabihin
ang kagustuhan ng mga costumer

CALOY: Aling marites, ano po ba available na maluluto


natin dyan, ihahain ko na po para matapos na ito

MARITES: Wala na nga eh, tanging mga hotdog at konting


rekado nalang laman ng ref ko

CALOY: Sige okay na po yun ate, ako nap o ang bahala

Agad na niluto ito ni caloy at inihain sa mga


natitirang costumer.

Nasarapan ang mga costumer dito at may isang lalake ang


lumapit sa kanya na nagngagalang matthew upang utangin
ang kinain niya doon. Nag patak pala ang wallet nito at
hindi niya Makita.

Matthew: uhm, miss ang sarap sarap nga po pala ng luto


nyo na kahit hotdog pwede na ilaban sa restaurant, pero
miss kahiya hiya man. Pwede ko po bang balikan yung
bayad ko nalang nawawala po kasi pera ko eh

CALOY: Ay kuya ilibre ko nalang yung sayo binola mo pa


ako hayaan nyo na po. Ako na bahala

Matthew: Ay kakahiya naman

CALOY: Okay lang yun, babayaran ko nalang tsaka


tulungan nadin kita hanapin ang wallet mo

Sa tagal ng pag hahanap nila, di nila ito matagpuan.


Pero narecognize ni matthew ang effort ni caloy kaya
sobrang pasalamat nya parin ditto.

Pag katapos nito eh tinulungan ni caloy ulit si aling


marites sa mga gawain at nagsarado na sila ng kanilang
kainan

SEQ. 7 SIDEWALK/HOSPITAL – NIGHT.

Habang nag lalakad si caloy uoang mag tapon ng basura


sa mga nilinis nya. May nakita syang isang matanda na
biglang nabangga ng isang motor at biglang tinakasan
lamang ito ng nakasaga sa kanya. Di nag dalawang isip
si caloy na tulungan ang matandang ito. Na kahit di
niya kakilala eh pinasan niya at isinakay niya sa
napara niyang taxi para laang madala sa ospital

Habang nasa hospital, nagamot naman agad ang matanda


ngunit, napag tantuan na may Alzheimer’s disease pala
ito kaya di ito makauwi sa kanila.

Dumaan ang mga araw, asa hospital padin ang matanda at


tumataas na ang babayaran nito rito at si caloy parin
ang nangangalaga sa kaniya. Naalala ni caloy ang
kanyang inipong pera, kaya dali dali siyang umuwi sa
kanila para makuha ito.

Ngunit pag dating niya sa kanila, yung perang naitago


niya eh nakupit na ng kanyang ama

Dahil dito napag desisyonan ni caloy gumawa ng mga


sobre at sumabit sa jeep upang humingi ng kaunting
barya para sa matandang di naman niya kakilala. Ginawa
niya ito sa loob ng ilang buwan
Nagkaroon ng pondo si caloy para sa mga bayarin sa
hospital, ngunit patuloy din sa paglaki ang babayaran
nila rito

Hindi parin nagdalawang isip si caloy at lahat ng


nakukuha niya eh pinapambayad nalang niya para sa
matanda.

Hanggang sa dumating ang araw eh may biglang dumating


sa room ng matanda kung saan nandun din si caloy upang
mag bantay. Laking gulat niya na si matthew iyon at
iyong matandang may naaksidente at may sakit ay lolo
niya pala. Laking gulat ni caloy na sobrang yaman pala
ni matthew. May ari pala itong ng madaming lupa at
mayroong mga negosyong kainan.

CALOY: Hindi ako makapaniwalang lolo mo pala ito

Matthew: Oo, napakalaking pasasalamat ko sayo, kung


wala ka malamang matagal ng wala ang lolo ko.

Biglang may inabot na card si matthew kay caloy


Matthew: Eto nga pala nag bayad ko sa lahat ng mga
ginawa mo. Punta ka sa address na nakasulat na iyan at
kuhanin mo nalang ang nag aantay sayo

SEQ. 7 BAHAY NINA MATTHEW – DAY.

Pag dating na pag dating ni caloy duon, agad siyang


sinalubong ng mga katulong at assistant ni matthew. Sa
puntong iyon, inabot ni caloy ang card sa assistant at
bigla siyang pinapasok sa loob.

Laking gulat niya ng Makita niya ang dalawang case na


may laman ng tig 5 milyon na ibibigay pala para sa
kanya. Hindi lamang ito ang supresa ni matthew dahil,
binigyan sya ng isang kainan kung saan ang main dish
ditto ay yung hotdog. Nabigla si caloy dahil dati
pinapangarap lamang niya ito, ngayon natutupad na.

Lumipas ang mga taon, naging mas successful pa si


caloy, ngunit hindi niya kinalimutan ang mga tumulong
sa kanya kaya ginantimpalaan din niya ito. Palihim
nyang sinusuportahan ang kanyang ama na kahit masama
ang pinagsamahan nila ay binigyan niya parin to ng
blessings niya.
Hanggang sa isang araw, bigla may nag balita sa kanya
na hinahanap pala siya ng kanyang ama

SEQ. 7 BAHAY– DAY.

Nirespeto parin ni caloy ang kanyang ama at pinuntahan


ito sa bahay nila sa tondo.

Kumatok sa bahay si kaloy ngunit walang nasagot dito


kaya minabuti niyang pumasok nalang dahil naisip niyang
kanila naman yung bahay at walang masamang pumasok na
dahil anak din sya.

CALOY: tao po? Pumasok na po ako ha, wala pong natugon


eh

Laking gulat niyang Makita ang kanyang ama na bed


ridden na at naka oxygen

BALMORYA: Anak, ikaw ba yan?

CALOY: Opo ako po ito,


BALMORYA: Anak, bagamat di na kitang makitang ayos,
lumapit ka sakin may gusto lamang akong sabihin

BALMORYA: Una sa lahat humihingi ako ng tawad sa mga


nagawa at pag kukulang ko sayo at sa mama mo

BALMORYA: Nabalitaan ko nga pala yung kwento mo tungkol


sa pag tulong mo sa taong di mo naman kadugo. Alam mo
kung buhay lang mama mo, tuwang tuwa yun sayo.

BALMORYA: Pasensya kana anak ha, alam mo naman kung


anong mga nangyare diba?

CALOY: Opo itay, sariwang sariwa parin po yun sa akin


kahit ilang taon na ang nakakalipas

BALMORYA: Siguro sa pag kakataon na ito di mo pa agad


ako mapatawad pero naiitindihan ko yun.

BALMORYA: Alam kong naging masama akong imahe, naging


masamang ama. Laking pasasalamat ko at hindi ka nagawa
sa akin
BALMORYA: Kung maibabalik ko lang yung mga araw na yun,
itatama ko lahat ng pagkukulang ko. Ngunit hindi na
mangyayare yun eh, anak alam kong di na ako magtatagal
sa mundong ito, nais ko lamang sabihin na kahit naging
ganun ako, mahal na mahal kita. Ngayon tanggap na
tanggap na kita kung ano ka man, bagama’t pahuli na.
Salamat anak na kahit ikaw yung malambot eh mas tumayo
kapang lalake kesa sa akin. Mahal na mahal kita anak
pasesnya na.Ipangako mo sakin na kahit saan ka dalhin
ng buhay ay hindi ka susuko at mananatili ka paring
mapagkumbaba katulad noon.

CALOY: Opo tay, wag naman po kayong mag salita ng


ganyan, ipapagamot ko po kayo.

BALMORYA: Di ko akalain talaga anak na yung hotdog na


niluluto mo samin noon ng mama mo, tatangkilin ng
karamihan.

CALOY: Si itay talaga nakuha pang magbiro

Pagkatapos ng sandaling iyon napansin ni caloy na


binawian na ng buhay ang kanyang ama. Bagama’t huli na
niyang naipakita ang pagmamahal niya sa kanyang anak eh
ang mahalaga ay naipakita parin niya.

You might also like