You are on page 1of 2

Narrator: Sa malawak at tahimik ng barangay talisay ay mayroong magkaibigan na sina ginang Victoria

Reyes at ginang Lyneth Gonzales.


Cire: Mare kamusta kana, Tila isang bulaklak na namumukadkad ang iyong kagandahan.

Erica: Huy mare! Eto katulad parin ng dati, ang inaanak mo nga palang si Leon parang higante na sa laki

Cire: Ah talaga ba? Gustong gusto kuna ulit siyang makita at mayakap na kasing lambot ng mga unan.
Cire: Mare? Pasaan ka nga pala at mukhang bihis na bihis ka?

Erica: Mare, mayroon akong nais sabihin sayo.

Cire: ano yun mare, tila sinilihan ang iyong puwit at hindi ka mapakali, umupo ka nga rito at tabihan mo
ako!

Erica: E kasi Mare, lumipad ang oras na mayroon akong tinatago sa anak kong nag iisa!

Cire: e ano ba yun, sabihin mo sa akin.


Erica: ipangako mong hindi lilipad ang balitang ito.
Erica: Tungkol kasi ito sa iyong inaanaak na si Leon
Cire: oo na sige na ano ba yun?
Erica: Hindi kase kami ng iyong kumpare ang kaniyang totoong mga magulang, ampon si Leon

Narrator: Nakabibinging katahimikan ang namutawi sa loob ng silid sa binitawang salita ng ginang.

Kenneth: ma?
Cire: O kenken andyan ka na pala, kasing tahimik ng pusa ang iyong pagdating, hindi kita napansin hehe
kumain ka na ba?

Kenneth: a opo ma, pa, alis na po muna ako uli, magkikita po kami ni Leon
Cire: o sige, at humahagulhol ang hangin tila uulan

Sherwin: ingat anak


Kenneth: sige ma pa, tita alis na po muna ako, kasama ko po ang inyong ANAK.
----

Narrator: sumasayaw ang mga bituin sa kalangitan, tahimik ang paligid, tanging ang hiyaw lamang ng
hangin ang ingay na namumutawi
JL: O kenken buti at pumayag si tita na lumabas ka pa

Kenneth: oo nga e pero teka, bakit nga ba nayaya mo akong lumabas?


Jl: hindi ko alam eh, sila nanay kase mukhang may tinatagong kayamanan na dapat kung malaman.
Kenneth: ano nga bang kayamanan ang tinutukoy mo?

Kenneth: hindi ko dapat ito sasabihin ngunit satingin koy tama ka,
Jl: paano mo nasabi?
Kenneth: umuwi ka na at mamumuti ang buhok ng iyong ina kakahintay sa iyo.
Jl: nay

Erica: anak kanina paakong naghihintay sayo..


Jl: Nay! May dapat ba akong malaman, tungkol sa totoong pagkatao ko?
Erica: anak, ano ba yang sinasabi mo?
Jl: Nay! Sabihin nyo na ang totoo, wag na kayong mag kunwaring wala kayong alam!

Erica: Leon! Anak, alam kong pagod kalang kayat kung ano-anong nalamang lumalabas diyan sa bibig
mo!
Jl:(hawak sa ulo) Nay!!! Hindi po ako pagod! Naguguluhan lamang ang aking isipan na para bang
binagskan ng langit at lupa sa bigat ng aking nararamdaman.
Erica: Anak, diretsahin mo na nga ako!
Jl: totoo ba nay, na hindi kayo ang tunay kong ina?

Erica: (hingang malalim) anak pasensya na kung hindi ko ito nabanggit sa iyo habang bata ka pa, hindi ko
alam kung saan sisimulan
Jl: nay, parang nabiyak ang aking puso sa katotohanang ito!
Erica: patawarin mo ako anak
Narrator: nagising ang ama ni Leon

Jonathan: oh anak nanjan kana pala?

Jl: Nay!, Tay! Kailangan ko munang mapagisa at magisip-isip (naiyak

Erica: anak!!! (habang malungkot at mangiyak-ngiyak)


Jonathan: (hahawakan sa balikat) Victoria hayaan mo muna natin siyang makapag isip isip
Narrator: Nagpakalayo muna si Leon upang makapag isip-isip.
Jl: o galit, layuan mo ako magpakailanman!
Narrator: Pagkalipas ng mga nagdaang araw, bumalik na si Leon sa kaniyang pamilya.
Jl: Nay, patawad po sa aking paglayo.
Jonathan/Erica: Anak patawarin mo kami
Erica: naisip kong ito ang mas makabubuti ngunit nagkamali ako, hindi ko matatanggap ang mawala ka
sa piling ko anak.
Jl: pinapatawad kona po kayo nay, ikaw ang ilaw ng tahanang ito at nagbigay kulay sa aking buhay, hindi
ko hahayaang mawalay kayo sa piling ng nag iisa ninyong anak.
Narrator: AT MULING NANUMBALIK ANG KULAY BAHAGHARI SA TAHANAN NG PAMILYANG REYES!

You might also like