You are on page 1of 38

Wala Kaming Yelo

Ugh! Ang ganda niya talaga! Totoo ba siya? Sa'n ba siya


galing?
Ang mukha niya, maputi at makinis, lalo pang gumaganda
'pag nasisikatan ng araw. Para siyang 'yung mga babaeng nakikita ko
sa mga Korean channel.
Kahit siguro buong araw ko siyang titigan, 'di ako
magsasawa, kahit hanggang sa'n pa makarating 'tong jeep na
sinasakyan namin.
Oooh! Hinahangin-hangin pa 'yung buhok niyang pang-
shampoo commercial. Sa paningin ko parang naka-slow motion 'to
habang kumikinang siya at 'yung boses niya nag-e-echo.
"Cry!" sabi niya habang nakatitig sa'kin, nakangiti. "Cry!"
Cry? Teka! Ako si Cry! Tinatawag niya 'ko?
"Tulala ka diyan," natatawang sinabi niya sa'kin. "OK ka
lang?"
"Ha?" Hindi ko pa alam ang sasabihin ko.
"Gutom na 'yan!" natatawang banat ni Ern na katabi niya.
"Malayo pa ba?" ang unang tanong na naisip ko.

1
"Malapit na," nakangiting sagot niya. "Gutom ka na ba?"
"Oo. Hindi ako nag-almusal, hindi ako nananghalian para
dito." Sana matawa siya sa sagot 'ko.
Natawa nga siya pero mahina at saglit lang.
"Ka-Hye." Tinawag ko siya dahil mukhang mag-uusap na
rin naman kami.
"Oh?"
"May. . . lumpiang Shanghai ba kayo?" tanong ko kay Ka-
Hye.
"Bakit? Mahilig ka sa Lumpia?"
"Oo---"
"Ay! Favorite ko 'yon!" pagsapaw ni Ern sa'kin.
Nabaling na naman sa kanya ang tingin ni Ka-Hye kaya
hindi niya napansin ang pagsimangot ko.
Bakit gano'n? Ako 'yung tinatanong ni Ka-Hye pero mas
malakas pa 'yung sagot niya. Ngayon silang dalawa na naman ang
magkausap.
Kung ako lang ang masusunod, hindi ko na isasama 'tong
si Ernesto, pero syempre, ang awkward naman kung kaming dalawa
lang ni Ka-Hye. Mas maganda kung may third wheel. Ang
problema lang eh parang ako pa 'yung nagiging third wheel dahil
sobrang pabibo tong si Ern.
Sa kabilang banda, mas gusto ko na rin 'to:
pinagmamasdan lang ang nakakapanghinang dating ni Ka-Hye.
Hindi ko rin naman kayang magsimula ng interesanteng usapan.
Pakiramdam ko para 'kong naglalaro ng Chess 'pag kausap ko siya.

2
Dapat hindi ako maubusan ng moves. Dapat mabilis akong
makabawi, kung hindi --- checkmate! Tapos ang usapan.
Nakakainis makita na parang ang saya-saya nila.
Haaay! Hindi ko ba kayang mag-isip ng ibang bagay sa
biyahe na to?
Tumingin-tingin ako sa paligid sa labs ng jeep. Pamilyar
sa'kin ang lugar na nadadaanan namin.
Ang eksena naman sa loob ng jeep ay may maitim na
kalbong drayber sa harap naka-suot ng polo-shirt na blue, may
maputing pormadong binata sa unahan ko, at may lolang may
dalang bayong ang nasa sahig.
Wala bang interesanteng bagay sa loob ng jeep na 'to? Ang
tagal naman matapos ng biyahe na 'to?
"Ay! Ka-Hye!" Nakinig na lang ako sa mga pinagsasabi ni
Ern. "Alam mo na bang 'yung sa 'elepante' tsaka sa 'ref'?"
"Parang narinig ko na 'yan," sagot ni Ka-Hye.
Oh hindi! Seryoso ba sila? Ang korni naman ng usapan
nila.
"Hindi mo pa alam 'yon?" tanong ni Ern, lumalapad ang
ngiti, excited na magkuwento.
"Hindi," sagot ni Ka-Hye na mukhang interesado na.
"'Wag ka maingay, Cry ha?" request ni Ern sa'kin. "Ganito
kasi---"
Oh no! Seryoso si Ern. Itutuloy niya talaga 'yang gasgas na
pambatang joke na sa'kin niya lang naman nakuha.
"Paano mo maipapasok 'yung giraffe sa ref in three easy
steps?" natatawang tanong ni Ern kay Ka-Hye.

3
"'kala ko ba elepante?"
"Mamaya!" paliwanag ni Ern. "Game! Paano mo ipapasok
'yong giraffe sa refrigerator?"
"Ewan," natatawang sagot ni Ka-Hye. "Pa'no 'yun?"
"Sirit na?"
"Sige. Pa'no?"
"Simple lang. Buksan 'yung ref. Ipasok mo 'yung giraffe.
Isara mo 'yung ref," paliwanag ni Ern na may kasama pang hand
gestures kaya napabitaw siya sa pagkakakapit niya sa bakal sa
kisame ng jeep.
Sana walang ibang nakarinig ng joke niya.
"Ha?" Mukhang 'di na-gets ni Ka-Hye 'yung sinabi niya.
"'Yun na 'yon?"
"Eto pa! Pa'no mo naman ipapasok 'yung elepante sa ref?"
This time, mabilis na sumagot si Ka-Hye,"Buksan mo
'yung ref, ipasok mo 'yung elepante ta's isara mo 'yung ref."
"Mali!"
"Bakit 'mali'?"
"Kasi bubuksan mo 'yung ref, ilalabas mo 'yung giraffe,
tsaka mo ipapasok 'yung elepante ta's isasara mo 'yung ref,"
natatawang paliwanag ni Ern. Mukha siyang masaya na parang
nakapanlinlang ng bata.
"Ano ba 'yan," sabi ni Ka-Hye na parang pinilit ang tawa.
Seryoso bang usapan 'to?
"Eto pa! Isa pa!" pahabol ni Ern.
"Ano na naman 'yan?"

4
"Nagpaparty 'yung Lion. Lahat invited. Sinong 'di
makakapunta?"
"'Yung Lion?"
"Lion!"
"Hindi makakapunta 'yung elepante!" kampanteng sagot ni
Ka-Hye.
"Baket?"
"Kase nasa loob siya ng ref?" patanong na sagot ni Ka-
Hye.
Tumawa si Ern dahil hindi niya naisahan si Ka-Hye sa
pagkakataong iyon. "Ah magaling! Magaling!"
Mukhang natutuwa naman si Ka-Hye sa korning usapan
nila.
"Eto! Last na!" Kinumpleto na ni Ern 'yung kwento niya.
"May isang ilog na tinitirhan ng maraming crocodile, kelangan
mong tumawid, pa'no ka tatawid?"
"Sa tulay," mahinang sagot ni Ka-Hye.
"Walang tulay."
"Magbabangka?"
"Walang bangka. Walang tulay."
"Oh pa'no?"
"Eh 'di lalangoy!"
"Akala ko ba may crocodile?"
"Lalangoy lang ako patawid kasi nasa party lahat ng
crocodile!" paliwanag ni Ern, ngiting-ngiti.
Natawa naman si Ka-Hye at mukhang totoong tawa na
'yun. "Sa'n mo naman nakuha 'yan?" tanong ni Ka-Hye kay Ern.

5
"Wala. Imbento ko lang. Matagal na 'to!"
WOW! Nakakainis! "Imbento" niya daw. Ako kaya nagsabi
sa kanya no'n, first year palang kami.
Pinapatawa niya si Ka-Hye gamit ang joke ko. Ang panget
niya naman magdeliver. Ewan ko ba! Siguro, sadyang mababaw
lang ang kaligayahan ni Ka-Hye.
Kung alam ko lang na ganyan siya kadaling patawanin, dati
ko pa siya kinausap.
Ano ba 'to? Kung anu-ano na naiisip ko sa biyaheng 'to.
Ngayon lang ako nairita kay Ern nang ganito. Bakit kasi si Ern pa
'yung inaya ni Ka-Hye? Pwede namang iba. Pwede namang mas
panget sa'kin.
Well, hindi naman ako napapag-iwanan ni Ern. Sadyang
maputi lang siya, ako kayumanggi. Undercut 'yung hairstyle niya,
usong-uso, samantalang 'yung buhok ko nagre-recover palang sa
semi-kalbo dahil sa kapalpakan ng isang bagitong barbero.
Pagdating naman sa kakisigan, wala 'kong laban sa kanya.
Magkasing-tangkad kami pero 'yung katawan ko eh totoy na totoy
at thirty pounds underweight.
Gayunpaman, marami namang mga introvert na babae at
bakla ang nagsabi na may itsura naman daw ako, hindi pa nga lang
daw uso ang mga katulad ko.
Kaya siguro hanggang ganito na lang ako. Magpapantasya.
Mangangarap. Wala rin naman akong diskarte---
"Cry!" tinawag ako ni Ern, nakataas ang mga kilay niya.
"Oh?" tanging tugon ko dahil pinutol niya ang pagsasalita
ko sa isip ko.

6
"Nagbayad ka na ba?" pabulong niyang tanong.
"Hindi mo pa ba 'ko---"
"Hindi!" natatawang sagot ni Ern.
"Singkwenta 'yung inabot mo kanina. Akala ko nilibre mo
na kami," paliwanag ko. Kanina pa 'ko nakatunganga dito, hindi
man lang ako sinabihan ni Ern na hindi pa pala 'ko bayad.
"Si Ka-Hye lang sinagot ko," paliwanag niya. "Next time
Ka-Hye ako naman sagutin mo, ha?"
"Ha?" Nakangiti si Ka-Hye pero mukhang hindi niya
narinig ang banat ni Ern.
Tinatamad akong ilagay sa harapan ko ang black kong
backpack kaya iniunat ko na lang ang mga legs ko para lang maabot
ko ang pera ko sa maliit kong bulsa. May nakapa akong papel, baka
bente, baka singkwenta.
"PARA!" sabi ni Ka-Hye.
Nabigla ako. Pababa na kami pero 'di pa 'ko nagbabayad.
"Dito na?"
Natatawa silang dalawa habang paharap sa likuran ng jeep.
"Weyt!" Dali-dali 'kong hinugot ang perang nasa bulsa 'ko,
isang benteng papel, at iniabot sa harapan sabay sigaw ng "Bayad
ko po!"
Dahan-dahang iniabot ng pormadong binata ang pamasahe
ko sa drayber.
"Sa'n 'to? Ilan 'to?" tanong ng drayber, nakatitig siya sa'kin
mula sa rear view mirror.

7
"Sa'n ba 'to?" tanong ko kay Ka-Hye na nakababa na pala
kasama ni Ern. Naroon sila, nakatingin sakin at parang
pinagtatawanan ako.
"Keep the change na lang po!" Mabilis ang mga pangyayari
at hindi ko alam ang sasabihin ko kaya 'yun na lang ang nasabi ko.
Nagmamadali akong bumaba dahil iniwan na 'ko ng mga kasama
ko.
Nanghihinayang ako sa sukli ko.
"Bakit hindi mo kinuha 'yung sukli mo?" tanong ni Ka-Hye
sa'kin na mukhang nag-aalala.
"Iniwan ninyo 'ko eh," paliwanag ko, may pilit na ngiti.
"'Di ko pa alam sasabihin ko."
Tinawanan lang nila 'ko.
Nakakainis. Sayang 'yung sukli ko ngunit ang mas masakit
ay unti-unti 'ko nang natatanggap na ako talaga ang third wheel sa
sitwasyong ito.
"Tara!" Inayos ni Ka-Hye ang pagkakasabit ng strap ng
brown niyang leather bag sa mga balikat niya at nauna sa paglalakad
papunta sa bahay nila.
Tahimik sa lugar na binabaan namin. Parang walang
naglalakad sa kalye. Magkakahiwalay ang mga bahay. Isang gate,
isang bahay. Mayaman siguro ang mga nakatira dito. Maraming
puno kaya kahit maaraw ay hindi mainit. . . sayang, gusto ko pa
naman sanang payungan si Ka-Hye.
"'Yon ba 'yong bahay niyo?" tanong ni Ern habang
nakaturo sa isang tatlong palapag na puting bahay na pakahon-
kahon ang itsura at maraming salamin.

8
"Hindi. Hindi kami mayaman!" natatawang sagot ni Ka-
Hye.
"Saan kaya 'yong bahay niyo?" bulong ni Ern, habang
pinagmamasdan ang mga bahay na kala mo'y namimili.
"Ka-Hye!" Sinamantala ko ang pagkakataon habang abala
si Ern na mag-observe ng mga bahay.
"Oh?"
Lumapit ako sa kanya para sabayan siyang maglakad sa
unahan at maiwan sa likod si Ern.
"Bakit 'Ka-Hye'?" Ito lang ang naisip kong itanong.
"'Ka-Hye' kasi nga 'Cayenne'?"
"O'nga. Pero bakit ganun 'yung spelling? H-Y-E?"
"Si Mama kasi 'yung pangalan niya Hye In. H-Y-E."
"Hye In?" Hindi common na pangalan 'yon. Sa totoo lang,
'yung tunog niya eh parang pang-K-Pop.
"May lahing Koreana kasi 'yung side nila Mama,"
paliwanag niya habang naka-eye-smile.
Nanlaming ang dibdib ko. Para 'kong maiiyak nang mga
sandaling iyon. ANG CUTE NIYA! Hindi ako handa sa ganoong
klaseng ngiti niya at hindi ko pa 'yun nakita nang balikat sa balikat
lang ang layo sa kanya.
"Pero baket 'Cayenne'"? tanong ni Ern mula sa likod na
mukhang nakikinig sa usapan namin. "Cayenne Pepper?"
"Oo. Cayenne Pepper. Nakita lang ni Papa sa
encyclopedia," pagkukuwento ni Ka-Hye, "kasi magkasama sila ni
Mama no'n sa library ta's nakita nila sa encyclopedia 'yung
'Cayenne' with illustration pa daw---"

9
"Magkasama sila sa library?" tanong ko.
"Naging magkaklase kasi sila noon nung college ta's naging
magka-group sila dahil sa reporting, parang ganun---"
"Aah."
"Basta sabi ni Papa maganda daw pakinggan 'yung
'Cayenne' kaya ipapangalan niya daw 'yun sa anak niya."
Sa totoo lang, sa tingin ko ay napaka-unusual ng origin
story ng pangalan niya pero sino ba naman ako para humusga tsaka
kung ganyan ba naman kaganda si Ka-Hye eh kahit ano pang
pangalan niya ay wala na kong pakialam.
"Kaye na K-A-Y-E talaga palayaw ko noon pero tinulad
ko na lang kay Mama 'yung spelling 'pag magfi-fill up ako ng mga
'nickname', mga ganun," paliwanag ni Ka-Hye. " Kaya ayun, KA-
HYE!"
"So nagkakilala 'yung mga magulang mo sa reporting?"
follow-up question ko para magtuloy-tuloy pa ang usapan namin.
"Oo. Magkaklase sila nun sa isang minor subject---"
"Speaking of 'reporting'," sumingit ang malakas na boses ni
Ern sa usapan namin. "Sino pala 'yong dalawang ka-group mo, Ka-
Hye?"
"Si Gonzalo tsaka si Ganesh," sagot niya.
"Si Gonzalo daw . . . hindi pa umuuwi. . . mga limang araw
na," sinabi ko sa kanila.
"Ha?" Biglang napalingon si Ka-Hye sa akin. Hindi naman
siya mukhang nagulat.
"Si Ganesh din. . . ilang araw nang 'di pumapasok. . . pero
madalas naman talaga 'yung absent," sabi ni Ern.

10
"Tapos niyo na ba 'yung presentation niyo?" tanong ko kay
Ka-Hye.
"Pumunta sila sa bahay nung sabado ta's may 'konti'
kaming natapos," natatawang pagsasalaysay niya. "Actually parang
wala nga eh."
"Ang malas mo naman sa mga ka-group mo!" sabi ni Ern
na parang naiinis na natatawa.
"Ano kayang nangyari sa dalawang 'yun?" bulong ko sa
sarili ko.
"Next week na 'yung presentation 'di ba?" tanong ni Ka-
Hye, may namumuong pag-aalala sa mga mukha niya.
"Oo," sagot ko.
"Hala!"
"Baka pwede pa naman magpalit ng ka-group," suggestion
ni Ern. "Gusto mo tayo na lang, Ka-Hye."
Sumisimple na naman yata tong si Ern, gusto lang maging
ka-grupo si Ka-Hye. Hindi ako makakapayag. "Next week
Thursday na 'yun. Friday na ngayon."
"Seryoso ka, Ern?" tanong ni Ka-Hye na napatingin kay
Ern na nasa likuran.
"Baket?" tanong ni Ern. "Itanong natin kay Ma'am bukas
kung pwede."
Mapilit 'tong si Ern. "Sure ka? Eh 'di ba ka-group mo na
sina Becca?"
"Ka-group mo si Becca?" mabilis na tanong ni Ka-Hye,
napalingon kay Ern.
"O. . . oo?" mabagal na sagot niya. "Baket?"

11
"Nako. Salamat na lang," sagot ni Ka-Hye, natatawa.
"BAKIT?" sabay naming tanong ni Ern sa kanya.
"Eh kasi nga. . . 'di ba alam niyo naman si Becca pagdating
sa'kin," paliwanag ni Ka-Hye. "Feeling ko ayaw na ayaw niya
sa'kin."
"O'nga pala, Ern," paggatong ko," sigurado magagalit 'yun
'pag nalaman niyang iniwan mo sila ta's kay Ka-Hye ka pa
sumama."
Sinubukan pa ni Ern na mangatwiran, "Tapos na rin
naman kami."
"Hindi.'Yaan mo na," sabi ni Ka-Hye. Ngumiti na lang siya
kay Ern.
"Suggestion lang naman," palusot ni Ern.
Kung hindi ko siya magiging ka-group, hindi rin siya dapat
mapunta kay Ern.
Kung may lakas lang ako ng loob na ayain siyang maging
ka-grupo, ginawa ko na.
"Bakit ka ba kasi napunta sa dalawang 'yon?" tanong ni
Ern kay Ka-Hye.
"Eh wala naman kasing gustong maki-group sa'kin nung
time na 'yun. Silang dalawa 'yung unang lumapit kaya syempre sino
ba naman ako para tumanggi 'di ba?" paliwanag ni Ka-Hye. "'Yung
mga classmate naman nating babae parang ang lalamig nila sa'kin."
Natawa si Ern.
"Siguro dahil pangalawang sem mo palang sa block
namin," sabi ko kay Ka-Hye. Wala kong maisip na pampagaan ng
loob niya.

12
"Naku! Mga insecure lang 'yung mga 'yon!" sabi ni Ern.
"Lalo na 'yong si Becca---naku!"
"Ewan ko ba. Basta tahimik na lang ako," nakangiting
sinabi ni Ka-Hye.
Hindi ko alam na may issue pala si Ka-Hye sa mga babae
sa section namin.
"Kaya tuloy madalas puro kayong mga lalaki na lang mga
kinakausap 'ko," dagdag pa ni Ka-Hye.
"Tama 'yan! Bayaan mo sila!" sabi ni Ern. "Kaming mga
lalaki 'di kami mga plastik. Lalo na kami ni Cry! 'Di ba, Cry?"
Tinaas niya ang kanang kamay niya malapit sa mukha 'ko at
mabilis kaming nag-apir. Sa totoo lang hindi ko gustong makipag-
high-five sa kanya pero mabilis ang mga pangyayari.
Maya-mayay biglang gumilid si Ka-Hye at lumapit sa isang
mataas, malapad at itim na gate. Pinindont niya ang mataas na
doorbell sa gilid ng pinto.
"Bahay niyo 'to?" tanong ni Ern habang naglalakad
patalikod palayo sa gate para mas makita niya ang bahay.
"Oo," nakangiting sagot ni Ka-Hye.
"Mayaman pala kayo eh!" sabi ni Ern.
Sinubukan ko rin silipin ang bahay nila. Mababa lang ang
bakod pero may mga halaman na nakaharang sa paningin ko.
May dalawang palapag ang bahay nila. Kongkreto ang una,
kahoy ang pangalawa. Hindi makabago ang istilo ng bahay pero
hindi rin naman mukhang luma, siguro dahil sa naalagaan o dahil
lang sa magandang white at brown na pintura.

13
Maya-maya'y may narinig kaming ingay ng mga bakal at
bumukas ang mas maliit na pinto sa gate. Pagbukas ng gate, nakita
namin ang isang babae na parang pinatandang version ni Ka-Hye at
mas maputi. Nakasuot ng puting T-shirt at nakamaong na pantalon.
"Kayo lang?" ang sabi niya nang nakangiti.
"Magandang hapon po!" ang sabay naming pagbati ni Ern.
Nakangiti siya samantalang ako ay seryoso ang mukha dahil nag-
oobserve pa rin ako.
"Oo, Ma. Silang dalawa lang," sabi ni Ka-Hye habang
papasok sa loob.
"Pasok kayo, dali!" pag-anyaya ng nanay ni Ka-Hye sa'min.
Naunang pumasok si Ern, sumunod ako.
"Ka-Hye! Pakisara ng gate!" ang malakas na utos ng nanay
ni Ka-Hye habang naglalakad papasok sa bahay nila.
May kongkretong sahig ang tapat ng gate nila, siguro
mayroon silang kotse. May maliit naman na garden sa harapan ng
bahay nila. Wala 'kong alam sa mga bulaklak basta ang alam ko
maraming magkakaibang bulaklak ang nando'n. Naramdaman ko
rin na bahagyang lumamig ng pumasok kami sa gate nila.
Pagpasok namin sa loob, wala 'kong napansing kakaiba sa
bahay nila. Ang masasabi ko lang ay maluwag ang bahay nila o dahil
wala pa kong nakikitang ibang bisita.
"Upo kayo," sabi ng nanay niya na nakasandal lang sa isa
pa nila ng sofa at nakatingin samin.
Inilapag ni Ern sa sofa ang pula niyang backpack, ganun
din ako, at tsaka kami umupo sa mahaba, at parang bulak nilang
sofa.

14
Mukhang tatlo lang sila sa bahay pero mayro'n silang
tatlong malalaking sofa na naka-pormang "U", may salamin na
coffee table sa gitna, sa tapat ng isang malaking flat screen TV nasa
tantsa ko ay forty-two inches na mas Malaki nang kaunti sa TV
namin.
Kami lang ba ang inimbita ni Ka-Hye? Wala ba siyang
inimbitahang mga kaibigan niya nung highschool? Sigurado 'ko
magiging awkward na kapag dumami na ang tao dito.
"Mama! Nasa'n na sila tita?" tanong ni Ka-Hye na
kakapasok lang. inilapag niya naman ang cute niyang bag sa sofa na
sinasandalan ng nanay niya.
"Maya-maya pa daw sila darating kasi mainit pa," sagot ng
nanay niya.
"Mainit? Hindi naman, ah," sabi ni Ka-Hye.
Napatingin si Ka-Hye sa'min.
"Ay! Mama! Mga kaklase ko pala," pinakilala niya na kami,
"eto si Ern," hinawakan niya si Ern sa balikat---
"Hello po! Akala ko ate kayo ni Ka-Hye," banat ni Ern.
Natawa naman si Ka-Hye at ang nanay niya.
"Eto naman si Cry."
"Kray?" pag-ulit ng nanay niya.
"Cry," inulit din ni Ka-Hye. "Cry as in Chrysler."
"Bakit silang dalawa lang?" tanong ulit ng mama niya.
"Eh sila lang ka-close ko eh," natatawang sagot ni Ka-Hye.
Medyo nagulat ako sa sagot na 'yon. Close na pala kami ni
Ka-Hye. Hindi ko alam. Ang alam ko lang eh bihirang-bihira nga

15
kami mag-usap. Sa katunayan, bilang ko pa sa daliri kung ilang
beses kami nag-usap.
"Oh kumuha ka muna ng maiinom dun sa kusina," utos ng
mama niya.
"Ay! Inutusan ang may birthday?" bulong ni Ka-Hye
habang mabilis na naglalakad papuntang kusina.
Pumunta naman sa harapan ang nanay ni Ka-Hye at
binukasan ang TV. Pagbukas ng TV bumungad sa'min ang
dalawang lalaking nasa kotse, isang negrong kulot at isang maputing
mama na may kahabaan ang buhok.
"Nanunuod ba kayo niyan?" tanong ng nanay ni Ka-Hye
sa'min.
"Ah. . . hindi po," ang mabagal at mahinang sagot ni Ern.
Alam ko ang pelikulang 'yon at alam kong hindi 'yun ang
tipo ni Ern.
Nilipa-lipat ng nanay niya ang channel hanggang sa marinig
niya na tumawa si Ern, "Spongebob!"
"Nanunuod kayo niyan?" tanong ng mama niya sa'min.
Nakangiti naman kaming sumagot ng 'oo' at hindi niya na
inilipat ang channel.
Bumalik si Ka-Hye galing sa kusina na may dalang
dalawang baso ng coke o ice tea. "Gutom na ba kayo?" tanong niya
sa'min nang mailapag niya na ang mga dala niya sa coffee table.
"Si Cry gutom na," sabi ni Ern.
"Hindi. Sige. Kakain na ba?" Hindi ko alam ang sasabihin
ko dahil nakatitig si Ka-Hye sa'kin at maghihintay ng sagot.
"Ano?"

16
"Lumpiang Shanghai daw muna," sabi ni Ern, natatawa
sa'kin.
Napangiti si Ka-Hye sa'kin,"Ikaw talaga, Boy Lumpia!"
Naiinis ako na natutuwa. Hindi naman talaga 'ko mahilig sa
lumpia. Nagkamali lang ako ng sinabi kanina. Gayunpaman,
natutuwa ako dahil parang may pang-asar na si Ka-Hye sa'kin.
Ibigsabihin ay kumportable na siya sa'kin.
"Ma. Pakilabas na nga 'yung lumpia," request ni Ka-Hye sa
mama niya na seryoso ang mukha.
Sabihin mo muna please, sabi ng mama niya na
nakangiti na.
Pleeeaase! sabi ni Ka-Hye sa boses niyang parang baby.
Kinurot niya muna sa tagiliran si Ka-Hye bago siya
naglakad papuntang kusina. Tinawanan lang siya ni Ka-Hye.
"Ano 'to?" tanong ni Ern at ininom ang nasa baso.
"Coke?"
May napansin ako sa mga inumin namin. "Hindi
malamig?" tanong ko na may kasamang ngiti para hindi niya isiping
nagrereklamo ako.
Napatitig sa mga mata ko si Ka-Hye,"Sorryyy! Wala
kaming yelo," ang sabi niya na may mahinhing tawa.
Natigilan ako sa ginawa niyang 'yon. Parang nag-slow
motion na naman ang mga pangyayari at nag-echo ang sinabi
niyang 'yon sa isip ko. Sobrang cute niya! Deep inside ay
namimilipit na 'ko sa gigil pero napanatili 'ko ang composure ko at
dinaan na lang sa pigil na pagtawa.

17
"Anu 'yan, Ka-Hye?" tanong ng mama niya na naglapag ng
isang platong may pinagpatong-patong na bite-size lumpiang
shanghai.
"Coke," mahinang sagot ni Ka-Hye.
"Bakit hindi malamig?"
"Ma, wala tayong yelo 'di ba?" mahinang sinabi ni Ka-Hye
sa mama niya," Kasi puno na 'yung ref."
Naisip ko na siguro ay napuno ng salad o ice cream ang
freezer nila.
"Hindi, Ok lang," ang sabi ko naman. "Tubig na lang po
'ko. Hindi rin naman po ko nagso-soft drinks."
"Tita! Ok lang naman," sabi naman ni Ern na uminom pa
ulit.
"Ka-Hye, bumili ka ng yelo sa labas tsaka ng pang-ice tea,"
utos ng mama niya na seryoso na ang mukha.
"Ma, sa supermarket pa 'ko makakabili ng tube na ice,"
sabi ni Ka-Hye na parang nagrereklamo. "Tsaka hindi pa 'ko
nagbibihis, oh."
"Sige na. Nakakahiya naman, oh," bulong ng mama niya.
"Sige na nga," pumayag din si Ka-Hye. "Sinong sasama?"
tanong niya sa'min.
"Ako," sagot ni Ern na ngumunguya na ng malutong na
lumpia.
"Kumakain ka na diyan eh---"
"Naku, ikaw na lang at bilisan mo," ang sabi naman ng
mama niya.

18
Gusto ko sanang sumama kaso ayaw na ng mama ni Ka-
Hye at bigla akong naihi.
"Sige. Saglit lang ako," ang paalam niya sa'min at lumabas
na siya ng bahay.
"Punta lang ako ng garden, sabihin ko lang sa papa niya na
nandito na kayo," ang sabi naman ng mama niya bago ito naglakad
papunta sa pinto sa left side ng sala palabas sa isang halamanan.
"'Yung CR pala sa may kusina, ha?" ang pahabol niya.
"Sige po, Tita," sagot ni Ern na nakakailang piraso na ng
lumpia.
Naiwan kaming dalawa ni Ern sa sala nila.
Tahimik lang kami ni Ern sa sala nila. Ang naririnig ko lang
ay ang ingay ni Patrick at Spongebob sa TV at ang 'krak-krak' sa
pagnguya ni Ern.
Ayaw ko pang kumain dahil naiihi ako. Ayaw ko namang
pumunta sa CR dahil nahihiya akong sumugod na lang doon.
Pinagmasdan ko na lang ang loob ng bahay nila. Ang sahig
ay puting tiles. Ang kisame ay puti rin. Malalaki ang bintana nila sa
bahay. Sa katunayan, ang pinto sa kaliwa ng sala nila, ang papunta
sa isa pang garden, ay gawa sa salamin. Marahil nakatitipid sila sa
kuryente.
"Gusto ko talaga 'tong episode na 'to!" sabi ni Ern na
tuwang-tuwa sa pinapanuod niya at kumikintab ang mga mata.
Sa TV naman ako napatitig. "'Spongebob B.C.?" nasabi ko.
"Before Comedy!" sabi ni Ern. "Kahit cave man palang
sina Spongebob at Patrick perwisyo na sila kay Squidward!"
Naiihi na 'ko. "Magsi-CR lang ako," paalam ko kay Ern.

19
"Ge!" ang tanging sagot niya dahil may laman ang bibig
niya. Hindi man lang siya lumingon sakin.
"Baka ubos na 'yang lumpia pagbalik ko ah."
"Bilisan mo."
Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina nila na parang
akin ang bahay.
Pagdating ko sa kusina nila ay napansin ko agad ang island
kitchen nila. Mayroon itong stainless na lababo at mga cabinet sa
ilalim. Sa ibabaw, may mga pasta na handa ng iluto, at may apat na
maliliit na kawaling may takip. Marami ring gulay at karne na
parang hihiwain at didikdikin pa lang.
Napansin ko rin ang dalawang malaking kawali sa counter
nila sa gilid. Ang isay may pinapakulong tubig, ang isa nama'y
mantika, maraming mantika.
Napansin ko rin ang malaki nilang refrigerator katabi ng
freezer nila na katulad ng mga freezer ng ice cream sa mga
convenience store. Hindi ko na sinilip ang ref nila dahil baka
mahuli ako at magmukhang kaduda-duda. Ang sinubukan kong
buksan ay ang freezer nila na parang punong-puno ng karne. ngunit
hindi ko ito mabuksan, siguro dahil masyadong nagyelo ang loob.
Ayaw ko namang pilitin kasi baka masira. Na-curious lang talaga ko
dahil kahit may fridge at freezer sila ay wala silang yelo o malamig
na tubig. Ngayon alam ko na.
May isang pinto rin sa kusina na may metal screen papunta
sa garden sa likurang bahagi ng bahay. Doon ko nakita ang isang
maliit pang parang bahay na gawa sa yero. Siguro taguan ng mga
gamit sa pagmemekaniko o kung anupaman.

20
Katabi ng pinto papalabas ay isang mas manipis na puting
pinto na may vent sa ilalim---isang pangkaraniwang pinto ng banyo.
Binuksan ko 'yun at pumasok ako. Hindi ako nagkamali, CR nga
iyon. Karaniwan ang disenyo ng toilet nila: puting tiles, nakahilera
ang inidoro, lavatory at shower. Sigurado 'kong hindi sila dito
naliligo dahil wala 'kong nakitang mga bote o sachet ng shampoo.
Siguradong may banyo rin sila sa taas.
Bago pa man ako maging dalubhasa sa disenyo ng bahay
ay inilabas ko na ang dapat ilabas.
Buti naman at de-pindot ang flush nila, wala kasing tabo at
timba ng tubig dito.
Mag-aayos pa sana 'ko ng sarili ko pero mukha namang
walang problema. Hindi naman nagulo ang buhok kong 'di
masabunutan. Hindi naman ako pinagpawisan dahil presko naman
sa bahay nila Ka-Hye, siguro dahil puro halaman sa paligid.
Pag labas ko napansin ko na parang lumakas 'yung volume
ng TV. Dinig na dinig ko ang boses ni spongebob at patrick na
sumisigaw na parang mga taong kuweba. Si Ka-Hye, mukhang wala
pa. Sure ako na pagbalik nu'n eh itatanong niya agad," Oh nasa'n si
Cry?"
Pabalik na sana 'ko kaso na-curious talaga 'ko sa maliit na
bahay sa likuran ng lote nila, lalo na ngayon at bahagyang naka-
bukas na ang pinto nito.
Sumilip muna 'ko sa paligid. Pakiramdam ko wala pa
namang ibang tao sa sala. Lumapit ako sa may pinto para silipin ang
garden nila sa likod pero biglang bumukas alabas ang pinto.
Nakabukas pala ang pinto kaya dahan-dahan akong lumabas at

21
ingat kong binitawan ang pinto ng kusina. Ilang tahimik na hakbang
lang ay nasa tapat na 'ko ng maliit na bahay-bahayan.
Ano kayang nasa loob nito? Mga manok? Mga lumang
gamit ni Ka-Hye?
Tahimik kong binuksan ang pinto hanggang sa may unti-
unti akong naamoy na hindi kaaya-aya. Hindi ko na binuksan nang
buo ang pinto. Malinaw na malinaw ang nakikita 'ko. Ang hindi ko
lang sigurado ay kung totoo ba ito?
Lumapit ako, mga tatlong maliliit na hakbang.
Isang taong duguan, nakaluhod, ang mga kamay ay
nakakadena sa isang posteng kahoy na nakasuporta sa bubong ng
maliit na bahay na to. Nakayuko siya. Maikli ang buhok, may
kalakihan ang katawan. Lalaki ba to? Ang polong suot niya ay sky
blue at ang pantalon niya ay dark blue parang katulad ng uniform
ko.
Lumapit pa 'ko.
Napatingin din ako sa mga bagay na nakapatong sa kahoy
na mesa sa gawing kanan: duct tape, itak, bakal na tubo, lagari.
Sino 'to? Ano 'to? Prank ba 'to? Na-set up ba 'kong
pumunta dito?
Tumingala ang lalaki at tumingin sa'kin. Ang puti ng
mukha niya. Hindi ko agad nakilala. Hindi ako pwedeng
magkamali---
"Cry?" ang bulong niya.
"Go---Gonzalo?" pinilit kong maging kalmado.
Nagmumura na 'ko sa isipan ko dahil hindi ko pa nasisiguro kung

22
ano ang pinasok ko. Hindi pa nawawala sa isip ko na baka isang
malupit na gimik lang to.
Dali-dali akong lumapit sa kanya. Tinignan ko kung
maaalis ko ang mga kamay niya mula sa kadena.
"Gonzalo! Ano 'to?" Pasigaw kong bulong sa kanya. "Shit!"
"Cry. . . Ba't ka nandito?" Hirap na hirap niyang binigkas.
Hindi niya mapanatiling nakaangat ang ulo niya.
"Pre. . . anong nangyayari dito, Pre?" tanong 'ko sa kanya
habang hawak ko ang ulo niyang hindi niya na maigalaw.
"Cry . . . tulungan mo 'ko," naiiyak niyang pakiusap.
Duguan na rin ang mga kamay ko. Hindi ko rin alam kung
paano ko siya pakakawalan. Lagari? Hindi pambakal 'yung lagaring
nandito. Wala namang palakol dito, tsaka baka maingay 'yon.
"Cry?"
"Ano?"
"Cry?"
"Ano 'yun?" ang sabi ko. Nagsisimula nang bumilis ang
tibok ng puso ko.
"'Wag kang kakain ng---"
"Ha?" narinig ko siya pero 'di ko maintindihan.
"Huwag kang kakain. . ." iginalaw niya ang hita niya.
Doon ko lang napansin na hindi pala siya nakaluhod.
"---ng lumpia," ang sabi niya.
Hinawakan ko ang tuhod niya at inangat ang laylayan ng
pantalon niya. NASAAN ANG MGA BINTI NIYA? Tinignan
kong mabuti ang tuhod niyang nakalabas ang buto't laman.

23
Basa. Malansa. Mabaho. Totoong dugo tong nasa kamay
ko. Totoong putol na binti tong hinawakan ko. Hindi ako
nagmumura pero PUTANG INA TOTOO 'TO.
"Gonzalo. . . anong nangyari sa binti mo?" Binitawan ko
na ang tuhod niya.
"'Wag kang kakain ng lumpia," inulit niya lang ang iniiyak
niya.
Ang binti niya. . . hindi kaya. . . si Ern! Anong kinakain ni
Ern? ANO YUNG KINAKAIN NI ERN?
"Si Ganesh---" may iba nang sinasabi si Gonzalo.
"Ano?"
"Nasa sa freezer daw," bulong niya, umiiyak. "Si Ganesh,
Cry."
Nanlaki ang mga mata 'ko. Tumindig ang mga buhok sa
braso ko. Ang naaninag kong karne sa freezer kanina ay malamig na
bangkay ba ng kaklase ko?
"FUCK! FUCK! FUCK! Anong nangyayari dito?" Ang
sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo 'ko papuntang kusina.
Iniwanana ko si Gonzalo na nakatali.
Pagdating sa kusina, buong gigil kong binuksan ang sliding
door ng freezer nila. Nasira ang ilang piraso ng yelo sa loob nang
mabuksan ko at doon ko nakita, kahit balot ng yelo, ang mukhang
'to, ang matangos na ilong, makapal na kilay at labing ito ay kay
Ganesh. Ang pinagsiksikan at pinagputol-putol tao na 'to ay si
Ganesh.
PUTANG INA TALAGA! ANO 'TONG PINASOK
NAMIN NI ERN?

24
KAILANGAN NA NAMING MAKAALIS DITO!
PUTANG INANG PAMILYA 'TO! MGA KANIBAL!
Hindi ko na isinara ang freezer. Bahala na. Tumakbo ako
papuntang sala kung saan ko nakita ang nanay ni Ka-Hye na
nakatayo sa likod ng sofa, pinapahid ang isang duguang kutsilyo sa
balikat ni Ern.
"Oh andiyan ka na pala," sabi niya sa'kin nang nakangiti.
"'Wag kang mag-alala. Hindi siya nasaktan."
Si Ern ay nakaupo lamang don, nakasandal, nakatingala at
may mahabat nakabukang hiwa sa leeg na may sumisirit-sirit pang
dugo. Hindi na siya gumagalaw, nanginginig-nginig na lamang.
Tahimik kaming nagkatitigan doon, wala na ang ingay ng
TV.
Mrs. Aurellana, please---
Sshh!
Patay na si Ern at mukhang ako na ang susunod kapag di
pa ko nakaalis dito. Anong gagawin ko?
Tita. . . di ko alam ang sasabihin ko. Parang awa niyo.
Pauwiin niyo na lang ako!
Ssshh! Mabilis lang to, sabi niya, malumanay. Nagsimula
siyang maglakad papunta sakin.
Gusto kong tumakbo palabas sa nakabukas na pinto pero
baka maunahan niya ko. Kung maunahan ko man siya, pano
naman kung nakasara pa yung gate? Anong gagawin ko?
Palapit na siya sakin. Humakbang ako patalikod.
Honey! Halika nga dito!sigaw niya. Mukhang may
hahabulin na naman tayo!

25
Tinatawag niya ba ng tatay ni Ka-Hye? TANG INA!
ANONG GAGAWIN KO? Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko.
Para kong may tambol sa dibdib ko.
Cry? ang malambing niyang pagtawag sakin.Cry? Tama
ba?
Lalo akong natatakot sa ngiti niya na parang wala siyang
gagawing masama sakin.
Wag mo na ko pahirapan, ha? Mas maganda kung
pagdating ni Ka-Hye eh tapos na tayo dito.
Ilang hakbang na lang ang layo niya sakin. Wala na kong
maisip gawin kundi ang TUMAKBO.
Cry! sigaw niya.
Ilang talon lang ay nasa kusina na ko. Nasa magkabilang
side kami ng pakuwadradong island counter ng kusina nila. Seryoso
na ang mukha niya.
Tita, please! sinubukan kong magmakaawa muli.
Ssshh!
Humakbang siya pakanan, ako naman ay pakaliwa.
Humakbang siya pakaliwa, ako naman ay pakanan. Naghabulan
kami sa gitna ng kusina nila nang dalawang ikot.
Ang bilis na ng paghinga ko, gano kami katagal
maghahabulan dito?
Carlos! sigaw niya. Carlos! Nasan ka ba?
Sa hindi ko inaasahan, mabilis siyang umakyat sa counter at
sinunggaban ako. Pinigilan ko ang kanang kamay niya na may
hawak na mahabang kutsilyo. Hindi niya nailubog sa katawan ko
ang kustilyo dahil naitulak siya papunta sa malaking kawali na may

26
pinapakulong mantika. Bumagsak siya sa sahig yakap-yakap ang
mainit na kawali at naibuhos sa kanya ang kumukulong mantika.
Napatalon naman ako sa gulat at sa takot na matalsikan ako.
Narinig ko rin ang nakakabinging pagkalampag ng kawali sa sahig
at ang sagitsit ng mantika sa maputing balat niya na mabilis na
namula.
Sorry po! Sorry po! di ko sinasadya! gusto ko siyang
lapitan pero na gulat ako sa sigaw niya.
Sigaw siya nang sigaw. Gasgas na ang boses niya.
Nakitang kong parang bumubula ang balat niya kayat lalo
akong natakot.
TANG INA MO! ANONG GINAWA MO SA ASAWA
KO? sigaw ng isang morenong mama na naka-kamisa-chino na
kararating lang sa kusina. May dala siyang maliit na palakol at
nanginginig at nangingiyak-ngiyak na tumitig sakin. Mukhang siya
ang tatay ni Ka-Hye.
Di ko po sinasadya! Tinalunan niya ko---
PUUUTAANG INA MOOOO! PAPATAYIN KITA!
HAYUP KA!
Sinugod niya ko. Nilundagan niya ang asawa niyang
nakahandusay sa sahig at namimilipit sa hapdi ngunit bago pa man
siya makalapit sakin ay nadulas siya. Bago siya tuluyang tumumba
at mawalan ng balance ay napakapit siya sa isa pang malaking
kawali. Bumagsak ang katawan niya sa sahig at tumapon sa kanya
ang kumukolong tubig. Natulala lang ako doon habang nasaksihan
ko silang dalawang mag-asawa na mapaliguan ng umuusok-usok na

27
bagong kulo. Napasipa-sipa na lang ang tatay ni Ka-Hye sa init at
napasigaw sa sakit.
Napakapit ako sa ulo ko. Anong nangyari? Hindi ko
naman kagagawan to---PUTANG INA! NAKATARAK NA
YUNG PALAKOL SA LEEG NIYA!
Hindi boses kundi dugo na ang lumalabas sa bibig niya.
Nakatingin lang ako doon. Gulat na gulat sa bilis ng mga
pangyayari.
Tutulungan ko ba sila o dapat na kong tumakas?
Halk---yup kalk! ang sigaw ng mama ni Ka-Hye.
Nangingisay silang dalawang mag-asawa sa sahig at lapnos
na ang mga balat.
Sorry. . . sorry---
Anong ginawa mo?
SI KA-HYE! NANDITO NA SIYA! LALO AKONG
NATARANTA!
ANONG GINAWA MO? sigaw niya habang nakatingin
sa mga magulang niya.
KA-HYE! PAPATAYIN NILA KO---
PAPATAYIN KITA!
KA-HYE! PLEASE!
PAPATAYIN KITA!
GUSTO KO NA LANG UMUWI!
PAPATAYIN KITA!
Tumakbo siya patungo sakin. Dali-dali akong humanap ng
armas sa tabi ko ngunit bago yon ay nahawakan niya na ko sa leeg.
Inihampas niya ko sa side counter nila. Ang dalawang kamay niya

28
ay mahigpit na nakakapit sa leeg ko, buong lakas niya kong
sinasakal. Hindi ko maialis ang kamay niya. Isinandal niya ko sa
counter at ang buong bigat ng katawan niya na ang nasa leeg ko.
Inunat ko ang kanang kamay ko at may naabot akong sandok na
agad kong hinampas sa ulo niya. Sa lakas ng hampas ko ay nabali
ang sandok at naiwan ang hawakan sa kamay ko. Hindi man lang
natinag si Ka-Hye.
PAPATAYIN KITA! sigaw niya sa pagmumukha ko,
nanlilisik ang mga mata at lumuluha.
Sinubukan kong humanap ng ibang bagay hanggang sa
may maabot akong maliit na kawali. Ito naman ang inihampas ko sa
ulo niya nang buong lakas. Sa lakas ay nasira ang kawali at naiwan
sa kamay ko ang hawakan. Muli, ay hindi man lamang natinag si
Ka-Hye.
Hindi na ko tatagal. Ang tanging bagay na lang na naabot
ko ay isang bigkis ng kangkong. Walang anu-ano ko tong
inihampas sa mukha niya. Napabitaw si Ka-Hye sa leeg ko at
napahawak siya sa kanyang mga mata.
Napaluhod ako sa sahig. Nakahawak sa leeg ko. Ubo nang
ubo na parang matatanggal ang dila. Sa mga sandaling yon ay
parang nalimutan kong huminga.
PAPATAYIN KITA!
Tumayo pa rin ako kahit nahihilo. Hindi ko kayang
labanan si Ka-Hye. Masyado siyang agresibo.
Papatayin kita, bulong niya. Nakatitig siya sakin at ang
mga kaninang nakakabighani niyang tingin ay napalitan na ng
nakakakilabot na titig.

29
May mga ilang sugat na siya sa maganda niyang muha dahil
sa paghampas ko sa kanya.
Napaurong ako nang makita kong may hinuhugot siyang
maliit na kutsilyo mula sa wooden block na nakapatong sa island
counter nila.
KA-HYE! PLEASE! na lang ang naisigaw ko.
PAPATAYIN KITAAA!
Iniangat niya ang kutsilyo ngunit hindi niya na ito naitusok
sakin. Nahuli ko ang kamay niya. Inagaw ang kutsilyo mula sa
kanya ngunit masyado talaga siyang malakas.
Hinawakan ko siya sa leeg at hinila papunta sa lababo kung
saan may isang plangganang may tubig.
Nasa pagtusok ng kutsilyo lang ang lakas niya kaya madali
ko siyang naitulak. Inilubog ko ang ulo niya sa planggana. Marahil
nang malaman niyang balak ko siyang lunurin ay lumuwag ang kapit
niya sa kutsilyo. Sinubukan niya na lang na kumawala sa
pagkakasakal ko sa kanya. Napatadyak-tadyak siya ngunit ginamit
ko ang buong lakas ko upang mailubog ang mukha niya sa tubig.
CRY! narinig kong isinigaw niya. TAMA NA!
Nang marininig ko ang pag-iyak na yon ay napabitaw agad
ako sa leeg niya.
Tama na!
Nauubo-ubo niyang inaangat ang ulo niya mula sa tubig.
KA-HYE! IM SORRY! HINDI KITA GUSTONG
PATAYIN---
Basang-basa siya. Gulong-gulo ang kaninay pangmodelo
niyang buhok.

30
Nagsimula siyang umiyak. Bigla akong nanlumo. Ano bang
nagawa ko? Ano bang ginagawa ko sa babaeng pinapangarap ko?
Papatayin ko ba siya? Mamamatay tao na ba ko? Gulong-gulo na
ang isip ko.
Hinawakan ko siya sa mga maputi niyang pisngi. Tinignan
ko siya sa kanyang mga mata. Gusto kong malaman niya agad na
hindi ko talaga siya gustong patayin. KA-HYE! IM SORRY! IM
SORRY!
Hindi siya nagsalita. Umiyak lamang siya na parang bata.
SORRY NA! HINDI KO NAMAN SINASADYA
TO---
Mamatay ka na, nakangiting ibinulong niya sakin
matapos ibaon ang buong blade ng isang kutsilyo sa kaliwang
balikat ko.
Sa pagkabigla ko ay isinubsob ko ulit ang mukha niya sa
planggana. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ko nagpigil, dala ng
gigil, dala ng takot.
Sorry, Ka-Hye! Mahal kita! Pero pinilit mo kong gawin
to! ang sabi ko sa isip ko.
Ako naman ang napaluha habang nilulunod ko siya. Pahina
nang pahina ang paglaban niya. Pahina nang pahina hanggang sa
wala na. Hindi na siya gumagalaw.
Binitawan ko na siya. Humakbang ako ng isa patalikod.
Makalipas ang ilang segundo ay hindi pa din siya
gumagalaw. Naghintay ako ng ilang sandal bago ko iniahon ang ulo
niya mula sa tubig. Napaupo ako sa sahig habang siyay nasa braso

31
ko. Ka-Hye? umaasa pa ko na baka buhay pa siya. Sanay di ko
siya natuluyan. Tinapik-tapik ko siya sa pisngi.
Walang nangyari.
Naisipan kong i-revive siya gaya ng napapanood ko sa
tuwing may naluunod sa mga pelikula ngunit hindi ako marunong.
Hinawi ko ang buhok niya para makita ko ang kanyang
mukha, maganda pa ring mukha. Magandang mukha na wala nang
buhay dahil sakin. Pinatay ko siya yun lang ang naisip ko.
Anong nangyayari? Anong nagawa ko?
Kanina lang masaya pa kaming nag-uusap. Kanina lang
nakita ko pa siyang tumatawa sa jeep. Kanina lang nagkuwento pa
siya tungkol sa pangalan niya. Kanina lang sabi niya close kami.
Ngayon, isa na siyang malamig na bangkay at ako ang pumatay sa
kanya.
Pinatay ko siya at ang buong pamilya niya sa birthday niya.
Ilang minuto akong nakaupo doon yakap-yakap ang
bangkay ni Ka-Hye. Ilang minuto kong inisip na napatay ko siya
hanggang sa makaramdam ako ng pagkahilo, ng panghihina.
Naalala ko na may nakabaon pa palang kutsilyo sa balikat
ko at doon ay ilang litro na kaya ng dugo ang tumulo?
Marahan kong binitawan si Ka-Hye at inihiga siya sa sahig.
Gusto ko siyang halikan sa noo pero hindi ko nagawa dahil hindi
mawala sa isip ko na ako ang pumatay sa kanya. Isang huling sulyap
sa mala-anghel niyang mukha at tumayo na ko.
Ang mga magulang niya naman ay hindi na gumagalaw,
nakapikit na lamang at hindi humihinga. Hindi ko matagalan ang
pagtitig sa kanila dahil parang nakakadiring tusino na ang balat nila.

32
Nagmamadali akong naglakad papunta sa sala upang kunin
ang cellphone sa bag ko dahil unti-unti ng nagdidilim ang paningin
ko. Kailangan ko nang makahingi ng tulong.
Sa sala, nakita ko ulit ang namumutlang bangkay ni Ern,
nakatingala at dilat. Namumula na ang polo niya dahil sa dami ng
dugo. Tahimik na ang paligid, wala na ang ingay ng TV. Nakita ko
rin ang isang plastic ng tube ice, halos tunaw na, at mga sachet ng
ice tea sa sahig. Doon ko na-realize na balak pa pala kong
ipagtimpla ni Ka-Hye ng ice tea dahil hindi ako umiinom ng
softdrinks. May pakialam pala siya sakin.
Naabot ko ang cellphone ko ngunit naalala ko, wala pala
kong load. Naisip kong kunin ang cellphone ni Ern ngunit wala
akong lakas ng loob na galawin ang bangkay niya. Hindi ko rin alam
ang emergency number na dapat kong tawagan. Hindi ko rin alam
kung kailangan ba ng load para sa emergency number.
Lumabas na lang ako ng bahay. Hindi ko alam kung anong
oras na, ang langit ay hindi na kasing liwanag ng kanina.
Napasandal ako sa gate nila. Nahihirapan na kong
maglakad at nawawalan na ko ng balanse. Maingay ang pagbukas
ko ng gate dahil hindi ko agad nakuha ang pagbukas nito.
Pagkabukas ng gate ay tumumba na ko. Hindi na ko gumalaw.
Hindi dahil sa nanghihina na ko kundi dahil sa nakaramdam ako na
parang ayaw ko na, pagod na ko.
Naramdaman ko na lang ang init ng kongkreto ng sidewalk
at ang gaspang nito sa mukha ko.
Ilang minuto akong nakadapa doon. Nakadilat.

33
Maya-mayay may narinig akong mga sigaw at ilang
malalakas na hakbang papalapit sakin. Mga senyales yun na may
nakakita na sakin at yun lang naman ang hinihintay ko.
Sa wakas at maipipikit ko na rin ang mga mata ko.

Nang magising ako ay padilim na, parang silhouette na lang


ng bahay nila Ka-Hye ang nakikita ko. May naaaninag din akong
pula at asul na ilaw.
Maulap ang paningin ko kaya sinubukan kong kusutin ang
mga tao ngunit ng itinaas ko ang mga kamay ko ay nakaramdam
ako ng nakakangiwing hapdi sa aking kaliwang balikat. Naaalala ko
na may nakatusok pala doong kutsilyo.
Hindi ko maipaliwanag ang sakit dahil unang beses kong
masaksak. Sisigaw sana ko ngunit napansin ko ang mga tao sa
paligid. May dalawang lalaking nakaputi, hindi ko mamukhaan, isa
sa kaliwa, isa sa kanan ng puting kutson na hinihigaan ko.
Maingay. Marami akong naririnig na usapan ng mga tao
ngunit may usapan na nangibabaw sa pandinig ko. May dalawang

34
lalaking nag-uusap sa tapat ko isang unipormadong pulis at isang
matabang mama naka-itim na polo-shirt.
Oh anong meron sa loob? hinihingal na tanong ng
mamang pulis.
May limang bangkay kaming nakita sa loob, sir! sabi ng
naka-itim sa pulis. Isa dun sa likod, isa sa freezer, isa sa sala tapos
yung dalawang mag-asawa sa kusina.
Malakas ang mga boses nila.
yung mag-asawa? tanong ng pulis.
Yung may-ari ng bahay, sir! sabi ng lalaking naka-itim.
Papasok nga ko sa loob! sabi ng pulis na tinapik sa
balikat ang lalaking naka-itim.
Nagulat ako ng umangat ako at ang hinihigaan ko.
Ipapasok na pala ko sa ambulansya.
Patay ba lahat? May nakaligtas ba?
Ayun, sir! Sinasakay na!
Palayo na sila. Humina na ang boses nila lalo na nang
maipasok na ang buong stretcher na kinalalagyan ko sa masikip na
ambulansya.
Isa lang?
Opo!
Isinara na ang double-swing na pintuan ng ambulansya.
May narinig akong dalawang kalampag sa pinto mula sa labas at
naramdaman ko na umaandar na ang sasakyan.
Hindi ko na napansin ang ibang nangyayari sa paligid ko.
Ang nasa isip ko lang sa pagkakataong iyon ay parang gusto kong

35
makinig usapan ng dalawang lalaki kanina. Parang may hindi. . .
tama.

Pagdilat kong muli ay nasa loob na ko ng isang puting silid


na may mahinang ilaw. Pader lamang ang nakikita ko sa harapan
ko, samantalang sa kaliwa naman ay isang mataas na green na
kurtina. Mas malapad at mas malambot na rin ang hinihigaan ko.
Wala na rin akong suot na polo o t-shirt kaya napansin ko
agad na may benda na ang kaliwang balikat ko na kaninay may
nakabaon na patalim. Kumikirot pa rin pero kahit pano
nakakagaan ng pakiramdam na wala ng handle ng kitchen knife na
nakadungaw doon sa tuwing lilingon ako sa kaliwa.
Napansin ko rin na may mahabang transparent na tube na
naka-tape sa kaliwang kamay ko.
Nakaramdam ako ng kislap ng panlalamig sa likod ko.
Naalala ko ang mga nagyari kanina, kung biyernes pa rin ngayon.
Kanina lang ang saya namin ni Ka-Hye. Inaya niya kong pumunta
sa bahay nila. Akala ko yun na yun, ang simula, pero sa loob lang

36
ng isang hapon. . . ang daming nangyari. Nakita ko ang mga kaklase
kong napapabalitang hindi pa daw umuwi at yon ay bago pa sila
tuluyang ulamin ng pamilya ng babaeng. . . minahal ko. SHIT.
Akala ko magsasaya lang kami pero. . . sa isang hapon lang . . . ang
daming nangyari. Ang daming nangyari?
SANDALI LANG!
Naalala ko ang pamilya ko. Wala man lang silang kaalam-
alam sa nangyayari sakin. Matatawagan kaya sila ng mga pulis.
Hindi na updated ang nakalagay na emergency number sa ID ko.
yung tanging contact number ng mga magulang ko ay nasa
cellphone ko, na hindi ko naman tini-text or tinatawagan. May
Security Pattern pa pala yung cellphone ko. Pano nila mako-
contact yung pamilya ko. Wala man lang bang kahit sino dito na
pwede kong pakiusa---
NURSE! Mabuti na lang at nakita ko yung nurse na nasa
table sa gawing kanan ko. Mukhang may ginagawa siya dahil
nakatalikod lang siya doon at parang may sinusulat sa clip board
niya.
Nurse? pagtawag ko. Gasgas ang boses ko dahil sa tuyo
kong lalamunan. Nakakahiya. Sana pala umubo na lang ako.
Napayuko ako.
May narinig akong mahinang tawa mula sa nurse.
Tubig, sir oh, alok niya sa malambing na boses. Inabot
niya sakin ang isang baso ng tubig na hindi malamig at hindi rin
naman mainit. Maliban sa baso napansin ko rin ang maputi at
malambot niyang mga kamay.

37
Salamat, naluha-luha kong sinabi. Uhaw na uhaw na ko
kaya kahit wala namang flavor ay parang sarap na sarap ako sa
tubig. Huli akong nakainom ay kanina pa bago kami bumiyahe
papunta kina Ka-Hye. Simula noon ay hindi na ko nakainom dahil
ang daming nangyari.
Sorry. . . Wala kaming yelo.
Ok la---
WALA KAMING YELO? Ang mga salitang yun?
Parang nakakapanlamig ng spine. Hindi lang ang mga salita kundi
pati na ang paraan ng pagkakasabi. Ang boses na yun. . . hindi ako
pwedeng magkamali.
Dahan-dahan akong tumingin sa mukha ng nurse---
Wala kaming yelo, inulit niya pa. May naiwan kasing
elepante sa loob ng ref.
TANG INA.

38

You might also like