You are on page 1of 8

Ysha Heidel's POV:

"Ano na? San kanaba? Mag aalas dyes naho madam para ipaalam ko sayo!"bungad
sakin ni Abrielle pagkasagot ko ng tawag

"Eto na nasa gate nako oh" sabi ko tsaka luminga linga"Daming tao ah?" sabi ko sa
kabilang linya pero di manlang ito sumagot

Nakahanap to ng target legit

"Target spotted hahaha! Oyyy Ysha may target ako ha teka lang,hintayin mo
nalang ako sa building naten"

"H-hoyy teka--"
Toot*toot*toot

Bruhang toh sarap ipalapa sa pating!

Dumiretso nalang ako sa Building 004 tsaka sumandig sa railings doon

Antagal naman ni Brie--

"Ysha,dalawa,tatlo Heidel matatalo"speaking of ,kanino paba mang gagaling edi sa


tropa kong nakalunok ng megaphone
Corny talaga neto,pero ayoko namang masabihang ‘kj ‘ulet kaya nakisabay nalang
ako sa trip nya

"Apat,lima,anim Abrielle pinagpalit"nakangising sabi ko saka humarap sakanya

"HA.HA.HA!"sarkastikong tawa nya tsh! Pikon amp! HAHA"Saya ka?"sabi nya


habang naka okay sign"Enjoy mo yan,hintay kana ni St.Peter,hashtag parang
natutulog lang"

"Ayos yan sabay naman tayo eh"nakangisi parin ako sakanya"hashtag parang
natutulog lang"nakangiting aso pako habang ginagaya ang sabi nya kanina
Nginiwian lang ako nito tsaka inirapan

"Asan na yung target mo?palyado ba?"tanong ko rito na tinutukoy ang lalaking


nakita nya kanina

"Psh!napapalibutan ng babae eh! Tsaka madami pang next time!" Sabi nya at nag
kibit balikat lang naman ako tsaka kami umakyat sa second floor
Pagdating namin ay dumiretso kami sa bldg.004 para kunin yung schedule tsaka para
narin pumirma

Pagdating sa taas ay una kong nakita ang kumpol ng mga lalaking mukhang siga 
Sa kaliwa naman ay ang tatlong babaeng putok na putok ang mga labi ,nakipag
ratratan ata to sa jowa nila pft,interesting teka anong interesting don? tss
Napatingin naman yung babae sa gitna sakin at hinead to toe pako tsaka ko inirapan

-_-

Kelan pa natutong magtaray ang pusit?

"May tatlong pusit Ysha,eyyy wala ka pala eh inirapan ka ng pusit?tsk tsk!"bulong


ng mabait kong kaibigan, nginiwian ko lang sya

"Rampahan mo sa pasukan"bulong nya pa

"Gaga" sabi ko kay Brielle

"Panigurado merong gagawin sayo yan nafefeel ko eh”

"Oh? Si madam auring kana pala?”

"Haha funny,nga pala kelan pa natutong magtaray ang pusit?"

“Aba malay ko,naging pusit naba ko?”

Papasok na sana kami ng room pero…

Anak ng pusit!

Inapakan yung sapatos ko!!


Sa inis ko natanggal ko yung takip ng ballpen na hawak ko at isasaksak na sana dito
pero nahila agad ni Abrielle yung kamay ko bago kopa itaas
Naikuyumos ko nalang ang palad ko sa sobrang inis! Bago to eh!

"Sorry miss,but i gotta go" sabi nung lalaki

Edi umalis ka!mas maganda nayon at baka masakal lang kita

Pagkasabi non nung lalaki ay tiningnan pa nya yung sapatos ko tsaka umalis
Tss!

"Sorry miss but i gotta go nye nye" panggagaya ko dito at nag make face
"Bwisit!" sabi ko nalang tsaka pinunasan ang sapatos tsaka tumingin kay Abrielle na
nagpipigil ng tawa,sinamaan ko nalang sya ng tingin

"Pinigilan mo na nga kong saksakin tapos hinawakan mopa yung kamay ko,dimo
manlang ako pinasakal kahit tatlong segundo" iritadong sabi ko dahi regalo to sakin
ni mom kaya iniingatan ko arrrgh!

"Oh kalma yung puso,atay,balun-balunan tsaka intestines mo pfft!" nagpipigil na


tawang anya
"Dimo pa sinama yung kidney,lungs, at gallbladder ko ano?
Yamot na sabi ko
"Tara na nga!" tsaka ako nauna sa paglakad at sakto naman pipirma na kami sa form

Pagtapos naming makuha yung schedule ay dumiretso na kami sa


cafeteria,nakahanap naman kami agad ng puwesto kaya nakapila agad
At kung sinuswerte kanga naman!
Andito yung lalaking nakaapak ng sapatos ko

Binibigyan ata talaga ko ng chance masakal to.

Pero wag muna dito madaming tao,dinaman ako skandalosa

"Excuse me?"maarteng sabi netong babae sa gilid ko, ah!


Eto yung putok labi squad,umatras ako ng onti sapat lang para makalakad sya tss!
Lawak lawak netong lugar dito pa dadaan

"Daan na" sabi ko tsaka i minwestra ang harapan


Inirapan lang ako nito
Dadaan ka tapos magtataray ka?
Bala ka jan
Umusog nako sa pila ko kanina tsaka inalis ang tingin dito sa babae

"I mean ex.cuse.me, I’ll be the one behind him" ngiting ngiting anya habang
nakatingin sa umapak ng sapatos ko kanina

"Ayoko" sabi ko dito at nanlaki naman ang mata nito pfft!

"What?!" iritadong anya

"I don't like repeating myself"

"Ha! You dare to talk back?!" taas kilay na sabi nito

"Malamang may bibig eh"

"I said ako dito"nanlalaking matang anya

Huhu kakatakot! Tsh!


Infairness kamukha nya si Tim Borton
Hays wala panaman ako sa mood makipag talo

"Kung gusto mo edi sana pumila ka kanina pa,nauna ko dito kaya pumila ka sa
dulo" sabi ko sakanya

"Pasalamat ka good mood ako" sabi nito tsaka binalandara ang pekeng kuko at
nilingon yung lalaki kanina
Bumuntong hininga lang ako
"Edi salamat" sabi ko at tiningnan naman ako nito ng masama umirap naman yung
ka putok labi squad nya psh!

Maihipan sana kayo ng masamang hangin!

"Hayaan mo nayan Miles,for sure di sya papansinin ni Clynth I mean look at her ,so
you don't have to worry" mahinang anya nung kasama nya saka nilingon yung
Clynth ata na umapak ng sapatos ko kanina
Ngumisi naman yung Miles kuno na akala mo ka sati-satisfied yung sinabi ng kasama
nya

Tiningnan nya pa si Clynth daw na nakatingin nadin samin tsaka naman ngumiti tong
Miles ng pagka lapad lapad labas 32 teeth nya

Binalik na nung Clynth yung tingin nya sa harapan at tiningnan naman ako netong
Miles hinead to toe pako tsaka ito umirap at umalis

-_-

Tiningnan ko yung mga tao pero buti nalang at parang may mga kanya kanyang
mundo naman ito,tsaka 'ko tumingin kay Abrielle na todo ngiti at thinumbs-upan
pako may saltik talaga to

Nang maka order yung Clynth ay tumingin pa 'to sakin

Sarap tusukin ng sapatos yung mata

Ngumisi ito ng tipid tsaka pumunta sa table nila

Anong nakakatawa? Baliw bayon?

Lumapit nalang ako sa counter at umorder na.

Pag balik ko sa upuan ay agad naki chika si Abrielle kung ano daw ginawa nung putok
labi squad and kinwento ko nalang sakanya dahil di titigil bibig neto kakaputak

"Sabi ko naman sayo may gagawin at gagawin yon eh tsh! Ano yon lang di mo man
lang tinosta?" sabi nya na nakakunot pa ang noo

-_-

"Hindi"

"Ano?"

"Hindi nga ulit ulit"

"Ansaya mo kausap i mean bakit hindi duh?"

"Eh kase...."
"Kase?"

"Kase.....wala lang ewan ko wala ko sa mood basta"

"Panigurado sure pa sa klarado may gagawin yon sayo sa pasukan"

"Pano mo nasabi?"

"Insti--”

"Ah si madam Auring kanga pala pft!”

"psh!sino saten ngayon ang korni aber? basta sure ako alam mo ba kung bakit?"

"Hindi" sabi ko tsaka sumubo nung carbonara

"Saya mo talaga kausap psh! Balik sa usapan, for sure may gagawin yon sayo kase
sure pa sa sure interesado sayo yung lalaki kaya mapagiinitan ka tsk tsk"

"Ha?"

"Oo kumain kana jan balibag kita eh!"


nagkibit lang ako dito tsaka kumain

Interesado? Uruur!

Ng matapos kaming kumain ay dumiretso kami sa cr di naman daw sya iihi kaya
nagpaiwan nalang sya pagtapos ko ay dumiretso nako sa sink at-

"Yshaaaaa!! Ayun yung target kooo! Destiny na ata kami yshaaa! Lumabas ka bilis
dalii" jusko di na talaga ko magtataka pag umamin tong may megaphone sa bungaga
nya
Dahil hanggang dito rinig na rinig ang boses, di ko nalang sya pinansin at tinapos ang
paghuhugas ng kamay

"Wala na antagal mo kase psh!"

"Required ba na makita ko yon?"

"Hindi pero sayang edi sana matulungan moko next time kase kilala mo na
sya,kainis may babaeng nakabuntot grrr!"

"Panong gigil?" Natatawang anya ko sakanya

"Grrrr! Ganon "


Sabi nya at sabay lang kaming natawa sa kalokohan nya

Pagtapos non ay umuwi na kami,pag uwi ko ay humilata agad ko sa kama dahil wala
naman sina mom dahil nasa business trip pa sila kaya sobrag tahimik,pero sanay
naman nako...
Pag lipas ng ilang minuto ay di ko alam kung anong espirito ang sumanib sakin at
naisipan kong mag ayos ng kwarto de joke lang nagaayos naman ako,minsan..... 
Inuna kong pinulot ang jeans sa gillid tsaka inayos ang kama

"Yshaaaaaaaaa!Andito ako--- oh.my.god" sigaw ni sino paba edi syempre si Abrielle


nasa same subdivision lang naman kami at gaya ko ay wala din ang parents nya kaya
siguro pumunta na naman to dito, pag bukas nya ng kwarto ay biglang nanlaki ang
mata nya na kala mo may kung anong kababalaghang nakita sa kwarto ko at agad
itong tumakbo palapit sakin at yinugyog ako

-_-

"Kung sino kamang tao ka este espirito lumayas ka sa katawan ni Ysha huhu
kinakawawa mo yung kaibigan ko"anya at lumuhod pa ang loka at umiiyak iyak pa

-_-

"Bakit?! Ganon baka kasam--"

"Tumigil kanga mukha kang tanga" sabi ko dito at hinila sya pataas

"Oh my god!Yshaaaa!,ikaw bayan?"sabi nya at inikot pako

"Malamang,oa neto"

"HAHAHA galing kong umacting pwede na ata akong pumuntang wowowin para
manghingi ng pera noh? minsan diko talaga maintindihan tong si Abrielle eh ewan o
kung nag eengot engotan o talagang may ubo sa utak toh

"Wag na don, try mo nalang hanapin yung nawawalang 15b sa philhealth mas
malaki yon kesa sa wowowin”

“Oo nga noh?HAHAHA”

“By the way kaya ako nandito is ipapakita ko yung dress na binili ko"sabi nya at
tinulungan akong alisin yung sapin ng higaan,tinanguan ko lang sya at dumiretso
sya sa pintuan ulit don nya kase kunyaring hinulog yung dala dala nya tsaka sya
lumapit ulit sakin ako naman ay kinuha ang bagong sapin ng higaan at inilagay sa
kama

"Bumili ako ng dress and! Binilhan din kita hehehe"

-_-

"Ako? Seryoso ka?ako nag dedress?talaga?ha? ako talaga nag dedress?kelan


pa?"sabi ko ng nakakunot noo

"Ay! Oo ng apala nakalimutan ko may lawit k---"


"Gaga"sabi ko dito at tumawa lang ang loko 
Tinapos ko na ang pag aayos ng kwarto ko at niyaya naman ako ni Abrielle mag basa
ng mga lessons kaya nagbasa kami pagkatapos
Habang nasa kalagitnaan ng pagbabasa ay nagsalita na naman si Abrielle di talaga to
makatiis ng di binubuka ang bibig eh

"Nagbago na isip ko Ysha gusto ko na pala mag flight attendant huhu ang galing
kase ,ayoko na maging Chef"naka labing sabi pa nya

"Wow ha,parang last week lang gusto mong mag Astronaut,nung isang araw gusto
mong maging Engineer,tapos kahapos gusto mong mag lawyer tapos ngayon gusto
mong mag flight attendant na naman?!aba maging kriminal ka nalang kaya ano? O
kaya wag kana magtrabaho tambay ka nalang tas mag bingo bingo ka ganon tas
maki tong-its okay nayon"sabi ko sakanya at inilipat sa susunod na pahina ang libro
inirapan lang ako neto

Isa pato eh,pag nagkanda ihip ihipan to ng masamang hangin tatawanan ko pa 'to

"Psh! Ikaw kaya sa sitwasyon ko-"

"Thankyou nalang" putol ko sa sasabihin nya at sinamaan lang ako ng tingin

"Pero hindi,lahat kase ng trabahong yon magaganda I mean..ahh alam kona mag
asawa nalang ako ng astronaut,lawyer,engineer tas pilot so naka schedule sila
ganon palit palit oh diba tingin---"

*telephone rings*

Tinapat ko sa mukha nya yung palad ko,sinasabing sandali kaya tumayo nako sa
upuan at bumaba

"Gaga! Anong mag-aasawa tas schedule? Malala na ata yang maladaptive


daydreaming disorder mo pacheck up din minsan ha"sabi ko sakanya habang
pababa kami ng hagda kase instead maupo sumunod sya sakin
Pag baba ay kinuha ko yung telepono tsaka nilagay sa tapat ng tenga alangang mata
diba?Anyways ngayon nalang ata may tumawag dito sa teleponong toh

"Yow!"sabi ko pagkasagot ng tawag

"Daddy?" masayang anya ng batang lalaki sa kabilang linya agad nangunot ang noo
ko dito

Daddy?

"Daddy?" "I mean ahm sinong daddy? Maybe you've got the wrong number
kiddo" sabi ko pero di maalis ang pagkakunot ng noo ko

"No I'm sure kila daddy to eh,sino ka po ba?"lalong naging seryoso ang mukha ko at
napansin yon ni Abrielle kaya inginuso nya ang telepono at ewan koba pati ako
napanguso den lintek!inilingan ko lang sya
"I'm ahm nah I don't have name,eh ikaw? Sino ka? Tsaka ano ba name ng daddy
mo?so that I can help you.."

"Laure---"

"Laurenzo sinong kausap mo?" di natapos nung bata ang sasabihin nya ng tinawag
sya ng babae

"Si daddy po kaso babae yu-"

"What?!!"rinig kong sabi nung babae at ilang Segundo ay pinatay na ang tawag
ibinaba ko naman na ang telepeno tsaka bumuntong hininga

"Sino yon?bat ganyan mukha mo?ah siguro bill yon noh? Haha"nginisihan ko lang
sya saka inilingan Inalok nya ko nung cookies at tumango lang ako sakany tsaka sya
niyaya pataas

Laurenzo?....

Pag taas namin ay titig na titig paden sakin si Abrielle hays inlab nanaman to sa
kagwapuhan ko,de joke lang

"Peroo...sino yung kausap mo dinaman ganyang mukha mo pag may nakakausap


ka ah?"

"So ano gusto mo nakatawa palagi ganon?edi nagmukha akong baliw non....pero
Laurenzo daw pangalan hinahanap tatay nya.."

"Eh?"

"Ih?Oh?Uh?" patanong na sagot ko din saknya

"Baka naman wrong telephone number diba?"

Meron bang ganon?

"Ewan basta pagtawag sakanya nung babae namatay na yung tawag"sabi ko at


nagkibit balikat nalang tsaka nagbasa ulet

"Well baka nga"sabi nya at nagbasa nadin ulit

Pero bakit parang....sana hindi to tulad ng iniisip ko....malabo...sana walang


kinalaman 'to don

You might also like