You are on page 1of 6

Chapter Four.

SOPHIA

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ay puti kisame. Wait.
Parang familiar yung linya ko na to ah?

"You're awake" agad akong napabalikwas ng bangon.

"A-anong g-ginagawa m-mo d-dito" habang umaatras sa may headboard ng kama habang yung
kumot ay nasa bandang leeg ko na. Nakaupo kasi ito sa may upuan sa may paanan ko. Malay ko
ba kung may balak to sa akin. Alam kong mayaman at gwapo ito. Pero di pa rin ako dapar
pakampante sa taong to, malay ko ba kung may tinatago to.

"Is that how you greet me after making a scene last week? And did you forget that you just jump
into that freaking window the last time I brought you here?" Ngayon ko lang sya napansin na
nakasuot pala sya ng long sleeve na white na at pants. I don't know why pero I really like men who
has a neat and very clean cut. Naks! English yun!

"Look, sorry talaga sa ginawa kong katangahan last week. Trust me, di ko talaga ginusto yun.
Sadyang namali ako ng pagkakarinig sa kaibigan ko. Akala ko kasi sa Cathedral, yun pala sa
Madrigal Square. I'm willing to make a public apology kung gusto mo para tantanan na rin ako ng
nga reporter na yan" pagpapaliwanang ko sa kanya pero wala man lang naging reaksyon sa
sinabi ko. Ang gandang kausap! Grabee!

Wow! Di na pala masakit ang ulo ko. Ang galing ng ospital na to ah! Okay na okay na me!

"I"m going to give you an offer" straightforward nyang sabi. Di man lang pinansin yung sinabi ko?
Hmmmph.

"Ano naman yun?"

"Be my wife" ANO DAW?

"NAHIHIBANG KA NA BA?" Malakas na sigaw ko sa kanya. Ang lakas kasi ng trip nito eh!

"DAMN, WOMAN! NOBODY DARES TO DO THAT TO ME" natahimik naman ako bigla nung
sumigaw sya. Nakakatakot talaga to. Pero ewan ko ba, nakakatakot sya talagang tingnan pero
alam kong may kabaitan din ito.

"Eh kasi naman! Ano bang nasinghot mo? Ang labo mo eh" tiningnan nya lang ako na para bang
di magets ang sinasabi ko. Palibhasa mayaman! Di makaintindi ng mga jologs na salita. Pero
parang wala lang syang narinig sa akin.

"I don't take no as an answer" sabay smirk. Anak ng tupa naman oh! Wag kang gumanyan
ganyan! Mas lalo kang gumagwapo.

Neseye ne eng lehet!

Ugh. Bakit ba ako napapakanta ng kanta ni Daniel?

"Ha! Hindi mo pa ako kilala Piero. Paano pala kung isa akong miyembro ng sindikato? Ng akyat
bahay gang? Budol budol gang? Tapos pagnakawan kita one time? Di mo alam baka masama
akong tao" Alam kong hindi nauuto ang taong to. Pero kahit ngayon lang po. Mauto naman sya.
*cross fingers*

"Sophia Ramirez. 25 years old. May isang kapatid. Mico Ramirez. 10 years old. Namatay ang mga
magulang dahil----"

"Tama na! Tama na!" Nakataas pa yung kamay ko sa harap nya para matigil na sya sa
pagsasalita. Eh di sya na! Kainis!

"Ano bang gusto mo kasi?" Tabal! Sinabi nya na yan kanina. Paulit ulit tayo dito?

Bakit ba? Gusto kong marinig ulit eh.

"Be my wife" Eh? Alam ko namanh wacky na ako pero nakatingin pa rin ako sa kanya habang
naghihintay pa ng susunod nyang sasabihin. Pero wala na akong narinig.

"Bakit ako? I mean meron namang iba jan eh. Yung asawa mo sa simbahan?"

"Don't ask anymore. Just say yes" kita mo na? Kita mo na? Demanding pa masyado!

"No! Hindi!" Tugon ko habang naka-cross arms. Alangan naman pumayag ako? Duh! Ano ako
baliw?

"I heard you need a work. This could be your work. You need money for Mico" Gosh! Ayan na!
Nag-offer na ng trabaho. Medyo nagda-dalawang isip na ako ngayon. Pano ba naman kasi!
Kelangan na kelangan ko talaga ng pera! Kelangan kong matustusan si Mico. Speaking of Mico!

"Shoot! Si Mico nga pala! Anong oras na? 6pm? Patay!" Dali dali akong tumayo sa pagkakahiga
pero medyo nahilo na naman ako kaya muntikan na naman akong bumagsak pero may mga
kamay na agad na humawak sa mga bewang ko.
"Easy" feeling ko nagsitayuan ang mga balahibo ko nung marinig ko ang boses nya sa may tenga
ko banda. Ang husky! Kapeng mainit! Hindi ako makalingon sa kanya kasi baka mamaya
namumula na yung mukha ko.

"There" inalalayan nya akong makaupo sa kama.

"Don't worry about Mico, I have Niccolo to accompany him for a while" napahinga naman ako ng
maluwag. I should not trust this man because he's still a stranger to me. But I just can't help
myself. For unknown reason, I know I can trust him.

"Look, Piero. I can't still agree with you" tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakaupo na ulit sa
upuan nya. Relaks na relaks pa!

"Do you have 50, 000?" Nagulat ako sa tanong nya.

"Syempre wala!"

"So you have no other choice" naka-smirk ulit ito. Ang hot nya kapag ginagawa nya yan. Ugh.

Stop it!

"Ha?"

"Tell me, how can you pay for your hospital bill?" Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa
kanya. Shoot! Alam ko na to! Ugh!

"Bakit ganyan kalaki kaagad? Ilang oras pa lang ako dito ah!" Pagrereklamo ko. Ang mahal!
Shemay!

"You've got the most expensive room, the best doctors and everything" naka-smirk pa rin na sabi
nito. Mukhang tuwang tuwa pa syang makita ang mukha kong parang nalulugi.

"Hep! Hep! San ka pupunta?" Biglang tanong ko nung makita ko syang tumayo at tumalikod sa
akin.

"Hoy!"

"Gonna find other bride for you will be stuck here or in jail for not paying"

Anak ng teteng talaga! Nadali na!

"Sandali!" Pigil ko sa kanya. Nakita kong umangat ang gilid ng labi nito nang lumingon ito sa akin.
"Oo na. Papayag na ako!" Katulad ng sabi ko, mga baliw lang ang gumagawa nito. At oo, siguro
nga baliw na ako.

I'm doomed!

"Now it's settled then" sabi nito ng makalapit ito sa akin.

"Ang daya! Blackmailing yun eh!" Nakabusangot kong sabi.

"That's how business works" tila balewala nitong sabi sa akin. Nakita ko naman na may kinuha ito
sa bulsa nya at inilabas ang kanyang cellphone.

Wooow! Ang laki! Grabeee!

"Come back here" nakatingin lang ako habang may kausap sya sa kabilang linya. Ang seryoso
nya talaga.

Ano nang mangyayari sa akin ngayon? Isipin mo na lang Sophia para naman to kay Mico. Gusto
kong magkaroon sya ng magandang kinabukasan. Maybe, a little sacrifice is just fine?

Pero sino bang niloloko mo Sophia? A little? Mukha mo! Little ba yung isakripisyo mo ang lablayp
mo? At ano? Fine? Just fine? Malamang hindi! Ano ba yan ah!

"ATE!" Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Mico na tuwang tuwa at
maraming bitbit na paper bags.

"Mico! San ka nagpunta?" Tanong ko dito nung sumampa sya sa kama.

"Namili kami kanina ate! Pumunta kami dun sa maraming kotse na laruan tapos tingnan mo oh!
May mga bago din akong damit" tuwang tuwa na sabi ng kapatid ko habang isa isang kinukuha sa
mga paper bags na bitbit nya ang mga bago nyang damit. Halatang tuwang tuwa din sya sa
bagong laruang kotse na hawak nya. Mico is interested sa mga kotse. Kahit mahirap kami at
walang pambiling laruan eh hindi pa rin nawala ang interes nya rito. Isa pa, never pa kami
nakapamili ng wagas wagas katulad nito.

"Sino kasama mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Si Kuya Niccolo po!" Bigla namang may pumasok na isang lalaki sa loob.

"Yow! Sophia!" Bati nito sa akin. Tapos umupo sya sa may couch. Nagtatakang tumingon ito sa
akin. Feeling close lang ang peg?
"Sya po ate! Sya si Kuya Niccolo" gwapo rin ang isang to. Grabe! San ba nangagaling ang mga
ganito kagagwapo! Pero medyo pilyo itong Niccolo. Laging nakangiti pero parang nakakatakot
ngumiti.

"Bro!" Bati naman nito kay Piero. Naalala ko, dito pa pala to. At sa tuwing nakikita ko sya, naalala
ko na naman ang isang karumal dumal na pagsang-ayon ko sa gusto nya.

"Kuya Piero?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Mico kay Piero. Oo nga pala! Idol nya ito.
Walang sabi sabi itong tumayo at agad yumakap sa kanya.

"Pssst! Mico! Ano ka ba! Nakakahiya" saway ko dito. Nakayakap kasi ito sa leeg nito since
nakaupo lang si Piero. Tumingin ako sa huli para sana humingi ng sorry pero I saw something. I
swear! For a brief moment parang lumambot yung expression ng mata nya pero agad din yung
nawala. Tinap nya lang yung likod ng kapatid ko at bumitaw na rin ito.

"Aba! Mukhang may fan ka dito ah! Hahaha. Sikat ka talaga kahit sa bata" nanga-asar na sabi ni
Niccolo kay Piero pero sinamaan lang sya nito ng tingin.

"Ate sya ba ang mapapangasawa mo?" Bumalik na sya dito sa kama at kinalkal ulit ang ibang
laman ng mga pinamili nya. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya.

"A-ano b-bang sinasabi mo?" Siomai naman oh! Di ako makatingin ng diretso.

"Sabi ni Kuya Niccolo" agad akong napalingon sa tinatawag nilang Niccolo at ngumiti lang ito sa
akin. "Guilty as charge" Napangiwi na lang ako.

"Oo sya yan" lechon naman oh! Niccolo! "Gwapo diba?" sabat ulit ni Niccolo.

"Niccolo" may bahid ng pagbabanta ang boses nito.

"Woooow! Coool!" tila tuwang tuwa pa na reaksyon ng kapatid ko. Haaaaay, kung alam mo lang
Mico. Tsk. Tsk. Tuwang tuwa ka pa.

"Ate, sigurado akong wala ng mang-aaway sayo kasi nandito na si Kuya Piero" biglang sabi ni
Mico na ikinatahimik ng lahat. Shete!

"Ah. Hehehe. Ano ka ba Mico. Okay lang yun noh. Hehehehe" pilit kong binabalik yung
atmosphere kahit mukha akong shunga! Nice Sophia!

"Niccolo. Let's talk" tiningnan ko naman yung dalawa at naging seryoso na naman ang mga
mukha. Ano bang problema ng mga to ah? May sira na ata to sa mga utak eh.
Nagpaalam muna sa akin si Niccolo na lalabas sila saglit. Oo si Niccolo lang! Bastos talaga yung
kasama nya! Pagkasara nila ng pinto, nakahinga ako ng maluwag. Tiningnan ko si Mico at nakita
kong masayang masaya ito. I hope I just made a good decision.

---

MEANWHILE

"Any news?" Seryosong tanong ni Piero sa kaibigan habang nag-uusap ng seryoso.

"They're moving" tanging sagot nito. Alam na nila ang mangyayari.

"Tsk. Tsk. So predictable"

"They're also more aggressive this time" dugtong pa nito.

"Don't worry I have plans"

"We also need to protect that wife of yours and that little boy. We don't want "that" to happen again
right?"

Napapikit na lang ng mariin si Piero. Niccolo's right. It should not happen again. Never.

"Call Monte. Tell him we'll have a meeting"

You might also like