You are on page 1of 9

Birthday Scene

Kenneth: Nong mamalengke kaya tayo

Christan: May pagkain tayo sa bahay eh.

Kenneth: ahy ganun ba nong, edi magpakulot kaya tayo?

Christan: (Laugh) kulang paba yan?

Kenneth: Hindi ako, kayo ho.

Christan: Tignan mo ikaw pinagloloko mo ako eh

Kenneth: Aw! Aw! Aray! Aray ko!

Christan: Ay halla bakit? Anong nangyayari sayo?

Kenneth: Tawag ng kalikasan.

Christan: Sa bahay na, malapit na tayo eh.

Kenneth: Samahan niyo na ako nong, samahan niyo na ako. Halikana. Baka di kasi
ako papasukin eh.

(Sa bahay)

Cristine: Ate! Ate! bilisan daw natin tapos na yung misa, padating na si yun!

Heart: Oh sige sige ihahanda na. Pakibaba na lahat! Tumulong ka dito ****(arvie)

(Dumating si Krystel)

Arvie: Tita ****

Krystel: Hey ****

Arvie: Ganda ah (Kinuha yung cellphone) bagay sakin to.

Krystel: Saka na pag 18 kana.

Arvie: Talaga?

Krystel: Tignan natin.

Heart: Ganda niyan ah!

Krystel: (Tumango) Nasan na yung binili kong sapatos sayo?(referring to arvie)

Arvie: Hindi na kasya eh


Krystel: Bigyan kita bago (lumingon kay heart) wag na ate nag pa cater na ako.

(balik unang eksena)

Christan: Ang tagal mo! Ang haba nun ah! Ano ba nilabas mo rin ba pati bituka mo?

Kenneth: Pasensiya na nong

Christan: Abay tara na!

Kenneth: Dahan dahan naman po! (check his phone) Ay nong! Nong!

Christan: Ano nanaman!?

Kenneth: Sandali (Stuttering) May humabol non eh may humabol (nakahawak sa


tiyan)

Christan: Meron pa?

Kenneth: Opo sandali lang Nong!

Christan: Etong tao talagang to eh, di na naubos eh.

(Other side of the scene) (preparing for the birthday surprise)

(Bumalik na si Kenneth)

Kenneth: Nong kung samahan mo akong bumili ng gamot?

Christan: Oh sige (Walks away)

Kenneth: (Hinili pabalik) ibig kong sabihin, dalawa tayo.

Christan: Kaya mo na yan.

Kenneth: Hindi nong mas maganda kung dalawa na tayong bumili ng gamot.

Christan: Ikaw ba ay batang munti? Sige na ikaw na! Ikaw nalang.

Kenneth: Nong!

Christan: Oh, eh andito na pala silang lahat eh

Kenneth: Oho kaya nga pinapatago ko na sila eh

Christan: Huh, anong ibig mong sabihin, anong meron?

Kenneth: Wala, wal-wala ho nong, yung ano kasi, yung kwan pang
Christan: Jun, kanina pa kita nahahalata, inaano mo ako eh

Kenneth: Hindi ho nong yung anong kase eh

Christan: Jun, magsabi ka ng totoo

Kenneth: May surprise party po kasi sila sainyo eh

Christan: Ohh? Edi hindi na surprise ano?

Kenneth: Eh kaso nong, baka sakalin ako ng mga yon eh Baka pwedeng magkunwari
nalang kayo na nasurprise?

Lahat: Supriisseeeeeeeeeeeeee, happpyyyyy


birrrrttttthhhhhhhhddddddaaaaaaaaayyyyyyyyyy!!!!!!!!

Christan: Ay sus maryosep, ginulat niyo ako ah

Kenneth: galing niyo nong ah

Christan: Aba syempre

Lahat: (happy birthday song)

Christan: Thank you sainyo lahat.

Arvie: Happy Birthday Lolo (Sabay abot sa regalo)

Christan: Thank you apo.

(Make yourself busy)

Arvie: Ma pwede bang maglaro muna ako?

Heart: Go ahead, ano bang lalaruin mo?

Arvie: Hiramin ko nalang yung cellphone ni tita.(Pumunta kay krystel at hiniram


yung cp) Thank you tita!

(Maingay yung grupo nila stephanie at krystel)

Stephanie: Magaling ka diba?

Heart: Oo boss yan eh (sumingit sa usapan)

Krystel: Boss? Ikaw ang boss.

Heart: Ako? Pano nanaman ako? Ikaw!

Krystel: Eh sino ba ang kanina pa nasusunod diba ikaw?


Heart: Ako lang? Bakit si Cha din naman ah

Cristine: Oh bat pati ako nasama jan.

Christan: Oh tama na yan, nagkakapikunan na kayo eh

Krystel: Pabida kasi eh.

Heart: Ako ang pabida? Ikaw nga tong pacater cater pa, pinamumuka mo pera mo
samin?

Krystel: Oy wala akong pimumuka ah, binibigay ko lang kung anong meron ako Pero
kahit anong ibigay ko, ikaw padin ang bida, ikaw parin ang nasusunod, parati.

Cristine: Tigilan niyo nayan, baka kung saan pa mapunta yan eh

Heart: Hindeee may sinasabi to eh. Ano ba yan, tumbukin mo na

Krystel: Wala

Heart: Hindee anong wala hindi wala lang to, halika dito Hindi wala yan matagal na
tayong hindi nagkikita Oh hindi bagong issue to, malamang to luma na to Ano?
tungkol sa
tindahan? Matagal mo nang hinihimutok yan

Krystel: Hindi ko pinaghihimutok yon dahil kusa akong umalis

Heart: Eh yun na nga kusa kang umalis, hindi kita pinaalis

Krystel: Natural hindi moa ko kailangan paalisin, dahil mula ng bumalik ka galing
Japan etchapwera na ako

Heart: Edi tama nga ako na may issue ka nga

Cristine: Tama na sabi eh para kayong mga bata, ayaw niyong makinig

Krystel: Wow nagsalita ang ate akala mo sinong marunong makinig

Cristine: Ohh bat sakin napunta bigla

Arvie: Lolo nag aaway na po sila oh.

Christan: Wooooooo, ohhh magpatayan nalang kaya kayo, Kung pupunta lang kayo
rito para mag away away wag na Para kayong hindi magkakapatid ah.

Arvie: Ang tatanda niyo na po para mag away, mga isip bata parin po kayo.

Pinuntahan ni jun si tatay sa loob (di na ipapakita, magwait nalang ng 10


seconds
para dito)

(Night scene)

(Happy na nagkwekwentuhan)

Kenneth: Nong napansin ko mukhang nagkakasundo sundo na talaga yung mga anak
niyo.

Christan: Ay oo nga.

Kenneth: Suggestion lang. Bakit di niyo nalang kaya ngayon sabihin sa kanila na wala
naman talaga kayo sakit?

Christan: Nag iipon pa ako ng lakas ng loob eh, tsaka natatakot ako

Kenneth: Na?

Christan: Na pag sinabi ko sakanila eh baka magalit sila sakin.

(Narinig lahat ni Stephanie)

(Bumalik siya para tumulong sa pag aayos)

(someone’s calling) (Unti unting nagalit si Krystel while talking to her boss)

Krystel: Halika nga.

Sumunod si Stephanie kay Krystel

Krystel: The head of our legal department just called. Yung anak ng boss ko, naloko
mo daw. He wants to sue you. Is this true? Hay! Lex… Lex, you stole money from
these people. That’s a crime, you now? At sa lahat ng taong lolokohin mo yung anak
pa ng boss ko?

Stephanie: Ate, hindi ako nagnakaw. Naloko lang rin ako.

Krystel: E, bakit ka nagtatago?

Stephanie: E, syempre hinahanap nila ako.

Krystel: Malamang! What do you expect?

Stephanie: E, ba’t ako sinisingil nila? Ate, promoter lang ako, hindi ako yung
producer.

Krystel: And hindi mo ba inalam kung legit man lang yung letseng event na yan

Stephanie: Hindi ko naman alam na isasabit nila yung event, e.


Krystel: Well, your ignorance doesn’t make you a victim. It just show how empty
headed you are.

Stephanie: Okay. Sige, wala na akong alam.

Krystel: And irresponsible. Dahil magmula noon ganyan ka na talaga. Iresponsable!

Stephanie: Heto na naman po kami. ‘Wag ka mag alala, Ate Bry, babayaran ko yung
utang ko sayo. Hindi ko makakalimutan yun, e.

Krystel: Hoy!

Christan: Ano ba yan?!

Steohanie: Wala pa nga bilang ka nang bilang, e.

Krystel: Hindi ito tungkol do’n sa perang yon.

Stephanie: E, ano?

Krystel: Tungkol sa pagiging iresponsable mo dahil ang dami mong sinayang, di ba?
Ano, yung thesis mo, sinayang mo. E,‘di sana nakagraduate ka. E, ‘di sana
nakapaghanap ka ng magandang trabaho. Pero anong ginawa mo? Sinong pinili mo?
Ano? lalake?

Stephanie: Hindi lang s’ya basta lalake, pamilya ko s’ya.

Krystel: Anong tawag mo sa’min? Hindi ba kami pamilya?

Stephanie: Anong sinasabi mong pamilya? E, iniwan n’yo ko, e. Mula nang mamatay
ang nanay, parang namatay na rin kayong lahat, e.

Christan: Lex…

Stephanie: Si tatay, may barangay. Si Ate, si Cha, nag-asawa. Ikaw, alipin ng trabaho.
E, ako? Ate, bata pa ‘ko no’n. Kinalimutan n’yo ko, e. Kaya si Mark, siya lang ang
naging pamilya ko.

Krystel: O, nasa’n na yung pinili mo? Asan na yung Mark? Nasaan?! ****, grow up!
Stop messing your life and stop messing other people’s lives.

Stephanie: You mean stop messing up your life!

Magsisigawan ang mga tao sa likod

Cha: ‘Wag ka nang sumagot! Yung bibig mo ****.

Heart: Hey! hey!!!

Stephanie: Oo bibig ko, oo bibig ko talaga!


Heart: Oo, ikaw naman tong puro kalokohan e

Cristine: Ano ba!

Stephanie: Ang pe-perfect ng buhay ni'yo e no. Ano Ate Cha?! E, bakit di natin pag-
usapan kung ga'no kaperfect yang babaero mong asawa!

Cristine: wag mong i-pasa sa akin--..

Stephanie: Hindi, hindi, paguusapan natin 'to para malaman nilang hindi lang ako
olats dito..Yung asawa nito? (turo kay Ate Cha) hindi totoong nag-abroad.

Heart: andito siya sa pinas?

Stephanie: Oo! Nahuli ko pa mismo yung asawa niya may kasamang babae

Heart: A-andito asawa mo? Huh? (Aambang susugod)

Cristine: Ate, Ate!

Heart: Hindi niya pwedeng gawin sa'yo 'yon!

Stephanie: Pwede, e, hinahayaan siya ni Ate e.

Heart: Cha, ano ba?! noon pa namin sinasabi sa'yo, manloloko yang yang lalaking
yan. Ang tigas kasi ng ulo mo!

Cristine: Oo na, oo na! Kaya ayokong magsabi sainyo Ate (Heart) kasi kasalanan ko!
Ako gumawa ng problema, titiisin ko!

Krystel: Kahit niloloko ka na nang paulit-ulit? Anong logic do'n? Ba't hinahayaan
mo?

Cristine: Para sa mga anak ko, dahil ayoko silang mawalan ng ama! Saka ayoko na
magsabi kay tatay kasi ayokong mamroblema siya e, kasi may sakit siya baka lumala.

Stephanie: Wala namang sakit si tatay e

Krystel: Shut up, ***!

Stephanie: Wala siyang sakit!

Krystel: Please Shut up!

Stephanie: Narinig naming naguusap sila ni Kuya Jun kanina. Di'ba, Tay?

Krystel: Huh?... Ano?... Jen?... Tay?... Kaya bang ayaw niyong magpatingin sa
doctor?
Christan: Hindi...

Heart: Di ah, Bry, hi-hindi ni'yo naiintindihan.


..
Krystel: Teka, sandali. Alam mo 'to Ate? ... Ano pinagloloko niyo lang kami?

Heart: Hindi ganon, Bry. Hindi cancer ang sakit ng tatay. Mali yung unang findings sa
kaniya

Krystel: e, bakit hindi niyo sinabi samin kaagad? M-may balak ba kayong sabihin o-
parang wala kasi, e. Ah, parang wala!

Heart: Nag- Usap nga kami

Krystel: Nag u- Ah. Nag usap kayo? Kayo lang?... O ikaw lang? (tingin kay Heart)

Heart: Bry...

Krystel: Tay nung tumawag kayo sakin para humingi ng tulong sa tindahan, alam niyo
na ba na wala kayong sakit non?

Christan: (tahimik)

Krystel: So, ginamit niyo lang yon para, para tulungan ko si ate. (tingin kay Heart)
Sinamantala mo naman.

Heart: Ano ba naman yan Bry! Di ko sinabihan si tatay na hingian ka ng pera ha...
Tay, diba sinabi ko wag?

Christan: Hindi nga a eh.. Ang intensiyon ko lang naman ay tulungan yung tindahan
e. Ang gusto ko mag-tulungan kayong magkakapatid.

Heart: Tay? Alam niyo ba yung pakiramdam na para kang charity case na kailangan
laging tulungan? Sana tinirhan niyo naman ako ng konting dignidad. Sana
pinaniwalaan niyo ako nung sinabi kong "Tay, Tay sabi ko ka-kaya ko to. (Paiyak)

Krystel: Hindi naman kasi magkakaganon yon kung namanage mo ng maayos dati
yun e.

Heart: Napakayabang mo talaga! Napakayabang nito! Ako naman ang mangmang ko


dahil pinaniwalaan ko na totoo at bukal sa loob mo yung pagtulong mo.

Krystel: Ako na nga tumulong ako pa mayabang, Wow!

Heart: Kahit kailan kasi ang tingin mo sa tao puro pera lang ang habol sayo!

Stephanie: Tumutulong ka lang naman para ipamukha samin na wala kaming narating
sa buhay, ikaw meron. Magaling ka diba?
Krystel: w-why are you taking it against me na may narating ako sa buhay? Why? Is
it- Is it my fault? Na unlike you and kuya I chose to study? Is it my fault that I worked
hard para sa kung anong meron ako? Is it my fault that I have the means to help you?
Ha? Do you even know, what I went through? What I had to give up just to help you?
Hindi! Hindi, diba? Dahil wala namang ni-isa sainyo ang nagtanong sa akin kung
okay ako. Ikaw ate?
Nung nagtrabaho ka abroad para makamit yung pangarap mo sa pagsasayaw. Wala ka
namang narinig sakin na kahit anong reklamo nung kinuha ko yung responsibilidad
mo sa tindahan. Yung mga pangarap ko, sige! Sinantabi ko muna, walang problema.
Bakit? Kasi walang maiiwan dito sa tindahan e. Parehong wala kayo ni tatay e. I just
wanted to
be a good daugther. I just wanted to be a good sister. To the point that I coudn't be a
mother to my own son. Pero nung bumalik ka, parang walang nangyari. Ikaw parin
ang magaling, pero okay lang yon dahil desisyon ko naman ang umalis sa tindahan na
yun e. Alam mo kung bakit? Dahil pinakiusapan ako ni tatay na kailangan mo ang
tindahan, na mas kailangan mo ang tindahan dahil ikaw ang may asawa at anak. Dahil
ikaw ate ay may pamilya. Ako, wala. Kaya kayo-kayo, kayo lang naman ang meron
ako. Kayo lang ang pamilya ko. But why is it that you always make me feel like I'm
the enemy? Not a sister. Not a family. (Walk out) (after krystel mag walkout din isa
isa)

Tatay: Bry!

Kenneth: Magpahinga kana (kay arvie)

Arvie: Opo tito

Christan: Sana nga totoong nagkasakit na lang ako.

You might also like