You are on page 1of 8

Ms.

Pat:
matagal na akong nandito sa st lucia, maraming mga kwento ang
kumakalat tungkol dito, sa dami ng kwentong narinig ko, hindi ko
na alam kung alin don ang gawa gawa, at alin don ang
papaniwalaan ko, pero ito, ang sigurado akong totoo, tuwing
hating gabi, sa third floor corridor, doon sa dulo malapit sa
hagdan, may makikita kang cr, wala ng pumupunta doon
ngayon, kasi kapag pumasok ka, doon sa dulong cubicle, may
nagpakamatay, pangalan nya , Erika.
Girl 1:
May tiwala ka naman sakin diba?
Alam mo kung ano ‘to?
Pagkabilang ko ng tatlo ibabagsak mo yang kamay mo dito,
okay?
Isa… Dalawa… tatlo…
Sor Alice:
kanina ko pa pinapatay ang ilaw, dapat tahimik na
pinagninilayan ang mga kasalanan. Bukas mag uumpisa ang
kumpisal ala sais impunto, huwag kayong mahuhuli. Higa, pikit,
kung hindi kayo makatulog magdasal kayo. Paghandaan ninyo
ang kumpisal bukas. Naintindihan nyo?

Students:
opo sor alice.
Anna:
Jo. Hoy Jo, samahan mo’ko naiihi ako. Mich? Samahan moko
naiihi ako. Huy
Cameraman:
more… ready…
Ah miss, ngiti ka naman para masaya
Okay, girls, compress ah, compress. Okay? Ready?
Sister mia:
Pat, tignan mo oh. Sayang. Di ka kasi nakangiti dito eh
Ms. Pat:
Okay lang, masyado siguro akong maraming iniisip. Lalo na si
Anna. Totoo ba? Si sor alice daw ang nakahanap?
Sister mia:
yan ang sabi nila sister luz at Constanza.
Ms. Pat:
bakit ba kasi ayaw akong payagan ni sor alice na kausapin
yung bata eh-

Sister mia:
Sor alice na ang bahala don
Ms. Pat:
pero-
Sister mia:
masyado ka lang talagang maraming iniisip
Ms pat:
Joyce
Nahuli ka nanaman sa rooftop
Akin na
Joyce:
Ubos na
Ms Pat:
Para saan ba kasi to?
Joyce:
Para lang magising
Ms pat:
Diba parang mas kailangan mo magpahinga?
Nakakatulog ka ba?
Joyce:
Sana sinamahan ko si anna.
Baka nandito pa sya ngayon kung sinamahan ko sya
Ms pat:
Joyce, hindi mo kasalanan ang nangyari kay Anna
Joyce:
Ano kaya ang nangyari sa kanya, may nakita ba sya, wala
kasing nagsasalita, walang nagsasabi.
Ms pat:
Si ana lang ang makakapagsabi non
Joyce:
Hindi ko alam na pede palang umalis ng ganon lang, sana
matagal na rin akong umalis

Ms. Pat:
Bakit naman?
Joyce:
Paulit ulit araw araw, kaya minsan umaakyat ako sa rooftop
para lang mag isip, para kasing walang silbi , walang saysay
ang lahat
Ms pat:
joyce…sinasaktan mo nanaman ba yung sarili mo?
(nag bell)
Joyce:
Patay nanaman ako kay sor Alice
Pag na late ako sa kl-
Ms pat:
Joyce?
Bumalik ka dito pag kailangan mo ng kausap ha?
Joyce:
Ah… Ginawa ko pala para saiyo, Ms Pat.
Ms Pat:
Bakit malungkot ka nanaman dito?
Joyce:
Hindi ako ‘yan.
(bell)
Radyo:
Hinatulan na ng Supreme Court ng sistensyang kamatayan ang
death row na si Ramon Pascual, matatandaang nahuli si
Pascual sa akto habang pinupugutan ng ulo ang sarili nitong
ina. Isa lamang si Pascual sa maraming criminal na nahahatulan
ng death sentence simula nang ito’y e-impose noong 1993.
Ms. Pat:
Mang Fidel.
Mang Fidel:
Good evening, Miss Consolacion.
Ms. Pat:
Good evening ‘ho.
Mang Fidel:
Magpapagabi uli?
Ms. Pat:
Ganon ho talaga.
Alam nyo naman ‘ho wala akong inuuwian.
Mang Fidel:
Siguro, yan ang kailangan mong atupagin.
Ang maghanap ng mauuwian. Di ganyang puro trabaho.
Ms. Pat:
Sige ‘ho, ingat ‘ho kayo.
Mang Fidel:
Sige, ingat.
Ms. Pat:
Magandang gabi, Eri.
Kamusta ka?
Erika:
Kakabasa ko lang ng huling libro sa library.
Nabasa ko na silang lahat
Labas tayo dito miss Pat.
Ms. Pat:
Saan tayo pupunta?
Erika:
Kahit saan.
Kung puwede lang sanang lumabas dito.
Ms. Pat:
Bakit hindi pwede?
Ganon ba yung mga nangyari sa mga….kagaya mo?
Erika:
Baka…
Sasama ka?
Ms. Pat:
Eri?
Anong nangyari kay Anna?
Nakita ka ba nya?
Erika:
Hindi ko sinasadya.
Pasensya na
Lahat kasi sila natatakot sa’kin.
Bakit ikaw hindi?
Ms. Pat:
Dapat ba akong matakot?
Erika:
Yung tatay ko dati, hindi rin natakot, nakikita ko parin s’ya,
d’yan sa sulok, nakatitig sakin, satin.
Ms Pat:
Saan?
(door bang)
Ms. Pat:
Eri?
Ms. Pat(on recorder):
Saan tayo pupunta?
Bakit hindi pwede?
Ganyan ba yung nangyari sa mga….
Student:
Ara prenubis santa jumetri paru pranubis santa jumetri paru
pranubis santa jumetri paru pranubis
Sor Alice:
Ot dekni prufikanor prushinibus kresni
Ms. Pat (on recorder):
Anim na beses na kami nagkikita ni Eri pero hindi ko parin s’ya
napakwento.
Alam kong kailangan nya ng makakausap.
Pero ayaw nyang sabihin sakin kung ano talaga ang nangyari
sa kanya, bakit s’ya nagpakamatay?
Kung malalaman ko yung sagot baka mas maiintindihan ko
yung mga estudyante ko, bago sila mapahamak.

You might also like