You are on page 1of 6

NOLI ME TANGERE: KABANATA XVIII

IE21FA1
Abarico, Jovilyn
Berroya, Eula Mae
Camota, Obeaya
Islao, Bryant
Lenon, Ernestine
Martin, Angela Joyce
Panotes, Alexeis Ericka
Ramiro, Aracely Ruth
Sotto, Frances
Velasco, Pamela
KABANATA XVIII: MGA KALULUWANG NAGHIHIRAP

Buod
Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa
kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura
kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari
Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang
tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga
kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang
indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa
sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-
batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap,
hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.

Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang
halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing
salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng
umalis siya sa kanilang dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin.
Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi
siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang
gulay sa isang hapag.

Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa
kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si
Crispin.

Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si


Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng
pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa
kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang
magkapatid, pagdiin pa ng alila.

Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang
paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana
ito sa ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.


MGA TAUHAN:

NARRATOR: Berroya
PADRE SALVI- Islao
SISA- Martin
KUSINERA- Panotes
MADRE 1 (sipa) - Camota
MADRE 2 (juana) - Ramiro
MADRE 3 (rufa) - Velasco
MADRE 4- Abarico
BABAE 1- Sotto
BABAE 2- Lenon

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Narrator: Alas-syete ng umaga ng magsimula ang misa na pinamumunuan ni Padre Salvi.
Sa pagdadaos ng misa na puna ng mga deboto ang pagkatamlay ng Padre.
Babae 1: “May sakit ang padre”
Babae 2: “Ibang – iba nga ang kilos niya”
Narrator: Matapos ang misa kaagad umakyat ang Padre sa kumbento, kung saan
naguusap ang pitong madre upang sumangguni patungkol kung sino ang magsesermon sa
kapistahang bayan, Si Padre Damaso ba, Pari Martin o ang koordinator? Sa paghihintay
naging paksa nila ang pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya’, na siyang tanging kailangan
ng mga kaluluwa sa purgatoryo upang humango doon.
Madre 1 (Sipa): “Gusto ko sanang mag kumpisal at kumuha ng indulhensiya ngunit wala
ang Padre sa kumpisalan.”
Madre 2(Juana): “Nakakaawa ka naman, ngayong linggo nakakuha ako ng tatlong
indulhensiya plenarya, naiaalay ko sa kaluluwa ng aking asawa”
Madre 3(Ruffa): “Mali ang ginagawa mo, ang isang indulhensiya ay sapat na para
makalabas ang asawa mo sa purgatoryo, hindi mo dapat sinasayang ang banal na
indulhensiya. Gayahin mo ang ginagawa ko.”
Madre 2: “Akala ko mas marami mas maganda, (ngumiti) pero sige sabihin mo ang
ginagawa mo.”
Madre 3: (hindi muna sumagot at humingi ng buyo tsaka ninguya ito), “Hindi ako nagaaksya
ng indulhensiya, Ipinapakita ko lahat ang aking mga kinita, sa kadahilanang ayaw ko
mandaya at madaya. (tumigil muna), Halimbawa, ipalagay natinin na nakaipon ako ng
pangisang taong indulhensiya, inilalagda ko iyon sa isang aklat at sinasabing “ Banal na
Ama at Santo Dominic, maaari ko bang malaman kung mayroong nangangailangan ng
eksaktong isang taon na indulhensiya – hindi mababawasan o madadagdagan ng araw”,
matapos ay magbabato ako ng isang barya, kapag ulo ang lumabas – walang may
kailangan, ngunit kapag buntot ang lumabas – mayroong nangagailangan, saka ko ilalagay
na bayad na, ngunit kapag wala naman isusubi ko ang indulhensiya. Sayang at hindi
puwedeng gawing katulad ng sa pera, ilabas at gawing interest ng sa gayon ay mas
maraming kaluluwa ang mailigtas”
Madre 1: “Mas maganda ang ginagawa ko” (mayabang na pagkakasabi)
Madre 3: “Mas maganda? Wala ng mas gaganda pa sa Sistema ko!”
Madre 1: “Makinig ka muna sa akin, bago ka humusga.”
Madre 4: “Sige nga sabihin mo kung paano mo ginagawa!”
Madre 1: “Alam nyo naman siguro ang pagsasabi ng ‘Bendita sea tu pureza and the Señor
mío Jesucristo, Padre dulcísimo por el gozo, ten years are gained for each letter’
Madre 4: “Medyo” “Oo naman” “Hindi eh”
Madre 1: “Ito, sa bawat pagkabasag ng mga plato, baso, o kahit anong babasagin ng mga
alalay, ipinapapulot ko ito sa kanila at sa kada isang parte ng nabasag, maliit man ito o
hindi, pinapabigkas ko sa kanila ang mga dasal na iyon. Ang mga indulhensiya na naiipon
ko sa paraan na ito ay iniaalay ko sa mga kaluluwa. Lahat ng tao sa aking bahay ay alam at
naiintindihan ito maliban sa mga pusa.”
Madre 3: “Ngunit hindi ikaw ang naghirap upang makuha ang indulhensiya na iyon, kung
hindi ang mga alalay”
Madre 1: “At paano naman ang mga nabasag nila, abbayaran ba nila? Umayon ang mga
alalay sa ganoong paraan at pabor sa akin iyon. Hindi ko sila sinasaktan ng lubha, madalas
kurot lang o hampas sa ulo”
Others: “Gagayahin ko ang ginagawa mo!” “tama tama”
Madre 3: “Ipalagay natin na nakabagsak sila ngunit 2 or 3 lang na parte ang nahati sa
gamit, edi kakaunti lang ang makukuha mo”
Madre 1: “Aba! Kahit na ganoon ang mangyari pinapabigkas ko pa rin sa kanila, atsaka
ididikit ko ulit ang parte para hindi masayang!”
(nanahimik si Madre 3)
Madre 2: “Paumanhin sa kaignorantehan ko ngunit, ano ba ang tamang pagbanggit –
pagkakasunod sunod ng tatlong paternos, tatlong Ave Maria, at tatlong Gloria Patris o Isang
Paternos, Ave Maria, at Gloria Patris na magkakasama na inulit talong beses?”
Madre 1: “Ganito dapat-“
Madre 3: “Pagpaumanhin mo Madre Sipa, ngunit ganito dapat, hindi mo dapat pagsamahin
ang lalaki sa babae. Ang mg Paternos ay lalaki, ang mga Ave Maria ay babae, at ang Gloria
Patris ay ang mga kabataan”
Madre 1: “Eh? Sandali lang, ang paterno, ave maria at Gloria patris ay parang kanin, ulam,
at sabaw.”
Madre 3: “Mali ka! Kapag binanggit mo sila sa ganyang pagkakaayos hindi mo makakamit
ang hinihiling mo!’
Madre 1: “at ikaw na binibigkas sa ibang paraan, wala kang makukuha sa novena mo”
Madre 3: “Sinong may sabing wala? Nakaraan lng na wala ang isa kong baboy, nagdasal
ako at nahanap ito. Pagkatapos ay nabenta koi to sa malaking halaga!” (nagkagulo,
sagutan tungkol sa baboy)
Madre 4: “ Saglit lang, saglit lang! Wag kayo magaway tungkol sa baboy! Bakit kailangan
ninyo magbitaw ng masasakit na salita ng dahil lang sa baboy.” (nanahimik lahat ng madre)
Madre 4: “Ilang minuto na lang papatawag na tayo ng mga kura upang malaman nila kung
sino ang napili natin para magsermon sa kapistahang bayan, si Padre Damaso ba, Padre
Martin o ang Koordinator?”
Madre 2: “Ang Koordinator” (mahinang pagkakasabi)
Madre 1: “Hindi marunong magsermon ang Koordinator! Si Padre Martin dapat!”
Madre 3: “Padre Martin? Hindi siya marunong magsermon! Si Padre Damaso dapat!”
Madre 2: “Pero hindi natin siya maintindihan”
Madre 3: “Dahil malalim ang mga sinasabi nya-“
Narrator: Kinaumagahan na iyon maagang namitas si Sisa ng mga pinakahinog at
pinakaberdeng gulay sa kanyang gulayan. Inilagay niya ito sa isang bakol at saka umalis
upang pumunta sa simbahan at kausapin ang Kura. Habang nagtatalo ang mga Madre hindi
nila napansin ang pagpasok ni Sisa sa kumbento
Sisa: Tao po, magandang araw po.
Kusinera: (mataray) Sino kayo?
Sisa: Ako po si Sisa, ang ina ng sakristan na si Crispin. May dala ho akong mga gulay para
sa Kura. (iaabot ang basket)
Kusinera: (hahawakan at susuriin ang mga gulay) O, sige. Ilagay mo na lang diyan.
Sisa: Saan ho?
Kusinera: Kahit saan diyan.
Sisa: Maaari ko ho bang makausap ang kura?
Kusinera: Hindi maari. May sakit ang Kura.
Sisa: Kung gayon ay kahit makausap ko na lamang ang anak kong si Crispin.
Kusinera: Huwag ka nang magkaila. Alam ng lahat na si Crispin ay nasa inyo nang bahay.
Sisa: Si Basilio ho ay nasa bahay ngunit si Crispin ay naiwan dito. Ibig ko sanang makita…
Kusinera: Naiwan nga ngunit tumakas din pagkatapos magnakaw ng maraming bagay.
Baka nga ay hinahanap na siya ng mga guardia civil sa inyo, eh. Alam mo, napakabuti
mong asawa ngunit masasama naman ang mga anak mo tulad ng kanilang ama. Lalo na
yung maliit? Naku! Baka higitan pa niya ang ama niya.
Sisa: (mapapaupo sa bangko ng kusina at mapapaiyak)
Kusinera: Hindi mo ba naintindihan? May sakit ang Kura! (itutulak si Sisa palabas) Hala,
doon kayo humagulgol sa lansangan! Sulong!
Narrator: Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang
tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak
dahil nagmana ito sa ama.Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo
ang isip.

You might also like