You are on page 1of 14

Mga nagdurusang

kaluluwa
 
Kabanat XVIII
MGA TAUHAN
 
Padre salvi
Padre damaso
Sisa
Talasalitaan
 
Humagulgol – umiyak ng malakas
Isuplong – isumbong; ipagbigay alam
Magpalahaw - magsisigaw
Manangis – umiyak; managhoy
Nagpapalaluan- nagpapayabangan
Sunong – buhat ang isang bagay na
nakalagay o nakaatang sa ulo
Mga mahahalagang
pangyayari
 
Mag-iikapito na ng umaga nang matapos ni padre salvi
ang pangulo at huling misa na patungkol sa mga
kaluluwa.”may sakit yata ang pari” wika ng mga manang.
Walang imik na hinubad ng pari ang abito. Lumabas sa
sakristiya at umakyat sa kumbento. Naraanan niya sa ibaba
ang walong babae at isang lalaking palakad lakad na
naghihintay sa kanya at sumalubong sila para magmano
ngunit hindi niya iniabot ang kanyang kamay. Gustong
alamin ng grupong iyon kung sino sa tatlo kina Padre
Damaso, Padre Martin at coadjutor ang napili ni Padre
Salvi para pabigkasin ng sermon sa pistang bayan .
Masayang nagkuwentuhan ang grupo habang hinihintay ang
tawag ni Padre Salvi. Pinag uusapan nila ang mga paraan kung
paano sila magkakamit ng indulgencia plenaria o kapatawaran sa
naghihirap na mga kaluluwa sa purgatoryo nagpaparamihan sila
ng nakamit na indulgencia at nagpapalaluan sa isa’t isa kung sino
ang higit na may mabisang paraan para magkaroon ng maraming
indulgencia. Matagal-tagal na rin silang naguusap nang dumating
si sisa na may sunong na bakol, matapos bumati ito sa kumbento.
Hindi pa sumisikat ang araw nang umagang iyon ay namitas si sisa
ng pinakamagandang gulay sa kanyang taniman nanguha rin siya
ng mga talbos ng pako na alam niyang hilig ng kura na gawing
ensalada. Isinuot niya rin ang pinakamaganda niyang damit.
Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na
marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig.
Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya
napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos
sa mga dala niyang gulay sa isang hapag.Nakiusap si Sisa sa
tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi
sa kanya na hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang
tagapagluto, Kung nasaan si Crispin Ang sagot sa kanyang
tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig.
Pabagsak napauop si sisa ‘‘huwag kayong humagulgol dito!”
bulyaw ng kusinero “may sakit ang pari,doon kayo magpalahaw
sa kalye!” nanaog ang umiiyak na si sisa na halos ipagtulakan
ng mga naroroon.
Kaugnayan sa makabagong
panahon
 
Ang mga tao na matataas ang
antas sa buhay ay parang
binabasura na lamang nila ang
mga mababa sa kanila.
Mensahe
 
Lahat tayo ay tao lamang hindi tayo
mga basura na pwede na lang itabi.
dahil lahat tayo ay pantay
pantay.Matuto tayong magpahalaga.
Hugot
 

You might also like