You are on page 1of 6

Tuwa at Luha

KABANATA 25
Sila ay nagsamasama at kumain sa Panciteria Macanista de
Buen Gusto sa gabing iyon. Labing apat na mga binata ang
nasa piging na mula pa sa purong Indio hanggang sa
peninsular ng Espanyol. Sila’y nagsamasama para kay Padre
Irene. Nireserba nila ang lahat ng mesa, pinaliwanag ang mga
ilaw, at naglagay ang kakaibang paskil na may kasamang
larawan ng Tsino. Nakasabi sa paskil ay “ “Luwalhati kay
Don Custodio sa kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga Binatang
may Magagandang Kalooban!” na papuri para kay Don
Custodio dahil sa kaniyang katalinuhan sa pagpayag sa
akademya na hinahangad nila. Nagtatawanan, nagbibiruan,
pero may pilit lang ang kasiyahan. Tinitigan at inusisa ni
Sandoval ang kakaibang pwesto ng mga mesa at tinikman
ang mga hain na nandun, sinuri niya ang larawan pati narin
ang presyo. Pinaguusapan ng mga iba ang mga aktres, sa
Operatang Pranses, at sa misteryososong sakit ni Simoun na
natagpuang sugatan sa kalye. Ayon sa haka-haka, si Simoun
ay nagtangkang magpakamatay at sila’y naniniwala doon,
pero si Tadeo na sinabi ang kaniyang hinain tungkol doon na
galing niya sa tiwalang impormasyon at sa tiwalang tao.
Ayon sa kaniya, inatake si Simoun ng isang di kilalang tao sa
lumang Plaza Vivak. Ang motibo nito ay paghihiganti pati ang
pagtanggi nito sa paliwanag ang siyang patunay. Napunta den sa
usapan ang tungkol sa motibo at sa pag-aabuso ng mga prayle at
kwinento nila ang mga labis na ginagawa ng kanilang mga kura
sa kani-kanilang bayan. Dumating na den si Isagani at si Juanito
Pelaez nalang ang nawawala pero dahil lagpas na sa oras, sila’y
umupo na sa paligid ng mga mesa. Laging di tumutupad si Pelaez
sa mga salita niya kaya sila’y nagsimula na. Sabi ni Tadeo ay
sana inimbita nila si Basilio imbes na kay Pelaez dahil mas
magiging masaya at may balak siyang lasingin si Basilio para
magsabi ito ng mga sikreto niya. Si Basilio lang daw kase ang
nakakaalam sa nawawalang bata at sa madre.

Sila’y kumain ng pansit lang-lang at inihandog ang mga buto ng


manok kay Don Custodio. Binigyan pa ang pansit lang-lang ng
panukala na panukala ng sopas para kay Don Custodio. May
tatlo pa daw silang ulam sabi ni Makaraig; lumpiang Tsino na
may baboy at inalay nila ito kay Padre Irene at tinawag den nila
ito na “ilong ni Padre Irene”, Tortang may hipon na inaalay sa
mga prayle at tinawag nila itong “ang torta ng mga Prayle” dahil
mukha daw silang hipon. Nagprotesta si Isagani na dapat may
isang prayle na di kasama. Nagprotesta din si Tadeo para sa mga
hipon. Pancit guisado ang kanilang ikaapat na ulam at inaalay
nila ito sa gobyerno at sa bansa. Kinumpara ni Makaraig ang
pancit sa gobyerno at ang Pilipinas sa Tsino pero nagprotesta
pancit lang-lang

lumpia
si Isagani dito dahil ialay daw ang pancit para kay Quiroga,
Tsino na isa sa apat na haligi ng Pilipinong daigdig at sabi den ng
isa na dapat iaalay ito para sa itim na Kamahalan na si Simoun.
Pinatahimik muna sila dahil may isang grupo daw na nakikinig
sa kanila at sa mga katabing kainan den ay nakikinig sa kanila
kaya sabi ni Makaraig kay Tadeo na gumawa ng isang
talumpati.Walang naiisip at nakahanda si Tadeo na talumpati
kaya habang sinisinghot niya ang sotanghon siya ay nagiisip at
naalala niya ang talumpati na natutunan niya sa kanyang klase at
yun ang kaniyang talumpati na gagamitin pero may mga binago
siya dito. Siya ay nagsimula na sa kaniyang talumpati tungkol sa
lalaki na kinikilala sa kanyang pamamalakad ng Kristyano.
Naalala ni Sandoval ang talumpati na iyon na galing sa
presidente ng kanilang eskwelahan kaya sinabihan niya si Tadeo
na manggagaya. Sumabat si Sandoval at nakisama sa talumpati
pero natigil ito noong pinapasok na nila ang ulam na lumpia at
torta. Habang naluluto ang mga ulam hiniling ng mga binata na
magtalumpati den si Pecson. Ang talumpati ni Pecson ay tungkol
sa mga prayle at mga korporasyon. Sinabi niya den na magiging
kabalyerong tagapagtanggol na magtatanggol sa mga walang
laban at kokontra sa mga korporasyon. Nagustuhan ng mga
binata ang talumpati kaya sila’y nagsabi “Bravo! Bravo!”.

Seryosong sinabi ni Isagani na dapat na paalahanan sila na may


isa siyang prayle na iginagalang.
Umawit den si Sandoval at tinuloy naman ni Pecson ang
kaniyang talumpati. Mahaba-habang talumpati tungkol sa mga
prayle ulet at pagkatapos nun ay sumagot si Isagani na kakain ito
ng omelet na hipon na nagpapakita na wala siyang interes sa
talumpati ni Pecson. Dahil hindi makita ang Tsino na dapat
magdala ng pancit, tumayo ang isang estyudante at pumunta sa
likod ng kuwarto sa tabi ng balkonahe at sa tabi ng ilog. Bumalik
den siya agad at gumawa ng misteryosong hudyat na may
nagiispiya sa kanila. Napatayo si Isagani at tinignan ang plasa at
gumawa ng senyas sa mga kasama niya pata lumapit sila. May
nakita silang binata na sumakay kasama ang kanyang
kasamahan na di kilala sa karwahe at ang karwahe na ito ay kay
Simoun. Sinabi ni Makaraig, “Ang alipin ng bise-rektor na
nagsisilbi sa panginoon ng Heneral!”

Talasalitaan
1. Kagila-gilalas - kamangha-mangha
2. Pihado - sigurado
3. Sopas - sabaw
4. Talumpati - kaisipan o opinion ng tao na pinapabatid sa
pagsasalita
5. Bahaw - mababang boses
6. Punan - hustuhan o buuin
7. Sagitsit - ingay ng hanging lumalabas nang mabilis sa isang
butas na maliit.
8. Hudyat - tanda, babala, senyas
9. Silbi - pakinabang
10. Bangketa - daanan ng tao sa tabi ng kalye

GINTONG ARAL
Walang kagandahang maidudulot ang pagiging
mapusok lalo na sa mga kabataan. Laging
tatandaan ang pagsisisi ay laging nasa huli.

You might also like