You are on page 1of 40

Magandang araw sa inyong lahat!

Welcome to our Group Presentation!


IKA-UNANG
PANGKAT NG
MEMBERS:
FILIPINO, NOLI ME
CARIZA
TANGERE
BABYLYN
XYRUS
XANDER
Opening Prayer
Talasalitaan
Tukuyin ang kahulugan ng mga
ibinigay na salita.

1. Banal na Sepulkro
Sagot:
1. Banal na Sepulkro
-puntod o lugar na
pinaglibingan kay
Hesus.
Talasalitaan

Tukuyin ang kahulugan ng


mga ibinigay na salita.

2. Kalye Anloage
Sagot:
2. Kalye Anloage
-sa Tagalog, ito ay
"anlowage" na ang
ibig sabihin ay
karpintero.
Talasalitaan

Tukuyin ang kahulugan ng


mga ibinigay na salita.

3. Biskotso
Sagot:

3. Biskotso
-tinapay na hiniwa at
pinalutong.
Talasalitaan

Tukuyin ang kahulugan ng


mga ibinigay na salita.

4. Indio
Sagot:

4. Indio
-tawag ng mga
Espanyol sa mga
katutubong Pilipino.
Talasalitaan
Tukuyin ang kahulugan ng
mga ibinigay na salita.

5. Monopolyo ng Tabako
Sagot:

5. Monopolyo ng
Tabako
-programang pang-
ekonomiya na
sinimulan noong 1782.
Talasalitaan
Tukuyin ang kahulugan ng
mga ibinigay na salita.

6. Alemanya
Sagot:
6. Alemanya

-tawag sa Filipino sa
bansang Germany.
Talasalitaan
Tukuyin ang kahulugan ng
mga ibinigay na salita.

7. Tondo
Sagot:

7. Tondo

-isang matandang
bayan na malapit sa
Maynila.
Ang Pagbabalik sa Sariling Lupain
Kabanata 1-2

(Muling-salaysay ni Ian
Mark P. Nivalbos)
Isang Pagtitipon
Isang hapunan ang idaraos sa bahay ni Don Santiago de
los Santos na kilalá bilang Kapitan Tiyago isang gabi sa
pagtatapós ng Oktubre sa Kalye Anloage. Bagama't
taliwas ito sa kaniyang kinagawian, ipina-alám lámang
niya ito sa hapon ng araw ding iyon kayâ naging paksa
ito ng usap-usapan sa Binondo at sa iba pang karatig-
pook hanggang sa Intramuros. Si Kapitan Tiyago ay
kilaláng napakagalanteng ginoo at kasabihan na sa
kanila na ang kaniyang bahay ay laging bukás para sa
kahit sinomang pumasok huwag lamáng may komersiyo
o mga kaisipang bágo o mapangahas.
Mabilis na kumalat ang balita sa lahat—sa
mahilig manghut-hot, mga naghihintay ng
grasya mulâ sa iba, at sa mga táong basta na
lámang dumadalo nang hindi naiimbita. Ang
iba ay nag-isip pa ng paraan kung paanong
babatiin ang kapitan upang mapaniwala na
matagal nang kakilála.
Napunô ang bahay ng kapitan na may estilong
kahawig ng iláng mga bahay sa bayang ito.
Naroon sa sála ang mga bisita sa gitna ng
malalaking salamin at aranya, ang napakamahal
na piyanong de-kola, malaking larawan ng isang
makisig na ginoo, at mga eleganteng muwebles.
Nakabukod ang mga laláki sa babae tulad sa mga
simbahang Katoliko. Ang iláng mga binibining
Pilipina at Espanyola ay napanganganga upang
pigilan ang paghikab at dali-daling nagtatakip ng
kanilang abaniko.
Tanong:

Bakit kaya kultura na ng


maraming Pilipinong dumalo
sa isang pagtitipon kahit
hindi imbitado?
Halos walang umiimik na tíla bunga
ng mga birhen at santong nakasabit
sa dingding na nag-aatas na
panatilihin ang katahimikan. Mag-
isa namang tumatanggap sa mga
ginang ang matanda nang pinsan ni
Kapitan Tiyago.
Sa kabilâng dako, maririnig ang ingay ng mga kalalakihan na
binubuô ng dalawang alagad ng simbahan, dalawang
mamamayan, at isang militar na magkakaharap na umuupô
sa isang mesita na may alak at biskotsong Ingles. Isang
tenyente ang militar, si Tenyente Guevarra na matipid
magsalita ngunit madiin at maikli. Ang isang prayle ay ang
kúra ng Binondo at naging guro nitóng mga nagdaang taon sa
San Juan de Letran. Batá pa ang Dominiko, makisig, at malinis
ngunit maagang nagmukhang matanda na si Padre Sibyla.
Tanyag siyá dahil sa kaniyang husay sa pakikipagtálo. Kaiba
naman sa kaniya si Padre Damaso. Madaldal at mahilig
kumumpas ang Pransiskano na mayroong nakahihindik na
tingin, malalapad ang panga, at matipunong pangangatawan.
Masayahin ang pari ngunit magaspang magsalita na walang
pangingimi ang dila.
Masiglang nagkukuwento ang
Pransiskano sa kaniyang karanasan
bílang kúra ng San Diego nang mahigit
dalawampung taon kayâ't pagsasaad
niya ay kilálang-kilála niya ang mga
Indio, at sinabayan pa niya ng
pangungutya sa mga ito.
"Nang ilipat ako sa isang malaking
bayan, na nabakante dahil namatay ang
kúrang Indio, nag-iyakan ang lahat ng
babae, binigyan ako ng napakaraming
handog, inihatid ako ng banda ng
musiko," pagpapatunay ng Pransiskano.
Napahinto siyá at namulá nang maungkat sa usapan ang
tungkol sa pagpapatigil sa monopolyo ng tabako.
Nabigla si Padre Damaso at muntik nang mabitawan ang
hawak-hawak na baso. Uminit pa ang usapan nang
mabanggit ng tenyente ang pagpapahukay ni Padre
Damaso sa inilibing na bangkay ng isang itinuturing na
marangal na tao. Ipinatapon niya ito sa kung saan. Nang
malaman ito ng kapitan-heneral, bilang parusa ay
inilipat siyá sa ibang bayan—sa lalong mabuting bayan.
Muling nanumbalik ang
katiwasayan sa pagtitipon dahil
ibinaling ni Padre Sibyla sa iba
ang usapan. Dumating pa ang
iláng mga bisita kabílang na
ang mag-asawang Doktor
Tiburcio de Espadaña na pilay
at Doktora Donya Victorina na
nagpakulot pa ng buhok.
Si Crisostomo Ibarra
Dumating sa kalagitnaan ng pagtitipon sina Kapitan
Tiyago kasama ang isang binatáng luksang-luksa ang
kasuotan. Ipinakilála niya si Crisostomo Ibarra sa mga
panauhin. Ikinagulat ito ni Padre Damaso at nandilat
ang mga mata nang makíta ito. Nilapitan ng tenyente
ang binatá upang batiin sa halip na ang may bahay
ang unahin.
Nakipagpalitan siyá ng pagbatí sa ilan pang mga bisita at
masayáng bumulalas nang lapitan si Padre Damaso.

"Ang kúra ng aming bayan at ang matalik na kaibigan ng


aking ama!"

Napatingin ang lahat sa Pransiskano ngunit hindi ito


tuminag.

"Ipagpatawad ninyo, nagkamali po ako!" dugtong na


nalilito ni Ibarra.
"Hindi kayó nagkakamali!" tugon ni Padre Damaso. "Pero
hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang ama
mo."
Mabilis na binawi ni Ibarra ang kaniyang
nakaunat na kamay at tumalikod ito at
napaharap sa tenyente na bumatìng mulî sa
kaniyang mulîng pagdatíng sa kanilang bayan
at tinanong kung siyá nga ba ang anak ni Don
Rafael Ibarra.
Tanong:
Naranasan mo na bang mapahiya
dahil sa pagbati sa isang taong
akala mo ay matalik mong
kaibigan o malapit na kaibigan ng
iyong mga magulang, subalit
itinanggi niya ito? Paano mo
dinala ang sitwasyon?
Nang mapansin ni Crisostomo na mag-isa na lámang
siya sa sála at dahil na rin sa wala ni isang nagpapakilála
sa kaniya sa mga dalaga ay kusa naman siyáng lumapit
sa kanila na karamihan ay nakamasid din sa kaniya.
Nagbigay-pugay siyá sa mga kababaihan ng kaniyang
bayan subalit napilitan ding lumayô dahil walang
nangahas na sumagot. Tinúngo niya ang isang pangkat
ng mga kabalyero at nagpakilála sa kanila at nagpakilála
rin naman isa-isa ang mga kalalakihan.
"Mga ginoo, may kaugalian sa Alemanya, kapag
dumalo sa isang pagtitipon ang isang walang
kakilála at walang magpakilála sa kaniya sa iba, siyá
na mismo ang nagsasabi ng kaniyang pangalan at
nagpapakilála sa sarili, bagay na tinutugon nilá nang
pagayundin." aniya.
Di-kalauna'y dumating ang isang
humahangos na lalaki at nagpakilàlang siyá
si Kapitan Tinong na matalik na kaibigan ng
kaniyang ama. Inanyayahan siyá ng kapitan
na bumisita sa kanilang tahanan sa Tondo
subalit tinanggihan niya ito dahil nakatakda
siyáng magtúngo sa San Diego kinabukasan.
Tinawag na ang
lahat ng mga
panauhin upang
maghapunan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang simula nang Noli Me Tangere?

2. Bakit naghandog ng salo-salo sa kanilang


tahanan si Kapitan Tiyago?
3. Bakit nabigla si Padre Damaso at muntik na
nitong mabitawan ang hawak na baso?

4. Sino ang ipinakilala ni Kapitan Tiyago?

5. Ano ang kaugalian sa Alemanya?


Closing Prayer

You might also like