You are on page 1of 17

Noli Me Tangere

Kabanata 1
Mga Layunin:

• Malaman ang simulang mga pangyayari sa


nobelang Noli Me Tangere

• Maunawaan ang nilalaman ng Kabanata 1 sa Noli


Me Tangere

• Mabigyang pananaw o perspektibo sa katangian ng


ibang mga tauhan ng Noli Me Tangere
01 Kabanata 1:
Isang Pagtitipon
03 Aral

02 Mahalagang
Pangyayari
“Isang Pagtitipon”
Noong huling araw ng Oktubre ay naghanda ng isang pagtitipon si Don
Santiago de los Santos. Kilala siya sa tawag na Kapitan Tiyago. Itinuturing
siyang pinakamagilas na maginoo dahil sa kanyang bukas-palad at tahanang laan
sa lahat maliban sa mga mangangalakal at may mapangahas na isipan.

Ang tahanan ni Kapitan Tiyago ay matatagpuan sa Kalye Anloage, sa tabi


ng Ilog Binundok na isa sa mga sanga ng Ilog Pasig. Malaki ang bahay, bagama't
may kababaan at di-maayos ang pagkakayari sanhi marahil sa pagkakamali ng
arkitektong nagtayo nito o dahil sa nagdaang mga lindol o bagyo.
Nang gabing yaon, ang maliliwanag na ilaw, ang kalansing ng mga
kubyertos at pinggan, ang tugtog ng orkesta at halakhakan ng mga panauhin ang
nagbigay ng kasiglahan sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Isang malaking hapag na
magarang nagagayakan ang nakalagay sa gitna ng bulwagan.

Ang tanging abala sa pagtanggap sa mga panauhin ay isang matandang


babaing pinsan ni Kapitan Tiyago. Siya'y may maamong mukha at di gaanong
sanay magsalita ng Kastila. Sa isang parte ng bulwagan ay nagkakatipon ang
mga masisigla at maingay na panauhing lalaki. Pinakamaingay ang pangkat na
binubuo ng Dominikong pari, Pransiskanong pari at ang kawal.
Ang kawal ay isang matandang tenyente ng guwardiya sibil, hindi palakibo
at maikli kung magsalita. Ang Dominikano ay si Padre sibilya, kura sa binundok
at naging propesor ng San Juan de Letran. Nakasalamin at makisig na anyo, at
maikli kung magsalita. Ang Pransiskano ay si Padre Damaso, magaspang at
makapangyarihang mangusap dahil sa paniniwalang tumpak na lahat ang
knayang sinasabi. Ang lahat ng katangiang ito'y napapawi dahil sa kanyang
masiglang pagtawa.

Ang usapan nina Padre Damaso ay napatuon sa mga Indio at hindi


pinalagpas ang pagkakataon na ihayag ang matinding panlilibak na ayon sa
kaniya, sila ay mga hamak at mabababang uri.
Sinubukan ni Padre Sibyla na ipalit ang usapan at napadako pagkatanggal ni
Padre Damaso bilang kura sa loob ng 20 taon.

Ayon kay Padre Damaso, hindi dapat nakikialam ang kinatawan ng hari sa
pagpaparusa ng mga pari sa erehe. Yaon ang panahon ng tunay na
pananampalataya. Sa kanila, walang ibang hari kung hindi ang tunay lamang.

Tinutulan ito ng Tenyente at inilahad na ang kaniyang parusa ay marapat sa


pananaw ng Kapitan-Heneral.

Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng pagkalipat ng bangkay ng isang


marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe ay dahil lamang sa hindi
pangungumpisal.
Nagsiklab lalo ng galit si Padre Damaso . Namagitan si Padre Sibyla sa
kanilang pagsasagutan upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre
Damaso. Kalaunan ay lumawig na uli ang talakayan.
2
Mahalagang
Pangyayari
MAHAHALAGANG PANGYAYARI

• Pagkalat ng balita sa engrandeng pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiago.

• Pagdalo ng maraming panauhin sa pagtitipon kasama ng mga kilalang tao


mula sa pamahalaan at simbahan.

• Ang panlalait ni Padre Damaso sa mga Indio

• Paglalahad sa usaan ni Tenyente Guevarra ng totoong mga pangyayari


tungkol kay Don Rafael

• Ang pakikipagtalo nina Padre Damaso at Tenyente Guevarra


3

Aral
ARAL

• Huwag tayong mag-maliit ng ating kapwa. Huwag nating tularan ang


ginawang pangmamaliit at pang iinsulto ni Padre Damaso para sa kanya ang
mga Pilipino ay mga mapagwalang bahala mga walang pakialamam mga
mangmang, tamad at mga walang pinag-aralan kaya nararapat lamang daw
tawaging Indiyo.

• Katulad ni Padre Damaso na mapangutya sa mga Pilipino, ngunit siya pala


mismo ay mayroong mga katiwaliang ginagawa. Madalas, ang mga taong
mapanghusga sa iba ay mas marumi pa sa mga inaakusahan nila. Huwag
maging mapaghusga.

• Tinuturuan kung ano ang mga hindi dapat natin gawin sa


pakikipagkapwa
Mga Katanungan?
Gawain 1: Ano ang ibig kong sabihin?

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang ibinigay. Ipagtapat ang Hanay A
at Hanay B sa pamamagitan ng guhit o linya. Sagutan ito sa 1/2 crosswise na
sulatang papel.

Hanay A Hanay B
1. Kura- -Paglaban sa Simbahan
2. Indio- -Napahaba o Pinahaba
3. Lumawig- -Pastor, Ministro
4. Erehe- -Matalim, Masakit
5. Kubyertos- -Pilipino
6. Mahayap- -Plato, Kutsara, Panghiwa
Gawain 2: Alamin mo ako!

Panuto: Ibigay ang mga hinihinging kasagutan. Sagutan ito kasama nung
Gawain 1 sa 1/2 crosswise na sulatang papel.

1. Saan ang bahay ni Kapitan Tiyago?


2. Ano ang sinimulan ng away nina Padre Damaso at Tenyente Guevarra?
3. Sino ang Dominikanong pari na pinakalma si Padre Damaso?
4. Kailan naghanda ng pagtitipon si Kapitan Tiyago?
5. Magbigay ng isang katangian ni Kapitan Tiyago.
6. Magbigay ng isang katangian ni Tenyente Guevarra.
7. Magbigay ng isang katangian ni Padre Damaso.
8. Magbigay ng isang katangian ni Padre Sibyla.
Takdang Aralin

• Magsagawa ng advance reading tungkol sa Kabanata 2 ng Noli Me Tangere.

You might also like