You are on page 1of 2

DAISY MAE BAGTAS 9-G JANUARY 30, 2019

Kabanata 1 – Ang Pagtitipon


MGA TAUHAN:
Don Santiago de los Santos – SIya ay mas kilala bilang kapitan Tiago. Isang mayamang lalake na
kinikilalang ama ni Maria Clara. Siya ang nagpahayag ng isang pagtitipon na inihayag sa kanilang
lugar sa Binondo.

Tiya Isabel – isang matandang babae na pinsan ni Kapitan Tiago na siyang umaasikaso sa mga
babae sa pagtitipon upang mapalagay ang kanilang mga loob. Mukha siyang mabait at hindi
gaanong marunong mangastila ngunit siya ay madaling mabagot.

Padre Sibyla – Isang Dominiko na matanda ang hitsura ngunit makisig at malinis tingnan. Siya ay
isang kura ng Binondo, propesor sa San Juan de Letran at kilala sa pakikipagtalastasan sa mga
sekular na bagay. Siya ay pasensyoso, mabait at matalino.

Padre Damaso – Isang pransiskanong pare na makumpas at masalita. Parang si Herkules ang
kanyang katawan. Ang kanyang pagiging masayahin ay natatakpan dahil sa kanyang magaspang
na boses. Siya ay masungit, madaling magalit at may kayabangan, hindi tumatanggap ng
pagkatalo.

G. Laruja – Maliit at maitim ang kanyang balbas, isa siyang sibilyang doon na may napakalaki na
ilong at tila mais ang buhok. Siya’y bagong dating sa Pilipinas

Don Tiburcio de Espadaña – Isang pilay na Español na tahimik at may maamong mukha.

Donya Victorina – Asawa ni Don Tiburcio na may kulot na buhok, at makapal ang kolerete sa
mukha.

Tinyente Gibara – Isang matandang tinyente ng gwardya sibil, matangkad at parang mabagsik,
mabagal, matigas at maikling magsalita.

BUOD:
Sa gabing iyon ay nakatakdang ganapin ang marangyang handaan sa bahay ni Don Santiago
Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago upang magsilbing salubong sa isang binatang
kagagaling lamang sa Europa. Hindi naman iba sa Kapitan ang binata dahil ito ay anak ng
kanyang matalik na kaibigan.
Ang bahay ni Kapitan Tiyago na mayatagpuan sa kalye Anluwage ay napuno ng mga bisita. Isang
malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Si Kapitan Tiyago ay kilala sa pagiging
matulungin sa mga mahihirap at nabibilang sa mataas na lipunan.
Ang pinsan ng Kapitan na si Tiya Isabel ang taga-istima ng mga bisita at ang mga panauhing
babae at lalake ay sadyang magkakahiwalay. Nagpahuli namang dumating ang ibang mga
panauhin kabilang na ang magkabiyak na sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Hindi naman
nagpahuli sa mga panauhin ng Kapitan ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre
Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kung kumilos at
magsalita; dalawang paisano; at si Tinyente Guevarra, ang tenyente ng gwardya sibil.
Ang bawat grupo sa mga panauhin ay may kanya-kanyang paksa upang ilabas ang kani-kanilang
saloobin, makipag-tagisan ng kuro-kuro, at humanap ng papuri. Ilan sa mga napag-usapan ay
ang mga Indio o ang mga Pilipino; ang pagkakaalis ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego
kahit na matagal itong nagsisilbi doon; ang monopolyo ng tabako, mga pulbura at armas at
marami pang iba.
Sa naturang pagtitipon ay hindi pinalagpas ni Padre Damaso na ihayag ang kanyang
pangungutya sa mga Indio. Ang mga ito raw ay hamak at mabababang uri ng nilalang.
Samantala, gumawa naman ng paraan si Padre Sibyla upang maiba ang usapan at dito ay
pinasok niya pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng dalawampung
taon.
Ang paliwanag ni Padre Damaso ay hindi raw nararapat makialam ang hari ng Espanya sa
pagpaparusa sa mga erehe. Tinutulan naman ng Tinyente ang sinabi ng pari at inilahad na ang
parusa ay nararapat lamang raw sa pananaw ng Kapitan Heneral.
Ipinaliwanag din ng Tinyente na kaya nilipat si Padre Damaso ay dahil sa pinahukay nito ang
bangkay ng isang marangal na lalaki na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi
pangungumpisal.
Dahil dito ay nagalit si Padre Damaso lalo na nang maalala niya ang tungkol sa mga nawalang
mahahalagang kasulatan. Namagitang muli si Padre Sibyla upang pakalmahin si Padre Damaso.
Kalauna’y lumawak muli ang talakayan sa pagtitipon.

You might also like