You are on page 1of 5

Isang Pagtitipon

Kabanata 1 ng Noli Me Tangere

Iba pang pamagat

●Isang Handaan

●Isang Salusalo

●Ang Pagtitipon

●Ang Piging

Detalye
Tauhan
●Kapitan Tiyago
●Tiya Isabel
●Don Tiburcio
●Donya Victorina
●Padre Damaso
●Padre Sibyla
●Tenyente Guevarra

Tagpuan
●Bahay ni Kapitan Tiago

Panahon
●Gabi ng Oktubre 31

Kanser ng lipunan
●Maluho at magastos
●Pagtakwil sa sariling lahi
●Colonial mentality
●Hindi magandang pag-uugali
Sa gabing iyon ay nakatakdang ganapin ang marangyang handaan sa bahay
ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago upang
magsilbing salubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa. Hindi
naman iba sa Kapitan ang binata dahil ito ay anak ng kanyang matalik na
kaibigan.

Ang bahay ni Kapitan Tiyago na matatagpuan sa Kalye Anluwage ay napuno


ng mga bisita. Isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan.
Si Kapitan Tiyago ay kilala sa pagiging matulungin sa mga mahihirap at
nabibilang sa mataas na lipunan.

Ang pinsan ng Kapitan na si Tiya Isabel ang taga-istima ng mga bisita at ang
mga panauhing babae at lalake ay sadyang magkakahiwalay. Nagpahuli
namang dumating ang ibang mga panauhin kabilang na ang magkabiyak na
sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Hindi naman nagpahuli sa mga
panauhin ng Kapitan ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre
Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw
kung kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tinyente Guevarra, ang
tenyente ng gwardya sibil.

Ang bawat grupo sa mga panauhin ay may kanya-kanyang paksa upang


ilabas ang kani-kanilang saloobin, makipag-tagisan ng kuro-kuro, at
humanap ng papuri. Ilan sa mga napag-usapan ay ang mga Indio o ang mga
Pilipino; ang pagkakaalis ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego kahit na
matagal itong nagsisilbi doon; ang monopolyo ng tabako, mga pulbura at
armas at marami pang iba.
Sa naturang pagtitipon ay hindi pinalagpas ni Padre Damaso na ihayag ang
kanyang pangungutya sa mga Indio. Ang mga ito raw ay hamak at
mabababang uri ng nilalang.

Samantala, gumawa naman ng paraan si Padre Sibyla upang maiba ang


usapan at dito ay pinasok niya pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura
paroko sa loob ng dalawampung taon.

Ang paliwanag ni Padre Damaso ay hindi raw nararapat makialam ang hari
ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe. Tinutulan naman ng Tinyente ang
sinabi ng pari at inilahad na ang parusa ay nararapat lamang raw sa
pananaw ng Kapitan Heneral.

Ipinaliwanag din ng Tinyente na kaya nilipat si Padre Damaso ay dahil sa


pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki na pinagbintangang
erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal.

Dahil dito ay nagalit si Padre Damaso lalo na nang maalala niya ang tungkol
sa mga nawalang mahahalagang kasulatan. Namagitang muli si Padre Sibyla
upang pakalmahin si Padre Damaso.

Kalauna’y lumawak muli ang talakayan sa pagtitipon.


Noong huling araw ng Oktubre, ipinahayag ni Don Santiago de los Santos na
lalong kilala sa tawag na Kapitan Tiago na nagiimbita ng mga panauhin sa
isang hapunan sa kanyang bahay. Ang balitang ito ay ay nakarating sa buong
kapaligiran ng Intramuros, Binondo at karatig lugar ng Maynila, na tila apoy
na kumalat sa buong panig ng Maynila. Kakaiba ang pag-uugali ni Kapitan
Tiago kagaya ng pagiging mapagparaya at madaling lapitan sa panahon ng
kagipitan, bagamat ayaw niya ang mga taong mapoaghimagsik at
nangangalakal. Ang mga kantanod ay tiyak na dadalo kahit hindi
naimbitahan ni Kapitan Tiago. Ang lahat ay nagnanais na makarating sa
pagtitipon kaya't abalang-abala sa paghahanda ng sarili at sa mga sasabihing
kadahilanan.

Matatagpuan ang malaki bagamat mababang bahay ni Kapitan Tiago sa


Anlogue.

Aral

 Huwag tayong mag-maliit ng ating kapwa. Huwag nating


tularan ang ginawang pangmamaliit at pang iinsulto ni
Padre Damaso para sa kanya ang mga Pilipino ay mga
mapagwalang bahala mga walang pakialamam mga
mangmang, tamad at mga walang pinag-aralan kaya
nararapat lamang daw tawaging Indiyo.
 Katulad ni Padre Damaso na mapangutya sa mga Pilipino,
ngunit siya pala mismo ay mayroong mga katiwaliang
ginagawa. Madalas, ang mga taong mapangdusta sa iba ay
mas marumi pa sa mga inaakusahan nila.

Mahahalagang pangyayari

 Pagkalat ng balita sa engrandeng pagtitipon sa bahay ni


Kapitan Tiago.

 Pagdalo ng maraming panauhin sapagtitipon kasama ng


mga kilalangtao mula sa pamahalaan at simbahan.

 Ang pagtitipon ay para sa pagbabalik sa Pilipinas ni


Crisostomo Ibarra. at pasasalamat sa Mahal na Birhen.

You might also like