You are on page 1of 2

KABANATA 1

ANG PIGING/ANG PAGTITIPON


Buod:
Ika-31 ng Oktubre ng gabing iyon ay nakatakdang ganapin ang marangyang handaan sa bahay ni
Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago upang magsilbing salubong sa
isang binatang kagagaling lamang sa Europa. Hindi naman iba sa kapitan ang binata dahil ito ay
anak ng kanyang matalik na kaibigan.
Ang bahay ni Kapitan Tiyago na matagpuan sa kalye Anluwage ay napuno ng mga bisita. Isang
malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Si Kapitan Tiyago ay kilala sa pagiging
matulungin sa mga mahihirap at nabibilang sa mataas na lipunan.
Ang pinsan ng Kapitan na si Tiya Isabel ang taga-istima ng mga bisita at ang mga panauhing babae
at lalake ay sadyang magkakahiwalay. Nagpahuli namang dumating ang ibang mga panauhin
kabilang na ang magkabiyak na sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Hindi naman nagpahuli
sa mga panauhin ng Kapitan ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang
kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kung kumilos at magsalita;
dalawang paisano; at si Tinyente Guevarra, ang tenyente ng gwardya sibil.
Ang bawat grupo sa mga panauhin ay may kanya-kanyang paksa upang ilabas ang kani-kanilang
saloobin, makipag-tagisan ng kuro-kuro, at humanap ng papuri. Ilan sa mga napag-usapan ay ang
mga Indio o ang mga Pilipino; ang pagkakaalis ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego kahit
na matagal itong nagsisilbi doon; ang monopolyo ng tabako, mga pulbura at armas at marami pang
iba.
Sa naturang pagtitipon ay hindi pinalagpas ni Padre Damaso na ihayag ang kanyang pangungutya
sa mga Indio. Ang mga ito raw ay hamak at mabababang uri ng nilalang.
Samantala, gumawa naman ng paraan si Padre Sibyla upang maiba ang usapan at dito ay pinasok
niya pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng dalawampung taon.
Ang paliwanag ni Padre Damaso ay hindi raw nararapat makialam ang hari ng Espanya sa
pagpaparusa sa mga erehe. Tinutulan naman ng Tinyente ang sinabi ng pari at inilahad na ang
parusa ay nararapat lamang raw sa pananaw ng Kapitan Heneral.
Ipinaliwanag din ng Tinyente na kaya nilipat si Padre Damaso ay dahil sa pinahukay nito ang
bangkay ng isang marangal na lalaki na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi
pangungumpisal.
Dahil dito ay nagalit si Padre Damaso lalo na nang maalala niya ang tungkol sa mga nawalang
mahahalagang kasulatan. Namagitang muli si Padre Sibyla upang pakalmahin si Padre Damaso.
Kalauna’y lumawak muli ang talakayan sa pagtitipon.
Mga Tauhan:
Don Santiago Delos Santos/Kapitan Tiyago: Isang matulungin sa mga mahihirap at nabibilang sa
mataas na lipunan.
Isang Binata: Ito ang dahilan kung bakit merong pagtitipon o salubong ito para sa kanya
Tiya Isabel: Pinsan ni Kapitan Tiyago na taga-istima ng mga bisita.
Dr. De Espadaña: Bisita na kabiyak ni Donya Victoria
Donya Victoria: Bisita na kabiyak ni Dr. De Espadaña
Padre Sibyla: Kura paroko ng Binundok
Padre Damaso: Sadyang magaslaw kung kumilos at magsalita o mahilig mangutya
Dalawang Paisano: Bisita
Tinyente Guevarra: Tinyente ng gwardya sibil

Tagpuan at Panahon :
Ika-31 ng Oktubre ng gabing iyo sa bahay ni Kapitan Tiyago na nasa Kalye Anluwage.
Europa: Pinanggalingan ng Binata

Paksa at Tema:
Pumapatungkol po ito sa inihandang pagtitipon ni Kapitan Tiago para sa isang Binata na
kagagaling lamang sa Europa, na kung saan pinapakita dito ang iba’t-ibang pagtrato o pakikisama
sa iba’t-ibang tao na may iba’t-ibang ding katayuan o antas sa lipunan.

Mga Teoryang Pampanitikan:


Sosyolohikal: Dahil po pinapakita dito ang iba’t-ibang pagtrato ayon sa katayuan o antas sa
lipunan.
Moralismo: Makakapulot tayo ng aral dito na huwag po tayong bumase sa kung ano ang katayuan
ng isang tao sa kanyang antas ng pamumuhay. Dahil pwede ring mangyari sa atin ang mga
ginagawa natin sa ibang tao sa susunod pang mga taon o pagkakataon.
Realismo: Nangyayari pa rin po sa atin ang mga ganitong sitwasyon na naka base ang pagtrato
nila satin depende sa antas na mayroon tayo sa lipunan. Halimbawa nito ay ang sa trabaho, mas
nabibigyang pansin ang may mga kakilala o kapit na po sa mga nasa itaas.

You might also like