You are on page 1of 3

Kabanata I

Isang Handaan
Buod

Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don


Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring
kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay
na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng
Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang
mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao,
mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga
nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano
ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat
asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita
ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng maybahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil,
Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na
madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano.
Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga
asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang
pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng
kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran
tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng
dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni
Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya
ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at

mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga


Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na
araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kayat iniba ni Pari
Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang
bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob
ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya
kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa
pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa
pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat
ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni
Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat
ang bangkay ng isang marangal na lalaki na
napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi
pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan
Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang
parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos
sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang
nawaglit.
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong
makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang
loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating
ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang
mag-asawang sina Dr. de Espadaa at Donya Victorina.
Tanong

Sino si Pari Damaso? Bakit niya tinawag na Indiyo ang mga


Pilipino?
Sagot

Siya yung Paring may magaspang na pag-uugali na


nanirahan sa San Diego ng halos 20 taon. Dahil sa kasamaan
ng ugali niya, ang mga tao ay hindi naibigan ang paring ito,
kaya sila tinawag na Indiyo.

You might also like