You are on page 1of 2

CHAPTER 1

Ang bahay ni Kapitan Tiago sa Maynila ay puno ng mga bisita para sa isang malaking salu-salo. Ang
kanyang pinsan na si Tiya Isabel ang nag-asikaso sa mga panauhin. Ang mga kababaihan at kalalakihan
ay nakaupo nang magkahiwalay, isang karaniwang kaugalian noong panahon na iyon.

Ilan sa mga huling dumating na panauhin ay ang mag-asawang sina Donya Victorina de Espadaña at Don
Tiburcio de Espadaña. Hindi rin nagpahuli ang ibang mga kilalang personalidad tulad nina Padre Sibyla,
ang kura paroko ng Binundok, at si Padre Damaso, na kilala sa kanyang garapal na kilos at pananalita.
Mayroon ding dalawang paisano at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil.

Ang mga panauhin ay may kanya-kanyang pinag-uusapan, kadalasan ay nagpapalitan sila ng mga
opinyon at ideya ukol sa iba’t ibang usapin, na kadalasan ay paraan para magyabangan. Isa sa mga
pinagusapan ng mga indio ay ang pag-alis ni Padre Damaso sa San Diego, sa kabila ng matagal niya nang
paninilbihan doon.

Si Padre Damaso, bagaman magaspang manalita, ay hindi nagpahuli sa usapan. Binabatikos niya ang
mga indio, na tinuturing niya bilang mabababang uri. Bilang tugon, sinubukan ni Padre Sibyla na ibahin
ang direksyon ng usapan, at binanggit ang pag-alis ni Padre Damaso bilang kura paroko ng San Diego.

Ayon sa paliwanag ni Padre Damaso, ang hari ng Espanya ay hindi dapat makialam sa mga usapin
tungkol sa erehe. Ngunit, tumutol si Tenyente Guevarra sa kanyang pahayag at sinabing ang parusa ay
dapat naaayon sa pananaw ng Kapitan Heneral.

Ipinunto rin ng Tenyente na ang isa sa mga dahilan kung bakit inilipat si Padre Damaso ay dahil sa
kanyang ginawang pagpapahukay sa bangkay ng isang marangal na lalaki at pagtawag sa kanya bilang
erehe dahil lamang sa hindi nito pagkumpisal.

Nag-init ang ulo ni Padre Damaso sa mga sinabi ng Tenyente, lalo na nang maalala niya ang mga
nawalang kasulatan. Subalit, pinigilan siya ni Padre Sibyla sa kanyang galit. Sa kabila nito, nagpatuloy pa
rin ang mga talakayan sa loob ng handaan.

MGA TAUHAN
1. Kapitan Tiago – Siya ang nag-host ng handaan. Siya ay isang mayaman at respetadong tao sa
Maynila.

2. Tiya Isabel – Siya ang pinsan ni Kapitan Tiago na tumutulong sa kanya sa pag-asikaso ng mga
bisita.

3. Donya Victorina de Espadaña – Isa sa mga bisita, kilala siya bilang isang Filipina na
nagpapanggap na Espanyola.

4. Don Tiburcio de Espadaña – Asawa ni Donya Victorina, isang Espanyol.

5. Padre Sibyla – Ang kura paroko ng Binundok. Siya ay isa sa mga bisita at kasangkot sa usapan
tungkol sa pag-alis ni Padre Damaso sa San Diego.
6. Padre Damaso – Isang prayle na kilala sa kanyang magaspang na kilos at pananalita. Siya ay
dating kura paroko ng San Diego.

7. Tenyente Guevarra – Ang tenyente ng guardia civil. Siya ay kumontra sa mga sinabi ni Padre
Damaso tungkol sa mga erehe.

You might also like