You are on page 1of 2

Kabanata 1: Ang Pagtitipon

(Buod)
Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los
Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiago. Dahil mabuting tao at
kilala sa buong Maynila, agad na kumalat ang balita tungkol sa
pagtitipong gagawin sa Kalye Anluwagi.
Nang gabi ng pagititpon, dumagsa ang mga bisita na iniistima
naman ni Tiya Isabel, pinsan ni Tiago. Kabilang sa mga dumalo
ay sina Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, mag-asawang Dr. de
Espadaña at Donya Victorina, Padre Damaso, at isang kararating
lamang na dayuhan sa Pilipinas.

Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino, kabilang ang


mga Indio. Nang mabanggit ang monopolyo sa tabako, dito
nagsalita nang di maganda si Padre Damaso tungkol sa mga
Indio. Hinamak niya ang mga ito at iniba naman ni Padre Sabyla
ang usapan.

Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang kura-


paroko ng San Diego. Sabi ni Damaso, hindi raw dapat
nangingialam ang hari ng Espanya sa pagbibigay-parusa sa mga
erehe. Sinabi naman ni Tinyente na nararapat lamang ang
parusa.

Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan na pagkakalipat niya sa


iba pang parokya. Ito raw ay dahil ipinahukay niya ang bangkay
ng isang marangal na lalaking napagbintangang isang erehe dahil
ayaw lamang mangumpisal.

Nagalit naman si Padre Damaso dahil sa sinabi ng Tinyente.


Lumapit si Padre Sybila upang pakalmahin ang kapuwa prayle.
Naaalala rin kasi ni Damaso ang nawawalang mahahalagang
dokumento.

Kumalma ang magkabilang panig at umalis na sa umpukan si


Tinyente. Nagpatuloy naman ang talakayan at kuwentuhan ng
mga bisita noong gabi.

Aral – Kabanata 1
Makikta sa kabanatang ito ang hindi magandang pag-uugali ng
ilang Pilipino. Katulad ni Padre Damaso na mapangutya sa mga
Pilipino, ngunit siya pala mismo ay mayroong mga katiwaliang
ginagawa. Madalas, ang mga taong mapangdusta sa iba ay mas
marumi pa sa mga inaakusahan nila.

You might also like