Professional Documents
Culture Documents
Naging mainit ang usapan sa pagitan ng unang banyaga na may mapulang buhok at ni Padre
Damaso, isang Pransiskano, tungkol sa dalawampung taon na karanasan ni Padre Damaso sa
bayan ng San Diego, pagpapatigil ng monopolyo sa tabako, at sa matinding pagkamuhi ni Padre
Damaso sa mga “tamad, mal-edukado” na mga Indio. Pumagitna si Padre Sibyla sa usapan upang
baguhin ang paksa. Kanyang kinamusta ang padreng Pransiskano kung siya ba’y nasiyahan sa
pag-sisilbi sa San Diego at ngayon na siya’y umalis sa bayang iyon. Ikinagalit pa ito ng padre at
lumabas pa na ikina-iinis niya ang pangingi-alam ng gobyerno sa pagpaparusa sa isang
pinagbibintangang erehe. Sa bahaging ito, tumayo at nagsalita ang tahimik na tenyente tungkol
sa hindi makatarungang paglibing ni Padre Damaso sa pinagbibintangang erehe. Siya’y lumayo
sa grupo at pagkatapos ng ilang sandali, dumating si Doktor de Espadaña at Doktora Donya
Victorina. Napunta ang usapan sa isang debate kung sino nga ba ang lumikha ng pulbura.
Natapos ang kabanata sa pagdating ng dalawa pang tao sa piging.
Gabay na Tanong:
Ano-anong mga kultura, pananaw, at uri ng tao ang nagtipon sa mga dekorasyon, personalidad,
at pinag-usapan sa bahay ni Kapitan Tiago?
Maraming makikita sa bahay ni Kapitan Tiago sa kabanatang ito. Una, ang pinaghalong istilong
mala-Tsino at Europeo sa kanyang mga silid, dagdag pa ang impluwensya ng mga
relihiyosong larawan kung paano nito dinikta ang kilos ng mga panauhin. Mapapansin din ang
iba’t ibang katangian ng mga dumalo- may mahinhin; pumunta lang para sa pagkain;
magpapansin lang sa may-ari; may pumunta rin dahil gusto pang aralan ang pook at kultura ng
lugar; may mga taong sadyang pinipilit ang kanilang sarili sa isang klase na mga tao; at mga
taong gustong itanghal ang kanilang kabanalan. Naging laman din ng kabanatang ito ang mga
iba’t ibang usapin tungkol sa nabuong relasyon ng prayle sa isang bayan at kung gaano nya
kinamumuhian ang mga tao sa bansang ito. Dagdag pa sa mga usapin ay ang mga pagtutunggali
ng sistema ng lokal na gobyerno at ng simbahan, ang pagkawalang-katarungan na paglilibing sa
may walang kasalan, pati na rin sa totoong imbentor ng pulbura.
~.~
Nang tumungo si Crisostomo, pinakilala ng militar ang kanyang sarili at nagbigay pugay sa ama
ni Ibarra. Kinatuwa nito ni Ibarra habang dahan-dahang tumalikod ang tenyente sa panganib ng
luha at dali-dali itong lumayo sa sala. Nang mag-isa na lang si Ibarra sa sala, sinubukan niyang
makipag-usap sa mga kababaihan ngunit, mabilis namatay ang usapan. Nagpakilala lamang siya
sa mga kalalakihan bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin. Bahagyang sumagot ang mga
lalaki. May nakausap si Crisostomo na isang makata at pinuna nito ang pagtigil nya
sa pagsusulat. May mga iba pang taong lumapit kay Ibarra, isang kapitan na nangangalang
Kapitan Tinong na nagmula sa Tondo na nagpakita ng pagkagiliw sa pumanaw na tatay ni
Crisostomo. Nagtapos ang kabanata sa pagsisimula ng kainan.
Gabay na Tanong: Ano ang malalaman natin ukol kay Crisostomo Ibarra sa mga nakita at
narinig natin sa kabanatang ito: sa kaniyang hitsura, sa mga sinabi niya, sa mga
sinabi/reaksiyon sa kaniya, at mga sinabi ukol sa kaniya?
Ating mapupuna na si Crisostomo Ibarra ay isang edukadong tao hindi lang dahil tumira siya
Europa ng pitong taon kung hindi dahil sa kanyang magalang na pamamaraan na
pakikipaghalubilo. Malawak din ang kanyang bokubularyo at nakipagtalastasan pa siya sa isang
makata. Masasabi natin na siya’y guwapo at matipuno; may halong dugong Espanyol tulad ng
pagkakalarawan ng libro sa kanya, matangkad siya sa karaniwan, kayumanggi ang balat, at
kahali-halina ang mukha dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. Nagbukas ng mga panibagong
isyu ang kanyang pagdating na ikinabahala ng mga prayle, naging emosyonal ang tenyente, at
may kapitan na sabik siyang makilala dahil sa kanyang yumaong ama.
Habang ang iba ay namimista sa mga hita’t pitso, lalo na si Don Crisostomo Ibarra na
nakatanggap ng mga lamang-loob nito, galit na pinaghimay-himay ni Padre Damaso ang
natanggap niyang upo at leeg at pakpak ng manok. Nakapanayam ni Senyor Laruja at ng
banyagang may pulang buhok si Crisostomo Ibarra ukol sa kanyang mga karanasan at saloobin
sa kanyang paglalakbay sa Europa. Sumali rin sa usapan si Doktor de Espadaña at Donya
Victorina. Sa bandang gitna ng kanilang talakayan, pinahiwatig ni Fray Damaso ang kanyang
galit kay Crisostomo dahil sa pagsasayang daw ng pera sa pag-aaral sa ibang bansa. Hindi ito
ikinatuwa ni Ibarra. Sa halip na magalit at magpuna, kanyang pinasalamat ang kura sa malimit
niyang pagdalaw sa bahay ng kanyang pumanaw na ama. Napatahimik at nanginig sa kaba si
Padre Damaso nang ito’y kanyang narinig. Magalang na nagpaalam si Ibarra at umalis sa salo-
salo habang tahimik na sinundan siya ng tenyente palabas. Sa sandaling umalis si Ibarra,
binahagi ni Padre Damaso ang kanyang pagkamuhi kay Crisostomo; pahayag niya na dapat hindi
pinapayagan ng gobyerno ang pagpapadala ng mga Pilipino sa ibang bansa upang mag-aral.
Nagtapos ang kabanatang ito sa pagtala ng mga obserbasyon ng banyagang may pulang buhok sa
mga nangyari; kung paano pinasumpong ng isang leeg at pakpak ng tinola ang prayle at kung
bakit hindi dapat magpadala ng mga mag-aaral sa ibang bansa ang Pilipinas.
Mga Gabay na Tanong: Puno ng politika ang hapunang ito tulad ng marami sa mga ritwal ng
tao. Sino-sino ang nangibabaw/lumabas na mas mataas sa hapunan, sinasadya man nila ito o
hindi?Lumalabas na si Don Crisostomo Ibarra ang nasa taas sa hapunang ito dahil sa kanya
inaalay ni Kapitan Tiago ang pagtitipon na iyon. Makikita rin natin na hinain sa kanya ang mga
lamang-loob ng tinola kung kaya masasabi natin na siya ang binigyang halaga sa piging ito.
Sumusunod sa kanya ang ibang tao na nakakuha ng hita at pitso, habang hinahain kay Padre
Damaso ang karamihan sa gulay, isang leeg at pakpak sa kanyang tinola- ibig sabihin, hindi siya
binigyang halaga sa kainang ito. Atin rin tandaan na ang posisyon ng isang Pransiskanong prayle
ay ang pagpapatron sa mga mahihirap. Sa politika ng hapunang ito, sino-sino ang lumabas na
nasa itaas at sino ang mga nasa ibaba? Ating titignan ang pahayag na cedant arma togae na ang
ibig sabihin ay mas malakas ang kapangyarihan ng simbahan o panrelihiyon kaysa sa
kapangyarihan ng militar. Kung kaya ating mapupuna na mas mataas ang posisyon ng mga
prayle sa panahong iyon (maipaliliwanag kung bakit agad silang pumunta sa bandang kabisera
ng lamesa) kaysa sa mga taong may posisyon sa militar.
Ang Aking mga Palagay
Jele, jele bago quiere. “Aayaw-ayaw ngunit nais.” “Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.” Ito ang
bahagi kung saan ako ay sobrang naaliw habang binabasa ang kabanatang ito. Makikita natin ang
isa pang bahagi ng kalikasan ng tao- sabi ng sabi ngunit hindi ibig. Binalaan tayo sa Bibliya ukol
sa paksang ito. Ito ay kung saan dapat ang “oo” ay “oo” at ang “hindi” ay “hindi”. (Santiago
5:12) Tiyak may mga karanasan tayo na maihahalintulad natin sa nangyaring “pagbibigayan” ni
Padre Damaso at Padre Sibyla. Naalala ko ang kagawian natin mga Pilipino sa pag-alok sa
kasamahan ng huling parte ng isang pagkain o putahe. Kahit gustong-gusto kainin, hihintayin
muna ang katabi kung siya ay aalukan. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses na balikan, tsaka
lang bibigay. Pinatagal muna ang usapan… ganoon rin pala ang kalalabasan. Tanong, sa mga
malala pang kaso, anong kabutihan ang maidudulot ng pagsisinungaling at pagkikimkim?
~.~
Sinisi kay Don Rafael Ibarra ang pagkamatay ng isang kobrador sa isang sagupaan kung saan
nililigtas lamang ni Rafael Ibarra ang bata mula sa kobrador. Sa kanyang kaso, nagsilitawan ang
mga tunay na kalaban ni Don Rafael Ibarra. Patong-patong na mga kaso ang sinampa sa kanya at
kabilang na dito ang pinakamabigat sa lahat sa panahong iyon- ang pagbintangan kang erehe at
filibustero. Kinuwento ni Tenyente Guevarra, isang Espanyol, kung paano niya tinulungan ang
tatay ni Crisostomo Ibarra na mapanalo ang kaso. Ngunit, dahil maraming kalaban at isang
orador lang ang tumulong, sa kulungan ang naging huling destino ni Don Rafael Ibarra. Doon
siya nagkasakit at tuluyang namatay. Pagdating nila sa pintuan ng kuwarto, sinabihan ni
Tenyente Guevarra ang binata na itanong ang ibang detalye kay Kapitan Tiago at siya ay umalis.
Nagtapos ang kabanata sa pag-alis ni Don Crisostomo Ibarra papuntang Fonda de Lala.
Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap uli ang isang kasiyahan. Dumating ang
nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung kaya't sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan,
kababata, mga Kastila at paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay
nakatuon ang paningin sa kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang marangyang
kasuotan at napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si Donya Victorina naman ay
matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa mga magagandang dilag
ay masayang masaya at kadaupang palad niya ang mga dalaga roon. Lihim din ang kanyang
paghanga sa kagandahan ni Maria Clara.
Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi dinalaw
ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.”
Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili siya ng maraming ari-arian, kabilang na dito ang
pagbili ng lupain sa San Diego. Ito ang naging daan upang makilala nila ang kura doon na si
Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra.
Lumaking magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang mga kaibigan.
Ipinasok ng kanyang ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta
Catalina ng ito ay maging katorse anyos. Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang mag-aral ng
pagka-medisina. Si Kapitan Tyago at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa
takdang panahon, bagay na indi naman tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan. ”