You are on page 1of 30

Magandang umaga!

Noli Me Tangere
Kabanata 18 :
Mga kaluluwang nagdurusa
Mga talasalitaan
Indulgencia Plenaria:
Ito ang kabayarang ibinigay ng
mga Katolikong Filipino sa mga
fraile upang ipagdasal sila ng mga
ito at iligtas ang kaluluwa mula sa
impiyerno.
Onsa: tumutukoy sa halaga ng
salapi
Kuro-kuro: hinuha
Nagimbal: nagulat o natakot

Tinuya: inaaasar
Mga tauhan:
Padre Salvi:

Ang kasalukuyang kura ng San


Diego na matamlay ng araw na
iyon.
Sisa:

Ang ina ng batang sakristan na


si Crispin. Siya ay nagtungo sa
kumbento para makausap ang
kura.
Crispin:

Ang bunsong anak ni Sisa na tumakas


matapos makapagnakaw ng
dalawang onsa.
Mga matatanda sa bayan:

Mga matatandang nag-uusap


habang hinihintay ang pari.
Tagapagluto:

Pinagsalitaan niya si Sisa batay


sa paraan ng pagpapalaki niya
sa kaniyang mga anak.
Tagpuan:
Kumbento
Buod ng mga pangyayari
Si Padre Salvi ay matamlay na
nagdaos ng misa ng araw na iyon.
Abala ang mga matatanda sa
bayan tungkol sa nalalapit na
kapistahan habang naghihintay na
makausap ang pari.
Nais nilang malaman kung sino
ang magmimisa,kung si Padre
Damaso ba o si Padre Martin o
ang coordinator?
Napag-usapan ng mga matatanda
ang pagbili ng indulgencia para sa
kaligtasan ng mga namatay na
kaanak na patuloy na nagdurusa sa
purgatoryo.
Ang isang indulgencia ay katumbas
ng mahigit isang
libong taon na kaligtasan mula sa
pagdurusa sa
purgatoryo.
Sa kanilang pagpapalitan ng kuro-
kuro ay hindi nila namalayan na
dumating si Sisa para sa mga prayle.
Nag-ani siya ng mga sariwang gulay
mula sa kanyang mga tanim at pako
na paborito ng kura.
Tumuloy na si Sisa sa kusina ng
kumbento.
Sa huli ay nakausap ni Sisa ang
tagapagluto.
Napag-alaman niya na may sakit ang
pari at hindi nya ito makakausap.
Nagimbal siya sa nalaman na si
Crispin ay tumakas
kasama ng kanyang isa pang anak
pagkatapos nitong
magnakaw ng dalawang onsa.
Alam na ito ng mga guwardiya Sibil
at kasalukuyan itong papunta sa
kanilang bahay upang hulihin ang
kanyang anak.
Tinuya rin siya nito na hindi siya
naturan ng kabutihang asal ng
magkapatid at higit sa lahat ay
nagmana ang mga ito sa kanyang
walang kwentang asawa.
Mga Aral
Hindi sa pamamagitan ng
Indulgencia Plenaria matutubos
ang mga kasalanan natin kundi ang
mga kabutihan na ating ginawa
habang tayo'y nabubuhay pa.
Huwag tayong manghusga sa
ating kapwa dahil hindi natin
lubos na alam ang
katotohanan.
Mga Katanungan
1. Naniniwala ka ba na ang
indulgencia plenaria ay paraan
para mapatawad ang kasalan ng
isang tao? Bakit?
2. Ano ang naging paksa ng pag-
uusap ng mga matatanda habang
hinihintay ang kura?
3. Kung ikaw si Sisa, ano ang iyong
magiging reaksiyon kapag nalaman
mong nagnakaw at ipinapahuli ang
iyong anak? Bakit?
Maraming salamat sa inyong
pakikinig!

You might also like