You are on page 1of 4

Bisperas ng Pista

Kaisipan: Ang kaugalian tungkol sa pagdaraos ng pista ay taglay pa rin


hanggang ngayon

-Ang kaisipang ito ay makikita sa kabanata 26. Ikasampu ng Nobyembre,


Bisperas ng San Diego. Ang mga durungawan ay napapalamutian ng mga
watawat at mga kurtinang iba’t iba ang mga kulay. Ang tugtugan at putukan
ay nanaig sa lahat ng dako. Sa tahanan ng mga nakakaririwasa ay makikita ang
mga mesang puno ng masasarap na putahe, matatamis at iba’t ibang bungang
kahoy. Inihanda rin nila ang hapagkainan nang magara. Tinayuan ang
masayang pook ng San Diego ng mga arkong kawayan na kung tawaging
singkaban.

-Ang kaisipang ito ay maihahalintulad ko sa mga pista na idinaraos dito sa


Pilipinas. Kasi kahit busy na yung mga ibang tao ay nakaugalian pa rin nila na
magdaos at sumali sa pista. Lahat ng tao ay nagsasaya kahit na maliit lamang
ang kanilang handa. Nagtutulungan ang isa’t isa upang idaos ang kapistahan.
Kaya taglay pa rin ng mga Pilipino ang magdaos ng Kapistahan ngayon.

Pagtatakip Silim
Kaisipan: Ang pagbibigay ng limos sa kapwa ay gawaing kinalulugdan ng
Diyos.

-Ang kaisipang ito ay makikita ng nakarating ang mga kababaihan at


kalalakihan sa liwasan ng bayan. Sa isang sulok nito’y isang lalaking nakasalot
ang umawit sa saliw ng kaniyang gitara. Pagkaawit, lumayo ang lalaki at
iniwan ang kanyang bakol. Ang mga babae’y lumapit at naglagay ng isda,
bugas, bungang-kahoy, at iba pang mga pagkain sa bakol. Nabatid ni Maria
Clara kay Inday na isang ketongin ang lalaki at nilalayuan upang hindi
makahawa. Ang taong iyon ay pinarusahan ng maraming palo nang iligtas nito
ang isang batang nahulog sa kanal. Nahabag si Maria Clara sa ketongin.
Hinubad nito ang agnos na kabibigay lamang ng kaniyang ama at inilagay sa
bakol.

-Ang kaisipang ito ay maihahalintulad ko sa mga mayayamang tao na may


maganda ang puso. Tinutulungan nila ang kanilang mga kapwa at hinding hindi
sila nanghusga. Hindi sila nandidiri at handa silang tumulong sa mga taong
nangangailangan nang tulong kahit na walang kapalit. Tsaka wag
mapanghusga dahil lamang sa estado ng tso. Kaya nasisiyahan ang Diyos na
may tumutulog pa rin sa kanilang kapwa kahit walang hinihingi na kapalit.

Sulatan
Kaisipan: Isang tradisyong minana natin sa mga Kastila ang pagdaraos ng pista
upang gunitain ang mahal na patron.

-Ang kaisipang ito ay makikita ng pamahalaan ng mga Pransiskano ang


marangal na pagdaraos ng pista sa bayan ng San Diego. Marami ang dumalo
nito tulad nila Padre Sibyla at bantog na mayayamang kaginoohan ng Cavite.
Naroon din ang mga Espanol na naninirahan sa lalawigan. Kinabukasan naman
ng ika-11 ng umaga ay idinaos na ang prusisyon ng Birhen De La Paz.
Pagkatapos ng prusisyon sinimulan nang awitin ang Misa Kantada at
nagsermon naman si Padre Manuel Martin

-Ang kaisipang ito ay sa kapistahan na mula noon at hanggang ngayon ay


ipinagdiriwang pa rin natin hanggang ngayon. At ito ang isang tradisyon na
minana naming sa mga Kastila. Tsaka may mahal na patron den sa prusisyon
upang maghandog sa kanila. Bukod sa pagsasaya ay nakikita rin natin na
nagkaunawan tayo at higit sa lahat nakita natin ang pagkamadasalin. Kaya
hinding hindi mawawala ang pista sa aming pusong Pilipino.
Kinaumagahan
Kaisipan: Marami pa rin tayong nakaugaliang gawi na taglay pa rin natin
ngayon sa pagdaraos ng kapistahan, tulad ng paglalabas ng magagarang
damit, paghahanda ng masasarap na pagkain at pagdaraos ng prusisyon
alang-alang sa banal na Santo.

- Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang


mga nututulog. Muling narining ang tuong kampana at mga paputok. Ang
mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago
nila. Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa
kalilibot. Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at
ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang
ay si Pari Salvi ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Pari Silyla. Ang
prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging
pangsimbahan.

-Ang reyalidad na gaano man kadami ang pista o pagdiriwang na danasin ng


tao, magtatapos pa rin ang araw niyang namumulat sa kalungkutan. Kanilang
iniisip na naliligayahan sila sa mga ito kahit sa kalooban naman nila ay hindi
talaga. Gayundin, itinatawid ng kabanatang ito ang mensahe na pagiging
magastos ng isa sa panahon ng mga pagdiriwang na ito. Sa halip na
gumasros, mas makabubuting maging praktikal na lamang at magtabi ng
salapi para sa araw-araw na pamumuhay. Nagkakaisa ang mga tao sa kahit
anong pagdaraus.

Kabanata 30: “Sa Simbahan”


Kaisipan: Maraming kilos at gawi ang dapat baguhin ng mga taong
nagsisimba .
-Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa
agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan.
Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya
na magtatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit
na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa
impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy
sa langit.

- Dito ipinakikita ang pagiging relihiyoso ng mga Pilipino. Sa kabila ng hindi


pantay na tingin ng mga padre sa mga Pilipino. Ang pagtitiyaga sa mainit at
siksikan na simbahan subalit pagpapakita ng hindi pagiging disiplinado.
Pagpapakita na mahalaga ang mga Espanyol sa pag dating na huli ng
Alkalde. Ang paniniwala ng mga Pilipino sa kahalagahan at pagpapahalaga
sa relihiyon na itinuro ng mga padre ngunit may katumbas na halaga ang
dapat. Sa kabila ng lahat ng ito ipinakita ng kabanata ang mahalaga naitanim
ng mga Espanyol sa atin ang kahalagahan ng relihiyon. Kahit malupit at
malabis ang diskriminasyon ng mga Espanyol ng panahon na iyon. Ngunit
nanatili ang Paniniwala ng mga Pilipino sa Dios.

You might also like