You are on page 1of 23

INIULAT NI: MART HAROY

KABANATA 14

“SI TASYO,
ANG BALIW O
ANG PILOSOPO
TALASALITAAN
Angkop
nararapat
Dagok
matinding kasawian
Kalapastangan
pagyurak sa dangal
Lintik
kidlat
Magarbo
marangya
Mapanganib
delikado
Matimbang
mabigat
Nakatutulig
nakabibingi
TAUHAN
Ginoong Kapitan

Kausap ni Don
Anastasio
ng siya’y naglalakad
sa
Lansangan ng San
Diego.
TAGPUAN
Sa lansangan ng
San Diego
BUOD
Isang matandang lalaki ang malimit
makitang nagpalibut-libot sa mga
lansangan na waring walang tiyak na
patutunguhan. Siya ay si Don Anastacio,
na lalong kilala na Pilosopo Tasyo. Sa
mga mangmang, siya'y Mang Tasyo o
Baliw.
Anak siya ng mayaman. Siya'y pinag-aral ng
kanyang mga magulang sa Kolehiyo ng San Jose.
Dahil sa katalinuhan, pilit siya ipinatigil sa pag-
aaral ng kanyang ina sa pangambang makalimot
siya sa Diyos. Pinili niya ang mag-asawa kaysa
sundin ang ina na magpari. 'Di pa man natatapos
ang isang taon, nabalo siya at namutla. Upang
mapaglabanan ang mga dagok ng kapalaran at
masasamang hilig ng katawan tulad ng
pagsasabong at katamaran, piniit niyang bumili ng
aklat at magbasa. Napabayaan niya ang kanyang
namana at unti-unting naubos ang kanyang
kayamanan.
Nang hapong iyon ay may nagbabantang sigwa,
matatalim na kidlat ang gumuguhit sa langit.
Nakalimutan na nya ang mahiwagang pagkawala ng
maputing bungo ng kanyang mahal na asawa na
kanyang itinatago sa ilalim ng tuyong damo sa
paanan ng Krus. Nang sandaling yaon ay may iniisip
siyang magaganap dahil sa dilim na gumuguhit sa
langit. Binati siya ng isang taong nakatsaketang
alpaka, may hawak na bastong may borlas at may
kipkip na maraming kandila.
"Tila masaya kayo, Don Anastacio", Pangiting bati ng
tao. "Talaga po, Ginoong Kapitan." "May balak pa yata
kayong maligo!" biro ng Kapitan. "Hindi po
makasasama ang gayon," pabiro ring tumugon ni Mang
Tasyo, "higit doon ang hinihintay ko kapag gumuguhit
ang matatalim na kidlat at kulog na maaring pumatay
ng tao at makasunog ng bahay." Kinahalataan ng lihim
na poot si Mang Tasyo
IMPLIKASYON
PANLIPUNAN

Hindi dahil hindi natin maintindihan ang isang tao ay


hindi na dapat natin sila tatanggapin. Kinukutya natin
ang mga taong malalim mag-isip o inihihiya ang mga
taong intelektwal dahil hindi natin sila maunawaan ng
lubos. Mali ito. Hindi ito dapat nangyayari sa lipunan.
SIMBOLISMO
Sinisimbolo (Don Anastasio) na ang mga
pilipinong may pinag-aralan noong
panahon ng mga kastila na gustong
magkaroon ng pagbabago sa pamamahala
ng Pilipinas
PAGSUSULIT
1. Ano ang kahulugan ng lintik.

2. Ano ang kahukugan ng nakatutuling.

3. Saan ang tagpuan?

4. Ibigay ang implikasyon.


5. Ibigay ang simbolismo.

6. Anak siya ng mayaman.

7. Si Don Anastasio ay kilala sa pangalan na?


8. Bakit ipinatigil sa pag-aaral si Don Anastasio?

9. Saan pinag-aral ng mga magulang si Don


Anastasio?

10. Ano ang pinili ni Don Anastasio ng papiliin


siya ng kanyang ina.

You might also like