You are on page 1of 3

DISCOVERING OF THE DISEASE:

Pabalik-balik ang lakad at labis ang paga-alala ni aling rosana sa slid ng hospital kung saan naka
higa ng kanyang anak habang hinihintay ang doctor na titingin kay Christina.
Christina: ‘Nay, huminahon ho kayo. Pagud lang ho ito, sobrang dami din kasing ginagawa sa
school sabayan pa ng intrams.’ Paliwanag ng kanyang anak.
Aling Rosana: ‘Pero hindi ganito, lagi kang nilalagnat, nahihirapan kang huminga, ung mga
pantal pantal sa balat mo? Pag naliligo ka, ung mga buhok sa banyo? Hindi mo sa aking maaalis
mag-alala’ sagot ni aling rosa.
Maya’t maya ay dumating na ang doctor ni Christina.
Doctor: ‘Magandang umaga ho, misis. Kumusta ang pakiramdam mo Christina?’
Christina: ‘maayos na ho doc, bumaba na po ang lagnat ko.
Aling Rosana: ‘ah doc, kumusta ho may nakita po ba kayo sa kundisyon ng anak ko?’ naga
alalang tanong ni aling rosana.
Doc: ‘misis, tungkol po jaan ay maari ko ba kayong maka-usap ng masinsinan?’ sagot ng doctor.
Naga-alangan man ay sumama parin siya, sabay tingin kay Christina nang palabas ito sa kwarto.
Doctor’s office…
Hindi na makapaghintay si aling rosana at hindi na niya pinaabot na paupuin siya ng doctor.
Aling Rosana: ‘doc, ano ho ba iyon?’ lakas loob na tanong niya, umaasang hindi ito ang
sasabihin ng doctor kung ano ang iniisip niya.
Doctor: ‘misis, may malubhang sakit ang anak niyo. Lumabas sa result na positibo si Christina sa
sakit na Lupos. Based sa mga sign and symptoms na meron sa kanya, pati na rin sa test naming
ginawa sakanya, CBC, urine sample, kidney and liver assessment, nagsagawa na din kami ng
ANA test. Pero lahat nang iyon, isa lang ang sinasabi.’ Paliwanag ng doctor.
Walang anuman ay bumasak ang katawan ni aling rosana sa may upuan. Gumuho ang mundo
nito, sa haba ng paliwanag sa kanya ng doctor, ay tila wala na itong naririnig at kasabay non ay
ang sunod-sunod na agus ng kanyang luha. Nanghihina man ito ay tumayo parin at lumabas sa
opisina, hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa, gulong-gulong ang isip
nito. Dahil sa bigat na bawat hakbang ng kanyang mga paa, sakunod nito ang patak ng luha ng
kanyang mga mata. Di niya lubos maisip na mangyayari ito sa kanyang anak. Madaming tanong,
galit at hinagpis ang nadarama niya dahilan upang dalhin siya ng kanyang mga paa sa munting
chapel ng hospital.
THE ANGER OF ALING ROSANA:
Nang makarating ito sa loob ay hindi na ito nag isip para umupo o lumuhod man lang.
Aling rosana: ‘Saan, saan ako nagkulang? (galit na tanong nito) nakita mo kung pano nawala
ang mga mahal ko sa buhay ng maaga. Kung paano mo sila kinuha sakin, sa lahat ng hirap na
dinanas ko nong nawala sila, yong mga paulit- ulit na nakakabingin’ dasal ko, yong sakit na
naiwan dito (turo sa dibdib.) Noong binigay mo siya sa akin, isinuko ko lahat lahat sayo! Lahat
ng pag-aaruga, pagmamahal binigay ko, ginawa ko ang lahat. Wala akong ibang hinihingi kundi
ang maayos na buhay para sa kanya. (malakas na iyak nito habang isinusumbat ang lahat ng
sakripisyong inalay nito para sa pinakamamahal niyang anak)
Magaling na siya, pinagaling mo diba?! Bakit ngayon, bakit mo naman binawi? Saan ako
nagkulang?!!!! Hindi pa ba sapat ung naranasan ko noon, ung panahong na pagtitiis, hirap, sakit
at pangungulilang pinagdaanan ko?! Bakit yong anak ko, bakit siya? (hagugol nito)
Dise syete lang si Christina, ano’t sa tingin niyo at kakayanin niya ang ganong kalubhang sakit?
Bakit sa lahat ng pagsubok, bakit ang anak ko?!!!
Matinding galit ang mayroon sa puso ni aling rosana, na pilit nitong tinatanong ang Diyos na
animo’y sasagot ito sa kanya.

CHRISTINA’S PRAYER:
Nang makabalik ang kanyang Ina mula sa chapel ay, tinanong nito ang napag usapan nila ng
kanyang doctor. Masakit man, ngunit sinabi sa kanya ng kanyang ina ang kanyang malubhang
kundisyon. Tulad ng kanyang Ina ay nabigla rin ito sa kanyang nalaman. Litong-lito, madami ring
tanong kung saan, paano at bakit. Ngunit hindi gaya ng kanyang Ina, na inunang kwestyonin ang
Diyos at sumbatan sa lahat ng kanyang ginawa, ito ay tinanggap ni Christina. Hindi man nito
maintindihan kung para saan ang pagsubok na ibinigay sa kanya ngunit alam niya sa puso niya
na hindi ito ibibigay sa kanyang kung hindi niya ito kayang lampasan.
Christina: ‘God, I may not know your reason for this to happen but I knew to myself that I am
not alone in this battle. Sa pagharap ko sa bawat araw na pagsubok, tulungan niyo po ako. Sa
bawat sakit na mararamdaman ko, pagalingin niyo po ako. At sa mga pagkakataong
panghihinaan ako ng loob, remind me that you are with me. Heavenly Father, tulungan niyo po
si Nanay. Sa lahat ng nangyayari ngayon ay hirap siyang intindihin ang stiwasyon ko. Marami
siyang tanong, higit siyang nahihirapan dahil hindi niya lubos maunawaan kung bakit. Heal her
heart full of anger and resentment. Nang makabalik siya sa pagtitiwala at pananampalataya sa
inyo. Lahat nang ito dalangin ko sa iyo ama.
ROSANA’S REALIZATION
(eto ung papasok si rosana sa silid ng kanyang anak, at nakita niya si Christina na nakaluhod ito
at nagdarasal)

Aling Rosana: ‘Jusko, patawarin niyo po ako sa lahat ng nagawa ko. Hindi ko parin lubos
maintindihan ang lahat nang ito ngunit mas nauna pang naintindihan ni Christina ang pagsubok
na binigay niyo sa kanya. Binalot ako ng galit, mga tanong na hindi naman dapat, tinalikuran
kita at nakalimutan kong mas makapangyarihan ka higit kanino man. Mas naunang nanaig ang
takot ko sa kadahilanang baka maulit uli ang nakaraan ko, sa takot na mawala ang anak ko.
Nakakahiyang isipin na higit sa lahat,S ang anak ko ang lubos na umuunawa sa akin. Na mas
matibay pa ang pananampalataya niya kaysa sa akin. Panginon, anong nagawa ko para biyayaan
mo ako ng anak na may takot at malakas ang pananampalataya sa iyo? (umiiyak) Patawad
Ama, lubos pa rin akong na nanalangin at nagsusumango’ng gumaling aking aking mahal na
anak. (umiiyak)

You might also like