You are on page 1of 158

COLD HEARTED CUPID

COLD HEARTED CUPID

Dr. Love and Mr. Cupid. Iyon ang bansag kay Dr. Mark Mendoza ng mga kaibigan niya.
Ngunit sa kabila ng mga naging kontribusyon niya sa lovelife ng mga ito, nananatili
pa rin boring ang kanyang buhay pag-ibig.

Cold hearted and Hitler- iyon naman ang tawag sa kanya ni Jianne. Ang nag-iisang
babae na nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat sa kanya ng pag-ibig. He only saw
her as his little brat sister. But not until he saw her flirting with someone
else. Doon siya naalarma. At natagpuan na lang niya ang sarili na binabantayan ang
bawat kilos nito at pinapakialaman ang mga desisyon ng dalaga.

But not as her self-appointed big brother anymore...This time, as her self-
appointed boyfriend.

PROLOGUE

PROLOGUE
"Mark, I want to get more serious with this relationship." Halos hindi kumukurap na
sabi ni Jianne.
"What do you mean?" Kaswal na tanong ng binata habang nililinis ang kanyang sugat.
"I want to be more than just friends," lakas loob na sabi niya.
Doon nag-angat ng mukha si Mark. Magkasalubong ang mga kilay. "Do you want us to be
brother and sister?"
Jianne raised his hands in frustration sabay tayo. "Nevermind."
"Saan ka pupunta?"
"Magpapatiwakal." Hindi lumilingon na sabi ni Jianne na tinungo ang pintuan
palabas.
"Huh? Hindi pa ako tapos gamutin ang sugat mo."
"Ewan ko sayo! Manhid!"

Chapter One: Loner

A/N: Medyo late na ang post ko. Pero sabi nila huli man daw at magaling naihahabol
din. This is the last sequel of magbabarkada. Hope you enjoy and like the whole
story, katulad ng pagsuporta ninyo sa ibang mga boys. Happy new year in advance ;)

Chapter One: Loner

"Doc, malala na ba ang sakit ko?"


Bahagya akong nag-angat ng mukha at pinasadahan ng tingin ang kaharap na pasyante.
I don't think I need to examine her. "Misis-"
"Miss pa po ako, doc."
"Sorry. Anyway, based on your record and test, you are very much healthy.
Congratulation. Wala kayong sakit."
Imbes na matuwa ay tila nadismaya pa ang babae sa nalaman. "Pero bakit marami akong
nararamdaman sa aking katawan. Hindi n'yo ba talaga masasabi sa akin kung ano ang
sakit ko?"
"Misis-"
"Miss pa po ako, doc."
"Miss, this is the third time that I will tell you this, wala kang sakit. Mas
malakas ka pa sa kalabaw at kakayanin mo pang magbuhat kahit mga tatlong katao."
"Pero doc..."
"Okay, let me put it this way. Iniisip mo kasi na mayroon kang sakit kahit wala
naman. Your problem is in here." Itinuro ko ang bahagi ng aking ulo.
"So, ano po ang dapat kong gawin?"
I let out another sigh. "I can refer you to a psychiatrist. He can help you to
understand what's on your mind."
"P-Psychiatrist?" Naroon ang alinlangan sa kanyang mukha.
"Don't worry, mas guwapo siya sa akin." Sa sinabi ko ay biglang nagliwanag ang
mukha niya. "Here, maaari ka ng magpa-schedule ng appointment sa kanya."
Agad niyang inaabot ang binigay kong referral at tumayo. "Thank you po, doc."
"You're welcome."
Nangingiting sinundan ni Valjean ang palabas na pasyente. Siya ang nakatokang
nursing aide ko dahil na rin sa maselan niyang kalagayan. Kung hindi ako
nagkakamali ay nasa tatlong buwan na ang kanyang pinagbubuntis. "Do you think hindi
ka niya babalikan sa susunod na araw? Suki mo na ang babaing iyon."
"I hope Louie can handle like her."
"Don't underestimate your cousin. He knows how to use his charms."
Umangat ang kilay ko. "At ako hindi?"
"Ikaw ang nagsabi n'yan at hindi ako."
"Excuse me po, doc." Sabay kaming lumingon ni Valjean sa doorway. "Bumalik ako
dahil may nakalimutan akong ibigay sa inyo. Merry christmas, doc."
"T-Thanks." Napilitan akong abutin ang isang hindi kalakihang kahon na naka-
giftwrapped ng kulay pink. Nang makaalis ang babae ay basta ko na lamang iyon
binigay kay Valjean.
"This is too much for today. Mahaba pa ang pila sa labas. Siguradong madaragdagan
pa ang mga ito." Ang tinutukoy niya ay ang mga naipong regalo mula sa mga pasyente
ko.
"You can take them home if you like."
"No thanks. Ayoko ng kalat sa bahay. Next patient please."
"Doc, madalas po akong nahihirapang huminga. Palagi na lamang pong naninikip ang
dibdib ko."
"Iwasan mong kumain ng mga fatty foods. Live a healthy life, eat vegetables, do
exercise and..." Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kaharap. "Avoid
wearing tight clothes. Next!"
"Hey yah!"
Kahit hindi ako mag-angat ng mukha ay kilalang-kilala ko ang tinig na iyon.
"Pasensya ka na, wala akong dalang regalo katulad nila. Hindi mo naman kasi
birthday."
"Jianne, busy ako. Bumalik ka na lang sa ibang araw."
"Pagkatapos kong pumila ng isang oras sa labas, ipagtatabuyan mo lang ako!"
Sigurado akong humahaba na ang kanyang nguso.
"Hindi mo ba nakita? Marami akong pasyente. Wala akong oras para makipagkuwentuhan
sayo."
"Kahit naman may oras ka ayaw mo pa rin akong kausapin," may bahid ng pagtatampo sa
kanyang tinig.
"Jianne, please..."
Biglang tumayo ang dalaga. "Kung ayaw mo akong i-accomodate, lilipat na lang ako ng
ibang ospital." Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang humakbang palabas ng
clinic. "Iyon ay kung aabot pa akong buhay. Huwag sana akong maubusan ng dugo."
Napapailing na binalikan ko ang naudlot na gawain. Palagi na lang niyang ginagawa
ang kanyang maibigan. She's a brat!
"Where's Jianne?" Tanong ni Valjean habang bitbit ang isang first aid kit. "You let
her go? Hindi mo ginamot ang sugat niya?"
"What do you mean?" Kumunot ang noo ko.
"Her arm is bleeding. Sa tingin ko ay malalim ang sugat niya."
Damn! Agad kong dinayal ang numero ng guwardiya upang pigilan si Jianne. Ngunit
nakaalis na raw ang dalaga sakay ng kanyang motorsiklo.
Iyon ay kung aabot pa akong buhay. Huwag sana akong maubusan ng dugo.
Dismayadong napaungol ako. She's such a pain in the ass.
"You're being too mean on her. Lumalabis na ang pagiging masungit mo, Dr. Mendoza."
Bago pa ako makapag-react ay nakalabas na si Valjean. Sa lahat ng mga staff ko ay
siya lamang ang bukod tanging nakakapagsalita sa akin ng ganon.

"Ay pusang gala!"


Kahit ako ay nagulat sa pagsulpot ng may-edad na babae.
"Doc, bakit naman kasi kayo nagtitiyaga sa dilim. Akala ko tuloy multo kayo."
"Pasensya na kayo, Manang," tumayo ako at niligpit ang mga gamit sa mesa. May ilang
paperworks lang akong tinapos at kinailangan pirmahan.
"Hindi pa ba kayo uuwi, doc? Magno-noche buena na ay nandito pa kayo sa ospital."
"Kayo hindi pa ba kayo uuwi sa pamilya n'yo?" Balik-tanong ko.
"Itong opisina na lang ninyo ang huling kong lilinisin. Pagkatapos nito ay uuwi na
rin ako."
"Bukas n'yo na linisin itong opisina. Umuwi na kayo. Siguradong naghihintay na ang
inyong pamilya."
"Pero, doc..."
"Sige na po, Manang. Umuwi na kayo."
"Thank you po, doc. Merry christmas po." Nagmamadali niyang niligpit ang mga gamit
sa panlinis.
"Manang!"
"Po!" Nasa pintuan na siya nang muling bumalik.
"Iuwi na po ninyo ang regalong nariyan."
"Lahat po ito?" Nagmimilog ang mga mata na hindi siya makapaniwala.
"Sa inyo na po lahat iyan. Iuwi nyo na lang sa pamilya ninyo."
"Salamat po ulit, doc. Daig n'yo pa si Santa Claus. Merry christmas po ulit." Halos
hindi magkandaugaga si Manang kung paaano bibitbitin ang mga regalo.
Isang oras pa ang lumipas bago ako magdesisyon umuwi. Dalawang oras na lang at
magpapasko na. Ang plano ko ay mag-stay na lang sana sa ospital. Pero bigla kong
naalala si Kitkat. Ito nga pala ang unang pasko niya at hindi ko naman matiis na
hayaan siyang mag-isa sa pad.
Nasa kotse na ako nang makatanggap ng magkakasunod na tawag mula sa mga kaibigan.
Naunang tumawag si Riley, na sinundan naman kaagad ni Jared pero nagpumilit si
Trisha na makausap ako. Si Vince naman ay binati lang ako. Next year na lang daw
ang regalo niya sa akin. Habang si Tyron ay nagbalak pang makipag-telebabad. Ayaw
raw siyang kausapin ni Cyrhel kaya ako na lang daw ang pagtitiyagaan niya.
Nakauwi na ako nang makatanggap naman ng tawag mula kay Louie.
"Dito ka na lang mag-noche buena sa bahay. Samahan mo kaming dalawa ni Rhyme. Ikaw
din, malungkot ang walang kasama."
"Okay lang ako. Besides, this is your first christmas together as husband and wife.
Ayokong makaistorbo."
"Ang KJ mo talaga. Fine! Ikaw ang bahala. Basta kapag nagbago ang isip mo, bukas
ang pintuan ng bahay ko."
Nang mawala ang pinsan sa kabilang linya ay unti-unting naglaho ang ngiti ko sa mga
labi. He's right, malungkot ang walang kasama. But who cares, sanay na ako palaging
nag-iisa tuwing pasko.
Naramdaman kong kumiskis sa mga binti ko si Kitkat. Well at least, hindi ako nag-
iisa ngayong pasko dahil kasama ko nga pala ang alagang pusa. "Nagugutom ka na
naman?" She continues to make a sounds as if asking for more food. "Enough, marami
ka ng nakain."
Nagsalubong ang mga kilay ko nang tumunog ang doorbell. Wala naman akong inaasahang
bisita. Maliban na lang kung naalala akong dalawin ni Papa. Pero alam kong malabong
mangyari iyon. Sa loob ng tatlong taon ay natiis niya akong hindi makita at
makausap. But I'm still hoping. Besides it's christmas and it's free to make a
wish.
"Merry christmas, Mark!" Sa halip ay si Jianne ang bumungad sa doorway.
"Why are you here?" Bago ko pa siya mapigilan ay nakapasok na siya sa loob ng unit
ko.
"Makiki-noche buena sa'yo."
"Wala akong hinandang pagkain." Nag-take out lang ako kanina ng pagkain sa nadaang
resto.
"Good. May mga dala naman ako." Inihain niya sa center table ang mga bitbit niyang
pagkain.
"Hindi ka ba hinahanap ng pamilya mo? Sila ang dapat ang kasama mo ngayon."
"They left me. Nasa Paris sila ngayon," aniya sa malungkot na tinig. "But it's
okay. In the first place ayoko naman talagang sumama sa kanila. Hindi ako mag-
eenjoy doon."
Suddenly, nakita ko ang sarili sa kanya. Her parents always in abroad. At lumaki si
Jianne na halos hindi nakakasama ang kanyang pamilya.
"Come here, Mark. Kumain na tayo." Basta na lamang niya akong hinila paupo sa
carpeted floor. Doon ko lamang napansin ang nakabenta niyang braso.
"Let me see," I took her arm and examined it. "Saan mo pinagamot ang sugat mo?"
Lihim akong nakunsensya sa pagtataboy ko sa kanya sa kanina.
"Doon sa St. Jude Hospital. Do you know, Dr. Cabrera? Siya mismo ang naglinis sa
sugat ko."
"I don't know him. Now tell me, ano na naman bang kalokohan ang pinaggagawa mo at
may natamo ka naman pinsala?"
"I-I slip again," she said pouting her lips. Itinuon ko ang hintuturo sa kanyang
noo.
"Wala nang idulot na mabuti sayo ang motorsiklo mo. Itapon mo na iyan!"
"Itapon kaagad? Hindi ba pwedeng ibenta na lang para naman mapagkakitaan ko."
My eyes narrowed at her. "You're not listening, don't you?"
"Mark, my motorcycle is like a family to me. Para mo na rin akong tinanggalan ng
kapamilya kung ididispatya ko ito."
"Pero lagi ka lang napapahamak. 'Di bale sana kung nag-iingat ka."
"Wala ka talagang patawad. Pasko na nga sinesermunan mo pa rin ako. Nakakasama ka
na ng loob." Padabog na dumampot siya ng isang stick ng barbecue at sunud-sunod ang
ginawang pagsubo. Hindi alintana ang matsang nagkalat sa paligid ng kanyang bibig.
Kumuha ako ng tissue at inaabot iyon sa kanya.
"Punusan mo nga ang bibig mo. Para kang bata!"
Hindi ako pinansin ni Jianne at nagpatuloy siya sa pagkain.
"Ang sabi ko punasan mo ang bibig mo!"
"O, gift ko sayo," aniya sabay abot sa akin ng maliit ng kahon. Sa kabiglaan ay
napatitig lamang ako doon. "Pasensya ka na, iyan lang ang nakayanan ko. Naubos kasi
ang pera ko sa pamimigay ng bonus sa mga tauhan sa talyer. Nakalimutan kong magtira
para sa aking sarili. Ang engot ko talaga. Kunin mo na bago pa magbago ang isip
ko."
"S-salamat," napilitan akong kunin iyon. Pero hindi ko maintindihan kung bakit may
damdamin humaplos sa dibdib ko ng mga oras na iyon. "S-sorry, wala akong
maibibigay sayo."
"Okay lang. Sanay na ako. Lagi ka na naman walang regalo para sa akin." Basta na
lamang tumayo si Jianne at inaayos ang suot na pantalon.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na. Nakakahiya naman sayo dahil naiistorbo na kita!" Padabog niyang sagot.
Halos sumayad ang nguso niya sa carpeted floor. Nagtatampo na siya ng lagay na
iyan.
"Dito ka na lang matulog."
Hindi siya umimik habang isinusuot ang kanyang rubber shoes.
"Ang sabi ko dito ka na lang matulog." Sa isang iglap ay nasa tabi ko na ulit ang
dalaga.
"Ayoko sanang magpalipas dito ng gabi pero pinilit mo ako. May bago ka bang DVD
d'yan? Mag-movie marathon na lang tayo."
Kung ngingiti ako o matatawa ay hindi ko matiyak. She never failed to amused me.
Ang babaw talaga ng kaligayahan ng babaeng ito.
Wala pa sa kalagitnaan ang pinapanood namin ay naghihilik na si Jianne. Ang yabang
pa niya kanina sa pagsasabing makakatlong pelikula pa siya. Iyon pala ay siya ang
unang makakatulog. Maingat ko siyang binuhat at dinala sa guestroom kung saan ay
mas magiging komportable ang dalaga. Malamang paggising niya kinabukasan ay
nakapasok na ako sa trabaho. Kahit pasko ay pinili ko pa rin magduty sa ospital.
"Ji, thank you for being with me tonight. You made my christmas meaningful this
time," I whispered softy as I held the bedsheet to cover her body.

Chapter Two: New Year

Belated happy new year! Pagpasensyahan nyo na ako guys kung bakit late na naman ang
episode na ito. Susubukan ko na lang bumawi sa susunod. World peace ^____^ Y

Chapter Two: New Year

JIANNE
"Bossing, nandyan 'yung mga amazona!"
Napalabas tuloy ako mula sa ilalim ng kotse at dismayadong napaungol. Kung kailan
maraming kostumer sa talyer saka naman sila dumating.
"Kumpleto?"
Tumango si Bogard. "Kumpleto silang tatlo. Ano na ang gagawin natin, bossing?"
"Sabihin mo patatawarin. Tapos na ang pasko at sa susunod na taon na lang ulit sila
manghingi ng aginaldo."
Napakamot ng ulo si Bogard. "Bossing naman! Wala ba kayong medyo maganda na pwedeng
idahilan?"
"Sabihin mo na lang, wala ako." At muli akong nag-slide sa ilalim ng sasakyan upang
balikan ang kinukumpuni. Kailan kong matapos iyon bago mananghalian.
"Pero bossing..."
"Bogard, nasaan ang amo mo?" Hindi ko na kailangan hulaan, boses iyon ni Sonnie. At
kahit hindi siya magsalita ay makikilala ko pa rin siya dahil pamilyar na pamilyar
sa akin ang paborito niyang black leather boots.
"A-ano po k-kasi..."
"Magsasalita ka ba o ibibitin ka namin ng patiwarik?" Boses naman iyon ni Gabby.
Nang bigla na lamang may humatak sa mga paa ko palabas. Ang pamilyar na pokerface
ni Cassandra ang tumambad sa akin. Matagal-tagal ko rin siya hindi nakita.
"Pinagtataguan mo ba kami, Jianne?" Nakameywang na tanong ni Sonnie habang
nakatunghay sa akin.
Hindi pa ba obyus? Kung ilang beses kong sinubukan na iwasan at pagtaguan ang mga
kaibigan subalit palagi na lamang akong nasusukol. Pati holiday ay wala silang
patawad. Ano na naman kaya klaseng distraksyon ang hatid nila?
Tinulungan ako ni Cass na makabangon. "Bumalik na lang kayo sa ibang araw. Walang
mag-aaccommodate sa inyo dahil busy lahat ng mga tauhan ko. Bukod doon, half-day
lang ngayon ang talyer," mahabang lintanya ko sa pormal na tinig. Gusto kong
ipakita sa kanila na seryoso talaga ako at ayokong magpaistorbo.
"Ouchy! Why are you so cold to us? Pag-eemote ni Gabby. "We all came here to greet
you a happy new year."
Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. "Sana tinext nyo na lang ako. Nakatipid pa
sana kayo ng gasolina ng mga motorsiklo ninyo."
"Sungit mo ngayon!"
"Heartbroken ka?"
"Don't tell me, binasted ka na ni Doctor Mendoza?"
"My god, Jianne! Candidate ka na sa pagiging old maid."
Tila may kung anong pumitik sa sentido ng mga oras na iyon. Sabi ko na ba at walang
naidudulot na maganda ang pagsulpot nila sa talyer.
"Kung wala rin naman kayong importanteng sasabihin, mas mabuti pang umalis na kayo.
Tsupi! Malas sa negosyo ang mga tambay." Napaatras sina Sonnie at Gabby nang ilapit
ko sa kanila ang mga kamay na puno ng grasa. Hindi talaga ako magdadalawang-isip na
ipahid iyon sa puting-puti nilang mga t-shirt kung hindi sila aalis.
"May drag racing mamaya."
Lahat kami ay napalingon sa kinaroroonan ni Cassandra. We knew her as the girl of a
few word. Nagsasalita lamang siya kung kailan niya gusto.
"Drag racing?" Now, they have my attention. Pakiwari ko tuloy ay bad influence sila
sa akin.
"Want to join?" Yaya ni Gabby. "Actually, nagpa-register na kaming tatlo."
"I can't. May importante akong lakad mamaya." Nakapangako ako kay Trisha na doon
ako magbabagong taon sa kanila. As usual, ulilang lubos na naman ang peg ko dahil
nasa New York ngayon sina Mommy at Daddy kasama si Ate Lara.
"Pero gusto mong sumali?"
"Hindi nga sabi ako pupuwede!" Tinalikuran ko ang mga kaibigan at kumuha ng mga
gagamitin sa toolbox. Ayokong magpadala sa panunulsol nila.
"One hundred thousand ang grand prize," wika ni Sonnie. Namilog ang mga mata ko sa
narinig.
"In cold cash!" Sabi naman ni Gabby. Sunud-sunod ang ginawa kong paglunok. Iyon na
ang pinakamalaking premyo na mapapanalunan ko kung sakali.
"Sasali na iyan! Sasali na iyan!" Parang mga sira na pagtsi-cheer ng dalawa. Habang
walang kibo na nakamasid sa akin si Cass, amusement was written in her eyes.
"Sorry guys. But I really can't." Desidido akong mag-stick sa original kong plano
para mamaya.
"No, hindi pupuwede!"
"Kailangan mong sumali, Jianne!"
"Kayo na rin ang nagsabi na kasali kayong tatlo at sigurado naman ako na isa sa
inyo ang mananalo. Promise, no hard feeling sa part ko."
"May aaminin sayo si Gabby," pagbo-voice out ni Cass sabay turo sa katabi.
"Bakit ako?" Pagkatapos ay binalingan naman ng dalaga ang katabi. "Sonnie, ikaw na
lang kaya ang magsabi. Besides, this is all your idea."
"Ikaw kaya ang nag-register ng pangalan ni Jianne."
"Ginawa ko iyon dahil inutusan mo ako na magfill-up ng application para sa kanya."
"So, ibig sabihin kasali rin ako sa competition?" Iyon ang malinaw na
pagkakaintindi ko sa mga sinabi nila.
"May isa ka pang kailangan malaman," tinig ulit ni Cass.
Sonnie was looking down on the floor. Gabby was looking somewhere else. Kahit isa
sa kanila ay walang gustong magsalita.
"Girls?"
"Naalala ko, may bibilhin pa pala ako."
"Ako rin. Dadaan pa pala ako sa supermarket." Nakipag-unahan si Gabby kay Sonnie.
Bago ko pa sila mapigilan ay nakalayo na silang dalawa.
"Care to tell me?" Baling ko kay Cass. Ngunit asa pa ako na may mapapala sa kanya.
Tinalikuran niya lang ako at sinundan ang mga kaibigan.
"Goodluck sa race mo mamaya. We're all here to support you," walang likod-lingon
niyang sabi.
"Wait! Don't tell me..." Saka lamang nag-register sa isipan ko ang ibig niyang
sabihin. It was outrageous! Sunud-sunod ang murang lumabas sa bibig ko.

MARK
"Happy new year, Kuya Mark!" Parang bata na sinunggaban ako ni Trisha at mahigpit
na ikinulong sa kanyang mga bisig. Nag-iisa ako sa pool side nang bigla na lamang
siyang sumulpot.
"It's been a long time since you call me kuya," I said smiling and pulled back just
enough to look at her face. She looks happy and contented. Her motherhood became
her, kahit three months pa lamang ang nakakaraan nang manganak siya sa panganay
nila ni Jared.
"Ngayon pa lang pina-practice ko nang tawagin kitang kuya. Sooner or later,
magiging magkamag-anak din tayo."
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko.
"Alam mo na, you and my cousin. Matagal na rin siyang nanliligaw sa'yo. Don't you
think it's the right time para sagutin mo siya?"
"Trish, kailan ka pa naging playing cupid?"
"Ngayon lang at ako mismo ang nag-volunteer. Wala kasi akong tiwala sa mga kaibigan
mo. Lalo na sa asawa ko."
Wala sa loob na napalingon ako sa mga kaibigan na nasa loob ng kabahayan, kasama
ang kanilang mga asawa't nobya. Sa unang pagkakataon ay nagsama-sama kaming lahat
upang salubungin ang bagong taon.
"Mark, gusto ko rin maging masaya ka, katulad ng mga kaibigan mo."
Sinikap kong ngumiti. "You mean, happy in love?"
"Ikaw na lamang ang walang lovelife sa kanilang lima." Umangat ang kamay niya at
pinisil ang ilong ko sa aking pagkamangha. "Naunahan ka na rin ng pinsan mo, ganun
din ng mga ka-batchmates mo at ayokong tumanda kang binata. Sayang ang kaguwapuhan
mo, Dr. Mendoza."
"Trish, masaya na ako kung anong mayroon ako ngayon. Alam mo naman di ba, ayokong
ipilit sa sarili ko ang bagay na iyan."
"But I want to see the glow in your eyes again. I want to see the Mark that I used
to know."
I let out another sigh. "Trish..."
"Sayo na mismo nanggaling noon, we have to let go of our bad memories. Ikaw ang
nagturo sa akin kung paano makawala sa nakaraan ko. If not for you, I wouldn't be
the person I'am today and I couldn't be happier. And I want you to do the same.
Kung nagawa ko, siguradong magagawa mo rin."
"I-I tried." Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko.
"But you never try harder. Ayaw mong mag-effort. Kailangan mo pa yatang i-push ng
bonggang-bongga para-"
"Thank you, Trish!" I held her close in my arms again and kissed the top of her
head. "Thank you for taking care of me and for being always there. I'm still lucky
for having you both, kayong dalawa ni Jianne. You're like a family to me. Like my
own siblings."
"Like your little sisters?" She said pouting her lips."Hanggang kailan ka ba
magiging self-appointed big brother sa amin ni Jianne? Come on, Mark, hindi na kami
mga bata."
"Right, hindi na kayo mga bata pero mga isip-bata naman. Mas matured pa yatang mag-
isip sa inyo ang thirteen years old na paslit."
Napanguso si Trisha. "Mabuti na lang, I finally get over my feeling for you a long
time ago. Luckily, I have my Jared. Malas lang ni Insan. Mukhang mabo-brokenheart
siya sayo."
"Hey yah!" Bigla na lamang sumulpot si Jared sa tabi ko at inakbayan ako. "So,
where is your date?"
"Date?"
"Wala kang kasama na chikababe?" Tila nagulat pa ang kaibigan sa nalaman. "Naman,
Mark! Ikaw lang ang walang partner ngayon gabi."
"And so?"
"Balak mo ba talagang magpakatandang binata? O baka naman totoo ang kumakalat na
tsismis sayo sa ospital?"
"Anong tsismis?" Pag-uusisa ni Trisha. Ngumisi si Jared at tinignan ang asawa.
"May lover daw siya!" Aniya na sinadyang hinaan ang boses.
"May girlfriend ka na, Mark?"
"Wrong, Pate. May boyfriend daw siya."
Napasinghap ng malakas si Trisha kasabay ng panlalaki ng mga mata. "No way!"
"At nandito mismo ang humored boyfriend niya. Gusto mo ng clue? Kaka-engaged lang
niya."
"S-si Tyron?"
"Present!" Sigaw ng binata mula sa aming likuran kasama ang kanyang nobya. "Bakit
narinig ko ang pangalan ko?"
"Pinag-uusapan lang namin kung kailan matatauhan itong si Cyrhel," wika ni Jared na
sinamahan ng nakakalokong ngisi. "Pagsuotin mo ng helmet at baka mauntog, iyong
fiberglass para makasiguro ka."
Bigla na lamang sinunggaban ni Tyron si Jared at sabay silang nahulog sa pool.
Pareho nilang sasalubungin ang bagong taon na bagong paligo.
"Hello, Louie? Hello?" Ito na ang pangatlong beses na tumawag siya sa akin ngunit
palagi na lamang napuputol ang linya. Naghanap ako ng magandang signal reception
hanggang mapadpad ako sa likurang bahagi ng bahay. Tatawagan ko na sana ang pinsan
nang makarinig ako ng mga kaluskos na nanggagaling sa itaas ng isang puno.
Pagtingala ko ay may isang nilalang ang nagpupumilit na makababa.
"Hanggang ngayon ba naman ay d'yan ka pa rin dumaraan?"
Sa gulat niya ay dumausdos ang kanyang paa at tuluyan siyang nahulog. Mabuti na
lamang at maagap ko siyang nasalo bago pa siya bumagsak sa lupa.
"Mark!" Namimilog ang mga mata ni Jianne habang nakatitig sa mukha ko.
"Ang tigas talaga ng ulo mo! Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan. Paano na
lang kung hindi kita nasalo?"
"Hindi naman ako makakabitiw kung hindi mo ako ginulat," katwiran niya. "Ano nga
pala ang ginagawa mo rito?"
"Ikaw ang dapat kong tanungin kung bakit umakyat ka na naman ng pader at
naglambitin sa mga puno, gayon napakalaki naman ng gate sa harapan."
"Ang noo, kumukunot na naman. Magkaka-wrinkles ka n'yan." Itinuon niya ang
hinlalaki sa aking noo. Subalit hindi man lang ako natinag sa pagbibiro ng dalaga.
"Fine! Hitler, este Mark, look at me? Nakakahiya na makita ako ng mga bisita sa
ganitong itsura ko," aniya at niyuko ang sarili. Hindi ko na siya kailangang
tanungin kung bakit puro grasa na naman siya. Awtomatikong umangat ang kamay ko
para sana alisin ang bahid ng dumi sa kanyang pisngi nang biglang sumulpot si
Trisha sa aming likuran.
"Jianne, bakit ngayon ka lang?"
"Sorry na-late ako. May tinapos pa kasi ako sa talyer."
"Okay lang. May kalahating oras pa naman bago sumapit ang alas-dose. Halika na sa
loob nang makaligo ka na. Mark, hihiramin ko muna ang ka-date mo," nakangiting wika
ni Trisha at nagmamadaling hinila ang pinsan papasok ng kabahayan. Walang kibo na
sinundan ko lamang sila ng tingin nang muling tumunog ang cellphone ko.
"Sino ang hinahanap mo?" Tanong sa akin ni Riley. Mabilis akong umiling.
"Nothing."
Nagdududa na tinitigan ako ng kaibigan. "Don't worry, nandyan lang siya tabi-tabi.
Hindi naman siguro siya maliligaw," aniya at tinapik ako sa balikat. Kunot-noo na
sinundan ko siya ng tingin nang lapitan niya ang asawang si Muriel. Kasama nila ang
kanilang dalawang anak.
"Si Jianne?" Tanong sa akin ni Trisha nang makasalubong ako.
"Hindi ba kasama mo?" Balik-tanong ko.
"I saw her in the pool side," sabat ni Tyron. "May kausap siya sa cellphone.
Boyfriend yata niya. Seems like they were arguing."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Trisha.
"Siya pala si Jianne. Cute siya," wika ni Cyrhel sa nobyo.
"Cy, mas cute ka sa kanya. Pisngi mo pa lang, monay na monay na!"
"Tse!"
Katulad ng sinabi ni Tyron, nakita ko si Jianne sa pool side at may kausap sa
cellphone. Dahil nakatalikod siya, hindi niya namalayan ang paglapit ko.
"Huwag n'yo akong obligahin, besides this is all your idea-" bigla siyang lumingon
sa akin at nagulat pa nang makita ako. Agad niyang pinatay ang cellphone.
"Sino ang kausap mo?" Tanong ko habang hinahagod ng tingin ang kabuuan niya. Ngayon
ko lamang napansin ang suot niyang bestida.
"I know I'm beautiful. You don't have to compliment me," she said smiling.
"Bakit ganyan ang suot mo?" Magkasalubong ang mga kilay ko na hindi inaalis ang
tingin sa kanya. Siguro nanibago lang ako dahil madalang ko lamang siyang makita na
nakadamit pambabae. She's right, she's beautiful in her red polka dress.
"Why?" Agad na niyuko ni Jianne ang sarili at sumimangot. "Hindi ba bagay? Sabi ko
na nga ba. Ang kulit kasi ni Trisha, sabi niya bagay raw sa akin."
"Saan ka pupunta?" Pinigilan ko siya sa braso. Parang gusto kong matawa sa reaksyon
ng kanyang mukha.
"Magpapalit ako ng damit."
"Don't bother."
"Pero sabi mo hindi bagay sa akin."
"Wala akong sinabi na hindi bagay sa'yo. Kamusta na nga pala ang sugat mo?" Pag-
iiba ko ng usapan at binalingan ang braso niyang may plaster.
"Medyo magaling na. Actually pinababalik ako ni Dr. Cabrera bukas para raw linisin
ang sugat ko."
"Puntahan mo ako sa ospital bukas. Ako na lang maglilinis ng sugat mo."
Nagtataka na nilingon ako ni Jianne. "Sigurado ka? Baka naman busy ka ulit at
marami kang pasyente."
"Basta pumunta sa akin bukas at huwag ka ng babalik sa doktor na iyon. Wala akong
tiwala sa kanya."
"Mukha naman mabait si Dr. Cabrera."
"Basta makinig ka sa akin!"
Naagaw ang atensyon namin dalawa ni Jianne nang makarinig ng sunud-sunod na
pagputok.
"Happy new year!" Sigaw nila Jared at Vince habang pinapaputok ang mga fountain sa
kalsada. Ang iba naman ay may kanya-kanyang hawak na mga lusis at torotot.
"Happy new year, Mark!" Kumapit sa braso ko si Jianne at hinubad ang suot na heels
at saka nagtatatalon.
"What are you doing?"
"Baka sakaling tumangkad pa ako."
"Wala ka ng pag-asa."
Napanguso siya. "Yabang! Porke matangkad ka lang. Makikita mo, tatangkad din ako."
"Happy new year, Ji." Subalit hindi na niya ako narinig dahil patuloy ang malakas
na ingay ng mga paputok.
"I need to go. Kailangan ako sa ospital," paaalam ko sa mga kaibigan. Pagkahinto ng
putukan ay nakatanggap ako ng emergency call mula sa ospital. Hindi ko na nagawang
makapagpaalam kay Jianne, nang madaanan ko siya ay mayroon na naman siyang kausap
sa cellphone.
"Ingat sa pagda-drive, pre!" Paalala sa akin ni Jared nang makasakay ako ng kotse.
Palabas na ako ng gate nang bigla na lamang may humarurot na motorsiklo sa kalsada.
At nasisiguro ako na si Jianne iyon. Kunot-noo na tinanaw ko na lamang siya ng
tingin habang papalayo.

Chapter Three: Mood Swing

Chapter Three: Mood Swing

MARK
Nahahapo na binagsak ko ang katawan sa swiver chair. It's already past eight in the
morning. Magmula kagabi ay wala pa akong tulog dahil sa mga dumagsang pasyente na
biktima ng paputok. Wala pang dalawang minuto na naipipikit ko ang mga mata nang
bigla kong maalala si Jianne. Kinuha ko ang cellphone at muli siyang tinawagan.
Subalit bigo ulit ako makausap siya magmula pa kagabi.
Nang makita ko ang humaharurot niyang motorsiklo, ang unang pumasok sa isipan ko ay
sundan siya. Actually, I already did. Ngunit mas nananaig ang tawag ng aking
tungkulin dahil mas maraming nangangailangan ng tulong ko sa ospital. Gayunpaman,
hindi pa rin ako mapalagay at patuloy na nag-aalala para sa dalaga.
Tsk! Hanggang kailan ba siya magiging sakit ng aking ulo?
Sinubukan kong tumawag sa bahay nila ni Jianne. Eksakto naman na si Manang ang
nakasagot ng telepono, siya ang matandang katiwala ng mga Branzuela. Subalit ayon
sa kanya, hindi raw roon umuwi ang dalaga.
"Iho, subukan mo sa talyer. Siguradong doon na naman siya naglagi."
Iyon din ang naisip ko noong una. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad kong
dinampot ang susi ng kotse.

JIANNE
Naalimpungatan ako sa magkakasunod na ingay sa labas. Hindi ako sigurado noong una,
ngunit habang tumatagal ay tila mayroong kumakalampag sa yerong roll-up ng talyer.
Sa nanlalabong paningin ay sinulyapan ko ang digital clock na nakasabit sa
dingding. Halos tatlong oras pa lang ako nakakatulog.
Napilitan akong bumangon at lumabas ng opisina. Kung sinuman ang istorbong ito,
malalagot talaga siya sa akin. Halos hindi ko maidilat ang mga mata na itinaas ang
roll-up ng talyer. "Wala ka naman patawad, hindi mo ba nakita na sarado kami?"
"Balak ko na sanang gibain itong roll-up kung hindi ka pa magigising!"
"Mark!" Hindi lang ako nagulat sa pagsulpot niya, kundi gulat na gulat. Hindi pa
ako nakakabawi sa pagkabigla nang magtuluy-tuloy siyang pumasok sa loob ng talyer
hanggang sa opisina kung saan ako natutulog. Natataranta na napasunod ako kanya.
"Saan ka nanggaling kagabi? Bakit hindi ka umuwi sa inyo? Bakit hindi mo sinasagot
ang tawag ko?"
Itinaas ko ang dalawang kamay. "Isa-isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban."
Napaatras ako nang humakbang palapit sa akin si Mark. He leaned his face close to
mine. Agad na tinakpan ko ng kamay ang bibig. "Mark, ano ba? Hindi pa ako
nagmumumog."
"Uminom ka kagabi. Amoy alak pa ang bibig mo," aniya sa seryosong tinig. Napakurap
ako. Mga sampung beses siguro bago ko ma-realized ang ibig niyang sabihin. Buong
akala ko ay hahalikan ako ng binata. Nananaginip pa yata ako.
"Magsasalita ka ba o magtititigan lang tayo buong araw?" He poked me in the
forehead. Hindi ko maintindihan kung bakit pagdating sa amin ni Trisha ay mabigat
ang kanyang kamay.
"Sa dami ng tanong mo wala akong maalala kahit isa." Muling umangat ang kamay ni
Mark ngunit agad akong nakaiwas. "Fine. Aaminin na ako." Teka, paano ko ba
sisimulan?
Naagaw ang atensyon namin ni Mark nang tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Hindi
ko naman malaman kung saan ko iyon hahanapin.
"Sa ilalim ng couch," turo ng binata. Agad akong yumuko at doon ko nga nakita ang
hinahanap.
"Napagtawag ka, Bogard?" Sinundan ko ng tingin si Mark na pabagsak na umupo sa
mahabang couch at ini-relax ang ulo sa sandalan. Mukhang may balak pa siyang
magtagal.
"Galing ka pa ba ng ospital?" Tanong ko sa binata pagkatapos kong makipag-usap kay
Bogard. Tumango lamang si Mark habang nakapikit. "Bakit hindi ka na lang umuwi sa
pad mo nang makapagpahinga ka?"
"May kape ka ba d'yan?" Sa halip ay tanong niya. May addiction nga pala si Mark sa
caffeine.
"Wala akong stock ng kape dito."
"Then, ibili mo na lang ako sa labas."
Utusan ba ako? "Ipagtitimpla na lang kita." Tinungo ko agad ang pantry bago pa siya
makapagprotesta. Naalala ko na mayroon akong naitago na three in one sa cupboard.
Sana lang ay hindi pa iyon expired. Subalit pagbalik ko ay na nakahilata na si Mark
sa couch. His one arm rest over his forehead.
"Mark?" Hindi siya nagresponse. Tinulugan na nga niya ako, inagawan pa ako ng
higaan. Saan na ako matutulog?
Pinagkasya ko na lamang ang sarili sa maliit na couch. Nang hindi makuntento ay
hinila ko ang maliit na center table upang maging patungan ng mga paa. At kahit
hindi komportable ay hinila pa rin ako ng sobrang antok.
Nagising ako nang mahulog sa couch. Hindi iyon ang unang beses. Aminado naman ako
na malikot akong matulog. Ngunit agad kong napansin ang blanket na nakakumot sa
akin. Nang matulog ako kanina ay wala naman iyon. Paglingon ko kay Mark ay
namamaluktot siya habang nahihimbing pa rin. Gusto ko pa sana ulit matulog nang
makaramdam ako ng gutom.
"Magandang gising!" Masiglang bati ko nang maabutan ko si Mark na kagigising
lamang. Ngunit mukhang hindi maganda ang mood ng binata. Namamaga pa ang kanyang
mga mata na animoy may blackeye.
"What are you staring at?"
"Nothing, hitler," I said half under my breath.
"What did you just call me?"
"Get over yourself, Mark. The least you can do is learn how to say hello like a
normal person."
"Fine, hello. Now get out of my way. I'm starving." Mark made halfway to the
pantry. Akala siguro niya ay naroroon siya sa kanyang pad.
"Nakapagluto na ako ng breakfast."
Sinipat niya ang suot na relo. "Breakfast at two o'clock?"
"Parang ganon na rin iyon dahil pareho lang tayong bagong gising."
Wala siyang kibo nang ihain ko sa harapan niya ang specialty ko. Hanggang sa
magsimula kaming kumain ay nanatili siyang tahimik.
"Masarap, 'di ba?"
"Anong masarap sa pritong itlog at sinangag?"
"Mas masarap ang mga iyan kasi nilagyan ko ng magic sarap."
"Maalat," komento niya pero patuloy pa rin siya sa pagkain. Nagulat si Mark nang
may kumalabit sa binti niya. "What the- Kaninong mga pusa ito?"
"They are mine. Dito sila nakatira sa talyer."
"Lahat sila?"
Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango. "They are Kitkat's family. This is Mimi her
mother and that is her father, Patrick."
"Patrick?"
"Napulot ko kasi siya doon sa tapat ng bakery ni Mang Patrick kaya iyon na rin ang
binigay kong pangalan sa kanya. Ito naman ang mga kapatid ni Kitkat, si Jovit,
Chiki at Orange. Sina Coco at One piece naman ay mga pinsan niya." Namamangha na
sinundan ng tingin ni Mark ang bawat pusang ituro ko.
"How did you recognize them? Halos magkakapareho lang naman ang mga kulay nila."
"Sa suot nilang collar. Bawat isa sa kanila ay magkakaiba ng kulay. Si Jovit itong
naka-blue na collar."
Tumango-tango si Mark. "Mukhang nagugutom na rin sila. Aray! Nangangalmot na itong
isa."
"Jovit!" Saway ko at binitbit ang pusa sa batok palabas ng opisina. "Come over
here, guys. Dito ko kayo pakakain. Huwag magulo, lahat kayo ay makakakain." Para
lang akong nagsasaway ng mga bata. Isang malaki at mahabang plastic container ang
inilapag ko sa sahig. At ilang sandali pa ay nagrarambulan na silang lahat.
"Pinakain mo sa kanila ang isang buong relyenong bangus?" Nakasunod pala sa likuran
ko si Mark.
"Kawawa naman, hindi sila nakapag-media noche kagabi kaya ngayon ako babawi sa
kanila."
"Sa akin hindi ka naawa? Pinagtiyaga mo ako sa specialty mong itlog at kanin-
lamig."
"Susme! Balak mo pang makihati? Hayaan mo na iyon sa mga pusa. Nakakain ka naman
kahapon ng masarap. Besides, natira lang naman iyon kagabi sa handa ni Trisha."
Hindi na ulit nagsalita si Mark ngunit hindi naman maipinta ang kanyang mukha.
Napakamoody talaga ng lalaking ito, lalo na kapag bagong gising.
"Ako na ang maghuhugas," pagpiprisinta ni Mark. Hinayaan ko na lang siya at inabala
ko naman ang sarili sa paglilinis ng kalat ng mga alaga. Paglabas niya ng pantry ay
karga na niya si Jovit. Nakakapagtaka na nakuha niya agad ang loob ng pinakamailap
kong pusa.
"Katulad mo rin ang mga pusa mo, marurungis," amused niyang sabi habang hinihimas
sa ulo si Jovit. Mukhang good mood na ulit ang binata. Kaloka, daig pa niya ang
babae sa kakaiba niyang mood swing.
"Hindi pa ba obyus na sa talyer kami nakatira?" Pagala-gala lang naman ang mga
alagang pusa sa shop at kung saan-saan naglulusot. Hindi na nakakapagtaka kung
bakit ang ilan sa kanila ay mga bahid ng grasa sa katawan.
"Wala ka bang balak umuwi sa inyo?"
"Meron."
"At kailan naman iyon? Huwag mong sabihin nagbabalak ka pang magbukas ng talyer
ngayon?"
Na-freezed ako sa pagkuha ng toolbox. Iyon sana ang plano ko dahil mayroon pa akong
naiwan na trabaho kahapon. Ngunit siguradong sesermunan lang ako ni Mark kung
gagawin ko iyon.
"Off namin lahat ngayon," sabi ko at pasimpleng inilapag ang kinuhang kagamitan.
Saka ko na lang siguro babalikan ang kinukumpuning sasakyan.
"Come here," utos niya. Paglingon ko ay nakapuwesto si Mark sa mesa ko at nasa
harapan niya ang first aid kit. "Lilinisin ko ang sugat mo."
"Ngayon nga pala ang ako schedule ko kay Dr. Cabrera." Wala sa loob na sabi ko.
"Huwag ka nang babalik doon."
"At bakit naman?" Halos umangat ang puwet ko sa kinauupuan nang bigla na lamang
niyang buhusan ng alcohol ang sugat.
"Anak ng! Dahan-dahan naman Mark."
"Sa disgrasya hindi ka natatakot. Pero sa alcohol ay naduduwag ka." Tila nanadya na
diniin pa niya ang hawak na bulak sa sugat ko.
"Ang hapdi kaya! This is the last time na magpapagamot ako sa'yo." Hindi niya ako
binitiwan nang tangkain kong bawiin sa kanya ang aking braso. And to my surprised,
masuyo niyang hinipan ang sugat ko. Hindi ako nakaimik. Dahil ang totoo ay
kinikilig ako.
"Uuwi ka na? Pasabay na ako." Agad na kinuha ko ang nakasampay na jacket at
nagmamadaling sinundan si Mark palabas.
"Hindi mo dadalhin ang motorsiklo mo?"
"Na-flat ang gulong. Tinatamad pa akong ayusin." Ang totoo ay napudpod ang mga
gulong ng motorsiklo dahil sa road race kagabi.
"Mag-taxi ka na lang pag-uwi," walang likod-lingon na sabi niya. Ngunit bigla naman
niyang inihagis sa ere ang susi ng kanyang kotse, na agad ko naman nasalo. "Ikaw
ang mag-drive."
"Minsan na nga lang ako makikiangkas sayo ginawa mo pa akong driver."
At sa kasagsagan ng biyahe ay tinulugan lamang ako ng binatang doktor.

"Manang!"
"Anak ng tipaklong!" Halos magliparan sa ere ang mga hinihiwa niyang sibuyas sa
bigla kong pagsulpot. Hindi niya namalayan ang pagdating ko. "Ikaw na bata ka,
ginulat mo na naman ako."
Napabungisngis ako sa ginawang kalokohan. Imbes na sa harapan ng bahay ay sa
backdoor ako dumaan kung nasaan ang kusina. Iyon na ang nakasanayan ko sa tuwing
dumarating.
"May dumating po bang bisita?" Napansin ko agad ang mga pagkaing nakahilera sa
mesa.
"Dumating ang Mama at Papa mo."
Hindi na ako nagulat sa narinig. Bigla na lamang silang sumusulpot sa bahay kung
kailan nila gugustuhin.
"Kasama po ba si Ate Lara?"
Bago pa makasagot si Manang ay bigla na lamang sumulpot ang kapatid sa may pintuan.

"There you are! Kanina ka pa namin hinihintay nila Mama at Papa." Pinigilan ko ang
pag-ikot ng mga mata nang makita ang kanyang classic outfit. Para lang siyang may
pupuntahan na acquintance party. Magmumukha akong pulubi kung itatabi sa kanya.
"Akala ko ba, next week pa kayo uuwi?" Dumiretso ako ng refrigerator upang kumuha
ng tubig.
"Iyon talaga ang plano. Kaya lang may dumating na hindi inaasahang bisita."
"Bisita?" Kumunot ang noo ko.
"Actually, bisita mo siya. He was all the way from Paris just to see you again."
"Jiji!" Isang pamilyar na mukha ang nakangiting sumalubong sa akin sa sala. Hindi
ko pa sana siya makikilala kung hindi dahil sa endearment na ginamit niya. Siya
lamang ang bukod tanging tumatawag sa akin ng ga'non pangalan.
"Yuan?"
"The one and only," he said smiling from ear to ear. Humakbang siya palapit sa akin
at bigla na lamang akong niyapos. Hindi alintana ang mga magulang na nakamasid sa
aming dalawa. Naramdaman ko na lang na umangat ako sa ere. "Tu me manque," I heard
him whispered in my ear. Ano daw?
"Tigilan mo ng mga french words mo, Yuan. Nandito ka ngayon sa pilipinas." Sa
tangkad niya ay nangawit ang leeg ko sa pagtingala sa kanya. Ang layo na niya sa
makulit na batang lalaki na madalas kong pektusan. He's all grown up and manly.
"Na-miss naman talaga kita. Ako ba, hindi mo na-miss?"
"Hindi. At bakit Jiji na lang? Nasaan na ang ate?"
"Isang taon lang naman ang tanda mo sa akin." Napakamot siya ng ulo.
"Matanda pa rin ako sayo."
"Pero hindi na tayo mga bata katulad ng dati. So, pwede na ba akong manligaw sayo?"
Hindi ko gustong ipasok sa isip ang ibig niyang sabihin. Siya pa rin ang maloko at
pilyong Yuan na kilala ko. But once again I noticed he was looking at me quite
differently. At biglang naging mailap ang pakiramdam ko.

Chapter Four: Men's Nature

Chapter Four: Men's Nature

MARK
"Kung sino ang mabubunot na pangalan, siya ang manlilibre ng lunch."
"KKB na lang."
"Umiral na naman ang kakuriputan mo, Tyron."
"Praktikal lang akong tao."
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli kaming nagkasama-samang lima. Isang
business seminar ang dinaluhan namin magkakaibigan sa isang sikat na hotel. At
dahil mga na-bored sa habaan ng program, sa pangunguna ni Jared ay isa-isa kaming
nagpulasan at nagdesisyon na kumain na lamang.
Ang lakas ng tawa ni Jared nang mabunot ang pangalan ni Tyron. "May balat ka talaga
sa puwet." Ipinakita pa nito sa kaibigan ang hawak na ebidensya. Napakamot na
lamang ng ulo ang binata.
"Mga busog naman kayo, hindi ba? Magsnack na lang tayo."
"Sky is the limit daw sabi ni Tyron," wika ni Vince na pinamigay ang mga menu book
sa bawat isa.
"Ano ba ang pinakamahal nilang pagkain dito?" Pang-aasar naman ni Riley.
Napailing na lamang ako nang makitang pasimpleng tinago ni Jared ang mga papel na
ginamit sa palabunutan. Sabi ko na ba, nandaya na naman siya.
"Can I take your order, sir?"
Biglang natahimik ang mga kaibigan. Nang mag-angat ako ng mukha isang magandang
waitress ang nangiting nakatunghay sa amin.
"Steak for me," Jared said, giving her a devastating smile.
"Me, too." Magkasabay na wika naman nila Riley at Vince.
"Water please." Lahat ay napalingon kay Tyron. "What? Sa hindi pa ako nagugutom."
Pinukol siya ng table napkin ng tatlo.
"Five steaks and a bottle of red wine." Ako na mismo ang umorder para sa mga
kaibigan.
"Is that all, sir?"
"Yes." I couldn't help but smile. Nakakahawa ang magandang aura ng babae. Nakasunod
ang tingin ng lahat habang papalayo siya.
"She's a babe."
"I like her smile."
"Nice legs."
"Agree."
"Kung makapagsalita kayo ay parang wala kayong mga asawa," sita ko sa mga kaibigan.

"Hindi masamang humanga," katwiran ni Vince. Agad naman sumang-ayon ang lahat.
"Ako binata pa. Wala akong sabit."
"Si Cyrhel paparating!" Sabay turo ni Jared sa likuran ng binata. Halos mabali ang
leeg ni Tyron sa paglingon.
Muling naagaw ang atensyon namin sa ingay na nilikha sa kabilang table. Nabitiwan
ng isang babaeng customer ang kanyang clutch bag at nahulog iyon sa sahig. At dahil
malalim ang neckline ng suot niyang blouse, halos masilip ang kanyang malusog na
dibdib nang yumuko siya. Halos hindi kami kumukurap habang nakamasid. Aminado ako
na isa iyon sa mga nature ng lalaki na mahirap minsan iwasan.
"Mark, napuwing yata ako," daing ni Tyron habang patuloy na kinukuskos ng kamay ang
kaliwang mata. Paglabas namin ng hotel ay sinalubong kami ng malakas na hangin.
Makulimlim kasi ang panahon at tila nagbabadyang umulan.
"Kinakarma ka na agad!" React ni Riley. Nakitawa naman sina Jared at Vince.
"Kung magsalita kayo ay parang ako lang ang nanilip kanina."
"Huwag mong kuskusin baka lalong ma-irritate." Pinigilan ko ang kamay niya at
bahagyang in-examine ang kanyang mata. "Wala akong dalang eyedrops. Sumama ka na
lang sa akin sa ospital."
"Lagot kang Tyron ka! Paniguradong kukunan ka lang ng dugo ni Mark," pananakot ni
Jared.
"At magdo-donate ka ng tatlong bag." Segunda ni Vince.
"Kung ikaw kaya ang injection-an ko, Vinci boy!"
"Tyron, sasabay ka ba sa akin?" Naiinip na tanong ko nang sumilip sa bintana ng
sasakyan. Atubiling sumakay ang kaibigan.
"Mark, mangako ka sa akin na walang kuhanan ng dugo."
"Para kang sira!" Asik ko nang buhayin ang makina.
"Naniniguro lang."

Pagdating ng ospital ay hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng bulungan ng mga


nakakasalubong na staff. Nananadya naman na inakbayan ako ni Tyron at nakakalokong
idinantay ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Anong arte iyan?"
"Panindigan na kaya natin?"
"Sapak gusto mo?" Iniamba ko sa kanya ang kamao ngunit tinawanan lang ako ng loko.
"Makalabas pa kaya ako ng buhay dito sa ospital mo? Ang sama kasi ng tingin sa akin
ng mga staff mo. Aba, may fans club ka pala dito." Isang kumpol ng mga kababaihan
ang nilagpasan namin dalawa.
Bago pa kami makarating sa opisina, hinarang ako ng isa sa mga kapwa ko doktor.
"Dr. Mendoza, I would like you to meet Dr. Joana Fernandez. She's our new resident
OB-Gyne."
"Please to meet you," aniya at inaabot ang kanyang kamay sa akin.
"Mark, siya iyong babae kanina sa hotel. Kung sinusuwerte nga naman," pasimpleng
bulong ni Tyron. Kaya pala pamilyar ang kanyang mukha.
"Doktor din ba siya?"
"No. He's a friend of mine, Tyron." Mabilis na inabot ng kaibigan ang kamay ng
babae.
"Puwede bang ikaw na lang ang gumamot sa akin?"
"For pete sake, Tyron. She's an OB-Gyne!"
"Pareho lang naman doktor iyon, hindi ba?"
Hindi napigilan bumungisngis ni Dr. Fernandez at tumingin sa direksyon ko. "Mukhang
magkakasundo tayong dalawa."
"Mark, I think she likes you. Pagkakataon mo nang magka-lovelife." Muling bulong ni
Tyron.
"Shut up!"

JIANNE
"What?"
Mabilis na umiling si Trisha na may pilyang ngiti sa kanyang mga labi. Tila alam ko
na kung anong tumatakbo sa kanyang isipan.
"Hindi ka pa ba uuwi? Siguradong hinahanap ka na ng asawa mo."
"Alam niyang nandito ako sa talyer." Mabilis na inagaw ko sa kanya ang malaking
yabe at nagdududang tinitigan ang pinsan. Magmula nang ikasal sila ni Jared ay
tuluyan na niyang ipinaubaya sa akin ang pagpapatakbo ng talyer. Ngunit paminsan-
minsan ay sumasaglit siya roon upang tumambay.
"At alam ko rin na nagagalit si Jared sa tuwing magkakamatsa ng grasa ang mga kamay
mo. Bakit kasi hindi mo na lang ipagawa kay Bogard iyan kotse mo."
"Nangangati ang mga kamay ko na magkalikot ng makina. Hayaan mo na ako. Minsan lang
naman."
"Bahala ka." Hinayaan ko na lang si Trisha sa kung anong trip niya. Di hamak na mas
matigas ang ulo niya kaysa sa akin.
"Suma-sideline ka pa pala ng babysitting."
Kunot-noong nag-angat ako ng mukha at sinundan ng tingin ang ininguso niya.
Tumingin sa direksyon namin si Yuan at nakangiting kumaway.
"Iyan damulag na iyan ibi-babysit ko?"
"Parang ganon na rin iyon. Sa'yo siya iniwan ng parents mo. Ibig sabihin lang ay
ikaw ang mangangalaga sa kanya habang nagbabakasyon siya dito sa Pilipinas."
Tila may kung anong pumitik sa ulo ko nang maalala ang tungkol doon. Hindi naman
ako makapagprotesta sa mga magulang. At kahit siguro tumanggi ako ay hindi rin
naman nila ako pakikinggan. Isang malaking pasakit para sa akin ang pagdating ng
binata. Imbes na wala akong alalahanin, nagkaroon pa tuloy ako ng responsibilidad.
"Hanggang kailan ba mag-i-stay dito si Yuan?" Tanong ni Trisha.
"Hindi ko alam. Sa tuwing tinatanong ko siya, madalas niyang sinasabi na hindi na
raw siya babalik ng Paris."
"Goodluck sayo, insan. Nawa'y magkaroon ka ng mahabang pasensya pagdating sa kanya.
Mukhang maloko."
"Gusto ko na nga ipatapon sa Batanes. May kakilala ka ba na taga-roon?"
Muling tumingin si Yuan sa kinaroroonan namin. This time, kinindatan naman niya
ako. Ang lakas ng tawa ni Trisha.
"Mukhang malaki ang tama sayo, Jianne."
Hindi naman maipinta ang mukha ko. Kahapon pa ako dinadaan ni Yuan sa mga pagpapa-
cute niya.
"Hindi ako pumapatol sa bata."
"Bata? Ikaw na rin nagsabi na damulag na iyan. But in fairness, guwapo siya. Puwede
ng lumebel kay Mark."
"Mas guwapo pa rin si Mark."
"I think mas cute si Yuan."
"Guwapo ang gusto ko at hindi cute."
"Ikaw ang bahala. Pero, insan, if ever mabasted ka kay Mark, kay Yuan cute ka na
lang. Sigurado pang may future ka."
"Ewan ko sayo!" Tumayo ako sabay walk-out. Hindi ako madaling mapikon sa mga
simpleng biro. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kapag ang topic ay tungkol sa
posibilidad na rejection sa akin ni Mark ay nagiging sensitibo ako. Siguro dahil
alam kong hindi malayong mangyari iyon.
Pasaway naman kasi itong puso ko at ayaw bumitiw kay Mark. Mga bata lang kasi kami
ay umusbong na ang pagsintang natatangi ko para sa kanya. Gayundin naman si Trisha.
Parehong lumalim ang nararamdaman namin para sa binata lalo na nang tumuntong kami
ng high school. Balewala sa amin dalawa kahit pagtingin-kapatid lang ang turing
niya sa amin. Ngunit hindi ko naman akalain na hanggang ngayon ay mabitbit ko ang
damdamin iyon. Mabuti pa si Trisha at nakahanap ng isang Jared. Ako kaya? May
dumating pa kayang isang tao na magpapabago ng tibok ng aking puso?
"Jiji, ibinili kita ng lunch. Baka kasi nagugutom ka na." Bigla na lamang sumulpot
si Yuan at inilapag sa harapan ko ang bitbit niyang mga pagkain. Wala sa loob na
sinipat ko ang suot na wristwatch.
"Masyado pang maaga para maglunch." Alas diyes pa lang kasi ng umaga. Wala pang
dalawang oras ang nakakaraan nang kumain kami ng agahan sa bahay.
"Ganun ba? Mamaya mo na lang kainin kapag nagutom ka. May microwave ka naman sa
office mo." Bago ko pa mapigilan si Yuan ay dire-diretso siyang pumasok ng opisina
bitbit ang mga biniling pagkain.
"Ang sarap palang tumambay dito, maraming pagkain," ngumunguyang wika ni Trisha
habang inaabot ang malaking supot kay Bogard. Mukhang lahat ng naroroon ay
nabibiyaan ng grasya.
"Bossing, salamat sa meryenda."
Bago pa tuluyan mag-init ang ulo ko ay inabala ko na lang ang sarili sa
pagtatrabaho. Hindi na rin naman ako muling nilapitan ni Yuan. Bagaman nakikiusyoso
siya sa mga gawain sa talyer, may mga pagkakataon na nakakatulong din siya sa mga
taga-roon.
"Yuan, umuwi ka na," wika ko nang hilahin pababa ang roll-up. Ako kasi ang nakatoka
sa pagsasara ng talyer.
"Ikaw? Hindi ka pa uuwi?"
"May daraanan pa ako."
"Pero Jiji?"
"Yuan, pumayag na akong samahan mo ako rito sa talyer at hanggang doon ka na lang."
Tinungo ko ang nakaparadang motorsiklo at sumakay. "Kaysa ubusin mo ang oras sa
pagsunod sa akin, bakit hindi mo na lang sulitin ang bakasyon mo sa paglilibot sa
iba't-ibang lugar. Siguradong mas mag-e-enjoy ka pa." Walang likod-lingon na
pinaharurot ko ang Ducatti. Mula sa side mirror ay nakita kong nakatanaw lang siya
sa akin.
"Bakit ikaw lang? Nasaan sila?"
Nagkibit-balikat lamang si Cass, sabay abot sa akin ng kanyang cellphone. Pinabasa
niya sa akin ang text message nila Sonnie at Gabby.
"So, tayong dalawa lang ang makikipag-race ngayong gabi?" Nagkaroon daw kasi ng
biglang appointment ang dalawang kaibigan.
"Ikaw lang. May problema ang break ko."
"Sana pala dinaan mo sa talyer ang motorsiklo nang maayos natin."
"Ngayon ko lang din napansin."
"Jianne, sasali ka ba?" Tanong ni Maguire nang lumapit sa amin dalawa ni Cass. Siya
ang race master para sa gabing iyon.
"Magkano?" Ang tinutukoy ko ang ang perang mapapanalunan.
"Twenty Thousand."
"Not bad," komento ni Cass. "Sinong makakalaban?"
"Sina Quin, JZ, Ato and Rod."
"Count me in." Napalingon sa akin si Cass sa sinabi ko.
"Jianne, puro lalaki sila."
"So? Kung wala lang problema ang break mo, for sure sasali ka rin."
"Pero wala akong tiwala lalo na sa Quin na iyan!" Sinundan ko ng tingin ang
lalaking tinutukoy ng kaibigan. Though, kilala ito sa pagiging notorious sa road
racing, hindi iyon dahilan para ako matakot sa kanya.
"I know I can beat him," at tiwala akong magagawa kong manalo. Hindi sa
pagyayabang, kabisado ko na ang performance ng bawat kalahok.
"Iyon ay kung hindi ka dadayain ni Quin."
"Jianne?" Naghihintay si Maguire sa magiging desisyon ko.
"Jianne, flat pala ang gulong mo."
"Paanong?" Kanina lamang okay pa iyon. Nagdududa na tinitigan ko si Cass na nag-
iwas lamang ng tingin.
"Maguire, I don't think, Jianne couldn,t make it tonight."
"Okay. Jianne, better luck next time."
Patalikod akong nagmura. Pera na naging bato pa.
"Kapakanan mo lang ang iniisp ko," narinig kong sabi ng kaibigan.
"Yeah right!" Gayunpaman, masama pa rin ang loob ko. Nasayang lang ang ilang araw
na pagkokondisyon ko sa sarili at motorsiklo.
"Umangkas ka na lang sa akin pag-uwi."
"No, thanks!" Magbabakasali na lang ako na may madaanang vulcanizing shop.
"Jianne, wait!" Bigla akong pinigilan ni Cass.
"Bakit?"
"May sumusunod sayo." Wala sa loob na lumingon ako sa likuran. Medyo malayo na rin
ang nalalakad ko mula sa race site.
"Na multo?" Kinilabutan akong bigla sa ideyang iyon. Hindi sumagot ang kaibigan at
walang kibo na ipinarada ang motorsiklo sa isang tabi.
"Lumabas ka na dyan kung ayaw mong masaktan," banta ni Cass. "Isa, dalawa..."
"It's me!" Isang anino ng lalaki ang lumabas mula sa likuran ng malaking puno.
Boses pa lang ay kilalang-kilala ko na siya.
"Yuan, hanggang dito ba naman ay sinusundan mo ako?" Napakamot ng ulo ang binata.
"Nag-aalala lang naman ako sayo."
"Jianne, sino siya? Boyfriend mo?"
"Future fiancee niya," mabilis na sagot ni Yuan.
"Umuwi ka na," mariin kong utos sa binata.
"Hindi ako uuwi hangga't hindi kita ka kasama."
"Umuwi ka na sabi!" Kanina pa niya pinag-iinit ang ulo ko sa katigasan ng kanyang
ulo.
"Jianne, sumabay ka na sa kanya," sabat ni Cass. "Ako na lang ang magpapa-vulcanize
ng motorsiklo mo. Ihahatid ko sayo bukas." Alam kong mayroon siyang isang salita.
Subalit hindi ko magawang ipagkatiwala ang Ducatti sa ibang tao.
"I can take care of it," sabat ni Yuan. "Pick-up naman ang dala kong sasakyan."
Hindi na ako tumutol.
"Jiji, galit ka ba sa akin?" Papasok na ako ng kabahayan nang marinig ko siyang
magsalita. Nakasunod pala siya sa likuran ko.
"Ano sa palagay mo?"
"I'm sorry. Katulad ng sinabi ko, nag-aalala lang naman ako sayo kaya sinundan
kita."
"Umaamin ka nga sa akin, Yuan." Pumihit ako paharap sa kanya. "Inutusan ka ba nila
Mama at Papa na manmanan ang lahat ng mga kinikilos ko? Iyon siguro ang dahilan
kung sa lahat ng lugar dito sa Pilipinas ay dito mo pa napiling magbakasyon."
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako ngayon nandito at alam mo iyan!"
"Get a life!" Bigla ko na lamang siyang tinalikuran. Wala akong panahon
makipaglokohan sa kanya. Ngunit bago ko pa maihakbang ang mga paa, bigla na lamang
pumulupot ang mga braso ni Yuan sa katawan ko.
"When will you ever see me as a grown up man? Hindi na ako ang batang tabatsoy na
nakilala mo. Bakit ba hindi mo makita ang pagkakaiba?"
"What's the meaning of this?" Isang baritonong boses ng lalaki ang nagpalingon sa
aming dalawa ng binata. At mula sa madilim na bahagi ng hardin ay lumitaw si Mark.
Kanina pa ba siya roon?
"Get off your hands on her." Basta na lamang akong hinila ng binata. Halos bumalya
ako sa matipuno niyang katawan. "Hindi ba masyadong malalim na ang gabi para
magligawan pa kayo rito sa labas?"
"M-Mark?" Tila gulat na gulat si Yuan nang makilala ang binata. "You're here."
"Who the hell is this?"
"He's Yuan. Remember the Salazars?"
"The little healthy boy na madalas nakabuntot sayo? Hindi ba sa abroad siya
nakabase ngayon?"
"He's here for a vacation." Natagpuan ko na lang ang sarili na nagpapaliwanag kay
Mark.

"Very well. You, pumasok ka na sa loob," mariin niyang utos sa akin at saka
binalingan si Yuan. "At ikaw, umuwi ka na sa inyo. Sa susunod na manligaw ka,
pasikatin mo muna ang araw."
"P-pero dito ako tumutuloy ngayon?"
Agad akong binalingan ni Mark. "Kailan pa?"
"Noong isang araw lang." Lalo lamang tuloy nagsalubong ang kanyang makakapal na
kilay.
"Pumayag ang parents mo?"
"Actually, sila ang may idea nito." Basta na lamang akong itinulak ni Mark papasok
ng bahay sa aking pagkamangha.
"Yuan, right?" Sunud-sunod ang ginawang pagtango ng binata. "You can't stay here.
Maghanap ka na lang ng hotel na matutuluyan mo." Bago pa makapag-react ang pobreng
binata ay basta na lamang siyang pinagsaraduhan ng pinto ni Mark.

Chapter Five: Coldness

Chapter Five: Coldness

JIANNE
"Jiji!" His face enlighten when he saw me. Agad siyang tumayo mula sa
pagkakasalampak sa sidewalk at pinagpagan ang nadumihang pantalon. "Akala ko hindi
ka na darating." Nagawa pa niyang ngumiti sa kabila ng mga nangyari sa kanya.
"Yuan, okay ka lang?" Bumaba ako ng pick-up upang lapitan siya. "Hindi ka ba nila
sinaktan?" Siniyasat ko ang kanyang kabuuan at sinigurong wala siyang pinsala.
"I'm okay. Cellphone at wallet lang pakay sa akin ng mga holdaper. Mabuti na lang
at may aleng nagmagandang loo na pahiramin ako ng cellphone. Iyon ang pinantawag ko
sa'yo kanina."
Halos paliparin ko ang pick-up para lang puntahan ang kinaroroonan niya. Mga
sampung kanto rin ang nadaan ko bago ko siya natagpuan. Dahil kahit siya ay hindi
niya alam kung saan lugar siya naroroon.
"Bakit naman kasi bigla ka na lang umalis?" Pagkatapos siyang ipagtabuyan ni Mark
ay bigla na lamang siyang naglaho. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.
"Tama si Mark. Hindi tayo pwedeng magsama sa iisang bahay. Iba ang culture dito
kaysa sa Paris. Kaya nagdesisyon ako na mag-stay na lang sa hotel."
"Pero ano naman ang napala mo?" Napakamot ng ulo si Yuan.
"I know, katangahan ang tawag doon. Sorry, kung naabala pa kita."
"Nag-alala ako sayo kaya ako nandito. What?" Mataman kasi siyang nakatitig sa akin.
"Sumakay ka na nga." Itinulak ko ang binata pasakay ng pick-up.
"Kukunin ko lang ang mga gamit ko at aalis din ako kaagad."
"No, you stay." Hindi lumilingon na sabi ko habang nagmamaneho pauwi.
"Pero..."
"No more buts, Yuan. Hindi ka aalis ng bahay. Kung ang iniisip mo ay tungkol sa
sinabi ni Mark, forget it. May pagkapakilamero lang talaga ang isang iyon."
"He never change. He still cares for you." Nang lumingon ako sa kanya ay nakatingin
siya sa labas ng bintana. "Katulad pa rin siya ng dati."
"Acting as if my big brother? Sanay na ako."
"Ganun ka rin naman sa akin. You only saw me as your little brother."
Nang muli akong lumingon ay nakatingin na siya sa akin.
"Dapat ka na rin masanay, Yuan."
"Ouch!" Sinapo niya ng kamay ang dibdib. "Basted na agad ako sayo?"
"Tigilan mo nga ako ng mga kalokohan mo!" Madalas niya akong idinadaan sa mga
palipad hangin niya at wala akong balak na seryosohin iyon.
I heard him let a long sigh. "Jiji, ano ba ang dapat kong gawin?"
"What I want you to do is stay in the villa and stop pestesing me. Sa paraan iyon
ay magkakasundo tayong dalawa."
Ilang sandali ang nagdaan bago siya sumagot. "Okay. If that is what you want. But I
won't give up on you."
Kinaumahan, nagulat pa ako nang makasabay ko si Yuan pababa ng hagdanan. Ang aga
niyang nagising.
"Morning, Jiji!"
"Aalis ka?" Nagtatakang pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Bihis na bihis
kasi siya.
"Aakyat ako ng ligaw."
Umangat ang kilay ko. "Umagang-umaga?"
"Selos ka naman!" Pinisil ni Yuan ang tungki ng ilong ko.
"Seriously, saan ka pupunta?"
"May importante lang akong lalakarin. Don't worry, after lunch nandito na ako."
Malapit na siya sa pintuan nang lumingon sa akin. "Jiji, pahiram nga pala ako ng
sasakyan."
"Gamitin mo na ang pick-up. And Yuan..." Muli siyang lumingon. "Mag-ingat ka."
"I will." Ang lapad ng ngiti ng loko. Mukhang maganda ang gising niya.
"Huwag tatanga-tanga!"
"I won't!"
Nakaalis na siya nang bigla akong may naalala. Gagamitin ko nga pala ang pick-up.
Paano ako ngayon makakapunta ng talyer?
"Saan pupunta si Yuan?" Isang babaeng nakaputi ang bigla na lamang lumabas mula sa
study room. Halos magtaasan ang mga balahibo ko nang makita siya.
"A-ate Lara?"
"Ba't ganyan ang itsura mo? Para ka naman nakakita ng multo."
"Bakit ganyan ang suot mo?" Balik tanong ko. Nakaputing bestida siya na ang haba ay
halos umaabot na sa kanyang talampakan. Para lang sinaunang damit ng mga kastila.
Pagkatapos ay puting-puti pa ang kanyang mukha dahil sa facial cream na pinahid
niya.
"Bagay ba?" Parang lukaret na umikot ang kapatid sa harapan ko. Ang aga niyang mag-
tripping. "Nahalungkat ko ito sa damitan ni Mama. Ito kasi ang usong nightdress
noon."
"Noon iyon at hindi ngayon. Hubarin mo na nga iyan. Para kang sira!" Ngunit tila
wala siyang narinig at muling umikot. Hindi ko maintindihan kung anong nagustuhan
niya sa damit na iyon.
"Saan nga pala pupunta si Yuan?" Pagkaraan ay tanong ni Ate Lara. Sinundan pala
niya ako sa kusina.
"Wala siyang sinabi."
"Bakit hindi mo inalam?"
"I don't think kailangan ko pang alamin."
"You don't really care for him, do you?"
"Ano bang klaseng tanong iyan?" Naiirita na ako sa pangungulit ng kapatid. Hindi
tuloy ako makakain ng maayos.
"Sa kadidikit mo kay Mark, nahawa ka na sa kasungitan niya. Hindi ako sanay na
ganyan ka, little sister."
"Hindi rin ako sanay na madaldal ka, big sister. Anong meron? Bakit ka pala
nandito?" Bigla na lamang siyang sumusulpot sa bahay kung kailan niya gustuhin.
"I want to see you. Namiss kitang bigla." Bago pa ako makahuma ay bigla na lamang
akong niyakap ng kapatid. Bukod doon ay pinugpog pa niya ako ng mga halik sa
pisngi. "I miss you so much."
"Ate Lara!"
Natatawang pumasok ng kusina si Manang. "Pagbigyan mo na ang kapatid mo. Ganyan
talaga ang mga naglilihi." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"You're pregnant?"

MARK
Malayo pa lang ay nakita ko na siyang nakangiti sa akin.
"Good morning, Dr. Mendoza."
Tumango lang ako at pilit na gumanti ng ngiti katulad nang madalas kong gawin.
Nakalagpas na ako nang bigla na lamang siyang tumumba. Mabuti na lamang at nasalo
ko siya bago pa siya tuluyang bumagsak.
"Dr. Fernandez?"
"I-I feel dizzy," I heard her said. Agad akong humingi ng tulong upang madala siya
sa ER. Subalit ganon na lamang ang pagtutol ng dalaga at sa halip ay dinala ko na
lang siya sa clinic ko.
"I'll be fine. Nahilo lang ako." She lay down in the bed before I could stop her.
Agad akong nag-iwas ng tingin nang bahagyang umangat ang suot niyang skirt. I
wonder why she was always wearing skimpy clothes. Kumuha ako ng kumot at itinakip
iyon sa katawan niya.
"Are you sure, you're okay?" Panay ang sulyap ko sa pintuan at hinihintay ang
pagdating ni Valjean. Sunud-sunod ang ginawang pagtango ng dalaga. "Let me rest for
awhile."
Nakuha ang atensyon ko nang tumunog ang aking cellphone. Magkasalubong ang mga
kilay na napatitig ako sa pangalang nagregister sa screen.
"Excuse me." Palabas na ako ng pigilan niya.
"Please stay," her voice is pleading. "Don't leave me here."
"Don't worry, someone will take care of you."
"But..." Hindi ko na hinintay ang pagprotesta niya at tuluy-tuloy akong lumabas ng
clinic. Eksakto naman na nakasalubong ko si Valjean sa may pintuan.
"Ikaw na ang bahala kay Dr. Fernandez."
"Aalis ka?"
Tumango ako. "Something important came up."
"Iho!" Sinalubong agad ako ni Tita Belle pagdating ko. "It's good to see you
again."
"Same here, Tita." Mag-iisang taon na rin nang huli kong makita ang madrasta. At sa
unang pagkakataon pagkatapos ng matagal na panahon, ngayon lang ulit ako
nakatuntong sa pamamahay na iyon.
Her face is beaming. Though there are fine lines under eyes, she's still beautiful
ang looked young. Mukhang malaki ang naitulong nang pananatili niya sa Australia.
At sana ay naging malaki rin ang naitulong n'yon sa kanyang kondisyon.
Umangat ang mga kamay niya at sinapo ang aking mukha. "Habang tumatagal ay nagiging
magkahawig na kayo ni Mario."
"Nasaan si Papa?"
"Nandito ka na pala." Mabilis akong lumingon nang marinig ang baritonong tinig na
iyon. Ang unang pumasok sa isip ko ay lapitan siya ngunit may kung anong pumipigil
sa akin na gawin iyon.
"Magtititigan lang ba kayong mag-ama?" Natatawang sabi ni Tita Belle.
Pilit akong ngumiti sa kabila ng pagiging mailap ng aking pakiramdam. Tumango lang
si Papa bago muling tumalikod. "Nakahanda na ang hapunan. Kumain na tayo."
Habang tumatagal ay nagiging estranghero kami sa isa't isa. Tila may kung anong
mataas na pader ang nakapagitan sa aming dalawa.
"I'm glad you came. It's been a while nang huli tayong magkakasabay na naghapuan na
mag-anak." Hindi na ako tumanggi nang hilahin ako ng madrasta patungong komedor.
"Mark, wala ka bang ipapakilala sa amin na girlfriend mo?" Nangingiti na nilingon
ni Tita Belle ang asawa sa kanyang tabi. "Gusto na namin na magkaapo ng Papa mo."
Nang lumingon ako kay Papa ay patuloy lamang siya sa pagkain. Magmula kanina ay
nananatili siyang walang kibo.
"Soon, tita. Darating din tayo d'yan." I forced a smile. "But as of now, priority
ko muna ang ospital."
"How is the hospital?" Iyon ang unang pagkakataon na kinausap ako ni Papa.
"Matutuloy pa ba ang expansion? The last time I heard, nagkaroon daw ng problema."
A bitter laugh rose inside me. Maybe I was expecting too much from him. But at
least he managed to ask.
"Everything is doing well. Tuluy-tuloy na ang expansion. By next year ang target
date namin na matatapos ang dalawang gusali." And I'm doing alright, Pa, gusto ko
sanang idugtong.
"That's good to hear. I thought that you will failed me again. At least maaasahan
na kita sa ganitong mga bagay."
Hindi ko malaman kung matutuwa ako o maiinsulto sa sinabi niya. Bakit ba hindi niya
magawang maging masaya sa mga achievements ko?
"Oo nga pala, Mark, kamusta na sina Trisha at Jianne?" Agaw-atensyon ni Tita Belle
sa namumuong tensyon sa aming mag-ama.
"Trisha is happily married now."
"I heard about it. Sayang at hindi ko nagawang maka-attend sa kasal niya. Sino nga
pala ang napangasawa ni Trisha."
"She has a baby now. A three month old baby girl." Pang-iiba ko ng usapan. Hindi ko
gugustuhin malaman niya ang tungkol kay Jared.
"Really? Oh, she's very lucky. How about Jianne? May asawa na rin ba siya?"
Umiling ako. "She's still the same, hardheaded and a pain in the ass."
Ang lakas ng tawa ni Tita Belle. "Hanggang ngayon ba naman ay ganyan pa rin ang
trato mo sa kanya? Hindi na siya bata, Mark. And I bet she grown up into a
beautiful lady. Maliit pa lang ang batang iyon ay maganda na ang mukha. Sigurado
ako na maraming nanliligaw sa kanya."
Hindi ako kumibo ngunit ngumiti. Maisip ko lang kung paano mag-back out ang mga
nagtatangkang manligaw sa dalaga ay gusto ko nang matawa.
"Parang kailan lang ay maliliit pa silang tatlo nila Cheska. Kung nabubuhay lang
sana ang kapatid mo..." Napahikbi bigla ang madrasta. Emotions started to get in
again. Naalala na naman niya ang tungkol doon.
"Honey!" Agad na dinaluhan ni Papa ang asawa. Napatayo rin ako upang lapitan siya
ngunit binigyan ako ng warning look ng ama.
"I'm fine. I'm sorry... I just couldn't help it." Pilit na pinapakalma ni Tita
Belle ang sarili.
"Linda, kunin mo ang gamot ng Mam Belle mo sa kuwarto." Nagmamadaling tumalima ang
inutusan katulong. "Honey, I guess you need to rest." Hindi na tumanggi madrasta at
sumama sa kanyang asawa. Palabas na sila ng komemor ng lumingon siya sa akin.
"Mark, can you do me a favor? Pwede mo bang isama si Jianne sa pagbalik mo?"
"Sure, tita." Mabilis kong sagot. Kahit ang totoo ay hindi ko alam kung
makakatulong iyon sa kanyang kondisyon.
Hindi nakaligtas sa akin ang matatalim na sulyap ni Papa. Hindi man niya sabihin,
alam ko na ako pa rin ang sinisisi niya sa nagyari kay Cheska.
Hanggang kailan ko ba pagbabayaran ang kasalanan na hindi ko naman ginawa?

Chapter Six: Birthday Girl

A/N: To my cutest watty girlfriend, HAPPY KAARAWAN JIANNE! May you have many more
birthdays to come. Mwaah!

Chapter Six: Birthday Girl

JIANNE
Ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ang nagpagising sa akin. Kasabay ng
paghikab ay nag-inat ako ng mga braso nang bigla akong may maalala. Agad na kinuha
ko ang cellphone sa ibabaw ng bedside. But to my dismay, wala akong natanggap na
text message kahit isa. Wala man lang nakaalala na batiin ako sa espesyal kong
araw.
Katatapos ko lang maligo nang biglang tumunog ang cellphone ko. Halos sunggaban ko
iyon at natataranta na sinagot.
"Happy birthday, Jiji!" Masiglang bati ng binata sa kabilang linya. Siya ang kauna-
unahang bumati sa akin.
"Yuan?" Tinignan ko ang screen at pangalan nga niya ang nag-register. Namalik-mata
lang siguro ako at inakala na pangalan ni Mark ang nabasa ko.
"Sorry, I can't greet you personally. May business meeting kasi akong pupuntahan.
So, what is your plan for today?"
"Nothing special. Maghapon lang akong maglalagi sa talyer," matamlay kong tugon.
"Do you want to go out later? My treat!"
"Sorry, Yuan, pero may lakad ako mamaya." Ang totoo ay inireserba ko talaga ang
oras ko mamaya para sa taong gustung-gusto kong makasama.
"Ganun ba? Sa ibang araw na lang siguro," malungkot niyang wika.
Panay ang sulyap ko sa screen ng cellphone. Magmula kanina ay wala na akong ginawa
kundi maghintay na tumunog iyon. Hindi tuloy ako makapagtrabaho ng maayos.
Bakit hindi siya tumatawag o kahit magtext man lang sa akin? Nakalimutan na ba
talaga ni Mark ang birthday ko? Pero agad din siyang pinagtanggol ng kabilang parte
ng aking isipan, busy lang siguro ang binata sa ospital at baka marami lang siyang
pasyente.
Naisip kong tawagan siya pero agad din nagbago ang isip ko. Ayoko naman na
pangunahan si Mark. Syempre gusto ko pa rin na batiin niya ako dahil naalala niya.
Subalit habang lumilipas ang oras ay lalo lamang ako napu-frustrate. Hindi ako
mapakali at nangangati ang mga daliri ko na i-dial ang kanyang numero. Kung
puntahan ko na lang kaya siya sa ospital?
"Bossing, aalis kayo?" Salubong sa akin ni Bogard nang lumabas ako ng opisina.
Bitbit ko ang helmet at susi ng motorsiklo.
"May pupuntahan lang ako sandali. Ikaw muna ang tumao rito."
"Pero, bossing..." Nagkamot siya ng ulo. "Ano kasi... malapit nang maglunchbreak."
Sinipat ko ng suot na relo. Labinglimang minuto bago mag-alas dose ng tanghali.
"Ano naman kung malapit ng maglunchbreak?"
"Hindi ba kayo magpapa-birthday blow-out?" Nakangisi niyang wika. "Lahat kasi kami
ay hindi nagbaon ng tanghalian dahil akala namin-"
"Umorder ka na lang pagkain sa labas," agap ko sa sasabihin niya. Sa kakaisip ko
kay Mark ay nakalimutan kong mag-treat para sa mga tauhan. "Sagot ko na ang
tanghalian ninyong lahat."
"Narinig n'yo iyon, mga kakosa? Sagot daw ni bossing ang tanghalian natin!" Sigaw
ni Bogard. Wala na talagang tatalo pa sa pagiging hyper niya. "Ano ang gusto ninyo?
Max's o Savory?"
Napailing na lamang ako nang sumakay ng motorsiklo. Mukhang napasubo yata ako.
Pang-Jollibee lang kasi ang inilaan kong budget para kanila.
"Nandyan ba si Doc?" Tanong ko kay Valjean nang makasalubong ko siya sa lobby.
"He's there. Samantalahin mo na habang wala siyang pasyente," nakangiti niyang
tugon. I matched her smile.
"Thanks!" At nagmamadali kong pinuntahan ang klinika ng binata. Naabutan ko siyang
nagbabasa ng mga medical record ng pasyente. "Hello, there!"

"Why are you here?" He asked coldly. Iyon na naman ang mood niya na kinaiinisan ko.
At tila hindi man lang siya nagulat sa pagsulpot ko.
Humakbang ako patungo sa bakanteng kama at basta na lamang humiga roon. I closed my
eyes for a few seconds.
"Something wrong? Masama ba ang pakiramdam mo?" May bahid ng pag-aalala na tanong
ni Mark.
"I'm fine," bumangon ako at puwesto ng upo. "Wala ka bang naaalala kung anong
mayroon ngayon?"
Nagsalubong ang mga kilay niya at saglit na nananahimik upang mag-isip. "May
okasyon ba?"
Biglang nalaglag ang mga balikat ko. Nakakainis siya! Nakalimutan na talaga niya.
"Wala ka talagang maalala?" Paniniguro ko. Baka kasi nagkukunwari lang siyang
walang alam upang sopresahin ako.
"Ano ba ang dapat kong maalala? Bakit hindi mo pa sabihin sa akin?" Muli niyang
binalikan ang ginagawa na tila hindi siya interesado kung anuman iyon.
"It's my birth-"
"Dr. Mendoza, would you mind if I asked you to share this food with me?"
Marahas akong lumingon sa pintuan at wala sa loob na hinagod ng tingin ang bagong
dating. Nakaputing lab gown din siya katulad ni Mark. She's tall, mestisa, sexy and
very much pretty. Kumbaga, nasa kanya na ang lahat. Pakiwari ko tuloy ay
pinagpawisan ang tungki ng ilong ko.
"Oh, I'm sorry. May pasyente ka pa pala."
"It's okay. She's not my patience. Anyway, this is Jianne. Ji, this is Dr.
Fernandez."
"Kapatid mo?" Nakaangat ang kilay na tanong ng doktora.
Mabilis na umiling si Mark. Awtomatikong tumaas ang sulok ng mga labi ko.
"Friend mo?"
Halos hindi ako humihinga sa isasagot ng binata. Ngunit sa halip na sumagot ay
ngumiti lang siya. Takte ka, Mark! Sa klase ng pagkakangiti niya ay parang
pinahiwatig na rin niya na more than friends kaming dalawa.
"She's cute and young," she said smiling at me, habang pasimple niya akong
pinagmamasdan mula ulo hanggang paa. "Disisyete lang yata siya."
Bumulanghit ng tawa si Mark. "She's old enough."
"Twenty four lang kaya ako," mabilis kong protesta.
"Really, you're already twenty four?" Para naman gulat na gulat siya sa nalaman.
"Babyface kasi ako," nakakaloko kong sabi at lihim na inirapan ang doktora. I don't
like her. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko na isa siyang malaking threat
sa akin.
"I'm sorry. What is it again, Dr. Fernandez?"
"You can call me, Joanna."
Ngunit mukhang hindi kinagat ni Mark ang suhestyon niya. Pinigilan ko ang sarili na
bumulanghit ng tawa.
"May dala akong food." Inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang bitbit niyang malaking
plastic container. "Actually, I cooked it. During my sparetime, I used to go in a
culinary class. Would you mind sharing this with me?"
Tanggihan mo, Mark. Tanggihan mo!
"Sure. Tamang-tama hindi pa ako nagla-lunch."
Halos mahulog ako sa kinauupuan dahil sa sinabi niya. Kumagat siya sa pain ng
babaeng iyon.
"That's good to hear," bakas sa mukha ng doktora ang labis na kasiyahan. "Shall
we?"
Lumipad ang mga mata ni Mark sa kinaroroonan ko. "Ji, ano nga pala 'yung sasabihin
mo sa akin?"
"Never mind. Hindi naman gaanong importante. Go ahead. Maglunch na kayo. Aalis na
rin ako." Pilit akong ngumiti sa kabila ng pamimigat ng loob ko. Nasa pintuan na
ako nang tawagin ni Mark.
"I'll call you later."
Iyon ay kung hindi niya makakalimutan. Tumango na lamang ako bago nagpatuloy sa
pag-alis. Ayoko na sanang umasa, pero mahirap kalabanin ang sariling puso.
Bumalik ako sa talyer at isinubsob na lamang ang sarili sa pagtatrabaho. Inisip ko
na lang na parang ordinaryong araw lang din ngayon at isa pa ilang oras na lang ay
malapit na rin magsara ang talyer. Pag-uwi ko ng bahay ay matutulog na lang ako
maaga. Subalit hindi nangyari ang binabalak ko. Bago pa ako makauwi ay sapilitan
akong isinama nila Sonnie, Cass at Gabby sa paborito namin puntahan na bar. Ayon sa
mga kaibigan, kailangan daw namin i-celebrate ang birthday ko. Mabuti pa sila at
hindi nila nakalimutan.

MARK
Pagkatapos ng ilang oras na pagbababad sa ER ay pinatawag naman ako para sa isang
board meeting. Dalawang oras din ang inaabot ng pagpupulong bago ako tuluyang
nakalabas ng conference room. Pagdating sa opisina ay nahahapo na binagsak ko ang
katawan sa couch. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo.
"Maki boy!" Bigla na lamang pumasok ng silid si Tyron. Hindi man lang siya nag-
abalang kumatok. "Finally, nahagilap din kita."
"What did you just call me?" Kunot-noo na tanong ko.
"I called you Mark."
"Hindi iyon ang narinig ko, Tyron."
"Nabingi ka lang siguro." Alam kong nagsisinungaling siya. Umupo siya sa bakanteng
couch sa harapan ko. "Bakit lukot na naman 'yang pagmumukha mo? May problema ka na
naman ba?"
"Wala akong problema."
"Kungsabagay, dapat masanay na ako dahil iyan na talaga ang natural mong mukha."
"Pumunta ka lang ba dito para mang-asar?"
"Pumunta ako rito para sunduin ka."
"Hindi na ako bata para sunduin mo."
"Nagpag-utusan lang ako."
"Nagpauto ka na naman sa kanila." Hindi ko na kailangan hulaan kung ano ang pakay
niya. Sigurado ako na ang mga kaibigan ang nagpapasundo sa akin.
"Hindi ako nagpauto. Pinilit nila ako. Baka akala mo gusto kong pumunta rito sa
ospital. Sa tuwing pumupunta ako rito palagi na lamang akong may nakakasalubong na
duguang pasyente. Alam mo ba kung gaano kahirap iyon sa akin?" Pag-eemote pa ng
binata. In three months time ay ikakasal na siya kay Cyrhel, ngunit hanggang ngayon
ay wala pa rin pagbabago sa kanya. I think he's hopeless.
Tumayo ako para kumuha ng gamot at tubig. Lalo lamang sumasakit ang ulo ko sa
kaibigan.
"Ano ba ang meron?"
"Nothing important. Gusto lang tumambay ng ating mga kaibigan. Naghahanap siguro ng
nightlife ang mga loko. Hindi makagala sa gabi dahil palaging nakabantay ang mga
asawa," natatawa niyang wika.
"At si Cyrhel, hindi ka binabantayan?"
"Malaki ang tiwala sa akin ng monay ko dahil good boy na ako. Ano, tara na?"
Gusto ko sanang magdahilan ngunit bago pa ako makahindi ay hinila na ako ni Tyron
palabas ng pintuan.
"Mark, huwag mo nang tangkaing tumanggi. Malalagot ako nito kina Jared kapag hindi
kita naisama."
Subalit imbes na sa tambayan, dinala ako ni Tyron sa isang bar sa The Fort at
kumpleto ang buong barkada.
"Happy birthday!" Sigaw nina Vince at Jared na may kasama pang confetti.
"June pa ang birthday ko." Iyon na naman ang mga kulubot sa noo ko.
"Eh 'di, advance happy birthday," si Jared.
"At advance celebration na rin," wika naman ni Vince.
"Riley, what is this all about?" Siya lamang ang alam kong makakapagsabi sa akin ng
totoo.
"Kailangan bang may okasyon para magkasama-sama tayo? Chill ka lang dyan, Mark.
Minsan naman ay i-relax mo ang sarili mo."
"Kaya ka tuloy nagmumukhang ermitanyo. Masyado kang seryoso," sabat ni Tyron na
inisang lagok ang bote ng beer.
"Here!" Inabutan ako ng beer ni Jared. "Just enjoy the night. Who knows? Baka
pasalamatan mo pa kami pagkatapos ng gabing ito."
Nagdududa man sa intensyon ng mga kaibigan ay nakisakay na rin ako. Wala rin naman
akong balak magtagal. Marami pa akong pag-aaralan na mga papeles. Ngunit bago pa
man ako makapagpaalam, ay naunahan ako ni Jared.
"Mark, I would like you to meet, Monica. Single and ready to mingle." Isang
magandang babae ang hinarap niya sa akin.
Sabi ko nga ba at may hidden agenda ang mga kaibigan!
Bilang gentleman, napilitan akong pakiharapan ng maayos ang babae. Mukha naman
siyang mabait kahit may pagkamadaldal siya ng konti. I guess, natural na siguro
iyon sa mga babae. Mas madaldal pa nga yata sa kanya si Jianne. Nasapo ko ang noo
nang bigla kong maalala ang dalaga. Nangako nga pala ako natatawagan ko siya.
"Excuse me, Mark. Punta lang ako ng restroom," paalam ni Monica. Pagkaalis niya ay
agad kong hinarap ang mga kaibigan.
"Guys, this is not a good idea!" Dati pa man ay malaki na ang pagtutol ko sa mga
set up date. Isa pa wala akong tiwala sa plano nila.
"We're giving you back your kindness, for playing cupid to us. Kung hindi dahil
sayo hindi sana namin makakatuluyan ang mga asawa namin," wika ni Jared.
"At syempre, bilang kaibigan mo, we want the same thing for you. Ayaw namin
tumatanda kang binata. Hindi namin maaatim na mangyari iyon sa'yo," si Vince.
"But you don't have to do this. Hindi n'yo ako kailangang pangunahan." Aminado ako
na may pagkapakilamero ako pero ayokong gawin nila sa akin iyon. I make my own
decision.
"Shut up, Maki boy! Just grab the oppotunity. Sa panahon ngayon, bawal na ang
choosy," asik ni Tyron. Mukhang nalasing na ang loko.
"We're only doing this because we are your friends." Bigla akong inakbayan ni
Riley. "Just this once, Mark. After this, hindi na kami makikialam pa sa lovelife
mo."
Tuluyan akong walang nagawa nang pagkaisahan nila ako. Kanya-kanya silang alibi
para iwanan akong mag-isa. Style nila bulok!

JIANNE
"Party! Party!" Parang sira na sigaw ni Gabby. Hindi pa man kami nagsisimulang
uminom, daig pa niya ang lasing.
"Happy birthday, Jianne!" Nasorpresa ako nang ilapit sa akin ni Cass ang isang
cupcake na may nakasinding kandila sa ibabaw. Bigla naman akong hinalikan ni Sonnie
sa pisngi at niyakap.
I was speechless. Hindi ko inaasahan iyon mula sa mga kaibigan.
"Blow the candle and make a wish!" Excited na wika ni Gabby.
"Baliktad!" Kontra ni Sonnie. "Make a wish muna bago i-blow and candle."
"Thank you, guys." Hindi ako iyakin pero parang gusto kong maluha ng mga oras na
iyon. Buong akala ko ay matatapos ang araw na ito na hindi man lang ako
makakapagblow ng candle. At kahit cupcake lang iyon, para sa akin ay iyon ang
pinakacute na birthday cake na natanggap ko.
Birthday wish ko? Isa lang naman ang gusto ko, iyon ay si Mark. At sana mauntog na
ang binata nang ma-realized niya na ako ang babaeng nararapat para sa kanya.
"Party, party na!" Muling sigaw ni Gabby. Kanina pa siya hyper. Para talaga siyang
lasing.
Nakakadalawang bote na ako ng beer nang mapansin ko ang lihim na pagsesenyasan ng
tatlong kaibigan.
"What's wrong?"
"Lumipat na lang tayo ng ibang bar," yaya ni Sonnie at sinenyasan ang waiter upang
hingin ang bill namin.
Kumunot ang noo ko. "Bakit pa? Okay naman dito."
"Basta!" Hinila ako ni Cass at napilitan akong tumayo, habang hindi naman mapakali
si Gabby sa harapan ko. Seems like she's blocking my sight. "M-mas okay doon sa
kabilang bar. May party-party!"
Naagaw ang atensyon ko sa malakas na tawanan ng isang grupo sa kabilang table. Bago
pa ako makalingon ay mabilis na pinigilan ni Gabby ang mukha ko.
"Don't look at them. Ang papangit nilang lahat."
"And so?"
Itinulak ako ni Cass. "Tara lets!"
"Cousin in law, you're here!" Napatigil ako sa paghakbang nang makasalubong ko si
Jared. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa lugar na iyon.
"Anong ginagawa mo rito?" Mabilis kong tanong at tumingin sa likuran niya. "Sinong
kasama mo?"
"Kasama ko ang tropa. May misyon kaming inaasikaso. Some kind of a mission
impossible matchmaking," nakangisi niyang tugon.
Kung kasama ni Jared ang kanyang mga kaibigan, malamang kasama din niya si Mark.
"Jianne, let's go!" Yaya ni Sonnie.
"Mauna na kami, pogi!" Hinila naman ako ni Gabby sa braso.
"T-teka lang..." Halos mabali ang leeg ko sa paglingon. There he was. nandoon nga
si Mark. Pero teka! Sino ang babaeng katabi niya?
"Don't look at them! Masasaktan ka lang," bulong sa akin ni Cass bago ako muling
itinulak palabas ng pinto.
He already did. I feel the stab of pain in my chest as I watch him with other girl.
Bagaman hindi ko nakikita ang mukha ng babae, hindi ko na kailangan hulaan kung
sino siya.
Nice! Ang ganda naman ng pa-birthday ni Mark sa akin. Kinalimutan na nga niya ang
kaarawan ko, nagawa pa niyang makipag-date sa mestisang hilaw na iyon.
"Jianne, cheer up! It's your birthday!" Wala na talagang tatalo pa sa kahyper-an ni
Gabby. Daig pa niya ang lumaklak ng isang dosenang bote ng enervon. "Come on,
ituloy na natin ang party-party!"
Tumingin sa akin sina Sonnie at Cass, naghihintay ng go signal mula sa akin.
"Tara lets!" Pilit kong pinasigla ang tinig. Ayokong magpaapekto sa kung anuman ang
nakita ko. Gusto kong samantalahin ang natitirang oras bago matapos ang gabing ito.
"And let's celebrate!"

Chapter Seven: Forgotten

A/N: My late pa-birthday update... enjoy reading!

Chapter Seven: Forgotten

MARK
Noong una ay nag-enjoy naman ako na kausap si Monica. Ngunit habang tumatagal ay
nag-iiba ang behavior niya. Marami na rin siyang naiinom at hindi ko na siya
mapigilan.
"Hayup siya! Pagkatapos kong ibigay sa kanya ang lahat, ipagpapalit niya lang ako
sa isang matrona! How dare him!" She keeps on talking about her ex-boyfriend sa
panlolokong ginawa nito sa kanya. Wala naman akong choice kundi pakinggan ang mga
sentimyento niya.
"You have to move on. Hindi mo kailangan magpakatanga sa kanya."
"Ang sakit mo naman magsalita! Bakit, close ba tayo?"
"I-I just thought that you need a friendly advice."
Bigla na lamang nag-iiyak ang dalaga. Dahil doon ay naagaw niya ang atensyon ng
lahat na naroon. At bago pa siya tuluyan gumawa ng eksena ay sapilitan ko siyang
hinila palabas ng bar.
Sa sobrang kalasingan ni Monica ay napilitan akong i-check-in siya sa isang hotel.
Hindi kasi niya masabi sa akin ng matino kung saan siya nakatira.
"Lover boy, dito ka lang. Tabi tayo matulog." Bigla na lamang niya akong hinila sa
kama. Na-out of balance ako at bumagsak sa ibabaw niya.
Pinilit kong makawala. Mare-rape ako kung hindi ako aalis agad.
"Come back here, lover boy! Huwag mo akong iwanan!"
Nagtaas-baba ang dibdib ko nang maisara ang pinto. Muntikan na ako roon. Malalagot
talaga sa akin ang mga kaibigan sa oras na makita ko sila. Sablay na naman sila sa
pagse-set up sa akin.
Naghihintay ako sa pagbukas nang elevator nang biglang bumulaga sa harapan ko si
Jianne. Nagkagulatan pa kaming dalawa nang makita ang isa't-isa. Subalit hindi siya
nag-iisa. May akay siyang babae na mukhang lasing na lasing.
"N-nandito ka rin pala pogi! N-nice to see you a-" Mabuti na lamang at naagapan ko
ang babae bago ito tuluyan mawalan ng malay.
"Mark, tulungan mo akong maihatid si Gabby sa kuwarto," wika ni Jianne na hindi
malaman kung paano aalalayan ang kasama.
"I got her." Walang kahirap-hirap na pinangko ko ang walang malay na babae.

JIANNE
I feel relief. Buong akala ko talaga ay hindi kami makakaabot sa inupahang kuwarto.
Sa elevator pa lang ay halos kaladkarin ko na ang kaibigan sa sobra niyang
kalasingan. Hindi man lang siya nagtira pang-uwi. Napilitan tuloy akong mag-check-
in na lang sa hotel kasama siya. Bukod sa hindi ko na rin kayang mag-drive para
ihatid siya pauwi, ginamit ni Cass ang sasakyan ni Gabby para naman ihatid si
Sonnie. Sa aming apat ay silang dalawa ang nag-enjoy ng husto.
"Hindi ba dapat nasa bahay ka na ng mga ganitong oras?" Mapanganib na tanong ni
Mark mula sa aking likuran. Kahit hindi ako lumingon ay parang nakikinita ko na ang
magkasalubong niyang mga kilay.
"Wala akong curfew. Besides, may dahilan naman ako para magpakasaya ngayong gabi.
Hindi lang naman ikaw ang may karapatan na makipagparty."
"Happy Birthday, Jianne. Yeah, party-party again!" Hindi ko malaman kung nanaginip
lang si Gabby o dala pa rin iyon ng kalasingan. Itinaas pa niya ang kamay habang
nananatiling nakapikit ang kanyang mga mata.
"Matulog ka na. Bukas ka na lang ulit makipag-party-party," nangingiting sabi ko
habang kinukumutan ang kaibigan.
"Oh shit! I forgot!" Bulaslas ni Mark na nagpalingon sa akin. "I'm sorry, Ji.
Nakalimutan ko ang birthday mo."
Hindi ako kumibo. Mas lalo lamang sumama ang loob ko sa nalaman. Pakiramdam ko
tuloy ay balewala na ako sa kanya.
"Ji, happy birthday." Lumapit sa akin si Mark at inakbayan ako subalit mabilis
akong kumalas sa kanya.
"It's already one. Tapos na ang birthday ko. Umuwi ka na, Mark. Gusto ko na rin
magpahinga."
"You stay here?"
Obyus ba? Gusto ko sanang sabihin ngunit mabilis kong pinigilan ang sarili. Hindi
ba niya nakita na dalawa ang single bed na naroon?
"Mark, please leave. Inaantok na ako." Hinubad ko ang suot na jacket at basta na
lamang iyon hinagis sa bakanteng sofa. I'm too tired to argue with him.
"Inaantok na rin ako." Bigla na lamang humiga sa kama ang binata bago ko pa siya
mapigilan.
"Mark!"
"Sshh! Baka magising mo ang iyong kaibigan."
Lumingon ako kay Gabby. Mukha naman nahihimbing na siya sa pagtulog.
"Mark, bumangon ka dyan!" This time in controlled voice. Hinila ko siya sa kamay at
pilit na itinatayo.
"Umalis ka na dito!"
"I can't drive anymore. I'm drunk and sleepy."
"Hindi ko na problema iyon!"
"Paano kung maaksidente ako? Maaatim ba iyon ng konsensya mo?"
"Eh 'di kumuha ka ng sarili mong kuwarto." Muli ko siyang hinila ngunit nananadya
na lalo niyang binigatan ang sarili.
"Ji, dito na lang ako."
"Paano naman ako? Saan ako matutulog?"
"Tabi na lang tayo. May space pa naman." Tinapik niya ang bakanteng espasyo sa
kanyang tabi.
"Ayoko!" Akala siguro niya ay madadaan niya ako sa kanyang pangse-seduce. "Ano ba?
Tumayo ka na nga dya-" Ako naman ang hinila ni Mark. At dahil hindi ko iyon
inaasahan ay naglanding ako sa tabi niya. Bago ko pa magawang makakilos ay mabilis
na pumulupot ang mga braso niya sa akin.
"Ji, sorry na. Huwag ka nang magalit sa akin," paglalambing niya. "Naging abala
lang talaga akong buong araw at nawaglit sa isip ko ang tungkol sa birthday mo." I
could almost breathe him. Hindi ko alam kung aware ba siya na ilang pulgada lang
ang pagitan ng aming mga mukha.
I tried to ignore him. Subalit hindi ko naman mapigilan ang pasaway kong puso.
"Patawarin mo na ako."
"Sinadya mo talagang kinalimutan dahil abala ka sa pakikipagdate sa mestisang hilaw
na iyon!"
Yumugyog ang mga balikat ni Mark. Ano kaya ang nakakatawa?
"Ji, you sounds like a jealous girlfriend."
"I'm jealous. Hindi pa ba obyus?"
Ngumisi si Mark. "Matagal ko nang alam na selosa ka."
"Pero lumebel-up ang pagseselos ko!" Ngunit muli lang akong tinawanan ng binata. Sa
inis ay nagpumiglas akong makawala sa kanya. Pero sa halip na bitiwan ako ay lalo
lamang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Ji, I'm really sorry. Please forgive me. Promise babawi ako sa'yo. Huwag ka nang
magalit."
Sa narinig ay parang bulang naglaho ang lahat ng hinanakit ko para sa kanya.
"Talaga? Babawi ka sa akin?"
Tumango si Mark.
"Magde-date tayo? Kailan? Saan?"

"Basta!"
"Anong basta? Niloloko mo lang yata ako."
"O sige bukas. Doon na lang tayo sa pad ko. Treat ko ang pagkain. Kahit anong gusto
mong kainin ay iluluto ko."
Napasimangot ako sa narinig. "Hindi ba puwedeng sa labas na lang tayo kumain.
Siguradong mas mapaparami ang kain ko."
Ang lakas ng tawa ni Mark. "Ikaw lang bukod tanging hindi nakaka-appreciate ng
cooking skills ko."
"Matakaw man ako, may pinipili pa rin ang panlasa ko."
"Ouch!" Muli siyang tumawa at nakitawa na rin ako. Ano bang mayroon ang lalaking
ito at nagagawa niyang palambutin ang nagtatampo kong kalooban?
"Mark?" Hindi siya nagresponse. Nang mag-angat ako ng mukha ay nahihimbing na siya.
Tama bang tulugan ako?
"Talaga bang hanggang kapatid lang tingin mo sa akin?" Wala sa loob na tanong ko
habang pinagmamasdan ang guwapo niyang mukha. "Kailan mo ba mare-realize na hindi
na ako bata? Na puwede mo rin akong mahalin nang higit pa sa inaakala mo?" Umaangat
ang kamay ko at inalis ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang noo. "Mahal
kita...matagal na. Alam mo rin ba iyon? Malamang hindi. Dahil kung alam mo sigurado
ako na hindi ganito ang magiging trato mo sa akin."
Kumilos ako at inilapit ang mukha sa kanya. Ang balak ko ay halikan lamang si Mark
sa pisngi. Ngunit pumihit siya paharap sa akin at naglanding ang mga labi ko sa
labi niya. Mabilis na nasapo ng kamay ang bibig kasabay ng panlalaki ng mga mata.
Oh god! Nahalikan ko talaga siya. Daig ko pa ang nakatanggap ng birthday gift. Kung
sinusuwerte nga naman!
Bago pa ulit ako makakilos ay muling gumalaw si Mark at hinapit ako. Muli akong
nakulong sa kanyang mga bisig. Hinayaan ko na lang siya. Matagal na panahon ko rin
naman inasam na makatabing matulog ang binata, bonus na lang ang makayakap siya.
"Goodnight, Macmac." Sinamantala ko ang pagkakataon na mahalikan siyang muli. Hindi
naman niya malalaman iyon. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang ginawa niyang
pagtugon. Now, he's kissing me. Ramdam na ramdam ko ang malikot at malambot niyang
mga labi sa aking bibig. Nagsimula na rin maglakbay ang mga kamay niya sa aking
katawan dahilan para magtaasan lahat ng mga balahibo ko sa katawan.
But between his kisses and embrace, I heard him uttered a name.
"Kitkat..."
What?! Naitulak kong bigla si Mark. Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig.
Pati ba naman ang pusa ay magiging karibal ko sa kanya?

MARK
Nagising ako nang maramdaman kong may gumalaw sa aking tabi. Pagmulat ko ay
tumambad sa akin paningin ang mukha ni Jianne.
I slept with her. Ngunit hindi ito ang unang pagkakataon na nagtabi kami sa iisang
kama. Saka lang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari ng nagdaang gabi. Sa
pinaghalong pagod at kalasingan ay hindi ko na nagawang makauwi. Ang huli kong
naaalala ay nakipagkuwentuhan pa ako sa dalaga bago ako tuluyan hinila ng matinding
antok.
"Hmmm..." Biglang gumalaw si Jianne at pumihit patalikod bago muling humarap sa
akin. Nahigit kong bigla ang hininga nang basta na lamang bumagsak sa ibabaw ng
dibdib ko ang kanyang braso, kasabay ng mabigat niyang binti sa aking beywang.
Bulls eye! Sapul ang iniingatan kong kayamanan.
"Araykupo!" Gusto kong mamilipit ngunit hindi ko magawang kumilos. Bukod sa
matinding sakit na idinulot niya, nasa akin din ang kalahati ng kanyang bigat. Para
akong preso na hindi makawala sa kanyang pagkakayakap.
Tinangka kong alisin ang braso niya ngunit muling gumalaw si Jianne. Lalo lamang
siyang nagsumiksik sa akin. Sinubukan kong alisin ang kanyang hita at nagtagumpay
naman ako. Nang muling gumalaw ang dalaga ay mabilis na tinakpan ko ng mga kamay
ang iniingatang puri. Mahirap na at baka tamaan na naman niya.
"Ang likot mo talagang matulog!" Pabulong kong asik at saka mahinang pinitik sa noo
si Jianne. Gusto kong bumulanghit ng tawa dahil hindi man lang natinag ang dalaga
sa ginawa ko. Tulog na tulog pa rin siya na may kasama pang paghilik.
"Ji, para ka talagang bata," I said slowly running a hand through her hair, habang
pinagmamasdan ang mahimbing niyang pagtulog. May kung anong humaplos sa damdamin ko
sa magandang tanawin sa akin harapan. Kahit walang bahid ng make-up ang kanyang
mukha, mas lalong lumutang ang simple niyang ganda. She's pretty in her own way.
Kung matututo lang sana siyang mag-ayos at kumilos sa edad niya, walang duda na mas
mahihigitan pa niya ang kanyang nakakatandang kapatid. Subalit mas gusto ko kung
ano siya ngayon. Siguro dahil iyon na ang nakasanayan ko.
"Ji!" Bahagya kong niyugyog ang balikat ng dalaga. Nang hindi pa rin siya magising
ay tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi. Umungol lang si Jianne. Nagpagulung-gulong
siya sa ibabaw ng kama hanggang sa tuluyan siyang nahulog. Doon siya nagising.
"Hanggang ngayon ay para ka pa rin mantika kung matulog," sabi ko sa pinipigilang
pagtawa.
Pupungas-pungas na tumayo si Jianne. Dahil natural na singkit ang kanyang mga mata,
hindi ako sigurado kung nakadilat na siya. Bumalik sa ibabaw ng kama at muling
humiga. Mukhang nananaginip pa yata siya.
"Ji, bumangon ka na d'yan." Subalit wala akong narinig na response mula sa kanya.
Nakatulog na yata ulit ang dalaga. "Akala ko ba may date tayo ngayon?"
Katulad ng inaasahan ko, mabilis na bumangon si Jianne. Iyon lang pala ang
makakapagpagising sa kanya ng tuluyan.
"Anong oras na?" Tanong niya sa pagitan ng paghikab. Sinipat ko ang suot na relo.
Pasado alas otso na.
"Oras na para bumangon ka."
"Inaantok pa ako. Hindi mo ako pinatulog kagabi."
"Sa pagkakatanda ko ay ikaw ang malikot matulog sa ating dalawa."
Hindi kumibo si Jianne. Akala ko pa nga ay muli siyang nakatulog. Nang mag-angat
siya ng mukha ay tinitigan niya ako. Pagkaraan ay naging mailap ang mga mata niya,
kasabay ng pamumula ng kanyang mukha.
"What's wrong?"
"Wala ka bang naaalala kagabi?"
Kumunot ang noo ko. "Ano ang dapat kong maalala?"
Hindi kumibo ang dalaga.
"Umamin ka sa akin, Jianne. May ginawa ka ba sa akin na hindi ko alam?"
"Wala! Ikaw kaya ang may ginawa sa akin?"
"Katulad ng?"
"Forget it. Nananaginip lang pala ako," aniya habang patuloy na nakayakap sa unan.
"Ji, bumangon ka na. Gisingin mo na rin ang kaibigan mo." Itinuro ko si Gabby na
tulug na tulog pa rin sa kabilang kama.
"Mamaya pang hapon magigising ang isang iyan. Hayaan mo na siya," tinatamad niyang
tugon. Kung hindi ko siya pipigilan ay siguradong hihilahin siya ulit ng antok.
"Ji-" Biglang nag-ring ang cellphone ko. Emergency call mula sa ospital. "Ji, I
need to go. Mauna na ako sa inyo."
"Paano na ang date natin?" Nakasimangot na bumangon si Jianne habang nakayakap pa
rin sa unan. "Nagpromise ka sa akin na babawi ka."
Hindi ko maiwasan makaramdam ng guilt. That's why I hate to make promises. Madalas
kasi na hindi ko iyon natutupad. "I know and I'm sorry. Emergency lang talaga. Sa
ibang araw na lang natin ituloy ang date natin, okay? Belated happy birthday."
Lumapit ako sa kanya at yumuko upang halikan siya sa noo ngunit biglang tumingala
si Jianne at naglapat ang aming mga labi. Kung nagulat siya ay mas lalo na ako.
"I-I got to go..." Suddenly, hindi ko magawang tumingin sa dalaga. Sobrang bilis ng
mga pangyayari.
"Mark!" Atubili akong lumingon kay Jianne. "Doon ang exit. Maliban na lang kung
gusto mong magbanyo." Saka ko lang na-realized na maling pintuan pala ang
pupuntahan ko. What's happening to me?
Chapter Eigth: Birthday Gift

Chapter Eight: Birthday Gift

JIANNE
"Tell me, anong birthday gift sayo ni Mark?" Pasimpleng tanong sa akin ni Trisha
nang makalingat si Jared. Abala ako sa pagkukumpuni ng nagkaaberya nilang sasakyan
nang usisain ako ng pinsan.
Bagaman hindi ako kumibo, hindi ko pa rin napigilan ang sarili na mapangiti.
"Huwag mo akong ngitian d'yan. Dali na, magkuwento ka naman."
"Wala akong ikukuwento dahil wala naman siyang binigay."
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya na higit pa sa materyal na regalo
ang natanggap ko mula kay Mark. At hanggang ngayon ay hindi ako maka-get over sa
mga halik na pinagsaluhan namin dalawa. Iyon nga lang, hindi aware ang binata
tungkol doon.
"Kainis ka!" Nagdududa na tinitigan ako ni Trisha.
"Wala nga sabi! Kung iyong birthday ko nga ay nakalimutan niya, ang regalo ko pa
kaya? Busi-busihan ngayon si Hitler sa ospital. Masyado na niyang kinakarir ang
pagiging ermitanyo, este ang pagiging presidente ng ospital na iyon."
Dalawa araw na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Umaasa pa naman ako na
tutuparin ni Mark ang kanyang pangako na babawi siya. Ngunit katulad ng birthday
ko, mukhang nakalimutan na rin niya ang tungkol doon.
"Hindi lang pala manhid ang lalaking iyon, kundi ulyanin pa!"
"Sinabi mo pa! Konting-konti na lang, malapit na talaga akong sumuko sa kanya."
"Jianne, iyan huwag mong gagawin," seryosong wika ni Trisha. "Ikaw na lang ang
natitira kong pag-asa para hindi tumandang binata si Mark."
"Tange!" Natatawang tugon ko. "Ang sabihin mo, ako lang ang bukod tanging
nagtitiyaga at nakakatagal sa ugali niya. Dahil kung ibang babae lang iyon, trauma
ang aabutin sa kanya."
"Pero dahil sa mga katangian na iyon ni Mark kaya maraming naghahabol sa kanya."
I agree. At dahil din doon kaya marami akong karibal sa kanya. Biglang sumingit sa
isipan ko ang mestisang doktora na nagpe-flirt sa binata. Napakalaking threat niya
para sa akin. Sa pisikal na aspeto pa lang ay talo na ako.
"Flowers delivery for Miss Jianne!"
Sabay kaming lumingon ni Trisha sa bagong dating.
"Peace offering sayo ni Mark," humahagikgik na siniko ako ng pinsan sa tagiliran.
"Akalain mo, may natatago palang ka-sweetan sa katawan ang lalaking-tuod na iyon."
Bagaman walang kibo, lihim naman akong natutuwa. Kinikilig na naman ako. Pagkatapos
kong pirmahan ang receiving form ay basta na lamang kinuha ni Trisha ang maliit na
card na nakaipit sa mga bulaklak. Mas excited pa siya kaysa sa akin.
"Galing kay Yuan," may himig na pagkadismaya na sabi niya.
Kung nadismaya siya, mas lalo na ako. Asa pa ako na makakatanggap ng mga bulaklak
mula sa mandhid na lalaking iyon!
Pag-alis nila Trisha at Jared, ilang sandali ay dumating naman si Mark. Speaking of
the devil.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" Hinarangan ko ang kanyang daanan
ngunit nilagpasan lamang ako ng binata at tuluy-tuloy na pumasok ng opisina ko.
"Yayayain mo na ba akong mag-date?"
"No! Busy pa ako."
Sumimangot ako at napilitan na sundan siya. Akala ko pa naman ay tutuparin na niya
ang kanyang pangako. "Eh ba't nandito ka?"
Basta na lamang sumalampak sa sofa si Mark at itinaas pa ang mga paa sa ibabaw ng
center table. Akala siguro niya ay nasa bahay siya.
"Gusto ko ng coffee." Kung makautos ay parang mayroon siyang pinatagong kape sa
akin.
"Anong akala mo sa talyer ko, coffee shop?"
"Ji, ang sungit mo. Dapat nga ay maging accomodate ka sa mga kostumer mo."
"Sa lahat ng mga kostumer ko ikaw lang ang hindi nagbabayad. Palagi ka na lang
napagpapalibre."
"We're close friend, right?"
Now we're friends. Bukas parang kapatid na naman. Masisiraan na ako ng ulo sa
kanya.
May dinukot si Mark sa kanyang bulsa at basta na lamang inihagis sa akin.
"Ano ito?"
"Regalo ko sa'yo."
"Ito ba iyong birthday gift mo sa akin? Bakit ang liit?" Halos dalawang pulgada
lamang ang laki ng kahon at naka-gift wrapped ng kulay pink. Nice! Alam na alam
talaga niya ang pinakaayaw kong kulay.
"Aalis na ako." Tumayo si Mark at walang-likod lingon na tinungo ang pintuan.
"Paano na iyong promise mo?"
"I'll call you!"
Nalaglag ang mga balikat ko sa narinig. Asa pa ako! Ilang araw na naman akong
maghihintay na magparamdam siya ulit sa akin.
"Bossing ano 'yan?" Biglang sumulpot si Bogard sa may pintuan. "Ibinigay sa'yo ni
Boss Mark? Singsing? Ibig sabihin nagproposed na siya sayo?" Sunud-sunod niyang
tanong.
"Tange! Ba't naman niya gagawin iyon?" Wish ko lang na mangyari ang mga sinasabi
niya. Ang balak ko ay mamaya ko pa sana iyon bubuksan. Subalit dala ng kuryusidad
ay inalog ko ang kahon.
"Bossing, buksan mo na para malaman natin."
Dahan-dahan kong pinunit ang wrapper. Hindi ko napigilan mapasinghap nang tumambad
ang isang kulay velvet na kahita. Nagkatinginan kaming dalawa ni Bogard. Huminga
muna ako ng malalim at saka unti-unting binuksan iyon. Hindi ko malaman kung
matutuwa o madidismaya sa nadiskubre.
"Ano ito? Susi ng kotse?"
Humagalpak ng tawa si Bogard sa pagkamangha ko.
"Anong nakakatawa?"
Hindi niya magawang makasagot. Panay lang ang turo niya sa may garahe. Nagmartsa
ako palabas at bumungad sa paningin ko ang isang kulay dilaw na volkswagen.
"Bossing, dapat sa junkshop na ito dinala at hindi dito sa talyer," wika ng isa sa
mga mekaniko ko.
"Bossing, magalit na kayo sa akin pero tatanggihan kong gawin ang pagong na ito,"
sabi naman ng isa at nagkanya-kanya na silang turuan.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Mark.
"Are you kidding me?"
"Seryoso ako. Sayung-sayo na si Vogie."
"Ibinibigay mo ba ito sa akin o gusto mo lang makalibre ng pagpapagawa?"
"I thought you like Vogie?" He chuckled. "Hindi ba matagal mo ng hinihingi ang
kotseng-pagong na ito sa akin?"
"Noon iyon, hindi na ngayon," halos sumayad ang nguso ko sa pagkadismaya. "Akala ko
pa naman ay niregaluhan mo ako ng Alfa Romeo, 'yung katulad ng ibinigay ni Jared
kay Trisha."
Muling tumawa si Mark. "Masyadong mahal iyon. Hindi ko afford bumili."
"Eh 'di sana 'yung kotse mo na lang ibinigay mo sa akin!"
"Jianne, alam mo ba kung gaano kahalaga sa akin si Vogie? He's priceless. May
sentimental value siya sa akin dahil ito ang kauna-unahang kotse na naging
possesion ko."
"Mahalaga pala sa'yo bakit pinamimigay mo?"
"Kung ayaw mo, akina na ulit. Ipamimigay ko na lang sa iba!" Iyon lang at nawala na
siya sa kabilang linya. Mukhang hindi naman siya seryoso sa sinabi.
"Ako na ang bahala dito." Napatanga ang mga tauhan ko sa aking sinabi. Nilapitan ko
ang volkwagen at maingat na hinaplos ang kinakalawang na hood.
"Nice to see you again, Vogie," pabulong na sabi ko. Matagal na panahon na rin ang
lumipas at halos nakalimutan ko na ang tungkol sa kotseng pagong na iyon. Buong
akala ko ay pinatapon na ito ni Mark.
Wala naman akong choice kundi tanggapin iyon. Kung ano ang mahalaga kay Mark ay
mahalaga rin sa akin. Hindi ko napigilan mapangiti. Memories of our childhood are
all coming back in my head. Pati tuloy ako nahawa sa pagsesenti ng binata.
"Nasisiraan na yata ng ulo si Bossing. Nagsasalita at ngumingiti mag-isa."
"Ano kaya ang mayroon sa kotse na iyon?"
"Baka nagta-transformed at nagiging robot."
"Parang si Bumblebee lang?"
Napailing na lamang ako sa mga narinig. Kung minsan, daig pa nila ang mga babae sa
pakikipagtsismisan.

"Excuse me..."
Mabilis akong lumabas mula sa ilalim ng sasakyan nang makita ko ang pares ng mga
paa. Mabilis akong bumangon at pinagpag ang sarili bago hinarap ang bagong dating.
"Yes?"
"You're a girl?" May pagkagulat sa mukha niya nang makita ako.
"Obviously I'am." Hindi ko naiwasang mapangiwi. Mukha man akong madungis ngunit ito
ang unang pagkakataon na napagkamalan akong lalaki.
"I'm sorry. Nagulat lang ako. Akala ko kasi..." Amusement was written in his eyes,
at pinapasadahan ng tingin ang aking kabuuan. "Bibihira akong makatagpo ng isang
babae na nagtatrabaho sa ganitong lugar. You remind me of someone. She also loves
to do stuff like this."
Weird! But there something in him that I couldn't give a name. He really looks
familiar. Lalo na ang pares ng kanyang mga mata. Para nakita ko na iyon dati. Hindi
ko nga lang mahagilap ng matino sa isipan ko.
"How can I help you?" Pilit akong ngumiti sa kabila ng pagkailang. Kung makatitig
naman kasi ang lalaki ay para akong matutunaw. Gayunpaman, kostumer pa rin siya.
Kailangan ko siyang pakitunguhan ng maayos sa abot ng aking makakaya.
"I think there's a problem in the electrical system," he said, still smiling. At
itinuro ang dala niyang sasakyan. Napasinghap ako sa nakita. Holy wow! Isang bagong
model ng Lexus.
Hindi araw-araw ay may naliligaw na ganitong kagara at kamahal na sports car sa
aking talyer. Bagaman namamangha ay hindi ko iyon pinakita sa kaharap.
"Would you mind if I can check your car?"
"Sure." Agad niyang inaabot sa akin ang susi.
Nang sumakay ako ay pasimple kong hinimas ang magarang manibela. Naalala kong bigla
ang Alfa Romeo ni Jared noon na pagmamay-ari na ngayon ni Trisha. Ganun na ganon
din ang pakiramdam ko nang unang beses akong sumakay. Matagal ko ng pangarap na
magkaroon ng ganitong kagarang sasakyan.
Maingat kong pinihit ang ignition habang hindi inaalis ang mga mata sa dashboard
light. Pagkaraan ay bumaba ako ng sasakyan at tsinek ang mga ilaw sa likuran habang
nananatiling buhay ang makina. Muli akong umiikot sa harapan at inaangat ang hood
ng kotse.
"What can you say?"
"Na-disconnect ang fuse kaya hindi gumagana ang mga warning lights. Bahagya rin
naapektuhan ang mga ilaw sa harapan. Sa palagay ko ay hindi lang isang fuse ang may
diperensya. Napansin ko rin ang maingay na ugong ng makina. There is probably
something wrong with hoses and belts. Bukod doon ay pudpod na rin ang mga tires ng
kotse," mahaba kong lintanya. May panghihinayang akong naramdaman dahil mukhang
hindi maingat ang lalaki sa kanyang sasakyan.
"Wow!" Namamangha na napatitig siya sa akin. "Paano mo nalaman ang lahat ng iyon?"
Pinili kong hindi sagutin ang kanyang tanong. Kumuha ako ng form at inaabot sa
kanya. "Paki-fill up na lang. By tomorrow, maaari mo nang balikan ang kotse mo.
Good as new."
"Really? That's good to hear. Akala ko sa isang araw ko pa ito makukuha. Ikaw ba
personal na magkukumpuni?
"Depende. Kapag kinulang ng tao, malamang ako nga ang gagawa."
"Pwede bang mag-request na ikaw na lang?" Nakangiting tanong niya nang mag-angat ng
mukha at pagkatapos ay ibinalik sa akin ang sinulatan na form.
"Okay." Tumango na lang ako. Hindi rin naman niya malalaman kahit hindi ako ang
magkumpuni.
"By the way, I'm Kristofe. Kristofe Mendoza," inilahad niya ang kamay sa akin.
Mendoza? Mabilis na umangat ang kilay ko at sinulyapan ang hawak na papel.
"Sorry, pero Dela Serna ang isinulat ko sa form. Hindi kasi ako sanay na gamitin
ang apelyido na Mendoza. But I guess I need to get use of it starting today."
"It's okay." Hindi ko na pinabago sa kanya ang sinulat. Besides, ang mahalaga sa
akin ay mabayaran niya ang serbisyong gagawin sa kanyang sasakyan.
"And you are?" Nanatili pa rin nakalahad ang kamay niya sa aking harapan. Subalit
bago ko pa maibuka ang bibig nang biglang dumating si Yuan.
"Jiji!" Napahinto ang binata nang makita niyang may kausap ako. 'Sorry' he said in
a mute voice. Pagkatapos ay itinuro niya ang opisina. Pinahihiwatig niya na roon
siya maghihintay sa akin.
"Nice name." Muli akong lumingon sa lalaki. Amused na nakangiti sa akin. "I got to
go. Please take care of my car, Jiji. See you tomorrow."
Kunot-noo na sinundan ko siya ng tingin habang papalayo. Hindi maalis-alis ang
weird kong pakiramdam sa kanya.
"I don't like him," bungad sa akin ni Yuan nang pumasok ako ng opisina.
"Who?"
"Iyon lalaking kausap mo kanina. Kostumer mo ba iyon?"
"Bigating kostumer. Nakita mo ba ang sports car niya?" Nakatuon ang atensyon ko sa
supot ng pagkain sa ibabaw ng mesa. Sa tuwing pinupuntahan ako ni Yuan ay parati
siyang may pasalubong sa akin.
"Hindi ko napansin. But he looks familiar. May hawig siya sa kaibigan mo."
Kumunot ang noo ko. "Sinong kaibigan?"
Wala akong response na natanggap kay Yuan. Abala siya sa pagkalikot ng sariling
cellphone. Nahumaling na siya ng husto sa paglalaro ng COC.
Binalikan ko ang kinukumpuning sasakyan. Ngunit hindi mawaglit sa isipan ko ang
sinabi ni Yuan. Sinong kaibigan kaya ang tinutukoy niya? Saglit na dumaan sa isipan
ko si Cheska. Ewan, pero bigla akong kinabahan.
"Ahh!" Pinigilan kong mapasigaw nang aksidenteng mabagsakan ng toolbox ang kamay
ko. Tsk! Katangahan nga naman. Bago ko pa namalayan, nagkalat na ang dugo sa
semento.

Chapter Nine: Old Friend

A/N: I'm back! Sorry, ngayon lang ulit gumana ng matino itong utak ko. Akala ko nga
ay maaga akong magre-retire sa pagsusulat. Pero naisip ko hindi ko pwedeng pabayaan
si Mark at siguradong maraming magagalit sa akin kung ibibitin ko ang lovelife niya
;) Anyway, sana mapag-update ulit ako. Not so sure kung kailan... pero pipilitin ko
maging madalas. Thanks for waiting.

Chapter Nine: Old Friend

JIANNE
Dahan-dahan akong sumilip sa pintuan. Akala ko ay madadatnan ko siya subalit nabigo
ako.
"Hi!"
Mabilis na nag-angat ng mukha si Valjean at ngumiti nang makita ako. "Hello there.
Come in." May kahirapan siyang tumayo mula sa pagkakaupo dahil medyo malaki na ang
kanyang tiyan. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa second trimester na siya nang
kanyang pagbubuntis.
Atubili akong pumasok ng klinika at pasimpleng nilibot ang mga mata sa paligid.
"Nandyan ba si Doc?"
"He's not here. May pinuntahan siyang seminar. But don't worry, mamaya lang hapon
ay nandito na ulit si Mark."
Lihim akong nanlumo sa nalaman. Hindi ko na mahihintay na bumalik ang binata.
"Oh god! What happened to you?" Doon lamang napansin ni Valjean ang duguan kong
kamay na nakabalot ng puting tela.
"N-nadisgrasya ako sa talyer."
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Hinila niya ako sa bakanteng mesa at maingat
na ineksamin ang aking kamay. Sa pagmamadali ay hindi ko na naisip lapatan ng
paunang lunas ang natamong sugat. Basta ko na lamang iyon binalot ng nahagip na t-
shirt sa loob ng pick-up.
"Tsk! Mukhang malalim ang sugat mo. Jianne, kailangan mong tiisin ang sakit."
Bago pa ako makatugon ay agad niyang binuhusan ng alcohol ang kamay ko. Halos
umangat ang puwetan ko sa silya. Pinigilan kong mapasigaw sa sobrang hapdi. Ngunit
sa umpisa lang pala masakit. Di-hamak na magaan ang kamay ni Valjean kung
ikukumpara kay Mark, na kung minsan ay may kasama pa na panenermon. Subalit sa
kabila ng pagiging malupit ng binata, siya pa rin ang gugustuhin kong gumamot ng
aking sugat.
"Kailangan ko na sigurong magpa-set ng appointment para matiyempuhan ko si Mark,"
naisip kong sabihin.
"Siguro nga," nangingiting tugon ni Valjean. "Nitong mga nakaraang araw ay naging
sobrang abala si Doc sa maraming bagay."
"Katulad ng?" Pag-uusisa ko.
Ngumiti lang siya sa halip na sumagot. Hindi ko na rin siya pinilit. Bilang staff
ni Mark ay naiintindihan ko ang pagsasawalang kibo niya. Gayunpaman ay hindi ko
maiwasang ma-curious tungkol sa 'maraming bagay' na kanyang binanggit. Bukod sa
trabaho ano pa kaya ang pinagkakaabalahan ng binata?
"We're done." Halos hindi ko namalayan na tapos na pala niyang gamutin ang sugat ko
at nabalutan na rin niya benda ang aking kamay.
"Valjean, salamat."
"Anytime." Gumanti siya ng ngiti at iniligpit ang mga ginamit.
"Kailangan ko pa bang bumalik bukas o sa mga susunod na araw?"
"It's up to you. Pero kung talagang gusto mong makita si Mark, kailangan mong
bumalik dito araw-araw," may himig ng pagbibiro na wika niya.
Napanguso ako. "Alam mo ba kung anong karaniwang oras siya naglalagi dito sa clinic
niya?"
"Hindi ko masasabi. Mark's schedule is unpredictable. Sometimes he's here but most
of the time he's not."
"Dahil parati siyang nasa medical mission?" At sana lang ay hindi niya kasama ang
mestisang hilaw na iyon!
"Katulad ng sinabi ko, marami lang talagang pinagkakaabalahan ngayon si Doc."
Tumayo at humanda sa pag-alis. Mukhang wala talaga akong makukuhang impormasyon
mula sa kanya.
"Valjean, mauna na ako. Thanks again."
"Hindi mo na ba hihintayin si Doc?"
Mabilis akong umiling. "Marami pa akong gagawin sa talyer."
"Ingatan mo ang sugat mo at kapag kumirot, uminom ka ng pain reliever."
"I will."
"I'll tell Mark you came," pahabol niyang wika nang lumabas ako ng pintuan.
Pasakay na sana ako ng elevator nang may makasalubong akong ale na nahihirapang
maglakad. Mayroon siyang malaking cast sa kanyang kaliwang binti.
"Tulungan ko na po kayo." Inalalayan ko ang ale bago pa siya makapagprotesta.
"Salamat ineng." At itinuro niya sa akin kung saan siya patungo. Pagkatapos ko
siyang maihatid ay muli akong bumalik sa pinanggalingan. Subalit bigla akong
napahinto nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Lumingon ako sa pintuan ng
isang silid na bahagyang nakabukas. Binasa ko ang nakapaskil sa pinto. Dr. Joanna
Fernandez. OB-GYNE.
May kabang bumangon sa dibdib ko. Habang humahakbang ako paatras ay mas lalong
nagiging pamilyar sa akin ang naririnig na tinig. At hindi nga ako nagkamali, si
Mark nga iyon! Kitang-kita ko siya habang masayang nakikipagkuwentuhan kay Joanna.
Akala ko ba ay nasa seminar ang binata?
Mabilis na umakyat ang dugo sa aking ulo. Subalit bago ko pa magawang sumugod ay
napigilan ako ng sarili. Dahan-dahan akong umatras at saka nagmamadaling lumayo sa
lugar na iyon.
Sakay na ako ng elevator nang unti-unting humupa ang paninikip ng aking dibdib.
Tila piniga ang puso ko sa nasaksikan. Hindi ko matanggap na bukod sa akin ay may
ibang babae na binibigyan pansin ni Mark. At nakakapagtaka na sa maiksing panahon
ay naging close na sila ng mestisang hilaw na iyon. Kasama ba siya sa 'maraming
bagay' na binanggit ni Valjean na pinagkakaabalahan ngayon ng binata?
"Jianne, nasa groundfloor ka na," sabi ng baritonong tinig na nagpabalik ng
realidad sa isip ko.
"Huh?" Saka ko lamang namalayan na nakababa ang lahat ng sakay ng elevator maliban
sa aming dalawa ng lalaki na walang iba kundi si Tyron, isa sa mga matalik na
kaibigan ni Mark. Subalit bago pa ako makahakbang palabas nang bigla magsara ang
mga pinto at nagsimula muling umakyat ang elevator.
"Oops! Sorry, napindot ko agad ang button."
Ang talim ng tingin ko sa kanya. Obyus na sinadya talaga niya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo. Si Mark ba ang dahilan?"
Hindi ako sumagot. Wala ako sa mood na patulan ang pang-aasar niya.
"I guess it's the wound in your hand. Kahit ako ang nasa kalagayan mo ay masa-
shocked din ako. Masakit ba?" Umangat ang kamay ng binata at maingat na sinundot-
sundot ang nakaplaster kong kamay.
"Hindi. Parang kagat lang ng langgam."
Maang na napatitig si Tyron sa akin. Hindi makapaniwala.
"Nandito ka na sa third floor. Unless gusto mo akong samahan pababa ng ground
floor."
"No thanks! Ayokong maground trip." Nagmamadali siyang lumabas nang pindutin ko
agad ang close button. Talagang isasama ko siya pababa katulad ng ginawa niyang
pagtitripping sa akin.
"Cute!" Tawag ni Tyron habang papasara ang pintuan ng elevator. "Huwag kang mag-
aaala, mahal ka nun. Hindi pa nga lang niya nare-realize." Makahulugan niyang wika
na nagpakunot ng noo ko.
Palabas na ako ng ospital nang biglang may bumunggo sa akin. Muntikan na akong
mabuwal nang bumalandra ang mukha ko sa malapad nitong dibdib. Anak ng! Daig ko pa
ang bumangga sa pader.
"Sorry, Miss!"
Kasabay ng pag-angat ko ng mukha ay nanlaking bigla ang aking mga mata. "Ikaw?"
Halos magkasabay namin bulaslas sa isa't-isa. Siya ang lalaking customer ko sa
talyer na nagmamay-ari ng Lexus. Hindi pa ako halos nakakabawi sa kabiglaan nang
may tumawag sa kanyang pangalan.
"Kristofe? Sabi ko na nga ba ikaw iyan."
"The one and only." Gumanti ng ngiti ang lalaki. "Kamusta ang buhay may asawa, Dr.
Louie Mendoza?"
"Ikaw ang dapat kong kamustahin. Where have you been all these years?"
Maang na napapatitig ako sa dalawang lalaking nag-uusap sa aking harapan.
"Makakilala kayong dalawa?" Sabay silang lumingon sa akin.
"Of course!" Si Louie ang sumagot. "At kilala mo rin siya."
Kunot-noo na binalingan ko ng tingin ang lalaki. At habang tinititigan siya ay
unti-unting lumilinaw sa isipan ko ang totoo niyang pagkatao. Kaya pala pamilyar sa
akin ang pares ng kanyang mga mata. Gayundin ang malaking pagkakahawig nila ni
Cheska. How can I be so numb?
"Naaalala mo na ba ako, Jianne?" May pilyong ngiti sa kanyang mga labi at hindi ko
iyon gusto.
"Ang naaalala kong Kristofe ay ang patpating binatilyo na walang ginawa kundi
tuksuhin at i-bully ako."
Humalaklak ang binata sa pagkamangha ko. "It was a long time ago. Huwag mong
sabihin na hanggang ngayon ay may sama ka pa rin ng loob sa akin."
"Actually, matagal ko nang kinalimutan iyon. Katulad na lang kung paano ko
nakalimutan na nag-e-exist ka pa pala." Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago
ang pagtingin ko sa kanya. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay kumukulong bigla ang
dugo ko.
"Jianne, anong nangyari sa kamay mo?" Agaw-eksena ni Louie na pumagitna sa aming
dalawa ni Kristofe.
"It's nothing." Mabilis kong itinago ang nakabendang kamay sa likuran. "Mauna na
ako, Louie." Naisip kong umiwas na lang kaysa tuluyang masira ang araw ko dahil sa
lalaking iyon.
By the way, I'm Kristofe. Kristofe Mendoza. Sorry, pero Dela Serna ang isinulat ko
sa form. Hindi kasi ako sanay na gamitin ang apelyido na Mendoza.
Kailan pa siya naging isang Mendoza? Maliban na lang kung ina-adopt siya ni Tito
Mario. Alam na kaya ni Mark na bumalik siya? Malamang hindi, dahil hindi gugustuhin
ng binata na makita ang kanyang stepbrother.
Imbes na bumalik sa talyer ay umuwi na lamang ako ng bahay. After all, hindi ko rin
naman magagawang makapagtrabaho dahil sa sugat ko sa kamay. Isa pa, sirang-sira na
ang mood ko dahil kay Mark, dinagdagan pa ng Kristofe na iyon. Ikakain at itutulog
ko na lang siguro ang nararamdaman pagkainis.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang matanaw ang nakaparadang kotse sa garahe.
Hanggang sa bumaba ako ng pick-up ay hindi ko inaalis ang paningin sa sasakyan.
Sino kaya ang dumating na bisita?
"Jianne!" Mula sa entrada ay humahangos na lumapit sa akin ang isang may edad na
babae.
"Tita Belle!" Hindi ako sigurado kung nagawa kong ngumiti. Hindi ko inaasahan na
makita siya, lalo na nang bigla na lamang niya akong yakapin ng mahigpit. Maang na
napatingin ako kay Ate Lara.
"I'm so happy to see you." Binitiwan niya ako at sinapo ng mga kamay ang aking
mukha. "Oh my! You really grown up and so beautiful."
"T-thank you po."
Tumikhim si Tito Mario. Saka ko lamang napansin na naroon din pala siya. "Pumasok
na tayo sa loob."
"Jianne, come, doon tayo magkuwentuhan sa loob." Hinila ako ni Tita Belle sa kamay
at wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Bahagya lamang akong tinanguan ni
Tito Mario. Katulad pa rin siya ng dati, istrikto at seryoso. At hindi lingid sa
akin na noon pa man ay hindi na niya kami gusto ni Trisha bilang kaibigan ng
kanyang anak na babae. Kabaliktaran siya ni Tita Belle na palaging magiliw sa aming
magpinsan.
"Kamusta na po kayo, tita?" The last time I saw her, she was really sick. At dahil
iyon sa pagkawala si Cheska.
"I'm good and happy. At my age, I couldn't ask for more. Kung may isang bagay man
akong hihilingin, iyon ang magkaroon ng mga apo. How about you, Jianne? May
boyfriend ka na ba?"
"Wala pa po."
"Si Mark ba ang dahilan?"
"Po?"
Tumawa si Tita Belle nang makita ang reaksyon ko. Hindi ko naitago sa kanya ang
pamumula ng mukha. "Don't worry, your secret si safe with me."
My feelings for Mark is actually a common knowledge. Ang binata lang yata ang hindi
nakakahalata at nakakaalam. Ewan ko ba sa manhid na iyon! Lumaklak yata ng isang
katerbang anesthesia kaya wala siyang pakiramdaman.
"Kung mayroon man akong gustong makatuluyan ni Mark, ikaw iyon, Jianne. He deserves
someone like you."
"Tita naman, lumalaki lang tuloy ang ulo ko sa sinasabi n'yo."
"He cares for you. Hindi man niya aminin, alam kong may pagtingin din siya sayo."
Yeah right! Pagtingin bilang nakababatang kapatid.
"Bakit po, Tita Belle?" Bigla siyang nanahimik at mataman na pinagmamasdan ang
mukha ko. "Tita?"
"Naalala ko lang bigla si Cheska," malungkot niyang tugon kasabay ng pagtutubig ng
kanyang mga mata.
"Tita..." Hindi ko malaman kung paano siya iko-comfort. Buong akala ko ay tuluyan
na siyang naka-recover. Iyon ang pinakita niya sa akin kani-kanina lang.
"I miss her... so much..." Tuluyan na siyang kinain ng kanyang emosyon. Lumingon
ako sa veranda upang humingi sana ng tulong kina Ate Lara at Tito Mario, subalit
hindi ko inaasahan ang sumunod niyang sinabi.
"Sana, ikaw na lang siya." Umangat ang kamay niya at hinaplos ako sa pisngi. "Sana
ikaw na lang si Cheska."
Pinanlamigan ako ng katawan. Bago ko pa magawang umatras ay bigla akong hinapit ni
Tita Belle at niyakap ng mahigpit. "Can you replace her just for one day? Please
Jianne..."
"T-tita, hindi po ako si Cheska!" Sa sinabi ko ay lalo lamang siyang naghisterikal.
Kahit anong pilit kong kumawala sa kanya ay ayaw niya akong bitiwan.
"Let her go!" Tinulungan ako ni Yuan na makawala kay Tita Belle. Halos mapaupo ako
sa damuhan. Nang muli siyang magtangkang lumapit ay naging maagap ang binata sa
pagpigil sa kanya.
"Cheska, anak!" Tila nasisiraan ng ulo na wika niya at bago pa siya muling
makalapit sa akin ay maagap siyang napigilan ng binata.
"Don't hurt her!" Mapanganib na tinig ni Tito Mario. Agad niyang dinaluhan ang
asawa na wala pa rin tigil sa paghihisterikal. "Belle, umuwi na tayo."
"No! Cheska, anak!" Habang nilalayo siya kanyang asawa ay hindi niya inaalis ang
tingin sa akin. Wala na siya sa sarili niyang katinuan.
"Jiji, are you alright?" Tinutulungan akong makatayo ni Yuan. Tumango lang ako.
Hindi ko magawang makapagsalita. I was shocked and terrified. Ngayon lamang ako
nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko, na halos manginig ang buong katawan ko
dahil sa takot.
"Jiji, nagdurugo ang kamay mo!"
"Cheska!" Sigaw ko habang tumatakbo patungo sa kanyang kinaroroonan. Subalit tila
wala siyang naririnig habang patuloy na nakatitig sa malawak na karagatan.
"Cheska!" Muli kong tawag. Sa pagkakataon iyon ay lumingon siya sa akin. Malungkot
at malamlam ang kanyang mga mata. Muli siyang tumingin sa dagat habang patuloy na
nililipad ang kanyang mahabang buhok. Subalit bago pa ako makalapit sa kanya ay
bigla na lamang siyang naglaho.
Nasaan na siya?
"Cheska! Cheska!" Nagpatuloy ako sa pagsigaw habang sinusuyod ng tingin ang buong
paligid. Ngunit hindi ko na siya muling nakita.
"Jianne!" Ang mahinang pagtapik sa pisgi ko ang nagpagising sa akin. Pagmulat ko ay
nabungaran ko ang mukha ni Ate Lara. "Nanaginip ka."
Kinurap ko ang mga mata at napagtanto ko na nagsasabi ng totoo ang kapatid.
Panaginip lang pala.
"Gusto mo ng tubig?" Bago pa ako makasagot na nawala na si Ate Lara sa harapan ko.
Doon ko lamang namalayan na naliligo na pala ako sa sariling pawis. Wala sa loob na
nasapo ko ang dibdib. Patuloy sa mabilis na pagtibok ang aking puso na tila
hinahabol iyon.
Ito ang unang pagkakataon na dinalaw ako ng alaala ni Cheska sa panaginip. Gusto
kong isipin na baka nagkataon lang. Ngunit nang maalala ko ang malungkot niyang mga
mata, hindi ko naiwasan isipin na baka mayroon siyang gustong ipahiwatig sa akin.
May kinalaman kaya ito kay Tita Belle?

Bigla kong nasapo ang ulo. Pakiramdam ko ay mabibiyak iyon.


Ano ang gusto mong gawin ko, Cheska?

Chapter Ten: Ignore

Chapter Ten: Ignore

JIANNE
"Jiji, okay ka lang?" Tanong ni Yuan na nagpaangat ng mukha ko. "Kanina ka pa
walang kibo d'yan."
"I'm fine," tugon ko bago muling binalikan ang pagkain sa plato. Wala akong ganang
mag-almusal ngunit kailangan ko pa rin kumain dahil magmula kagabi ay walang laman
ang tiyan ko.
"Kailangan mong ipatingin ang sugat mo. Baka maimpeksyon."
Wala sa loob na tinignan ko ang nakabendang kamay. Mabuti na lamang at huminto sa
pagdurugo ang sugat.
"Gusto mong samahan kita sa ospital?"
Mabilis akong umiling at tumayo. "Okay lang ako, Yuan. Aalis na ako."
"Magtatrabaho ka pa rin sa talyer?"
"Kailangan. Wala akong balak na magmukmok dito buong araw." Pilit akong ngumiti sa
kabila ng pamimigat ng katawan. Paggising ko pa lang ay hindi na maganda ang
pakiramdam ko.
"Hayaan mo na siya, Yuan," narinig kong wika ni Ate Lara habang papalabas ako ng
komedor. Magmula kanina ay nakakapagtaka ang pananahimik ng kapatid. "Yuan, ang
cute-cute mo!" Pinigilan kong bumulanghit ng tawa. Kaya naman pala, pinaglilihihan
niya ang binata.
"Akina ang wrench!"
"Here!"
Mabilis akong nag-angat ng mukha nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon
"Yuan, this is a screw driver."
"Sorry." Agad niyang binawi ang nasa kamay ko at hinagilap sa toolbox ang gamit na
hinihingi.
"Bakit nandito ka?" Kanina lamang ay si Joel ang kasama ko at nakakapagtaka na
hindi ko namalayan nag pagdating ng binata. "Sinusundan mo ba ako?"
"Napadaan lang ako. Here."
"This is rachet." Muli akong sumimangot. Duda ako na nagsasabi siya ng totoo.
Napakamot ng ulo si Yuan. "I'm hopeless. Wala talaga akong future dito sa talyer
mo."
"Mabuti at alam mo." Ako na mismo ang lumapit sa kinaroonan ng toolbox at kinuha
ang kailangan.
"Jiji, bakit ikaw ang nagkukumpuni nito? Paano na ang sugat mo?"
"Hindi ka rin makulit no? Okay lang sabi ako! Besides, kulang ako sa tao. Wala
akong ibang maaasahan."
"P'wede akong magvolunteer."
"No, thanks!"
"Hindi naman ako magpapabayad."
"No, pa rin!"
"Kahit libreng meryenda na lang," muling hirit ni Yuan. Nangingiting binato ko siya
nang nahagip na basahan. Ngunit mabilis naman siyang nakailag. Pagkaraan ay luminga
siya sa paligid na tila mayroon hinahanap.
"Nagawi na ba rito si Mark?"
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit mo naman naitanong?"
"You need to tell him about what happened yesterday. Family niya ang involved at
dapat niyang malaman iyon."
Iyon din naman ang naisip ko. Ang sabihin sa kanya ang tungkol doon. Sinubukan kong
tawagan si Mark kanina ngunit hindi naman niya sinagot ang kanyang cellphone.
Nagpadala na lang ako ng text message at sinabi ko na mayroon akong mahalagang
sasabihin. Subalit hanggang ngayon ay wala akong natatanggap na reply mula sa
kanya.
"May importante kang lakad ngayon, 'di ba?" Pag-iiba ko ng usapan at lihim na
pinasadahan ng tingin ang kanyang suot na slacks at longsleeve. Bumagay sa kanya
ang suot.
"Mamaya pa naman iyon." Sinipat ni Yuan ang suot na relo.
"Mabuti na rin na maaga kang umaalis para hindi ka ma-late sa appointment mo."
"Kararating ko lang pero pinapaalis mo na ako." May himig na pagtatampo sa kanyang
tinig.
"Alam ko naman kung bakit ka nandito. At hindi na ako bata para bantayan mo."
"Gusto ko lang makasiguro na safe ka. Tatanga-tanga ka pa naman."
"Sinong tanga?" Nahagip ng kamay ko ang rachet at tangkang ipupukol sa kanya.
"Oo na, aalis na ako!" Nagmamadaling tinungo ni Yuan ang daan palabas. Hindi ko
malaman kung maiinis o matutuwa sa pagiging concern ng binata. Para siyang si Mark,
OA sa pag-aalala kung minsan.
Speaking of Mark, nagmamadali kong dinukot ang cellphone sa bulsa. Baka sakaling
nagreply na siya sa text message ko. Ngunit bigo pa rin ako na makontak siya. Kung
kailan naman kailangan ko siya ay saka ko hindi maasahan ang binata.
"Bossing, may dumating kayong bisita." Humahangos na lumapit sa akin si Joel,
bitbit ang rim ng gulong. "Dr. Mendoza raw po ang pangalan."
Sa narinig ay nagmamadali kong tinungo ang opisina. Hindi ko maitago ang ngiti sa
aking mga labi. Sabi ko na nga ba at hindi ako matitiis ni Mark.
"T-Tito Mario..." Pinanlamigan ako ng katawan nang pumihit siya paharap sa akin.
Hindi ko inaasahan na makita siya. "B-bakit po kayo naligaw dito?"
"I came to talk."
Sunud-sunod ang ginawa kong paglunok. Hindi ko na siguro kailangan hulaan kung ano
ang pag-uusapan namin dalawa.
"Nag-aalala ako ng husto para kay Belle. Kung hindi siya nagkukulong sa kuwarto ni
Cheska, ayaw naman niyang kumain. Pilit niyang ginigiit sa akin na gusto ka niyang
makita."
"Minsan na siyang nagkaganyan ng mamamatay si Cheska." A muscle in his face jerked
nang banggitin ang pangalan ng anak. "As I thought that she was fully recovered,
muling bumalik ang kondisyon niya nang makita ka." Hindi man niya direktang sabihin
ay parang ako ang sinisisi niya sa nangyari sa kanyang asawa.
"Iha, alam kong kalabisan ang hihilingin ko sayo, but I need your help. Tulungan mo
ang asawa ko. Hindi ko kayang makita siya na nagkakaganyan ulit."
"A-ano po ang gusto n'yong gawin ko?" Kinakabahan kong tanong. And how I wish I
never asked.
"Pagbigyan mo si Belle kahit isang araw lang."
Naikuyom ko ang palad sa narinig. Hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon.
"Bossing, may bigatin tayong kostumer ngayon!" Napatigil sa pintuan si Bogard nang
madatnan niyang hindi ako nag-iisa. "Sorry po. Hindi ko alam na-"
"It's okay. Paalis na rin naman ako," kaswal na wika ni Tito Mario nang muling
humarap sa akin. "Jianne, sana pag-isipan mo ang sinabi ko." Hindi ako kumibo.
Naramdaman ko na lang ang mahina niyang pagtapik sa balikat ko bago siya humakbang
patungo ng pintuan. Kanina ko pa hinihintay na umalis siya.
"Bossing, sino siya? Ngayon ko lang siya nakitang nagawi rito sa talyer."
"Bogard, ikaw na muna ang humarap sa bagong kostumer," mabilis kong utos sa halip
na sagutin ang kanyang tanong. Hanggang ngayon kasi ay nararamdaman ko pa rin ang
panginginig ng aking katawan.
Atubiling tumalima ang binata at walang salita na umalis. Saka lamang ako nakahinga
ng maluwag. Doon ko lamang din napansin ang nagdurugong sugat sa kamay.
"Jianne!"
I almost jumped in surprised. Hindi pa nga ako nakakabawi, heto at may panibago na
naman. Mabuti na lamang at wala akong sakit sa puso.
"Sorry. I never meant to surprised you." Nakangising wika ni Kristofe na lalong
nagpakulo ng dugo ko. Pagkaraan ay nilingon niya ang pinanggalingan. "I guess I was
right. Kotse nga ni Tito Mario ang nakita kong naggaling dito. Why he was here?"
"Gawa na ang kotse mo. Maaari mo nang makuha." Lumabas ako ng opisina at tinawag si
Bogard. "Sa kanya ka na lang magbayad."
"Jianne, wait!" Pinigilan ako ni Kristofe sa braso. "Nagdurugo ang sugat mo."
Mabilis kong binawi sa kanya ang kamay. "It's none of your business!"
"Concern lang naman ako-"
"Concern? Ikaw?" Napatawa ako, but that was fake of course. "My ass!"
"Hey, watch your mouth!"
Tila wala akong narinig na tinungo muli ang opisina. Kahit anong gawin niya ay
hindi magbabago ang pagtingin ko sa kanya.
Nagmamadali kong hinagilap ang cellphone nang tumunog iyon. Hindi ko napigilan
mapangiti nang magregister ang pangalan ni Mark sa screen.
"Jianne, may problema ba?" Bungad ng binata sa kabilang linya. "Sorry, hindi ako
nakapagreply kaagad. Ngayon ko lang nabasa ang text message mo."
"Okay lang. Alam ko naman na busy ka."
"So, anong sasabihin mo? Don't tell me na may ginawa ka naman kalokohan?"
Pinigilan ko ang mga mata sa pag-ikot. Hindi na siya nagbago. Parati na lamang niya
akong pinangungunahan.
"Wala akong ginawang kalokohan. You're right, may malaki akong problema at involved
dito si-"
"Mark, we need to go!" Isang boses ng babae ang narinig kong sumigaw sa kabilang
linya.
"Joanna, just wait me in the car. Sandali lang ako."
Joanna? Iyong mestisang doktora? And how come na first name basis na ang tawagan
nilang dalawa? Close na agad sila?

"Mark, baka ma-late na tayo!"


"Just one more minute."
One minute? Paano kami makakapag-usap sa loob lamang ng isang minuto?
"Ji, I'm sorry. I need to go. I'll call you later. I promise."
What the f-k! Wala pang one minute iyon. "Pero Mark.." End tone na ang narinig ko
sa kabilang linya. Binabaan niya ako ng phone. Parang gusto ko tuloy umiyak.
Sanay na ako na parati niyang binabalewala. Sanay na rin ako sa walang humpay
niyang pagsusungit at sa pabagu-bago niyang mood. Pero ito ang unang pagkakataon na
pinabayaan niya ako kung kailan kailangan ko siya. Ito na ba ang simula para
sanayin ko rin ang sarili ko?
Dalawang araw ang mabilis na lumipas. Magmula noon ay hindi na rin nagparamdam sa
akin si Mark. Hindi ko na rin siya makontak. Palagi na lamang out of coverage ang
kanyang cellphone. Ang sabi ni Valjean ay nasa medical mission daw ang binatang
doktor.
"Bossing, utang na loob sagutin mo na ang cellphone mo," reklamo ni Joel. "Kanina
pa naririndi ang tenga ko!"
"Sinabi ko bang pakinggan mo ang ringtone ko!" Asar na sabi ko. Kung may choice
lang ako ay kanina ko pa sana ini-off ang cellphone.
Pakiwari ko ay hina-harrass na ako ng mag-asawa. Kung hindi si Tito Mario, si Tita
Belle mismo ang paulit-ulit na tumatawag sa akin. Ayaw nila akong tigilan. Kahit
anong pagtutol ang sabihin ko patuloy pa rin silang nangungulit. Lalo na si Tito
Mario, ginagawa niya lang daw iyon para sa kanyang asawa.
Hindi ko tuloy magawa ang trabaho ko. Palagi akong nasa loob ng opisina. Nag-aalala
kasi ako na biglang sumulpot si Tito Mario sa talyer. At kabilin-bilan ko sa mga
tauhan na kung may sinuman maghanap sa akin, sabihin nila na wala ako doon. Kung
malalaman lang sana ni Mark ang tungkol dito, sigurado ako na siya mismo ang
pipigil sa kanyang ama.
Mark naman! Magparamdam ka naman please!
"Bossing!" Bungad ng isang lalaki sa pintuan. Hindi lang kami nagulat ni Joel sa
pagsulpot niya, namangha rin kami sa aming nakita.
"Bossing, bagay ba sa akin?" Bahagya niyang hinaplos ang kulay mais na buhok.
"Bogard?" Halos hindi siya nakilala kung hindi lang sa bilugan niyang mga mata.
"Anong nakain mo at nagpakulay ka ng ganyan?"
"For a change," nakangisi niyang tugon. "Ang pogi ko no?"
"Oo, ang pogi ng buhok mo," wika ni Joel na sinamahan ng nakakalokong pagtawa.
"Naghahanap ka ba talaga nang sakit ng katawan?" Tangkang susugurin ni Bogard ang
binata ngunit agad itong nakapagtago sa likuran ko. "Bossing, ibalato mo na sa akin
ang pandak na iyan. Babanatin ko lang nang tumangkad naman kahit konti."
"Oo na, pogi ka na! Hindi ka naman mabiro."
Ngumisi si Bogard. "Iyan ang gusto ko. Ang maging honest ka. Kung ganyan ka ba
parati, magkakasundo tayong dalawa."
"Pogi ka kapag nakalikod!"
"Hoy pandak, sumusobra ka na! Anong gusto mo away o gulo?"
"Kung mag-aaway kayo dalawa, doon kayo sa labas," saway ko. "Wala akong balak
maging referee ninyo."
"Pero bossing..." hihirit pa sana si Bogard ngunit naunahan ko siyang bigyan ng
warning look. Sumasakit na nga ang ulo ko sa ingay ng aking cellphone, dumagdag pa
silang dalawa.
"Labas!" Mariin kong utos. Hindi naman ako nagdalawang salita agad silang tumalilis
palabas ng opisina. Ngunit wala pang ilang segundo ang nakakaraan nang makarinig
ako ng pagsigaw sa labas.
"Bossing!" Sigurado akong tinig iyon ni Joel. Bahala sila sa buhay nila!
Nasapo ko ang ulo nang muling tumunog ang cellphone. Dismayadong napaungol ako nang
magregister ang pangalan ni Tita Belle sa screen. Ano ba ang dapat kong gawin?
Wait! Bigla akong may naisip na paraan. Nakakuha ako ng ideya kay Bogard. For a
change, aniya. At gusto ko ang change na iyon para sa sarili.

Chapter Eleven: New Her

Chapter Eleven: New Her

JIANNE
Katulad nang inaasahan ko, hindi maitago ang pagkagulat sa mukha ng mga kaibigan
nang makita ako.
"What do you think, guys?" Nakangising tanong ko nang lumapit sa okupado nilang
mesa. Gusto kong malaman ang kanilang mga opinyon sa pagbabagong ginawa ko sa aking
sarili.
"Hindi ikaw ang kaibigan namin, nasaan na si Jianne?" Eksarehadang wika ni Sonnie
kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata.
"Anong trip iyan? Bakit mo naman pinakulayan ng ganyan ang buhok mo?" Obyus ang
pagkadismaya sa tinig ni Cass.
"Jianne, para kang anime," nangingiting sabi naman ni Gabby. "Kamukha mo na si
Naruto."
Anuman ang sabihin nila, alam kong bumagay sa akin ang piniling hairstyle. Hindi ko
alam kung anong tawag doon, pero pinasadya ko talagang pabawasan ang mahaba kong
buhok at pina-bleach iyon ng matingkad na kulay.
"Guys, anong meron?" Puwesto ako sa bakanteng silya sa tabi ni Cass. Wala akong
ideya kung bakit bigla na lamang nagpatawag ng meet up ang mga kaibigan.
"Ikaw ang dapat namin tanungin kung anong mayroon sa'yo?" Seryosong tanong ni Cass.
"Bakit ganyan ang itsura mo?"
"For a change." Panggagaya ko sa script ni Bogard. Subalit mukhang hindi ko sila
kumbinsido sa sinabi ko.
"Hulaan ko..." Mataman akong tinitigan ni Gabby. "Heartbroken ka no?"
"Pakshet! Binasted ka na ni Mark?" Pinukpok ng kamay ni Sonnie ang mesa dahilan
para maagaw ang atensyon ng ibang kostumer.
Hindi ako kumibo. Hindi ko man aminin, alam kong may bahagi ng damdamin ko ang
naapektuhan. Para na rin akong binasted ng binata sa ginagawa niyang pambabalewala
sa akin.
"Sa ganda mong iyan, no pansin ka pa rin sa guwapo pero masungit na doktor na iyon?
Hindi lang siya bulag, sobrang manhid pa niya," paglilintaya ni Sonnie.
"Resbakan kaya natin?" Napatingin kami lahat kay Cass. Hindi kami sigurado kung
nagbibiro lang siya. "What do you think?"
"Kidnapin natin, pagkatapos ano?" Si Gabby.
"Ipapikot natin kay Jianne para wala nang kawala si Doc. Parang shotgun wedding,"
suhestyon ni Sonnie. Hindi ko pinatulan ang pagkapraning ng mga kaibigan.
"Honestly, may malalim akong dahilan." Gustuhin ko man sabihin sa kanila ang
iniisip ngunit siguradong pipigilan lang nila ako.
"Ano man iyan dahilan mo, goodluck na lang sa'yo," wika ni Cass na pinagkrus ang
mga braso sa tapat ng dibdib na tila nahuhulaan ang tumatakbo sa aking isipan.
"Kamukha mo na talaga si Naruto." Si Gabby ulit.
"Mas mukhang anak-araw si Jianne sa itsura niya," komento ni Cass.
"Jianne, sa palagay mo babagay din sa akin ang ganyang hairstyle?"
"Por pabor, Sonnie, huwag mo nang tangkain kung ayaw mong magmukhang anak-buwan."
"Kung anak-buwan ako, ano ka naman, Gabby? Bungang-araw?" Bago pa namin sila
napigilan ay parang mga bastang paslit na naghabulan ang dalawa.
"Ano ba talagang meron ngayon?" Tanong ko kay Cass na mukhang nabubuwiset na sa
inakto ng mga kaibigan.
"Birthday ni Sonnie."
"Hindi ba, August pa ang kaarawan niya?"
"Iyon ang nakasanayan niyang i-celebrate. Pero nadiskubre ni Sonnie na February
pala talaga ang totoo niyang birthday."
Adopted nga lang pala ang kaibigan at marahil ay natunton na rin niya ang kanyang
tunay na pinagmulan. Bagaman masayahin si Sonnie, alam kong pilit niyang ikinukubli
ang kanyang kalungkutan. Hindi rin naman kasi biro ang pinagdaraan niya sa taong
umampon sa kanya. Bagaman sagana siya sa materyal na bagay at pera, iba pa rin iyon
makaramdam ng pagmamahal sa taong kumukupkop sa kanya.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko nang huminto ang sinasakyan pick-up sa
tapat ng malaking villa ng mga Mendoza. Sa oras na bumaba ako ay hindi na ako
makakaatras pa. Ngunit mas mabuti na harapin ko sila kaysa naman patuloy nila akong
guluhin.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang binabaybay ang malawak na hardin ng mga
Mendoza. Subalit ang kumuha ng atensyon ko ay ang nakaparadang sportscar sa hindi
kalayuan. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang Lexus na pinagawa sa talyer noong
isang araw. Pagtuntong ko ng entrada ay agad akong sinalubong ng mag-asawa. At
katulad nang inaasahan ko, nagulat din sila sa nakitang pagbabago sa akin. Hindi
lang sila mukhang nagulat, bakas din sa mga mukha nila ang pagkadismaya lalo na
parte ni Tita Belle.
"Iha, bakit ganyan ang itsura mo?"
"Bagay ba, tita? Ito raw kasi ang uso ngayon." Parang gusto kong matawa sa reaksyon
ng kanyang mukha. Ewan ko lang kung makita pa niya sa akin ang namayapa niyang
anak.
"Pero mas bagay pa rin sayo ang dati mong buhok. Katulad ng buhok ni Cheska."
Umangat ang kamay niya at akmang hahawakan ang aking buhok nang bigla niyang
sapuhin ang noo. "Nahihilo ako." Maagap siyang inalalayan ni Tito Mario.
"Dulce, ipasok mo na ang Mam Belle mo sa loob," utos nito sa nakaunipormeng puti na
babae. Ito yata ang personal nurse ng ginang.
"Jianne, Hindi ito ang pinag-usapan natin!" Banayad na asik ni Tito Mario nang
tuluyan makalayo ang asawa.
"Wala po tayong pinag-usapan. Pinagbigyan ko lang ang kahilingan ninyo na makita
ako ni Tita Belle. At sana po ay ito na ang una at huli."
Nakipaglabanan siya ng titig sa akin. Kung noon ay natatakot ako sa kanya, hindi na
ngayon. Kahit anong mangyari ay hindi ako magpapagamit sa kanila.
"Naisip mo ba kung anong maaring mangyari dahil sa ginawa mo?"
"Naisip n'yo rin ba na maaaring lumalala ang kondisyon ni Tita Belle kung patuloy
ninyong ipapaalala sa kanya si Cheska? Ano sa palagay ninyo ang gagawin ni Mark sa
oras na malaman niya ang tungkol dito?"
"You!" He gritted his teeth. Akala ko pa nga ay sasaktan niya ako. Ngunit
tinalikuran lang ako ni Tito Mario at madilim ang mukha na pumasok sa loob ng
kabahayan. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Ramdam ko ang panginginig ng mga
tuhod na kanina pa gustong bumigay.
"Pinahanga mo talaga ako, Jianne!"
Mabilis akong pumihit nang biglang may magsalita mula aking likuran upang makita
lamang ang kinaiinisang binata, si Kristofe. Kaya pala naroon sa bakuran ang Lexus.
"Walang sinuman sa aming dalawa ni Mark ang may lakas ng loob na gawin ang ginawa
mo kay Tito Mario. You're really incredible."
"Get out of my way!"
Napawing bigla ang kanyang mga ngiti niya at mataman akong tinitigan.
"Jianne, hindi ako kalaban. Maniwala ka, hindi rin ako sang-ayon sa gustong
mangyari ni Tito Mario."
"May alam ka?" Awtomatikong umangat ang kilay ko.
"Binanggit niya sa akin ang tungkol sa kondisyon ni Mama."
"At?"
"Naiintindihan ko na ginagawa lang ni Tito Mario ang alam niyang ikabubuti ni Mama.
Ngunit mali ang kanyang paraan. Hindi niya dapat iyon ginawa sa'yo."
Hindi ako sigurado kung dapat ko siyang pagkatiwalaan. Duda pa rin ako kung
nagsasabi siya ng totoo.
"Jianne, wait!" Pigil niya sa pag-alis ko. Huminto ako ngunit hindi lumingon sa
kanya.
"Tell me, how can I help?"
"It's either, pigilan mo ang iyong stepfather o magsawalang kibo na lang. Alin sa
dalawa?" Hindi ko na hinintay na sumagot ang binata at tuluy-tuloy ako sa
nakaparadang sasakyan.
Mission accomplished. Ang 'for a change' na iyon lang pala ang makakaresolba ng
problema ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Gayunpaman, hindi pa rin ako
dapat maging kampante. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa posibleng maging
hakbang ni Tito Mario. Alam kong hindi siya titigil. At sa oras na mangyari iyon,
si Mark na talaga ang kailangan kong hingan ng tulong.

Wala sana akong balak bumalik ng ospital ngunit nitong mga nakaraang araw ay
patuloy sa pagkirot ang sugat na may pagdurugo kung minsan. Tama si Yuan, noon ko
pa sana pinatingin iyon. Ako lang naman itong matigas ang ulo. Imbes na tuluyang
gumaling mukhang naimpeksyon pa tuloy ang sugat ko.
Nagulat pa ako nang madatnan ko si Mark sa kanyang klinika. Isang malaking himala!
"Tapos na po ang check up hour. Bumalik na lang kayo bukas," aniya na hindi man
lang nag-abalang mag-angat ng mukha. Busing-busy siya sa pagbabasa ng medical chart
ng mga pasyente.
"Hey yah!" Pinasigla ko ang tinig at umupo sa bakanteng upuan sa kanyang harapan.
Kahit may tampo ako sa binata, masaya pa rin ako na makita siya.
Marahas na nag-angat ng tingin si Mark. Parang gusto kong matawa sa reaksyon niya
nang makita ako. "Wala ka ba talagang magawang matino sa buhay mo!" Pinukpok niya
ako ng ballpen sa noo.
"Ang OA mo naman! Nagpakulay lang ng buhok hindi na agad matino."
"At bakit mo nga ginawa? Sabihin mo sa akin ang dahilan," pagdedemand niya.
Bigla akong nawalan ng sasabihin. Ngayon kaharap ko na si Mark hindi ko alam kung
saan ako magsisimula. Binalik ng binata ang atensyon sa ginagawa. Mukha naman hindi
siya interesado sa sasabihin ko.
"Ji, kung mang-iistorbo ka, please lang. Huwag ngayon." Mahinahon niyang wika. He
looks so tired. Nanlalalim ang kanyang mga mata, obyus na kulang siya sa tulog.
Idadag pa ang mangilan-ngilan balbas sa paligid ng kanyang baba na dati-rati naman
ay hindi niya nakakaligtaan ahitin. Siguro nga ay masyado siyang naging busy nitong
mga nakaraang araw. Sa isang iglap, parang bulang naglaho ang tampo ko sa
pambabalewala niya sa akin.
"Why you're here?" He asked in his usual tone. Patuloy pa rin siyang nakasubsob sa
ginagawa.
Ipinatong ko ang nakabendang kamay sa mesa. Iyon naman talaga ang dahilan ko kung
bakit ako naroon sa ospital. Bonus na lang ang makita ko si Mark.
Awtomatikong nag-isang linya ang makakapal na kilay ng binata." "Ano na naman
katangahan ang ginawa mo?" Muli niya akong pinukpok ng ballpen sa noo. Bakit ba
pagdating sa akin ang bigat ng kanyang kamay?
"Lilinisin mo ba ang sugat ko o lilipat na lang ako ng ospital?" Napanguso ako.
"Kung sabagay, di-hamak na mas mabait sa'yo si Dr. Cabrera."
Agad akong pinigilan ni Mark sa bago pa ako makatayo.
"Patingin nga ako ng kamay mo!" Sa kabila ng magaspang niyang tinig ay maingat
naman niyang inalis ang nakabalot na benda. Napalunok ako nang bigyan niya ako ng
matalim na tingin. "Kailan pa ito?"
"Three days ago."
"Kailan mo ito huling pinagamot?" Muli niyang tanong.
"Three days ago- Aray!"
"At pinabayaan mong maimpeksyon ng ganito?" Kulang na lang ay umusok ang ilong ni
Mark. Tuluyan na siyang nagalit sa akin.
"Sorry na. Madami lang talaga akong iniisip nitong nakaraang araw."
Hindi na kumibo ang binata. Buong akala ko pa naman ay sesermunan niya ako katulad
ng madalas niyang gawin. Pagod na rin siguro siya para awayin ako. Hindi na rin ako
muling nagsalita. Tahimik kong pinanood ang ginawa niyang paglilinis sa aking
sugat. Pero hindi ko pa rin matiis na hindi siya kausapin.
"Mark, hindi mo ba ako na-miss?"
"May dahilan ba ako para ma-miss kita?"
Ouch! Tablado agad ako!
"Nakakasakit ka na ng damdamin, alam mo ba iyon?"
Hindi siya kumibo.
"'Yung totoo, hindi mo talaga ako na-miss?"
Wala na naman siyang response. Hindi ko malaman kung manhid lang talaga siya o may
problema lang ang kanyang pandinig.
"Oo at hindi lang naman ang isasagot mo." Nagsisimula na akong mairita. Mukhang
tama nga ang hinala ko, balewala na talaga ako sa kanya.
"Konti," halos pabulong niyang tugon.
"Bakit konti lang?"
"I'm done!" Wala akong kamalay-malay na tapos na pala niyang gamutin ang sugat ko
at nakabenda na iyon.
Tumayo si Mark at lumipat sa couch. He rest his head and closed his eyes.
"Bakit hindi ka pa umuwi sa pad mo at magpahinga ka na?"
Dumilat siya at sinipat ang suot na wristwatch. "Maya-maya siguro. Ji, come here."
Tinapik ni Mark ang bakanteng espasyo sa kanyang tabi.
"Para naman magkakasya tayong dalawa d'yan."
"Basta!" Umusod siya ng konti para magkasya ako pero para kaming sardinas na
nagsisiksikan sa pang-isahan na couch.
Sa aking pagkamangha nang bigla na lamang dumantay ang ulo ng binata sa balikat ko,
kasabay ng isang mahaba niyang paghikab.
"Inaantok na ako."
"Sabi ko naman sa'yo umuwi ka na."
"Ihatid mo ako sa pad."
"Gagawin mo na naman akong driver mo!"
"Ayaw mo?"
"Sinabi ko bang ayaw ko? Tumayo ka na d'yan at ihahatid na kita." Subalit hindi man
lang kumilos ang binata. "Mark?"
Hindi na siya tumugon. Inakala ko na tuluyan na siyang nakatulog sa balikat ko kung
hindi lang tumunog ang kanyang cellphone.
"Don't move. Just wait for me!" Mabilis na tumayo ang binata. "Ji, let's go!" Ang
unang pumasok sa isip ko ay baka mayroon siyang emergency
"Saan tayo pupunta?"
"Sa condo ni Joanna."
Nahilo na ang mga mata ko sa kaiikot habang pinagmamasdan si Mark na nilalapatan ng
first aid si Joanna. Ayon sa doktora, natapilok daw siya. Kung hindi nga lang ako
sinaway ng binata, talagang sasabihin ko sa kanya na sana tumawag na lang siya ng
ambulansya keysa mang-istorbo ng ibang tao.
"Mark, I can't move my foot." Hindi ako siguro kung maarte lang talaga si Joanna o
ganon na talaga siya magsalita. Ngunit alin man sa dalawang iyon, parehong masakit
sa tenga.
Halos sumayad ang nguso nang buhatin ni Mark si Joanna upang dalhin sa silid ng
dalaga. Hindi ko maintindihan kung bakit tino-tolerate niya kaartehan ng babaeng
iyon. Dali-dali akong sumunod sa kanila. Hindi ko hahayaan na masolo niya ang
binata.
"I think she's fine now. Umuwi na tayo, Mark and get some rest."
"Don't leave me." Pigil sa kanya ni Joanna. Nakapikit ito sa braso ng binata.
Isang-isa na lang talaga at makakatikim na sa akin ang maarteng babaeng ito!
"Joanna, he's tired. Hindi mo ba nakikita? Alam mo naman kung gaano ka-busy si
Mark?"
"Jianne!" Saway sa akin ng binata.
"Mark, ikaw lang din naman ang iniisip ko. Unless, dito mo gustong matulog?"
Hindi kumibo ang binata. Mas mainam na siguro iyon keysa sumagot siya ng oo. Dalawa
talaga silang malilintakan sa akin. Nakumbinsi ko lang si Mark na umuwi nang
tawagan ko si Yuan at pinapunta roon.
"Jiji, what happened?" Wala pang labinlimang minuto ay naroon na si Yuan.
"I need your help. I mean she needs your help." Ininguso ko si Joanna na hindi
maipinta ang pagmumukha.
"What about her?" Gusto kong matawa sa facial expression ni Yuan.
"Take care of her." Iyon lang at inakay ko na si Mark palabas ng pintuan.
"Teka lang, Jiji! Huy, anong gagawin ko sa kanya?"
"Kapag nag-inarte, ibitin mo ng patiwarik!"
"I dont' think he can take care of her," komento ni Mark nang sumakay kami ng
elevator.
"Yuan can handle her. Sana."
Mark couldn't almost make it. Nasa pintuan pa lang kami ng unit niya ay tila
babagsak na siya anumang oras. Halos akayin ko na siya hanggang sa kanyang kuwarto
at padapang nag-dive sa kama. Tsk! Ang yabang pa niya kanina, pero sa biyahe pa
lang ay halos hindi na niya maidilat ang mga mata.
"Mark?" Ngunit wala akong narinig na response mula sa kanya. Tuluyan na siyang
nakatulog. Inayos ko siya sa ibabaw ng kama bago lumabas ng kanyang silid. Naabutan
ko ang magulong living room. Pati paglilinis ay wala na rin oras ang binata.
Naghagilap muna ako ng makakain sa kusina. Hindi pa pala ako nananghalian. Pinakain
ko na rin si Kitkat, na magmula kanina ay hindi tumigil sa paglingkis sa mga binti
ko. Ang plano ko ay magpahinga muna sandali bago ko simulan linisin ang living room
ngunit dala marahil ng pagod ay nakatulog ako sa sofa.

Chapter Twelve: Nuisance

Chapter Twelve: Nuisance

JIANNE
Pakiramdam ko ay kumikiliti sa aking leeg. Hindi ko napigilan mapahagikgik.
"Mark naman eh!"
Ang nakakaliting pakiramdam na iyon ay umakyat sa pisngi ko hanggang sa ilong
pababa sa aking labi. Awtomatikong napanguso ako.
Meoww!
Meoww? Pagmulat ko ng mg mata, bumungad sa paningin ko ang mukha ni Kitkat.
Nabalikwas ako ng bangon at mariing ikinukos ng palad ang bibig. Pwe! Anak ng pusa
naman! Napeke ako. Buong akala ko talaga ay si Mark iyon. Panaginip lang pala ang
lahat.
Meoww!
"Stay away from me!" Pagtataboy ko kay Kitkat. "Ayoko sa'yo. Manyak ka!"
"Sinong manyak?"
Paglingon ko ay nakatayo si Mark sa pintuan ng kanyang kuwarto. Magulo ang buhok at
namamaga pa ang mga mata. Ang guwapo pa rin niya kahit bagong gising.
"Hindi ka na naman umuwi sa inyo!" Nahagip ng kamay niya ang throw pillow at
ipinukol sa akin. Tinamaan ako sa mukha bago pa ako makailag.
"Kasalanan mo kung bakit hindi ako nakauwi!" Inis na ipinukol ko pabalik sa kanya
ang unan na agad naman niyang nasalo. "Akala mo ba gusto kong matulog dito sa
sofa?"
He smiled huskily. Good mood ang binata. Mukhang maganda ang kanyang gising. Mabuti
pa siya!
"Sinabi ko ba na d'yan ka matulog?"
"Sa sobrang pagod ko kagabi dito na ako inabot sa living room. Baka akala mo magaan
ka. Daig ko pa nagbuhat ng dalawang kaban bigas."
Tinawanan lang ako ni Mark at muli akong pinukol ng unan. Mabuti na lang at maagap
kong nasalo iyon.
"Umuwi ka na. Siguradong nag-aalala na sa'yo ang kapatid mo."
"Ganon lang iyon? Wala man lang thank you?"
"Thanks. Now leave."
"Hindi mo ba muna ako pag-aalmusalin bago mo ako paalisin?"
Tumayo si Mark at tinungo ang kusina. Pagkaraan ay bumalik din siya. "Magbihis ka.
Sa labas na lang tayo mag-aagahan."
Wala sa loob na niyuko ko ang sarili. "Wala akong dalang spare clothes."
Akala ko ay hindi ako narinig ng binata. Dirediretso siya sa kanyang silid.
Pagbalik niya ay may bitbit siyang malinis na damit.
"Bilisan mong magpalit. Nagugutom na ako." Iyon lang muli akong tinalikuran ni
Mark.
Hindi ko napigilan mapangiti nang makita ko ang itsura sa harap ng salamin. Suot ko
ang kanyang oversize na t-shirt at cargo short na lumagpas sa aking tuhod. Boyish
na boyish ang outfit ko.
"Ano pang tinatanga-tanga mo d'yan? Tara na!"
"Oo na sungit!"
Buong akala ko pa naman ay sa isang mamahaling restaurant ako dadalhin ni Mark.
Iyon pala sa Mc Donalds niya lang ako pakakain. Dismayado man, in-enjoy ko na lang
ang moment na kasama siya.
Pagkatapos kumain ay bumalik din kami kaagad ng pad. Sakay na kami ng elevator nang
muling magsalita ang binata.
"Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin mo sa salamin. What's wrong?"
"Parang namamaga ang mga labi ko." Nakanguso akong lumingon sa kanya. "Napaso kasi
ako sa kape kanina."
"Hindi ka kasi nag-iingat. Sunggab ka na lang ng sunggab. Patingin ka!" Itinaas
niya ang baba ko at magkasalubong ang mga kilay na tinitigan ang nakausli kong
nguso. "Wala naman nagbago. Sadyang mahaba lang talaga ang nguso mo."
"Get a room, guys!" Tinig ni Tyron na nagpapitlag sa aming dalawa ni Mark. Hindi
namin namalayan ang pagbukas ng elevator at iyon ang naabutang eksena ng binata.
"It's not what you think."
"Okay, ganito na lang. Kunwari wala akong nakita," nakakaloko pa niyang sabi na
sinabayan ng malakas na pagtawa.
Basta na lamang akong hinila palabas ng elevator ni Mark. Obyus na hindi niya
nagustuhan ang sinabi ng kaibigan.
"I'm just kidding, Maki boy!" Pahabol ni Tyron bago magsara ang elevator. "Bawal
ang pikon at alam mo 'yan!"
"Anong problema ng kaibigan mo? Sira-ulo yata iyon."
"Huwag mo na siyang pansinin. Damn! Bakit ba ayaw magbukas ng pintong ito!"
"Mark, maling susi ang gamit mo."
Imbes na umuwi sa bahay, naisip kong tulungan si Mark sa pagge-general cleaning ng
kanyang pad. Noong una ay ayaw pa niyang pumayag hanggang sa tuluyan ko siyang
nakumbinsi. Pagkakataon ko na iyon para masolo ang binata.
"Hindi pa ba tayo magsisimula?"
"Wait, pakakainin ko lang si Kitkat." Sinundan ko si Mark hanggang kusina.
"Simulan ko na kayang linisin ang kuwarto mo?"
"Hep!" Pigil niya sa akin bago pa ako makahakbang. "Off limits ang kuwarto ko. Doon
ka na lang sa living room maglinis."
"Bakit bawal?"
"Basta!"
Sayang! Pagkakataon ko na rin sana na mahalungkat ang mga personal na gamit ng
binata.
"Ganito na lang, ikaw sa living room at ako naman sa kuwarto at kusina."
"Pero masyadong malaki ang living room kung mag-isa lang ako," reklamo ko.
"Sige, idamay mo na rin pati ang banyo at itong kusina."
"Sa living room na lang ulit ako." Biglang bawi ko at nagmamadaling lumabas ng
kusina. Hindi na ako nanalo sa kanya.
"Ako na nga ang tutulong, ako pa ang may pinakamaraming lilinisin. Lugi yata ako,"
paghihimutok ko habang isa-isang inaalis ang cover ng mga throw pillow. Kung hindi
ko lang talaga masosolo ng buong araw si Mark ay hindi talaga ako magtitiyaga na
tulungan siya.
"Here!" Inabutan ako ng mga gamit sa panlinis ng binata. Kumpleto iyon, mula sa
walis, pandakot, feather dust at basahan."
"Wala ka bang vacuum d'yan?"
"Meron, pero hanggang ngayon ay hindi pa sinasauli sa akin ni Tyron. Pagtiyagaan mo
na lang ang mga iyan."
Ano ba nga ba?
"Linisin mo na rin ang estante sa kaliwa," muling utos ni Mark. "And Ji, please
lang, pakiingatan ang mga collections item ko." Iyon lang at pumasok na siya sa
kanyang kuwarto.
Kahit hindi naman niya sabihin ay alam ko naman iyon. Halos ayaw nga niyang ipahipo
at ipagalaw sa iba ang kanyang mga gundam figure. Karamihan kasi doon ay koleksyon
pa ng binata noong nag-aaral siya. Mabilis kong natapos ang pagwawalis at
paglalampaso ng sahig. Hindi ko muna ibinalik ang carpet, sa tingin ko ay
kakailanganin pa iyong i-vacuum upang maaalis ang mga alikabok.
Lumabas si Mark ng silid, bitbit ang mga maruruming bedsheet. Tulad ko ay naliligo
na rin siya sa pawis. "Ji, samahan mo ako mamaya sa laundry shop mamaya."
Tumango lang ako. Nakapokus kasi ako sa aking bagong assignment, ang malaking
estante na mas matangkad pa sa akin. Sa katunayan, hindi ko magawang abutin ang
pigurin na nasa pinakamataas na bahagi. Mukhang kakailanganin ko pa ng
matutungtungan.
"Ako na," pagboboluntaryo ng binata at bago pa ako makahuma ay naabot na niya ang
bagay na gusto kong kunin. "Pandak ka kasi," nangingiting wika pa niya. Sumimangot
ako na kasabay ng paghaba ng nguso.
"Hindi ako pandak. Matangkad ka lang kaya nagmukha akong maliit."
"Pareho lang iyon."
"Kung ibagsak ko kaya sa sahig itong gundam mo?" Ngumisi ako at akmang bibitawan
ang kanyang koleksyon."
"Jianne!"
Kalaunan ay tinulungan din ako ni Mark sa paglilinis ng estante. Wala raw siyang
tiwala sa akin. Takot lang siguro siya na baka kung ano ang gawin ko sa kanyang
iniingatang koleksyon.
"Ang init!" Reklamo ko sabay punas ng suot kong t-shirt sa butil-butil kong pawis
sa mukha. "Mark, buksan ko ang aircon."
"Don't" Pigil niya sa akin. "Masamang malamigan ang katawan natin lalo na ngayon
basang-basa tayo ng pawis."
"Ah, okay." Siguradong alam niya ang tungkol doon dahil doktor siya. "Akala ko ay
nagtitipid ka lang ng kuryente."
Lumapit sa akin si Mark at sa aking pagkamangha ay iniangat niya ang laylayan ng
suot na t-shirt at walang babala na pinunas iyon sa aking mukha. Sinamantala kong
singhutin ang naiwan pabango sa kanyang damit. Geez! So kilig.
"Ako naman."
"Huh?" Yumuko ang binata at akmang iaangat ang suot kong t-shirt. "T-teka lang."
Kahit siguro siya ay nagulat sa kanyang inakto. Pero mas lalo akong nagulat nang
basta na lang niyang hubarin ang kanyang damit. Halos lumuwa ang mga mata sa hubad
na katawan na nasa aking harapan. Mamamia!
Inabot sa akin ni Mark ang kanyang t-shirt at tumalikod. Saka ko lamang nakuha ang
ibig niyang ipahiwatig. Gusto niya na ako ang magpunas ng pawis sa kanyang likod.
Takte! Kulang na lang ay mangisay ako sa sobrang kilig. Para lang akong nanay na
nagpupunas ng kanyang damulag na anak.
Sabay kaming lumingon sa pintuan nang tumunog ang doorbell.
"May inaasahan ka bang bisita?" Wala sa loob na tanong ko.
"Baka si Tyron lang iyan." Tinungo ni Mark ang pintuan at binuksan iyon.
"Surprise!"
Hindi ko na kailangan hulaan kung kaninong boses iyon. Kahit nakapikit ako ay
kilalang-kilala ko siya. Naman! Hanggang dito ba naman!
"Joanna, what are you doing here?"
"Yestesday you told me that you will clean your house. So I came here to help."
Pagpihit ng doktora ay nagulat pa siya nang makita ako. "Mark, may kasama ka pala."
"She volunteer to help me."
"Jianne, right?" Ngumiti siya sa akin. Pinilit kong gumanti ng ngiti. But at the
back of my mind, my eyes are rolling. I had this dread feeling na hindi lang ako
ang nakikipagplastikan.
Ganon na lamang ang pagsisintir ng kalooban ko habang patuloy na naglilinis. Kung
kailan naman gumaganda ang moment namin ni Mark ay saka naman may asungot na
sumulpot. Buong akala ko talaga ay masosolo ko ng buong araw ang binata.
"Ji, paabot ako ng basahan," utos sa akin ni Mark. Tila wala naman wala akong
narinig. Bahala siya sa buhay niya. "May problema ba?"
Sinulyapan ko siya ng matalim. Kahit hindi ko sabihin, siguradong alam naman niya
ang dahilan. Pero dedma lamang ang binata. Naku! Napaka-dense talaga niya.
"Ano nga pala ang gagawin ko?" Tanong ni Joanna na pursigidong tumulong maglinis.
Lihim akong napangiti.
"Nakakahiya sa'yo. Hindi mo naman kailangan tumulong pero dahil mapilit ka, sige na
nga, simulan mo ng maglinis sa banyo."
"Sa restroom?" Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.
Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango. "Yup, sa banyo." Itinuro ko pa sa kanya ang
kinaroroonan n'yon.
"Joanna, dito ka na lang maglinis. Ako na lang sa banyo." Suhestyon ni Mark na
biglang nagpasimangot sa akin. Akala ko pa naman ay makakaisa ako.
Dalawa tuloy kaming nagtulong ni Joanna sa paglilinis ng estante. Kung tutuusin ay
halos nalinis ko na lahat, at konti na lang ang kanyang lilinisin. Kung siya na
lang kaya ang pagbitbitin ko ng mga maruruming bedsheet sa laundry shop?
Naagaw ang atensyon ko ng may kung bumagsak sa sahig. Patay! Nabitawan ni Joanna
ang paboritong gundam figure ni Mark at nagkalasog-lasog iyon. Humahangos na
lumabas ng kuwarto ang binata. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya.
"Mark, I'm so sorry. Hindi ko sinasadya."
"It's okay." Yumuko si Mark at pinulot ang mga piraso sa sahig.
Okay lang sa kanya? No way! Ako nga, halos isang linggo niyang hindi kinibo nang
minsan masira ko iyon. Tapos kay Joanna, okay lang? It's unfair!
"Sorry talaga. Kung gusto mo papalitan ko na lang ng bago," mangiyak-ngiyak na sabi
ni Joanna.
"Forget it! Laruan lang naman ito."
"Laruan lang na koleksyon mo," sabat ko.
"Ji!"
Kanina pa nahihilo ang mga mata ko sa kaiikot ng mga iyon. May pakiramdam ako na
nagkukunwari lang si Mark na okay lang sa kanya kahit hindi naman. Ano bang mayroon
ang Joanna na ito na wala ako?
"Anyway, may dala nga pala akong food," pag-iiba ng topic ni Joanna. "Guys, kumain
muna tayo."
Katulad ng inaasahan ko ay hindi tumanggi si Mark. Wala sana akong balak maki-join
sa kanila. Ngunit para ko na rin binigyan ng pagkakataon si Joanna na masolo ang
binata kung hahayaan ko silang dalawa. No way! Nakipag-unahan ako sa kanila na
marating ang kusina.
Panay ang bida ni Joanna na siya raw mismo ang nagluto ng mga dinala niyang
pagkain. Mukhang masarap ngunit duda ako na baka binili niya lang iyon sa
restaurant.
"Ji, kumain ka na." Pinagsandok ako ng pagkain ni Mark sa plato. "Kumain ka ng
marami dahil marami pa tayong lilinisin."
"Mark, try this one. For sure magugustuhan mo ito." Pinagsandok naman ni Joanna ang
binata. Kulang na nga lang ay subuan niya ito.
"Ji, ba't hindi ka pa kumakain?" Napansin ni Mark na hindi ko pa ginagalaw ang
pagkaing binigay niya sa akin.
"Hindi mo ba gusto ang niluto ko?" Biglang lumungkot ang mukha ni Joanna. "Sorry,
ito lang kasi ang alam kong lutuin."
Eh 'di wow! Siya na ang magaling magluto! Iyon ay kung siya nga talaga ang nagluto
ng mga iyon.
"May hipon. Allergic ako sa hipon. Unless gusto n'yo akong maospital."
Agad na nilayo sa akin ni Mark ang plato.
"Sorry, hindi ko alam. Ito na lang vegetable ang kainin mo." Inilapit sa akin ni
Joanna ang isang food container.
"May hipon pa rin iyan."
"How about this soup?"
"Bawal sa kanya ang crab," si Mark ang sumagot. "Jianne, magpadeliver ka na lang ng
pagkain."
Tama bang utusan ako? Bigla akong tumayo at tinungo ang cupboard. Mabuti na lamang
at may nakita akong makakain doon."Pagtitiyagaan ko na lang itong cup noodles."
Imbes na sabayan sila sa pagkain ay nagsolo akong kumain sa living room. Nakakasama
ng loob. Ako pa ngayon ang naging outcast. Kabuwisit!
"Hindi ka mabubusog kung iyan lang ang kakainin mo." Inabutan ako ni Mark ng
sandwich. Walang kibo na kinuha ko iyon.
"Bakit humahaba na naman 'yan nguso mo?"
"Ikaw ang dahilan!" Halos hindi maintindihan na sabi ko habang ngumunguya.
"Bakit? Anong ginawa ko?"
"You promised me. Pero hindi mo tinupad."
"I promised?" Tila gulat na gulat pa siya.
"Ewan ko sa'yo! Ulyanin ka na!"
Napakamot siya ng ulo. "I almost forgot. Sorry."
Hindi ako kumibo. Ngunit sa lahat naman ng masama ang loob ay ako magana pa rin
kumain. Ginutom ako sa paglilinis.
"Sorry na." At sa lahat naman ng nagso-sorry ay si Mark ang nakangiti. "Ganito na
lang, what if i-treat kita ulit sa labas pagkatapos natin maglinis? Okay na ba iyon
para mapatawad mo ako?"
"Tayong dalawa lang?"
Sunud-sunod ang ginawang pagtango ni Mark. "Tayong dalawa lang. Promise."
"Excuse me," biglang singit ni Joanna. "Mark, remind ko lang sayo na may pupuntahan
tayong seminar mamayang hapon."
"Oo nga pala!" Nasapo bigla ng binata ang noo.
Bigla akong tumayo at tinungo ang pintuan. Walk-out ang peg ko!
"Ji, saan ka pupunta?"
Subalit tuluy-tuloy ako na tila walang narinig. Nang madaanan ko si Joanna ay basta
ko na lang ibinigay sa kanya ang pinagkainan ko. Sa sobrang sama ng loob ay hindi
ko nagawang ubusin ang aking pagkain.
Pasakay ako ng elevator nang makasalubong ko si Tyron. Malayo pa lang ay natanaw ko
na ang nakangisi niyang pagmumukha.
"Juliane, uuwi ka na agad? May nangyari na ba sa inyo ni Doc? Malamang wala kasi
hindi mo siya iiwanan kung-"
Lumipad ang kamao ko sa kanyang mukha. Badtrip na nga ako, ginagatungan pa niya.
"Jianne ang pangalan ko at hindi Juliane! Buwisit! Magsama kayo ng kaibigan mo!"

Chapter Thirteen: Peace Offering

Chapter Thirteen: Peace Offering

JIANNE
Nagsalubong ang mga kilay ko nang madatnan sina Trisha at Jared sa talyer. Wala sa
loob na sinipat ko ang suot na relo.
"Cous, sorry kung nakialam na kami rito," salubong sa akin ng pinsan. "Tinanghali
ka na yata."
"Maaga lang kayong mag-asawa."
"Hi, Jianne!" Bati ni Jared. "Makikilibre lang kami ng auto service." Mula sa
kanyang likuran ay sumulpot ang isang lalaki. Mayroon pa pala silang kasama.
"Hello, Kuya Riley!" Medyo matagal na rin nang huli ko siyang makita.
"Pasensya na sa istorbo. Na-flat kasi ang gulong ng kotse ko. Don't worry babayaran
ko ang service."
Gumanti ako ng ngiti. "Forget it. Ililista ko na lang sa mga utang ni Jared sa
akin."
"Teka, kailan ako nagkautang sa'yo?"
"Sa tuwing magpapa-service ka dito sa talyer. Akala mo ba libre ang lahat ng iyon?
Business is business, at alam kong alam mo iyon dahil businessman ka rin,"
nangingiti kong lintanya. Biro ko lang iyon pero mukhang sineryoso ni Jared.
"Si Pate ang nagsabi sa akin na libre lang daw, kaya siya dapat ang singilin mo."
"Hoy, Monreal! Wala akong sinasabing ganyan! Jianne, doon na nga lang tayo sa
opisina. Kanina pa pinag-iinit ng lalaking ito ang ulo ko!" Napilitan akong sumunod
kay Trisha. Mukhang may LQ ang mag-asawa. Kaya pala panay ang irap niya kay Jared
magmula kanina.
"Trish, ano na naman ang pinag-awayan ninyong dalawa?" Naisip kong itanong. Hindi
kasi maipinta ang kanyang mukha.
"Hindi lang siguro maganda ang gising ko," tugon niya kasabay ng pag-iwas ng
tingin. Hindi ko siya pipilitin kung ayaw niyang magkuwento sa akin.
Inabutan ko siya ng C2 mula sa fridge. "Magpalamig ka muna ng ulo. Babalikan ko
lang 'yung bag ko sa pick-up." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at lumabas na
ako ng opisina. Naabutan kong nag-uusap sina Jared at Riley. Hindi nila ako
napansin dahil nakatalikod sila sa akin.
"Good thing, mukhang tinamaan na si Mark sa kanya," wika ni Riley na nagpahinto sa
akin sa paghakbang. "Mabuti na lang pala at pinursige natin siya na makipag-date
kay Joanna."
"Fifty percent na lang ang chance ni Mark na maging matandang binata," natatawang
sabi naman ni Jared. "Sana nga si Joanna na ang kasagutan ni Doc sa tigang niyang
lovelife."
Imbes na kunin ang naiwan bag sa pick-up ay bumalik na lang ako ng opisina.
"Jianne, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin niTrisha. "Namumutla ka."
"S-sumakit lang ang ulo ko," pagsisinungaling ko. Hindi ko malaman kung paano
sasabihin sa kanya ang mga natuklasan ko. O maaaring alam na rin niya? Posible
dahil napakadaldal ng kanyang asawa.
"Inuman mo na lang ng gamot." Tumango lang ako at humakbang patungong fridge. "Ji,
alam mo ba na nakikipagdate si Mark sa ibang babae? Joanna yata ang pangalan niya."

Muli lang akong tumango bago tumungga ng tubig. Halos maubos ko ang laman ng bote.
"And?"
"Seemed like he likes her."
"Lagot! Anong plano mo? May ginagawa ka ba?"
Hindi ako kumibo. Sa mga natuklasan ko kanina, pinanghinanaan na ako ng loob. Wala
na siguro akong magagawa dahil kung ang pagbabasehan ko ay ang klase ng pagtrato ni
Mark kay Joanna, mukhang tama si Riley. Nahuhulog na ang loob ng binata sa doktora.
"Don't tell me na manonood ka lang na agawin ng Joanna na iyon si Mark sa iyo? Do
something, Jianne! Makipagsabayan ka sa kanya. Fight for your feelings. Huwag mong
hayaan masayang at mabalewala ang ilang taon na pagtitiyaga at pagtitiis mo. Make
him realize na ikaw ang karapat-dapat sa pag-ibig niya. Dahil kung mayroon man
higit na nakakakilala kay Mark, ikaw iyon. Ikaw lang ang taong nakakaintindi at
nakakaunawa sa kanya at higit sa lahat, ikaw lang ang natatakbuhan niya. Ikaw ang
kailangan niya."
Kahit papaano ay nakatulong ang mga sinabi ni Trisha. She's right. I need to do
something. Subalit, sa oras na tuluyang mahulog ang loob ni Mark kay Joanna, wala
na akong karapatan na pigilan pa sila. Afterall, hindi ko naman talaga magagawang
tiktahan ang damdamin ng binata.
Kaya hangga't may pagkakataon pa ako, kailangan kong makaisip ng paraan kung paano
kukunin ang atensyon ni Mark.
"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?"
Ito na ang pangatlong tanong sa akin ni Sonnie. Hindi ko malaman kung matatawa ako
o maiinis sa kanya.
"Hindi ka rin makulit noh?"
"Ako kasi ang kinakabahan sa binabalak mong gawin?"
Hindi ko napigilan bumulanghit ng tawa. Pinagtinginan tuloy kami ng mga kapwa
namimili sa supermarket na pinuntahan.
"Anong nakakakaba sa pagluluto?"
"That's my point, hindi ka naman marunong magluto."
"Iyon ang akala mo. Just watch me."
"Then goodluck sa'yo." Hindi na ako kinontra ng kaibigan. "If I know, isang putahe
lang naman ang kaya mong lutuin kung sakali."
"Dahil isa lang naman ang paboritong kainin ni Mark." At sigurado akong hindi iyon
alam ni Joanna. Sa parteng iyon ay nakalamang ako sa kanya ng konti.

"Try mo kayang lagyan ng gayuma," pabulong na wika sa akin ni Sonnie. "Iyon ay kung
talagang pursigido ka na mapasakamay mo ang minimithing doktor."
"Para kang tange!" Bukod sa hindi ako naniniwala tungkol sa bagay na iyon, ayokong
diktahan ang damdamin ni Mark. Dahil naniniwala ako na kahit papaano ay mayroon
akong puwang sa napakamanhid niyang puso.
Subalit bigla akong napaisip, hindi kaya nagayuma na ni Joanna ang binata? Ganon
na lamang kasi ang pagtataka ko sa atensyong binibigay sa kanya ni Mark na hindi
naman nito ginagawa dati, maliban na lang kung gusto nito ang isang tao.
"Jiji, look!" Itinaas ni Yuan ang hawak na box ng pancake. "Hindi ba, favorite mo
ito?" Hindi na niya hinintay ang sagot ko at basta na lamang inilagay iyon sa
pushcart. Hindi na ako nakatanggi nang magboluntaryo siyang sumama. Besides,
kailangan kong bumawi sa kanya. Ganun na lamang ang pagtatampo niya sa akin dahil
pinaalagan ko raw sa kanya si Joanna. Sumakit lang daw ang ulo niya sa kaartehan ng
babae.
"Bakit hindi na lang siya?" Siniko ako ni Sonnie at ininguso si Yuan na mas excited
pa sa akin sa paggo-grocery. "Guwapo rin naman siya, lamang nga lang siguro si Doc
ng isang paligo sa kanya."
"He's like a brother to me."
"Ouch! Ang sakit naman 'nun! Alam ba niya?"
Tumango lang ako. Minsan ko nang nabanggit iyon sa binata pero sa nakikita ko ay
hindi pa rin siya sumusuko. Marahil ay umaasa pa rin siya.
"Kung ayaw mo sa kanya, p'wede akin na lang siya?"
Muntikan na akong bumulanghit ulit ng tawa. "Tigilan mo nga ako, Sonnie. Ikaw,
magkakainteres sa lalaki? Kung hindi kita kilala, iisipin ko na seryoso ka."
"Fine! Aamin na ako." Pinaikot ng kaibigan ang kanyang mga eyeballs. "Isa akong
lesbian at girlfriend ko si Cass- Aray!" Hinila ko ang dulo ng kanyang buhok.
"Mas macho pa si Cass kaysa sa'yo. At hindi ikaw ang tipo niya." Sa aming apat na
magkakaibigan ay si Sonnie ang pinakabakla kung kumilos. Pero siya ang tipo na
nililingon ng mga lalaki kaya hindi nakakapagtaka na marami siyang manliligaw.
Ngunit kahit isa sa mga iyon ay walang nakapasa sa kanya. Katwiran niya, masyado
siyang busy sa pagpapayaman. Kung tutuusin ay mayaman naman na talaga siya. Sa
kanya pinamana ang lahat ng naipundar at ari-arian ng taong nagpalaki at umampon sa
kanya. Subalit para sa dalaga, hindi niya pag-aari ang mga bagay na hindi niya
pinaghirapan.
Pagdating sa cashier, hindi na ako nagulat nang umabot sa mahigit dalawang libong
piso ang bill ko. Siniko ko si Yuan. "Ikaw ang magbayad." Mas marami pa kasi siyang
pinamili keysa sa akin.
Hindi naman nagreklamo ang binata at agad niyang inabot ang credit card sa kahera.
At hindi rin siya nagreklamo ng ipabuhat ko sa kanya ang lahat ng aming mga
pinamili.
"He's so cute and kind. Sagutin mo na si Yuan bago ko pa siya agawin sa'yo."
"Dare!" I changelled her.
Ngumisi si Sonnie at nilapitan ang binata. "Yuan, gusto mong magmeryenda muna?
Sagot ko."
Napailing na lamang ako. May pagkalukaret talaga ang kaibigan.
"What is this?" Kuno't noong tanong ni Mark. Hindi ko man lang siya nakitaan ng
excitement nang ilapag ko sa kanyang harapan ang dalang food container.
"See for yourself." Sinadya kong pasiglahin ang tinig subalit nakipagtitigan lang
sa akin ang binata. Sa halip ay ako na mismo ang nag-alis ng takip ng container.
"Surprised!" Ngunit mukhang hindi naman siya nasorpresa.
"Ano iyan?"
"Pagkain?"
"Alam ko, pero anong klaseng pagkain iyan?"
"It's your favorite, pork giniling na puro patatas with boiled egg."
"Nasaan ang pork? Bakit hindi ko makita?"
"Kasi nga puro patatas. 'Di ba iyon naman ang gusto mo?"
"Ikaw ang nagluto?"
Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango, with smitten smile on my face. Nagdududa na
tinignan ako ni Mark.
"Kailan ka pa natututong magluto?"
"Matagal na hindi mo lang alam."
Inaangat niya ang container at dinala iyon sa kanyang ilong.
"Don't worry hindi ko nilagyan iyan ng lason, gayuma pwede pa. Joke lang! Pramis,
masarap talaga iyan.""
"Why are you suddenly giving me this?"
Hindi na ba talaga siya matatapos sa pagtatanong?
"Peace offering ko. Alam mo na, medyo naging OA ako noong isang araw."
"It's a childish act, Jianne."
Pagseselos ang tawag 'dun! Gusto ko sanang sabihin.
"Mark, sorry na."
"Hindi ba dapat kay Tyron ka mag-sorry?"
Napanguso ako nang marinig ang pangalan ng kanyang kaibigan. "Paano ako makakapag-
sorry sa kanya kung hindi naman kami nagkikita?"
"Jianne!"
"What do you want me to do? Sadyain si Tyron sa pad niya? Fine! Kung iyon ang gusto
mo ngayon din ay pupuntahan ko siya." Tangka akong tatayo nang pigilan ako ni Mark.

"Nevermind. Hindi mo rin naman siya maabutan sa unit niya kung pupuntahan mo siya.
Malamang nagliliwaliw na naman ang lalaking iyon."
Pinanood ko lang ang binata kung paano niya pinagpatung-patong ang tatlong plastic
container ng pagkain at ibinalik ang mga iyon sa paperbag na pinaglagyan ko.
Finally, tinanggap din niya ang peace offering ko.
"Tamang-tama may tanghalian na ako. You may go home now."
What? Ganun na lang iyon?
Ibinalik ni Mark ang atensyon sa ginagawa na tila walang nangyari. "May kailangan
ka pa ba?" Hindi man lang siya nag-abalang mag-angat ng tingin sa akin. "Kung wala
na, p'wede ka ng umalis. Marami pa akong trabahong tatapusin."
Kung bawiin ko kaya sa kanya ang mga pagkaing ibinigay ko?
"Ikaw, wala ka na bang kailangan sa akin?"
"Wala!"
Bumagsak ang mga balikat ko sa narinig. Gayunpaman, hindi pa rin ako susuko.
"Mark, may dalawa akong movie ticket. Gusto mong manood?"
"Busy ako. Wala akong oras para manood ng sine."
"Sayang naman kung hindi natin magagamit."
Hindi siya sumagot.
"Fine! Kung ayaw mo, si Yuan na lang ang yayain ko."
Ngunit dedma lamang si Mark.
"Binyag nga pala ng anak nila Trisha at Jared sa linggo. Pupunta ka ba?"
"Katulad ng sinabi ko, busy ako."
"So, hindi ka nga attend? Siguradong magagalit sa'yo ang mag-asawa. Magiging ninong
ka pa naman ni Jennaira."
Sa halip na sumagot ay sinenyasan ako ni Mark na umalis.
Hay naku! Hanggang kailan ko ba pagtitiyagaan ang lalaking ito? At hanggang kailan
kakayanin ng powers ko ang pag-uugaling mayroon siya?
Bigla akong tumayo at masama ang loob na nagmartsa patungo ng pintuan. Nakalabas na
ako nang marinig ko siyang magsalita.
"Ji, hintayin mo ako sa private office ko!"
"Masisiraan na talaga ako ng ulo sa'yo," paghihimutok ko habang binabaybay ang daan
patungo ng opisina ni Mark. Napa-unpredictable talaga ang takbo ng kanyang utak. Sa
tinagal-tagal ng pagkakakilala ko sa kanya, hanggang ngayon ay hindi ko masakyan
ang mood ng binata. Minsan mabait, madalas masungit. Minsan concern, madalas
istrikto. Minsan dedma lang, pero madalas pakilamero.
"Pasalamat ka at mahal kita kung hindi..." Napagdiskitahan ko ang nakakalat na lata
ng softdrink at sinipa iyon. Sapul sa dibdib ang lalaking bigla na lamang sumulpot
sa hallway.
"Oopps! Sorry-" Awtomatikong umangat ang kilay ko nang makilala si Kristofe.
"It's good to see you again!" He said, flashing his perfect set of teeth.
"But I'm not." Hindi maalis sa akin ang nakakasuyang pakiramdam pagdating sa kanya.
"Kung wala kang kailangan sa akin, padaanin mo ako."
"Not so fast!" Sa halip ay mas lalong hinarang ni Kristofe ang kanyang katawan sa
harapan ko. "Actually, may kailangan ako sa'yo. You need to clean my shirt." Niyuko
niya ang sarili at pinakita sa akin ang namantsahan niyang polo.
Mabilis kong nilahad sa kanya ang aking kamay. Nagsalubong ang mga kilay niya sa
inakto ko.
"Kailangan ko ng panyo."
Nagtataka na dumukot si Kristofe sa bulsa ng kanyang pantalon at binigay sa akin.
Walang kibo na tinungo ko ang namataang drinking fountain sa hindi kalayuan at
binasa ng tubig ang panyo. Nang bumalik ako ay inabot ko iyon sa kanya. Sa halip na
kunin ay tinitigan lang niya ang hawak kong panyo. Nang hindi pa rin kumikilos ang
binata ay ako na mismo ang naglagay n'yon sa kamay niya.
"Malaki ka na, ikaw na ang bahala sa sarili mo." Ngunit bigla niyang sinunggaban
ang kamay ko sa aking pagkamangha at hinawakan iyon ng mahigpit.
"Ji, why are you so cold to me?"
"Dahil hindi naman tayo close. Bitiwan mo nga ako!" Subalit mas lalo lamang niyang
hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay.
"Why don't you give me a chance to get close to you?" He asked seriously.
"What for? Besides, I know that you don't like me so there's no reason for us to
get along."
"Who says I don't like you?" Suddenly, nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya. Hindi
ako sanay sa ganitong pakikitungo niya.
"Kristofe, bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ko ngunit patuloy pa rin ang mahigpit
niyang pagkakahawak sa aking kamay.
"Let her go!" Tinig iyon ni Mark. Nasa likuran lang pala namin siya at tahimik na
nagmamasid. Humakbang siya palapit sa akin at walang babala na hinila ako palayo sa
binata.
"Hey, Mark, long time no see!" Masiglang bati ni Kristofe ngunit sinalubong lamang
siya ng malamig na pakikitungo ni Mark.
"Why you're here?"
"They told me to come here."
"Si Papa ba ang nagpapunta sa'yo?"
Nagkibit-balikat lang si Kristofe at tinignan ako. Iyon na naman ang nakakainis
niyang pagngiti bago muling binalingan si Mark.
"Bakit hindi tayo lumabas mamayang gabi? It's been a long time since we get along."
"Marami akong trabaho dito sa ospital."
"Okay then, si Jianne na lang ang yayain ko." Muli akong sinulyapan ni Kristofe.
"Hope you don't mind, Mark?"
Halos hindi ako humihinga habang hinihintay ang isasagot ng binata. Basta ang alam
ko ay magkasalubong ang makakapal niya mga kilay.

"If it is okay with her."


Muntikan na akong mapaubo sa narinig. Langya! Akala ko pa naman ipagtatangol ako ni
Mark.
"Hindi okay sa akin dahil may date ako mamaya." Basta na lamang lumabas iyon sa
bibig ko. "I-I mean, may lakad pala ako mamaya." Nagdududa na tinitigan tuloy ako
ni Mark.
"Who's the lucky guy?" Si Kristofe. "Siya ba 'yung mestisong tsekwa na bumibisita
sayo sa talyer?"
"Si Yuan?" Si Mark.
"I guess this is not my lucky day. Pero may next time pa naman, right, Jianne?"
Kristofe said smiling then he looked at his watch. "I got to go. Baka ma-late ako
sa meeting. See you in the board room, stepbrother."
Kanina ko pa pinagmamasdan si Mark habang kumakain ng niluto kong pork giniling.
Hindi ko malaman kung nasasarapan ba siya o napipilitan lang siyang kainin iyon.
Magmula kasi ng dumating siya mula sa board meeting ay wala na siya kibo. Bukod
doon ay hindi rin maipinta ang kanyang pagmumukha. Duda ako na may nangyaring hindi
maganda sa dinaluhan niyang meeting.
Napapitlag ako nang basta na lamang bitiwan ng binata ang hawak na kutsara. Hindi
siguro niya nagustuhan ang niluto ko.
"I can't believe it!"
"Huwag mo nang kainin kung hindi mo gusto ang lasa." Parang gusto ko tuloy magsisi
dahil pinilit ko pang magluto. Tangkang babawiin ko ang food container nang biglang
pukpukin ni Mark ang ibabaw ng mesa at muli akong napapitlag.
"This is absurb! I know this was all Papa's idea. Hindi ako makapaniwala na ginawa
niyang board member si Kristofe."
So, iyon pala ang pinagsisintir ng binata. Akala ko pa naman ang tungkol iyon sa
niluto ko. Muling sumubo ng makailang ulit si Mark habang patuloy na nag-iisip.
"Madali na kay Tito Mario ang gawin ang gusto niya, lalo ngayon Mendoza na rin si
Kristofe."
"Paano mo nalaman?" Mapanganib na tanong ng binata at sa isang iglap ay naningkit
ang kanyang mga mata. Lagot ako! "Jianne, umamin ka nga sa akin. Tama ba ang
pagkakaintindi ko na nagpupunta si Kristofe sa talyer? Ibig sabihin matagal mo nang
alam na nandito siya."
"H-hindi ko sinabi sa'yo dahil akala ko alam mo na."
"Puwes, hindi ko alam at pinagmukha mo akong tanga!" Hala! Tuluyan na siyang
nagalit.
"Balak ko naman talaga sabihin sa'yo kaya lang..." Kaya lang lagi mong kasama ang
Joanna na iyon!
Biglang tumayo si Mark sa aking pagkamangha at madilim ang mukha na tinungo ang
pintuan.
"Mark, saan ka pupunta?" Subalit tila wala siyang narinig na lumabas ng silid at
naiwan akong mag-isa. Wala sa loob na napatitig ako sa pork giniling na hindi niya
naubos.
I failed. Unang attempt ko pa lang ay sablay na agad ang plano ko. Bad shot ako kay
Mark. May pag-asa pa kaya ako na mapalapit sa puso niya?

Chapter Fourteen: Hopeless

Chapter Fourteen: Hopeless

JIANNE
"Cheer up, sis! Remember, this is your day."
Nakasimangot na sinulyapan ko ang katabi. "Bakit ako ba ang bibinyagan?"
Kanina pa sira ang mood ko dahil sa kapatid. Actually, hindi lang sa kanya kundi
pati na rin kay Mark. He's not coming. Mas pinili pa niyang magpasubsob sa trabaho
kaysa um-aatend ng binyag ni Jennaira. Ayoko sanang isipin pero baka kasama niya ng
mga oras na ito si Joanna. Mabuti pa sa babaing iyon ay may oras siya.
"Honestly, you're beautiful today." Nakangiting wika ni Ate Lara at muling
pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "Gosh! I feel like crying. Hindi pa rin ako
makapaniwala na dalaga na talaga ang bunso ko."
"Ate!" Mabilis kong saway. "Don't make a scene here. Nakakahiya!"
"I don't care!" She snapped. "I'm proud of myself by turning you into a lovely
woman."
Yeah right! This is all her idea. She appointed herself to be my make up artist and
stylist in one. Wala akong nagawa nang pagkaisahan nila ako ni Trisha. Kailangan ko
raw kasing magpaganda nang husto para kay Mark. Kung alam lang nila na hindi naman
sisipot ngayon ang binata. Though, I'm satisfied with the result, pakiramdam ko ay
ibang tao ako ngayon.
"Siya ba ang sumapak sa'yo?" Tanong ni Cyrhel kay Tyron sabay turo sa akin. Halos
hindi ko namalayan ang paglapit nila.
"Cy, stop it!" Subalit mukhang ayaw magpaawat ng dalaga.
"Jianne, right?"
Tumango lamang ako at hinanda ang sarili sa maaari niyang gawin.
"Sa susunod na asarin ka ng boyfriend ko...bugbugin mo na para magtanda! Pasensya
na sa pagiging pakilamero niya."
Bago pa ako makapag-react, bigla na lamang hinila ni Tyron ang nobya papalayo.
Marahil ay hiyang-hiyang sa ginawa ng kasintahan.
"He's here!" Bulaslas ni Ate Lara na nagpalingon sa akin. Napasinghap ako sa
nakita. Akala ko ba ay hindi siya dadalo? Subalit ang mas lalo ko ikinadismaya ay
dumating si Mark na hindi nag-iisa. Kasama niya si Joanna.
"Cous?" Lumapit sa akin si Trisha habang karga si Jenaira. "Why she's here? She's
not invited."
"It's either Mark invited her or she invites herself," Ate Lara said crossing her
arms in her chest.
"Pambihira naman itong si Doc, nagdala pa ng ka-date, eh nandito ka naman," wika ni
Tyron na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.
"I don't like her." Komento naman ni Cyrhel at sinulyapan ako. "Alam kong ikaw
rin."
Walang kibo na sinulyapan ko ang kinaroroonan ni Mark habang magiliw niyang
pinapakilala sa mga kaibigan si Joanna na nakakapit sa kanyang braso. Habang ang
binata naman ay nakahawak sa baywang ng babae.
"Hindi sila bagay. I think mas bagay kaming dalawa ni Doc." Napalingon ako kay
Cyrhel sa narinig. Hindi ako sigurado kung nagbibiro lamang siya.
"Julianne, if ever you need a help, I'm just here."
"It's Jianne not Julianne," mabilis na sita ni Cyrhel kay Tyron.
"Iyon nga ang sinabi ko!"
Tumigil lang sa pagtatalo ang magkasintahan nang mag-umpisa na ang misa. Halos
manigas na nga ang leeg ko na huwag lingunin ang kinaroroonan ni Mark. I tried my
very best to ignore him. Pinilit ko ang sarili na hindi magpaapekto pero bakit
ganun? Ang sakit-sakit pa rin.
"Jiji, are you alright?" Paglingon ko ay nasa tabi ko na si Yuan.
"Y-you're here?"
"I'm here because of you," he forced a smile. "Cheer up, my lovely girl!"
"Thanks!"
Pagdating sa reception, magkasama pa rin sina Mark at Joanna. Kahit anong iwas ko
ng tingin, sila pa rin ang nakikita ko. Ang mas lalo pang pinagsisintir ng kalooban
ko, tila hindi ako nakikita ng binata. Mabuti pa si Ate Lara, binati niya. Pero
ako, ni-hi wala akong narinig mula sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na tuksuhin niya
ako at sabihin na hindi bagay sa akin ang aking ayos kaysa ganitong binabalewala
niya ako.
Natagpuan ko na lamang ang sarili na nasa isang man-made garden sa labas ng event
hall. Good thing na nakatulong ang ganda ng paligid para kahit papaano ay gumaan
ang pakiramdam ko. What a bad day! Kung alam ko lang, sana pala ay hindi na ako
dumalo, kahit pa magtampo sa akin si Trisha.
Oops! Sa kakaugoy ko ng paa ay biglang lumipad ang suot na sapatos at nagsalo iyon
ng bagong dating na lalaki. Kung nagulat siya, mas lalo na ako. Why he's here?
"Hey!" Agad na ngumiti si Kristofe nang makita ako. Humakbang siya palapit sa akin
at bigla na lamang lumuhod sa aking harapan. "I guess this is yours, Cinderella."
He lifted his eyes on mine. His lips twisted in amusement. Tangkang isusuot niya sa
akin ang sapatos nang pigilan ko.
"Let me. Bihirang pagkakataon na makasalo ako ng sapatos. And I'm lucky, maybe
because it came from you." Hindi na ako nakatanggi nang tuluyan niyang isuot sa paa
ko ang sapatos.
I blinked hard "Anong ginagawa mo sa lugar na ito?" Mabilis akong tumayo.
Subconciously, naisip ko na baka sinusundan niya si Mark.
"I had lunch with my friends..." He stand tall without leaving his eyes on me with
both hands in his pockets. "When suddenly, a beautiful young lady caught my
attention. Wondering why she's wearing a frowny face."
"It's none of your business," I snapped. Akmang babalik ako sa event hall nang
magbago ang isip ko. Kaya nga ako umalis doon upang hindi ko na makita sina Mark at
Joanna. I feel a stab of pain in my chest everytime I saw them together.
Muli akong bumalik sa kinauupuan, ignoring his presence. Subalit napasama yata ang
pag-iignora ko dahil sa halip na umalis si Kristofe, tila nananadya na umupo siya,
mga isang dipa ang layo sa akin.
Nang-aasar ba talaga siya? I ignored him again and looked the other way. Bagaman
hindi siya nagsasalita, pakiramdam ko ay binabantayan niya ako. Nakakainis! Hindi
tuloy ako makapag-emote.
"I know how it sad to be alone," I heard him said. Dedma lang ako. Still pretending
he doesn't exist.
"Would you mind?" Sa gilid ng mga mata ay nakita kong naglabas siya ng sigarilyo at
lighter.
"Could you lend me some?" Nilahad ko sa kanya ang kamay.
"S-sure." Inabot niya sa akin ang kaha ng sigarilyo at kumuha ako ng isang piraso.
Sinindihan ko iyon at makailang ulit na humitit. Gusto kong mapangiwi sa mapait
nitong lasa ngunit ayokong ipakita iyon sa binata. Matagal na panahon na rin nang
huli kong sinubukan iyon.
Tahimik lang na nakamasid sa akin si Kristofe. Hindi ko alam kung anong iniisip
niya, pero magmula kanina ay kakaiba ang kanyang kinikilos. O marahil hindi lang
ako sanay na makita siyang seryoso at walang imik.
"Enough!" Basta na lamang niyang inagaw sa akin ang hawak na sigarilyo. "It doesn't
fit you. Mag-candy ka na lang." Mayroon siyang dinukot sa kanyang bulsa at inilagay
iyon sa aking palad.
"Lollipop?" Amused na nag-angat ako ng tingin sa binata. Kinuha niya iyon at
inalisan ng wrapper bago muling inabot sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip na
tanggapin iyon at saka isinubo. Sinong mag-aakala na kumakain pala siya ng
lollipop? Parang gusto kong bumulanghit ng tawa habang ini-imagine ang binata.
Biglang tumayo si Kristofe sa aking pagkamangha. "I got to go."
Aalis na siya? Ewan, pero nakaramdam ako ng panghihinayang dahil magpag-iisa na
naman ako.
Nakakailang hakbang na siya palayo nang pumihit paharap sa akin, wearing his
trademark smile. "Would you let me to take you out some other time?" Hindi pa rin
sumusuko ang binata na makipaglapit sa akin. Sa unang pagkakataon ay sinuklian ko
siya ng isang matamis na ngiti. Why not!
Nang bumalik ako sa event hall ay hinagilap ko agad si Ate Lara. Gusto ko nang
umuwi at hindi ko naman siya maaaring iwanan. Then I saw her talking to Trisha.
Tamang-tama, para makapagpaalam na rin ako sa pinsan. Humakbang ako patungo sa
kinaroroonan nila nang makasalubong ko si Mark. And he's alone. Himala na walang
Joanna na nakadikit at nakakapit sa kanya. Subalit sa halip na batiin ang binata ay
nilagpasan ko lamang siya na tila hindi ko nakita. Gusto ko lang gumanti sa
pambabalewala niya sa akin kanina.
"Ji!" Bigla akong pinigilan ni Mark sa braso. "You smoked? Amoy sigarilyo ka."
Lumapit siya sa akin at sinamyo ako.
"And so?" Katulad ng inaasahan ko, nagkasalubong bigla ang makakapal niyang mga
kilay.
"Kailan ka pa natututong magbisyo?"
"Actually, matagal na," pagsisinungaling ko. Gusto ko lang naman siyang iniisin at
mukhang nagtagumpay ako. Naniningkit ang mga mata na tinitigan ako ni Mark.
Naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko.
"Wala ka na ba talagang gagawin matino sa buhay mo? You're getting worst." Wika
niya sa tinitimping galit.
"Your right. I'm getting worst and it's because of-"
"Nandito ka lang pala!" Bigla na lamang umeksena si Joanna at mabilis na kumapit sa
braso ng binata. "Kanina pa kita hinahanap. Bakit mo ako iniwanan?" Sa isang iglap
ay biglang nagbago ang mood ni Mark.
"Sorry, may pinag-uusapan lang kami ni Jianne."
"Oh, hello Ji!" Masiglang bati ni Joanna na tila ngayon niya lamang ako nakita.
Hindi ko malaman kung may iaangat pa ang kilay ko sa paraan ng pagtawag niya sa
akin. Pilit akong ngumiti kahit halos ayaw nang lumitaw iyon sa mga labi ko.
"Hi Julliana!" Ganting bati ko. "You look great today."
"T-thanks. But it's Joanna, not Julliana." Obyus ang pagkasuya sa kanyang mukha
kahit anong pilit niyang itago iyon.
"Oopps!" Kunwari ay tinakpan ko ng kamay ang bibig. Pero asa pa siya na magso-sorry
ako sa kanya. "Anyways..." Binalingan ko si Mark. "Kuya, may sasabihin ka pa sa
akin? Kung wala na, maaari na ba akong umaalis?"
"Jianne!"
"Kuya, hanggang dito ba naman ay sesermunan mo ako? Nakakahiya kay Julliana, I mean
Joanna. Besides we're here to enjoy ourselves."
"Mark, don't be harsh on your little sis."
Little sis? Hahaha... Nagpapatawa ba siya?
"I need to go guys. May lakad pa kasi ako mamaya. Goodbye big brother and big
sister. Enjoy the party." At nagmamadali akong humakbang palayo sa kanila.
"Jiji!" Pigil sa akin ni Yuan bago pa ako makasakay ng kotse. "What happened? Bakit
umiiyak ka?"
Sa halip na sumagot ay isinubsob ko ang mukha sa kanyang dibdib. It's too late to
hide it from him. Besides, ng mga oras na iyon ay kailangan ko ng isang
makakaramay.
"Sssshh.. It's okay Jiji. It's okay."
Sana nga...

I already told myself that I will never step in this ospital again. Subalit dala ng
pagkataranta, hindi ko na naisip iyon. Kailangan ng medical attention ni Bogard.
Malaki ang pinsalang natamo niya mula sa pagkakaipit sa makina ng sasakyan.
"Bossing, anuman ang mangyari, ikaw na ang bahala sa pamilya ko."
"Alin doon? Iyon una o 'yung pangalawa?"
"Pareho." Hinampas ko siya ng malakas sa binti. Napahiyaw siya sa sakit. "Bossing
naman?"
"Ako mismo ang papatay sa'yo kapag hindi ka umaayos." Puro talaga siya kalokohan.
Naaksidente na't lahat, hyper pa rin siya.
"Ji, what happened?" Humahangos na dumating si Mark ng ER. Inaasahan ko na ang
pagdating niya. Ngunit nang makita ko na nag-iisa siya, hindi ko napigilan
mapangiti. Buti naman at hindi niya kasama si Joanna.
"Puwede na siyang i-discharge ngayon."
Mabilis na nagprotesta si Bogard. "Doc, hindi ba puwedeng dito muna ako sa ospital
kahit isang araw? Ngayon lamang ako makakapagpahinga sa pagtatrabaho sa talyer."
"Ang sabihin mo, gusto mo lang mag-stay rito dahil maraming magagandang nurse.
Istayl mo bulok!"
Napakamot ng ulo si Bogard. "Bossing, huwag n'yo naman akong ibuko sa harapan ni
Doc Mark. Baka isipin niya manyakis ako."
"Konting-konti na lang at malapit ka na doon."
"Ji, let him stay. Besides, he needs a total rest. Mga dalawang linggo o mahigit pa
bago tuluyang maghilom ang kanyang sugat." Hindi ko na tinutulan si Mark. He knows
what best for his patient.
"Naglunch ka na ba?"
Halos magpalakpakan ang mga tenga ko sa narinig. Ang plano ko sana ay dedmahin si
Mark pero hindi ko siya matiis. Hindi alam kung meron ang lalaking ito at isang
simple gesture lang niya ay nawawalang bigla ang galit ko.
Mabilis akong umiling. "Hindi pa."
"Good. Sumabay ka na sa amin ni Joanna."
I frozed. Narinig ko na naman ang pangalan ng babaeng iyon. And speaking of her,
heto at paparating siya.
"Hello, Ji!" Hindi ko siya pinansin.
"Mark, kailangan ko na palang bumalik sa talyer. Wala akong maasahan na tumao
roon," pagdadahilan ko. Wala akong balak maging chaperone sa lunch date nilang
dalawa.
"Ji, wait!" Pigil sa akin ni Joanna. "Can I ask you a favor? May promablema kasi
ang tail light ng kotse ko. Okay lang ba kung ipagawa ko iyon sa'yo."
"Sure, no problem," mabilis kong tugon. Afterall, kostumer pa rin naman ang dalaga.

"Oh! Thank you so much, Ji!" Nagtatalon siya sa tuwa at niyakap pa ako. I went
still. Hindi ako sanay makipagplastikan. "Here!" Pagkaraan ay inaabot sa akin ni
Joanna ang susi ng kanyang sasakyan. "Please take care of my baby."
Awtomatikong umangat ang kilay ko. Ako pa ang magdadala ng kotse niya sa talyer?
Abuso na yata iyon!
"I'll drive." Kinuha ni Mark ang car key.
"No, ako na!" Mabilis na inagaw ko ang susi sa binata. Kahit ako ay nagulat sa
inakto ko. Dapat pala ang ginawa ko ay binalik iyon kay Joanna.
"Ji, dadaan na lang kami ni Mark sa shop mo mamaya. Promise!"
Kahit huwag na! As if naman na may maitutulong siya.
Hindi ko na tsinek ang kotse ni Joanna at basta ko na lamang pinaharurot iyon sa
kalsada. Nasa highway na ako nang mapansin ko na hindi kumakagat ang preno. Naman!
Sa halip na magpanic ay unti-unti kong binagalan ang pagmamaneho. Nang matanaw ko
ang intersection ay doon ako kinabahan. Dalangin ko na sana ay naka-go ang traffic
sign sa oras na dumaan ako. Ngunit hindi nangyari ang hinihiling ko. Kasabay ng
isang malakas na pagbusina, bigla na lamang may humampas sa kanang bahagi ng kotse.
Mabuti na lang at nakaligtas ako sa aksidenteng iyon. Maliban sa mga sugat na
natamo ko sa braso dahil sa basag na salamin ay wala na akong natamong ibang
pinsala. Nasa gilid ako ng kalsada habang nilalapatan ako ng paunang lunas ng
medical volunteer, nang humahangos na dumating si Mark, kasunod niya si Joanna.
"Oh my god! What happened to my car?" Bulaslas ng dalaga at nanlumo sa kinahinatnan
ng kanyang minamahal na sasakyan.
At katulad ng inaasahan ko, galit na galit sa akin si Mark. Subalit ang hindi ko
maintindihan kung bakit ako pa ang kanyang sinisisi. Aminado ako na mabilis akong
magpatakbo, pero hindi ko kasalanan kung break system pala ang problema ng kotse ni
Joanna at hindi tail light.
"Yo're such a careless person!"
Nananakit na ang tenga ko sa kasisigaw niya. Dumagdag pa si Joanna na hindi pa rin
maka-get over sa nangyari sa kanyang kotse. Ako rin ang sinisisi niya sa nangyari.
Ah, Leche! Magsama kayong dalawa! Nagwalk-out na ako bago pa akong tuluyang
sumabog. Ngunit mabilis akong hinabol ni Mark.
"Where do you think you're going?" Hindi ko siya pinansin at tila walang narinig na
patuloy sa mabibilis na hakbang.
"Jianne!"
"Go away and leave me alone!" Ganting sigaw ko. Lalo ko pang binilisan ang
paglalakad nang matanaw ko ang pedestrian lane. Eksaktong pagtawid ko ay nag-red
ang traffic light. Naiwan si Mark sa kabilang kalsada habang nakatanaw sa akin. I
know that he cares alot about me, I can see it in his eyes. Ngunit hindi iyon
katulad ng gusto kong mangyari. For him, I'm just a careless and crazy little brat
na palaging nagpapasakit ng kanyang ulo.
"You are going to be fine."
"And you are going to find someone so much better."
"Ngayon lang iyan masakit. Itulog mo na lang iyan. I'll assure you, tomorrow
morning okay ka na at wala na ang sakit."
Magkasabay na lumingon sina Sonnie at Cass kay Gabby.
"What?"
"When you sleep with a broken heart, paggising mo broken hearted ka pa rin. Asa ka
naman na overnight lang ang healing process. Ano 'yan outing?" Banayad na asik ni
Sonnie. May pagkaluka-luka man ang kaibigan, minsan may sense din ang mga sinasabi
niya.
Wala talaga akong balak sabihin sa mga kaibigan ang tungkol sa nangyari. Ngunit
kailangan ko ng malalabasan ng sama ng loob, kailangan ko ng makakausap. Pakiwari
ko kasi ay masisiraan ako ng ulo kung magmumukmok lang akong mag-isa.
"Don't hold on him any longer. He's not worth it. Give yourself some dignity."
Masakit man pero may punto si Cass. Why force myself upon him, if he doesn't feel
the same way?
"Find someone new." Muling sabat ni Gabby.
"It's not as simple as finding someone else." Si Cass ulit.
"Iyon lang ang paraan para maka-move on siya." Hindi nagpatalo naman ang isa.
"I agree," wika ni Sonnie. "I-divert mo na lang ang atensyon mo sa ibang lalaki.
Alam kong mahirap, pero kailangan mo rin bigyan ng chance ang sarili mo."
"Sa ibang lalaki? Kanino naman?" Magmula noon hanggang ngayon, si Mark lang ang
bukod tanging lalaki na nagustuhan ko.
"Just leave it to destiny." Magkasalubong ang mga kilay na tumingin ako kay Sonnie.
"Kung sino ang unang lalaki na papasok sa pintuang iyon, siya na ang sagot sa
katanungan mo."
Pinigilan kong matawa sa suggestion niya. Hindi ako tipo na naniniwala sa mga ganon
bagay.
"Just give it a try. Malay mo naman." Banayad akong siniko ni Gabby. Hindi naman
kumibo si Cass. Katulad ko, mukhang hindi rin siya sang-ayon sa kalokohan ng mga
kaibigan.
"Oh god! May lalaking paparating!" Bulaslas ni Gabby. Sabay-sabay kaming lumingong
tatlo sa pintuan ng bar. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala si Yuan. Anak ng!
"Jiji!" Mabilis siyang kumaway nang makita ako. Ngunit bago pa makahakbang ang
binata papasok ay naunahan siya ng iba... si Kristofe!
"He's the one!" Magsabay na sabi nila Sonnie at Gabby. Luminga ang nasabing lalaki
sa paligid, tila may hinahanap. Nang mahagip niya ako ng tingin ay mabilis siyang
ngumiti. Akala ko pa nga ay lalapitan niya ako ngunit sa halip ay kinawayan lang
ako ng binata.
Nagkataon lang ba o talagang nananadya ang tadhana? Parang gusto ko na tuloy
maniwala sa sinasabi ng mga kaibigan.

Chapter Fifteen: Concede

Chapter Fifteen: Concede

JIANNE
"I thought you would'nt come!" Nakangiti na sinalubong ako ni Tyron at kinuha sa
akin ang mabigat kong knapsack, kasunod niya si Cyrhel.
"Jianne, buti naman at nagbago ang isip mo."
"Linggo ngayon. Sarado ang talyer. Besides wala rin naman akong gagawin sa bahay."
Noong isang araw pa ako kinukulit ng magkasintahan na magvolunteer para sa isang
outreach program sa Quezon province. Aminado ako noong una na nagdalawang isip
akong sumama sa kanila. Pero pagkatapos nang ilang araw na pagmumukmok, naisip ko
na kailangan ko rin mag-unwind at i-divert ang atensyon ko sa ibang bagay.
"Tara lets!" Yaya ni Tyron at magkakasabay kaming sumakay ng sasakyan. Ang binata
ang nagdrive, katabi niya si Cyrhel na nasa passenger seat, habang ako naman ay
mag-isang nakapuwesto sa backseat.
"Madalas ba kayong magvolunteer sa mga outreach program?" Naisip kong itanong.
"Actually, this is also our first time," Tyron answered.
"Hindi niya kasi carry magdonate ng dugo," sabat ni Cyrhel.
"Anong koneksyon n'yon?" Kunot-noong tanong ko.
"It's either magdonate siya o maging volunteer. Iyon kasi ang kondisyon sa kanya
ni-"
"Julianne, nag-breakfast ka na ba?" Agap ni Tyron sa sasabihin ng nobya.
"It's Jianne, not Julianne. Ang tanga mo talaga!"
Bago ko namalayan ay nagtatalo na silang dalawa. Gusto ko sana silang awatin ngunit
sa tingin ko ay hindi rin iyon makakatulong. At kung mayroon man masasaktan sa
kanila, sigurado ako na si Tyron iyon. Sinalpak ko sa tenga ang headset ng
cellphone at nakinig na lamang ng music.
"Jianne, we're here." Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa akin ni Cyrhel.
Nakaidlip pala ako sa kahabaan ng biyahe.
"Nasaan na tayo?" Bumaba ako ng sasakyan at nilibot ng paningin ang paligid. Nasa
limang sasakyan ang halos magkakasabay na dumating at pumarada sa aming kaharapan.
"Kasama natin sila," wika ni Tyron. "At dito tayo mag-i-stop over sa munisipyo bago
tayo magpunta sa Ibabang Owain."
"Ready ka na ba?" Tanong ni Cyrhel.
"Ready saan?"
"Sa mahabang lakaran," nakangising sagot ni Tyron. "We're going to walk for three
hours."
"Three hours? Akala ko ba one hour lang! Bakulaw ka talaga, niloko mo na naman
ako!"
Hay! Ito na naman sila, parang mga aso't pusa. Mabuti na lang pala at
nakarubbershoes ako, bukod doon ay naikondisyon ko rin ang aking sarili. Walang
problema sa akin kahit gaano pa iyon kalayo.
"Nandyan na siya!" Bulaslas ni Cyrhel sabay turo sa paparating na sasakyan. Biglang
nagsalubong ang mga kilay ko nang makita iyon. "Actually, siya talaga ang dahilan
kung bakit ako sumama," pabulong na wika sa akin ng dalaga. "Dahil kung si Tyron
lang, matutulog na lang akong maghapon sa bahay."
Hindi ko inalis ang tingin hanggang sa tuluyang huminto ang sasakyan at bumaba ang
mga sakay nito.
"Mark!" Kinawayan ni Cyrhel ang binata. Ngunit nang makita na hindi ang-iisa ang
doktor ay biglang sumimangot ang dalaga. "Tsk! May asungot palang kasama."
Hindi na ako nagulat na magkasama na naman sina Mark at Joanna. Hindi ko lang
inaasahan na kasama pala sa outreach program ang dalawa. Lumingon ako kay Tyron at
naniningkit ang aking mga mata. Bakit ba nagpauto ako sa lalaking ito?
"Pwede ko bang sapakin ang boyfriend mo, kahit isang beses lang?" Nagtataka na
sinulyapan ako ni Cyrhel.
"Maki boy! Bakit ngayon lang kayo?" Nilapitan ni Tyron si Mark, habang ang binata
naman ay nakatuon ang tingin sa akin. Marahil ay hindi niya rin inaasahan na
makikita ako roon.
Ang unang pumasok sa isip ko ay magback-out at umuwi na lamang. Ngunit ayokong
gumawa ng hakbang na maaari kong pagsisihan sa huli. Isa pa, hindi biro ang biyahe
pauwi ng Manila. Bukod sa wala akong dalang sasakyan, hindi ako sanay magcommute at
hindi rin ako pamilyar sa lugar na iyon.
"How's your arm?" Lihim akong napakislot nang maramdaman ko si Mark sa aking
likuran.
"Okay lang," malamig kong tugon at mabilis na umiwas. "Cyrhel, tulungan na kitang
magbitbit." Hanggang maaari ay ayokong bigyan siya ng pagkakataon na makalapit sa
akin. His presence bothers me alot. Ang pagkaiwas lamang ang tanging paraan para
makapag-isip at makakilos ako ng normal.
Nagsimulang maglakad ang buong grupo. Kanya-kanyang bitbitin ang bawat isa. Mabuti
na lang at hindi gaano kabigatan ang natoka sa akin. Mga gamot yata ang laman
n'yon.
"Bakulaw, bitbitin mo na rin 'yung sa akin," paglalambing ni Cyrhel sa nobyo.
"Sige ba, basta bibitbitin mo 'yung sa akin."
Pinigilan kong humagalpak ng tawa sa narinig. 'Di hamak na mas malaki at mas
mabigat ang dalahin ng binata kaysa sa kanya. Mabuti na lang pala at kasama ko ang
magkasintahan. Hindi magiging bored ang buong araw ko. Sa kanila pa lang dalawa ay
sasakit na ang panga at tiyan ko sa katatawa.
"Julianne, gusto mong bitbitin ko 'yung sa'yo?" Nakangising alok ni Tyron. Alam
kong inaasar niya lang ang nobya.
Sumulyap ako kay Cyrhel. "Kung papayag ang girlfriend mo."
"Subukan mo lang, bakulaw! Ihuhulog talaga kita mamaya sa hanging bridge!"
Nagdesisyon ang lahat na magpahinga muna sandali bago muling magpatuloy sa
paglalakbay. Nakahanap ako ng magandang puwesto sa paanan ng isang malaking puno.
Pasalampak akong umupo at saka diniretso ang mga binti. Doon ako nakaramdam ng
pananakit ng mga paa. Mga isang oras na siguro ang nailalakad namin.
"Water?" Inalok ako ng tubig ni Tyron at tinanggap iyon. "Jianne, peace na tayo."
Finally, tumama rin ang pangalan ko. "Sorry na. Nakalimutan ko talagang sabihin
sa'yo na kasama si Mark."
"Nakalimutan o sinadya mo?" Kung nalaman ko lang sa umpisa, hindi na sana ako
sumama.
"Imbyerna talaga ako sa babaing iyan!" React ni Cyrhel na nagpalingon sa akin. Ang
tinutukoy niya ay si Joanna habang pinupunasan ng bimpo ang pawis ni Mark. Mabilis
akong nag-iwas ng tingin. So what?
"Monay, punasan mo rin ako ng pawis,"ungot ni Tyron. Hinagisan siya ni Cyrhel ng
bimpo. "Gawin mong mag-isa. Tse!"
"Ang sweet talaga ng monay ko. Lab yu!"
"Ewan ko sayo!"
"Guys, times up! Let go!" Sigaw ng isang lalaki na nasa late thirties. Siya marahil
ang lider at tour guide ng grupo. Karamihan ay nadismaya sa narinig, kasama na ako.
May mga ilan na humirit pa ng ilang minuto ngunit hindi pinakinggan ang kanilang
hiling.
May biglang humila sa aking kamay bago pa ako tuluyang makatayo.
"Are you okay?" Si Mark.
Mabilis akong tumango at binawi ang aking kamay.
"Sigurado ka ba na kaya mong pang maglakad? Kung hindi, sasamahan kita pabalik ng
munisipyo."
"Kaya ko. Hindi mo kailangan mag-aalala."
"Ji!"
"Mark, hindi na ako bata. I can take care of myself." Nagpatiuna akong naglakad
ngunit sinundan pa rin ako ni Mark.
"Jianne, ano ba ang nangyayari sa'yo? Tell me what is the problem."
"Kahit sabihin ko sa'yo, siguradong hindi mo rin naman maiintindihan!" Hindi
lumilingon kong sagot.
"Paano ko maiintindihan kung hindi mo sasabihin sa akin?"
Lalo kong binilisan ang mga hakbang at pilit na hinabol sina Tyron at Cyrhel. Ayoko
nang humaba ang pag-uusap namin. Subalit pinigilan ako ni Mark sa braso.
"Jianne, ano ba? Kausapin mo naman ako!"
"Bitiwan mo ako, Mark," pagpupumiglas ko. "Nasasaktan ako-" Kasabay ng paghila ko
ng braso ay nabitiwan niya ako dahilan para mawalan ako ng panimbang at paupong
bumagsak sa lupa.
"Ji..."
"Huwag mo akong hahawakan! Mahirap bang intindihin na galit ako sayo at ayoko
kitang kausapin?" I almost hissed. Sawang-sawa na ako sa pagiging insensitive niya.
"Hindi na kita pipilitin kung iyan ang gusto mo," halos hindi iyon lumabas sa bibig
ni Mark at madilim ang mukha na tinalikuran ako. Bago ko namalayan, nag-uunahang
maglaglagan ang mga luha ko sa aking mata.

"Jianne, saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap ni Cyrhel" may pag-aalalang


wika ni Tyron. "Teka, umiyak ka ba?"
Kinuskos ko ng kamay ang mga mata. "Napuwing lang ako."
Nagdududa na tinitigan ako ng binata. "Sigurado ka?"
Pilit akong ngumiti. "Napuwing lang talaga ako. Tara lets! Baka maiwanan tayo.
Cyrhel, hintayin mo kami!"
Kalahating oras pa ang nilakad ng grupo bago namin tuluyan narating ang aming
destinasyon. Bagaman liblib na lugar iyon, hindi ko inaasahan na maraming tao
kaming madadatnan. Bukod pala sa amin ay mayroon pang ibang grupo ang nagboluntaryo
para magbigay ng libreng serbisyo para sa mga taga-roon. Hindi lang pala iyon
simpleng outreach program katulad ng inaakala ko. Bukod sa mga medical services,
mayroon din libreng pabunot ng ngipin, libreng haircut at grooming, may seminar din
sa mga gustong matuto ng pangkabuhayan, fun activities para sa mga bata, feeding
program at maraming pang iba.
"Parang fiesta sa dami ng tao. Ang saya," wika ni Cyrhel na umupo sa aking tabi at
inunat ang mga binti. Ginaya ko ang ginawa niya at bahagyang minasahe ang aking mga
kalamnan. Binigyan kami ng sampung minutong pahinga bago sumabak sa itatalaga sa
aming designation.
"Si Tyron?" Tanong ko nang hindi makita ang binata.
"Nandyan lang iyon sa tabi-tabi, naglalabas ng sama ng loob. Katakawan kasi!" Hindi
ako sigurado kung nagbibiro lamang ang dalaga. Kunsabagay, parang wala akong
nakikitang banyo sa lugar na iyon.
"Cy, samahan mo ako sa banda roon." Itinuro ko ang bahagi na mayroon matataas na
talahib. "Kanina pa ako naiihi."
"Tara. Naiihi na rin ako."

Hindi pa kami nakakalayo nang makasalubong namin si Joanna. Bagaman hindi niya kami
pinansin ni Cyrhel, hindi nakaligtas sa akin ang ginawa niyang pag-irap. Hanggang
ngayon siguro ay hindi siya makaget over sa nangyari sa kanyang kotse.
"Arte! Madapa ka sana." Cyrhel cursed her. Nagulat na lang kami nang biglang
tumumba si Joanna at napaluhod sa lupa. Ang unang reaksyon ko ay bumulaslas ng
tawa. Subalit naunahan ako ni Cyrhel na humagalpak sa nakita.
Biglang dumating si Mark. To the rescue kay Joanna.
"Cy, let's go!" Agad kong hinila ang dalaga palayo. Ang sama kasi ng tingin sa amin
ng binata.
Nadestino kaming dalawa ni Cyrhel sa fun activities para sa bata. Ngunit hindi pa
ako nakakapagsimula nang tawagin ako ng organizer at dinala sa medical services.
"Kailangan ni Dr. Mendoza ng mag-aassist sa kanya."
Napasimangot ako sa narinig. Naman, bakit ako pa?
"Where is Tyron?" Tanong ni Mark nang pumihit paharap sa akin. Nagulat siya nang
makita ako.
"Ewan ko." Pagtingin ko sa pinanggalingan ay naroon si Tyron at kasama ni Cyrhel.
Nakangisi siyang nakatingin sa akin habang naka-thump up ang kanyang mga daliri.
Ano na naman kayang kalokohan ang tumatakbo sa kanyang isipan?
"Jianne, I need your help."
Tumango ako. "Tell me what to do."
Pareho kaming naging abala ni Mark sa dami ng mga nagpapakonsulta sa kanya. Bago pa
namin namalayan ang oras, pasado alas dose na pala ng tanghali. Naghatid ng pagkain
si Joanna.
"Mark, mag-lunch ka na muna."
"Ji, mauna ka ng kumain," utos ng binata habang abala pa rin sa ginagawa. Napilitan
si Joanna na ibigay sa akin ang styro na pinaglalagyan ng pagkain. Obyus na para
lamang iyon kay Mark dahil nag-iisa lamang iyon.
"Mark, ikukuha na lang kita ulit."
"No need!" Wika ni Cyrhel sa likuran ni Joanna. "Nagdala na ako para kay Doc."
Tatlong styro ang dala niya, ang isa ay binigay niya sa akin habang ang dalawa ay
inilapag niya sa harapan ni Mark.
"Doc, kumain ka na muna. Baka malipasan ka ng gutom."
"Thanks." Hindi lumilingon tugon ng binata.
"Cy, salamat dito." Ibinalik ko kay Joanna ang binigay niya. Mahirap na, at baka
kung ano pa ang nilagay niya sa pagkain.
"Monay, bakit mo binigay kay Mark 'yung lunch ko?" Reklamo ni Tyron na sumugod sa
kinaroroonan namin. "Ano ang kakainin ko?"
"Mag-skyflakes ka na lang." Inabutan siya ng isang malaking supot ng nobya. "Iyan
na lang ang pagtiyagaan mo at baka muli lang mag-alburido ang tiyan mo."
"Mabubusog ba ako dito?"
"Oo naman, kung uubusin mo lahat." Hanggang sa tuluyang makalayo ang kasintahan ay
hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi. Nang mahuli kong nakatingin sa akin si
Mark ay muli akong nagseryoso sa ginagawa. Things couldn't be the same between us.
Hangga't hindi nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya, sa palagay ko ay
mahihirapan akong ibalik kung anong mayroon kami dati.
Alas-tres na ng hapon nang tuluyang maubos ang mga tao. Nakakapagod pero masaya sa
pakiramdam dahil nakatulong ako sa abot ng aking makakaya..
"Eat." Inabutan ako ng sandwich at tubig ni Mark.
"Mamaya na. Liligpitin ko lang itong mga gamit."
"Kumain ka na muna bago mo gawin iyan." Subalit tila wala akong narinig na
nagpatuloy. Hindi na rin naman siya nagpumilit.
"Excuse me." Lumapit sa amin ang organizer. "Dr. Mendoza, can I talk to you for
awhile?"
"Sure."
Sa gilid ng mga mata ay sinundan ko ang papalayong binata.
"Ako na dito." Bigla na lamang sumulpot si Joanna sa tabi.
"No, kaya ko na ito!" Pati ba naman pagliligpit ay pakikialaman pa niya? No doubt,
gusto niya lang magpa-impress kay Mark.
Binuhat ko ang kahon ng mga natirang gamot bago pa iyon makuha ni Joanna. Ngunit
bigla na lamang niyang inagaw sa akin iyon. Dahilan para matapon ang mga gamot sa
lupa. At sa halip na tulungan ako ng dalaga na pulutin ang mga iyon ay basta na
lamang niya akong iniwanan.
"Jianne, anong ginawa mo?" Magkasalubong ang mga kilay ni Mark na nakatunghay sa
akin. Pagkatapos ay sinundan niya ng tingin si Joanna na nagmamadaling naglakad
papalayo.
"Why don't you ask her?" I snapped, habang patuloy sa pamumulot ng mga gamot sa
lupa nang kung papaano na lang.
"Jianne!"
"Fine!" Bigla akong tumayo. "Ako na ang may kasalanan. Palagi na lang ako ang may
kasalanan."
"Hindi iyon ang gusto kong marinig."
"What the sense of explaining my side? Para sayo ay wala na akong ginawang tama.
Palagi na lang ako mali."
"Wala akong iniisip na ganyan."
"Pero iyon ang pinapakita at pinararamdam mo sa akin!" Puno ng hinanakit na wika
ko.
"Jianne, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba nagkakaganyan?"
"Hindi mo alam?"
"Hindi ko alam. So, you better tell me!"
"Palagi ka naman walang alam. Hindi ko malaman kung manhid ka lang talaga o wala ka
lang pakialam sa nararamdam ko."
"You know I care for you."
"As your little sister? Damn it, Mark!" I said in frustration. "Kailan mo ba
makikita na hindi na ako ang teenager na palaging nangungulit at bumubuntot sa'yo?
Kailan mo mo ba mapapansin ang lahat ng effort ko para malapit at makasama ka
palagi?" I bit my lip painfully. Sinikap na pinigilan ang aking emosyon. "At kailan
mo ba mare-realize na higit pa sa isang kapatid ang nararamdaman ko para sa'yo? I
love you so much that I'm willing to wait until you love me back."
For a long moment he was silent. Bakas sa mukha ni Mark ang kabiglaan. His eyes
scared and confused. Subconciously, nahiling ko na sana ay hindi na lamang ako
nagtapat sa kanya.
"You don't still get it, do you?"
Still, there is no answer for him. I blinked hard not to shed a tear. His silence
told me everything he could not say. I get it and I concede.
"Mahal na mahal kita. Tagalog iyan para maintindihan mo!" I said brokenly. At
nagtatakbo palayo bago pa ako tuluyang bumigay sa kanyang harapan.

AUTHOR'S NOTE

Hello guys! It's good to be back again. And it's been six months since I updated
this story. Pakiramdam ko tuloy parang newbie lang ulit ako rito sa watty. Hindi
ko maiwasan manibago at mangapa.
Last year was not a good one for me. To the point that I wanted to give up
writing. But then I realized, hindi ko pala p'wedeng iwanan si Mark sa ere. I had
to admit na sa lahat ng mga fictional character na nilikha ko, he's one of my
favorite. At isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ako makuntento sa kanyang story.
Because I want to give the best for him.
After three attempts of revising, na-finalized ko na rin sa wakas ang buong story
ng CHC. And I'm hoping that you still like Mark despite of the changes in the whole
story.
Here there are again... Dr. Mark Mendoza and Jianne's love story. Enjoy reading.

PS: For now, hanggang chapter 25 lang muna ang ipo-post ko. But don't worry,
isusunod ko rin ang natitirang mga kabanata hanggang sa katapusan. Promise!

- ALEXISSE ROSE

Chapter Sixteen: Unintentional

Chapter Sixteen: Unintentional

MARK
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago nagdesisyon na bumaba ng kotse.
Sa tingin ko ito na ang tamang panahon upang kausapin siya, kahit hindi ako
sigurado kung haharapin niya ako.
"Boss Mark!" Salubong sa akin ni Bogard nang makita ako. "May ipapagawa ba kayo sa
inyong sasakyan?"
Umiling ako kasabay ng paggala ng mga mata sa paligid. Subalit wala roon ang aking
hinahanap. Where is she?
"Wala rito si Jianne!" Biglang sumulpot si Trisha mula sa kinukumpuning sasakyan.
Hindi ko inaasahan na makita siya sa talyer. Katulad ng dati, may mga bahid ng
grasa sa kanyang katawan. "Tatlong araw na siyang hindi pumapasok."
"Kaya si Bossing muna ang in-charge ngayon dito," sabat ni Bogard.
Kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay, may kabang bumangon sa aking dibdib.
"Mark, saan ka pupunta?
"Sa bahay ng mga Branzuela."
"Wala rin si Jianne doon." Napahinto ako sa paghakbang at lumingon kay Trisha.
"Alam mo ba kung nasaan siya?"
Ilang sandaling hindi kumibo si Trisha habang mataman akong pinagmamasdan bago
muling binalikan ang ginagawa.
"Sumama siya sa parents niya sa Paris." aniya sa malamig na tinig.
"Paris? Anong gagawin doon ni Jianne?" I know how she really hates to travel
abroad.
"Kahit ako ay nagulat nang malaman kong umalis siya. Ang totoo kahapon ko lang din
nalaman. Si Ate Lara ang nagsabi sa akin."
She run away again. Katulad nang ginawa niya noong nakaraang linggo sa outreach
program. Bigla na lamang umalis si Jianne nang walang pasabi. And since then, hindi
ko na muling nakausap ang dalaga. Kung ilang beses kong sinubukang tawagan siya
ngunit palaging out of coverage ang kanyang cellphone.
Ilang araw muna ang pinalipas ko bago ako nagdesisyon na harapin siya ng personal.
Dahil ang buong akala ko ay iyon ang kailangan ni Jianne. Umasa ako na lilipas din
ang sama ng loob niya sa akin at sa bandang huli ay muli kaming magkakaayos.
Subalit hindi nangyari ang iniisip ko.
"I know there's something going on between the two of you." Trisha snapped his head
up and looked at me with cold stare. "Hindi man magsabi sa akin si Jianne, parang
nahuhulaan ko na kung ano iyon."
"I-It's not my intention to hurt her." Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko.
"But you already did."
"Hindi ko sinasadya."
She raised her eyebrow. "Mark, aware ka ba kung ilang babae na ang sinaktan mo ng
hindi mo sinasadya?"
"Trish..."
"At alam mo ba na isa ako sa mga iyon?"
I inhaled sharply with shock.
"Sabi ko na nga ba! Hindi mo rin alam katulad nang pambabalewala mo sa nararamdaman
ni Jianne. Bakit ba naka-dense mo, Dr. Mark Mendoza?"
"I'm sorry..." Anong maaari kong sabihin kundi iyon? At iyon din ang gusto kong
sabihin ng personal kay Jianne. Alam ko na labis kong nasaktan ang kanyang
damdamin. Hindi ko man sinasadya, pero pinagsisihan ko na wala akong sinabi at
ginawa pagkatapos ng mga inamin niya.
"Kayo na ba?" Suddenly Trisha asked.
Kunot-noong nag-angat ako ng tingin.
"You know, that woman."
"Joanna? No!" Umiling ako. "We're dating but..."
"But do you love her?"
"I-I like her."
"And?"
Hindi ako kumibo. Hanggang doon lang ang pagtingin kaya kong ibigay para kay
Joanna.
"You're such a jerk!" She raised her hand and poked me. Nagulat ako sa inakto ni
Trisha. "Hindi mo naman pala mahal bakit pinagtitiyagaan mo pa?"
"Hindi-"
"Mark, ikaw na mismo ang nagsabi na ayaw mong pilitin ang iyong sarili. Pero ano sa
palagay mo ang iyong ginagawa ngayon? Nagpapauto ka sa mga kaibigan mo. Hindi porke
wala kang lovelife ay magpapakadesperado ka na. My god! Ikaw ba talaga iyan? O
tumatanda ka ng paurong?" Mahaba niyang lintanya na hindi ko magawang
makapagsalita.
"You disappointed me," pagpapatuloy ni Trisha. "Of all the people, ikaw ang kahuli-
hulihang tao na alam kong gagawa ng ganitong bagay. Hindi bale nang manhid ka,
tanggap ko na parte iyon ng pagkatao mo. Pero ang pilitin mo ang iyong sarili sa
isang taong gusto mo lang pero hindi mo naman mahal, isang malaking katangahan
iyon!"
"Trish, hindi mo kailangan sumigaw." Pinagtitingan na kami ng mga naroon sa talyer.
"Please, huwag ka nang magalit."
"Hindi ako nagagalit dahil sa ginawa mo kay Jianne, nagagalit ako dahil pinababa mo
ang iyong sarili. You don't need to stoop that low. Mas gugustuhin ko pa na tumanda
kang binata kaysa mapunta ka sa babaeng iyon!" Basta na lamang niya akong
tinalikuran at tinungo ang kanyang opisina.
She was acting strangely. Napakamot na lang ako ng ulo habang sinusundan siya ng
tingin palayo.
"Boss Mark, pasensya ka na kay bossing. Mukhang naglilihi."
"She's pregnant?" Marahas akong lumingon kay Bogard na hindi umaalis sa tabi ko.
"How did you know?"
"Iyon lang ang hinala ko. Hindi lang kasi ikaw ang pinagsusungitan niya, pati na
rin kami lahat dito."
Hindi na ako nag-usisa. Mas mabuti si Jared na lamang ang tanungin ko tungkol sa
kalagayan ng kanyang asawa.
"Bogard, anong nangyari kay Vogie?" Pasakay na ako ng kotse nang mapansin ko ang
lumang volkwagen sa isang sulok. Mayroon nakasulat na 'I hate you' sa mismong
katawan ng sasakyan gamit ang pulang pintura.
"A-ano kasi... N-napagtripan ng mga tambay. Tama, pinagtripan ng mga tambay sa
kanto."
Umangat ang kilay ko. "Habang nasa loob ng talyer?
"Boss Mark, babalik na ako sa loob. Baka hinahanap na ako ni Bossing. Mainit pa
naman ang ulo niya." Biglang iwas ni Bogard bago ko pa siya mapigilan. Parang
nahuhulaan ko na kung sino ang salarin.
"Dr. Mendoza?"
"Huh?"
"You're not listening." Nakameywang sa harapan ko si Valjean habang mataman akong
pinagmamasdan.
"I-I'm sorry. Ano ulit iyon?" Kanina pa lumilipad ang isip ko at hindi ako makapag-
concentrate sa trabaho.
"Okay ka lang? Parang wala ka sa sarili mo."
"Hindi lang maganda ang pakiramdam ko."
"Mukha nga. Kanina ka pa kasi nagsusungit," aniya na bahagyang tumawa habang
hinihimas ang nakaumbok niyang tiyan. "But seriously, may problema ba?"
Umiling ako. "Wala lang talaga ako sa mood ngayon." Iniligpit ko ang medical record
ng mga pasyente. Bukas na lang ng umaga ko pag-aaralan ang mga iyon.
"Do you want anything? Gusto mo bang kumain? Magpapabili ako sa-"
"No, thanks," agap ko sa sasabihin niya. "Hindi pa naman ako nagugutom. Dalhan mo
na lang ako ng paracetamol. Medyo sumakit ang ulo ko."
Awtomatikong umangat ang kamay ni Valjean at hinipo ako sa noo. "Mark, may sinat
ka. Wait, kukunan kita ng body temperature at saka ng gamot." Bago ko pa siya
mapigilan ay nagmamadali siyang lumabas ng silid.
Hindi nagtagal ay muling bumukas ang pinto. Akala ko pa noong una ay si Valjean,
ngunit sa halip ay si Joanna ang dumating.
"Mark, mag-dinner tayo sa labas," aniya sa masiglang tinig.
"I can't." Mabilis kong tugon at nagkunwari na abala sa mga papeles na nasa ibabaw
ng mesa. "Marami pa akong kailangan tapusin."
"Mamaya na iyan. Mag-dinner muna tayo." Bago ko pa namalayan ay nasa tabi ko na si
Joanna. Hinawakan niya ako kamay at pilit na hinihila patayo. "Sige na, please."
"Joanna, I can't!" Naiirita kong asik. Nagulat ang dalaga sa inakto ko at mabilis
akong binitiwan.
"Bakit ba ang sungit mo ngayon?" May halong panunumbat sa kanyang tinig.
"I'm..." No. I don't think I need to say sorry. Hindi sa lahat ng oras ay kaya ko
siyang pagbigyan. "Joanna, I'm busy. Just leave." I said in my usual tone without
looking at her.
"Maki boy!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Tyron. Isa pa ito sa
nagpapasakit ng ulo ko. "May sakit ka raw?" Dire-diretso siyang lumapit sa akin at
bigla akong niyakap sa aking pagkamangha.
"Tyron, bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ko habang si Joanna ay nanlalaki ang mga
mata na nakamasid sa aming dalawa.
"Kawawa naman ang baby ko may-sakit." What the hell is he talking about? Naramdaman
ko na lang na hinalikan ako ng kaibigan sa ibabaw ng aking ulo. Makakatikim na sana
siya ng suntok mula sa akin nang magtatakbo si Joanna palabas ng silid. What
happened?
"Tinulungan lang kita na idispatya siya," nakakalokong wika ni Tyron nang bitiwan
ako at pasalampak na umupo sa sofa. Patuloy siya sa malakas na pagtawa habang sapu-
sapo ang kanyang tiyan. Saka ko lamang na-realize ang ibig niyang sabihin.
"Puro ka talaga kalokohan!" Pakiramdam ko ay lalo lang tuloy sumakit ang aking ulo.
Ngunit aminado ako na nakatulong ang ginawa ng kaibigan para tigilan ako ni Joanna.
"Why you're here? Anong kailangan mo?"
"Alam mo na, dating gawi."
"No! Not tonight!" Mabilis kong pagtutol. Ang balak ko ay umuwi ng maaga upang
makapagpahinga. "I'm not feeling well."
"So, totoong may sakit ka?"
"I just need to take a nap. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog."
"Obyus nga sa mga mata mo," natatawang sabi ni Tyron. "Mukha ka ng panda. Hulaan ko
si Jianne ang dahilan no?"
Hindi agad ako nakasagot nang marinig ang pangalan ng dalaga.
"Joke lang! Masyado ka naman seryoso. Kung sabagay lagi ka naman talagang seryoso,
ako lang yata ang hindi."
"Tyron, how is she? Umiyak ba siya?"
Kumunot ang kanyang noo.
"Si Jianne. Hindi ba kasama ninyo siya na umuwi ng Maynila."
"Ahh.. iyon ba? Well, nagtulog lang siya sa buong biyahe. Pero hindi namin siya
makausap ni Cyrhel. Ni ayaw ngang magsalita. Mukhang na-trauma. Ano ba talaga ang
nangyari sa inyong dalawa?
Hindi ako kumibo. Lalo lamang naragdagan ang guilt na nararamdaman ko.
"You broke her heart?"
Muli, wala siyang narinig na response mula sa akin.
"Sabi ko na nga ba! Tama ang hinala ko. Binasted mo nga siya."
Tumayo ako basta na lamang inayos ang mga gamit sa ibabaw ng mesa nang kung paano
na lang.
"Tara na!"
"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Tyron na sinundan ako palabas ng
pintuan.
"Dating gawi."
"Hey, are you with us?"
Nang mag-angat ako ng mukha, lahat sila ay amused na nakatingin sa akin. Mukhang
ako na naman ang kanilang center of attraction.
"He's not feeling well," sabat ni Tyron na magmula kanina ay hindi humihiwalay sa
akin. Nakakapagtaka na siya rin ang sumasalo ng mga beer na para sana sa akin.
Umugong ang malakas na 'Oh-oh' sa paligid. Ngunit imbes na pag-aalala ang makita ko
sa mukha ng mga kaibigan, naroon ang pilyong panunukso.
"Akalain mo 'yun, tinatamaan ka rin pala ng sakit," nakangising sabi ni Vince.
"Nagkakasakit lang naman si Mark kapag nababasted," wala sa loob na wika ni Riley
habang nagsasalin ng alak sa baso.
"Don't tell me binasted ka ni Joanna?" Bulaslas ni Jared kasabay nang panlalaki ng
mga mata. Naiiling na itinaas ni Vince ang hawak na bote sa ere. "For our hopeless
and poor friend. Nakatakda na talaga siyang tumandang binata."
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Nakapag-asawa na sila't lahat, puno
pa rin ng kalokohan ang kanilang mga isip. Wala talaga akong suwerte sa mga
kaibigan.
"Tyron, nakakapanibago ang pananahimik mo ngayon. May sakit ka rin ba?" Tanong ni
Riley sa walang kibong binata.
Nagdududang tinitigan ni Jared ang kaibigan. "Parang may tinatago siya sa atin."
"Umamin ka na kung ayaw mong walang kasalan na maganap sa inyo ng kapatid ko,"
banta ni Vince.
"Teka, bakit ako? Si Mark ang hotseat dito at hindi ako," reklamo ni Tyron. Subalit
wala siyang panama sa tatlo. "Oo na, aamin na ako!" Lumingon siya sa akin at nag-
peace sign. Pigilan ko man siya, huli na para roon.
"Huwag mo na kaming i-suspense!"
"Si Mark mismo ang nambasted!" Bagaman ikinagulat nila ang narinig, nagtawanan sila
pagkatapos. Wala talaga silang mga kuwentang kaibigan.
"Again? Wala naman bago roon." Si Vince.
"Ilang babae na ba ang binasted mo?" Si Riley.
"Parang kilala ko kung sino siya," amused na sabi ni Jared. Duda ako na may sinabi
sa kanya si Trisha.
Wala silang narinig na tugon mula sa akin. Bahala na sila kung anuman ang kanilang
isipin. Naroon lang naman para kahit papaano ay mabawasan ang mga alalahanin ko.
Subalit sa palagay ko ay hindi iyon nakatulong.
"Mga p're mauna na ako!" Pagpapaalam ni Riley. Tinawagan si Muriel upang pauwiin.
Kantiyaw tuloy ang inabot niya sa mga kaibigan. Ilang sandali ay nakatanggap ng
phone call si Jared mula kay Trisha. At katulad ni Riley, pinapauwi na rin siya ng
kanyang asawa.
"Jared, kailan ka pa naging takot sa asawa mo?" Pang-aalaska ni Tyron.
Napakamot ng ulo ang kaibigan. "Kailangan ko lang pagbigyan ngayon si kumander.
Alam n'yo na naglilihi."
"Kahit hindi naman naglilihi ang asawa mo, masunurin ka naman talaga. Aminin mo na
malaki ang takot mo kay Trisha!" Pang-aasar pa ni Vince.
"Kung magsalita kayo parang hindi rin kayo takot sa mga asawa ninyo."
"Correction, wala pa akong asawa!" Si Tyron.
"Pero malapit nang magkaasawa," sabat ni Vince. "Umayos ka, Tyron! Malilintikan ka
sa akin kapag ginawan mo ng hindi maganda ang kapatid ko."
"Ako kaya ang palaging ginagawan ng hindi maganda ni Cyrhel. Kung alam mo lang kung
gaano kabigat ang kamay ng kapatid mo!"
"O' siya, mauna na rin ako," si Jared. "Hoy, Vinci boy umuwi ka na rin. Hinahanap
ka na ni Valjean. Maawa ka sa asawa mong buntis. At ikaw Tyron, isusumbong kita kay
Cyrhel."
"Wala naman akong ginagawa, aray!" Binatukan siya ni Jared nang madaanan.
"Mark, ikaw na ang bahala sa dalawang iyan."
Tumango ako. "Ingat sa pagmamaneho."
"I will." Muli niyang binatukan si Tyron bago tuluyan umalis.
"Waiter, beer pa more!"
"Tama na iyan!" Saway ko sa kay Tyron. Marami-rami na rin ang naiinom nilang dalawa
ni Vince.
"Gusto pa namin uminom ni bayaw."
"Inom pa more!"
Napapailing na binawi ko sa kanila ang hawak nilang mga bote. Iba na ang tama ng
dalawang ito. Tinawag ko ang waiter at hiningi ang bill namin. Ako sana ang
magbabayad ngunit nakakapagtaka na nagprisinta si Tyron.
"Sagot ko na ito!" Aniya habang kumukuha ng iilang libo sa kanyang wallet.
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Anong akala mo sa akin, kuripot?"
Hindi ko na siya pinigilan at baka magbago pa ang kanyang isip. Minsan lang itong
mangyari sa mahigit sampung taon namin pagkakaibigan.
"Oo, kasama ko sila ngayon." Nangingiti na pinagmamasdan ko ang sina Tyron at Vince
habang magkaakbay na pagewang-gewang na naglalakad. Kausap ko si Cyrhel sa
cellphone. Hindi raw niya makontak ang phone ng mga ito kaya ako ang tinawagan
niya. Nag-aalala na raw kasi si Valjean sa kanyang asawa.
"Kay Tyron, hindi ka ba nag-aalala?" Naisip kong itanong.
"Malalagot sa akin ang bakulaw na iyan. Pati si Kuya Vince, dinadamay niya sa
kanyang kalokohan. Basta huwag kayong aalis d'yan. Papunta na ako." Iyon lang at
nawala na si Cyrhel sa kabilang linya. Hindi man niya aminin, siguradong nag-aalala
rin siya sa kanyang nobyo.
"Hoy, huwag na kayong lumayong dalawa. Papunta na ang sundo ninyo!"
Ngunit tila walang narinig sina Tyron at Vince na patuloy sa paglalakad.
Mapipilitan akong mag-taxi nito pag-uwi. Bagaman maaari kong hiramin ang kotse ni
Tyron, hindi ko na magagawa pang magmaneho sa pinaghalong pagod, antok at epekto ng
alak. Sana pala ay mas pinili ko na lang umuwi kanina keysa ang sumama sa mga
kaibigan.
Wala sa loob na inilabas ko ang cellphone mula sa bulsa at nagdayal ng numero. Agad
na lumitaw ang pangalan ni Jianne sa screen. Subalit katulad ng mga nakaraang araw,
out of service pa rin ang kanyang linya.
"Ji, hindi mo ba ako susunduin dito?" Parang sira na kinakausap ko ang sariling
cellphone. Subsconciously, nahiling ko na sana ay puntahan din niya ako.
"I love you, bayaw!"
"I love you too, bayaw!"
Nakita ko ang dalawang kaibigan na nakatayo sa ibabaw ng bench na bato. Magkaakbay
pa rin at pagewang-gewang. Bigla akong naalarma at napasugod sa kinaroroonan nila.
"Hoy, bumaba kayong dalawa d'yan at baka mahulog kayo!"
"Huwag kang KJ, Maki boy!"
"Inggit ka lang!"
"Bumaba sabi kayo-" Ngunit hindi pa ako nakakalapit nang biglang mawalan ng balanse
si Vince, at dahil nakaakbay siya si Tyron, pareho silang nagpagewang-gewang.
Sinasabi ko na nga ba! At kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagkahulog ng mga kaibigan.
Ang nais ko lamang ay sawayin sila pero wala sa plano ko na saluhin silang pareho.
Chapter Seventeen: Moving On

Chapter Seventeen: Moving On

JIANNE
"I'm back!" Sinopresa ko ang mga kaibigan. Ngunit sa ginawa ko mukhang hindi naman
sila nagulat sa pagdating ko. "What? Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Umalis ka nang hindi man lang nagpaalam sa amin," wika ni Sonnie na bahid ng
pagtatampo ang tinig. "At ngayon nakabalik ka na hindi mo pa rin ipinalam. Ano ba
talaga kami para sa'yo, Jianne?"
"M-mga kaibigan ko," wala sa loob kong sagot.
"Exactly!" Bulaslas ni Gabby na nagpapitlag sa akin. "Mga kaibigan mo kami pero
wala kaming kamalay-malay na nagpunta ka pala ng Paris. Kung hindi pa sinabi sa
amin ni Bogard hindi namin malalaman."
"Guys, I'm sorry. Biglaan eh." Napakamot ako ng batok. Ako ang nasorpresa sa naging
outburst nila. "Alam n'yo naman ang dahilan di' ba?"
"So, it's true? Nabasted ka nga ni Dr. Mendoza!"
Napangiwi ako sa sinabing iyon ni Cass. Kung minsan talaga may pagkabrutal siyang
magsalita.
"Umoorder na kayo," pag-iiba ko ng usapan. "Sky is the limit. Treat ko."
"Talaga? Libre mo?" Si Gabby.
Tumango ako at ngumisi. "Wala akong pasalubong sa inyo kaya manlilibre na lang
ako."
"Sa pasalubong ka na nga lang babawi sa amin, kinalimutan mo pa?" Si Sonnie kasabay
ng panlalaki ng mga butas ng ilong.
"Sinadya talaga ni Jianne na kalimutan!" Inirapan ako ni Cass.
"Paano na ang inaasam kong chocolates?"
"Umorder na nga lang kayo bago pa magbago ang isip ko!" Inis na hinagis ko sa
harapan nila ang menu. Pambihira! Mas gugustuhin pa yata nila ang pasalubong kaysa
ang makita at makasama ako.
Hindi na ako nagulat nang umorder ng pagkain at inumin ang mga kaibigan nang higit
pa sa inaasahan ko. Nananadya talaga sila. Mabuti na lang at mayroon akong dalang
pera.
"Waiter, dalawang bucket pa ng San Mig Light!"
Magkakasabay na tumingin sa akin ang mga kaibigan.
"May balak ka bang magpakalasing?"
"Pagbigyan na natin si Jianne ngayong gabi. Heartbroken eh!"
Muntikan ko nang maibuga ang nasa bibig sa narinig.
"Jianne, hindi ka pa tapos sa pagluluksa mo? Mahigit isang linggo na iyan!"
"As if naman na isang linggo lang ang healing process."
"Kaya nga siya nag-hibernate sa malayong lugar to give her broken heart some time
to heal. Dapat okay na siya."
"I'm fine. Really!" Gusto kong matawa sa reaksyon ng mga ito. Parang ayaw nilang
maniwala sa akin. "Okay lang sabi ako. Do you think babalik ako ng Pilipinas kung
hindi?"
"Nakamove-on ka na agad?"
"Ang bilis naman!"
"Kailangan ko pa bang patagalin?" Kinuha ko ang isang bote ng beer at tinungga
lahat ng laman n'yon. "Tama na isang linggong pagluluksa. Nakakapagod din ang mag-
emote at magngangawa buong gabi. Kung talagang ayaw niya sa akin, fine! Hindi ko
kailangan ipagpilitan ang sarili ko sa isang tao na mas manhid pa sa pasyenteng
tinurukan ng anesthesia."
"Ikaw mukhang okay na pero ang puso mo kamusta naman?" Tanong ni Cass.
Umangat ang sulok ng mga labi ko at wala sa loob na kinapa ang sariling dibdib.
"Still beating."
"Pero hindi na katulad ng dati." Si Gabby. "I know the feeling. 'Yung tipong
tumitibok na lang ang puso mo para mabuhay."
"Ang korni ha!" Pinukol ng fries ni Sonnie ang kaibigan. "Kung makapagsalita ka ay
parang na-heartbroken ka na rin."
"Dalawang beses na akong iniwan ng boyfriend. Natural lang na ma-heartedbroken
ako."
"Kaya pala noong naki-break sayo ang huli mong boyfriend, imbes na umiyak ay parang
natuwa ka pa. Kulang na lang magpa-party ka sa buong barangay ninyo."
"Ibang kaso naman iyon. Matagal ko nang gustong makipagbreak sa mokong na iyon kaya
lang naunahan niya ako. At saka umiyak naman ako noong araw na iyon, umiiyak sa
sobrang tuwa."
"Sira ka talaga!" Pinukol niya ng french fries na may kasamang dressing ang dalaga.
"Sonnie, ano ba?"
"Anong plano mo, Jianne?" Muling tanong ni Cass. Sa mga kaibigan ko ay siya lang
talaga ang maaasahan kong magseryoso.
"Move on and do the things I want," I said while tracing my finger around the rim
of my bottle. "Just like the old times... but Without him in my life." May lungkot
akong naramdaman sa huling sinabi.
"Kaya mo kayang panindigan?"
Nag-angat ako ng mukha at sinalubong ang mga mata ng kaibigan. "Kung pwede naman
pilitin, bakit hindi?"
Ngumiti si Cass. "Just be strong. Mahirap sa umpisa pero makakasanayan mo rin.
Matagal nga lang na proseso."
"Kaya ko ito, ako pa!"
"Iyan ang gusto, Jianne. Cheers for that!"
"Cheers!" And goodluck to me. Itinaas ko ang sariling bote.
"Mabuhay ang mga heartbroken!"
"Mga? Bakit kasama ka ba, Gabby?"
"Sonnie, huwag ka nang umepal!"
"Mabuhay ang heartbroken at nagpi-feeling heartbroken!"
Muli kong itinaas ang bote sa ere. "Mabuhay ang mga walang lovelife!"
"Let's cheers for that!"
"Jianne, nandyan na ang sundo mo."
Sa nanlalabong mga mata ay naaninag ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaki.
Marami man akong nainom, nakikilala ko pa rin ito. Naman! Bakit siya pa?
"Nananadya ba kayo? Bakit n'yo pa siya tinawagan? Kaya ko naman umuwi mag-isa!"
"Actually, hindi namin siya tinawagan. Bigla na lamang siyang sumulpot."
Iniangat ni Cass ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. "Ginamitan ka niya siguro ng
GPS kaya nalaman niya ang kinaroroonan mo."
"Oh my! I like stalker."
"Ji!"
Bago pa ito tuluyang makalapit sa akin ay hinila na ako ng matinding antok.
Napabalikwas ako nang tumunog bigla ang alarm clock sa bedside. Anak ng! Sino ang
nag-set ng orasan ko? Muli akong nahiga at tinakpan ng malaking unan ang
magkabilang tenga. Antok na antok pa ako na hindi ko magawang imulat ang mga mata.
Napabalikwas ulit ako nang may maalala. Where am I? Saka lamang ako nakaramdam ng
relief nang makilala ang sariling silid. Mabuti na lang pala at nakauwi ako kagabi.
At kung paano, ayoko na munang alalahanin ang tungkol doon. Nasapo kong bigla ang
dibdib nang maulingan ang isang babae sa gilid ng kama.
"Ate naman! Gusto mo ba akong patayin sa takot?" Akala ko tuloy ay multo. Puting
pantulog pa man din ang suot niya.
"Gusto mo rin ba akong patayin sa sobrang pag-aalala sa'yo? Inumaga ka na nga ng
umuwi, nagpakalasing ka pa!"
Napakamot ako ng ulo at binagsak ang katawan sa kama. "Alam mo naman kung anong
dahilan, hindi ba?"
She let out a sigh. "Jianne, hanggang kailan ka ba magkakaganyan?"
Hindi ako kumibo at tinakpan ng unan ang mukha. Nakapaungol ako ng may kung anong
pumitik sa sentido ko. Shit! Hang-over!
"Kung hindi ka nagkukulong dito sa kuwarto mo, nagpapakalasing ka naman kasama ng
mga barkada mo. Ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo?" Kahit hindi ako
nakatingin kay Ate Lara, parang nai-imagine ko ang panlalaki ng mga butas ng
kanyang ilong.
"Ate, kagabi lang ako naglasing. At saka hindi ako nagkukulong. Gusto ko lang
matulog. Now get out. Ayoko ng maingay."
Hinampas niya ako ng unan sa puwet na hindi ko naman ininda. "How could you say
that to me? Ako na nga ang nagmamalasakit sa'yo, ako pa ang pinagtatabuyan mo."
"Ate, I just want to sleep."
"Ganyan din ang sinabi mo sa akin noong nakaraang linggo. Imbes na sumama ka kina
Mommy at Daddy sa Paris, mas pinili mo pang magmukmok dito sa kuwarto mo. Tinuruan
mo pa akong magsinungaling kay Trisha."
"It's your idea not mine."
"Napilitan akong magsinungaling dahil ayaw mong lumabas ng kuwarto mo!" Napangiwi
ako sa lakas ng boses niya. Mukhang wala talaga siyang balak na patulugin ako.
She's over reacting. Hindi naman ako totally nagkulong sa kuwarto. Naglagi lang ako
buong linggo sa bahay at hindi lumabas. Wala ako ibang ginawa kundi matulog, kumain
at magmarathon ng mga anime at korean drama sa internet. Hindi ko nga halos
namalayan na isang linggo na pala ang lumipas. Nang magsawa ay saka ko naisipan
lumabas kasama ang mga kaibigan.
"Jianne, I understand your situation. Minsan rin akong na-brokenhearted." There she
goes again! Nagsasawa na ang mga tenga ko sa panenermon niya. Daig pa niya si Mommy
sa pagiging nagger. "Believe me, na-depressed din ako katulad mo. I know how much
it hurts. But-"
Nagkunwari akong naghihilik. Nilakasan ko pa for the effect.
"Jianne, nakikinig ka ba? My god! Mapapaanak ako sa'yo nang di' oras!" Pinigilan
kong bumulanghit ng tawa nang marinig ang papalayong yabag ng kapatid hanggang sa
tuluyan siyang lumabas ng silid.
Finally, wala ng istorbo. Makakatulog na ulit ako. Ngunit hindi na muli ako dinalaw
ng antok at sa halip ay lalo lamang namigat ang ulo ko. Imbes na humilata at
magbabad sa kuwarto ay nagdesisyon ako na magtungo na lang sa talyer. Ayokong
tumambay sa bahay. Siguradong hindi ako titigilan ni Ate Lara at baka mapaanak pa
siya ng tuluyan. Mas affected pa kasi siya kaysa sa akin.
Paglabas ko ng kuwarto ay dumiretso ako ng komedor. Naabutan ko si Manang na
naghahanda ng pananghalian. Pasado alas diyes na pala ng umaga.
"Iha, gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?"
"Ako na lang po." Dumiretso ako sa cupboard at kumuha ng tasa. Tuwing umaga ay
nasanay na ako na mismong ako ang naghahanda ng sariling almusal. Nang biglang may
sumulpot na baso sa aking harapan.
"Jiji, mas effective itong tomato juice na pampawala ng hang-over kaysa sa kape."
May pagdududa na nilingon ko si Yuan. "How did you know?"
"Niresearch ko sa google." Ang lapad pa ng pagkakangiti niya.
"I mean, how did you know na may hang-over ako?"
Kumunot ang noo ng binata. "Ako ang sumundo sa'yo kagabi. Hindi mo ba na naaalala?"
Lihim akong napaungol nang may sumagi sa aking isipan. "Yuan, umamin ka nga sa
akin, sinusundan mo ba ako?"
Mabilis siyang umiling. "Napadaan lang ako sa bar na iyon at nagkataon lang na
nakita kita."
"Hindi mo malalaman na nandoon ako kung hindi mo ako sinundan!" Biglang nag-init
ang ulo ko bago ko pa napigilan ang sarili. "Tell me, inutusan ka ba ni Ate Lara?"
"Walang nag-utos sa akin."
"Bakit ba ginagawa ninyo akong bata? I'm old enough at alam ko ang ginagawa ko."
"Jiji, nag-aaalala lang ako para sa'yo."
"Wala kayong dapat ipag-alala. Hindi ako gagawa ng isang bagay na alam kong
ikapapahamak ko."
"Kung hindi kita sinundan kagabi, malamang ay napahamak ka na. Walang maghahatid
sa'yo pauwi kundi ako. Dahil kung ang mga kaibigan mo lang, hindi rin nila
kakayanin pang magdrive." Inurong niya sa harapan ko ang baso. "Inumin mo na iyan.
Baka sakaling dumiretso ang iyong pag-iisip kapag nawala na ang hang-over mo." At
walang likod-lingon na lumabas ng komedor si Yuan.
"Bossing, welcome back!" Hanggang gilagid ang pagkakangiti ni Bogard nang bumaba
ako ng motorsiklo.
"Kamusta ang talyer?"
"Okay naman po. Habang wala ka ay nariyan naman si Boss Trisha."
Didiretso na sana ako ng opisina nang mahagip ng tingin ang volkwagen sa isang
sulok.
"Bakit nandito pa ang kotse na iyan? Hindi ba sinabi ko sayo na hinatid mo na iyan
sa may-ari?"
Napakamot ng ulo si Bogard. "Bossing, paano ko naman ihahatid kung ganyan ang
itsura ng volkwagen? Hindi kaya ako naman ang malagot kay Doc Mark?"
Sa sobrang inis ko sa binata ay napagtripan kong i-vandalized ang kanyang kotse.
"Pinturahan mo na lang ulit. Pagkatapos ihatid mo na iyan sa totoo nitong amo."
"No problem, bossing!" Agad na tumalima si Bogard ngunit mabilis na umatras at
pumihit paharap sa akin. "Bossing, wala ka bang pasalubong para sa amin? Kahit man
lang imported na chocolates galing Paris?"
Tumalikod ako. "Umorder ka na lang ng pagkain sa labas. Sagot ko na ang tanghalian
ninyo."
"Yes! Mga kakosa sagot daw ni Bossing ang tang-"
"Oo nga pala, Bogard," pigil ko sa sasabihin niya at pumihit paharap. "Hanggang
Mang Inasal lang ang budget ko."
"Pero bossing..."
Muling akong tumalikod at tila walang narinig na tinungo ang opisina. Halos maubos
ang pera ko sa panlilibre sa mga kaibigan kagabi.
Tsinek ko lang ang mga naging transakyon ng talyer nitong mga nakalipas na araw
habang wala ako. Pasalamat ako at nariyan si Trisha para tumao at magbantay. Mabuti
na lang din at pinayagan siya ni Jared. Ang hinala ko ay alam na rin ng mag-asawa
ang tungkol sa pinagdaanan ko.
Bakit ba may pakiramdam ako na parang lahat na lang yata ng mga taong nakapaligid
sa akin ay alam na heartbroken ako?
"Bossing, okay lang ba kayo?" Bigla na lamang sumungaw ang ulo ni Bogard sa may
pintuan.
"Mukha ba akong hindi okay?" Muling nag-init ang ulo ko. Nawala nga ang hang-over
ko ngunit tumindi naman ang topak ko. Daig ko pa mayroon buwanan dalaw.
"Bossing, huwag kang ma-high blood. Nagtatanong lang naman ako." Mabilis na nawala
sa paningin si Bogard. Subalit ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang muli
siyang bumalik. "Oo nga pala bossing, madalas magpunta rito si Doc Mark habang wala
ka. Lagi ka nga niyang hinahanap. Hindi ba niya alam na nagpunta ka ng Paris?"
"Kapag nagpunta siya ulit dito, sabihin mo na hindi pa ako bumabalik." Tumayo ako
at lumabas ng opisina.
"M-magsisinungaling ako kay Doc Mark?" Nakasunod sa likuran ko si Bogard hanggang
sa makarating kami sa likurang bahagi ng talyer.
"Kailangan, dahil mawawalan ka ng trabaho kapag hindi mo ako sinunod."
"Bossing naman!" Napakamot ng ulo si Bogard. "Bumalik ka lang naging masungit ka
na. Para ka na rin si Boss Trisha."
"May sinasabi ka?"
"Wala po!"
Muli kong binalingan ang malaking bagay na natatakpan ng malaking trapal sa aking
harapan. Buong lakas na hinila ko iyon at tumambad sa akin ang 2005 black Audi na
parang bagung-bago pa.
"Bossing, anong gagawin mo kay Black Knight? Magagalit si Boss Trisha kapag nalaman
niyang ginalaw ang paborito niyang sasakyan."
"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin." May sumilay na ngiti sa labi
ko nang hugutin ang susi ng kotse mula sa secret box na pinagtataguan ng pinsan.
"Pero bossing... Naku! Siguradong malalagot ako nito!" Halos sabunutan ni Bogard
ang sarili. Tuluyan na siyang walang nagawa nang sumakay ako ng sportscar at
binuhay ang makina n'yon.
"Bogard, 'yung mga bilin ko sa'yo huwag mong kakalimutan!"
"Yes, bossing!"
Iyon lang at pinaharurot ko ang kotse palayo ng talyer.

Chapter Eighteen: Superhero

Chapter Eighteen: Superhero

MARK
Nagkamalay ako na nakaratay sa ospital bed at may mga benda sa ulo, braso at mga
binti.
"Mark, finally you're awake!" Ang nakangising pagmumukha ni Jared ang bumungad sa
paningin ko.
"How's you're feeling?" Si Riley na nakapuwesto sa kaliwang bahagi ko. Tahimik kong
pinakiramdam ang sarili.
"I-I can't move. Ano ba ang nangyari?"
Nagkatinginan ang dalawang kaibigan. Pagkatapos ay biglang sumeryoso ang mukha ni
Jared.
"You were in coma for almost a month."
"A-a month?" Malungkot na tumango si Jared.
"And Mark, I'm sorry to tell you this but you're whole body is permanently paralyze
for the rest of your life." Malungkot na sabi ni Riley habang tinatapik ako sa
balikat. "Dahil sa nangyaring aksidente, napinsala nang husto ang spinal cord mo at
iyon ang dahilan kung bakit hindi ka na magiging normal ulit."
I held my breath. Binalot ng takot ang buong sistema ko. Magpa-panic na sana ako
nang bigla silang magtawanang dalawa.
"Mga gag- kayo! Pinagtripan n'yo na naman ako!" Gustuhin ko man gantihan ang mga
kaibigan ay hindi ko magawa. Para akong mummy na binalutan ng benda sa buong
katawan. Ni hindi ko nga maiangat ang kamay ko. At duda ako na sila rin ang may
pakana ng mga ito.
"Makawala lang ako rito, malalagot talaga kayo sa akin- Ahh!" Nasapo kong bigla ang
ulo nang makaramdam ng matinding pagkirot. Saka ko lamang din naramdaman ang
pananakit ng mga kalamnan.
"Mark, matagal ko ng alam na pakilamero ka. Pero hindi ko akalain na lumebel up ka
na nang husto. Iyan tuloy ang napala mo."
"Ano ang masama sa pagsagip sa mga kaibigan?" Angil ko kay Jared. Kung
makapagsalita siya ay para bang isang malaking katangahan ang ginawa ko.
"Dude, gusto ko lang ipaalala sa'yo na hindi ka si superman," sabat ni Riley.
"You're seriously injured. Hindi biro ang madagan ng dalawang damulag na lasing."
"And on top of it, nadaganan ka nga nila, nabagok pa ang ulo mo. You're lucky
enough na wala kang seryosong pinsala sa ulo."
"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at sinalo mo sina Tyron at Vince nang mahulog
sila sa bench?"
"Riley, hindi ko sila sinalo. I just want to warn them. But I was drunk and-"
"And stupid!" Magkasabay na bulaslas ng dalawa.
"Stupid na kung stupid!" I conceed, para lang tumigil ang mga kaibigan. "Now, can
you take off this shit out of me?"
"Huy, Jared, tanggalin mo raw!"
"Huh? Bakit ako?" Reklamo niya kay Riley.
"Kayong dalawa ni Louie ang nakaisip na gawing mummy si Mark."
"Sumunod lang naman ako sa kanya. He's a doctor anyway!"
Napaungol ako sa pagkadismaya nang marinig ang pangalan ng pinsan. Pati siya ay
nakisali sa kalokohan ng mga kaibigan. "He's not a doctor, he's a psychiatrist!"
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Valjean na napamulagat sa nadatnan.
"Mark, anong nangyari sa'yo?" Nagmamadali siyang lumapit sa akin at hindi malaman
kung paano aalisin ang mga bendang nakabalot sa katawan ko. Mabilis na lumipad ang
mga mata niya kina Riley at Jared na patuloy sa nakakalokong pagtawa.
"Wala ba talagang pinipiling lugar ang mga kalokohan ninyo?" Asik niya.
"We haven't done anything!" Riley said.
"We only came here to visit our dearest friend." Si Jared.
"Utang na loob, Valjean, send them away!" Utos ko. Mas lalo lamang akong
magkakasakit sa presensiya ng mga kaibigan.
"You don't have to. Actually paalis na rin kami. Pagaling ka, dude!" Nagpatiunang
lumabas si Riley kasunod niya si Jared na biglang huminto sa tapat ng pintuan.
"Oo nga pala, Valjean, nasaan si Vince? Kanina lamang ay nandito ang asawa mo."
"He went home already," she said at nag-iwas ng tingin. "Akala siguro niya ay
tuturukan siya ng injection kaya nagmamadaling umuwi. Same with Tyron na inakala
naman na kukuhanan ng dugo. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang ideya na iyon,
maliban na lang kung-"
Pagtingin namin ni Valjean sa pintuan ay wala na roon si Jared. Nakaalis na agad
siya nang hindi namin namamalayan.
"Lahat ba talaga ng mga kaibigan mo ay puro mga sira-ulo?"
"Sad to say, yes! Including your husband. Wala naman akong magawa kundi pagtiyagaan
silang apat."
Tumawa ng mahina si Valjean habang maingat na inaalis ang mga benda sa braso at
binti ko.
"Do you want me to forbid them visiting you?"
"Hindi na kailangan. Ayokong mag-stay dito kaya sa pad na lang siguro ako
magpapahinga."
"Mabuti pa nga. At least doon makakaiwas ka sa panggugulo nila. Sandali lang at
tatawagan ko si Dr. Fernandez para may maghatid sa'yo pauwi."
"Bakit si Joanna? Bakit hindi si-"
"Si Jianne?" Nakaangat ang kilay na balik-tanong niya nang hindi ko maituloy ang
sasabihin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"K-kaya ko naman umuwi mag-isa. Magta-taxi na lang ako."
"Do you think I will allow you in your condition? Kung ayaw mong magpahatid kay Dr.
Fendandez sumabay ka na lang sa amin ni Cyrhel. Maya-maya lang ay nandito na siya
para sunduin ako. Idadaan ka na lang namin sa pad mo."
Hindi na ako tumutol. Mas mainam iyon sa unang ideya ni Valjean.

JIANNE
Wrong timing naman!
Napilitan akong ikansela ang lakad nang makatanggap ng phonecall mula kay Ate Lara.
Nakauwi na raw sina Mama at Papa galing Paris. Nagmamadali tuloy akong umuwi at
pansamantalang itinago ang Audi sa bakanteng lupa sa tabi ng aming bahay. Kailangan
kong gawin iyon para makaiwas sa sermon ng mga magulang ko.
Nadatnan ko silang lahat sa dinning area at wala sa loob na napatingin ako sa suot
na wristwatch. Pasado ala-singko pa lang ng hapon.
"Early dinner?" Lumingon silang lahat sa akin pagdating ko. "Welcome back, Ma, pa."
Isa-isa kong nilapitan ang mga magulang at mabilis na binigyan sila ng halik sa
kanilang mga pisngi.
"There you are my dear. I'm happy to see you again, Anyway, nagutom kami ng papa mo
sa haba ng biyahe kaya maaga akong nagpahanda ng hapunan."
"How are you doin, bunso?"
"I'm doing fine, Pa." Pilit akong ngumiti habang ini-scan ang mga pagkain na
nakahain sa mesa. Bigla akong nakaramdam ng gutom.
"No, she's not!" Sabat ni Ate Lara. "Hindi siya magkukulong ng isang linggo sa
kuwarto niya kung okay lang siya." Umiral na naman ang kadaldalan ng kapatid ko at
bago ko pa siya napigilan ay ikinuwento na niya sa mga magulang namin ang mga
pinagdaanan ko nitong nakaraang linggo. Pati na rin ang pagsama ko kunwari sa
kanila sa Paris. Kung hindi lang siya buntis, kanina ko pa siya sinipa mula sa
ilalim ng mesa.
"Poor dear. I'm sorry that I was not there to comfort you." My mom holds my hand
and teary-eyed.
"She's still in a trauma," muling sabat ni Ate Lara. "Ma, we need to do something
before she finally lost her sanity."
She's over reacting again. Mabuti na lang at hindi pinatulan ng mga magulang namin
ang kalukringan niya.
"Who's this guy that broke my baby's heart? Kilala ba namin siya ng mama mo?" Pati
si Papa ay marunong mang-intriga.
"Papa, kilalang-kilala mo siya!" Pinanlakihan ko ng mga mata si Ate Lara. Konting-
konti na lang at bibingo na siya sa akin.
"Hindi ko na siguro kailangan hulaan," he said with smitten on his face. Inilapit
ni Papa ang mukha niya kay Mama at may ibinulong.
"Paano ka naman magugustuhan ni Mark? Kung kumilos ka ay daig mo pa ang lalaki,"
natatawang wika ni Mama.
Reality hits me. Lalo lang akong sumimangot. Bukod sa asar-talo ako, hindi ko
inaasahan na pagkaisahan nila akong lahat. Sa lahat naman kasi ng pwedeng maging
topic ay kung bakit si Mark pa.
"Ma, kahit magpaganda si Jianne sa harapan ni Mark, hindi pa rin siya papansin
nito. As far as I remember he likes tall, sopisticated, pretty and charming lady."

In short, parang si Joanna lang. Aray naman! Gayunpaman, duda pa rin ako. Muriel
ain't that tall and sopisticated but very much pretty. Kung anuman ang dahilan ni
Mark at minahal niya noon ang asawa ni Riley ay siya lamang ang nakakaalam.
Kungsabagay, hindi ko nga rin alam kung bakit hindi niya ako magawang mahalin nang
higit pa sa isang kapatid.
"Jianne is a late bloomer. Just like an ugly duckling that waiting to be swan,"
wika ni Papa at ngumiti sa direksyon ko. "Baby, konting transformation lang, di-
hamak na mas maganda ka pa sa Ate Lara mo," dagdag pa niya sabay kindat.
"Thank you, Pa!" Ngumisi ako at nang-aasar na tumingin sa kapatid. Nabuhayan ako ng
loob at muling umangat ang self-confidence ko. Hindi naman pala ako pangit katulad
ng iniisip ko.
"Papa, you told me that I'm prettier than Jianne!"
"But that was before." It's payback time. Ako naman ang mang-aasar kay Ate Lara.
"Look at yourself, hindi pa nga halos halata ang tiyan mo pero minamanas ka na.
Malapit ka ng maging lumba-lumba. Mukha ka ng rag doll."
Biglang nagtatakbo si Ate Lara palabas ng komedor at umakyat ng kanyang silid.
Siguradong titignan niya ang sarili sa harap ng salamin. Knowing her, napaka-
concious pa naman niya sa kanyang figure. At ilang sandali pa ay narinig namin ang
matinis niyang pagtili. Halos um-echo iyon sa buong kabahayan.
"Look what you've done to your sister!" Sita ni Mama. Hindi niya malaman kung
tatayo o pupuntahan ang panganay niyang anak. "Pati naman ikaw nakikisali sa
kalokohan ng bunso mo!"
"What? Wala naman akong ginagawa," natatawang tugon ni Papa habang panay ang iwas
sa pagkurot ni Mama. Kung mayroon man akong namana kay Papa, iyon ay ang kanyang
funny side. No doubt, lumaki akong pilya at sutil, but in a nice way. May
pagkamatigas man ang ulo ko kung minsan, dala lamang iyon ng paghihigpit nila sa
akin. Iyon din ang dahilan kung bakit patuloy akong nagmomotorsiklo sa kabila ng
kanilang pagtutol.
Lihim kong sinulyapan ang wristwatch nang maalala ang naunsyaming lakad. May
pagkakataon pa akong makahabol, iyon ay kung maagang magpapahinga ang mga magulang.
Hindi naman ako nabigo dahil pagkatapos maghapunan ay nanood lang sandali sina Mama
at Papa ng balita sa TV bago nagdesisyon na umakyat sa kanilang silid.
Ang plano ko ay sa lihim na lagusan sa kusina ako dadaan, ngunit hindi ko inaasahan
na makita roon si Ate Lara kasama si Manang na abala sa paggawa ng vegetable salad.
Bumalik ako ng kuwarto at naisip ko na sa bintana na lamang dumaan. Ngunit hindi pa
ako nakakatawid sa mataas na pader nang matanaw ko ang pamilyar na sasakyan ng mag-
asawang Trisha at Jared na pumasok sa amin bakuran. Dali-dali akong bumalik ng
kuwarto at mabilis na hinubad ang jacket at paborito kong sneakers. Pagkatapos ay
nag-dive ako sa kama at saka nagtalukbong ng kumot. Ilang sandali pa ay narinig ko
ang papalapit na mga yabag.
"Jianne, nakauwi na ka pala!" Biglang hinila ni Trisha ang nakalukbong na kumot sa
akin. "Kung hindi pa sinabi sa akin ni Ate Lara ay hindi ko malalaman. Ano na ang
balita sa'yo?"
"Trish, pwedeng bukas na lang." Kunwari ay naabala niya ako sa pagtulog. "I'm not
feeling well. May jetlag ako at gusto kong magpahinga." Muli akong nagtalukbong ng
kumot para hindi niya ako mahalata.
"Jetlag ka d'yan!" Hinampas niya akong unan sa mukha. "I knew it! Tatakas ka na
naman at-" Mabilis akong bumangon at agad na tinakpan ng kamay ang kanyang bibig.
"Sshh.. Trish, baka marinig ka ni Ate Lara."
"I doubt it." Inalis niya ang kamay ko. "Nasa ibaba ang kapatid mo at kausap si
Jared. Napasugod lang naman kami rito nang malaman kong nakabalik ka na. How are
you? Okay ka na ba?"
"Oo naman!"
"Good. At least nakatulong sa'yo ang isang linggong pagbabakasyon sa Paris."

Bumangon ako at walang kibo na inabot ang jacket at sapatos. Hindi ko na kailangan
sabihin sa pinsan kung saan ako pupunta. Alam kong naiintindihan niya ako dahil
pinagdaanan na rin niya ito dati noong hindi pa siya nagpapasakal sa kanyang asawa.

"Actually, kagagaling lang namin ni Jared sa pad ni Mark bago magtungo rito. Alam
mo na ba ang nangyari sa kanya?"
"Trish, sa ibang araw na lang tayo magkuwentuhan. I need to go. Baka wala na akong
maabutan."
"Ang sabihin mo umiiwas ka lang sa issue."
"Wala naman issue."
"Ano ang tawag sa LQ ninyong dalawa?"
Sinulyapan ko ng matalim ang pinsan.
"Are you sure hindi mo gustong malaman ang tungkol kay Mark?"
"Trisha, please..."
"Oo na! Hindi na kita kukulitin," natatawa niyang sabi. "But if ever na maging
concern ka para ka kay Mark, you can visit him in his pad. Kahit silipin mo lang
siya, sigurado ako na nami-miss ka na ng mokong na iyon."
"Paki-lock na ng pinto pag-alis mo." Dire-diretso ako sa tapat ng bintana at walang
anuman na sumampa roon.
"Ingat, cous!"

Chapter Nineteen: Back On Track

Chapter Nineteen: Back On Track

JIANNE
Inihinto ko ang kotse nang matanaw ang kumpol ng mga tao at kanilang sasakyan sa
gilid ng patag na kalsada. Hindi ako sigurado kung ito nga ang lugar na sinabi sa
akin ni Cass.
Bumaba ako at nilibot ang paningin sa paligid. Isa iyon bagong subdivision na
sinisimulan palang i-develop outside Metro Manila. Tamang-tamang para sa car
racing.
"Hey, Jianne!"
Hindi ko napigilan mapangiti nang makita ang lalaking patungo sa direksyon ko. Wala
pa rin siyang pagbabago. Kulang na lang ay masilaw ako sa dami nang nakasabit na
gintong kuwintas sa kanyang leeg.
"It's been a long time, game master!"
Tumawa ito ng malakas. "Roger is enough. So, how are you? What makes you come
here?"
"I'm looking for fun and trill."
"Hindi ka nagkamali ng pinuntahan mo. Welcome to the drag racing!"
"This is your new place?"
"It's more safer here. Walang parak na makikialam. We can race whenever we want."
I agree with him. Hindi katulad dati na nakikipagsapalaran ang mga manlalaro sa
highway ng dis-oras ng gabi.
"Black knight is here." Tinanaw ni Roger ang kotse sa aking likuran. "So, where is
Trisha?"
"I'm here to take her place."
Umangat ang isa niyang kilay. "Akala ko ba ay pangmotorsiklo ka lang?"
"You think so?" I squared my arms and raised my chin.
Nakipagtitigan sa akin si Roger, tila nananantya. Pagkaraan ay ngumisi siya at
lumitaw ang malalaki niyang mga ngipin.
"Alam kong magaling ka rin katulad ni Trisha. I saw you winning two in a row for
one night. But this time, gusto kong makita ang kakayahan mo pagdating sa
fourwheels."
"Then try me!" I challenged him.
"You're in!"
Napangisi ako sa narinig. Matagal na panahon na rin nang huli akong makipag-car
racing. Pero tiwala ako na hindi nawawala ang kakayahan ko pagdating sa paghawak ng
manibela. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako binibigyan ng magarang kotse ng mga
magulang. Kaya naman walang akong choice kung pagtiyagaan ang lumang pick-up ni
Daddy na mas matanda pa yata sa akin.
"We have already two guys here." Itinuro ni Roger ang dalawang magagarang sportscar
na nakahilera sa gitna ng kalsada. Kumunot ang noo ko nang mahagip nang paningin
ang pamilyar na Lexus sportscar. Could it be?
"Jianne?"
Marahas akong lumingon upang makita ang lalaking nagmamay-ari ng kotseng iyon--Si
Kristofe!
"Anong ginagawa mo rito?" Magkasabay na tanong namin sa isa't-isa.
"Magkakilala kayong dalawa?" Palipat-lipat ang tingin ni Roger sa aming dalawa ng
binata.
"Roger, siya ba ang isa sa makakalaban ko?"
"You race?"
Gusto kong matawa sa reaksyon ni Kristofe. "Hindi ba ako ang dapat magulat? As far
as I remember you hate me and Cheska for doing this."
"I never hate--"
"Roger, how much?" Agap ko sasabihin niya. Ayoko nang humaba pa ang usapan. After
all hindi iyon ang ipinunta ko roon.
"Ten thousand per person."
Bagaman nagulat ako sa laki ng halagang nakataya ay hindi ako nagpahalata.
"Call!" Naglabas ako ng pera sa wallet at inabot iyon kay Roger. Mabuti na lang
pala at nakapag-withdraw ako sa ATM bago magtungo roon.
"Jianne, wait!" Pabalik na ako ng sasakyan nang pigilan ako ni Kristofe sa braso.
"You can't stop me!"
"I know," he said. Mataman siyang nakatitig sa akin pagkatapos ay pinakawalan ako.
"Be careful and drive safely." Naroon ang pag-aalala sa kanyang tinig bago
tumalikod at humakbang palayo.
Nagtataka na sinundan ko ng tingin ang binata. He's acting strangely. Hindi ako
sanay sa ganitong pakikitungo niya sa akin. Mabilis kong pinilig ang ulo. Ayokong
magpaapekto sa anumang pinakikita niya. I need to focus on the race. Dapat akong
manalo. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako naroon.
Kasabay nang pagbaba ng kamay ng flag bearer ay mariin kong inapakan ang
accelerator at kinabig ang kambiyo. Humarurot ang sasakyan ko sa maalikabok na
kalsada. Buong akala ko ay sapat na bilis ko para maunahan ko ang dalawang kalaban,
pero mabilis akong naungusan ng pulang kotse habang nanatiling nasa likuran ko ang
Lexus. I breathe and calm myself. Kailangan kong makaisip ng diskarte.
Sinamantala ko ang pakurbang daan at mabilis na kinabig ang manibela pakanan.
Subalit maagap ang pulang kotse dahilan para bahagyang tumama ang unahang bahagi ng
Black Knight sa likurang bahagi nito. I tried to stay on the track. Patuloy na
nakasunod sa likuran ko ang Lexus. Kung tutuusin ay kaya akong ungusan ni Kristofe
kanina pero hindi niya ginagawa. I don't know what he's thinking.
Sa tuwing sinusubukan kong makaungos sa pulang kotse ay palagi akong nabibigo. No
doubt, he's a good driver. But I'm better than him. Higit pa roon ang kaya kong
gawin.
"One...Two..." Patuloy kong kinakabig ang manibela ng pakanan at pakaliwa,
humahanap ng tiyempo kung paano ko ito maiisahan. "Three!" Sa isang iglap ay
naungusan ko ang pulang kotse. Napangisi ako. Konti na lang at malapit na ang
finish line. Subalit agad napawi ang ngiti sa mga labi ko nang bigla akong maunahan
ng Lexus. Hindi ko napansin ang pagsulpot niya. Masyado akong naging tiwala.
Nanggigigil na diinan ko pang lalo ang accelerator. I will never give him a chance
to win. Hindi ako pwedeng matalo, lalo na sa kanya. Sa tuwing makakaungos ako ay
agad din naman nakakabawi ang Lexus. Magaling dumiskarte si Kristofe at sa tingin
ko ay hindi niya rin ako hahayaan na talunin siya.
Ilang bloke na lang ang layo ng finish line nang sa wakas ay nagawa ko rin
makaagapay sa kanya. Now we're even. Tuluyan na namin napag-iwanan ang pulang
kotse. At sa karerang ito ay isa sa amin ni Kristofe ang tatanghalin panalo. Halos
hindi ako humihinga habang palipat-lipat ang tingin ko sa kalsada at sa Lexus. In
less than ten seconds, pareho namin narating ang finish line.
"Congratulation, you won!" Masiglang bati ni Roger sabay abot sa akin ng pot money
na napalunan ko. "Bilib na talaga ako sa'yo, Jianne. Hindi mo binigo ang
expectation ko."
"Thanks!" Pilit akong ngumiti at atubiling tinanggap iyon. Ewan, pero hindi ko
makapa sa sarili ang kasiyahan sa kabila ng pagkakapanalo. Para kasing may mali.
"Hey, Kristofe!" Nilapitan ni Roger ang binata at kinamayan. "Better luck next
time, man. Thanks for joining."
"No problem." He said smiling. Tila balewala sa kanya ang pagkakatalo. Lalo lamang
tumibay ang hinala ko. Hinintay kong makalayo si Roger bago ako nagdesisyon na
lapitan ang binata.
"What is this?" Maang na napatitig si Kristofe sa akin.
"I don't deserve this money. Ikaw ang totoong nanalo at hindi ako," malamig kong
tugon at pilit na inaabot sa kanya ang napalunang pera.
"Jianne, you won the race." Banayad niyang itinulak ang kamay ko. "Remember, ikaw
ang unang nakarating ng finish line."
"Dahil pinauna mo ako at sinadya mong magpatalo. Para mo na rin akong dinaya sa
ginawa mo."
He chuckled. "Bakit ko naman gagawin iyon? We race to win."
"Exactly. But you race for your own reason. And that reason is not fair. We're in a
competition, Kristofe, not a charity event." Inabot ko ang kamay niya at pinilit
siyang tanggapin ang pera. It's not really meant to me anyway.
"Jianne!" Pasakay na ako ng sasakyan nang habulin ako ni Kristofe. "Tell me kung
paano ako makakabawi sa'yo?"
Hindi ko malaman kung may iaangat pa ang kilay ko sa narinig. Akala ko pa naman ay
magso-sorry siya sa akin.
"How about a supper? Your treat."
"Jianne?"
Napilitan akong mag-angat ng tingin. "Huh? May sinasabi ka?"
Kristofe forced a smile. "Kanina pa ako nagsasalita pero hindi ka pala nakikinig.
You don't like it here? Gusto mong lumipat tayo ng ibang lugar?"
"No, it's okay here!" Pagsisinungaling ko pero hindi naman maipinta ang mukha ko. I
was disappointed. Buong akala ko pa naman ay dadalhin niya ako sa isang fancy
restaurant pero sa halip ay dinala ako ng binata sa bar ni Bonnie. I asked for a
supper because I'm starving but instead of foods, he gave me a bunch of beers and
pulutan. Kamusta naman ang mga alaga ko sa tiyan?
"Hey!" Pigil sa akin ni Kristoffe nang tunggain ko ang isang bote ng San Mig Light
at ubusin ang lahat ng laman n'yon.
"Oopps!" I burped. Wala akong pakialam kahit pa sa harapan niya. Muli akong kumuha
ng bote sa bucket at tangkang tutunggain nang biglang agawin iyon sa akin ng
binata.
"Jianne, easy. We don't came to here to get drunk."
"Anong gagawin natin sa mga inorder mo? Titigan lang natin?"
Hindi siya kumibo at hinayaan ako na gawin ang gusto ko. Nakakaapat na bote na ako
nang maisip kong mag-usisa sa kanya.
"Where did you learn to race? Paano mo nalaman ang tungkol dito? Sino ang nagsabi
sa'yo?"
Ngumiti si Kristofe. "Why do you want to know?"
"Don't answer me with question."
Muling tumawa ang binata sa kabila ng malamig na pakikitungo ko sa kanya. "Sa
maniwala ka o sa hindi, disisais pa lang ako ay nakikipagkarera na ako sa kalsada."
Namilog bigla ang mga mata ko. "Y-you mean..." Hindi ko maituloy ang sasabihin. It
was outrageous!
"Bago pa kayo matutong humawak ng manibela, eksperto na ako sa larangang ito."
"I was the one who introduced this world to Cheska," pagpapatuloy ng binata bago
nagpakawala ng malalim na paghinga. "And I was such an asshole for putting my own
sister in danger."
"At pati rin kami ni Trisha ay dinamay mo." Hindi ko malaman kung matatawa o
maiinis sa nalaman. "Akalain mo iyon, ikaw pala ang puno't dulo kung bakit kami
napadpad sa mundo ng illegal drag racing."
He smiled bitterly. "Yeah, right! Stop guilt tripping. I know it's my fault. At
pinagsisihan ko ang ginawa ko iyon."
"Hindi naman kita sinisisi. Dapat pa nga kaming magpasalamat ni Trisha sa'yo. I
mean, we wouldn't find our place that fits us if had not for you, sa inyong dalawa
ni Cheska."
"It doesn't suits you, Jianne." Mataman akong tinitigan ni Kristofe. "You need to
stop now."
"I can't!" Matigas kong pagtutol. "Ngayon pa lang ulit ako nagsisimula at ayokong
sayangin ang pagkakataon."
"Huwag mo nang hintayin na mapahamak ka."
"Kristofe, sa umpisa pa lang ay alam ko na kung ano ang pinasukan ko. Handa ako sa
maaaring mangyari sa akin. Teka! Bakit ba kung magsalita ka ay parang hindi mo alam
ang tungkol doon? Kung mayroon man dapat makaintindi sa akin, ikaw iyon. At
sigurado ako na iyon rin ang dahilan mo kung bakit hanggang ngayon ay
nakikipagkarera ka pa rin?"
"Alam ba ito ni Mark? Alam ba niya nakikipagkarera ka sa gabi?" Sa halip ay tanong
niya at hindi ko iyon inaasahan.
"Anong kinalaman dito ni Mark?"
"Malamang hindi niya alam. Dahil kung nalalaman lang ni Mark, sigurado ako na siya
ang unang pipigil sa'yo."
"Look, hindi ko kailangan sabihin o ipaalam kay Mark ang lahat ng gagawin ko." Tila
may kung anong pumitik sa sentido ko at biglang nag-init ang ulo ko. "Dahil unang-
una may sarili akong desisyon. Pangalawa, hindi sa lahat ng oras ay nakadepende ako
sa kanya. At pangatlo, hindi ko siya kaanu-ano para hayaan siyang diktahan ang
buhay ko."
Lumikha ng ingay ang silya nang bigla akong tumayo para muling umupo nang
makaramdam ng pagkahilo.
"You alright?" Agad akong dinaluhan ni Kristofe.
"I'm fine!" Tinabig ko ang mga kamay niya sa tangkang paghawak sa akin.
"I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi iyon."
"Mabuti at alam mo. Kung makapagsalita ka ay parang close tayong dalawa."
"I'm sorry."
"Baka nakakalimutan mo, malaki ang atraso mo sa akin at lalo mo lang dinaragdagan!"
"I'm sorry."
"Isa pang sorry mo, makakatikim ka na sa akin ng pektus!"
Tinawanan lamang ako ni Kristofe.
"I'm serious! Alam mo bang maliliit pa lang tayo ay gustung-gusto na kitang
kutusan?"
"You hated me that much?"
"I just don't like you for being so naughty and bully. Wala yata akong maalalang
magandang ginawa mo akin dati."
"I know... and I was such a jerk."
"Mabuti alam mo!" Saglit na dumaan sa isip ko ang mayabang at makulit na patpating
binatilyo na walang ginawa kundi tuksuhin at asarin ako. Naging habit na niya ang
sirain ang araw ko sa tuwing magku-krus ang mga landas namin. Ngunit nakakapagtaka
na sa akin lang naman siya ganoon. Mabait siya pagdating kay Trisha, ngunit
lumalabas ang mga sungay niya sa ulo pagdating naman sa akin.
"Do you still hate me?"
"Hmm..." Kunwari ay nag-isip ako. "Medyo na lang!"
Muling tumawa si Kristofe sa narinig.
"Eh, ikaw? Do you still hate me?"
Huminto siya sa pagtawa at seryosong tumitig sa akin. "I never hated you. Never.
The truth is, gusto ko lang magpapansin sa'yo. You were so snob. Wala ka kasi ibang
nakikita kundi si--"
"Kundi si Mark!" Agap ko sa sasabihin niya. "So, kasalanan pala ni Mark kung bakit
naging salbahe ka sa akin noon? Siya pala ang dapat kong pektusan at hindi ikaw."
Hindi kumibo si Kristofe at sa halip ay inagaw sa akin ang bote na akma kong
tutunggain.
"Hey, akin iyan!"
"Naubos mo na ang share mo. Nakaanim na bote ka na. Sa akin na ito mga natitira."
"Eh 'di oorder na lang ulit ako. Waiter-" Pinigilan niya ang pagtaas ng kamay ko.
"May problema ba kayong dalawa ni Mark?"
"Wala! Waiter-"
"'Yung totoo?"
"Wala nga sabi! Ba't ba ang kulit mo?"
Biglang kinawayan ni Kristofe ang dumaang waiter at siya mismo ang tumawag dito.
"Two more bucket of SanMig light."
"Akala ko ba we don't came here to get drunk?" Inulit ko lang ang sinabi niya
kanina with the same tone.
"I change my mind." At inilapag niya sa harapan ko ang boteng inaagaw niya sa akin
kanina. "Drink as much as you want."
"Hindi ba puwede na eat as much as I want na lang? Kanina pa nagrereklamo ang mga
bulate ko sa tiyan."
Ngumisi si Kristofe. "As you wish!" Muli niyang tinawag ang waiter at umorder ng
mga pagkain na kahit kaming dalawa ay hindi namin kakayanin ubusin.
Nagising ako kinaumagahan na mabigat ang ulo. Shit! Hang-over again. Ilang umaga na
akong nagigising na palagi na lamang masama ang pakiramdam ko. Dahan-dahan akong
bumangon at pagkaraan ay umayos ng upo at sinapo ng mga kamay ang ulo. Saka ko lang
na-realize na nakatulog ako sa mahabang couch sa loob ng opisina ko sa talyer. And
at the very same moment, saka ko lang din naalala ang mga nangyari nang nagdaan
gabi.
Marahas akong napalingon sa pintuan nang makarinig ng mga kaluskos sa labas. Si
Kristofe!.
Masakit man ang ulo ay dali-dali akong nagtungo sa pinto upang makasalubong lang si
Yuan na nagulat nang makita ako.
"Jiji, gising ka na pala!"
"You're here." Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko at ginala ang paningin sa
pinanggalingan niya. Where is he?
"Jiji, gusto mo bang kumain? May binili akong pagkain para sa'yo." Dumiretso si
Yuan sa pantry at isa-isang inilabas sa loob ng supot ang mga food container.
Walang kibo na puwesto ako sa harap ng maliit na mesa. Hanggang ngayon ay nagtatalo
pa rin ang isip ko. Dahil sa kalasingan ay hindi ako sigurado kung sino kina
Kristofe at Yuan ang naghatid at nagdala sa akin sa talyer kagabi.
"Ji, I'm glad that you're okay now."
Nag-angat ako ng mukha kay Yuan na nanatiling abala sa paghahain.
"Alam mo ba na pinag-alala mo ako ng husto nitong mga nakaraang araw? Hindi mo lang
ako pinag-alala kundi tinakot rin mo ako ng husto sa pagkukulong mo sa iyong
kuwarto. Gustung-gusto kitang lapitan at kausapin pero naisip ko na mas higit mong
kailangan mapag-isa."
Hindi ako kumibo at hinayaan siyang magsalita.
"But I'm glad that you're back again to your old self. "Yung parang walang
nangyari." "Pero gayunpaman mas lalo mo lang akong pinag-alala." Doon nag-angat ng
mukha si Yuan at tinitigan ako. "Napapansin ko na napapadalas na ang paglalasing
mo. Hindi ka naman ganyan dati. Gusto kong intindihin ang pinagdadaanan mo subalit
natatakot ako na baka mapahamak ka. Hindi mo man aminin sa akin, alam kong gabi-
gabi kang nakikipag-drag racing."
"So, sinusundan mo ang bawat kilos ko?" Banayad kong asik sa kanya.
"Jianne, gusto ko lang siguraduhin na ligtas ka."
"I'm safe ang I can take care of myself! Hindi mo kailangan mag-alala para sa
akin."
Pilit na ngumiti si Yuan. Bakas sa mga mata niya ang lungkot. "This is the least
that I can do for you before I leave."
"You're leaving?" Biglang nag-iba ang timpla ko. "Why, you're leaving?"
"I guess you don't want me to stay."
"Yuan, hindi naman kita pinapaalis. Ang sinasabi ko lang naman ay hayaan mong gawin
ko ang gusto ko."
"Then I don't have no reason to stay."
"Yuan..."
"No matter what I do, hindi ko magawang makapasok d'yan sa puso mo. Hindi mo kayang
mahalin ang isang tulad ko dahil sa kanya. I can never be like him and I know that
I can never replace him in your heart. Because even if he hurts you so bad, you
can't force your heart to stop loving him."
"Yuan, I-I'm sorry..."
"Please don't." Umikot si Yuan sa kinaroroonan ko at mabilis na kinulong ako sa
kanyang mga bisig. "Bago pa ako magtungo dito sa Pilipinas, sa umpisa pa lang ay
handa na ako sa posibilidad na ma-basted mo ako. It's hurts, but I can handle it.
Bukas paggising ko okay na ako. Parang walang nangyari at pangako ko sa'yo na hindi
ako maglalasing."
"Kasi hindi ka naman umiinom," natatawa kong komento habang nakasubsob sa kanyang
dibdib. Gayunpaman ay hindi ko pa rin maiwasan malungkot dahil hindi ko man
sinasadya, nasaktan ko pa rin siya.
"Jiji, please take good care of yourself," he whispered. "Promise me that you won't
do nasty things again like drinking and racing."
"I promise." Labas sa ilong na tugon ko. I can promise him that I won't drink too
much again but I can't promise him to stop drag racing. It's already a part of my
life and without it, para na rin akong nawalan ng lovelife.

Chapter Twenty: The Bet

Chapter Twenty: The Bet

MARK
My whole body is still ached. It's been three days already since that 'failed
superhero to be' incident. And I promise myself that it would be the last time.
Saving and being stupid is different. Tama si Riley, hindi ako si superman upang
sagipin ang dalawang damulag na iyon kahit pa mga kaibigan ko sila. And speaking of
Tyron at Vince, magmula noon ay hindi na sila nagpakita sa akin. Ni text message at
phone call ay wala akong natatanggap galing sa kanila. Marahil ay mga na-guilty
dahil sa sinapit ko. Ngunit malaki rin ang posibilidad na baka nasulsulan sila ni
Jared at tinakot na huwag magpakita sa akin. I had this dread feeling na siya ang
tumakot sa dalawang kaibigan kaya nagmamadaling umalis ang mga ito noong dinalaw
nila ako sa ospital.
I'm hungry. Mag-aalas dos na pala ng hapon at hindi pa ako nananghalian. Bumangon
ako at nagtungo ng kusina. Ngunit saka ko lang din naalala na wala na pala akong
stock ng pagkain. Mahigit dalawang linggo na akong hindi nakakapag-grocery. Lulugu-
lugo na bumalik ako sa sala at dinampot ang receiver ng telepono. Wala akong choice
kundi magdpadeliver na lang ulit ng fast food. Nagdadayal pa lang ako ng numero
nang tumunog bigla ang doorbell. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Tyron. Marahil
ay hindi ako natiis ng kaibigan gayon dalawang palapag lang ang pagitan ng aming
mga unit.
Subalit sa pagkabukas ko ng pinto ay si Joanna ang bumulaga sa paningin ko. Gusto
kong madismaya ngunit nang makita ang bitbit niyang mga pagkain ay nagbago ang isip
ko.
"Mark!"
Napangiwi ako nang bigla na lamang niya akong lundagin at niyakap ng mahigpit.
"How are you? Are you feeling okay now?"
"J-Joanna, n-nasasakal ako..."
"Oh, I'm sorry." Saka lamang siya bumitiw sa akin ngunit ikinulong naman niya sa
mga palad niya ang aking mukha. "I'm really worried about you know. Kung hindi pa
sinabi sa akin ni Louie, hindi ko malalaman na-"
"Masasarap siguro ang mga dala mong pagkain. Can I eat those now?"
"S-sure."
Ako na mismo ang kumuha ng bitbit na paperbag ni Joanna at nagmamadaling dinala
iyon sa kusina. I'm too starving that I forgot to served another plate for her.
Basta ang nasa isip ko ay makakain at maibsan ang kalam ng tiyan.
"Masarap, right? Ako ang nagluto ng mga iyan." Natutuwang sabi ni Joanna habang
pinapanood akong kumain. Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Sa sobrang gutom ko
ay halos hindi ko na malasahan ang kinakain.
"Thank you." Halos hindi maintindihan na wika ko habang patuloy sa pagnguya.
Aabutin ko sana ang baso ng tubig nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na susi
ng kotse na hawak ni Joanna. "Bakit nasa'yo iyan?"
"Oh, I forgot. May lalaking nagpunta kahapon sa ospital at ikaw ang hinahanap.
Robert yata ang pangalan. Ang sabi niya ay inutusan lang siyang isoli sa'yo ang
lumang volkswagen. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga vintage car."
Bigla akong napatayo. Ang unang pumasok sa isip ko ay hagilapin ang cellphone.
She's here! I need to call her. Ngunit nakatatlong dial ako ng number niya ay out
of coverage pa rin ang kanyang linya.
"Damn it! Bakit hindi kita makontak?" Halos panggigilan ko ang screen ng cellphone
nang maalala kong tumawag sa talyer. Marahil ang tinukoy na Robert ni Joanna ay si
Bogard.
"Hello, Bogard! Yes, this is Mark. Si Jianne? Nakabalik na ba siya mula sa Paris?
Nasa talyer ba siya ngayon?"
"Po? A-ano kasi..."
"Bogard, nandyan ba ngayon si Jianne sa talyer?" Ulit ko. Gusto kong malaman sa
kanya ang totoo.
"K-kanina nasa talyer po si Bossing, pero wala na siya ngayon dito."
"Anong ibig mong sabihin?" Nag-isang linya ang mga kilay ko.
"Dok, huwag n'yo na akong pilitin magsalita. Siguradong malalagot ako kay Bossing."
"Sa akin ka malalagot kung hindi ka magsasalita."
"Ano ba naman buhay ito? Sumunod lang ako sa utos pagkatapos ito pa ang mapapala
ko!"
"Gusto ko lang malaman kung nasaan si Jianne."
"K-katulad nga po ng sinabi ko, kaninang umaga nasa talyer si Bossing. Pero agad
din siyang umalis dala ang kotse ni Boss Trisha."
"Ang Alfa Romeo?"
"Hindi po kundi ang Audi."
Lihim akong napamura nang maisip ang posibleng gawin ni Jianne.
"Naku, ang daldal ko talaga! Siguradong malalagot talaga ako kay Bossing kapag
nalaman niya na nagbigay ako ng impormasyon sa'yo. Dok, ipangako n'yo sa akin na
hindi mo ako isusumbong."
Sumang-ayon na lang ako bago pinindot ang end button. Pagkatapos ay dinayal ko
naman ang numero ni Trisha.
"Why you did'nt tell me?"
Tinawanan lang ako ni Trisha bilang tugon niya.
"Anong natatawa sa tanong ko?"
"Relax, Mark. Minsan na nga lang tayo makapag-usap at ganito pa ang treatment mo sa
akin. Oo nga pala, kamusta na ang kalagayan mo?"
"Trisha!"
Muli kong narinig ang nakakaloko niyang pagtawa sa kabilang linya.
"Alam mong nandito na si Jianne pero hindi mo sinabi sa akin?"
"Sorry, I forgot to tell you!" Subalit may pakiramdam ako na nagsisinungaling siya.
Wala talaga siyang balak na sabihin sa akin.

"Trish, ano itong nabalitaan ko na pinahiram mo raw kay Jianne ang Audi mo?"
"Actually, hindi ko lang pinahiram, ibinigay ko pa sa kanya."
"What?"
"Mark, could you lower your voice? Malapit na akong mabingi sa kasisigaw mo,"
reklamo ni Trisha. Hindi ko napigilan magpakawala ng malalim na paghinga at saka
nagbaba ng tono.
"Hindi mo dapat ginawa iyon. Alam mo naman siguro ang posible niyang gawin."
"What are you expecting from a brokenhearted? Hayaan mo na muna natin si Jianne na
maka-cope mula sa heartbreak niya. Kailangan niya iyon."
Iyon na naman ang guilt sa aking dibdib.
"Paano kung mapahamak siya?"
"Don't worry, alam ni Jianne ang kanyang ginagawa. Kung mapahamak man siya,
simpleng gasgas lang naman ang napapala niya."
"Pero hindi iyon ang punto ko."
"Mark, I'll talk to you later. Kailangan ko na kasing paliguan si Jenaira." Iyon
lang nawala na si Trisha sa kabilang linya.
May kung anong matigas na bagay ang narinig kong bumagsak sa sahig. Dali-dali akong
lumabas ng silid upang makita ang pinakapaborito kong Gundam collection na
nagkalasug-lasog.
"Mark, I'm sorry!" Tinig ni Joanna habang nasa kamay niya ang natirang kapirasong
pakpak ng robot. "It slip in my hand."
I count one to three to calm myself. Ayokong magalit. Not now!
"Okay lang naman, right? Don't worry ibibili na lang kita ng bago."
"This is a limited edition. Wala ka nang mahahanap na ganito sa local toy store."
"Ano ka ba, Mark? Robot lang iyan," natatawang sabi ni Joanna sa nakikitang
reaksyon ko. "It's just a toy and toys are only for kids."
"Leave!"
"Me? W-why?"
"I want you to leave now." Banayad ko siyang itulak palabas ng pinto. "Bumalik ka
na lang ulit kapag may dala kang pagkain."
"P-pero, Mark..."
"Thanks for the food." At mabilis kong isinara ang pinto.
Toys are only for kids. But not for me. Lalo na sa tulad ko na walang magandang
childhood memories. Of course, hindi iyon alam ni Joanna. Kaya hindi niya
maiintindihan ang halaga sa akin ng mga simpleng bagay na iniingatan ko.
Wala sana akong balak buksan ang pinto nang muling tumunog ang doorbell. Ngunit
nakaragdag lamang ang ingay n'yon sa init ng aking ulo.
"I told you to leave and--" Huminto ako sa pagsigaw nang tumambad sa harapan ko si
Tyron na nagulantang sa inasal ko.
"A-ang sungit mo naman, Maki boy. Pinabibigay nga pala ni Cyrhel, este galing pala
sa akin. Enjoy your food. Ciao!" Pagkatapos niyang iabot sa akin ang dalawang
maliit na paperbag ay mabilis siyang nawala sa paningin ko.
"Oo nga pala..." Sigaw ni Tyron mula sa elevator. "Iyon isang paperbag galing naman
kay Vinci boy. Peace offering niya raw. Ciao ulit!"
Nanatili lang akong nakatanga sa nagsarang elevator at pagkatapos ay tinitigan ang
hawak na mga paperbag.
JIANNE
Hindi ko alam kung anong mayroon nang gabing iyon at halos mapuno ng mga tao ang
drag race venue. Parang may party. Napilitan akong iparada ang black knight sa tabi
at saka bumaba.
"Anong meron?" Tanong ko sa nakasalubong na lalaki. May hawak siyang plastic cup na
pinaglalagyan ng beer.
"Anniversary ng PDRA."
"PDRA?" ulit ko sarili. Parang ngayon ko lang narinig iyon.
"Pinas Drag Racers Association," sagot ng babaeng kasama ng lalaki.
Ahh! Iyon pala iyon.
"Beautiful Jianne is in the house tonight!" Marahas akong napalingon at bago ko pa
namalayan, nasa harapan ko na si Roger. Awtomatikong napaatras ako nang maamoy ko
ang alak sa kanyang bibig. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo magandang binibini?"
"Wala bang race ngayong gabi?" Sa halip ay tanong ko.
"Of course mayroon. Maari bang wala. We all came here to race and party."
"But I'm here to race."
Ngumisi si Roger. "Exactly! Anyway, alam kong darating ka kaya nagpareserve ako ng
isang slot para sa'yo."
"We have five race for tonight," pagpapatuloy niya habang nakasunod ako sa kanyang
likuran. "Katatapos lang ng tatlo, so may dalawa pang lalarga maya-maya. The last
one is the major race with the highest pot prize."
"May available pa bang slot?"
"The last slot is for the winner of fourth race. So goodluck, Jianne. Alam ko naman
kayang mo itong ipanalo." Pagkatapos ay sinipat ni Roger ang suot na wristwatch.
"Get ready. In five minutes, magsisimula na ang fourth race."
Nagmamadali na bumalik ako sa kinaroroonan ng black knight. Pasakay na ako nang
mahagip ng paningin ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Hindi na ako nagulat
nang makitang naroroon din si Kristofe. His lips twisted when he saw me. Kumaway
siya sa akin habang nakaupo sa ibabaw ng hood ng kanyang sasakyan. I smiled back.
This is my chance to defeat him, but this time for real.
Subalit nakakapagtaka na hindi lumahok si Kristofe. Nang tanungin ko si Roger, sa
huling race pa raw sasabak ang binata. Nanalo raw kasi ito sa second race kanina
kaya automatic na itong kalahok sa finals.
I won the fourth race. My eagerness to face him in the finals leads me to the
finish line.
"Pinabibilib mo talaga ako, Jianne!" Lumapit sa akin si Kristofe at tinapik ang
bubungan ng black knight. "You really make it to the finals."
"Because I want to defeat you."
"Sorry, but I won't let you win this time."
"Then let's see." Nakipaglabanan ako ng titigan sa kanya.
"I have a suggestion. You know, just tO add some thrill and fun."
I squared my shoulder and raised my chin. "Name it."
"If you win, I'll double the pot prize money."
"But if you win?" Umangat ang kilay ko.
"You have to take me out... For a date!"
Bumulanghit ako ng tawa sa aking pagkamangha. Gusto kong isipin na nagbibiro lamang
si Kristofe. But he was looking at me quite differently. Bigla akong nakaramdam ng
pagkailang. "Seriously?"
Tumango ang binata at humakbang palapit sa akin habang hindi inaalis ang
pagkakatitig sa mukha ko. "How about a formal dinner date? And I want to see my
date in a dress."
Bago pa siya tuluyan makalapit sa akin ay naitukod ko ang isang palad sa kanyang
dibdib upang pigilan siya. Binigyan ko siya ng warning look.
"Call!" Matapang kong sagot kahit ang totoo ay nagdadalawang-isip ako na tanggapin
ang kanyang kondisyon.
Nahirapan akong makipagsabayan kay Kristofe. Ibang-iba siya sa Kristofe na
nakalaban ko noong huli namin paghaharap. Bukod doon ay magagaling din ang tatlo pa
naming kalaban. Walang tulak-kabigin sa kanilang lahat. Nakahanap ako ng tiyempo at
naunahan ko si Kristofe. Lalo ko pang itinodo ang bilis ng black knight hanggang sa
hindi ko na matanaw sa likuran ang Lexus. Tuluyan nang napag-iwanan si Kristofe.
Ilang sandali pa ay naungusan ko ang dilaw na kotse na kanina pa nangunguna. Halos
abot kamay ko na ang tagumpay nang matanaw ko ang finish line. But to my surprised,
biglang sumulpot sa tagiliran ng black knight ang Lexus. And the next thing I knew,
si Kristofe ang nakauna sa finish line. He won the race.
Hanggang sa bumaba ako ng sasakyan ay hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga
pangyayari. Nanlulumo na napasandal ako sa gilid ng black knight.
"Jianne!" Tawag ni Kristofe. But when I turned around, I received a gentle smile
from him. Taliwas iyon sa inaasahan ko.
"I'll call you later to claim my prize." Iyon lang at muli niyang hinarap ang mga
kasama na nagbubunyi sa kanyang pagkakapanalo.
Dismayado akong napaungol. Nawalan na nga ako ng pera, natalo pa ako sa pustahan
namin ng binata. Kung minamalas nga naman!

Chapter Twenty One: Be Still

Chapter Twenty One: Be Still

JIANNE
"Flowers for delivery!"
Sabay kaming lumingon ni Sonnie sa bagong dating na delivery boy na mayroon bitbit
na bugkos ng mga puting rosas.
"Para sa akin?" Tanong ni Sonnie.
"Kayo po ba si Ms. Jianne Branzuela?"
"Hindi, siya!" Sabay turo sa akin ng kaibigan.
Nangingiti na kinuha ko ang delivery slip at pinirmahan iyon at saka tinanggap ang
mga bulaklak bago pumasok sa loob ng opisina ko. Siguradong magpipiyesta na naman
ang mga bibig ng mga tauhan sa nasaksihan kani-kanina lang.
"Kanino galing?" Pag-uusisa ni Sonnie na patuloy sa pagsunod sa akin.
Hindi ako sumagot at pasimpleng itinago ang nakaipit na card sa mga bulaklak. May
hint na ako kung sino ang sender pero siguro mamaya ko na lang aalamin kapag umalis
ang kaibigan.
"Tell me, kay Mark galing 'yung mga bulaklak no?"
Asa pa ako! "Wala siyang dahilan para magpadala ng mga bulaklak sa akin."
"Malay mo naman, baka nakikipagbati sa'yo."
Hindi ako kumibo at nagkunwari na walang narinig.
"Hindi ka na affected kay Mark?" Pangungulit ni Sonnie. "You mean, you're finally
moved on?"
"Iyon naman ang dapat, hindi ba?"
"Oh well, mas mainam iyon kaysa naman patagalin mo pa. Anyway, katulad nga ng
sinabi ko kanina, baka dumiretso ako ng Dipolog pagkatapos kong manggaling ng
Singapore." Lihim akong nagpasalamat sa pagbabago ng aming topic.
"Akala ko ba ayaw mong pumunta roon?"
"Nagdadalawang-isip pa rin ako hanggang ngayon. Tsk! Kung hindi lang dahil sa twin
sister ko, hinding-hindi talaga ako tatapak sa lugar na iyon!"
"Your biological sister?"
"May kakambal ba na hindi biological? Kaya nga twin sister. And we're identical
from head to toe."
"Where is she?"
"Gusto ko sanang isama si Cassandra sa Dipolog," sa halip ay sagot ni Sonnie. "Kaya
lang may bagong assignment ang bruha."
Kumunot ang noo ko at nakalimutan ang pag-uusisa tungkol sa kanyang kakambal.
"Assignment? Hindi ba matagal ng wala sa serbisyo bilang pulis si Cass? So, paano
siya magkaka-assignment?"
"Ewan ko 'dun. Basta ang sabi niya sa akin, ang nanay pala niya ang nagsabi na maa-
assign siya bilang bodyguard ng isang mayaman at guwapong businessman."
"Ang astig ni Cassandra!"
Bumingisngis si Sonnie. "Kakainggit!"
"Kumuha ka rin ng bodyguard kung naiinggit ka! Mayaman ka naman, eh!"
"Tange! Naiinggit ako kasi gusto ko rin maging bodyguard."
"Sira ka talaga! Oo nga pala, bakit hindi na lang si Gabby ang isama mo sa
Dipolog?"
"Pasaway ang babaing iyon. Baka doon pa maghasik ng lagim."
"Kunsabagay, baka biglang mahati sa dalawa ang katawan niya at doon maghanap ng
bagong mabibiktima."
"Ji, alam mo na ba kung sino ang latest na ini-stalk ngayon ni Gabby?"
Biglang namilog ang mga mata ko. "Sino? Sabihin mo sa akin, dali!" Lumapit sa akin
si Sonnie at ibinulong sa tenga ko ang kanyang mga nakuhang impormasyon.
Eksaktong pag-alis ni Sonnie ay saka naman ang dumating si Yuan. Ang mga bulaklak
sa ibabaw ng mesa ang una niya agad napansin.
"Kanino galing ang mga iyan?"
"Hindi ba galing sa'yo?" Naisip kong magbiro. Ngunit sinimangutan lang ako ng loko
at padabog na inilapag ang bitbit na supot sa ibabaw ng mesa.
"I know you hate flowers that's why I brought you this!"
Ang lapad ng pagkakangiti ko nang makita ang dala niyang mga pagkain. "I love it!"
"Bossing, aalis ka ulit?"
"Obyus ba?" Sarkastiko kong tugon at nilagpasan si Bogard na nasa pintuan ng
opisina. Hinintay ko lang makauwi si Yuan bago ako umalis.
"Ako na naman ang magsasara ng talyer?"
"Malamang ikaw nga!" Dire-diretso ako sa nakaparadang itim na kotse. "Joel, tapos
mo na bang ikondisyon itong Audi?"
"Opo bossing. Napalitan ko na rin ng mga back tire katulad ng inutos ninyo."
"Salamat." Dinukot ko sa bulsa ang car key at muling binalingan si Bogard. "Ikaw na
muna bahala rito sa shop. Babalik din ako agad."
"Bossing, iyan din ang sinabi mo kahapon pero hanggang sa magsara ang talyer ay
hindi na kayo nagpakita."
Agad na umangat ang kilay ko. "Nagrereklamo ka?"
Napakamot ng ulo si Bogard at ngumisi. "Hindi naman po. Sinasabi ko lang. Ingat
kayo, bossing."
Nakasakay na ako ng Audi nang bigla akong may naalala. Sumungaw ako sa bintana at
tinawag si Bogard. "Iyon mga bilin ko huwag mong kakalimutan."
"Opo!"
"At kapag may naghanap sa akin, sabihin mo na hindi ako pumapasok."
"Kahit sinong maghanap sa inyo?"
"Kahit sino!"
"Kahit si Doc Mark?"
Awtomatikong nalukot ang mukha ko. "Lalo na siya!"
"No problem, boss!"
Pinihit ko ang ignition at binuhay ang makina. Palabas na ako ng shop nang biglang
may sumulpot na kotse sa harapan ko. Mabuti na lang at maaagap kong naapakan ang
preno.
Anak ng! Muntikan na akong masubsob sa dashboard. Hindi ko pa kasi naikakabit ang
seatbelt. Mabilis na bumaba ako ng sasakyan upang sumugod. Subalit napahinto ako sa
paghakbang nang makilala ko ang nasabing sasakyan. Muli akong napamura. Kung
minamalas nga naman.
Ang unang pumasok sa isip ko ay bumalik sa loob ng sasakyan upang umiwas. Ngunit
alam kong huli na para doon dahil nakababa na ng kotse ang driver ng naturang
kotse. When I saw him, my heart skipped a beat. And from that very moment I know
that I'll be in trouble... Again!
Tila namamalik-mata pa rin ako habang nakakatitig kay Mark. Hindi ko inaasahan ang
pagdating niya, gayundin ang makita siya. Siguro nga kahit anong gawin kong pag-
iwas sa kanya, magtatagpo pa rin ang aming mga landas.
"Magtititigan lang ba tayong dalawa? Take a seat, Dr. Mendoza." Sabi ko sa
pinasiglang tinig at itinuro ang bakanteng sofa. Ngunit nananatili siya sa kanyang
kinatatayuan.
"Ji, how are you?" He smiled guiltily at me. Hindi ko maintindihan kung ano ang
dapat maramdaman. Hindi ito ang Mark na inaasahan kong makaharap.
"Do I look like I'm not okay?"
He tilts his head and stared at me for a second. I forced a smile. Alam kong
mataman niya akong pinag-aaralan.
"Bakit ka nga pala nandito? May kailangan ka ba sa akin?" Tumalikod ako at
humakbang patungo sa kinaroroonan ng fridge na nasa pinakasulok ng opisina. "I
can't offer you anything but cold water."
"I'm here to talk... Ji, we need talk."
Napahinto ako sa pagkuha ng tubig. Bagaman inaasahan ko na ang tungkol doon, hindi
ko pa rin naiwasan magulat.
"Ano naman ang pag-uusapan natin?" Napatawa ako, but that was fake of course. Nang
muli akong humarap sa kanya ay may nakapaskil na ngiti sa mga labi ko. "Tungkol ba
ito sa mga inamin ko sa'yo?"
"Ji, I'm sorry," he almost whispered. Regret ang nakita kong bumakas sa mukha ng
binata.
"Sorry for rejecting me? You don't have to say sorry. It's my fault, not yours. I'm
the one to blame for letting myself fall for you.
"I'm sorry."
"I shouldn't said those words, but I already did. Kahit papaano nakatulong iyon
para mawala ang bigat dito." Itinuro ko ng daliri ang tapat ng dibdib.
"I'm sorry."
Tangna naman, Mark! Hanggang ngayon ba naman sorry pa rin ang maririnig ko sa'yo?
Gusto kong isigaw iyon sa harapan niya ngunit nagpigil ako. Hindi rin naman iyon
makakatulong upang paaganin ang sitwasyon sa pagitan namin dalawa.
"Forget it, Mark. Let's just forget what happened and stop saying sorry-"
"You're lying!" He immediately cut me off. "Pareho natin alam na imposibleng
makalimutan natin ang mga nangyari. At alam ko rin na kahit ilang sorry pa ang
sabihin ko, hinding-hindi mo ako mapapatawad."
"I never meant to hurt your feelings as much as breaking your heart. Believe me, I
would be the last person that will do that to you. But I can never give you back
the kind of love that you wanted."

"I know that now. But at least I tried." Pilit ang ngiting isinukli ko sa kanya sa
kabila ng pinipigilang emosyon. Damn, it's still hurts.
"Ji, hindi ko man maibigay sa'yo ang inaasahan mo, pero gusto kong malaman mo na
mahalaga ka sa buhay ko, kayo ni Trisha. You're like a family to me."
That made me laugh sadly. Friendzone, siblingzone and now familyzone? Langya naman
buhay ito!
"Anong nakakatawa?" Kunot-noong tanong ni Mark habang nakakatitig sa akin.
Naisip ko lang kung gaano ako nagpapakatanga sa'yo!
"Mahalaga rin pala ako sa'yo kahit madalas mo akong sinermunan at pinapagalitan."
Now, it was his turn to laugh. Napakababaw talaga ng lalaking ito. To my surprise,
he reached for me and held me in his arms.
"I miss you, Ji!" He whispered as he kissed the top of my head. I sighed and closed
my eyes.
I miss you too, Mark!
Mabilis akong kumawala sa mga yakap niya. "K-kailangan ko na palang umuwi sa
bahay," pagdadahilan ko. "Sasamahan ko pa si Ate Lara para magpa-check up. Bye!"
Nilampasan ko siya at dumiretso palabas ng pintuan.

"Jianne!"
Napilitan akong huminto at lumingon kay Mark.
"Can we go back the way we were before?"
I don't think so!
"Sure." I lied. Mas mainam iyon para maitago ko sa kanya ang totoo kong
nararamdaman.
Sakay na ako ng kotse nang sapuhin ko ng kamay ang dibdib. I bit my lower lip
painfully as my heart was beating so fast that I could hardly breathe.
Be still my heart, be still!
Pinuno ko ng hangin ang dibdib at sinulyapan ang malawak na karagatan. Matagal na
tagal na rin nang huli akong magpunta sa lugar na ito.
"Jiji, ang layo naman ng lugar na ito!" Wika ni Yuan nang sumalampak sa buhanginan
at puwesto sa tabi ko. Wala siyang nagawa nang sapilitan ko siyang
kinaladkadpatungo sa beach house ng mag-asawang Trisha at Jared sa Batangas. Iyon
lang kasi ang naisip kong lugar kung saan makakapag-relax ang isip ko, gayundin ang
aking puso.
"Nasaan na 'yung pinakuha kong brandy?"
Atubiling inabot ni Yuan sa akin ang bote. "Pumunta ka lang ba rito para
maglasing?"
Mabilis akong umiling. "Pumunta tayo rito para uminom."
"Pero, Jiji, nangako ka sa akin na hindi ka na iinom."
"Nangako ako sa'yo na hindi na ako maglalasing."
"Nananahimik ako sa bahay at nagtratrabaho para lang kaladkarin mo ako rito at
uminom. Matutuwa pa ako sayo kung nandito tayo para magswimming."
"Hindi ka naman nagtatrabaho. Sigurong naglalaro ka lang ng COC d'yan sa cellphone
mo. Kung gusto mong magswimming, go! Hindi kita pipigilan." Tinungga ko ang laman
ng bote at napangiwi ako nang malasahan ang mapait na alak. Inabot ko kay Yuan ang
bote. "Ikaw naman!"
"Ayokong uminom!" Itinulak niya iyon pabalik sa akin. "Walang magda-drive sa atin
pauwi kung pareho tayong malalasing."
"Ayaw mo, eh 'di huwag." Muli akong tumungga ng alak.
"Ji, may problema ba? Siya na naman ba?"
"Sinong siya?" Kunwari ay hindi ko kilala kung sino ang kanyang tinutukoy. Subalit
wala na akong maitatago sa binata.
"Bakit ba hindi mo magawang kalimutan siya?"
"Tange ka ba? Imposible ko siyang makalimutan. He's already a part of my life,
kahit pagbalik-baliktarin mo pa ang buong solar sytem."
"Eh, 'di kalimutan mo na lang ang nararamdaman mo sa para sa kanya. Iyon ang hindi
imposible!"
Binitiwan ko ang hawak na bote sa buhangin at pumihit paharap kay Yuan.
"Bakit ka nakatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha?"
"Kiss me!"
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Jiji, ano bang klaseng joke iyan!"
"I said kiss me!" Muli kong utos.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"
Sumimangot ako. "Mukha ba akong nagbibiro? Halikan mo na ako, dali! Ang dami mo
pang arte." Ipinikit ko ang mga mata at hinintay na halikan niya ako. Subalit
naglanding ang mga labi ni Yuan sa ibabaw ng ulo ko. He kissed me on my forehead.
Hindi ko malaman kung madidismaya ako o matatawa sa kanya.
"What?" Nagtatakang tanong niya. Sa halip na sumagot ay ako naman ang humalik sa
kanyang noo.
"Thanks!"
"Para saan? Sa paghalik ko sa noo mo?"
"Ang slow mo talaga!" Mabilis na umangat ang kamay ko at binatukan siya.

Chapter Twenty Two: Dating Game

Chapter Twenty Two: Dating Game


JIANNE
Kahit napuyat nang nagdaang gabi, pinilit ko pa rin magising ng maaga. Siguradong
sermon na naman ang aabutin ko kina Mama at Papa kung hindi ko magagawang sumabay
sa kanila para mag-agahan.
"Good morning!" Walang buhay kong bati na pumuwesto sa paborito kong upuan.
Kumpleto silang lahat, minus Yuan. Malamang ay naghihilik pa sa mga oras na ito ang
lalaking iyon. Mabuti pa siya. Kungsabagay, sa layo ba naman ng nilakbay namin
kahapon, di hamak na mas napagod siya kaysa sa akin. Siya kasi ang nag-drive pauwi
kagabi habang ako naman ay nakatulog ako sa backseat dahil sa kalasingan.
Nakakapagtaka ang katahimikan sa paligid. Wala ang maingay at madaldal na bibig ni
Ate Lara. Gayundin ang sweet na pag-aasaran nila Mama at Papa. Basta tahimik lang
silang kumakain ng agahan at walang kibo.
Patapos na akong kumain nang magsalita si Ate Lara.
"Ma, sabihin mo na kay Jianne."
"Sabihin ang alin?" Nagtataka na nag-angat ako ng tingin sa kanila.
"We have plans for you." Si Ate Lara ang sumagot.
"Plans?" Tumingin ako kay Papa ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin. But I saw
amusement in his eyes. Kinabahan tuloy akong bigla. "What plans?"
"Your sister suggested to matchmake you to her friend's brother?" Si Mama.
"And also to the sons of Mama's amigas."
Napatanga ako sa narinig at binitiwan ang natitirang piraso ng hotdog sa tinidor.
"For real?" Sabay-sabay silang tumangong lahat. Kaya pala ang tahimik nila kanina,
iyon pala ay may bomba silang pasasabungin sa harapan ko. To think na hinintay pa
nila na matapos akong kumain.
"No! Ayoko! Ayoko na ng matchmaking na iyan!" Nagpapadyak ako sa inis. Minsan ko na
silang pinagbigyan at hindi na mauulit iyon.
"Jianne, this is for your own good," si Ate Lara. "Kung hindi namin gagawin ito
walang magkakagusto sa'yong lalaki. Hindi ka magkakaroon ng boyfriend."
"So what? Malaking kasalanan ba sa lipunan kung wala akong boyfriend?"
"Hija, nag-aalala lang kami ng ate mo para sa'yo. You're already twenty four and
still no boyfriend since birth."
"And never been kissed and never been touched." Segunda ni Ate Lara.
I rolled my eyes. Kung alam n'yo lang!
"Pa, please help me. Nababaliw na naman sina Mama at Ate Lara. Ako na naman ang
center of tripping nila."
"Bunso, I'm sorry. I can't stop them. Besides nangako ako sa Mama mo-"
"I want to die!" Kulang na lang ay maglupasay ako sa sahig sa sobrang pagkadismaya.
Three against one. Dehado na nga, luging-lugi pa ako.
"Okay, let's make a deal." Si Papa ulit. Ngunit hindi dahilan iyon para tumigil ako
sa pagsisintir. Pinagbalingan ko tuloy ang natitirang tipak ng karne sa aking plato
at isinubo iyon lahat sa bibig. Hindi ko alintana kung mabulunan man ako.
"Kapag may nagustuhan ka sa mga lalaking irereto sa'yo..." Saglit na huminto si
Papa na tila sinu-suspense pa ako. "I'll buy you a new car."
Ilang segundo ang lumipas bago nag-sink-in sa isip ko ang mga narinig. New car?
Dream come true? Why not coconut?
"Deal?"
"Papa, it's unfair!"
"Ate Lara. huwag ka ng kumontra, p'wede?"
"No! It's not fair na kailangan lang may magustuhan si Jianne. Ang dapat ay may
maging boyfriend siya. That's the main goal of this matchmaking."
"So, this is called 'Operation Jianne Loveless No More'. Ha, ha, ha. It's not funny
my dear witch sister." Kanina pa nangangati ang binti ko na sipain si Ate Lara sa
ilalim ng mesa.
"I'm not a witch!"
"You look like a witch doll!" Pang-aasar ko pa lalo.
"I hate you!"
"Guys, enough!" Awat ni Mama sa amin magkapatid. Nagpakawala siya ng isang malalim
na paghinga bago bumaling sa akin. "Baby, your sister is right."
Magproprotesta sana ako ngunit inunahan agad ako ni Mama.
"We only want you to find your own happiness and build your own family."
Lalong humaba ang nguso ko.
"Dear, you're not getting any younger. We have to admit na natatakot kami na-"
"Na tumanda akong dalaga? Na maging old maid forever?" Nakuha ko rin ang tinutumbok
nila. "Isn't too early na mag-conclude kayo nang ganyan sa akin?"
"Bakit ba ang tigas ng bumbunan mo?" Nanlalaki ang mga butas ng ilong ni Ate Lara
sa inis. "Why don't you just say yes?"
"No!" Pagmamatigas ko. Hindi nila ako puwede pilitin sa isang bagay na ayokong
gawin. Ngunit nang tumingin ako kay Papa, nakita ko ang disappointment sa kanyang
mukha. Gayundin si Mama na halos maluha sa frustration sa akin. Tinamaan tuloy ako
ng kunsensya. Inabot ko ang puting table napkin sa tabi at itinaas iyon para
iwagayway.
"You win!" I concede. Isinuko ko na ang bataan.
Nag-enlighten ang mukha nila Mama at Papa, lalung-lalo na si Ate Lara na biglang
tumayo sa kinauupuan at niyakap ako.
"Sis, you won't regret this. I promise."
I had this dread feeling na hindi lang ako magsisisi, kundi sising-sisi to the
point na iisipin ko nang magpatiwakal.
"Wait, paano kung wala talaga akong magustuhan sa kanila?" Naisip kong itanong.
Napakalaki ng posibilidad na mangyari iyon lalo na at wala akong tiwala sa
matchmaking ni Ate Lara.
"Then forget your dream car!" Magkakasabay nilang sagot.
"I can't believe that your doing this to me!"
First date. Nag-effort akong mag-ayos at magbihis ng maganda. Kahit hindi ko gusto
ang fashion sense ni Ate Lara ay hindi ako nagreklamo. Gusto ko na agad matapos
itong kalokohan na naisip nila, so bakit ko pa patatagalin?
Isang hakbang na lang ay abot-kamay ko na ang minimithing dream car. Hindi na bale
hindi guwapo ang lalaking irereto sa akin ng kapatid, hindi ko naman siya kailangan
magustuhan. Hindi na ako magiging choosy. Kung okay naman siya, pwede ko na
sigurong maging boyfriend. Saka ko lang siya ididistpatsya kapag nakuha ko na ang
premyong new car mula kay Papa. Iyon naman talaga ang dahilan kung ako pumayag sa
matchmaking na ito.
Subalit hindi ko akalain na magiging disaster ang first date ko. Well, the guy is a
good-looking person. Tall and dark but not my type. Because behind his pretty face,
he's too mayabang. Grabe, dinaig pa niya ang signal number two na bagyo. Kulang na
lang ay kumapit ako ng mahipit sa silyang kinauupuan ko dahil baka tangayin ako sa
lakas ng hangin na dulot ng kayabangan niya. Kaya ko pa naman sanang palagpasin ang
ugali niya pero higit pa pala sa inaakala ko ang attitute ng lalaking ito.
"I had to admit that you're beautiful in my eyes. But you makes me bored to death.
You're personality is too plain for someone like me."
Napatanga ako sa narinig. How could he? Pinigilan ko ang sarili na ipukol sa kanya
ang hawak na kopita. I promised my parents that I won't make a scene. Pero hindi
ako papayag na hindi makaganti.
"Too plain, huh? Then let's see." Napangisi ako at pasimpleng sinipa ng ubod nang
lakas ang lalaki sa ilalim ng mesa. Napasinghap siya ng malakas at hindi malaman
kung sisigaw o magre-react sa ginawa ko.
"Do you want to see the real me?" Hamon ko. Ngunit hindi ko na hinintay ang tugon
niya. Tumayo ako at humakbang paalis para muling bumalik na tila mayroon
nakalimutan. At dahil nakatalikod sa akin ang lalaki, wala siyang kamalay-malay
nang ingudngod ko ang pretty niyang mukha sa kanyang plato. "Oops!"
"You witch!" He gritted his teeth. Namumula ang mukha ng lalaki hindi dahil sa
galit kundi sa sauce ng steak na nagmatsa sa pretty niyang face.
"Now you know!"
Sermon ang inabot ko kina Mama at Ate Lara pag-uwi ko ng bahay. Nalaman nila agad
ang tungkol sa nangyari dahil ang mismong lalaking iyon ang tumawag sa kapatid ko
at sinabi ang lahat, including my naughtiness. Tinawanan lang ako ni Papa. But he
reminds me about the car that I've been hoping for. No boyfriend, no new car.
"Hey!" Naabutan ko si Yuan na mag-isang kumakain ng dinner sa kusina. Kararating
lang din niya, nauna lang yata siya sa akin ng ilang minuto.
"How's your date?"
"Failed." Ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari from A to Z.
"I'm not surprised!" Natatawang react ni Yuan.
Napanguso ako. "Bakit ba kasi hindi na lang ikaw ang pinili nilang maka-date ko? Eh
'di sana wala na akong problema."
Hindi kumibo si Yuan at inubos ang natitirang pagkain sa kanyang plato. Hindi
lingid sa kanya ang matchmaking na idea ni Ate Lara. Subalit nakakapagtaka na hindi
man lang niya ipinisintra ang sarili. Siya pa naman sana ang inaasahan ko.
"I'm leaving, right? That's why I'm not qualified."
"Huwag ka na lang kaya umalis?" Hindi siya sumagot at napilitan akong sundan siya
hanggang sa veranda."Yuan, naman eh! Hindi ba talaga kita mapipigilan umalis?"
"My decision is final."
"Kahit itali kita sa poste? Eh kung sunugin ko kaya ang passport mo para hindi ka
makaalis?"
"Sira ka talaga!" Natatawa na hinila ako ni Yuan at ikinulong sa kanyang mga bisig.
"I will miss you, Jiji."
"Nakakainis ka, Yuan!" Hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot. Sa maikling panahon
na nakasama ko si Yuan ay napalapit na rin siya ng husto sa akin. Kung pwede ko
lang sanang turuan ang puso ko. "Ako rin mami-miss kita."
I closed my eyes as he kissed the top of my head and whispered something I couldn't
understand. Malamang nagsasalita na naman siya ng french.
Pareho kaming napamulagat ni Yuan nang biglang may tumikhim sa aming likuran.
Mabilis kaming naghiwalay at maang na lumingon sa bagong dating. Si Mark!
"What are you doin'?" Magkasalubong ang kilay niya habang palipat-lipat ang tingin
sa aming dalawa ni Yuan.
"Kissing." Kahit ako ay nagulat sa sinabi. "I-I mean, w-we're only..."
"There you are!" Saved by the bell ang paglitaw ni Papa sa eksena. "Mark, kanina pa
kita hinintay."
"Sorry. May emergency lang po sa ospital na hindi ko maiwanan," tugon ni Mark na
hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Very well. Shall we? Doon tayo sa study room para makapag-usap tayo ng maayos."
Inakbayan ni Papa si Mark at iginiya sa loob ng bahay. "Anyway, kamusta na ang ama
mo? Matagal na rin nang huli kaming magkausap na dalawa."
Kunut-noo na sinundan ko sila ng tingin. Hindi ito ang unang beses na inanyayahan
ni Papa si Mark sa bahay. At sa tuwina ay may kinalaman iyon sa negosyo. Isa si
Papa sa mga stockholders sa ospital na pag-aari ng mga Mendoza. Ayoko sanang
isipin, pero may hinala ako na may problemang kinakaharap ang ospital. O maaaring
si Mark mismo.

"So, tell me about yourself?"


"Waiter! Extra rice please!" Sigaw ko at hindi pinansin ang lalaking nasa harapan.
He's the second guy in Ate Lara's list. Wala naman akong maipipintas sa kanya,
subalit malas lang niya dahil sinumpong ako ng katopakan ng araw na iyon. Wala ako
sa mood at gusto ko lang kumain nang kumain.
"Would you like to go out and watch movie with me?"
Bago ko pa mapigilan ang sarili, dumighay ako ng ubod ng lakas. "Oopps! Sorry."
Ang ending, na-turn-off sa akin ang lalaking ka-date na hindi ko na maalala ang
pangalan. Wala pang sampung minuto ay nagback-out na agad siya. Malay ko ba na ang
tipo niyang babae ay mahinang kumain at mahinhin kumilos.
Subalit hindi pa roon natatapos ang gabi ko. Mayroon pa akong 'date' na kasunod.
And this time, si Mama mismo ang nagreto sa kanya. Nag-iisang anak daw ng kanyang
amiga. But then it turned out to be a disaster again. Hindi naman mayabang si Zach
katulad ng lalaking nauna kong naka-date. Mukha naman siyang mabait... sa umpisa
nga lang! Dahil habang tumatagal ay lumilitaw ang totoong kulay niya.
"I think I'm falling for you," he whispered in my ear. Halos magtaasan ang mga
balahibo ko sa katawan kasabay ng pag-usod ng upuan palayo sa kanya.
"Agad-agad? Hindi ba p'wedeng mamaya mo na lang sabihin dahil wala pang limang
minuto tayong nagkakasama?"
Sumilay ang sexy ngiti sa mga labi ni Zach. "Playing hard to get? I like that!"
Bago pa niyang magawang makalapit sa akin ay mabilis na umigkas ang kamay ko at
sapul ang matangos niyang ilong. Hayun, nosebleed ang loko.
Inunahan ko na si Ate Lara, ako na mismo ang tumawag sa kanya upang ipaalam na
'failed' na naman resulta. Nakakapagtaka na hindi siya nag-freak out sa kabilang
linya. At kaswal pa niyang sinabi sa akin na mayroon pa raw akong paparating na ka-
date. For the third time in a row? Pambihira naman! Dinaig ko pa ang speed dating.
Muli kong sinulyapan ang suot na relo. Magkakalahating oras na akong naghihintay
ngunit hindi pa rin dumarating ang taong tinutukoy ni Ate Lara. Malapit ko nang
makalahati ang bote ng champagne. At kung hindi ko pipigilan ang sarili, malamang
makakadalawang order ako ng steak. Takte! Nagugutom na naman ako.
Lumipad ang mga mata ko sa entrada at nakita ang isang pamilyar na pigura- si Mark!
Mabilis kong pinilig ang ulo. This not happening. Hindi kaya nagha-hallucinate lang
ako at epekto iyon ng ininom na champagne? Pagkaraan ay nawala rin siya sa aking
paningin.
"Jianne!"
I almost jump in surprised. Bago ko pa namalayan ay nasa harapan ko na si Mark. Oh!
He's real. Akala ko ay guni-guni lang siya.
"Are you alone? Sinong kasama mo?" Halos mag-isang linya ang makakapal niyang mga
kilay na naging habit na yata niya.
"I'm waiting for my date." Matapang kong sagot. Ang totoo, gusto ko lang makita ang
magiging reaksyon niya. Ngunit walang nagbago sa ekspresyon ng mukha ni Mark.
"You're date?"
Tumango ako. "Ikaw, ba't nandito ka?"
"I'm waiting for-"
"Nevermind!" Agap ko sa sasabihin niya. Hindi ko na kailangan hulaan kung sino ang
hinihintay niya.
Tumayo ako at kinuha ang clutch bag sa ibabaw ng mesa. Bukod sa hindi ko gustong
makita si Joanna ay hindi ko rin matatagalan ang presensya ng babaing iyon. I'm not
a good pretender. Hindi ko kayang magkunwari lalo na sa harapan nilang dalawa.
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong niya.
"Hindi na siguro darating ang ka-date ko." Hindi ko na hinintay magsalita si Mark
at dire-diretso akong umalis ng restaurant.

Chapter Twenty Three: Loner

Chapter Twenty Three: Loner

MARK
Kagagaling ko lang ng conference room. Halos isang oras lamang ang itinagal ng
board meeting ngunit pakiwari ko ay katumbas iyon ng isang buong maghapon. I'm
tired and starved. Ngunit magugustuhin kong maghinga na muna sandali bago ko lagyan
ng laman ang aking tiyan.
"Good afternoon, Dr. Mendoza!"
Nakalagpas na ako nang marinig ang magkakasabay na pagbati ng grupo ng babaing
staff ng ospital. I was too occupied that I didn't notice them. Pilit akong ngumiti
and women giggled in response. Hindi na ako nagtaka roon. Sabi nga ni Tyron, my
smile alone was enough to drive a woman crazy.
Naabutan ko si Valjean na nililigpit ang mga nakakalat kong gamit sa ibabaw ng
mesa.
"Hayaan mo na ang mga iyan. Ako na lang ang magliligpit mamaya."
"Maliit na bagay lang ito. Besides, this is my last day. Matatagalan bago ulit kita
mapaglingkuran."
"Iyon ay kung papayagan ka pa ng asawa mo bumalik sa trabaho?"
Nangingiti na hinarap ako ni Valjean. "Napag-usapan na namin ni Vince ang tungkol
sa bagay na iyan. Pumayag naman siya na bumalik ako sa trabaho pagkatapos kong
manganak, as long na kaya kong i-manage ang oras ko para sa aming pamilya."
"That's good to hear!" Isinandal ko ang ulo sa swivel chair at mariin pumikit.
"Problem? Mayroon ba nangyaring hindi maganda sa meeting n'yo?" Naroon ang pag-
aalala sa tinig ni Valjean.
Umiling ako. "Wala naman. Sumakit lang ang ulo ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.
"Gusto mong ikuha kita ng paracetamol?"
"Please."
Nanatiling nakapikit ang mga mata ko hanggang sa lumabas si Valjean ng silid. Nais
ko sanang matulog. Iyon lang ang paraan para mapahinga ang isipan ko sa mga bagay
na bumabagabag sa akin.
The board meeting didn't end up well. Bukod sa nagisa ako ng todo dahil sa
proyektong hindi nakaabot sa deadline, nadismaya ko rin ng husto si Papa. I failed
his expectation. Pakiramdam ko ay tuluyan nang nawala ang tiwala niya sa akin.
Sa isang iglap ay nabalewala ang lahat ng mga pinaghirapan ko. Ito na sana ang
pagkakataon ko para mapatunayan ang sarili hindi lang kay Papa kundi sa lahat ng
board director. Subalit hindi nangyari ang inaasahan ko dahil sa pakikialam ni
Kristofe. Sinadya man niya o hindi, wrong timing ang pagpe-present niya ng bagong
proyekto. Na agad naman sinang-ayunan ni Papa at ikinagulat ng lahat. Maraming
tumutol, lalo na ang ilang major stockholders, ngunit sa bandang huli ang desisyon
pa rin ni Papa ang nasunod.
Habang tumatagal, humihigpit ang kompetisyon sa pagitan namin ni Kristofe. Mga bata
pa lang ay nag-aagawan na kami sa atensyon ni Papa. Anak man si Kristofe sa iba ni
Tita Belle, itinuring pa rin siyang parang tunay na anak ni Papa. At sa paglipas ng
panahon, hindi lang ang atensyon ng sarili kong ama ang nakuha niya, kundi pati na
rin ang buong tiwala nito.
Bagaman hindi ako nagsalita sa pagpapalit ng apelyido ni Kristofe sa pagiging
'Mendoza', hindi iyon nangangahulugan na sumasang-ayon ako.
Hindi rin ako nagpakita ng pagtutol nang bigyan siya ng posisyon ni Papa sa
ospital. Hanggang sa ang posisyon na iyon ay mauwi sa pagiging stockholder. Doon
ako higit na nabahala. May mali sa mga nangyayari. Hindi ko namamalayan na unti-
unti na palang kinukuha ni Kristofe ang lahat ng mayroon ako. At kung hindi ako
kikilos, malamang ay makuha nga niya ang lahat, pati na rin ang mga taong mahalaga
sa akin.
I don't want to end up living alone forever. Sapat na siguro ang ilang gabi na
pinahirapan ako ng sarili kong kalungkutan. Kung noon ay kinaya kong mapag-isa pero
ngayon hindi ko alam kung kakayanin ko pa rin.
Disiotso pa lang ako ay namuhay na akong mag-isa. Malayo sa pamilya na inaakala
kong bubuong muli sa aking pagkatao. Nagsumikap ako at natututong tumayo sa sarili
kong mga paa. Mabuti na lang din at nagkaroon ako ng mga kaibigan na hanggang
ngayon ay naririyan para sa akin. Puno man ng kalokohan ang kanilang sistema,
maaasahan ko naman sila sa maraming bagay. Sila na ang naging pamilya ko sa
mahabang panahon. Subalit hindi sa lahat oras ay palagi silang nariyan.
Lahat sila ngayon ay mga sarili ng prayoridad at iyon ay kanilang binuong pamilya.
Malapit nang ikasal si Tyron. Kasabay nang pag-iwan niya sa buhay-binata, maiiwan
din akong mag-isa bilang natitirang single sa barkada. Hindi ko man maamin sa
sarili ko pero nakakaramdam ako ng inggit sa mga kaibigan.
Pangarap ko rin magkaroon ng sarili kong pamilya... Iyon pamilya na matatawag kong
akin. Ngunit hindi ko magagawa iyon kung ko bubuksan ang puso ko para magmahal
muli. Ang totoo, ilang beses kong sinubukan. Pero habang pinipilit ko tila nagiging
mailap sa akin ang pagkakataon.
Sa pagdating ni Joanna, sinunod ko ang payo ng mga kaibigan. I dated her.
Pinaniwala ko ang sarili na baka siya na nga 'the one' na matagal ko nang hinintay.
No doubt that she's beautiful, inside and out. May mga ugali man siyang hindi ko
gusto, hindi sapat iyon para ma-turn off ako sa kanya. Subalit nakakapagtaka na
walang nagbago sa nararamdaman ko. I couldn't open my heart no matter how hard I
tried.
Tama si Trisha. I don't need to force myself to love somebody else. Kusa ko na lang
iyon mararamdaman... Sa tamang oras at sa tamang babae.
Bigla na lamang nahulog sa sahig ang carkey kasama ang keychain na hugis pusa.
Naging habit ko nang paglaruan iyon sa mga daliri sa tuwing nag-iisip ako.
Suddenly, bigla kong naalala si Jianne. It was her gift to me last christmas.

JIANNE
Bigla kong nahigit ang hininga kasabay na pagbayo sa aking dibdib. Mabuti na lamang
at nagtuluy-tuloy pababa ng lalamunan ang isang buong siomai na pinilit kong
lunukin.
"Bossing, tubig!" Natuwa naman ako sa pagiging maagap ni Bogard. Subalit sa halip
na tubig ay bote ng softdrinks ang inabot niya sa akin. Hindi na lang ako nag-
react. Mainam na rin iyon kaysa sa wala.
"Bossing, malamang mayroon biglang nakaalala sa'yo." Sabat ni Jomar na noo'y abala
sa pagkalikot sa kanyang cellphone.
"Saan mo naman nakuha ang kalokohan iyan?" React ko.
"Totoo iyon, bossing. Kapag daw nasamid ka o nabulunan, may taong biglang nakaalala
sa'yo." Segunda ni Bogard.
"At nagsisimula ang pangalan niya sa letter M." Si Jomar ulit.
"Letter M?" Ewan ko pero parang na-excite akong bigla.
"Tama! Naalala kang bigla ng Mama mo, bossing!"
Tila may kung anong pumitik sa sentido ko sa narinig.
"Bossing, balik na kami sa trabaho. Tapos na pala ang breaktime." Dali-daling
nagpulasan sina Jomar at Bogard palabas ng opisina ko bago pa tuluyan uminit ang
ulo ko.
Pero naisip ko na maaring tama si Bogard. Baka nga si Mama ang nakaalala sa akin.
Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin nangyayari sa matchmaking nila ni Ate Lara.
Lahat na lang ng ireto nila sa akin, palpak ang kinalalabasan. Kung hindi ako ang
nagre-reject sa kanila, sila mismo ang nate-turn off sa akin. Ang abot-kamay kong
dream car ay unti-unti na tuloy lumalayo sa akin. Wala na yata talaga akong pag-
asa.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Nag-text sa akin si Kristofe. At nang mabasa ko
ang nilalaman ng message niya ay muli akong nabuhayan ng pag-asa. Mabait pa rin sa
akin si Lord. Dream car, here I come!

"Bakit nandito ka?" Tinig iyon ni Mark mula sa akin likuran. Kahit anong iwas ang
gawin ko, pilit pa rin pinagkukrus ang aking mga landas.
"Mark, nand'yan ka pala!" Kunwari ay nagulat ako nang makita siya. Subalit wala
yata akong maitatago sa lalaking ito.
"Umuwi ka na. Busy ako at marami pa akong pasyente." He said in his usual tone.
Para lang siyang nagtataboy ng bata. Hinawakan niya ako sa braso at hinila patungo
sa kabilang corridor. Teka, hindi naman iyon ang daan palabas ng ospital.
"Sandali lang! Hindi naman ikaw ang pinunta ko rito."
"Jianne!"
Halos mabali ang leeg ko sa paglingon at nakita ko si Kristofe na nakatayo sa
malapit sa elevator. Bumitiw ako sa mahigpit na pagkakahawak ni Mark at
nagmamadaling lumapit sa kanya.
"Hey!" Hindi ko maipaliwanag ng mga oras na iyon ang ngiti sa aking mga labi.
"I thought you wouldn't come."
"P'wede bang hindi?" My smile matched his. "So, ano ang importante mong sasabihin
sa akin?"
May dinukot si Kristofe sa bulsa ng kanyang pantalon at pagkatapos ay inabot sa
akin ang isang business card.
"Ano ito?" Maang kong tanong. Sa kalituhan ay hindi ko magawang basahin ang
nakasulat doon.
"A friend of mine was a professional car racer and he's looking for a talented
person na ite-train niya. At ikaw agad ang naisip ko."
"Bakit ako?" Disappointment was written in my eyes. Buong akala ko pa naman na kaya
niya ako tinekts para makipagkita sa kanya ay dahil iki-claim na niya ang 'date' na
utang ko sa amin pustahan.
Ang 'date' na iyon ang natitira kong pag-asa para sa minimithi kong dream car.
Besides, mabait naman pala si Kristofe. He's also a good-looking and decent. Pasado
na siya para maging boyfriend ko.
"Pero hindi ko kailangan ito."
"Jianne..." Sinapo ng mga daliri ni Kristofe ang baba ko at itinaas. "This is the
least I can do to save you from that illegal drag racing. Besides naniniwala ako sa
talent mo. What you have is a gift."
"Do you want me to stop racomg?"
"You can still do the things that you want but this time in a right way. Just think
about it, Jianne. This is for your own good and for sure papayagan ka ng parents
mo. "
Napilitan akong tumango. Ang totoo ay hindi ma-sink-in sa isip ko ang mga sinabi
niya dahil sa sobrang disappointment.
"Are you sure iyon lang ang sasabihin mo sa akin?" Umaasa pa rin ako na maalala
niya ang tungkol sa 'date' namin dalawa. Ngunit bago pa makasagot si Kristofe nang
bigla siyang makatanggap ng phone call.
"Jianne, sorry but I have to go." Nagmamadali umalis si Kristofe habang nasa tenga
pa rin niya ang cellphone. Pagkaraan ay bigla siyang huminto at lumingon sa akin.
"Tommorow at seven. Be pretty. Susunduin kita sa bahay ninyo."
Nakaalis na si Kristofe nang tuluyan ma-absorb ng isip ko ang kanyang sinabi. Sa
sobrang tuwa ay nahalikan ko tuloy ang ibinigay niyang business card.
"Hulog ka ng langit sa ak-" Biglang naglaho ang card sa kamay ko at napasakamay
iyon ng isang pakilamerong nilalang.
"What the hell is this?"
"Mark, akin na iyan!" Nanadya naman na lalo pa niyang itaas ang kamay para hindi ko
iyon maabot. "Akin na sabi iyan!"
"Not until you tell me what's on the card."
"Hindi ka naman siguro bulag para hindi mo mabasa!"
Nagmistula kaming mga bata na nag-aagawan sa isang laruan. At sa kapipilit ko na
mabawi ang kinuha niya ay nawalan ako ng balanse dahilan para masubsob ako sa
malapad niyang dibdib. Namalayan ko na lang na nakapulupot ang mga bisig ni Mark sa
akin. Maang na nag-angat ako ng tingin sa kanya. But it's a wrong move. Ilang
pulgada na lang kasi ang pagitan ng aming mga mukha.
"Mark..." I inhaled softly. Almost inhaling him. Tila na-paralyzed ang buo kong
katawan at hindi ko magawang gumalaw. Kasunod n'yon ay ang pagbilis ng tibok ng
aking puso.
Oh no! Not now pasaway kong puso!
"Ji..."
"Let me go." Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas na itulak si Mark. Bagaman nagulat
ay hindi siya nagsalita.
"Give me back my card, please." Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Si Mark na
mismo ang kumuha ng kamay ko at inilapag sa ibabaw ng aking palad ang hinihining
card.
"Aalis na ako."
Hindi pa rin niya ako binitiwan nang muli kong tangkain na bawiin sa kanya ang
aking kamay.
"Huwag kang didikit kay Kristofe!"
"At bakit?" Mabilis na umangat ang isang kilay ko.
"Basta! Sa akin ka lang didikit."
"May mapapala ba ako kung sa'yo ako didikit?"
"Marami. Ililibre kita ng lunch at dinner. Samahan mo pa ng meryenda. Pagkatapos ay
manonood tayo ng sine, kahit mag-movie marathon pa tayo."
"Akala ko ba busy ka?"
"Kanina iyon. Hindi na ngayon."
"Niloloko mo lang ako."
"Seryoso ako."
"Mukha mo lang naman ang palaging seryoso."
"Ang dami mong reklamo!"
"Hindi mo kailangan sumigaw!"

Chapter Twenty Four: Date Crashers

Chapter Twenty Four: Date Crashers

JIANNE
Maaga akong nagising kinaumagahan. Nakakapagtaka na naunahan ko pa ang alarm clock
at maiingay na alagang manok ni Manang sa likuran ng bahay namin. Malamang sa mga
oras na ito ay nagtutulog pa sina Mama at Papa. Nevermind, Ate Lara, hindi na yata
natutulog ang lukaret kong kapatid dahil kahit madaling araw na ay nakikipag-skype
pa rin siya sa kanyang asawang nasa ibang bansa.
Kinatamaran kong maligo. Mamaya na lang pagkatapos kong mag-almusal. Hindi rin ako
nag-abalang magpalit ng padjamas o kahit magsuklay man lang ng buhok. Hindi naman
magrereklamo si Manang kahit ano pa ang itsura ko. Ma-appreciate lang ang mga
niluto niya ay mapapangiti ko na siya.
Pagbaba ko ng hagdan ay dumiretso ako ng kusina nang bigla akong napahinto at
bumalik ng ilang hakbang paatras. Sigurado ako na mayroon nahagip ang mga mata ko
sa study room.
"what are you peeking at?"
I nearly jumped out of my skin when he suddenly appear in the door. Nasapo ko tuloy
ang dibdib at gilalas na napatitig kay Mark.
"Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot kung saan?"
"Kailan ka pa naging matatakutin?"
"Iba ang nagulat sa natakot!"
"Sshh..." Bigla niyang tinakpan ng kamay ang bibig ko. Sa isang iglap ay nakalapit
agad siya sa akin. "Ang aga-aga, ang ingay mo!"
Hindi ako nakaimik. Hayun na naman kasi ang pasaway kong puso na forever loyal yata
kay Mark. Sa simpleng pagkakalapit namin iyon ay napakalaki naman ng epekto sa
buong sistema ko.
Tila nananadya na tinitigan ako ni Mark at inilapit pa ang kanyang mukha sa akin.
"Ji, ang cute mo pala kapag bagong gising!" He smirked. Umangat ang kamay niya at
pinitik ako sa noo. That broke the spell. "Go back to sleep. You're sleep walking
again."
"Hindi ako nag-i-sleep walk!"
Tinawanan lang ako ni Mark at walang likod-lingon na tinungo ang pintuan palabas.
Good mood ang loko. Hindi pa siguro natutulog ang isang iyon kaya ang lakas mag-
trip.
"Morning, Jiji!" Bungad ni Yuan nang pumasok ng kusina. Naabutan ko siyang nag-
aalmusal sa kitchen island. "Ang aga naman ng manliligaw mo!" Hindi ko na kailangan
hulaan kung sino ang tinutukoy niya.
"Ang sabihin mo ang agang mambuwiset!"
"Nabiktima ka rin ba ni Mark? Ako rin. Ginulat niya ako kanina. Akala ko tuloy ay
siya 'yung multong kinukuwento ni Ate Lara na gumagala dito sa bahay ninyo."
I rolled my eyes. "Naniwala ka naman sa lukaret kong kapatid?"
"Kagabi pa nandito si Mark," sabi ni Manang habang naglalagay ako ng pancake sa
plato.
"Kagabi pa?" Naunahan ako ni Yuan mag-react.
"Mayroon silang pinag-uusapan kagabi ni Sir Danny sa study room. Marahil ay ginabi
na sila ng tuluyan at dito na natulog si Mark."
"So, natulog po siya sa study room?" Si Yuan ulit.
"Malamang. Doon siya nanggaling kanina." Ako, habang punung-puno ng laman ang
bibig. Napapadalas na yata ang pagpunta ni Mark sa bahay namin. Pero ano naman kaya
ang pinag-usapan nila ni Papa at inaabot sila ng ganoon oras? Napaisip tuloy ako.
"Aalis ka?" Tanong ni Yuan nang ligpitin ko ang pinagkainan at dinala iyon sa
lababo. "Hindi ba sarado ang talyer tuwing linggo?"
"Matutulog ulit ako," sagot ko pagkatapos dumighay. Sa loob ng sampung minuto ay
nakaubos ako ng limang layer ng pancake. "Kailangan kong mag-beauty rest para
mamaya."
"May date ka na naman? Sino? Ano ang pangalan niya? Guwapo ba siya katulad ko?
Mayaman ba siya at galing sa disenteng pamilya?"
"Actually, you know him. His name is Kristofe." Pinipigilan kong mapangiti sa
nakikitang reaksyon niya.
Saglit na huminto si Yuan at nag-isip. Kasabay ng pamimilog ng mga mata, nanlaki
rin ang mga butas ng kanyang ilong. "No way! Si Kristofe... 'y-yung kapatid ni
Mark?"
"Correction, stepbrother. Hindi sila blood related."
"Pero may koneksyon pa rin sila ni Mark."
"And so?"
"I don't like that guy. Hindi ba si Kristofe 'yung siraulo na palaging nambu-bully
sa'yo noon? Kahit ako ay hindi nakaligtas sa kapilyuhan niya. Likas na sa kanya ang
pagiging sutil."
"Yuan, dati iyon at hindi na ngayon. Nagbago na si Kristofe. Hindi na siya katulad
ng iniisip mo."
"Kahit na! Paano ka nakakasiguro na hindi ka niya gagawan ng kalokohan? Alam ba ni
Mark na nakikipagmabutihan ka sa kapatid niya?"
"Hindi na niya kailangan malaman. "
"Kailangan malaman ni Mark. Sigurado ako na hindi siya papayag na makipaglapit ka
sa Kristofe na iyon!"
"He's nothing to do with him. Besides, likas lang talagang pakilamero ang lalaking
iyon."
"My point is, kung si Mark nga ay walang tiwala sa kapatid niya, ako pa kaya? Jiji,
gusto lang kitang protektahan."
"I get your point. Pero wala kayong karapatan ni Mark na diktahan ako kung sino ang
mga taong gusto kong makasalamuha at makabutihan. At saka kaya ko naman protektahan
ang sarili ko nang walang tulong galing sa inyo."
"Para mo na rin sinabi na wala akong silbi sa buhay mo," malungkot na wika ni Yuan.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Yuan..."


Bitbit ang plato ng pancake, tumayo siya at walang kibo na lumabas ng kusina.
Quarter to seven pa lang ay nasa bahay na si Kristofe para sunduin ako. Mabuti na
lang din at nakapaghanda ako ng maaga. Hindi kasi nakialam si Ate Lara sa pag-aayos
sa akin. Ayaw niyang maniwala na mayroon akong date nang gabing iyon.
Pagbaba ko ng hagdan ay nagulat ako nang makitang naroon silang lahat sa sala. Sina
Mama, Papa at Ate Lara, habang pinalilibutan nila si Kristofe. Duda ako na kanina
pa nila in-interrogate ang binata.
"I couldn't believe that he is Mark's stepbrother," pasimpleng bulong sa akin ni
Ate Lara na hindi inaalis ang tingin kay Kristofe. "Sigurado ka ba na hindi mo siya
pinilit para i-date ka?"
Pinandilatan ko siya ng mga mata. Baka kasi marinig siya ng binata at mabulilyaso
pa ang 'date' ko.
"Shall we?" Nakangiting yaya ni Kristofe. Mabilis akong tumango at tinanggap ang
nakalahad niyang palad. Nakakapagtaka na wala akong maramdamang kilig kahit gaano
pa kaguwapo ang binata.
"You're gorgeous!" He said without leaving his eyes on me. Pilit akong ngumiti.
"Thanks." Pasakay na ako ng kotse nang mahagip ko si Yuan na nakasungaw sa bintana
ng kanyang silid.
MARK
"Dr. Mendoza, may naghahanap po sa inyo," wika ng nakaduty nurse mula sa intercom
na nasa ibabaw ng mesa ko.
"Sino?" Kunot-noo kong tanong. Bukod sa wala akong inaasahan bisita, hindi na rin
ako tumatanggap ng pasyente sa gabi.
"Mr. Yuan Salazar."
Sinaklot ng kaba ang dibdib ko sa hindi malaman dahilan.
"Send him in."
"Sigurado ka ba talaga sa ginagawa natin?" Tanong ni Yuan. Kanina pa siya hindi
makapakali sa driverseat habang pareho kaming nakatanaw sa restaurant na nasa
kabilang kalsada.
"Ikaw ang may ideya na sundan natin si Jianne."
"Sinabi ko lang na may date sila ni Kristofe pero wala akong sinabi na sundan at
manmanan natin silang dalawa."
"Pareho lang iyon." Halos hindi ko inaalis ang paningin lalo na kay Jianne. "We're
both want to protect her. Besides, pareho tayo walang tiwala kay Kristofe."
"Sa palagay mo ba kayang gawan ng masama ni Kristofe si Jianne?"
Hindi ako kumibo. Hindi rin naman ako sigurado tungkol sa bagay na iyon. Subalit
kung pagbabasehan ko ay ang mga karanasan ni Kristofe sa babae, maaaring lokohin at
paglaruan niya lang din si Jianne. At hindi ko hahayaan mangyari iyon.
"You've always been there for her. Bagay na hindi ko kayang gawin para sa kanya."
Kumunot ang noo ko at nilingon si Yuan.
"I'm leaving," pagpapatuloy niya. "Even if I don't want to, I have no reason to
stay. Hindi ako ang taong kailangan ni Jianne."
"Why are you saying these to me?" I asked in annoyed tone. I have this feeling na
parang mamamatay na siya.
"Isn't it obvious? O manhid ka lang talaga?" Banayad akong sinuntok ni Yuan sa
balikat. "Look inside yourself and find a whole different person that you never
knew existed. She's very special and one of a kind."
Muli niya akong sinuntok. Nakakadalawa na siya sa akin. "You take care of my Jiji.
And I hope you've taken care of her better than what you thought- Mark, lumabas na
sila!" Tinuro niya sina Jianne at Kristofe habang papalabas ng mamahaling
restaurant.
"Mark, ano na ang gagawin natin?"
"Susundan natin kung saan sila pupunta. Ihanda mo na ang kotse," utos ko kasabay ng
pagbuhay ni Yuan ng makina.
Habang hinihintay namin na sumakay ng sasakyan ang dalawa, pinatalikod ni Kristofe
si Jianne at piniringan ng panyo ang kanyang mga mata.
"Anong gagawin niya kay Jiji?"
Sinaklot ng takot ang aking dibdib. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi talaga
mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon.
"Mark, kikidnapin ni Kristofe si Jiji. Kailangan natin kumikilos." Bumaba ng
sasakyan si Yuan bago ko pa siya mapigilan at sumugod sa kinaroroonan ng dalawa.
Nakisugod na rin ako. Bahala na!
Kristofe fell to the ground holding his stomach. Yuan just hit him really hard.
Binuhat ko si Jianne at sapilitan isinakay ng kotse.
"Ibaba mo ako!" Pagpupumiglas ng dalaga. Wala siyang kamalay-malay sa nangyayari.

JIANNE
Pagkatapos namin mag-dinner ni Kristofe, buong akala ko ay ihahatid na niya ako
pauwi. Mayroon pa raw kaming pupuntahan. Subalit kailangan daw niyang takpan ng
panyo ang mga mata ko. May malaking sorpresa raw siya para sa akin. Kahit nag-
aatubili ay pumayag ako. Wala naman siguro siyang gagawin masama sa akin dahil
magmula kanina ay napakagentleman niya. Hindi ko tuloy maiwasan mailang sa
pakikitungo niya sa akin.
Habang inaalalayan ako ni Kristofe pasakay ng kotse nang bigla na lamang siyang
nawala sa aking tabi. Bago ko pa maialis ang panyong nakatakip sa mga mata ko ay
bigla na lamang akong umangat sa ere. Mayroon bumuhat sa akin.
"Teka! Saan mo ako dadalhin?" Wala akong narinig na response. Naramdaman ko na lang
na itinatakbo ako ng kung sinuman may buhat sa akin palayo. Doon ako nagpanic.
"Ibaba mo ako!" Pagpupumiglas ko ngunit wala akong laban sa lakas niya. Hanggang sa
naramdaman kong isinakay niya ako sa sasakyan. Doon ko tinanggal ang panyong
nakatakip sa aking mga mata. "Mark?"
"Umalis na tayo!" Biglang sumakay sa driverseat si Yuan at pinatakbo ang kotse.
Hindi ako makapaniwala sa natuklasan.
"Anong kalokohan ito?" Lumingon sa akin ang binata.
"Jiji, hold on! Ilalayo ka namin sa lalaking iyon!"
What the hell he is talking about?
"We're here to save you," wika ni Mark sa tabi ko. Pareho kaming nasa backseat.
"Saving me from what?" Lalo lamang akong naguluhan. Nilingon ko si Kristofe sa
labas at nakita kong nakahandusay siya sa semento.
"Anong ginawa ninyo kay Kristofe?"
"He deserved it. He's trying to kidnapped you."
"Trying to kidnapped me? Bakit naman niya gagawin iyon? Wait! Nagsabwatan ba kayong
dalawa para sirain ang date ko?" Binalingan ko si Mark. "Ikaw ang may pasimuno
nito, no?"
"Believe me, Jianne, ginawa ko lang ang alam kong makabubuti sa'yo."
"Parati mo na lang ginagawa ang gusto mo. Ako ba, minsan tinanong mo kung ano ang
gusto ko?" Sumusobra na ang pagiging pakilamero niya. "Yuan, ihinto mo ang kotse!"
"Pero, Jiji-"
"Ihinto mo sabi ang kotse!"
"Yuan, huwag mo siyang sundin," utos naman ni Mark.
"Ihihinto mo ba ang kotse o tatalon ako pababa?"
"Don't mind her. Hindi niya kayang gawin iyon." Akala siguro ni Mark ay hindi ko
kayang totohanin ang banta. Hinawakan ko ang doorlock upang iangat iyon ngunit
mabilis niya akong naagapan.
"Yuan, lock the door!"
"This is kidnapping!" Patuloy ako sa pagpupumiglas. Halos madaganan ako ni Mark
para lamang pigilan ako.
"Guys, baka magkasakitan kayong dalawa," nag-aalalang wika ni Yuan. Hindi malaman
kung ihihinto ang kotse o magpapatuloy.
"K-kung mayroon man masasaktan sa aming dalawa, ako iyon- Aray!" Sapul ng kamao ko
ang panga ni Mark.
"I hate you! I hate you!" Nagpupuyos kong sigaw. Galit na galit ako at gusto ko
siyang saktan.
"Jianne!"
"I hate- hmmp!" Mark grabbed my face and sealed my lips with his.

Chapter Twenty Five: Tension

Chapter Twenty Five: Tension

JIANNE
"Jiji, sorry na! Please, patawarin mo na ako!"
Tila wala akong naririnig at nagpatuloy sa pagkukumpuni ng makina. Kahit tatlong
araw na ang nakakaraan, hindi pa rin maalis ang 'buwisit' ko kay Yuan. Hindi lang
pala sa kanya kundi pati na rin sa taong kasabwat niya. Nang dahil sa pakikialam
nilang dalawa ni Mark ay napurnada ang date ko. Dahilan para tuluyan nang hindi
matupad ang minimithi kong dream car. Hindi na rin kasi ako kinontak ni Kristofe
magmula noon.
"Jiji, ano ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako?"
"Get out of my sight!"
"Iyon ba talaga ang gusto mo?"
Hindi ako sumagot. Kahit asar pa rin ako sa kanya, hindi ko naman kayang
ipagpatabuyan siya ng tuluyan. Subalit bago ko pa namalayan ay wala na si Yuan sa
tabi ko. Saan siya nagpunta?
"Bossing, umalis na si Boss Yuan. Bibili yata ng pagkain," nakangising wika ni
Bogard at saka binalingan ang mga kasama. "Mga kakosa, libre na naman ang
tanghalian natin!"
"Alright!" Sigaw ng lahat.
Napapailing na binalikan ko ang ginagawa. May deadline pa pala akong hinahabol
mamayang hapon.
"Bossing, may bisita ka!"
Pag-angat ko ng mukha ay nakita kong pumarada sa harapan ng talyer ang lumang
volkwagen. Napaungol ako sa pagkadismaya. Naman!
"Boss Mark, anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Agad na sinalubong ni Bogard ang
binata.
"Ipapaayos ko sana ang kotse ko."
"Lumipat ka na lang ng ibang talyer," sabat ko. "O mas mabuting dalhin mo na lang
ang kotse mo sa junk shop. Doon iyon mas nababagay!"
"I came here as a customer at magbabayad ako."
Umangat ang kilay ko at nakipaglabanan ng titigan kay Mark. Ngunit siya rin ang
unang sumuko. Obyus na guilty siya sa kanyang kasalanan.
"Ji, we need to talk."
"Mark!" Sumulpot si Trisha mula sa likuran ko. I almost forgot that she was there
to visit the shop. Mukhang hindi rin inaasahan ni Mark na makita siya.
"What a surprise to see you here!"
"I need a car repair," he said in a lower voice.
"Really?" Tumingin sa akin si Trisha. Hindi ko na kailangan hulaan kung ano ang
tumatakbo sa isip niya. "Jianne, ikaw na ang-"
"Busy ako," agap ko sa sasabihin niya. "Marami pa akong tatapusin na mas
importanteng trabaho."
"Sabi ko nga! Bogard, paki-assist naman ang kotse ni Mark."
"No problem, bossing!"
Hindi maipinta ang mukha ko nang yayain ni Trisha si Mark na pumasok sa loob ng
opisina.
"Cous, do you want to join us?" Nang-aasar na yaya pa niya.
"Tse!"
"Boss Mark, wala naman pong sira ang makina ng volkswagen!" Narinig kong sigaw ni
Bogard.
"Just change the tires!" He answered.
Bumalik si Bogard na nagkakamot ng ulo. "Maayos pa ang mga gulong at mukha pang mga
bago. Bakit kailangan pang palitan?"
"Kung iyon ang trip niya, pagbigyan na lang natin," sabi ko nang lumabas sa ilalim
ng sasakyan. Ayoko sanang makialam pero sinumpong ako ng kapilyahan. "Sige na,
palitan mo na lahat ang gulong ng sasakyan niya. Kumuha ka ng apat na bagong
gulong, iyon pinakamahal natin stock d'yan."
"Sigurado ka, bossing?"
"Siya na mismo ang nagsabi na magbabayad siya. Eh' di samantalahin na natin. Dagdag
kita rin iyon sa talyer." Lihim akong napangiti. Tignan ko lang kung hindi ma-shock
si Mark sa magiging bill niya.
Nag-aatubiling sumunod si Bogard pero nang sabihin ko na sasagutin ko bukas ang
tanghalian at meryenda nilang lahat, nagmamadali siyang tumalima.

MARK
"Akala ko ba ay okay na kayong dalawa ni Jianne?"
"Okay naman kami."
"Okay pa kayo ng lagay na iyan?" Nagdududa na tinitigan ako ni Trisha.
Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo. Para ko na rin sinabi kung bakit
mayroon akong malaking pasa sa kanang mata. Subalit marunong siyang makahalata.
Hindi man ako magsalita, parang nahuhulaan na niya ang nangyari.
"I knew it! Si Jianne ang nagbigay sa'yo ng black-eye." Bago pa ako makaiwas ay
nasundot na niya ang mata ko. Napangiwi ako sa sakit.
"So you came here to apologize, huh? Tell me, ano ba talaga ang nangyari sa inyong
dalawa?"
"I came here to talk to her."
Muli akong tinawanan ni Trisha. "Then goodluck sa'yo. Sa nakikita ko kay Jianne,
mukhang gusto niyang dagdagan ang black-eye mo."
"What do I have to do?"
"Parang hindi mo kilala si Jianne. Suyuin mo lang iyon, siguradong mawawala ang
topak niya."
Pero sa klase ng pakikitungo niya sa akin kanina, duda ako na mangyayari iyon.
Malamang baka nga maging dalawa ang black-eye ko.
"How about buy her something she really likes? Alam ko na. Bilhan mo siya ng bagong
kotse!"
Napangiwi ako sa narinig.
"I can't do that."
"Kailan ka pa naging kuripot, Dr. Mendoza?" Hinampas ako ni Trisha sa balikat.
Magpinsan nga silang dalawa ni Jianne. Parehong mabigat ang kanilang mga kamay.
"Alam kong kayang-kaya mong bumili kahit pa sampung kotse!"
"That's not my point-"
"Bossing!" Bigla na lamang sumulpot si Jomar sa pintuan at bakas sa mukha niya ang
takot. "Gumuho po ang mga stock natin ng gulong at nabagsakan po si Boss Jianne."
"Mark!"
Patakbo akong lumabas at sumugod sa pinangyarihan. Naabutan ko na nagkakagulo ang
mga naroon sa pag-alis ng mga nagkalat na gulong.
"Jianne! Jianne!" My eyes wide with panic. Hindi ko maipaliwanag ang takot sa
dibdib ko.
"I'm here!" I heard her voice in the corner. Para akong nabunutan ng tinik nang
makitang ligtas si Jianne.

JIANNE
"Ji, are you alright?" Sinapo ni Mark ng dalawang kamay ang mukha ko. His eyes
scared and worried. Bagay na hindi ko maintindihan.
"Jianne?"
"I-I'm okay."
"Trish, we need to bring her in the hospital."
Hospital? Bago pa ako makapagprotesta ay bigla na lamang akong binuhat ni Mark at
isinakay sa kotse ni Trisha.
After one hour, I find myself in a private room. Ulo lang naman ang masakit sa akin
pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong ma-confined doon. Nagtataka
rin ako kung bakit kinakailangan kong sumailalim sa X-ray, CT scan at ECG. What's
wrong with me?
Tumingin ako sa pintuan. Naroon si Mark sa labas at abala sa pakikipag-usap sa mga
kapwa niya doktor.
"He's really worried for you," wika ni Trisha na hindi umaalis sa tabi ko magmula
kanina.
"Palagi naman siyang ganyan kahit kanino."
"Pero iba ang pag-aalala niya sa'yo kanina na halos mag-panic siya."
"Wala pa iyon sa kalingkingan kumpara sa pag-aalala niya sa'yo noong naaksidente ka
sa drag racing." Ang tinutukoy ko ay ang pag-aagaw-buhay noon ni Trisha na muntikan
na niyang ikamatay.
"Bakit ka ba nagkakaganyan?" Naroon ang pagkasuya sa mukha niya. "Bakit hindi mo
makita ang mga ginagawa ni Mark para sa'yo?"
"I know that really cares for me. To the point na masyado na siyang nakikialam sa
buhay ko. Pero iyon talaga si Mark, tanggap ko ang bahaging iyon ng pagkatao niya.
Pero Trish, ayoko nang bigyan ng iba pang interpretasyon ang mga pinakikita niya sa
akin. I'm done with him. Tama na ang minsan na umasa ako at nasaktan. At ayoko nang
maulit iyon."
"I'm sorry..." aniya pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik. "Ang gusto ko lang
naman ay maging okay na ulit kayong dalawa ni Mark."
"Umuwi na tayo." Bumangon ako sa kama at hinagilap ang rubber shoes.
"Pero ang sabi ni Mark-"
"Kung ayaw mo akong ihatid, magta-taxi na lang ako."
"Magagalit si Mark kapag umalis tayo na hindi nagpapaalam."
"Hayaan mo siyang magalit, galit din naman ako sa kanya."
"Jianne!" Walang nagawa si Trisha kundi habulin ako papalabas.
Pagbaba ko ng sasakyan ay saka ko lamang napansin ang nakaparadang Lexus sa garahe.
Wala sa loob na tumingin ako sa veranda na tila makikita ko roon ang hindi
inaasahang bisita.
"Who owns that car?" Pakikiusyo ni Trisha. Hindi pa siya nakuntento ay isinungaw pa
niya ang kanyang ulo sa bintana. "May bago ka ng kotse?"
"Umuwi ka na. Siguradong hinahanap ka ni Jared." Subalit tila wala siyang narinig.
"Nice car. Ang sarap sigurong ipang-car race iyan!"
Itinulak ko ang ulo niya papasok ng bintana. "Umuwi ka na sabi at salamat sa
paghatid. Tsu!"
"Oh my! Si Kristofe ba 'yan?"
Paglingon ko ay bumaba ng kotse ang binata at nakangiting humakbang patungo sa
akin.
"Cous, nanliligaw ba siya sa'yo?"
"Hindi."
"Ows?"
"Hindi nga sabi!"
"So, manliligaw pa lang?"
Bago pa ako makasagot ay nakalapit na sa akin si Kristofe.
"Hi!"
I forced a smile. Bukod sa hindi ko inaasahan ang pagsulpot niya, wala akong kawala
sa pang-iintriga ng sarili kong pinsan.
"Hey, Trish!"
"Kristofe, it's been a long time. But in fairness ang guwapo mo ngayon. Anong
meron? Aakyat ka ba ng ligaw?"
Sa halip na sumagot ay tinawanan lamang siya ng binata.
"Go home!" Muli kong itinulak ang ulo ni Trisha papasok ng bintana kasabay ng
panlalaki ng mga mata.
"Oo na, aalis na ako."
Nakahinga lang ako ng maluwag nang pihitin niya ang ignition at binuhay ang makita
ng sasakyan. Nang muli siyang sumungaw sa bintana.
"Cous, tatawagan kita mamaya. I-update mo ako, huh?"
"Kanina ka pa ba? Bakit hindi mo na lang ako hinintay sa loob ng bahay?"
"Kararating ko lang, actually."
"Tara, doon tayo sa loob."
Mabilis na tumanggi si Kristofe. "Hindi rin naman ako magtatagal. I just came here
to apologize. Alam mo na tungkol doon sa nangyari noong nakaraan gabi."
"Ako nga ang dapat mag-apologize sa'yo. Pati ikaw ay nadamay. Pasensya ka na. May
pagkapakilamero lang talaga sila kung minsan."
"Sila?" Naroon ang pagtataka sa mukha ni Kristofe. "May kasama ang kaibigan mo?"
Nalilito na tumango ako.
"I thought he was alone. Sino ang kasama niya?"
"H-he's also a friend. Hindi mo siya kilala." Mabuti na siguro na hindi niya
malaman na si Mark ang lalaking iyon. Nangangamoy gulo kapag nagkataon.
"Kamusta na ang kondisyon ng mama mo?" Naisip kong itanong. Puwesto ako sa ibabaw
ng hood ng pick-up at tumingala sa kalangitan.
"I thought she was okay." Ginaya ako ni Kristofe at puwesto sa tabi ko. "Pero sa
tuwing may nakikita siya na nakakapagpaalala kay Cheska, bumabalik ang dati niyang
kondisyon."
"At isa na ako roon."
Tumingin siya sa akin ngunit hindi nagsalita.
"Do I really looked like your sister?"
Noon, madalas kaming maipagkamali ni Cheska. Malaki raw kasi ang pagkakahawig
naming dalawa. Minsan naisip ko rin na maaaring iyon din ang dahilan kung bakit
hanggang kapatid lang ang turing sa akin ni Mark.
"No, you don't."
"Really?"
"You're cuter than her." Natawa ako.
"Cuter, huh?"
Ngumisi siya. "Lalo na kapag naniningkit na ang mga mata mo at humahaba ang nguso
mo."
"Kaya pala lagi mo akong inaasar dati," biro ko.
"You were so snob. Parang hindi ako nag-e-exist sa paningin mo lalo na kapag kasama
mo si Mark." May himig ng pagtatampo sa tinig ni Kristofe. Bigla tuloy akong
nawalan ng sasabihin at nakaramdam ng pagkailang.
May ilang sandali na hindi kami nagkibuan habang pareho namin pinanonood ang mga
bituin sa kalangitan.
"They are beautiful." Hindi ko napigilan sabihin.
"So you are," he said while staring at me.
Kunwari ay hindi ko siya narinig. Inilapat ko ang likod sa windshield habang hindi
inaalis ang tingin sa langit. Ginaya rin ako ni Kristofe at humiga sa tabi ko.
Itinaas ko ang kamay na tila kaya kong abutin ang mga bituin. Itinaas din niya ang
kamay and touched my mine.
Mabilis na binawi ko ang kamay nang marinig ang paparating na sasakyan. Si Mark.
Hindi ko na kailangan pagtakhan kung bakit naririto na naman siya.
Hindi maipinta ang mukha niya ng bumaba ng kotse. Nang makita niya si Kristofe ay
lalo lamang nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay.
"Bakit umalis ka ng ospital?" Basta na lamang akong hinila ni Mark pababa ng pick-
up. Hindi man lang siya nag-abalang alalayan ako.
"Mark, nasasaktan si Jianne."
"Back off!"
Subalit hindi nagpasindak si Kristofe sa banta ni Mark.
"No! You back off!" Hinila niya ako palayo rito at itinulak ang binata. As if
protecting me from him. "I don't care if you are mad. Pero hindi mo kailangan
idamay si Jianne."
"Kailan ka pa natuto maging concern sa ibang tao?" Sarkastikong wika ni Mark na
hindi inaalis ang matalim na tingin sa kanyang stepbrother.
"Ngayon lang... Dahil mismong si Jianne ang involved!"
Ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa pagitan ng dalawang binata. Ngunit hindi ko
alam kung paano sila pipigilan. Save by the bell, ang pagtunog ng cellphone ni
Kristofe. Isang phonecall ang napilitan niyang sagutin.
"Tito Mario, what happened to my mom?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at
tumingin kay Mark. Parang nahuhulaan ko na mayroon hindi magandang nangyari.
"Jianne, I need to go. Okay ka lang ba?"
Tumango ako. Kung magsalita si Kristofe ay parang mapapahamak ako kung iiwanan niya
ako. "Go. Tita Belle needs you."
Atubiling tinungo niya ang nakaparadang sasakyan at bago siya sumakay ay tumingin
muna siya sa akin.
"Jianne, pumasok ka na sa loob!" Sa halip na sundin siy Mark ay hinatid ko ng tanaw
ang papalayong kotse ni Kristofe.
"Jianne!"
"Hindi mo kailangan sumigaw!" Naiinis na ako sa pagiging insensitive niya. Palagi
na lamang niya ako idinadaan sa init ng kanyang ulo.
"Papasok ka ba sa loob o gusto mong kaladkarin pa kita?"
Nang-iinis na basta na lamang akong nahiga sa bermuda grass. Ewan ko lang kung
magawa pa niya akong kaladkarin.
"Jianne, ano na naman kalokohan iyan?" Muling sigaw ni Mark. Kahit masakit sa tenga
ay pinilit kong balewalain siya. "Tumayo ka dyan!" Hinila niya ako sa mga kamay at
pilit na itinatayo. Subalit lalo ko lamang binigatan ang sarili.
Pinigilan kong bumulanghit ng tawa sa nakikitang itsura ni Mark. Kulang na lang ay
umusok ang ilong niya sa sobrang pagkasuya sa akin.
"Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa rin tumatayo dyan, I swear, kakaladkarin na
kita!" Muling banta ni Mark na hindi ko alintana. "Isa!" Pinagkrus ko ang mga braso
sa tapat ng dibdib. "Dalawa!" Tuluyan na akong bumulanghit ng tawa. Ang sarap
niyang asarin.
"Jianne, please..." Nakakapagtaka na biglang naging malumanay ang tinig ni Mark.
"Tumayo ka na d'yan at baka malamigan ang likod mo."
Subalit hindi man lang ako natinag. Hindi niya ako madadaan sa pagbabait-baitan
niya.
"Nag-aalala ako nang umalis ka ng ospital."
"Wala akong dahilan para manatili roon."
"Kailangan mong manatili sa ospital hangga't hindi pa lumalabas ang resulta ng mga
ginawang test sa'yo."
"Okay naman ako. Wala kang dapat ipag-alala."
"Hanggang kailan mo ba paiiralin ang katigasan ng ulo mo?"
"Hanggang kailan ka rin makikialam sa buhay ko?" Balik-tanaw ko sa kanya. Subalit
parang gusto kong pagsisihan na sinabi ko iyon. I saw the disappointment in Mark's
face.
Pagkaraan ay siya naman ang nakatanggap ng phonecall. Duda ako na iisang tao lang
tumawag sa kanila ni Kristofe.
"I'll be there," mahinahon niyang tugon sa kabilang linya at tinungo ang sarili
niyang sasakyan.
Doon lamang ako bumangon at sinundan siya ng tingin nang biglang pumihit paharap sa
akin si Mark at binalikan ako. Nagmamadali na muli akong nahiga sa bermuda grass.
And to my surprised, yumuko siya at walang kahirap-hirap na binuhat ako.
"M-mark!" Napakapit ako sa batok niya upang hindi mahulog. "Ibaba mo ako!" Ngunit
patuloy siya sa paglalakad na tila walang naririnig hanggang sa huminto siya sa
tapat ng pinto at doon maingat niya akong ibinaba.
"Take a warm bath and rest. Tatawagan na lang kita kapag lumabas ang resulta ng mga
test sa'yo." Iyon lang at tinalikuran na ako ni Mark at tuluyang umalis.
Guilty as charged. Bigla akong nakonsensya. Sa kabila ng mga kasalanan niya sa
akin, hindi ko pa rin magawa na tuluyan magalit sa kanya.

Chapter Twenty Six: Unseen

Chapter Twenty Six: Unseen

MARK
Kasalakuyan akong nag-aalmusal nang pumasok si Kristofe ng kusina. Dinaanan niya
lamang ako na tila hindi niya nakita.
"Manang, pahingi po ako ng kape." Puwesto siya sa kitchen island, tatlong upuan ang
pagitan sa akin.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi rin naman ako magtatagal at aalis din ako. Sa
villa ako nagpalipas ng gabi ayon na rin sa kagustuhan ni Papa.
"How's your sleep?" Hindi ko inaasahan na tanong ni Kristofe. "Nakatulog ka ba ng
mahimbing kagabi?"
"Not really. Hindi ako sanay makitulog sa ibang bahay, even it's my own house
before."
Narinig kong tumawa siya. Tawa na nakakaasar.
"It's been fifteen years, right? Magmula noon ay hindi ka na umuwi rito sa villa."
"I have my own reason. At pareho natin alam kung ano iyon."
"I hope it's not me."
"How's your mom?" Pag-iiba ko ng topic. May mga bagay na mas importanteng pag-
usapan kaysa makipag-inisan sa kanya.
"She's calm and peaceful." Biglang nagbago ang timpla ni Kristofe. "At sana ganon
pa rin si Mama paggising niya."
Last night was her worst attack. Na kahit si Papa ay hindi malaman ang gagawin at
napilitan humingi ng tulong sa aming dalawa ni Kristofe. We tried to convince him
na dalhin na namin si Tita Belle sa isang mental institution. Subalit ganoon na
lamang ang pagtanggi ni Papa. Hindi pa rin niya matanggap na nababaliw na ang
kanyang asawa.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Mark. Her condition is getting worst and I'm
worried too much for her."
"Sa palagay ko ay hindi nakatulong kay Tita Belle ang pag-uwi niya ng Pilipinas.
This place always reminds her of Cheska."
"Do you think we should take her back to Australia?"
"Kahit gustuhin natin, si Papa pa rin ang magdedesisyon tungkol sa bagay na iyan."
Sa unang pagkakataon ay nagkasundo kami ni Kristofe sa iisang bagay. Hindi ko
malaman kung dapat ko iyon ikatuwa. Dahil sa mahabang panahon ay tila may 'silent
competition' sa pagitan namin dalawa. Siguro dahil hanggang ngayon, pakiramdam ko
ay mas pinapaboran siya ni Papa kaysa sa akin. Nagseselos ako sa atensyon na
binibigay sa kanya at pakiwari ko ay kinukuha niya ang lahat ng mayroon ako.
"Do you like her?"
Kunot-noong lumingon si Kristofe sa akin.
"Jianne. Do you like her?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi.
"Magagalit ka ba sa akin kung sasabihin kong oo?"
Nawalan ako ng sasabihin. Gayunpaman ay hindi ko nagustuhan ang narinig. Bakit ba
kasi naisip ko pang magtanong?
"Got to go." Tumayo si Kristofe at humakbang palabas.
"What do you see in her?"
Huminto si Kristofe ngunit hindi lumingon. "Everything you dont!"

JIANNE
Dismayong napaungol ako nang matanaw ang paparating na binata. Halos kabubukas pa
lang ng talyer, heto at naririto na naman siya. Hindi ba dapat ay nasa ospital ang
lalaking ito?
"Ji!" Yumuko si Mark at sinilip ako ilalim ng sasakyan. Balak ko sanang pagtaguan
siya. Pero malamang, naituro na agad ni Bogard kung nasaan ako.
"Jianne, lumabas ka d'yan at may sasabihin ako sa'yo."
Ano na naman kaya ang kailangan niya? Napilitan tuloy akong magpakita sa kanya.
"Bakit hindi maipinta ang mukha mo?"
Dahil ang aga-aga, bubuwisitin mo na naman ako!
"Dali! Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo at marami pa akong gagawin!"
Suddenly, Mark grabbed my face with his one hand and forced to open wide my left
eye. Itinutok niya roon ang maliit na flashlight na hindi ko alam kung saan niya
kinuha at ganoon din ang ginawa niya sa kabila kong mata pagkatapos.
"I just check if your vital is still normal."
"Hindi mo ba ako tatanungin kung sumakit ang ulo ko?"
"Sumakit ang ulo mo? Kailan?"
"Ngayon lang. Sumakit ang ulo ko sa pagiging paranoid mo. Tumabi ka nga d'yan!"
Naiinis na nagmartsa ako patungo ng opisina para muling bumalik nang maalala ang
naiwan gawain.
"Kung hindi ka umalis ng ospital kahapon, na-monitor na sana ang kondisyon mo. "
Patuloy naman si Mark sa pagsunod sa akin. "Hindi pa lumalabas ang resulta ng mga
test mo kaya hindi pa tayo sigurado na wala kang natamong pinsala."
"Ngayon na-check mo na, pwede ka na bang umalis?" Bigla akong huminto para sana
harapin siya subalit binunggo naman niya ako. Muntikan na akong mabuwal kung hindi
niya agad ako naagapan. Ang talim ng tingin ko kay Mark.
"Aalis ka ba o kailangan pang ipagtabuyan kita!"
"Ji, hindi mo kailangan sumigaw."
"Hindi lang ikaw ang may karapatang sumi-" Tinakpan ni Mark ng kamay ang bibig ko.
"Oo na, aalis na ako. Sungit!" Pinisil pa niya ang tungki ng ilong ko bago tuluyan
umalis.
Ewan, pero imbes na lalong mainis parang may pitik pa ng kilig ang ginawa niya.
Huwag na sana siya magpakita ulit dito sa talyer.
"Bossing, kanina pa may tumatawag sa sa'yo." Nagmamadaling lumapit sa akin si
Bogard at inabot ang cellphone ko na naiwanan ko sa opisina. Nag-register ang
pangalan ni Yuan sa screen.
"Yuan, napatawag ka."
"Thank god! Akala ko ay hindi na kita makakausap bago ako umalis."
Kumunot ang noo ko. "Aalis ka? Saan ka pupunta?"
"Jiji, sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sa'yo ng personal. Ang aga mong umalis
ng bahay kanina at hindi na kita naabutan."
"Yuan, nasaan ka?" Sinaklot ng kaba ang dibdib ko. "Pupuntahan kita ngayon."
"Jiji, mami-miss kita at sana ganoon ka rin."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang flight boarding announcement sa
background. Nasa airport si Yuan.
"Huwag kang aaalis. D'yan ka lang. Pupuntahan kita!"
"Jiji, don't. Hindi mo na rin ako maabutan. In less than five minutes aalis na ang
eroplano."
"Nakakainis ka, Yuan!" Sigaw ko. Wala akong pakialam kahit pa pagtinginan ako ng
mga tauhan sa talyer. "Hindi ka pa nga absuwelto sa kasalanan mo sa akin,
dinagdagan mo pa!"
Subalit tinawanan lamang ako ng loko.
"Jiji, sorry na. Sana mapatawad mo na ako."
"Hindi talaga kita mapapatawad kung tuluyan mo akong iiwanan!"
"Got to go. Goodbye my Jiji."
"Yuan! Yuan!" Ngunit tuluyan na siyang nawala sa kabilang linya. Ang unang pumasok
sa isip ko ay puntahan siya sa airport. Pero kahit pa paliparin ko sa kalsada ang
ducatti, aabutin pa rin ng isang oras bago ako tuluyan makarating doon.
Parang bata na sumalampak ako sa semento. Naiinis ako na parang gusto kong umiyak.
Wala akong nagawa para pigilan si Yuan. At ang mas lalo pang pinagsisintir ng
kalooban ko, umalis siya na hindi man lang kami nagkakaayos. Magkasama nga kami sa
iisang bahay pero madalas ko naman siyang iniiwasan. Kung alam ko lang, sana...
"Tissue?"
Napaigtad ako sa pagkabigla nang sumulpot ang isang kamay sa harapan ko. Akala ko
ba ay umalis na siya?
"Umiiyak ka ba?" Nanunukso naman na sinilip pa ni Mark ang mukha na pilit kong
ikinukubli sa kanya.
"Hindi ako umiiyak. Napuwing lang ako!" Pagkakaila ko. Ganoon na lamang ang
pagpipigil kong suminghot pero kung hindi ko gagawin iyon, tuluyan tutulo ang sipon
ko.
"Akina na nga iyan tissue!"
Hindi naman nag-react si Mark at pinanood lamang ako.
Muling tumunog ang cellphone ko. Akala ko ay Yuan ang caller, si Kristofe lang
pala.
"Get up!" Napilitan akong tumayo nang hilahin ako ni Mark. "Aalis tayo."
"Pupuntahan natin si Yuan?" Nalilito na sumunod ako sa kanya at nakalimutan ang
phonecall ni Kristofe. Hindi kumibo si Mark at isinakay ako sa kanyang kotse.
"Akala ko ba ayaw mong kumain?"
"Ayoko sana, pero pinilit mo ako. At saka sayang naman itong mga inoorder mo kung
hindi natin kakainin."
Sa lahat naman kasi ng pwede pagdalhan sa akin ni Mark, doon pa sa paborito kong
restaurant. Kahit wala akong ganang kumain, nagkaroon pa rin ako appetite lalo nang
i-serve sa harapan ko ang paborito kong steak na mahigit dalawang buwan ko nang
pinagnanasahan kainin.
"Baka gusto mo akong tulungan. Hindi ko kayang ubusin ang lahat ng ito." Nilagyan
ko ng pagkain ang kanyang plato. "Kumain ka na o baka naman gusto mong subuan pa
kita."
Para siyang timang na kanina pa nakatitig sa akin at pinapanood akong kumain.
Magmula kaninang umaga ay napa-weird na ng mga kinikilos niya. Ano kaya ang
tumatakbo sa isipan ng lalaking ito?
Umangat ang kamay ni Mark at pinunasan ng table tissue ang bibig ko.
"Para ka talagang bata kung kumain!" He said with amusement in his eyes. Bagaman
natigilan ako sa inakto niya ay hindi ako nagpahalata. He's different again. Hindi
ako sanay na ganito ang pagtrato niya sa akin. Siguro noon, pero ngayon? Hindi ako
mapakali. It was alarming.
"Seems like you and Kristofe we're already close."
Na-freezed sa ere ang hawak kong kutsara. Did I hear a tingle of jealousy there?
Nah, imahinasyon ko lang siguro iyon.
"We're dating!"
"And?" Umangat ang kilay ni Mark.
Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagkain.
"Do you like him?" Muli niyang tanong.
"Slight."
"Slight?"
"Parang oo na parang hindi. It's hard to explain."
Sa gilid ng mga mata ay nakita ko ang pagsama ng mukha ni Mark. Para siyang
nakakain nang hindi maganda sa kanyang panlasa. Hindi na rin siya ulit kumibo. Back
to ermitanyo mood na naman siya. Hay naku! Maloloka na talaga sa pag-uugali ng
lalaking ito!
"Tapos ka na ba?"
"Hindi ba natin uubusin ang mga ito?" Balik-tanong ko. Nanghihinayang ako sa mga
natirang pagkain. Kung bakit naman kasi ang dami niyang inorder.
"Ipa-take out mo lang." Dinukot ni Mark ang wallet at naglabas ng lilibuhin.
"Uuwi na tayo?"
Hindi siya sumagot. Pero duda ako na mayroon pa kaming pupuntahan.
A date is incomplete without watching movie. Kung 'date' ngang matatawag ang
paglabas namin iyon. Siguro para sa akin, pero para kay Mark, asa pa ako! At mas
maa-appreciate ko sana ang effort niya kung romantic movie ang pinili niya at hindi
ang pambatang palabas na Minions.
"Sumakit ang tiyan ko sa katatawa."
"Nanakit naman ang braso ko sa kakahampas mo," reklamo ni Mark. "Sobra ka kung
matuwa!"
Sa bandang huli, ako pa ang mas nag-enjoy sa panonood kaysa sa kanya.
"Ji, gusto mo ulit kumain?"
"Kakain na naman! Hindi pa nga bumaba sa talampakan ko 'yung mga kinain natin
kanina."
Ngumisi si Mark. "Baka kasi nagugutom ka na naman."
"Mahilig lang ako sa pagkain pero hindi ako matakaw."
Paglabas namin ng sinehan ay saka naman dumagsa ang mga tao at napahiwalay ako kay
Mark. Para akong bata na naliligaw at hindi malaman kung saan pupunta. Suddenly,
someone grabbed my hand and hold it tight. Si Mark.
"Stay close to me," he whispered in my ear. Dahilan para maalarma ang lahat ng
pandama ko sa katawan. Hanggang sa makalabas kami ng mall ay hindi pa rin niya
binibitiwan ang kamay ko.
There was no denying my feelings for him now. I was still inlove with him. Walang
nagbago sa nararamdaman ko para kay Mark. Same old feeling, same intensity.
Pinaniwala ko lang pala ang sarili ko na wala na akong nararamdaman sa kanya.
Madaya talaga ang puso.
"Ji, nanlalamig ang kamay mo."
"Umuwi na tayo." Binawi ko sa kanya ang kamay ngunit ayaw naman niyang pakawalan.
Ganoon na lamang ang pasasalamat ko at hindi na siya nag-usisa pa. Dahil ang totoo
hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko. Bakit ba pagdating sa
nararamdaman ko para sa kanya, ayaw gumana ng maayos ang utak ko? Bakit ba palagi
na lang ang puso ko ang nasusunod? Hindi ba puwedeng ako na lamang ang mamili?
Kung nagawa ko noon maka-move on kahit kunwari lang, magagawa ko pa rin ngayon. Who
knows? Baka maging makakatotohanan na ang paglimot ko sa nararamdaman ko para sa
kanya.
Be still my heart, makaka-move on ka rin. Tiwala lang!
"Are you alright?" Lumingon sa akin si Mark. And my heart skipped a bit.
Be still my heart. Konting hinay lang. Huwag munang magpanic.
"O-Oo naman." Pilit akong ngumiti upang hindi siya makahalata.
"Bukas ulit?"
"Huh?"
"Kumain ulit tayo at manood ng sine."
No! Ayoko na!
"Magiging busy ako bukas sa talyer. Madami akong naiwan trabaho."
"How about the day after tomorrow?"
Lord, ba't ba ang kulit niya?

Chapter Twenty Seven: Stop Her

Chapter Twenty Seven: Stop Her

MARK
"Mark, what is today's agenda?" Tanong ni Louie nang pumuwesto sa bakanteng silya
sa tabi ko. Nagkibit-balikat lang ako sa halip na sumagot. Ang totoo ay wala rin
akong ideya kung bakit nagpatawag si Papa ng emergency board meeting. Subalit
parang nahuhulaan ko na masesermunan na naman ako.
Kinukuwestyon ni Papa ang mababang patient rate ng ospital para sa taon na ito.
Hindi man niya direktang sinabi, pero parang ako na rin ang sinisisi niya sa
problema. Ako kasi ang may ideya ng pagre-renovate ng kabilang building. At dahil
under renovation, kulang ang pasilidad ng ospital. Napipilitan ang ibang pasyente
na lumipat ng ibang ospital.
Mabuti na lang at karamihan sa mga board members ay pinagtanggol ako, including
Kristofe. Lihim akong siniko ni Louie. Hindi man niya sabihin pero mukhang iisa
lang tumatakbo sa aming mga isipan.
"Malay mo naman at tuluyan nang nagbago ang stepbrother mo," wika ni Louie habang
papalabas kami ng silid. Mahigit isang oras din ang inabot bago natapos ang board
meeting.
"Wala akong pakialam kung magbago man siya o hindi."
"Iniisip mo ba na maaaring paraan lang iyon ni Kristofe para magpalapad ng papel sa
papa mo?"
"You're really good in reading people's mind." Hindi ko napigilan tumawa. "Pinsan,
bilib na talaga ako sa kakayahan mo."
"It's my profession. Besides, kabisado ko na ang takbo ng utak mo."
"Really?" I chuckled once more. "Then tell me kung anong tumatakbo ngayon sa utak
ko?"
"You looked troubled. Someone is bothering you." Binigyan diin niya ang salitang
someone.
"Huwag mong sabihin na si Kristofe ang tinutukoy mo?"
Mabilis na umiling si Louie, ngunit ngumisi. "She's a she."
Bago pa ako makapag-react nang mahagip ng mga mata si Kristofe. Nasa isang sulok
habang may kausap sa telepono. Nilagpasan lamang namin siya ni Louie at hindi
pinansin.
"See you later, Jianne." I heard him said. O baka naman sinadya ni Kristofe na
lakasan ang boses upang marinig ko.
"Mark, where are you going?" Nagtatakang tanong ni Louie nang lumihis ako ng daan.
"I'm going home."
"Akala ko ba ay double shift ka ngayon?"
"I change my mind."
"Maki boy, sino ba ang kinakausap mo? Si Kitkat o ako?"
Hindi ko pinansin si Tyron at nagpatuloy sa malalim na pag-iisip. Kanina pa siya
nakatunganga sa akin na tila binabantay ako.
"Maki boy, may pagkain ka ba d'yan? Kanina pa kumakalam ang tiyan ko. Kung
hihintayin ko si Cyrhel siguradong mamamatay na ako sa gutom."
"Marami akong tubig sa fridge!"
"Pagkain ang kailangan ko at hindi tubig," reklamo ni Tyron. At bago ko pa siya
mapigilan ay sinugod na niya ang kusina ko at nang bumalik ay puno ng pagkain ang
dala niyang plato. Pinakialaman niya ang hapunan ko.
"Papalitan ko na lang ito ng pagkain na dala ni Cyrhel. Iyon ay mapagtitiyagaan mo
ang kanyang niluto. Sarap nito, Maki boy. Saan mo ito binili?" Nagawa pa niyang
mang-inggit sa kabila ng kadupangan niya. Paano ba ako nagkaroon ng kaibigan na
katulad niya?
Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang makatanggap ako ng phonecall mula kay Jianne.
Kanina ko pa siya tinatawagan, pero busy ang kanyang cellphone.
"Sorry, Mark but I'm in a hurry. I'll try to call again." At nawala na siya sa
kabilang linya. Kung tama ang pagkakarinig ko kanina, may lakad nga silang dalawa
ni Kristofe.
"May date si Jianne, right?" Halos hindi maintindihan na tanong ni Tyron dahil
punung-puno ng pagkain ang kanyang bibig.
Tumango lamang ako.
"At si Kristofe ang ka-date niya?"
"Paano mo nalaman?"
"Hindi ako bingi para hindi marinig ang pagbulung-bulong mo kanina. Parang kang
sira na kinakausap mo ang iyong sarili."
Sapo ang batok na binagsak ko ang sarili sa sofa.
"Gusto mong pigilan ang date nilang dalawa?" Muling tanong ni Tyron.
"Gusto kong pigilan si Jianne dahil wala akong tiwala kay Kristofe. Nag-aalala ako
na baka kung ano ang gawin sa kanya ng lalaking iyon!"
Tumango-tango si Tyron na may malapad na ngiti sa mga labi.
"Dahil pinakain mo ako, tutulungan kita sa bagay na iyan." Binitiwan niya ang plato
na wala nang kalaman-laman sa center table at lumipat sa tabi ko sabay akbay. "May
naisip akong plano."
Ngunit duda ako sa planong sinasabi ng kaibigan. Gusto ko sanang magtiwala pero
bakit bigla akong kinabahan?

JIANNE
"Ito na lang ang isuot mo." Itinulak ko palayo ang hawak na bestida ni Ate Lara.
"Ayoko n'yan! Masyadong revealing ang harapan. Kita na ang kaluluwa ko."
"Jianne, ito ang trend ngayon. Besides, kailangan mo rin magpakita ng konting skin
to look more sexy."
"No way! Hindi ko kailangan sumunod sa trend mo."
"I just want to help."
"No, thanks!" Muli kong ibinalik sa kanya ang bestidang pinagpipilitan niya. Minsan
ko nang pinagkatiwalaan ang sinasabi niyang trend at hindi na mauulit iyon.
Muli akong naghagilap ng maisusuot sa closet nang makita ko ang red polka dress. It
was the dress I wore last new year's eve. Hindi ko mapigilan mapangiti nang maalala
ang gabi iyon sa piling ni Mark.
"Jianne!" Biglang bumulandra ang pinto at iniluwa ang isang matangkad na lalaki.
"Tyron? Anong ginagawa mo rito?"
"Ate sorry po. Sinubukan ko siyang pigilan pero mapilit talaga siya." Kulang na
lang ay maglambitin ang katulong sa braso ng binata. Sa laki nga naman niya, kahit
ako ay hindi siya magagawang pigilan.
"It's okay, Thelma. Maaari mo na kaming iwanan." Walang kibo na lumabas ng silid
ang katulong.
"Siya ba ang ka-date mo?" May disgusto sa mukha ni Ate Lara habang pinagmamasdan si
Tyron mula ulo hanggang paa.
"Bakit guwapo naman ako, ha?" Niyuko niya ang sarili at pinasadahan ng tingin ang
suot na maong pants at puting V-neck na t-shirt.
"Tyron, bakit ka napasugod dito?"
Bigla niya akong nilapitan at hinawakan ang magkabila kong mga kamay sa aking
pagkamangha.
"Jianne, pasensya na sa pang-iistorbo pero ikaw lang ang naisip kong lapitan."
Naroon ang pagpapanic sa kanyang tinig.
"Kung nagpunta ka rito para mangutang, mali ang taong nilapitan mo," sabat ni Ate
Lara. "Walang pera si Jianne."
Nice! Ipangalandakan ba?
"It's about Mark. Ano kasi..."
"Anong nangyari kay Mark?" Daig ko pa ang sinipa ng kabayo dahil sa matinding siklo
ng dibdib.
"Nahihilo siya at panay ang suka kanina pa."
"Nasaan siya?"
"Sa pad niya?"
"Sa pad? Hindi ba dapat ay nasa ospital siya? Bakit hindi mo siya dinala roon?"
"Parang hindi mo kilala si Mark, mas matigas pa ang ulo niya kaysa sa adobe. Kahit
anong pilit ko ay ayaw niya talagang magpadala sa ospital."
"Puntahan na natin siya!"
"Jianne, paano na date mo?" Habol ni Ate Lara bago kami lumabas ng pintuan.
"Bahala na. Tyron, halika na!"

Naabutan namin si Mark na nakahandusay sa sahig ng banyo at walang malay. Bago pa


ako makalapit sa kanya ay naunahan na ako ni Tyron.
"Maki boy, hold on! Huwag ka munang mamamatay. Huwag mo kaming iwananan!"
"Tumabi ka nga d'yan!" Tinabig ko si Tyron upang tuluyan makalapit kay Mark.
Namumutla siya at basang-basa ng pawis ang kanyang suot na t-shirt.
"Mark?" Marahan kong tinapik ang kanyang pisngi. "Mark, naririnig mo ba ako? It's
me, Jianne."
Umungol lamang siya bilang tugon. At least he's concious.
"Tyron, tulungan mo akong dalhin si Mark sa ospital."
"Huwag!" Sabay nilang bulaslas na dalawa. Pagtingin ko kay Mark ay nakadilat na ang
namumungay niyang mga mata.
"I-I'll be f-fine," he whispered.
"No! Kailangan mo pa rin madala sa ospital!"
"Jianne, mukhang okay na naman si Mark."
"Hindi ikaw ang kausap ko, Tyron!"
"Ji, okay lang talaga ako." Pinilit ni Mark na bumangon habang nakaalalay ako. Kung
matigas ang ulo ko, mas lalo na siya.
"Jianne, sabi ko naman sa'yo okay na si Mark. P'wede ko na siguro kayong iwanan.
Ikaw na ang bahala sa kaibigan ko."
Mark grabbed his shirt and pulled him closer. Tila mayroon itong ibinulong kay
Tyron.
"Ako?" Gulat na itinuro ni Tyron ang sarili. "Sigurado ka, Maki boy?"
"Tyron, anong sinasabi niya?" Naguguluhan ako sa kinikilos nilang dalawa.
Muling sinunggaban ni Mark ang t-shirt ng kaibigan at may ibinulong na naman.
"Oo na!" Binasa ni Tyron ng laway ang hintuturo at inaangat ang laylayan ng t-shirt
ni Mark. Bago ko pa siya mapigilan ay naglanding na ang basa niyang daliri sa tiyan
ng kanyang kaibigan.
"Tyron, kadiri ka!" Hinampas ko siya ng malakas sa balikat. "Pati si Mark dinadamay
mo sa iyong kababuyan!"
"Pinagbibintangan niya ako na ako ang nakausog sa kanya. At ito lang ang alam kong
paraan para bumuti ang pakiramdam niya. Maki boy, isa pa ba?" Akmang isusubo niya
ulit ang daliri nang pigilan ko.
"Umalis ka na. Ako na ang bahala kay Mark."
"Okay, sabi mo eh!"
"Teka lang!" Hinila ko ang laylayan ng kanyang t-shirt at bumalandra siya pabalik
sa akin. "Tulungan mo muna ako na mailipat si Mark sa kama niya."
Inalalayan ni Tyron ang kaibigan subalit sa halip na sa kama, sa sofa nagpadala si
Mark.
"Maiwan ko na kayong dalawa." Palabas na si Tyron nang tumunog ang doorbell.
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya si Cyrel.
"Bakulaw, anong nangyari kay Mark?"
"He's okay now!"
"Gusto ko siyang makita!"
"Monay, huwag na!"
"Mark! Mark!"
"Huwag ka nga maingay!"
"Eh, sa gusto ko siyang makita."
"Ako na lang ang tignan mo!"
"Sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo. Aray! Bakit ka ba nanunulak?"
Hanggang sa tuluyan silang makalabas ay nadidinig ko pa rin ang tinig ng dalawa.
"Oo nga pala, Maki boy!" Biglang bumalik si Tyron. "Kapag hindi pa rin bumuti ang
pakiramdam mo tawagan n'yo na lang ako. Magpapadala ako ng laway ko kay Katkat."
Iyon lang at muli niyang isinara ang pinto.
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagpapauto ka sa sira-ulo mong kaibigan."
Inayos ko ang pagkakahiga ni Mark upang maging komportable siya. Nanatili siyang
walang kibo habang pinapanood ang mga kilos ko.
"Mark, gusto mo bang kumain?"
Umiling lamang siya.
"Nauuhaw ka ba? Ikukuha kita ng tubig."
Muli siyang umiling.
"Ano ang gusto mo? Sabihin mo lang sa akin."
"Stay!"
Napakamot ako ng ulo sa narinig. I can't stay. Paano na ang date namin ni Kristofe?
Shete! Naiwanan ko pa ang cp ko sa bahay.
Nakatulog si Mark sa sofa at nakakapagtaka na bumuti ang kanyang kalagayan. Mukhang
nausog nga siya ni Tyron. Pagkakataon ko na rin na umalis. Subalit hindi ko pala
siya kayang iwan. Parang ang sama ko naman kung basta ko na lamang siyang iiwanan
sa kanyang kondisyon.
Sa mga oras na ito, marahil ay kinokontak na ako ni Kristofe. Pero malalaman din
naman niya ang totoo, courtesy of my dear sister. For the second time, hindi na
naman natuloy ang date namin dalawa at dahil na naman iyon kay Mark.
Bahagyang gumalaw si Mark at pumihit paharap sa akin. Nanatili pa rin niyang hawak
ang aking kamay, na hindi niya binibitiwan magmula kanina. Ang cute niya. Para
siyang bata na ayaw maiwanan mag-isa.
Ngayon ko na-realize kung gaano ka-boring ang kanyang buhay. Bahay-ospital lang ang
routine niya sa araw-araw. Minsan lang siya lumabas kasama ang kanyang mga
kaibigan. Madalas nagkukulong siya rito sa unit niya kasama ang alaga kanyang pusa.
He's a typical loner who lives on his own world.
Napag-iwanan na tuloy si Mark ng mga kaibigan niya. Lahat halos ay may mga
asawa't-anak na. Si Tyron naman ay malapit nang ikasal. Bukod tangi siya na lamang
ang single. Kasi naman!
"Kung sinagot mo na ba ako dati, eh 'di sana hindi ka nag-iisa ngayon?"
"Ji, may sinasabi ka?" Napapitlag ako nang magsalita si Mark. Hindi siya dumilat
pero naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang kamay.
"Ji?"
"Hmmm..."
"Wala lang!" Natawa ako. Akala ko pa naman ay narinig niya ang sinabi ko. Then he
opened his eyes halfway and smiled at me lazily. Pagkatapos ay dinala niya sa bibig
ang kamay ko at hinagkan. Napasinghap ako ng malakas. Hayun na naman kasi ang
pasaway kong puso.
Biglang nagpanic ang kalooban ko. Naroon naisip kong umalis at tumakbo palayo sa
kanya. Hindi nga ba, iniiwasan ko siya? Hindi sa ayaw kong makasama si Mark kundi
ayoko itong nararamdaman ko. I"m still scared of how I feel for him. But then
again, tinatraydor ako ng sarili kong puso.
Mahal pa rin kita! I said in a mute voice.
"Ji, I can't hear you."
"Ang sabi ko..." Mahal pa rin kita kahit hndi mo ako magawang mahalin!
"Jianne, minumura mo ba?"
Minamahal kita, gunggong!

I was in the middle of contemplating when my phone rang. Muntikan ko nang maihagis
ang cellphone nang mag-register ang pangalan ni Mark. Iniisip ko pa lang siya, heto
at tinatawagan na niya ako.
"Bogard, sagutin mo!" Mabilis na ipinasa ko ang cp sa kanya. "Sabihin mo na wala
ako. Na hindi ako pumasok ngayon sa talyer!"
"Bossing?"
"Sige na, sagutin mo na!"
"H-Hello, Boss Mark? Ang sabi po si bossing wala raw siya, este hindi pala siya
pumasok ngayon!"
Kahit kailan pahamak talaga siya! Napilitan akong bawiin sa kanya ang cp.
"Ano na naman ba ang kailangan mo?" Sinadya kong langkapan ng pagkainis ang tinig
upang ipaalam kay Mark na naiistorbo niya ako.
May pupuntahan akong formal party mamayang gabi. And I need a date.
"Pambihira! Pati ba naman date mo, proproblemahin ko pa?"
"Be my date, that's it!"
Bago pa ako makapag-react ay naputol na ang linya. Hindi man lang siya nag-abalang
magtanong kung gusto kong maka-date siya!

Chapter Twenty Eight: Used

Chapter Twenty Eight: Used

JIANNE
My heart raced as I stopped to step down the stairs. I was caught by surprise when
I saw a man standing at the base of the grand staircase. Nakatalikod siya sa akin,
wearing a black neat suit that matched his personality.
And then the man turned to my direction, as if sensing my presence.
"Wow!" I said quietly, unable to take my gaze off of him. Mark looks like a prince
waiting for me, smiling and so handsome.
"Jianne, I can't believe this is happening," bulong sa akin ni Ate Lara na kanina
pa hindi humihiwalay sa akin. "Umamin ka nga sa akin, anong ginawa mo kay Mark?
Ginayuma mo ba siya?"
"Ate, huwag kang panira ng moment," ganting bulong ko sa kanya. Kung hindi ko lang
inaalala ang kalagayan niya ay baka itinulak ko na siya sa hagdanan.

I continued to step down the stairs without taking my eyes off Mark. I
Parang panaginip lang siya. Panaginip na ayokong nang magising.
"Hi!" He said and reached out my hand without leaving his eyes on mine. "You didnt'
realized how lovely you looked."
"Thanks!" Hindi ako sigurado kung naitago ko sa kanya ang pamumula ng aking mukha.
Shet! Kinikilig ako.
Sabay kaming lumingon ni Mark nang tumikhim si Papa.
"Hindi pa ba kayo aalis o magtititigan na lang kayong dalawa?"
"Mauna na po kami ni Jianne," pagpapaalam ni Mark. "Huwag po kayong mag-aalala,
hindi naman po kami magtatagal at iuuwi ko rin siya agad."
"Kahit hindi mo na siya iuwi!" Si Ate Lara.
"He's all yours." Si Papa.
"Take care of our baby." Si Mama.
Mabuti na lamang at hindi sineryoso ni Mark ang mga sinabi nila. Akala siguro niya
ay nagbibiro lamang ang mga ito. Kung alam niya lang, botong-boto sa kanya ang
buong pamilya ko.
"What?" I noticed he was looking at me quite differently. Hindi ko maiwasan
mailang.
"You're gorgeous! Kung itanan na kaya kita?"
Hindi ako sigurado kung nagbibiro lamang si Mark. Ngunit nang lumingon ako, he was
smiling sheepishly.
"Oo ba!" Sinakyan ko na lang ang biro niya. "Akala mo ba tatanggi ako na
makipagtanan sa'yo."
"Tara let's!" Binuksan niya ang pinto ng kotse at inilahad ang kamay sa akin.
"Na magtanan?"
"Tara na sa party!" He grabbed my hand and help me to get in the car.
It was indeed a formal party. A wedding anniversary party and at the same time, it
was also a business gathering for known businessmen.
Bagaman naihanda ko na ang sarili ko para rito, hindi ko pa rin maiwasan ma-out of
place. Malay ko ba sa business nila. Ang alam ko lang business ay 'yung itinayo
namin talyer ni Trisha.
Mabuti na lamang at hindi ako pinabayan ni Mark. Kulang na lang dikitan niya ako ng
mighty bond upang hindi mapahiwalay sa kanya. Ngayon ko naintindihan kung bakit
inimbitahan niya ako. Lahat kasi halos ng mga naroon ay mayroon mga ka-date at
partner. Kaya pala madalas kasama ni Papa si Mama sa lahat ng pinupuntahan niyang
gatherings, gayundin si Ate Lara at ang kanyang asawa. Now I know!
Sana lang ako pa rin ang yayain ni Mark na maka-date niya sa mga susunod niyang
gatherings.
"Problem?" Kunot-noong tanong niya nang maaksidente kong matabig ang kanyang
sapatos sa ilalim ng mesa.
"Nangawit lang siguro ang binti ko dahil sa suot kong heels."
Mula sa ilalim ng mesa ay inangat ni Mark ang aking binti at hinubad ang suot kong
sapatos.
"Mark, what are you doing?" I tried to stop him but he didn't listen. Naramdaman ko
na lang na marahan niyang minamasahe ang aking binti.
"Mark, nakakahiya!" Muli kong saway. "Baka may makakita sa'yo at kung ano na lang
ang isipin!"
"Then pretend like nothing happens."
"Bakit hindi mo 'yan sabihin sa sarili mo? Ikaw nga d'yan na parang sira na
nakayuko at may ginagawang milagro sa ilalim ng mesa."
Tinawanan lamang ako ni Mark at sa tingin ko ay mukhang nag-e-enjoy pa siya sa
kanyang ginagawa.
"Masakit pa ba?"
"Medyo." Pero ang totoo, nag-eenjoy din ako. May pagka-thoughtful din naman si Mark
kung minsan. Hindi nga lang masyadong halata.
Suddenly he stopped. Nakatuon ang tingin niya sa may entrada na tila may nakita
siya na hindi niya nagustuhan.
It was Joanna. She's here! But wait... with Kristofe?
Nang lumingon ako kay Mark, magkasalubong ang mga kilay niya at matalim ang tingin
sa dalawa. I sensed trouble. At hindi magandang senyales iyon.
Nahiling ko na sana ay hindi kami makita nila Joanna at Kristofe. But my wish
didn't come true. Tila nananadya na lumapit pa sila sa kinaroroonan namin ni Mark.
"Mark, you're here! I thought you wouldn't come," Kristofe said in a sarcastic way.
Hinapit pa niya sa baywang si Joanna, na hindi maipinta ang pagmumukha lalo nang
makita ko.
"Same here," matipid na sagot ni Mark at ginagap ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Na
para bang sinadya niyang ipakita talaga iyon kay Kristofe... o baka kay Joanna.
Naguguluhan na tumingin ako kay Mark subalit nag-iwas lamang siya ng tingin.
"Hi, Jianne!" Lumamlam ang mga mata ni Kristofe habang nakatitig sa akin.
"Kris, leave them alone!" Hinila ni Joanna sa braso ang binata. "Don't let them
ruin our night!"
Eh, kung ang mukha kaya niya ang sirain ko?

Ilang minuto na ang nakaraan nang umalis sina Joanna at Kristofe, ngunit nananatili
pa rin walang kibo si Mark. Hindi na rin niya pinagpatuloy ang pagmamasahe sa binti
ko. Tahimik niyang pinaglalaruan ang hawak na baso na puro yelo ang laman.
"Something wrong?" Gusto ko sanang itanong ngunit iba ang lumabas sa bibig ko.
"Sila na ba?"
"Why don't you ask them?" He snapped. Bagay na hindi ko na ikinagulat.
"Ikaw ang tinanong ko dahil baka sakali alam mo." Inis na tumayo ako mula sa
kinauupuan.
"Saan ka pupunta?" Tumayo rin si Mark at pinigilan ako sa kamay.
"Sa restroom. Gusto mong sumama?" Unti-unti kong naramdaman ang pagluwag ng
pagkakahawak niya hanggang sa tuluyan niya akong bitiwan.
"Don't take too long." His voice was lower this time.
I rolled my eyes at walang likod-lingon na humakbang palayo sa kanya.
Napamulagat ako nang maabutan si Kristofe na nag-aabang sa labas ng restroom. Wala
sa loob na lumingon ako sa pinanggalingan. Sigurado ako na wala roon si Joanna.
"Why are you here?"
Mabilis na nag-angat ng mukha si Kristofe at lumapit nang makita ako.
"I'm waiting for you. I guess we need to talk."
"For what?" Naguguluhan na sumunod ako sa kanya nang hilahin niya ako palabas ng
pasilyo. Subalit bigla na lamang sumulpot si Mark at napamulagat kaming tatlo sa
isa't-isa.
"Where are you taking her?" Mapanganib na tanong ni Mark kasabay ng paghablot sa
braso ko upang ilayo kay Kristofe.
"We have something to talk about and it's none of your business!" Akmang hihilahin
ako ni Kristofe ngunit iniharang ni Mark ang sarili.
"She's mine and everything about her is my business, so you better back off!"
Itinulak niya si Kristofe at sa halip na gumanti ang binata ay umatras ito upang
lumayo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang matalim na tingin na ipinukol niya kay
Mark na tila nagbabanta.

Taliwas sa inaasahan ko, hindi na kami bumalik ni Mark sa party. Obviously, sira na
ang mood niya and so I was. Mas mabuti pa nga siguro na umuwi na lang kaming
dalawa. Ngunit imbes na sa parking lot kami dumiretso, dinala niya ako sa mini-park
na malapit lamang sa area.
"Mark, gusto ko nang umuwi."
"Pahinga muna tayo sandali." Umupo siya sa namataan na bench na gawa sa bakal na
tila hapung-hapo. Wala na ang bakas ng mabagsik niyang anyo kanina sa harap ni
Kristofe.
"Mark, please..."
"Sit here." Tinapik niya ang bakanteng espasyo sa kanyang tabi. "How's your leg?
Does it still hurts?"
"I'm fine." Napilitan akong umupo sa tabi niya dahil kahit ano pa ang sabihin ko ay
hindi ko siya mapipilit. Ilang sandali ay naramdaman ko ang kanyang ulo sa aking
balikat.
"Ji..." He's using that tone again. "Did you enjoy the party?"
Parang gusto kong matawa. Hindi ko malaman kung magsisinungaling sa kanya o
magsasabi ng totoo.
"Are you bored with me?" Muling tanong ni Mark.
"Bored ka naman talagang kasama." Subalit hindi man lang niya sinakyan ang biro ko.
Ang slow niya talaga!
Hindi na ulit siya kumibo si Mark at nanatiling tahimik. Naisip ko na baka
nakatulog na siya sa balikat ko. Ngunit ramdam ko ang makailang ulit na paghugot
niya ng malalim na hininga. He was bothered. Nagkaganyan lang naman siya nang
dumating sa party si Joanna kasama si Kristofe. And the way he acted and treated
his stepbrother, hindi ko na kailangan hulaan kung bakit. Mark was jealous!
I've never seen him like this before... Ngayon lang. At nahiling ko sarili na sana
hindi ko na lang nakita. Na sana hindi na lang ako ang babaeng kasama niya ngayong
gabi. Para kahit papaano ay maprotektahan ko aking sarili sa sakit na nararamdaman
ko ng mga oras na ito.
She's mine! Parang echo na paulit-ulit iyon sa akin pandinig. Subalit dapat ko ba
talagang ikatuwa ang pag-aangkin niya sa akin? For sure, sinabi lang iyon ni Mark
to get back on Kristofe. Bagaman alam ko na hindi niya magagawa na gamitin ako para
sa kanyang pansariling interes, pero bakit taliwas iyon sa nararamdaman ko?
"Ji..."
"Yes?" Mabilis kong kinuskos ng daliri ang mga mata bago bumaling sa kanya. Subalit
sa paglingon ko ay tumingala naman si Mark. Nagkasalubong ang aming mga mukha.
Inisip ko na iiwas siya ngunit unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.
Oh god! Oh god! Gustong mag-panic ng isip ko. I couldn't move as if my life depends
on it.
Mark lightly set his lips on mine, kissing me slowly, softly and sweetly. I closed
my eyes unwillingly and let my heart decides for me. I just know that in that
moment I'm the only thing that matters to him.
Suddenly he broke the kiss and pulled me back.
"I'm sorry," he whispered and dropped his gaze. "Let's go home." Tumayo si Mark at
nagpatiuna patungo sa nakaparada niyang sasakyan. Naiwan akong naguguluhan habang
nakasunod ang tingin sa kanya.
What happened?

Wala kaming kibuan hanggang sa maihatid ako ni Mark sa bahay. Hindi ko hinintay na
ipagbukas niya ako ng pinto at ako na mismo ang nagkusa. Another minute with him,
baka tuluyan na akong bumigay.
"Ji, I'm sorry." Napahinto ako sa pagbaba ng kotse ngunit hindi lumingon sa kanya.
Ngayon ko nakumpirma ang aking hinala. Para akong aatakehin sa puso sa sobrang
sakit na nararamdaman.
"I'm sorry, Jianne. Hindi ko sinasadya-"
"Isa pang sorry mo at talagang babasagin ko ang nguso mo!" Galit na galit na gusto
kong saktan siya.
"Ji..." Mark tried to reach me, ngunit nakababa na ako ng kotse. Halos takbuhin ko
ang pintuan papasok ng bahay at dumiretso sa aking kuwarto. At doon ko inilabas ang
emosyon na kanina pa gustong sumabog sa dibdib ko.
I can't understand him anymore. Naguguluhan ako sa mga kinikilos at pinapakita
niya. One moment he's sweet and thoughtful, one moment he's cold. And now he's a
complete asshole! Pakiramdam ko ay pinaglaruan niya hindi lang ang damdamin ko,
kundi ako mismo.
Shet ka, Mark! Shet ka!

Chapter Twenty Nine: Help

Chapter Twenty Nine: Help


JIANNE
"Jianne, nakakagulat ka naman!" Sapo ni Trisha ang dibdib kasabay ng panlalaki ng
mga mata. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil doon ako dumaan sa backdoor
sa kusina.
"I'm starving. May makakain ba d'yan." Lumapit ako sa fridge at kumuha ng orange
juice.
"Don't tell me kagagaling mo lang ng drag racing?"
Hindi ako sumagot.
"I don't like to sounds like 'nanenermon', but Jianne-"
"Don't!" Agap ko sa sasabihin niya at binigyan si Trisha ng warning look. "Hindi
iyan ang kailangan ko ngayon kundi pagkain."
"Fine! Pakakainin na muna kita bago kita sermunan." At naghain siya sa mesa ng
daing na bangus, itlog na maalat with kamatis at sinangag. Hindi na ako
nagpatumpik-tumpik pa at agad na sinunggaban ang mga iyon.
"May nadaanan ka naman Mcdonald, eh 'di sana roon na lang nag-breakfast!"
"Si Jared? Pumasok na ba sa trabaho?" Paglilihis ko ng usapan.
"He's sick. May trangkaso yata. Kaya nga pinapunta ko si-" Biglang nagliwanag ang
mukha ni Trisha na tila mayroon naalala. "How's your date? May development na ba sa
inyo ni Mark?"
Kung kanino niya nalaman ang tungkol doon, malamang kay Ate Lara. At katulad ni
Trisha, ganon na ganon din ang reaksyon nina Mama at Papa. Hindi ko maipaliwanag
ang kanilang excitement na para bang mayroon akong malaking achievement. Nagbiro pa
nga si Papa na mukhang mapapasubo na raw siya na bumili ng minimithi kong sports
car. Kung malalaman lang nila ang totoo, siguradong madidismaya lamang sila.
It's been a week and I never heard anything from Mark. Bagay na inaasahan ko na
mula sa kanya.
"What?" Exagged na tanong ni Trisha. "Jianne, huwag mo na akong i-suspense!"
"I'm dating Kristofe." Actually, I was!
"Si Kristofe? Why him?" Gusto kong matawa sa nakikitang disappointment sa mukha ni
Trisha.
"Bakit naman hindi? He's a good person and I like him."
"Paano na si Mark?"
Bagaman natigilan ay hindi ako nagpahalata.
"Hayaan mo na siya. Kung gusto niyang magpakatandang binata, wala tayong magagawa.
I'm tired of him. Nakakasawa rin ang umasa at magmukhang tanga." Itinulak ko palayo
ang plato at saka tumayo.
"Aalis ka na? Hindi mo pa nauubos ang breakfast mo." Naroon ang pag-aalala sa mukha
ni Trisha.
"Pupunta lang ako ng restroom. Magdyi-dyinggel lang ako."
"Akala ko naman nawalan ka na nang gana."
"Kailangan ba ako tumanggi sa pagkain?"
"Huwag mong ibahin ang usapan. Si Mark ang topic natin."
"Hindi ba puwedeng pagkain na lang ang topic natin? Siguradong mabubusog pa ako."
Iiling-iling na binitbit ni Trisha ang mga hinandang pagkain sa tray at tinungo ang
pintuan palabas.
"Cous, maiwan na muna kita. Dadalhan ko lang ng breakfast si Jared. Huwag kang
aalis. Hindi pa tayo tapos!"
Pag-alis niya ay awtomatikong nawala ang ngiti ko sa mga labi. Anuman iwas ko, sa
bandang huli ay nasusukol pa rin ako. Kung umamin na kaya ako kay Trisha?
Makakatulong ba iyon para gumaan ang dinadala ko?

MARK
"Sir, sandali lang po at tatawagin ko si Mam Trisha sa itaas."
Tumango lang ako at sinundan ng tanaw ang papalayong kasambahay. Nakiusap sa akin
si Trisha na personal na ipasuri si Jared. Kagabi pa raw kasi inaapoy ng lagnat ang
kanyang asawa at hindi niya ito mapilit na magtungo ng ospital.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang may mahagip ang aking paningin. Dala ng
kuryusidad ay lumabas ako sa den at nilapitan ang swing na gawa sa kahoy.
Napasinghap ako sa natuklasan. Naroon si Jianne at tulug na tulog. What the hell
she's doing there?
"Hmmm..." Bahagyang gumalaw si Jianne. Akala ko pa nga magigising siya. Ngunit
nahihimbing pa rin sa pagtulog ang dalaga habang namamaluktok sa pang-apatang katao
na swing. She's still wearing her favorite leather jacket and boots. Hindi ko na
kailangan hulaan kung saan na naman siya nanggaling. Mukhang bumalik na naman siya
sa dati niyang bisyo. Sa katunayan ay may mga bahid pa ng alikabok sa kanyang
pisngi. Umangat ang kamay ko at tangkang pupunasan iyon nang bigla akong matigilan.
"Sir!"
Mabilis akong lumingon at idinikit ang hintuturo sa mga labi. "Baka magising mo
siya."
"Sorry po, Sir!" Mahinang tugon ng kasambahay. "Pinapatawag po kayo ni Mam Trisha
sa itaas."
"Bakit dito siya natutulog?" Sa halip ay tanong ko at muling sinulyapan si Jianne.
"Ang sabi po niya ay magpapahangin lang siya."
"Kanina pa ba siya rito?"
"Mga dalawang oras na po siguro. Gusto n'yong gisingin ko si Mam Jianne?"
"Huwag! Hayaan mo na siya." Muli kong tinapunan ng tingin ang nahihimbing pa rin na
dalaga bago humakbang papasok ng bahay.
"Pate, sabi ko sayo lagnat-laki lang ito!" Masiglang wika ni Jared na tila walang
trangkaso. Kanina lamang ay matamlay pa siya ng dumating ako. Ngunit pagkatapos ko
siyang masuri ay nakakapagtaka na bumalik ang kahyper-an niya.
"Ang sabihin mo lagnat-tanda. Hay naku, Mark! Pagsabihan mo nga iyan kaibigan mo.
Napakatigas ng ulo. Kahapon pa masama ang pakiramdam niya pero nagpumilit pa rin
maglakwatsa. Pinaiinom ko ng gamot, ayaw naman. Mapait daw ang lasa. Natural, wala
naman gamot na masarap!" Mahabang lintanya ni Trisha habang panay ang irap sa
asawa.
"Jared, you need a complete bedrest, at least for one week."
"One week! Paano na ang trabaho ko?" Mabilis niyang protesta. Nagtangka pa siyang
bumangon ngunit maagap ko siyang napigilan.
"I said complete bedrest. Trish, kapag nagpumilit ang asawa mo, itali mo sa kama
hanggang sa tuluyan gumaling." At muling binalingan ang kaibigan. "Jared, for
awhile stay away from Jenaira. Baka mahawa sayo ang anak mo."

"Narinig mo iyon, Monreal? Hindi ako magdadalawang isip na sundin si Mark kapag
pinairal mo naman ang katigasan ng iyong ulo."
Dismayadong napaungol si Jared at parang bata na isinubsob ang mukha sa unan.
"Here!" Inabot ko kay Trisha ang iniresetang gamot. "Bilhin mo ang lahat ng mga
nariyan. Nakasulat na rin kung anong oras at ilang beses sa isang araw mo paiinumin
ang iyong asawa. At ang mga bilin ko huwag mong kakalimutan."
Sinabayan ako ni Trisha sa pagbaba nang maabutan namin si Jenaira na naglalaro sa
sala kasama ang kanyang yaya. Nagtatalon sa tuwa ang bata nang makita ang sariling
ina. Binuhat ni Trisha ang anak.
"Jenaira, say hello to Tito Mark." Bumungisngis ang bata nang tumingin sa akin. I
smiled back and gave her a peck on her cheek. Muli siyang bumungisngis na tila
nakikiliti.
"Jenaira likes you, at ganon din si Baby Ron-Ron. Ano bang meron sa iyo at gustung-
gusto ka ng mga bata?" Natatawang sabi ni Trisha.
"Dahil guwapo ako?"
"Conceited!"
Ang lakas ng tawa ko.
"Mark, dito ka na lang mag-lunch."
"I'd like to pero marami akong naiwang trabaho sa ospital. Kailangan ko nang
bumalik."
Hindi na nagpumilit si Trisha at nakuntento na lang sa paghatid sa akin sa labasan.

"Nasaan na siya?" Bigla akong huminto sa paglalakad.


"Sinong siya?" Nagtatakang tanong ni Trisha.
"Si Jianne. Kanina lang ay natutulog siya rito sa swing." Sinundan niya ng tingin
ang tinutukoy ko.
"Baka umuwi na."
Muli kong binalingan ang bakanteng swing na tila makikita ko pa si Jianne roon.
"Kung anuman ang hindi n'yo pagkakaunawaan ni pinsan, sana ay maayos n'yo na. Daig
n'yo pa ang may lover's quarrel at hindi ako sanay na ganyan kayong dalawa. Para
kayong mga sira!"
Pilit akong ngumiti at bahagyang pinisil ang kanyang balikat. "Got to go!"
Bumalik ako ng ospital at muling isinubsob ang sarili sa trabaho. Halos hindi ko na
namalayan ang oras sa sobrang kaabalahan. Pasado alas diyes ng gabi nang
makatanggap ako ng phonecall mula kay Papa. It's Tita Belle again.
Pasakay na ako ng kotse na muling tumawag si Papa. He couldn't contact Kristofe.
Hindi raw nito sinasagot ang cellphone. Labag man sa kalooban ay inako ko na lang
ang pag-contact sa kanya.
I dialed his number for several times, pero sinasagot ni Kristofe ang tawag ko.
Where the hell are you?

JIANNE
Hindi ko naitago ang maluwang na pagkakangiti nang bumaba ng black knight. Panalo
ako. This time nagawa ko rin talunin si Kristofe.
"Congrats, Jianne!" Sinalubong ako ng mga naroon at isa-isa akong binati habang
abala ang mga mata ko sa hinahanap. Where is he?
"Hindi ako makapaniwala na naisahan mo ako!" Si Kristofe na biglang lumitaw sa
likuran ko. "Mukhang natutunan mo na ang technique ko."
"Not really. Sinuwerte lang talaga ako."
"I don't think it's luck, Jianne. You're really a talented person."
Natawa ako. "I know. Iyon nga lang, ginagamit ko sa mga kalokohan ang talent ko."
"Hindi naman!"
Ilang sandali ay lumapit sa akin si Roger upang iabot ang napalunan kong premyo.
"Thirty thousand in cold cash," he said, pagkatapos bilangin ang pera sa palad ko.
"Thanks!" Napangisi ako. This is too much for tonight. Hindi ko kayang kitain iyon
ng isang araw sa car shop. Hindi pa kasama roon ang twenty thousand na pustahan
namin dalawa ni Kristofe.
"I don't have a cash here if you like-"
"No, it's okay! Ibigay mo na lang sa susunod na magkita tayo."
"But this is the last time you will see me here."
"You'll never race again?"
Hindi sumagot si Kristofe ngunit mataman na nakatitig sa akin.
"What?"
"You sounds like you're going to miss me," he said, teasing me.
"Curious lang ako!" I made a face.
Tumawa siya at tila nananadya na inilapit pa ang kanyang mukha sa akin. Napaatras
akong bigla.
"Pinagtitripan mo ba ako?"
"Natutuwa lang akong makita ang pamumula ng mga pisngi mo."
"You're imaginaring things, Kristofe!"
"Pikon ka pa rin katulad ng dati." He chuckled again. "But seriously, magiging busy
na ako sa mga darating na araw. I need to work hard to reach my goals. Actually,
I'm almost there. Malapit ko nang mapasakamay ang mga iyon."
"Anong ibig mong sabihin?" Tila may kakaiba sa kanyang tinig na nagbigay ng weird
na pakiramdam sa akin.
"Never mind what I said. So, saan mo ako iti-treat ng dinner?"
Biglang nagkagulo ang mga tao nang Umalingawngaw ang sirena ng police mobile sa
paligid.
"Jianne run!" Sigaw ni Kristofe. Agad na kumaripas ako ng takbo sa kinarooonan ng
Audi at mabilis na pinaandar iyon. Ngunit bago pa ako makalayo ay dalawang police
mobile ang humarang sa aking daraanan. Tinangka kong iatras ang kotse subalit huli
na para roon. I was trapped.
I never imagined that one day I would find myself behind bars. Bukod sa nagkaroon
ako ng police record dahil sa illegal racing, siguradong malalagot ako kina Mama at
Papa sa oras na malaman nila ang tungkol dito. I'm doomed! Matatapos na ang
maliligayang araw ko.
"Help me if you can I'm feeling down..."
Maang na napalingon ako sa kabilang kulungan. Nagawa pa niyang kumanta sa kabila ng
kinakaharap namin sitwasyon.
"Won't you please, please... help me!"
"You're crazy!"
Tinawanan ako ni Kristofe. "We're going to be crazy if we take it seriously. just
relax. Sa halip na magpanic, maghintay na lang tayo nang tutulong sa ating dalawa
para makalabas dito."
"Hindi tayo puwedeng maghintay lang. Kailangan natin humingi ng tulong." Tinawag ko
ang nakaduty na pulis. "Sir, pwede po bang makigamit ng telepono? May importante
lang akong tatawagan." Si Trisha lang ang naisip kong mahihingan ko ng tulong.
Subalit hindi ako pinansin ng nasabing pulis at nilagpasan lamang ako.
"As I said, maghintay na lang tayo ng taong tutulong sa atin. For sure, on way na
siya."
"Yeah, right!" Hindi ko malaman kung nagsasabi siya ng totoo o ginu-goodtime niya
lamang ako.
"Jianne!" I stiffed when I heard that familiar voice. Ito na ba ang tulong na
sinasabi ni Kristofe?

Nakakapagtaka ang pagiging kalmante ni Mark nang dumating ng police station.


Bagaman wala siyang kibo, ramdam ko ang matatalim niyang sulyap hindi lang sa akin,
kundi pati na rin kay Kristofe. And I had this dread feeling na hindi matatapos ang
gabing ito. Pagkatapos niyang makapagbayad ng piyansa ay pinalaya na ako ng mga
pulis.
"Mark, si Kristofe? Hindi mo ba siya pipiyansahan?"
Tumingin lang sa akin si Mark, pagkatapos ay kay Kristofe at walang salita na
humakbang palabas ng presinto at dumiretso sa nakaparada niyang kotse.
"Mark, sandali lang!"
"Get in!" Mariin niyang utos nang pagbuksan ako ng pinto.
"Hindi natin puwedeng iwanan si Kristofe. Kailangan mo rin siyang tulungan
makalabas."
"I said get in!"

"No! Kung ayaw mong tulungan si Kristofe, ako ang hahanap ng paraan para makalabas
siya." Tangkang babalik ako sa loob ng presinto nang pigilan ako ni Mark.
"Didn't I tell you to stay away from him? Wala siyang magandang idinudulot sa'yo."
"Wala siyang masamang ginagawa!"
"Wala ka ngayon dito kundi hindi dahil sa kanya!"
"Alam kong galit ka kay Kristofe, pero kapatid mo pa rin siya and he needs your
help."
"Hindi ko siya kapatid!" He said furiously. "And he will never be!"
"Ganyan na ba kakitid ang utak mo?" Gilalas na napatitig ako kay Mark. Sa isang
iglap ay parang hindi ko na siya kilala.
"Jianne, huwag mo akong pilitin-"
"Na isumbong sa mga magulang ko? Then go! Hindi na ako magtataka kung gagawin mo
iyon."
Patalikod na nagmura si Mark bago muling humarap sa akin.
"Jianne, please..." His voice was lower this time. "Marami na akong problema. Huwag
ka nang dumagdag pa."
Doon tuluyan nag-init ang ulo ko.
"Sinabi ko ba sa'yo na problemahin mo ako? Ikaw lang naman itong nag-oobliga sa
sarili mo. Ang hirap kasi sa'yo masyado kang pakilamero!"
"Kung hindi ako dumating ngayon, sa palagay mo ba may tutulong sa'yo?"
"I never asked you to help me... To be there for me. I never asked you to take care
of me and to protect me. I never asked anything from you. And I don't why you think
I needed you most when I actually hated you for being like that."
"You hated me?" His eyes wide with panic.
"I tried to pretend as if I'm not... But the more I hide my true feeling, it only
hurts me more."
"Jianne..." He reaches for me and I step back instinctively.
"I want you to stay from me. Things couldn't be the same again between us no matter
how you try."
"I-I can't..."
"Huwag mo na akong pahirapan. Kung ipagpipilitan mo ang sarili mo sa akin mas lalo
mo akong sinasaktan." I blinked hard not to shed a tear, but I failed. "If you
really care for me, stay away. Please, Mark... Please help me to get over you. "
He didn't say a single word and let me disappeared from his sight.

Chapter Thirty: Trust

Chapter Thirty: Trust

JIANNE
Bago umuwi ay naisipan kong dumaan ng 7-Eleven. Bibili lang sana ako ng maiinom
nang madaanan ko ang sandwich section. Haist! Halos kakakain ko lang pero nagugutom
na naman ako.
Kumuha ako ng isang sandwich bago dumiretso sa fridge. Pag-abot ko ng pocari sweat
ay may isang kamay din ang sumunggab doon. Handa naman sana akong magpaubaya pero
pagpihit ko ay bumulaga sa akin ang pagmumukha ni Joanna. Kahit siya ay nagulat
nang makita ako.
"This is mine. Ako ang nauna," sabi ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa bote. Nag-
iisa na lamang iyon at hindi ako makapapayag na mapunta ang inumin sa kanya.
"But I saw it first." Nakipaghilahan sa akin ang si Joanna ngunit wala siyang
panama sa puwersa ko. Kung magpupumilit pa siya ay talagang makakatikim na siya ng
uppercut mula sa akin.
Pagkatapos magbayad sa counter ay puwesto ako sa bakanteng mesa sa isang sulok. Na-
freeze ako sa pagkagat ng tinapay nang bigla na lamang umupo si Joanna sa bakanteng
upuan sa mismong harapan ko. Nananadya ba talaga siya?
"Hindi maganda sa katawan ang madalas na pagkain ng junk foods," aniya habang
binubuksan ang biniling distilled water. Nagtiyaga na lamang siya sa tubig.
Hindi ko malaman kung concern ba siya o gusto niya lang mang-inis.
"Are you waiting for someone?" Muling tanong ni Joanna. Mukhang wala siyang balak
na tigilan ako.
"No. Gusto ko lang kumain," padaskol kong tugon. Hindi na ako makikipagplastikan sa
kanya.
"Oh! I just thought that you are waiting for him."
Awtomatikong umangat ang kilay ko. Obyus naman kung sino ang tinutukoy niya.
"You know what? I've been waiting for this moment to get along with you... To know
you better. "
"Hindi tayo close. Huwag kang feeling!" Kung hindi lang ako nagugutom, kanina ko pa
siya nilayasan. Binilisan ko na lamang ang pagkain. Kulang na lang ay pagkasyahin
ko sa bibig ang buong sandwich.
"But Jianne, I really like you to be my friend."
Kung hindi ko agad napigilan ang sarili, malamang ay naibuga ko kay Joanna ang
laman ng aking bibig. Mabilis na dinampot ko ang botelya ng pocari sweat at sunud-
sunod ang ginawa kong paglagok bago pa ako tuluyan mabulunan.
"Jianne, I'm serious. Gusto ko talagang mapalapit sa'yo."
Basta ko na lamang ibinagsak ang botelya sa ibabaw ng mesa at lumikha iyon ng
ingay. Maang na napatitig sa akin si Joanna.
"Mabuti pa ang mga plastik nare-recycle, pero ikaw hindi!"
She blinked hard, bago tuluyan ma-absorp ng utak niya ang ibig kong sabihin. Sa
isang iglap ay nagbagong-anyo ang kanyang magandang mukha.
"Hindi na ako magtataka kung bakit hindi ka niya magustuhan," she said, smiling
devilishly. "Wala kang breeding. Hindi ka nababagay sa isang tulad niya."
"At sino naman ang bagay sa kanya? Ikaw?"
"He likes me and he also cares for me."
"He also likes me, cares for me too. To the point the pinapakialaman na niya ang
buhay ko. Ganon kami ka-close na dalawa."
Bumulanghit ng tawa si Joanna sa aking pagkamangha. Para siyang evil witch sa mga
disney movie cartoons.
"Poor dear. Didn't you get it? For him you're just like a little sister that he
lost."
Ouch! Sapul ako roon.
"Don't be full of yourself. Close man kayong dalawa ni Kristofe, but it doesn't
mean na ka kaya niyang mahalin. Huwag ka nang umasa dear, masasaktan ka lang lalo.
Ikaw rin!"
Wait! There was a mistake here. Si Kristofe? Buong akala ko ay si Mark ang pinag-
uusapan namin dalawa.
"Kung hindi lang para kay Kristofe, hindi ako makikipaglapit sa'yo," pagpapatuloy
niya. Hindi pa pala tapos si Joanna na ipakita sa akin ang kanyang pangit na ugali.
"But since ikaw ang 'little sister that he lost', pipilitin kong maging mabait
sa'yo... Kahit kunwari- What are you smiling at?"
Ang malapad kong ngiti ay nauwi sa malakas na pagtawa. Ginaya ko lang ang ginawa
kanina.
"He's all yours. Isaksak mo pa sa baga mo na punung-puno ng kaartehan at
kaplastikan!"
"Jianne!"
Marahas akong napalingon nang marinig ang pamilyar na tinig ng isang babae- si
Gabby! Kasunod niya sina Sonnie at Cass habang papasok ng store.
"You're here!" Eksaheradang sabi pa ni Gabby sabay turo sa akin. Tila tuwang-tuwa
siya na makita ako. "Cass, she's here!"
"I told you," halos pabulong na sagot ni Cass, wearing her famous poker face.
"Jianne, siya ba ang ate mo?" Sabay turo ni Sonnie kay Joanna. Ang lakas ng tawa
ko. Iyon ang pinakanakakatawang joke na binitiwan ng kaibigan.
"Excuse me, I'm not her sister!" Nakasimangot na wika ni Joanna sabay irap.
"Sorrey!" Sinadya ni Sonnie na artehan ang boses at gumanti ng irap. Kung hindi ko
agad napigilan ang kanyang kamay, malamang naliligo na si Joanna ng malamig na
pocari sweat.
"Guys, she's Dr. Joanna Fernandez." Iisa lang ang naging reaksyon ng mga
kaibigan... Lahat sila ay umarko ang mga kilay. Si Sonnie, may kasama pang pag-ikot
ng mga eyeball.
"Ati, patabi ha?" Si Gabby na nagpumilit na sumiksik sa upuan ni Joanna. Halos
hindi pa nakakabawi ang dalaga nang dutdutin ni Cass ng hintuturo ang kanyang
pisngi.
"Miss, you're too pale. Hindi ka na siguro nasisinagan ng araw."
"Anong brand ng glutathione ang gamit mo?" Tanong ni Sonnie na tangkang gagayahin
ang ginawa ni Cass subalit biglang tumayo si Joanna.
"Aalis na ako!"
"Wait, Julianna, hindi pa tayo nakakapagbonding." Pigil ni Gabby.
"It's Joanna not Julianna!"
"Come on, let us treat you something. Waiter!" Kinawayan ni Sonnie ang nagulat na
crew sa counter.
"N-no, thank you." Muling tumayo si Joanna. Bakas sa mukha niya ang pagkailang. "I
really have to go. It's nice to meet you all." She managed to smile at walang
likod-lingon na tinungo ang pintuan palabas ng store. Sa pagmamadali ay naiwanan
niya ang biniling distilled water sa mesa na halos hindi pa nababawasan.
"I don't like her!" Si Sonnie.
"Me too!" Si Cass.
"I second the motion. But I like her dress!" Si Gabby habang nakasunod ang tingin
sa labas. "Okay, she's gone. Now, it's time for us to celebrate!" Sinumpong na
naman siya nang ka-hyper-an. "Waiter!"
"Mga baliw talaga kayo!" Hindi ko malaman kung matatawa o magpapasalamat sa
kapraningan ng mga kaibigan. "Why are you all here? Anong meron? At saka paano
ninyo nalaman na nandito ako?"
"We tracked your location. I mean, Cass tracked your location through GPS. Astig
'di ba?" Ibinida ni Gabby ang application sa cellphone ng kaibigan.
"Jianne, pagpasensyahan mo na si Gabby ngayon lang niya nalaman ang silbi ng GPS,"
natatawang sabi ni Sonnie.
"Isn't it amazing?" Panggagaya ni Gabby sa famous line ni Kim Chiu sa pelikula.
"Isn't it surprising? Isn't it?"
Nakatulala lang kami sa kalukringan niya.
"Ano ba guys? Mag-celebrate na tayo!"
"Celebrate for what?" Tanong ko at saka tinapik ang kamay ni Sonnie sa tangkang
pagkuha sa aking pocari sweat.
"It's valentines day. Mabuhay ang mga walang lovelife. Yahoo!"
"Order na tayo ng makakain. Waiter!"
"Tange! Self-service rito!"
"Ganyan ba talaga ang epekto ng mga taong palaging single every heart's day?"
Tanong ko kay Cass habang pinapanood ang kabaliwan nina Sonnie at Gabby.
Nagkibit-balikat lamang ang kaibigan. Tinamad na naman siguro siyang magsalita.
"Oo nga pala, salamat sa tulong mo noong isang gabi. Kung hindi dahil sa'yo ay
hindi makakalabas ng kulungan si Kristofe. Maasahan talaga kita, friend. Send my
regards to your general uncle."
"How well do you know him? Seryosong tanong ni Cass na nagpakunot ng noo ko.
"Si Kristofe?"
"I had this bad feeling for him. Ayoko sana sabihin ito sayo but... Don't trust him
too much," she said, sending shivers throughout my body.
"What do mean?"
"Here's our ladies drinks!" Biglang entra ni Gabby at muntikan nang matapon ang
dala niyang apat na cups ng slurpy.
"And our pulutan!" Isang damakmak na mga chichirya ang basta na lamang isinaboy ni
Sonnie sa ibabaw ng mesa. Parang magpi-picnic lang. "May kulang pa ba? Do you want
anything else?"
"Mam, kailangan n'yo po munang bayaran sa counter ang mga kinuha ninyo," wika ng
lalaking crew na lumapit sa aming puwesto.
"Gabby, bayaran mo na!"
"Teka, bakit ako?"
"Wala akong dalang cash."
"Wala akong dalang pera!"

"Cass, ikaw na raw magbayad!"


"Si Jianne ang singilin ninyo!"

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Cass nang gabing iyon. I knew her as an
observant person. She's a great judges of character. Pero ayoko rin husgahan si
Kristofe. So far, wala pa naman siya hindi magandang ipinakita sa akin.
"Bossing?"
Nag-angat ako ng mukha sa lalaking nasa harapan. Bakas sa mukha niya ang pagtataka
at pag-aalinlangan.
"Bogard, may kailangan ka?"
"Bossing, 'yung resibo." Itinuro niya ang hawak kong papel na kanina ko pa
tinitigan. Napilitan akong iabot iyon sa kanya.
"Bossing, okay ka lang ba? Parang wala ka kasi sa sarili mo."
"Nagugutom ako," pagsisinungaling ko at wala sa loob na lumipad ang aking mga mata
sa pintuan. Mula roon ay natatanaw ko si Kristofe na abala sa pakikipag-usap sa
kanyang cellphone. Bigla na lamang siyang sumusulpot sa talyer kung kailan niya
gustuhin. Ngayon ay naririto siya para raw ipa-check ang breaking system ng kanyang
kotse.
"Bossing, magpalibre tayo ng meryenda kay pogi."
"Ikaw ang nakaisip, eh 'di ikaw ang magsabi sa kanya."
Dismayadong napakamot ng ulo si Bogard.
"Bossing, matanong ko lang. Nanliligaw ba sa'yo si Pogi?"
Muli akong nag-angat ng mukha at saglit na sinulyapan si Kristofe.
"Hindi!" Dahil may Joanna na siya.
"Sayang naman!"
"Anong sayang?"
"Sayang dahil bagay pa man din kayong dalawa. Maganda ka at guwapo siya. At sa
nakikita ko kay pogi mukha naman may gusto siya sa'yo. Nauunahan lang siguro ng
katorpehan. Ikaw naman kasi, Bossing, mas lalaki ka pang kumilos kaysa sa kanya."
Ang talim ng tingin ko kay Bogard. Nangingiting nag-peace sign siya sa akin at
dali-daling lumabas ng opisina bago pa ako tuluyan magalit.
"Jianne."
Nang muli akong mag-angat ng mukha ay si Kristofe naman ang nasa harapan ko at
nakangiting nakatunghay sa akin.
"Busy ka ba? Can I invite you to dine outside?"
Lihim na sinulyapan ko ang wall clock. Maaga pa para mag-lunch break.
"Kung gusto mo magpadeliver na lang tayo ng pagkain?" Marahil ay nakita ni Kristofe
ang pag-aalinlangan sa mukha ko. Pero nang sumagi sa isipan ko si Joanna, nakaisip
ako ng kapilyahan. Kung yayain ko kaya ang binata na magtungo sa ospital?
"Let's eat outside!" Tumayo ako at dinampot ang susi ng pick-up sa ibabaw ng mesa.
Paglabas ng opisina ay nahagip ng mga mata ko ang kulay asul na kotse sa harapan ng
talyer. Nasa tabi nito ang binatang doktor na noo'y kausap si Bogard.
"Nandito pala si Mark," wika ni Kristofe sa aking likuran.
"Tara na!" Yaya ko sa kanya at nilapitan ang nakaparadang pick-up na tila walang
nakita.
"Hindi mo ba siya lalapitan?"
"Umalis na tayo para maaga rin tayong makabalik," sa halip ay sagot ko.
"Bossing!" Humahangos na lumapit sa akin si Bogard. "Pasensya na bossing, kanina
kasi tumawag si Boss Mark. Tinanong niya kung nandito ka sa talyer. Ang sabi ko
naman wala ka, katulad ng binilin mo. Pero hindi ko naman akalain na pupunta siya
rito para ipagawa ang kotse niya."
Muling lumipad ang mga mata ko kay Mark. Bagaman nahuli ko siyang nakatingin sa
akin ay mabilis din siyang nag-iwas.
"Ikaw na lang ang bahalang mag-asikaso sa kanya," tinapik ko sa balikat si Bogard.
"Ikaw na rin muna ang bahala sa talyer. Magpupuntahan lang kami sandali ni Kristofe
pero babalik ako kaagad." Pagkatapos ay binalingan ko si Kristofe na kunot-noong
nakatingin sa akin.
"Would you mind if we ride my ducati?"
"S-sure."

Nagpunta kami ni Kristofe sa isang restaurant na madalas niyang ibida sa akin. And
I think he was right. Masasarap nga ang mga putahe nila roon, lalo na ang specialty
nilang crispy pata.
"May problema ba kayo ni Mark?" Hindi ko inaasahan na tanong ni Kristofe. "I don't
want to intrude but maybe I can help."
"We're not okay." Pilit ang ngiting isinukli ko sa kanya. "End of the story."
"I understand."
Hindi na ulit nag-usisa si Kristofe, bagay na lihim kong pinasalamatan. Hindi pa
ako handang pag-usapan ang anuman may kinalaman kay Mark, lalung-lalo na sa kanya.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay kapansin-pansin ang bigla niyang pananahimik.
Hindi naman siguro siya na-offend sa sinabi ko kanina.
"Sorry, may iniisip lang ako," he said, forcing a smile. Ngunit ramdam ko ang pag-
aalinlangan niya. Tila mayroon bumabagabag sa kanya. Pasakay na kami ng motorsiklo
nang muling magsalita si Kristofe.
"Can you do me a favor?"
"Sure."
"P'wede bang dumaan muna tayo sa bahay? May kukunin lang akong mga papeles na
kailangan kong dalhin sa ospital."
Hindi ko naitago sa kanya ang pagkabigla sa aking mukha.
"Oo nga pala si Mama." Napakamot siya ng batok. "Sorry, kalimutan mo na lang ang
sinabi ko. Magta-taxi na lang-"
"No, it's okay!" I said before I could think. "Ihahatid na kita."
Nagliwanag ang mukha ni Kristofe. "Thanks!"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang tumingala sa malaking bahay ng mga Mendoza.
Ayoko sanang isipin, but I had this dread feeling na tila mayroon hindi magandang
mangyayari.
"Just wait me here," Kristofe said and holds my arm for a few second, and then
released me. "Sandali lang ako."
Hindi ko maipaliwanag ang lungkot sa kanyang mga mata sa kabila ng mga ngiting
ipinakita niya sa akin. Tumango lang at sinundan siya ng tingin hanggang sa pumasok
siya sa loob ng kabahayan. Naiwan ako sa labas, katabi ang nakaparadang motorsiklo.
Limang minuto ang mabilis na lumipas, subalit hindi pa rin lumalabas si Kristofe.
Ang limang minuto ay nauwi sa sampu hanggang sa maglabing-limang minuto. Tinawagan
ko siya sa cellphone subalit hindi naman siya sumasagot. Kahit labag sa kalooban,
napilitan akong sadyain siya.
"Mam, tuloy po kayo." Isang nakaunipormeng dalagita ang nagbukas sa akin ng pinto.
"Pakitawag na lang si Kristofe. Pakisabi na hinihintay ko siya."
"Jianne?" Bakas sa mukha ni Tito Mario ang pagkagulat nang makita ako. "Anong
ginagawa mo rito?"
"G-good evening po, Tito." I tense up at first, unsure of myself. Hanggang ngayon
ay hindi pa rin ako komportable na makaharap siya. "I was looking for Kristofe. Ang
sabi po kasi niya-"
"Jianne, anak!" Humahangos na bumaba ng hagdan si Tita Belle. Para akong tinulos sa
kinatatayuan na hindi ko magawang kumilos.
"Honey!" Sinubukan ni Tito Mario na harangin ang kanyang asawa subalit hindi ito
nagpigil at dire-diretso sa aking kinaroroonan.
"Jianne, you're here! You came for me!" Sinunggaban ako ni Tita Belle at tuwang-
tuwa na niyakap ako. There is no turning back. Tahimik kong nahiling na sana ay
naririto si Mark.
Taliwas sa inaasahan ko, mukhang mabuti na ang kondisyon ni Tita Belle. Masigla
siyang nakipagkuwentuhan sa akin, habang tahimik at walang kibo naman si Tito Mario
na noo'y nakatayo sa tapat ng bintana at nakatanaw sa labas. Gayunpaman, ayokong
maging kampante.
Lihim kong sinulyapan ang suot na relo at tahimik na nanalangin na sana ay
magpakita na si Kristofe. Hindi ako puwedeng magtagal, kailangan ko nang umalis sa
lugar na iyon.
"Jianne, come!" Tumayo si Tita Belle at iginiya ako paakyat sa itaas ng bahay.
"Saan po?" Nag-aalangan akong sumunod sa kanya. Paglingon ko ay wala na si Tito
Mario sa kinaroroonan niya kanina.
"Sandali lang tayo."
Pinanlamigan ako ng katawan nang makita ang tinutukoy ni Tita Belle. It was
Cheska's room. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa nang yayain niya akong pumasok
sa loob.
"Look, mga paslit pa kayo rito nila Cheska." Pinakita niya sa akin ang nakadisplay
na picture namin tatlo kasama si Trisha.
Happy and sad memories are all coming back in my mind. Kung inakala ko na nakalimot
ako, I was wrong. It's been four years, but the pain of losing a friend is still
there.
Hinayaan ko na lang si Tita Belle na alalahanin ang masasaya niyang alaala ng
kanyang anak. Besides, hindi ko rin naman alam kung paano siya pipigilan. Though,
she looks so fine, she's acting strangely. Bagay na nagdulot nang matinding kaba sa
dibdib ko. This is not good.
"Tita Belle, I have to go."
"Uuwi ka na?" Marahas siyang lumingon sa akin.
"May trabaho pa po akong kailangan balikan," pagdadahilan ko. "Kailangan n'yo na
rin pong magpahinga."
Ilang sandaling nanahimik si Tita Belle habang patuloy akong pinagmamasdan.
Pagkaraan ay tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama.
"Naiintindihan ko, Cheska," she said in my horror. "I'll leave you. Magpahinga ka
na rin." Bago ko pa siya mapigilan ay mabilis niyang tinungo ang pintuan palabas at
isinara ang pinto. Nang pihitin ko ang doorknob ay naka-locked na iyon.
"Tita Belle, open the door!" Sigaw ko. "Tita please!" Subalit hindi siya nagre-
response. Tuluyan na niya akong ikinulong sa kuwarto ni Cheska. She's crazy! Ngayon
ko pinagsisisihan kung bakit nagtiwala ako at naging kampante. Naisip kong humingi
ng tulong kay Tito Mario, ngunit tila ako lamang ang nakakarinig ng mga pagsigaw
ko.
Bagaman nagpapanic ang aking kalooban, pinilit ko pa rin paganahin ang isip.
Kailangan kong makalabas sa silid na iyon. Ang bintana ang unang nahagip ng aking
mga mata subalit kahit anong pilit ko ay hindi ko iyon mabuksan. Mabilis akong
naghagilap ng matigas na bagay sa paligid at nahagip ng kamay ko ang lampshade sa
sidetable at buong puwersa na hinampas iyon sa bintana. Nabasag ang makapal na
salamin at lumikha iyon ng daan upang tuluyan akong makalabas. Subalit sa
pagmamadali ay sumayad ang tagiliran ko sa nakusling basag na salamin at nasugatan
ako. Sa halip na indahin ang sakit ay nagpatuloy pa rin ako, hindi alintana ang
dugo na bahagyang nag-matsa sa suot kong t-shirt. Tumulay ako sa makitid na
railings upang makatawid sa sanga ng isang malaking puno, hanggang sa tuluyang
sumayad ang mga paa ko sa lupa.
Nagtaas-baba ang dibdib ko sa paghabol sa hininga at wala sa loob na tiningala ang
pinanggalingan. Thank God! Buong akala ko ay katapusan ko na, ganon na lamang ang
naramdaman kong relief.Ngunit bago ko pa ako makakilos nang biglang may sumunggab
sa akin mula sa likuran.

Chapter Thirty One: Good Heart

Chapter Thirty One: Good Heart

MARK
"Gigi, didn't I tell you to not interupt me?"
Hindi man lang ako nag-abalang mag-angat ng mukha nang marinig kong bumukas ang
pinto. Dahil ordinaryong araw, wala akong masyadong pasyente at gusto kong
samantalahin iyon upang pag-aralan ang nasa harapan mga papeles na ilang araw nang
nagpapasakit ng ulo ko.
"P'wede ba akong humingi ng oras mo kahit mga five minutes lang?"
Marahas akong nag-angat ng tingin at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni
Muriel. Napatayo ako sa kinauupuan.
"I-I'm sorry. Akala ko staff ko. Take a seat!" Iginiya ko siya sa kalapit na couch.
"Sorry rin kung naistorbo kita."
"Wala iyon." Basta ikaw! "Ahm.. can I offer you anything?"
"No, thank you. Hindi rin naman ako magtatagal." Her smile never leaves her lips.
"I just came to drop by. Actually, kasama ko si Rhamiel at iniwanan ko muna siya
sandali sa kanyang pedia."
"Is he okay?"
"He's fine. Just a quarterly check-up."
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig.
"So, how are you Dr. Mark Mendoza?"
"I'm great!" I matched her smile, sabay hawi sa buhok na bahagyang nawala sa
pagkaka-gel. Seeing her again brightens up my day. Sa isang iglap ay nawala ang
pagod ko sa maghapong trabaho.
"Liar!" Bago pa ako makahuma ay mabilis na tinusok ng daliri ni Muriel ang ilalim
ng kanang mata ko. "You don't look great. Ang laki kaya ng eyebags mo. Natutulog ka
pa ba?"
"Marami lang akong inaasikaso."
"At sa dami ng inaasikaso mo, hindi mo na nabibigyan ng oras ang iyong sarili.
Paano ka magkaka-lovelife n'yan?" Magproprotesta sana ako ngunit naunahan ako ni
Muriel. "Riley told me everything about you. Kaya wala kang maitatago sa akin, Dr.
Mendoza."
Lihim akong napangiwi. Seems like my boring life is an open book to everyone. At
dahil iyon sa mga madadaldal kong mga kaibigan.
"Wala ka naman sigurong balak magpakatandang binata?"
"I didn't see myself like that in the future." I chuckled.
"Good! Dahil isa ako sa maglulungkot kung mangyayari iyon." I saw the sincerity in
her face that makes me feel light. "Hindi man maganda ang una kong impresyon
sa'yo..."
Napangisi ako nang maalala ang una namin pagkikita ni Muriel. Kung paano ko
nadumihan ng kinakain niyang ice cream ang kanyang suot na puting t-shirt, gayundin
ang masungit niyang reaksyon at pagiging snob sa tuwing kami ay magkikita.
"Pero unti-unti kong nakita ang tunay mong pagkatao bilang mabuting kaibigan, hindi
lang kay Riley kundi pati na rin sa tatlo mo pang sira-ulong mga kaibigan. You're a
good and thoughtful person, Mark. And you're capable of real love."
I replied with a smile, at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Hindi ko inaasahan na
marinig iyon mula sa kanya.
"Are you blushing?" Amused na ngumiti si Muriel at nanunukso na pinisil ang mga
pisngi ko. I couldn't understand why she have the same effect on me. Na para akong
teenager na natotorpe sa tuwing nakikita ang aking crush. She's one of a kind. The
only woman who captured my heart a long time ago. Napakasuwerte ni Riley sa
pagkakaroon ng asawa na tulad niya. At kahit papaano ay masuwerte na rin ako, hindi
lang ako napalapit sa kanya kundi itinuring niya rin ako bilang kaibigan.
"So, how is Jianne? The last time I saw her was new year's eve."
"S-she's fine." Bagaman nagulat ay hindi ako nagpahalata.
"I really thought that you were a couple. Pero ang sabi sa akin ni Jared ay hindi
raw kayo talo. Sayang, bagay pa naman kayong dalawa."
I replied with a smile again. Hindi ko alam ang sasabihin. But I knew from that
very moment that I miss her. Aminin ko man o hindi sa sarili ko, nananabik ako na
makita at makasama ulit si Jianne. Honestly, I want to make things better between
us. Yet I just make things ten times worse. Hindi ko alam na nasasaktan ko na pala
siya. And I'm scared of how I feel for her. Kaduwagan man ang tawag doon, hindi pa
ito ang tamang panahon upang harapin ko iyon.

"Why you're here?" Salubong sa akin ni Papa nang dumating ako sa ancestral house.
Nakakapagtaka ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"Inihatid ko lang ang mga gamot ni Tita Belle. Where is she?"

"She's resting," aniya na pagkatapos tanggapin ang binigay ko ay mukhang wala na


siyang balak na kausapin ako.
"Pa, bakit sira ang bintana sa kuwarto ni Cheska?" Naisip kong itanong. Iyon agad
ang una kong napansin nang iparada ang sasakyan sa labas.
"M-may nakapasok na magnanakaw kagabi."
"Okay lang ba kayo ni Tita Belle? May nawala ba sa mga gamit dito?" May kabang
bumangon sa dibdib ko. "Anong kinuha sa kuwarto ni Cheska?"
"Wala naman nawala. Bago pa siguro siya nakapagnakaw ay nagising na ang mga
katulong."
"Sir, mag-juice po muna kayo." Nakayukong inilapag ng katulong ang baso sa ibabaw
ng mesa.
"Aling Doris, nakita po ba ninyo ang magnanakaw?"
"P-po?" Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin. "A-ano po kasi..."
"Wala siya kagabi. Nakaday-off si Doris kahapon," agap ni Papa sa sasabihin niya.
"Doris, maaari ka nang umalis." Nagmamadaling tumalima ang katulong.
"Pa, hindi ba kayo tumawag ng pulis? Kailangan ninyong paimbestigahan ang
nangyari."
"Hindi na kailangan. Okay kami ng tita mo at wala namang nawala."
"Pero, Pa, paano kung muling bumalik ang magnanakaw?"
"Naghire na ako ng security sa labas."
Hindi na ako nagpumilit. Sa tingin ko ay desidido si Papa na kalimutan na lamang
ang nangyari. Pero hindi pa rin ako mapalagay sa kabila ng mga nalaman.
"Where is Kristofe?"
"I-I don't know." Tinungo ni Papa ang kinaroroonan ng mini bar at nagsalin ng alak
sa baso. "Are you ready for tomorrow?"
"Yes." May lungkot sa tinig na tugon ko. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit ako
nakipagkita sa kanya. I want to talk to him as a son to his father. Kahit papaano
ay umaasa ako na makikinig siya sa akin. Pero mukhang nagkamali ako.
"Good. See you then." Humakbang palayo si Papa at lumabas ng silid. Para akong
tinulos sa kinatatayuan habang nakasunod ng tingin sa kanya.
Bukas na ang general assembly, kung saan ay magbobotohan ang lahat ng mga
stockholder ng kumpanya. It's either manatili ako sa aking posisyon bilang
presidente o mapalitan ako ni Kristofe. Wala pa akong katibayan pero malakas ang
kutob ko na iyon ang mangyayari. Subalit na kay Papa pa rin ang huling desisyon.
Nasa kanya kung sino ang kanyang pipiliin at mas papaboran... ang saliri niyang
anak o ang anak na hindi naman niya kadugo?
Naisipan kong puntahan ang silid ni Cheska. Malinis at maayos na ang buong kuwarto
ngunit kapansin-pansin ang basag na salamin sa bintana. May nakita pa akong bakas
ng dugo mula roon at kapirasong tela na sumabit sa nakausling bubog. The intruder
must be hurt. Patunay ang mga bakas ng dugo sa railings.
Lumabas ako ng bahay at nakita ang mga bubog na nagkalat sa damuhan. Tumingala ako
sa puno hanggang sa dumako ang paningin ko sa bintana. Base sa konklusyon ko,
nanggaling sa loob ang intruder, binasag niya ang salamin ng bintana upang
makalabas. Pagkatapos ay tumulay sa railings at kumapit sa mga sanga ng puno upang
makababa.
Ang tanong na gumugulo sa aking isipan, saan at paano siya nakapasok sa loob ng
bahay? At nananatiling palaisipan din sa akin kung ano ang kanyang motibo.
Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang aking cellphone. It was Lara, asking if
Jianne is with me.
"Alam ko na dapat ay masanay na kami dahil hindi ito ang unang beses na hindi umuwi
ng bahay si Jianne. Pero hindi pa rin namin maiwasan mag-alala. Hindi niya
sinasagot ang kanyang cellphone. Nang tumawag ako sa talyer, ang sabi ni Bogard ay
hindi raw siya pumasok. Kahapon pa raw umalis si Jianne at hindi na bumalik."
"I'll try to call her."
"Please, Mark. Baka kapag ikaw ang tumawag ay sumagot si Jianne. We just want to
know if she is safe."
Hindi ko mapaliwanag ang matinding kaba ng mga oras na iyon. Ngunit ayokong isipin
na baka mayroon masamang nangyari kay Jianne. Katulad nang sinabi ni Lara, hindi
ito ang unang beses na hindi umuwi ng bahay ang dalaga. Ang totoo ay madalas niyang
gawin iyon dala ng katigasan ng kanyang ulo.
I was in my car when I dialed her number. Kung ilang beses kong kinontak si Jianne
pero nabigo lang ako. Naisip ko na baka ayaw niya akong makausap. Hindi nga ba ayaw
na niya akong makita? Calling her was not a good idea. Maliban na lang kung ibang
phone number ang gagamitin ko.

Bumalik ako ng ospital. May usapan kami ni Louie na magkikita. Mayroon akong
mahalagang sasabihin sa kanya at kakailangan ko tulong niya.
"What is this?" Kunot-noo na inabot ni Louie ang brown envelope na ibinigay ko at
binuksan iyon. "Bank account statement ito ni Tito Mario. How did you get these?"
"Hindi na mahalaga kung paano ko nakuha ang mga iyan. I need your help. I want you
to study these documents. Hire a private investigator if needed."
"Sinasabi mo ba na may..." Hindi maituloy ni Louie ang sasabihin. His eyes wide-
opened in surprise.
"Something is wrong there. Hindi magwi-withdraw ng malaking halaga si Papa kung
hindi kailangan."
"Maybe he's using the money for Tita Belle's treatment."
Mabilis akong umiling. "Hindi na niya kailangan gumastos. May health insurance si
Tita Belle here and abroad. At kung sakali man, masyadong malaki ang halaga ng pera
para lamang gamitin iyon sa pagpapagamot. Milyon ang pinag-uusapan dito, Louie.
Millions."
Ilang sandali siyang hindi kumibo. Halatang nag-iisip habang pinapasadaan ng tingin
ang hawak na dokumento.
"Mark, maaaring may ibang taong gumagamit ng bank account ni Tito Mario."
"Iyon din ang naisip ko at hindi malayong mangyari iyon."
"Don't you think may kinalaman dito si-"
"Louie, ayokong husgahan siya!" Agap ko sa sasabihin niya. "Ayokong magbintang ng
walang ebidensya. Gusto ko munang makasigurado."
"Pero bukas na ang general assembly. Wala na tayong sapat na panahon para
maghagilap ng ebidensya."
Hindi ako kumibo. Kung kaya ko lang patigilin ang takbo ng oras ay ginawa ko na.
"Alam na ba ni Tito Mario ang tungkol dito?"
"Hindi pa niya dapat malaman. Hindi na muna ngayon."
"Okay. I got it." Ibinalik ni Louie ang mga dokumento sa loob ng envelope. " Ako na
ang bahala sa mga ito."
"Thanks. I know I can count on you." Dinampot ko ang car key sa ibabaw ng mesa at
tumayo.
"You're leaving?"
"May mga bagay lang akong aasikasuhin."

Dumiretso ako sa talyer pagkatapos. Nagbabakasakali na naroon lamang si Jianne at


inutusan lang si Bogard na sabihin na wala siya roon katulad nang ginawa niya
kahapon.
"Boss Mark, wala po talaga rito si Bossing. Kahit pa halughugin ninyo ang buong
talyer wala po talaga siya."
Sa tingin ko naman ay nagsasabi ng totoo si Bogard. Bukod sa nakaparadang pick-up
na madalas gamitin ni Jianne, naroon din ang kulay itim na Audi. Ang wala lang roon
ay ang kanyang motorsiklo. Her ducatti is missing too.
Isang babaeng nakamotorsiklo ang huminto sa tapat ng talyer. Agad na bumaba ang
sakay nito at lumapit sa amin.
"Bogard, tawagin mo ang amo."
"Wala po si Bossing."
"Huwag mo na siyang pagtakpan. Alam kong nariyan siya."
"Jianne is missing." I said. "Kagabi pa siya hindi umuuwi."
Lumingon sa akin ang babae, nakaarko ang kilay. "You must be Dr. Mark Mendoza?"
"Yes."
"I'm Sonnie. Jianne's friend." Inilahad niya ang kamay at napilitan akong tanggapin
iyon. "You said that she is missing, huh?" Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng
pantalon at may tinawagan.
"Cass, Jianne is not here. And this guy who broke her heart told me that she is
missing. I need you to come here right now." She ended the call and faced me again.

"Why are you looking for her?"


"None of your business." I answered coldly.
"I need to know, so tell me!"
"Sonnie!" Isang babae ulit ang bumaba ng kanyang motorsiklo at humahangos na
lumapit sa amin. "Where is Jianne?"
"She's not here."
Binalingan ng babae si Bogard at sinunggaban ang suot nitong t-shirt.
"Ilabas mo ang amo mo kung gusto mo pang mabuhay!"
"W-wala nga po rito si Bossing." Nawalan ng kulay ang mukha ni Bogard sa takot.
"Gabby, enough!" Awat ni Sonnie sa babae. "Jianne is missing."
"Ows? Sinong nagsabi?"
Itinuro ako ni Sonnie. "This guy."
Namilog ang kanyang mga mata nang makita ko.
"Oh my god! Dr. Mark Mendoza? It's nice to meet you in per-" Napigilan siya agad ni
Sonnie bago pa niya ako malapitan. Para siyang nakakita ng artista at gusto akong
sunggaban.
Ang tunog ang motorsiklo ang nagpalingon sa amin lahat. Another Jianne's friend has
arrived. Bagagya niya lamang akong sinulyapan bago binalingan si Bogard.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo, wala po talaga si Bossing dito! Bakit ayaw
ninyong maniwala?"
"Itatanong ko lang naman kung anong oras mo huling nakita siJianne kahapon? Kung
sino ang kasama niya? Kung kinontak ka ba niya o kahit isa sa inyo rito sa talyer."
Napakamot ng ulo si Bogard at tumayo mula sa pagkakaluhod.
"Umalis si Bossing ng tanghali at kasama niya si pogi."
"Si Kristofe!" Bulaslas ko. Siya lang naman ang nakita kong kasama ni Jianne na
umalis kahapon sakay ng kanyang motorsiklo. Could it be? Daig ko pa ang sinipa ng
kabayo dahil sa matinding siklo ng dibdib.
"Do you know him?" Tanong ni Sonnie.
Hindi ko magawang sumagot. Unti-unting kinakain ng takot ang aking isipan at hindi
ako makapag-isip ng maayos.
"Cass, why don't you trace her using your cellphone," Gabby said.
"Track her using GPS. We need to find her." Si Sonnie.
"Yes, we need to find her before it's too late!"
"Huwag n'yo akong tarantahin!"
"Hey, Dr. Mendoza where are you going?" Hinabol ako ni Sonnie nang sumakay ako ng
aking sasakyan.
"Just follow me." Pinihit ko ang ignition at binuhay ang makina ng sasakyan. At
ilang sandali pa ay pinaharurot ko ang kotse sa kalsada kasunod ang tatlong
motorsiklo.

Chapter Thirty Two: Missing

Chapter Thirty Two: Missing

"Jianne, wake up!"


I knew that voice sounded very familiar to me.
"Jianne!"
I opened my eyes halfway. I saw her beautiful face staring down at me.
"Jianne, get up!"
"I-I can't!"
"You need to get out of here!"
"But why?"
"Save you self!" Parang echo ang tinig niya na paulit-ulit sa pandinig ko.
Unwillingly I closed my eyes. Unti-unti akong hinihila ng matinding antok na pilit
kong pinanlalaban. But when I opened my eyes again, she was gone.
Cheska? I knew it was her. Hindi ako maaaring magkamali, siya talaga ang kausap at
kasama ko kani-kanina lang. But she is no longer in this world. Hindi kaya
nananaginip o nagha-hallucinate lang ako?
Inilibot ko ang paningin sa di-kilalang silid. Kasunod ng pagtataka kung saan ako
naroroon, bumalik sa isipan ko ang mga pangyayari.
"Argh!" Napigil ako sa pagbangon dahil sa matinding sakit sa kanang bahagi ng aking
tagiliran. May plaster akong nakapa at sa ilalim n'yon ay ang sugat na natamo ko
mula sa basag na salamin. Dalangin ko na sana ay hindi malala ang sugat.
Kakailanganin ko ng sapat na lakas upang makaalis kung saan man ako naroroon.
Pinilit kong bumangon at muling nilibot ang paningin sa paligid. It was an old
room. Gawa sa kahoy ang mga pader na bahagya nang nababakbak ang kulay asul na
pintura. Maliban sa mga lumang upuan, mesa, aparador at kama ay wala nang ibang
gamit na naroon. It looks like an abandoned room.
Sapo ang sugat ay pinilit ko ang sarili na tumayo. Kailangan kong kumilos bago pa
tuluyan may mangyaring masama sa akin. Ramdam ko na hindi ako ligtas sa lugar na
iyon. Ang mga bintana sa kaliwang bahagi ng silid ang una kong nilapitan ngunit sa
paghawi ko sa maalikabok ng kurtina, tumambad sa akin ang malalaking flywood na
sinadyang itabing doon. I have no option but to use the door. Pero katulad ng
inaasahan ko ay naka-locked iyon.
"Tulong! Tulungan n'yo ako!" Sa nanghihinang tinig ay sinubukan kong humingi ng
saklolo. Nagbabakasakali na mayroon makarinig sa akin. Ginamit ko ang natitirang
lakas at kinalampag ang pinto ngunit hanggang sa mapagod ako ay wala naman
nangyari. Dumausdos ako pababa na tila kandilang nauupos. Hindi ko na kaya. Unti-
unti kong nararamdaman ang panghihina ng buong katawan.
"Ano ang dapat kong gawin? Tell me..." I don't know if I was talking to myself or
to Cheska. Hindi ako makapag-isip ng tama at namimigat ang talukap ng aking mga
mata. Kasabay ng pagsapo sa tagiliran ay binalot ng kadiliman ang paningin ko.

MARK
Basta ko na lamang ipinarada ang kotse nang kung papaano na lang at nagmamadaling
bumaba. Nahagip ng mga mata ko ang kulay asul na Lexus na nakaparada sa gilid ng
bakuran. Tama ang sinabi ni Louie, hindi pumasok si Kristofe sa trabaho.
"He's here?" Tanong ni Sonnie mula sa likuran ko. Kasunod niya sina Cass at Gabby.
Sa halip na sumagot ay tuluy-tuloy ako sa loob ng kabahayan.
"Si Kristofe?" Tanong ko sa nagitlang katulong na sumalubong sa akin.
"N-nasa itaas po."
Nagmamadali akong umakyat ng hagdan at tinungo ang silid ng binata. Hindi naka-lock
ang pinto kaya basta na lamang akong pumasok.
"Mark?" Kalalabas lang ni Kristofe ng banyo nang makita ako. Bakas ang pagkabigla
sa kanyang mukha. "Anong ginagawa mo rito?"
"Nasaan si Jianne?" Sinunggaban ko siya sa kuwelyo at itinulak sa pader. Ngayon
lamang ako nagalit ng husto na gusto kong manakit ng kapwa. "Anong ginawa mo sa
kanya!"
"Mark, ano bang sinasabi mo?"
"She's missing. Alam kong may kinalaman ka sa pagkawala niya!"
Nanlaki ang mga mata ni Kristofe.
"Nawawala si Jianne?"
"Umamin ka na, Kristofe!" Napangiwi siya nang muli kong itulak ng malakas sa pader.
"Ikaw ang huling kasama niya bago siya nawala."
"She's not here!" Wika ni Cass pagkatapos lumabas ng banyo. Nainspeksyon na rin
niya buong silid ni Kristofe. "I'll go check the whole house. Guys, samahan n'yo
ako." Mabilis na tumalima ang dalawa niyang kaibigan at sumunod sa kanya.
"Aaminin ko na magkasama kaming dalawa kahapon. I invited her for a lunch. Then--"
"Then what?"
"Nagpasama ako kay Jianne na balikan ang mga naiwan kong papeles dito sa bahay.
Iniwanan ko siya sa labas at sinabihan na doon na lamang ako hintayin. Pero wala na
siya nang balikan ko, kasama ng kanyang motorsiklo. Naisip ko na baka nainip siya
sa paghihintay at nagdesisyon na lang umuwi."
"Hindi umuwi si Jianne ng bahay nila at wala rin siya sa talyer. Hindi niya
sinasagot ang kanyang cellphone at wala kaming ideya kung nasaan siya ngayon."
"Mark, hindi ako masamang tao katulad ng iniisip mo. Hindi ko magagawang saktan si
Jianne, lalo na ang ipahamak siya. Alam kong alam mo kung bakit."
Hindi pa rin ako kumbinsido na nagsasabi ng totoo si Kristofe. My instinct told me
not to trust him.
"Believe me, ako ang kahuli-huling tao na gagawa ng masama sa kanya dahil mahal ko
siya."
I gritted my teeth. Halos madurog ang aking mga kamay sa higpit ng pagkakahawak ko
sa kanyang kuwelyo.
"Mark, I found her cellphone!" Humahangos na bumalik ng silid si Cass. Nasa kamay
niya ang phone ni Jianne. Wala sa loob na bitiwan ko si Kristofe.
"Saan mo nakita ito?"
"Isa sa mga kuwarto sa left wing. Doon sa dulo."
"Sa kuwarto ni Cheska!" Tumakbo ako palabas at tinungo ang silid ng nakababatang
kapatid na para bang makikita ko roon si Jianne. But I found the room empty.
"I saw her cellphone under the bed." Si Cass, na mabilis na nakasunod sa akin
kasama sina Sonnie at Gabby. Pagkaraan ay sumunod din si Kristofe.
Nanlulumo na napaupo ako sa kama at tumingin sa sirang bintana. I inhale sharply
with shock. No. No, it can't be!
"Mark!" Sigaw ng tatlong babae. Sa isang iglap ay nakalapit ako kay Kristofe at
inundayan siya ng suntok sa mukha. Sabi ko na nga at nagsisinungaling siya. Isang
suntok pa sana ang pakakawalan ko ngunit inawat ako nina Sonnie at Gabby.
"Sabihin mo na sa amin ang totoo bago pa kita mapatay. Wala akong pakialam kahit
magkaanak pa tayo. Kapatid lang naman kita sa kapirasong papel."
Pinahid ni Kristofe ang duguang mga labi.
"Mark, it's not me. Maniwala ka sa akin."
"Kung hindi ikaw, sino?"
"Bakit hindi mo tanungin si Tito Mario?"
"Huwag mong idamay dito si Papa!"
"Marami kang hindi alam, Mark. Maraming pangyayari sa bahay na ito na hindi
sinasabi sa'yo si Tito Mario."
Tangkang susugurin ko sana ulit si Kristofe ngunit nananatiling nakakapit sa akin
si Gabby.
"My mom is sick... And crazy. Hanggang ngayon ay naniniwala siya na buhay pa rin si
Cheska. She was always in her room, talking to her pictures. Then one time, I saw
her holding Jianne's picture. Hindi ko pinansin noong una, until I find out that
she was obsessed with her. Mark, iniisip ni Mama na si Jianne at Cheska ay iisa."
Saglit na dumaan sa isip ko ang mga pagkakataon na hiniling ni Tita Belle sa akin
na makita niya si Jianne. Paanong hindi ko napansin na may kakaiba sa mga kilos
niya?
"A-alam ba ni Papa ang tungkol sa sitwasyon ng mama mo?" But how I wish I never
asked. Lalo lamang naragdagan ang kaba sa aking dibdib nang tumango si Kristofe.
"Pareho natin alam kung gaano kamahal ng papa mo si Mama, na handa niyang gawin ang
lahat." Binanggit ni Kristofe ang ginawang panggigipit ni Papa kay Jianne sa
kagustuhan na mapagbigyan ang kanyang asawa.
Dismayadong napaungol ako. Ayokong maniwala na magagawa ni Papa ang ganon bagay
pero pagkatapos kong komprontahin ang mga katulong ay para na rin nilang
pinatunayan ang mga sinabi ni Kristofe. Ayon kay Aling Doris, nagmamadaling raw
umalis sina Papa at Tita Belle kaninang tanghali. Wala raw binanggit sa kanya kung
saan pupunta ang mga ito pero siniguro niya na maraming silang bitbit na bagahe.
Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon at tinawagan si Papa. Subalit out of
coverage ang kanyang phone.
"Tatawagan ko rin si Mama." Ngunit bigo rin si Kristofe na makontak ang kanyang
ina.
"I guess they are leaving the country," Kristofe said in my horror. "Nabanggit sa
akin ni Tito Mario kahapon ang plano niyang ibalik si Mama sa Australia. But I
didn't expect it to be so soon."
"Do you think kasama nila ngayon si Jianne?" Tanong ni Cass subalit walang sumagot
ni isa sa amin lahat.
Kinumpirma rin ni Aling Doris ang hinala ko. Walang magnanakaw na pumasok sa bahay.
It was Jianne.
"She was trapped in this room and in order to escape she broke the window." Parang
imbestigador na sinisipat ni Cass ang nakausling basag na salamin na may bahid ng
dugo.
"How did you know?" Maang na tanong ni Gabby. "Are you a psychic or what?"
"Tumawag na tayo ng pulis" wika ni Kristofe. "Kailangan na natin ng tulong para
mahanap si Jianne."
"Ako na ang bahala!" Inilabas ni Cass ang cellphone at may tinawagan. Sa kanya ko
na muna ipapaubaya ang ganon mga bagay. Hindi ko alam kung mananalangin ako o mag-
iisip. Naguguluhan ako. Nahahati ako sa pagitan ni Jianne at Papa.
"Mark, nakausap ko ang staff ko," lumapit sa akin si Kristofe bitbit ang kanyang
cellphone. "Hindi kinansela ni Tito Mario ang general assembly. Posibleng magpakita
siya bukas."
Hindi ako kumibo habang nananatiling nakasubsob ang mukha sa mga palad.
"Mark, nakikinig ka ba?"
I'm tired. Ayaw man gumana ng isip ko pero naririnig ko ang lahat sa silid na iyon.
Magmula sa pakikipag-usap ni Cass sa kanyang cellphone, sa pagtatalo nila Sonnie at
Gabby, sa bulung-bulungan ng mga katulong, gayundin ang mga yabag ni Kristofe na
palakad-lakad sa aking harapan.
"Mark, Louie is calling." Napilitan akong mag-angat ng mukha at kinuha ang
cellphone na iniabot ni Kristofe.
"Mark, we need you here right now!"
"We?"
"Kasama ko ang ilang board member. May mahalaga silang sasabihin sa'yo na kailangan
mong malaman."
"I can't go. Not now."
"Pero, Mark, wala na tayong oras. Bukas na ang assembly at--"
"I'm sorry, Louie." Pinindot ko ang end tone at pinatay ang cellphone. Doon ko
napagtanto na may mas mahalagang bagay pa pala akong kailangan kaysa sa posisyon na
gusto kong protektahan.
"Take a rest." Naramdaman kong may tumapik sa aking balikat. "Alam kong hindi
madali sa'yo na tanggapin ang mga nalaman mo tungkol sa iyon ama. Mas mabuting
magpahinga ka na muna kahit sandali lang."
"Tama si Sonnie," sang-ayon ni Gabby. "Don't worry, habang nagpapahinga ka hindi
kami aalis ng mga kaibigan ko. We will a find way kung paano mahahanap si Jianne."
"Gabby, umuwi na kayong dalawa ni Sonnie!" Marahas na lumingon ang dalawang babae
kay Cass. "Wala kayong maitutulong. Maya-maya lang ay nandito na ang grupo ni Kyle.
Sila ang makakasama ko na mag-imbestiga sa pagkawala ni Jianne."
"Ayokong umalis!" Pagmamatigas ni Gabby ngunit hinila siya ni Sonnie.
"Sang-ayon ako kay Cass. Umuwi na tayo. Wala tayong maitutulong dito."
"Pero--"
"Hayaan na natin dumiskarte si Cass. This is her specialty. Nakalimutan mo na ba na
dati siyang police officer?"
"Sa pagkakaalam ko ay dati siyang security guard."
"Tange! Dati siyang security officer ng isang pulitiko."
"Iyon ba 'yung mataray at ingliserang senador?"
Halos wala akong naintindihan sa usapan nilang dalawa habang nakasunod ng tingin sa
kanila papalabas ng pintuan.
"Where do you thing you're going?" Tanong ni Cass kay Kristofe na napigil sa
paghakbang.
"I'm going back to my room."
"No. I want you to stay!" Mariin utos ng dalaga at itinuro ang kalapit na sofa.
Walang nagawa si Kristofe kundi sumunod.
"Walang aalis sa silid na ito. Dito lang kayong dalawa!"
Lihim kaming nagkatinginan ni Kristofe. At ilang sandali pa ay dumating ang isang
grupo na tinutukoy ni Cass. Hindi sila nakauniporme at hindi sila mukhang mga pulis
pero base sa mga kilos at dala nilang mga gamit, tila mga propesyunal sila.
Lumapit sa akin si Cass at may ibinulong.
"Keep your eyes on him. Huwag mong hahayaan na umalis si Kristofe. If he does, just
call me. Naroon lang kami ng mga kasama ko sa receiving room."
Sa kabila ng kalituhan ay tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
"Anong sinabi niya sa'yo?" Tanong ni Kristofe pagkatapos makaalis ni Cass.
"She told me to stay." Hindi ako sigurado kung napaniwala ko siya. Pinag-krus niya
ang mga braso sa tapat ng dibdib at isinandal ang likod habang hindi inaalis ang
tingin sa akin.
Pagkaraan ay pumasok ng silid si Aling Doris at may mga bitbit na pagkain at kape.
"Sir, kumain na muna kayo."
"Kape lang ang sa akin," tugon ni Kristofe. "Mark, ikaw? Do you like coffee?"
"Sure." Tangkang aabutin ko ang tasa nang magprisinta si Kristofe na ipagtimpla ako
ng kape. Hindi na ako tumanggi.
Namagitan ang katahimikan sa pagitan namin ni Kristofe. Walang nagtangkang
magsalita kahit isa sa amin dalawa. Pareho kaming walang kibo, marahil ay nag-iisip
sa kahihinatnan ng mga pangyayari. Subalit kung kailan naman naubos ko ang aking
kape ay saka naman ako hinila ng antok. Ayokong matulog pero hindi ko mapigilan ang
pamimigat ng aking mga talukap.

JIANNE
Nang muli akong magkamalay ay komportable akong nakahiga sa kama. Ang huli kong
natatandaan ay nasa pintuan ako, naghihintay sa posibleng tulong na dumating.
Paanong?
Napabalikwas ako nang marinig ang papalapit na mga yabag. Kasabay ng sakit na
gumuhit sa aking tagiliran, ay ang pagkagulat sa aking mukha. My eyes wide with
shock and panic.

"Ikaw!"

"You'll know she's someone special when no matter what kind of mood you are in, she
can always manage to make you smile."
-Dr. Mark Mendoza

Chapter Thirty Three: Gone

A/N: I know it's been awhile, and I'm so sorry for the very late update. But I
will try my very best to continue writing. Wish me luck guys.

Chapter Thirty Three: Gone

MARK
"He fell asleep!"
Ang tinig ni Cass ang nagpamulat sa akin mga mata. She was right. Kristofe fell
asleep in the sofa. Tinapik-tapik pa niya ang pisngi ng binata, sinisiguro kung
magigising pa ito. Subalit mukhang tuluyan nang umepekto sa kanya ang pampatulog na
inilagay sa kanyang inumin.
When she told me to keep my eyes on Kristofe, I knew there was something suspicious
about him. She don't trust him, and so I. Lingid sa kaalaman ni Kristofe, palihim
na inaabot sa akin ni Aling Doris ang kapirasong papel na naglalaman ng mensahe
mula kay Cass. At katulad ng instruction sa akin ng dalaga, nagpanggap ako na
nakatulog. Bagaman hindi ko alam kung ano ang kanyang pinaplano, iniisip ko na lang
mayroon siyang paraan upang mahanap si Jianne. Subalit paano niya ngayon malalaman
ang kinaroroonan ng dalaga kung walang malay-tao si Kristofe? Malakas talaga ang
kutob ko na malaki ang kinalaman niya sa pagkawala ni Jianne. Siya lamang ang
makakapagsabi kung nasaan na talaga ito.
Nakita kong sumenyas si Cass sa dalawang kasamahan at dali-dali binuhat ng mga ito
si Kristofe.
"Anong gagawin ninyo sa kanya?" Naisip kong itanong. May bahagi ng isip ko ang
gustong tumutol.
"Dalhin n'yo siya sa kabilang kuwarto at bantayan ninyo ng maigi," utos ni Cass na
hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"What's your plan?" Muli kong tanong habang sinusundan ng tingin ang papalayong si
Kristofe. "Cass, sabihin mo sa akin kung ano ang plano mo. Gusto kong tumulong."
"Wala kang maitutulong!"
"Anong wala?" Patuloy ako sa pagsunod sa likuran niya habang binibigyan niya ng
instruction ang kasama na na isa-isang pumasok ng receiving room. Bawat isa sa
kanila ay mayroon mga bitbit na aparato na isa-isang ina-assemble sa ibabaw ng
mesa.
"Ipaubaya mo na sa amin ng mga kasama ko ang paghahanap kay Jianne." Sa wakas ay
hinarap din ako ng dalaga. "Sa ngayon ay tine-trace na namin ang lugar na posibleng
pinagdalhan sa kanya. All you have to do is to wait."
"Sa palagay mo ba mapapanatag ako kung maghihintay lang ako? Jianne is still out
there in danger. And knowing she's wounded, it's scares me even more. Kahapon pa
siya nawawala at maaaring marami ng dugo ang nawala sa kanya. It can lead to a
serious complication and worst to death."
Nakamata lang sa akin si Cass, bakas sa mukha niya ang pagkairita.
"You don't still get my point, don't you?"
"Actually I do. But don't you know that you wasted five minutes already by arguing
with me? Naiintindihan ko ang pag-aalala mo para sa kaibigan ko pero hindi iyon
makakatulong. You're not helping, Dr. Mendoza, so you better back off!"
Nagkipagsukatan ako ng tingin kay Cass, subalit sa bandang huli ay ako rin ang
sumuko.
"Hindi mo na kailangan malaman kung anuman ang pinaplano ko at hindi kita bibigyan
ng pagkakataon na sirain iyon. Unless you want me to kick your butt to get out of
here!"
Darn! She looks scary and dangerous. Wala akong nagawa kundi magmukmok sa isang
tabi habang nagmamasid sa kanilang lahat. I felt so useless. Kahit pilitin ko ang
sarili na gumawa ng paraan para makatulong, hindi ko magawang makapag-isip ng
maayos.
"What's goin on here?" Biglang sumulpot si Tyron sa pintuan, kasunod niya si Vince
na bahagyang napaatras nang harangan sila ng dalawang matatangkad at malalaki na
katawan na lalaki.
"I think we got the wrong house."
"You're right, Vinci boy, naligaw yata tayo."
Bago pa sila makahakbang palabas ng pintuan nang biglang magsalita si Cass.
"Mga kaibigan mo ba sila, Dr. Mendoza?"
Awtomatikong lumipad sa kinaroroonan ko ang mga mata ng dalawang kaibigan. Tila
roon lamang nila napansin ang presensya ko.
"Hindi ko sila kilala."
"Get them out of here!" Utos ni Cass sa dalawang lalaki at walang kaabug-abog na
binitbit ang mga kaibigan.
"Maki boy, huwag ka naman ganyan!" React ni Tyron habang pilit siyang inilalabas.
"T-teka lang... Aray! Dahan-dahan naman!"
"Hindi mo sila susundan?" Muli akong binalingan ni Cass. Hindi ko na kailangan
hulaan kung ano ang gusto niyang mangyari.
"You don't have to tell me." Humakbang ako at walang likod-lingon na lumabas ng
pintuan. She was right. Wala akong maitutulong sa grupo niya, pero may magagawa ako
para hanapin si Jianne sa sarili kong paraan. Lihim akong napangiti ng makita ang
mga kaibigan. Kakailanganin ko ang tulong nilang dalawa.
"Pambihira ka naman, Maki boy! Gusto mo ba kami ipahamak ni Vince?" Reklamo ni
Tyron.
"Hindi naman kayo nasaktan, di' ba?"
"Sino ba 'yung mga iyon? Bakit sila nandito sa bahay mo?" Tanong ni Vince.
"Ang astig 'nung babae. Maganda sana kaya lang nakakatakot. Parang mangangagat."
"Kayo ang dapat kong tanungin kung anong ginagawa ninyong dalawa rito? Paano ninyo
nalaman na nandito ako sa villa?"
"Si Louie ang nag-inform sa akin," sagot ni Vince. "Kailangan mo raw ang tulong
naming dalawa kaya napasugod kami rito. Totoo ba na nawawala si Jianne?"
Tumango ako at wala sa loob na nilingon ang malaking bahay.
"Tara na!"
Mabilis akong napatingin kay Tyron, magkasalubong ang mga kilay.
"Hanapin na natin si Jianne." Nagpatiunang tinungo ni Vince ang nakaparadang
sasakyan, kasunod si Tyron. Hindi ko napigilan mapangiti. Puno man ng kalokohan ang
mga ito, maaasahan ko naman lalo na sa mga ganitong pagkakataon. Pasakay na ako ng
kotse nang biglang may mahagip ang aking mga mata sa gilid ng bahay. Hindi ako
sigurado kung ano iyon pero tila mayroon tumutulak sa akin na alamin iyon.
"Mark, saan ka pupunta?" Si Vince.
"May titignan lang ako sandali."
Dala nang kuryusidad ay napadpad ako hanggang sa likod-bahay. At habang papalapit
ako ay papalapit din ng papalapit ang mga kaluskos ng mga halaman at damo na tila
mayroon ibang tao.
"Mark, anong meron?"
Muntikan ko nang mapatalon sa gulat sa pagsulpot nila Tyron at Vince sa aking
likuran. Hindi ko namalayan na sinundan pala nila ako.
"May nakita ka bang ibang tao? May sinusundan ka ba?" Si Vince.
"Parang alam ko na ito... pustahan, kapahamakan ang kasunod nito."
Natawa si Vince. "Pustahan, ikaw lang ang mapapahamak."
"Tignan ko lang, Vinci boy, kung sino sa akin dalawa ang unang babagsak!"
"Sshh!" Naiinis kong saway. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa kanilang
kaingayan. Magkakasabay kaming natigilan nang makarinig ng malakas na mga kaluskos.
Kumpirmado. May ibang tao maliban sa aming tatlo. Bago ko pa maihakbang ang mga paa
nang bigla na lamang may sumulpot na nilalang sa aming harapan. Sabay-sabay kaming
napaigtad sa gulat.
"Tangna! Pusa lang pala!" Sapo ni Tyron ang dibdib na tila aatakehin sa puso anuman
oras.
"Mark, ano ba kasi ang ginagawa natin dito?"
"May gusto lang akong kumpirmahin."
"Pero wala nang ibang tao rito maliban sa atin tatlo."
"Maki boy, hindi kaya multo ang nakita mo?"
"Kung may multo, ikaw naman ang kapre. Ang laki-laki mong tao nagpapaniwala ka sa
multo!"
"Nagsalita ang takot sa injection!"
"Sssh!" Muli kong saway. Kanina pa naririndi ang tenga ko sa kaingayan nilang
dalawa at hindi sila nakakatulong. "Iwanan na ninyo ako rito. Doon n'yo na lang ako
hintayin sa kotse. Kaya ko na ito."
"Sigurado ka, Mark?"
Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa marahan na paghakbang bitbit ang cellphone na
nagsilbing liwanag upang makita ko ang dinaraanan. Bukod sa walang ilaw sa paligid,
matagal na panahon na rin nang huli akong magawi sa bahagi na iyon ng villa. Hindi
ko na halos matandaan ang pasikut-sikot roon. Pero isa lang ang sigurado ako...
mayroong lumang bodega sa bandang dulo.
"Maki boy, may ilaw sa banda roon!" Bigla na lamang nagsalita si Tyron sa likuran
ko dahilan para magtaasan ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan.
"Hindi ba sinabi ko sa inyo na hintayin n'yo na lang ako sa kotse? Ang titigas
talaga ng mga ulo ninyo!"
"Sshh!" Mabilis na tinakpan ng kamay ni Vince ang bibig ko. "Huwag kang maingay.
Baka marinig nila tayo." Pagkatapos ay hinila niya ako sa isang sulok upang
makapagkubli.
"May liwanag na nanggagaling sa maliit na kubol na iyon. Ibig sabihin may tao sa
loob," wika ni Tyron.
"Imposible. Matagal nang abandonado ang bodegang iyon, maliban na lang kung..."
Sinadya ko ibitin ang sasabihin at makahulugan na tumingin sa mga kaibigan.
"Hindi kaya nand'yan si Jianne?"
"Tama si Vince, baka d'yan siya itinago ng kanyang kidnapper!
"Tyron, tumawag ka ng back-up." Utos ni Vince at mabilis na tumalima ang kaibigan
at inilabas ang cellphone sa bulsa.
"Hello, Jared? Kailangan namin ng tulong ninyo ni Riley. Saka na ako magpapaliwanag
kung bakit. Basta puntahan na ninyo kami ngayon dito. Alangan naman na dalawa lang
kami ni Vince ang mapahamak. Damayan na ito mga p're!"
"Hindi na natin sila mahihintay. Kailangan na natin kumilos."
"Mark, sandali lang!" Bago pa ako mapigilan ni Vince ay sumugod na ako sa lumang
bodega. Hindi na ako nag-isip, ang mahalaga sa akin ay malaman kung naroon nga si
Jianne.
Abut-abot ang kaba sa aking dibdib na tila gustong tumalon ng puso ko mula roon.
Mula sa maliit na siwang sa bintana ay maingat akong sumilip. May naaninag akong
tao na kumikilos sa loob ng bodega, subalit ang nakapagtataka ay wala akong marinig
na anuman ingay na nanggagaling mula roon.
"Mark!" Mahinang tawag sa akin ni Tyron. Nakapuwesto siya sa kabilang bahagi ng
bodega. Mayroon siyang sinesenyas sa akin na hindi ko maintindihan. Pagkaraan ay
lumapit si Vince na tila mayroon kinakalikot. Hindi ako nakatiis at lumapit din ako
sa kanila. Eksakto naman na bumukas ang pintuan at dali-dali kaming pumasok sa
loob. Ngunit napamulagat kami sa amin nadatnan.
"Aling Doris?" Hindi ako makapaniwala na siya ang makikita ko roon. "Anong ginagawa
n'yo rito?"
"S-Sir M-Mark..." Bakas sa mukha niya ang pagkabigla na hindi niya magawang
makapagsalita.
"Mark, wala siyang kasama. Siya lang mag-isa ang nandito," wika ni Vince pagkatapos
nilang halughugin ni Tyron ang buong silid.
"Aling Doris, bakit kayo nandito? Anong ginagawa n'yo sa lugar na ito?" Muli kong
tanong.
"A-ano po kasi, Sir... Napag-utusan lang po ako."
"Sinong nag-utos sa'yo?"
"S-Si Sir Kristofe po. Inutusan niya ako na linisin itong bodega."
"Ng ganitong oras?" React ni Vince. "Malalim na po ang gabi. Bakit hindi n'yo na
lang ipagpabukas ang paglilinis?"
"Pagagalitan po ako ni Sir Kristofe kung hindi ko siya susundin agad."
"Pambihira naman 'yan stepbrother mo, Mark. Masyadong bossy! Hindi na naawa kay
Manang," wika ni Tyron na may kasamang pag-iling.
Natigilan akong bigla nang may maisip.
"Aling Doris, anong oras kayo inutusan ni Kristofe?"
"Kani-kanina lang po."
Shit! Tumalikod ako at sunud-sunod ang ginawang pagmumura. I knew it!
"Bakit, Mark?" Nagtatakang tanong ni Vince.
Hindi ko na nagawang sumagot at nagtatakbo ako palabas ng bodega. Napilitan ang mga
kaibigan na sundan ako at bumalik sa loob ng villa.
Agad akong sinalubong ng mga tauhan ni Cass ngunit wala silang nagawa upang pigilan
ako nang harangan sila nila Tyron at Vince.
"Mark-" Tila hindi ko nakita si Cass at nilagpasan lamang siya. Dire-diretso ako sa
kabilang silid at walang kaabug-abog na pumasok sa loob. The room is empty. Wala
roon si Kristofe.
"Nasaan siya?" Tanong ko nang harapin si Cass. "Hindi ba nilagyan mo ng pampatulog
ang inumin niya kaya siya nawalan ng malay? Nasaan siya ngayon?"
"He's gone. But don't worry, nilagyan ko siya kanina ng tracking device sa kanyang
damit nang hindi niya namamalayan."
Dismayadong napaungol ako kasabay ng pagkuyom ng palad. Kung hindi ko napigilan ang
sarili, malamang ay nakapanakit na ako ng kapwa. Masuwerte siya dahil naging babae
siya.
"Ito ba ang sinasabi mong plano? Na paglaruan kami? Siguro binigyan mo rin ng
instruction si Kristofe na magkunwaring nakatulog. Para ano? Para hindi kami
makialam sa pinaplano mo?"
"Hindi ko kayo pinaglalaruan. Ginawa ko lamang iyon upang malaman kung sino talaga
sa inyong dalawa ang dumukot kay Jianne."
I forced a smile. Hindi ako makapaniwala na pati pala ako ay pinaghihinalaan niya.
"Now, he's gone. Hindi pa ba obyus na si Kristofe ang salarin?"
"Kyle, give me his status!" Awtorisadong utos ni Cass sa lalaking nasa harapan ng
dalawang malaking laptop.
"The target is moving slowly, heading to south."
"South?" Saglit na lumingon sa akin si Cass bago muling binalingan si Kyle. "Hindi
ba nasa east ang main gate ng village?"
"Yes. And apparently, south is a dead end."
"Tell me what's in there."
"I'll check the map."
Sinamantala ko ang pakakalingat ng grupo ni Cass at sinenyasan sina Tyron at vince
na sumunod sa akin palabas. Sapat na ang impormasyon na nakuha ko upang matunton si
Kristofe.
"Mark, where are you going?" Nasa pintuan na ako nang marinig ko ang tinig ng
dalaga. "Mark, come back here. Bumalik kayo rito!"
"Maki boy, ano ang plano?" Tanong ni Tyron. Mabibilis ang aming mga hakbang habang
patugo sa nakaparada namin sasakyan.
"Sundan natin si Kristofe. Wala rito ang kotse niya kaya sigurado ako na dala niya
ang kanyang itim na Lexus. We wil be heading south."
"Hindi ba dead end iyon?" Si Vince.
"Sa pagkakaalam ko ay mayroon daanan doon patungo ng highway. Bilisan na natin,
guys. Sa palagay ko ay hindi pa nakakalayo si Kristofe. Kailangan natin siyang
mahabol bago pa siya tuluyan makatakas."
Magkasabay na tumango sina Tyron at Vince bago sumakay ng kanilang mga sasakyan at
ilang sandali pa ay magkakasabay namin tinatahak ang madilim at mahabang kalsada.

JIANNE
I'm safe now! Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili. Ngunit hindi ko
maintindihan kung bakit hindi maalis-alis ang kaba sa aking dibdib. Just as I
thought that no one will come, he came to save me. Para pa akong namamalikmata
habang nakatitig sa kanya nang dumating siya. Ni ayaw kong kumurap dahil baka bigla
na lamang siyang mawala sa aking paningin. But when reached me, doon ko napatunayan
na hindi siya isang panaginip o guni-guni ko lamang. He's real.
"I'm here and you're safe," he said as he hold my hand while driving. Pagkatapos
niya akong maialis sa lumang silid na iyon ay isinakay niya ako ng kanyang koste.
"Saan tayo pupunta?" Naisip kong itanong. Bahagya siyang lumingon sa akin at saka
ngumiti.
"I'll take you to a safer place." Kumunot ang noo ko.
"Saan?" Hindi siya sumagot. Magtatanong pa sana ako ngunit muli na naman akong
hinihila ng matinding antok.

Chapter Thirty Four: True Color

Chapter Thirty Four: True Color

JIANNE
Nang muli akong magkamalay ay natagpuan ko ang sarili na nag-iisa sa loob ng
sasakyan. Where is he? Kanina lamang ay nasa driver seat siya at nagmamaneho. Doon
ko lamang din napansin na nakahinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Bagaman
nakabuhay ang makina, nakakapagtaka na wala ang car key sa ignition.
Suddenly, I heard someone's voice outside. Paglingon ko sa likuran ay nakita ko si
Kristofe na mayroon kausap sa cellphone. Palakad-lakad at hindi mapakali. Seems
like something's wrong.
"Hindi ako katulad ng iniisip mo. I won't never harm her. Kailangan ko lang talaga
siyang ilayo para masiguro ko ang-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita
niyang binuksan ko ang pinto ng kotse.
"Jianne!" Sa isang iglap ay nakalapit si Kristofe sa akin at maagap akong pinigilan
na bumaba ng sasakyan. "Stay in the car. Madilim at maraming lamok dito sa labas.
Mas makabubuti na dumito ka na lang."
Hindi na ako nagpumilit. Bukod sa nakaramdam ako ng pagkahilo, bahagyang kumirot
ang sugat ko sa tagiliran.
"Nasaan na tayo?" Wala sa loob na nilibot ko ang mga mata sa paligid. Wala akong
ibang nakita kundi puro talahib at matataas na puno sa magkabilang panig ng
kalsada.
"Palabas pa lang tayo ng subdivision," aniya na umupo nang pa-swat sa harapan ko at
tumunghay sa akin. "Actually, malapit na sa highway. Kinailangan ko munang itabi
ang kotse dahil hindi gumagana ang isang headlight."
"Gusto mong i-check ko?"
Mabilis siyang umiling kasabay ng pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi.
"How's your feeling?" Suddenly, he asked. Umangat ang kamay niya at masuyo akong
hinaplos sa pisngi bago pa ako makaiwas.
"I-I'm fine," I lied and I don't know why. He tilts his head and stared at me for a
few second.
"Good!" Tumayo si Kristofe at mabilis na umikot sa kabilang side ng kotse at saka
sumakay sa driver seat.
"Sino iyon kausap mo kanina sa cellphone?" Naisip kong itanong na tila ikinagulat
niya. "May problema ba?"
"Y-you heard me?"
"Not really. I just heard your voice as if you were arguing with someone."
Ilang sandaling nawalan ng kibo si Kristofe bago muling nagsalita.
"It was my mom..."
Napasinghap ako sa narinig at kasabay ng pagkagulat ay isa-isang bumalik sa isip ko
ang mga pangyayari.
"Alam ba niya na kasama mo ako? Sinabi mo ba sa kanya kung nasaan tayo? Hinahanap
ba niya ako?" Sunud-sunod kong tanong sa nanginginig na boses. I was so scared that
I wanted to run away.
"K-Kristofe, take me out of here. Gusto ko nang umuwi, please!"
"I assure you, walang mangyayaring masama sa'yo. You're safe with me." Hindi ko
maintindihan kung bakit sa kabila ng pagpapanic ko ay nanatili siyang kalmado.
"No!" Sunud-sunod ang ginawa kong pag-iling. "I'm not safe yet. I'm not safe with
her. You're mother is sick and you know that. At sigurado ako na alam mo rin ang
ginawa niya sa akin!"
"Jianne, calm down."
"She will lock me again, silang dalawa ni Tito Mario. For sure, siya rin ang
nagkulong sa akin sa bodega. They are both crazy. Hindi sila titigil hangga't hindi
nila nakukuha ang kanilang gusto!"
Kristofe grabbed my arm and pulled me closer to him. Then I found myself imprisoned
in his arms.
"Sssh... Calm down, okay? I will you keep away from them, I promise. You're safe as
long as you are with me."
Gusto kong mapanatag subalit sa kabila ng mga sinabi niya ay lalo lamang naragdagan
ang mga alalahanin ko.
"Drink this." Mayroong inabot si Kristofe sa dashboard at ibinigay sa akin. "This
will make you feel better."
Napatitig ako sa hawak niyang bote. It was the same water that he gave me before I
fell asleep. Napilitan akong tanggapin iyon ngunit naroon ang pag-aalinlangan ko.
"Come on, drink this." He urged once more. I was about to drink the water when
suddenly a car came along. Agad na umangat ang kamay ko upang harangan ang liwanag
na dulot ng headlight na sumisilaw sa aking mga mata.
"Damn!" I heard him cursed. Paglingon ko ay huminto ang naturang kotse sa tapat
namin at nagbaba ng salamin.
"Is everything alright?" Tanong ng lalaking driver. "You need help?" Nang hindi
makuntento ay lumabas pa siya ng kanyang sasakyan. Mabilis na bumaba ng kotse si
Kristofe at sinalubong ang lalaki.
"We're fine. Nagkaroon lang ng konting aberya ang makina, but I can manage it."
Agad na kumunot ang aking noo at tinanaw ang nakasinding mga headlight sa unahan.
Ang sabi ni Kristofe kanina ay iyon ang may problema.
Naagaw bigla ang atensyon ko nang tumunog cellphone ni Kristofe sa driver seat.
Nahulog iyon marahil sa kanyang bulsa. Tangkang aabutin ko sana ang telepono nang
mabasa ko ang pangalan ni Tito Mario sa screen. Hindi ko malaman kung tatawagin ko
si Kristofe na abala sa pakikipag-usap sa isang lalaki o pipindutin ko ang end call
button.
Pinili ko ang huli. Ngunit bago pa man mag-landing ang daliri ko ay biglang huminto
ang pagtawag, na sinundan agad ng isang text message.
Are you still with her in the hospital? How is she?
Hindi ko malaman kung ako ba mismo ang kanyang tinutukoy o ibang tao. Bigla kong
naisip si Mark. Kailangan ko siyang tawagan. Subalit bago ko pa madampot ang
cellphone ay saka naman sumakay ng kotse si Kristofe.
"Hindi rin makulit ang isang iyon!" He said, iiling-iling. Naroon ang iritasyon sa
kanyang tinig. Kinuha niya ang cellphone at ipinatong iyon sa ibabaw ng dashboard.
"Drink this!" Muli niyang iginiit sa akin ang bottled water. Nakamata lang ako sa
kanya, nananantya kung dapat ko bang isatinig ang nasa isipan. Nang hindi ako
kumikilos ay kinuha ni Kristofe sa kamay ko ang bote at siya na mismo ang nagbukas
n'yon bago muling iniabot sa akin.
"Can I borrow your cellphone?" Lakas-loob kong tanong. Nakita ko ang pagbabago ng
ekspresyon ng mukha ni Kristofe.
"Why?"
"I need to call Mark."
"Tinawagan ko na siya kanina. He knows that you're with me."
"But I need to talk to him."
"There is no signal here. Mamaya mo lang siya tawagan kapag--"
Mabilis kong sinunggaban ang kanyang cellphone sa dashboard ngunit naunahan ako ni
Kristofe at nahagilap niya ako sa braso.
"I said, mamaya mo na lang siya tawagan!" Naramdaman ko ang pagbaon ng kanyang mga
daliri sa aking balat.
"Anong pagkakaiba ng ngayon at mamaya?"
"Jianne, hindi mo kasi naiintindihan!"
"Ikaw ang hindi ko maintindihan, Kristofe. Hindi ba pwedeng kalimutan mo muna ang
pride mo kahit ngayon gabi lang? We need his help. Sa mga oras na ito ay si Mark
lang ang makakatulong sa atin!"
He looked the other way and cursed silently.
"Kristofe, please--" Hindi ko naituloy ang sasabihin nang bigla niya akong kabigin
at inangkin ang aking mga labi. Sa kabiglaan ay natulak ko siya ng malakas. Staring
wide eyed at him.
"You're mine. You're only mine!"
May ilang sandaling nanatili ako sa ganon posisyon. Mas higit niya akong ginulat sa
kanyang sinabi.
"Jianne, you were right. It was my pride... Lalo na kung si Mark ang involved. All
this years We had this silent competition between the two of us. He always gets
want he wants.... But anymore. Soon, everything that he has will be mine."
"K-Kristofe, ano ba ang pinagsasasabi mo?"
"You still don't get it?" Akmang hahalikan niya akong muli subalit mabilis akong
umiwas.
"U-umalis na tayo!"
He laughed bitterly, a sad, humorless laugh.
"Why not me instead of him?"
Hindi ako sumagot. Ang totoo ay kinakabahan na ako sa inaakto niya.
"Bakit ko pa ba tinatanong kung alam ko na ang sagot?"
"It wouldn't be right time to talk about it now. Umalis tayo. Please, take me
home!" Subalit hindi man lang siya natinag. "Kristofe, ano ba?"
"I'll take you home... But not now."
"What do you mean?"
Hindi sumagot si Kristofe at binuhay ang makina ng sasakyan. Lalo nang tila
dumagundong sa matinding kaba ang dibdib ko.
"D-don't tell me..." Hindi ko maituloy ang sasabihin kasabay ng panlalaki ng mga
mata. No, no, this is not happening!
Wala sa loob na lumingon ako sa pintuan. Ang unang pumasok sa isip ko ay bumaba ng
kotse at tumakbo palayo pero nakakapagtaka na hindi ko maiangat ang kamay.
Nanginginig ang aking buong katawan sa mga natuklasan.
Run, Jianne. Run! Sigaw ng pamilyar na tinig sa isip ko.
Kasabay ng pag-andar ng kotse ay pikit-mata akong tumalon palabas. Sa lakas ng
impact ay hindi ko kinaya ang bigat ng katawan at sumubsob ako sa sementadong
kalsada.
"Jianne!" Nang marinig ko ang tinig ni Kristofe ay mabilis akong tumayo sa kabila
ng mga galos na tinamo. I run as faster as I could. Kailangan kong makatakas mula
sa kanya at makalayo sa lugar na iyon.
"Jianne!" I could still hear his voice behind me. Sinubukan kong bilisan pa lalo
ang pagtakbo ngunit habang lumalaon ay unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko,
kasabay ng matinding pagkirot ng tagiliran.
Oh God, please help me! Tahimik kong dalangin. Hoping there is someone to come
along and save me.
Napasigaw ako sa gulat nang biglang may sumunggap sa akin mula sa likuran.
"Jianne, you can't get away from me!" His arms tighten around me and I couldn't
move.
"B-Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ko ngunit sa halip na lumuwag ang pagkakayakap
niya ay lalo lamang iyon humigpit na tila hindi ako makahinga. "Bitiwan mo sabi
ako!"
"Don't fight with me. Masasaktan ka lang- Argh!" Tuluyan akong nakawala kay
Kristofe nang kagatin ko ang kanyang braso.
"How could I have been so stupid? Sa lahat ng tao ay ikaw ang hindi ko inaasahan na
gagawa sa akin ng ganito. You were good and kind to me and I trusted you..." Unti-
unti akong umaatras habang patuloy siyang lumalapit sa akin. "How could you do this
to me?"
Sa isang iglap ay nagbago ang mabangis na ekspresyon ng mukha ni Kristofe.
"Jianne, I'm sorry. I didn't expect things to turn out like this and... I don't
have a choice."
"You planned it all, kayo ni Tita Belle. No! Kayong tatlong nila Tito Mario. You
three cut from the same cloth. You were all crazy!"
"Bawiin mo ang sinabi mo!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. Muling
bumalik ang mabangis na anyo ni Kristofe.
"Do you think makukuha mo ang lahat ng mayroon si Mark?" Sa halip na matakot ay
natututo akong lumaban. "You don't deserve those things that not really meant for
you from the start. Baka nakakalimutan mo, hindi ka isang Mendoza. You're nothing
but a crazy bastard!"
"Shut up!" Isang malakas na sampal muli ang binigay sa akin ni Kristofe. "J-jianne,
I'm sorry!" Agad niya akong dinaluhan nang bumagsak ako sa lupa. "I'm sorry, hindi
ko sinasadya."
"Huwag mo akong hawakan!"
"Jianne, you're bleeding!" Nanlaki ang mga mata ni Kristofe habang nakatitig sa
aking damit. Bakas sa mukha niya ang takot. "You're wound is bleeding!"
Yumuko ako at doon ko napagtanto na totoo ang kanyang sinasabi. Puno ng dugo ang
suot kong t-shirt.
"Come with me. I'll take you to the hospital." He tried to reach me but I step back
instinctively.
"Now you're concerned? What kind of a lunatic are you?
"Jianne, please..." His dark eyes plead with me. I'm not so sure. Unti-unting
nanlalabo ang aking paningin na tila anuman oras ay tutumba ako. Then everything
turns to black. Maagap akong nasalo ni Kristofe.
"Jianne, wake up! Jianne!" I could hear his panic voice.
Jianne, wake up! Fight for your life! Iyon na naman ang pamilyar na tinig ng babae
na paulit-ulit sa aking isipan. Her voice always speaks to me everytime I'm in
danger.
When I opened my eyes, I saw Kristofe's worried face.
"Jianne, are you alright? Don't worry dadalhin kita sa ospital. Just hang on." Bago
pa niya ako maingat sa kanyang mga bisig ay naunahan ko na siya. Isang malaking
bato ang nahagip ng aking kamay at ubod ng lakas na ipinukpok iyon sa kanyang ulo.
Sinamantala ko ang pagkakatumba ni Kristofe upang tumakbo. Subalit nakakailang
hakbang pa lang ako nang maisipan kong balikan siya.
"Jianne..." He voice is pleading, umangos ang dugo sa kanyang noo at pilit niyang
binabangon ang sarili at bago pa siya tuluyang makatayo, isang malakas na hampas
ang kanyang tinanggap. Tumumba muli si Kristofe at nagpagulung-gulong pababa sa
isang malalim na hukay na may tubig.
Now I'm safe! Nanlulumo na napaupo ako sa lupa. I'm finally safe from him. At
nakakapagtaka na sa kabila ng ginawa ko sa kanya ay wala akong makaramdamang guilt.
He deserved it!

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako
patungo, wala akong malinaw na direksyon. Basta ang alam ko, kailangan kong
makalabas sa masukal na lugar iyon at makarating sa sementadong kalsada.
Argh! Nasapo kong bigla ang tagiliran. Patuloy sa pagdurugo ang sugat ko at sa
tingin ko madami na siguro akong nawalang dugo. I don't think I can make it.
Nanghihina na ang buong katawan ko at anuman oras ay babagsak na ako.
Jianne, hang on! There she goes again
Sumandal ako sa isang malaking puno at dumausdos pababa.
"I"m tired. I want to take a rest."
No! Don't give up! You can make it. He will come to you. Just hang on!
Hindi ko napigilan mapangiti. Nagha-halucinate na yata ako. She was answering me.
"I couldn't make it..."
You can't die, Jianne!
"I'm dying... And I can not see him anymore." I closed my eyes and saw Mark's
smiling face.
"But I still want to see him... even for the last time." Subalit imposible nang
mangyari iyon. I'm in the middle of nowhere. No one will know that I'm here. I'm
going to die soon... and I think it's alright. I have lived my life to the fullest.
Naging pasaway man ako, alam ko naman na kahit papaano ay naging mabuting anak,
kapatid at kaibigan ako. Hindi man nasuklian ni Mark ang damdamin ko, masaya pa rin
ako dahil siya ang pinili ng puso ko na mahalin. May pagkamanhid man ang lalaking
iyon, kahit papaano ay ramdam ko na espesyal din naman ako sa kanya, hindi nga lang
niya maamin. At siguro hanggang sa kabilang buhay, siya pa rin ang mamahalin ko at
wala ng iba.

Some shakes my shoulder, I awake, my eyes wide and searching in the dark. And I see
his face looking down at me.
"Mark..."

Chapter Thirty Five: Can't Lose Her

Chapter Thirty Five: Can't Lose Her

MARK
Lihim akong napamura nang tumambad sa harapan ko ang malaki at malapad the pader.
It's a dead end. Nagkamali ako kalsadang dinaanan. Mabilis na iniatras ko ang kotse
at lumiko sa kabilang bahagi ng kalsada. Matagal na panahon na rin nang huli akong
magawi sa lugar na iyon. Marami na ang nagbago at hindi na ako pamilyar sa mga
pasiku-sikot ng daan.
Inabot ko ang cellphone sa dashboard nang maalala sina Vince at Tyron. Silang
dalawa ang magkasama ngayon ayon na rin sa desisyon ko. Mas mapapabilis ang
paghahabol namin kay Kristofe kung maghihiwalay kami ng daang tatahakin.
"Nasaan na ka'yo?"
"Maki boy, naliligaw na yata kami! Lagi na lang mga dead end ang napupuntahan namin
ni Vince. Ikaw, nasaan ka?"
"I don't know either. Naliligaw na rin yata ako."
"Anak ng!"
"What? Anong nangyari?" Sa kabilang linya ay magkakasunud-sunod ang pagmumura ni
Tyron.
"Tang'na, dead end na naman! Sabi ko sa'yo doon tayo dumaan sa kabilang kanto.
Pasaway ka talaga."
"Ikaw ang nagsabi na rito tayo dumaan. Ikaw ang pasaway!" Boses iyon ni Vince.
"Ako na nga ang magda-drive!"
"Ako na! Baka nakakalimutan mo na kotse ko ito at wala akong tiwala sa'yo."
Pinindot ko ang end call button. Ayokong mag-aksaya ng oras sa pagtatalo nilang
dalawa. Kailangan ko nang mahanap si Jianne sa lalong madaling panahon. At magagawa
ko lamang iyon kung masusundan ko si Kristofe. Malakas ang hinala ko na mayroon
talaga siyang kinalaman sa pagkawala ni Jianne.
Mabilis na tinapakan ko ang preno at huminto ang kotse sa gitna ng kalsada. Now
what? Lumingon ako sa kaliwa at pagkatapos ay sa kanan. Kailangan kong mamili ng
kalsadang tatahakin. I need to choose wisely. Subalit nang maisip ko na wala na
akong sapat na oras, pikit-mata na pinili ko ang kaliwang kalsada. Bahala na.
Subalit bigla akong nabuhayan ng loob nang matanaw ang paparating na sasakyan.
Magkakasunod ang ginawa kong pagbusina bago tumigil sa tapat mismo ng nasabing
kotse.
"Bossing, magtatanong lang ako kung tama ba itong dinaraan ko palabas sa highway?"
Mabilis na tumango ang lalaking driver. "Diretsuhin mo lang ang kalsadang ito."
"Salamat!" Aapakan ko na sana ang accelarator ng may bigla akong maalala. "Mayroon
ka bang nakasalubong na itim na kotse palabas ng village?"
"Itim na Lexus?"
Magkakasunod ang ginawa kong pagtango kasabay ng panlalaki ng mga mata. "Iyon nga!"
"Nakita kong nakahinto iyon sa gilid ng kalsada. Mukhang nasiraan yata. Baka
sakaling madaanan mo pa sila."
Sila? Ibig sabihin kasama nga ni Kristofe si Jianne!
Pinaharurot ko ang kotse at halos paliparin iyon sa kalsada, as if my life depends
on it. Kulang na lang ay lumundag ang puso ko palabas ng aking dibdib sa
pinaghalong kaba at takot. Kaba dahil hindi ako sigurado kung maaabutan ko pa sila
at takot para kapakanan ni Jianne. Ganon na lamang ang panalangin ko na sana ay
hindi siya gawan ng masama ni Kristofe.
Wala sana akong balak sagutin ang tumutunog na cellphone ngunit pangalawang tawag
na iyon ni Tyron.
"Mark, may sumusunod sa amin!" Bungad ng kaibigan sa kabilang linya.
"Huh?"
"Sinusundan kami ng isang itim na van. Mga tauhan yata iyon ni Cass dahil nakita ko
si Bakulaw. Ano ang gagawin namin ni Vince?"
Hindi ko malaman ang sasabihin. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil patuloy na
nahahati ang aking atensyon.
"Mark? Are you still there?"
"J-just keep on going. Hayaan n'yo silang sumunod."
"Sigurado ka? Paano kung-"
"We will need their help later. Nasaan na kayo?"
"I can't tell. Naliligaw pa rin yata kami."
Sinabi ko sa kanya ang naalala kong pangalan ng kalsada na dinaanan ko kanina bago
pinutol ang kabilang linya. Maya-maya ay natatanaw ko na ang pamilyar na itim na
kotse sa gitna ng kalsada. Kung bakit iyon naroroon ay nagbigay lamang sa akin ng
mas matinding kaba.
"Jianne!" Sigaw ko pagkatapos bumaba ng sasakyan at takbuhin ang nakahintong kotse.
Nakakapagtaka na walang tao sa loob gayon nakabuhay ang makina. Nasaan sila?
Luminga ako sa paligid. I turned around three hundred sixty degrees, but still I
couldn't find them. What the hell is happening?
"Mark, they're still following us!" Boses iyon ni Tyron nang mapilitan akong
sagutin ang kanyang phone call.
"I found his car," I said as if I didn't heard him. Patuloy ang mga mata ko sa
paglilibot sa buong paligid sa pag-asa na makikita ko pa sila.
"Natagpuan mo na si Kristofe? Kasama ba niya si Jianne? Kasama mo ba sila ngayon?"
"The car was abandoned on the-" Napigil ako sa paghakbang nang maulingan ang bakas
na dugo sa gilid ng daan. I frozed. May ideyang sumingit sa aking isipan na ayoko
sanang alalahanin. No, it can't be!
"Mark, what happened? Are you alright?" Magkakasunod na tanong ni Tyron sa kabilang
linya. Ibinuka ko ang bibig ngunit nakakapagtaka na walang salita na lumabas mula
roon habang patuloy na nakatitig sa duguang semento.
Isang pagsigaw ang nagpabalik sa aking katinuan. Marahas na lumingon ako sa madilim
na bahagi ng nagtataasang mga puno. Boses iyon ng isang babae. Si Jianne!
"Mark, naririnig mo ba ako? Mark!" Tuluyan kong nakalimutan si Tyron at nagtatakbo
patungo sa madilim at masukal na kakahuyan.
Hindi ako sigurado kung gaano katagal na akong naglalakad. Gamit ang flashlight ng
cellphone ay patuloy kong iniilawan ang paligid at umaasa na makakakita ako na
kahit na anong bakas na makakapagturo sa akin sa kinaroroonan ni Jianne. Hindi
naman ako nabigo at ilang sandali ay mayroon akong nasipa na isang matigas na
bagay. Isang puting rubbershoes na pamilyar na pamilyar sa akin.
"Jianne!" Ume-echo ang boses ko sa buong paligid. "Jianne, nasaan ka?" Bagaman wala
akong marinig na response mula sa kanya ay alam kong nasa paligid lamang siya.
Turn to your left!
Napahinto ako at mabilis na luminga sa paligid. Isang tinig ng babae ang narinig
kong nagsalita subalit saan nanggaling iyon? Or maybe it's my imagination.
To your left! Hurry!
Iyon na naman ang mahiwagang tinig. Ngunit guni-guni ko man iyon o hindi ay hindi
na mahalaga. I followed her and turned to my left. Halos hindi pa ako nakakalayo
nang makarinig ng mga kaluskos at pag-ungol. Then I saw her lying under the tree
and run to her as fast as I could.

JIANNE
"Jianne! Jianne!"
I couldn't help but smile when I heard his familiar voice. Sa nanlalabong paningin
ay nakita ko ang guwapo niyang mukha, staring down at me.
"M-Mark..."
"Thank God, you're alive!" He sobbed as he held me in his arms. Halos mapugto ang
hininga ko sa higpit ng kanyang pagkakayakap at doon ko na-realized na hindi siya
isang panaginip. He's real!
"M-Mark..." Hindi ko napigilan umiyak. He came for me. He really came just like he
always do.
"Sshh... It's alright. I'm here." He kissed the top of my head while still holding
me. Sa kabila ng kalmado niyang tinig ay ramdam ko ang panginginig ng kanyang
katawan.
"W-what took you so long?"
Ilang beses siyang tumikhim bago sumagot. Tila may kung anong bumara sa kanyang
lalamunan.
"I'm sorry. Ilang beses kasi akong naligaw."
"Tatatanga-tanga ka kasi." I chuckled. Pati si Mark ay nakitawa rin. Ngunit biglang
napawi ang ngiti niya sa kanyang mga labi at binalot ng takot ang kanyang mukha.
"Y-you're bleeding!" Mabilis niyang iniangat ang laylay ng suot kong t-shirt at
tumambad sa kanya ang sugat sa aking tagilan. "Oh god! Bakit hindi mo sinabi agad
sa akin?"
Hindi ko alam ang isasagot. Namimigat ang talukap ng aking mga mata at unti-unti na
naman akong hinihila ng matinding antok.
"Jianne, stay with me!" He said in a loud and panic voice. Sapu-sapo niya ng mga
palad ang aking mukha. "Do not sleep, okay? Stay with me. I'll get you out of here.
Dadalhin kita sa ospital. Just hang on!"
"I-I think I couldn't make- Argh!" Naramdaman ko na lang ang mahigpit na pagtali ng
malaking tela sa aking baywang. Perhaps he's giving me a first aid.
"No! You can make it. We can make it!"
"W-what if..."
"I can't lose you. Naririnig mo ba? I can't afford to lose you!"
"I-I love you." Bigla na lamang lumabas iyon sa bibig ko. Huminto si Mark at masuyo
akong tinitigan.
"I know and I love you too!" Isang mabilis na halik sa noo ang ibinigay niya sa
akin bago muling nagpatuloy sa ginagawa. I closed my eyes as I reminish every word
that he said. I couldn't still believe that this is really happening. But it isn't
too late?
Naramdaman kong umangat ang katawan ko sa lupa at tila dinuduyan ako. Gustuhin ko
man labanan ang antok ay wala na akong lakas para gawin iyon. I couldn't feel
anything as if my whole body is numb.
"Jianne, please stay with me..."
I can't even if I want to.

MARK
Pilit kong pinapatatag ang sarili sa kabila ng pagpa-panic. Kailangan ako ni
Jianne. Iyon ang pilit kong isinisiksik sa isipan. She needs my strength. Kahit ang
totoo ay pinanghihinaan na ako ng loob. She's in danger. Malalim ang natamo niyang
sugat, bukod doon ay marami na rin nawalang dugo sa kanya. I don't think she can
make it... But I won't give up. I will never let her die. Hindi ako papayag na
mawala siya sa akin.
"Jianne?" She didn't response. Her eyes are closed and she's unconcious. Napilitan
ako na huminto at sandaling inilapag ang kanyang katawan sa lupa para i-check ang
kanyang pulso. Thank god she's still breathing. She's fighting to live.
Nang mahulog ang aking cellphone mula sa bulsa ng pantalon ay saka ko lang naisip
tumawag ng ambulansya. Subalit bago pa ako makapag-dial ng numero nang biglang may
humampas na matigas na bagay sa aking ulo, dahilan para mawalan ako ng panimbang at
tumumba sa tabi ng walang malay na si Jianne.
"Your stubborness always puts you in danger."
Sa nanlalabong paningin ay naaninag ko ang mukha ni Kristofe.
"I know that you will come to find her. But do you think I will let you to take her
away from me?"
"K-Kristofe, please... n-not now!" Pinilit ko ang sarili na bumangon ngunit hindi
pa ako nakatatayo nang muli niya akong hampasin sa likod.
"Did I hear it right? You said please to me?" Nakakalokong tumawa si Kristofe at
saka ako tinadyakan sa tagiliran. "Do you think you can fool me? Wala ka nang
maipagmamalaki sa akin. Lahat ng mayroon ka ay nasa akin na ngayon. Akala mo siguro
nagbibiro ako sa mga sinabi ko sa'yo noon. Hindi lang ang atensyon ng tatay mo ang
nakuha ko kundi pati na rin ang pangalan niya. Hindi lang iyon, malapit ko na rin
mapasakamay ang posisyon sa ospital na matagal mo nang iniingatan. Everything you
have will be mine, including Jianne. Wala akong ititira sa'yo."
"I-I don't care." Nahihirapan man ay gumapang ako patungo kay Kristofe at
sinunggaban ang laylayan ng kanyang pantalon. "You can take everything that you
want from me but please... Dalhin mo si Jianne sa ospital. Nagmamakaawa ako sa'yo.
Don't let her die."
Natigilan si Kristofe at nanlalaki ang mga mata na tinitigan ang walang malay na
dalaga. There's a fear in his eyes that I've never seen before.
"Kristofe, please..."
Binuhat niya si Jianne para muling ilapag sa lupa. Sinapo niya ng mga kamay ang ulo
at nagpalakad-lakad na tila hindi malaman ang gagawin.
"I'll call an ambulance." Inilabas niya ang cellphone pero agad na nagbago ang
kanyang isip. "No! I'll take her to the hospital."
"You don't have to." Sabi ng isang tinig ng lalaki na pamilyar na pamilyar sa akin
at ilang sandali ay walang malay na bumagsak sa lupa si Kristofe. Isang malakas na
suntok sa mukha ang tinanggap niya mula kay Vince.
"Sundan ko pa kaya ng isang suntok para makasiguro tayo?"
"Huwag na." Pigil ni Vince kay Tyron. "Si Bakulaw na ang bahala sa kanya."
"Sige na, isang suntok lang!"
"Huwag na sabi!"
"Hey!" Sigaw ko para agawin ang atensyon ng dalawang kaibigan.
"Maki boy, okay ka lang ba!" Nilapitan ako ni Tyron at akmang aalalayan ako.
"Si Jianne... dalhin n'yo siya sa ospital."
"Ako na ang bahala sa kanya," wika ni Vince at agad na ipinangko si Jianne. "Hindi
mo maaasahan si Tyron sa mga ganitong bagay. Kapag nagkataon baka dalawa pa sila na
isugod ko sa ospital."
"Maki boy, m-may... may dugo!"
"Just close your eyes!" Mariin utos ni Vince kay Tyron.
"I'm fine. Don't mind me. Isugod n'yo na si Jianne sa ospital. Bilis!"
"Mark, huwag kang mag-alala may ambulansya nang naghihintay sa labasan. Tyron,
alalayan mo si Mark."
"I can't. Wala akong makita."
Vince cursed him. Akala ko pa nga ay magtatalo pa ang dalawa. Mabuti na lang at ang
dumating ang grupo ni Cass kasama ang ilang medical assistants. They immediately
took care of Jianne.
"Mark, are you alright?" I heard Cass talking to me. I couldn't open my eyes and I
feel like my head is spinning.
"Stay with us, buddy." Boses naman iyon ng mga kaibigan. I forced a smile.
"D-don't worry... malayo ito sa bituka- Aray! Bakit ka ba nambabatok?"

Chapter Thirty Six: Missing You

Chapter Thirty Six: Missing You

"Hey sleepy head, wake up! Ilang araw ka nang natutulog, hindi ka pa ba nagsasawa?"
Gustuhin ko man idilat ang mga mata ngunit nakakapagtaka na hindi ko magawa. Tila
may kung anong puwersa na pumipigil sa akin na gawin iyon.
"Ji, I brought your favorite meal. Gumising ka na d'yan!"
I bet it's bibimbap. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko. Medyo matagal na rin nang
huli tayong kumain na magkasama.
"Oo nga pala, naglagay ako ng mga bulaklak sa bedside mo. I know you don't like
flowers but your room needs to freshen up."
Who says I don't like it? Ikaw lang naman itong hindi nag-e-effort na bigyan ako ng
mga bulaklak.
"Ji, open your eyes. I know you can hear me. Please, wake up."
When I finally open my eyes, all I can see is familiar faces. Ngunit wala kahit isa
sa mga iyon ang mukha ng taong inaasahan kong makita. Nananaginip lang ba ako na
naririnig ko ang kanyang tinig at kinakausap ako?

My heart skip a beat when someone knocks on the door. Magmula kanina ay wala na
yata akong ginawa kundi abangan kung sinuman ang papasok sa pintuan.
"Jianne!" Halos tumirik ang mga mata ko nang marinig ang matinis na boses na iyon.
"Bakit nakasimangot ka d'yan? Hindi ka ba masaya na makita kami?"
"She's expecting someone else." Kaswal na wika ni Cass nang sumulpot sa likuran ni
Gabby.
"Sino? Si Sonnie?"
"Forget it!" Dumiretso si Cass sa gilid ng aking kama at walang pakundangan na
iniabot kay Gabby ang bitbit niyang plastic bag na puno ng mga prutas. "Tinawagan
ka na ba ni Sonnie?"
"Kaninang umaga lang. May inaasikaso daw siya sa Dipolog kaya hindi siya agad
makabalik ng Manila."
"Nangangamoy pag-ibig!"
Kunot-noong tumingin ako kay Gabby na mabilis na kinagat ang mga labi.
"Pag-ibig?"
Hindi kumibo si Cass at nag-iwas ng tingin. Saka naman ang pagbukas ng pinto. Halos
mabali ang leeg ko sa paglingon para lang muling madismaya.
"Mam, oras na po para sa gamot ninyo." Nakangiti na lumapit sa akin ang nurse at
maingat na inilapag ang bitbit na tray sa bedside. Nakita ko na mayroon siyang
inilagay na kulay dilaw na rosas sa vase na hindi ko naman binigyan pansin.
"I wonder why he never show himself to you."
Hindi ko na kailangan hulaan kung sino ang tinutukoy ni Cass. Dahil kahit ako ay
nagtataka kung bakit hindi niya magawang silipin man lang ako sa kuwarto. Dalawang
araw na ang nakaraaan magmula nang magkamalay ako subalit ni anino ng lalaking iyon
ay hindi nagpakita sa akin. Kung tutuusin ay nasa iisang ospital lang kami. Nasa
second floor lang ang kanyang opisina habang nasa fifth floor naman ang private
room ko. Gaano ba siya ka-busy sa trabaho at hindi niya magawang dalawin ako kahit
saglit?
Hanggang sa ma-discharge ako sa ospital ay hindi nangyari ang inaasam ko. Halos
mamuti ang mga mata ko sa kahihintay sa kanya. Tuloy, sa sama ng loob ay pina-exile
ko ang sarili sa Batanes. Ewan ko ba kung bakit sa dinarami-dami ng lugar sa
Pilipinas ay iyon agad ang una kong naisip. Ngunit nakakaisang araw pa lang ako
nang bigla na lamang akong ipasundo ng mga magulang at sapilitang pinauwi.
"Where are you going?"
Napigil ako sa pagsampa sa bintana nang marinig ang tinig ni Ate Lara sa aking
likuran. Pagkakataon ko na sanang makatakas pero nausyami pa. Napilitan tuloy kong
umamin sa kanya.
"Sasaglit lang sana ako sa talyer."
"No!" Bagaman inaasahan ko na marinig iyon hindi ko pa rin mapigilan mapangiwi. Ang
sakit sa tenga ng boses niya!
"Para naman may magagawa ka kung tatalon ako ng bintana."
"Hindi mo gagawin iyon."
"Paano ka nakakasiguro?" Hamon ko at nananadya na iniangat ang kaliwang binti sa
bintana. Hindi niya ako mapipigilan sa kung gugustuhin ko.
"Dahil may bisita kang naghihintay sa ibaba."
"Bisita?" Isang tao lang agad ang unang pumasok sa isip ko. Nagmamadali akong
lumabas ng kuwarto at halos liparin ang hagdanan pababa. Pero madaya talaga ang
pagkakataon. Palagi na lamang akong pinapaasa.
"May iba ka pa bang inaasahan na makita?" Nakakalokong tanong ni Jared nang makita
ang pagkadismaya sa aking mukha.
"Naligaw ka. May inutos na naman ba sa'yo ang asawa mo?" Pinagkrus ko ang mga braso
sa tapat ng dibdib at pilit na ikinubli ang pagkairita.
"I have a proposal."
Awtomatikong umangat ang kilay ko.
"Anong proposal?"
Lumuwang ang pagkakangiti ni Jared kasabay ng pagpapakita sa akin ng isang picture
mula sa kanyang cellphone.

"Cous, are you sure you'll be okay here?"


Tumango lang ako habang patuloy na nakatanaw sa malawak na karagatan habang
sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin. Heavens! Mabuti na lang pala at tinanggap
ko ang alok ni Jared na magbakasyon sa beach house nilang mag-asawa sa kabila ng
pag-aalinlangan ko.
"Trish, this place is perfect for me."
"This is not the ideal place to stay during rainy season."
"Hindi ko pa na-experience na mag-beach ng tag-ulan. But I think it's more fun than
summer."
"Anong fun 'dun? Iyon nanginginig ang buo mong katawan sa sobrang lamig habang
nagsu-swimming ka?"
"Bakit mo ba ako kinokontra? Ayaw mo ba na dumito ako?"
"Cous, nag-aalala lang ako sa'yo. Besides wala akong tiwala sa ideya ng asawa ko.
Kung bakit naman kasi nakikialam pa siya."
"Nagmamagandang-loob lang naman si Jared."
"Hay naku, kung alam mo lang!"
"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" Biglang sumulpot si Jared at inakbayan ang asawa.
"Cousin in law, what do you think of this place?"
"I love it. Sobrang ganda ng lugar."
"Good. I'll assure you, hinding-hindi ka magsisi sa pagbabakasyon dito."
"Siguraduhin mo lang, Monreal. Ikaw ang malalagot sa akin kapag pumalpak ka." Hindi
ako sigurado kung nagbibiro lang si Trisha pero kapansin-pansin ang matalim niyang
pag-irap kay Jared. Nangangamoy LQ ang dalawa.
"Nabanggit nga pala sa akin kanina ni Mang Ambo na ibinebenta raw ang kabilang
bakuran?"
Biglang nagkatinginan ang mag-asawa.
"Mayroon din bang beach house roon?" Tanong ko ulit.
"Sa pagkakaalam ko ay may nakabili na raw ng property na iyon," sagot ni Trisha na
mabilis na nag-iwas ng tingin.
"At balita ko ay binata pa raw at guwapo ang bagong may-ari." Si Jared.
"Ows?"
"Gusto mo ireto kita? Walang lovelife iyon."
"Kilala mo siya?"
Siniko ni Trisha ang asawa sa tagiliran.
"Cous, huwag kang magpapaniwala sa mokong na ito." Pagkatapos ay binalingan niya
ang asawa sabay tulak. "Ihanda mo na ang sasakyan. Uuwi na tayo."
"Teka, may sasabihin pa ako kay Jianne."
"Enough. You're talking too much!"
Walang nagawa si Jared kundi sundin ang asawa. Bubulung-bulong pa ito habang
papalayong naglakad.
"Trish, huwag mo akong tignan ng ganyan. Okay lang sabi ako. Besides, nandyan naman
sina Mang Ambo at Aling Lydia. Hindi naman ako totally na mapag-iisa rito."
"Hindi naman iyon ang inaalala ko." Bigla akong niyakap ni Trisha sa aking
pagkamangha. "Basta tawagan mo agad ako kapag nakagproblema ka at saka 'yung mga
bilin ko huwag mong kakalimutan. Mag-ingat ka sa pagsu-swimming. Alalahanin mo
hindi pa gaanong magaling ang sugat mo."
"Para kang sira! Ano ka ba? Hindi na ako bata."
"Don't do anything stupid, okay?"
"I won't!" Labas sa ilong na sagot ko kasabay ng pagtirik ng mga mata. Useless lang
kung patuloy ko siyang kokontrahin.
"And one more thing..." Sa wakas ay pinakawalan din ako ni Trisha. "Don't ever
think of going beyond those fence."
"Why?"
"Kahit sumilip huwag mong gagawin!"
"Bakit nga?"
"Basta!"

Pagkatapos makaalis ng mag-asawa, hindi ko na napigilan ang sarili na magtampisaw


sa dagat. Para akong bata na nakikipaghabulan sa malalakas na alon. Nang magsawa ay
inaabala ko sa sarili sa pamumulot ng mga shells hanggang sa hindi ko namalayan na
nakarating ako sa mataas na bakuran na naghihiwalay sa dalawang property. Mabilis
na dumaan sa isip ko ang mahigpit na bilin ni Trisha.
"Bakit kaya?" Tanong ko sa sarili habang nakatingala sa mataas na bakod. Hindi ko
maiwasang ma-curious kung ano ang mayroon sa likod ng mga iyon.
"Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?"
Muntikan na akong mapatalon sa gulat at mabilis na lumingon sa aking likuran.
"Mang Ambo, ginulat n'yo naman ako!"
"Hindi ka dapat nagpupunta rito."
"Bakit po? Delikado po ba?"
"Ano kasi..." Napakamot ng ulo si Mang Ambo. "Usap-usapan na mayroon raw
nagpapakita na multo rito. Kaya hanggang maaari ay iwasan mo ang lugar na ito."
"Multo?" Subalit bakit imbes na matakot ay nakaramdam ako ng excitement.
"Halika na, bumalik na tayo sa bahay. Nakapagluto na nang tanghalian si Lydia at
kanina ka pa niya hinihintay."
Napilitan akong sumunod kay Mang Ambo at habang papalayo ay hindi ko napigilan
lingunin ang pinanggalingan.
Kinagabihan ay hindi ko magawang makatulog. Pasado alas-onse na ngunit dilat na
dilat pa rin ang aking mga mata. Hindi ko malaman kung namamahay lang ako o
sinusumpong na naman ng insomia. Naisip kong lumabas at maglakad-lakad sa tabing-
dagat. Madilim man ang paligid ay maliwanag naman ang buwan. Umupo ako sa
buhanginan at tumingala sa langit. Nang mangawit ang leeg ay humiga ako sa
buhanginan at walang sawang pinagmasdan ang mga bituin.
Ang plano ko ay hanggang tatlong araw lang ako maglalagi roon. Hindi ko naisip
magtagal dahil marami pa akong bagay na aayusin at babalikan. Umaasa ako na walang
magbabago pagkatapos ng mga nangyari. At sana ganon din sa pagitan namin ni Mark.
Hindi man niya magawang suklian ang damdamin ko para sa kanya basta palagi lang
siyang nasa tabi ko. Pero mangyari pa kaya iyon? Lalo na at ni magparamdam sa akin
ay hindi niya magawa.
Nagising ako kinaumagahan na nasa sariling silid. Nakapaghilamos na ako at
nakapagmumog nang ma-realized ko na parang may mali. Ang huli kong naaalala ay nasa
tabing-dagat ako kagabi. Paanong? Teka, hindi kaya nananaginip lang ako? Siguro
nga. Mas maigi iyon kaysa isipin ko na nag-sleepwalk ako.

Achoo! Kaagad na kinuskos ko ang ilong para muling mabahing. Ito yata ang epekto ng
pagbababad sa dagat kahapon. Wala sa loob na tumingala ako at nakita ang makulimlim
na kalangitan. Bitbit ang supot ng mga pinamili mula sa isang nadaanang convenience
store, binilisan ko ang paglalakad bago pa ako maabutan ng ulan.
"Kuya, ang gara ng kotse. Parang laruan lang!"
Napukaw ang atensyon ko sa dalawang batang lalaki na nakasilip sa nakaawang na
gate. Dala ng kuryusidad ay nakisilip din ako.
Holy wow! Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita. Isang kulay asul na Porsche
sports car ang nasa loob ng bakuran.
"Paglaki ko ay magkakaroon din ako ng ganyan kagarang kotse."
"Ako rin!" Wala sa loob na bulaslas ko habang hindi inaalis ang mga mata sa sports
car. Napatingin tuloy sa akin ang dalawang bata. "What? Kayo lang ba ang may
karapatan mangarap?"
Nagmamadaling nagkatakbuhan ang mga ito papalayo. Natakot siguro sa akin. Muli kong
binalingan ang kotse nang hindi makuntento ay pumasok pa ako sa loob ng bakuran.
"Kailan kaya ako magkakaroon ng isang kagaya mo?" Parang nababaliw na hinimas ko
ang hood ng sports car nang bigla iyon nag-alarm. Nawala sa isip ko ang tungkol sa
bagay na iyon. Bago pa ako makatakbo palabas ay bumukas ang pinto ng bahay at
iniluwa ang lalaking may-ari.
"Mark?" Kung nagulat ako nang makita siya, kabaliktaran naman niya.
"How did you find this place?"
Siya pa ngayon ang may ganang magalit. Kung sakalin ko kaya siya!
"Naligaw lang ako. Hindi ko naman alam na nandito ka." Dahil kung alam ko lang,
hinding-hindi ako tatapak sa lugar na ito. Hmp!
"Saan ka pupunta?"
"Aalis na!"
"Sandali lang!"
Ngayon pipigilan mo ako. Puwes, manigas ka!
"Jianne!"
"Ano ba?"
"Naiwanan mo ito." Itinaas ni Mark sa harapan ko ang supot ng mga pinamili.
"Akin na 'yan!" Sabay hablot at nagmamadaling lumabas ng bakuran. Buwisit ka! Hindi
na sana kita nakita.
Pagdating sa beach house ay dumiretso agad ako sa aking silid at kinuha ang
travelling bag sa ilalim ng kama. Pagkatapos makapag-empake ay tinawagan ko si
Trisha.
"I'm going home!"
"Why? What happened?"
"I can't stay here any longer."
"Jianne, what's goin on?"
"Ayoko na siyang makita kahit kailan!"
"Calm down, okay?"
"I am calm. That's why I want to go home. Hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili
ko na makapanakit ng tao, mas mabuti pang uwi na lang ako."
Kahit ang mag-asawang katiwala ay walang nagawa upang pigilan ako. I'm furious and
no one can stop me. Nag-aabang ako ng masasakyang tricycle nang bumuhos ang malakas
ang ulan.
Ano ka ba ulan, makisama ka naman!
Lalo pa akong nanlumo dahil halos kalahating oras na akong naghihintay ngunit
walang dumaraan na tricycle. Nice! Kung hindi nga lang umuulan ay baka nilakad ko
na hanggang terminal ng bus. Pagkaraan ng ilang sandali ay biglang nagbago ang isip
ko. Na-realized ko na hindi ko kailangan umiwas. Ano naman kung nasa kabilang
bakuran lang ang mokong na iyon? Sayang ang natitira kong dalawang araw na bakasyon
kung magpapaapekto ako sa kanya.
Kung gaano ako kabilis umalis kanina ay ganon din nang makabalik ako sa beach
house. Nagulat pa sina Mang Ambo at Aling Lydia sa pagsulpot ko. At dahil basang-
basa ako ay tuluyan na akong naligo sa ulan. Hindi na rin ako pinigilan ng mag-
asawa.
Sa kabila ng masungit na panahon ay nagpunta ako sa tabing-dagat at nagtampisaw sa
tubig. Sabi ko na nga ba! Mas enjoy mag-swimming kapag umuulan. Bukod sa malamig
ang tubig ay hinahampas ako ng malakas na alon.
Wooh! This is life! Oops! Tinangay ng alon ang kapares ng aking tsinelas. Sinubukan
kong habulin iyon nang bigla na lamang may sumunggap sa akin mula sa likuran- si
Mark! Nawalan ako ng balanse at tuluyan nalublob sa tubig. Bago ko pa namalayan ay
buhat-buhat na niya ako at saka dinala sa may pampang.
"Are you out of your mind?" Sigaw niya habang pagtuloy ako sa pag-ubo. Takte!
Nakainom ako ng tubig-dagat.
"Ano ba ang pumasok sa kukote mo at naisipan mong gawin ang bagay na iyon?" Hindi
pa siya nakuntento sa paninigaw sa akin ay dinuro pa niya ako sa sentido.
"Nakakarami ka na!"
"Come to your senses! Paano kung hindi ako dumating?"
"Malamang baka nahabol ko ang kapares ng tsinelas ko. Buwisit ka talaga!" Tangkang
tatayo ako nang pigilan ako ni Mark dahilan para mapaupo ulit ako.
"You're not going to..."
"Hindi pa sira ang ulo ko para gawin ang bagay na iniisip-" Bago ko pa maituloy ang
sasabihin nang bigla akong makulong sa kanyang mga bisig. "Mark, ano ba? Bitiwan mo
ako!" Subalit kahit anong pagpupumiglas ko ay lalo lamang humigpit ang kanyang
pagkakayakap.
"Tinakot mo ako. Akala ko- Never mind!" Bigla siyang kumalas sa akin at hinila ako
sa kamay. Napilitan akong sumunod sa kanya.
"S-saan tayo pupunta?"
"I'll take you as my hostage."
"Huh?"
"I want to make sure that you won't do stupid things again."
"Sino kaya ang stupid sa atin dalawa? Hindi ba katangahan ang pag-isipan ako na
magsu-suicide?"
Hindi siya kumibo habang patuloy siya sa malalaking hakbang.
"Mark, ano ba? This is kidnapping! Wala akong perang pang-ransom sa'yo!"
"I don't need your money. All I want is you."
Hindi ako sigurado sa narinig. Para lang kasi siyang bumubulong sa hangin.

"Here!"
Sapol ako sa mukha ng tuwalya bago ko pa iyon masalo. Nice, ang sweet niya talaga!
"No, thanks." Hinagis ko iyon pabalik kay Mark.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na," walang likod-lingon na sabi ko habang patungo sa pintuan. "Wala akong
balak magstay dito sa bahay mo at saka baka hinahanap na rin ako nila Mang Ambo at
Aling Lydia."
Muntikan na akong mapatalon sa gulat nang biglang kumidlat ng ubod na lakas. Dahan-
dahan akong pumihit paharap kay Mark.
"Hindi mo ba ako pipigilan?"
Muli niyang hinagis sa akin ang tuwalya.
"Take a quick bath. Baka ka sipunin."
"Kasalanan mo kapag nagkasakit ako!" Padabog na nagmartsa ako patungo sa itinuro
niya nang maisip kong bumalik. "Saan nga ulit 'yung banyo?"
Mas malaki na di-hamak ang bahay niya kaysa sa beach house nila Trisha at Jared.
Hindi nga lang ako sigurado kung mas malaki rin ang nasasakupan ng kanyang bakuran.

"Nagluto ako ng tanghalian. Let's eat."


Hindi ako nagugutom! Iyon sana ang gusto kong sabihin pero agad na tumutol ang
aking tiyan.
"Initin mo na lang ang pagkain sa mesa kapag nagutom ka."
"Sinabi ko ba na hindi ako kakain?" Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa couch at
tinungo ang dining table. Hindi man lang nag-effort si Mark na pilitin ako.
"Wala ka ba ibang damit? Niyuko ko ang suot na oversized t-shirt at padjama bottoms
na pinahiram niya sa akin. "Para akong clown dito sa suot ko?"
Wala akong natanggap na response mula kay Mark habang patuloy siya sa pagkain. As
usual, naka-silent mode na naman siya. Haist! Ngayon ako nagtataka kung paano ko
napagtiyagaan ang ugali niya sa mahabang taon. Pero ako rin sumagot sa sarili kong
katanungan.
"So, ikaw pala ang nakabili nitong beach house. Kailan pa?"
"Sinabi sa'yo ni Jared?" Balik-tanong niya na hindi tumitingin sa akin.
"Wala siyang sinabi pero nagbigay siya ng hint. Ang tanga ko lang dahil hindi ko
agad nahulaan."
Doon nag-angat ng mukha si Mark. Magkasalubong ang mga kilay. Mabilis naman akong
nag-iwas ng tingin.
"Maalat itong sopas na niluto mo."
"Galit ka ba?"
Bagaman natigilan ay hindi ako nagpahalata.
"Galit kanino? Sa pamilya mo? O sa'yo?"
Hindi makasagot si Mark.
"At first I was mad. Sino ba naman ang hindi magagalit pagkatapos ng mga nangyari
sa akin?" I forced a smile, habang patuloy na pinaglalaruan ang pagkain sa pinggan.
"Pero hindi ko pala kayang magtanim ng galit sa puso ko. Maybe because they were
like a family to me."
I never told my parents about Tito Mario and Tita Belle's involvement. Tanging si
Kristofe lang ang nadiin at hinuli ng mga pulis. Hindi rin ako nagsampa ng kaso
laban sa kanya dahil sa tingin ko ay hindi iyon ang nararapat. He needs a medical
treatment. Siguro kung hindi dahil sa kanyang kondisyon, hindi niya magagawa sa
akin ang mga bagay na iyon. He's been nice to me and we had a good times together.
Kung kaya ko lang sana maibalik ang panahon.
"I'm sorry." I heard him said, almost whispering. Hindi magawa ni Mark na tumingin
sa akin ng diretso.
"You don't have say it on behalf of them."
"No, I'm sorry because I was not there to protect you."
"But you've done enough by saving me. Thanks to you, I am still kicking alive."
Bahagyang ngumiti si Mark. Iyon tipong ayaw pa niyang ipahalata sa akin.
"But..." Sinadya kong ibitin ang sasabihin. "It doesn't mean na absuwelto ka na sa
mga kasalanan mo sa akin." Bago ko pa mapigilan ang sarili ay mabilis na umangat
ang kamay ko at pinukpok siya ng kutsara sa noo.
"Nakakainis ka. Paano mo natiis na hindi ako dalawin noong nasa ospital pa ako? Ni
hindi ka man lang nagparamdam sa akin. Pagkatapos umaakto ka ngayon na parang
walang nangyari. Wala ka ba talagang pakialam o manhid ka lang talaga?"
"Jianne, hindi mo kailangan sumigaw- Aray!" Muling umigkas ang kamay ko.
"Wala kang pakialam kung gusto kong sumigaw!" Lalo ko pang nilakasan ang boses at
um-echo iyon sa buong kabahayan. "Ngayon ka magpaliwanag sa akin. Bigyan mo ako ng
magandang rason para mapatawad kita."
Agaw-eksena ang maingay na ringtone ng cellphone ni Mark.
"Don't answer your phone!" Mariin kong utos ngunit naunahan na niya akong sagutin
iyon. Nakahanap siya ng dahilan para umiwas.
"Gusto ka raw makausap ni Trisha," aniya nang iabot sa akin ang aparato. Nag-
aalangan na tinanggap ko iyon at kasabay ng pagsayad ng cellphone sa tenga ko ay
ang pagtirik ng aking mga mata.
"Trish, I'm not his hostage. Huwag kang OA." Marami pa siyang sinabi na halos hindi
ko maintindihan. Naghi-hysterical siya ng walang dahilan. Ngunit biglang napalitan
ng boses lalaki ang kausap ko."
"Yuan, ikaw ba 'yan?" Namimilog ang mata na napatingin ako kay Mark habang
magkasalubong naman ang kanyang mga kilay. "Kailan ka pa bumalik?"
Napawing bigla ang excitement ko nang agawin sa akin ni Mark ang cellphone.
"Bakit mo ini-off?"
"We're not done talking."
"Mamaya na tayo mag-usap. Kakausapin ko lang sandali si Yuan."
"Akala ko ba gusto mong marinig ang paliwanag ko?"
"Oo nga pala. Sige umpisahan mo na." Umayos ako ng upo at hinanda ang mga tenga ko
sa sasabihin niya. Subalit lumipas ang ilang segundo ay nanatiling nakatikom ang
kanyang mga bibig.
"I'll tell you later."
"Ginugudtaym mo ba ako?" Kung hindi ko agad napilitan ang sarili malamang ay naligo
na siya ng niluto niyang sopas. Palagi na lamang niya ako naiisahan.
Tumayo si Mark at tinungo ang sala na tila walang narinig. Napilitan akong sundan
siya.
"Fine! Hindi na kita pipilitin. Just give me your phone. Mas may sense kausap si
Yuan kaysa sa'yo!"
"Dead battery na ang cellphone ko."
"Patingin ako." Pilit kong inaagaw sa kanya ang phone na lalo lamang niyang
inilalayo sa akin. Hanggang sa pareho kaming bumagsak sa couch. Hindi ako sigurado
kung nawalan siya ng balanse o sinadya niya lang para idamay ako.
"Ji, ang bigat mo!" Aniya na bahagyang napangiwi. Napaibabaw kasi ako sa kanya.
"Ako pa ngayon ang may kasalanan?" Tangkang babangon ako nang pigilan ako ni Mark.
"Stay still."
"Stay still mong mukha mo. Mark, ano ba!" Sa halip na pakawalan ay lalo pa niya
akong hinapit palapit sa kanya.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung na-miss kita?" He keeps staring at me with this
smitten smile on his face.
Deym! Bigla na lamang lumukso ang pasaway kong puso. Bakit ba alam na alam ng
mokong na ito ang weakness ko?
"E-Enough of your tripping. Hindi na ako natutuwa sa-"
"You never know how much I miss you."
Really? Hindi nga?
"Kung na-miss mo ako bakit hindi ka nagpaparamdam sa akin?" May himig ng pagtatampo
na sabi ko.
Yumuko si Mark at may ituro sa ituktok ng kanyang ulo.
"Do you see this?"
"Kailan ka pa nagkaroon ng poknat?"
"I got this one from Kristofe." At ikinuwento sa akin ni Mark ang mga nangyari nang
gabing iyon. "It was not fatal, pero kinailangan kong mag-undergo ng ilang test
para masiguro na wala akong natamong brain damage. To be honest, we're in the same
hospital, right next to your room. But I couldn't find a courage to see you."
"You and your pride. Ano naman kung may malaki kang poknat sa ulo? Kahit pa
magkapoknat sa mukha, wala akong pakialam."
"Wala akong lakas ng loob na harapin ka at parents mo dahil sa mga nangyari.
Sinadya man ni Papa o hindi, may involvement pa rin siya, silang dalawa ni Tita
Belle."
"Pero si Kristofe talaga ang may kagagawan ng lahat ng iyon."
"That brat! Masyado siyang nagpadala sa obsession niya." A muscle in his face
jerked.
"How is he? May balita ka ba sa kanya?"
"I don't want to talk about him," muling sumimangot si Mark. "Let's talk about us."
"What about us?"
He raised his hand and slowly runs through my hair.
"There's only one girl who's been there for me. Who makes me feel that I'm more
than I thought I can be. But I'm just me. I can never be nobody else and you are
you. That's what makes you special to me."
"Sus! Akala ko naman kung ano. Matagal ko na pong alam na special ako sa'yo."
"Ji, this is what I meant," he whispered and claimed my mouth. Sa kabiglaan ay
hindi ako agad nakapag-react. And when he finally released me, tinawanan pa ako ng
mokong.
"Don't you still get it? I actually fell for you before I even realized I did."
Natulala ako. Hindi ako sigurado kung anong iisipin. He's in love with me? Really?
Saka bumalik sa isip ko ang isang eksena nang gabing iyon. He said that he loves me
too. Buong akala ko ay guni-guni ko lamang iyon.
"Ji, may alam akong gamot sa after shock."
"Teka lang!" Pigil ko bago pa ulit mag-landing ang nguso ni Mark. "Sigurado ka?
Hindi kaya nabibigla ka lang o baka naman nagdedeliryo ka?" Hinipo ko ang kanyang
noo pero normal naman ang kanyang temperatura.
"I know that fall inlove with you was beyond my control." Kinuha ni Mark ang kamay
ko at dinala iyon sa kanyang mga labi. "Pero anong magagawa ko, pinana ni Kupido
ang puso ko."
Kung ilang beses kong ikinurap ang mga mata. Bawat katagang sabihin niya ay
tumatagos aking puso.
"Huy! Hindi ka na kumibo d'yan!"
"Huh?"
"Ang sabi ko mahal kita."
"O-okay."
"Okay?"
Tumango ako. "Kailangan ko pa bang sabihin?"
"Come on, Ji. Be fair enough-"
"I love you. O ayan, sinabi ko na! Kahit ikaw pa ang pinakamanhid na lalaki sa
buong mundo, mamahalin ka rin kita. As if naman na may choice ako. Ito lang naman
puso ang pasaway. Ayaw paawat."
Ngumisi si Mark, and place a soft kiss to the tip of my nose.
"Ang dami mo naman sinabi. I love you lang naman ang gusto kong marinig."
Now it was my turn to smile.
"So, tayo na?" Excited kong tanong.
"Depende."
Nagsalubong bigla ang mga kilay ko.
"Depende kung matatanggap mo ang peace offering ko." Umangat ang kamay ni Mark at
bumulaga sa paningin ko ang isang car key.
"No way!" Namimilog ang aking mga mata habang palipat-lipat ng tingin kay Mark at
sa hawak niya.
"So, tayo na?"
"I love you too!" I grabbed him and kiss him hard. Hindi lang ako nagkaroon ng
lovelife, may bonus pang sports car.
"Mark?"
"Hmmm..."
"Puwede ko na bang puntahan si Porsche?"
"Later."
"Pero..."
"I said, later."
"Mark?"
"What?"
"Hindi ka ba nangangawit? Kanina pa ako nakadagan ako."
"Who cares!" He claimed my mouth again, Giving me a devastating kiss that I will
never forget for the rest of my life.

A/N: While I was writing this chapter, hindi ko maiwasan na maikumpara ito sa
korean drama na 'W-Two World'. Iyon tipo na gustung-gusto ko nang tapusin ang story
ni Mark pero marami pang ideya at eksena na pumapasok sa isip ko. I had this dread
feeling na parang ayaw pa ng bida natin na bigyan ko ng ending ang kanyang istorya.
(Parang si Kang Chul lang! hehe..) Kaya huwag na kayong magtataka kung bakit
umaabot ng ganitong kahaba ang last chapter. Yep! Last chapter na po ito. But don't
worry, mayroon pa naman epilogue. Hindi ko nga lang sure kung kailan ko maipo-post.
(Ayoko nang mangako dahil madalas naman napapako!) Basta, pipilitin ko para lang
kay Papa Mark at alang-alang na rin sa kanyang lovelife at forever.

FINALE

A/N: Dahil sa kaadikan ko sa korean drama, nakalimutan ko nang isulat ang last part
na ito. Hinintay ko talagang matapos ang Love In The Moonlight at Scarlet Heart
para mabakante ang utak ko. Kasi naman napakalaki nilang distraction sa isip at
kaluluwa. (Agree ba kayo, guys?) At dahil tapos na nga sila , kahit papaano
sinipag-sipag akong magsulat. Though, mayroon pa rin akong pinapanood na on-going
drama, gusto kong magbagong buhay at balikan ang aking first love- which is
writing. Wala man akong love life this coming christmas (Not so sure, baka kasi may
humabol pa hehe..) at least feeling inlove pa rin ako.
Here is the last part of Mark and Jianne's love story. Idinamay ko na rin 'yung
buong barkada para mas masaya. Enjoy reading.

FINALE
Nagmamadaling bumaba ng motorsiklo si Jianne at patakbong pumasok ng ospital. Halos
paliparin na niya kanina ang motorbike sa kalsada, but she was still fifteen
minutes late.
"Jianne!" Nakalagpas na siya ng nurse station nang muli siyang bumalik. "Bad mood
ngayon si Dr. Mendoza."
"Ows?"
Sunud-sunod ang ginawang pagtango ni Daisy. Isa ito sa mga naging ka-close niyang
nurse na madalas magbigay sa kanya ng tip sa tuwing pumupunta siya ng ospital.
"May monthly period yata kaya nagsusungit na naman." Humahagikgik na dagdag pa
nito.
Napakagat-labi si Jianne. Hindi pa man ay parang nakikinita na niya ang magiging
reaksyon ni Mark.
"Goodluck, 'day!"
Goodluck talaga sa akin! Sa isip-isip niya.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng dalaga bago pinihit ang doorknob ng
opisina ni Mark. Eksakto naman na bumukas ang pinto at bumulaga sa harapan niya ang
binata.
"You're late," he said coldly. Obyus ang pagkadismaya sa mukha nito nang hagurin ng
tingin ang kabuuan niya.
"Sorry, nagsara pa kasi ako ng tal-"
"Let's go."
"Saan tayo pupunta?" Atubili na hinabol ni Jianne ang binata na nagmamadaling
tinungo ang elevator. Pilit niyang hinagilap sa isip kung mayroon ba silang lakad.
Basta na lamang kasi siyang tineks nito at agad na pinapunta ng ospital.
"Huy, sungit!" Sinundut-sundot niya ang pisngi ni Mark. "Galit ka na ba ng lagay na
iyan?" But his silence told her that he does. Hanggang sa makalabas sila ng
elevator ay nanatili itong walang kibo.
"Lakas ng topak mo. Nakakapikon ka na," bubulung-bulong na sabi pa niya habang
nakasunod sa likuran ng binata. Nang sumakay sila ng kotse nito ay hindi na ulit
nagtangkang magtanong ni Jianne. Wala siya sa mood makipagtalo. Isang mahabang
paghikab ang pinakawalan niya na sinundan ng pagsundot ni Mark ng daliri sa kanyang
pisngi.
"You don't remember, do you?"
"Ang alin ba?" Balik-tanong ng dalaga na sinabayan muli ng paghikab. Ngayon niya
naramdaman ang pagod sa buong araw na pagiging abala sa talyer.
Imbes na sumagot ay dumukwang ang binata sa backseat at mayroon kinuha.
"Today is our third-" Hindi naituloy ni Mark ang sasabihin nang makitang
nahihimbing na si Jianne. Disyamadong tinitigan niya ang hawak na mga bulaklak.
"Haist! Hindi mo lang kinalimutan, tinulugan mo pa ako. Now, it was totally
ruined!"
Nasayang lang ang maganda sana niyang plano na isang linggo rin niyang pinag-
isipan. Ngayon niya gustong magsisi kung bakit naggalit-galitan pa siya kanina.
Nais niya lamang sorpresahin ang kasintahan, subalit hindi niya akalain na siya
pala ang mas masosorpresa.
"What am I going to do with you now?" He said while keeping his eyes fixed to her.
Hindi niya napigilan mapangiti nang may ideya na biglang pumasok sa kanyang isip.
"Ji, fasten your seatbelt!"

"Hmmm..." Nagsusumiksik pa lalo si Jianne nang makaramdam ng ginaw. Nakatodo yata


ang aircon. Ngunit tinatamad naman siyang bumangon para hinaan iyon. Napamulat siya
ng mga mata nang biglang may gumalaw sa kanyang tabi at bumulaga sa kanyang
paningin ang nakapikit na mukha ni Mark. She blinked hard. Baka kasi nanaginip lang
siya but he was real. Sa katunayan ay naramdaman pa niya ang paghigpit ng mga yakap
nito.
"Gising ka na ba ng lagay na iyan?" His voice was husky. Bagaman nakapikit ay may
ngiting nakasilay sa mga labi nito.
Doon lamang napagtanto ni Jianne na magkatabi silang dalawa sa isang mahabang
couch. Pamilyar sa kanya ang paligid subalit sigurado siya na hindi iyon ang pad ng
binata.
"Mark, nasaan tayo?"
"Where do you think?" His lips twisted in amusement. Biglang nanlaki ang mga mata
ni Jianne at marahas na lumingon sa glass door. Mula roon ay naririnig niya ang
malalakas na paghampas ng alon sa labas.
"Don't tell me..." Hindi niya maituloy ang sasabihin habang pilit na hinahagilap sa
isip kung paano sila napadpad doon.
"Yup, nasa beach house tayo." Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Mark. Nang
magtangka siyang bumangon ay muli siyang hinila nito pahiga at niyakap ng mahigpit.
"Silly you! Hindi mo man lang namalayan na dinala kita rito. Daig mo pa ang mantika
kung matulog."
Napanguso si Jianne.
"Nagpakapagod ka na naman siguro sa talyer at pati monthsary natin ay hindi mo
naalala." May himig na pagtatampo na sabi pa ng binata.
"S-sinong nagsabi sa'yo na nakalimutan ko? Inunahan mo kasi ako ng pagsusungit
kanina kaya hindi tuloy kita nabati."
Nagdududa na tinitigan siya Mark. Dahilan para lalo siyang makonsyensya.
"Oo na, nakalimutan ko na. Sorry. Masyado akong naging abala nitong mga nakaraan
araw sa talyer kaya na nawala isip ko ang tungkol doon."
Subalit hindi man lang natinag ang nobyo.
"Sorry na. Bati na tayo!" Nagsumiksik si Jianne sa katawan ni Mark at sininghot-
singhot ang pabango nito. "Heavens!"
He giggled in response. Pilit na kumakawala sa kanya. Alam niya na nagpapakipot
lamang ito.
"Mark, nagugutom na ako." Hindi naman siya nabigo.
"What do like to eat?"
"Magpapa-deliver ka?" Excited niyang tanong.
"Nope." Ngumisi si Mark at mabilis na bumangon. "Magluluto ako."
Mabilis na nalukot ang mukha ni Jianne.
"Kung kumain na lang kaya tayo sa labas?" Hirit niya subalit tila wala itong
narinig at dire-diretso sa kusina.

Mablis na lumipad ang mga mata ni Mark sa pintuan nang makarinig ng ugong ng
sasakyan sa labas.
"Nagpadeliver ka ba ng pagkain?" Tanong ni Jianne nang ilapag sa mesa ang sinandok
na kanin. Subalit bago pa siya makasagot nang biglang bumukas ang pinto.
"Maki boy!" Si Tyron. Kasunod niya ang nakasimangot na si Cyrhel. Sumunod na
pumasok sina Riley at Muriel na tahimik na nililibot ng tingin ang buong bahay.
"Surprised!" Halos ume-echo ang boses ni Jared sa buong kabahayan. Agad naman itong
sinaway ni Trisha.
"Honeybee, ingat sa paghakbang." Si Vince, habang inaalalayan si Valjean. Parang
gusto niyang batukan ang kaibigan dahil isinama pa nito ang asawa gayon kabuwanan
na nito.
"What is the meaning of this?" Hindi pa rin makapaniwala si Mark sa nakikita.
Kumpleto ang buong barkada, kasama pa ang kanilang mga asawa't nobya. "Ano ito
outing?"
"Ano ka ba, Maki boy?" Tumabi sa kanya si Tyron at inakbayan siya. "Nandito kaming
lahat para bigyan ka ng moral ng support."
"Moral support?" Maang na tumingin siya kay Riley ngunit nagkibit-balikat lamang
ito. Ngiting-aso naman si Jared habang si Vince ay binigyan siya ng 'fighting'
sign. What the hell they are thinking of?
Nang makuha niya ang ibig sabihin ng mga kaibigan ay hindi napigilan ni Mark ang
mapaungol. No way! Sisirain lang ng mga ito ang diskarte niya.
"Come on, guys! Let's start the celebration!" Sa pangunguna ni Tyron ay niyaya nito
ang mga kasama sa tabing-dagat.
"Mark, nandito rin ba sila para maki-celebrate sa monthsary natin?" Jianne asked
stupidly.
Hindi malaman ni Jianne kung matutuwa o maiinis sa pagsulpot ng mga bisita.
Supposed to be moment nila ito Mark. Minsan na lamang sila magkaroon ng oras sa
isa't-isa pero nausyami pa. Subalit kung hindi rin dahil sa kanila, malamang ay
kanina pa nagrereklamo ang kanyang tiyan sa niluto ni Mark. Ang dami nilang bitbit
na pagkain. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang araw na ito.
"Honeybee, gusto mo ba ng hipon? Paghihimay kita."
"Pate, tikman mo itong relyenong bangus."
"Baby girl, ano pa ang gusto mong kainin?"
"Monay, dahan-dahan. Baka mabulunan ka."
Nakamasid lang si Jianne sa mga ito. Aminin man niya o hindi sa sarili ay
nakaramdam siya ng inggit. Ang sweet naman kasi ng mga lalaki sa kanilang mga
asawa't nobya. Habang itong katabi niya ay kanina pa walang kibo. Animo'y may
sariling mundo. Nagkaroon lang sila ng mga audience ay nawala na ang ka-sweet-an sa
katawan ng nobyo.
Pagkatapos kumain ay nagprisinta siya na maghugas ng mga pinagkainan. Tinulungan
siya ni Trisha ngunit nang malingat siya ay bigla na lamang itong nawala.
"Mark!" Halos sapuhin ni Jianne ang dibdib nang makita ang binata na nagmamasid sa
kanya. "Ginulat mo naman ako!"
Hindi man lang ito nag-react habang nakasandal sa gilid ng lababo. Bagaman
nagtataka sa kinikilos nito ay nagpatuloy siya sa ginagawa. Pagkaraan ay naramdaman
na lang ng dalaga ang pagpulot ng mga braso nito sa kanyang katawan at niyakap siya
mula sa likuran.
"Something wrong?" Naisip niyang itanong.
Hindi sumagot si Mark ngunit umiling.
"Bakit kanina ka pa walang kibo?"
"Ang daming asungot. Hindi tuloy kita masolo."
Ang lapad ng ngiti ni Jianne. Hindi man niya maipahalata pero kinikilig siya sa
simpleng gesture ng nobyo.
"Maki boy, saan nga pala ang banyo rito?"
Napamulagat silang dalawa ni Mark at magbilis na naghiwalay. Para silang mga
salarin na nahuli sa akto.
"Sus, ngayon pa ba kayo mahihiya sa akin?" Natatawang sabi ni Tyron. "Sige na,
ituloy na ninyo ang paglalandian. Kunwari na lang wala akong nakita."
Akmang susugurin ni Mark ang kaibigan ngunit agad itong pinigilan ni Jianne.

Malalim na ang gabi subalit sa halip na magpahinga ay naisip pa ng mga ito na mag-
bonfire sa tabing-dagat. Parang mga batang naglalaro sa malalakas na alon sina
Jared, Tyron at Vince. Hindi alintana ang malamig na simoy ng hangin at tubig. Nasa
pampang naman sina Riley at Mark habang pinapanood ang mga kaibigan. Ilang sandali
pa ay hinahabol na tatlong lalaki ang dalawa at sapilitan na dinala sa dagat.
Mula sa kinaroroonan ng bonfire, ang lakas ng tawanan ng limang babae sa
nasaksihang kalokohan at kabaliwan ng mga magkakaibigan.
"Ang cute nilang tignan. Para silang mga bata," wika ni Valjean habang patuloy sa
paghimas ng bilugang tiyan.
"Mga batang damulag!" React ni Muriel. "Malamang si Jared na naman ang pasimuno sa
kanila."
"Hindi na ako magtataka," sabat ni Trisha na napapailing na lang habang nakatanaw
sa asawa.
"Kung mayroon man numero uno pagdating sa mga kalokohan, si Tyron iyon." Halata ang
pagkasuya sa mukha ni Cyrhel. "Mabuti pa sina Kuya Riley at Mark mga behave. Sana
ganoon din si Bakulaw!"
"Mga behave man sila mayroon din silang itinatagong kalokohan," nangingiting sagot
ni Muriel. "But I'm very grateful for having a husband like Riley. He's not perfect
but he is worth of loving. Siya lang talaga ang nagtiyaga sa pag-uugali ko. To
think that we're married for almost four years and with two children."
"Maloko man si Jared pero mahal na mahal ako ng mokong na iyan," may pagmamalaki na
sabi ni Trisha. "Sa sobrang pagmamahal niya sa akin, heto dalawang buwan na akong
buntis gayon wala pang isang taon ang panganay namin."
Pinigilan ni Jianne ang bumulanghit ng tawa. Madalas kasing magkuwento sa kanya ang
pinsan tungkol sa buhay nito may-asawa.
"I'm waiting anytime soon," nakapaskil ang ngiti sa mga labi ni Valjean habang
nakatingin sa kanyang sinapupunan. "Mas excited pa nga sa akin si Vince na makita
ang first baby namin. Sa sobrang excitement niya, nang minsan sumakit ang tiyan ko
nauna pa siyang makarating ng ospital kaysa sa akin."
"Sa sobrang pagkataranta ni Kuya Vince ay sa ibang kotse pala niya naisakay si Ate
Valjean." Humagalpak ng tawa ni Cyrhel habang sapu-sapo ang tiyan nang bigla itong
huminto. "Teka, hindi n'yo ba ako tatanungin kung magbabago pa ang isip ko na
pakasalan si Tyron? Isang linggo na lang at ikakasal na kaming dalawa. Sa palagay
n'yo ba tama ang desisyon ko?"
Kahit isa sa apat na babae ay walang nag-react. Hindi kasi sila sigurado kung
nagbibiro lang o nagsasabi ng totoo si Cyrhel.
"Cous, I'm so happy for you!" Bigla na lamang dinamba ni Trisha si Jianne at
niyakap. "Finally, nagbunga rin ang matagal mo nang paghihirap sa pinakamanhid na
doktor sa balat ng lupa."
"Ang suwerte mo. Ikaw lang pala ang makakapagpaibig sa manhid na puso ni Dr.
Mendoza."
"Si Mark ang masuwerte. Nag-iisa lang si Jianne at wala na siyang makikita na
katulad niya na magtitiyaga sa kanyang kasungitan."
"Hindi ko lang talaga mahal si Bakulaw hindi ko siya ipapaubaya sa'yo," sabat ni
Cyrhel. Ngunit pati naman siya ay nakiyakap na rin kay Jianne.
"Cous, ano na?" Si Trisha ulit. Mukhang nahawa na ito sa ka-hyper-an ng kanyang
asawa. "Did he already..." Ibinitin pa nito ang sasabihin.
"What?" Maang na tanong ni Jianne.
"Alam mo na? Iyon ano?"
Naguguluhan na tumingin siya sa apat na babae. Bakas sa mga mukha nito ang
excitement. Mabilis na kinuha ni Muriel ang kanyang kaliwang kamay at itinaas. Ang
excitement ay napalitan ng disappointment.
"Oops! False alamn!"
Magkakasabay na lumingon ang limang babae nang marinig ang pagsigaw ni Tyron habang
hinahabol si Jared. Itinakbo kasi nito ang shorts ng binata.
"Kadiri ka, bakulaw!" Nahihiyang tinakpan ni Cyrhel ng mga palad ang mukha. Naka-
brief lang kasi si Tyron habang tumatakbo.

Napansin ni Jianne ang pananahimik ni Mark habang pinupunasan niya ng tuwalya ang
basa nitong katawan. Taliwas sa mga kaibigan nito na nagawa pang magtawanan
pagkatapos ng ginawang kalokohan. Bagaman sanay na siya, hindi pa rin niya maiwasan
magtaka.
"Hubarin mo na ang basang t-shirt mo at ikukuha kita ng bago." Bago pa siya
makahakbang ay agad siyang pinigilan ng binata. Pabulong itong nagmura, cursing his
friends. Sinira raw nito ang kanyang diskarte.
"Kung anuman 'yan diskarte mo, ipagpabukas mo na lang," aniya. Hindi pinansin ang
pagiging unease nito. "Kailangan mo nang makapagpalit ng damit bago ka pa
mapulmonya."
Muli siyang pinigilan ni Mark at sa pagkamangha ni Jianne nang bigla itong lumuhod
sa kanyang harapan at may kung anong dinudukot sa bulsa ng cargo shorts nito. His
dark eyes are on hers.
"Jianne, I want forever and I want it with you."
She held her breath. Oh god! Oh god!
"Kadiri ka! Huwag kang lalapit sa akin!"
"Monay naman!"
Pareho silang na-distract sa pagtatalo nila Cyrhel at Tyron.
"Jianne!" Agaw ni Mark sa atensyon niya.
"Ano nga ulit iyon?"
"You're not listening."
Muli nilang narinig ang matinis na tinig ni Cyrhel.
Pinilit ni Jianne na ituon ang atensyon kay Mark. This is the moment she's been
waiting for.
"Are you telling me..." Hindi niya maituloy ang sasabihin sa pinaghalong kaba at
excitement.
"Ji, there is no one I want to be with more than you. And I want to spend the rest
of my life with only you." The love he was stating can be seen in his eyes. "I-I
know it's a short notice and I've been an idiot, and-- damn it-- I don't have the
ring!"
"Huh?"
"I lost the ring!" Panay ang kapa ni Mark sa bulsa ng shorts. Hindi malaman kung
saan hahanapin. "Sh-t! Naiwala ko yata kanina sa dagat."
"Are you sure?" HIndi malaman ni Jianne kung madidismaya o matatawa sa nakikitang
itsura ng nobyo.
"Ji, I'm sorry-"
She wrapped her arms around him and carefully fits her mouth to his.
"With or without the ring I will say yes."
"You will marry me?" He pulled back just enough to look into her eyes.
Sunud-sunod ang ginawang pagtango ni Jianne. "Alangan naman na pakawalan pa kita.
Hindi biro ang ilang taon na paghihirap ko sa'yo, Dr. Mark Mendoza?"
He matched her smile. Then he touched her face and leans in close, brushing his
lips with her.
Wishing you the happiness, love and togetherness forever!
Jianne break away the kiss and stare wide-eyed at him.
"Did you hear that?"
Nakangiting tumango si Mark.
"Seems like she was watching us all this time."
"Oh, Cheska!" Parang gusto niyang maiyak nang maalala ang kaibigan. Buong akala
niya ay siya lamang ang nakakarinig ng boses nito lalo na noong mga panahon nasa
panganib ang kanyang buhay.
"I miss that brat."
"Me too!"
Naagaw muli ang kanilang atensyon sa ingay na likha ng mga kaibigan. This time
hindi lang sina Cyrhel at Tyron ang sangkot, kundi ang buong grupo ay nagkakagulo.
"Mark, manganganak na si Valjean?" Sigaw ni Vince na hindi malaman kung paano
bubuhatin ang namimilipit na asawa.
Wala sa loob na nagtinginan silang dalawa at ilang saglit lang ay nakigulo na rin
sila sa mga ito.
THE END

PS: Whew! Two years in the making. Muli, nagpapasalamat ako sa mga taong sobrang
tiyaga at walang sawang naghintay at sumubaybay sa love story nila Mark at Jianne.
Finally, natapos ko na rin ang series ng mga boys. Next project, ang new batch
naman ng mga girls. From Jianne, to Sonnie, then Gabby and lastly Cassandra. Watch
out for their love stories. Until next time.
-Alexisse Rose

You might also like