Professional Documents
Culture Documents
Ni Karoly Kisfaludi
Isang umaga samantalang ang espesyalistang siruhano ay nagpapahiga pa sa kanyang higaan ay nagkaroon siya
ng isang pasyenteng labis ang pagmamadali.Pumasok ang isang lalaking kagalanggalang na mapagwawaring nagmula sa
angkang kabilang sa mataas na lipunan. Mababakas sa kanyang maputlang mukha at sa kaanyuaang hindi mapalagay ang
malabis na pagdurusa at pagtitiis. Pinaupo siya ng siruhano at tinanong, “Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?”. Buong
paghihirap na inalis ng lalaki ang sakbat sa kanyang kanang kamay at nagwika, “Huwag kang magtaka kung wala kang
nakikitang sugat sa aking kamay, Hindi pangkaraniwan ang aking sakit.” Itinuro ng maysakit ang isang bahaging pabilog
sa pagitan ng dalawang malalaking ugat ngunit bigla niyang hinila ang kanyang kamay nang maingat na diniinan ng daliri
ng doctor ang bahaging kanyang itinuturo. “Iyon ba ang kumikirot?” ang tanong ng manggagamot. Hindi sumagot ang
lalaki ngunit ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata nito ang nagpatunay ng kirot na tinitiis.”Nakapagtataka
ngunit wala akong nakikitang kapansanan!” Muling sinuri ng siruhano ang kamay nito sa pamamagitan ng
mikroskopyo,kinunan din niya ng temperatura at umiling-iling. “Sa palagay ko’y may kapulahan ng bahagya ang masakit
na bahagi”. “Saan?” “Dito.” Gumuhit ng pabilog sa likod ng kanyang kamay na kasinlaki ng pera.Pinagmasdan ng doctor
ang kausap. Inisip niyang siya ay nakikitungo sa isang taong nasisiraan ng bait. Naglabas ng isang libong florin ang lalaki
upang patunayan sa doktor na hindi siya nagbibiro. Ngunit umiling ang doktor. “Ialay mo man sa akin ang lahat ng
yaman mo ay hindi ko maaaring tistisin ang isang malusog na kamay.”Bakit Hindi?” “Sapagkat malalabag ang gayon sa
aking sinumpaan na tungkulin bilang manggagamot.” Nagulat ang doktor nang biglang inilabas ng lalaki ang kanyang
lanseta sapagkat walang patalim na nakalabas sa tanggapan ng doktor. Bago mahadlangan ng siruhano ang panauhin ay
naibaon na nito nang malalim sa kamay ang lanseta. “Tigil na ‘yan!” ang sigaw ng doktor sa pangambang baka sa
kawalang muwang ng lalaki ay maputol pati ang mahahalagang ugat. “Kung naniniwala kang dapat tistisin ang kamay mo
ay ikaw ang masusunod. Ako ang titistis.”Inihanda ng doktor ang mga dapat gawin. Matatag na tiniis ng lalki ang
pagtitistis, Siya ay napabuntong hininga nang buong kasiyahan at tila ba naibsan sa balikat ng isang mabigat na pasanin.
Nang mabendahan ang sugat,lubos siyang naginhawaan at bakas sa kanyang mukha ang katiwasayan. Lubos ang
kanyang pasasalamat sa doktor at umalis. Tatlong linggo ang nakalipas,mulling bumalik ang lalaki. Idinaraing na na
naman ang napakakirot na bahaging tinistis noon ng siruhano. “Hindi sapat ang lalim ng pagkakahiwa mo,nagbalik ang
kirot na mahigit pa sa dati, para na akong mamamatay. Kailangang tistisin mong muli.”Sinuri ng siruhano ang bahaging
kanyang tinistis.Iyon ay naghilom na at natatakpan ng bagong balat.Nasa ayos ang lahat.Walang lagnat ang maysakit
ngunit kumikinig ang halos lahat ng bahagi ng katawan nito.Walang nagawa ang siruhano kundi tistising muli ang
bahaging tinistis niya noon. Nawala ang kirot ngunit ang lalaki bagamat nakadama ng kaginhawaan ay hindi ngumiti sa
doktor nang magpaalam. “Umasa kang magkikita tayong muli”,wika ng maysakit na tila nakatitiyak sa kanyang sinabi.
Nakalipas ang isang buwan, hindi na bumalik ang lalaki.Lumipas pa ang isang Linggo, sa halip isang liham mula sa lalaki
ang dumating. Malugod na binuksan ito ng siruhano sa pag-aakalang ang nilalaman nito ay nagbabalitang ang kirot ay
hindi na bumalik. Ganito ang nilalaman ng liham.