You are on page 1of 1

Ang Sugat na Hindi Nakikita

Buod:

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang lalaki na nagkaroon ng sugat na hindi nakikita. Siya
ay nagtungo sa pagamutan ng seruhano ipang ipagamot ang makirot na bahagi ng kanyang
kamay na kanyang idinadaing. Sinuring mabuti ng seruhano ang bahagi ng kamay na idinadaing
ng lalaki ngunit sa kasamaang palad ay wala siyang nakitang anuman na nakapagpapasakit dito.
Nagalit ang lalaki sa sinabi ng seruhano kaya't kumuha siya ng labaha at hiniwa niya ang
kanyang kamay ng sa gayon ay magkakaroon na ng dahilan ang seruhano na siya ay gamutin.
Napilitan ang seruhano na tahiin at gamutin ang lalaki. Naginhawaan ang lalaki at siya ay
nagpasyang umuwi.

Makalipas ang tatlong linggo, bumalik ang lalaki at sinabing mas masakit ang kamay niya
kumpara sa una niyang pagdalaw sa pagamutan ng seruhano. Pinilit niya na gamutin muli ng
seruhano ang kanyang kamay sa kabila ng hilom na nitong kondisyon. Umalis ang lalaki
matapos ang gamutan at hindi na muli pang bumalik sa halip ito ay nagpadala ng liham sa
seruhano at sinabi ang katotohanan ukol sa sugat niyang hindi nakikita. Natuklasan ng seruhano
na ang lalaki ay nangungulila sa kanyang asawa na kanyang napatay matapos na ito ay
pagdudahan sa mga liham na ipinatago ng kondesa. Huli na ng malaman ng lalaki na ang
kanyang asawa ay naging tapat sa kanya. Magsisi man siya ay huli na kaya't nagpasya siya na
wakasan ang kanyang buhay.

You might also like