You are on page 1of 3

______________________________________

Private Softcopy of :
YURIE MAY LIBRARY
______________________________________

“BIRTHDAY WISH”
by PinkishRose

Nathalia and I were childhood friends. Simula pagkabata ay lagi na kami magkasama.
Ako ang nagsisilbing taga pagtanggol niya kapag may nang aaway sakanya. Parang
close family narin kasi kami, dahil ang mga parents namin ay mga magkababata din.

At sa sobrang close nga namin ni Tanya ay aakalain ng iba na boyfriend niya ako.

Over protective din kasi ako sakanya. Ayaw ko na nakikitang umiiyak siya, ayaw kong
nasasaktan siya. Gusto lagi lang siyang masaya.

Pauwe na kami ni Nathalia galing school ng bigla siyang mahilo.

“Ok ka lang?” pag-aalala ko.

“Oo ok lang ako. Siguro dahil gutom na ako kaya nahilo ako.” sagot naman ni
Nathalia.

“Napapadalas yata yung pagkahilo mo. Bakit kasi nagpapalipas ka ng gutom? Sinabi ko
naman sayo kumain ka sa tamang oras diba?” sambit ko.

“Opo. Wag ka masyado mag alala sakin. Ok lang ako.” nakangiting pagkakasabi ni
Nathalia.

Agad ko naman binuhat si Nathalia para hindi na siya mahirapan maglakad.

“Uy ano ba ginagawa mo? Ibaba mo nga ako.” sambit niya.

“Wag kana mag inarte d'yan. Nahihilo ka diba? Mas ok na 'to para 'di ka mahirapan
maglakad.” nakangiting pagkakasabi ko habang buhat buhat si Nathalia.

Nang maihatid ko si Nathalia sa bahay nila ay nagpasiya ako na hindi muna umuwe at
samahan lang muna si Nathalia.

“Bakit 'di ka pa umuuwe?” pagtataka niya.

“Gusto ko kasi masiguro na ok kana, bago ako umuwe.” seryosong pagkakasabi ko.

“Aysus ito talagang bestfriend ko. Ok na po ako, wag ka na pong mag alala. Sige na
umuwe kana. Baka hinahanap kana ni Tita.” nakangiting pagkakasabi Nathalia.

Dahil sa pagpupumilit sakin ni Nathalia at nakita ko naman na ok na talaga siya ay


nagpasiya narin ako na umuwe.

——

Kinabukasan, nagising nalang ako dahil sa sunod sunod na pag ring ng cellphone ko.
“Hello Vanessa. Bakit napatawag ka?” tanong ko sa pinsan ni Nathalia.

“Si Ate Nathalia kasi biglang sinugod sa hospital.” tarantang sagot ni Vanessa.

“Ano!?” gulat na reaction.

“S-saang hospital siya dinala?” tanong ko.

“Ite-text ko nalang sayo.” sagot naman ni Vanessa.

Nang mai-text sakin ni Vanessa kung saang hospital dinala si Nathalia ay agad ako
nagpunta doon.

——

Pagkarating ko sa hospital ay nadatnan ko sila Tita Kris at Tito Rey na nakaupo sa


gilid.

“Tita, kamusta na po si Nathalia?” agad na tanong ko.

“Mr. and Mrs. Ocampo, pwede po ba kayo makausap? Lumabas na po ang mga test results
ni Nathalia.” sabat ng doctor na kararating lang.

Sumama ako na magtungo sa office ng doctor dahil gusto ko rin malaman kung ano ang
naging result ng mga ginawang test kay Nathalia.

At halos gumuho nga ang mundo ko ng marinig ang sinabi ng doctor.

Acute na ang cancer ni Nathalia. It's a rare cancer na hindi agad napapansin ang
symptoms. Makikitaan lang ng symptoms ang pasiyente tulad ng pagdurugo ng ilong at
madalas na pagkahilo kung acute na ang cancer sa katawan nito.

Pero ang mas masakit, tinaningan narin ng doctor ang buhay ni Nathalia.

1-2months nalang ang kayang itagal ng buhay niya. And within 2months din ay ice-
celebrate na ni Nathalia ang kanyang 18th Birthday.

Pinakiusapan ako nila Tito at Tita na wag itong sasabihin kay Nathalia para hindi
siya ma-stress.

——

“Marvin.” nanghihinang tawag sakin ni Nathalia.

Agad ko naman hinawakan ang kamay niya.

“Mamamatay na ba ako?” seryosong tanong niya habang nanggigilid ang luha sa mata
niya.

“Hindi...hindi ka mamamatay. Gagaling ka Nathalia.” naluluhang pagkakasabi ko


habang hawak ang kamay ni Nathalia.

“Malapit na ang Birthday mo, kaya magpagaling ka. Diba lagi mong sinasabi sakin na
ang gusto mo sa birthday mo ay magpunta tayo malapit sa dagat dahil gusto mong
panoorin yung sunset? Gagawin pa natin yun ng magkasama. Kaya magpagaling ka.”
sambit ko habang pinipilit na ngumiti kahit deep in side ay parang sasabog na ako.

Hindi ko talaga kayang makita na nahihirapan si Nathalia. Mahal na mahal ko siya


higit pa sa isang kaibigan o kapatid.

“Paano kapag hindi na ako gumaling?” seryosong tanong niya.

“Wag ka magsalita ng ganyan. Hindi ako papayag, hindi ko kakayanin kapag nawala
ka.” sagot ko.

“Kapag nawala ako, babauin ko sa langit ang mga masasayang alaala nating dalawa.
Nagpapasalamat ako, kasi ikaw ang naging bestfriend ko. Lagi ka nand'yan para
sakin.” nakangiting pagkakasabi ni Nathalia.

Hindi ko na mapigilan ang sobrang lungkot na nararamdaman ko habang nakikita siyang


ganun, kaya agad ko na siyang niyakap.

——

Hanggang sa sumapit na nga ang araw na kinatatakutan naming lahat.

Nathalia died exactly on her 18th Birthday. And as her birthday wish, nagpunta ako
malapit sa dagat upang panoorin ang paglubog ng araw bibit ko ang jar na
pinaglalagyan ng abo niya.

“Nathalia, nakikita mo ba yung paglubog ng araw? Napakaganda parang ikaw. Happy


18th Birthday sayo, kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka. Mahal na mahal na
mahal kita.” nakangiting pagkakasabi ko habang mahigpit na yakap ang jar na
pinaglalagyan ng abo niya.

Hanggang sa bigla nalang ako nakaramdam na tila may malamig na humalik sa pisngi ko
at bigla nalang pumatak ang luha sa mata ko.

—THE END—

______________________________________
Private Softcopy of :
YURIE MAY LIBRARY
______________________________________

You might also like