You are on page 1of 2

MALING PAGKAKATAON

Pumunta kami sa pinakamalapit na flower shop ng kaibigan ko si Miguel. Una siyang pumasok at
sumunod naman ako.

"Good Morning, Sir! Anong bulaklak po?" tanong ng isang babae na nakabantay sa loob.

"White roses," sagot naman ni Miguel, kaibigan ko.

Iginaya kami ng babae kung nasaan ang mga white roses. Namili si Franz at ako naman ay kumuha ng
isang puting rosas at inamoy ito. "Favorite flower mo rin?" Tumango ako bilang sagot.

Naalala ko na naman siya. Naalala ko naman na ito yung unang bulaklak na ibinigay nya sa akin. Puting
rosas ang paborito niyang bulaklak. Dahil wala akong ginagawa sa bahay, inaya ako ng kaibigan ko na
samahan siya. Matapos kaming bumili ay nagdiretso na kami sa Tito ni Miguel. Tumabi ako sa kaniya
habang siya ay yumuko at hinawi ang mga dahon na nakapaligid sa lapida ng Tito niya. Nabasa ko ang
nakasulat doon.

"Lance Jacob Ramirez"

Hindi maipaliwanag na kirot ang naramdaman ko sa aking dibdib.

"Yanna. Tito ko nga pala. Alam mo bang napakabait niyang tao. Simula nang naulila ako, siya na ang
tumayong magulang ko." Nakaupo pa rin siya at inayos ang paglalagay ng mga puting rosas.

"Walang naiwang pamilya ang Tito mo?" Hindi ko na napigilan ang magtanong.

"Wala, hindi nagkaroon ng kasintahan ang Tito ko. Pero may isang babae siyang palagi ikini-kwento sa
akin. Alam ko ang labis na sakit na dinanas ng Tito ko sa pag-iibigan nilang 'yon. Pinagkaitan sila ng
tadhana. Base sa kwento niya, umibig siya sa isang babae na malayo ang agwat ng edad nila. Walang
araw na hindi niya nabanggit ang babaeng pinakamamahal niya."

Matapos kong marinig ang kwento niya, hindi ko na napigilang humagulgol sa iyak. Agad namang
lumingon sa akin si Miguel at nag-aalalang niyakap ako.

"Yanna? B-bakit? Anong nangyari?"

"Naiku-kwento niya pala ako sa 'yo. So, hi-hindi niya pa-pala talaga ako tuluyang kinalimutan."

Humarap sa akin si Miguel at gulat ang mukha.

"I-ikaw ang estudyante ng Tito ko noon? Ikaw ang babaeng minahal niya? Ikaw si ligaya?" sunod-sunod
niyang tanong.

Umupo ako at hinawakan ang pangalan niyang nakaukit sa lapida.

Pinilit kaming paghiwalayin noon pero ito ako ngayon, nakaharap sa taong minahal ko noon at
minamahal ko pa rin hanggang ngayon.
"Alam ko sya ang tamang tao para sa akin. Ipinanganak lang ako sa maling pagkakataon."

It was destiny that brought us together, drove us apart and lead us back into each others arm's but it's
too late, I'm too late.

You might also like