You are on page 1of 4

(March 2020)

2-3 weeks after ko manganak, medyo madalas akong atakihin ng heartburn.


Ilang days sunod-sunod inaatake ako ng heartburn.After naman ng heartburn,
madalas na din akong sinisikmura, kumain man or hindi. Hanggang sa isang
araw hindi ko na kinaya yung sakit ng sikmura, tinakbo ako sa ospital para
maibsan yung sakit ko, pero after taking the medications, bumabalik-balik
padin siya.

Nag pa check up ako sa doctor para malaman kung ano ba nangyayare saakin.
Nagulat ako sa tanong ng doctor na kung kalian daw ako huling dumumi? Nag
bilang ako at tsaka ko lang din na realize na 10 days na pala ang nakalipas
since hindi ako nakadumi. Hindi din ako makadumi ng maayos ng sa
kadahilanang kakapanganak ko lang din, dahil napaka hirap at napakasakit,
para akong nanganganak ulit. After ng discussion, prinescribe ako ni doc ng
Laxative para maka dumi ako ng maayos, pero hindi pa naming nalalaman
kung ano nangyayare sa kalusugan ko.

Nag decide ang mama at papa ko na i-admit na ako sa ospital. Tumawag si


mama ng public ambulance para maihatid ako kaagad sa Las Piñas Doctors
Hospital. Pag dating namin sa ospital, hindi agad ako na confine, sa
kadahilanang madami na din pala ang naka confine na COVID patients. Ang
naging rules and regulations nila ay, bawal sila mag confine ng pasyente
hanggat hindi kritikal ang condition o kaya may COVID. Pinauwi din kami
kaagad.

Kinabukasan bumalik nanaman kami dahil awang awa na din sila mama at
papa sakin dahil sobrang sakit ng pinag dadaaanan ko, mas Malala ito sa
panganganak, pero hindi nanaman kami tinanggap. Hindi daw kasi sila pwede
basta-basta mag opera ngayon hanggat hindi kritikal yung pasyente, hindi daw
kasi sila pwede mag expose ng ibang tao habang may mga naka confine na
covid patients.

Pangatlong araw ay bumalik padin kami dahil hindi ko na talaga kaya yung
sakit at hirap, ayun, na confine na din ako sa wakas. Inakyat kaagad ako. Ako
yung pinaka unang tao sa ward. Hindi din nila ako na operahan nung
mismong araw na yun.

Ilang araw na ang nakalipas hindi padin ako na ooperahan, medyo dumami na
din mga kasama ko sa ward, halos lahat sila bagong opera, ako hindi pa.

Ilang araw din akong nag fasting. Halos limang araw ako hindi nakakain ng
maayos, may mga araw na ipag fafasting ako, at may mga araw na pinapakain
ako. Halos mag iisang linggo nako sa ospital pero hindi pa din ako na
ooperahan, tinuturukan lang ako ng gamot para maibsan yung sakit, may mga
oras na bigla nalang ako aatakihin ng sakit, sa sobrang sakit nag makaawa
nako sa nanay ko nagusto ko na mamatay para matapos yung sakit na pinag
dadaaanan ko. Kinulit ni mama ang mga doctor at nurses para malaman niya
kung ano ba talaga ang sakit ko, sinulat ng isang doctor sa papel yung sakit ko
at inexplain kay mama. “Acute cholecystitis” ang tawag sa sakit ko. Ang ibig
sabihin nito ay, pamamaga ng gallblabber. Yung mga gallstones ay bina-block
yung cystic duct ko, or pinadaling salita yung panunaw ko. Na foform ang mga
stones sa cholesterol na nakakain ng mga tao. Nung malaman ni mama yung
sakit ko, dali-dali siyang pumunta saakin habang naiyak ng sobra-sobra.
Awang awa ako kay mama nung araw na yon.

Nag decide na si mama na ilipat ako sa panibagong ospital dahil walang


progress na nangyayare saakin sa Las Piñas Doctors Hospital. Tumawag
muna si mama kay papa para i-inform siya na uuwi kami, at bukas kami
mag tatravel ulit para ilipat ako sa panibagong ospital. Halos apat nab
eses tumawag ng public ambulance para sundo-hatid kami sa ospital, at
kada hatid saamin ay 500 pesos ang ginagastos ni mama.

Pag katapos ang halos isang linggo napag titiis sa ospital ng Las Piñas
Doctors Hospital, dinala ako ni mama sa Ospital ng Maynila. Mayroon
kaming kamang anak na nag refer saamin dito, at personally kilala nila
yung doctor at pinakiusapan na operahan ako. Nadagdagan nanaman ng
halos 4 na araw yung pag aantay ko. Ilang araw nanaman ako nag
fasting, halos lahat ng pagkain ko napupunta kay mama, at sa sobrang
panghihina ko, si mama ang nag papaligo saakin. Halos lahat ng pag
hihirap na pinag daanan ko si mama ang kasama ko.

Dumating na yung araw na ooperahan ako, Pinasok ako sa OR ng 9am,


nakausap ko at nakilala ko yung mga doctor ko, sobrang daming doctor
at nurses ang naka palibot saakin. Sobrang bait nila, lalo na yung doctor
na nag turok saakin ng anesthesia. Pina kwento niya saakin buhay ko,
pati na din yung karanasan ko sa panganganak. Onti-onti na din ako
nawalan ng malay.

7pm ako nakalabas ng OR, bigla akong nag ka malay sa hallway.


Kinamusta ako ng doctor, medyo hindi ko pa siya naintindihan gawa ng
kakatapos ko palang ma operahan. Dinala ako pabalik sa ward ko.
Sinalubong ako ng ngiti ni mama. Nag pahinga din kami kaagad after ng
opera.

Kinaumagahan, pinuntahan at kinamusta ako ng doctor, inexplain niya


saakin yung mga dapat kong gawin pag kauwi ko ng bahay. Tska ko lang
napansin na may naka sabit sa tiyan ko na hugis Granada na may
chord. Inexplain sakin ni doc na isa tong pang salo at drain ng mga
excess na dugo. After 2 weeks babalik ako sa ospital para ipatanggal ulit
ito. Napansin ko na mejo hirap ako huminga at umubo, inexplain sakin
ni doc na kailangan ko umubo at ilabas ang mga plema ko, may pinasok
kasi sila na tubo sa bibig ko para mag silbing hingahan ko habang ako’y
inooperahan. Mga bandang tanghali sinundo na kami ng ambulansya at
na discharge na din kami.

Sa labas ng bahay sinalubong ako ni daddy at ng mga iba pa naming


kapitbahay para kamustahin ako.

Nakaplipas ang mga ilang araw hirap padin ako umubo, sa simpleng
bahing, tawa or sanib, hirap na hirap ako sa sakit. Hirap akong umubo
at ilabas ang mga plema ko, pero Nawala din ito. Si daddy ang nag lilinis
ng mga sugat ko. Ako na din mag isa naliligo. Pati sap ag higa at bangon
hirap ako, para akong nanganak ng cesarian section sa sobrang hirap at
sa sobrang sakit.

2 weeks na ang nakalipas matapos ang operation ko, bumalik ako sa


ospital para ipatanggal yung chord nan aka sabit sa tiyan ko. Nag antay
kami ng mga 30 mins sa hallway, at may lumapit saakin na babaeng
doctor, isa daw siya sa mga nag opera saakin, pinaupo niya ako at
inexplain niya saakin yung gagawin niya, matapos yun, dahan dahan
niyang hinatak yung chord na parang sinulid sa tiyan ko, dahan dahan
ko din naramdamang nag adjust yung mga internal organs ko, umikot
yung paningin ko at muntikang sumuka, yun ang pinaka mahirap at
pinaka masamang nangyare saakin na ayaw ko na ulit mangyare.

After ng ilang buwan na pag galing ko, medyo na trauma ako sa


pangyayare, may mga araw na nag fflashback saakin yung mnga
pangyayare, sa tuwing na aalala ko yung pag hihirap na naranasan ko
naluluha ako, sa tuwing iniisip ko yung pinag daaanan ko na, pag
katapos kong manganak, nalayo saakin ang anak ko dahil kinailangan
kong ma operahn. Nag hirap, nag tiis at nag inda ako sa ospital ng
nanay ko lang ang kasama ko, habang ang anak ko naka hiwalay
saakin, at pag ka galing ko ng ospital kinailangan ko pang mag
quarantine ng isang buwan para makasiguradong wala akong sakit na
pwedeng ikahawa ng anak ko. Sobrang hirap at sobrang sakit ng pinag
daanan ko.

You might also like