You are on page 1of 2

Mrs. Clara L.

De Guzman

Chapter 1

Clara's POV

"Mrs. De Guzman, nakita namin sa loob ng baul ang inyo pong laptop at nang amin
itong kinumpiska madami kaming ebidensyang nakita na ikaw ang pumatay kay Mr.
Johnny De Guzman." - sambit ng isa sa mga pulis habang nakatingin sa akin.
Nginitian ko lang siya at hindi sumagot dahil totoo naman ang sinabi niya tungkol
sa akin. Tungkol sa pag patay ko kay Johnny at sa kanyang dalawang kabit.

"Mrs. De Guzman, saan mo inihukay ang bangkay ni Mr. Johnny De Guzman?"

"Sino bang nag sabing inilibing ko ng buhay ang pinaka mamahal kong lalaki sa balat
ng lupa?" - sambit ko sa mga pulis at sila'y nag titigan na para bang nagulat sila
sa sinabi ko.

Pag katapos kong sinabi yun saka naman nag bukas ang pinto at nakita ko ang isang
lalakeng doktor. "Officers, according to your Commander I'll take it away from
here." -sabi niya sa dalawang pulis. Saka naman umalis ang dalawang pulis at umupo
na ang doktor sa aking harapan. Narinig ko din ang pag lock ng pinto ng
interogation room.

"Mrs. De Guzman right? I'm Mr. Luis Aberna, isang psychiatrist." -sambit naman niya
at nakipag shake hands sa akin. Nginitian ko naman siya habang pinag mamasdan ang
kanyang mukha.

"I just need you to tell your story about how you Murder your husband and his two
mistresses"- sabi nito sa akin. Tumayo ako sa aking kinauupuan habang nakaposas.
"Mr. Aberna, alam mo ba yung ibig sabihin ng kanta na Till Death Do Us Part? He
said that he loves me and I love him very much that even death couldn't part us.
Prinoprotektahan ko lang ang pamilya ko sa mapangtuksong mundo hindi ko sinasadya
na patayin ang asawa ko at ang kanyang dalawang kabit pero andito na ako kaya
papanindigan ko. Masaya naman kami may successful business, mapag mahal na mga
magulang and in-laws pero nung nag kaanak kami ng special child, things have
change." -sambit ko habang tumutulo ang aking luha.

*Flashback*

"Honey, matagal na tayong mag kakilala nakapag tapos na din tayo ng pag aaral natin
at meron ng magandang business and trabaho ayaw mo ba na mag karoon na tayo ng
anak?" -sambit sa akin ni Johnny habang yakap yakap ako sa likod. Nandito kami sa
may kusina dahil nag luluto kami para sa birthday ng pamangkin ni Johnny. Hinarap
ko naman siya at hinalikan.

"Excited ka talaga every day and night patungkol sa baby na yan honey. Unahin muna
nating mag ipon kase wala pa tayong naiipon for that thing hon." -sinabi ko sa
kanya habang nakangiti at hawak hawak ang kanyang kaliwang pisngi. Ngumiti naman
siya sa akin at saka niya hinugot ang kanyang green card.

"Nakapag ipon na ako honey for our baby and your pregnancy. Nandito sa card na ito
yung mga kailangan nating bilhin para sa baby natin at para na din sa future
natin." -sabay halik sa aking labi at tinugon ko din ito ng halik.

-4 weeks later-

Nagising ako sa pag kakatulog ko nang maramdaman kong masusuka ako. Dali dali akong
pumunta ng banyo at nag suka. Bakit kaya ako ganito palagi na lang na nasusuka
tuwing umaga.

"Honey, okay ka lang ba?"- tanong ni Johnny sa akin habang kinakatok ang pintuan.
"Ilang araw ka ng ganyan gusto mo bang mag pa doctor na tayo para malaman natin
kung bakit every morning kang ginaganyan?"

"Sige honey hindi ko na din kase alam kung bakit ako nag kakaganito ee" - sambit ko
sa kanya at saka tumayo't binuksan ang pintuan. Nakita ko sa mga mukha ni Johnny na
nag aalala siya sa nang yayare sa akin. "Honey wag ka ng malungkot diyan magiging
ayos din ako sigurado naman na kapag nag pa doctor tayo malalaman natin kung anong
meron sa akin" -sabay ngiti sa kanya at niyakap siya.

-a minute later-

"Mr. and Mrs. De Guzman, great news buntis po si Mrs. De Guzman 4 weeks na po
siyang buntis. " -sambit ng doctor sa aming dalawa napatunganga ako sa sinabi ng
doctor. Mag kakababy na kami ni Johnny. Nakita ko sa mga mata ni Johnny na sobrang
masaya siya sa napakinggan niyang balita. Niyakap niya ako at hinalikan sa labi.
"Honey, mag kakababy na tayo ansaya saya ko sabi na ee sharp shooter ako ee" -sabi
naman niya sabay tawa sa kanya. Napatawa din ang doctor sa nasabi ng asawa ko.
Pinalo ko naman siya sa braso niya dahil sa sinabi niya.

You might also like