You are on page 1of 1

Para sa aking doctor na tatay

by Daniel Galdonez II F.

Ang aking tatay ikaw ang aking araw, ikaw ay ang ng bibigay sakin ng
pasalubong nung ako’y bata palang . Ikaw ang idolo ko, ikaw ay nanggagamot ng
mga tao sa hospital. Nung bata pa ako tayo ay nang bisita sa cebu dahil ako ay
naging isang honor student ako ay napa iyak dahil na kain ko ang sile sa sinagang
at ako ay napatawa dahil si ina ay natakot sa whale shark at kumakapit siya sa
banka para bang siya ay lichon paka tapos na iyon tayo ay nang punta sa tostado
festival noong abril. Nandoon ka din nung tinulong mo ako sa first crush ko, ako
ay na rejected pero nakapag tawa ako dahil ikaw at ang mga kaibigan ko ay
nandiyan, at Ikaw din ay nang tutor sakin sa collage nung nang aaral ako ng pag-
gagamot. At nung nang graduate na ako tinulong mo ako sa pag-hanap ng trabaho
sa hospital. Salamat sa lahat tatay.

Nung ikaw ay na diagnose ng cancer ako ay napa-iyak kasi ayaw kita mawala pero
nung na talo mo ang cancer, ako ay naging sobrang saya kasi makakasama kita ng
mas matagal at tayo ay nang celebrate. Paka tapos ng ilang buwan tayo ay nang
punta kila tito Shmuel nakalimutan mo ang gamit natin at ako ay napa tawa para sa
birthday niya, pero nakalimutan mo ang iyong regalo at si tito ay napa-tawa at
sinabe niya “Nagiging matanda lang tatay mo normal lang yan”.
Pakatapos niyon nakakalimutan mo ang pangalan ng iyong pamangkin. Pakatapos
niyon nakalimutan mo ang pangalan ng iyong mga pinsan, pakatapos nun ng
check up tayo sa neurologist at sabi niya may dementia ka daw at cause yan ng
chemotherapy mo. Ako ay napa-iyak kasi alam ko walang gamot para diyaan kaya
pinagsama nalang kita sa bahay namin ng asawa ko kasama si inay. Inalagaan
namin ikaw at pakatapos ng ilang buwan inatake mo si inay at ako ay napa-iyak
habang ikaw ay nang sorry sakanya kasi alam ko di mo iyon sadya.
Mas naging agressibo ka at kinailangan namin ikaw ilagay sa hospital, sinabe ng
mga nurse ikaw ay nang gawa ng iyong trabaho bilang doctor tinutulong ang mga
pasyente at nung tinignan mo ang iyong kwarto binasa mo “Julio Roy Ruedas,
dementia, Jusko po lord ako iyan!” at sabi ng nurse ikaw ay umiyak ng tatlong
oras pakatapos ng ilang buwan ikaw ay namatay. Pasentya na itay at wala ako
magawa upang itulong ka.

You might also like