You are on page 1of 17

My Death Angel

by: M I N J I S T O R I E S.

P R O L O G U E

Inutusan ka ng Diyos na sunduin ang isang babaeng may sakit na leukemia at


sasabihin mong malapit na
siyang mamatay kaya sinusundo mo na siya.
Ang sabi ng Diyos, dapat masundo mo siya ng maayos at matanggap niya ang
masakit na katotohanan.
Kung magagawa mo ito, ibabalik sayo ang pakpak na kinuha sayo ng Diyos.
At nang sinabihan mo na yung babae tungkol sa mangyayari..
Humiling siya sayo na pahabaan pa ang buhay niya ng limang araw at
pagkatapos nun, sasama na siya
sayo.
Pinayagan mo siya sa kahilingan niya pero dapat nakabantay ka pa rin sa
kanya..
Sa limang araw na yun...
Namuhay ka ng isang ordinaryong tao..
Nalaman mo ang buhay niya..
Naramdaman mo ang kalungkutang nadarama niya..
Hanggang sa...
Biglang nag-iba ang naramdaman mo sa kanya..
Until the fifth day comes, kelangan na siyang sumama sayo as what she had
promised..

Pero paano kung yung kakaibang naramdaman mo sa kanya ay pagmamahal na


pala??
Paano kung mahal mo na pala siya??
Sa huling araw niya, naramdaman mong malungkot siya na iwanan ang buhay niya
para sumama sayo..
Nasasaktan ka ng makikita siyang nalulungkot.. Pero dapat mong sundin ang
sinabi ng Diyos sayo para makuha mo ulit ang pakpak mo.
Isasakripisyo mo na lang ba ang pakpak mo para mas humaba pa yung buhay
niya?

The Deal

[Yuri�s POV]

Bakit puro puti lang yung nakikita ko?? Nasaan ba ako?? Bakit walang tao??
Bakit wala sila ate Lisa??

Hindi ko alam kung saan na ako napunta. Ang tanging naaalala ko lang ay nasa
ospital ako dahil sa sakit
kong leukemia.

Patay na ba ako??

May lalake.. lalakeng nakaputi papunta sa kin ngayon.. Tatanungin ko siya.

�Lika na. Sumama ka na sa kin.� Diretsong pagkasabi niya sa kin.

Sumama?

�S-sino ka ba??�

�Ako lang naman ang tagasundo mo. Mamamatay ka na ilang oras na lang. Kaya
sumama ka na sa kin.�
�Mamamatay?? Pero..�

Bigla na lang niya ipinakita sa kin ang nangyayari ngayon sa ward kung saan
ako nakaconfine.

I can see that the heart rate monitor is now flat and the doctors are trying
to revive me by their
defibrillator.

Nakikita ko rin na nagwawala na at umiiyak na sila ate Lisa.

�So ngayon, nakita mo na ang nangyayari kaya kelangan mo ng sumama sa kin.�


Sumabat naman agad
ang lalakeng sinasabi niyang tagasundo ko.

�Ate Lisa�� Gusto kong umiyak sa nangyayari sa kin ngayon. Ayoko pang iwan
sila. Ayoko. Hindi ko pa
kayang mamatay.

�Yuri� Please wag ka munang bumigay.� Narinig kong sinambit ni ate Lisa yung
pangalan ko.

�Ate Lisa�� Tuluyan na nga bumuhos ang mga luha ko.

�Kelangan mo ng sumama sa kin.� Sabi ulit sa kin nung lalake at inabot na


yung kamay niya.

�YURI!!� Umiiyak pa rin sa ate Lisa.

�Ate Lisa��
�Sumama ka na sa kin..�

Tumingin lang ako sa lalake. Perpektong-perpekto ang hugis ng mukha niya.

Ayoko. Ayookong sumama sa kanya. Gusto ko pang makasama ng matagal sila ate
Lisa.

�Kelangan mo na silang iwan at sumama sa kin.�

Matapos niyang sabihin yun sa kin, mas lalo pa akong naiyak.

�Ayoko.. Ayoko pa.. �

�Ano??�

�Gusto ko pa silang makasama.. Please..pahabain mo pa ang buhay ko..�

�Pero ngayon na ang araw na itinakda sayo ng Diyos para sunduin kita. Kaya��

�Please.. Parang awa mo na.. Kahit.. limang araw lang.. limang araw lang ang
hinihingi ko.. P-pagkatapos
nun, sasama na ako sayo.. Kaya.. please� nagmamakaawa ako sayo..�

�Hmm.. Sige, limang araw lang. Pagbibigyan kita at pagkatapos nun, wala na
at kelangan mo ng sumama
sa kin.�

Nang marinig ko yun sa kanya, naging masaya ako.


�M-maraming salamat talaga.�

Day 1

[Yuri�s POV]

�It was a miracle na narevive pa naming siya.�

�Salamat talaga Doc.� Narinig ko yung pag-uusap ni ate Lisa dun sa doktor.
Idinilat ko kaagad yung mga
mata ko.

�A-ate Lisa??�

�Yuri!� pumunta naman agad sa kin si ate Lisa at niyakap ako. Umiiyak pa rin
siya.

�Ate.. Wag ka ngang umiyak.�

�Anong hindi?? Kinabahan na ako dun kanina sa ginawa mo Yuri.. Bigla-bigla


ka kasi.. hindi mo man lang
kami sinabihan.. Buti nga dumating agad yung mga doctor.�

Ngumiti ako.

�Ate Lisa.. Mahal na mahal kita..�


�Mahal din kita Yuri..�

�Ate Lisa??�

�Uhmm??�

�Pwede ba tayong mamasyal ngayon??�

�H-ha?? Pero mahinang-mahina ka pa..�

�Sige na po.. Trust me, malakas na malakas ata �to noh.� Masiglang
pagkasabi.

�O, sige.�

Pumayag naman si ate Lisa sa kahilingan ko kaya ngayon nandito kami sa isang
amusement park.

�Gusto mo ba ng ice cream??� nakangiting tanong sa kin ni ate Lisa.

�Uhmm. Gusto ko.�

�Sige, bibilhan kita ha? Wait ka lang dito.� Umalis naman agad siya para
bumili ng ice cream at iniwan
akong nakaupo sa isang bench.
Tumitingin-tingin lang ako sa paligid. Nalulungkot pa rin ako. Kahit alam
kong pinahaba na ang buhay ko
ng lalakeng yun. Alam ko pa rin na konting panahon na lang, mamamatay na ako
at kelangan na akong
sumama sa kanya.
May nakita akong lalakeng nakaputi at papunta na siya sa kin.

Yung tagasundo ko.

Tumayo naman agad ako.

�Isang araw pa lang naman ang nagagamit ko.�

�Alam ko. Nandito ako ngayon para samahan ka at bantayan.�

Naguluhan ako sa sinabi niya.

�Sasamahan??�

�Oo.� Tipid na sagot niya.

�Nakikita ka ba ng mga tao??� tinanong ko ulit siya. Hindi ko alam dahil


baka parang na akong timang
dito na kinakausap yung sarili dahil hindi siya nakikita ng iba.

�I can be seen by everyone. Diba, sabi ko nga sayo na sasamhan kita? Kaya
ngayon, tao muna ako
pagsamantala.� Sagot niya sa kin.
�Yuri.. Ito na yung ice cream. HUH?� Halatang nagulat si ate Lisa. Siguro,
totoo yung sinabi niya na
nakikita nga siya ng iba.

�Sino yang kasama mo??�

�Ah.. eh..� Paano ba �to? =___=

�Kaibigan ko lang siya, diba??� tumingin ako sa tagasundo ko.

�Ah.. Oo. Magkaibigan lang kami.�

�Ows.. Yieee.. Talaga?? Ang gwapo naman ng kaibigan mo Yuri.. Baka more
than friends yan ha..
Ayiee��

�Hindi noh. Ikaw naman ate. Kung anu-ano ang iniisip mo.�

�Hahaha. Sige tayo na. Oie. Gusto mo bang sumama sa min, kaibigan ni Yuri??�
tinanong naman siya ni
ate Yuri sabay kindat.

�Sige.� Sabi niya at sumama naman sa min.

�Ate��

�Uhmm??�
�Pwede bang.. iuwi mo muna ako sa min?? Ayoko dun sa ospital eh.�

�Huh? Pero ang sabi ng mga doktor��

�Sige na.. Ate Lisa.. Minsan lang naman ako humingi ng favour sayo eh..�

�O, sige. Basta kung may kelangan ka, tawagan mo ako agad ha??�

�Opo.� Masayang tugon ko sa kanya.


*

Hinatid naman agad ako ni ate sa min. Kasama ko pa rin yung tagasundo ko.

�O, sige. Mag-ingat kayo ha? Lalake, I trust you. Wag na wag mong pababayaan
si Yuri ha? Please, gawin
mo yung favor ko sayo kanina ha?? Sige, babye.� Sabi ni ate Lisa sa min at
kumaway. Umalis na siya.

Umupo ako sa hagdan ng terrace naming. Tumabi naman siya sa kin. Gabing-gabi
na pala. Ang tagal pala
naming namasyal ni ate Lisa.

�Sino ba siya??� biglang nagtanong yung tagasundo sa kin.

�Ah.. Si ate Lisa?? Kapatid siya ng mama ko. Ayoko kasi siyang tawaging
auntie kaya ate na lang yung
tawag ko sa kanya. Para magmukha kaming kapatid. Sa katunayan nga, siya yung
palaging nag-aalaga sa
kin.� I cheerfully replied.
�Bakit? Nasan na ba yung mga magulang mo?�

Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ako makasagot. Ayokong sagutin ang tanong
niya. Sobrang sakit kasi
kapag sasabihin ko pa sa kanya yung totoo.

�Nasan na ba yung mga magulang mo?�

�Ang.. totoo kasi niyan..�

�Hmm??�

�Simula nung malaman nila ang sakit ko.. Nang malaman nila na mamamatay
ako.. Iniwan na lang nila
ako bigla. Mga 1st
year high school nga ako nun eh ng malaman nila ang sakit ko. Pagkatapos
nun, hindi
ko na sila nakita pa.. o kahit makausap man lang sa telepono. Iniwan lang
nila ako kay ate Lisa. Ang sakit
nga eh.. kasi.. inabandona nila mismo ang anak nila..� Sabi ko sa kanya at
muntikan ng umiyak.

�Hindi na nga ako nakapag-aral eh.. Hanggang 1st


quarter lang ako ng pagiging 4th
year high school
student, pagkatapos nun, mas lalo pang lumala yung leukemia ko kaya nasa
ospital na lang ako palagi.
Pero kahit minsan, kahit isang araw lang, hindi nila ako nabisita.. Pero
okay lang yun, nanjan naman si
ate Lisa saka baka, sobrang busy lang talaga sila.� Pinilit kong ngumiti
pero ang totoo, gusto kong
umiyak.

�Hmm.. Ganun ba..�

�Oo nga pala, diba.. anghel ka?�


�Ha? Oo. Kamatayan kung tawagin ng iba.�
�HUH? Kamatayan?�
�Oo. Ako ang sumusundo sa mga taong malapit ng mamatay.�

�Ah.. So, ibig sabihin, may pakpak ka??�

�Hmm.. Yun nga eh. Wala akong pakpak. Kinuha ng Diyos dahil may batas akong
nilabag.�

�Kung ganun, hindi na ibabalik sayo ng Diyos ang pakpak mo?�

�Ibabalik niya yung pakpak ko unless kung masusundo kita ng maayos at


matatanggap mo yung
katotohanang mamamatay ka na.�

Ngumiti na lang ako.

�So friends na tayo ha?? Wag kang mag-aalala, sasama naman ako sayo
pagkatapos ng limang araw ko..
Oo nga pala, ano pangalan mo??�

�Ako si.. Scythe.. Oo, ako si Scythe.� (Site/Sayt�pronunciation)

�Scythe� Pwede bang sumama ka sa kin bukas sa pupuntahan ko??�

Day 2
[Yuri�s POV]

�O, anong ginagawa mo??� tinanong ko si Scythe ng makita ko na kasama niya


yung aso kong si Chubby.

�Pinakain ko siya kanina. Ang kulet kasi.�

�Hahaha. O, sige.�

�O, ano yan?�

�HUH? Bisikleta.Bike. Gusto mong subukan??� tinanong ko siya, parang kasi


first time pa lang niya
makita ang isang bisikleta.

Kaya naman tumayo siya at sumakay sa bike.

�P-paano ba?�

�O, sige hawakan mo lang dito. Tapos itindak mo yung pedal.. Basta wag ka
lang manginig para hindi
mawala yung balance mo ha?� Sabi ko sa kanya saka binitawan siya.

�Op. Op. Op.. Hahaha..� Madali naman pala siyang turuan, isang beses lang
marunong na siya.

�Oie! Bumalik ka na rito. Hahaha. Pupunta pa tayo sa laundry shop.� Tinawag


ko siya habang
kumakaway.
Bumalik naman siya dito sa kin at masayang-masaya yung mukha.

�O, sige aangkas na lang ako sayo.� Sabi ko sa kanya saka umangkas sa likod
niya.
�O, tayo na.. Woooo!! Hahaha.�

�Yuri, iha! Namiss kita! Akala ko hindi ka na bibisita rito..� mangiyak-


ngiyak na sabi sa kin ni aling Selya,
ang may-ari ng laudry shop kung saan ako palagi nagpapalaba. Parang ko na
ring yan nanay eh.

�Kayo naman po.Siyempre, mamimiss ko kayo kung gagawin ko yun. Aling Selya,
namiss din kita. Power
hug nga.� >3< Niyakap ko kaagad si aling Selya.

�Okay ka na ba? Yung sakit mo? Wala ka na bang sakit?�

Ngumiti lang ako sa kanya.

�Opo. Okay na po ako.� Masigla kong sabi sa kanya.

�Mabuti naman. O, sino yang kasama mo? Yieee.. May boyfriend ka na pala,
bakit hindi mo sinabi sa
kin??�

�Hahaha.. Kayo naman po, hindi ko siya boyfriend. >o< Friend ko lang po
siya, siya po si Scythe.�
�Magandang umaga.� Tipid na bati ni Scythe saka ngumiti.

�O, sige po aalis na po kami. Babye!�

�HUH?� napahinto na lang ako bigla ng makita ko sa Lulu. Ang taong bumubully
sa kin sa school nun. Ang
totoo kasi niyan, palagi akong binubully nun. Si Lulu yung nangunguna sa
pambubully sa kin. Aaminin ko,
noon, galit na galit sa kanya dahil sa ginagawa niya sa kin pero simula nung
hindi na ako nakapag-aral pa,
nawala na rin yung galit ko para sa kanya. Wala na rin akong balita sa
kanya, sa ospital na kasi ako
namalagi nun eh.

�Y-Yuri??�

�Hindi ko alam na may sakit ka pala.� Sabi sa kin ni Lulu na ngayon


magkatabi kaming nakaupo sa isang
bench. Nasa park kaming dalawa, nag-uusap. Si Scythe naman, andun,
nakikipaglaro sa mga bata.

�Hmm.. Oo nga eh.. Sayang, hindi ako nakapaghigante sayo. Hahaha, hindi joke
lang.�

�Oo nga pala, anung course ang kinuha mo?�

�Haha.. Education, parang imposible lang diba? Magiging teacher na ako,


dalawang taon na lang.�

Ngumiti siya.
�Congrats ha? Gragraduate ka na. Mabuti ka pa..� I smiled.
�Yuri.. I�m so sorry..�

Nabigla ako sa sinabi niya.

�Sorry??�

�Patawarin mo ko.. Kung naging masama ang pakikitungo ko sayo.. S-siguro,


dahil sa kin, mas lalo lumala
yung sakit mo.. Please forgive me.. Noon ko pa talagang gustong humingi ng
tawad sayo.. Gusto sana
kitang bisitahin sa ospital pero baka magagalit ka sa kin.. I�m very sorry..
Forgive me..� Sabi niya sa kin at
may mga luhang pumapatak sa mga mata niya.

Ang totoo niyan, hindi na ako galit sa kanya. Nawala na yung galit ko sa
kanya simula nung naospital ako.
Natutunan kong dapat walang galit na mamumuo sa mga puso natin dahil ang
galit lang ang
humahadlang para tayo ay maging masaya.

Niyakap ko si Lulu. Napaiyak na rin ako.

�Wag ka ngang magdrama jan.. Pinapaiyak mo naman ako eh.. Ang totoo niyan,
matagal na kitang
pinatawad.. Saka salamat din sayo, dahil sayo naging mas malakas ako� Kaya
wag na nga tayong mag-
iyakan..� Sabi ko sa kanya saka pinahid yung luha sa mata niya.

Hinawakan ko ang kamay niya.

�Gusto ko.. Magsimula tayo ulit ha. Maging friends tayo.� Nakangiting tugon
ko sa kanya.
*
Gabing-gabi na. Umuwi na rin kami ni Scythe sa bahay matapos kaming
mamasyal kasama si Lulu.

�Scythe?�

�Hmm?�

�Pwede ba kitang mayakap??�

�HUH?� Niyakap ko kaagad siya. Tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha ko na
kanina ko pa
pinipigilan.

Ang totoo niyan, nalulungkot ako.. Ayoko pang umalis.. Di ko kaya..

Day 3

[Yuri�s POV]

Ngayon, nandito kaming dalawa ni Scythe sa amusement park. Napagpasyahan ko


na lang na
mamamasyal kaming dalawa. Naglalaro kami ng iba�t-ibang mga games, kumain,
nagkwekwentuhan.

Nalaman ko nga rin ang dahilan niya kung bakit kinuha ng Diyos ang pakpak
niya.

Binigyan daw siya ng misyon ng Diyos. Noon, hindi pa siya yung reaper.
Ordinaryong anghel lang daw
siya. Ang misyon niya ay bantayan yung babae. Ang babae kasi, palaging
nadedepress, malungkutin daw.
Kaya dapat iiwasan niyang magpakamatay ito. Pero isang araw daw, hindi niya
napigilan yung babae at
yun binaril yung ulo niya. Kaya dahil dun, kinuha yung pakpak niya at naging
reaper na siya.
Kaya para makuha niya ulit ang pakpak niya, kelangan daw niya akong sunduin
at sasabihin sa kin ang
masakit na katotohanang mamatay na ako.Dapat daw matanggap ko yung ng buong
puso.

�Hahaha. Bull�s eye!� Masayang sumigaw si Scythe nang mashoot niya yung
bola. Naglalaro kasi kami ng
basketball game, yung padamihan ng shoot para makakuha ng premyo?

�Ito nap o yung premyo sir, kasi kayo po yung may highest score. Thank you
for playing.� Sabi nung
lalake saka inabot yung malaking teddy bear kay Scythe.

T^T

Kainggit naman. >o<��

�O, ito.� Ngumiti siya saka binigay sa kin yung stuff toy.

�HUH? Diba ikaw yung nanalo??�

�Sayo na. Alam kong gusto mo yan.� Ngumiti siya.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng paghilis ng tibok ng puso ko ng


ngumiti siya. Siguro,
thankful lang ako na binigyan ako ng ilang araw pa bago ako kunin ng Diyos.

Naglaro kami ni Scythe na kung anu-ano. Sumakay sa mga iba�t-ibang rides.


Nag-enjoy sa pamamasyal.

Ngayon, nandito kaming dalawa sa wishing well. Hinagis ko na sa well yung


coin ko at nagwish.
�Ikaw, hindi ka ba magwiwish?� tinanong ko si Scythe.

�Hindi na. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganyan. Dahil kahit anong gawin
ko, wala pa rin.�

Ngumiti ako.

�Pero alam mo, marami na akong nawish na tinupad ng Diyos kaya nga.. malaki
ang pasasalamat ko sa
kanya.�

�Ang bait-bait talaga niya noh??�

�Hmm.. Oo.. Mabait siya.�

�Hahaha. Lika na nga!� Nauna na akong naglakad sa kanya.


�Yuri..� Napahinto na lang ako. Ang sarap pakinggan nang binigkas niya ang
pangalan ko. Nakakagaan
siguro ng loob kasi anghel siya.

He has a soft and a sweet voice.

�Uhmm? Ano?� Nakangiting tanong ko sa kanya.


�Naiingit ako..�

�Naiingit ka??�
�Sa inyong mga tao.. Ang sarap pala maging tao..�

�Hmm.. O diba? Buti nga humiling ako sayo na pahabain ang buhay ko, para
maranasan mo kung paano
mamuhay ang isang tao..� ^o^

�Hmm� Salamat.�

�Hahaha, ano ka ba! Magkaibigan tayo noh! Diba?? Friends??� Inalok ko sa


kanya yung pinky ko.

Ngumiti siya.

We made a pinky promise. We will be friends even if in the other world.


Magkaibigan pa rin kami kahat
sumakabilang buhay na ako.

Papauwi na kaming dalawa. Yep, naglalakad lang kami. Mabuti na rin para
makaexercise ako. Saka
malapit lang namna yung amusement park sa min eh.

�Maraming salamat ha?? Dahil sinamahan mo kong mamasyal ulit.� Sabi ko kay
Scythe na nakangiti.
Ewan ko pero wala naman akong dahilan para maging malungkot. Oo, aaminin
kong nalulungkot ako
kasi iiwan ko na ang mundong ibabaw para sumama kay Scythe pero masaya na
rin ako at malaki ang
pasasalamat ko sa kanya at sa Diyos dahil pinayagan nila ako na pahabain pa
ang buhay ko.

�Tumigil ka sa pasasalamat mo. Ginagawa ko lang naman yung trabaho ko.�


�Tshh.. Hahaha.. Wag ka ngang mag-alala, sasama naman ako sayo eh. Kaya
hangga�t nandito ka pa sa
mundo naming, tayong dalawa, magpakasaya tayo.�
Napatigil na lang ako ng may nakita akong isang babae na may kasamang
batang lalake, mga nasa 8
years old siguro.

Si..

Mama??

�Mama??� Napaluha ako bigla.. Pero alam ko, si mama yun.. Si mama yun..

�MAMA!!� Sumigaw ako at tumakbo papunta dun sa babae.

�Mama.. Sino po siya??� Bigla siyang tinanong nung batang lalake.

Tama nga yung hinala ko. Si mama. Si mama ang nasa harapan ko ngayon.
Halatang-halata na nagulat si mama ng makita ako.

�Joshua, tayo na. Wag mo siyang pansinin.� Hinatak niya yung bata.

�HUH? Sige po.� Sumakay na sila sa kotse.

Pagkatapos, si mama na ang nagdrive at pinaandar na yung kotse.


�MAMA!!� Napaluha na ako. Ang sakit kasi. Parang binalewala ka lang ng nanay
mo. Yung hindi ka man
lang niya niyakap o kinamusta. Parang kinalimutan ka.
Umalis na nga yung kotse.

�Mama!! Wag niyo kong iwan!!� Tumakbo ako para sundan yung kotse. Per
napalayo-layo na sila.

Napaupo na lang ako sa daan. Mas lalo pang bumuhos yung mga luha ko.

Nasasaktan ako.. Sobrang sakit..

�Yuri..� Bigla akong niyakap ni Scythe. He lifted up my head and kissed my


forehead.

�Wag ka ng umiyak.. Hmm.. Nandito ako.. Tutulungan kita..�

Day 4

[Yuri�s POV]

Nagsimba kami ni Scythe ngayon. Kakatapos lang din ng misa kaya ngayon,
papauwi na kami.

Hindi ko alam na masaya din palang kasama ang mga reaper. Kasi ang iba nga,
takot sa anghel ng
kamatayan diba? Pero.. hindi pala. Sa katunayan nga, masaya silang kasama eh

�O, bat ka may ganyan??� Tinanong ko siya, may dala-dala kasi siyang
bulalak. Yung sampaguita?

�May bata kasing lumapit sa kin tapos binigyan ako ng bulaklak.�


Napangiti ako.

�Dali, suotin mo.� Kinuha ko sa kanya yung sampaguita.

Isinuot ko sa kanya sa leeg niya.

�O, diba??� *U*

�Tshh..Hmm..� Ngumiti naman siya.

�HUH?� Napatigil naman ako.

Nakita ko na naman si Mama. Pero ngayon, wala na yung batang lalake na


kasama niya kahapon. Siya
lang mag-isa.

�Mama!� Tinawag ko siya at pinuntahan.


Huminto naman siya at napalingon sa kin.

�Mama..� Niyakap ko siya at umiyak. Gustong-gusto ko na talaga siyang


mayakap. Namiss ko siya..
sobra..

Niyakap na rin niya ako.


�Anak.. Yuri..�

�Ma.. Namiss kita..� Mas lalo pa akong naiyak.


*
Nandito kaming tatlo ngayon sa isang restaurant. Kasama ko si Mama sa iisang
table habang si Scythe
naman andun sa ibang table.

�Yuri.. Anak.. Patawarin mo ko.. Sa mga pagkukulang ko sayo..� Hinawakan ni


Mama yung mga kamay
ko.

Umiling ako. Umiiyak pa rin.

�Wala po yun, Mama. Matagal ko na po kayong pinatawad.. Sa katunayan nga,


masayang-masaya ako
ngayon eh dahil saw akas nagkita at nagkausap na rin tayo..� Sabi ko at
pinilit na ngumiti.

�Sorry talaga.. Yuri.. Hindi man lang kita binisita nang nagkasakit ka..
Hindi man lang kita tinawagan..�

�Ano ba kayo Ma.. Pinatawad ko na kayo.. Kaya.. Mama.. Magsimula tayo ulit..
Wag niyo na akong iwan
Mama.. Gusto ko na po kayong makasama.. Kayo ni Papa..�

�Pero.. anak..�

�Mama.. Sige na po..�

�Hindi pwede.. Sorry anak.. Hindi talaga pwede eh..� Umiyak lalo si Mama.
�Pero ma.. Hindi niyo ba ako mahal?? Ma.. Kahit.. isang araw lang, pumunta
ka sa min, matulog ka dun,
sa atin.. Sige na Mama..� Mas lalo pa akong naiyak.

�Sorry.. Yuri.. Kelangan ng umalis ni Mama eh.. Mamaya, aalis na kami ng


bansa. Babalik na kami sa
Canada.. I�m very sorry.. Yuri..� Tumayo siya.

�Ma.. Wag niyo kong i..iwan.. Ma..� Naiiyak kong sabi sa kanya at hinawakan
ang kamay niya.

�Patawarin mo ko.. Anak.. Mahal na mahal kita..� Tinaboy niya yung kamay ko
at umalis. Iniwan niya
ako.

�Mama.. � Mas lalo pa akong naiyak.

Ang sakit.. Tuluyan na nga akong inabandona ni Mama.. Ang kaisa-isang


pamilya ko.

Gusto ko lang naman maging normal ulit ang mga buhay naming eh..
Kahit isang beses lang.. Gusto ko siyang makasama, makausap ng matagal..

Pero.. palagi na lang ganito.. Ganito na lang palagi..

Kahit anong pilit ko.. Kahit magpapakasaya ako.. Sa huli, nasasaktan pa rin
ako..

Because In the end, I�m all alone.


�Mama.. Bakit???�

Tumingala ako. Si Scythe, lumapit siya sa kin, nakatayo lang. Inabot niya
yung kamay niya.

Ngumiti siya.

�Yuri.. Hindi pa huli ang lahat.. Halika.. Magsaya tayo..� Sabi niya sa kin.

Inabot ko rin sa kanya yung kamay ko.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito..

Yung..

May kaibigan kang.. palaging nanjan sa tabi mo??

Nakakatawa nga lang, isang anghel ng kamatayan ang siyang nagpaparamdam sa


kin ng ganito. Kahit
siya yung sumusundo sa kin dahil mamamatay na ako..

Pero parang.. Pinapadarama niya sa kin na may pag-asa pa.

Day 5

[Yuri�s POV] Last day ko na lang dito.. Huling araw ko na at pagkatapos,


mamaalam na ako..

Kasama ko ngayon sa bahay si ate Lisa at si Scythe.

Nagchichikahan kaming tatlo.. Nagkukwentuhan, tumatawa, kumakain..

Mabuti na rin �to para pag-alis ko, magiging masaya ang lahat. Mag-iiwan ako
ng mga magagandang
alaala.

Hanggang sa malapit ng gumabi. Ang bilis lang ng oras noh??

�Sige, hoi, Scythe. Alagaan mo si Yuri ha?? Wag mo siyang pababayaan.� Sabi
ni ate Lisa.

�Tumigil ka nga ate. Hahaha. Mag-ingat kayo ha?? Tandaan niyo po.. Mahal na
mahal ko kayo� Mahal
na mahal kita ate..� Niyakap ko siya ng mahigpit.

�Hinding-hindi ka kakalimutan ate.. Mahal na mahal kita..� Sabi ko at parang


naluluha na rin.

�O, ano ba yang pinagsasabi mo? Parang naman namamaalam ka na eh.�


�Hahahah, hindi noh. Sige na ate.. Mag-ingat ka ha?? Wag kang susuko sa
buhay, magpakasaya ka..
Babye!� Pinilit kong tumawa at kumaway sa kanya.

Tuluyan na nga siyang umalis.


�Handa ka na ba??� Bigla akong tinanong ni Scythe.

�Scythe.. Ayoko.. Hindi ko pa kaya..� Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak.

Ayoko..

Ayoko pang mamatay..

Gusto ko pang mabuhay..

�Scythe.. Ayoko Scythe.. Hindi ko kaya.. Ayoko�� Mas lalo akong umiyak.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa kin.

I hear him.. Sobbing..

�I�m very sorry.. Yuri��

[Scythe�s POV]

Nandito ako ngayon, binabantayan si Yuri habang natutulog. Bukas na bukas


din, sasama na siya sa kin..
�Scythe.. Di ko kaya.. Ayokong mamatay..�

Hindi ko alam pero nasaktan ako sa mga sinabi niya.

Nalulungkot ako..

Kung pwede lang sana pahabain pa ang buhay niya..

Hindi ko alam pero dahil sa kanya..

Marami akong natutunan..

Palagi niyang binubuhay ang araw ko..

Dahil sa ngiti niya.. Dahil sa tawa niya..

She had moved my heart.

I learned many things from her.

She made me feel that I belong with their place.

And I felt something strange for her..


Hindi ko alam pero nung umiyak siya dahil sa mga magulang niya..

Nasasaktan ako..

�Yuri� I�m very sorry..� Sabi ko na lang saka hinaplos-haplos ang buhok
niya.

Ayoko ring sumama siya sa kin..

Ayoko ring mamatay siya..

Alam ko, marami pa siyang taong mapapsasaya dahil sa ugali niya.

Ang bait niya.. Kahit marami ng taong sumaktan sa kanya, nagagawa pa rin
niya itong patawarin.

Tumayo na ako at lumabas sa bahay niya.

Hindi ko alam kung saan ako papunta hanggang sa may nakita akong dagat kaya
pumunta ako dun.

Ayoko..

Ayokong mamatay si Yuri..

Hindi ko alam pero umiiyak na pala ako.


�Ayoko na po.. Hindi ko na kaya.. Hindi ko na itutuloy ang misyon ko..
Ayokong mamatay siya.. Ayoko..
Kaya.. ako na po ang humihiling sa inyo.. Pahabain niyo po ang buhay niya�
Buhayin niyo siya..� Umiiyak
na ako at ngayon, ako naman ang humihiling sa kanya. Lumuhod ako sa
buhangin. Maririnig mo talaga
ang lakas nagpahampas ng alon sa dagat.

�Isasakripisyo ko na lang po yung pakpak ko para mabuhay siya.. Please..


buhayin niyo po siya..
Ayokong.. sumama siya sa kin..�

�Pero.. sinakripisyo mo na ang pakpak mo.. Kung magsasakripisyo ka na naman


ngayon.. Ang buhay mo
na ang magiging kapalit..� Nagsalita na rin ang Diyos.

�Hindi ko po alam pero.. nasasaktan ako.. Ayoko pong nakikita siyang


malungkot dahil dito.. Mas
nasasaktan po ako.. Bigla na lang nag-iba ang naramdaman ko sa kanya.. Kaya
ayokong.. nakikita siyang
nalulungkot dahil sa mangyayari..�

�Pero.. ang magiging kapalit.. ang buhay mo.. Maglalaho ka..�

�Gagawin ko yan. Isasakripisyo ko po ang buhay ko.. para mabuhay siya ng


matagal.. Please.. pahabain
niyo po ang buhay niya.. Nagmamakaawa ako sa inyo..�

�Sige.. Yan ang sinabi mo..�

�Scythe??� Nalingon ako. Si Yuri. Nandito siya.

�Yuri..�

Lumapit siya sa kin.


�Scythe?? Anong nangyayari?? Bakit?? Bakit unting-unti ka ng naglalaho?
Scythe??� Sabi niya at parang
naluluha na rin.
Niyakap ko siya.

�Yuri.. Ipangako mo sa kin.. Magiging masaya ka okay??� Hinalikan ko ang noo


niya. Umiiyak na ako.

�Scythe?? Anong ibig mong sabihin??�

�Yuri.. Wag mong sasayangin ang buhay mo ha??� Pinilit kong ngumiti.

�Mabubuhay ka na.. ng matagal.. kaya Yuri.. Wag kang mawalan ng pag-asa ha??
Magdasal ka lagi..�

�Scythe.. �

Hinalikan ko ang mga labi niya.

�Mahal na mahal kita�Mag-ingat ka ha?? Paalam..� Hindi ko na alam ang sunod


na nangyayari.

Ang tanging alam ko lang..

Naglaho na ako.

E P I L O G U E
[Yuri�s POV]

Matagal na panahon na ring simula nung gumaling na ako sa sakit ko. Bumalik
nga ako ulit sa pag-aaral,
ngayon, isa na akong senior highschool student.

Malaki ang pasasalamat ko kay Scythe..

Dahil sa kanya..

Nabuhay pa ako ng matagal..

Sinakripisyo niya ang buhay niya para sa kin..

Ang hindi niya alam..

Simula nung nagkakilala kami..

Nung magkasama na kami..

Minahal ko na siya..

Maraming salamat talaga Scythe..


Mananatili ka sa puso ko..

Hinding-hindi ko sasayangin ang buhay na binigay mo sa kin..

Scythe, mahal na mahal din kita.

�Okay, class.. We had a new transfer student.� Sabi sa min ni Sir Reyes na
kakapasok pa lang.

Pumasok yung sinasabi ni sir na transfer student.


Pamilyar yung mukha niya.

�Okay class, meet Scythe. He will be here with us until the end of the
school year. I hope you�ll be good
to him.�

Si..

Scythe??

The End.

Copyright � 2012 by M I N J I S T O R I E S.
All Rights Reserved.

<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>100#########################################################
</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like