You are on page 1of 125

Di Masilip Ang Langit

ni Benjamin P. Pascual
(Unang Gantimpala, Palanca Awards 1981)

– at pag-iinitan ka pa. Bago ka pa lang dito, pare. Yan ang unang matututuhan mo dito sa ob-lo
pagtagal-tagal mo.

Umiiyak kanina ang waswas ko, pare. Isi ka lang, sabi ko. Ito ang kapalaran natin, e. Naawa siguro
sa ‘kin. Matagal nang ito ang haybol ko at bibilang pa ng maraming taon na ito ang haybol ko. Sabi
ko naman, ayaw ka ba n’on, konkreto ang bahay ko at ginugwardiyahan pa ng les-pu?
Nagpapatawa lang ako, pare lungkot din ako. Sabik na ako sa laya, pare. Naaawa na rin ako sa
waswas ko na di ko alam kung paano nabubuhay ngayong narito ako sa ob-lo.

Pare, sindihan mo yan. Huwag mo lang ipapatanaw ang baga sa labas. Takpan mo ng lukong ng
palad mo.

Anong kaso mo pare? Arson, pare. Ha-Ha-ha! Isang ospital ang sinunog ko – o pinagtangkaang
sunugin. Dahil hindi nasunog lahat, pare. Tersiya parte lang ng bilding ang kinain ng apoy.

Hindi ka siguro maniniwala, pare. Kami ang gumawa ng ospital na iyon. Sa Quezon City ‘yun, pare.
Yong pribadong ospital na ari ng magkapatid na mestisong instik, Lim ang apelyido. Ang ibig kong
sabihin, pare. isa ako sa mga peon, ‘yung nagtayo n’on, kantero ‘ko pare — ‘yon bang tagahalo ng
semento.

Nang magawa namin yon pare, para ‘kong pintor na nakagawa ng obra maestra. Gano’n pala ang
mararamdaman mo pag nakagawa ka, pag nakabuo ka ng isang magandang bagay. ‘Yon lang kasi
ang magandang bagay na nagawa ko sa buong buhay ko. Alam ko, ang arkitekto ang nagplano
n’on, pero, isa ‘ko sa mga gumawa. Kung masasabi niyang siyang gumawa n’on, masasabi ko rin
na ako. paano mo matatayo ang isang bilding pare, kung wala kang tagahalo ng semento? Di mo
‘yon maitatayo sa pamamagitan ng lapis at papel lang.

Nang mayari namin ‘yon pare, di ko pagsawaang tingnan. Paulit-ulit kong minasdan. Lalagay ako sa
malayo, sa harapan, at hahagurin ko ng tingin. Papa’no parang isang magandang babae, pare na
maya’t maya’y gustong mong ukulan na humahanga at nagmamalaking tingin dahil alam mong
mga kamay mo ang katulong na gumawa at bumuo.

At ito ang pinagtangkaan kong sunugin, pare! Ha-Ha! Sasabihin ko sa ‘yo kung bakit. Uumpisahan
ko sa simula.

Mahigit na ‘sang taon naming ginawa ang ospital na ‘yon pare. Nang mayari ang pundasyon,
marami sa mga kasamahan ko ang doon na natutulog. Alam mo na, para makatipid sa pasahe.
Nang malaon, sinabi ko ke Luding — Luding ang pangalan ng waswas ko, pare — na do’n na rin
ako matutulog, kasi kahit na nasa Quezon City rin kami nakatira e malayo sa amin ang ginagawang
bilding, kailangan magdalawang sakay ka sa bus at dyip.

“Sige” sabi ng waswas ko.”Nang makatipid tayo ng kontisa gastos” Kasi pare, minimum lang ang
pagana sa ‘kin sa ginagawang ospital. Ang minimum no’n disiotso, hustong-husto lang sa pagkain
at pangangailangan naming mag-asawa.

Sasabihin Ko muna sa ‘yo Kung saan kami nakatira no’n, pare. Ang haybol namin no’n e hindi
talagang bahay kundi isang maliit na kubo, mas tama sigurong tawaging barung-barung ‘yon, dahil
mas marami ang yero – na unti-unti naming naitayo sa isang bakanteng lote sa tabi ng isang
bagong tayo ring subdibisyon. Pinsan ng waswas ko ang inhenyerong nagtayo ng subdibisyon at
napakiusap namin sa kanyang bakanteng ngang loteng ‘yon, na di na sakop ng lupa ng
subdibisyon, na kaibigan naman ng inhiyerong pinsan ng waswas ko. Ang ibig ko lang sabhin dito,
pare, legal naman ang pagkatira sa subdibisyon, hindi kami talagang iskwater na basta na lang
nagtayo ng bahay, sa lupa ng me lupa. Sabihing nakatira, pero hindi iskwater.
Ang hirap ng lagay namin do’n pare. Para kaming etat, sa tabi ng isang basong gatas. Bakit e
medyo maaskad ang kara ko. Kung tingnan ako ng mayayamang taga sabdibisyon e parang bang
sa anumang sandali’y lolooban ko ang malaki at magaganda nilang bahay. Ang talagang dahilan
lang nama’y nakakapagpapangit ang aming barung-barong, sa tingin, sa magaganda nilang bahay
sa sabdibisyon at ibig nilang kami’y umalis.

Hirap kami no’n, pare. Ang layo ng iniigiban ko ng tubig. Wala pang ilaw. Ayaw kaming pakabitin
ng koryente sa sabdibisyon. Ang ibig nga nila’y Kami’y umalis.

Sa itinatayong bilding na nga ako natutulog at umuuwi lang kung Sabado ng hapon. Me kasama
naman sa bahay ang waswas ko, ang kanyang ina na nakapisan na sa amin mula pa nang kami’y
ikasal. kung gabi, masaya kami sa ginagawang bilding. Me magpa¬pabili ng kuwatro kantos at
pararaanin namin ang mga oras sa kantahan at kwentuhan. O gagalain namin ang buong bilding
na kung baga sa tao e kalansay pa lang. Ang pasikot-sikot ng bilding e alam na alam namin, pare,
na parang guhit ng aming palad.

Nang matapos na ang bilding – nang matapos na, ang ibig kong sabihin at me doktor na at me
tumatanggap na ng pasyente – siya namang pagbubuntis ng waswas ko. ‘Yon ang una naming
anak, pare. Wala pa kaming ‘sang taong kasal nang umpisahan naming gawin ang ospital.

“Hanggang Maagay magplano tayo”, sabi ko sa waswas ko isang gabi, at sinabi ko sa kanya na
mabuti siguro’y sa ospital na itinayo namin siya manganak.

“Mahal roon,” sabi ng waswas ko. “Mayayaman lang ang nanganganak at nagpapagamot doon.”

“Me pri ward doon”, sabi ko naman.

“Hindi ko alam”,sabi niya.

“Alam ko”, sabi ko. kailangan ‘yon. kami ang gumagawa no’n, di ba? Gamot at pagkain lang ang
babayaran mo sa pri ward doon at konting donasyon na ibibigay.”

“Ikaw, kung gusto mong do’n ako manganak e di do’n” sabi ng waswas ko.

“Meron ka bang alam na ibang ospital na maari mong pangana¬kan?” , sabi ko.

Tumingin lang sa akin ang waswas ko at hindi sumagot. Alam na niya na ang pinakamalapit na
ospital sa ‘min e ang ginawa namin. Me ilang ospital naman na me pri ward din, pero iyo’y malayo
na sa amin o nasa maynila na.

Wala pa ‘kong masasabi sa ‘yo tungkol sa waswas ko. Mabait siya, pare. Siya ‘yong kung
sisigawan mo’y tatalungko na lang sa isang sulok. Sunud-sunuran sa gusto ko, pare. Maganda pa.
nakita mo naman sa bisitor rum kanina. Me mukha naman, di ba?

Tayung-tayo pa ang suso, di ba? Pagkatapos naming mag-usap ng waswas ko kung saan siya
manganganak, Isang araw na napagawi ako sa ospital na ginawa namin e nagtuloy ako sa loob.
Wala naman akong ipapagamot. Gusto ko lang mag-usisa, mag-usyoso. Ginala ko ulit ang palibot,
sinundan ng tinginang nagsasalimbayang mga nars at doktor. Pare, gusto kong sabihin sa lahat
ng tao ro’n na isa ‘ko sa mga gumawa no’n.

Sa madaling salita’y lumaki at lumaki ang tiyan ng waswas ko. Nang walong buwan na ang
kanyang kabuntisan e ping-uusapan uli namin ang kanyang panganganak. Para kaming nagdidril
kung ano ang gagawin kung magkakasunog. Sabagay, kailangan ‘yon. Malayo ang subdibisyong
aming iniiskwat sa kalsada na daanaan ng mga sasakyan. kaya halos lahat ng taga subdibisyon e
me kotse.

“Pa’no kung dumating ang oras ng manganganak kang wala ako rito sa bahay?” tanong ko ke
Luding. Mangyayari lang ‘yon, pare sa araw na nasa trabaho ako. Me ginagawa kaming bahay
no’n sa Pasay.

“Lalakad ako hanggang sa abangan ng sasakyan at tatawag ng dyip o taksi at magpapahatid sa


ospital,” sabi ng waswas ko.

“Makaya mo kayang lumakad hanggang sa kalsada?” tanong ko.

“Kakayanin ko,” sabi niya.

“Pa’no kung di mo makaya?” sabi ko. “Pa’no kung mapanganak ka sa daan?”

“Bahala na,” sabi niya.

“Sana’y narito ‘ko pag nanganak ka na,” sabi ko.

Tumawa ang waswas ko at ang sabi, “Di ganon din ‘yon. Maglalakad din ako hanggang sa
abangan ng sasakyan.” “iba talaga ‘yung narito ‘ko,”sabi ko.

“Sabagay,”sabi niya.

“Sana’y sa gabi ka manganak,” sabi ko. “Narito ‘ko.

Huwag lang sa hating-gabi o madaling araw. Baka mahirapan tayong makakita ng taksing
maghahatid sa ‘tin sa ospital.”

Naging problema sa ‘kin ang panganganak ng waswas ko. Unang anak ko ‘yon, pare, unang
pagkakataon na magiging tatay ako. Maiintindihan mo naman siguro kung bakit gano’n na lang
ang paghahangad kong malagay sa ayos ang panganganak niya, huwag malagay sa panganib
ang aming magiging anak.

Pare,halos gabi-gabi’y pinag-uusapan namin kung ano ang ipapangalan sa aming magiging anak.
Ang waswas ko’y mahilig sa mga pangalang Amer’kano at gusto niya ang mga pangalang Michael
at Leonard at Robert, kung lalaki ang bata at kung babae nama’y gusto niya ang pangalang
Elizabeth at Jocelyn at Roda. Ang gusto ko nama’y Lualhati, kung babae ang bata, at Joselito
kung lalaki. Me kapatid kasi akong namatay na Jose ang pangalan at ikinabit ko ang Lito dahil
‘yon ang gusto kung maging palayaw n’ya Paboritong ko kasing artista si Lito Lapid, pare, Gaya
ng nasabi ko na, sunod-sunuran sa ‘kin ang waswas ko at nagkasundo kami sa pangalang gusto
ko.

Me isa pang dahilan kung bakit ayokong malagay sa panganib ang buhay ng aming magiging
anak, pare. Gustong-gusto ng waswas ko ang kanyang pagbubuntis. Ang ibig kong sabihin pare,
gustong-gusto niyang maging ina. Napapakiramdaman ko ‘yon sa ‘ming mga pag-uusap tungkol
sa batang isisilang, kung nagsasabi siya ng mga pangalang Amer-kano na ibig niya para sa bata,
kung pinag-uusapan namin kung saan pag-aaralin ang bata. Likas lang siguro ‘yon sa bawat
babae. Bawat babae’y gustong maging ina. At ayokong maging sentimental, pare. Ang gusto ko
sa waswas ko’y natural din sa mga lalaki, di ba?

Nobyembre, manganganak ang waswas ko at alam ko kung papasok ang buwang ito. Matatapos
pa lang ang Oktubre, namumulaklak na ang talahib sa pagpasok ng Nobyembre at sa
panganganak ng waswas ko.

Pumasok ang Nobyembre, nakaipon na ‘ko ng sandaang piso. Sa gaya kong nagkakantero lang,
pare, hindi madaling mag-ipon ng sandaang piso na ilalabas mo sa gastusan sa bahay.
Kinakailan¬gang awasin ko yon, nang unti-unti, sa gastos ko sa pagkain sa tanghali, sa paghinto
muna sa paninigarilyo, sa hindi muna pagto¬ma. Pare, kung minsa,y nagpupunta sa birhaws o sa

putahan ang mga kasama ko pero nagtiis akong maiwan sa ginagawang bilding. Tinipid kong
talaga nang husto ang sarili ko, pare. Ang sandaang pisong ‘yon e inilaan ko sa biglaang
pagkakagastusan, gaya ng ibabayad sa taksi kung dadalhin na sa ospital si Luding, o bayad sa
ospital kasi nga’y me pagbabayaran ka rin sa ospital kahit pri ward.

Nasa trabaho ‘ko pare, nang magdamdam ang waswas ko. Umaga no’n. Ang pangyayari’y hindi
ko nakita. Ikinuwento na lang sa ‘kin ng waswas ko kinagabihang puntahan ko siya sa ospital.
Gan’to, pare. Isang oras pagkaalis ko ng bahay, sumakit ang tiyan ng waswas ko – talagang oras
na ng panganganak niya, naramdaman niya. Hindi niya ‘ko matawagan sa telepono – siyempre
telepono sa bahay na ginagawa namin. Hindi naman daw niya mautusan ang nanay niya na
puntahan ako at pasabihan. Medyo engot ang matanda, pare, aanga-anga at mahina pa ang
tenga. Sinabi na lang niya sa nanay niya na pumirme sa bahay at pupunta na siyang mag-isa sa
ospital. Lalakad siya hanggang sa kalsada, gaya ng usapan namin, at sasakay sa dyip o taksi at
magpapahatid sa ospital. Me pantaksi siya. Lagi siyang may nakahandang pantaksi na ibinigay ko
sa kanya mula sa sandaang naipon ko.

Nang naglalakad na ang waswas ko sa mga kalye ng subdibisy¬on, pasiyorkat sa abangan ng


sasakyan, bigla raw humilab ang tiyan at hindi siya makalakad. Napilitan siyang lumapit sa isang
malaking bahay do’n na ari ng isang taga-BIR na ang pangla’y Mr. Cajucom, na me kotse, at
kumatok siya nang kumatok at tumawag nang tumawag sa geyt. Ang lumabas, pare, e ‘yong
asawa ni Mr. Cajucom, na ito at tinanong siya kung bakit. Sabi ng waswas ko’y manganganak na
siya at kung maaari’y makikiangkas sa kotse at padadaan sa ospital.

“Kumakain pa, e”, sabi raw ni Miss Cajucom

Biruin mo ‘yon, pare? Kumakain pa raw! Pare, akong may kotse at me nagsasabi sa ‘kin na ang
kapitbahay ko’y manganganak, maski na ‘ko nasa ibabaw ng waswas ko’y, babangon ako at
uunahin kong asikasuhin ‘yung manganganak. Pero, pare, kumakain pa raw! Hindi man lang
pumasok at sinabi ro’n sa asawa na ang waswas ko’y nasa labas at parang asong naghahanap ng
mapapanganakan!

‘Mapapanganak na ‘ata ‘ko , Misis”, sabi raw ng asawa ko. “Baka di na ko umabot sa ospital.”

Buti na lang at lumabas si Mr. Cajucom at nakita ang waswas ko. Naawa naman siguro – o baka
nisip na kargo de konsensiya niya kung mamamatay ang waswas ko sa labas ng kanyang geyt –
iniwan ni Mr. Cajucom ang pagkain at agad daw nagbihis, pinasakay sa kotse ang waswas ko at
isinugod sa ospital. Ang totoo, pare, nag-oopisina ang Mr. Cojucom na ito. Hindi naman niya
kailangan ihatid sa ospital ang waswas ko, kailangan idaan lang niya sa ospital sa pagpasok niya
sa opisina.

Eto na ang masakit, pare. Kung sa iyo nangyari ‘to e baka nakapatay ka ng tao.

Sasabihin ko muna sa ‘yo kung anong kotse meron ang Mr. Cojucom na ‘to, pare. Mustang ‘yon,
pare, erkondisyon at bago. Malalaman mo naman kung bago ang kotse dahil sa plaka, di ba? Ang
gara pare, kulay berde. Nakikita ko ang kotseng ‘yon pag gumagala si Mr. Cajucom sa loob ng
subdibisyon. Pare, kahit sa layong isang kilometro, masasabi mong ang me are no’n e hindi basta-
bastang tao. Maatik, ibig kong sabihin.

Eto na pare. Nang dumating na sila sa ospital, sabi ng waswas ko – sa ospital na ginawa namin,
pare – salubungan daw sa kanila ang mga nars at attendant. Akala siguro, pare, misis ni Mr.
Cajucom ang waswas ko.

Bumaba raw ng kotse ang waswas ko, sapo ang parang babagsak niyang tiyan, at sabi raw ke Mr.
Cajucom: “Salamat ho, Mr. Cajucom”, at no’n siguro nalaman ng mga sumalubong na ang
waswas ko’y nakiangkas lang sa kotse, “Sa pri ward lang ako”.

Pare, isa-isa raw tumalikod ang mga nars at attendants. Me natira namang isang nars, na sabi raw
sa waswas ko: “Titingnan ko ho kung me bakante, maghihintay muna kayo ro’n”.

Maghintay muna raw, pare. Namimilipit na ang waswas ko sa sakit ng tiyan. maghintay raw muna.

Naupo ang waswas ko sa lobi at naghihintay. At nakalimutan na siya pare. Sinabi kong
nakalimutan, pero ang dapat ‘atang sinabi ko’y hindi inintindi. Dahil beinte minutos pa ang
naka¬raan, sabi ng waswas ko, e hindi pa rin sumisipot ang nars na nagsabi sa kanya na
maghintay siya ro’n.

Malungkot, pare. Do’n na napanganak ang waswas ko, at ang pagkaguluhan siya ng mga nars at
doktor at isakay sa estretser at isugod sa elebeytor para dalhin sa emerdiyensi rum. Eh huli na
patay na ang bata. Bopol ako sa ingles pare, mahina ‘ko riyan at wala ‘kong naiintindihan sa mga
salitang ingles na sinabi nila na siyang dahilan raw ng pagkamatay ng bata. Pero ang waswas ko
pa rin ang pinaniniwalaan ko. Sabi ng waswas ko’y namatay ang aking anak dahil bumagsak sa
semento. Simpleng-simple. pare. Bumagsak sa semento.
Nakita ko ang bata, pare. Nang gabing iyon ng sumugod ako sa ospital pagkagaling sa bahay.
Nakapagpapaalala, pare, sa isang kuting na nabalian ng leeg. Kuting, pare. pusa. Napaiyak ako,
pare.

Pare, mamamatay ba ang batang ‘yon kung halimbawang ang asawa ng waswas ko’y si Mr.
Cajucom? Kung halimbawang kame ang me are ng mustang?

At nangyari yon. Pare, sa ospital na ang mga kamay ko ang katulong na gumawa. Masakit, pare!

Nang gabing ‘yon, sa priward, pare – iyak nang iyak ang waswas ko. Gusto raw niyang maghabol.
Hindi raw niya mapapaya¬gang mamatay ng gano’n na lang ang aming anak. Sabi ko’y ano ang
magagawa namin? Mapapalabas ba naming kasalanan ng ospital kung nanganak siya sa
paghihintay sa lobi? Pinaghintay naman siya. di ba? At ang ospital e maraming pera sa husgado,
kami’y wala. Inalo ko na lang waswas ko. Pare, nagtawa pa ‘ko. Sabi ko’y gagawa uli kami ng
beybi. Gagabigabihin namin, sabi ko. Pero ngitngit ako, pare. Iyak ng iyak ang misis ko. Kawawa
naman daw ang aming anak.

Babae ang bata, pare.

Eto pa ang isa na talaga namang nakakaasar, pare. Kinabukasan ng gabing youn sumugod ako sa
ospital, kinuha ko ang patay na bata at ibinurol sa aming bahay. Kinabukasa’y nagbalik ako para
ilabas ang waswas ko. Ayaw ni Luding na magtagal do’n, pare, at naiitindihan mo siguro kung
bakit. Isa pa’y inaalala niya na baka lumaki ang babayaran. At gano’n nga ang nangyari, pare.
Nang pinaghahanda ko na ang waswas ko sa paglabas, sinabi sa ‘kin ng isang nars na pumunta
raw muna ako sa kahero at babayaran ko ang dapat bayaran. Nagpunta naman ako. Pare, ang
pinababayaran sa ‘kin sa ospital, sa gamot daw at sa pagkain at sa kuwarto e dos sientos beinte!
Pare para ke pang naging pri- ward ‘to kung magbabayad din ako ng ganitong kalaki? Halos
naisigaw ko sa kahero. Hindi ngayo’t priward ang tinigilan ng asawa mo e pri ward na lahat. Sabi
naman ng kahero, pare. Gusto kong mandagok!

Ang dala kong pera’y sisenta pesos – ang beinte pesos ng sandaan ko’y ibinigay ko nga ke Luding
at ang iba’y di ko alam paano nagasta ibinayad ko yon sa kahero at nangako ako – pumirma ako
promissori not ‘ata ang tawag don’n – na bukas e babayaran ko ang kakulangan. Dahil namatay
ang bata, pumayag na rin ang ospital. Saka ko pa lang nailabas ang waswas ko.

Ayokong maawa sa sarili, pare. Hindi raw dapat sa tao yang maawa ka sa sarili dahil pag naawa
ka sa sarili mo e maiingit at mamumuhi ka naman sa iba, na hindi raw dapat. Pero nang gabing
‘yong nakaburol ang anak ko at patulo nang patulo ng luha ang waswas ko e gano’n ang
nararamdaman

ko. Pare, ni walang umilaw sa patay ng sanggol kundi dalawang kandila na inalagay namin ni
Luding sa ulunan at paanan ng kabaong. Hindi namin magawang makikabit ng koryente sa
pinakamalapit na bahay sa subdibisyon, dahil baka kami tanggihan at pumayag man ang bahay
na ‘yon e kailangang bumili rin kami ng kordon at iba pang gamit, na baka hindi na kaya ng bulsa
ko. Ang ibinayad namin sa ataul e inutang ko lang sa me ari ng bahay na aming gingagawa, Me
mga kasama ako sa trabaho at kaibigan na nag-abot sa ‘kin ng sampu, lima, dalawa, pero iniukol
ko ‘yon sa gagastusin sa libing at sa dapat ko pang bayaran sa ospital. Awang-awa ako sa sarili,
pare. Bale ba’y ni walang nagpunta sa bahay sa dalawang gabing pag-kakaburol sa bata.
Sabagay, mabuti na rin ‘yon dahil wala kang malaking iintindihing pakakapehin at aalukin ng
biskuwit. Pero sa mga nakatira ro’n e hindi makidalamhati sa ‘yo kung me patay ka,
makakaramdam ka ng sakit ng loob. Maaawa ka sa sarili mo.

Kinabukasan namin inilibing ang bata. Pumalya uli ako sa trabaho. Dalawang araw na ‘kong
pumapalaya sa trabaho at ikatlo ang araw na ‘yon. Nang umuwi kami nang maggagabi na,
pagkagaling sa libing, naupo ang waswas ko sa tabi ng bintana at tumingin sa labas. Parang
walang nakikita tumitingin lang sa labas. Ayaw magsalita, pare. Para ‘lang mabubuwang, pare.
Ang nanay niya’y ayaw ring magsalita at mahirap namang kausapin dahil medyo engot nga at
mahina ang tenga. Lumalabas ako, pare. Nagpunta ako sa daraanan ng sasakyan na me
tindahang nagbibili ng alak at pumasok at nagbuwal ng isang bilog.
No’n ko naisip na magpunta sa ospital. Hindi na malinaw sa isip ko kung bakit nagpunta ako ro’n
sa ospital. Siguro’y no’n ko naisip na magbayad ng kulang ko – ng utang ko. Siguro’y gusto ko
ipakilala sa ospital na kahit na ‘ko mahirap, kahit hirap na hirap sa buhay e me konti ako, ng
tinatawag na dignidad at nakakakilala ako ng masama’t mabuti at marunong akong magbayad ng
utang ko – kahit sa kanila na pumatay ng sanggol ko. Ewan ko, anu’t anuman, pare, nagpunta ‘ko
sa ospital. Binayaran ko ang utang ko. Ipinakilala kong marunong akong magbayad ng utang at
nasiyahan ako ng konti at sinira ko ang promisori not sa harap ng kahero, nang ibigay niya ‘yon
sa ‘kin nang magbabayad ‘ko.

Galing ako sa kahero, patungo na sa labasan ko, nang mapatingin ako sa palibot na gaya ng
nakaugalian ko sa ospital na ‘yon. Pare, siguro nga’y senglot ako, ang tingin ko sa mga doktor at
mga nars na nakikita ko’y nakatawang mga alamid na pumatay sa batang inilibing ko at ang
waswas kong nakatulala sa bahay at ang pangyayaring sa mga susunod na araw e maaaring wala
na kaming kakanin. Naramdaman kong gusto kong manira, pare. Gusto kong sirain, wasakin ang
bilding na ‘yon na lagi kong ipinagmamalaking isa ‘ko sa mga gumawa.

Pumanhik ako sa ikalawang palapag. Me isang silid do’n na no’ng ginagawa pa lang namin ang
bilding e tinutulugan namin ng mga kasama kong peon. Ngayo’y pahingahan ‘yon ng mga dalaw
at ng nars at doktor na napapagod sa trabaho. Pumasok ako ro’n at umihi sa sopa. Inihian ko rin
ang telebisyon na para sa bisita. Ang gusto ko lang e Magdumi at manira, pero nang wala na
‘kong maiihi, naisip ko namang magwasak. Nabuwang na nga ‘ko, pare. Ibinuwal ko ang mga
kurtina. Siniliban ko rin ang mga magasing naro’n at ang apoy e idinuldol ko sa lahat ng bagay
maaring magdingas.

Naglagablab na ang silid nang lumabas ako. Isang attendant na lalaki and nakakita sa ‘kin. Nakita
niya ang usok at apoy na lumalabas sa ilalim ng nakasarang pinto at nahulaan ang ginawa ko.
Tumakbo ako. Hinahabol niya ‘ko at sa ibaba inabutan. Pero malaki na ang apoy, pare.
Nagpalipat-lipat na ‘yon sa maraming silid.

Apat na atendant at guwardiya and gumulpe sa ‘kin pare, bago ako ibinigay sa les-pu. Pero
tersiya parte nga ng ospital ang nasunog ko.

Yosi pa, pare? Nadadalhan pa ‘ko ng yosi ng waswas ko, Ewan ko kung sa’n siya kumuha ng
ibinigay nito. Naghahanap buhay daw siya kahit pa’no pero di ako nagtatanong kung ano ang
hanapbuhay ‘yon. Wala siyang alam na trabaho pare. Paris ko rin siyang bopol. Baka masaktan
lang ang loob ko kung malalaman ko kung anong hanapbuhay ‘yon kaya di ako nagtatanong.

Sige, pare, matulog na tayo. Mag-aalas diyes na siguro. Dito sa ob-lo, pare, lalo na sa gabi,
kailangan hulaan mo lang ang oras. Kasi nga’y walang me relo dito. Ni hindi mo naman masilip
ang langit sa labas mahulaan mo sa ayos ng mga bituin, kung anong oras na nga. Wala kang
masisilip dito kundi pader at rehas. Ewan ko naman kung me langit nga sa labas. Hindi na ‘ko bilib
sa langit, pare. Matagal na ‘kong kinalimutan ng Diyos.

*******wakas********
Batingaw
Maikling Kwento ni Elpidio P. Kapulong
(Ikalawang Gantimpala, Palanca Awards 1955)

Alas diyes ako nagising dahil sa mga kabataang 'di pa 'man nagpapasko may kaniya-kaniyang
nang pakete ng paputok na piccolo. Tila nananadiya pang sa tapat ng bintana ko iniitsa ang bawat
masindihan. Sila pa itong mga nagagalit ang hitsura kapag nalamang supot ang inaabangan na
pagputok.

Alas diyes y medya nang lumabas ako ng kwarto para alamin kung anong espesyal na putahe ang
niluluto ni tatay na nagpabangon sa akin nang malanghap ko ang nakakagutom na amoy. Kaya
naman pala ganitong oras nagluto nagiinom na pala agad at ibibida nanaman ang maanghang na
itik na nakakapagtakang kailangan pang haluan ng softdrinks para lumitaw ang masarap na lasa.

Alas dose na nang mabaling ang mata ko sa orasan, isa't kalahating oras na pala akong nakaupo
rito kahit hindi naman tumatagay. Yan ang mahirap sa mga lasing kahit hindi na nakikinig ang
kausap ikukwento't ikukwento parin kung ano ang pumasok sa utak. Kinailangan ko pang i-hold
ang kausap na lasing dahil isang lasenggo pa ang kumakalabit sa akin para ipagpatuloy ang
naputol n'yang kwento dahil sa pamumulutan.

Ilang minuto rin ang itinagal bago ako makapag desisyon kung ano ang susuotin mamaya.
Ngayon ko lang rin kasi napansin andami ko na palang formal get-ups at polo shirt sa tukador ko,
tuwing namimili kasi sila kahit hindi naman ako sumasama ay siguradong meron silang dala para
sakin. Hindi ko nga lang nagagamit dahil mga skate shirts na talaga ang nakasanayan kong bilihin.
Naalala ko tuloy nung nag kick-flip ako sa gym at nagkamali ng landing nangibabaw ang tili mo sa
lahat. Akala mo lang siguro hindi ko napansin pero halatang tumatawa kayo nung tumalikod
na'ko. Hindi ko alam kung ako ba ang pinagtatawanan niyo, o nagtatawanan kayo dahil
napagtanto n'yong ang lakas pala ng tili niyo. Kayo nga ang pinagtinginan hindi ako.

Naloko na hindi ko pa mahanap ang cellphone ko, sigurado naman akong hindi ko 'yon bitbit
kanina sa inuman, panonood lang kasi sa replay ng laban ni pacquiao ang pinagkakaabalahan ko
kanina at pakikinig sa himutok ng mga lasing, wala naman akong maalala na meron akong
kinukutingting. Makakalimutin talaga ako 'buti nalang nagtext ka at nalaman kong natabunan lang
pala ng unan. Paano kaya kung magsawa ka na sa pagtetext sa akin? Tumunog pa kaya ang
cellphone ko na tanging ikaw lang ang laman ng inbox at puro naudlot na pagtatapat ang drafts.

Magaalas dos na kaya hinila ko na ang tuwalya sa sampayan. Nakakainis na mga babae parang
ngayon lang nakakita ng lalakeng naka boxer shorts, nakuha pang magtawanan. Napatalon pa
ako sa gulat nang masigawan, 'di ko kasi namalayang may gumagamit pa pala ng palikuran bakit
kasi ayaw pang lagyan ng kandado ang pintuang 'to sa tagal maligo ng kapatid ko siguradong
hindi ako aabot ng alas-tres na plano kong pagdating, isang oras na mas maaga.

Alas tres y medya, agad kong tinungo ang direksyon kung saan itinuturo nilang isang babae ang
naaksidente. Ayokong isipin na ikaw nga 'yon pero wala ako ngayon sa tabi mo na lagi mong
kinakapitan ng mahigpit tuwing tatawid tayo. Bago pa magkumpulan ang mga tao laking
pasasalamat kong tanaw kitang papalapit na sa kung saan tayo nakatakdang magtagpo. Agad
bumalik ang ngiti ko tinawanan pa nga kita dahil naki-usyoso pa kayo sa naaksidente at halatang
takot na takot ka, mabuti nalang ay ligtas at nagalusan lang ang babae. Bawat hakbang mo
papalapit siya namang pagbilis ng kabog ko sa dibdib. Mabilis rin kasi ang naging mga pangyayari,
parang kailan lang ayaw mong pansinin ang mga biro ko. Hindi ko rin inakala na magkakasundo
tayo at magiging matalik na magkaibigan. Matagal ko rin itinago ang nararamdaman ko sa'yo, sa
wakas ay nagising narin ako sa katotohanang nagsasayang lang ako ng oras sa paghihintay ng
magandang pagkakataon na 'lagi ko rin namang pinapalagpas.

Tulad ng mga nadaanan kong di-ilaw na parol makulay ang itinatagong mundo ng mga mata mo.
Napaka aliwalas at ang amo ng mukha mo habang pasimpleng ngumiti ka at kumaway sa akin.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala isang kaibig-ibig at mahiwagang paru-paro tulad
mo ang nakasanayan nang dumampi sa akin, natatanging bulaklak na habang buhay kong
pahahalagahan. Nakapasok narin kayo sa labas ng simbahan ng cuenca, nagpaalam ka na sa
mga magulang mo para sumama muna sakin. Eksaktong naglaho ang maingay na kalembang ng
batingaw sa paglapit mo at pag-tabi sa kin. Hudyat na sisimulan na ang pamimigay ng pag-asa
sa bawat isa sa simbahang ito. Hudyat rin sa pagsisimula ng unang simbang gabi na kasama kita.
Hindi maihahambing sa anumang bagay ang umaapaw na kaligayahang nararamdaman ko. At
hindi ako papayag na magtapos ang misa-de-galyo na itong hindi ko nailahad ang tunay na
pagtingin ko sa'yo. Bagong ugnayan ang mamamagitan sa dalawang nagmamahalan sa pagsikat
ng araw.

"Ang haba ng sinabi ko, un lang ung naalala ko eh? heheh"

"Ok lang. Akala ko kasi kinalimutan mo na eh, thank you Dhie! advance happy anniversary!"

******wakas********
KASAL
Maikling Kwento ni Eli Rueda Guieb III
(Ikalawang Gantimpala, Palanca Awards 1996)

‘Yung mahalin kita habambuhay, hindi ko yata iyon puwedeng ipangako sa iyo. Pero ‘yung iisipin
kita habambuhay, iyon, baka iyon ay puwede ko pang ipangako sa iyo, kahit papaano.

Iyon ang sinabi ko sa kaniya bago kami ikasal. At iyon din ang sinabi niya sa akin pagkatapos
naming ikasal.

Hindi naman siguro mahirap intindihin ‘yon. Dahil maraming bagay sa mundo ang hindi pwedeng
bigkisin sa mga kontrata ng relasyon. Iisa lang naman ang batas ng relasyon, pagmamahal.
Kapag iyon ang nawala, wala na ring silbi ang katotohanan ng mga kontrata. Ang tanging
katotohanang naiiwan ay ang pait ng pinawalang-bisang kontrata.

At kahit na anong pagkakait ang gawin, kahit na anong pagkukunwari ang ipantapal, kung
talagang wala na ang pagmamahal, anuman ang kahulugan nito, anuman ang anyo nito, anuman
ang ekspresyon nito, ay totoong tapos na nga ang kontrata. At kung minsan nga ay tinatapos din
ang relasyon kahit wala namang pag-ibig na tinatapos.

Totoong nakakapanghinayang. Dahil sino ba naman ang may gustong magputol ng mga
ugnayan? Liban na lang marahil kung talagang sa simula pa lang ay maling-mali na ang
binubuong relasyon, anuman ang pakahulugan natin sa mali. Pero ano pa ang magagawa ng mga
panghihinayang, ng mga buntong-hininga, kung kathang-isip na lang ang pagmamahal, kung ang
inaakalang pagmamahal sa asawa, o sa kaninumang karelasyon, ay dahan-dahang
magpapaunawa sa iyo ng dahan-dahan ding pagpigtal sa mga emosyong nagkukurdon sa isa’t
isa.

Iyon ang sinabi ko sa kaniya nu’ng pag-usapan namin ang aming posibleng paghihiwalay. Iyon
din ang sinabi niya sa akin nu’ng nagdesisyon kaming kami’y maghiwalay na.

Hindi pa rin naman talaga mahirap intindihin iyon, iyong paghihiwalay. Sino ba ang may sabing
iisa lang ang dapat na puntahan ng relasyon? Sino ang may sabing mali ang maghiwalay? Sino
ang may sabing lahat ng tinatapos na relasyon ay dapat na malungkot? Puwede rin naman
sigurong maging masaya sa pagpilas ng mga dokumento ng ugnayan.Maaring naroroon ang pait,
hindi mo maiaalis iyon. Pero hindi ibig sabihin no’n ay dapat na malungkot ang lahat ng
pagtatapos.

Kanina pa namin hinihintay ang pagtaas ng araw. Kami, kaming dalawa lang, ang naghihintay sa
tuktok na ‘yon.

Kagabi ay nagsawa kami sa panonood ng mga bituin, mga bituing kumikinang, umaandap-andap,
pero alam mong patay, mga bituing kasisimula mo pa lamang kilalanin ang kagandahan ay
matagal na palang patay.

Banayad ang malamig na simoy ng hangin ng madaling-araw na iyon, di tulad kagabi na may
bulong ng unos. Akala nga namin ay masisira ang aming tent sa lakas ng hangin kagabi. Pero
ngayong umaga ay payapang-payapa ang paligid. Ang mga ulap sa ibaba ay parang ragasa ng
ilog sa kanilang pagtulog, parang naka-freeze ang kanilang motion, parang pelikulang pinahinto
ang galaw ng frame. Maging ang ulap pala ay napapagod din sa paglipad. Nagpapahinga rin pala
ito sa ibaba ng bundok.

Nagsisimula nang mamula ang dulo ng mundo. Inakbayan niya ako, maingat. Tiningnan ko siya
at sandaling ngumiti, tipid na ngiti. Muli kong ibinaling ang aking mga mata sa dulo ng mundo.
Inakbayan ko rin siya, tahimik na akbay. Parang tuyong dahon ang kaluskos ng aming mga jacket
at windbreaker.

Gusto kong bumalik sa tent para kunin ang kamera. Ito ‘yung mga pagkakataong hindi
pinalalampas ng mga photographer. Tamang-tama ang color temperature. Nakaka-challenge sa f-
Pero nagdesisyon akong huwag nang kunin ang kamera. May mga bagay na ayaw kong ipaubaya
sa mata ng kamera. May mga bagay na ayaw mong ikulong sa kuwadro ng realidad ng lente.
May mga bagay na para lang sa mata ng tao. May mga bagay na gusto mo lang ikulong sa
realidad ng gunita.

Isa ito sa mga pagkakataong iyon.

Dahan-dahan ng umakyat ang araw. Naninilaw na ang dulo ng mundo habang namumula naman
ang aming kinaroroonan. Nagbabago-bago ang temperatura ng liwanag, kung paanong
nagbabago-bago rin ang kislot ng emosyon ng aking kaluluwa. Alam kong ganoon din ang
kaniyang nararamdaman. Ilang beses na naming nakita ang pagtaas at paglubog ng araw, ang
muli nitong pagtaas at muli nitong paglubog. Subalit sa bawat pagtaas at sa bawat paglubog ng
araw ay iba’t-iba, at ibang-iba, ang mga katotohanang ibinubulong nito sa aming mga katauhan.

Di pa nagtagal ay bilog na bilog na ang araw. Nawawala na ang mga pula, nawawala na din ang
mga dilaw. Tumitingkad na ang mga berde. Gumagalaw na rin ang mga ulap,paitaas,pabalik sa
kanilang langit.

Matagal pa kaming nanatiling nakaupo sa tuktok na iyon. Walang imikan sa isa’t isa, nanonood sa
paggising ng mundo, nakikinig sa mga kaluluwang paligid,sa mga kaluluwa ng aming mga
sariling buhay.

Sino ang mag-aakalang nang mga sandaling iyon ay pinupunit namin sa aming mga puso ang
mga dokumento ng aming relasyon.

Kahapon ng hapon ay pinunit ng hangin ang pinalilipad naming saranggola. Sinadya naming
agahan ang pag-akyat sa Pulag nang sa gano’n ay marami pa kaming puwedeng gawin, at pag-
usapan. At sinadya rin naming umakyat ng Enero, at weekday. Kinuha namin sa Maynila ang last
trip pa-Baguio. Nagkape kami sandali sa terminal ng bus, nagpahinga ng isang oras sa isang
bukas na restaurant sa Baguio na may na may mangilan-ngilang nag-iinuman o nagpapalipas din
lang ng oras, pagkatapos ay naghanap ng dyip na aming masasakyan papunta sa isa sa mga
jump off point papuntang Pulag.

Mas maganda itong mga off season climbs,mas nasasarili ang hangin ng paligid,ang
huni,bulong,halakhak,at pighati ng lahat ng uri ng buhay sa mahanging bundok na ito. Higit sa
lahat,para mapakinggan namin,kami lang, ang mga impit na sigaw ng aming mga kaluluwa.

Mabilis na namayagpag ang saranggola nang bitawan ko ito. Nakita kong medyo nahirapang
maniobrahin ni Joanne ang saranggola nang itulak ito ng hangin paitaas.

Simpleng-simple ang tabas ng saranggola,isang malapad na triyanggulong papel,kulay


dilaw,berde,at pula. Hindi tulad ng mga guryong na pinalilipad ko noong ako’y bata pa,na ako rin
ang gumawa,na lakas-loob kong ipinanlalaban sa iba pang saranggola,minsan natatalo,minsan ay
nananalo.

Tumawa na lang kami nang pilasin ng hangin ang saranggola,tutal mura lang naman ang bili
namin dit. Pero siguro kung kami ang gumawa ng saranggola,hindi ganoon kadaling pakawalan
iyon.

Isang tanong ang magpahanggang ngayon ay hindi namin alam ang sagot. Bakit kailangang
mamatay ni Toni? Hindi dapat namamatay ang mga bata. Hindi tamang mamatay ang mga bata.

Kung paanong hindi ganoon kadaling pakawalan ang isang buhay na alam mong sa iyo
nanggaling. Namatay ang aming panganay dalawang taon na ang nakararaan. Tatlong taon na si
Toni noon,binaha ng tubig ang kaniyang utak, at walang nagawa ang mga doktor. Walang
nagawa ang Diyos kahit na anong dasal ang gawin ko,kahit na anong pagsusumamo ang gawin
ko sa lahat ng espiritu ng mundo’t kalawakan.

Gano’n yata talaga iyon. May mga bagay na agad-agad na nawawala, may mga bagay na
madaling mawala. Parang pagpapalipad ng saranggola. Kahit na anong maniobra ang gawin mo
sa pisi, kahit na anong pag-ayon at paglaban ang gawin mo sa hangin,malakas man ito,banayad
na anong tibay ng iyong pisi, ng papel o ng kahit na anong materyal ng saranggla,at ng
nagpapalipad,mapupunit ang saranggola, o mapipigtas ang pisi,o mapapagod ang nagpapalipad,o
simpleng mawawalan ng hininga ang hangin.

Malalim ang magkakambal na buntong-hiningang pinakawalan ko nang huli kong dalawin ang
puntod ni Toni.

Malalim din ang magkakambal na buntong-hiningang pinakawalan namin ni Joanne nang


maghiwalay ang aming mga labi. Maingat, tahimik, mabagal, ang sandaling paglalaro ng aming
mga dila. Mataas na ang araw, bagama’t nasa gilid pa rin ito ng mundo.

Bumalik kami sa may tent. Kinuha ko ang stove sa tabi ng tent na natatakpan pa rin ng flysheet.
Habang binobomba ko ang stove ay nilagyan ni Joanne ng tubig ang cookset. Pagkasindi ng
stove ay ipinatong dito ni Joanne ang cookset. Habang hinihintay na kumulo ang tubig ay
pinunasan namin ng tissue paper ang aming mga tasa at kutsarita na mamasa-masa pa sa
hamog.

Kanina habang hinihintay namin ang pagsikat ng araw ay tinanong naming muli ang aming mga
sarili kung sino ang dapat sisihin sa patutunguhan ng aming relasyon, o sa kawalan ng
patutunguhan nito. Pero wala kaming makitang kasalanan o pagkakamali, kung kasalanan nga o
kamaliang matatawag ang aming pagpapakasal gayong alam naming posibleng may hinihintay pa
kaming ibang pag-ibig, o may ibang naghihintay sa aming mga iniimbak na pag-ibig.

At lalo kaming nagulat nang matanto naming hindi naminkailangang maghanap ng kasalanan
para tapusin lang ang amingrelasyon. Puwede namang wakasan ito nang walag galit sa isa’t-isa,
nang walang hintuturong nanduduro ng paninisi, nang walang pagkataong mawawasak, nang
walang pusong masasaktan, nang walang kaluluwang mapupunit.

Noong isang taon ay muling bumalikbuhat sa Canada si Michael,dating boyfriend ni Joanne bago
kami magpakasal. Alam ni Joanne na mahal pa rin siya ni Michael. Alam ko rin iyon. Pero tiyak si
Joanne na hindi na babalik si Michael sa buhay niya dahil wala naman nang plano si Michael na
umuwi ng Pilipinas. At wala rin namng plano si Joanne na sumunod sa Canada. Pero biglang
nagbago ang mga pangyayari.

Muli ngang bumalik si MIchael, at sa Pilipinas na uli maninirahan. Akala ni Joanne ay hindi na niya
mamahalin pa si Michael. Pitong taon na rin naman silang cut off sa isa’t isa.

Pero hindi pala sa haba ng panahon sinusukat ang paghihiwalay. Hindi pala sa kawalan
tinitimbang ang bigat ng pagkataong kinikipkip sa puso.

Buhat ng bumalik si Michael ay lagi silang nag-uusap. Alam ko iyon. At alam ko rin ang laman ng
kanilang pag-uusap, lahat ng kanilang pag-uusap. Mula nang matiyak ni Michael na gusto pa rin
niyang maging karelasyon si Joanne kahit kami’y kasal na, mula nang matiyak nilang dalawa na
magsasama na sila, mula nang matiyak kong hindi seguridad ang kasal para mapanatili ang
relasyon, mula nang tanggapin ko sa sarili ko na dapat ko nang pakawalan si Joanne, mula nang

matanggap kong dapat ko na ring kumawala sa buhay niya, mula nang maging tiyak ang
maraming bagay kahit alam naming ang katiyakang iyon ay puwedeng hindi talaga tiyak, mula
noon ay sinabi ko na sa aking sariling tapos na ang aming relasyon kahit hindi totoong doon
nagtatapos ang pag-ibig namin ni Joanne sa isa’t isa.

Noong umpisa ay totoong mabigat iyon. Isang malaking kahangalan ang pawalan ang isang
mahal sa buhay, lalo’t may basbas ng legalidad ang aming pagsasama. Subalit higit na malaking
kahangalan ang ikulong ang kapwa sa legalidad ng pagsasama.

Iniangat ko ang takip ng maliit na kaldero. Hindi pa rin kumukulo ang tubig. Naihanda na ni
Joanne ang kaning kaniyang isasangag.

“Sino ang maniniwalang maghihiwalay na nga tayo?” sabi ko kay Joanne habangibinabalik ko ang
takip ng kaldero.
Ngumiti si Joanne, lumapit sa tabi ko at kinusot-kusot ang buhok ko. “Hindi naman kailangang
may pag-awayan para maghiwalay,” sabi niya.

Hindi ako ngumiti. Tiningnan ko lang siya. Walang masamang ibig sabihin ang tinging iyon. Mugto
ang kaniyang mga mata.

Kagabi ay umiyak siya. Nagsimula sa impit na paghikbi,hanggang sa siya’y mapaluha,at ang pag-
iyak ay naging paghagulhol. Sorry siya ng sorry habang humahagulhol. Ang usapan kasi namin
bago kami umakyat ng Pulag ay walang iyakan.

Kuwentuhan lang,konting halikan, konting dantay ng katawan at pag-aaral sa emosyon ng bawat


isa; sa madaling salita, pamamaalam sa isa’t isa, iyon ang dahilan ng climb na ito.

“Hindi ka dapat mag-sorry. Walang dapat mag-sorry,” sabi ko sa kaniya habang mahigpit ko
siyang yakap-yakap. “At walang iyakan, usapan natin yan.”

Kamuntik na ngang hindi matuloy ang pag-akyat na ito. Hindi namin alam kung matatawa kami
noong namimili kami ng mga pagkaing dadalhin namin para sa climb na ito. Para kaming
naglalaro. At para ring corny na ang huling araw ng pagsasama namin ay sa ganitong paraan
namin gagawin, kung paanong sa ganitong sitwasyon din namin sinimulan ni Joanne ang aming
relasyon.

Kapwa kami noon aplikante ni Joanne sa isang mountaineering group. Boyfriend na niya noon si
Michael. Ako naman ay may live-in partner noon, si Lizette.

Pareho namingmahal ni Lizete ang isa’t isa, at pareho kaming hindi naniniwala sa kasal.

Pero ewan ko kung bakit isang araw ay nagising akong ang pakiramdam ko ay pagod na ako sa
mga transient na relasyon. Gusto ko na ng permanence. Niyaya ko ng kasal si Lizette. Nang una
kong sabihin iyon sa kaniya ay tinitigan lang niya ako nang matagal, parang hindi
makapaniwalang ako nga ang nagsabi niyon sa kaniya.

Ilang beses naming pinag-usapan ni Lizette ang bagay na iyon. Iisa lagi ang kaniyang sagot,
isang tiyak na iling.

Kumukulo na ang tubig. Inalis ko ang kaldero sa stove. Ipinatong ni Joanne ang maliit na kawali,
isinunod ang bawang,nilagay ang kaning lamig.

Habang nagsasangag ay naghanda ako ng kape para sa aming dalawa. Iniabot ko ang tasa ni
Joanne sa kaniya, humigop siya ng kaunti. Nilagyan ko ng creamer ang aking kape,humigop ng
kaunti,nagsindi ng yosi.

Nahiwa na rin ni Joanne ang pagtatas na aming itotorta para sa agahan.

May isang makulay na ibong dumapo sa isa sa mga batong kumukubli sa stove laban sa ihip ng
banayad na hangin.

Naalala ko ang isang lawing namataan namin ni Joanne nung minsang nag-long distance biking
kami mula Maynila hanggang Bustos, Bulacan. Nasa Norzagaray kami noon,nasa tuktok namin
ang araw nang matanaw ko ang lawing iyon na payapang lumilipad sa gilid ng bangin.

Nasa gilid ng bangin ang kalsada. Mayabang subalit tahimik na tahimik ang matayog na lipad ng
lawin. Sandali kaming huminto ni Joanne sa pagba-bike. Iginilid namin sa may bangin ang aming
mga mountain bike. Pingmasdan namin sa may bangin ang ibon sa paikot-ikot nitong paglipad sa
burol. Tumingin ako sa ibaba. Nakalulula, nakatatakot mabuhay sa matayog na gilid ng mundo.

Sa ibaba ay naroon ang isang makitid na ilog. May ilang babaeng naglalaba,mga dalaga’t
matanda. Mayamaya’y lumayo sa kinaroroonan namin ang lawin, tinaasan pa ang paglipad,
dumako sa loob ng bundok na nauubusan na ng puno..

Hinanap namin ang daan pababa sa may ilog. Inakay namin ang aming mga bike sa bato-batong
footpath hanggang marating namin ang mas mabatong patag patungo sa ilog. Tinanggal ko ang
aking helmet at shades,hinubad ko ang aking medyas,sapatos, at tishirt. Tumalon ako sa ilog at
lumangoy patungo sa kabilang pampang kung saan naroon ang mga bata’t mga babaeng
naglalaba. Maligamgam ang tubig.

Sinenyasan ko si Joanne na sumunod sa akin. Umiling lang siya. Hihintayin na lang kita dito,
sigaw niya. Nang marating ko ang pampang ay tumingin lang sa akin ang mga bata. Nagtawanan
ang mga kababaihan. Umupo ako. Kinilig ako ng kaunti nang dampian ng tuyot na hangin ang
aking katawan. Mapapasma ako sa ginagawa kong ito,pero hindi bale,sabi ko,minsan ko lang
namang gawin ang ganito.

Pagkatapos ay bumalik ako kaagad sa pampang na kinaroroonan ni Joanne. Umiinom si Joanne


ng tubig sa cannister, sa lilim ng isang punong mangga. Nagyaya siyang ipagpatuloy na ang
aming pagba-bike. Muli kong isinuot ang pawisan kong damit. Naramdaman ko ang pawis at tubig
na sumusuot sa aking katawan.

Sa gawing Bustos ay nadaanan namin ni Joanne ang isang dampa, at sa bintana ay nakatanghod
ang dalawang matanda,malamang ay mag-asawa,na tahimik sa kanilang pagkakaupo, nakatingin
lang sa labas. Sinundan ng kanilang mga tingin ang mabilis na pagdaan namin ni Joanne.

At bago pa namin marating ang bayan ng Bustos ay marami kaming nadaanang mga lumang
bahay, paisa-isa,payapa,tahimik na nakatayo sa gilid ng kalsada, subalit tila ipinagyayabang ang
kanilang katatagan, ang kanilang kasaysayan.

Nalungkot ako,napagod ako sa pakikipagtitigan sa mga lumang bahay.

Napaka-introspective ng pagba-bike. Parang mountain climbing. Nakiipag-usap ka sa iyong sarili.


Nakikipag-usap ka sa paligid na iyong nadaraanan. Kadalasan, habang nagba-bike o naglalakad sa
mga dalisdis ng bundok, ay naiisp kong napakaraming sandali ang basta-basta ko na lamang
pinalilipas.

Napakaraming mga paslit na pagkakataong hinahayaan ko na lamang dumaan sa harap ng aking


gunita. Dumarating na lang basta ang mga saloobin, mabilis na magdaraan sa aking harapan na
parang aninong tinatangay ng kumpas ng liwanag, at sa ilang saglit ay wala na, hindi mo na
maalala kung ano ang bagay na iyon,daig pa ang panaginip na kahit papaano ay may iniiwang
tanda.

Sana ay ganito kapayapa ang lahat ng pagkakataon. Nakakapagod mabuhay sa pagitan ng mga
saknong. Nakapanlulumong ikulong sa loob ng mga panaklong, na para bang kilala na ng iba ang
iyong pagkatao batay sa mga kategorya kung saan ka nila ibinubulsa. Nakabubusal ang mga
pagkakahong iyon.

At sa bawat pag-iwas sa itinatakda ng iba na depinisyon ng sarili ay ang kanilang walang-


katapusang paghalughog ng iba pang mga kategorya upang ikaw ay kanilang maibuslo roon.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila maintindihan na sarili lang ang makakapagpaliwanag
ng sarili,na ang sarili,higit sa lahat, ay hindi rin naman kailangang ipaliwanag ang sarili. Bakit hindi
hayaang malayang dumaloy ang malay?

Siguro, yung paghahanap ng kategorya, paghahanap din siguro iyon ng permanence. Kung
gayon, parang may mali sa permanence. Mas okey pa rin yata ang transience.

Tulad ng transience ng lawing dahan-dahang nawala. Tulad ng transience ng sandaling iyon ng


paglangoy sa ilog. O ng pamumundok, o ng pagpapalipad ng saranggola, ng araw na namumula
sa dulo ng mundo. O ng pagba-bike, ng tanghod sa bintana ng matandang mag-asawa. O ng
pakikipag-live in kay Lizette. Ng pag-alis at pagbalik ni Michael sa buhay ni Joanne, ng kasal
namin ni Joanne, at ng paghihiwalay namin ni Joanne. O ng mga halik sa tuktok ng mundo, ng
mga solitaryong buntong-hininga. Hindi na maibabalik ang mga iyon, hanggang doon lang iyon. At
iyon lang iyon. At iyon ‘yon. Nasa kanilang transcience ang kanilang permanence.

Bigla ko tuloy naisip na ang paghahanap ng permanence ay parang paghahanap sa inunan.


Minsan ay sinubukan kong mag-bike mag-isa, sa ruta pa ring madalas naming daanan ni Joanne.
Pero no’n ay pinasok ko ang maliliit na rough road na hindi namin pinapansin. Mababato ang
mga daang iyon. Tumatalsik ang mga batong tinitisod ng gulong ng bike, tumatalon sa mga
damo sa gilid ng kalsada, ang iba ay gumugulong sa putik ng palayan, ang tunog ng bagsak sa
putik ay parang sinasaksak na laman ng tao.

Nang muli kong titigan ang kalsada sa ilalim ng gulong ng aking bike ay nagmistulang kawan ng
mga tuldok ang daan. Ibinaling ko ang aking ulo sa harap, nasisilaw ako sa liwanag kahit naka-
shades ako, tumutulo rin ang pawis mula sa aking noo. Puro tuldok pa rin ang aking nakikita,
libo-libong tuldok sa sa isang mahaba’t nag-iisang kalsada sa gitna ng berdeng parang na iyon.

Tuldok, naghahanap ako ng tuldok sa buhay. Marami akong mga tinapos na relasyon na hindi
naman talaga nagtapos sa tuldok. At gusto ko nang tuldukan ang mga bahaging iyon ng buhay
ko.Maraming tuldok na puwedeng daanan. Pero hindi pala ganon kadaling mamulot ng mga
tuldok.

Nahugot ko na ang pinakahuling peg ng tent. Naitiklop na namin ni Joanne ang tent, flysheet, at
groundsheet. Nakapag-pack na kami at nililinis na lang namin ang campsite na ginamit namin.

Bago kami tuluyang bumaba ay sandali kaming tumayo sa may gilid ng tuktok. Inilibot namin
ang aming paningin sa lahat ng kayang abutin ng aming mga mata, ang langit, ang ulap, ang
mga bundok sa dulo ng mundo, ang mga damo sa maliliit at alon-along bundok sa ibaba. Isa
pang buntong-hininga, magkakambal na buntong-hiningang pinakawalan din naman namin.

Huling sulyap iyon sa kabuuan ng lahat ng aming pinagsamahan ni Joanne, lahat ng aming
minahal sa isa’t isa, ng lahat ng aming itatapon, o kukupkupin, o kikimkimin.

Napakaliit ng pakiramdam ko nang mga sandaling iyon. Napakalawak ng mundo, napakatayog


ng mga realidad, parang napakalayo ng mga katotohanan. Nagpakalayo-layo ang katahimikan at
narito kaming sinasamantala ang natitira pang kapayapaang maaari naming saglit na isabuhay
sa mga huling sandali ng aming pagsasama bilang mag-asawa.

Pumasok sa aking isip ang imahe ng mga mummy na nakita namin ni Joanne habang paakyat
kami ng Pulag. Natahimik ako nang isa-isa kong makita ang mga bakas na iyon ng kamatayan.
Hindi nga lang pala buhay ang nag-iiwan ng mga gunita, higit na maraming iniiwang alaala ang
kamatayan.

Nasabi ko tuloy sa aking sarili na gusto kong mamatay nang maaga, di tulad ng matandang
mag-asawang nakatanghod s bintana, di tulad ng mga lumang bahay sa gilid ng kalsada. Ano pa
ba ang gagawin ko sa buhay kung wala na ang mga ka-batch ko sa mundo? Paano ba ako
makikihalubilo sa isang henerasyong hindi ko naman kinabibilangan, sa isang mundong
hinihintay na lang akong mawala, sa isang panahong nakikisama na lang sa akin?

Pero paano kong ihahanda ang aking sarili sa kamatayan? Gusto ko, kung kakayanin ko, at
sana’y kayanin ko nga, ay ibalik ang aking kamalayan sa kalagayan nito noong ako’y nasa
sinapupunan pa ng aking ina. Ganoon naman sguro dapat isabuhay ang buhay. Mag-a-unload
ako ng mag-a-unload ng mga bagahe ko sa buhay, mga bagaheng kusa kong pinulot, mga
bagaheng ipinasan sa akin ng iba sa aking paglalayag,hanggang makabalik ako sa pinagmulan
ng aking kamalayan.

Siguro kapag nagawa ko iyon, handang-handa na akong mamatay. Kahit hindi ko pa siguro
naising mamatay, kusang-loob na yayakapin ako ng kamatayan, bukas-palad akong sasalubungin
nito, parang isang kaibigang matagal nang di nakikita.

Noong mga sandaling iyon, ‘yung kaming dalawa lang ni Joanne sa tuktok ng Pulag, ‘yung
aming-amin ang aming mundo, ‘yung mga yugtong iyon ng pamamaalam sa isa’t isa, noong mga
sandaling iyon, ang pakiramdam ko ay kinikilabutan ang mundo sa aming kapaslitan.

Bumaba na kami ni Joanne.

Habang kami’y bumababa ni Joanne ay naalala ko ang isang bagay na pumasok sa isip ko noong
kaluluwang iniiwan, may kaakuhang nagbabago, may bagong identitad na binubuo.

Si Joanne, tiyak siya sa sarili kung saan siya pupunta pagkababa namin sa Pulag. Ako, saan kaya
ako pupunta? Naalala ko ang sinabi sa akin ni Lizette nu’ng minsang kami’y mag-usap. Isang taon
na kaming hiwalay noon, pero wala pa rin siyang karelasyon o kasama sa apartment na
inuupahan. Sabi niya, hindi raw ganoon kadaling maghanap o bumuo ng relasyon,permanente
man o transient.

Ano ang naghihintay sa akin sa ibaba? Bahala na, kung ano ang ibibigay sa akin ng pagkakataon,
o kung anong pagkakataon ang puwede kong likhain para may mapuntahan ako.

Pero bago kami bumaba, corny mang sabihin, nangako ako kay Joanne, parang noong kami’y
ikasal. Sabi ko sa kanya, ‘yung iisipin kita habambuhay, iyon,tiyak ako, puwede kong ipangako
iyon sa iyo. At ‘yung mamahalin kita habambuhay, puwede ko na rin sigurong ipangako iyon sa
iyo. Kahit hindi na tayo magkasama.

Ngumiti si Joanne. Pero hindi niya sinagot ang sinabi kong iyon.

******wakas******
MABANGIS NA LUNGSOD
Maikling Kwento ni Efren R. Abueg
(Ikatlong Gantimpala, Palanca Awards 1961)

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan,
dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na
walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula
sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa
dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag
ng mga ilaw-dagitab.

Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad
lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may
layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na
isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kaniya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.

Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali
roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa
mga huling oras ng gabi’y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon,
dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni
Adong.

Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng
kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay
nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon,
kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa
at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.

Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy
na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng
simbahan, nagsawa na ang kaniyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang
naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kaniyang
sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kaniyang katawan.

“Mama... Ale, palimos na po.”

Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at
hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.

“Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!”

Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni
Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kaniya ni
Aling Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.

At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay AlingEbeng, ni
kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kaniya ng
limang piso, sa lahat. Walang bawas.

“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag
nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.

At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni
Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kaniyang bulsa, ngunit kailan man
ay hidni nakarating sa kaniyang bituka.

“Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!”


Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang
mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.

Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni


Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang
oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi
sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kaniyang palad at pagtawag sa
mga taong papalapit sa mga taong sa kaniyang kinaroroonan.

“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan.
Manapa’y para sa lahat na maaring makarinig.

Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang bituka ang nararamdamang
gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kaniyang mga laman at nagpapantindig sa
kaniyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay.
Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-
nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kaniyang kalooban. Aywan niya kung bakit
gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kaniyang gutom at pangamba. Kung ilang
araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa
kaniya na gumawa ng isang marahas na bagay.

Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga
palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay
lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kaniyang
lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At sankaabalahan niya’y hindi na
napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong
ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang
bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas.

“Adong... ayun na si Bruno” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.

Tinanaw ni Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan,
ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si
Adong sa kaniyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay
waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi
nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamamatay. Mahigpit niyang
kinulong sa kaniyang palad ang mga baryang napagpalimusan.

“Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa
matanda.

“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!”

Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa simula’y
marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo.
Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng
mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang
mumunting iskinita.

Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng
kaniyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos
na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa
malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula’t pa’y nakilala niya
at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din
niyang ipinakalansing.

“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.

Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang tumakbo.
Ibig niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal
Nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang
maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.

“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” Naisigaw na lamang ni Adong.

Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit
na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman
ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kaniya.

********wakas**********
Sa Bagong Paraiso
(Maikling Kwento ni Efren Reyes Abueg)
(Ikatlong Gantimpala, Palanca Awards 1963)

Nilisan ng batang lalaki at batang babae ang kinagisnang daigdig upang lasapin ang biyayang
handog ng itinuturing nilang Bagong Paraiso.

Sa simula’y mga bata silang walong taong gulang - isang lalaki at isang babae. At ang kanilang
daigdig ay isang malawak na loobang tinitirikan ng dalawang tabla’t yerong bahay, na ang isa’y
nasa Silangan at ang isa’y nasa Kanluran: at sa pagitan niyon ay walang bakod na nakapagitan.

Ang malawak na looban ay mapuno, mahalaman, maibon, at makulisap at may landas na


humahawi sa dawagan at tumutugpa sa dalampasigang malamig ang buhangin kung umaga,
nguni’t nakapapaso sa tanghalian.

Ang kanilang daigdig ay tahimik; ang kanilang kabuhayan ay hindi suliranin; ang kanilang mga
magulang ay hindi nag-aaway – ang mga ito’y maka-Diyos at walang araw ng Linggo o araw ng
pangilin na hindi makikita ang mga ito sa kanilang bisita sa dakong hilaga ng nayon.

Ang mga ito’y may rosaryo sa kanilang mga palad at may mga usal ng dalangin sa mga labi.

At silang dalawa - ang batang lalaki at ang batang babae - ay nagsisipag-aral, kasama pa ng
ibang bata sa maliit na gusaling may tatlong silid sa dakong timog ng nayon. Sila’y may mga
pangarap, na ang sakop ay lumalakdaw sa hangganan ng nayong iyon, ng bayang iyon, at ng
lalawigang kinaroroonan niyon.

Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa’y
naglalaro sa loob ng bakurang iyon, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga
punong santol, sa punong bayabas, sa marurupok na sanga ng sinigwelas, maaligasgas at
malulutong na sanga ng punong mangga. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang
kanilang mukha at kung minsan ay nalilinsaran sila ng buto kung nahuhulog – ngunit ang lahat na
iyon ay hindi nila iniinda, patuloy sila sa paglalaro.

Malamig sa ilalim ng punong mangga. Makapal ang damo sa sakop ng lilim niyon kung umaga at
doon silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran at kung sila’y humihingal na ay hihiga
sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang malalabay na sanga ng puno, sisilip sila sa pagitan ng
masinsing mga dahon at magkukunwaring aaninawin sa langit ang kanilang mukha.

“Loko mo … makikita mo ba ang mukha mo sa langit? “ minsan ay sabi ng batang babae.

“Bakit hindi? Ang langit ay isang malaking salamin, sabi ni Tatay ko.” sagot naman ng batang
lalaki.

Ang batang babae ay makikisilip din sa pagitan ng masinsing mga dahon, na waring ibig
patunayan ng sariling paningin ang sinabi ng kalaro. At pagkaraang tumingin sa langit nang
matagal, sila’y lalagumin ng katahimikan – ang kanilang katawan ay nakalatag na parang mga
kumot, hanggang sa sila’y makatulog at gisingin sila ng tawag mula sa kanilang bahay.

Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising: kung minsan naman ay ang batang
babae. Nguni’t sino man sa kanila ang unang magising, kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin
ang taynga ng natutulog. At ang natutulog ay mapupukaw, mababalikwas at pagkarinig na siya’y
pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila’y
maghahabulan sa damuhang iyon, magpapa- ikut-ikot haggang sa ang isa’y mahapo at sila’y
muling bumagsak sa kalamigan ng damuhan, magkatabi at hindi nila pinapansin ang pagkaka -
dantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan.

Kung sila’y nagsasawa na sa loobang iyon, sila’y nagtutungo sa dalampasigan kung malamig na
ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi. Inilalagay ng batang lalaki sa bulsa ng kayang
putot na pantalon ang nakukuha niyang kabibi, at ang nadarampot naman ng batang babae ay
Namulaklak ang mganamangga,
nito sa sinupot laylayannamunga,
ng suot nalaglag
niyangang damit.
mga bugnoy,
Kung dumating
hindi namanang mamamakyaw
kabibi ang
at sa loob ng ilang araw,
pinagkakaabalahan nila nasaid sa bunga ang
sa dalampasigan, mga sanga.sila
naghuhukay Namulaklak
ng halamis din ang mga santol
sa talpukan, o at iyon
kaya’y
ay tinanaw ng
gumagawa ngdalawang
kastilyong bata sa pagkakahiga
buhangin, o kaya’y nilananunugis
sa damuhan ng atmga
sila ang unang
kulukoy nasumungkit
kung hindi sa
mga unang hinog.
nangungubli Nangalaglag
sa kanilang ang na
malalalim mga dahonay ng
lungga sinigwelas,sanamulaklak
lumulusong talpukan atat bumabaon
dumaan ang sa
mahabang
masigay natag-araw,
buhangin. at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang
dalampasigan at madalas man sila roon ay hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay
Ngunitang
dugo hindi lamang
silahis iyon kung
ng araw ang kanilang ginagawa:
dapit- hapon. At sa Nagtutudyuhan
wakas ay namunga din sila,
ang naghahabulan
sinigwelas, mga at
kapag nahahapo
luntiang bubot na na, mahihiga
pinitas rinilan
nila ang sila atsapagkaraang
buhangin, isawsaw
tulad ng sa ginagawa
asin ay nila sa damuhan
kanilang tinikman saat
looban, at sa kanilang pagkakatabi, nagkakangitian sila. Minsan ay itinatanong
sila’y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan – sapagkat sabi ng kanilang lola’y ng batang lalaki sa
batang babae:
madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila’y naniwala at
hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan ng Mayo, silang dalawa’y
Naririnig mo ba na may tumutunog sa aking dibdib?”
naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang mga tuyong damo, na
waring bangkay
At ang batang ng ay
babae isang panahong
nagtaka. Bumangonhinahalinhanan
ito at tuminginngayon. Pagkaraan kalaro.
sa nakatihayang pa ng ilang araw,
nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas . Nagmamadali silang nanaog at ang batang
“ Pakinggan
lalaki’y umakyatko nga,”
sa punoanang batang
at ang babae.
batang babae naman ay naghanap ng sungkit.
Inilapit
At ang ng batang babaeatangpamumunga
pamumulaklak kanyang taynga sa dibdib santol
ng mangga, ng batang
at lalaki,dumadaiti
sinigwelas at ng angiba
katawan
pang
niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng
punongkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling kanyang buhok.
sinibulan ng mo
bagong
pala!”supling: ang lalaki
araw ay
ay nakangiti.
lumubog at sumikat at hindi pa rin nagbabago ang
“Ang bango ang batang
kulay ng silahis niyon kung dapit - hapon.
“Aba … hindi naman ako nagpapabango, “ anang batang babae na lumupasay sa tabi ng
Ang paaralan sa nayon ay komalapit nang namagpinid; ang guro sabi
ay naghanda na ng isang
nakahigang kalaro. “ Paglaki raw ay saka ako magpapabango, ng nanay ko.”
palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-uusapan kundi ang katalinuhan ng kanilang
mga
“Tekaanak.
nga pala, narinig mo ba ang tunog sa dibdib ko? usisa ng batang lalaki.

Nang
“Oo …dumating
ano kayaang
angpasukan,
ibig sabihinangniyon?”
batang lalaki at ang batang babae ay sakay ng kalesa patungo
sa bayan. Doon sila mag-aaral ng haiskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki’y
Nagkatinginan
hindi ang dalawa
na nakapantalong at ang
maikli lalaki ang
- putot: unang
siya’y nagbawi
nakalargo nangattingin.
pantay“Malay
na angko … tena
hati ng na nga.”
kanyang
buhok na nangingintab
Bumangon ang batangsa pahidpinagpag
lalaki, ng pomada.ang Samantala,
buhanging ang batang
dumikit babae aybisig
sa kanyang may atlaso
sasakanyang
buhok,
na nakatirintas
pantalon at ang kanyang
at nagsimula suot naSinabayan
nang lumakad. damit ay ito
lampas tuhod babae
ng batang at hindiatnakikita
habang ng batang lalaki
isinasalisod nila
ang alak-alakan nito.
ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa paglubog na araw.
Dito
“Angdumaan sa kanilang
ganda, ano” buhay
naibulalas ng ang isang
batang pagbabago,
lalaki. na hindi
“Parang may nila dugo
pintang napigilang
at langit.”
siyang nagbukas sa
kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan.
“Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?” sagot naman ng batang
Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki’y hindi na sa batang babae lamang
babae.
nakikipaglaro – siya’y nakahalubilo na rin ng maraming batang lalaking pumapasok sa nagagapok
Hindigusaling
nang sumagotiyonangngbatang lalaki.
paaralan. Nakatanaw itosiya
Nakikipagharutan sa samapulang latay ng liwanag ng araw sa
mga ito, nakikipagbuno,
kanluran.
nakikipagsuntukan – at higit sa lahat, nakikipagtuklasan ng lihim sa isa’t isa. Isang araw, sa likod
Puring-puri
ng paaralan, ang
isangdalawang
pangkat ngbata ng kanilang
batang lalaki ang mga magulangsaatisang
nakapabilog ng kanilang mgaatkanayon.
batang lalaki At
nakita niya
kinaiinggitan
ang isang bagaynaman sila ng ibang
na natuklasan mgakailangang
niyang batang hindi nagkaroon
mangyari ng pagkakataong makihalubilo sa
sa kanya.
kanila.
Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay hindi siya nag-aral. Naupo siya
“Siguro,
sa baitangpaglaki ng mga
ng kanilang batangat‘yan…
hagdan silang
nag-isip dalawa sa
hanggang ang magkakapangasawahan.
makita siya roon ng kanyang ama.

Narinig niya
Inusisa ng dalawang
sa ama angbatakanyang
ang salitang iyon at
natuklasan sa sila’y nagtataka.
paaralan Hindi nila
at itinanong niya madalumat ang
rito kung bakit
kaugnayangawin
kailangang ng kanilang
pa iyon.pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakakaabala
sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa’y parang tuko -
Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat.
magkakapit.
“Kailangan
At minsan ‘yon
nga upang ikaw ay maging
ay napalaban ganap ang
ng suntukan na lalaki!
batang “ sagot
lalaki.ngIsang
kanyang ama.lalaking malaki sa
batang
kanya anglamang
Natingala isang niya
arawitonaatpauwi na sila ay ng
ang pamimilog humarang
kanyang sa mga kanilang
mata’y dinaraanan
naghiwatig at
ng sila’y tinudyo
pagkakaroon
nang tinudyo.
ng lamat sa kanyang kawalang malay.
“Kapit-tuko!
“Hayaan mo Kapit-tuko!”
… “dugtong ng kanyang ama. “Isang araw, isasama kita kay Ba Aryo. Maging
matapang
Umiyak ang ka batang
lamangbabae.
sana …Napoot
“ ang batang lalaki. Ibinalibag nito sa paanan ng nanunudyong
batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulong-gulong sila sa
matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit,
Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niya kung bakit nahihiya siya. Ngayon
lamang iyon. Kaya’t kahit patuloy pa rin silang nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang
pasok, ang alalahanin ukol doon ay nakabawas sa sigla ng batang lalaki.

At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng
ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang ginawa, siya’y
itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog.

“Ang damuho … pagkalaki-laki’y parang hindi lalaki.”

Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay
natanim sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat sa kanyang kawalang malay.

Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam. Gayong
magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo, hindi pa rin
nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi
siyang tumabi rito kung ito’y nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan. Hanggang isang araw ay
napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating ito sa isang dapit -
hapon sa tabing-dagat.

“Bakit?” usisa niya.

“Wa – wala … wala!”

Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang sigla niya sa pakikkipaglaro rito
ang dahilan. Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol dito … hanggang sa mahawa ito
at sila’y naghabulan sa buhanginan. Sumisigaw sila sa katuwaan hanggang sa manigas ang
kanilang mga binti at kinakailangang humiga naman sila sa buhanginan. Humagikgik pa sila nang
mapatong ang kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at nadama niyang lalong malakas ang
pintig doon.

“Tingnan mo … pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko,” anyaya ng batang lalaki.

Ngunit hindi kumilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang
mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang kalaro.
Nangingilid ang luha sa mga mata nito.

“Bakit?”

Saka lamang tumigin ang batang babae sa batang lalaki. At ito’y umiyak at ang luhang tumulo sa
pisngi’y pinahid ng palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan ng buhangin.

“ Hindi na pala tayo maaaring maglaro… ng tulad ng dati,” anang batang babae sa basag na
tinig.

“Hindi na?” Parang sasabog sa kawalang-malay ang katauhan ng batang lalaki.

“Malalaki na raw tayo … malalaki nang tao. Hindi raw maglalaon, tayo’y magiging dalaga … at
binata.”

“Sinabi ‘yon ng Nanay mo?”

“Oo, sinabi niya … na hindi na tayo maaaring maghabulan, o kaya’y umakyat sa punongkahoy o
kaya’y pagabi sa tabing dagat,” sabi pa ng batang babae.

“Kangina sinabi sa’yo … ng Nanay mo?”

Tumango ang batang babae “Ngayon daw … hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na … at ikaw
raw ay binatilyo!”

At waring ang batang lalaki’y nagising, napagmasdan niya ang kanyang mga bisig, ang kanyang
katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay naunawaan niyang totoo ang sinabi nito.
Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at mapula ang
silahis niyon sa langit. Ang mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo at ang pagkakahawak
nila sa bisig ng isa’t isa ay parang isang pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa
kanilang katauhan.

Hindi na nga sila mga bata. Siya’y dalagita na. Siya naman at binatilyo na. Ang pagbabagong
iyon ang nagpapaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa

pagitan nila. Nagkita pa rin sila sa looban, ngunit hindi nga lamang tulad ng dating nagtatagal
ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang laging may nakatingin sa kanilang mga matang
nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga magulang; sa paaralran, ang kanilang guro. At ang
kanilang tawa tulo’y ay hindi na matunog; ang hiyaw ng dalagita ay hindi na matinis, malayo sa
hiyaw nito noong araw; ang kanilang pag-uusap ay hindi na malaya at pumipili na sila ng mga
salitang kanilang gagamitin.

At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre
at kapag tapos na sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula
sa kubling bahagi ng likod bahay.

Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: Hindi mo
na kailangang dito pa labhan ‘yan…

Nagtapos sila ng haiskul. Nagkamay sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma. At nang
magsayawan nang gabing iyon, magkatambal sila. Gayong hindi naman sila nahapo, ang tibok sa
kanyang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw
sila, nag-usap ang kanilang mga mata ngunit ang kanilang mga labi’y tikom at kung gumagalaw
man upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon.

At hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpalaki sa lamat a
kanilang kawalang - malay.

Maliwanag ang naririnig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag
muna kayong magkita ni Ariel. Naunawan niya ang ibig sabihin niyon, nguni’t ang pagtutol ay
hindi niya maluom sa kanyang kalooban.

“Pero, Inay … Kaibigan ko si Ariel.” May himagsik sa kanyang tinig.

“Kahit na … kayo’y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin. “ May langkap
na tigas ang sagot na iyon.

Alam niya ang kahulugan niyon: Masama? Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay sa
kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama.

“Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!”

At ang pait na may iniuukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang
katauhan ay nayanig at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawngaw ng : Lalaki! Lalaki! Hindi
siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa
kanyang silid.

“Ayaw nila … ng Inay, ng Itay … masama raw,” at ang mga labi niya’y nangatal, kasabay ng
luhang umahon a kanyang mga mata.

Iyon lamang at minsang dalawin siya ng binata sa dormitoryo, natuklasan nila sa isa’t isa na
mataas na ang dingding sa kanilang pagitan. Matatag iyon, makapal, at waring hindi nila
maibubuwal.

“Huwag na muna tayong magkita, Ariel,” sabi niya sa binata. Napatitig sa kanya si Ariel at nakita
niya ang pamamantal ng noo nito – at pagtataka sa damdaming unti-unting nasasaktan.

“Ba-bakit … dati naman tayong …”


At si Ariel ang kanyang kababata ay lumisang larawan ng isang bilanggong hindi nakaigpaw sa
isang mataas na pader.

Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna agad iyon
ng kanyang ama.

“Bakit?”

“Ayaw nang makipagkita sa akin si Cleofe,”

Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng kaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin.

“Walang kuwenta ‘yon. Makita mo, kapag tapos na si Cleofe ay magkakalapit kayong muli. Hindi
mo ba alam … na gustung-gusto ng kanyang mga magulang na maging doktora siya?

Pagsigaw ang alingawngaw ng kanyang tinig sa kanyang isip.

“At habang nagdodoktora siya ay masamang kami’y magkita?”

“Tama ka! “ maagap na pakli ng kanyang ama. “Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae
ay malapit ka rin sa tukso! “

“Tukso! Tukso! Parang matalim na kutsilyong isinaksak sa kanyang utak ang katagang iyon.
Mahapdi, Makirot. Parang binibiyak ang kanyang ulo.

Napapikit siya. Nagunita niya ang luntiang damuhan sa looban ang malamig na buhanginan kung
hapon, ang mapulang silahis ng araw na parang dugo.

At ang dalawa’y hindi nagkita, gayong nasa isang lungsod na maliit at maglakad ka lamang sa
mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng makakasalubong na kakilala. Mangyari’y iniiwasan nila
ang magkita, mangyari’y sinisikil nila ang paglago ng halaman sa kanilang katauhan na pinag-
uugat at pinapag-usbong ng mga araw sa luntiang damuhan sa looban at malamig na buhangin
sa dalampasigan kung dapit - hapon. Hindi sila nagkita, sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang
pagkikita nila ay masama, tukso. At sa kanilang bagong daigdig ng aklat, ng mataas na gusali ng
malayong kabataan sa kapaligiran, ang isiping iyon ay parang tabak na nakabitin sa kanilang ulo
o kaya’y tulad din ng isang mansanas na bibitin - bitin sa nakayungyong na sanga ng
punongkahoy.

Hindi sila nagkita sa loob ng mahaba ring panahon, mga buwan at sana’y mga taon kung nakatiis
sila - kung tuluyang nasikil nila ang halamang patuloy sa pagbabago sa kanilang katauhan.

Hindi nga sila nakatiis - isang araw na hindi sinasadya’y nagkasalubong sila sa pamimili ng
kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglakad at nabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay
hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ay naglakas loob at binati niya ang dalaga.

Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya
nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na restaurant ay napasunod lamang siya, napatangay
sa agos ng kanyang damdamin. At sa harap ng kanilang

hininging pagkain, sila’y nagkatitigan at sila’y nakalimot at akala nila’y nasa luntiang damuhan sila
sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa’t isa.

At sila’y nagkita sa Luneta, hindi lamang minsan kundi sa maraming pagkikita, marami-marami, at
ang kanilang sikil na damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan
sila’y lumigaya.

Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa kanilang isip ay sumibol
na at nagpapaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay masama. Nguni’t sila’y naghihimagsik.

Malinaw ang sinabi sa sulat: sa pook pa namang iyon, sa lahat ng pook na dapat mong
pakaiwasan - doon kayo nakita. Hindi na sana malubha kung nagkita lamang kayo ngunit nakita
kayong magkahawak - kamay … sa karamihan ng tao sa paligid. Hindi kayo nahiya.
Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga sumusunod pang
talata: luluwas ang ama mo kapag hindi mo itinigil ang kabaliwang iyan.

… ipinaaabot dito ng mga magulang ni Cleofe ang ginawa ninyo. Hiyang-hiya kami ng iyong ama.
Ibig naming makatapos ka … at ibig naming ipaalalang muli sa iyo na ang babae ay tukso …
tukso!

Kaya ibig niyang umalis sa silid na iyon upang hindi marinig ang alingawngaw ng katagang iyon:
tukso – tukso – tukso !

Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo maaaring magkita. Sinabi ng binata: magkikita tayo,
magtatago tayo … ililihim natin sa kanila ang lahat.

At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy
ng kanilang paghihimagsik, ng takot na matutop, at ng pangangailangan.

Sa mga pook na iyon pilit nilang iginupo ang dingding na ipinagitan sa kanila. At sa palagay nila
sila ay nagtagumpay. Naalis ang hadlang. Ngunit sa kanilang utak, nagsusumiksik at nanunumbat
ang alingawngaw ng pagbabawal: lumalarawan ang nananalim na tingin! Masama … tukso!

At ngayon, ang kanilang paraiso ay hindi na ang malawak na looban, o kaya’y ang
dalampasigang malamig kung dapit - hapong ang silahis ng araw ay mapulang parang dugo. Ang
daigdig nila ngayon ay makitid, sulok-sulok, malamig din ngunit hinahamig ng init ng kanilang
lumayang mga katawan.

Maligaya sila sa kanilang daigdig, Maligaya sila sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw
ay kumulog, dumagundong ang kalawakan at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-
maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin.

Ang dalaga ay dumungaw sa bintana – masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong
nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay
umakyat sa kanyang lalamunan.

Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng
kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan.
Tumungo siya at nakita niyang nalinis ng tubig ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo,
parang isinikad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya’y napanganga at siya’y
napapikit at siya’y napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay
napaduwal siya … at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat
doon at pagkaraa’y nilinis ng patak ng ulan, inanod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng
daan.

At ang dalaga’y napabulalas ng iyak.

*******wakas********
Ang Kwento ni Mabuti
Maikling Kwento ni Genoveva Edroza-Matute
(Unang Gantimpala, Palanca Awards 1951)

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan,
sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa
ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung
manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng
mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang
natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan n buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang
isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang
maganda sa kanyan anyo… at sa kanyang buhay…

Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang ng
pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga
panunugutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.

Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula
ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala
kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip,
iyon ay naging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay.

“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot
tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”

Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya akong
minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.

Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa


pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong
sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako
natagpuan.

“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may
suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay
ibinilang kong kahihiyan ay kaabaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang
magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos.
Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.

“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang
paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa pagtatapat sa
suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa
paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa
gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang
pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw


na nang bigla akong makaalala.

“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na …
iniiyakan ko?”

Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na … iniiyakan
natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa
ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo
ang … buhay.”

Si Mabuti’y nagging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya
mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain niyang mga
ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang
mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang
sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumaaginting sa silid naming ang kanyang tinig sa
pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan n pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-
aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming dalawa…

At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid,
maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan,
pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang
aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-inti ang kagandahan
ng buhay. Bawat aralin naming sa anitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa
kagandahan at ako’y humanga.

Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin
ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan
kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga
pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon
ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay
walang kabuluhan.

Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral
naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang
anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ngh
batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y hindi balo.

Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang
iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang
nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang
aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na
pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa
kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang
paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan
sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang
bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga
bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na
taon niya’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang
kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang
bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”

Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.

“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha
habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.

Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan.

Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon na
lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya,
kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya
ng gingawa
niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil,
makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man lamang.
Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang
anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang
dugo sa kanyang mukha.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng buong
tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng
sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring
makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa
aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng
umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa.
At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas n mga lihim na kalungkutan ay
nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang
mukha, muli niyang ipinamalas sa ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa
Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng
buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa
pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang
manggagamot din baling araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa
isan bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa
hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat. …….

*********wakas**********
Sandaang Damit
Maikling Kwento ni Fanny Garcia
(Ikatlong Gantimpala, Palanca Awards 1972)

May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kaniyang pagiging
walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit.
Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas
pa kung magsalita. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kaniyang
kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman sila. Magaganda
at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang
kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at punung-puno ng
sulsi. Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae. Kapag oras na ng kainan
at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang kaniyang baon. Itatago niya
sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang
hindi malaman ng mga kaklase ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay
masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase:
mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara. Ang
panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit. Tatangkain nilang silipin
kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay
isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila. Naging
walang kibo. Mapag-isa. Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa kaniyang ina. Sa bahay ay
di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siya’y
magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at sabay
haplos nito sa kaniyang buhok at paalong sasabihin sa kaniya, hayaan mo sila anak, huwag mo
silang pansinin, hamo, kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na
rin ng masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit. At lumipas pa ang
maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng maraming pera kaya ganoon pa
rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan.
Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang
sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi
na siya nagsusumbong sa kaniyang ina. Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kaniyang
mga kaklase na siya’y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska.
Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kaniyang isip. Hanggang isang
araw ay natuto siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang
mahirap na batang babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging
kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walang magawa ang
kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.

“Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.”
Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala.

“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?” Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil
iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong maluma agad.”

“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi nila sa batang
mahirap.

“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin ko na lang
kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.”

At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa kaniya’y may damit siya
para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at
iba pa. Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-
liitang detalye ang bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na
pandalo niya
sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na mumunting
bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang malaking
laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya’y ang kaniyang dilaw
na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting pansimba
na may malapad na sinturon at malalaking bulsa.

Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging tagapagsalita at sila
naman ang kaniyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kaniyang kuwento tungkol sa
sandaang damit. Nawala ang kaniyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy
pa rin ang kaniyang pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong
mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi. Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang
mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod
pa. At pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga kaklase
at guro.

Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang natagpuan
nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon
ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na
salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras
at doon nakaratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang
maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay at
nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita
nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kaniyang
sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kaniyang naikuwento. Totoo’t
naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang drowing ng
kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na
kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kaniya’y nakatago’t iniingatan niya sa
bahay. Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.

*****wakas*****
Sandosenang
Sapatos
Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang
pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos
ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo
ng kanyang mga sapatos.

“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”

“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”

“Parang may madyik ang iyong kamay!”

Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang
magsalita.

Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan ako ng mga
kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag
pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase.
Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.

“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa ‘kin
napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase.

Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na
magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na
masundan ako.

“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming
igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”

Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.

“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!”

“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet. Gusto kong magkaanak ngballet dancer!
Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang- ballet.”

Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang bago
kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!

Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay
binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw
raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng
sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi
si Susie sa manika.

“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”

“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measleshabang


ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At.iyon ang naging epekto,” malungkot na kuwento
ni Nanay.

Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu’n ang
naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin
ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero.

“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria class?
Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng titser ko sa Nanay ko.

Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na
masyadong mailap.

Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay
“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.

Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang
nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito. “Ano’ng problema mo, ha?”

Mabuti’t napigilan siya ni Nanay.

Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama, narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.

“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki
kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili.” Masuyo niya itong hinalikan.

Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan
niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna.

“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni Tatay.” bulong
ko sa kanya.

Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang kawalan niya ng
paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga niya
akong tinatalo sa sungka, jackstone, scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag
may nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!

Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming kamay
kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala,
si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!

Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos.
Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.

“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili.

“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may
dekorasyong sunflower sa harap!”

Magbebertdey siya noon. At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan,
nananaginip siya ng mga sapatos.

“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malakingbuckle sa
tagiliran.”

Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri
niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa
maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang
sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.

Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye
ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins, beads, o buckle . Inaangkin
niya ang mga sapatos na ‘yon.

“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko.
Ikaw ang magdodrowing, ha?”

Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na


lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan,
niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay
na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na
ballet dancer .

“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.

Pagkatapos noon, naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si
Tatay.

Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang
sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan ko
ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon.
Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan!
” Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?” tanong ko sa sarili.

Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos
ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na pang-baby.
May sapatos na pambinyag. May pang- first communion. May pangpasyal. May pamasok sa
eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-dalagita.

Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:

Para sa pinakamamahal kong si Susie,

Alay sa kanyang unang kaarawan

Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata’t iginagawa
ni Tatay si Susie ng mga sapatos?

Para kay Susie, lugod ng aking buhay

Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan

Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si


Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.

Handog sa mahal kong bunso

Sa kanyang ika-12 kaarawan

Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala kalalim magmahal si
Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.

“H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie.” Namuo ang luha sa mga
mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.”

“A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.” Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang
isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.

“Ha?”

Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.

Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking
buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may
kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at
mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal
sa harap.

Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya
ang mga sapatos?

Hindi ko tiyak.

Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa
kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang
pinakamagagarang sapatos para kay Susie.

******wakas*******
Ang Baliw ng Bayan
ng Sili
UNA KO SIYANG NAPANSIN, NA NAKATALUNGKO, parang tulala, sa gilid ng hagdanang
paakyat sa ikalawang palapag ng merkado publiko ng Sili, Magayon. Mahaba ang madalang,
naninikit niyang buhok na nakahapay sa libagin, nanlilimahid niyang butuhang liig at mataas na
balikat. Nangingitim na ang dati’y puti’t maluwang niyang tisert na may markang pulang “God Bless
America” at pula ring larawan ng isang mansanas sa harapan, gayundin ang kanyang kupas na
maong na punit sa may tuhod, at sa may harapa’t puwitan na pinaninilipan ng ilang hibla ng
kanyang bulbol at inuuslian ng ilang bahagi ng marusing, tuyot niyang bayag. Siya’y nakayapak.
Patay ang karamihan sa mga kuko niya sa paa. Tantiya ko, mahigit lang siyang kuwarenta anyos
subalit pinatanda ng mahaba, mangilan-ilan niyang balbas at ng malalalim na mga gatla sa
kanyang noo, ng humpak niyang pisngi at ng malungkot, tila walang buhay niyang mga mata. Wala
siyang kagalaw-galaw sa pagkakatalungko, walang pakialam sa mga langaw na umaaligid at
dumadapo sa kanya. Buong-buo ang tuon ng titig niya sa kinaharapan, na marahil ay nakapukos
doon sa mga taong kumakain sa kabila ng salaming dinding ng bagum-bago, kabubukas pa lamang
na sanga ng isang sikat na multinasyonal na fastfood center, sa kabilang ibayo ng kalsada. Marahil,
sa kanyang isipan, ay tinatanong kung masarap nga ba kayang talaga ang hamburger o spaghetti o
pizza o pritong manok o french fries at dagsa’t nagsisiksikan ang mga pumapasok upang kumain,
at ang mga lumalabas na nangasandat na’y may mga bitbit pang nakaplastik na pagkain.

Hindi ko masyadong binigyang-pansin noong una ang obserbasyon kong iyon kay Indong Kagit.
Marahil, sapagkat nasanay na rin ako sa mga marusing na pulubing namamalimos at mga taong-
grasa sa Maynila o sa mga malalaking bayan sa amin sa Norte (ako’y dala’t kupkop lamang dito sa
Magayon ng isa kong tiyuhing nakapangasawa rito upang dito ko na ipagpatuloy ang pag-aaral (na
natigil nang maulila ako sa ama), sa isang state college). Kinalabit lamang ako ng tila walang
anumang katanungan, o kuryusidad marahil, na kung bakit sa lupalop na ito, sa isang maliit na isla-
probinsiyang ito’y may mga katulad din pala ni Indong Kagit. Subalit tinugon ko rin ang walang
anumang katanungang iyan ng marahil ay wala ring anumang kasagutan: siguro’y masikip na nga
talaga ang mundo.

Sa pagpasok ko ng eskwelahan o paglabas ko ng bahay, malimit kong makita si Indong Kagit sa


mga lansanga’t kalyehon ng Sili. Naglalakad siyang tila nawawala. Parang may hinahanap sa
nakangangang mga pintuan, sa nakairap o nakapikit o nandidilat na mga bintana ng mga gusali’t
tahanan. Parang may kinikilala sa bawat masalubong na sa kanya nama’y nandidiri, umiiwas.

At kapag nadadako ako sa boulevard sa tabing-dagat sa mga dapithapon upang lumanghap ng


sariwang hangin-alat, madalas ko ring makita ko si Indong Kagit na kung hindi nakaupo sa malapad
na seawall ay nakatayo sa bunton ng mga malalaking batong nagsisilbing breakwater at doo’y
dumidipa-dipa, na parang umaakap-akap, sa kalawakan ng Pasipiko sa silangan. Napansin ko
minsan, nang nakatayo ako nang malapit sa kinasalampakan niyang buhanginan, na nagpapahid
siya ng luha, at matapos niyo’y ngingiti’t tatango nang tatango at saka salita nang salita ng mga
katagang di ko mawawaan. Kung minsan, sa pagdaong ng lantsang galing sa Tabaco, Albay sa
hapon, nakipagsisiksikan si Indong Kagit sa mga

taong sumasalubong sa mga pasahero. Kadalasa’y pinagmumura’t ipinagtatabuyan at binabatukan


at sinisipa pa siya ng mga nabubunggo niyang nandidiri sa kanya. Subalit matiyagang naghihintay
din si Indong Kagit, nag-aabang ng kung ano o sinong di naman dumadating-dating. Hanggang sa
maubos ang mga tao at siya na lamang ang matitira sa daungan. Kung saan siya uuwi, kung saan
siya kakanlong sa dilim at hamog ng gabi ay hindi ko na alam. Subalit kadalasan, sa mga maagang
paglabas ko, makikita ko siyang layak sa mga pasilyo ng merkado publiko o sa mga bangketa.
Siya’y nakapamaluktot na parang sanggol sa matris, nilalangaw ang nanggigitatang katawan at tila
siya isang bangkay, napabayaang bangkay.
Hindi ko alam at parang naging isang bugtong sa akin si Indong Kagit na gusto kong ihanapan ng
wastong kasagutan. Bakit ang taong ito? Bakit siya ganito? Bakit siya ganyan? Hindi ko malaman
kung bakit pinagkababalisahan ng isang banda ng aking isip ang isang bagabundo at sinasabi
nilang baliw. Kung bakit ba kasi parati ko na lang siyang nakikita. Maliit nga bang bayan itong Sili
o sadyang masikip lang ang mundo? Kung bakit ba napapansin ko ang kanyang presensya, ang
kanyang kairalang nakikita at nararaanan samantalang simple naman sanang di ko na lang siya
pansinin, na daanan ko na lang siya basta katulad ng di pakikialam ng mga taong dadaan-daan
lang sa kanya, na nakapapansin lamang sa kanya dahil nasasamyo nila ang panghi’t baho niya o
kaya’y naiirita sa marumi’t butuhan niyang palad na palagian nang nakasahod, o kaya’y
nababanas sa panambit-taghoy-sumamo niyang tila hirap na hirap.

Nang lumaon, unti-unti ring napalis ang kuryusidad ko nang karaniwan nang nasasalubong ko o
nadadaanan si Indong Kagit sa mga kalsada ng Sili. Inabala ko ang isip at oras sa pag-aaral at
extra-curricular activities. Sinasabi ko sa sariling wala na akong panahong mabalisa sa isang taong
palaboy at baliw na nakikita ko namang malaya, kontento at masaya sa sarili niyang daigdig.
Sisikapin ko ring maging malaya, kontento at masaya sa sarili kong daigdig.

NANAULI ANG AKING INTERES kay Indong Kagit nang maganap ang halos isang buwang
pagrarali namin laban sa korap at abusadong presidente ng aming kolehyo. Noong una, mangilan-
ilan lang na lider-estudyante, na kinabilangan ko, ang nagpasimula ng demonstrasyon. Nang
lumaon, nahikayat namin ang karamihan sa populasyon ng mga mag-aaral, guro, at empleyado
ng kolehyo. Naging irregular ang mga klase. Hanggang sa pati ang mga opisyal ng lokal na
pamahalaan, mga kasapi sa Simbahan, negosyante, at mga mamamayan ay sumuporta at
nakisama sa mass actions upang maibagsak ang state college president at ilan niyang alipures na
mga guro’t empleyadong kasama o kaalyado sa pang-aabuso at panggigipit. Talaga naman kasing
abusado ang presidente sa puwesto at saka mayabang marahil kasi’y appointed siya mismo ng
Malakanyang at isa siyang dating mataas na opisyal ng CHED sa Manila. Bagong talaga, mahigit
dalawang taon pa lang siyang nanunungkulan, ay dukomentado ang marami niyang
pagsasamantala at opresyon sa estudyante’t empleyado—bukod sa mga umiiral nang alituntunin
sa kolehyo ay nagtalaga rin siya ng kanyang mga sariling batas na nagsilbi sa kapakanan niya at
ng mga tapat niyang tagasunod subalit naging mapang-ipit naman sa mga ibig magmatuwid at
ayaw sa kanyang pamamaraan ng pamumuno. Gusto niyang hawakan at pigilin ang karapatan ng
academic community—na ituring itong parang isang istriktong pribadong kolehyo ng mga pari o
madre na kung saan maraming bawal: bawal magtayo ng unyon ng empleyado, bawal magtatag
ng mga organisasyong alyado sa mga progresibong grupo, bawal magpahayag ng damdamin,
bawal magreklamo, bawal magtanong, bawal sumagot, bawal, bawal, maraming bawal na hindi
pangkaraniwan sa isang pampublikong kolehyo. At sa

kabila ng mga bawal at pagbabawal na ito ay hindi naman niya binabawalan ang sarili: isang bata
pa’t magandang empleyadong may-asawa na natalagang sekretarya sa kanyang opisina, isang
bagong graduate na guro, at ilang estudyante ang nagreklamo ng sexual assault/harassment
laban sa kanya, sa kabila pa ng mga reklamo sa graft at corruption, slander at physical abuse na
kinasangkutan ng ilang kasapi ng security force na ginawa niyang parang sariling bodyguards.
Ang pakiwari marahil ng presidente ay sarili niyang kaharian ang kolehyo na malaya niyang
pagharian kasi nasa isang liblib na isla ito na nakabukod at malayo. Isa pang pangunahing
nilalabanan naming mga estudyante, maliban sa basic na problema sa mataas ng matrikula at
kakulangan ng pasilidad at libro, ay ang pakikialam at panghihimasok niya sa student council,
kung saan kinatawan ako ng Arts and Letters, at sa college publication, na pinamamatnugutan ko.
Gusto niya kaming talian sa nguso.

Sa ikalimang araw ng rali, nang malaki na ang bilang ng mga nagrarali’t nagwelwelga, umentra si
Indong Kagit, sumama sa mga pulutong, nakipagsisigawan at nakipagkakantahan ng mga jingles
at nakikiisa sa noise barrage at community singing.

Sapul no’n buntot-buntot na si Indong Kagit sa aming grupo. Hindi naman namin masawata,
siya’y nagkusang payaso’t utusan namin. Tagadala ng gagawin naming mga effigy. Tagapasan ng
kabaong ng “patay na demokrasya” sa kampus. Tagabitbit ng mga plakard at istrimer.
Sa kainan, ako ang nagbibigay ng pagkain ni Indong Kagit. Sagana kami sa mga donasyong
pagkain, lalo na ang pangmadalian kagaya ng delata, biscuit, tinapay at instant noodles. Nalaman
kong kadalasa’y minsanan lang daw kumain sa isang araw si Indong Kagit. Malimit pa nga raw
siyang di kumakain, lagi raw siyang gutom. Nagdedepende lamang daw siya sa limos at mga tira
sa mga turo-turo’t restawran. Naawa ako at binigyan ko pa siya ng isang tisert na may markang
nakataas na kamao upang palitan ang gulanit na niyang suot. Ibinigay ko pa ang isang luma ko
nang pantalong maong at isang lumang kambas na sapatos, na labis niyang ikinatuwa’t
ipinagpasalamat.

Hindi na humiwalay sa amin si Indong Kagit sa kahabaan ng rali. Nakipaglamay, nakitulog siya sa
pansamantalang kwartel namin sa labas, sa harapa’t tapat ng kolehiyo. Parang nandidiri ang ilang
kasamahan ko at iniiwasan nila si Indong Kagit at ako lamang ang malapit, lumalapit, sa kanya.

Hanggang sa nakakausap ko na nang maayos si Indong Kagit.

“Nakikirali ako senyo,” aniya isang gabi sa kinaroroonan naming magkatabi sa pinaligiran naming
bonfire sa likuran ng aming kwartel, “sapagkat nais ko ring makatulong sa paglilinis sa inyong
paaralang pinamahayan nung mga maligno’t laman-lupa. Kahit ganito ako, may magagawa rin
siguro ako, di baga? Gustong-gusto ko kasi kung may ganyang rali, nakatutuwa kasi masaya saka
maaksiyon at saka may kainan lagi na parang piknik, di baga? Alam mo, do’n sa Naga’t Legaspi,
maraming rali at piket at welga sa mga paaralan saka mga pagawaan ang nakita ko’t aking
sinamahan kagaya ngayon dito. Alam mo, kasi, eh, yung paaralan, kagaya nitong inyong
kolehiyo, ay para kasing yung isang maliit na gobyerno, eh. Kung kaya nating repormahin ito,
kaya rin natin kung gayon yung malaking gobyerno, di baga? Wala lang yata kasi tayong tiwala sa
ating sarili. Yung mga maliliit lang yung kaya natin, eh. Yung unti-unti saka kanya-kanyang
pakikibaka, di baga?. Kung magkaisa na lang sana tayo upang lumaki tayo at nang sa gayo’y
malabanan natin yung mga malalaki. Di baga? Tama, di baga?

Di ko siya nasagot. Natitigan ko lang si Indong Kagit. Ang tila walang buhay niyang mga mata na
ngayo’y parang sumasayaw sa liwanag ng tumatawang apoy ng bonfire—parang sila na ngayon
ang bumibigkas sa mga sinasabi niya. Sira nga ba siya? Baliw nga ba siya—na siyang
pinagkaisahan ng paligid, ng lipunan—na paniwalaan? Hindi ko alam, hindi ko alam. Subalit
nahimok na naman ang aking kuryusidad. Inalam ko kung sino siya, kung bakit palaboy-laboy
siya sa Sili, kung bakit ba tinatawag siyang baliw.

Fredeswindo Manlangit daw ang tunay niyang pangalan. Indo ang palayaw niya. Subalit Indong
Kagit na raw ang nakagawiang tawag sa kanya ng mga tao. Baliw ang ibig sabihin ng kagit.
Indong Baliw. Manapa, ayos na raw sa kanya iyon. Ang mahalaga ay mayroon din siyang
pangalan na pagkakakilanlan sa kairalan niya bilang isang nilalang, bilang isang tao—na siya’y
kilala rin daw sa mundong ito ng mga matuwid at matalino.

Parang gasgas nang piksion na madalas maisulat o mabasa ang kuwento ng buhay ni Indong
Kagit. Isa raw siya noong nakikisaka sa isang malawak na asyenda sa Sorsogon. Dati raw lupa ng
kanilang mga ninuno ang mga sinasaka nila ngunit inari ng matatalino at mayayamang mga
asendero na kasapakat ng makapangyarihang mga nanunungkula’t tauhan ng gobyerno. Mayroon
din daw siya noong asawa na nagngangalang Cristina. Napakaganda raw ni Cristina, malimit daw
itong maging reyna noon sa mga pistang bayan. Bagay naman daw siya kay Cristina kasi guwapo
raw naman siya noong araw. Marami nga raw siyang naging karibal kay Cristina na mga guwapo’t
mayaman. Pero siya pa rin daw ang pinili ni Cristina dahil mabait daw siya at masipag at saka
malaki’t matigas ang paninindigan sa buhay (nangiti ako sa parteng ito, inuuto yata ako ni Indong

Kagit; ewan ko, pero seryoso naman siya ng lahad). Mahal na mahal daw niya niya si Cristina.
Nagkaroon daw sila ng isang anak na lalaki na pinangalanan nila ng Marcial. Ambisyon daw ng
kabiyak niya ang yumaman. Subalit hindi niya naibigay ang mga kapritso nito dahil isa nga
lamang siyang busabos na dukhang nakikisaka lamang at sapul pa’y batid naman iyon, tinanggap
naman siya noon bilang ganoon, ni Cristina, na isa ring anak ng magbubukid. Ewan daw niya
kung bakit bigla na lang gusto ng asawa niya na sana mayaman din sila. Isang araw daw ay sukat
sinabi na
lang ni Cristina na hiwalay na sila at siya’y iniwanan at nakisama ito sa balo at matandang
asenderong panginoong-may-lupa sa malapalasyong bahay nito sa poblasyon. Saka lang niya
nalaman na matagal na pala siyang iniipotan sa ulo ng mahal niyang kabiyak. Kaya pala malugod
ang matandang asendero sa kanyang asawa. Kaya raw pala malimit ay hindi niya nararatnan sa
kanilang kubo ang kanyang asawa sa mga takipsilim nang pag-uwi niya galing bukid at ginagabi
ng dating si Cristina galing sa bayan. Kaya raw pala di miminsa’y may pera ang kanyang asawa at
nakabibili ito ng mga damit at abubot sa katawan. Hindi naman daw niya inuungkat noon ang
asawa kung saan niya kinukuha ang mga iyon. Minsan daw kasi’y nakakaekstra bilang
manikurista’t mangungulot sa isang beauty parlor sa bayan si Cristina. At wala raw siyang kahina-
hinala rito. May mga naririnig daw siya noon pero hindi niya iniintindi dahil mahal na mahal nga
niya ang asawa’t di niya maatim na pagdudahan man lang ito. Masakit na masakit man daw ang
kalooban niya noon ay wala siyang nagawa. Hindi naman daw niya magawang sugurin ang
asawa’t matandang asendero: bukod sa baon siya sa utang sa asendero’y maraming butangero’t
armadong kabig ang panginoong- may-lupa na malimit manakit sa karapata’t katawan ng mga
magsasaka. Makaraan daw niyon, isang araw naman ay bigla na lang daw nawala ang kanyang
anak na noo’y magbibinata na. Nabalitaan na lamang niyang sumama ito sa mga rebeldeng
komunista. Sinasabi raw sa kanya noon ni Marcial na pangarap nitong pagbayarin ng dugo ang
asendero’t angkan nito’t ibalik ang inangking lupain nilang mga magsasaka. Lalo nga raw nagalit
si Marcial noong iniwanan sila ng ina nito’t naging kerida ng asendero. Labing-limang taong
gulang lamang daw noon ang kanyang anak. Matalino raw ito kahit hanggang second year sa
hayskul lang ang narating. Napakarami raw nitong nabasang libro dahil matiyaga itong
nagpupunta’t nanghihiram ng babasahin sa mga pampublikong aklatan. Magaling pa raw
magsulat at magdebate si Marcial. Kasapi raw ito sa mga organisasyon ng mga kabataan,
magsasaka’t manggagawa. Hanggang sa mabalitaan na lang niyang nasawi ang kanyang anak sa
isang engkwentro ng mga ito sa mga militar. Ang masakit daw sa kanya ay hindi man lamang
niya nakita pa ang kanyang anak kahit na bangkay nito. May nakapagbalita sa kanya na sinunog
daw ng mga sundalo ang bangkay ni Marcial matapos pagbibistayin ng armalayt at masinggan
ang mura nitong katawan.

Huminto siya sa pagkukuwento. Kumislap sa pulang liyab ng apoy ang nahulog na luhang bumasa
sa humpak at ngalirang niyang mukha. May kung anong tila sumungkit sa aking kalooban. Para
akong nakokonsensiyang di ko alam ang dahilan. Sa siga, sa sumasayaw na apoy, para kong
nakikita si Marcial na may akap-akap na AK47, gapos ng bandoler ng bala ang katawan, maiilap
ang mga mata’t tiim na tiim ang batang mukha, tumatakbo, sumusuot sa kadawagan, sa
talahiban, habol ng mga tingga; na siya’y tila nakikipagdebate, sumisigaw ng buong giting,
parang walang kamatayan, habang nagwawala, nagliliyab, kumukulog ang tangan niyang
sandata, parang walang kamatayan... Hindi ko lubos maisip kung ano ang anyo niyang bangkay—
ginahasa ng tingga’t pinagparausan ng pulbura, nauling na bangkay.

“Tama na, Tata,” sabi ko kay Indong Kagit na ngayo’y sige ang singhot at pahid ng luha’t sipon.
“Kalimutan mo na, Tata.”

Subalit nagpatuloy siya ng pagkukuwento: Yun’ naman daw asawa niyang si Cristina ay kawawa
rin dahil nang ito’y pagsawaan na ng asendero’y ginawa na lang na parang alilang-kanin at
kumuha ang matanda ng bagong batam-bata’t mas magandang kulasisi. Gusto sana niyang
magkabalikan sila at magsama uli ni Cristina pero ayaw naman daw ni Cristina, marahil daw ay
nahihiya na ito. Sige raw ang pasabi niya rito na umuwi na pero isang araw na lang daw ay
nabalitaan niyang namatay daw si Cristina, nagpatiwakal daw ito—uminom ng isamboteng
pestisidyo. Saka lang daw nauwi si Cristina. Pero isa nang bangkay. Hanggang sa pinalayas daw
siya ng panginoong-may- lupa sapagkat wala na raw siyang naipapasok sa kamalig ng asendero.
Sa mga kasawiang sinapit niya, wala na raw kasi siyang siglang magsaka kung kaya’t napabayaan
na niya ang ilang kapitak na sakahin. Wala na raw kasing silbi pa ang pagsisikap niya dahil wala
na siyang paglalaanan, patay na ang mga mahal niya sa buhay. Naging palaboy siya. Umalis siya
sa Sorsogon at nakarating sa lunsod ng Naga at siya’y namalimos sa mga kapilya’t simbahan
doon. Noong napadpad naman siya sa lunsod ng Iriga, nagkasakit daw siya ng mabigat at akala
niya’y mamamatay na siya noon. Buti na lamang daw at may naawa sa kanya na paring Italyano
at siya’y ipinagamot. Naging sakitin na
siya mula noon kasi palagi siyang gutom at walang mainam na makanlungan. Tibi raw yata ang
sakit niya kasi ubo na lang siya nang ubo. Noong mapunta naman siya sa lunsod ng Legaspi,
nakontento na siya sa pamamalimos. Gusto rin sana niyang magtrabaho nang matino tino kahit
na alilang kanin lamang o tagapag-alaga na kaya ng baboy o maski tagalinis na lang ng kubeta.
Subalit wala raw tumatanggap at nagtitiwala sa kanya. Hanggang sa nakarating daw siya ng
Tabaco. At isang gabing inabutan siya ng malakas na ulan sa may pantalan, patakas daw siyang
kumanlong sa isang kubling sulok, sa piling ng mga kargang sako ng asukal at harina, ng
kubyerta ng isang nakataling lantsa upang matulog doon. Napasarap daw ang idlip niya dahil
hapong-hapo siya noon at di niya namalayang napasama siya sa paglalakbay ng lantsa patungong
Sili nang maaga itong lumuwas kinabukasan. Hindi na siya nakabalik pa sa mainland. Tanda
niya’y mahigit pitong taon na siyang palaboy-laboy dito sa Sili.

“Gustong-gusto ko na rito kasi payapa saka tahimik, eh,” aniya. “Di kagaya yung sa mga siyudad
na lagi na lang nagmamadali yung mga tao saka parating nag-uunahan yung mga sasakyan do’n,
di baga?”

“Tinatawag kayong baliw, bakit, Tata?” ungkat ko. “Ayokong maniwala...”

“Paniwalaan mo na rin, Eman,” ngiti ni Indong Kagit. Hungkag na ngiti sapagkat walang ningning
ang mga matang ngumiti. “Mas gusto ko nga yung baliw ako, eh,” tuloy niya, “dahil kasi sa
pamamagitan lang nung aking kabaliwan na nadadama ko na ako’y umiiral baga saka ako’y buhay
at saka kaiba yung aking daigdig na yung aking-akin lang. Yung baliw ako kasi marumi ako saka
mabaho ako, eh. Yung baliw ako kasi di nila maintindihan yung aking mga sinasabi, eh. Kaya nga
magpapatuloy na lang ako na maging yung baliw para may magbigay sa akin ng lagi ng limos.
Yung kakanta ako saka sasayaw ako para masiyahan yung mga hindi baliw. Yung maging baliw
ako para makita nila ako na yung marumi saka yung mabahong baliw para masiyahan sila para
maalam nila saka matiyak nila na mapalad sila kasi malinis sila saka yung mabango sila at saka
yung matino sila. Yung hindi nung kagaya ko, di baga, Eman?” Tumawa siya. Pero tuyong tawa,
hungkag na tawa.

Napawi ang interes kong tuklasin pa ang “misteryo” ni Indong Kagit nang matapos na ang aming
rali, na napagtagumpayan namin. Napalayas at napalitan ang abusado’t korap na presidente ng
kolehiyo. Bumalik sa normal ang kalagayan sa kampus at naging abala ako sa pagbawi sa mga
oras sa klaseng nagamit sa rali. Hindi ko na maharap si Indong Kagit kung nasasalubong o
nararaanan ko siya. Palagi na akong nagmamadali at nagkasya nang hagisan ko na lang ng
barya, nang walang imik, ang nakasahod niyang palad o hawak na plastik kap. Walang imik,
titingnan lang ako ni Indong Kagit ng hungkag na tingin at para akong nakokonsensiya sapagkat
batid kong hindi niya kailangan ang limos kong sensilyo. Pang-unawa ang nililimos niya sa akin at
alam niyang maipagkakaloob ko ang pang-unawang iyon sa kanya sa kahit na ilang sandaling
panahong maiambag ko upang dinggin ang kanyang mga litanya ng hinanakit at reklamo sa
buhay.

KATATAPOS NG UNANG semestre nang pinagsusuwag at pinaghahampas ng isang malakas na


bagyo ang Kabikolan. Gayon na lamang ang pananalasa nito sa kanyang abot sa 260 kilometro-
kada-oras na bilis-lakas. Sinalanta nito ang Magayon, lalo na sa bayan ng Sili. Umalpas ang dagat
at nilusob ng naglalakihang mga alon ang mga tahana’t gusaling malapit sa tabing-dagat.
Pinagbabali’t pinagbubunot ng humuhugong na hangin ang mga halama’t punongkahoy.
Pinabagsak ang mga poste ng koryente’t telepono. Maraming inilipad na bubong at pinadapang
bahay. Pinabundat ang mga ilog at maraming tirahan ang inanod at ilang katao ang nalunod.

Pinahina ang balat ng mga kalbong bundok at dumausdos ang natibag na lupa’t tinabunan ang
maraming tahana’t nananahan. Lampas hatinggabi nang lumusob ang kalakasan ng bagyo at
humupa lang ito bandang katanghalian kinabukasan.

Naglakad-lakad ako sa kabayanan nang ganap nang makalayas ang bagyo. Gulong-gulo’t lumbay
na lumbay ang tila ginahasang kapaligiran. Sa may playa, bumagsak ang daungan at nagkagiba-
giba’t nagkalansag-lansag ang seawall at breakwater. Nabaon sa bato’t buhangin ang ilang bahay
at gusali samantalang ang iba’y nagmistulang mga kalansay at nawasak na mga nitso’t kabaong.
Natanaw ko si Indong Kagit na nakatayo sa ibabaw ng isang malaking batong sumampa sa
boulevard. Nilapitan ko siya. Namumuti ang buhok niya sa nanikit na asin. Tinanong ko kung saan
siya kumanlong nang nanalasa ang sigwa. Gusto kong kilabutan sa sinabi niya.

“Nandito lang ako, eh, sinalubong ko yung bagyo! Aking pinagyayakap yung mga alon! Sabik na
sabik sila, Eman, eh! Matagal nang hindi bumagyo nang gano’n kalakas, eh!”

Hindi ko alam at may ningning sa ngayon ang mga mata ni Indong Kagit sa masayang pagsasaad
sa di kapani-paniwalang kuwento niya. Ayaw kong maniwala subalit ayaw ko naman sanang
paniwalaang niloloko lang ako ni Indong Kagit. At ayoko naman sanang paniwalaang kuwentong
baliw lang ang kuwento niya. Gusto ko sana siyang paniwalaan kagaya ng batid kong sa lahat ay
ako lang siguro ang pinagkakatiwalaa’t pinaniniwalaan ni Indong Kagit. Marahil kasi’y ako lang
naman ang matapang ang sikmurang lumalapit sa kanya, ang matiyagang nakikinig sa kanya, ang
alam niyang naniniwala sa kanya.

“Pinakahihintay ko nga kasi yung mga bagyong darating, eh,” pagpapatuloy ni Indong Kagit.
“Inaabangan ko sila rito sa tabing-dagat. Gusto ko ngang panoorin yung kanilang poot saka galit,
eh. Yung damhin yung kanilang hagupit saka kapangyarihan! Eh, nais kong hamunin sila, eh, kung
kaya naman aking inihahain ang aking katawan pero siguro, eh, alam din nung mga lokong bagyo
na baliw ako kaya hindi nila ako ginagalaw, eh! Yung hindi nila pinapatulan yung aking kabaliwan!
Alam mo, Eman, eh, maraming bagyo na yung sinalubong ko rito!”

“Subalit anong dahilan at hinahamon ninyo ang unos?” tanong ko matapos niyang ikuwento ang
pakikipaglaro raw niya sa nagsusumigaw, dumadagundong na hanging sumisiklot sa tubig ng
dagat at inihahalibas sa kalupaan; sa kung paano siya nakipaghahabulan sa mga bumabagsak na
gabahay, gabundok na tubig at kung paanong subain niya ang daluyong ng agos nitong pabalik sa
dagat upang siklotin na naman ng nagngangalit na hangin; sa kung paano niyang iniiwasan ang
mga ulos at bigwas ng nag-uumulol na hangin, ang umiigkas at humahampas na mga bato, ang
lumilipad, humahagibis na mga sanga ng halama’t punongkahoy at yaong nababakbak at
humuhulagpos na mga bagay-bagay sa mga gusali’t bahay.

Hindi ako sinagot ni Indong Kagit. Sa halip ay sumalampak siya ng upo sa bato’t kinuwento na
naman niya ang kanyang buhay. Tila isang kumpisal sa isang inaasahan niyang nakauunawa’t
naniniwala sa kanya. Kung kaya’t sumalampak na rin ako ng upo sa tabi niya at siya’y
pinakinggan.

Sapul pa raw pagkabata niya’y pangarap na niyang yumaman at maging sikat. Matalino rin daw
siya noon. Nakapag-aral din. Dangan nga lamang at hanggang primarya lamang dahil natigil siya
nang agawin na nga ng mga asendero ang mga lupain ng kanyang tatay at lolo at ng kanilang
mga kanayon. Lumaban daw kasi noon ang kanyang ama. Ayaw daw nitong itatak ang kanyang
hinlalaki sa mga kasulatang pinapapirmahan ng mga asendero. Pinamunuhan daw ng kanyang
tatay ang kanilang mga kanayon upang ipaglaban ang karapatan nila bilang tao’t karapatan sa
kanilang mga bukirin. Subalit isang gabi raw, pinasok sila sa bahay ng mga may takip at talukbong
ang mga mukhang lalaking may mga karbin at thompson at sapilitang kinuha, kinaladkad ang
kanyang tatay sa kabila ng pagtangis-tutol ng kanyang sakiting inay. Ilang araw daw na nawala
ang kanyang tatay. Natagpuan na lamang nila ang tadtad sa balang bangkay nito, pagkaraan, sa
talahiban sa may ilog, na pinamimistahan na ng mga uod at pinagbabangayan ng mga asong
palaboy. Sa nangyari, ama naglubha raw ang kanyang sakiting ina, naratay ito at yumao rin
kalaunan at siya’y inampon na lang ng kanyang lolo. Gusto raw sana niya noon ang maging
sundalo o polis balang araw upang hanapi’t pagbayarin ang mga pumatay sa tatay niya. Subalit
hindi na raw niya itinuloy ang ambisyon niyang iyon nang malaman nilang mga konstable rin pala
ang umutas sa kanyang ama. Inupahan daw pala ang mga ito ng mga asenderong kumamkam sa
kanilang bukid na galit sa kanyang sa prinsipyo nito. Mula noon, inambisyon na lamang niya ang
maging mayaman nang sa gayo’y hindi na sila aapihin. (Wala pa raw kasi siyang alam na
mayamang inaapi, bagkus lahat ng mayamang alam niya ay mga mang-aapi. Pero pag siya raw
ang mayaman, pinangako niyang maging mabait siya’t mapagkawanggawa lalo na sa mahihirap.)
Pinangarap daw niya ang maging abogado upang madali siyang maging politiko ang nang sa
gayo’y madali rin siyang yumaman. (Wala para raw kasi siyang alam na abogado o politikong
niya ang makapagpatayo rin sana ng malaki’t magarang mansiyon, ng mga bahay-bakasyunan at
magkaroon ng marami’t magagandang awto (at saka na rin daw, kung kinakailangan, ng ilang
kulasising magaganda kasi parte daw yata iyan sa pagiging buhay-mayaman para matawag na
namumuhay-mayamang-mayaman talaga). Subalit hanggang sa naging asawa raw niya si
Cristina’t inianak si Marcial ay nanatiling pangarap lang daw niya ang mga iyon kahit na nagsikap
naman siya ng todo-todo at ginawa ang lahat ng makakaya upang maisakatuparan ang mga
pangarap niya, kahit na hindi naman gaanong napakayaman daw, maski na sana magaang-gaan
lamang na buhay at pamumuhay na sagana at hindi naghihikahos. Kung bakit daw kasi hindi man
lamang siya tinulutan ng kapalaran na magtagumpay rin ng kahit na konti. Kung bakit daw kasi at
sa halip ay siya’y naging isang sawimpalad, naging kalat lamang na walang silbi sa mundo,
naging isang busabos, isang baliw na walang karapata’t katuturan sa lipunan.

“Nagagalit nga ako kumbakit nasilang pa ako, Eman, eh, sana hindi na lang ako pinanganak,”
sabi niya sa matigas na pagkawika. At ngayo’y may luha si Indong Kagit. Subalit ngayo’y tila may
munting apoy ang mga mata, parang may naiipon doong pagkainip, pagkabagot, pagkamuhi.
“Galit nga ako do’n sa kumbakit pa ako nilalang nung ating Diyos, eh! Sinisisi ko yung Diyos,
Eman, marami akong yung reklamo sa kanya!”

Hindi ko alam ang sasabihin. Tumitimo ang pagkaawa ko sa kanya. Ang tila pakikiramay ko sa
pagkasawimpalad ni Indong Kagit. Subalit kung bakit tila iyon na lang ang tangi kong magawa:
ang mahabag.

“Kaya ko nga hinahamon yung mga bagyong dumadating, eh!” muling wika ni Indong Kagit.
Tumayo siya’t tumingala sa nangungulimlim pa ring kalangitang kung saan naghahabulan ang
mabibilis, makakapal, maiitim pa ring mga ulap. “Poot nung Diyos yung bagyo, poot niya sa akin
kaya sinusuba ko ito. Yung naghihimagsik ako doon sa Diyos. Hindi ko katatakutan yung mga
bagyo, aking haharapin kasi alam kong yan bale yung kasagutan nung Diyos sa akin. Naniniwala
ako, eh, naniniwala akong kilala rin ako nung ating Diyos, yung pinapakinggan ako saka
minamasdan ako at siya yung dahilan kumbakit dumarating yung mga bagyong iyon sa akin! Oo,
Eman, siguro ay may halaga rin ako saka pinapansin din ako nung ating Diyos kahit na isa lang
ako na yagit. Kahit na isa lang ako na kagit, eh. Yung anak din ako nung ating Diyos. Oo naman,
alam kong anak din niya ako!” Humalakhak pa si Indong Kagit, dumipa sa kalangitang ngayoy’
iniikot-ikotan ng nag-iisang langaylangayan. At sa pagkakaupo kong nakatingala sa kanya na
nangakadipa, para siyang isang krusipiho--isang krusipihong ang kristong nakapako roo’y hindi
nakatungo kundi humahalakhak.

PARANG LALONG NAPALAPIT ang loob ko kay Indong Kagit. Gusto ko sana siyang arugain sa
alam kong kailangan niyang tulong sa napakarami niyang mga hinanakit at reklamo sa buhay, sa
lipunan. Subalit hindi ko alam kung paano. Kung kaya’t gaya ng dati, nagkasya na lamang akong
bigyan siya ng pagkain at kaunting pera at lumang damit. At samantala, ginagamit ko si Indong
Kagit na sabjek sa aking mga sinusulat. Marami akong nalikhang tula at kuwento at sanaysay na
tungkol sa kanya, sa kanyang buhay, sa kanyang mga kaisipan.

Ngunit kung minsa’y sinusurot ako ng aking budhi. Kasya na nga kayang hagisan ko ng ilang
pirasong sensilyo, na binubuntotan ko naman ng nagmamalasakit at nang-uunawang isip, si
Indong Kagit upang may lisensiya akong gamitin siya bilang palabigasan ng sulatin?

NAPAKAINIT NG ARAW na iyon. Nagbabaga ang tanghaling tapat. Katatapos ng aking huling
klase at pauwi na ako sa bahay upang mananghalian. Nasa sentro ng bayan ang bahay ng tiyuhin
ko at walking distance lang ang kolehiyo. Nang madaan ako sa merkado publiko, napansin ko ang
pulutong ng tila nagkakagulong mga tao na may pinagkakalumpunan sa may harapan ng
multinasyonal na fastfood center. Sumisilaw ang mabilis na pagkikindat-kindat ng pulang ilaw sa
bubong ng sasakyan ng polis na nakahimpil sa malapit, na lalong nagpaalinsangan sa nilalagnat
na kapaligirang binalot ng lansa’t bahong inihihinga ng tila may tipos na hangin mula sa mga
tindahan ng karne’t isda’t daing.

Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t amoy-anghit na mga taong nakapaligid


sa kung anong kasiya-siyang tanawin. Nakita ko roon si Indong Kagit na duguan sa
pagkabulagta’t
pagkakatihaya: mahigpit ang pagkulong ng kanyang kaliwang bisig, sa lukong ng kanyang
hungkag, mabutong dibdib, sa isang plastik bag na may marka ng pangalan ng multinasyonal na
fastfood center. Pigil ng kanan ni Indong Kagit ang isang duguang hamburger na kapagdaka’y
kinakagatan niya.

Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulungang tila hindi malaman ang mainam na gagawin
maliban sa mandilat, umismid, manuro kay Indong Kagit na hindi halos makagulapay sa kanyang
duguang pagkasadlak sa maduming aspaltadong kalsada. Samantala’y sulat lang nang sulat sa
munting kwaderno’t tanong lang nang tanong, radyo lang nang radyo, kaway lang nang kaway,
utos lang ng utos, ang mga bundat na polis.

Saglit akong natulos sa aking kinatayuan. Hindi ko rin alam ang gagawin. Kawing-kawing, buhol-
buhol ang di magkamayaw na ingay ng pagtatanong, kasagutan, mura, sumpa.

Bigla na lang daw pumasok iyang baliw diyan sa fastfood at nang-agaw ng fried chicken at
hamburger... Deputang kagit, buti nga sa kanya! Maski ako’y marami nang tindang mansanas at
pandisal na inumit ng lintian na `yan!

Kumawala ako sa siksikan at tinakbo kong niluhura’t kinandong si Indong Kagit sa batid kong
pagkagitla’t pagtataka ng mga tao. Kinalong ko ang nanggigitata, duguan niyang ulo. Tiningnan
niya ako. Bakit, bakit, gutom na gutom ka na ba, Tata? ang sinasabi-sabi ko. Bakit? Bakit? Bakit?

Hinabol daw siya nung sikyu subalit di raw kasi pinansin niyang baliw, ayaw ibalik yung ninakaw.

Bakit, bakit, Tata? Bakit? ang inuulit-ulit ko. At nginitian ako ni Indong Kagit, duguang ngiti. At
sabi niya, sa duguang pagkabigkas: “Gutom na gutom kasi ako, Eman, eh, gutom na gutom...
Ayaw kasi akong bigyan ng pagkain, ayaw akong bigyan, eh... Alam naman nilang kahit na yung
baliw ako saka yagit ay nagugutom din...”

Putangina, pupukulin na raw kasi niyang lintiang kagit ng napakalaking bato iyong sikyu!
Putangina, susugurin na raw kasi niya iyung sikyu! Putangina, may ice pick daw iyang baliw!
Putangina, kaya binaril na siya nung sikyu!

“Masarap palang talaga yung ganito, Eman, napakasarap...” Nadarama ko ang panginginig ng
butuhang katawan ni Indong Kagit, ang pagsuka’t pagbula ng dugo mula sa butas niyang tagiliran
na pinandidilatan ng ilang lumabas niyang bituka. Subalit patuloy siya sa pagnguya’t pagngalot sa
kanyang duguang hamburger—duguang paglinamnam sa sabor ng sikat na produkto ng
multinasyonal na fastfood na paboritong-paborito ng sambayanang dila’t tiyan.

Putang inang baliw naman, o, ansiba! Tingnan mo’t madededbol na nga’ng putang ina’y sige pa
ang tsibog!

Bakit, bakit, Tata, gutom ka na ba talaga, gutom ka na ba talaga? Bakit? inuulit-ulit ko pa rin at
hinigpitan ko ang kalong sa duguang katawan ni Indong Kagit na umaalingasaw sa lansa’t baho.

“Masarap, Eman, eh, napakasarap pala talaga nito... Kahit yung mamatay na ako, kahit mamatay
na ako...” aniya’t siya’y patuloy na ngumuya, ngumalot, duguang pagnguya, duguang pagngalot,
ngunit ngayo’y tig-isa nang pagnguya’t pagngalot. “Oo, kahit mamamatay na ako, Eman, eh, kasi
natikman ko na rin yung pinakamasarap na pagkain sa mundo...”

Buray ni inang baliw iyan, buti nga sa kanya! Siya pang dumi at kalat dito sa Sili!

“M-Masarap, Eman...” tuloy ni Indong Kagit sa pagsubo ng duguang hamburger at ngayon, ng


pritong hita ng manok. Subalit hindi na makakagat ni makanguya ni makangalot si Indong Kagit.
Lumabas sa duguan niyang bunganga ang duguang subo. “S-Sayang, Eman, hindi ko maubos...
Biyaya nung Diyos, ansarap... Luto nung Diyos, ansarap-sarap, pinatikim sa akin.... Mahal talaga
ako nung ating Diyos... Anak din ako nung ating Diyos, eh, anak din niya ako...” At minsan pa,
tiningnan ako, tinitigan ako ni Indong Kagit, duguang titig, hungkag na tingin.
Binitawan ko si Indong Kagit. Tumayo akong pawisan at duguan. Para akong trangkasuhin. Para
akong kukulo sa init ng umaagos sa aking mga mata. Para akong magbaga, magliyab. Tumakbo
ako, hinawan, itinulak ang mga nakahara sa aking daraanan. Wala akong tiyak na direksiyon,
iniwan ko si Indong Kagit na yakap-yakap pa rin ang naiwang duguang hamburger niya’t fried
chicken. Iniwan ko ang mga usisero, mga pakialamero ngunit walang pakialam, na maiingay,
amoy-suka’t amoy-anghit na mga tao. Iniwan ko ang mga bundat na polis na sulat lang nang
sulat sa munting kwaderno’t radyo lang ng radyo’t utos lang ng utos at kaway lang nang kaway.
Iniwan ko ang mga ngisi, kunot-noo, simangot, pagtataka, mura, sumpa. Iniwan ko sila. Iniwan
ko ang lahat na tinatanong ko pa rin: bakit? bakit? bakit?

Umalis akong nagtatanong pa rin samantalang natagpuan ko na, nakita ko na ang kasagutan sa
huling titig, duguang titig sa akin ng hungkag, duguang mga mata ni Indong Kagit.#

******wakas*******
Isang Pook, Dalawang
Panahon
Maikling Kwento ni Roy V. Aragon

NANAY, dadalaw kang madalas…

Minsan isang buwan.

Bakit kasi ayaw mong kina Tita Celia ako tumira.

Hindi sa ayaw, anak. Malayo ang Paranaque. Mahirap sumakay. Siksikan. Lalo’t rush hour.

Pero, dormitoryo!

Katapat ng UE. Walking distance sa FEU. At UST. Isang sakay sa diyip papuntang Quiapo at
Divisoria.

Ewan ko…

A home away from home. Maniwala ka, anak. Kalaunan ay magugustuhan mo rin. Tulad ko, noon

ANG dormitoryo. Ang korteng kahon ng sapatos na dormitoryo na ang mga bintanang lagpi ay
may basag na salaming ang tanging naghahawak ay ang nakadikit na adhesive tape. Ang
pagkapangit-pangit, walang ka-class-class, ang tumutulo kung tag-ulan at parang impiyerno kung
tag-araw na dormitoryo. Na minsan, isang panahon ay naging tahanan ko

Yaon ay isang pook. Hinahangga ng Centro Escolar, San Beda, Holy Ghost at iba pa sa makababa
ng tulay ng Mendiola. Nang magkatabing simbahan sa dakong Bustillos. Hanggang UST sa
Espana. Kasama ang kahabaan ng Azcarraga. Umaabot sa Divisoria na siyang istasyon ng mga
bus na pauwi sa probinsiya. Sa Avenida Rizal ay mumulan sa Scala, pabalik sa Plaza Sta. Cruz.
Tuloy sa Escolta na bukambibig ng mga empleyada sa bangko. Sa simbahan sa Quiapo na
nilalakaran nang paluhod kung malalay ang grado sa iskwela. Sa Central Market sa tapat ng FEU,
na kilala’t hindi ipinagtatanong. Sa Raon na pasyalan ng mga naghahanap nang mabibiling plaka.
Sa R. Hidalgo na shortcut mula San Sebastian patungong Quiapo. At sa Luneta na kapag
binanggit ay may lihim at ibang pakahulugan.

Yaon ang pook. Ang puso ay ang dormitoryo. Kabuuang daigdig ng mga katulad naming bagong
galing sa probinsiya, bagong salta sa Maynila. At ang bawat araw na dumaan sa aming buhay, sa
paggalaw sa munting daigdig na iyon, ang panahon.

NANAY, dito ka rin ba tumira noon?

Hindi. Ito’y bago na. Pati namamahala. O, ano’ng tingin mo?

Masikip. Pero, pwede na rin

MATAGAL na pinagmasdan ng Tiya ang gusali. Tumangu-tango. Kumibot ang mga labi. Pwede
na, ang sabi. At hawak ang kamay ko, pumasok kami ng pintuan ng patahian na siya ring entrada
ng dormitoryo. Tinungo ang mataas na hagdanan na nasa likod ng eskaparate ng nakadispley na
manikin. Ang mga mananahi ay nasa mezzanine. Ang hagdanan ay hugis letrang U. Nasa paliko
nito ang munting plataporma na kinaroroonan ng isang hapag na kinapapatungan ng isang
kuwaderno. Dito isinusulat ang oras ng paglabas at tinatayang oras ng pagdating ng mga nakatira
sa dormitoryo. Nasa ibabaw rin ng hapag ang munting kampanilya na panghudyat ng pagtatapos
ng oras ng pagdalaw. At nasa upuan sa likod ng hapag, ang maitim, may edad na at walang
kangiti-ngiting receptionist
“Magandang umaga po,” bati ng babae. “May kailangan ba sila?”Malumanay ang tinig, ngunit
malayo, di matanaw ang ngiti. Masungit, pagdaka’y naisaloob ko. Sumagot ang Tiya. “Nais
naming makausap ang may-ari o tagapamahala. Dito siya titira.

Pinatuloy kami, pinaupo sa silid-tanggapan na hindi kalakihan. May isang piyanong nakapwesto sa
tabing-dingding. Isang malaking kuwadro na may larawan ni Sta. Cecilia ang nakatunghay sa
piyano. Ang kinauupuan namin na pinakamalapit sa hagdan ay isang mumurahing set na plastik
ang upholstery. May isang sopang lundo na ang sulihiyang upuan, nakatabi, pasandal sa
durungawan. Sa gilid ng piyano ay may dalawang silyang sulihiya rin, magkaharap, pinapagitanan
ng isang mesitang napapaibabawan ng isang plastik na plorera na puno ng mga plastik na
bulaklak ng rosas na ang ibang talulot ay lagas na. Marahil ay napaglaruan ng mga malilikot na
daliri ng mga taong umid ang mga labi.

Sa dingding na kaibayo ng kinaroroonan ng piyano ay nakasabit ang isang kuwadro ng Ina ng


Laging Saklolo, may nakaalay ring mga bulaklak na plastik at dalawang kandelito sa isang tanging
patungan. Sa bahaging ito nang pagmamasid ay napatangu-tango ang Tiya, isang kinamihasnang
gawi kapag may nakitang tama sa gusto. “May loobin sa Diyos,” ang wika

Totoo nga. “Ang buwan ng Oktubre ay buwan ng Sto. Rosario at lagi kaming nagdarasal dito,”
paliwanag ng tagapamahala. “Ang mag-asikaso sa napakaraming dalaga ay isang napakahirap na
trabaho. Ang paghingi ng tulong sa Mahal na Birhen ay hindi ko nalilimutan.”

Ang may-ari’t tagapamahala ay isang dalagang ang taglay na mga taon ay wala sa maayang
bukas ng mukha, ngunit nasa anyong humihingi ng paggalang. Sa mga kamay nito’y iniwan ako
ng aking ale.

Dinala ako sa unang silid, kaliwa, sa puno ng pasilyo. “Dito ka, iyon ang iyong katre. Ito naman
ang iyong locker.”

Ang naiwang impresyon sa akin ng silid ay tagni-tagning larawan ng mga nakasabit na damit,
nakasampay sa tabi-tabinging tibar ng katre na ang mga ilalim ay kinaroroonan ng mga maleta’t
bag at walang ayos na salansan ng mga kahon ng sapatos na may iba’t ibang marka: Gregg,
Helen Harper, Siegel, Sabrina, Turian. Nakakalat sa sahig na ilang pares ng sinelas. Kabiyak ng
isang itim, mataas ang takong na sapatos na nakatayo sa ibabaw ng isang locker, katabi ng isang
basong kinapapalooban ng isang sepilyo ng ngipin at isang munting tubo ng Colgate. Mga aklat
sa kama: Accounting ni Finney & Miller, Economics ni Samuelson. At isang dalagang naka-bra at
half-slip, nasa anyo ng pagbibihis.

Itinuro rin sa akin ang iba pang silid. At walang bagay na nadaanan ang aking mga paningin na
hindi natala sa aking isip. Room Two na kaabay ng Room One at kapwa nakaharap sa Azcarraga.
Room Three sa kanan ng pasilyo, katapat ng Room Four sa kaliwa. Room Five na katabi ng Room
Six, ang pansariling gamit ng tagapamahala. Nasa loob ng huling silid na ito ang telepono.
Pinabasa sa akin ang nakapaskel na paunawa sa dingding na kinasasabitan ng telepono: Five
minutes only. No call after 9:00 PM.

Kahuli-hulihan ay dumako kami sa komedor. Na tulad sa isang tersera klaseng restoran ay may
tersera klaseng upuan at hapag na natatakpan ng bulaklaking plastik na mantel. May murang
berdeng venetian blind sa durungawan at pantay-taong salamin sa dingding. Ipinasilip sa akin
ang kusina. Kaagad kong napuna ang maruming lababo at nanggigitatang pugon. Ang mga banyo
ay madilim. Mapanghi.

Nagreklamo ako sa Tiya. Sa halagang singkwenta pesos isang buwan, katapat ng iskwelahang
papasukan, ang sagot sa akin. Ulila ako’t pinag-aaral, hindi na ako kumibo. Ang lahat ay buung-
buong nasulat sa aking talaarawan, buong lalim na natanim sa aking gunita.

NANAY, ang sama!


Anong sama? Ang dormitoryo, magulo. Masama ang pagkain. Mapanghi ang banyo. Mainit,
walang bentilasyon. Kakausapin nga namin ang may-ari. Hindi kami makatatagal nang ganoon
ang serbisyo.

Pero, ang tingin ko, tumataba ka yata.

Iyan ay sa katatawa. Masaya, maraming bagong kakilala. YAON ang panahon ng


pakikipagkaibigan. Mga Kristiyano’t mga Muslim. Bisaya’t Ilukano. Kapampanga’t Bikulano.
Tagalog-Bulakan. Tagalog-Nueva Ecija. Tagalog-Batangas at Tagalog-Mindoro. Ang mga
bokabularyo ay lumago sa mga bagong aral na salita. Mekeni, mangan tamo, buhat sa kabaleng
taga-Candaba. Eku bisa, may sasagot na hanggang doon lamang ang alam. Kapag nauubusan ay
bibirahan nang kantang atin cu pung singsing. Ang lamyos ng ambot ng mga Ilonga ay tatapatan
ng ungol na ngarud ng mga Ilukano. Pilipit na ang dila ay sige pa rin sa ay, ayatenca, napintas ka
ading, kayat ko ti arimbuken, na ang kauuwian ay hagalpakang umaatikabo . Penge ngang sa-u-
kan, umiindayog ang tinig ng taga-Paombong. Sa-hu-kan? May sisingit. Baka ibig mong sabihin ay
til-ti-lan, ibibira ng taga-Cabanatuan. Dumais siya’t kami ay nagsiping sa taksi, balita ng taga-
Candelaria. Ang siping sa amin ay iba ang kahulugan, paliwanag ng taga-Bulakan. Ang bigla ay
kabud, ang luka-luka’y berat sa Nueva Ecija. Ang nalaglag ay nagpatak, ang batang magulo’y
batang maligalig sa Quezon.

NANAY, may bago akong roommates,

Tagasaan?

Taga-Negros sa Bisaya. Dalawang taga-Mindanao, mga Muslim. Anim na kami ngayon sa


kuwarto. Ako. Isang taga-Baguio. At isang taga-Cagayan sa Norte.

Aba, halos buong Pilipinas na pala kayo. Iyan ang inam nang tumitira sa dormitoryo, maraming
nagiging kakilala. At natututunan. Kaya ako mapilit na diyan ka tumira.

Marami na nga akong alam, Nanay. Mga bagay na hindi mo mababasa sa peryodiko. Tulad nang
dinaranas na gutom sa Negros. Sabi nga ni Joyce, pagputok ng balitang ito, magigimbal ang
buong daigdig. Sabi naman ni Shirley, baka magising tayo isang araw na wala na ang Mindanao,
nakahiwalay na sa Pilipinas.

Walang ganyang balita sa diyaryo.

Mga tuta ni Macoy.

Wala nang martial law. May freedom of the press na, di ba?

Kuno, Nanay. Kuno.

Sina Joyce at Shirley, aktibista ba sila? Left-leaning. Baka NPA sympathizer..

Nanay, aware lang sila. Bukas ang mga mata. At mga tainga. Tulad ko na rin. Ngayon.

Ha?

Sina Joyce at Shirley, Nanay, mababait sila.

BAWAT mukha, isang kasaysayan. Si Bella, ang batang taga-Cebu na isang stowaway.
Napakupkop sa dormitoryo. Naglilinis, naghuhugas ng mga pinggan, kapalit ay pagkain at higaan.
Si Bella, sa tiyaga ay nakatapos ng high school. At pananahi sa vocational.

Si Mona. Ang dormitoryanang hindi alam ng marami kung tagasaan. Na natutulog kung umaga’t
pag-alis sa hapon ay gabi na kung dumating. Akala’y isang istudyante. Hindi pala. Laking tsismis.

Si Rose, taga-Holy Ghost, tagapagtanggol ng mga pare at madre. Si Manang Remy, binabatikos
pati si Father Delaney. Ang mga inosente at mapangarapin. Si Liwliwa. Si Thelma. Sina Lolly at
Puring.. Si Lor, si Chabeng at si Uding. Nag-aaral, magtatrabaho, mag-aasawa. Si Nena at ang
kanyang boyfriend na si Freddie. Si Sol at si John. Si Elsie at si Tony. Saka si Rita at si Vic. At ako.
Ako ang unang nakakilala kay Vic. Pagkikilala, istilong dormitoryo. Sa pagkakatayo ko sa
durungawang nakaharap sa Azcarraga, isang tanghaling tapos na akong kumain at nagpapalipas
na lamang ng panahon sa pamamagitan nang panonood ng mga nagdaraang sasakyan, (kapag
nakasandaang bilang raw ng kotseng kulay dilaw at sa katapusan ay makakita ng isang babaing
nakadamit ng kulay ube, matatamo raw ng nakakita ang hinihiling ng puso), aking napuna ang
isang lalaking nakatayo rin sa tabi ng durungawan, sa isa sa mga apartmen sa mataas na
gusaling nasa ibayo ng lansangan. Tuwing natatapunan ko ito ng tingin, ngumingiti ito. Ibubuka
nang bahagya ang mga labi na wari bagang nagsasabi at bumabati ng hi!

Maluwang ang lansangang nakapagitan sa amin at naisip ko, ano iyong makipaglokohan. Kaya,
ngumiti ako at kumaway. Iyong bigay na bigay na kaway. May kasama pang yu-hoo!

Kitang-kita ko ang transpormasyon. Mula sa pagkakasandig, biglang tumuwid ang katawan. Saglit
pa munang lumingap-lingap at nang matantong siya lamang ang tao sa durungawang iyon, at
walang dudang siya ang aking kinawayan, ay biglang nagliwanag ang mukha, muntik nang mag-
abot ang mga labi’t tainga sa luwang nang pagkangiti. Yu-hoo, ang bigay na bigay rin niyang
kaway

Ako naman ang lumingap-lingap. Nang makatiyak akong libre, walang dormitoryanang
nakakakita, muli akong kumaway. Ngunit ang sagot sa akin ay iba. Senyas ng mga daliri.
Alphabet? Ano nga iyon? Ang bilis naman. Ulitin mo. Ulitin mo.

Hintuturo’t hinlalato. Letrang N. Nakadakot na mga daliring pinapatungan ng hinlalaki. Letrang A.


Hintuturo, hinlalato at palasinsingan. Letrang M. A, alam ko na. Name. Itinatanong ng kalog ang
pangalan ko.

Ano kaya? Sabihin ko ang totoo? A-L-M-A. Ang totoo ang napagpasiyahan ko. V-I-C, ang sagot
niya.

Tumawag sa telepono si Vic. “Salamat at ikaw lamang ang Alma riyan sa inyo. Kung itinanong
ang apelyido mo ay tiyak na nabuko ako.”

“Bakit ka tumawag?” tanong ko.

“Nais kong maging magkaibigan tayo, Alma. Hindi sa durungawan lamang.”

Nag-iisa ako sa kinaroroonan ng telepono. Ang sagot ko ay may laman. “Mukhang maganda
lamang ako sa malayo, Vic. Mabibigo ka sa malapitan.”

“Kung ako ba’y pangit, hindi ka na makikipagkaibigan sa akin?”

Nasukol ako ni Vic. “Kung gayon, e, di mamaya na lang, paglabas ko sa iskwela,” wika ko

“Diyan sa harap ng dorm ninyo. Sa may puno ng akasya,” kinumpirma naman niya.

Ang puno ng akasya sa harap ng aming dormitoryo ay malaki, malabay ang mga sanga’t malago
ang mga dahon. Bago ko nakilala si Vic, ang nasabing puno ay isa lamang ordinaryong puno para
sa akin. Isang puno na bihira naming tapunan ng sulyap, lalo’t malalim na ang gabi’t madilim ang
paligid. Ito, aming napag-alaman sa tinagal-tagal ng aming pagkatira sa dormitoryo, ay isang
ekspidyenteng puno para sa mga sex maniac na naglisaw kung gabi sa mga kapaligirang malapit
sa tirahan ng mga babae. Dito nila ibinibilad ang kanilang mga itinago. Isa ito sa maraming bagay
na natutuhan ko tungkol sa kalikasang sosyal ng mga tao. Na ito’y isang uri ng sakit. Kasama
nang pagkatuto ko sa pamamagitan nang pakikinig sa marami ang kaibhan ng petting at necking.
Anila’y mula sa baywang pababa, ang una, at mula sa baywang pataas, ang huli. Ang lesbian ay
isa ring bagong natutuhang salita, pabulong kung sabihin. At ang ispirikitik ay salitang dormitoryo
na may sariling kahulugan.

Si Vic lamang ang lalaking nakatayo sa ilalim ng punong akasya nang lumabas ako sa gate ng UE.
Bago ako tumawid ay pinagmasdan ko muna siyang mabuti. Guwapo pala. Bigla, nagkaroon ako
ng palpitasyon. Crush kaagad.
Hinagod ko muna ang aking maluwang na paldang bulaklakin at inayos ang kuwelyo ng aking
blusa bago ako tumawid. Tuluy-tuloy ako sa kinatatayuan ni Vic. Buhat sa sulok ng aking mga
mata ay kitang-kita kong nakatayo sa may tabi ng iskaparate ng talyer ang tagapamahala ng
dormitoryo. Tiyak ang ginawa kong pagbati kay Vic.

Ang kislap ng mga mata ni Vic nang magtama ang aming mga paningin ay naghatid ng init ng
kasiyahan sa aking buong katawan.

Kami ay sabay na pumanhik sa mataas na hagdanan. At para sa akin ay natapos sa estadong


pagiging ordinaryo ang hagdanang dinaanan namin. Bawat baitang ay nagkaroon ng kahulugan.
Panibagong kahalagahan. Dito yumapak si Vic. Sa baitang na ito siya tumigil, waring nag-
alanganin, nagtanong. Alma, wala bang magagalit? At sa baitang na ito ako sumagot, umiling.
Wala. Wala.

NANAY, naluwas kayo?

Madalas raw ang gulo rito. Laging may martsa sa Mendiola.

Natural lang ‘yon, Nanay. Gising na ang mga tao. Pagkatapos nang nangyari kay Aquino…

Baka sumasama ka sa mga rally…

Lahat na’y sumasama sa mga rally…

Baka kung ano ang mangyari…

Mapayapa ang mga demonstrasyon, Nanay. Ang mga mag-aaral, tiyak ang kanilang mga hiling.
Tulad nang paglilipat ng pondong militar sa edukasyon. Ang pagtutol sa pagtataas ng matrikula.
Ang dapat na pagtataas ng sahod ng mga guro at kawani. Hindi pagpapasa sa mamamayan ng
krisis pangkabuhayan.

Natatakot ako, anak. Kaya ka narito sa Maynila ay para mag-aral. Makatapos ng propesyon.
Makapagtrabaho. At pagdating ng tamang panahon, kung gusto mong mag-asawa…

Naku, Nanay, huwag kayong mag-alala. Okey ako dito.

Maiba ako, e, sino ba ‘yong dinatnan kong papaalis mong bisita?

A, si Ronnie iyon. Isang bagong kaibigan.

Saan mo naman nakilala?

Dito sa dorm, nanay. May rally ang mga istudyante. Kung saan-saan nanggaling. Punung-puno ng
mga tao ang Recto at Legarda hanggang sa puno ng tulay ng Mendiola nang magpasabog ng
teargas ang militar. Nagkagulo, Nanay. Takbuhan ang lahat. Pati kami ay naapektuhan. Mahapdi
sa mata. Parang dinadalirot. Walang tigil ang pagluluha. Nagsara kami ng bintana. Pati pinto sa
ibaba. Ang kaso, hindi namin matiis ang mga kumakatok. Nagmamakaawa sila. Humihingi ng
tubig.

At isa doon si Ronnie!

Isa si Ronnie sa maraming pinatuloy namin. Napuno ang lahat ng baitang ng hagdanan ng
dormitoryo ng nakaupong istudyante. Hindi sila makahinga. May nasusuka. Pero, lahat halos sila
ay naiiyak sa matinding galit sa ginawang pagbanat sa kanila. Mapayapa naman sila, Nanay. Sabi
nga ni Ronnie, mayroong mga kinatawan sila na nakahandang humarap at makipag-usap sa mga
nasa kapangyarihan. Nais lamang nilang ihain ang pagtutol sa lumalalang krisis pang-ekonomiya.
Wala naman silang armas. Kapit-bisig lamang. Samantalang ang militar, armado.

Ganoon kayo nagkakilala.

Ganoon nga, Nanay.

ANG pinili kong upuan namin ni Vic ay ang dalawang silyang magkaharap at pinapagitanan ng
ang mga rosas (bagong hugas pala ang mga ito). Bago nakapagsimulang magsalita si Vic ay
tatlong talulot ng rosas ang kaniya munang nalagas. At ang nasa piyano ay nakadalawang ulit
nang pagtugtog sa paboritong awit ni Leila Benitez ng Student Canteen. I don’t know why I love
you like I do, I don’t know why I just do…

“’Kakatuwa ‘yung kanta, ano?”

“Alin, ‘yung kanta? A, oo. Ikaw, mahilig kang kumanta?”

“Kumanta?” tumikhim si Vic. “Aba, oo. Gusto mong marinig?”

Tumawa ako. “Huwag masyadong malakas. Baka sila umalis,” tinapunan ko ng sulyap ang ibang
panauhin sa silid-tanggapan.

Tumikhim na muli siVic. Yumuko at inayos ang suot na medyas at ang lupi ng pantalon. At
bahagya ko nang narinig, umawit siya. Immaculate Mother, we come at thy call…

“Uy, marunong ka pala niyan,” ang tukso ko.

Seryoso ang mukha ng kalog. “Aba, oo. Kung Miyerkoles, nagnonobena ako diyan sa Bustillos.”

“Bustillos? Doon din ako nagnonobena,” sambot ko naman.

“Hayun naman pala, e, di sabay na lang tayo,” anyaya niya.

At pumayag ako. Kaya nang sumunod na Miyerkoles ay sinundo ako ni Vic sa dormitoryo. Mula sa
punong akasya, tinawid namin ang Azcarraga. Nilakad ang kahabaan ng bangketa sa ilalim ng
mga gusaling Underwood at Laperal. Lumiko sa Legarda. Bawat daanan ay bahagi na ng aming
kasaysayan. Sa Little Quiapo sa Espanya kami nagmiryenda pagkatapos ng nobena. Halo-halo
lang naman. Ngunit ang Little Quiapo ay isa nang pangalang nasulat sa serbilyeta, katabi ng mga
pangalang Vic at Alma. Serbilyetang nalagay sa kailaliman ng isang iniingatang kahon ng
mumunti, mahahalagang bagay sa buhay ng isang dalaga.

Ang mga rekwerdo ay naragdagan. Pilas na tiket ng isang sine sa Avenida Rizal. Balutan ng
kending Van Heuten at Trebor. Natuyong bulaklak ng rosas. Imbitasyon sa fraternity ball.
Valentine at Christmas cards. Marami pang serbilyetang may nakasulat. Mga tiket sa bus. Mga
makinilyado, piling tula.

NANAY, huwag kayong mabibigla sa sulat kong ito. Gusto ko lang na malaman ninyong may
boyfriend na ako. Kilala ninyo. Si Ronnie. Pero, huwag kayong mag-alala, Nanay. Magtatapos
muna akong mag-aral. Malayung-malayo pa sa aming hinagap ang salitang pag-aasawa. Sabi nga
ni Ronnie, ang pag-aasawa ay pagpapamilya, at hindi niya maaatim na isilang ang kanyang mga
anak na baon sa utang at lalaki sa ilalim ng diktadurang rehimen at tambalang Estados Unidos at
Marcos. Ay, Nanay, hindi na yata matatapos ang suliranin ng ating bansa. Suliranin naming mga
istudyante sa pagtaas ng matrikula. Nang mga tsuper at pasahero sa pagtaas ng pamasahe.
Nang mga guro at kawani sa hindi tumataas na suweldo. Isama mo na ang hinaing ng mga
magsasaka. Talagang ang dapat baguhin ay ang bulok na sistema. Kung minsan ay nawawalan
na ng pag-asa si Ronnie. At ako’y nahahawa na sa kanya

DALAWANG taon na kaming magkasintahan ni Vic nang dumating sa aming buhay si Rita. Ayon
kay Vic, game si Rita. “Anong game?” tanong ko.

Kumumpas si Vic. “Masarap makipag-usap. Prangka. Walang malisya. Isipin mong hindi niya ako
kilala. Bago lamang siya sa dormitoryo. Nang dumating ako nang maaga at wala ka pa ay
kinausap niya ako. Para huwag daw mainip.”

Hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Rita ngunit hindi ko siya nagawang sawayin. Matalino si Rita
at pinangunahan kaagad ako. “Nagseselos ka ba, Alma, kung kinakausap ko ang boyfriend mo?

“Ang nagseselos ay iyong mga hindi nakatitiyak,” sagot ko.

“At nakatitiyak ka?” ang tanong.


Bata sa akin ng dalawang taon si Rita. Magtatapos na ako ng kolehiyo ngunit siya ay nasa
ikalawang taon pa lamang. Bata si Rita ngunit sa pakiwari ko ay higit na maalam sa takbo ng
buhay kaysa akin.

Sa pagkasukol, ako ay umalpas. “May bagay bang tiyak sa ibabaw ng daigdig, Rita? Ang lahat ay
nagbabago. Everything changes but change, ang sabi nga. Kung magbago si Vic, isa lamang ang
ibig sabihin noon. Hindi kami ang talagang magkapalaran.”

Wala ako sa dormitoryo, nasa lalawigan at nagpapalipas ng semestral na bakasyon nang may
nangyari kina Vic at Rita. Walang abog na dumating si Vic sa bahay ng aking Tiya, kasama ang
isang nakatatandang kapatid. Nais mamanhikan. Ngunit hindi ako napatangay. Ang kutob ng
aking loob ay aking pinakinggan.

Nagtapat si Vic. “Nang wala ka’y siya ang tumatawag sa akin sa telepono. Lalake ako at siya ay
pinagbigyan. Ngunit lubha siyang napakamalapit sa akin. Mapagpaubaya. Ngunit hindi ko siya
mahal, Alma. Alam mong ikaw lamang ang talagang mahal ko. At pakakasalan.”

NANAY, nawawala si Ronnie!

Anak, dumito ka. Huwag kang aalis. Ako na ang luluwas. Ako na ang bahala sa mga gamit mo sa
dormitoryo.

NANG bumalik ako sa dormitoryo ay wala na si Rita. Umalis na rin sina Vic sa apartmen sa tapat
ng aming dormitoryo. Kung sila ay napakasal ay hindi ko na nalaman. Ang bigat ng aking mga
yabag ay narinig sa bawat bagsak ng aking mga paa sa baitang ng mataas na hagdanan. Ang
hinagpis na nadarama ko ay nasa aking tinig sa pagsagut-sagot sa pagrorosaryo sa harap ng
kuwadro ng Ina ng Laging Saklolo, sa may silid-tanggapan. Nasa tamilmil na pagkain sa komedor.
Sa walang kibong pagsasarili sa silid. Sa pagnonobena sa Baklaran, hindi na sa simbahan sa
Bustillos. Nasa pagpunit-punit nang pagkaliliit ng mga balutan ng kendi at serbilyetang may sulat,
sa mga tiket sa sine at makinilyadong tula.

Hanggang dumaan ang maraming araw. Mga bagyo, baha at tag-ulan. Ang punong akasya sa
harap ng dormitoryo ay pinutol. Tinungkab ang aspalto, sinemento ang lansangan, mula sa puno
ng Mendiola hanggang sa dulo ng Divisoria. Naging Claro M. Recto ang Azcarraga.

NANAY, babalik ako sa dormitoryo.

Magulo pa ang panahon.

Ngunit kailan lilinaw? Kung ako at ang iba pang mga katulad ko ay magmumukmok sa isang tabi,
maaawa sa sarili? Iba na ang ihip ng hangin, Nanay. Lumalabas na sa kalye ang mga tao.
Lumiliban na sa silid-aralan ang mga mag-aaral. Tinututulan nila ang kinalabasan ng nakaraang
eleksiyon. Maging bahagi man lamang ako ng kilusang ito. Alang-alang kay Ronnie. At sa iba pa
niyang kasamahang biktima ng karahasan ng maykapangyarihan.

HINDI na kami nagkitang muli ni Vic. Nakatapos akong mag-aral at nakapagtrabaho. Muli, may
nakasabay akong yabag sa pagpanhik sa hagdanan. Sira na ang sulihiyang upuan. May bago
nang kapalit ang sopa. Marami pang mga yabag. Marami pang mga sopa. Ang lahat ay
nagbabago. Pati ang kabuuang larawan ng dormitoryo ay nagbago na rin. Higit na matanda’t higit
na gusgusin. Ang dusing sa kusina ay naragdagan. Dumami ang surot sa pagitan ng sulihiya ng
mga katre. Tanging ang uri ng pagkain ang hindi nagbago, o nagbago man ay sumama pa sa rati.
Paksiw na galunggong at ginisang munggo pa rin kung Biyernes. A, nagkakurus-kurus na ang
adhesive tape sa basag na salamin ng bintana. Papasama ang buhay sa dormitoryo, hindi
papabuti. Kailan iinam, tanong ng isang kasama. Hindi sa panahon natin, sagot ko.

NANAY, kay rami nang nangyari sa ating bayan. Wala na ang diktador. Lansag na ang barikada sa
Mendiola. Maaari ka nang mamasyal sa Malacanang. Bago na ang gobyerno, iba na ang mga
nagpapagalaw rito. Tagumpay ang pangulo sa plebisito at sa pambansang halalan ng mga
senador at kinatawan. Ngunit kung minsan, Nanay, parang patuloy pa rin akong nawawalan ng
pag-asa. Malimit ko tuloy maala-ala si Ronnie.
Sa kabilang dako, sabi naman ni Erwin, isang bagong kaibigan, umuulit lamang daw ang
kasaysayan dahil ang mga tao’y hindi natututo sa aral nito. Ngunit naiiba raw ang mga Pilipino.
Pagkatapos raw ng rebolusyon sa EDSA, hindi na tayo babalik sa ating pinagmulan. Oo,
magkakaroon pa rin daw ng mga katiwalian sa pamahalaan. Mga nakawan sa kabang-yaman ng
bayan. Mga pagdanak ng dugo sa labanan ng Pilipino sa kapwa Pilipino. Mga rally,
demonstrasyon at protesta ng mga istudyante, manggagawa, magsasaka at taong-bayan. Ngunit
ang lahat raw ng ito ay bahagi na lamang ng huling hakbang bago tayo lubusang makaahon.
Natatanaw na raw ang liwanag. Huwag lamang tayong magpapabaya. Ay, Nanay, gusto kong
makilala mo at makaharap si Erwin. Pagkatanggap mo ng sulat kong ito ay dalawin mo naman
ako. Ha, Nanay? Tiyak na magkikita kayo ni Erwin. Madalas siya rito sa dormitoryo.

ANG dormitoryo. Ang huling baitang sa pagtugpa namin sa naiibang buhay. Ang kumakatawan sa
lahat ng mga bagay na iiwanan namin sa buhay-dalaga. Ang dormitoryo at ang lahat ng pook na
narating namin paglabas dito, ay ang kahapon. Ang panahon ng kawalang-malay at
pakikipagkaibigan. Ang panahon ng mga unang pag-ibig at mga unang kasawian. Nang mga
tuwa’t halakhak at ng mga pigil na hikbi sa unan.

Ang dormitoryo. Isang ordinaryong dormitoryo na sa pagyapak ng isang nilikha ay naging langit,
sa pagkawala nito’y naging libingan. Na sa pagdating ng isa pang nilikha ay muling nagkabuhay.

*******wakas******
Utos ng Hari
Maikling Kwento ni Roy V. Aragon
(Ikalawang Gantimpala, Palanca Awards 2001)

“See you in my cubicle after lunch.” Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kanginang
matapos ang klase. Si Mrs. Moral Character ang teacher namin sa Social Science. Siya rin ang
adviser namin.

Para naman akong g.go na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin.
Nawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang sermunang umaatikabo na
naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para makita kung
gaano ako “katanga” at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga 5. Isinunod niya
ang mga absences ko at tapos ay ang aking mga lates. Hindi naman maikatwirang “Paano ‘ko di
masi-5, kung kailan ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung kelan tinatamad mag-recite,
saka namimilit. Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin, kakapain yung pulangball
pen.”

Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kanina. Katunaya’y yung
kanyang paboritong paksa ang pinag-uusapan namin...Yung kanyang dazzling Malaysian at ang
kanyang paboritong pabango. Nagtsismis din siya (tulad ng dati). Kesyo si Mr. Espejo raw kaya
tumandang binata dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya. Si miss kuwan
daw, kaya wala sa eskuwelahan, hindi dahil nag-study leave, nagpa-abort sa America. Magbi-bell
na nang maalala niya ang leksyon namin, ang normalization process sa gobyerno.

Sabi niya kangina. “Para tayp maging fully democratic, kailangang mataas ang literacy
rate.” (Sinabi na yon ni Rizal) “May sapat nacommunication system ang pamahalaan at may
mataas na moralidad ang mga mamamayan. At higit sa lahat, kailangang maging westernized ang
ating pamantayan. By doing so, hindi tayo magiging uncivilized sa western standards.”

Nang tanungin niya ako, sabi ko’y mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa
problema. Halimbawa’y bakit hindi umpisahan sa economic condition ng bansa. Kung kuntento
ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan. Pero kung maraming dissatisfied, natural na
abnormal ang sistema. Hindi basta effective communication process, hindi rin basta mataas na
literacy rate. Mga manipistasyon lang ito ng talagang problema. Nabigla siya. Doon na inabutan
ng bell.

Ay konsumisyon sa buhay, gusto kong lagnatin. Kay layo ng kahapon sa kasalukuyan. Pag
nasa bahay, ako ang bida. Pag ang kababayan ko ang magkukuwento, ako ang sikat. Pero dito sa
eskuwelahan, walang isko-scholar ng bayan.

Talagang gusto kong maghinto, pero ayaw ni Tatay. Kung sabagay, sino bang ama ang
matututwang magkaanak ng drop-out. Talagang sawa na akong mag-aral. Kay ganda sanang
isiping hindi ako nakatali sa sintas ng sapatos ng teacher ko na kasama ko sa bawat hakbang.
Ipaling kung saang sulok ko gustong puntahan, ilakad-kaladkarin kahit gustong mamahinga. At
isa pa, kahit ako ang masaktan.

Ay buhay estudyante. Magkauno lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumontra sa kanila,
singkong maliwanag. Tumango-tango ka naman para makauno, ibig sabihin noo’y sarili mo na
ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Konting kumpromiso, konting tango at yes man
lang, dos na yon o tres. Kungbakit naman kasi nauso pa sa mundo ang diploma. Kung wala kang
diploma, sino naman ang maniniwalang may kaubrahan nga ako. Sana’y di nauso ang grade, di
sana’y di ako mahihiyang pumasok kahit Metro Manila aide. Kung graduate naman ako, hingan ng
experience sa pag-aaplayan ko, dedo rin. At kung tapos nga, nakakahiya namang pati trabahong
pangmahirap ay pagtiyagaan ko.

Grade lang naman, problema ba ‘yon? Kung 5, tapos ang usapan, bakit kailangang
pahabain pa? Bagsak kung bagsak. Kickout. Pero hindi naman talaga ako dapat bumagsak. O.K.
matigas ang ulo ko, rugged at medyo bastos pa raw, pero bakit kailangang isali pati conduct at
ayos ng katawan sa usapan? Hindi namn ito military school, hindi rin naman seminaryo, bakit
Ano ba ang sama nang bumagsak? Kung si Recto, bar flunker pero isa sa kinikilalang
constitutionalist ngayon. Si Einstein, bumagsak sa Physics at grammar school pero big time
scientist. Kahit teacher niya hindi alam ang theory niya sa relativity. Kung sa bagay, hindi ako si
Recto o si Einstein. Si Jojo lang ako kung ang walang sinabi kong teachers ang tatanungin. Sa
mga kapitbahay namin, pambihira raw ako. Biro mong sa probinsya namin ay ako lang ang
nakarating sa Maynila para mag-aral nang libre. Kung nalalaman lang nila.

Aral nang aral. Aral sa umaga, aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi. Hindi ko naman
maintindihan kung para ano ang pinag-aaralan. Hindi na naubusan ng ipari-research. Walang
alam kung itanong kung hindi “What is our lesson for today?” Parang mga Diyos na sila lamang
ang may monopolyo ng tama. Kaya hindi puwedeng tanungin at lalung hindi puwedeng
pagsabihan ng mali.

Ay ang teacher sa mundo, bakit ba ginawa pa ng kung sinong hayupak. Tulad ni Mrs.
Moral Character, bago mag-umpisa ng leksiyon, magsesermon muna ng virtue of honesty, kesyo
masamang mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa kaeskuwelang nakalimutn ang sagot
dahil sa pagkataranta, krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa. Lahat na yata ng masama at
bawal sa mundo ay alam. Pero ang kanyang lihim ay buko na namin. Noon daw nakaraang
referendum, ang teacher namingmorally upright ay biglang nabulag at nabobo. Nang mag-
watcher daw ito sa presinto, tatlong letra lang ang kabisadong basahin. Katuwiran daw nito’y
“Anong sama roon, kahit matalo, panalo pa rin. Bakit, me magagawa ka ba?” Kaya naman
ngayon, hindi na siya si Mrs. Moral Character sa amin, Mrs. Eraser na lang.

Tapos nagtataka pa kung kangino kami nagmana sa mundo.

E, sino naman kaya sa kanila ang pwedeng gawing idolo? Yungteacher ko sa English,
walang pakialam sa mundo. Basta magamit lang biya yung nalalaman niya sa voice and diction,
maligaya na siya sa buhay. Basta kami ang papel lang namin, tagapakinig sa kanyang mga sides.
Para patuloy kaming pang-theraphy niya lang. At ang kanyang paboritong paksa, yung kaniyang
nuno na purong Kastila raw na nagpatayo ng simbahan sa kanilang bayan. Antique siyempre
yung simbahan (tulad niya at ng kanyang lolo). Ibig lang niyang palabasin na may dugong
bughaw siya. Sarap sanang bukuhin na ang Kastilang napunta rito noong araw ay mga butangero
at kriminal sa Espanya. Kesa nga naman maging problema sila sa gobyerno nila, di Pilipinas na
lang ang bahalang magtiis ng kunsumisyon. Yung gaanong sistema ang namana niya sa kanyang
lolo, ang mangunsumi ng mapagtiis. Pag nabuko mong hindi nag-aral, lagot ka. Pagsasabihan ka
nito ng “What? Iyon lang ang hindi mo pa alam hanggang ngayon? O.K. that’s your assignment
for tomorrow.” Saka niya sasabayan ng bura ang maling nakasulat sa blackboard.

Kunsumihin ka ba naman araw-araw, pag naging g.go ka nagtataka pa. Hindi ka na mga
pwedeng magwala, hindi ka pa rin pwedeng maglibang. Kung sa pagtitiis ng kunsumi ay sigarilyo
at beer ang mapiling pagbuntunan ng sama ng loob, ayun at “Sinasabi ko na nga bang masama
sa pag-aaral ang bisyo,” ang agad ikakatuwiran ng mga ito.

Kung bisyo naman ang pag-uusapan, masama raw sa katawan ng tao ang alkohol at
nikotina. Para na rin sinabing pag teacher ka na ay pwede. Dahil estudyante ka pa lang, tiis.
Itanong mo kay Mr. Discipline at alam niya ang sagot. Huwag mo nang itanong kung nagdaan din
siya sa pagkabata, kung noong araw ay g.go rin siya, dahil ang isasagot nito’y “Kaya nga ayaw
niyang matutuhan n’yo ang bisyo dahil pinagdaanan niya na yan.”

Sa amin sa barkada, dalawa kaming mag-gu-goodbye my school goodbye. Kickout ako sa


kagag...n daw. Si Minyong nama’y sa kabobohan daw.

Kung paano nila natiyak na dapat nga kaming palayasin sa pinakamamahal naming
paaralan, ganito raw ang naging takbo ng usapan nina Mrs. Moral Character (Eraser). Mrs. Gles-
ing, Mr. Mathemathician, Miss Spermatozoa at Mr. Discipline.

“Hindi naman korum, say qourom, kuwow, quorom. That’s correct, that Jojo Boy has no
sense of deqourum. I feel though he is brilliant, only my reservation is that...”
“Only he is stubborn. Papasok yan sa klase ko nang nakainom, para pang nag-iinis at
lalapitan ka. Ipapaamoy sa iyo ang hininga.”

“How true, how true, I swear to God that’s true.”

“Hindi lang yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala mo’y mahuhuli
niya akong hindi prepared sa lesson ko. Tambakan ko nga ng research work, di atras siya.”

“And he is always absent. Sometimes, i don’t want to give him an excuse slip anymore.”

“So what is the verdict of the group?”

“I could not pass him.”

“Ako rin.”

“I second the motion.”

“God will punish his naughtiness.”

“I will report the matter to his parents immediately.”

Ang masama ay ang akusayon nila kay Minyong. Nababaliw raw. Tuwang-tuwa silang
pagtsismisan ito. Iyon ay kung hindi sila tinatamaan ng mga pinagsasabi ni Minyong. Pah medyo
kinabubuwisitan nilang co-teacher ang tinatamaan, “hi-hi-hi-hi” lang ang sagot nila. Pag-bulls eye,
si Minyong.

“My God, baliw talaga, hindi alam ang sinasabi,” ang katuwiran nila.

Si Minyong kasi ay cultural minority. Hindi naman nagprisinta sa kanila yung tao na rito sa
Maynila mag-aral. Kinuha-kuha nila sa bundok, tapos pilit pinaniwalang makasasabay ito sa
standard ng exclusive school, pinaniwalang dito matutuhan ang paghango sa kahirapan ng
kanilang tribo, saka ngayon, basta na lang pinagsalita, para raw mahasa nang gayo’y mawala ang
inferiority complex nito. Ayun, nang matutong magsalita ang tao, na-shock silang marinig ang
katotohanan.

Sabi ng pangkat ng mga Hari.

“I find him kinda weird lately.”

“So what shall we do with him?”

“Definitely, I could not pass him.”

“Oo nga naman. Gagawa tayo ng masamang precedent. Mauuso ang bobo sa
eskuwelahan. Remember, Philippine School of Science and Technology ito. Tapos magpapasa
tayo ng estudyanteng bobo? Hindi pwede.”

‘Pero cultural minority yan.”

“Kailangng babaan batin ang standard sa kanya.”

“Excuse me, mayroon lamang isang standard ang excellence at wala nang exception pa.”

“What now?”

“Ano pa, di ibagsak.”

“Saka sila nagkurus ng “Ibagsak.”

Kung sabagay, nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskuwelahan, humigit kumulang ay
nakapagpasiya na sil sa mgiging dulo ng istorya. Ganito raw iyon.

“Have you considered his case lately?”


“Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso?”

“Mabuti siguro’y pauwiin natin sa kanilang tribo.”

“Dapat nga, naka manakit pa ‘yan at maraming madamay.”

“Oh, how i abhor violence.”

“Baka ‘ka mo manunuog pa ‘yan. Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon.”

“E kung ipa-confine natin sa mental?”

“At sino ang magsu-shoulder ng bill?”

Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man pasimulan ang deliberasyon.

Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol. Paminsan-minsan nama’y
humane sila, ikan nga. Tulad halimbawa ng kaso ni Oasis at Armando, mga kaiskuwela rin namin.

“Ipasa na natin si Oasis.”

“Pero mababa ‘yan sa Physics.”

“Sus naman, ito, e, talaga namang mahirap ‘yang klase mo.”

“Thoughtful ‘yang batang ‘yan. Kahit saan ka makita ay panay ang good morning.”

“Talaga. At prisintado agad ‘yan pag nakasalubong ka na maraming dala.”

“How about Armando? Another cultural minority?”

“Excuse me. He is not a thoroughbred minority. It is only the mother. The father is an
Ilocano who migrated to Mountain Province.”

“Ang sweet-sweet ng batang ‘yan. Manang-mana sa Tatay niya.”

“Pogi pa talaga.”

“You bet. Doctor pala ang ama n’yan.”

“Ipapasa ko yan. Kaya lang naman ‘yan mababa, kasi matagal umabsent. Nagkasakit kasi.”

“Ano, pasado na ‘tong dalawa?”

“Approve.”

Mahirap talaga sa mundo ang hindi pogi at walang amang duktor.

“Come on in. Sit down.” Sabi ni Mrs. Moral Character matapos aking kumatok at papasukin
sa kanyang cubicle. Inabutan ko siyang nagsasalansan ng mga libro.

“Called your for two reasons. Regarding our lesson and your attitude in class.” Idiniin niya
yung your attitude. Heto na naman kami sa loob-loob ko. Kung bakit kasi hindi na lang ako
nagkasakit. Sana’y natuloy na ang lagnat ko para wala nang sermunang naghihintay.

“Jojo, ang tao’y hindi pulos tiyan tulad ng gusto mong palabasin.” Sabi niya habang
nakataas ang isang kilay.

Huwag kang kikibo, paalala ko sa aking sarili. Konting tiis. Mahirap makipagtalo sa teacher.
Ngiti ka lang basta. Titigil din pag nagsawa. Pero tipong wala siyang balak mag-short cut ng
sermon.

“Walang essence ang pinagsasabi mo kanina. Iyon ay isang halimbawa ng priori


statement. Do you get me?” Tumango naman ako.
“Good. Now, alam mo sigurong wala kang pinanghahawakang data,which I happened to
have. Panay speculation lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa scientific world. Our
lesson is more complicated than you thought. What you mean probably is the role of economic
determinism in contemporary Philosophy, which is all together wrong. Bakit hindi mo gamitin ang
power or elite approach? Behavioralism and trendngayon sa west. Bakit hindi ka makigaya?”

Huwag mong pansinin, ngiti lang. Paalala ko uli sa sarili ko. Hayaan mo lang siyangn
magsalita nang magsalita. Pasasaan ba’t mauubusan din iyan ng sasabihin. Pasok sa kanang
tenga. Labas sa kaliwa. Siya ang teacher kaya ang pakiramdam niya’y siya lang ang pwedeng
tama.

“Do you get me?”

Tango pa rin ako. At ngayon, ang part II ng kanyang sermon.

“To be honest about it, I don’t like your attitude in class. Smart aleck!” Yuko na lang ako.
Saka ako bumulong ng “I’m sorry, mam.”

Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong tatangu-tango siya sa tuwa. Lihim na namang
pumapalakpak ang kanyang tenga sa tuwa. Napaamo niya ang suwail ng eskuwelahan. Sana’y
kasing honest din niya ako, di sana’y nasabi ko ring “The feeling is mutual. I also don’t like you,
mam.” Sa halip, ang nasabi ko na lang ay “Can i go now, mam?”

“I’m not yet through.” Ibig pa palang sabihin, may part III pa ‘tong usapang ito.

“They saw you in the chapel last night.”

Diyos me, pati pala personal life ko’y pinakikialaman na rin nila ngayon, sa loob-loob ko.
Naramdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha.

“How young are you Jojo? Speak up.”

“15, mam.”

“15 and already you are...” Saka niya dinugtungan ng “I’ll let your mother know about
this,” bago ako tuluyang lumabas ng kanyang cubicle.

Gusto ko na talagang magwala. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong isambulat sa mukha
niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sana’y kasing tapang ako ng gusto kong mangyari. Ano
bang masama sa ginawa ko sa chapel? Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess.

Masama ba ‘yon? Siguro ang masama’y kung bakit biglang napasyal si Mrs. Gles-ing sachapel
nang ganoong oras ng gabi. Kawawang Tess. Halos natitiyak ko nang gagawin na naman itong
halimbawa ng mga Mrs. Moral Character ng kung ano hindi dapat maging ang isang babaeng
estudyante. Si Mrs. Gles-ing, tiyak na halos pumasok ang dila sa ilong sa pagbabando ng
kanyangscoop.

Ano pa ang magagawa ko, di suntok na lang sa hangin at magbubulong na balang araw,
kung mababaliw ako tulad ni Minyong, siguro’y hindi nila ikatutuwa, pero natitiyak kong
ipagtataka nila kung bakit.

Nasa lobby ang mga kabarkada kong alaskador.

“Jojo, balita nami’y bida ka na naman.”

“Hayaan mo ang mga hayupak na ya’t magsasawa rin yan.”

“E, kasi naman, pa chapel-chapel pa kayo. Alam mo nang teritoryo ng mga santo yon.”

“Kung nagmu-motel kayo, di wala sana silang alam.”

“Tigil,” sabi ko.


“Ano ba talaga ang ginawa nyo’t nagpuputok ang butsi ni Mrs. Gles-ing sa klase
namin kanina?”

“Isa pa to, anong magagawa ko sa chapel kahit ka may madyik, walang himalang mangyayari
roon,” sabi ko.

“Ligawan mo kaya si Mrs. Gles-ing?”

“Tar....o, isa ka pa.” Buwisit na buhay ito, alaskado na naman ako.

“Malay mo, baka lalong malahing Mrs. Robinson yon.” Saka sila nagtawanan. Nakitawa rin
ako kahit naiinis na ako sa buhay.

“Tara na lang sa Cubao,” yaya ko sa kanila.

Yung isang round ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit. Saka pinabuntunan ng
one for the road. Kung gaano kabilis ang boto ngbeer ay ganoon din kabilis ang oras.

“Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel?”

“Ano pa. Di holding hands. Masama ba ‘yon? Para nagsumpaan lang kami sa harap ng
altar na hindi maghihiwalay kahit ako ma-kick out. Kabastusan na ba iyon? Bakit kasi ang dudumi
ng isip nila. Akala mo’y hindi nakipag-holding hands noong mga bata.”

“Sila kaya, paano naging tao?”

“Nagtinginan lang, nabuntis na.”

Saka sila nagtawanan. Buti pa sila, kahit paano’y masaya. Ako yata, kahit sa paglilibang ay
mga teachers ko pa rin ang nakikita. Sobra na ito. Bakit ba ayaw nilang makakita ng
katotohanang iba kaysa kinagisnan nila? Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha nilang lahat
ang tao sa mundo? Dahil ba sa kanilang palagay ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at
tama, kaya wala nang natira sa amin para diskubrihin? Pero hindi ba yung tinatawag nilang
expertise, yung dalawampung taon sa serbisyo, ang ibig lang sabihin, isang taong karanasang
pinatagal ng dalawampung taon?

Ngayon ko lang naiisip, kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa


eskuwelahan, kahit bilang estudyante o teacher ay titak na hindi siya tatanggapin. Philippine
School for Science and Technology ito, ang eskuwelahan ng mga magiging scientists balang araw,
tapos pakikitunguhan at ituturing na tao ang isang kung sinong bukod sa tamad magbihis ay
madalang pang maligo?

Si Einstein kaya? Hindi rin pwede, mabisyong tao yan. Bawal ang lasenggo sa klase. E, si
Maxim Gorky kaya, ang greatest Russian writerpara kay Chekhov at Tolstoy, pwede kayang
magturo ng comparative literature rito? Sa palagay ko’y hindi rin. Bukod sa wala siyang unit sa
English ay wala rin siyang diploma sa education.

Si Kristo kaya kung mabhuay ulit at magpunta sa Science? Maestro raw siya kahit walang
M.A. at Ph.D. papapasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede, kung makasalubong siya roon ni
Mrs. Moral Character o ni Mrs. English, baka ma-shock pa ang mga ito. Palagay ko, ganito ang
sasabihin nila. “Imagine, kay lakas ng loob, ang bastos naman ngappearance. Long hair, hindi
nag-aahit, tapos nakasandalyas pa. Maano kung anak siya ng Diyos, wala naman siyang sense of
dequorum.” Saka kung magsermon dito si Christ, baka mabuko lang siya ng “Who is your
authority, where is your data, behavioralism na ang trend ngayon sa west. Bakit hindi ka
makigaya?” Siguro kaya sa sabsaban na lang ang napilingbirth place niya, dahil kung sa Science
siya ipapanganak, mababago ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa mundo.

Ay, sense of propriety at dequorum, talagang nakatataranta. Clean cut (pagsuklayin mo si


Einstein). White polo shirt at black pants(pagdisentihin mo si Kristo). Naiisip ko tuloy kung
propriety rin yung tawag sa mga teacher kung makadamit civilian sila kapag Miyerkules. Yun bang
parang a-
attend sila ng party. Yun bang ang tipo ng tela ay mapapansin agad at mapagsasabihang “Ang
ang ganda, saan mo nabili? Siguro ang mahal ano?” Na sasagutin naman ng kausap na “Mura
lang yan, gawang Rustan.” At para talaga mapansin, kailangang humahalimuyak din sila sa
bango. Yung parang walking pharmacist. Saka kukulayan ng brilyante ang tenga, leeg, dibdib,
braso at mga daliri. Sa kanilang ganda at ningning, para kang nanakita ng X’mas tree sa isang
mahal na araw. Yun ang propersa kanila.

Kung sa bagay, hindi na maiino yon. Noong gabing mahuli kami ni Tess ni Mrs. English,
noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo. Ininsulto raw ito ng mga Hudyo kaya ipinako nang
hubo sa krus. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral Character, Mrs. English, Mrs.
Spermatozoa, Mr. Mathemathecian, at Mr. Discipline at kanilang mga katribo. Kaya siguro nila
tinakpan ang kahubdan ni Kristo sa pelus na nangingintab sa dami ng borloloy. Si Virgin Mary ay
asawa ng hamak na karpintero, pero sa bikas niya ngayon ay nistulang peacock at X’mas tree na
rin siya. Pati nga ang kanyang luha ay ginawang perlas.

Ang hindi nila naging kamukha ay agad nilang napapansin. Ang taong naniniwala sa sarili
ang gusto nilang lapastanganin. Sino nga ba naman si Jojo sa kanila na “isang kung sino lang.”
Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa kaya sila sa Science? Scholar din kaya sila? Pero
bakit naging teacher lang sila sa loob ng mahabang panahon? Iyon lang kaya ang alam nila sa
buhay, ang magturo? Para silang hindi naging bata. Para bang nang ipanganak sila’y alam na nila
ang lahat ng bagay. Baka akala nila’y biru-biro ang maging estudyante. Yun kayang conduct nila
sa klase noong araw ay panay uno? Kung talagang hindi sila nagkakamali, dapat itong i-report
agad sa Santa Papa sa Roma. Nasa Pilipinas lang pala ang mga living saints.

Alin na lang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya pwedeng maging bida sa mundo?
Buti pa referendum, kasali kami. Alin kaya ang mahalaga, ang kapalaran ng Pilipinas o ang moral
character? Yung kapalaranng Pilipinas pwedeng isugal, pero kung sino ang mas seksi, si Alma
Moreno o si Elizabeth Oropesa ay hindi naman pwedeng pagpasiyahan, for adults lang kasi yon.

Ops, nakadi-jingle mag-isip. Yung barkada, iba na ang usapan.

“Lagyan kaya natin ng thumb tacks yung upuan ni Mrs. English.”

“Di aaray ‘yun!”

“Hi-hi-hi.”

Buti pa sila at nakukuhang ngumisngis. ako kaya, kanino pwedeng magreklamo? Sulatan
ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng “Uminom ka ng kape.” Si Marcos kaya?
Santambak ang problema nito sa buhay, biro mong problemahin nito pati kapalaran ng Pilipinas,
tapos ipasasagot pa ito sa kanya sa kasaysayan, paano ako nito mapapansin? Mag-report kaya
ako kay Carter, issue rin ito ng human rights, ang kapalaran ng mga sinasadistang estudyante,
pero mahirap namang um-Ingles. Saka interesado lang ito sa giyera na naluluma sila.

Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito, kaya tiyak
na alam na Niya ang problema ko. Bakit nga pala sa sermon on the Mount of Sinai wala yung
“Blessed are the poor students for they shall inherit...” siguro’y dahil wala na siyang langit o
lupang pwede pang ipamana sa iba.

Ayaw kong maging Minyong. Kailangang magsalita na ako, baka ako mabaliw. Ayaw kong
maging robot, ayaw kong maging bato. Hindi balengdrop-out, basta tao lang ako. Maliit ang
comfort room kung doon ko isusulat ang aking mga sumbong. Marami na roong mauna. “What
you’re holding now is the future of the fatherland.” “IF you can reach this high, you shall be
great.” “Ibagsak ang pasismo.” “LABAN.” “Alpha Phi Omega.” “Wanted pen pal.”

Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan, hanggang may makabasa at makarinig ng
aking sumbong. Pero sa ngayon, idi-jingle ko na lang muna ang sama ng loob.

****************wakas***************
Bi
Maikling Kwento ni Marco V. Lopez
(Ikalawang Gantimpala, Palanca Awards 1999)

Matagal bumuo ng desisyon si Jomi-para siyang nagpiprito ng hita ng manok sa mahinang apoy
at pinatatagal nang pinatatagal nang lumutong kahit ang kaibuturan ng buto nito. Subalit kapag
nabuo na ang kanyang loob, gagawin niya ang napagpasyahan nang walang pagdadalawang-isip.
Gaya sa gabing ito: napagdesisyunan niyang puntahan ang nababalitang bagong bath club sa San
Juan. Nais niyang malaman kung hanggang saan ang dulo ng kanyang pagtitimpi, malaman ang
hangganan ng kanyang pagkalalaki. Lilinawin niya ang hinalang hindi siya buung-buong lalaki
subalit hindi naman siya bakla. Gusto niyang malaman kung silahis nga siya, AC-DC, kuryente,
pendulum, bisexual, bi.

Dala ang isang pitaka na naglalaman ng i.d. na walang kinalaman sa PR company na


kasalukuyang pinapasukan, dalawang libo, condom, at suot ang isang military jacket (panakot sa
magnanakaw at pananggalang sa maling haka sa kanyang katauhan), pumara siya ng taksi at
ibinigay ang address ng club.

Tinalunton nila ang pasikut-sikot na mga kalye ng San Juan. Kung dinala niya ang kanyang
sasakyan malamang nawala siya. Walang pangalan ang mga kalye at walang tiyak na plano ang
mga ito; bumubulusok minsan at kapagdaka'y bigla na lamang aahon. Madilim pa man din ang
mga kalye at napakaraming sangang-daan. Kahit walang karatula (walang magkakamaling
maglagay ng karatula sa ganitong negosyo), malayo pa alam na ni Jomi ang patutunguhan dahil
sa palatandaang puno ng balete na malalabay ang sanga. Mataas ang pader-mga isa't kalahating
tao ang taas-na pinakapal ng gumagapang na halaman.

Binayaran ni Jomi ang ngising-asong taxi driver at bumaba ng sasakyan.

Natatakpan ng ilang yero ang malaking tarangkahang gawa sa bakal. Sa bungad ng pinto ay may
nagbabantay na payat na guwardiya na walang ekspresyon ang mukha. Malamang, naisip ni
Jomi, na nasanay na ang guwardiyang ito kaya wala nang pagkamangha sa negosyong kanyang
ipagtatanggol nang patayan.

Sa loob, tumambad kay Jomi ang malawak na hardin, isang tuyong water fountain, tatlong
nabubulok na kotse, at isang malaking bahay na bato na malamang mula pa sa panahon ng mga
Amerikano. Walang pinta ang bahay at mapapansin ang matatag at malalapad na kahoy sa
ikalawang palapag. Nakasara ang mga bintana at walang ilaw na makikita at ingay na maririnig
mula sa loob kaya aakalaing abandonado ang bahay.

Tinawid ni Jomi ang hardin, inakyat ang tatlong sementadong baitang patungo sa balkonahe, at
binuksan ang pintong tinatanuran ng isang malamlam na bumbilya.

Pagkapasok, tumambad kay Jomi ang isang ante-sala na sa liit at baba ng dingding ay mukhang
idinagdag na lamang. May reception table na binabantayan ng isang binata. Nakahinga nang
maluwag si Jomi: akala niya na pagpasok na pagpasok sa bahay na iyon bubulaga sa kanya ang
isang bulwagang puno ng tao: Paano kung may makakilala sa kanya?

"Miyembro po ba kayo?" tanong ng binata.

"Bago lang ako," sagot ni Jomi.

"Limandaan po ang membership fee sa loob ng isang taon at tatlong daan ang upa sa isang
kuwarto. Hihingi rin po ako ng i.d. Hanggang alas tres din lang po ang club," paliwanag ng
binatang sa tantiya ni Jomi ay maglalabimpitong taong gulang lamang.

Ibinigay ni Jomi ang hinihingi habang binabasa ang ilang tuntunin ng club. Batay dito, papasa
siya: nasa tamang edad-hindi matandang-matanda datapwat hindi rin naman bata, hindi payat at
walang anumang karamdaman.
Binigyan siya ng susi, puting tuwalya, isang sepilyong pambata, toothpaste at sabong maliit. May
isa ring complimentary condom na strawberry-flavored.

"Nasa ikalawang palapag po ang silid ninyo, gawing kanan," instruksiyon ng binata. Pinapasok si
Jomi sa isa pang pinto. "Marami yatang pintuan sa bahay na ito," naisip ni Jomi. Madilim subalit
naaninag ni Jomi na malaki ang bulwagan. Malaki rin ang hagdang paakyat sa ikalawang palapag.
"Marahil dito sa bulwagang ito dati idinaraos ang mga kasayahan noon. Ngayon, ibang kasayahan
na ang nagaganap dito na tiyak na hindi man lang sumagi sa isip ng mga dating may-ari."
Napansin din ni Jomi ang bungi-bunging aranya na hindi pa tinatanggal.

Mula sa sala makikita ang nagsasangang madidilim na pasilyo sa una at ikalawang palapag. May
manaka-nakang bumbilya sa mga kanto na nagbibigay ng sapat na liwanag para makita ang
dinadaanan at maaninag ang mukha at anyo ng mga lalaking naroroon.

Nang masanay sa dilim ang kanyang paningin, napansin ni Jomi ang mga sampung lalaki sa sala.
May nakaupo, nakasandal sa dingding, nagbubuklat ng babasahin gayong madilim. Maliban sa
nakatapis na tuwalya ay wala na silang saplot sa katawan. Nakapako ang kanilang paningin sa
bagong dating na bigla namang kinabahan. "Desisyon mo ito," paalala ni Jomi sa sarili.

Nakahinga siya nang maluwag nang matiyak na walang nakakilala sa kanya. Naiilang lang siya sa
nananarok na tingin ng mga lalaking iyon. Nararamdaman niya ang kanilang titig sa lahat na
bahagi ng kanyang katawan habang papaakyat ng hagdan. At kinaiinisan niya ito: ang matamang
panunuri ng katawan ng may katawan. Pakiramdam niya'y para siyang karne. "Malamang naamoy
na bagito ako," pampalubag niya sa sarili.

Ganitong-ganito ang naramdaman niya nang minsang yakagin siya ng kaibigang homosexual na
aktibo sa gay movement. Pumunta sila sa isang pulong ng isang gay group. Sa loob ng isang
masikip na condo unit sa Malate, nagpulong ang mga limampung miyembro. Walang magawa ang
garalgal na air-conditioner. Maiingay din sila, naghaharutan. Naggigirian. At nang simulan ang
talakayan sa araw na iyon-magkakawing na paksang abstinence, commitment, single-blessedness
at homosexuality, na pinamunuan ng isang baklang pari na tumatayong adviser ng grupo-halos
nagkaisa sila sa paniniwalang hindi dapat ipataw ang pamantayan ng relasyong heterosexual sa
kanila. Masaya sila dahil sa tinatamasang kalayaan-makasama ang sinumang magustuhan at
magawa kahit ano at gawin ito kahit saan nang walang pangingimi. Ipinagdiinan nilang sa
kanilang pananaw walang masama kung promiscuous ang isang tao.

Isa ito sa hindi matanggap ni Jomi sa grupong iyon-ang sinasabing promiscuity ng mga bakla.
Pakiramdam niya habang nagmamasid sa talakayan ng gabing iyon na marami sa kanila ay
pakikipagtalik lamang ang habol. Hindi niya masikmura ito. Sa kanyang paningin, anumang
permutasyon ng relasyon-lalaki-babae, babae-babae, lalaki-lalaki, bakla-bakla, lesbian-lesbian,
bisexual-bakla, at iba pa-ay hangad pa rin niyang kakitaan ng exclusivity at commitment. Ng
paggalang at tiwala sa isa't isa. Ng pagsasawata ng pagnanasa dahil sa pag-ibig na mas
mahalaga rito. Hindi nga lang niya maipaglaban ang kanyang pananaw sa pulong na iyon.
Magmumukha siyang tanga. Na parang imumungkahi sa kapwa negosyante na magbayad ng
tamang buwis.

Kaya nga hindi na siya bumalik sa pulong ng grupong iyon kahit ilang ulit siyang hinikayat ng
kaibigan.

Nasa ikalawang palapag na nararamdaman pa rin niya sa kanyang batok at likod ang titig ng mga
lalaki sa sala.

Nakalilito sa ikalawang palapag dahil maraming pasilyo at higit na madilim dito kumpara sa ibaba.
Maliliit din lang mga mga silid, kasya lang halos ang isang higaan. Sa liit ng kuwarto, napagkasya
ang maraming silid sa ikalawang palapag. Sinira ang mga dating dibisyon upang magawa ito.

Sa madilim at makitid na pasilyo nakasalubong ni Jomi ang mga naglalakad na tuwalyang puti na
kumikinang sa dilim. Walang panama ang mga kaluluwang nakakasalamuha marahil ng mga Spirit
Questors, nangingiting naisip ni Jomi.
Maraming nakasalubong si Jomi sa makikitid na pasilyo. Napansin din niya ang katamtamang
musikang maririnig sa lahat ng sulok ng club mula sa mga speaker na nakakubli sa kisame. Hindi
niya mauri ang musika. Staccato ang ritmo nito--himig ng pagtatalik.

Sa kanyang kuwarto, sandali siyang humiga sa kama. Malinis ang bed sheet at amoy Lysol ang
silid. Wala ring alikabok sa mesitang kinapapatungan ng isang lampara.

Hindi pa rin siya makapaniwalang narito siya ngayon sa club. Pinakikiramdaman niya ang sarili:
"Matutukso kaya ako? Nakakatakot isipin ang maaaring kahantungan nito." Subalit kailangan niya
itong tuklasin. Muntikan na siyang ikasal dalawang taon na ang nakakaraan. Paano kung natuloy
ang kasal at pagkatapos biglang nabuhay ang katotohanang maaaring mahulog ang kanyang loob
sa kapwa lalaki?

Mabuting harapin na niya ito ngayon. Mapatunayan sa sarili ang kaya at di-kayang gawin. Sa
kabilang banda, nahihintakutan siya sa posibleng mangyari: na kapag nasimulan na ang isang
bagay ay magkakaroon na ito ng sariling lohika.

Hinubad ni Jomi ang kanyang damit. Maliligo muna siya sa common bathroom bago galugarin ang
bahay.

Papunta sa banyo narinig niya ang langitngit ng ilang kama. Walang humpay at may tiyak na
ritmo. Nakakita rin siya ng isang malaking daga na pumupuslit paibaba ng enggrandeng
hagdanan.

Ang banyo na yata ang pinakamaliwanag na bahagi ng club. Sampung shower ang nakahilera sa
isang panig; walang dibisyon. Halos puno ang banyo. Ito na yata ang puno't dulo ng lahat.
Nahihiya man, wala nang magawa si Jomi. Tinanggal niya ang kanyang boxer shorts at naligo.
Muli, nararamdaman niya ang mga titig, ang panakaw na paglingon ng mga tao sa banyo. Hindi
niya magawang igala ang paningin, lutasin ang ilang katanungan: pareho ba ang hugis at anyo
ng mga ari? Hindi kaya kahiya-hiya ang sa kanya kumpara sa iba? Bakit sentro ito ng katauhan ng
ibang lalaki?

Humarap kay Jomi ang mamang nasa gawing kaliwa. Ngumiti sa kanya habang sinasabon ang ari.
Mga dalawampu't lima ang edad ng mama, kasing-edad ko, tantiya ni Jomi. May tipo kahit
maraming taghiyawat sa mukha at likod. Kumislot ang kanyang ari subalit pinigilan ng kanyang
utak ang paglaki nito. Instinct? Ito na ba iyon-nagsisimula sa pagtigas ng ari? Tinanguan niya ang
lalaki bilang pagbati ngunit ibinaling ang atensiyon sa pagsabon ng katawan upang ipahiwatig na
hindi siya interesado. Hindi niya pa gamay ang kakaibang wika ng lugar na ito.

Napansin niya na bihira sa lugar na ito ang baklang baklang-bakla ang galaw at anyo. Sa
katunayan, hindi niya pagdududahan ang mga tao rito kung makakasalubong sa labas. Ito na nga
yata ang tinatawag na mga paminta-mga lalaking-lalaki ang anyo subalit lalaki rin ang hinahanap.
Maaring katulad ko, pag-aamin ni Jomi. Ang mga ito ang tipong iniiyakan ng mga babae na hindi
magawang pagdudahan ang kanilang seksuwalidad. May mga mukhang regular sa gym. Mga
yuppy ang dating. Malinis sa katawan. May bigote ang ilan. Iba-iba rin ang lahi. May mga Tsinoy
at Tisoy. Wala talaga sa anyo ang kabaklaan, wala sa propesyon, lahi, edad, talino.

Mula sa banyo naisipan niyang galugarin ang bahay. Hindi niya kayang maghanap ng
makakausap dahil ano ang isasagot niya kung sakaling yayain siya. Sorry, observer lang ako.
Investigative journalist ako. Hindi, sinusukat ko lang ang haba ng pagkalalaki ko.

Tinawid niya ang sala at sinundan ang pasilyong mukhang patungo sa dating kusina ng bahay.
Higit na madilim dito kaya nagkukulumpunan ang mga lalaki rito. May nagyayakapan. May
nagmamasahe ng balikat at dibdib. May naghahalikan.

Pagliko sa isang kanto, may tumapik sa kanyang balikat. Napahinto siya. Gumala paibaba ang
kamay ng lalaki at pinisil ang kanyang ari na ikinagitla niya.

"Hi!" bati ng lalaki.


"Hi!" sukli rin ng nagitlang si Jomi.

"Wanna join me?" alok ng lalaki.

"I'm fine," nasambit ni Jomi habang papalayo.

Sinabayan siya ng lalaki: "Bago ka rito? Ngayon lang kita nakita."

"First time ko. Gusto ko lang tingnan dahil lagi ko na ring naririnig," ani ni Jomi.

"Let's go to my room," muling anyaya ng lalaki.

"Nag-oobserba lang talaga ako. Puwede tayong mag-usap lang, kung hindi mo mamasamain,"
sagot ni Jomi.

"Sige, doon tayo sa balcony sa itaas. Puwedeng manigarilyo doon."

Sa balkonahe ay may ilang upuan at kaunting liwanag mula sa isang poste. Nasa gawing likuran
ito ng bahay at mula rito ay maaamoy ang ilog Pasig at makikita ang nagtataasang gusali ng
Makati. Mag-aalas nuwebe na ngunit patuloy pa rin ang trabaho sa ilang itinatayong gusali.

May ilang lalaki rin ditong naninigarilyo. May nag-uusap.

"I'm Jim," pakilala ni Jomi.

"Lito. Regular dito," pakilala ng kausap habang iniaabot ang kamay. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Curiosity," sagot ni Jomi.

"Iyan ang ikinamatay ng maraming pusa," panunukso ni Lito.

"Actually, gumagawa ako ng research. Plano kong gumawa ng short film ukol sa club. Puwede ka
bang ma-interview?" patuloy ni Jomi.

"Oo naman. But you have to answer why you chose this place. Bakla ka ba?"

"Not really. Bisexual marahil," pag-aamin ni Jomi.

"Mayroon bang ganoon? Baka stage lang iyan. O front kaya?" sabi ni Lito.

"Sa tingin ko, may mga tao talagang sadyang ganito. Interesado sa dalawa. Puwedeng
magkarelasyon sa babae man o lalaki. Hindi ba may salitang silahis o bi? Naging cover story na
ito sa Newsweek at may mga artikulo na ukol dito," paliwanag ni Jomi.

"Pero weird ito. Baka in denial lang ang mga silahis. Marami kasi talagang takot amining bakla
sila. Kumbaga, para sa ikapapanatag ng kanilang konsiyensiya, sasabihin nilang bi sila. Easy way
out sakaling magkagulo," patuloy ni Lito.

"Marahil totoo ito sa ibang kaso. Subalit may tao talagang nagkakagusto, emotionally at sexually,
sa babae at lalaki. Iba-iba nga lang ang kanilang dahilan. Ikaw, titigasan ka ba sa babae?" tanong
ni Jomi.

"No way," sagot ni Lito.

"Well, ang bi tinitigasan sa babae at kaya nilang makipagtalik sa babae, na hindi magagawa ng
bakla," paliwanag ni Jomi.

"Subalit mas kanino sila tinitigasan, sa babae o lalaki? Kung mas matindi ang pagnanasa at mas
matigas ang ari kapag lalaki ang pinag-uukulan ng pansin, bakla siya," dagdag ni Lito.

"Maaari. Subalit hindi mo maitatatwa na kaya nilang makipagtalik sa babae. Na hindi magagawa
ng bakla," bawi ni Jomi. "Iyon nga lang, hindi mo naman talaga masasabi na fifty-fifty ang
atraksiyon. Maaaring sixty-forty, o seventy-thirty. Basta nandoon palagi ang dalawang bahagi."
"Well, okey. You may be right. I wouldn't know," banggit ni Lito.

"Anyway, what do you do?" tanong ni Jomi.

"Lawyer ako sa isang firm sa Makati. Ikaw?" tanong ni Lito.

"Graduate student ako," sabi ni Jomi.

"Ano, ayaw mo ba talaga?" muling anyaya ni Lito habang hinahawakan ang hita ni Jomi. "I like
your skin."

"Wala, nag-iikot lang talaga."

"See you then. Balik sa paghahanap. Mahirap na at baka maubusan," pamamaalam ni Lito.

Naiwan si Jomi sa balkonahe, sumakit ang ulo sa pakikipagdebate kay Lito. Naramdaman na
naman niya ang damdaming kailangan niyang ipagtanggol ang pag-unawa sa sarili. Napupundi
siya sa pangungulit ng kung sinu-sino. Galit siya sa mga lalaking pinagdududahan ang kanyang
katauhan dahil lamang iba ang kanyang mga interes at masyado siyang malinis sa katawan. Inis
din siya sa mga baklang itinuturing siyang kakatwa at ipokrito. Nararamdaman niya lagi ang
pagkakahon sa kanya. Namumulat na ang karamihan sa ipinaglalaban ng mga bakla subalit
mukhang anomalya para sa kanila ang isang silahis.

Pumasok na muli sa bahay si Jomi. Gusto muna niyang mahiga dahil nararamdaman niya ang
namumuong sakit ng ulo.

Bumalik siya sa kanyang silid. Sa pasilyo, napansin niya ang ilang silid na bukas ang pinto. Dahil
sa lampara, makikita ang tao sa loob na nagmamanman sa mga dumaraan, nag-aanyaya ang
mga mata. May isang mukhang Hapon na nakahiga, liyad ang dibdib; ginawang unan ang mga
kamay, ibinibilad ang malagong buhok sa kilikili at dibdib. Nakapikit ito, subalit malamang gising
at nakikiramdam. Sa isa namang kuwarto may mama na mga limampu ang edad, malaki ang
tiyan at tadtad ng ginto ang katawan. Sinitsitan nito si Jomi. Hindi niya ito pinansin. Sa katabi ng
kanyang kuwarto ay may pumasok na dalawang mama at, bago naisara ang pinto, nakita niyang
nakatawang humiga sa kama ang isa.

Napansin ni Jomi na mangilan-ngilan na lang ang tao sa mga pasilyo. Malamang nakatagpo na ng
makakaniig sa gabing ito.

Pumasok siya sa kanyang silid, isinara ang pinto at nahiga. Naririnig niya ang kaluskos mula sa
kabilang kuwarto at muling napansin ang musikang puwedeng sabayan sa pagtatalik.

Nararamdaman niya ang patuloy na pagkirot ng kanyang sentido. Alam niyang dala ito ng
maraming nakita at naranasan sa gabing ito. Dulot ng nakaambang desisyon na kailangang
harapin ngayong gabi.

Kung alam lang ni Tina kung nasaan siya ngayon. Magpapasalamat ito at hindi natuloy ang
kanilang kasal.

Subalit siya, masaya rin kaya dahil hindi natuloy ang kasal? Wala siyang maapuhap na sagot sa
simpleng tanong na ito. Kung natuloy ang kasal, malamang hindi na magkakapuwang ang
pagsasalawahang nararanasan niya ngayon. Malamang may isang anak na sila, may
hinuhulugang bahay, naghahanda para sa kinabukasan ng anak, nag-iimpok para makabili ng
mas magarang sasakyan. May mga pagdiriwang na paghahandaan at mga ritwal na dapat
daanan. Bibili ng Christmas tree na palalamutian tuwing Pasko. Na itatago sa buong taon.
Plantsado lahat ng damit, lahat ng plano. Magtatrabaho para sa pangangailangan ng asawa't
anak. At kakayahin niya ito. Gugustuhin.

Noon lang isang linggo, naranasan niya ang inggit at panghihinayang na hindi niya akalaing
mararamdaman niya. Sinamahan niya ang pamangkin na kumuha ng entrance test sa isang
eksklusibong mataas na paaralang panlalaki. Nakihalubilo siya sa mga magulang na naghatid at
nagbantay sa kani-kanilang binatilyo. Nagkakatuwaan ang mga ito, nagyayabangan ukol sa kani-
kanilang anak. Nabasa rin niya sa mukha ng ilan ang lungkot at pangamba habang inihahatid ng
tingin ang mga anak na papasok sa testing center. Nagbibinata na ang kanilang mga junior, ang
kanilang mga baby; nagkakaroon na ng sariling barkada. Simula na ng kanilang paglisan.
Mararanasan din kaya ni Jomi ang nagsasalimbayang damdaming ito at marami pang katulad na
karanasang laan lamang sa mga mag-asawa? Kapalit ng paggalugad ng atraksiyon sa kapwa
lalaki ang masalimuot subalit may kaayusang mundong ito!

Bumabalik din sa kanyang balintataw ang masasayang karanasan nila ni Tina. Ang malalalim
nilang usapan tungkol sa samutsaring bagay. Ang busilak na pag-ibig ni Tina na ni minsan ay
hindi niya pinagdudahan. Ang banayad nilang pagniniig na lipos ng paggalang. Ang makinis
nitong balikat, likod, siko, binti, tuhod, paa, daliri sa paa. Ang walang katumbas na lambot ng
kanyang pisngi, dibdib, tiyan, hita. Ang mabango niyang buhok at humahalimuyak na katawan.
Ang pikit-mata, walang-imik ta may ngiti sa labing pakikipagniig ni Tina.

Hindi madaling talikuran ang alaalang ito at ang malinaw at plantsadong daan ng heterosexual,
alam ito ni Jomi. Gayunman, alam din niyang hindi pa rin makatarungan sa sarili kung papatayin
niya ang isang bahagi ng kanyang katauhan na naghahanap ng katapat na kapwa lalaki lamang
ang makapupuno. Ng katawan at kakaibang katangian at ugali at kaluluwa ng kapwa lalaki.

Sa ganitong pagkakataon sasagi sa kanyang isipan ang kakaibang himig: Bakit kailangang isa
lamang ang piliin? Bakit dalawa lamang ang tanggap na kasarian? Bakit isa lang ang dapat
mapangasawa? Bakit malakas pa rin ang gapos ng batas ng nakararami? Bakit anomalya ang
sabay at salit-salitang pagnanasa sa babae at lalaki? Bakit kailangang pumili ng isa at
pangatawanan ito hanggang kamatayan? Bakit itim-puti, langit-impiyerno,babae-lalaki, mabait-
masama, init-lamig, gutom-busog,buhay-patay, Kanluran-Silangan pa rin ang iginigiit ng mundo?
Nasaan ang abo, purgatoryo, silahis, neutral, gitna, maligamgam at bahaghari?

Sa gitna ng pagtatanong na ito, sisiksik din sa isipan ni Jomi ang maaaring sagot: dahil maikli ang
buhay, dahil hindi magagawa at matutupad ang lahat nang naisin ng tao. Kailangang pumili ng
isa. Bumuo ng pagpapasya. Ang hindi pagbuo ng desisyon ang puno't dulo ng pagkatiwalag sa
katotohanan.

Hihinga nang malalim si Jomi upang payapain ang pagod na utak at unos sa kalooban. Pipiliting
maidlip. Subalit mahihirapan siya.

Alam niya na lalabas siya ng kuwarto, buo ang loob na makikitil ang pagnanasa sa kapwa lalaki
dahil nakayanang hindi matukso sa gabing ito. Aayusin niya ang kanyang damit, uuwi na,
tatawagan si Tina, mag-iisip ng pangalan sa magiging anak. Matutuloy ang pagpapakasal at
magiging ulirang ama at asawa. Gagawin niya ang kanyang responsibilidad. Hanggang
kamatayan. Subalit sa ngayon, isisilid muna sa jacket ang wallet, maliligo upang mawala ang
kumapit ng amoy ng club sa katawan. Sa shower room, makakasalubong ang isang bagong
dating na binata. Ngingitian siya nito. Magpapakilala. Babatiin ito ni Jomi. Sasabunin niya ang
sariling katawan nang paulit-ulit hanggang sa magkasugat-sugat ito. Mararamdaman niya ang
kakaibang lamig. Lalapit sa kanya ang binata at lilingon siya dito. Hahawakan siya sa kamay at
yayayain sa silid ng binata. Magpapahinuhod si Jomi. Papasok sila sa kuwarto at isasara ang
pinto. Tatanggalin ng binata ang tuwalya ni Jomi. Hahalikan sa dibdib at didilaan ang kanyang ari.
Na unti-unting nabubuhay. Gagalugarin ng kamay at dila ang nasusunog na katawan Paglalaruan
ang mga utong. Hahanapin ang kiliti ng katawan. At magsisirko sila. Sabay na bubulusok.
Lalangoy. Lilipad. Maingat na maingat na lilipad.

*****wakas*****
Impeng Negro
Maikling Kwento ni Rogelio Sikat
(Ikalawang Gantimpala, Palanca Awards 1999)

"BAKA MAKIKIPAG - AWAY ka na naman, Impen."

Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan,
saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay.

"Hindi ho," paungol niyang tugon.

"Hindi ho...," ginagad siya ng ina. "Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo'y lagi ka ngang
mababasag-ulo."

May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga
iyon. Paulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga.

Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay, pinagkiskis
ang mga palad at pagkaraa'y naghilamos.

"Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo," narinig niyang bilin ng ina. "Wala

nang gatas si Boy. Eto ang pambili."

Tumindig na siya. Nanghihinamad at naghihikab na iniunat ang mahahabang kamay. Inaantok pa


siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na kanyang higaan. Ngunit kailangang lumakad na siya.
Tatanghaliin na naman bago siya makasahod. At naroon na naman marahil si Ogor. Kahit siya
ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa pagsahod.

Umiingit ang sahig ng kanilang barungbarong nang siya'y pumasok.

"Nariyan sa kahon ang kamiseta mo."

Sa sulok ng kanyang kaliwang mata'y nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang kaliwang
paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding. Nakalugay
ang buhok. Bukas ang kupasing damit na giris, nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib. Kalong
nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo.

"Mamaya,aka umuwi ka namang...basag ang mukha."

Bahagya na niyang maulinigan ang ina. Nakatitig siya sa tatlo pa niyang kapatid. Sunudsunod na
nakatalungko ang mga ito sa isa pang bangkong nas atagiliran ng nanggigimalmal na mesang
kainan.nagsisikain pa.

Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumunod sa kanya. Maputi si Kano, kaya
ganito ang tawag dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid. Marurusing
ngunit mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya nama'y maglalabing-anim na. Payat siya
ngunit mahahaba ang kanyang biyas.

Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang mga damit nila nina
Kano, Boyet at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta. Hinawakan
niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat.

"Iyan ang isuot mo." Parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip.

Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat sa kanya ang kamisetang iyon noong bagong bili ngunit
ngayo'y maluwag na. Nagmumukha siyang Intsik-beho kapag suot iyon ngunit wala naman siyang
maraming kamisetang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada; mahina rin
ang kanyang kita sa pag-aagwador.
Nagbalik siya sa batalan. Nang siya'y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy niyang
tinungo ang hagdan.

"Si Ogor, Impen," pahabol na bilin ng kanyang ina. "Huwag mo nang papansinin."

Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na siyang
madapa nang matalisod sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan.

Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw
siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw gayon

ito: basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang hindi siya
makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunuksyo sa kanya sa gripo, lalung-lalo
na mula kay Ogor.

Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsisimula ng panunukso:

"Ang itim mo, Impen!" itutukso nito.

"Kapatid mo ba si Kano?" isasabad ng isa sa mga nasa gripo.

"Sino ba talaga ang tatay mo?"

"Sino pa," isisingit ni Ogor, "di si Dikyam!"

Sasambulat na ang nakabibinging tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor ang
kinikilalang hari sa gripo.

Noong una, sinasagot niya ang mga panunuksong ito:

"E ano kung maitim?" isasagot niya.

Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni Ogor. Pagkuwa'y bigla na lamang nitong
kakayurin ng hintuturo ang balat sa kanyang batok.

"Negrung-negro ka nga, Negro," tila nandidiring sasabihin ni Ogor. Magsusunuran nang manukso
ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon: Tingnan mo ang buhok. Kulot na kulot!
Tingnan mo ang ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso...Namamalirong!

Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinasabi niya sa sarili.
Negro nga siya. Ano kung Negro? Ngunit napapikit siya. Ang tatay niya'y isang sundalong Negro
na nang maging anak siya'y biglang nawala sa Pilipinas.

Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya ngang pinagmulan ng nakaraan nilang
pagbababag ni Ogor, ay ang sinabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama ang
kanyang ina?)

"Sarisari ang magiging kapatid ni Negro," sinabi ni Ogor. "Baka makatatlo pa ang kanyang nanay
ngayon!"

Noong kabuntisan ng kanyang ina sa kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa.

Hindi malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng
lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang
barungbarong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At siya ang napagtuunan ng sarisaring
panunukso.

Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At mulanoon, nagsimula nang umalimpuyo sa
kanyang dibdib ang dati'y binhi lamang ng isang paghihimagsik: nagsusumigaw na paghihimagsik
sa pook na iyong ayaw magbigay sa kanila ng pagkakataong makagitaw at mabuhay nang
payapa. Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang
tinatalunton niya ang mabatong daan patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga barungbarong,
nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng mga iyon. Sa kanya rin napapatingin ang
matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi nababasa
nya ang isinisigaw ng mga paslit: Negro!

Napapatungo na lamang siya.

Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw, nakikita
na niya ang langkay ng mga agwador. Nagkakatipun-tipon ang mga ito. Nagkakatuwaan.
Naghaharutan.

Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala niya ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa
mula't mula pa, itinuring na siya nitong kaaway, di kailanman binigyan ng pagkakataong maging
kaibigan.

Halos kassingulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si Ogor.
Tuwid ang tindig nito at halos hindi yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig; tila sino mang
masasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan. Nang marating niya ang gripo ay tungo ang
ulog tinungo niya ang hulihan ng pila. Marahan niyang inalis sa pagkakakawit ang mga balde. Sa
sarili, nausal niyang sana'y huwag siya ang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng
mga agwador.

Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kutod
niyang maong. May isa pang nagpapaigib sa kanya.Diyes sentimos na naman. Kapag tag-araw ay
malaki-laki rin ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa kanilang pook. At bihira
ang may poso.

Tanghali na akong makauuwi nito, nausal niya habang binibilang sa mata ang mga nakapilang
balde. Maluwag ang parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng pila'y nasa
labas pa niyon.

Di-kalayuan sa gripo ay may isang tindahan.

Sa kalawanging medya-agwa niyon ay nakasilong ang iba pang agwador. May naghubad na ng
damit at isinampay na lamang sa balikat. May nagpapaypay May kumakain ng halu-halo.

Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. Pnilit niyang supilin ang
hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumingisi. Mauupo na
lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa roon, kahit nakabilad sa init. Pasasaan ba't di iikli ang
pila? naisip niya.

Makasasahod din ako.

Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang siga mula sa tindahan:

"Hoy, Negro, sumilong ka. Baka ka pumuti!"

Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na
naman.

"Negro," muli niyang narinig, "sumilong ka sabi, e. Baka ka masunog!"

Malakas ang narinig niyang tawanan. Hindi pa rin siya lumilingon. Tila wala siyang naririnig.
Nakatingin siya sa nakasahod na balde ngunit ang naiisip niya'y ang bilin ng ina, na huwag na
niyang papansinin si Ogor. Bakit nga ba niya papansinin si Ogor?

Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde. At
habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Sa paligid ng
balde, nakikia niya ang kanyang anino. Tumingala siya ngunit siya'y nasilaw. Nanghahapdi at
waring nasusunog ang kanyang balat. Tila ibig nang matuklap ang balat sa kanyang batok, likod
at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang anit at sa ibabaw ng kanyang nguso. maybutil na rin
ng pawis sa kanyang ilong.
Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di natagalan,
isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa balde. Una niyang binasa ang batok---kaylamig at
kaysarap ng tubig sa kanyang batok. Malamig. Binasa niya ang ulo. Kinuskos niya ang kanyang
buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya ang balikat, ang mga bisig. May nadama
siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon. Di nagtagal, muli niyang naramdaman na tila
nangangalirang na naman ang kanyang balat. Kay hapdi ng kanyang batok at balikat.

"Negro!" Napauwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran lamang niya ang
nagsalita. Si Ogor.

"Huwag ka nanag magbibilad. Doon ka sa lamig."

Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli
niyang nakita na nginingisihan siya nito.

Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni ogor. Napabuntong-hininga siya nang
makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga balde. Sa wakas, aalis na si Ogor, naisip niya. Aalis na
si Ogor. Huwag na sana siyang bumalik.

May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng


sinundang balde. Susunod na siya. Makaka sahod na siya. Makakasahod na rin ako, sabi niya sa
sarili.pagkaraan ng kargang iyon ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba. Bibili ng
gatas.

Datapwa, pagkaalis ng hinihintay niyang mapunong balde, at isasahod na lamang ang sa kanya,
ay isang mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa kanyang balikat. Si Ogor
ang kanyang natingala. Malapit lamang pala ang pinaghatidan nito ng tubig.

"Gutom na ako, Negro," sabi ni Ogor. "Ako muna."

Pautos iyon. Iginitgit ni Ogor ang bitbit na balde at kumalantog ang kanilang mga balde. Iginitgit
din niya ang sa kanya, bahagya nga lamang at takot na paggitgit. "Kadarating mo pa lamang,
Ogor, nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila rito, a. Ako muna sabi, e," giit ni Ogor.

Bantulot niyang binawi ang balde, nakatingin pa rin kay Ogor. Itinaob niya ang kaunting nasahod
na balde at ang tubig ay gumapang sa semento at umabog sa kanilang mga paa ni Ogor. Uuwi na
ako, bulong niya sa sarili. Uuwi na ako. Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin sa araw,
humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni
Ogor.

"Ano pa ba ang ibinubulong mo?"

Hindi n a niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanan niyang pisngi sa labi ng nabiawang
balde. Napasigaw siya. Malakas. Napaluhod siya sa madulas na semento. Kagyat na bumaha ang
nakaliliyong dilim sa kanyang utak. Habang nakaluhod, dalawang kamay niyang tinutop ang
pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon.
Basa...Mapula...Dugo!

Nanghilakbot siya. Sa loob ng isang saglit, hindi niya maulit na salatin ang biyak na pisngi.
Mangiyak-ngiyak siya.

"O-ogor...O-ogor..." Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad. Kumikinig
ang kanyang ulo at nangangalit ang kanyang ngipinz

"Ogor!" sa wakas ay naisigaw niya.

Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal ang lahat
ng baldeng nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At samantalang
nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga mata ang mga pang
alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya
Bigla siyang bumaligtad. nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma ang mga
bisig.

"O-ogor..."

Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at nakangangang napapikit siya. Pumuslit ang luha sa
sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdaman ang
isang ubos-lakas na sipa sa kanyang pigi. Napasigaw iya. Umiiyak siyang gumuglong sa basa at
madulas na semento. Namimilipit siya. Tangan ang sinipang pigi, ang buong anyo ng nakaangat
niyang mukha'y larawan ng matinding sakit.

Matagal din bago napawi ang paninigas ng kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang kanyang
mga mata nang siya'y bumangon at itukod ang mga kamay sa semento.

Si Ogor...Sa mula't mula pa'y itinuring na siya nitong kaaway...Bakit siya ginaganoon ni Ogor?

Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang muling
aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli ay tila nauulol na asong sinunggaban
niya iyon at niyakap at kinagat.

Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor.nagyakap sila. Pagulung-gulong. Hindi siya


bumibitiw. Nang siya'y mapaibabaw, sinunud-ssunod niya: dagok, dagok, dagok... pahalipaw...
papaluka...papatay.

Sa pook na iyon, sa nakaririmarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila. Marumi ng
babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak. At siya isang maitim, hamak na Negro! Papatayin niya
si Ogor. papatayin.

Papatayinnn!

Dagok, dagok, dagok...Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit
makapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay. Sa isang iglap siya naman ang
napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya. Tatagilid. Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya naiilagan
ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit siya. Mangungudngod siya, mahahalik sa
lupa. Ngunit wala siyang nararamdaman sakit. Wala siyang nararamdamang sakit!

Kakatatlo ng asawa si Inay. Si Kano...si Boyet...si Diding...At siya...Negro.

Negro. Negro!

Sa mga dagok ni ogor, tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos-lakas at nag-uumiri siyang
umigtad napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni Ogor. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok,
bayo, dagok...Kahit saan. Sa dibdib. Sa mukha. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, dagok,
dagok...

Mahina na si ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na ang nagsasanggang kamay.

Humihingal na rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata.
Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...

Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor.

"Impen..."

Muli niyang itinaas ang kamay.

"I-Impen..." Halos hindi niya narinig ang halingling ni Ogor. "I-Impen...s-suko n-na...aako...s-
suko...n-na...a-ako!"
Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya

Abut-abot ang pahingal. makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang
tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang
kanyang likod. May basa ng dugo't lupa ang kanyang nguso.

Maraming sandaling walang nangahas magsalita. Walang makakibo sa mga agwador. Hindi
makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya. Isa-isa niyang tiningnan ang mga
nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito. Ang nababakas niya'y paghanga.
Ang nakita niya'y pangingimi.

Pinangingimian siya!

May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang mga
kamao. nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan.
Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa'y nakapikit at buka ang labing nag-
angat siya ng mukha.

Sa matinding sikat ng araw, tila sya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig
sa pinagwagiang larangan.

*****wakas*****
Ang Pangat, ang Lupang Ninuno,
at ang Ilog
Maikling Kwentong Pambata ni Luz Maranan
Umupo si Apong Chumallig sa ator para magpahinga. Halos dalawang oras niyang karga ang
kanyang apo at gumising lang ang sanggol nang dumating ang nanay nito na galing sa payao.
Hindi pa halos lumalapat ang likod ng matanda at naiuunat ang kanyang mga binti para kunin
ang nasa kanyang bulsa, nang makita niyang tumatakbo ang mga bata mula sa paaralan.
Inihanda niya ang bunga at dahon na bubudburan ng apog para sa nganga na

kanyang ngunguyain.

“Apong! Apong! Kuwentuhan n’yo po ulit kami!” sabay-sabay na bati sa kanya ng mga bata.

“Hindi n’yo po natapos noong huling nagkuwento kayo sa amin! Ikuwento n’yo po uli ngayon,
Apong!” pakiusap ni Wanay sa matanda. Natuwa si Apong Chumallig sa masayang ingay ng mga
batang nakapaligid sa kanya. Binalumbon niya ang lumang lalagyan ng kanyang paboritong
aliwan at ibinulsang muli.

“O siya, magkukuwento ako, pero kailangang umuwi kayo agad kapag tinawag na kayo ng inyong
mga magulang para hindi sila nag-aalala, lalo pa ngayon na basta na lamang pumapasok ang
mga sundalo rito sa atin nang walang paalam kay Kapitan,” wika ng matanda.

“Ngunit Biyernes po ngayon, Apong, at sabi ni Ina ay maaari kaming magtagal dito para makinig
sa inyong kuwento,” giit ni Wanay. “Nakita namin kanina ang mga sundalong tumawid sa tulay at
sabi ng titser ay doon muna sila sa kanilang kampo sa haywey. Kaya’t maaari po tayong
magkuwentuhan nang matagal!” dugtong pa niya.

“Kukuha po kami ni Wanay ng kahoy na panggatong para sa ating anido,” masayang


nagboluntaryo si Simay.

“Opo, Apong, lahat kami ay maaaring tumulong sa pagkuha ng panggatong para mas matagal
ang ating anido,” halos magkakasabay na wika nina Sim, ang pinakamatanda, at ang iba pang
mga bata.

“O siya, siya, maaaring manatili lahat dito at makinig sa buong kuwento. Inuulit ko, kapag
tinawag kayo ng inyong mga magulang, lahat kayo’y dapat umuwi, malinaw ba?” atas ng
matanda, sabay yuko upang idura ang mapulang nganga. Ang mga bata’y mabilis na
nagsitakbuhan. Bago pa man niya maiunat muli ang pagód at nirarayumang binti, at habang
minamasdan ang namumulang langit, ay nakabalik na ang mga bata na may bitbit na
panggatong. Iniayos ni Sim ang salansan ng mga kahoy sa tabi ng matanda.

“Apong, sabi n’yo po noong huling kuwento, ang ibang ninuno ay tumawid ng mga bundok at
ilog, at may hawak pa silang sibat at panangga upang makidigma sa ibang tribu. At pag-uwi nila
ay dala-dala ang mga ulo ng kanilang tinalong kalaban,” ang sabi ni Simangon, na pinakabata sa
mga tagapakinig ng matanda.

“A, yun ay noong sinaunang panahon, Simangon. Matagal na matagal nang panahong nakalipas,”
wika ni Banatao. “Noong huli tayong nandito, inumpisahan ni Apong ang kuwentong naganap
noong bata pa ang ating mga magulang. Ang sabi niya, kinailangan nilang makiisa sa iba pang
mga tribu laban sa mga kaaway mula sa ibang lugar. Hindi po ba, Apong?” dagdag ni Banatao.

“Oo tama ka, yan na nga ang ikukuwento ko sa inyo ngayong gabi. Dumating ang panahon na
ang mga tribung Kalinga at Bontok ay nangailangang palakasin at pahigpitin ang kanilang bodong
at nangakong ipagtanggol ang mga mamamayan at ili. Isang magiting na taga-Bugnay, na
karatig-ili natin, ay itinuturing na bayani ngayon sapagkat nanindigan siya at hinikayat niya ang
lahat na magkaisa at lumaban upang ang aming mga anak, na siyang mga magulang ninyo
ngayon, at ang mga magiging anak nila ay maaari pa ring mabuhay sa magandang lupaing
ipinamana ng mga ninuno,” wika ng matanda.
Sinusuyod ng mga mata niya ang mga kinakalawang na mga bubong na ngayo’y sumasanib
kabundukan.

“Nakilala n’yo po ba siya? Kaibigan n’yo po ba siya?” tanong ni Wanay.

“Kilala ko ba ‘kamo siya? Magkababata kami at sabay kaming lumaki! Kasama ng aming mga
kaibigan, ako at si Macliing Dulag ay masayang lumalangoy noon sa Ilog Chico, tumatalon mula
sa mga higanteng bato na hinahampas ng malalakas na agos. Kapag kami’y nagutom,
hinaharangan namin ng mga bato ang agos at ang mga isda ay nakukulong namin kaya’t madali
naming nahuhuli ang mga ito sa pamamagitan ng aming mga buslo. Kapag maraming huli, inuuwi
namin ito upang lutuin. A, makapangyarihan at mapagbigay ang ilog! Kung minsan naman,
dumadako kami nina Macliing sa gubat at doon ay usa naman at baboy-damo ang aming
nahuhuli,” salaysay ng matanda.

“Hindi po kayo pinapagalitan ng inyong mga magulang, Apong?” pilyong tanong ni Banatao.

“A, hindi, sapagkat alam ng aming mga magulang na hindi kami mangangahas pumunta sa
kasukalan ng gubat o kaya’y maglaro sa mga bukal na pinanggagalingan ng tubig na iniinom ng
ili. Maingat din kami na huwag lumayo o gumawa ng di tama o maminsala sa mga hangganan o
lupain ng mga kalapit na tribu.” Inayos ng matanda ang apoy sa harapan niya.

“Bago kami maglaro nina Macliing, tumutulong muna kami sa aming mga Ina na magpakain ng
mga baboy at manok. Sabay-sabay pa kaming pumupunta sa payao para paalisin o bugawin ang
mga ibon na kumakain sa palay. Napakagandang tingnan ang tanim na parang ginto sa araw at
nakayuko na tila nag-aalay, dahil handa nang anihin.” Huminto siya sa pagsasalita at
pinagmasdan ang mga batang matamang nakikinig.

“May mga araw ding hindi kami makapaglaro nina Macliing sapagkat pumupunta siya at ang
kanyang mga kapatid at Ina sa uma upang mag-ani ng kamote. Kung minsan, may bitbit siyang
sako para manguha ng gulay sa kanilang uma.”

“Nagtutulungan po rin ba kayo sa mga asaynment sa eskwelahan?” tanong ni Simay.

“A, iba ang panahon noon. Hindi kami nakapag-aral dahil walang mga paaralan sa mga ili. Natuto
kami sa mga itinuturo ng mga magulang at mga apong naming tungkol sa maraming
bagay...minanang lupain, mga buhay ng aming mga ninuno, mga dahilan ng digmaan ng mga
tribu, mga dapat tandaan sa pangangalaga ng kapaligiran lalo na ang ilog at kagubatan. At ang
karamihan sa mga pag-aaral na ito ay sa pamamagitan ng mga awit at salaysay,” ang
pagmamalaking sagot ng matanda.

“E di paano po naging dakilang tao at bayani ang inyong kaibigan kung hindisiya nakapag-aral?”
pahamon na tanong ni Simangon.

“Lumaking mabuting tao si Macliing. At matapang! Noong panahon ng digmaan at salakayin ng


bansang Hapon ang ating bayan, magiting siyang tumulong sa mga gerilya na lumaban sa mga
sundalong Hapones,” ang tugon niya.

“Kayo po, nakipaglaban din po ba kayo sa mga kaaway, Apong?” tanong ng mainiping si
Wanay.Umiling ang matanda.

“Ako? Hindi. Pero si Macliing, talagang matapang siya at buo ang loob niya. Naging taga-buhat
siya ng mga gamit ng mga gerilya nakipaglaban. Nang matapos ang digmaan, bumalik sa dating
daloy ang buhay dito. Naging magsasaka na si Macliing tulad ng lahat sa ili ─ nagbabantay sa
mga taniman, nangangahoy, nagingisda sa ilog, nagtitinda ng labis na pananim para magkaroon
ng kaunting pera...” bahagyang humina ang boses ng matanda at dumura ito ng nganga.

“Ano po ang nangyari kay Apo Macliing at naging bayani?” sabay-sabay na tanong ng mga bata.
“Napangasawa ni Macliing ang byudang si Umagon at sila ay nagkaroon ng anim na anak, dagdag
ang isang anak ni Umagon sa yumaong asawa. Nang namatay si Umagon, napangasawa ni
Macliing si Samon pero hindi na sila nagkaanak. Naging mabait na asawa’t ama si Macliing. Kahit
na malaki ang kanyang pamilya, hindi siya nagkulang magmalasakit at magpakita ng magandang
–loob sa kanyang mga kailian. At dahil dito, siya ang nahirang na kapitan ng kanilang baryo.
Umani siya ng paggalang ng iba pang karatig na ili at tribu dahil sa kanyang mahusay na
pamamalakad. Kaya siya’y itinuring na pangat. At alam niyo ba, bukod sa pagiging pangat,
nanilbihan din siya sa lokal na ahensya ng pamahalaan bilang kaminero? Alam niyo ba ang ibig
sabihin noon?” ang tanong ng matanda sa matamang nakikinig na mga bata.

“Tagalinis po ng kalsada, Apong?” ang sagot ni Banatao.

“Oo, masasabi mong ganoon nga. Ngunit higit pa roon, tinitiyak ng kaminero na ang kalsada o
daan ay laging maayos, na agad naaasikaso ang mga sira nito upang ang mga manlalakbay o
pasahero ay hindi nalalagay sa panganib o hindi naaantala ang byahe ng mga sasakyan,” ang
paliwanag ng matanda habang dumudukot muli ng nganga sa kanyang lukbutan.

“Ang ibig n’yo pong sabihin, naging bayani siya dahil inayos niya ang kalsada?” ang pabirong
tanong ni Simangon at nagtawanan ang mga bata sa tabi niya. Hindi agad sumagot ang matanda,
bagkus ay napatingin sa malayo, lampas sa mga bubungan ng mga bahay na ngayo’y nasisinagan
na ng liwanag ng buwan. Sinalamin ng mga mata niya ang apoy mula sa anido.

“Wala pang sumunod na pangat ang makapapantay sa katapangan at matibay na paninindigan ni


Macliing. Siya ay buong giting na humarap sa mga taong nagnais magdala ng panganib at
pagkawasak sa ating katutubong pamayanan,” ang malinaw na pahayag ng matanda.

“Ilampung taon na ang nakararaan, noong panahon ng diktadura sa Pilipinas, dumating ang balita
dito sa atin na ang pamahalaan sa Maynila ay nagbabalak magtayo ng malalaking dam dito sa
ating ilog. Isang dambuhalang dayuhang bangko ang magbibigay ng salapi para maitayo ang
proyekto nila rito. Isipin n’yo na lang kung paano nila babahain ang ating mga ili, sisirain ang mga
payao sa bundok at ang mga bahay natin!” Halos pigil ng mga bata ang kanilang hininga habang
nakikinig sa matanda.

“Mabilis na kumalat ang balita at bago pa man kami nakaisip ng mga hakbang ay nakapagpadala
na sila ng mga sundalo na titiyak na maisasagawa ang balak nila! May mga dalubhasa pa silang
kasama, gaya ng inhinyero, na magsasagawa raw ng sarbey dito!” halos manginig ang tinig ng
matanda.

“Hindi kami nag-aksaya ng panahon. Nagtawag si Macliing ng pulong at sinabi niyang humanda
kaming humarap sa mga taga-labas na tiyak na mangungumbinsi na pumayag kami sa balak nila.
Naku, mga matataas na opisyal ang pumunta dito para ipaliwanag na ang mga dam ay
kailangang ipatayo sa ating ilog para sa kaunlaran at kabutihan ng lahat!” galit ang tinig ng
matanda.

“Ano po ang sinabi ni Apo Macliing sa kanila?” magkahalong pananabik at pagaalala ang
pagtatanong ni Sim.

“Inaway po ba sila ni Apo Macliing?” hindi nakatiis na tanong naman ni Wanay. Parang bumalik
ang matanda sa panahong isinasalaysay niya.

“Matapang na humarap si Macliing sa mga sundalong nagtatanong ng katibayan ng pag-aari ng


mga katutubo sa lupang sisirain ng pamahalaan. At ito ang kanyang sagot:

Tinatanong ninyo kami kung pag-aari namin ang lupain at kinukutya ninyo kami sa pagtatanong
kung nasaan ang titulo namin? Kahambugan ang ariin mo ang lupa, sapagka’t ikaw ang aariin ng
lupa! Paano mo aariin ang lupang mananatili kapag ikaw ay patay na?’

“Lalong nagalit ang mga opisyal sa pahayag na ito ni Macliing dahil alam nila na ang kaharap nila
ay isang matigas ang ulong pinuno ng tribu!” patawang sabi ng matanda.
“Paulit-ulit kaming nakiusap na huwag na nilang ituloy ang kanilang balak dahil malilipol ang
ating lahi. Parang bingi at bulag ang pamahalaan sa mga pakiusap na ito,” dagdag ng matanda.

“Talagang masasama ang mga taong ‘yun na nais tayong ipahamak!” ang dating tahimik na si
Simay ay di na rin nakatiis magbulalas ng kanyang niloloob.

“Kaya, ang sabi ni Macliing, ihanda namin ang aming mga sandata sapagkat ang pamahalaan at
ang pangulong si Marcos sa Malacañang ay tiyak na gagawa ng paraan upang ituloy ang mga
dam. Patuloy ang kanilang mga pananakot, gamit ang mga malalakas na sandata nila. Inaresto
nila at ikinulong ang marami sa amin. Inutusan pa ni Marcos ang kanyang opisyal na si Elizalde
na suhulan kami. Dinala dito ang mga trak na puno ng mga pagkain at kung anu-ano pang mga
gamit at bagay na sa akala nila ay magpapahinuhod sa amin na pumayag na sa dam. Sinunod
namin si Macliing na nanindigan sa gitna ng pananakot at panunuhol ng pamahalaan,” ang
pagmamalaking sabi ng matanda. Yumuko si Apong Chumallig para ayusin ang mga kahoy sa
apoy. At saka siya nagpatuloy ng pagsalaysay.

“Sintapang ni Macliing ang matatandang kababaihan na noong una ay nagsusumamo at


nakikiusap lamang sa mga may-kapangyarihan. Ngunit sa kalaunan, nang sila ay di rin pakinggan,
buong tapang silang sumalakay sa kampo at sinindak ang mga sundalo’t empleyado doon. Bilang
pahayag ng kanilang matibay na pagsalungat at pagtutol sa mga dam, nagtanggal sila ng
kasuotan at binaklas ang mga tolda sa kampo. Tiniyak nila na di na mapapakinabangan ang mga
makinang gagamitin sana upang sirain ang buhay at lupain ng mga katutubo! Walang magawa
ang mga empleyado at sundalo kundi lisanin ang kampo nila. Wala silang laban sa tatag at
tapang ng mga kababaihan!”Bagamat nanginginig ay may pagmamalaki ang tinig ng matanda.
Nagpalakpakan ang mga bata.

“Kung kami ay buhay na noon, tiyak na sasama kami sa inyo sa paglaban!” halos sabay na winika
nina Wanay at Banatao. Napangiti ang matanda sa tinuran ng dalawang bata.

“Dinala pa nga ni Elizalde si Macliing sa isang malaki at mamahaling otel sa Maynila at doon,
sinubukan muling suhulan ang pangat. Ngunit nabigo siyang muli nang sabihin sa kanya ni
Macliing: ‘Ang sobreng ito ay maaari lamang maglaman ng dalawang bagay ─liham o pera.

Kung liham, hindi naman ako marunong magbasa. At kung pera, wala naman akong ipinagbibili.
Kaya kunin n’yo ang sobre n’yo at umalis na kayo!’ Muling nagpalakpakan ang mga bata.

“Lalo lamang itong nagpagalit sa mga tauhan ng pamahalaan. Isang gabi, habang natutulog si
Macliing at ang kanyang pamilya, pinalibutan ng mga traydor na sundalo ang kanyang bahay at
pinaulanan ito ng bala. Ang aking kaibigan at aming pangat Macliing ay agad binawian ng buhay
sa dami ng tama sa katawan,” magkahalong lungkot at galit ang naramdaman ng matanda sa
kanyang pagsasalaysay.

“Mga halimaw pala sila!” ang sigaw ni Wanay.

“Ngunit alam ba ninyo, na pagkamatay ni Macliing, sa halip na manahimik at pumayag, ay lalo


lamang tumapang ang mga tao sa pagharap sa mga nagbabalak ng dam? At gaya ng nauna,
patuloy ang pagdakip at pagdala sa ilan sa amin sa kulungan sa poblasyon. Ang mga apong na
babae ay matiyagang naglakad nang malayo para dalhan kami ng pagkain at makiusap sa mga
opisyal ng militar na palayain na kami,” patuloy ng matanda.

“Ano po ang ginawa ng iba?” tanong ni Sim.

“Marami sa amin, oo, kabilang na ang mga magulang ninyo na kabataan noon ay humawak na ng
sandata at sumama sa mga bagong mandirigma ng Kordilyera upang ipagtanggol ang ating
lupaing ninuno,” sagot ng matanda.

“Kung ganoon ay natalo po ang kalaban? Matatapang kasi ang mga magulang namin!” bulalas ni
Banatao.
“Oo, di nagtagal, nakita ng pamahalaan na napakalakas ng suporta sa mga mamamayang Kalinga
at Bontok laban sa dam. Mula sa iba’t ibang lugar dito sa bansa, pati na mula sa ibayong dagat,
malakas ang panawagan sa pamahalaan na itigil na ang balak nito. Bumuhos ang tulong sa
kilusan ng mga katutubo laban sa dam. Sa wakas, binawi ng dayuhang bangko ang plano nito.
Hindi na rin nagawang ipilit ng pamahalaan ang nais nito sa harap ng pagtutol ng mamamayan,”
paliwanag ng matanda.

Naaninag niya sa dilim ang sumisilay na ngiti sa mukha ng mga bata.

“Ngayon, alam na ninyo kung paano nagiging pangat at dakilang bayani ang isang tao na may
paninindigan at kagitingan.” Nakita ng mga bata ang unti-unting kapaguran sa anyo ng matanda.

“Huwag ninyong kalilimutan ang kuwento ni Pangat Macliing...” marahang sumandal ang matanda
sa bato. Nagkatinginan ang mga bata at alam nilang lubhang napagod ang matanda sa
pagkukuwento sa kanila.

“Apong, sasabihin po namin kay Ama at Ina ang lahat ng naibahagi ninyo sa amin ngayong gabi,
para hindi rin nila ito makalimutan,” wika ni Wanay at tumango ang mga inaantok na ring mga
kalaro.

“Ah, hindi pa nila nakakalimutan ang kuwentong iyan. At balang araw, uulitin nila sa mga
magiging anak ninyo ang kuwento ng buhay ng Pangat, ng lupang ninuno at ng ilog...gaya ng
ginagawa natin ngayon,” halos pabulong na sabi ng matanda.

“Siya, magsiuwi na kayo. Kailangan ko na ring magpahinga at naubusan na ako ng kuwento sa


dami ng inyong mga tanong,” pabirong dagdag niya habang nakatitig sa ngayo’y nagbabagang
anido.

“Paalam na po, Apong Chumallig! Salamat sa kuwento ninyo. Sana po ay mayroon uli kaming
mapakinggang kuwento mula sa inyo!” masiglang wika ng mga bata habang nagsisipagtayuan
upang umuwi na sa kanilang mga tahanan. Nang nakauwi na ang lahat, lumatag ang katahimikan
sa buong ili habang hinihintay ng matanda na lumamlam ang liwanag mula sa mga baga.

*****wakas*****
Ang Batang Nanaginip na Siya’y
Nakalilipad
Maikling Kwentong Pambata ni Ed B. Maranan
NOONG SIYA'Y PASLIT PA LAMANG, madalas managinip si Selina na siya'y tinubuan ng pakpak, at
malaya siyang nakalilipad sa langit, sumisisid sa himpapawid, tumutulay sa bahaghari,
pumapaimbulog sa loob at labas ng mapuputing ulap. Nakatunghay siya sa isang planetang
luntia't bughaw, sa mga bukid at bundok, sa mga ilog at dagat.

Buong-buo ang kanyang pakiramdam na lahat ng ito'y nangyayari nga sa kanya. Walang
kasinggaan ang kanyang katawan. Damang-dama niya ang hugos ng hangin, ang salakab ng
araw sa kanya sa papawirin, ang halumigmig ng ulap, ang nakalululang bulusok at muling
pagsibad paakyat sa langit! Sa kanyang paglingon, natanaw niyang humahabol ang kanyang mga
kaibigan: ang maya, ang tutubi, at ang paruparo.

Biglang-bigla, lulukob muli ang gabi. Ang ulap ay mahahalinhan ng mga anino sa dilim. Ang
magaan-pa-sa-hanging pakiramdam ay magiging simbigat-ng-batong kalungkutan. Lagi siyang
nagigising sa madaling-araw kapag naglalahong parang bula ang panaginip, at bawat paghugot
niya ng hininga ay may kasamang kirot na hindi niya maunawaan.

Nang lumaon, paminsan-minsan na lamang kung siya'y dalawin ng panaginip na iyon. Napansin
ng kanyang mga magulang ang kanyang pagkalungkot. Ikinuwento niya ang panaginip, at ang
pagdalang ng dalaw nito sa kanyang pagtulog. Natawa na lamang ang kanyang mga magulang,
napailing ang mga ito.

“Baka ang panaginip mo ay maging pangarap, na di kayang abutin at napakataas!” ang sabi ng
kanyang Itay, na natatawa-tawa.

“Anak, huwag ka nang mangarap na maging anghel. Anghel ka na sa amin, kahit wala kang
pakpak!” ang sabi ng kanyang Inay.

Sa pagdaraan ng maraming taon, kinasabikan niya ang pagbabalik ng panaginip. Kinasabikan


niyang muling mahaplos sa kanyang likod ang magilas na mga pakpak na naghatid sa kanya sa
matatayog na ulap.

Ang daigdig ng batang si Selina ay isang maayang bukid. Doon, masaya ang kanyang buhay, at
lagi siyang umaawit. Tulad ng mahiwagang pakpak, ang awit ay bigla na lamang umusbong sa
kanyang puso isang araw.

Kaibigang maya, hatid ng umaga


Sa iyong pagdapo, may awit na dala!

Akala mo'y hitik sa bunga ang mga sanga tuwing nagdadatingan ang mga ibon pagsilay ng
umaga. Sabay-sabay ang kanilang matinis na pag-awit, sabay-sabay ang kanilang pagsibad,
sabay-sabay ang kanilang pagsisid sa himpapawid.

Tutubi, tutubi, ayaw magpahuli


Kay bilis tumakas, at walang pasabi!

Tumatawa si Selina kahit panay ang kanyang hingal. Takang-taka siya. Kahit anong ingat ang
kanyang gawin, alam na alam ng tutubi na siya'y lalapit. Ano kayang klaseng mata mayroon ito?
Bago pa man maabot ni Selina ang dulo ng tila-karayom-sa-payat na buntot ng tutubi, nakatalilis
na itong pataas, papalayo sa kanya.

Kung minsan naman, sinusuwerte si Selina. Tinatamad o inaantok marahil ang tutubi, kaya't
nahuhuli niya ito. Hindi naman niya ito hinahawakan nang matagal. Pinakakawalan din niya ito
upang makalipad nang buong laya sa ibabaw ng bukid, ilog, kahuyan, hanggang maglaho sa
malawak na parang.

Paruparong bukid, ikaw nga'y lumapit


Nais kong makita, kulay mong marikit!
Sinusundan-sundan rin ni Selina ang malalaki't maliliit na mga paruparong paroo't parito sa mga
bulaklak ng sampagita at kosmos, rosas at rosal, kalatsutsi at bogambilya. Manghang-mangha
siya sa kanilang kulay at disenyo. Parang kamay ng pintor ang gumuhit sa mga pakpak nilang
sutla! May dilaw at asul, may kahel at pula, may guhit na itim, rosas, biyoleta, at ang gilid ay puti,
kundi man kayumanggi, at mayroon din namang tig-iisang kulay lamang. Sa tama ng araw, lahat
sila'y parang hinabi mula sa maningning na hibla ng bahaghari. Hinahabol-habol niya ang mga
paruparo sa kanilang hardin, hanggang sila'y makarating sa malawak na bukirin.

Si Selina ay mahilig ring gumuhit. Minsang lumuwas ang kanyang Itay sa bayan, pagbalik nito'y
may pasalubong sa kanyang maraming papel at bagong krayola. Sa pagdaraan ng panahon,
napudpod ang mga pangkulay, ngunit nakaipon si Selina ng maraming guhit, di lamang ng
kalarong maya, tutubi't paruparo, kundi pati na rin ng maririkit na tanawin sa bukid.

“Paglaki ko, ako'y magiging pintor!” sabi ni Selina sa kanyang mga magulang.

“Akala ko ba'y kompositor, at ang hilig mong umawit!” sabi sa kanya ng kanyang Inay.

“Akala ko ba’y manunulat, at maraming kababalaghang hinahabi ang iyong utak!” sabi sa kanya
ng kanyang Itay, sabay halakhak.

Ngunit bahagyang nalungkot ang mag-asawa. Ang totoo, pangarap nilang sana'y maging titser,
nars, duktora, abugada, o inhinyera ang kanilang masayahin at matalinong bugtong na anak.

Sa katunayan, madalas sabihin sa kanya ng kanyang ina, habang panay naman ang tango ng
kanyang ama:

“Naku, anak, maging nars ka sana, sapagkat sabi sa radyo, kailangan sa Amerika’t Europa ang
nars, kahit ilang libo!

Ngunit sa pinakalihim na bahagi ng kanyang puso, naroon pa rin ang isang lumang pangarap na
sumuloy mula sa isang di-malimot na panaginip: higit sa lahat, nais ni Selinang makalipad!
Makalipad hindi sa ibang bayan, kundi sa langit, sa ulap, nang di lumalayo sa sariling tahanan!

Mataas-na-Lupa ang tawag sa nayon ni Selina. Malapit ito, nakatunghay pa nga sa isang lawa na
napabantog sa buong bansa, sapagkat ito'y may bulkan sa gitna.

Ilang ulit nang sumabog ang bulkang iyon, kaya't mayaman ang lupa sa halos buong lalawigan.
Malalawak na berdeng palayan, gulayan, at hardin ng milyong bulaklak: ito ang daigdig na
nagisnan ni Selina sa Mataas-na-Lupa.

Hindi inakala ng mga taganayon na magbabagong bigla ang kanilang buhay. Isang malaking
negosyante ang namili nang namili ng mga lupain isang araw. Ipinabuldoser nito ang mga
berdeng palayan, ang mga punong hitik sa prutas sa tag-araw. Hinakot maging ang buhangin sa
gilid ng lawa, inuka ang gilid ng nakapaligid na bundok upang kunan ng bato't simento, at
pinaghalo ang mga sangkap upang gawing pambuhos.

Nagpagawa pa ito ng malalawak na kalsada na tumatagos sa kagubatan at kahuyan. Yao't dito


ang mga trak na panghakot ng graba at bato. Yao't dito ang mga higanteng makinang bumabago
sa hugis ng lupa. Yao't dito ang isang maingay na sasakyang panghimpapawid na kinatakutang
lubha ni Selina, kahit na ang hugis nito'y isang tutubi. Anong ibon o kulisap ang makatatagal sa
ingay na likha ng dambuhalang bakal na ito?

Unti-unting nabuo ang kakaibang daigdig sa nayon ni Selina. Magagarang bahay na bakasyunan
ang nakatunghay sa lawa't sa bulkan, at may nakatindig pang isang napakalaking kastilyong bato.
Bawat matulis na tore nito ay may makulay na bandila. Nangaglaylay ang mahahabang taling
nasasabitan ng banderita.

Sa loob ng kahariang ito, tumindig ang mga bakal na posteng iniikutan ng makukulay na yerong
sasakyang pang-aliw, iba't iba ang hugis. May hugis-tutubi, hugis-paruparo, hugis-maya, at kung
anu-ano pang hugis ng ibon at kulisap. May tren na pambata, may alupihang de-gulong, at kung
anu-ano pang katuwaan para sa mga batang dinadala roon ng mga magulang mula pa sa
malalayong lunsod at bayan.

Karnabal, piyesta, at Pasko araw-araw sa bagong daigdig, na ang pangalang may-dagitab ay


tanaw mula sa pinakaliblib na sulok ng nayon. Nakatutulig ang tinig na nagmumula roon sa buong
maghapon, hanggang lumatag ang dilim.

Matanda at bata, hala lapit dito,


Perya ng tsubibo, madyik at sirkero!
Aliwin ang puso, busugin ang mata,
Halinang lahat sa Planeta Pantasya!

Malikmata si Selina at ang mga batang taganayon nang buksan ang malaking Planeta Pantasya.
Gayang-gaya pa raw ito mula sa ibang bansa, at malaki ang nagasta ng may-ari, kaya’t mga anak
lamang ng maykaya at mga dayuhang turista ang nakakapasok itto.

Patuloy sa paglawak ang bagong kaharian, habang nawawalan naman ng lupang sinasaka ang
maraming taganayon. Dahil sa hirap ng buhay, marami sa kanila ang nagtinda ng lupa at lumikas
sa Maynila. Isa na rito ang pamilya ni Selina. Malungkot si Selina nang siya’y lumisan. Ni hindi
siya nakapagpaalam sa mga kalaro, sapagkat wala na ang hardin at ang bukid na tahanan ng
maya, tutubi, at paruparo.

Umiyak na lamang si Selina nang umiyak, habang papalayo sa mahal niyang nayon.

Maraming taon ang matuling lumipas. Lola na si Selina, at matagal na siyang nakatira sa isang
lumang bahay sa Maynila. Sa kalumaan, lumalagitik na ang mga kahoy nito, at nanganganib
lumipad ang yero sa tuwing babagyo.

Mahina na siya, at kaya lamang siya nakakakilos ay upang maalagaan ang tatlong apo. Ilang taon
na ring hindi siya nakakauwi sa lumang nayon ng Mataas-na-Lupa. Kung sabagay, bakit pa ba
naman siya babalik doon, wala na naman siyang uuwian. Matagal nang namayapa ang kanyang
mga magulang.

Ang huling balita niya, nalugi na rin ang Planeta Pantasya, at pinagbabaklas na ito. Ngunit sa
halip na mabalik ang mga bukirin, mga makabagong pabrika naman ang itinirik doon, kaya't di
lamang ang lupa kundi pati na rin ang lawa ay unti-unting nalason.

Sabik na sabik si Selina sa lumang nayon ng Mataas-na-Lupa. Liban sa kanyang plorerang may
bulaklak, ni wala siyang makitang anumang halaman sa kanyang tinitirhan, di gaya noong
kanyang kabataan. Noon, pagbaba pa lamang niya ng ilang baytang sa hagdang kawayan ay
panay gulay at bulaklak na ang babati sa kanya. At sa dako pa roon, mayayabong na punong
mangga at matatayog na kawayan . . .

Ang kanilang bahay sa Maynila ay napaliligiran ng madidilim na gusaling yari sa gusgusing


kongkreto, kinakalawang na bakal, at basag na salamin. Sa di-kalayuan, mayroong dambuhalang
supermarket at umaasbok na pabrika. At sa kalakhang bahagi ng kalunsuran, nakadipa't
gumagapang ang marurusing na pook ng mahihirap.

Madilim ang kanilang lugar at di halos nasisilayan ng araw. Lalo itong dumidilim at lumulungkot
kapag dinadalaw ng bagyo ang nagtitibatib na lunsod.

Isang gabing malakas ang ulan, naroon siya sa silid ng kanyang mga apo. Ang anak niyang ama
ng mga ito ay nasa isang malayong bayan, sa ibayong dagat, pagkat doon nakahanap ng
trabaho. Ang kanilang ina naman ay naglalako ng kung anu-anong alahas at kasangkapan, at
laging gabi na kung umuwi.

“Lola, kuwentuhan n'yo naman kami!”


“Di ho kami makatulog sa lakas ng kidlat at kulog!”

“O siya, kukuwentuhan ko kayo ng tungkol sa isang batang kilala ko . . .”

“Totoong bata ho?”

“Oo, isang karaniwang bata, kasing-edad n'yo pa nga, e, at mahilig din sa laro, kagaya n'yo. . . .”

“Naka, ang korni naman!” maktol ng isang apo.

“Wala man lang magic powers na panlaban sa mga monsters at evil spirits?” padyak ng ikalawa.

“Gusto ho naming kuwento, yung merong mga starships 'tsaka dragons 'tsaka wizards 'tsaka
superheroes 'tsaka amazon warriors, tulad ng nakikita namin sa TV, sa sine, sa arcade, at sa
computer games!” irap ng ikatlo.

Napabuntong-hininga si Selina. Nais na sana niyang sabihin, ang batang ito ay may pakpak, at
nakalilipad.

“Ang ikukuwento ko sa inyo ay tungkol sa isang daigdig na puno ng hiwaga, ayaw n'yo ba no'n?”

“Papano hong mahiwaga, kung ang bida'y karaniwang bata. . . ?”

“Makinig kayo. May isang bata noon, na ang pangala'y. . . Lina.

Masayahing bata si Lina, matalino't malusog. Doon siya nakatira sa isang malayong nayon na
kung tawagi'y Mataas-na-Lupa. Ang pook na iyon ay mahiwaga sapagkat sari-saring gulay, prutas
at bulaklak ang tumutubo sa maitim nitong lupa, at di-mabilang ang mga nilalang na lumilipad sa
langit na malawak. . .”

Isa-isang nagsihikab ang kanyang mga apo.

“Malusog siya sapagkat sariwang gulay ang kanyang kinakain araw-araw, na pinitas lamang sa
paligid ng kanilang bahay. . .”

Unti-unting itinumba ng pagkabagot at antok ang mga batang nangaghilata sa malaking kama.

“Ano hong mahiwaga ro'n . . .”, halos pikit nang tanong-pabulong ng isang apo.

Saglit na nag-isip si Selina.

“Anong mahiwaga? A, may tatlo siyang kalaro na lagi niyang kau-kausap: ang maya, ang tutubi,
at ang paruparo. Nais niyang lagi silang magkakasama, at isang araw, tulad nila, siya’y biglang
tinubuan ng pakpak!”

Ngunit tuluyan nang nakatulog ang tatlo niyang apo, at di na nila narinig ang tungkol sa
mahiwagang pakpak ng batang si Lina. Kinumutan niya ang mga ito at nagtungo siya sa kanyang
silid.

Malungkot na napatitig si Selina sa lumang kalendaryong nakasabit sa dingding. Wala na itong


petsa. Ang natitira na lamang ay ang nangungupas nang larawan ng isang bukid, ipininta ng kung
sinong matandang pintor, marahil ay noong hindi pa siya tao.

Binuksan niya ang kanyang tokador at inilabas ang isang lumang polder. Matagal na niyang hindi
ito nabubuklat. Tumambad sa kanya ang naninilaw nang mga papel ng kanyang mga guhit noong
siya'y bata pa.

Habang nakatitig siya sa mga ito, isa-isang nangabuhay ang mga nakaguhit. Matikas na umangat
ang mga tutubi, nakamulagat sa kanya ang nakausli nilang mata, at maliksing umali-aligid sa
buong silid.

Tutubi, tutubi, ayaw magpahuli


Kay bilis tumakas, at walang pasabi!
Marahan namang ibinukadkad at ikinampay ng mga paruparo ang kanilang mga pakpak, at sila'y
masiglang nagkumpulan at lalong nagbigay-kulay sa mga bulaklak ng plorerang nasa isang sulok,
pagkatapos ay nangaghabulan sa kisame.

Paruparong bukid, ikaw nga'y lumapit


Nais kong makita, kulay mong marikit!

Biglang napuno ang kabahayan ng masiglang tuwit-tuwit-tuwit ng di-mabilang na maya.


Nagliwanag ang buong kapaligiran, at may masuyong hangin na humihip mula kung saan.
Naghanap ng kanya-kanyang madadapuan ang masasayang ibon, habang patuloy ang matinis
nilang himig.

Kaibigang maya, hatid ng umaga


Sa iyong pagdapo, may awit na dala!

Wari'y naliitan sa silid na iyon, nag-uunahang tumalilis ang kanyang mga kaibigan, at lumabas ng
bintana hanggang sila'y lamunin ng dilim. Humabol si Selina, ngunit ang nakita lamang niya'y
mga gamu-gamo sa bumbilyang nasa poste, sa gitna ng malakas na ulan.

Kinilabutan si Selina. Matagal siyang napapikit, kipkip sa dibdib ang naninilaw na mga papel.
Nanginig siya sa ginaw, sa paglakas ng hangin at pagpasok ng anggi sa bukas na bintana.

Nang siya'y magmulat ng mata, tila na ang ulan, ngunit lalo pang lumalim ang dilim ng gabi.
Walang buhay ang matataas na gusaling nakapaligid sa kanilang bahay.

Nakatiklop uli ang lumang polder sa ibabaw ng tokador. Nais niyang buksan uli ito, ngunit
kinabahan siya kung ano ang kanyang makikita . . . o hindi makikita.

Nahiga si Selina sa kanyang kamang sulihiya, at mapayapang ipinikit ang mga mata. May ngiti sa
kanyang labi nang siya'y makatulog, sapagkat wari'y alam niyang babalik noong gabing iyon ang
matagal na niyang pinananabikan.

Tumatakbo siya sa bukid. Habol-habol niya ang mga kaibigan, na naghahalakhakang mandi'y
ayaw paabot sa kanya. Papalayo nang papalayo ang mga ito, patungo sa alapaap. Binilisan niya
ang takbo, hanggang di halos sumasayad sa lupa ang kanyang mga paa. May naramdaman
siyang kumikiliti sa kanyang likod. May naramdaman siyang parang umuusbong, bumubukad, sa
kanyang katawan, sa kanyang likuran. At bigla, umangat siyang parang saranggolang isinumpit
ng hangin.

“Hintayin n'yo ako!” samo niya sa maya, tutubi't paruparo.

At mula sa himpapawid, sa kanyang paglingon ay natanaw niya ang papaliit at papaliit na lunsod
at nayon, siya at ang kanyang mga kaibigan ay naglaro sa langit ng tuwa, sa daigdig ng hamog at
ulap, ng payapang ulan, ng araw at bahaghari, at ng panaginip na walang hanggan.

Para siyang hinihigop ng isang ipu-ipo sa kawalan, patungo sa isang nakasisilaw na balon ng
liwanag, pabilis nang pabilis, habang palakas nang palakas ang ilang mumunting tinig na
umaalingawngaw mula sa malayo . . . tila ba mga tinig ng mga batang anghel. . . .

Nasa langit na nga kaya siya?

“Lola, Lola, huwag n’yo kaming iwan!”

“Lola, Lola….!”

At ang mga hiyaw ay sinundan ng hikbi’t iyakan.

Silaw na silaw siya sa dakilang liwanag, at kay ganda ng himig at awit na kanyang naririnig.
Napapikit siya sa tindi ng liwanag, at sisisid na sana siya upang pumasok doon nang bigla siyang
magmulat ng mata.

“Lola, Lola, yehey, gising na ang Lola!”


Sumilay ang ngiti sa labi ni Selina. Pakiramdam niya’y nanumbalik ang kanyang dating lakas at
sigla, ang kanyang kabataang kaytagal nang nawala.

“Lola, kanina ka pa namin ginigising! Natakot kami, kasi parang di ka na humihinga!”

“Lola, Lola, ang ganda-ganda n’yo pala kapag nakangiti, kahit kulubot na ang inyong mukha!”

At sa gitna ng tawanan at yakapan, napausal sa kanyang sarili si Selina.

Salamat, salamat sa inyo, natagpuan kong muli ang aking paraiso . . .

Sa isang nayong malayo sa kabihasnan, isang araw ay dinala ng isang matandang babai ang
kanyang malilikot ngunit masayahing mga apo, upang ipakita sa kanila ang buhay na kanyang
pinagdaanan.

Ikinuwento niya muna kung ano ang nangyari sa lumang nayon ng Mataas-na-Lupa, at kung
paano siya napadpad sa madilim at mausok na lunsod.

Mula sa isang mataas na burol, itinuro niya sa tatlong apo ang dalisay na anyo ng kalikasan -
malinis na batis, luntiang bukid, makapal na kahuyan, bulaklak sa damuhan. Wari’y inihudyat,
biglang lumitaw mula kung saan ang makapal na kawan ng humuhuning maya, umaaligid na
tutubi, at lumulutang na paru-paro.

Sa buong buhay nila, noon lamang nakakita ang tatlong bata ng ganitong mga nilalang.
Napasigaw sila sa tuwa at nagsipagtakbuhan, habol-habol ang mga lumilipad na nilalang na higit
pang marikit sa anumang laruan, at lumipas ang buong araw ay di sila nainip o nagyayang
umuwi.

At sa mga sandaling iyon, naramdaman na naman ni Selina na may sumisibol sa kanyang likod, at
para siyang umaangat sa lupa, at muli siyang nakatunghay sa isang marilag, daigdig na payapa.

*****wakas*****
Anghel Kalahig
Maikling Kwentong ni Lem Garcillano
(Ikalawang Gantimpala, Palanca Awards 2008)

Asngaw ng basura ang ngiti ni Digong Balisong sa umagang iyon sa Tambakan. Sa murang
gulang na labindalawa, bawat hakbang sa basura’y animo yapak ng tigasing nagmumumog ng
hinebra tuwing umaga. Maaliwalas muli ang araw ni Digo, sapagkat, hayun, sa bingit ng bangin
ng bulok na bulubundkin tanaw niya ang paboritong pantsing-bag: si Tapyas, payapang
nangangalahig sa ilalim ng araw na tirik. Isang sumisanging na sapok ang pinawalan ni Digo:
sapol si Tapyas sa punong taynga. Dala ng katawang sim-payat ng kawayang-intsik, ngudngud
ang nguso sa MacDo’ng bahagyang nabubulok, nakisalo sa pagdalirot ng mga uod.

“Ay s’ya ka…’la ‘kong atraso sa’yo, ha! Nauna ako dito!” tumutulo-tulo pa ang naaagnas na
basura sa mukha ni Tapyas - walang iniwan sa kapal ng kremang pinapahid sa mukha ni Aling
Pops, ina-inahan sa baklayan, gabi-gabi.

“An’ laki ng katawan mo, mahiya ka sa balat mo, hayup ka! ‘Ko la’ng kaya mo e!” tamang-asar na
mura ni Tapyas.

“Digo, lubayan mo kami!” sigaw ng kapatid na si Bebeng, nakaamba ang tungkod at kakapa-kapa
sa isang tabi.

“Sige, hampas! ‘Kala mo tatama ka e…kita mo ba ako? Ha? Bulag!” panlilibak ni Digo.

“Tang’na mo. Wag Ate ko! Tayo’ng dalawa lang!” bigwas ni Tapyas, sapol sa mukha ang
kalaban.

Magkasing-tanda, subali’t hindi biro-birong bulto ng laman at taba ang katawan ni Digo.
Rambulan iyong masayang pamukaw sa pagkabagot ng animo’y mga bulateng mangangalahig.
Nagtatarang, hindi magkamayaw sa logro-diyes kung kaninong mukha ang unang mababangas,
aagusan ng dugo (isang pang-araw-araw na lagim na di pansin ng mga kaluluwang tahimik na
nagkakalkal sa putik):

“Letseng…Ala!!” bulong ng isa habang binubulsa ang kapupulot na kwintas.

Ang iba’y inot-inot na hinahatak ang katawan palabas sa barongbarong/butas… sasalubungin ang
init ng karbon monoksayd/met-heyn ng basura, dyipni, kotse, utot, uo…patalon-talon sa putik ang
lumang Nike na bagong laba, suot ang pekeng Levis, Marithe phranswa ek-ek na butas ang tuhod
at pwet, nakalawit sa leeg ang tubog sa gintong kwintas na kinalawit sa malas na yayang
rumarampa sa SM Megamall.

Tapyas! Urong!” Karipas ng takbo ang mga ka-kalahig ni Tapyas. Sigalpot, nauna si Kulot:
kaibigang dikit na kumukulot ang puwit kapag kaharap si Digo.

Sumunog ng dalawang mal-boro ang ngudnguran hanggang tanghaling ginusumot na balot ng


hamburger ang mukha ni Tapyas: dumadalisdis na ang dugo, tangay pa ni Digo ang tiklis ng
basong Jollibee, MacDo at Tropical.

“Salamat, Tapyas, ha! Sa uulitin, damihan mo pa!”, matulis na pang-asar

“Tang’na mo! Digo! Kung hindi ka pa bobo! Nangongokopya ka lang sa’kin sa eskwela a! “

Panuya iyong kahiya-hiya sapagkat kalat sa loobang bukod pangongopya, may kipikip pang
kodigo sa kili-kili. Nang masiwalat ang lihim, nabansagang “Digo”, palayaw na kapit na kapit
hanggang buto. Nguni’t sa daigdig ng mga maangas, kung sino’ng humahataw ng suntok,
malinaw na siya ang may laman ang tuktok. May bobo kayang bumabasag ng mukha? Bobo
kayang matatawag ang iniilagan ng mahina?

“Sino’ng bobo ngayon?” Minamalas na Tapyas: lalong lublob ang mukha sa malapot na likidong
basura.
Ang ipinagtaka ng mga nakasaksi, si Digo’y sandaling napapatda. Nagsusuma sa isip? Saglit
lamang at muling nanaig ang katinuang siga: ubod ng tigas nga ang dating kaibigan, gulpe-
sarado’y may apog pang makikipagngatngatan.

“Iyak! Iyak!” sigaw niya habang humahalihaw ng suntok. Sumilakbo lalo ang galit sapagkat di
man naringgan kahit ingit. Hingal itong binitiwan, tumindig at mayabang na nagwasiwas ng
balisong.

“Pag nakita kong mukha mo uli dito…yari ka!”

“Yariin mong titi mo…Iyakin!” panunuya na ni Tapyas. “Uwi! Ayan nang tatay mo!” at kumaripas
ng takbo.

Pakiramdam ni Digo, lahat ng mata sa kaniya’y nakaumang sapagkat sa Tambakan walang lihim
na walang naka-aalam. Buhay pa ang amang si Diegong Kana, siga ng Tambakan, walang
bukambibig ito sa anak kundi: “Wag kang iiyak! Wala sa lahi natin ang iyakin…!” at kasunod ay
sapok, suntok, sampal, kutos, “…tandaan mo!”

“E ano, me benta na ako. Mahina’ng sandaan sa nakalahig ko!”

Umiigkas ang dalawang paa, ninanamnam ang sandaang sasayad sa palad, aliw na hahawiin ang
daan patungo kay Mang Dyaning magbubulok.

Galang-gutom ang pulutong ni Digong Balisong sa talipapa (mas lubog sa likido ng naagnas na
basura: dapat nakasupot ng plastik ang paa – panlaban sa tetano – sa pamamaraka ng gulay,
karne, isda). Umarya ang talangka sa utak, at akmang komando ng swat, sinugod ang mga
bilao/kariton/sapin sa bangketa: tinabig, tinaob, dinaklot, kinurakot, nilamukot ang mga
panindang isda, karne, gulay, tinapay, kulatsang...

Nagsipaghablot ng kahoy, walis, bangkitong pamalo ang mga tindera, habol ng hataw ang
pulutong. Subalit nanunuyang halakhak lamang ang kanilang inabutan sa tulin nina Digo. Sa
pagliko sa kanto, sumalpok sila sa kamalasan: sa rumurondang barkada ng mga
namumulaklaking Diegong Kana: mga bagong sibol na takaw-saksak sa panghoholdap sa SM o sa
dyipni. Walang makapagtangkang tumakas, nahawakan agad sila at inulan ng batok at suntok.

“Ukinana! Damputin nyo’ng kalat!” utos ng una.

“’Tang’na n’yo! Kaya nyo si Kuya Dodong?” singhal ni Digo.

Maangas man ang barkada, nababawasan ang asta sa dagundong ng pangalan ni Dodong Tinga.
Isang katiyakan lamang ang kalalabasan ng iringan: kaya ba nilang banggain ang aset ni SPO4?

Kani-kaniyang aset ang laban, batas iyon sa looban. Si Digong Balisong aset ni Dodong Tinga,
tigasing Bisayang-Intsik - mukhang nilamukot na kondom (sa hilatsa ng kutis, sanlibong ulit na
labas-masok sa langit ng mga bulaklak na walang talulot sa looban); kolektor ng weteng; taga-
tulak ng bato; tongresman ng mga traysikel at trak ng basura; na aset ni SPO4 (buteteng-laot,
nagmamatinka ang mukha at amoy-imburnal ang hininga) na aset ng isang kilalang pulitiko sa
lungsod, at tsip ng Istasyon Disinwebe.

“Aset kita, Tapyas!” duro ni Digo sa madalas nilang pagkikita sa Tambakan.

“Aset-in mo’ng muk’a mo!” matigas na balik ni Tapyas.’La ‘kong atraso, sa’yo…tantanan mo ‘ko.”

“Inguso kita ke Kuya Dodong…yari ka!” banta ni Digo.

“Me madyik yata ako beee…patutubuan ko ng bukol ang kili-kili nyo lahat!”

Sa pagkaka-alam ni Kulot, dati’y sanggang-dikit sina Digo at Tapyas. Katunayan, magkaklase sila
sa mababang paaralan. Bukambibig ni Tapyas, nang magpaulan ng utak ang Diyos, nanonood ng
“sine” si Digo (sa butas sa dingding, sa kapit-kwarto na barong-barong ng mga bulaklak na
walang talulot). Kapag may pagsusulit, kiling ang leeg sa pagkopya kay Tapyas. Subali’t nang
pumanaw ang amang si Diegong Kana (aset ng mga pulis sa Sentral Distrik: pag may ipakakana,
ang taya), nag-bago ang timpla ng utak: una’y kinando ang matabil na bibig; sumunod, tinupi
ang mga aklat at tulalang nakatanaw madalas sa kawalan. Maaasahan ang ama, subali’t pinasok
ng pulitika ang pangangana. Kinailangan ni Meyor ng sakripisyo sa kampanya laban sa
kriminalidad –nataong eleksyon kaya’t napiling “kandidato” si Diego. Ayon sa nakasaksi, animo’y
tagpo sa pelikula nang mag-swat sa barung-barong ni Diego. Sabi-sabi’y, bago nalagutan ng
hininga, palihim na ibinigay kay Digo ang balisong bente-nwebe.

Tulad ni Tapyas ulila na’t walang kapatid si Digo kaya niyaya ito na makisilong sa kanila ni
Bebeng at Kulot. Sa simula, turing nila sa isa’t isa’y isang tunay na mag-anak (nanay-nanayan ang
kapitbarong-barong na si Aling Pops na may pa-baklay). Magkaramay sa pangangalahig,
pangungupit, gulpihan, ligaya at dalamahati. Tagumpay ng isa, lahat ay kahati, kahit kapurit na
Jolibing bulok may kabahagi kahit kaunti. Sa gabi, sa liwanag na winiwisik ng ilaw sa poste, sabay
magbabasa ng aklat, dyaryo, o maging paboritong aklat ni Tapyas: Kalkyulus ang pamagat. Sa
nabasang katuwa-tuwa, mga sira-ulong magpapagulong-gulong sa katatawa. Hindi
mamamalayang sakmal na sila ng liwanag, may mga silahis na ibig kumawala at kapag
nakahulagpos ay matutulis na sibat na papailanlang sa kalawakan ng gabi – mistulang diwang
maglalakbay sa matatayog na bundok, sisisid sa malalim na dagat, at lilipad sa malawak na
kalawakan; malayang maglulunoy sa katotohanan at kaganapan na yaman ng diwa lamang ang
hadlang.

Kapag inagaw na ng antok ang mga ngiti at impit na halakhak, aandap ang liwanag at
magbabalik ang malamlam na sinag ng ilaw sa poste. Ganunpaman, ang panandaliang saya’y
naiwang nakatimo sa pusod ng isipan: magpapatuloy sa pangaraping magkamal ng salapi,
makapagtapos sa pag-aaral; maipa-gamot si Bebeng; magka-gerlpren ng mayaman, maganda at
may trabaho; tustusan ng dayaper si Kulot sapagkat kahit labing-isang taon na’y nagmamapa pa
sa banig ang mapanghing ihi.

“Hay….puro pangarap na lang tayo e.” himutok ni Digo isang araw na bente pesos lamang ang
kinita sa pangangalahig.

“Malay mo…!” buntong-hininga ni Tapyas, ”Ani Inay, pana-panahon ‘yan!”

“Oy! Digo! Mahiya ka sa tatay mo, siga. ‘Ikaw, basurero! Sama ka… mapakinabangan ‘yang laki
ng katawan mo!” bulyaw ni Dodong Tinga, isang araw nang matumbok ang dalawa sa akmang
pangungupit sa Talipapa.

Isang malutong na sandaan ang pinalutang ni Dodong sa hangin, tuksong dahan-dahang


lumapag sa paanan ni Digo. Nanigas sa kintatayuan ang magkaibigan, di pansin ang papalayong
pulutong ni Dodong, gumigiri sa mga naglalanding tindera.

“Tangna, Digo! Pag dinampot mo ‘yan, letse ka. Sabi ni Inay…!”

“Pera na’ng lumalapit, tatanggihan mo pa?” putol ni Digo sa kausap.

Pauwing hindi nag-iimikan ang dalawa. Pakiramdan nila’y malinaw ang tinatahak nilang landas:
singlinaw ng paglihis ng daan ni Digo pauwi.

“Pasalamat ka! May pansit tayo ngayon!” tampong bulalas ni Digo.

Matuling nagsibangon ang maraming umaga. Sa sangang daan sa Tambakan sa gitna ng


nagraragasaang bus, kotse, dyip, kagulat-gulat napuruhan ni Tapyas ang mainit na singhutan ng
ragbi: sa gitna ng pagtitipon, nangunguna si Digo sa mga “kriminal” na ka-pulutong nito: mga
mangongotong, mga manininghot ng ragbi, at mang-aagaw. Dala ng gamot, ipinagmalaki ni
Digong namantsahan na ng dugo ang sukbit na bente-nwebe.

“Nagbago ka! Kriminal ka na!” sigaw ni Tapyas sa upakan nila ni Digo.

“E gusto ko e!” ganti ni Digo.

“Kriminal ka na…durugista pa!”

“Mangungupit ka! Kriminal ka rin!”


Tanggap ni Tapyas ang likaw ng sariling bituka: ang para kaniya ay hindi sapat para kay Digo.
Maliban sa pangungupit ng pandesal, panghihingi ng tirang pagkain sa turo-turo, paminsan-
minsan ay tinutulungan niya ang Diyos na gawaran sila ng biyaya sa pagpuslit ng isda o karne o
gulay kapag di pansin ng tindera.

“Masama yun!” mataginting na uukilkil sa isip ang pangaral ng inang pumanaw (kung nasaan ang
ama, hindi niya itiyak kung buhay o patay- ayon sa kapitbahay, nasa Munti - sa loob).

“Huuu! Bago pa ako nagkasala pinatawad na ako ng Diyos e,” paliwanag kay Bebeng. “Ani Inay,
kapalaran natin ito e. Naiintidihan tayo ng Diyos. Payag siyang mangupit ako minsan. Pag ‘alang
kita sa kalahig.”

“Hmmm! Ambango ng sampaguita mo, Bebeng…tulad mo!” singhap ni Dodong Tinga, lumilikot
ang mga daliri sa pagdalirot sa katawan ni Bebeng.

“Putang-inang Dodong!” lagitik ng mura ni Aling Pops na sinabayan ng hataw ng payong, “Bulag
na, papatusin mo pa! Mahiya ka sa balat mo! Ikuskos mo yan sa semento… hayup ka!”

“Pops, kita mo ba yang katawang yan…Assunta de Rossi! Magkano ba’ng bata mo?” balik ni
Dodong na may taginting ng halakhak ni Satanas.

Hindi mapapalampas ni Aling Pops ang pambabatos sa kaniyang anak-akan. Sapat na iyon upang
hatawin nang paulit-ulit si Dodong Tinga, na ngayo’y pasayaw-sayaw sa pag-ilag saliw sa
pumuputok na halakhak. Iiling-iling ang mga matandang nagbabaklay sa tabi ng barung-barong,
walang ibig humadlang. Kilala ang bangis ni Tinga. Gayundin si Digo, tahimik na pinanonood ang
kaniyang panginoon sa panooring kakaiba. Sa tagal ng pagkakakilala niya kay Aling Pops, ngayon
lamang niya nasaksihan ang tapang nito sa pagtatanggol kay Bebeng na hayu’t nakabayuot sa
isang ilalim ng mesa ng baklay, lublob sa putik, apuhap ang bastong alalay.

“Pops, kung hindi ko lang kumpare si Boy, utas ka! Utas ka!

“Patay na’ng asawa ko, di tuloy mo! O ano? Kaya mo lang babae! Ang dami mo nang babae…
anak ko ‘to oy!”

“Sya! Assunta…titkman kita ‘sang araw!” bubuga ng maasbok na usok habang papalayo, kabuntot
ang tropang takaw-salbeyds, kabilang si Digo.

Bakas sa kilos ni Digo ang pag-aalanganin - pag-aalangang humingi ng paumanhin kay Bebeng
na kasama niya sa paglaki; pangingilag ni Dodong Tinga kay Aling Pops; gayong kriminal
mayroon din palang paggalang; di niya pagpalag upang ipagtanggol ang kaniyang itinuring na
“ate”. Subali’t pag-aalanga’y saglit lamang, ngayong siya’y siga, mas mapanganib pa ang mga
paghamon na kaniyang susuungin.

“At saka, Tapyas, kasama si Digo!” sabad ni Kulot.

“Tikman ha! Makaktikim sila kay Mang Alex! Pa-salbeyds ko sila lahat!” hikbi ni Tapyas habang
ginagamot ang mga galos ni Bebeng.

“Sino’ng Mang Alex ‘yun, hoy!” sigaw ni Aling Pops, asbok sa usok ng sigarilyo ang bunganga.

“Mang Alex… Bon-kayaw po. ‘Pag abusado, isang bala lang!”

“He! Yan ang kapalaran ng mga matatapang…” tamang sandaling hinihintay ni Aling Pops upang
unmpisahang mag-vilmasantos, “…si Boy ko! …sanggano…kaya kinuha na ni Lord!” Maghahalo
ang luha at uhog sa pag-alaala sa masasakit na kahapon ng kaniyang iniirog.

“Sino pong hihingan ng tulong…si SPO4?” pambara ni Tapyas bago maipagpatuloy ni Aling Pops
ang drama.

Hindi makakasagot, mananahimik si Aling Pops: uusok sa alaala ang naging usapan sa looban na
ang kumana kay Boy ay si…
“Magdasal ka…,” himok ni Aling Pops, “mapag-himala ang Diyos.”

“Oo, Tapyas. Madyikin siya ng Diyos, ayos!” sundot ni Kulot.

“Kailan pa kaya mangyayari yun?” bulong ni Tapyas. “Me bakukang na’ng tuhod ko sa kaluluhod,
di pa natupad ang pangarap ko!” Papalaot ang isip at iisa-isahin ang mga kahilingan sa Diyos sa
nakaraang anim na taon: tatlong simpleng kahilingan na wala pang katuparan– magulang, pag-
aaral, gamot ni Ate Bebeng. Ngayong nalalapit na ang araw ng kaniyang pagsilang, batid ni
Tapyas madagdagan muli ang taon na walang nagaganap na himala sa kaniyang buhay.

“Himala, Tapyas! Sinagot ang dasal ko! ‘Kakalipad na’ko”, muntik maunat ang buhok si Kulot sa
kasabikan. Trumpong umikot ang puwit nito sa kakaibang bagay na nakalahig ni Tapyas.

Hindi tae, o mabantot na dayaper, o plastik o kuwintas na ginto: puti ang kulay, mabalahibo
ngunit busilak nang linis gayong natabunan ng putik at basura. Sabik ding tinikwas ni Tapyas ang
isang malaking puting pakpak. Kapansin-pansing walang tali na pangkabit sa likod – sa halip
makinis na animo’y buto ng tinapyas na pakpak ng manok.

Nahimasmasan si Kulot nang mabatukan, babalang may parating na panganib. Sa di-kalayuan


sagsag ang pulutong ni Digo. Animo’y tagpo sa pelikulang patawa, umalibukay ang alikabok at
basura at putik sa pagtatabon sa pakpak. Kay Tapyas, masama o mabuti ang dala nito, basura
iyon na mapagkakakitaan at dapat iligpit sa mata ni Digo.

“’No yan, ha! Jollibi? Ha?” pang-gulat ni Digo.

Pagod na sa kaapihang dinaranas, dinampot ni Tapyas ang nakabalot sa pahina ng komiks at


isinupalpal sa mukha ni Digo.

“Aaahk! Tae. Bwa ka, Tapyas!” kandasukang habol nito ng halihaw ng bente-nwebe. Samantala’y
pa-inot-inot at mapayapang hinukay ni Kulot ang pakpak, alagang sinukbit sa tiklis, at walang
anumang tumalilis.

Dinig na sa radyo ang malamyos na tinig ni Tiya Dely, matibay na reyna ng malupit na iyakan sa
radyo tuwing ikatlo ng hapon, subali’t wala pa ring tigil ang habulan sa tambakan: sa gilid ng
bangin ng basura, sa ilalim ng trak, sa gitna ng umuusok na bundok.

Gabi na nang tantanan si Tapyas kung kaya’t mapayapa silang nakauwi, akay si Bebeng. Gayong
hagok sa pagod, di limot ni Tapyas ang unahing ipinaghain si Bebeng, kasunod ang mga alagang
askal at puskal. Matapos sumubo ang kapatid, inaryahan na ni Kulot at Tapyas ang bagong init na
pansit (nabungkal na panapong pansit ng Max’s: ini-init).

Una’y tinginan, susundan ng bunghalit ng tawa, kaya mahihiwagaan si Bebeng sa ikinikilos ng


kapatid at kaibigan. Pakiramdam niya’y mayroong di-pangkaraniwang kagalakang kumukumot sa
dalawa. Sa halip na sagutin ang tanong ni Bebeng, pawang ngiti’t hagikhik ang naging sukli.
Anuman ang lihim na iyon, pagod na si Bebeng upang uriratin pa. Sapat na ang dumaang araw
na walang masamang tagpo sa baklayan na pinag-bidahan ni Dodong Tinga.

“Tanga!” singhal ni Dodong. “Para kang di anak ng tatay mo. Yung kawayang-intsik na ‘yun, di
mo kaya?”

“Alang binatbat yang bente-nwebe ng tatay mo! Supot!”

Bago pa makakantiyaw ang iba, sumibat na si Digo, sagsag kasunod ang sariling pulutong.

“Ha! Sino kayang supot? Abangan nyong gagawin ko!” sa pagbitiw ng banta umuusok ang mga
paang sumugod kay Tapyas.

“Hoy! Anumang balak mo, pwera si Bebeng!” pahabol ni Dodong.

Nag-aagawan ang liwanag at karimlan sa tuktok ng Tambakan. Sa tabing ng usok ng nasusunog


na basura at naghihingalong silahis ng pulang araw, tanaw ni Digo ang aandap na kandilang
liwanag
sa loob ng barong-barong ni Tapyas. Walang sinayang na sandali, marahan, ingat na di marinig
ang anumang kaluskos, nagawang makalapit sa dingding, Sa loob, nabanaag na binubusisi ng
tatlo ang puting pakpak.

“Malambot at madulas…” bulong ni Bebeng. “Baka swerte na natin, pakpak kasi ng anghel!”

Sa pagsalat muli, pakiramdam niya’y may sundot ng kidlat na pumulandit sa palad, nanggugulat,
nangingiliti – animo’y tilamsik ng tuwa at hiwagang dala ng mga alaala, salaysay, haka-haka,
lagim, at kababalaghang naghahari sa daigdig ng Tambakan.

“Madyik! ” impit na sigaw ni Kulot.\

“Engkanto!” panggigilalas ni Tapyas.

“Himala! Baka…” singit ni Bebeng, mauudlot sa pag-asam na sana…“…baka magmilagro, ano,


Ate! Makakita ka na…” salo ni Tapyas.

“… ng panget!” kulit ni Kulot, “..tulad ko. hehehe!”

Sa nasaksi, nagbara ang namumuong inggit sa dibdib ni Digo. Habol ang hininga, pilit hinihigop
ang kumakawalang katinuan, habang patuloy na naglalaro sa isip ang makinis at busilak sa
kaputiang: “Mahiwagang pakpak!” Sa wakas, nanaig ang bantang wakasan ang kahihiyan. Mabilis
ang naging pagkilos ng pulutong – animo’y tubig na binuhos ang gasolinang dala sa paligid ng
barong-barong: mahiwaga man o hindi, isasa-katuparan ang hangad na higanti.

“Uh…amoy gasolina.” hindi nalingid ang halimuyak na iyon sa singhot ni Bebeng.

Sa mga ilong sa Tambakan, magkawangis ang amoy ng gasolina at basura, kaya’t di pansin ng
dalawang galak sa pagkutingting sa puting pakpak. Saglit pa’y maririnig ang tunog na animo’y
pitik ng nagliliyab na panggatong. Palakas nang palakas.

“May nasusunog!” amoy uli ni Bebeng, siyaring pangingiramdam ni Tapyas at Kulot.

“Sunog? Hindi Ate, patak ng ulan!” sigaw nina Tapyas at Kulot.

Dumapo ang panglaw sa kanilang katauhan, bumuhos na ang kinatatakutang ulan. Tuwang
tumulo ang malamig na tubig sa mga butas sa bubungan, hinanap ang mga katawang pagtitirikan
ng ginaw. Tulad ng nakagisanan sa Tambakan, wala magagawa kundi magkanlong sa tuyong
sulok o mamaluktot sa kapirasong kumot.

Sa malayo, tanaw ni Digo ang maputing usok na natira sa apoy na muntikang lumamon sa
barong-barong. At bagama’t babad sa malamig na tubig-ulan, nag-aapoy ang katawan sa
nadaramang init ng hiwagang bumabalot sa pakpak.

Mistulang sumpa ang ulan sa Tambakan sapagkat kaagapay nito’y baha, sipon, lagnat, pulmunya,
hika, rayuma, ubo, at basang labada (ganunpaman, tigib sa kasiyahang naglalanguyan ang mga
bata sa nag-lawang tubig sa burak).

Ngunit sa tuwang alay ng puting pakpak, kaydaling nawaglit sa tatlo ang bantang panganib. Gabi-
gabi, salit-salit sa pagsusuot sa pakpak. Sa hiwagang hatid ng isang mayamang diwa at
marubdob na pagnanasang kamtin ang ginahawa sa isip at murang katawan, animo’y mga anghel
na umiindayog sa malamyos na tugtugin; lumilipad sa mapayapa’t malamig na papawirin; kinikilig
sa malamig at malambot na sutlang ulap na humahaplos sa galusing balat; lukob sa liwanag na
nagduruyan sa pag-indayog sa kalawakan – sya ring mahiwagang liwanag na nagpipiglas
kumawala sa barong-barong, at sa tulong ng ambon ay nagsabog ng bahag-hari sa karimlan ng
gabi.

“Lintek! Tapyas! Gasera mo masakit sa mata!…Patayin mo ya’t baka samain ka!” naalimpungatan
ang mga nagbabaklay kina Aling Pops, sa pag-aakalang may hasag na malakas ang ilaw.

“Tantanan nyo ang mga bata!” saway ni Aling Pops sa mga pasaway.
Sa bundok ng basura, tanaw sa dilim ang mga barong-barong na yari sa mga pinagkabit-kabit na
lata ng mantika, kahon ng malboro, lawanit na punit-punit, na naghihintay sa pagdating ng mga
bulating kaladkad ang katawan, sakay ng mga traysikad, dyip o kadilakad, kung saan hilahod na
magsusumiksik sa kani-kanilang butas. Ang kakaiba’y ang matutulis na silahis ng liwanag sa
barong-barong nina Tapyas, animo’y umiindak saliw sa mataginting nilang halakhakan.

Hindi nakaligtas sa matalas na mata ni Digo ang tanawin. Sa malayo, manghang-mangha sa


liwanag na sumisingaw sa mga butas sa dingding . Sa kabiglaanan, napako sa kintatayuan, at sa
gayong ayos, iba’t ibang kulay ng tahimik na silahis ang tumagos sa katawan: nanunuot sa bawat
sulok ng kaluluwa at kalamanman - nananaliksik, nakikialam sa katahimikang binasag ng basag
na tinig ni Dodong Tinga.

“Ulol!” na nagpawala ng matinding sapok, “ano’ng tinatanga-tanga mo? Kasisilip mo lang sa


kadyutan. ‘no?…‘Nong tinitingnan mo dyan?”

“Yung…yung…liwanag kina Tapyas…”

“’No’ng liwanag? Wala! Oy! Utot mo! ‘Kala mo mau-ulol mo ‘ko, ha? Koleksyon mo, akina!”
kaladkad sa putik si Digo na hindi mabaklas ang tingin sa liwanag.

“May…himala…” bulong ni Digo sa sarili.

“Ano? Si Nora Onor ka?”

Palahaw ni Elsa sa pelikula ni Bernal: “Walang himala!”. Paano ngayon maipaliliwanag ang
kapansin-pansing pagbabago ni Digo sa mga sumunod na panahon?: tigil-upak na kay Tapyas at
Kulot; kagulat-gulat na tagasunod sa pangangalahig makantyawan man ng ka-pulutong; higit pa,
sa pagdating ng trak ng basura, si Tapyas ang pina-uuna; walang patid ang suhol na pagkain at
suplay na de-lata para sa mga alagang hayop at sa mga batang namamalimos sa talipapa.

Huwag na malingat si Tapyas, agad na hahaplusin ni Digo ang pakpak nang buong pagsamba.
Pakiramdam nya’y pinipitik ng kidlat ang buong katawang umaangat hanggang marating ang
alapaap. Kadalasa’y halos panawan ng ulirat sa inggit kapag ipinagagamit kay Kulot ang pakpak.
Minsang hindi makakapagpigil, akmang banal na aso nagsumamong maisuot naman ang pakpak.
Walang bagay kay Tapyas, ipahiram man o hindi ang pakpak, ang batid nya, lahat ng
panunuyong iyon ay balatkayo lamang ng isang nagpapanggap na kaibigan.

“Hipo na lang!” Walang kibong tatalima si Digo – kahit hipo’y sapat nang madama ang hiwaga.

Sinlakas na ng lagaslas ng tubig sa poso ng bumbero ang hugos ng ulan. Kung sa gitna ng looban
animo’y may dambuhalang dagat kung saan maligayang lumalangoy ang mga bata bagama’t
kinalunuran ng limang kabataan kamakailan, sa loob ng barong-barong ni Tapyas, may
nagtatangkang sumisid sa puri ni Bebeng. Sapo ng gapak na palad ang bibig, nagpupumilit si
Dodong Tinga sa pagpunit sa damit nito. Nabibingit na ang tagumpay nang matili si Dodong sa
kagat ng matalas na ngipin ng nanlalabang dalaga. Tili iyong nakatawag ng pansin sa mga
nagbabaklay sa kanug-nog na barong-barong.

“Tang-ina mong Dodong!” sigaw ni Aling Pops habang habol ng taga ng itak si Dodong.

Sa pagtalilis, nanganib na maputulan nang maipit sa zipper ang pinagmamalaking ari, bagama’t
agos ang dugo sa hiwa ng taga sa likod.

“Letse ka, Pops! Babalikan kita!”

Takot ay karaniwang damdaming saklot ang mga taga-looban: batid nilang hindi mapag-biro si
Dodong. Subali’t ito ang hantungang laon nang pinaghandaan na ni Aling Pops mula nang
pumanaw si Boy.

“Tangna mo! Babae lang kaya mong hayup ka!”


Nanginginig ang bisig ni Aling Pops sa higpit ng pagyakap kay Bebeng. Sa unang pagkakataon,
nadama ni Aling Pops na may kahulugan ang naging buhay niya sa looban.

“Ate, lipat na tayo!“ ungot ni Tapyas, takot sa banta ni Dodong Tinga.

“Tapyas, kahit saan tayo mapadpad, isa lang ang kapalaran natin …ako’ng bahala. Papatayin ko
siya pag nagpakita dito!” matigas na pagsusumamo ni Aling Pops.

Naging pipi ang paglipas ng panahon sa anumang balita tungkol kay Dodong. Nagpatuloy ang
kanilang pakikibaka sa lamig ng ulan, sa darang ng araw. Sa likod ni Tapyas nanatiling
nakabayubay ang puting pakpak…walang takot na nangangalahig gayong batid ang bantang
panganib na paguho ng bundok-basura anumang saglit.

“Hu e nung isang taon gumuho din, a. Walang nangyari a!” yabang ni Tapyas.

“Ngayon pa… me mahiwagang pakpak tayo!” bulong ni Digo.

“Dun ka sa bos mong reypist!” supla ni Tapyas.

“Takot ko lang masalbeyds…” bulong uli ni Digo

“Asan kaya si Dodong? Na-salbeyds na siguro!” sabad ni Kulot.

Pabiro kahit sa murang isipan, subalit sa Tambakan, hindi malayo sa katotohanan ang usaping
dinadaan sa tawa. Walang iniwan sa pamumuhay ng mga nakaririwasa, ang buhay ay hindi
malayong laman ng usap-usapan, alamat o haka-haka. Sari-sari ang nilulubid na kasinungalingan;
mga salaysay na hubad sa katotohanan, na natatapos sa lagutok ng halakhak o kaya’y malalalim
na buntong – hiningang nangangapa sa pangarap na inaaasam…o bangungot?

“Oy! Tabi lahat dyan! Paraanin si Angel Kalahig.” biro ng isang butad na bungal na dating kabit
ni SPO4 nang masabaw pa.

“Tantanan nyo ang bata!” sigaw ng isang nangangarap na sana nga’y mahiwaga ang pakpak ni
Tapyas.

“Ano’ng pake mo…pekpek mo!” ganti ng isang di palalamang.

Kung kaya, alas-singko pa lang ng umaga, may sabunutan na ng mga puyat at lasing sa
baklayan. Bakit nga hindi maaaring pag-sabunutan ang buhay ng magkapatid na animo’y
operetang sinusubaybayan tuwing alas sais trenta ng gabi? May himala, pahayag ng isa. Himala
nga’t patunay ang malakas na benta ng sampagita ni Bebeng; o nakaka-tatlong daan araw-araw
si Tapyas sa pangangakalahig; o, nakakaaninag na ang mata ni Bebeng; o, maging ang pabritong
aklat na kalkyulus, saulado na ni Tapyas.

“Luma ang mga propesor sa YuPi”

Laman siya ng mga salaysay sa gitna ng mga tagpong hitik sa iyakan, sampalan, patayan,
kantutan, ibigang mayaman/mahirap, pulitiko, karaniwang tao, at sa huli’y magwawagi at
matagumpay na paghiganti ng sawi.

Gabi, umaambon-ambon, kumukulo sa bituka ng dilim ang kabuuan ng Tambakan. Si Kulot at


Tapyas, bagama’t basa kahit naka-kapote ng trasbag, hilahod sa pagod at dumadahak ng plema
sa kapaguran, ay sagsag na sa dulo ng tambakan (malapit sa bangin nagsisilbing bubungan ng
mga barong-barong), duon kung saan naglisaw ang mga batang mangangalahig, nag-titipon sa
paligid ni Digo, tulala, namumuting animo’y santong naninigas sa lamig. Katal ang kamay nitong
mahigpit ang kapit sa kalahig – at ang kalahati’y nakatusok sa tiyan ng nabubulok na katawan ni
SPO4.

“Digo! Digo!” alog ni Tapyas sa balikat nito.

“Gaaa-haaak!” sumirit ang suka ni Kulot sa nakita: lubog hanggang bukong-bukong ang paa ni
Digo sa tiyan ni Dodong Tinga.
Marahan nilang inakay palayo si Digong sakmal ng lagim - sa namumulang mata nabanaag ang
kasagutan sa nakaraang palaisipan: kaya pala matagal nang nawala si Tinga…kaya pala wala
nang nagungulit kay Bebeng…kaya pala tigil muna ang kotongan nitong nakaraang isang linggo…
kaya pala nagsisibalikan ang mga sigang pina-puga ni SPO4…kaya pala may bago nang SPO4…
kaya pala kahapon may kotongan muli sa palengke, sa kanto, sa Tambakan…kaya pala tigasin na
si Tutpik dahil siya na ang aset ng bagong SPO4.

“Mahiwaga ang pakpak mo, Tapyas,” bulalas ni Digo.

“Si Mang Alex yun!” tanggi ni Tapyas, bagama’t may matamis na ngiting kumawala sa labi.

Himalang napukaw ang malay ni Digo, nakabungisngis palundag-lundag habang papalayo,


kaakbay si Kulot at Tapyas, maluwag ang hininga na kanina’y binarahan ng plema. Pakiramdam
niya’y lumulutang ang mga paang angat sa putik. Anupa’t sa paniwala sa hiwaga ng pakpak, ang
dilim na kumakain sa buong tambakan ay nagbigay liwanag sa isang malawak na kagubatang
hitik sa matatayog na puno, malalagong halaman, mababangong bulaklak, at hayun, tatlong
tanging kaluluwa’y nagsisilangoy sa malamig na tubig sa ibaba ng talon:

“Imburnal, Tapyas!” palahaw ni Kulot.

Bagma’t tigmak sa putik, hindi mabaklas ang ngiti at ligaya sa dibdib ni Tapyas at Kulot. Ligaya
iyong naging mailap kay Digo - saya, na batid nyang nanahan sa pusod ng kaluluwa, mabibigyang
laya lamang kung maaangkin ang mahiwagang pakpak.

Malalim na ang gabi (dalawang kapetera ng kape na ang nalalaklak ng mga ka-baklay ni Aling
Pops), sa tindi ng kapaguran, nahimbing ng malalim si Tapyas at hindi namalayan ang pagpasok
ni Digo (matapos pakainin ng pandesal na babad sa hinebra ang mga askal). Dahan-dahang
nilapitan ang pakpak, maingat na sinungkit sa pako - nangangatal, animo’y napapaso ang kamay.
Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa lalamunan ni Digo.

“Ako…si Anghel Kalahig,” sabik na ibinayubay ang pakpak.

Maingat, humakbang palabas. Hindi inaasahang nasaklit ng paa ang mukha ni Tapyas. Animo’y
gulat na pusang umigpaw ng pinto, kasunod si Tapyas, pupungas-pungas. Ingay ng hataw ng
mga paa sa putikan, kalampag ng nasaging lata, yero, bintana’y nagpasabog sa katahimikan.
Bumalikwas si Kulot sapo-sapo ang pundiyo (nakup! na-ihi uli sa banig); nalimpungatan ang mga
nagbabaklay sa bahay ni Aling Pops (“Bwa ka nang mga bata yan, oo!”).

Sa lakas ng dilaw na sinag ng ilaw sa mga poste sa Tambakan, hindi nakapagkanlong sa


kadiliman ang kumikislap at puting pakpak - sa indayog ng takbo ni Digo’y animo’y pumapaga-
pagaspas. Sa bawat liko, kaliwa o kanan, kasunod si Tapyas: nagtatampisaw ang mga paa sa
tubig at putik, nanggagalaiti ang mga ugat sa binti, leeg at mukha - hanggang masukol sa tuktok
ng tambakan, kung saan malapit sa banging madulas. Hinugot ni Digo ang dalang balisong,
iwasiwas, inundayan ng saksak si Tapyas. Nadulas sa kasamaang palad, nadapa’t tumilapon ang
balisong. Umigkas patayo at bumira ng bara-bara: kaliwa at kanang bigwas na sa hangin
nagsitama…hanggang sa madapa sa kapaguran at humagok sa pagsinghap ng hangin.

“Mahiwagang Pakpak! Bigyan mo ako ng lakas!” hiling ni Digo sa tinig na hindi maipaliwanag.

“Digo, walang madyik ‘yan!.”

Nag-iigtingan ang mga litid ni Digo sa higpit ng hawak sa pakpak, naka-amba ang kuyom na
kamao, tanda ng paglaban. Siyang pagbuhos ng ulan, hugos na animo’y rumaragasang talon,
kataka-takang inumang sa palad na kuyom. Unti-unti, ang init ng galit ay humupa sa daloy ng
malamig na tubig. Lumuwag ang higpit ng kamao, mabilis binaklas ang pakpak, ipinukol kay
Tapyas. Walang pasubali, tahimik na lumayo - nag-iwan ng mga tanong na tanging siya ang
makakasagot.

Tigalgal man sa naging pasya ni Digo, kaagad isinukbit ni Tapyas ang pakpak at sagsag na sa
paghabol.
“Pwede naman tayong magkaibigan, a!”

Hindi tiyak sa naibulalas, subalit iyon ang mga katagang bumalong mula sa kaniyang dibdib.
Kaibigan: iyon ang ibig niyang itawag sa kanya ni Digo.

“Wala akong kaibigan! Hindi kita kaibigan!” sigaw ni Digo, sinlakas ng buhos ng ulan.

Nasadlak sa putik ang paa si Tapyas: unti-unting bumaon, sapo ang bigat ng tinuran ng kaibigan.

“Wala akong kaibigan…hindi kita kaibigan!”…mga salitang umugong paulit-ulit sa kanyang isipan.
Bago tuluyang makalayo si Digo, pinawalan nito ang tunay na nadarama.

“Kaibigan mo ako!”

Hapong-hapo kung kaya’t hindi na nakuhang hubarin ni Tapyas ang pakpak, bumagsak ito sa
higaan na animo’y panapong pumapatak mula sa trak. Malakas ang hampas ng ulan sa yerong
bubungan subali’t hindi mapukaw sina Bebeng, Tapyas at Kulot sa lalim ng pagkakahimbing.
Maginaw ang paglipas ng mga oras. Hanggang sa pag-uumaga …ginising sila ng magkahalong
dagundong at palahaw ng mga tao sa labas ng iskinita.

“Takbo! Gumuguho ang tambakan!

Simbilis ng kidlat at sinlakas ng kulog, umigpaw sa banig si Tapyas. Hatak si Bebeng at Kulot
palabas sa barongbarong na dinudurog ng gabundok na basura; takbong walang puknat, umiilag
sa nagsasalimbayang kahoy, yero, bato putik at tubig, kasabay ng libo-libong bulating
nagsipulasan. Ang ugong na iyon… mga palahaw; iyak ng bata at sanggol; ungol sa ilalim basura,
delubyo ng ulan, lagapak ng kulog at kidlat… ungol ng kamatayang nanunuot sa laman at
kaluluwa.

Sakmal ng sindak, nagpatuloy silang tatlo sa paglikas, hatak si Aling Pops na nalamutak ang krim
sa mukha, hanggang sa marating ang barong-barong ni Digo, na animo’y lata ng gatas na
dinurog ng yapak ng dambuhala.

“Si Digo!” palahaw ni Tapyas.

Di alintanang mapahamak, gumapang sa ilalim ng barong-barong na patuloy na napipisa sa bigat


ng basura’t tubig. Sa loob natagpuan nitong nadadagan ng aparador ang paa ng kaibigan –
himalang buhay. Ubos-lakas nitong inangat ng balikat ang aparador. Bagama’t nabali ang binti,
nagawang gumapang ni Digo palabas patungo sa bahaging ligtas - kasabay ng nakabibinging
ugong ng pagguho ng basurang nilunod sa baha. Bahaw na ungol ng lagim ang namuo sa
lalamunan ni Digo:

“Tapyas!”

Sa matarik na bahaging ligtas, nakatirik ng buong yabang ang tolda nina Meyor, pumuputok sa
relip guds na ambag nina Senador, Kongresman. Naroo’t dagsa ang telebisyon, radyo, dyaryo,
mga usisero, karaniwang tao, pulis, militar, mga nakikidalamhati, mga kaluluwang mangalahig sa
buhay at patay. Sa mga nasagip, luha at dalamhati ang namayani sa kapalarang sinapit ng sarili’t
mga kamag-anak. Sa mga namayapa’y kagalakan ngayong malayo na sa kahirapan.

“Daming pagkain,” sigaw ni Kulot,” ubos ito ke Tapyas!”

“Ha? Nasa’n nga pala s’ya?” tanong ni Bebeng na abot-taynga ang ngiti.

Nakabungisngis, sabik na ipagmalaki ang gabundok na pagkaing naipon, dali-daling umikot sa


buong Tambakan si Bebeng at Kulot sa paghahanap sa kapatid. Nagawi ang dalawa sa loob ng
tolda na nagsisikip sa buhay at bangkay na nakatiwangawang. Naroo’t nadatnang nakahiga si
Digo: animo’y basurang nagulungan ng trak, duguan ang mukha, balot ang katawan sa gula-
gulanit na basahan. Walang itong puknat sa pag-iyak, mahigpit ang kapit sa pakpak ni Tapyas na
nakapatong sa dibdib… umuungol na di mawari: sa lalapit ang isang ina, luhaan, karga ang anak
na balot ng putik, at galak na nagbalita.
“Bebeng, ka-tapang ni Tapyas! ‘Labas-masok sa silong ng basura hanggang umaga…ay!... hatak
palabas ang natabunan! Salamat ka’mu sa pagligtas sa beybi ku!”

“Talaga po? Nasan po si Tapyas?” Bagama’t katabi, malayo na ang diwa ng kausap, lumilipad
kasama ng hinagpis ng anak na muntik nang malibing sa tambakan. Ungol na lamang ni Digo ang
nagingibabaw sa nakakatulig na ingay…tumuturo ang isang nabaling daliri sa mga ulap...
bumubulong.

“Ano raw?” tanong ni Kulot, di maulinig ang tinig ni Digo gayong kay Bebeng singlinaw ito ng
pagaspas ng pakpak.

“Anghel…Kalahig!”

******wakas******
Taguan
Maikling Kwentong ni Rolando Bernales
(Ikatlong Gantimpala, Palanca Awards 1995)

Eli, Eli, lema sabachtahani?- Mateo 27:46

Kayhimbing ng tulog ko’t kay linaw ng aking panaginip.

Kristal…. Kristal… Kristal!

Halos mapugto ang litid ko sa pagsigaw habang tinatahak ko ang pasilyo ng lumang eskwelahan.
Bawat pintuang aking maraana’y aking sinisilip. Ginagalugad ng aking paningin ang bawat lumang
mesa at mga iika-ikang silya sa loob ng bawat silid. Tama. Baka nga naman doon sa ilalim o sa
likod ng mga ito’y nagtatago si Kristal. Ngunit iiling-iling kong lilisanin ang mga iyon upang bigong
tumungo sa susunod na silid.

Taliwas sa madalas na mangyari tuwing Sabado o Linggo, ako ang nakababad na taya. Madalas,
si Kristal ang taya. Sa simula’y s’ya ang magtatago upang sa loob lamang ng ilang sandali’y
Makita ko sa likod ng mga paso ng mga halos mangalantang halaman o di kaya’y sa likod ng
isang pinto. Dangan kasi’y tako s’yang magpakalayu-layo at magtago sa kung saan-saang sulok
na di n’ya kabisado kung kaya’t madali ko s’yang natataya.

- Pung! Kristal! O, ikaw naman ang taya.

Magugulat pang bahagya si Kristal!

- Ay! Ang daya naman e, Nanilip ka kuya, ‘no?

- Oy, hindi a,

Pupungas-pungas pang tutungo si Kristal sa pader sa dulo ng pasilyo. Ihihilig niya ang kanyang
braso sa pader at isasandal ang noo sa braso. Papilit s’yang sisigaw.

- Pagbilang ko ng sampu, nakatago ka na!

Dali-dali akong magtatago sa paborito kong taguan… doon sa kabilang dulo ng pasilyo.

- Isa… Dalawa… Tatlo…

Sa dulo niyo’y naroon ang banyo. Madilim doon, wala kasing mga bumbilya. Hindi doon
nagpupunta si Kristal. Takot s’ya sa dilim. Mula sa loob niyo’y kitang-kita ko s’ya sa pamamagitan
ng isang maliit na butas.

- Apat…

- Lima…

- Anim…

Sabi ni Noknok, kalaro ko, nahuli raw s’ya minsan na namboboso sa mga kaklase niyang umiihi.
Takam na takam s’ya sa pagsipat sa mga binti at puwit ng mga kaklase sa butas na iyon mula sa
labas ng banyo nang mahuli s’ya ng kanilang titser. Buking na buking naman kasi ang pamboboso
n’ya, dangan kasi’y namimilipit pa s’ya sa pagsilip.

“Di na s’ya pinapasok ng Nanay n’ya matapos siyang pagsasabunin. Pinatawag kasi nu’ng titser si
Aling Ima, sabi raw ay binobosohan s’ya. Ang lokong si Noknok, pinagtanggol pa ang sarili. Sabi
nama’y di naman ‘yung titser ang binibosohan n’ya kundi ‘yung kaklase niya. Ayun,

binugbog pa s’ya ni Aling Ima. Buti nga!

- Pito… Walo… Siyam…

Wala pang sampu’y lilinga-linga na ni Kristal.


- Sampu!

Magpapalipat-lipat ng silid si Kristal, magbabaka-sakaling makikita ako sa isa sa mga iyon, upang
pagdating sa huli’y maluha-luha s’yang iiling-iling, sabay bubunghalit at mag-aanyong kaawa-
awa.

- Kuya… kuya naman, e. Uwi na tayo!

Sa ganoong tagpo’y kaaawaan ko ang kanyang inosenteng mukha na lalong pinaamo ng


nangingislap-ngislap n’yang mga mata sahil sa mga namumuong luhang nagbabadyang pumatak.
Lalabas ako’t magkukunwang walang kaalam-alam sa kanyang pagmumukhang-tanga sa
paghahanap at dahil sa pagmamakaawa upang bigyan lamang s’ya ng kaligayahan sa pag-
aakalang nataya n’ya ‘ko.

-Pung! Kuya Openg!

Ngunit sa panaginip ko’y ako ang taya at hirap na hirap sa paghahanap. Hindi ako makapaniwala.
Pati ang banyong madalas kong pagtaguan ay tiningnan ko na ngunit wala rin doon si Krista.
Saan kaya s’ya nagsuot? Paanong nakapagtago s’ya sa kung saan gayong dati-rati’y takot s’yang
magpakalayu-layo sa ‘kin?

- Kristal! Kristal!

- Bangon na, oy! Aba’t kukupad-kupad pa ‘tong batugang baklang ‘to!

Aba, aba… ‘yung bakla, matatanggap ko. Totoo ‘yun. Pero ‘yung batugan, hindi ko masisikmura.
Pa’no ba nama’y katitirik pa lang ng araw, bitbit ko na’y kahon ng sigarilyo habang palipat-lipat sa
mga bus at pasabit-sabit sa mga jeep habang si Tatay ay Tanduay o

Ginebra na ang hawak. Batugan pa pala ako gayong ako itong napapagod at napupuyat sa
paggala-gala kung saan mataong kalsada tuwing umaga hanggang hapo’t gabi at kung minsan
pa’y katu-katulong ni Nanay sa pagtitinda ng karne sa palengke samantalang si Tatay ay pahilik-
hilik lang na nakatihaya sa bahay.

Pupungas-pungas pa ‘kong babangon. Wala nang mumugan ay dadamputin ko ang kahon ng


sigarilyo. Kagabi’y bilang na bilang ko ang laman niyon… tatlong kaha ng Marlboro, dalawang
Philip at Hope at isang Winston. Ngayo’y kulang ng isang kaha ng Marlboro. Madaling napawi ang
aking Pagtataka. Paano’y nanghahaba ang nguso ni Tatay sa paghithit-buga ng sigarilyo sa isang
sulok habang sinasabayan ng pagtangu-tango ang makapananggal-tutuleng kantang metal na
nagmumula pa sa kabilang bahay.

- Iwanan mo’ko ng sampu bago ka umalis. Baka hindi ako pautangin ni Aling Pinang, e.

Sampu… sampung piso lang para sa bilog o lapad o sa kahit na anong nakapanlalasing. Nakikini-
kinita ko nang susuray-suray na naman si Tatay mayamaya lang sa kung sang iskinita habang pilit
na hinahanap ang daang pauwi sa aming barung-barong o di kaya’y hihilik-hilik na nakasalampak
sa tabi ng kung sang estero.

Sabi ni nanay, hindi naman daw dating ganyan si Tatay. Dati’y nagtatrabaho daw si Tatay doon
sa pabrika ng sabon sa Makati. Nang magbawas ng mga trabahador sa pabrika, isa s’ya sa mga
minalas na nasisante. Mula noon, nagsimula nang makitagay si Tatay sa kung saan-saang kanto,
hanggang sa magsawa ang kanyang mga kainuman at matuto siyang makipagkwentuhan sa sarili
habang solong nagpapakalasing. Buti sana kung katulad s’ya ng iba na kung nalalasing ay walang
kibo lang sa isang tabi o di kaya’y mahimbing na natutulog. Si Tatay, kapag nalalasing, madalas
ay naghahamon ng away at kung may siga-sigang magkakamaling pumatol ay uuwing pasa-pasa
ang mukha. O di kaya’y kung

minamalas, si Nanay, si Kristal o ako ang napagdidiskitahang regaluhan ng dagok o tadyak. Aba,
nawili ‘atang parang-haring titiha-tihaya’t pautos-utos na lang sa bahay si Tatay, lumalamon kahit
painum-inom lang ng alak buong maghapon. Kung minsan tuloy, naiisip ko kung ano ang naging
kasalanan ko at ni Kristal at binigyan kami ng Diyos ng Tatay na batugan. At si Nanay, bakit nag-
asawa ng lasenggo!

WALA akong maibigay na tubo kay Nanay.

- Nagkulang po kasi ng isang kaha ng sigarilyo, e.

Hindi ko masabing kinuha ni Tatay ‘yung isang kaha kulang pa sa puhunan ang napagbilihan ko.
Baka ‘kako marini ni Tatay at mapagbintangan akong nambibintang, gayong tiyak ko naming s’ya
ang kumuha nu’n. E, sino pa ba? Naku, ‘pag narinig ‘yo’y tiyak na magpapanig na naman ang
kanyang tenga at kahit na may hang-over ay tiyak na

sapul na naman ang ulo ko ng malutong na batok at kung mamalasin pa’y may bonus pang sipa’t
tadyak. Kaya nga ingat ako sa pagsasalita.

Matama kong pinagmasdan si Nanay sa kanyang pagkakaupo sa harap ng isang

lumang lamesita. Halos magsalubong ang kanyang mga kilay at halos magkandakunut-kunot ang
kanyang noo sa pagbilang ng mga perang papel. Batid kong inihihiwalay n’ya ang puhunang
pambili ng mga karne para bukas o di naman kaya’y pilit n’yang pinagkakasya ang tubo sa
mahabang listahan ng aming mga utang sa tindahan ni Aling Pinang. Dangan naman kasi, sa
inutang na alak lang ‘ata ni Tatay, kulang na ang tinubo ni Nanay. Ngayon ko lamang napansin,
ang laki na nang itinanda at ipinayat ni Nanay. Marami na ang guhit sa kanyang noo at ang
kanyang mga braso ay yayat

na’t may mga balat nang lumalawlaw. Marahil ay pagkaluwang-luwang na sa kanya ng kanyang
kupas na bestida. Ilang taon na nga ba si Nanay? Sa pakiwari ko’y sadyang napakatanda na ng
kanyang hitsura sa kanyang edad. Napag-isip-isip ko, pinatanda na si Nanay ng trabaho at
sakripisyo… ng pagod at perwisyo… ng bunton at konsumisyon!

Naalala ko, umaga nu’n, bitbit na ang kahon ng mga sigarilyo nang masalubong ko si Kristal na
sisinghap-singhap habang basing-basa ang mga mata sa luha.

- Kuya, sabi ni Milet… ano… ano… bakla ka raw. Tinukso n’ya ko e… Kuya ko raw… ano… bakla!
Huhuhu….

- Lekat, pagagalitan ko nga ‘yung matabil na batang ‘yon!

Pinagalitan ko nga si Milet, kalaro at halos kasing edad ni Kristal. Ewan ko ba, pero hindi ko matiis
si Kristal. Gusto kong madama n’ya na may kakampi s’ya.

Hindi ko napansing nagtititili na pala ako sa harap ng batang walang kalaban-laban. Nu’ng una’y
si Kristal ang ipinagtatanggol ko pero nu’ng kalagitnaa’y napansin ko ng sarili ko na ikinakatwiran
ko. Sa isip-isip ko, oo na, bakla na kung bakla, pero hindi na ‘yun kailangang ipamukha pa. Alam
na naman ‘yun ng lahat at hindi ko ‘yun ikinakaila. “Yung iba nga sa looban, mandurugas,
krimina, mamamatay-tao, putsa – sa madaling salita, di hamak na mas masama kaysa sa ‘kin,
kung masama nga ‘kong maituturing – hindi naman sila bakla, ah. Bakit ba ang kabaklaan ng mga
bakla ang madalas na pinagdidiskitahan ng mga pakialamera? Kasalanan b ang maging bakla?

- E, ano ngayon kung bakla? Ang nanay mo nga e….. e….. ano….. nagpapaano… kung kani-
kanino nagpapaano!

Saka ko lamang napansing parang nagsesermon na’ko at ang sinenermonan ko’y

di na lamang si Milet kundi ang marami pang ibang tagaloob.

Bago pa ‘ko nakapagpatuloy at sisinghap-singhap na rin si Milet habang lumuluha katulad ni


Kristal kani-kanina.

- Isusumbong kita sa Nanay ko… isusumbong kita! Huhuhu…


Aba’y kahahatid-hatid ko pa lang kay Kristal sa bahay nami’y dinig ko na agad ang matitinis na tili
ni Aling Beth.

- Hoy, Openg! Anong ginawa mo kay Milet ko?

Sa harap ng aming pintuan, mga ilang hakbang ang layo ay naroo’t nakapamaywang si Aling Beth
habang si Millet ay nagtatago sa likod ng kanyang kanang binti. Halos pumutok ang kanyang
dibdib sa masikip niyang tube-blouse na pula. Inilalantad ng kanyang maikling maong na shorts
ang kanyang mapuputing binti. Samantala’y nagpapakasasa naman sa katititi kay Aling Beth ang
mga kalalakihang nangag-ipon na sa harap ng bahay naming habang ang mga kababaiha’y
nakaabang sa susunod na mangyayari upang mamaya’y may paksa na naman silang
mapagtsitsismisan.

- Pa’no ho’y pinaiyak n’ya si Kristal, e.

- E ano’t sinabi mo pang nagpapaano ako sa kung kani-kanino? Ano bang pakialm mo?!

Napag-isip-isip ko, hindi ko nga pala dapat sinabi ‘yon. Totoo, wala na ‘kong pakialam do’n, tulad
ng kawalan nila ng pakialam sa kabaklaan ko. Sabagay, alam na ‘yon ng lahat. Alam ng lahat ng
tagalooban na si Aling Beth ay nabuntis ng dati n’yang kasintahang anak ng isang konsehal. Pero
sa halip na panagutan ang kanyang dinadala, tinakbuhan s’ya ng lalaki at binalaan pa s’ya ng
konsehal na huwag gagawa ng eskandalo. Hindi rin lihim sa lahat na nang makapanganak s’yay
nagpalipat-lipat s’ya ng pagsasayaw sa kung saan-saangbeerhouse hanggang sa humantong s’ya
sa isang mumurahing cabaret. At nitong huli, dahil medyo laspag na raw, ay umaasa na lang s’ya
sa barya-barya mula sa kung sinu-sinong tagalooban o dayong gusting magparaos ng init.

Ngunit napasubo na’ko at kailangan kong mangatwiran.

- Dangan kasi’y si Milet naman ang nauna!

S’yang pasungaw ng Tatay ko sa pintuan, halatang naalimpungatan sa pagkakaidlip.

- How, Castor! ‘Yang mga anak mo, binastos ako’t pinaiyak ‘tong si Milet ko!

Ewan ko ba kung bakit kinailangan pang lakasan ni Tatay at iparinig sa kanila ang bawat sermon
at mura kasabay ng paghagupit ng yantok ng walis-tambo sa aming binti, pigi, braso at sa kung
saan-saan. Ewan ko kung bakit kinailangang lumagabag pa nang malakas ang nabuwal na mesa’t
mga nangaglaglagang platong lata.

Ngawa nang ngawa nu’n si Kristal. Ngunit dinig na dinig ko ang banta ni Aling Beth bago sila
umalis.

- Kastiguhin mo ‘yang mga anak mo, Castor! Kung hindi’y hindi na kita bibigyan ng diskwento sa
susunod!

LINGO nu’n, isang lingo mula nu’ng pagalitan ko si Milet at bugbugin kami ni Tatay. Nakalimutan
na nina Kristal at Milet ‘yun at wala na rin ang mga pasa sa katawan naming magkakapatid.

Pagod na kaming magtaguan sa eskwelahan nina Noknok, Milet at Kristal kayat napagkaisahan
naming maglaro ng aral-aralan.

Bakit nga naman hindi, total tuwing Sabado o Linggo lang naman kami nakakapasok sa
eskwelahan, dangan nga lamang ay hindi upang mag-aral kundi upang maglaro. Grade Sixn
asana, samantalang si Kristal at Milet ay Grade two na sana. Ewan ko ba kung bakit hindi kami
makapag-aral gayong mahihirap din naming tulad naming ang mga nag-aaral doon. A, siguro
nga’y mas mahihirap kami!

- Si Openg na ang titser natin.

- E, sino pa?

Okay na rin, total pangarap ko rin naming maging titser. Kaya lang, ayaw ni Tatay. Dinig na dinig
- Ku… ano bang titser-titser, kapurol-purol ng utak niyan! Paturuan mong maggupit at magkulot
do’n sa parlor, total babakla-baka, e! Buti pa ‘yon, arawan ang kita.

Inis na inis ako no’n kay Tatay. Kontrabida talaga! Aba’y hindi ‘ata mapurol ang utak ko.

- O sige, tayong mga pulis ni Ser Openg.

- Hoy, Mam Openg! Hahaha…

Batukan ko nga si Noknok. Mapang-asar kasi. Titser (daw) ‘ata ‘ko. Di tuloy siya makaganti.

- O sige, sagutin n’yo ‘to. Sino ang ilaw ng tahanan?

- E di… bumbilya! Hahaha…

Mahilig talagang magpakwela si Noknok. Kaya naman inis sa kanya ang titiser n’ya. Busero na,
pilosopo pa.

- Tanga! Ang ina ang ilaw ng tahanan. Ngayon, sino naman ang haligi ng tahanan?

Si Noknok uli.

- Ama?

- Tama!

Pero hindi makapaniwala si Noknok. Naalala ko, ‘yun nga palang pulis n’yang tatay ay may
kinakasama na raw sa Pasay na mas bata at mas maganda kaysa nanay n’ya. Usap-usapan nga
minsan sa looban na Japayuki raw ‘yung bagong asawa ng tatay ni Noknok at sila ng

nanay n’ya ay kinalimutan na raw. Sabagay, haligi nga nama’y suporta, pundasyon. Paano nga
naman maniniwala si Noknok na ang ama ang haligi ng tahanan kung ang tatay n’ya mismo ay di
sila sinusuportahan. At si Milet, nasaan na nga pala ang tatay n’ya? Aba’y maging ang mga
tsismoso sa looba’y nagsagawa na rin sa panghuhula!

Pero ewan ko, minsan naiinggit ako kina Noknok at Milet. Minsan kasi, naiisip ko, sana mawala na
rin ang tatay ko.

Isang hapo’y sinadya ko si Nanay sa palengke. Mahalaga ang aking pakay. Maselan ang aking
sasabihin. Sa gitna ng pag-alis-pagparito ng mga mamimili ay paputul-putol kong naisalaysay kay
Nana yang sinabi sa ‘kin ni Kristal.

- Kuya, kanina naglaro uli kami ng bahay-bahayan ni Tatay.

Gitla si Nanay at di-makapaniwala.

- S’ya raw ang Tatay at ako ang Nanay. Tapos… hinubaran n’ya ‘ko ng damit…

Ako ma’y di-makapaniwala nang ikwento sa ‘kin ‘yon ni Kristal.

- Tapos… tapos… naghubad din s’ya.

Matatalim ang titig sa ‘kin ni Nanay… mapang-usig.

- ‘Wag kang magbibiro ng ganyan, Openg!

Hind maaaring magsinungaling si kristal. Hindi s’ya maaarin magsinungaling sa ‘kin.

- Sabi n’ya ‘wag ko raw sasabihin kay Nanay. Bukas pa nga raw malalaro ‘uli kami. Tapos, kuya,
binigyan n’ya ng limampiso… eto o.

Ilang sandaling natigilan si Nanay. Sa pakiwari ko’y naghahagilap siya ng sasabihin. Ngunit
kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay at ang pangangatal ng kanyang panga.
- Ale, bili ba ho kayo…

Garalgal ang lumabas na tinig sa bibig ni Nanay.

- Ku…. Nagpapaniwala ka sa batang ‘yon! Gawa-gawa n’ya lamang ‘yon!

Sana nga…

- Ale, bili na kayo…

Sana…

Maagang naubos ang mga paninda ni Nanay kayat niyaya n’ya ‘kong sumabay sa kanya sa pag-
uwi. Bitbit ko ang bayong na lama’y mga kagamitan sa pagtitinda samantalang sakbit ni Nana
yang palumpon ng mga barya’t perang papel na pinagbilihan. Magkasabay naming tinatahak ang
landas patungo sa looban.

Sa daan, walang-imik si Nanay. Sa pakiwari ko’y binabagabag s’ya ng kwento sa ‘kin ni Kristal.
Pilit kong iwinawaksi ang pangyayaring ‘yon sa ‘king isipan ngunit madalas pa rin akong natutuliro
at natutulala sa pag-aalala. Ilang araw pinag-isipan at pinagdalawahang isip kung dapat ko ngang
sabihn. ‘yon kay Nanay. At ngayo’y ewa ko kung tama ang

naging desisyon ko.

Ilang sandali lamang ay nasa harap na kami ng aming barung-barong. Marahang binuksan ni
Nanay ang pintong hindi natatrangkahan. At… at… at kapwa kami nagitla ni Nanay sa aming
nakita… si Tatay, halos hubo’t hubad na nakakubabaw kay Kristal at sapu-sapo ang bibig ng
kaawa-awa kong kapatid na walang-muwang sa pang-aabuso sa kanyang kahinaa’t

kawalang-muwang. Napabalikwas si Tatay. Hindi pa man siya lubusang nakababangon ay


nasugod na siya ni Nanay.

- Walanghiya ka, Castrol! Walanghiya!

Pinagbubugbog ni Nanay ang dibdib at mukha ni Tatay. Ang mga mata ni Nanay ay nag-aapoy
sag alit. Dama ko ang nagpupuyos na suklam, muhi at poot sa kanyang dibdib.

Hinawi s’ya ni Tatay, hinablot sa buhok at sinuntok, tinadyakan, tinulak. Bumalandra si Nanay sa
lamesita. Nagkalampagan ang mga latang plato. Nabasag ang mga basong dati’y sisidlan ng
kape. Kitang-kita ko nang umagos ang dugo mula sa mga labi Nanay. Kitang-kita ko…

Nandilim ang aking paningin. Dali-dali kong kinapa ang laman ng bitbit kong bayong. Sumakamay
ko ang kutsilyong gamit ni nanay sa palengke. Nagsusuot ng pantaloon si

Tatay nang s’yay aking sugurin. Ubod-lakas ko s’yang inundayan sa kanyang likuran.

Napaharap s’ya sa ‘kin, napahinuhod. Nanlaki ang kanyang mga pulang mata. Parang

biglang nawala ang kanyang kalasingan. Sa kanyang bibig ay may tumakas

na ilang utal na salita.

- O… O… Openg… hu… hu… wag…

Ngunit sa kanyang mukha’y nakita ko ang larawan ng tatay ni Noknok, ‘yung pulis na umiwan sa
kanilang mag-ina.

Muli kong inundayan s’ya ng saksak sa dibdib…

-Para kay Noknok!

Naalala ko ‘yung anak ni konsehal, ‘yung umabandona kina Aling Beth at Milet.

Isa pa, sa tiyan…


-Para kay Milet!

Nakita ko si Nanay… gitla at tulala. Naalala ko ‘yung pagpapakahirap n’ya sa pagtatrabaho


habang si Tatay ay nagpapalaki ng ano sa kahihilata sa bahay. Naalala ko ‘yung bugbug n’yang
iniluluha n’ya na lang at madalas ay pilit n’yang itinatago sa ‘min.

Isa pa sa tagiliran…

-Para kay Nanay!

Naalala ko ‘yung pag-aaral ko ng nahinto, ‘yung panlalait sa kabaklaan ko, ‘yung maraming batok
at tadyak at ‘yung bawat pasa sa katawan ko na oo nga’t naghilom ay nag-iiwan naman ng latay
sa puso ko’t isipan.

Isa pa, sa balakang….

- Para sa ‘kin!

Tiningnan ko si Kristal… duguan ang binti at hindi magkamayaw sa kangangawa sa harap ng


nasasaksihang karahasan. Naalala ko ‘yung kamusmusan n’yang inagaw ni Tatay, ‘yung kahinaan
niyang sinamantala ni Tatay, ‘yung kalinisan niyang dinungisan ni Tatay at ‘yung pagkababae
niyang niluray ni Tatay.

Isa pa, sa ano…

-Para kay Kristal!

Nanaginip ‘uli ako.

Nakaharap sa pader sa dulo ng pasilyo si Kristal, nakahilig ang kanyang noo sa braso.

- Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo!

Isa… Dalawa… Tatlo…

Nakita ko ang silid sa kaliwa’t kanan ng pasilyo: Doon sa isa sa mga iyo’y madalas kaming
maglaro ng aral-aralan nina Noknok, Milet at Kristal. Sa kabilang dulo ng pasilyo’y naroroon pa rin
ang banyong madalas dating pambosohan ni Noknok.

-Apat… Lima… Anim…

Mula sa butas ng banyong iyo’y kita-kita k si Kristal. Wala pa ang sampu’y lilinga-linga na s’ya.

- Pito… Walao… Siyam…

Sinilip niya ang unang silid.

- Sampu!!!

Ginalugad niya ng tingin ang mga lumang mesa’t mga iika-ikang silyang naroroon. Napalipat-lipat
ng silid si Kristal… palinga-palinga… naghahanap… upang pagdating sa huli’y maluha-luha s’yang
iiling-iling, sabay bubunghalit at mag-aanyong kaawa-awa.

Sa gayong tagpo’y kaaawaan ko ang kanyang inosenteng mukha na lalong pinaamo ng


nangingislap n’yang mga mata dahil sa mga namumuong mga luhang nagbabadyang pumatak.

Ngunit hindi pangalan ko ang tinatawag ni Krista. Hindi ako ang hinahanap n’ya…

- ‘Nay… ‘Nay… Nanay?

Marahan kong hinaplos ang buhok ni Kristal at maamong tinitigan ang kanyang maamo at kaawa-
awang mukha.

- “Wag kang mag-alala Krista, Bukas dadalawin natin sa presinto si Nanay…

*****-wakas-*****
Tata Selo
Maikling Kwentong ni Rogelio Sikat
(Ikalawang Gantimpala, Palanca Awards 1963)

Ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito’y isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng
tao sa tulong ng mga salita. Sa kuwentong ito, alamin kung anong mga pangyayari sa mga tao sa
lipunan ang malinaw na pinapaksa ng may akda. Matagumpay ba itong nailahad ng may akda?
Anong paraan ang ginamit niya?

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas
ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang
bakuran ng bahay-pamahalaan.

Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangan makalapit sa
istaked.

“Totoo ba, Tata Selo?”

“Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”

Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa
noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris
niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng
asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang
kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao.

“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi
ko ho mapaniwalaan.”

Hinaplus-haplos ni tata Selo ang ga-daliri at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang
harapan, di kalayuan sa istaked, ipinagtitilakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa
kanya. Mainit ang Sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa
kanilang ulunan ay nakalutang ang nagsasalisod na alikabok.

“Bakit niya babawiin ang saka?” tanong ng Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso
ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming
nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”

Hndi pa rin umalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin
siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.

Hindi mo na sana tinaga ang Kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa
San Roque, na tila isang magilas na pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa
istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay, at nakapamaywang habang naninigarilyo.

“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala
na akong saka?”

Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang Kabesa. Ari niya ang
lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapapaalis ka niya anumang oras.”

Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.

“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang
nagtapon ng sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos. “alam po ba ninyong dating amin ang
lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng
Kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga po ako hindi nagbibigay ng kahit
isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masasaka man lamang
po.nakikiusap po ako sa Kabesa kangina. ‘kung maaari po sana, ‘Besa’’, wika ko po, ‘kung maaari
po sana, huwag naman po ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong
ako’y matanda na, ngunit ako pa nama’y malakas pa.’ Ngunit…Ay! Tinungkod po niya ako nang
tinungkod, Tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po ‘nyo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa
isang pulis.

“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”

Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na
nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na
naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata.

Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.

“Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka.
Pinaalis ako sa aking saka, ang wika’y iba na raw ang magsasaka. Nang makiusap ako’y
tinungkod ako. Ay! Tinungkod ako, amang, nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng
saka ay saan pa ako pupunta?”

“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”

Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.

“Patay po ba?”

Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.

“Pa’no po niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong anak ni
Tata Selo na ulila na sa ina.

Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. “Pa’no po niyan si
Saling?”

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata
Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng
kabesa. Abut-abot ang busina ng dyip na kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang
hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.

Tumigil ang dyip sa di-kalayuan sa istaked.

“Patay po ba? Saan po ang taga?”

Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng may-katabaang alkalde ang
dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking lalaking hepe.

“Saan po tinamaan?”

“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing ihinagod
hanggang sa kanang punog tainga. “Lagas ang ngipin.”

Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta
ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang
tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.

“Mabibilanggo ka niyan, Tata Selo,” anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si Tata Selo
sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa
nasasalaminang mesa.

“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata
Selo.

“Binawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati
pong amin ang lupang iyon, amin, po, Naisangla lamang po at naembargo—“

“Alam ko na iyan,” kumukupas at umiiling na putol ng nabubugnot na alkalde.


Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw nang luha sa
kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.

“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka.
Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”

“Saan mo tinaga ang Kabesa?”

Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

“Nasa may sangka po ako nang dumating ang Kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na pilapil. Alam
ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para
malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po,
tinawag niya ako at nang ako po’y lumapit, sinabi niyang makakaalis na ako sa aking saka
sapagkat iba na ang magsasaka.

‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman,
‘Besa?’ Tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a’ Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako
sa kanya, ngunit ako po’y… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod.”

“Tinaga mo na no’n,” anag nakamatyag na hepe.

Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin—may mga eskribante pang nakapasok doon—
ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa
ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang
kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.

“Ang iyong anak, na kina Kabesa raw?” usisa ng alkalde.

Hindi sumagot si Tata Selo.

“Tinatanong ka anang hepe.”

Lumunok si Tata Selo.

“Umuwi na po si Saling, Presidente.”

“Kailan?”

“Kamakalawa po ng umaga.”

“Di ba’t kinakatulong siya ro’n?”

“Tatlong buwan na po.”

“Bakit siya umuwi?”

Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya.

“May sakit po siya.”

Nang sumapit ang alas-dose—inihudyat iyon ng sunod-sunod na pagtugtog ng kampana sa


simbahan na katapat lamang ng munisipyo—ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan
si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.

“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na

Nakayuko at di pa natitinag sa upuan.

“Binabawi po niya ang aking saka.” Katwiran ni Tata Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo. Sa lapag
halos mangudngod si Tata Selo.

“Tiungkod po niya ako ng tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni
Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig napaluhod si
Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe.

Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe.

“Tinungkod po niya ako ng tinungkod… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod ng tinungkod…”

Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.

“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e,” sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na
nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.

Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na
naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang
iyo’y dapat nang nag-uuulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong
nagkakalat ng mga papel sa itaas.

“Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa
matandang nasa loob ng istaked. “Don ka suguro ikukulong.”

Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo.
Sa paligid niya’y natutuyong tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas
na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, naka-sandal siya sa
steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na
gagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.

“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit
sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.

“Patayin na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang narinig si Tata Selo. Napatay ko po
ang Kabesa. Patayin na rin ninyo po ako.”

Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis
niya ng mga palad at tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo,
nakita niyang lalo nang nakiling ito.

May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok
ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid
sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-Poblacion.
Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing
kinahapunan ang Kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila
isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal.

Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang
anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas
na humagulgol.

Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan.

Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo.
Halos buhatan siyang dalawang pulis.

Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya
ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.

Nagyakap ang mag-ama pagkakita.

“Hindi ka na sana naparito Saling,” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka, Saling, may
sakit ka!”
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang
buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang
namumulang mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga
nakatinging pulis.

“Umuwi ka na, Saling” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na…bayaan mo na. Umuwi ka na, anak.
Huwag, huwag ka nang magsasabi…”

Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik niya sa
istaked, pinanood na naman siya ng mga tao.

“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi ng halata.”

“Ang anak, dumating daw?”

“Naki-mayor.”

Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo
pagkaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng
istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon at habang
nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis ngunit paos siya at
malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha
sa sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa
kanya.

“Tata Selo…Tata Selo…”

Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.

Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.

Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya.

“Nando’n amang si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na
kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nag-paulik-ulik,
pagkaraa’y takot at bantulot nang sumunod…

Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May
kapiraso nang lihin sa istaked, sa may dingding na steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon.
Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa
kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng
araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang Inutusan niya kanina. Sinabi ng bata
na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na
ngayo’y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi.

Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila,
lahat, ay! Ang lahat ay kinuha na sa kanila…
Kahiwagaan
Maikling Kwentong ni Pablo N. Bautista
(Ikalawang Gantimpala, Palanca Awards 1963)

May mga pangyayaring mahiwaga sa ating buhay, mga pangyayaring kung hindi lamang
naganap sa ati’y halos di natin mapaniwalaan.

Yaon ang buod ng isang aklat ng paham ng Hudeo na di sinasadya’y aking nabasa.

Nahikayat ako ng kanyang mga paliwanag sa kahiwagaaan ng kalikasan, at nakalingatan ko na


tuloy na maaring tumawag sa telepono si Magdalena. May matibay na paniwala ang paham ni
Hudeo sa kaluluwa ng tao at sa tibay ng pananampalatya. May sarili siyang paniwala sa mga
pangyayaring pangkatalagahan, tulad ng pagbagsak ng meteor, ang pagkakaroon ng mga
buntala at lindol. Sa bahaging tinatalakay niya ang kamatayan at mga kaluluwang nagbabalik ay
sinagilahan ako ng bahagyang agam-agam. Gayunpama’y ipinagpatuloy ko ang pagbasa. Ang
paraan niya ng paglalahad ay may pambalani, at yao’y isang bagay na nagpapatingkad sa
kahiwagan ng kanyang paksa. Subali’t nang umabot na ako sa bahaging pinapaksa niya, ang
mga maligni, ay biglang- bigla kong binitawan ang aklat. Lumagapak yaon sa sahig bukas pa rin
sa huling pahinang binabasa ko.

Ako’y hindi sadyang matatakutin, nguni’t ngayon, ang sagila ng pangamba’y unti-unting
tumatalab sa akin.

Sa labas, ang kalikasa’y may tinig na Sali-salimuot. Lumalakas ang hangin at ang
hagunot nito’y ipinapakilala ng naglalangitngitang mga lumang haligi ng aming matandang bahay.
Sumasama ang panahon, at aywan ko kung anong kutob ang pumukaw sa akin, para bang
nagbabalang may mangyayari sa gabing yaon.

Nag-iisa sa maluwang na silid. Ang silid na ito’y luma, napapalamutihan ng mga


kurtinang bughaw, na ngayon, sa kadiliman, ay makutim sa paningin. Sa tapat ko ay nakasabit
ang isang malaking orasang lagging tumutugtog ng ikalabindalawa: sa kalumaa’y hindi na maayos
ang pagbabalita nito sa oras. Sa kinakaliwa ko’y naghuhumindig ang isang itim na aparador na
may buo at nagingintab na salamin. Mula sa aking kinauupua’y nakalarawan sa salamin ang aking
mukha: karaniwan, kayumanggi, hawas, mga matang malungkutin at waring nag-uusisa;
paghihinalang mga tatlumpung taon na nguni’t kalian lamang nagdalawampu’t lima.

Sa salami’y nakahantad din ang isang nakasabit sa aparador. Yao’y isang malaking
kuwadro na kinalalagyan ng buhay na buhay na larawan ng aking ama-amahang Hebreo: ulong
nakapugong, mga labing ikom na ikom. Ang kabuuan niyo’y larawan lamang. Sa sandaling
tinatanaw ko ang larawan’y parang kong napansing yao’y gumalaw, para akong napansing ang
mukha’y natinag. Subali’t hindi magkakagayon. Yao’y isang larawan lamang. At saka , patay na
ang aking ama-amahang Hebreo. Ngayon ang ikalabintatlong gabi ng kanyang pagkamatay.

Labintatlong gabi na siyang patay nguni’t parang buhay pa siya. Waring narito
pa sa silid ang kanyang katauhan, parang gumagalaw siya sa kabuuan ng silid na ito.

Sa tabi ng malaki at itimang aparador ay nakalahayhay ang maraming aklat.


Yaon ang katipunan ng aklat ng aking yumaong ama-amahan: maiitim na ang pabalat niyon at
matitiyak na mga luma na, ang mga salitang nakalimbag sa takip ay Latin bagama’t sang-yon sa
aking ama-amaha’y sa iba’t ibang matatandang wika nasusulat yaon. Malapit sa halayhay ng mga
aklat ang hapag na kinappapatungan ng isang lumang telepono. Yaon ang ginagamit ng aking
ma-amahan sa pakikipag-usap sa mga tumatawag sa kanya kung gabi.

Noon pa manga raw ay sinasabi na niya sa aking mahiwaga ang kanyang mga
aklat. Sinasabi niyang yao’y nauukpl sa paniniwala niya sa pananampalataya, sa kahiwagaan ng
kalikasan at ng kaluluwa ng tao.

Kapag inusisa ko ang sinasabi niyangg kahiwagaan ay hindi niya ako tinutugon.
Sinasabi niya sa akin: “Diego, inampon kita mula nang ikaw ay maliit pang naulila sa mga
magulang.
Kung sasabihin ko sa iyo ang mga kahiwagaang iyan ay hindi magiging mahiwagan sa iyo. Kaya
lamang maganda ang buhay ay may kahiwagaang nais mong mabatid.”

Iyan ang sinasabi niya sa akin sa kanyang wikang natutuhan ko na rin sa loob ng panahong
ipinagsama namin. Dalawa lamang kaming niya sa bahay- si Damaso, na isang utusan,at ako.
Kami ang katulong niya sa pamumuhay. Ang kanyang pinagkakakitaan ay magaang gawain. Sa
mga bahay-bahay ng kanyang kalahi ay nagtutungo siya tuwing Linggo at kinakaniig ang
sinumang nais humingi ng basbas sa loob ng tatlong oras. Inihahatid namin siya ni Damaso. May
isang tilburi kami at ako ang nagpapalakad niyon. Si Damaso ang nag-aalaga ng kabayo.

Ukol sa pananampalataya, minsan ay narinig ko sa kanya ang ganito: “Walang


makakapagsabing ang isang pangkat ay siya nan gang biniyayaan ng Makapangyarihamh.
Kinakailangan niyang maghanap ng landas. Ang landas ay nasa pananalig.”

Kung itinatanong ko sa kanya kung ano ang kanyang pananampalatay ay hindi


niya sinasabi sa akin.

Hindi ko malaman kung bakit para niyang nahuhulo pati ang aking kalooban.
Marahil ay napapansin niyang hindi ko pinag-uululan ng pag-aaral ang kanyang mga paniniwala.

Ang bagay na yao’y natuklasan niya isang araw. Naratnan niya akong nagbabasa
ng isang aklat ukol sa paniwal ng isang ateo.

Sa unang pagkakataon ay nakita kong nanlilisik ang kanyang mga mata; naginig
siya sa tinitimping poot, nangangatal pati ang kanyang putting balbas. Bigla niyang inihagis ang
aklat sa durungawan. Pagkatapos, aywan ko kung bakit, bigla siyang nanangis. Hindi lamang
yaon ang ipinagtataka ko. Ako’y kanyang niyakap at sinabi niya sa akin: ‘ Diego, nabigla ako.
Dapat igalang ko ang iyong paniwala. Ngunit gayari ang akning masasabi. Makikilala mo rin ang
landas kapag dumating ang takdang panahon”.

Ngayon, sa aking pag-iisa sa silid na ito, alaala na lamang ng akinng ama-


amahang Hebreo ang nagbabalik. Ayaw ko sanang mapag-isa, ayaw ko sanang mangulial sa
bahay na ito lalo na ngayong sumasama ang panahon. Sana’y narito na lamang si Damaso o
kaya’y may kausap ako sa telepono. Mula nang mamatay ang aking ama-amaha’y mamasukang
sereno si Damaso, sa isang matandang manggagamot na nakatira sa lumang bahay na di
kalayua n kina Magdalena. Sadyang nais kong narito si Damaso, hindi naman dahil sa ako’y
natatakot, ngunit may mga bagay na sinasabi sa amin ni Damaso ang yuamo bago tuluyang
sumakabilang buhay…… Yaon ang pinangangambahan ko.

Bilang pag-aaliw ay nagbabasa ako ng aklat na gustong gustong basahin ng


aking ama-amahan. Una kong binasa ang isang aklat na nauukol da pananalig ng tao sa kanyang
pananampaltaya, yao’y hindi ko matagalang basahin. Sumunod kong binasa’y nauukol naman sa
mistisismo at sa mga paniwala ng mga mistiko. Kinutuban ako. Ikatlo kong binasa’y ang aklat ng
paham na Hudeo, yao’y binitiwanko- ngayo’y bukas pa rin sa huling pahinang binabasa ko nang
yao’y bumagsak sa sahig.

Tumunog ang matandang orasa. Buong labindalawa ang tugtog sa kanyang


pinagsesernuhan kanginang gumagabi ay ibinubulong pa niya sa akin: “ Diego, ngayon ang
gabing itinakda. Ikalabintatlong gabi ngayon.”

Mula sa aking kinauupua’y tumindig ako. Laganap sa karimlan. Wari bang ang
bagwis niyon ay namamayagpag- naririnig sa buoong paligid ang mabagsik na paghuhumugong
ng hangin, waring tinig ng nagsusungit na panahon, waring babala ng anumang maaring
manyari. Sa hanay na kinatitirikan ng lumang bahay na ito’y wala nang nakabukas na ibang
tahanan. Mangilan-ngilan lamang ang bahay sa purok na ito. Sa mangilan-ngilang yao’y
magkakalayo pa. wari bang mga ulilang tanod na naglalamay sa kadiliman. Sa isip ko’y para kong
natatanaw ang ulilang bahaay ng matandang manggagamot na pinagsesernuhanni Damaso. Sa
tabi niyo’y may isang malaki-laking gusaling simbahan ng mga nanalig. At natitiyak ko na sa oras
na yao’y pinid nang lahat ang mga bahay, wari bang natatakot sa karimlan.
Bumaling ako. At napadako ang aking paninging galling sa dilim ng larawan ng
aking ama-amahan. Nagyo’y hindi koi big paniwalaaan ang aking sarili: ang larawa’y parang
natinag, gumalaw. Ang matang maiitim at mahiwaga ay parang lalong napatuon sa akin, katulad
na katulad noong huling oras na malapit nang dumating sa kanya ang kamatayan.

Hindi ko alam na siya’y may-saakit, ngiuni’t nang gabing yaon, kalaliman din ng
gabing tulad nito ay ginulantang niya ako sa pagkakahiga.

“Diego,” parang narinig kong tawagniya. Malamig at naunuo’t ang tinig. Malamig
na malamig ang kamay na dumampi sa aking pisngi. “ Diego, gumising ka.”

“Bakit po, Ama Hosep?”

Sa paninhin ko noo’y lalong mahiwaga ang kanyang maaitim na mata, sa tingin


ko’y waring iba ang kaanyuan ng kanyang mukha. Ang kanyang paghinga’y madalang, at
nalanghap ko ang kakaibang samyo, para bang samyo ng mga bulaklak, para bang samyo ng
pambihirang kamanyang, samyong para noon ko lamang naamoy.

“ mamatay ako, Diegoo,” anya. Malamig at panatag ang kanyang tinig.

Napabalikwas ako noon at bigla kong hinarap ang aking ama-amahan.

“Huwag kang mabigla. Daraating na ang aking oras.”

Ang nakahawak niyang kamay sa akin ay lalong naging malamig at ang mukha,-
a, ang mukhang yaon- panatag na panatag, mahinakong- mahinahon sa harap ng kamatayan.

“Iiwan ko sa iyo ang bahay na ito at ang aking mga aklat.”

“ Nagbibiro kayo, Ama Hosep.”

“ Ingatan mong mabuti ang mga aklat kahit pagkagiba ng bahay na ito,
kakailanganin mo ang mga aklat,”

Noon, ang aking ama-amahan ay tumitig sa akin, yaong titrig na parang hindi na
magwawakas, yaong titig na,-o, paano ko mailalarawan ang kabuuan ng titig na yaon. Noon ,
marahan niyang sinabi: “ Mamamatay ako sa silid na ito sa ganap na ikalabindalawa ng gabi.”

Bumitiw ako sa pagkakahawak ko kay Ama Hosep. Dinama ko ang aking mukha
upang matiyak na ako’y hindi nananaginip o kaya’y nahihibang. Hindi na ako nananaginip.
Sumigaw ako.

“ Damaso! Damaso!”

Nguni’t parang walang lumalabas na salita sa aking bibig, parang akong biglang
naumid. Muli akong sumigaw. Kaginsa-ginsay nabuksan ang pinto, at sa isang tao ang mabilis na
pumasok. Dala-dala nito ang itim na krus.

“ Tumawag ka ng doctor, Damaso… Bakit ka may dalang krus Damaso?”

“ Alam niyang kailangan ko ang krus,” mahinahong tugon ni Aamng Hosep, “


Halina, Damaso. Manainga kayo ni Diego.”

Magkalapit kami ni Damaso. Hinahawakan ko ang kamay ni Damaso upang


muling tiyakin kung ako’y hindi magulantang o nahihibang. Nguni’t wasto ang aking pakiramdam.
Hawak- hawak ko ang kamay ni Damaso. Nguni’t nang tingnan ko- ang kamay ni Ama Hose pang
hinahawakan ko.

“ Diego, isang bagay lang hihilingin ko.”

“ Ano po iyo?”
“ Itago mo ang jkrus na iyan sa iyong baul at tuamlaga sa anumang mangyayari
sa ikalabintatlong gabi.”

Noo’y idinampi niya ang kanyang nanlalamig na kamay sa aking pisngi. Matagal niyang
pinamalagi roon ang kanyang kamay.

“ Damaso,” baling niya sa utusan, “ isang bagay rin ang hihilingin ko sa iyo.
Isabit mo sa silid na ito ang larawan ko at magpako sa ibabaw niyon ng isang krus.”

Pagkaraan ng ilang sandali’y nandalang ang paghinga ni Ama Hosep. Halos di


ako makapaniwalaang sa loob ng ilang sandal lamang ay buglang magbabago ang kanyang
kalagayan, na ang ilang sandaling yao’y magiging pagitan ng kanyang buhay at kamatayan.

Ang krus ay mahigpit niyang hinahawakan, matagal na hinawakan at saka


dahan-dahang idinampi sa kanyang labi.

Ang sumunod na pangyayari’y hindi ko halos mapaniwalaan; pagtugtog ng


labindalawa sa lumang orasan ay nalagutan na siya ng hininga. Kagya’t kong tiningnan ang aking
orasang pambulsa- ganap ng ikalabindalwa! Ang iba’y karaniwan na sa akin- tinupad ni Damaso
ang utos sa kanya, nguni’t ang sa akin, aywan ko kung bakit hindi ko matupad. Marahil dahil sa
katutubo kong takot o kung anumang damdamin yaon laban sa mga krus.

Ang krus ay itinapon ko sa kasukalan. Isang gabi’y niyaya ko si Damaso. Sinabi


lo sa kanyang may gagawin lamang ako sa kasukalan. Naiwan siya sa tilburi. Malapit sa tinitirhan
ni Magdalena nag pinagbaunan ko niyon. Hindi ko malaman kung bakit hindi ako mapalagay king
nakikita ang krus na itim na yaon, hindi ko malaman kung bakit may katutubo akong pagkabalisa
sa harap ng isang krus. Ang krus sa ibabaw ng larawan ni Aamng Hosep ay hindi ko matitigan:
natatakot ako. Iisang bagay lamang ang sinusunod ko ngayon- ang tumlaga sa anumang
mangyayari sa ikalaabintatlong gabi kung kaya ako nakatatagal sa silid na ito.

Ang damdamin ko laban sa mga krus ay nasabi ko narin kay Magdalena, isang
matapat na kaibigan. Yaon ang dahilan kung bakit naging malupit siya sa kain. Kailangan daw
mabago ang aking naliligaw na damdamin. Tutulangan daw niya akong tumawag sa kanyang
Makpangyarihan. Bagaman hindi ako napaninibulos sa kanyang mga pananalig ay biniyayaan ko
siyang magpaliwanag ukol sa kanyang pananampalataya, sa kanyang wagas na paniniwala. Kung
siya’y nagsasalita ay wari bang wala munti mang agawm agam ang kanyang kalooban.

O, kung mapapawi lamang ang agam-agam ko s asandaling ito!

Nagambala ang aking pagninilay nilay nang biglang humuni ang kabayo sa silong. Yaon
ang kabayong isinisingkaw namin ni Damaso sa tilburi. Aywan ko kung bakit nabulahaw ang
kabayong dati’y ni hindi naglilikot.

Nagpalakd-lakad ako sa silid. Ngayon, ang sarili kong yabag ang lumikha ng mumunting
ingay na nakikisalamuha sa ingay ng huamhagunot na hangin sa labas. Ngayo’y hindi lamang
hangin ang sumasabol sa matandang bahay. Sumanib ang umaatik na ulang itinataboy ng hangin
at yao’y lumilikha ng alingawngaw sa karimlan.

Pinilit kong huwag mapadako ang aking paningin sa larawan ni Ama Hosep, inaalo ko ang
aking sarili; walang mangyayari, guniguni ko lamang ang mga bagay na gumagambala sa akin.
Nguni’t hindi ko malaman kung anong hiwagang panghikayat mayroon ang larawang yaon.
Bahagya akong bumaling at sinulyapan ang larawa. Gaya rin ng dati- mga matang parang buhay
na buhay, maitim at mahiwaga, mukhang parang gumagalaw habang tinitigan.

Muling tumugtog ang matandang orasan. Tiningnan ko. Halos bahagya pa lamang
natatapos ang huling ulinig ng matandang orasan ay biglang gumuhit ang isang matunog na
kriing. Matulin akong nagtungo sa telepono.

Kinakabahan ako kung paao at mandi’y nasasabik ding kung paano. Iniangat ko ang
lumang awditibo.
“ Hello….” Tawah ko.

Sumandali akong maghintay. Sa simula’y tinig na halos bahagya lang maulinigan ang tila
tumugon sa kabilang kawad. Lalo kong inilapit ang panainga ng telepono.

“ Diego,” aang nasa kabilang kawad. Mahinang mahina.

“ Sino ba ito?” humihingal ako.

“ Daluhan mo ako. Kailangang- kailangan. May malubhang pangyayari.”

“ Sino k aba at ano ang nagyayari?”

“ Wala nang panaahon. Dali ka sana.”

Yaon lamang. Wala narinig kundi ang pagbaba ng telepono, nguni’t ang tinig ay waring
nanunuot sa aking pandinig, mahina , malamig, mahiwaga.

Sa sandaling yao’y lalong nag-ibayo ang aking alalahanin. Nagtatalo ang aking kalooba.
Masama ang panahon. Iisa lamang ang kakilala kong nakakaalam ng numero ng teleponong ito-
tanging si Magdalena. Ano kaya ang nangyari kay Magdalena. Bunsod ng katanungang yao’y
madali akong nagbihis.

Sinisikap kong pasiglahin ang aking sarili. Sumisipol sipol pa ako. Subali’t walang tunog
na lumabas.

Hindi ko pinatay ang ilaw. Dahan-dahan kong ipininid ang pinto, at bago ako tuluyang
nanaog ay panakaw pa akong sumulyap sa larawan ni Ama Hosep. May natanaw ako parang
kumislap sa ibabaw ng larawan. Dali- dali kong ipininid ang pinto. Sinalubong ako ng masinsing
hagupit ng hangin. Ang itiman kong balabal ay ikinulandong ko sa aking mukha at ikinambit sa
aking katawan.

Ilang sandal pa, ang tiburi’y sumasagasa na sa karimlan. Ang lampara ng tilburi ang
tanging liwanag na humahawi sa nakalaganap na dilim, waring titis na sumusunog sa malalapad
na bagwis ng karimlan. Nguni’t pagkatapos, ang dinaana’y nanunumbalik sa pusikit na kawalang-
liwanag.

Malayo-layo na ako sa bulaos ng matandang bahay ay para ko pang natatanaw yaon


isang lumang balangkas na animo’y kalansay na lamang ng isang gusali.

Habang daa’y itinatanong ko sa aking sarili kung ano kaya ang nangyari kay Magdalena.
Hindi ko matiyak kung siya na nga, ngunit wala akong nalalamang ibang tatawag. Marahil ay
sadyang may malubhang pangyayari. Pinatulin ko ang kabayong puti. Lalong tumingkad ang
kaputian ng kabayo sa karimlang dinaraanan ng tilburi.

Magalaw ang ulo ng kabayo- waring linalabanan nito ang malakas na ulan at sumasabol
na hangin.

Malapit na ako kina Magdalena. Marami- raming bahay sa gawing yaon.mula roo’y natanaw ko
ang isang matandang gusaling pinagsesernuhan ni Damaso. Yao’y isang lumang bahay na
tinitirhan ng matandang manggagamot. Mula roo’y naaanag-agan ko ang naghuhumindig na krus
sa tore. Aywan kung bakit sa sandaling tumanaw ako sa krus ay parang nakakita ako ng
humagkis na liwanag. Itinuon ko roon ang aking paningin at niloob kong sana’y hindi totoo ang
aking nakita, na yao’y bunga lamang ng aking guniguni. Wala na akong nakitang ibang pang
kislap.

Sumisidhi ngayon ang aking pangamba. Sinisikap kong paglabanan ito. Hinugot ko ang
latiko at hinagupit ang kabayo. Subali’t sa halip na tumulin ito’y biglang- biglang tumigil.
Inasbaran ko ng sunod sunod. Ang kabayo’y umiigtad lamang sa bawa’t hagupit nguni’t ayaw
tumakbo.

Sa kabila ng papalakas na hangin na ngayo’y sinasaniban ng papalakas na ulan ay


naramdamankong nagpupuyos ang pawis sa aking noo, yao’y naramdaman kong tumatagistis sa
Kaginsa-ginsa, animo’y sa isang bungang –tulog, isang anino ang natanaw kong
tumatakbo buhat sa matandang gusali. Lmatuling lumalapit ang anino at aywan ko kung tama
ang aking hinuha, palagay ko’y sa akin patungo ang aninong yaon- kung sinuman siya.

Sa sanndaling yaon, aywan ko kung bakit, biglang- bigla kong naiusal: Tulungan mo po
ako…. Sa sandaling yao’y naalala kong sa kasukalan ng pook na ito itinapon ko ang krus, at sa
pag-iisip ko nito’y kung bakit nanaig sa akin ang walang pangalang takot- sa kung kangino’y hindi
ko rin alam.

Narinig ko ang mga yabag- papalapit na ang isang tumatakbo. Muli kong hinawakan ang
latiko at hinagupit ang kabayo. Nais kong lumayo sa pook na itong pinagtapunan ko ng krus,
hangad kong tumakas sa pook na itong kinatatanawan ko ng krus sa simbahan. Nguni’t ang
kabay’y nanatiling umiigtad lamang sa aking hagupit.

Itinalaga ko ang aking saril sa anumang pangyayari, ipinaubaya ko sa anumang


kapalarang maaring dumatal sa akin.

Nang malapit ang anino’y hindi ako halos makapaniwala. Iniisip kong ako’y dinadaya
lamang ng kadiliman, na ako’y hindi nakakakita nang maayos. Kinusot ko muna ang aking mga
mata upang matiyak na ako’y hindi nawawalan ng pakiramdam.

“Diego,” humihingal na tawag ng dumating. Lumapit siya sa akin. Nakabalabal ng puting-


puti.

Sa liwanag ng lampara’y matagal niya akong tinitingnan. Pagkatapos, iniabot niya sa


akinang isang bagay na nakabalot. Naginginig ang kanyang kamay, aywan ko kung sa ginawo sa
umaaling takot.

“ May nagpapabigay sa iyo,” anya

“ Ano ito?” tanong ko at alinlangan kong hawakan ang kanyang iaabot.

“Buksan mo.”

Sandal akong natigilan nguni’t may kung anong makapangyarihang lakas na nag-udyok
sa akin upang tingnan yaon- kung anuman yaong nababalutan ng itimang paha.

Dahan-dahan kong binuksan.

Sa sandaling yao’y hindi ko na alumana ang lalong pagpupuyos na ulan. Ang tanging
tumawag sa aking pansi’y ang aking nakita. Ang una kong ginawa’y hawakan ang kaharap ko
upang matiyak ko na siya nga ay tao at hindi kaluluwang kaharap ko. Ang ikalawa kong ginawa
ay salatin ang aking mukha upang tiyakin kung ako’y nagkamaling ako’y buhay at may matinong
pag-iisip. Ang ikatlo kong ginawa’y ang magtanong sa sarili kung ako’y hindi nananaginip o
nahihibang. Nguni’t ako na rin ang tumugon sa aking katanungan: Ako’y buhay. Nasa harap ko si
Damaso. Wasto ang aking pag-iisip at ako’y hindi nananaginip. Pagkatapos niyo’y natiyak ko na
rin- krus ang hawak hawak kong nakabalot sa itimang paha, at hindi karaniwang krus- yaon ang
krus na itinapon ko sa kasukalan ng pook na yaon.

Sa harap ng mga pangyayaring ito’y parang namanhid na ang aking kamalayan, waring
nakatalaga na ako sa lahat ng kahiwagaan, waring nakahanda na ako sa ano pa mang hindi sukat
asahan. Nguni’t kung anuman ang ayos ko noo’y nahihiwatigan ko lamang sa ayos ng mukha ni
Damaso- nakamaang siya sa akin, malaki at bilugan ang kanyang nakamulagat na mga mata.

“Sino ang nagbigay sa iyo nito?”

Isang malakas na bugso ng hangin ang nagsaboy ng malalamig na patak sa aking


mukha, at si Damaso’y nagtakip ng kanyang kulandong na puti. Nang siya’y magsalita ay
naginginig ang kanyang tinig.

“Isang matandang di ko nakikilala.”


Nahawakan ko siya sa balikat.

“Kailan ibinigay sa iyo?”

“Kangina lang.”

Napahigpit ang paghawak ko sa balikat ni Damaso, para bang nais kong pakausisain
kung siya’y nagsasabi ng katotohanan o hindi. Nguni’t ang kanyang mukha’y kinababakasan ng
katapatan.

“Saan ininigay sa iyo?” lumunok ako ngunit ang aking gawi’y tuyo ang aking lalamunan.

“ Ako’y inutusan ng matandang manggagamot sa may simbahan. Doo’y may nagbigay sa


aking niyan.”

“ Tiniyak bang sa akin ipinabibigay?”

Hindi tumugon si Damaso. Muli niya akong tinignan. Sa kanyang mukha’y umaagos ang
patak ng ulan, nakakunot ang kanyang noo, marahil ay sa matinding ginaw.

“ Sa iyo ipinabibigay,” kapagkuwa’y bulong niya.

“ Paanong nalamang narito ako?” mabilis ang aking pagkakanigkas ng tila ba naghihintay
ng gayunding katuling katugunan.

“ Sinabing madaratnan kita rito. Nakasakay ka raw sa tilburing nakahinto.”

Dahan-dahang kumalas ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat. Humahagunot ang


hangin. Yao’y parang nagngangalit na tinig ng kalikasan. Ang bagwis ng kadiliman ay waring nag-
uumugong, tanging ang maliit na lampara ang ulilang bantay na liwanag.

“Umalis tayo rito, Damaso.”

Nang hawakan ko ang riyenda ay biglang nagulantang ang hayop. Naglulundag ito at
humuning parang nahihintakutan, paurong. Lumundag kami sa tilburi.

Noon, aywan kung dahil sa anong makapangyarihang lakas, ang hangin ay animo’y di
makitang marahas na pamalo ngkalikasang humahagupit sa paligid. Ang ulan nama’y parang
tumutulong tubig sa isang dumarambang talon. At kaginsa-ginsa, ang lupa’y
yumanig….yumanig…yumanig…. parang niyuyugyog ang isang di- makitang makapangyarihang
kamay, parang ibinubunsod ng isang nagngangalit na lakas na sumusubok sa tatag ng lupa.

“ Lumilindol,” sigaw ni Damaso.

Ang lakas ng nag-aalimpuyong hangin at papalakas na pagyanig ng lupa’y gumimbal sa


akin… lumito sa akin… tumakot sa akin. Hindi ko malaman ang aking gagawin. Lalong naging
pusikit ang karimlan, lalong dumahas ang pagsusungit ng panahon.

“ Takbo na ! Mamamatay tayo rito!” sigaw ni Damaso, at bigla nang pumulas ito na
animo’y isang takas na naghahanap ng kanlungan.

Di-kaginsa-ginsa, buhat sa malayo’y narinig ko ang isang rumaragasang pagbagsak,


nagngangalit, kagyat at walang habag. Sa sangkisap- mata’y gumuho ang isang lumang bahay
sa gulod…. Ang aming matandang bahay.

Matulin na rin akong tumakbo. Tinugaygayan ko si Damaso. Sa paligid nami’y hindi


magkamayaw ang pagpapalahawan, at di- kaginsa-ginsa, sa iba’t ibang panig ay nagsilitaw ang
nagpapanakbuhang mga tao. Sila’y nangagsisigawan, nagpapanangisan, nananawagan sa isa’t
isa….

Ang mga tao’y parang hugos na tumatakas na naghahanap ng tagapag-andukha sa gitna


ng marahas na panganib. Si Damaso’y nagitna sa karamihan at hindi ko na natanaw.
Patuloy ang hagupit ng hangin. Patuloy ang pagyanig ng lupa. Patuloy ang pagpapanakbuhan ng
mga tao sa simbahan. Patuloy ang pagpapalahawan, ang gulo at ingay, ang mga panawagan,
ang pagsusungit ng panahon.

Ako’y nahuhuli sa nagpapanakbuhang mga tao. May naulinigan akong tumatawag na


babae, isang babaing mandi’y nakalupasay sa yumayanig na lupa.

Bagama’t nalilito pa ako’y wala na akong inaksayang panahon. Matulin kong pinanglo ang
babae.

“ Sa simbahaan mo ako dalhin,” anang babae, at kahit sa kadiliman, ang tinig na yao’y
angkin lamang ng isang babae….ni Magdalena.

Sinagasa ko na ang karimlan. Hindi ko na ghalos malaman ang daraanan. Isang matalim
na kiwal ng kidlat ang gumuhit sa kaitaasan at sa saglit na paggitaw ng liwanag ay natambad ang
gusali ng simbahan.

Halos mapatid ang aking paghinga nang ilapag ko si Magdalena sa simbahan.

“ Salamat,” ang marahan niyang bulong.

“ Bakit ka tumawag sa akin sa telepono?” ang nagugulumihanan kong tanong.

Humihingal siya. “ Hindi ako tumatawag. Ginimbal lamang ako ng lindol kaya ako
nanaog.”

Sa sandaling yaon ay umabot na sa kasukdulan ang mahiwagang pangyayari at


samantalang iniisip ko yao’y isang lalaki ang matuling nagdaan sa aking harap at ipininid ang
malaking pinto n g simbahan nang matiyak na wala nang nasa labas. Nakamata na lamang ako sa
nagaganap sa aking paligid.

Ang paningin kong galing sa karimlan ay binate ng liwanag at kapayapaan. Di- kaginsa-
ginsa, ang mga tinig ay pumailanglang sa katahimikan: buong mga tinig ng nagsisipanalig,
nagkakaisang pagdarasal ng mga tao sa gitna ng lagim. Ang buong simbahan ay nagliliwanag na
para bang ang lagim sa sansinukob ay hindi makapapasok sa banal na pook na yaon, na para
bang ang tahanan ng pananampalatayang yaon ay ligtas sa mga sakuna ng buhay. Sa kauna-
unahang pagkakatao’y natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakaluhod sa tabi ni
Magdalena.

Ngayo’y umaga na. payapa na ang panahon, maaliwalas na ang panginorin. Ang mga
pangamba at lagim ng nagdaang gabi’y hindi ko pa rin matiyak kung sadyang kahiwagaan,
panagimpan o isang bungang-tulog. Subali’t ngayon, sa kauna-unahang pagkakatao’y nakadama
ako ng kapayapaan, isang kapayapaaang noon pa lamang nakapanaig sa aking buhay.

*****wakas*****
Langaw
Maikling Kwentong ni Kristian Cordero
(Ikalawang Gantimpala, Palanca Awards 2006)

Noon kapag ganitong mga umaga, ako lang ang parating naiiwan sa bahay. Habang si amay ay
nakikiani ng palay, si apay naman ay nasa kabilang baryo. Tumutulong siya sa pagtayo ng tulay.
Doon ako sa malapit na pinto umuupo. Hawak-hawak ang walis tingting na matiyagang ginawa ni
amay. Pagkatapos kong hugasan ang aming pinagkainan, huhulihin ko ang mga langaw na
padapu-dapo sa sahig naming lupa. ‘Yon kasi ang bilin ni amay sa akin. Pag napatay ko na ang
mga langaw, tinitipon ko ito sa isang plastik. Kailangang maipakita ko ang mga napatay kong
insekto pagdating ni amay. Pinipisa at ipinapahid niya ang mga patay na langaw sa ulo ko. Gamot
daw ‘yon para tubuan ako ng buhok. Marami kasi akong panot sa ulo n’on. Noong una diring-diri
ako sa ginagawa ni amay. Mabaho ang amoy. At saka hindi ako naniniwala na tutubuan pa ako
ng buhok. Kahit na madalas akong kantyawan ng mga kababata ko dahil sa itsura ko kaya hindi
rin ako madalas pinapasali sa mga laro nila. Gustong-gusto ko pa naman ang Chinese garter.
Kung sakali man na pagbigyan nila ko, sa bahay-bahayan lang daw ako pwedeng sumali. Ako raw
ang tatayong tatay dahil walang lalaki sa grupo nila at maiksi raw ang buhok ko. Kaya kahit na
babae ako, parating tatay na kalbo ang labas ko. Kung minsan naiinggit ako sa mga kalaro ko,
ang hahaba ng buhok nila. Ngunit tama ang amay. Isang buwan simula nang gamutin niya ang
mga panot ko, unti-unti itong nahilom at nagsimulang tubuan ako ng buhok. Kaya lang, hindi ito
ganap na nakita ni amay, namatay siya pagkalipas ng isang buwan. Malapit na noon ang
ikasampu kong kaarawan.

Isang gabing ayaw tumigil ng ulan, sumuka siya nang sumuka. Nakita ko ‘yong suka ni amay:
nilagang saging at may kasamang dugo. Sumakit nang sumakit ang tiyan at lalamunan niya.
Hirap na hirap siya sa paglunok ng pagkain. Dalawang linggo lang ang itinagal ni amay.

Dinala rin siya ni apay kay Tyang Idad, ‘yong albularyo sa amin na palaging may nganga.
Pagdating namin sa bahay ng matanda, hinipan niya ang amay sa puyo. Pagkatapos, pinahiran
niya ang tiyan ni amay nang pula niyang laway. Noon ko unang nakita ang tiyan ni amay. Parang
taba ng baboy. Bago kami umuwi, sinabihan ni Tyang Idad si apay na magpa-apag para sa mga
tawong lipod. ‘Yon raw ‘yong mga taong hindi nakikita. Pero hindi sila basta-basta tao, may
kapangyarihan sila. Parang multo, parang maligno. At kaya raw nagkasakit ang amay ay dahil
merong tawong lipod na galit sa kanya. Nakapatay daw kasi ako ng anak ng malignong langaw.
At dahil si amay ang nag-utos sa akin upang manghuli ng langaw, siya ang pinagbuntunan ng
nanay nitong langaw. Makapangyarihan ang nanay na langaw, sabi ni Tyang Idad. May
katungkulan sa daigdig ng mga tawong lipod. Kaya kinakailangang mas maraming handa ang
dapat na ihain. Naglabas din si Tyang Idad ng gamot ni amay. Kailangang inumin ang gamot
tatlong beses isang araw. Tinitigan ko ang laman ng bote, merong mga ugat, mga lantang dahon
na hinimay at pulang tubig. Benditado raw ang tubig dahil galing pa raw ‘yon sa balon sa kabilang
bayan kung saan nagpakitang naliligo ang Mahal na Birhen ng Peñafrancia.

Pagkatapos kunin ni apay ang gamot, binayaran niya ang matanda. Binigyan niya ng sampung
piso at ilang dahon ng buyo. Tuwang-tuwa si Tyang Idad. Tumawa ito at nakita ko pati ang
pinakadulo ng ngipin niya. Pati ang kaniyang bagtingan, parang hinog na aratiles.

***

Biyernes ginawa ang pag-apag ni Tyang Idad sa bahay. Nangutang si apay ng tatlong kilong
malagkit upang may sumanin. Humingi rin siya sa kapit-bahay namin ng kalamansi upang gawing
lemonada. Kulang nga lang sa asukal kaya medyo matabang ang suman pati na ang panulak.
Kumbidado ang ilan naming kapit-bahay sa pag-apag para kay amay. Nagdala ang isa naming
kapit-bahay ng linubak na balingoy na meron pang kasamang mga baktin-baktin, maliliit na
insektong parang pinaghalong surot at baboy ang hitsura. Marahil hindi inayos ang pagkakalinis
ng lubang at hálo.

Bumili rin si apay ng isang boteng anisado at nagpakatay ng inahing puti. Nang una kong tikman
ang manok, wala itong masyadong lasa. Hindi raw kasi dapat linalagyan ng asin ang pagkain ng
mga tawong lipod.
Si May Celia, ang panganay at tanging kapatid ni apay ay tumulong din sa paghahanda ng mga
lutuin. May dala rin siyang tinanok na buto ng langka at ilang supot ng bukayo. Sabi niya, para
raw ‘yon sa akin, pero siya rin lang naman ang nakaubos.

Inipon ang mga handa sa mesa. Ilinabas ang mga plato’t kutsara’t tinidor na pinakatago-tago ni
amay. Regalo raw ang mga ‘yon nang kasalin sila ni apay, ngunit ni minsan hindi ko matandaang
ginamit namin ang mga iyon. Una itong gagamitin ng mga tawong lipod para sa pag-aapag.

Mag-aalasais na nang nagsimula ang pag-aapag. Pinahinto ako sa paglalaro ni May Celia at baka
raw mabungguan ko ang mga tawong lipod na papasok sa bahay. Ayaw ko pa sanang tumigil.
Libang na libang pa naman ako sa paglalaro ng atsoy. Kaya lang palihim na niya akong kinurot sa
tagiliran. Pinung-pino. Ang talim ng kuko ng tiya.

Kumuha si apay ng baô na may nagbabagang uling at ibinigay kay Tyang Idad. Ibinuhos naman
ng matanda ang dala nitong kamangyan sa baga. Parang mga matang nandilat ang mga baga,
hanggang sa lumabas ang mabango at puting usok mula sa mga maiitim na uling. Pinausukan ni
Tyang Idad si amay sa kanyang higaan. Magdadalawang linggo nang nakaratay ang amay sa
kanyang higaan. Payat na payat na si amay. May sugat na ring lumalaki sa kanyang likuran. Kung
puwede lang sanang manghuli uli ako ng mga langaw para gamutin ‘yon, tulad ng ginawa niya sa
mga panot ko, gagawin ko. Pero pinagbawalan na kasi ako ng apay na manghuli ng langaw. Wala
na ring bisa ang mga gamot ni Tyang Idad. Kaya huli na talaga naming pag-asa ang ginawang
pag-apag na ’yon para makipagkasundo sa mga tawong lipod.

Tiningnan ko si amay habang pinauusukan ang kaniyang higaan. Kahit ang daming usok, hindi na
siya kumukurap. Diretso lang ang tingin niya sa itaas, sa butas-butas naming bubong. Mugto ang
mga mata.

Pagkatapos pausukan ni Tyang Idad si amay, nilibot naman niya ang buong bahay. Nagdasal ng
mga orasyon at parang nagsimulang makipag-usap sa mga tawong lipod. Inimbitahan niyang
kumain na raw ang mga ito. Namangha ako kung paano nakakausap ng matanda ang mga
tawong lipod. Kung nakikita sila ni Tyang Idad, ’di hindi na sila tawong lipod. Gusto kong matawa
dahil parang mga matagal na silang kaibigan ni Tyang Idad. At para isang malaking laro ang
ginagawa namin.

Sabi ng isang kaibigan ni apay, anak daw ng aswang si Tyang Idad. Kaya hindi siya
nagpapagamot dito. Walang asawa o anak ang matanda. Minsan, ilap ito sa mga tao. Basta na
lang siyang dumating sa baryo namin. Sabi naman ng iba, hindi raw totoong anak ng aswang ang
matanda, dahil nangungumonyon daw ito at mahilig pa nga sa bawang. Sabi naman ni Tyang
Paring, ‘yong matandang may-ari ng tindahan sa kanto: may asoge raw sa katawan si Tyang
Idad. Nang tinanong ko ang apay, sinabi niya na kaya magaling ang matandang manggagamot
dahil nakapulot ito ng pangil ng kidlat. At sabi pa niya, mas mainam raw magpagamot sa
matanda dahil mas mura. Kung sa doktor lang naman na hindi mo na nga maintindihan ang sulat-
kamay, paiinumin ka pa ng mga mamahaling tabletas. Minsan pa nga raw, nag-iimbento ang mga
doktor ng anu-anong sakit para pagkakitaan ang pasyente.

Inikot ni Tyang Idad ang loob at labas ng bahay. Nang maubos na ang kamangyan at unti-unti
nang humalo ang usok sa kawalan, huminto na rin ang matanda. Sinabihan kaming manahimik na
at nandoon na raw kasi ang mga bisitang maligno. Tiningnan ko ang mesa, wala akong makitang
anino ng kahit isang taong kumakain, maliban sa ilang mga langaw na palipad-lipad, palukso-
lukso na parang mga batang naglalaro doon sa ibabaw ng suman. Gusto ko sana itong hulihin at
pagpapatayin. Kaya lang alam kong mapapagalitan ako, lalo na’t tinabihan na ako May Celia.

Magsasampung minuto rin siguro ‘yong paghihintay namin bago matapos ang mga tawong lipod.
N’ong magpasalamat na si Tyang Idad sa mga bisitang hindi nakikita at hindi rin namin alam kung
nabusog o hindi, sinabihan kami ng albularyo na maaari na raw kaming kumain. Parang mga sisiw
na ilang araw hindi nakatikim ng palay ang mga kapit-bahay namin. Pinalibutan nila ang mesa at
pagkatapos kanya-kanya na sila ng kuha. Kumain na rin ako sa sobrang kagutuman. Kahit na
hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga langaw na nakita ko kanina na parang dumikit sa suman at
linubak.
Kukuha na lang sana ako ng lemonada nang may biglang nahulog na langaw sa inumin. Isang
malaking langaw, hindi ito pangkaraniwang langaw. Parang yung salugabang na pinaglalaruan
namin, mas malaki ang pakpak at mata. Ipinagpaliban ko na lang ang pag-inom. Pero panay pa
rin ang lagok ng mga bisitang kapit-bahay namin. Napansin rin ng isang bata ang langaw na
nahulog sa bandihadong puno ng lemonada. Pero hindi siya pinansin ng amay niya na abalang
nakikipagkwetuhan kay May Celia. Sa sobrang kakulitan ng bata sa pagturo sa nahulog na
langaw, inakala ng amay niya na humihingi pa siya ng inumin. Ikinuha siya ng amay niya ng isang
basong lemonada. Tumutol ang bata at pilit niya pa ring tinuturo ang langaw na paanod-anod sa
lemonada na ngayon ay nasa loob ng baso niya. Ngunit mas abala pa rin ang amay niya sa
pakikipag-usap sa tiya ko. Hanggang sa nagalit ang amay niya at sinigawan ang bata. Umiyak
ang bata habang itinuturo ang malaking langaw sa loob ng baso niya. Tiningnan ng amay niya
ang loob ng baso at sabay siyang kinurot. Pinatigil siya sa pag-iyak at minura. Hayop na aking ini!
Ignoranteng marhay! Sinabihang inumin na niya ang lemonada. Pasas lang daw yung itim na
‘yon, yun daw ang pampadagdag tamis at dekorasyon sa lemonada.

Kumuha na rin si Tyang Idad ng kanyang pagkain. Kakaunti ang kinain ni Tyang Idad. Tinikman
lang niya ang linubak at saka inutusan ang apay na maglagay ng pagkain sa altar. Para raw ang
pagkain na ‘yon sa mga kaluluwang animasola at tawong lipod na mahuhuling dumalo sa apag.

Pagkatapos ng pag-apag, nagsipag-alisan na ang mga tao. Kung gaano sila kabilis nagtipon sa
bahay, ganun din kabilis ang kanilang pag-alis. Mas naunang nagpaalam si Tyang Idad na ang
sabi’y may aapagan pa raw sa kabilang baryo. Inabutan ni apay ang matanda ng beinte at
dalawang piraso ng tabako. Tumatanggi sana ang matanda ngunit nagpumilit pa rin si apay at
ipinasok ito sa bulsa ng kanyang damit. Matamlay na umalis si Tyang Idad nang gabing ‘yon.

Dahan-dahan namatay ang kandila sa altar. Malalim na rin ang gabi. Kung wala sana akong iba
pang gagawin maliban sa pagliligpit at paghugas na ginamit sa pag-apag, makakapanood pa ako
ng telebisyon sa bahay ni Manay Vacion. Pumunta ako sa banghiran at sinimulang hugasan ang
mga ginamit sa pag-apag. Kailangan ko pa ring pakainin ang aso na si Kagata, na nung gabing
‘yon ay hindi tumigil sa pag-atungol. Natapos na rin ang pag-uusap ni apay at May Celia. Mag-isa
kong natanaw ang apay na nakaupo sa may lilim ng puno ng langka na may nakadapong kuwago
na madalas kung makita sa puno simula nang magkasakit si amay. Nilagok ni apay ang binili
niyang anisado at mukhang napakalalim ng iniisip.

Mag-aalas-otso na nang mahugasan ko ang lahat. Hinintay ako nang tatay na matapos. Nung
una, parang naaasiwa pa siyang sabihin. Pero nagkuwento rin siya tungkol sa napag-usapan nila
ni May Celia. Plano raw ng tiya na papag-aralin ako sa bayan dahil wala naman daw itong anak.
Alam kong mabigat ang loob ng apay. Naramdaman ko ring awang-awa na siya sa amin ni amay.
Pinaramdam ko kay apay ang pagtutol ko sa kahilingan ng kanyang kapatid. Ayokong sumama
kay May Celia. Pumanhik ako sa silid ni amay at tiningnan siya. Tuluyan nang namatay ang
kandila. Ang liwanag na lang sa kabilang kalye ang pilit na tumatagos sa dingding namin na
parang natipon sa mukha ni amay. Tahimik ang buong paligid at himbing na himbing naman ang
amay sa pagtulog na halos hindi mo na nito marinig ang kanyang paghinga. Naputol ang
katahimikan ng gabing ‘yon nang sabay-sabay na umungol ang aso at ang kuwago sa puno ng
langka na sinundan nang hagulgol namin ni apay.

***

Mabilis na kumalat ang balita na patay na si amay. Maaga pa lamang ay nag-umpisa nang gawin
ni apay ang kabaong ni amay. Isang lumang lawanit at kawayan ang ginawang kabaong ni amay.
Sinabihan ako ni apay na bantayan ko raw si amay at baka dapuan ng langaw. Pinunasan ko ang
mukha ni amay ng basang bimpo. Di ko rin maiwasang paminsan-minsang umiyak. Pananghalian
na nang matapos ang kabaong ni amay. Hindi na siya inembalsamo. Dumating na rin si Tyang
Idad na siyang nagbihis sa bangkay ni amay. Pinasuot ni apay ang isang lumang bestida. Yun din
raw ang sinuot ni amay ng kasal nila ni apay. Pagkatapos inanyayahan kami ng matandang
albularyo na magdasal ng desinaryo. O Hesus ko kaheraki an kalag ni Rosita. Paulit-ulit naming
binigkas ang
katagang ito hanggang sa maubos namin ang lahat ng butil ng rosaryo. Pagkatapos manalangin
nagsimulang makipag-usap si Tyang Idad sa ilang kababaryo namin. Kaya raw namatay ang
amay ay dahil may demonyong kumuha ng pagkain sa altar at naglagay ng asin sa manok. Hindi
raw nasiyahan ang mga tawong-lipod. Maghihiganti raw ang mga apong langaw. Natakot ako sa
narinig. Pero mas malalim pa rin ang lungkot na nararamdaman ko at kung sakali ngang
pumayag sa desisyon ni May Celia ang apay, ngayon pa namang wala na si amay. Walang
pumansin sa mga sinabi ni Tyang Idad.

Isang gabi lang naming pinaglamayan si amay. Merong mga nag-abot rin ng tulong sa amin. May
nagbigay ng isang gantang bigas, mga gulayin at isda. Pinapitas na rin ng tatay ang mga bunga
ng langka upang gataan. Hindi nakarating si May Celia dahil umalis raw patungong Maynila. Puyat
na puyat na ako at pagod sa paghuhugas ng mga pinggan nang makita ako ni apay. Hinawakan
niya ako sa balikat at sinabihang magbihis ako dahil baka matuyuan ako ng pawis. Tipid ang mga
salita ni apay. Tipid rin ang mga buntong-hiningang pinapakawalan ko ng mga sandaling iyon.

Halos wala akong tulog nang gabing ‘yon. Hapon na nang ilibing namin si amay. Dumaan muna
kami sa simbahan upang orasyonan ang bangkay ni amay. Isang daan ang pagpapamisa kaya
nagdesisyon ang apay na orasyon na lang. Mas mura, sampung piso lang. Hindi na kami pumasok
sa simbahan. Marami-rami na rin ang taong nag-abang na lamang sa simbahan. Mainit na mainit
ang panahon. Matagal bago lumabas ang pari. Nagpapahinga yata ang pari nang dumating kami.
Nagsisimula na ring mag-ingay ang ilang tao. Nang dumating na ang pari, sinigawan nito ang
mga tao. Parang minadali lamang ng pari ang dasal kay amay at pagkatapos binasbasan niya ang
bangkay ni amay ng tubig. Kinakalawang na ang lalagyan ng tubig na hawak ng isang sakristan
na kasing edad ko. Tinangka kong silipin ang loob ng lalagyan ng tubig na parang maliit na balde.
Tatlong langaw ang nakita kung paanod-anod sa loob.

Sa isang hukay linibing ang nanay. Hindi katulad ng iba na may nitso. Medyo hinawi pa nga
namin ang mga talahib sa aming daanan. Gusto ko sanang pumitas ng mga cadena de amor na
nakabitin sa dinadaanan namin, pero sinaway ako ng isa naming kapit-bahay. Baka raw magalit
ang mga kaluluwa sa sementeryo. Tahimik na umiyak ang tatay. May ilan ring umiyak. Marahil
nakakalungkot nga ang kamatayan. Lalo na kung ganitong nakita mong tinatabunan ng lupa ang
isa mong mahal sa buhay. Nang mga sandaling ‘yon muli kong naalala si amay na matiyagang
ginugusgos ang mga patay na langaw sa aking ulo na noon ay abot balikat na ang haba at
tuluyan nang nawala ang mga panot.

***

Halos magdadalawang linggo matapos ilibing ang amay nang muling bumalik si May Celia. May
dala itong Pansit Bato, dinuguan at sinapot. Hindi na sana ako magpapakita nang tawagin ako ng
apay upang magmano.

Nakatatandang kapatid ni apay si May Celia. Sa bayan na siya nakatira simula nang
mapangasawa. May kalayuan ang bayan, aabutin ng isa’t kalahating oras ang biyahe. May
negosyo sila ng kanyang asawang si Pay Ramon. Nagtitinda si Pay Ramon ng karneng baboy,
kambing at baka samantalang may karinderya si May Celia. Maliban sa pagkain, nagtitinda rin si
May Celia ng mga pampaganda, sabon at damit.

Pagkamano ko, iniabot niya sa akin ang dala niyang kakanin. Lumabas sila ni apay at nag-usap sa
may puno ng langka. Pasilip-silip ako hanggang sa nakita kong mukhang nag-aaway ang
magkapatid. Walang imik ang apay. Mukhang tungkol uli sa pagkuha sa akin ang kanilang pinag-
uusapan. Maging ako’y nababahala sa kung anong magiging desisyon ni apay. Marahil sa sobra
kong pagkabahala n’on, nabitiwan ko ang pinggan na pinaglagyan ko ng dinuguan. Tumapon ito
sa lupa. Pinunpon ko para kahit paano mapakinabangan ni Kagata, mabilis itong pinagpiyestahan
ng mga langaw ngunit may dati na akong nakitang ilang mga patay na langaw na nakahalo sa
dinuguan na dala ni May Celia. Mga langaw na kakaiba, dahil yun yung mga madalas kong
makitang kumukumpol sa tae.
kasambahay sina May Celia, si Manay Norma at si Lourdes na matanda lang ng tatlong taon sa
May tatlong kuwarto sa bahay. Isa sa mag-asawa, si Lourdes at May Norma ay magkasama sa
isang kuwarto at isang maliit na kuwarto sa may malapit sa kusina. ‘Yon raw ang magiging
kuwarto ko. Mas maliwanag ang ilaw sa bago kong tirahan. Mahaba at poputing ilaw ang
parehong nasa sala at sa kusina. Ang sahig, hindi lupa tulad sa amin, doon pulang sahig at paisa-
isa lang ang langaw. Puti ang sahig sa banyo at iikutin mo lang ang isang bakal na elesi, lalabas
na ang tubig. Hindi ko kailangang mag-igib.

Matapos ang hapunan, sinabihan ako ni May Celia ng mga tungkulin ko. Maglinis ng bahay at
tumulong sa karinderya. Sunod na taon na lang daw ako mag-aaral at alanganin ang oras.
Tinanong niya ako kung anong baitang na ang inabot ko. Sabi ko Grade 1 lang, di ko pa po
natapos. Hindi na siya nagtanong pa ng iba. Pinakilala ako ni Pay Ramon kay Manay Norma at
Lourdes. Si Manay Norma ang naglalaba at nagluluto sa karinderya at si Lourdes naman ang
sumasama kay Pay Ramon sa katayan ng baboy. Walang imik si Lourdes. Parati siyang tulala.
Noon ko rin nalaman na hindi naman nagtitinda ng karne ang tiyo. Taga-katay ito.

Maaga akong humiga dahil sa pagod sa biyahe. Pero kahit anong gawin ko hindi ko pa rin
magawang matulog. Parang gusto kong umiyak, pero tiniis ko na lang. Saka ko naalaala ang
isang damit na kinuha ko kay apay. Yinakap ko ito at itinabi, inisip ko na nandoon lang si apay sa
tabi ko. Hanggang sa patayin na ang mga ilaw at huli kong narinig ang magkakasunod na hilik sa
kabilang silid.

***

Maaga pa’y gising na ang mga bagong kong kasambahay. Si Pay Ramon, mas maagang umaalis.
Alas tres ng madaling araw ay dapat gising na siya nang makarami ng kostumer. Kasama niya
nang pumupunta sa katayan si Lourdes na mamimili na rin ng mga kailangan sa karinderya. Mas
mainam ang maagang mamili, mas mura at sariwa ang mga gulay at isda. Mag-aalas nuwebe na
kung bumalik si Lourdes sa bahay pagkatapos ihatid ang mga lulutuin kay Manay Norma.
Pagdating niya, siya na ang maglilinis sa bahay at saka naman darating si Pay Ramon mula sa
katayan na kung minsan, kapag walang masyadong nagpapakatay, umuuwi itong lasing. Pero
mas madalas siyang pumupunta sa may riles at doon nakikipag-inuman sa mga tambay at kapwa
niya taga-katay. Madalang siyang pumunta sa karinderya.

Si Manay Norma ang nagluluto ng almusal. Daing at nilagang itlog ang madalas na agahan.
Pagkatapos niyang kumain, babanlawan na ang mga linabahan niyang damit. Si Lourdes na ang
magsasampay nito kung gahulin sa oras ang matanda. Bago maligo ang tiya ko, sinabihan niya
akong mauna nang kumain at pagkatapos maghanda na rin.

Kailangangang bukas ang karinderya bago mag-alasiyete. May mga papasok kasi sa opisina na
dito na nag-aalmusal. Nung una kong mga araw, nabighani ako sa dami ng ulam at pansit. Iba-
iba ang hugis, haba, lasa at kulay. Paborito ko kasi ang pansit, sabi ni amay, pampahaba raw ito
ng buhay. Kaya tuwing sasapit ang kaarawan ko, tinitiyak kong kumain ng pansit. Kahit na
malungkot ako dahil tatlong taon mula nang umalis ako sa amin, ni hindi ako binisita ni apay.
Tatlong taong mag-isa kong ipinagdiwang ang kaarawan ko.

Hindi lang pansit ang niluluto ni Manay Norma. Nagluluto rin siya ng ulam. May maanghang na
laing, gulay na puso ng saging, inihaw na tilapia, bulalo, sinigang na baboy na linagyan ng
bungkukan, puwag na may bibi, igado, pritong manok at marami pang iba. Parang palaging
piyesta sa karinderya.

Sa halos magtatatlong taon kong pamamalagi, wala akong matandaang araw na naging matumal
ang kita ng karinderya. Marami talagang suki. Kaya kahit na napagkasunduaan na papag-aralin
ako, ni minsan hindi ako nakatungtong sa iskwelahan. Kahit na madalas akong makakita ng mga
batang katulad ko na nakasuot ng uniporme. Mas kailangan raw ako sa karinderya at tama na
raw yung matuto ako kung paano isulat ang pangalan ko.
Nung una bantay lang ako, taga-tawag ng kakain at taga-taboy ng mga langaw. May inupahan
din si May Celia na tumulong sa paghuhugas pero hindi siya nagtagal. Parating nakakabasag kaya
pinaalis niya rin ito. Sinolo ko lahat ang trabaho. Tanging ang pagbugaw ko ng mga langaw ang
siyang naging pahinga ko. May pagbabago rin dahil hindi na tingting ang gamit ko, hinimay na
dahon ng saging na kailangan kung palitan araw-araw. Kung minsan kapag naiinis ako, pinapatay
ko pa rin ang langaw. Ngunit hindi ko na ito iniipon. Hindi ko na kailang gusgusin ng langaw ang
aking ulo dahil tumubo na ang buhok ko. Mahabang-mahaba hanggang baywang. Madalas itong
makaagaw pansin sa mga kumakain. Lalong-lalo na si Pay Ramon na walang araw na pinalampas
na hindi nito hinahawakan ang buhok ko. At nahalata ko ring pabigat nang pabigat ang kamay ng
tiyo. Magaspang at may mga maliliit na bulutong tubig sa pagitan ng daliri.

***

Nung maglalabing dalawang taong gulang na ko, saka biglang nawala si Lourdes. Ni minsan sa
loob ng maraming araw ni hindi ko siya nakausap o nakalaro man. May sarili siyang mundo.
Matapos ihatid niya ang mga lulutuin, hindi na siya bumalik sa bahay. Sumama raw si Lourdes sa
kasintahan nitong marinero. Dinala niya ang lahat ng gamit at sabi ni May Celia, ninakaw pa ni
Lourdes ang ilan niyang alahas at damit. Walang nakakaalam kung saan siya nagpunta. Konting
pagbabago lang ang naganap nang umalis si Lourdes. Maliban sa naging mas madalas na
paglalasing ni Pay Ramon, tuloy ang buhay naming lahat. Napagkasunduaan na ‘yong ibang
ginagawa ni Lourdes ay ipapasa na sa akin. Ako na ang sasama kay Pay Ramon sa katayan.
Kailangan kong gumising araw-araw nang maaga. Ayaw ni Pay Ramon na nahuhuli sa trabaho.
Ako na rin ang naglilinis ng bahay. Pumupunta na lamang ako sa kainan kung malapit nang
mananghalian. Mabenta ang Pansit Bato na hinahaluan nila ng dinuguan. Hindi ako kumakain nito
dahil naaalala ko pa rin ang mga langaw. Kaya tinakot ako ni May Norma na madali raw akong
mamatay dahil maselan daw ako sa pagkain. Masustansya ang dinuguan at pampadagdag ng
dugo na parang talbos ng kamote.

***

Maaga akong bumangon sa higaan. Pagkaayos ko ng kumot at unan, naghilamos na ako’t


nagsepilyo. Para akong mabubuwal at naduduwal. Paglabas ko ng silid, gising na si Pay Ramon at
naghahasa na ng kanyang itak na gawa raw ng mga agta sa Bundok Asog. Uminom ako ng
maligamgam na tubig at yinaya na n’ya ako palabas papuntang katayan. Medyo madilim pa kung
umalis kami ng bahay at wala pang traysikel kaya naglakad na lang kami. Nang umagang ‘yon,
parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit. Marami na ang tao pagdating namin sa katayan. Nandoon
din ang iba pang taga-katay. Malalaki ang katawan at ang tatalim ng dala-dalang itak. Lahat sila’y
walang suot na pang-itaas, pantalon lang na maong na punit-punit. May ilang nakikipag-usap na
sa mga bibili. Ang iba’y nag-uumpisa nang uminom ng tuba at gin. Maingay sa katayan.
Pinaghalong ingay ng tao at hayop. ‘Yon ang una kong pasok sa katayan. Ayaw ko sana pero
pinilit ako ni Pay Ramon. Maliban sa mga langaw na nakita ko na tahimik na pinagpipiyestahan
ang mga tumilamsik na laman ng baboy sa sahig, nakita ko rin kung paano katayin ni Pay Ramon
ang isang baboy. Pinukpok niya ito ng malaking tubo. Ni hindi ito nakasigaw. Tumae lang.
Maraming tae. Pagkatapos, linabas ni Pay Ramon ang isang maliit na kutsilyo at tinusok ang leeg
ng baboy. Bumuhos ang dugo. Mapupula at namimilog-milog. Kumuha ng isang itim na balde at
doon inipon ang dugo ng baboy na nagsimula nang dapuan ng mga langaw. Ito ang ginagawang
dinuguan. Pinilit kong hindi maduwal kahit na kinilabotan na ako sa ginagawa ng tiyo. Nakita
kong binuhusan ni Pay Ramon ng mainit na tubig ang baboy. Pagkatapos, inahit niya ang mga
banat na balahibo ng baboy. Napahawak ako sa buhok ko.

Mabilis ang pag-ahit ni Pay Ramon. Sanay na sanay siya. Pagkatapos, linabas niya ang matalim
na itak at pinagpira-piraso ang baboy. Nakita ko kung paano niya ito hinati-hati at pinaghiwa-
hiwalay ang mga lamang-loob. Ang puso, atay, bituka, ang ulo—lahat. Saka may inalis si Pay
Ramon sa bahaging likuran ng aboy. Makakabuti raw sa mga batang bilot ang kumain noon.
Ihawin ko raw. N’on ko nalaman na babae pala ang kinatay na baboy.

Pagkatapos makuha ang dugo na gagawing dinuguan, kalahating kilo ng atay at sampung kilong
karneng kakailanganin sa sinigang, lumabas ako ng katayan at namili ng ilan pang gagamitin sa
pagluto. Nakamura ako sa agtang binilhan ko ng dalawang lata ng tabagwang. Bumili rin ako ng
mga gulayin—langka, puso ng saging at hilaw na papaya. Lalong sumakit ang tiyan ko.

Hindi ko masyadong maintindihan ang naramdaman ko nung araw na ‘yon. Nang magsasara na
kami saka naman may nahalata si Manay Norma sa palda ko. Dugo! sabi ng matanda. Kinabahan
ako dahil baka tumae ako ng dugo. O baka tilamsik lang sa may katayan. Hindi ako
nakapagsalita. Tiningnan ako ni May Celia at isinama sa loob ng banyo. Nakita kong dumudugo
ang akin. N’on ako bigla napahagulhol. Pinilit akong sawayin ni May Celia at ipinaliwanag n’ya sa
akin na normal sa isang dalaga ang ganun. Nagmamara’ut na kunu ’ko. Pinaalis n’ya ang panti ko
at ipinapunas sa mukha ko. Nandiri ako. Pero sabi niya, kung hindi ko raw gagawin ‘yon mas
nakakarimarim ang tubuan ng tagyawat. Kaya sumunod na lamang ako. Hindi niya na rin ako
pinahugas ng maiitim na kawali at malalaking kaldero. Baka raw kasi umitim ang dugo ko. Nauna
na kaming umuwi ng tiya at pagdating namin nandoon na si Pay Ramon, nanonood ng telebisyon.
Kinuwento ni May Celia ang nangyari sa akin. Biniro ako ni Pay Ramon na kaya raw ako dinudugo
dahil kumain ako ng puki ng baboy. Napatawa si May Celia. Hindi ako tumawa. Dahil sa totoo
lang hindi ko naman talaga kinain ’yong binigay niya. Tinapon ko ito sa labas ng katayan.

Pagkabihis ni May Celia, pinalukso niya ako sa hagdanan. Mula sa ikatlong baitang, tumalon ako
na parang palaka. Tinuruan niya rin akong lagyan ng lumang labakara ang panti ko. Marami pang
bilin sa akin si May Celia. Labis kong ikinabahala ang sabi niya na buwan-buwan na raw akong
dadatnan ng pagdudugo. Inisip kong isa ‘yong sumpa. Marahil paghihiganti pa ito ng mga tawong
lipod o kaya’y ng mga malignong langaw.

Binigyan ako ng bagong dalawang panti ni May Celia na halatang galing pa sa aparador. Amoy-
alkampor. Medyo may kaluwagan at makati-kati ng isuot ko. Limang araw akong ganun. Limang
araw ng hindi maintindihang sakit ng ulo at ng pakiramdam. Limang araw ng pagluluksa. Kung
nandoon lang sana si amay at apay.

Natakot ako sa kalagayan kong ‘yon kaya kahit na mahirap para sa akin, pinilit kong kumain ng
dinuguan para huwag akong maubusan ng dugo. Kahit na parati kong naaalala ang mga langaw.
Naging bugnutin rin ako ng mga araw na ‘yon. Lalo na kung hindi ko maiintidihan ang gustong
kainin ng mga kostumer. Minsan nama’y kakain na lang, hahawakan pa ang buhok ko.
Nayayamot ako dahil dumarami na rin ang langaw na kahit anong lupit ng pangbubugaw ang
gawin ko at ilang kandila ang itirik, hindi na ito natatakot.

**

Sunod na Linggo, habang kumakain kami ng pritong turay saka gulay na ug-ug, nagpaalam si
May Celia na aalis siya papuntang Maynila sa darating na Miyerkules. Kukunin niya raw ang mga
bagong damit at sapatos. Kaya binilin niya ang karenderya sa amin ni Manay Norma.
Magtatatlong araw daw siyang mawawala. Nagsasalita pa siya nang bigla akong natinik.
Sinabihan ako ni Manay Norma na bilog-bilogin ko raw ang kanin bago isubo para makasama ang
tinik na malalim yatang kumapit sa lalamunan ko. Hindi tumalab ang payo ng matanda. Kaya
binigay ni Pay Ramon sa akin ang basong iniinuman niya. Pinainom niya ako doon para maalis
ang tinik. Pinanganak raw kasi siyang suwi. Naaalis daw nito ang tinik. Ngunit hindi tumalab ang
sabi ni Pay Ramon. Kaya pinalapit niya na lang ako sa kanya. Lumapit ako at hinawakan niya ang
leeg ko. Maaalis niya raw ang tinik dahil pinaglihi siya sa pusa. Hinimas-himas ang bahagi ng leeg
ko, malapit sa ’king dibdib. Mariin at dahan-dahan. Nang tinanong niya ako kung wala na raw ang
tinik, nagpanggap ako na wala na ito. Habang sinasansan ni Pay Ramon ang leeg ko, naalala ko
ang baoy na kinatay. May limang malalaking kulugo rin ang kamay ng tiyo. Natuwa naman si May
Celia sa nakitang inaakalang kakayahan ng asawa. Sa totoo lang, nawalan ako ng ganang
kumain. Tiniis ko na lang ang tinik.

***

Alas-otso na nang makaalis si May Celia. Pag-uwi namin ng bahay, natulog agad si Manay Norma.
Binilin niya na ako na lang ang magbukas sa tiyo. Hintayin ko raw. Maghahating-gabi na nang
dumating si Pay Ramon—lasing na lasing. Halos masira ang pinto sa lakas ng katok niya.
Magmamano sana ako nang bigla niya akong siniil sa mukha. Sinabihan niya akong magbihis at
may pupuntahan kami. Ayoko sanang

gumayak. At gusto kung umiyak. Pero wala akong nagawa. Ipapakilala niya raw ako sa mga
kaibigan niya. Natakot ako dahil madilim na sa daan at amoy tuba pa siya. Singbilis ng pintig ng
puso ko ang sunod-sunod na hilik ni Manay Norma. Nagbihis ako suot ang bestida na naiwan ni
Lourdes. Sa pagmamadali ko, baliktad kong naisuot ang tsinelas ko. Umaapaw ang pagkabagabag
ko nang sandaling ’yon.

Habang naglalakad kami, parang sasabog ang puso ko. Hawak-hawak ako ni Pay Ramon sa siko.
Mahigpit na mahigpit. Mabilis ang bawat hakbang namin at halos kinakaladkad ako. Hanggang sa
marating namin ang istasyon ng tren. May limang lalaki kaming nadatnan na nag-iinuman. Pang-
anim ang tiyo. May kadiliman ang lugar dahil isang bombilya lang ang ilaw. Tatlo sa mga lalaking
‘yon ang namukhaan ko. Yung isa, madalas ring kumakain sa karenderya, tsip yata ang tawag sa
kanya. May dala itong baril parati. Doon ako sa tabi niya pinaupo ni Pay Ramon. Inisip kong
tumakbo, tumakas sa madilim na lugar na ‘yon, pero inisip ko kung saan ako pumunta. Wala
akong makitang sagot sa aking utak.

Lumakas lalo ang tawa ng mga kaibigan ni Pay Ramon. Panay duwal ng takal ang pulis sa tabi ko.
Umaalingasaw ang panghi at baho ng sahig. Parang init ng lupa. Maliban kay Pay Ramon, lahat
ng limang lalaki ay bumubuga ng usok—mabaho. Nagsimulang magtanong ang isa sa kanila. Ang
daming tanong. Taga saan ka ba? Ano ka ni Ramon? Umiinon ka ba? Pinaamoy sa akin ang baso.
May regla ka na ba? Lahat sila nagtatanong. Pero kahit isa, wala akong sinagot sa kanila.
Tiningnan ko sila, tinangka kong iguhit ang mukha nila sa isip ko. Pare-pareho ang naging tingin
ko sa kanila. Lahat sila mukhang langaw. Malalaking langaw. Nanlilisik ang mata na hindi
kumukurap. Ito ang huling bagay na nakita ko nang gabing ‘yon. Wala na akong ibang maalala.
Maliban na lamang sa biglang nagdilim ang pagtingin ko. Para akong pinalo sa batok. Parang
‘yong baboy sa katayan. Walang lumabas sa lalamunan ko. Hindi ako nakaiyak o sumigaw man
lamang. Napahandusay ako sa sementong sahig. Maraming maliliit na bato at buhangin na
parang natatakot at nagtatangkang magtatago sa katawan ko. Hanggang sa naramdaman kong
may mamasa-masang mga dila ang parang tumutusok sa leeg ko. Parang matatalim na kutsilyo
ang mga dila. Lalong lumalalim ang tinik sa lalamunan ko. Lalo itong sumasakit. Naramdaman ko
rin ang magagaspang na kamay na humihimas sa katawan ko. May humihila sa buhok ko. May
umaamoy nito na parang nagliliyab ang paputol-putol na hiningang lumalabas sa ilong. Parang
amoy ng sunog na buhok ang lumalabas sa bibig nila. Hanggang sa pinunit nila ang damit ko.
May pilit na pumiris sa suso ko. Naramdaman ko na ring may humubad ng panti ko. Isa-isa silang
umibabaw sa akin. Mabilis. Marahan. Mabilis. Hanggang sa maramdaman ko ang dahan-dahang
pag-uga ng lupa. Parating na ang tren—malaki at mahabang sasakyan. Sabay bumuhos ang dugo
—bilog-bilog, mainit at walang patid. Hindi natigil ang pagbuhos ng dugo. Mabilis, rumaragasa
ang pagbuhos. Gusto kong tumayo para kunin ang pinira-pirasong damit ko. Kaya lang, ang
bigat-bigat na nang katawan ko—parang nakapasok sa tiyan ko ang mahaba’t malaking sasakyan
na panadalian lamang na dumaan. Parang pinasok ang loob ko ng tren.

***

Pagkatapos ng pinakahuling lalaking dumapa sa akin, naramdaman ko ang nahihirapan na akong


huminga. Pikit ang mga mata kong pinipilit kong buksan. Pero ayaw. Ayaw na yata nitong
makakita ng mga langaw. Gusto kong sumigaw pero ngatal na aking lalamunan, walang
lumalabas.

Unti-unting nagdilim ang aking paningin. Wala na akong makita maliban sa kadiliman. Pero
nararamdaman ko pa rin sila—ang mga langaw. Dahan-dahan nang nagsipag-alisan ang ilan
nilang kasamahan. Natira na lang ang pulis at ang tiyo. Narinig kong sinabi ng pulis kay Pay
Ramon na bayad na raw ang utang ng tiyo ko sa kanya. Tabla. Mag-uumaga na nang makaalis
silang lahat ngunit hindi ang mga langaw na noon ay nagsisimula nang dumapo sa akin.
Tinatangka ko itong bugawin—ginagalaw ko ang aking mga kamay—matigas na matigas ito. May
mga langaw na rin na palipad-lipad at padapu-padapo sa labi ko—kaya pilit ko itong hinihipan
palayo sa aking mukha.
Walang lumalabas na hangin. Naaalala ko ang mga umagang katulad nito. Umuupo ako sa may
pintuan, manghuhuli’t papatayin ko ang mga langaw para pagdating ni amay igugusgos niya ito
sa ulo ko—para raw tubuan ako ng buhok. Ngunit ngayong umaga kahit anong pilit na taboy ko
sa mga langaw—damang dama ko ang maliliit na paa nitong parang tinutusok ang laman ko kahit
na tinakpan na ang ilang bahagi ng katawan ng dyaryo ng dalawang lalaking iniwanan na akong
nakahandusay sa sahig na pareho ko nang malamig na malamig.

*****wakas*****
Mga Landas ng Pangarap
Maikling Kwentong ni Agustin Pagusara Jr.
(Unang Gantimpala, Palanca Awards 2005)

Nagkita tayo sa silong ng walang-ulap na langit sa isang makitid na sidewalk sa Cubao.


Maaliwalas ang panahon ngunit may kakaibang lamig ang hangin ng Disyembre. Nagsiksikan ang
mga tao, nakipagpaligsahan sa matuling mga araw ng papalapit na Pasko. Minasdan kitang
naglalakad—sanlangit na alaala binuhay sa indayog ng iyong mga balakang habang umiilag ka sa
mga katawan ng tao at anupamang nakaharang sa iyong daan mula sa taxi papunta sa aking
kinaroroonan. Sumigla ang tibok ng aking puso.

“Kanina ka pa?”“Di naman gaano. Nage-enjoy din naman akong nagmamasid sa klase-klaseng
taong naglalakad. Pero ikaw talaga ang pinak....”

“Teka...do’n tayo, o. Napaka-awkward namang mag-usap dito.”

Sa loob ng naka-aircon na Sam’s Chicken Plaza, saka ko napansin ang epekto ng make-up sa
iyong mukha. Kumi-kinang lalo ang hiwaga sa iyong mga mata at mga biloy. Hinog na hinog ang
dati’y manibalang na mga labi. At ay, kabigha-bighani ang mga dibdib mong umuusli sa plunging
neckline ng iyong tangerine blouse. Hindi maiwasang sariwain ng aking alaala ang mga sandaling
pinagsaluhan natin noon.Oo, noon—isang matiwasay na tanghali...nakaupo tayo sa may lilim ng
mga punungkahoy sa tabi ng UP lagoon. Dinuduyan ang ating paningin sa umuugoy na mga
sanga. Pinaglalaruan ng hangin ang nakalugay mong buhok. Paminsan-minsa’y humihinga ako
nang malalim marinig ang huni sa punong kawayang humahagod sa kapwa puno, habang mga
hita nati’y mariing nagkadikit, halos kinanlung ko na ang iyong mahiwagang yumi. Inaliw kita ng
mga awit ng digma’t kalayaan. Ikaw nama’y maliksing nagdadampot ng mga laglag na dahong
kawayan at sinubukan mo itong lalahin.

Ang sinabi mo’y “Sige, ipagpatuloy mo lang ang iyong pag-aawit at ako’y maghahabi ng mga
pangarap.”

“Hindi kaya aagos sa mga siwang ang ating ligaya?”Medyo nayamot ka’t kinurot mo ako, “Anong
siwang? Basta’t willing tayong mag-sacrifice…magkandurugo man ang katawa’t puso natin sa
daan…”

Tumahimik ako’t inabot ang iyong kamay na nakadantay sa ibabaw ng iyong tuhod at dagling
nagdaop ang ating mga kamay. At ngumiti kang nakasandal nang buong lambing sa aking balikat.
Hindi nagkandatuto ang pagbigkas ko sa aking damdamin dahil binuka mo ang iyong mga labi na
lagusan ng walang katumbas na tamis at luwalhati.At ngayo’y naglalaro ang iyong mga biloy.
Pakiramdam ko’y tumitingkayad ang mga sandali sa saliw ng piano instrumental ng jingle bells
nitong Paskong-paskong-atmosphere ng Sam’s Chicken Plaza. Nakikiliti ang aking kalooban sa
kay-tagal-nang-di-naranasang uri ng ligaya. Sinubukan kong sisirin ang lalim ng iyong damdamin,
gayong kay bait ng mga sandali. Hinatak ko ang iyong gunita doon sa sulok ng aking pusong
pinagluluklukan ng iyong larawan…ng larawan nating dalawang naglalambingan.

“Pero Eric, kay tagal na … maraming taon na ang nakalipas. Hindi ka ba nakalimot?”

“Ikaw, nakalimot ka na?”

“Maraming mga vital questions ang dapat kong ire-resolve, Eric. Maraming mga pagbabago .. we
have passed many crossroads. At hindi madali, kasi…kasi hindi na ako ang dating Iris na kilala
mo, Eric…” hinawan mo ang kapirasong damdaming bumabara sa iyong lalamunan.

At sa iyong pagpatuloy, sinalaysay mo ang iyong paglulutang-lutang sa kalituhan at kahungkagan


ng kaluluwa doon sa “land of milk ang honey.”

Sa loob ng ilang taon, hinanap mo’y kahulugan ng iyong buhay. Natangay ka sa agos na
sumadsad sa iyo sa kakaibang kaugalian. . .kakaibang wika. . . kakaibang kultura. . . kakaibang
mga hangarin at pagnanasa.Idinampi mo ang iyong palad sa dibdib, “Pilipinas ang aking pinang-
galingan at nakarating ako sa America. After so many years I feel like I don’t belong to either
place.
Nahihirapan akong maghanap sa aking identity.

”Dumating ang ating order at na-busy ang ating mga kamay sa pag-asikaso sa roast chicken na
pinaliligiran ng mga dekorasyong dahon at sangkap. May kaparis itong sauce at ilang pirasong
tinapay at potato salad. Napalingon tayo sa may pintuan at nakita ang isang marusing na bata…
gusto yatang pumasok sa restaurant. Pero bago pa man niya naitulak ang pintuang kristal ay
pinalayas na siya ng guwardiya. Dinapuan tayo ng awa sa bata, nagtinginan tayo at agad pinukol
natin ang guwardiya ng muhi sa ating mata. Nagsalumbaba ka’t tumitig sa aking mata...tagos sa
aking mata...tagos sa dingding ng Sam’s Chicken Plaza. Alam ko. May mga landas sa kalawakan
ng panahon na tinatalunton ng iyong alaala. Oo, naaalala mo ang mga sandaling pinagsaluhan
natin kasama ang mga estudyante’t kabataang kagaya nati’y masugid at matapat na
nagtataguyod sa islogang “seize the day, seize the hour,” noong puno-sa-aksiyong Dekada
Sitenta.

Kagaya noong isang hapong nandoon tayo sa ating kinagawiang rendezvous sa tabi ng UP lagoon
—nagbibilang ng mga sandali’t panakaw-nakaw na lumalagok ng tamis ng pagmamahalan...nang
namataan natin sa may tapat ng AS building ang paparaming lipon ng mga estudyante. May
nagtali ng pulang tela sa ulo, may nagsuot ng Vietcong jacket tulad ng sa iyo, may nakasombrero
ng Red Army cap na may red star sa harap. Mayroon palang mass action na isasagawa sa front
steps ng AS building pagkagat ng dilim, na kung saan magtatanghal ang Panday Sining ng dulang
adaptation ng Waiting for Godot. Pinag-taytolan nila ng Ang Paghihintay kay Andong

.“Punta na tayo,” nagyaya ka.

“Mamaya na…’pag nag-umpisa na.”

“Hoy, baka maakusahan tayo ng dikitismo!” at dalidali kang tumayo’t lumakad nang hindi na
naghintay sa akin.Sa ibang pagkakataon, niyaya mo ako sa isang gathering kasama ng ating mga
kaibigang puro tagapaghabi ng mga pangarap. Nagdala ako ng mga chocolate na nagpatamis sa
ating mga bibig matapos nating supilin ang ating gutom sa pamamagitan ng barkekyung manok.
Pinagmumudmod mo ang iyong ngiti sa ating mga kakusa. Di nagtagal at pumasok tayo sa sala
ng bahay at kumanta ng Internationale. Sumigla ang pulso ng gabi. Pinabaktas mo ang iyong
mga daliri sa mga teklado ng piano. Nagkatono ang mga liriks ng tulang naka-graffiti sa pader ng
aking puso. Nang sumunod na gabi…sa isang sulok sa loob ng bahay ninyo, hinaplos-haplos tayo
ng maputlang liwanag. Ang mga bulong sa lumalalim na gabi nagpatindi ng ating pagnanasa. Ang
dilim ay balabal na nagpaapoy sa ating mga katawan sa gitna ng lumalamig na hangin ng
Disyembreng yaon ng ating buhay. Pagdating ng oras ng pamamaalam, nahirapan tayong
paghiwalayin ang ating mga katawa’t damdaming nagkalingkis.

At ngayon...ngayo’y napakagat-labi akong bumubulong—O Iris, paano ko iwanan ang pinagtirikan


ng aking pag-ibig? Kay hirap hablutin ang saligang tagdan ng pagsintang nakaugat sa maraming
karanasa’t gunita.

Ikaw Iris, ikaw pa rin!

“Anong hinahanap mo sa akin, Eric...?” wala ang dating lambing ng iyong tinig. Kangina nang
nagtagpo tayo, nagparelaks sa aking damdamin ang ipinakita mong carefree na gawi. Ngunit
ngayo’y nararamdaman ko ang pag-igting ng mga sandali habang kaharap kita nitong munting
mesa sa pagitan nating dalawa. Parang nangangatal ang aking bibig,

“Iris, tapusin natin ang ating nasimulan. Sayang naman ang ipinunla nating halimbawa para sa
bukas-makalawa—pagsintang pwedeng maging salamin ng tagapagmana ng ating kasaysayan...”

“Pero...pero di ba nag-asawa ka, Eric?”

“Kay tagal-tagal na naming naghiwalay ni Daisy, Iris. Labinlimang taon na. Hindi kami
magkasundo. Hindi ko talaga siya iniibig!”

Minasdan ko ang iyong reaksiyon, tapos...”Ikaw Iris, bakit ka umalis?”Saglit na kumulimlim ang
iyong mukha,
“Wala akong sapat na lakas-loob para suwayin si Mama, Eric. You knew that. Oh Eric, ‘wag mo
akong sumbatan…please! Tayo na, umalis na tayo…”

Sumakay tayo ng bus patungong UP. Nais kong pagliyabin muli ang natitirang apoy sa ating puso,
isa-isahing damputin at tipunin ang mga butil ng alaala—naiwan sa mga kalsada, mga plasa, mga
koridor at classroom at mga lilim ng mga punungkahoy sa mga unibersidad, bagama’t binura na
ng libu-libong hangin, init at ulan ang mga bakas at ingay ng makasaysayang Dekada Sitenta.
Niyaya kitang dumalaw sa tabi ng UP lagoon, sa ating dating tagpuan. Ngunit umayaw ka.
Inalalayan ko ang iyong gunita upang taluntunin ang mga landas ng kahapon.

“Naniniwala ka bang ang pinaka-landmark na action ng FQS ay ang Diliman Commune?”“Ay,


Diliman Commune...?” nanaginip ang iyong mga mata, “muntik na akong matamaan ng
tumilamsik na mga pirasong semento, nang lumusob ang Metrocom…?”

“Hindi ‘yon mga piraso ng semento, Iris…mga live bullets yong pinaulan ng Metrocom sa ating
barikada!”“Oo nga…‘buti na lang nakatakbo agad tayo sa Kamia dorm, ano!”

“Sa labas ng Sampaguita dorm, nagbanatan ang ating Pillbox brigade at ang Metrocom!
Nadaplisan ang balikat ni Ka Benig sa Tondo…natatandaan mo?”

“Kasama natin sina Judy, May-an, Stella, Reggie at. . .si Mario! Nasaan na sila?”“Naririto pa sila.
Si Judy nagtuturo dito sa UP. Si May-an namamahala ng isang NGO, si Stella nasa Silliman, at si
Reggie isang practising physician na. Si Mario naman ay namundok ‘yon. . .at napatay. Of course,
alam mong nauna pa si Lorena sa kanya. . . alam mo. . .Oo, alam mong sa puso ng bawat
kasamang kasangkot sa mga pakikibaka, mga pagpapakasakit, nakaranas ng bangungot sa
stockade. . . mayroong mga lihim na luklukan ng bawat salaysay na bahagi ng ating
nakaraan. . .ng ating nakaraan…Huwag mong pigilan ang iyong luha, Iris. Umiyak ka. Hayaan
mong dumaloy lahat ng lumbay. O di kaya’y kumanta ka! Kantahin mo ang malungkot na ritmo sa
iyong kaluluwa.

“Araw na lubhang mapanglaw, lipos ng kadiliman, nasadlak ang kanyang buhay para sa iyo
bayan…” kaparis ng pagkanta natin sa pagkamatay ni Enrique, estudyante ng Lyceum, na halos
durog ang ulo’t bali-bali ang katawan sa mga hampas ng truncheon… “ang kanyang simulain
tigmak ng dugo’t luha, at dapat nating itaguyod hanggang sa wakas...” Naaalala mo? Oo, hindi
mo malilimutan ‘yong gabing…Unti-unting bumibigat ang hangin sa ating hiyaw.

May halong takbo ang ating mga hakbang na nakisabay sa mga silabol ng “Imperyalismo,
Piyudalismo, Burukrata Kapitalismo! Ibagsak!” Sa kabilang bahagi naman ng mahabang martsa
dumadagundong ang “Sigaw ng bayan, himagsikan!” ng dumadaluyong na taumbayan. Ang
sagadsad ng libu-libong paa sa mga kalsada ng University Belt patungo sa Mendiola, hindi malayo
sa tirahan ng Dambuhalang Buaya ng Pasig, ay nagpalipad sa alikabok, naghalukay sa
maalingasaw na mga estero’t kanal ng ating pinakamamahal na Siyudad.Kinabukasan, nagkalat
ang mga leaflets at iba-ibang klase ng manifesto at handouts sa mga sidewalk at lansangan,
nagdulot ng walang-katapusang gawain sa mga metro aides. Samantalang sa loob at labas ng
mga classroom at sa mga lilim ng akasya sa Diliman at ibang eskwelahan walang-tigil ang
pagwawalis sa mga damo sa utak sa pamamagitan ng mga teach-in at group discussion na
pinanguluhan ng mga radikal na aktibista. Lumalala ang kolonyal at piyudal na kaisipan sa
lipunan. At ni hindi man lang natitibag ang pader ng graft and corruption sa gobyerno, bagkus ay
lumalala pa.Kinagabihan, sa Plaza Miranda, nagmaskara tayo kasama ng mga singers ng Gintong
Silahis. Siningit natin ang awiting Tigreng Papel sa maikling dulang nagdiriwang sa
makasaysayang papel ng rebolusyonaryong mamamayan sa pagwasak sa kuta ng naghaharing
uri. Nagsiupo ang mga kabataan sa malapad na larangan sa may harap ng Quiapo Church,
nagpalipas ng gabi sa pamamagitan ng mga talumpati, tula, awit at dula.

“Drens,” iyon ang tawagan natin sa isa’t-isa dahil iyan ang uso ng masiglang kapanahunang yaon,
“mauna na akong umuwi, baka kasi mahayblad na naman si Mama?”“Tena, ihahatid kita.”
Inakbayan kita’t nabigkis ang mga katawan nating sakay sa jeepney patungo sa bahay ninyo sa
Project 2. Doon sa madilim na sulok ng bakuran na pinagyungyungan ng mga sanga’t dahon ng.
aratiles katabi sa gate ng bahay ninyo…doon ipinagdiwang natin ang ating pag-ibig. Ang mga
neonlights sa siyudad ay nagsabog ng mga alipato sa langit. Nawisikan ng mala-rosas na sinag
ang iyong mukha. Inangat ko ang iyong baba, pinalis ang kapirasong buhok na naligaw sa iyong
pisngi at hinagkan ang bibig mong malugod na tinanggap ang alay mula sa aking sumisigaw na
kalooban Hinipo ko ang iyong dibdib, walang-bra sa ilalim ng pulang T-shirt na pinagsapawan ng
Vietcong jacket. Mayamaya, dinuyan ng aking dalawang kamay ang iyong puwitan. At ilang saglit
pa’y inangat ko ang iyong malambot na kabuuan. Gumanti ang mga hibla ng iyong kalamnan sa
aking naninigas na kalagitnaan...nanginginig ang mga kamay kong nangalap sa misteryo ng iyong
pagka babae. Hanggang kapwa tayo nanlalambot at napadaus-os sa nagkalat na mga dahon ng
aratiles---tahimik sa gitna ng bagong sabog na ingay sa mga unang sandali ng madaling-araw.

Mayamaya’y, bumulong ka, “Magkikita tayo mamayang hapon.“ At nang hapong yaon...tungo sa
gabi... “Makibaka! Huwag matakot!”Pumapaibabaw ang sigaw sa karimlan, malakas ang mga
yabag ng libu-libong nagmamartsa, winagayway sa ibabaw ng mga hiyaw ang mga pulang
streamers, parang mga talulot ng mga dambuhalang gumamela. Tuwi-tuwina’y bumibilis ang
ating mga hakbang, lumalakas ang pintig ng ating puso. Dumagundong ang mikropono,

“Sa embassy! Sa embassy!”Sinalubong tayo ng mga Metrocom, naglalakad na nagtatago sa likod


ng kanilang mga kalasag, bitbit ang mga truncheon. Pero sumugod ang ating hanay na
nagkakapitbisig—malaking puwersa ng mga estudyante’t kabataan, mga drayber at mga
manggagawa, mga titser at propesyunal, pati mga sidewalk vendors at taga-halukay ng basura.
Ikaw at ako’y nagkadikit na tila pinag-welding ang ating mga bisig, humihingal sabay sa kalantog
ng ating dibdib at maliksing bugso ng kumukulong dugo sa ating mga ugat. Ang ating poot ay
itinudla sa imperyalistang Amerikanong nagpalipad sa presyo ng gasolina’t lahat ng bilihin tungo
sa mga ulap.

Hindi nagtagal....“Takbooo! Namamaril ang mga sundalo! Mga Metrocom


sumusugod!”Nagkandarapa tayo, hinila kita, pero hindi ka makatakbo nang matulin, natanggal
ang takon ng iyong isang sapatos. Pinulupot ko ang aking bisig sa iyong baywang. Ngunit
biglang-bigla, animo’y kidlat, tinamaan ako ng napakalakas na hampas sa ulo. Nang ako’y
bumagsak, nasubasob ang aking bibig sa semento. Natikman ko ang aking sariling dugong nahalo
sa buhangin. Sinundan pa ng isang hampas ang aking likod. At sa aking pagkalugmok nasulyapan
kitang nagsisisigaw habang hinatak ako ng mga Metrocom papalayo sa iyo—
papalayo...papalayo...parang panaginip.

Nanaginip ako... ang aking mga pilik-mata’y tila mga rehas na gumuguhit sa maputlang liwanag
ng bukangliwayway. Subalit ang totoong mga bakal na rehas ang siyang natambad sa aking mga
mata pagkagising ko sa loob ng stockade. Ikaw ang una kong hinanap pagbalik ng aking ulirat
mula sa guniguni ng gabi.Saan ka, Iris? Lagi kang nagpakita sa aking mga panaginip at
bangungot sa loob ng bilanggoan. Ngunit hindi ka dumalaw kahit minsan man lang. Nasabi ni
Clarence na pinsan ni Judy, pinapunta ka raw sa Amerika. Halos mabuang ako sa kaiisip sa iyo.
Kaunting bagay ay ginawa kong dahilan para gumuho ang daigdig, hanggang nabartolina ako sa
bintang na ako’y nagtangkang tumakas.Dalawang taon ako sa stockade, Iris....

At sa aking paglabas hinanap kita sa mga lansanga’t mga plaza at sa iba pang mga alaalang
dinaanan ng ating mga pangarap para sa kinabukasan at kalayaan. Hanggang nagkatagpo kami
ni Daisy na katulad ko’y nangalap din ng mga suhay sa buhay. Sa hangaring mapunan ang aking
lungkot, pangungulila at kabiguan, isinama ko siya sa ilalim ng isang bubong—nag-live-in kami ng
humigit-kumulang isang taon. Subalit walang puwang ang paglimot, Iris.

Ikaw...ikaw at ang ating pinagsaluhang mga sandali—sila’y walang katapusan! Tulad ng pangarap
para sa katubusan.Labimpitong taon ang lumipas magmula ng sandaling ikaw’y saklutin mula sa
aking mundo. At ngayon...nitong siyudad na pinaghahandugan natin ng ating mga lunggati’t
pagpupunyagi…ng ating pag-ibig at pagpapakasakit…nagkikita tayong may kanya-kanyang bitbit
na salaysay, halos dalawang dekadang limbo ng ating buhay

.“Marami akong attempts na bisitahin ka sa stockade, Eric. Pero, binigo lahat ni Mama. Dalawang
buwan mula sa iyong pagkabilanggo, isinama ako ng aking auntie sa Amerika. Kung ilang beses
akong sumulat sa iyo. Pero hindi ka sumagot. At nabalitaan ko na lang na nag-asawa ka na.”
“Wala akong natanggap na sulat mo, Iris.

Wala.”“Well, wala nang kabuluhan para pagtalunan natin yan, Eric. Basta’t nangyari ang nangyari
na wala sa kapangyarihan natin ang makapagpigil. Kahit ang EDSA nangyaring hindi naaayon sa
ating mga layunin, ‘di ba?”

“Edsa...? Totoong hindi natin ‘yon napaghandaan. Pero, let there be no mistake about it! Malaki
ang papel ng FQS at ang walang-humpay na pakikibaka ng masang rebolusyonaryo sa panahon
ng martial law.”

“Pero salamat sa Edsa revolution pinayagan akong umuwi dito sa Pilipinas.”

“Wala kang kasintahan sa Amerika, Iris? Babalik ka ba roon?”

“Hmmm...tatlo, apat...siguro’y higit pa ang naging boyfriends ko, Eric. Pero, so what? Dumaan
lang sila sa aking buhay... at aywan.. . ‘di pa ako sigurado kung babalik ako sa Amerika”,
tumahimik ka sandali,

“Bakit…?”Bakit? Ikaw dapat ang may tiyak na kasagutan sa iyong “bakit”.

Inanyayahan kitang magpunta sa Quiapo...sa Plaza Miranda—larangan ng laksa-laksang salita’t


kamaong winasiwas sa langit, eksena ng mapagbatikos na mga aksiyon, dambanang
pinaghandugan ng ating pinakadakilang hangarin para sa kalayaan at kinabukasan. At sa di-
inaasahang pagkakataon, napadako tayo rito sa loob ng Simbahan ng Quiapo. Nitong malamig na
dapithapon limang araw papalapit sa pagsilang ng Banal na Bata. Kumukurap-kurap ang mga
kandila na parang mga alitaptap. Sa aking isipa’y napagwari ko kung hindi nga kaya ang mga ito’y
mga mata ng mga bayani ng ilang siglong pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa
kalayaan...nagbabantay sa atin sa kung anong di-maaarok na dahilan?

Mula sa labas dumaloy sa ibabaw ng humihiging na dasal ang tinig ng mga batang kumakanta ng
“Pasko na naman…” Umisod ka’t naglapat ang ating katawan, inabot mo ang aking kamay,
hinawakan nang mahigpit. Inaninag ko ang iyong mukha sa gitna ng pusyaw na liwanag.

Inilapit mo ang iyong bibig sa aking tainga, “Drens, mag-alay tayo ng kaunting
panalangin…’“Hmm…?”“Para sa lahat na nauna nang lumisan sa atin…”“Oo, mga manlalakbay sa
mahabang gabi...naghawan ng mga landas sa kasaysayan.”

*****wagas*****

You might also like