You are on page 1of 4

COLLEGE OF EDUCATION

Colegio De La Purisima Concepcion


The School of the Archdiocese of Capiz
Roxas city

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

MF 15- Maikling Kuwento at Nobelang Filipino

WEEK 1 (PRELIMS)

Name of the Unit Topic- Kahulugan at Layunin ng Maikling Kuwento

KYLA MAY T. ANDRADE BSED III

1. Intnded Learning Outcomes:


Pagkatapos ng isang linggong aralin, ikaw ay inaasahang:
a. Maibibigay ang kahulugan ng maikling kuwento.
b. Matutukoy ang mga bahagi at elemento ng maikling kuwento.
c. Mailalarawan ang mga ito.

4. Pagsasanib (Involvement)

Panuto: Punan ng wastong sagot and bawat kahon.

Mga Katanungan Mga Sagot


1. ANO ANG MAIKLING KUWENTO? Ang maikling kuwento ay naglalahad ng
madulang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at nag-iiwan ng kakintalan sa isipan at
damdamin ng mambabasa.

2. ANU-ANO ANG MGA BAHAGI NG 1. Simula


MAIKLING KUWENTO? TALAKAYIN Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at
ANG BAWAT BAHAGI. suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-
sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang
papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida,
kontrabida o suportang tauhan.

2. Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan,
tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.

3. Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan.
Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-
unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang
katapusan ang bahaging kababasahan ng
magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya
o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
3. ANU-ANO ANG MGA ELEMENT NG 1. Panimula
MAIKLING KUWENTO? TALAKAYIN Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
ANG BAWAT ISA. mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang
iba sa mga tauhan ng kwento.

2. Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.

3. Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng
tauhan o mga tauhan sa kwento.

4. Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:

Tao laban sa tao


Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa kapaligiran o kalikasan

5. Kasukdulan
Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.

6. Kakalasan
Ito ang tulay sa wakas ng kwento.

7. Wakas
Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

8. Tagpuan
Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga
aksyon o mga insidente. Kasama din dito ang
panahon kung kailan naganap ang kwento.

9. Paksang Diwa
Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.

10. Kaisipan
Ito naman ang mensahe ng kwento.

11. Banghay
Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.
5. Individual Worksheet
Panuto: Suriin ang sumusunod na kuwento. Kilalanin ang bahagi nito. Ipaliwanag kung nabanggit ba
ang mga elemento ng maikling kuwento. Isulat sa pael ang inyong sagot.

Si Juan at ang mga Alimango

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. “Juan, pumunta ka sa palengke at bumili ng
mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian.”

Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.Nang makarating si Juan
sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng
matataba. Binayaran ni Juan ang tindera ng alimango at nagpasalamat siya.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nila sa palengke ay
naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang
naghihintay sa kanya ang ina kaya’t naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango.

“Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at
pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin.
Sige, lakad na kayo.”

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos
ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na
nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang kanyang
sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan.

Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng kanilang hagdan.
Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan.

“Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?”

“Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?” Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. “Juan, ano ang ibig mong sabihin?”

“Nanay, kaninang umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na.”

“Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon.”

Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi nakauwi ang mga
alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay
naliwanagan si Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.

PALIWANAG:

Sa maikling kwento na ito ay napakita ang tatlong element ng maikling kwento. Ang simula kung saan pinabili
si Juan ng kanyang ina ng alimango. Gitna kung saan piniling magpahinga ni Juan at paunahin nang umuwi
ang mga alimango. At ang wakas ay nung nagulat siya na wala pa ang mga alimango at pinaliwanagan siya
ng kanyang Ina na walang utak ang mga ito.
6. Interventions (Enhancement Activities):

Gumawa ng sariling kuwento at ipaliwanag ang bawat bahagi at elementong nabanggit.

“LAMOK”

Si Kyla ay freshman sa isang koloheyo sa Capiz. Isang araw habang sa kalagitnaan ng klase ay
biglang tinawag siya ng kalikasan. Tumayo si Kyla at lumapit sa kanyang prof. upang magpaalam
sandali. Napili ni Kyla na gamitin ang pinakamalayong bahagi ng kubeta. Habang nakaupo, biglang
nakaramdam ng pagka-irita si Kyla dahil pakiramdam niya ang daming lamok na paikot-ikot sa
kanyang ulunan. Hawi dito, hawi doon. Nang matapos ang babae sa paggamit ng banyo ay
dumiretso siya sa hugasan. May nakita siyang naglilinis sa may lababo at ang kanyang wika “sakto
nandito si Manang, mapagsabihan nga”.

Si Manang ay isang janitress at matagal na siya nagtratrabaho sa unibersidad na iyon. Ang unang
bati ni Kyla ay “Manang, mag-spray naman kayo dito sa banyo, ang daming lamok doon sa huling
bahagi ng banyo. Ikot ng ikot sila sa buhok ko.” Ang tugon naman ng matanda “Iha walang lamok sa
banyong ito kasi lagi ko tong nililinis”. Biglang nakaramdam ng pagkayamot si Enda at winika na lang
sa sarili, “Eh ako mismo naramdaman ang mga lamok sa aking ulunan, Ano ba yan!”. Nang palabas
na si Kyla ng banyo biglang nagwika ang matandang janitress at sinabing “Iha sa gawing hulihan ng
banyong ito may isang babaeng nagbigti noong nakaraang taon dahil sa depresyon.”

PALIWANAG:

Sa maikling kwento na ito ay napakita ang mga bahagi at element kung saan pinakilala ang mga
tauhan at mga tagpuan ng mga gumaganap sa kwento. Bahagi ng suliranin sa kwento ay
mababasa rin, ang lubusang pagtalakay sa suliranin ng mga tauhan. Narito ang tunggalian at
pati na rin ang kasukdulan. Ang mga pangyayari ay unti-unting bababa patungo sa wakas na
siyang katapusan ng kwento.

You might also like