You are on page 1of 3

Diyos ko, Diyos ko

Bakit mo ako pinabayaan?

Magandang hapon po sa inyong lahat.


Ako po ay si Mely Sumilhig nakatira sa Phase2 C1 Karangalan
Village

Ito ang totoong nangyari sa anak naming na namatay sa sakit na


Leukemia, si Grace Sumilhig sa taon 1985 buwan ng Oktubre.
Namamalengke ako at ibinilin ko si Grace sa kapitbahay naming na
ninang niya, pag balik ko galing palengke sumalubong sa akin si
Grace na may bukol na sa ulo, ang sabi ng ninang niya ito daw ay
nahulog sa tapat ng bahay naming na kung saan may hinukay na
kanal at ito daw ay patiwarik na nahulog.
Doon nag umpisa na palagi ng nilalagnat si Grace, dinala
naming sa health center at sinabi ng doctor dalhin na raw naming si
Grace sa Ospital para daw masuri kung ano ang dahilan sa pabalik-
balik na lagnat kaya dinala naming siya sa Veterans Hospital, doon
nilabaratory kaagad ang bata at nakitaan sa batok na mayroon ugat na
nakabaluktot. Pinag aralan ng mga doctor at Nakita na ang dugo na
dumadaloy doon sa ugat ay puti na hindi na mapula, dahil sa mapuri
na ang dumadaloy ng dugo kaya kailangan ng Salinan siya ng dugo at
dahil maputla na ang bata dalawang beses sa isang linggoang
pagsalin ng dugo niya type AB. At kapag bibili kami ng dugo
kailangan pa na screened na ang bilhin naming para diretso na itong
isalin sa bata at kapag nasalinan na ng dugo ang bata makikita mo
ang lakas-lakas na ng katawan ng bata. Kapag hindi siya masalinan
mahinang mahina ang katawan niya.
At dumating ang araw na kailangan i-bone marrow na siya, kaya
kailangan ipasok nanaman naming siya sa Ospital, nung i-bone
marrow na siya ang laki pala ng karayom na itutusok sa likod niya.
Simisigaw ang bata sa sobrang sakit, awang – awa ako sa kanya ang
sabi niya Mama ayaw ko na hindi ko na kaya, ang sakit habang
sumisigaw ang anak ko parang tinutusok rin ng karayom ang puso ko,
dahil sa awang awa ako sa kanya kaya sa mga oras na yun nasabi ko
sa Panginoong Diyos ko asan ka sa mga oras na ito kailangang –
kailangan ka ng anak naming, tulungan mo siya hindi ko kayang
marinig ang kanyang sigaw at nasabi ko Lord, sa akin mo na lang
ibigay ang sakit niya, dahil hindi ko kayang Makita na nasasaktan
ang anak ko.
Nang matapos i-bone marrow ang anak ko naka iskedule na
naman siyang I-cobalt, nang ipasok siya sa radiation room doon
sumisigaw nanaman siya sa takot baka ano na naman daw ang
gagawin sa kanya, anak sandal lang yan at pumayag din siya. Mamg
nilabas siya sa radiation room na yon, mahinang mahina ang bata,
parang lantang gulay ang bata hindi makalakad, kaya inuuwi ko
siyang karga hanggang makarating kami sa aming tahanan.
Nan mga ilang araw unti – unting nalalagas ang buhok niya, ang
sabi niya mama makakalbo na ako ubos na ang buhok ko, ang sabi ko
anak wag kang mag alala dahil bibilhan kita ng wig para may buhok
ka parin at maganda ka parin at gaganda ka sa wig na yon. At doon
ko Nakita na sa likod ng kanyang paghihirap, tuwang tuwa siya na
may luha ang kanyang mga mata dahil sa hirap na diranas at dahil
alam na niya na hindi na magtatagal ang buhay niya dahil tinapat na
kami ng Doktor niya na anim na buwan lang daw ang buhay ng anak
naming. Ang sabi ko Doktor may taning kaagad? Hanggang kailan
yon Dok. Ang sabi ng Doktor hanggang June nalang ang buhay niya,
nang mga oras na yon parang tinakloban ako ng langit at lupa, hindi
ko matanggap ang sinabi ng Doktor. Doon nag mamakaawa na
naman ako sa panginoon, Diyos ko bakit ang anak ko bakit mo
pinabayaan ang anak naming. Dahil doon nagsikap kaming mag
asawa na gumawa ng iba pang paraan para sa kagalingan ng bata.
Inilabas naming siya sa Ospital at kung saan – saang albularyo
naming dinala ang bata, makarating lang sa sinasabing manggagamot
pero wala din nangyari.
Dumating ang huling pasok naming sa Ospital, alam na ng
Doktor na oras na ng anak naming, hindi kami nilagay sa kwartong
maliwanag sa halip doon kami nilagay sa kwartong madilim malayo
sa kwato ng mga pasyente at doon hinihintau naming ang oras ng
anak naming.
June 15, 1986 dumating ang huling oras niya sa edad apat at
kalahating taon, napakabata pa para kunin siya sa amin ni Lord.
Mapakasakit mawalan ka ng isang mahal sa buhay, pero tanggap na
naming yon, dahil talagang hanggang doon lang ang buhay niya, ang
paulit ulit kong tanong Diyos ko, Diyos ko, bakit mo kami
pinapabayaan?

You might also like